Hukom (Judges)

1 • 1 Pagkamatay ni Josue, sinangguni ng mga Israelita si Yawe: “Sino sa amin ang unang sasalakay sa mga Kananeo?” Su¬magot si Yawe: 2 “Unang sasa¬lakay ang tribu ng Juda, at ibibigay ko sa kanilang mga kamay ang lupain.” 3 Kaya sinabi ng mga taga-Juda sa kanilang mga kapatid mula sa tribu ng Simeon: “Tulungan ninyo kaming sakupin ang bahagi ng lupaing nauukol sa amin, at pagkatapos, magka¬sama nating sasakupin iyong nauukol sa inyo.” Kaya magkasama nilang sinimulan ang paki¬ki¬digma.
4 Nang salakayin ng tribu ng Juda ang mga Kananeo at Perezeo, ibinigay ni Yawe ang mga ito sa kanilang mga kamay; sampung libong kawal ang nilupig nila sa Bezek.
5 Nakaharap nila dito ang Panginoon ng Bezek at sinagupa nila ito. 6 Tumakas ang Panginoon ng Bezek, ngunit tinugis nila ito. Nahuli nila ito at pinutol ang mga hinlalaki ng mga kamay at paa nito. 7 At sinabi ng panginoon ng Bezek: “Pitumpung hari na pinutulan ko ng hinlalaki sa kamay at paa ang dating namumulot ng mumo sa ilalim ng aking hapag-kainan; ngayon, ginawa sa akin ng Diyos ang ginawa ko noon.” Dinala nila ito sa Jerusalem at doon ito namatay.
8 Sinalakay ng tribu ng Juda ang lunsod ng Jerusalem, at pagkatapos patayin ang mga nakatira doon, sinunog nila ang lunsod. 9 Lumu¬song sila mula sa Jerusalem upang salakayin ang mga Kananeong naninirahan sa kaburulan, sa Negeb at sa kapatagan. 10 Sinalakay din nila ang mga Kananeong nasa Hebron (tinatawag din noong Kiryat-arba ang Hebron), at nilupig nila ang Sesai, Ahiman at Talmai. 11 Mula roon, sinalakay nila ang mga taga-Debir, isang bayan na tinatawag ding Kiryat-sefer. 12 At na¬ngako si Kaleb: “Ipakakasal ko ang aking anak na dalagang si Aksa sa sinumang makasasakop sa Kiryat-sefer.” 13 Si Otoniel ang nakasakop sa bayan; anak siya ni Kenaz, na naka¬ba¬batang kapatid na lalaki ni Kaleb, at ipinakasal nga sa kanya ni Kaleb ang anak niyang si Aksa.
14 Isang araw, lumapit si Aksa kay Otoniel at hinimok itong humingi ng bukirin sa kanyang ama. Bumaba si Aksa sa kanyang asno, at tinanong siya ni Kaleb: “Ano’ng ibig mo?” 15 Su-magot siya: “Napakainam na regalo ang ilang ng Negeb! Bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig!” At ibinigay sa kanya ni Kaleb ang mga Bukal sa Itaas at sa Ibaba.
16 Sumama na rin sa mga taga-Juda ang mga Kineo na mga inapo ng biyenan ni Moises mula sa lunsod ng mga Palmera hang¬gang sa bahagi ng Disyerto ng Juda sa hangganan ng Negeb na malapit sa Arad, at doon na sila nanirahang magkakasama.
17 Sinalakay ng mga taga-Juda at ng kani¬lang mga kapatid mula sa tribu ng Simeon ang mga Kananeo na naninirahan sa Sefat; winasak nila ito at inihandog sa karangalan ni Yawe. Kaya pinangalanang “Anatema” ang lunsod na ito. 18 Sinakop din ng Juda ang buong lupain ng Gaza, Askalon at Ekron at ang kani-kanilang nasasa¬kupan.
19 Bagamat nasakop nila ang mga bulu¬bun¬dukin sa tulong ni Yawe, hindi nila nai¬taboy ang mga naninirahan sa kapatagan sapagkat lu¬maban ang mga ito sa pama¬magitan ng mga karwaheng bakal. 20 Ayon sa utos ni Moises, ibinigay nila ang lunsod ng Hebron kay Kaleb na siyang nagpalayas mula roon sa tatlong anak na lalaki ni Anac. 21 Ngunit hindi nagta¬gumpay ang tribu ng Benjamin sa pagtataboy sa mga Jebuseo na naninirahan sa Jerusalem; nasa Jerusalem pa rin ang mga Jebuseo hang¬gang sa pana¬hong ito.
22 Sumalakay ang mga taga-Jose laban sa Betel, sa tulong ni Yawe. 23 Nagsugo sila ng mga espiya sa Betel, na dating tinatawag na Luz, 24 na nakasalubong ng isang lalaking palabas sa lunsod. Sinabi nila sa lalaki: “Sabi¬hin mo sa amin kung paano kami maka¬¬papasok sa lunsod, at hindi ka namin papatayin.” 25 Itinuro nga niya ito. Pumasok sila at pinatay ang mga taga-roon, ngunit pinalaya nila ang lalaki, kasama ang buong pamilya nito. 26 Pumunta ang lalaki sa lupain ng mga Heteo at doon nagtayo ng isang lunsod na pinangalanan niyang Luz na siya pa ring pangalan nito hanggang ngayon.
27 Gayunman, hindi pinalayas ng tribu ng Manases ang mga taga-Bet-sean at Taanac, at ang mga taga-Dor, Ibleam at Megiddo. Nag¬pumilit ang mga Kananeo na manatili sa mga lunsod na ito at sa mga bayang umaasa rito, at nanatiling kanila ang mga lupain nila. 28 Ngunit nang lumakas na ang mga Israelita, pinapagbuwis nila ang mga Kananeong nanatili sa ka¬nilang lugar. 29 Hindi pinalayas ng tribu ng Efraim ang mga Kananeong naninirahan sa Gezer, at 30 hindi rin pinalayas ng tribu ng Zabulon ang mga mamamayan ng Kitron at Nahalol. Kasama nilang namu-hay ang mga Kananeong ito ngu¬nit pinapag¬buwis nila.
31 Hindi rin pinalayas ng tribu ng Aser ang mga taga-Acco, Sidon o Alab, Acsib, Helba, Afik at Rehob.
32 Kinailangang manirahan sa piling ng mga Kananeong sumakop sa kanilang lupain ang tribu ng Aser. 33 Gayundin ang nang¬¬¬yari sa tribu ng Neftali: hindi nila nagawang palayasin ang mga taga Bet-sames at Bet-anat. Nanirahan silang kasama ang mga Kananeong nanatili sa lupain. Ngunit nagbayad ng buwis sa kanila.
34 Hindi pinahintulutan ng mga Amorreo ang mga taga-Dan na lumusong sa kapa¬tagan, kayat napilitan ang mga iyon na manirahan sa mataas na lupain. 35 Nanatili rin ang mga Amorreo sa Har-heres, Ayalon at Selebin, ngunit nang mas lumakas pa ang tribu ng Jose, pinilit nito ang mga Amorreo na bumuwis. 36 Nasasaklaw ng lupain ng mga Amorreo magmula sa tabing bundok ng Akrabim, at magmula sa Sela, pa¬itaas.

2 • 1 Umahon ang Anghel ni Yawe mula sa Gilgal pa-Bokim at sinabi sa mga Israelitang nagtipon doon: “Inilabas ko kayo sa Ehipto at dinala sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Sinabi ko sa kanila: ‘Hindi ko sisi¬¬rain kailanman ang aking tipan sa inyo, 2 ngunit hindi kayo gagawa ng anu¬mang tipan sa mga Kananeo; sa halip wawa¬sakin ninyo ang kanilang mga altar.’ Ngunit hindi ninyo ako si¬nunod. Bakit ninyo ginawa ito? 3 Kaya ngayon, hindi ko na sila palala¬yasin sa harapan ninyo. Aapihin nila kayo at magiging patibong para sa inyo ang kanilang mga diyos.”
4 Pagkasalita ng Anghel ni Yawe, nagsi¬mu¬lang manangis at umiyak ang lahat ng Israelita. 5 Kaya tinawag nilang Bokim ang lugar na ’yon, na ang ibig sabihi’y “silang tumatangis”, at nag-alay sila ng mga handog kay Yawe.
6 Nang paalisin ni Josue ang mga Israelita, pinuntahan ng bawat isa ang kani-kanyang mina-nang lupain upang sakupin ito. 7 Pinag¬lingkuran ng bayan si Yawe sa panahon ni Josue at ng mga pinunong huling namatay kaysa kanya na nakasaksi sa lahat ng kada¬ki¬laang ginawa ni Yawe para sa Israel. 8 Namatay si Josueng anak ni Nun at lingkod ni Moises sa gulang na sandaa’t sampung taon. 9 Inilibing siya sa hangganan ng kanyang minanang lupain sa Timnas-Heres, sa kabu¬rulan ng Efraim, sa hilaga ng Bundok Gaas. 10 Namatay ang buong lahing iyon at sumipot ang isang bagong salinlahi, na hindi kilala si Yawe at hindi alam kung ano ang ginawa niya para sa Israel.
Aral ng Aklat
• 11 Kaya ginawa ng mga Israelita ang hindi tama sa paningin ni Yawe, at pinag¬lingkuran nila ang mga Baal. 12 Iti¬nakwil nila si Yaweng Diyos ng kani¬lang mga ni¬nuno, na naglabas sa kanila sa Ehipto, at naglingkod sila sa ibang diyos, sa mga diyos ng mga karatig-bayan. Yumuko sila sa mga diyos na iyon at ginalit si Yawe.
13 Nang makita ni Yawe na itinakwil na siya ng mga ito upang maglingkod sa mga Baal at Astarot, 14 napoot siya sa Israel, kayat ibinigay niya ito sa kamay ng mga mandarambong na lub¬hang nagpa¬hirap dito. Siya mismo ang nagbili sa kanila sa kanilang mga ka¬away sa paligid nila at hindi na nila nakayang lumaban. 15 Tuwing makiki¬digma sila, kinakalaban sila ni Yawe at pinadadalhan ng kapahamakan tulad ng kanyang banta at sumpa sa kanila. At lubos nilang ipinagdalamhati ito.
16 Naglagay si Yawe ng mga “hukom” (o tagapagpalaya) na nag¬lig¬tas sa mga Israelita sa mga mandaram¬bong. 17 Ngu¬nit hindi rin nila sinunod ang mga “hukom” na ito kundi ipinag¬patuloy nila ang pagbibili ng sarili sa ibang mga diyos at sinamba ang mga ito. Kaagad silang lumihis sa landas ng kanilang mga ninu¬nong sumunod sa mga utos ni Yawe; hindi sila tumulad sa mga ito.
18 Tuwing maglalagay si Yawe ng isang hukom sa kanyang bayan, suma¬sakanya si Yawe at inililigtas niya ito sa mga ka¬away. Tumagal iyon habang nabu¬buhay ang hukom, sapagkat na-habag si Yawe dahil sa panaghoy ng kanyang bayang pinahihirapan at pi¬nag-uusig. 19 Ngu¬nit pag¬kamatay ng hukom, muli silang na¬giging mas ma¬sama pa kaysa kanilang mga ninuno – sa pagsamba at pagli¬ling¬kod sa ibang diyos. Ayaw nilang talikuran ang mga gawaing pagano at katigasan ng ulo.
20 Napoot si Yawe at sinabi: “Sinira ng mga taong ito ang pakikipagtipan ko sa kanilang mga ninuno at ayaw ni¬lang sumunod sa akin. 21 Kaya hindi ko na paaalisin sa harap nila ang alinman sa nalabing bansa pagkamatay ni Josue. 22 At susu¬bukin ko ang mga Israelita sa pamamagitan ng mga bansang ito, upang malaman ko kung susunod rin sila sa akin, sa dakong huli, tulad ng kanilang mga ninuno.”
23 Kaya hinayaan ni Yawe ang mga bansang ito na manatili sa mga lupaing kinaroroonan nila at hindi kaagad binawi sa kanila ang mga lupain. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi sila inihulog ni Yawe sa mga kamay ni Josue.
3 1 Ito ang mga bansang hinayaan ni Yaweng mabuhay upang subukin sa pa¬mamagitan nila ang Israel – ang lahat ng hindi nakidigma sa Kanaan. 2 Ginawa niya ito upang matutong lumaban ang salinlahi ng mga anak ng Israel na hindi pa nakakaranas ng digmaan. 3 Ang mga bayang ito ay ang limang panginoon ng mga Pilisteo at lahat ng Kananeo, Sidonio at Heveo ng Bundok ng Lebanon, mula sa bundok ng Baal-Hermon hanggang sa pasu¬kan ng Hamat.
4 Nanatili sila upang subukin ang Israel kung susundin ang mga utos ni Yawe na itinakda sa mga ninuno ng mga ito, sa pamamagitan ni Moises. 5 Kaya namuhay ang mga Israelita na kasalamuha ng mga Kananeo, Heteo, Amorreo, Perezeo, Heveo at Jebuseo. 6 Pinakasalan ng mga Israelita ang mga anak na babae ng mga ito, ipinakasal ang kanilang mga anak na babae sa mga anak na lalaki ng mga ito, at pinag¬lingkuran ang mga diyus-diyusan ng mga ito.
Otoniel, Ehud at Samgar
• 7 Masama sa paningin ni Yawe ang ginawa ng mga Israelita; kinalimutan nila si Yaweng Diyos nila at pinagling¬kuran ang mga Baal at Asera. 8 Dahil dito, nag-alab ang poot ni Yawe laban sa Israel at inihulog niya ito sa mga kamay ni Kusan Risataim, hari ng Aram, na sumakop sa mga Israelita nang walong taon.
9 Subalit nang dumaing ang mga Israelita kay Yawe, naglagay si Yawe sa kanila ng isang tagapagpalaya; naligtas sila sa pamamagitan ni Otoniel na anak ni Kenaz, na nakababatang ka-patid naman ni Kaleb. 10 Sumakanya si Yawe at na¬muno siya sa Israel. Nang makidigma si Otoniel, inihulog ni Yawe sa kanyang mga kamay si Kusan Risataim na hari ng Aram. 11 Nagapi ni Oto¬niel ang hari at apatnapung taong nag¬karoon ng kapa¬ya¬paan sa lupain. At namatay si Otoniel na anak ni Kenaz.
12 Muling ginawa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Yawe, at pina¬lakas niya si Eglon, hari ng Moab, upang sa¬la¬kayin ang mga Israelita.
13 Inianib ni Eglon ang mga Amonita at Amalekita; at magkakasama nilang sina¬lakay ang Israel at nilupig iyon, at sinakop ang Lunsod ng mga Palmera. 14 Labing¬walong taong sumailalim ang mga Is¬raelita kay Eglong hari ng Moab. 15 Subalit tumawag silang muli kay Yawe kayat binigyan sila nito ng isang taga¬pagligtas – si Ehud, isang kaliwe¬teng anak ni Gera, mula sa tribu ng Benjamin.
Nagpadala sa kanya ang mga Isra¬elita ng isang regalong ibibigay kay Eglong hari ng Moab. 16 Gumawa si E¬hud ng isang balaraw na magkabila ang talim, na isang talampakan at kala¬hati ang haba at itinali iyon sa kanyang kanang hita, sa ilalim ng kanyang damit. 17 At ibinigay niya ang regalo kay Eglong hari ng Moab. Napaka¬taba pala nito. 18 Matapos maibigay ni Ehud ang regalo, pinaalis na niya ang mga taong nag¬dala nito. 19 Nang nasa lugar na sila ng mga Diyus-diyusan, malapit sa Gilgal, nag¬¬balik siya sa hari at sinabi kay Eglon: “May sikreto akong sasabihin sa inyo, O Hari.” At sinabi ni Eglong hari ng Mo¬¬¬¬¬ab: “Bayaan ninyo akong mapag-isa!” Ka¬ya umalis ang lahat ng nasa si¬lid.
20 At nilapitan siya ni Ehud, habang mag-isa siyang nakaupo sa kanyang pan¬sariling kuwarto sa tuktok ng pa¬lasyo. Presko roon. Sinabi ni Ehud: “Panginoon, may pasabi ang Diyos para sa inyo.” Tumindig ang hari mula sa kinauupuan. 21 At kinuha ni Ehud ng kaliwang kamay ang balaraw sa kanyang kanang hita at itinarak sa tiyan ng hari. 22 Bumaon pati ang puluhan kasama ng talim na natak¬pan na ng taba dahil hindi na hinugot ni Ehud ang balaraw sa tiyan ng hari. 23 Lu¬mundag si Ehud mula sa bintana pagka¬kan¬dado niya ng mga pinto ng kuwarto.
24 Pagkaalis niya, dumating ang mga utusan at nakitang nakakandado ang mga pinto sa kuwarto sa itaas. Naisip nila: “Ma¬rahil, nagbabawas siya sa pres¬kong kuwarto.” 25 Matagal din silang naghintay, ngunit nanatiling sa¬rado ang kuwarto sa itaas. Sa wakas kinuha na nila ang mga susi at bi¬nuksan ang mga pinto: patay na nakahandusay sa sahig ang kanilang pangi¬noon!
26 Nakatakas na si Ehud habang nag¬hihintay sila; sa lugar ng mga Diyus-diyusan siya dumaan at na¬karating sa isang ligtas na pook sa Seira. 27 Pag¬dating niya, hinipan niya ang tambuli sa ka¬burulan ng Efraim, at lumusong mula sa kaburulan ang mga Israelita. 28 Tumayo siya sa harapan nila at sinabi: “Sumunod kayo sa akin, sapagkat ini¬hulog na ni Yawe sa inyong mga kamay ang mga Moabitang ating kaaway.” Lumusong kasunod niya ang mga Israelita, hina-rangan nila ang mga tawiran sa Jordan patungo sa Moab at walang pinadaang sinuman.
29 Nilupig nila ang Moab sa pagkaka¬taong iyon, at sampung libong malala¬kas at matatapang na lalaki ang kani¬lang pinatay. Walang natirang buhay. 30 Kayat nang araw na iyon, sumailalim sa Israel ang Moab. Walumpung taong nanatili ang kapayapaan sa lupain.
31 Pagkatapos nito, sumunod si Samgar na anak ni Anat; animnaraang Pi¬listeo ang pinatay niya sa pamama¬gitan ng tungkod na pantaboy ng baka. Iniligtas din niya ang Israel.
Sina Debora at Barak
4 • 1 Pagkamatay ni Ehud, muling gina¬wa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Yawe, 2 kayat ipinailalim sila sa kapangyarihan ni Yabing hari ng Kanaan. Naghari si Yabin sa Hasor, at sa Haroset-ha-goyim na¬man naninirahan si Sisara na heneral ng kanyang hukbo.
3 At tumawag kay Yawe ang mga Israelita, sapagkat siyamnaraan ang kar¬waheng-pandigma ni Yabin at dalawam¬pung taon silang pinahirapan nito.
4 Nang panahong iyon naging hukom si Deborang isang propeta at maybahay ni Lapidot. 5 Karaniwan siyang naka¬upo sa ilalim ng tinatawag na Palmera ni Debora, sa pagitan ng Rama at Betel, sa lupain ng Efraim. Doon niya nilulutas ang mga rek¬la¬mong inihaharap sa kanya ng mga Israelita. 6 At ipinatawag niya si Barak, na anak ni Abinoam, na taga-Kades ng Neftali. Sinabi niya rito: “Ito ang utos sa iyo ni Yaweng hari ng Israel: ‘Humayo ka sa Bundok ng Tabor at magsama ka ng sampung libong lalaki mula sa mga tribu ng Neftali at Zabulon, 7 sapagkat pa¬pu¬puntahin ko sa iyo si Sisara sa Ilog Kison, kasama ang mga karwahe at kawal niya, at ihuhulog ko siya sa iyong mga kamay’.”
8 Sumagot si Barak: “Pupunta ako kung pupunta ka; ngunit kung hindi ka pu¬punta, hindi ako pupunta.” 9 Sinabi naman ni Debora: “Sasama ako sa iyo, ngunit sa paraan mong ito, hindi ma-papasaiyo ang karangalan ng tagum¬pay; isa ngang ba¬bae ang papatay kay Sisara.”
At sumama si Debora kay Barak pa-Kades.
10 Tinawag ni Barak ang mga tribu ng Zabulon at Neftali at sampung libong kawal ang sumunod sa kanya. Umahon ding kasama niya si Debora. 12 Nang malaman ni Sisara na umahon si Barak sa Bundok ng Tabor, 13 tinipon niya ang kanyang mga karwahe – siyamnaraan lahat – at lahat ng kan¬yang kawal at umalis sila sa Haroset-ha-goyim pa¬tungo sa Ilog Kison.
14 At sinabi ni Debora kay Barak: “Bumangon ka, sapagkat ngayon ang araw na ihuhulog ni Yawe sa iyong mga kamay si Sisara. Sa araw na ito, nasa unahan mo na si Yawe.”
Kaya lumusong mula sa Bundok ng Tabor si Barak, kasama ang kanyang sampung libong kawal. 15 Pinapagta¬gumpay siya ni Yawe laban kay Sisara at sa mga karwahe at buong hukbo nito. Bu¬maba si Sisara sa kanyang kar¬wahe at tumakas, 16 samantalang tinu¬gis naman ni Barak ang mga kar¬wahe at ang hukbo hanggang sa Haroset-ha-goyim. Nalipol ang buong huk¬bo ni Sisara. Walang na¬tirang buhay.
11 Nang mga sandaling iyon, nag¬kampo si Heber na Sineo, sa tabi ng punong-ensina ng Za-anamin, malapit sa Kades, matapos bumukod sa iba pang inapo ni Hobab, na biyenan ni Moises. 17 Doon nagtago si Sisara, at patakbong pumunta sa tolda ni Yael, na maybahay ni Heber. Nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga Kenita at ng lipi ng mga Kananeo ni Yabing hari ng Hazor.
18 Lumabas si Yael upang salubungin si Sisara at sinabi: “Halikayo, aking pangi¬noon, huwag kayong matakot.” Pumasok si Sisara at itinago siya ni Yael sa ilalim ng isang kumot. 19 Humingi ng tubig si Sisara upang pawiin ang kanyang uhaw. Nag¬bu¬kas ng isang lalagyan ng gatas ang babae at pina¬inom si Sisara, at muling tinakpan ng kumot. 20 At sinabi ni Sisara: “Tumayo ka sa pintuan; at kung may da¬ra¬ting at magtatanong, sabihin mong wala kang kasama rito.” 21 Hapung-hapo si Sisara, kayat nakatulog siya. At kumuha ang babae ng isang martilyo at tulos ng tolda, tahimik na lumapit kay Sisara at ipinukpok ang tulos sa sentido ni Sisara hanggang bumaon sa lupa. 22 Pagdating ni Barak, lumabas si Yael at sumalubong at sinabi: “Tuloy ka at ituturo ko sa iyo ang lalaking hina¬ha¬nap mo.” Pumasok si Barak at na¬kita si Sisarang patay na, at may naka-tusok na tulos ng tolda sa sentido.
23 Sa araw na iyon, hinamak ni Yawe si Yabin sa harap ng mga Israelita. Hindi tinantanan ng mga Israelita ang mga Kananeo hanggang sa malipol nila ang mga ito.
Awit ni Debora
5 • 1 Sa araw na iyon, inawit ito nina Debora at Barak na anak ni Abinoam:
2 “Sa Israel, buong-giting na lumaban ang mga kawal; sa Israel kusang-loob nilang inialay ang sarili. Purihin si Yawe!
3 Dinggin ninyo, O mga hari; makinig kayo, O mga prinsipe. Kay Yawe ako aawit; kay Yaweng Diyos ng Israel ako mag-aalay ng papuri.
4 Lumabas ka mula sa Seir, O Yawe; pag¬sugod mo mula sa lupain ng Edom, nayanig ang lupa; umikot ang langit at natunaw ang mga ulap. 5 Nanginig ang bundok sa harapan ni Yaweng Diyos ng Israel.
6 Sa panahon ni Samgar na anak ni Anat, sa panahon ni Yael, walang naglalakbay sa mga lansangan kundi sa mga makikitid na landas. 7 Walang namumuno sa Israel hanggang ako – si Debora – ay nagising at nagbangon bilang ina ng Israel.
8 Pumili sila ng mga bagong diyos, at dinatnan sila ng digmaan. At halos walang kalasag ni sibat ang apatnapung libong kawal sa Israel!
9 Kasama ang aking puso ng mga pinuno ng Israel, ng mga taong may kusang-loob. Purihin si Yawe!
10 Kayong mga nakasakay sa mga puting asno, kayong mga nakaupo sa mamahaling alpombra; kayong mga naglalakad sa lansa¬ngan, magnilay kayo! 11 Pakinggan ninyo ang tinig ng mga naghahati-hati ng nasam¬sam sa malapit sa pa¬inuman; inaawit nila ang mga kaloob ng Diyos sa Israel nang lumu¬song sa mga pintuan ang bayan ni Yawe.
12 Gumising ka, Debora, gumising ka! Gumising ka, gumising ka at magsimulang umawit. Bumangon ka, Barak! At dalhin ang iyong mga awit, anak ni Abinoam.
13 Manaig ang mga nalabi ng bayan sa mga nang-aapi sa kanila! Sumaakin nawa si Yawe, mas malakas kaysa magigiting! 14 Nasa lambak ka, O Efraim, at nasa likuran mo, kasama ng iyong hukbo ang kapatid mong si Benjamin. Mula sa Makir lumusong ang mga pinuno; mula sa Zabulon ang mga namumunong may da¬lang tungkod na tanso.
15 Kasama ni Debora ang mga pinuno ng Isacar, kasama naman ni Barak ang Isacar; su-mugod ang mga mamamayan kasunod nila sa kapatagan.
Ngunit nagtatalu-talo ang mga angkan ni Ruben.
16 Bakit kayo nanatili sa inyong mga kawan nang tumunog ang plawta? Walang napag¬ka¬yarian ang mga angkan ni Ruben.
17 Nanatili ang Galaad sa kabilang pam¬pang ng Jordan, at bakit nanatili ang mga taga-Dan sa kanilang mga barko? Nanatili ang Aser sa mga pampangin ng dagat; nananahimik sila sa kanilang mga pantalan.
18 Binale-wala naman ng Zabulon ang kama¬tayan, pati ang Neftali sa mataas na lupain. 19 Dumating ang mga hari upang makipag¬laban; nakipaghamok ang mga hari ng Kanaan sa Tanak, malapit sa mga balon ng Megiddo, ngunit wala silang nakuhang pilak.
20 Mula sa kalangitan nakipaglaban ang mga tala, nilabanan ng mga ito si Sisara mula sa kanilang ligiran. 21 Tinangay sila ng Ilog Kison, ang matandang ilog, ang Ilog Kison. Sumugod kang walang takot, aking kaluluwa!
22 Niyayanig ang lupa ng mga yabag ng ka¬bayo: sa pagsugod ng kanyang mga kabayo. 23 ‘Sumpain ang Meros,’ sabi ng anghel ni Yawe, ‘sumpain ninyo, sumpain ang mga taga-roon, sapagkat hindi sila tumulong kay Yawe, kasama ng mga bayani.’
24 Pagpalain sa kababaihan si Yael, maybahay ni Heber na Kenita; pagpalain ka sa mga babaeng nakatira sa tolda! 25 Humingi ito ng tubig, binigyan niya ng gatas; naghain siya ng nata sa sarong marangal.
26 Hinawakan niya ang tulos at kinuha ng kanang kamay ang maso. Pinukpok niya si Sisara, dinurog ang ulo, tinusok at binasag ang sentido nito. 27 Nahandusay ito sa kanyang paanan, at doon bumagsak. Wala nang buhay.
28 Nanungaw sa bintana ang ina ni Sisara at sumigaw sa likod ng tabing. Bakit hindi pa dumarating ang kanyang karwahe? Bakit ito naaantala? 29 Sumagot ang pinakamautak sa kanyang mga alalay na babae. 30 ‘Tiyak na pinaghahatian na nila ang kanilang nadambong – isa, dalawang dalaga sa bawat kawal; ma¬ku¬kulay na tela para kay Sisara; maku¬kulay na telang may burda para gawing isang bandana.
31 Malipol sana nang ganito ang lahat ng iyong kaaway, O Yawe, at matulad sana sa ma-ningning na araw ang iyong mga kai¬bigan.
At apatnapung taong naghari ang kapa¬ya¬paan sa lupain.
6 1 Ginawa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Yawe at inihulog sila ni Yawe sa mga kamay ng mga Madianita nang pitong taon, 2 at naging mabigat sa kanila ang kamay ng mga Madianita.
Dahil sa mga Madianita, gumawa ang mga Israelita ng mga taguan, yungib at kan¬lungan sa mga burol. 3 Pagkatapos maka¬pag¬punla ang mga Israelita, darating ang mga Madianita na kasama ang mga Amalekita at ang mga taga-Silangan. 4 Sasa¬lakayin nila ang mga Israelita, mag-kakampo sa lupain ng mga ito at wawa¬sa¬kin ang lahat ng taniman hanggang sa pa¬sukan sa Gaza. Wala silang iiwang makakain, ni tupa, ni baka, ni asno, 5 sapag¬kat aahon silang kasin¬dami ng mga balang, na hakot ang kani¬lang mga hayop at mga tolda. Napa¬karami nila at ng kanilang kamelyo at sinalakay at inagaw ang lupain. 6 Sa ganitong paraan, pinapag¬hirap nang husto ng mga Madianita ang Israel, kayat tu¬mawag kay Yawe ang mga Israelita.
7 Nang manawagan ang mga Israelita kay Yawe dahil sa mga Madianita, 8 nagsugo si Yawe sa kanila ng isang propeta na nagsabi: “Ito ang sabi ni Yaweng Diyos ng Israel: ‘Inilabas ko kayo sa Ehipto, ang bahay ng pagkaalipin. 9 Pinalaya ko kayo sa mga kamay ng mga Ehipsiyo at sa lahat ng sumi¬siil sa inyo. Pina¬layas ko sa harap ninyo ang mga naninirahan sa lupaing ito at ipinag¬kaloob ko sa inyo ang kanilang lupain, 10 at sinabi ko sa inyo, Ako si Yaweng inyong Diyos. Huwag ninyong pansinin ang mga diyos ng mga Amorreo, na ang lupain ay tinitirhan ninyo ngayon. Ngunit hindi ninyo ako pina¬kinggan.’”
Ang pagtawag kay Gideon
• 11 Dumating ang anghel ni Yawe at naupo sa ilalim ng banal na punung¬kahoy sa Ofra, na ari-arian ni Yoas, ng angkan ni Abiezer. Si Gideon na anak ni Yoas ay gumigiik ng trigo sa pisaan ng ubas upang maikubli ito sa mga Madia¬nita.
12 Napakita sa kanya ang anghel ni Yawe at nagsabi: “Sumaiyo si Yawe, magiting na mandirigma.” 13 Sumagot si Gideon: “Ipagpaumanhin mo, ginoo, ngu¬nit kung sumasaamin si Yawe, bakit nangyayari ang lahat ng ito sa amin? Na¬saan ang mga kababalag¬hang isinasa¬laysay sa amin ng aming mga ninu¬no? Hindi ba sinabi nilang inilabas sila ni Yawe mula sa Ehipto? Bakit niya kami pina¬bayaan ngayon at ibinigay sa mga kamay ng mga Madianita?”
14 Bumaling sa kanya si Yawe at sinabi: “Humayo ka, at iligtas ang Israel sa mga Madianita sa pamamagitan ng iyong ka¬tapangan. Ako ang nagsusugo sa iyo.” 15 Sumagot si Gideon: “Patawarin mo ako, Pangi¬noon, ngunit paano ko maililigtas ang Israel? Ang aking pamilya ang pina¬ka¬hamak sa aking tribu at ako ang pi¬na¬kahuli sa pamilya ng aking ama.”
16 Sinabi sa kanya ni Yawe: “Sasaiyo ako at lulupigin mo ang mga Madianita sa isang hampas.” 17 Sinabi ni Gideon: “Paki¬bigyan mo ako ng palatandaan na ikaw nga ang nagsasalita. 18 Huwag ka sanang umalis hanggang makabalik ako at ma¬kapag-alay ng handog sa iyo.” Sumagot si Yawe: “Hihintayin kita rito.”
19 Umalis si Gideon at naghanda ng isang batang kambing, kumuha ng isang takal na arina at hinurnong tinapay na walang lebadura. Inilagay niya ang sabaw sa isang palayok at ang karne sa isang bilao, at inialay sa Anghel sa ilalim ng punungkahoy. 20 At sinabi ng Anghel ng Diyos: “Kunin mo ang karne at tinapay; ilagay mo sa ibabaw ng batong ito at ibuhos dito ang sabaw.” Ginawa iyon ni Gideon. 21 Nang mga sandaling iyon, inilabas ng Anghel ng Diyos ang tungkod na hawak at idinait sa karne at tinapay. Kapag¬daka’y may sumiklab na apoy sa bato. Tinupok ng apoy ang karne at tina¬pay, at nawala ang Anghel ni Yawe.
22 Noon naunawaan ni Gideon na iyon nga ang Anghel ni Yawe at sinabi: “Sa¬wim¬¬¬palad ako, O Panginoong Yawe! Na¬kita ko na nang harapan ang Anghel ni Yawe.” 23 Ngunit sinabi sa kanya ni Yawe: “Sumaiyo ang kapa¬yapaan. Hu¬wag kang matakot. Hindi ka mama¬ma¬tay.” 24 Nag¬tayo ng altar si Gideon para kay Yawe sa pook na iyon at tina¬wag niyang Yawe-Kapayapaan. Hang¬gang ngayo’y naroon pa rin iyon sa Ofra ng Abiezer.
25 Nang gabi ring iyon, sinabi ni Yawe kay Gideon: “Isama mo ang sampu sa utusan ng iyong ama at isang torong pitong taong gulang. Wasakin mo ang altar na ginawa ng iyong ama para kay Baal at putulin mo ang banal na haligi sa tabi niyon. 26 At maingat kang magtayo ng isang altar para kay Yawe sa burol na ito at ihandog mo sa akin ang toro; sunugin mo iyon sa pamamagitan ng kahoy ng banal na haligi.”
27 At ginawa nga ni Gideon – sa tulong ng kanyang sampung utusan – ang ipinag-utos ni Yawe. Ngunit sa gabi niya ito ginawa sapagkat natatakot siya sa kanyang pamilya pati na rin sa mga taum¬bayan.
28 Kinabukasan, nakita ng mga taumbayan na dinurog ang altar ni Baal at ibinuwal din ang banal na haligi. Nakita rin nila ang sinunog na toro sa bagong altar. 29 Kayat sila’y nagtanu¬ngan at nagsiyasat, at natuklasang si Gideon ang gumawa niyon. 30 At sinabi ng mga taumbayan kay Yoas: “Ibigay mo sa amin ang iyong anak upang patayin; siya ang nagwasak ng altar ni Baal at pumutol sa banal na haligi.” 31 Ngunit sinabi ni Yoas sa nagagalit na pulutong: “Ipagtatanggol ba ninyo si Baal at ililigtas? Kung siya’y diyos, bayaan ninyong ipag¬tanggol niya ang kanyang sarili nga¬yong may nagwasak ng kanyang altar.”
32 Nang araw na iyon, pinangalanan si Gideon na Yerubaal, na nangangahulugang “Bayaang ipagtanggol ni Baal ang sarili laban sa kanya, sapagkat winasak niya ang altar ni Baal.”
33 Nagkaisang tumawid sa Jordan ang buong Madian, Amalek at ang mga tao ng Silangan at nagkampo sa mga kapa¬tagan ng Jezrael. 34 Kaya suma¬kay Gideon ang espiritu ni Yawe, hinipan niya ang trum¬peta at nagkaisa sa kanya ang mga taga-Abiezer. 35 Nag¬padala siya ng mga sugo sa buong lupain ng Manases at sinalubong siya ng mga tagaroon. Sumalubong din ang mga taga-Aser, Zabulon at Neftali.
36 Sinabi ni Gideon sa Diyos: “Kung talagang ililigtas mo ang Israel sa tulong ng aking kamay, tulad ng iyong sinabi, bayaan mong gawin ko ito. 37 Lalatagan ko ng balahibong lana ang giikan. Kapag sa balahibo lamang pumatak ang hamog at nanatiling tuyo ang lupa, malalaman kong ililigtas mo nga ang Israel sa tulong ng aking kamay, tulad ng iyong ipina¬ngako.”
38 Gayon nga ang nangyari. Kinabu¬kasan, maagang bumangon si Gideon, piniga ang lana at tumulo ang hamog, at napuno ang isang baso. 39 Nagsalitang muli si Gideon sa Diyos at sinabi niya: “Huwag kang magagalit kung muli kitang kausapin. Bayaan mong gumawa ako ng isa pang pagsubok sa balahibong lana: gawin mong tuyo ang lana at basa ang lupa sa paligid.” 40 Nang gabing iyon, ga¬yon nga ang ginawa ni Yawe. Nanatiling tuyo ang lana at basang-basa naman ng hamog ang lupa.
7 1 Maagang nagbangon si Yeru¬baal, o si Gideon, gayundin ang lahat ng mga taong kasama niya at nag¬kampo sila sa tabi ng bukal ng Harod. Nasa dakong hilaga naman nila ang kampo ng mga Madianita at sinaklaw nito mula sa burol ng More hanggang sa mga kapatagan.
2 At sinabi ni Yawe kay Gideon: “Na¬¬¬¬pakarami mong kasama. Kung ila¬lagay ko ang mga Madianita sa inyong mga kamay, iisipin ng mga Israelita na nag¬tagumpay sila dahil sa sariling lakas. 3 Kayat ipatawag mo ang iyong mga ta¬uhan at sabihin sa kanila na sinumang natatakot ay makakauwi na.” Kayat da¬lawampu’t dalawang libong kawal ang nagsiuwi at sampung libo lamang ang naiwan.
• 4 Sinabi ni Yawe kay Gideon: “Na¬pakarami pa rin. Isama mo sila sa batis at kikilatisin ko sila para sa iyo. Ang sabihin kong: ‘Sasama siya sa iyo’, ¬isasama mo. At ang sabihin kong: ‘Hindi siya,’ hindi sasama.” 5 Dinala nga sila ni Gideon sa batis at doon sinabi ni Yawe: “Papupun¬tahin mo sa isang panig ang mga hihimod ng tubig na parang aso. At ang mga lu¬luhod naman upang umi¬nom ay papu¬pun¬¬tahin mo sa kabilang panig.”
6 Tatlundaan ang humimod ng tubig, at ang iba naman ay lumuhod para uminom. 7 At sinabi ni Yawe kay Gideon: “Ililigtas ko kayo sa pama¬ma¬gitan ng tatlundaang ito na humimod ng tubig at ibibigay ko sa mga kamay mo ang mga Madianita. Pauwiin mo na ang iba.” Kinuha ng tatlun-daan ang mga banga at tambuli ng iba at pinauwi na ni Gideon ang mga ito. At tinapatan na ni Gideon at ng tatlundaang tauhan ang kampo ng mga Madianita na nasa ibaba ng lambak.
9 Nang gabing iyon, sinabi ni Yawe sa kanya: “Bumangon ka at lumusong ka sa kampo sapag¬kat ibinigay ko na iyon sa iyong mga kamay. 10 Ngunit kung natatakot kang lumu¬song na mag-isa, magpunta ka sa kampo na kasama ang utusan mong si Pura, 11 at paking¬gan kung ano ang sinasabi nila roon. Palalakasin ka niyon at malulusob mo na ang kampo.” At lu¬¬mu¬song nga siya kasama ang kanyang utusang si Pura sa hangganan ng kampo.
12 Nasa lambak sina Madian at Amalek at lahat ng taga-Silangan, singkapal ng mga ba¬lang at di mabilang ang kanilang mga kamelyo, tulad ng buhangin sa pampang. 13 Paglapit ni Gideon, tamang-tama namang isinasalaysay ng isang lalaki sa kanyang kasama ang kanyang panaginip. Narinig ni Gideon, “Nanaginip ako na isang malaking tinapay na sebada ang gu¬mulong papunta sa kampo ng mga Madia¬nita, hanggang makarating sa isang tolda, bu¬mangga doon at ibinuwal ang tolda.” 14 Suma¬got ang kasa¬ma ng lalaki: “Walang maipapa¬ka¬hulugan doon maliban sa tabak ni Gideong anak ni Yoas na Israelita. Ibinigay na ng Diyos ang mga Madianita at ang buong kampo sa kan¬yang mga kamay.” 15 Nang marinig ni Gi¬deon ang salaysay ng panaginip at ang paka¬hulugan nito, lumuhod siya, nagbalik sa kampo ng Israel at sinabi: “Magsibangon kayo sapag¬kat ibinigay na ni Yawe sa inyong mga kamay ang kampo ng mga Madianita.”
16 Hinati ni Gideon sa tatlong pang¬kat ang tatlundaan. At binigyan niya ang bawat isa ng trumpeta at mga bangang walang laman na nilagyan sa loob ng sulong may sindi. 17 Sinabi niya sa mga kawal: “Tingnan ninyo ako, at gawin ang gagawin ko. Pagdating ko sa hang¬ganan ng kampo, gayahin n’yo ako. 18 Kapag hini¬pan ko at ng aking mga kasama ang trumpeta, hipan din ninyo ang inyong trumpeta sa paligid ng kampo, at sumi¬gaw, ‘Para kina Yawe at Gideon!’”
19 Kasama ang sandaang kawal, duma¬ting si Gideon sa kampo ng mga Madia¬nita samantalang nagrerelyebo ang mga tanod sa simula ng pagba¬bantay sa ha¬ting¬gabi. 20 At binasag ng mga Israelita ang mga banga, hinawa¬kan sa isang kamay ang sulo at hinipan ang trumpeta na hawak ng kabilang kamay. Matapos hipan ang mga trum¬peta, sumigaw ang tatlong pangkat, “Para kina Yawe at Gideon!” 21 Nanatili sa kani-kanyang pu¬westo ang bawat isa sa paligid ng kampo samantalang nagtatakbuhan ang mga Madianita, at nagsi¬sigawan habang nag-sisitakas. 22 Samantalang patuloy ang tatlun¬daang Israelita sa pag-ihip sa trum¬peta, pinapangyari ni Yaweng magpa¬ta¬yan ang mga Madia¬nitang nasa kampo. Ang mga nakatakas ay naka¬rating sa Bet-sita, patungo sa Sereda, at umabot pa sa hangganan ng Abel Mehola, sa kabila ng Tabata.
23 At dumating ang mga Israelita mula sa tribu ng Neftali, Aser at ang buong Ma¬nases, at hinabol nila ang mga Madia¬nita. 24 Nagpadala rin ng mga sugo si Gideon sa buong kabun¬dukan ng Efraim upang sabihin: “Lumu¬song at labanan ang mga Ma¬dianita, at hara¬ngan ang mga lagusan hanggang sa Bet-bara at sa kahabaan ng Jordan.” Kayat nagsilabas ang lahat ng kalala-kihan ng Efraim at sinakop ang mga sapa hang¬gang Bethara at ang kaha¬baan ng Jordan. 25 Binihag nila ang dalawang pinuno ng mga Ma¬dianita, sina Oreb at Zeeb. Pinatay nila si Oreb sa bato ni Oreb, at si Zeeb, sa pisaan ng ubas ni Zeeb. Hinabol nila ang mga Madianita at dinala ang mga ulo nina Oreb at Zeeb kay Gideon sa kabilang pampang ng Jordan.
Ikalawang kampanya ni Gideon
8 1 Sinabi ng mga taga-Efraim kay Gideon: “Bakit hindi mo kami tinawag nang sumalakay ka sa mga Madianita?” Ma¬higpit ang kanilang pakikipagtalo sa kanya. 2 Sinabi ni Gideon: “Ano ba ang ginawa ko kung ihahambing sa ginawa ninyo? Di ba’t mas mahalaga ang bungkos ng Efraim kaysa buong ani ng Abiezer? 3 Ibinigay ni Yawe ang mga pinuno ng Madianita – sina Oreb at Zeeb – sa in¬yong mga kamay. Ano ang nagawa ko na ma¬ihahambing sa inyong ginawa?” Nang marinig nila ito, humupa ang kanilang galit.
4 Narating ni Gideon at ng kanyang tatlun¬daang kawal ang Jordan at tinawid iyon. Na¬hapo sila at nagutom. 5 Kayat sinabi ni Gideon sa mga taga-Sukot: “Pakibigyan ng tinapay ang hukbong kasunod ko, sapagkat nahahapo at nagugutom sila, at hinahabol ko pa rin sina Zeba at Zalmuna, ang mga hari ng Madianita.”
6 Ngunit sumagot ang mga pinuno ng Sukot: “Natalian mo na ba ang mga kamay nina Zeba at Zalmuna? Hindi kami puwedeng magbigay ng tinapay sa iyong hukbo” 7 Su¬magot si Gideon: “A, ganoon! Sa sanda¬ling ibigay ni Yawe sa aking mga kamay sina Zeba at Zalmuna, baba¬latan ko kayo sa pamamagitan ng mga sanga ng matinik na halaman ng disyerto.”
8 Mula roon, pumunta siya sa Penuel at ga¬noon din ang hiniling niya sa mga taga¬roon. Ngunit katulad din ng tugon ng mga taga-Sukot ang kanilang sagot. 9 Kayat sinabi ni Gideon: “Sa matagumpay kong pagbabalik, paguguhuin ko ang toreng ito.”
10 Nasa Karkor sina Zeba at Zalmuna, ka¬sama ang kanilang hukbong mga labin¬limang libong kawal, na tanging nalabi sa mga taga-Silangan; sandaa’t dalawam¬pung libong man¬dirigma ang namatay! 11 Umahon si Gideon sa daan ng mga nomada, sa sila¬ngan ng Noba at Yogbea, at binigla ang di-nakakamalay na hukbo nina Zeba at Zalmuna. 12 Tumakas sina Zeba at Zal¬¬muna. Hinabol ni Gideon ang dala¬wa at bini¬hag, at winatak-watak niya ang kani¬lang buong hukbo.
13 Pagkatapos ng labanan, nagbalik si Gi¬deong anak ni Yoas, at sa tabing bundok ng Heres siya dumaan. 14 Nakadakip siya ng isang binatilyong taga-Sukot at inusisa ito. Isinulat ng binatilyo ang mga pangalan ng pitumpu’t pitong pinuno at matatanda ng Sukot. 15 Pinuntahan ni Gideon ang mga taga-Sukot at sinabi sa mga ito: “Narito sina Zeba at Zalmuna na ginamit ninyo para libakin ako nang sabihin ninyo: ‘Natalian mo na ba ang mga kamay nina Zeba at Zalmuna upang bigyan namin ng tinapay ang nagu¬gutom mong mga kawal?’”
16 Kayat dinakip niya ang mga pinuno ng bayan at pinarusahan ang mga taga-Sukot sa pamamagitan ng mga sanga ng matinik na ha¬laman ng disyerto.
17 Iginuho niya ang tore ng Penuel at pinatay ang mga tagaroon. 18 At sinabi niya kina Zeba at Zalmuna: “Ano’ng itsura ng mga lalaking pi¬¬natay ninyo sa Tabor?” Sumagot ang mga ito: “Kapareho mo sila, mukhang mga anak ng hari.” 19 Sumagot si Gideon: “Mga kapatid ko sila, mga anak ng aking ina. Buhay si Yawe, kaya kung hinayaan sana ninyo silang mabuhay ay hindi ko kayo pa¬pa¬tayin.”
20 Sinabi niya sa kanyang panganay na lala¬king si Yeter: “Maging matapang ka, patayin mo sila!” Ngunit hindi binunot ng binatilyo ang kanyang tabak; hindi siya nangahas sapagkat napakabata pa niya. 21 Kayat sinabi nina Zeba at Zalmuna: “Tumayo ka at ikaw ang pumatay sa amin, sapagkat kung ano ang pagkalalaki mo ay siya ring tapang mo.” Tumindig si Gideon at pinatay ang dalawa, at kinuha niya ang mga palamuting nasa leeg ng mga kamelyo ng mga ito.
Pagkakamali ni Gideon
• 22 Sinabi ng mga Israelita kay Gideon: “Ikaw ang nagligtas sa amin sa mga Madianita, kaya ikaw ang maging hari namin, at pagkatapos mo ay ang iyong mga anak at ang kanila pang magiging anak.
23 Ngunit sumagot si Gideon: “Hindi ako mag¬¬hahari sa Israel, ni ang aking anak, sapag¬kat si Yawe ang maghahari sa inyo!” 24 At idinugtong ni Gideon: “May hihilingin lamang ako sa inyo. Bawat isa sa inyo ay magbigay sa akin ng hikaw mula sa inyong nasamsam.” Sinabi iyon ni Gideon sapagkat nagsusuot ng hi¬kaw na ginto ang mga Madianita, tulad ng lahat ng Ismaelita. 25 Sinagot siya nila: “Buong-galak naming gagawin iyon.” Kaya inilatag ni Gideon ang kanyang balabal at bawat isa ay naghagis ng isang hikaw mula sa nasamsam ng mga ito. 26 Umabot sa sanlibo’t pitundaang pira¬song ginto ang halaga ng mga hikaw na ginto; bukod pa ang hindi mabilang na mga alpiler, sinsing at mga mamahaling kasuotan ng mga hari ng mga Madianita, at ang kolyar ng mga kamelyo. 27 Sa pamamagitan ng sala¬ping ito, gumawa ng diyus-diyusan si Gideon at inilagay sa kanyang bayan na Ofra. Nagsimulang magpunta sa pook na iyon ang mga tao mula sa lahat ng dako ng Israel, at tinalikuran nila si Yawe. Iyon ang pa¬ti¬bong na kinahulugan ni Gideon at ng kan¬yang ang¬kan.
28 Sa kabila nito, ganap nang nagapi ang mga Madianita kayat naghari na ang kapa¬ya¬paan sa Israel na tumagal nang apatnapung taon habang nabubuhay si Gideon. 29 Nagbalik sa Ofra si Gideon at nanatili sa kanyang bahay. 30 Nag¬ka¬roon siya ng pitumpung anak sapagkat marami siyang asawa. 31 Nagkaanak din siya ng lalaki, na pinanga¬lanan niyang Abimelek, sa isang babaeng taga-Sikem.
32 Si Gideong anak ni Yoas ay maligayang namatay sa kanyang katandaan, at inilagay sa libingan ni Yoas na kanyang ama, sa Ofra ng Abiezer.
33 Pagkamatay ni Gideon, muling nagbili ng kanilang sarili ang mga Israelita sa mga Baal at ginawang diyos si Baal-Berit. 34 Hindi na nagu¬nita ng mga Israelita si Yaweng kanilang Diyos, na nagligtas sa kanila mula sa mga kamay ng mga kaaway na naka¬paligid sa kanila. 35 Hindi rin sila tumanaw ng utang na loob sa angkan ni Yerubaal-Gideon sa lahat ng kabutihang gina¬wa nito sa Israel.
Abimelek
9 1 Pumunta si Abimelek na anak ni Yerubaal sa Sikem, na kinaroroonan ng mga kapatid na lalaki ng kanyang ina, at sinabi niya sa mga ito at sa lahat ng kamag-anak sa ama ng kanyang ina: 2 “Itanong ninyo ito sa lahat ng pinuno ng Sikem: ‘Alin ang mas mabuti para sa inyo, ang pamahalaan kayo ng lahat ng pitumpung anak na lalaki ni Yerubaal, o ng isang tao lamang?’ Alalahanin ninyong kadugo ninyo ako.”
3 Ipinadala ng mga kapatid ng kanyang ina ang pahatid na ito sa lahat ng pinuno ng Sikem. Pumanig kay Abimelek ang mga pinuno ng Sikem, at sinabi: “Kapatid namin siya.” 4 Kayat binigyan ng mga ito si Abi¬melek ng pitumpung pirasong pilak mula sa templo ni Baal-Berit, at sa pamamagitan niyon ay umupa si Abimelek ng mga baya¬rang mandarambong at isinama niya. 5 Kasama ang mga iyon, nagpunta si Abimelek sa bahay ng kanyang ama sa Ofra, at pinatay niya sa ibabaw ng isang bato ang lahat ng kan¬yang kapatid, ang pitumpung anak ni Yerubaal. Tanging si Yoatam, ang bunsong anak ni Yeru¬baal, ang nakatakas sapagkat naka¬pagtago. 6 At nagtipon ang mga pinuno ng Sikem at ang buong konseho sa dako ng ensina sa haligi sa Sikem, at itinalagang hari si Abimelek.
7 Pagkabalita nito kay Yoatam, umahon siya sa tuktok ng Bundok ng Gerizim. Doon niya isinigaw: “Pakinggan ninyo ako, mga pinuno ng Sikem, upang pakinggan kayo ng Diyos!
• 8 Minsa’y naghanap ang mga punung¬kahoy ng isang papahiran nilang hari. Sinabi nila sa puno ng olibo: ‘Maging hari ka namin.’ 9 Suma¬got ang puno ng olibo: ‘Itatapon ko ba ang langis na nagagamit – salamat sa akin – upang para¬ngalan ang mga diyos at tao, nang makapa¬mahala ako sa mga punung¬kahoy?’
10 Sinabi ng mga punungkahoy sa puno ng igos: ‘Halika’t ikaw ang maghari sa amin.’ 11 Sumagot ang puno ng igos: ‘Iiwanan ko ba ang aking katamisan at masarap na bunga upang makapamahala sa mga punung¬kahoy?’
12 Sinabi ng mga punungkahoy sa baging: ‘Halika’t ikaw ang maging hari namin.’ 13 Suma¬got ang baging: ‘Tatalikuran ko ba ang aking katas na nagpapasaya sa mga diyos at tao upang makapaghari sa mga punungkahoy?’
14 At sinabi ng mga punungkahoy sa dawag: ‘Halika, maghari ka sa amin.’ 15 Si¬na¬got ng dawag ang mga punungkahoy: ‘Kung naparito kayo nang buong-katapatan upang pahiran akong hari ninyo, lumapit kayo at sumilong sa aking lilim; ngunit kung hindi, magsiklab sana sa dawag ang apoy na tutu¬pok maging sa mga sedro ng Lebanon.’
16 At ngayon, sabihin ninyo sa akin, naging tapat ba kayo at makatotohanan nang piliin ninyong hari si Abimelek? Mabuti ba ang ginawa ninyong pakikitungo kay Yerubaal at sa kan¬yang pamilya at ibinalik ba ninyo sa kanya ang nararapat niyang tanggapin ayon sa kanyang kabutihan?
17 Sapagkat ipinakipaglaban kayo ng aking ama, itinaya ang kanyang buhay mailigtas lamang kayo sa mga kamay ng mga Madianita. 18 At ngayo’y naghihimagsik kayo laban sa pamilya ng aking ama. Pinatay ninyo ang lahat ng pitumpu niyang anak sa ibabaw ng isang bato, at itinalaga ninyo si Abimelek na anak ng kanyang alipin, na maghari sa mga pinuno ng Sikem sapagkat kapatid ninyo siya. 19 Kung na¬ging makata¬rungan at tapat kayo kay Yeru¬baal at sa kanyang pamilya ngayon, maging maligaya sana si Abimelek sa inyo at kayo, sa kanya. 20 Ngunit kung hindi, mag¬buga sana ng apoy si Abimelek upang lamu¬nin ang lahat ng pinuno ng Sikem, at ang kanilang konseho; at magbuga rin sana ng apoy ang kanilang konseho upang lamunin naman si Abimelek.”
21 Tumakas sa Beer si Yoatam upang maligtas at doon siya nanirahang malayo sa kanyang kapatid na si Abimelek.
22 Naghari si Abimelek sa Israel nang tatlong taon. 23 Ngunit nagsugo si Yawe ng isang espi-ritu ng hindi pagkakaunawaan kay Abimelek at sa mga pinuno ng Sikem; at pinagtaksilan ng mga pinuno ng Sikem si Abimelek. 24 Ginawa ito ni Yawe upang maipaghiganti ang pitumpung anak ni Yerubaal. Pinapanagot si Abimelek sa dugo ng mga kapatid niyang kanyang pinatay, gayundin ang mga pinuno ng Sikem na tumulong sa kanya upang patayin ang kanyang mga kapatid.
25 Upang pinsalain si Abimelek, nanam¬bang ang mga pinuno ng Sikem sa kabun¬dukan at dinambong ang sinumang mag¬daan. Ipinag¬bigay-alam ito kay Abimelek.
26 At dumating si Gaal na anak ni Ebed, ka¬sama ang kanyang mga kapatid, at natamo ang pagtitiwala ng mga pinuno ng Sikem. 27 Isang araw, nagpunta sila sa bukid, namitas ng ubas at pinisa iyon. At nagkaroon sila ng handaan sa templo ng kanilang diyos. Isinumpa nila si Abi¬melek habang nagka¬kainan at nag-iinuman. 28 At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed: “Sino ba si Abimelek sa mga taga-Sikem upang pagling¬kuran natin siya? Anak lamang naman siya ni Yerubaal at tenyente lamang niya si Zebul. Pag¬lingkuran natin ang tauhan ni Hamor na ama ni Sikem. Bakit natin paglilingkuran si Abimelek?
29 Kung hawak ko lamang ang bayang ito, patatalsikin ko si Abimelek at sasabihin ko sa kanya: ‘Palakasin mo ang iyong hukbo, luma¬¬bas ka rito at lumaban!’”
30 Galit na galit si Zebul na gobernador ng lunsod nang mabalitaan ang balak ni Gaal na anak ni Ebed. 31 Lihim siyang nagpadala ng mga sugo kay Abimelek at sinabi: “Dapat mong malaman na si Gaal na anak ni Ebed ay duma¬ting na kasama ang kanyang mga kapatid sa Sikem at pinapaghihimagsik niya ang lunsod laban sa iyo. 32 Kayat tumayo ka, isama mo ang iyong mga tauhan at ma¬nambang sa bukid. 33 Bukas ng umaga, sa pamimitak ng araw, salakayin mo ang lun¬sod. Kapag hinarap ka ni Gaal, na kasama ang kanyang mga tauhan, gawin mo sa kanya ang gusto mo.”
34 Lumakad kinagabihan si Abimelek, kasama ang lahat niyang tauhan at apat na pang¬kat silang nanambang sa Sikem. 35 Nang luma¬bas si Gaal na anak ni Ebed at tumindig sa bu¬ngad ng lunsod, lumabas naman si Abime¬lek at ang mga kawal mula sa kanilang pinagtataguan.
36 Nakita ni Gaal ang mga kawal at sinabi kay Zebul: “Tingnan mo, may mga taong bu¬mababa mula sa tuktok ng kabundukan.” Ngunit su¬magot si Zebul: “Anino ng bundok ang naki¬kita mo. Akala mo lamang ay mga tao.” 37 Sina¬bing muli ni Gaal: “Tingnan mo, may mga taong bumababa mula sa dakong gitna ng lupain, at may isang pangkat pang nanggaga¬ling naman mula sa Puno ng mga Manghuhula.” 38 At sinabi ni Zebul: “Di ba’t sinabi mo: ‘Sino si Abimelek upang pagling¬kuran natin siya?’ Di ba’t ang mga taong iyan ang kinamumuhian mo? Harapin mo sila ngayon at labanan.”
39 Lumabas si Gaal at namuno sa mga taga-Sikem upang labanan si Abimelek. 40 Tuma¬kas si Gaal ngunit hinabol ni Abi¬melek, at marami ang napatay bago naka¬rating sa mga pintuan. 41 Nagbalik si Abi¬melek sa Aruma, at itinaboy ni Zebul si Gaal at ang mga kapatid nito at hindi niya pinaya¬gang manirahan sa Sikem.
Pagkawasak ng Sikem
42 Kinabukasan, pumunta sa bukid ang mga taong-bayan. Ipinaalam ito kay Abi¬melek, 43 kayat tinawag niya ang kanyang tauhan, hinati sa tatlong pangkat at nanam¬bang sa bukid. Nang makita niya ang mga tao na palabas sa lunsod, sinalakay niya ang mga ito at nilupig. 44 Sumalakay muli ang pangkat na kasama ni Abimelek at kinubkob ang lagusan sa mga pintuan ng lunsod; sinalakay naman ng ibang pangkat ang mga nasa bukirin. 45 Magha¬pong sinalakay ni Abimelek ang lunsod. Kinub¬kob niya ang lunsod at pinatay ang lahat ng tagaroon. Iginuho niya ang lunsod at binudburan iyon ng asin.
46 Nang mabalitaan ito ng mga nani¬ni¬rahan sa Tore ng Sikem, nagpunta sila sa silid sa ilalim ng lupa ng templo ng El-Berot. 47 May nagsabi kay Abimelek na magkakasama ang mga naninirahan sa Tore ng Sikem, 48 kayat umakyat siya sa Bundok ng Zalmon, kasama ang lahat ng kanyang kawal. Kumuha siya ng isang palakol, pumu¬tol ng sanga ng isang punung¬kahoy at pina-san iyon. Pagkatapos ay sinabi niya sa mga kasama niyang kawal: “Nakita na ninyo ang ginawa ko, kayat gawin din ninyo.” 49 Kayat pumutol ng mga sanga ang lahat ng kanyang kawal, at sumunod sa kanya. Tinipon nila ang mga sanga sa ibabaw ng silid na nasa ilalim ng lupa at sinilaban iyon sa ibabaw ng mga taong nasa loob. Kayat ang lahat ng naninirahan sa Tore ng Sikem – mga san¬libong lalaki at babae – ay namatay.
Kamatayan ni Abimelek
50 Nilabanan din ni Abimelek ang Tebes, sinalakay iyon at sinakop. 51 Ngunit may isang matibay na tore sa loob ng lunsod at doon nagtago ang lahat ng lalaki’t babae, lahat ng taga-lunsod. Ipininid nila iyon sa loob at nagsi¬tuloy sa bubungan ng tore. 52 Dumating si Abimelek sa tore upang su¬malakay, at lumapit siya sa pinto, na ang balak ay sunugin iyon. 53 Ngunit isang babae ang nagbagsak ng isang gilingang-bato sa kanyang ulo at nabasag ang kanyang bungo. 54 Tinawag niya kapagdaka ang kanyang tagapagdala ng sandata at sinabi rito: “Hu¬gutin mo ang iyong tabak at patayin mo ako para hindi nila masabing ‘Isang babae ang pumatay sa kanya!’” Kayat sinaksak siya ng kanyang tagapagdala ng sandata, at nama¬tay. 55 Nang makita ng mga Israelita na patay na si Abimelek, umuwi na ang bawat isa.
56 Sa gayon, ibinalik ng Diyos kay Abimelek ang kasamaang ginawa niya sa kanyang ama nang patayin niya ang kan¬yang pitumpung kapatid. 57 Pinapag¬bayad din ng Diyos ang mga taga-Sikem sa lahat nilang kasamaan. Sa gayon, natupad ang sumpa ni Yotam, na anak ni Yerubaal.
Tola, Yair at Yefte
10 • 1 Pagkamatay ni Abimelek, si Tola na anak ni Pua na anak naman ni Dodo, ang nakapagligtas sa Israel. Ka¬bilang siya sa tribu ng Isacar at naninira¬han sa Semir, sa kabundukan ng Efraim. 2 Naging hukom siya ng Israel nang dala¬wampu’t tatlong taon, at nang mamatay siya ay inilibing sa Samir.
3 Pagkatapos niya, si Yair ng Galaad ang namuno sa Israel nang dala¬wam¬pu’t dalawang taon. 4 Tatlum¬pu ang kanyang anak na lalaki na nakasakay sa tatlumpung asno, at may tatlum¬pung bayan na hanggang sa panahong ito ay tinatawag na mga bayan ni Yair, sa lupain ng Galaad. 5 Nang mamatay si Yair, inilibing siya sa Kamon.
6 Minsan pa, ginawa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Yawe; pinag¬lingkuran nila ang mga Baal at ang Astarot, ang mga diyos ng Aram at Sidon; ang mga diyos ng Moab, ang mga diyos ng mga Amonita at ang mga diyos ng mga Pilisteo. Pinabayaan nila si Yawe at hindi na nila pinag¬lingkuran. 7 Nag-alab laban sa Israel ang poot ni Yawe, kayat ibinigay niya ang mga ito sa kamay ng mga Pilisteo at mga Amonita.
8 Sa loob ng labingwalong taon, niligalig at siniil ng mga ito ang lahat ng Israelitang naninirahan sa kabilang ibayo ng Jordan sa lupaing Amorreo ng Galaad. 9 Tumawid din ang mga Amonita sa Jordan upang salakayin ang Juda, ang Benjamin at ang mga taga-Efraim. Hirap na hirap ang Israel.
10 Nang panahong iyon, tumawag ang mga Israelita kay Yawe: “Nagka¬sala kami sa iyo, sapagkat itinakwil namin si Ya¬weng aming Diyos, upang maglingkod sa mga Baal.” 11 Sinabi naman ni Yawe sa mga Israelita: “Nang pinahirapan kayo ng mga Ehipsiyo, Amorreo, Amonita, Pi¬listeo, 12 ng mga Sidonio, Amalekita at Madianita, at tumawag kayo sa akin, di ba’t iniligtas ko kayo sa kanilang mga kamay? 13 Ngunit sa kabila nito, pinaba¬yaan ninyo ako at naglingkod kayo sa ibang mga diyos. Kayat hindi ko na kayo ililigtas pang muli. 14 Sulong, at tuma¬wag kayo sa mga diyos na pinili ninyo. Baka ma¬ili¬ligtas nila kayo sa panahon ng in¬yong kagipitan.”
15 Sinagot ng mga Israelita si Yawe: “Nagkasala kami. Gawin mo na sa amin ang gusto mo, iligtas mo lamang kami ngayon.” 16 At inalis nila ang mga dayu¬hang diyus-diyusan at pinagling-kuran si Yawe. At hindi na niya matiis pa ang pag¬hihirap ng Israel.
17 Nagtipun-tipon ang mga Amonita at nagkampo sa Galaad. Nagtipun-tipon din ang mga Israelita at nag¬kampo sa Mizpa. 18 Doon nagtanungan ang mga ta¬um¬¬bayan at ang mga pinuno ng Galaad: “Sino’ng mamu¬muno sa ating lahat sa pa¬kikipaglaban sa mga Amonita? Sinu¬man siya, gagawin natin si¬yang pinuno ng lahat ng taga-Galaad.”

11 • 1 Magiting na mandirigma si Yefteng taga-Galaad. Baba¬eng bayaran ang kanyang ina, at si Ga¬laad naman ang kanyang ama. 2 Ngu¬nit nag¬kaanak din ng mga lalaki ang asawa ni Galaad, at nang magsilaki sila ay pina¬layas nila si Yefte at sinabi: “Wa¬la kang kaparte ni anumang mama¬na¬hin sa sambahayan ng aming ama, sapag¬kat anak ka ng ibang babae.” 3 Tu¬ma¬kas si Yefte sa kanyang mga ka¬patid at pu¬munta sa lupain ng Tob. Su¬mama siya doon sa isang pangkat ng mga ba¬ya¬rang mandirigma na nakasa¬ma niya sa panloloob. 4 Suma¬pit ang san¬daling di¬nigma na ng mga Amonita ang Israel. 5 Kayat nagpunta kay Yefte ang mga mata¬tanda ng Galaad sa lupain ng Tob, 6 at sinabi sa kanya: “Sumama ka sa amin at pamu¬nuan mo ang aming mga tao sa pag¬laban sa mga Amonita.”
7 Sumagot si Yefte sa mga matatan¬da ng Galaad: “Di ba’t kayo ang nag¬pa¬¬¬layas sa akin sa bahay ng aking ama sapagkat kinamumuhian ninyo ako? Bakit ninyo ako nilalapitan ngayong na-gi¬gipit kayo?” 8 Sinagot siya ng mga matatanda ng Galaad: “Pinuntahan ka nga namin upang ikaw ang mamuno sa amin sa paglaban sa mga Amonita. Ikaw ang gusto naming mamuno sa bu-ong Galaad.” 9 Sumagot si Yefte: “Kapag hiniling ninyo sa aking bu¬malik upang kalabanin ang mga Amonita at ipinag¬kaloob sa akin ni Yawe ang ta¬gum¬pay, ako na ang mamumuno sa in¬yong la¬hat.” 10 At sina¬bi sa kanya ng mga matatanda: “Dinggin sana kami ni Yawe! Sumpain kami kapag hindi namin tinupad ang aming sinabi!”
11 Kayat sumama si Yefte sa mga ma¬ta¬tanda ng Galaad at ginawa siyang pinuno at heneral ng bayan, at inulit ni Yefte sa harapan ni Yawe sa Mizpa ang lahat ng kanyang hinihingi.
12 Nagpadala ng mga sugo si Yefte sa hari ng mga Amonita upang sabihin: “Ano’ng gusto mong palabasin at sinalakay mo ako sa sarili kong lupain?” 13 Sumagot ang hari sa mga sugo: “Nang umahon ang mga Israelita mula sa Ehipto, sinakop nila ang aking bansa, mula sa Arnon hanggang sa Yabok at sa Jordan. Kayat kusang-loob mo nang ibalik ito.”
14 Muling nagpadala ng mga sugo si Yefte sa hari ng mga Amonita 15 at sinabi: “Ito ang sabi ni Yefte: ‘Hindi inagaw ng Israel ang lupain ng Moab o ang lupain ng mga Amonita. 16 Nang umahon sila mula sa Ehipto, dumaan ang mga Israelita sa disyerto hanggang sa Dagat ng Tambo at sumapit sa Kades. 17 At nagpadala ng mga sugo ang Israel sa hari ng Edom, at sinabi: ‘Padaanin mo kami sa iyong lupain.’ Ngunit hindi sila pinansin ng hari ng Edom. Nagpasabi rin sila sa hari ng Moab, at tumanggi rin ito. Kayat nanatili sa Kades ang mga Israelita. 18 Dumaan sila sa disyerto, niligid ang lupain ng Edom at Moab, at sinapit ang silangan ng lupain ng Moab. Nagkampo sila sa kabilang ibayo ng Arnon, sapagkat ang Arnon ang hang-ganan ng Moab. 19 At nagpadala ng mga sugo ang Israel kay Sihong hari ng mga Amorreo na nama¬mahala sa Hesbon, at sinabi: ‘Padaanin mo kami sa iyong lupain papunta sa amin.’ 20 Ngunit walang tiwala si Sihon sa Israel at di niya sila payagang makiraan; tinipon niya ang lahat ng kanyang tauhan at nagkampo sa Yahaz at sina¬lakay ang Israel. 21 Si Sihon at ang lahat ng kanyang tauhan ay ibinigay ni Yaweng Diyos ng Israel sa kamay ng mga Israelita. Ginapi sila ng Israel at sinakop ang buong lu¬pain ng mga Amorreong naninirahan doon. 22 Kayat na¬sakop nila ang buong lupain ng mga Amorreo mula sa Arnon hanggang sa Yabok, at mula sa disyerto hanggang sa Jordan.
23 Kayat si Yaweng Diyos ng Israel ang nag¬palayas sa mga Amorreo para sa kan¬yang bayang Israel, at ngayo’y ikaw ang magpapalayas sa amin? 24 Di ba’t hawak na ninyo ang lahat ng ibinigay sa inyo ng inyong diyos na si Kamos? Kayat hahawakan din namin ang lahat ng ibinigay sa amin ni Yaweng aming Diyos. 25 Madadaig mo pa ba si Balak na anak ni Zipor na hari ng Moab? Nasalakay ba niya ang Israel? 26 Tatlundaang taong naninirahan ang mga Israelita sa Hesbon at sa mga lunsod na umaasa roon. Nanirahan din sila sa Aroer at sa mga bayan at sa lahat ng mga lunsod sa magkabilang pampang ng Jordan. Bakit hindi mo binawi ang mga ito noon? 27 Wala akong ginawang masama sa iyo, ngunit masama ang gina¬gawa mong pagsalakay. Magpasiya sa araw na ito si Yaweng Hukom sa mga anak ng Israel at sa mga anak ng Ammon.”
28 Ngunit hindi pinansin ng hari ng mga Amonita ang pahatid ni Yefte.
Ang anak na babae ni Yefte
• 29 Pinuspos si Yefte ng Espiritu ni Yawe. Pumunta siya sa Galaad at tumuloy sa Manases, dumaan sa Mizpa ng Galaad at pumasok sa lupain ng mga Amonita.
30 Gumawa ng panata si Yefte kay Yawe: “Kapag pinapagtagumpay mo ako, 31 iha¬handog ko sa iyo ang unang lalabas sa aking bahay upang salubu¬ngin ako mula sa pakikidigma. Ito’y para kay Yawe at iaalay ko ito sa pama¬¬magitan ng apoy.”
32 Tumawid si Yefte sa lupain ng mga Amonita upang labanan ang mga ito, at ibinigay sila ni Yawe sa kanyang kamay. 33 Hinabol niya ang mga ito mula sa Aroer hanggang sa Minit at Abel Kera¬mim, at sinakop ang dalawampung bayan. Na¬pa¬ka¬¬dakila ng panalong iyon at sina¬kop ng Israel ang mga Amonita.
34 Nang magbalik si Yefte sa kanyang tahanan sa Mizpa, sinalubong siya ng kan¬¬yang anak na babae. Sa galak nito na makita ang ama, suma¬yaw ang kanyang anak sa saliw ng tam¬¬burin nito. Tanging anak ito; walang ibang anak si Yefte, lalaki man o babae.
35 Nang makita ni Yefte ang anak, wina¬rak niya ang kanyang damit at napa¬hi¬mutok siya: “Anak ko, winasak mo ang buhay ko; binigyan mo ako ng masa¬mang kapalaran. Sapagkat na¬kagawa ako kay Yawe ng isang panata ng kaha¬ngalan, at ngayon, hindi ko na mababawi pa.” 36 Su¬magot ito: “Ama, nakagawa man kayo ng panata ng ka¬hangalan, kailangang gawin mo sa akin ang ayon sa iyong ipinangako, sapagkat ipinaghiganti ka ni Yawe sa iyong mga kaaway. 37 Ang hiling ko la¬mang ay bayaan mong ma¬buhay pa ako ng dalawang buwan, ka¬sama ang aking mga kaibigan sa kabun¬dukan. Doon ako mananaghoy sapagkat hindi na ako makapag-aasawa pa.” 38 Sinabi ni Yefte sa anak: “Sige, humayo ka.” At pinabayaan ni Yefte na makalayo ang anak nang dalawang buwan. Nag¬punta ang dalaga at ang mga kasamahan sa kabundukan at doon nanangis sapag¬kat hindi na siya makapag-aasawa pa.
39 Makaraan ang dalawang buwan, nag¬balik ang dalaga sa ama, at tinupad ni Yefte ang kanyang panata. Hindi na¬kakilala kailanman ng lalaki ang dalaga. Dito nag¬simula ang isang kauga¬liang Israelita 40 na ang mga anak na dalaga ng Israel ay apat na araw na nagluluksa taun-taon upang gunitain ang anak na dalaga ni Yefteng taga-Galaad.
12 1 Nagtipun-tipon ang mga kalalakihan ng Efraim, tumawid sa Jordan pahilaga at sinabi kay Yefte: “Bakit ka sumalakay sa mga Amonita nang hindi man lamang kami ipinag¬sama? Susunugin ka namin sa iyong bahay.” 2 Su¬magot si Yefte: “Kami ng aking bayan at ang mga Amonita ay nagka¬roon ng matinding alitan. Hiningan ko kayo ng tulong, ngunit hindi ninyo ako sinagip sa kanilang mga kamay. 3 Nang makita kong walang tutulong sa akin, isinuong ko sa pa-nga¬nib ang aking buhay at lumaban ako sa mga Amonita, at ibinigay sila ni Yawe sa aking mga kamay. Kaya bakit kayo umahon para kalabanin ako ngayon?”
4 At tinipon ni Yefte ang lahat ng kala¬lakihan ng Galaad at sinalakay ang Efraim. Nilupig ng mga taga-Galaad ang mga taga-Efraim, na nagsabi: “Kayong mga taga-Galaad ay mga takas na tumawid mula sa Efraim at Manases.” 5 Sinakop ng mga taga-Galaad ang mga ma¬babaw na bahagi ng Jordan at hinarangan ang daan. Tuwing may takas mula sa Efraim na nagsabi: “Pada-anin mo ako,” tinatanong siya ng mga taga-Galaad: “Taga-Efraim ka ba?” Kapag sumagot: “Hindi po,” 6 idurugtong ng mga taga-Galaad: “Kung gayon, sabihin mo, ‘Shibolet.’”
Ngunit sasabihin naman: “Sibolet”, sapagkat hindi ito mabigkas nang wasto ng mga taga-Efraim. Kayat bibihagin ito at gigilitan ng lalamunan sa mababaw na bahagi ng Ilog Jordan. Apatnapu’t dala¬wang libong taga-Efraim ang napatay nang panahong iyon.
7 Anim na taong naging hukom ng Israel si Yefte. Namatay siya at inilibing sa kanyang sariling lunsod ng Mizpa sa Galaad.
8 Pagkatapos niya namuno sa Israel si Ibzan ng Betlehem. 9 May tatlumpu siyang anak na lalaki at tatlumpung babae. Ang tatlumpu niyang anak na dalaga ay ipinakasal niya sa mga lalaking hindi kabilang sa kanilang lipi, at nag¬dala naman siya ng tatlumpung babaing hindi rin kalipi para sa kanyang mga anak na lalaki. Hukom siya ng Israel nang pitong taon. 10 Pagkamatay ni Ibzan ay inilibing siya sa Betlehem.
11 Pagkatapos, si Elon na taga-Zabulon ang namuno sa Israel. Sampung taon siyang namahala sa Israel. 12 At namatay siya at inilibing sa Ayalon sa lupain ng Zabulon.
13 Pagkatapos ni Elon, si Abdon na anak ni Hillel ng Piraton ang namuno sa Israel. 14 Apatnapu ang anak na lalaki ni Abdon at tatlumpu ang apong lalaki na sumakay sa pitumpung asno. Hukom siya ng Israel nang walong taon. 15 At namatay siya at inilibing sa Piraton, sa kabundukan ng Efraim, sa bundok ng mga Amor¬reo.
Ang pagsilang ni Samson
13 • 1 Muling gumawa ng masama ang mga Israelita kay Yawe, kayat inilagay sila sa mga kamay ng mga Pilisteo nang apatnapung taon.
2 May isang lalaking taga-Sora sa ang¬kan ng Dan na ang pangalan ay Manoa. Hindi nagkaanak ang kanyang asawang baog. 3 Nagpakita sa babae ang Anghel ni Yawe at sinabi sa kanya: “Baog ka at hindi makapagsisilang, ngunit mag¬lilihi ka at magsisilang ng isang anak na lalaki. 4 Kaya’t mula nga¬yon ingatan mong hu¬wag uminom ng alak o anumang inu¬ming nakalalasing, o kumain ng di-malinis na pagkain, 5 sapagkat isisilang mo ang isang anak na lalaki. Huwag gu¬gu¬pitin ang kanyang buhok sapagkat siya’y nazir, na itinalaga kay Yawe mula sa sinapu¬punan ng kanyang ina. Siya ang mag¬¬sisimulang magligtas ng mga Is¬raelita sa mga Pilis-teo.”
6 Lumapit ang babae sa kanyang asawa at sinabi: “Isang sugo ng Diyos ang lu¬mapit sa akin. Tulad ng isang anghel ng Diyos sa karilagan ang kanyang mukha. Hindi ko siya tinanong kung saan siya nanggaling at hindi rin niya sinabi ang kanyang pangalan. 7 Ngu¬nit sinabi niya: ‘Maglilihi at mag¬sisilang ka ng isang anak na lalaki. Huwag kang iinom ng alak o inuming nakalalasing mula ngayon, at huwag kakain ng di-malinis na pagkain, sapagkat ang iyong anak ay magiging Nazir ni Yawe mula sa sinapupunan ng kanyang ina hanggang sa araw ng kan¬yang kamatayan’.”
8 Sumamo si Manoa kay Yawe at sinabi: “Hinihiling ko, aking Panginoon, na muling pa-puntahin sa amin ang lingkod ng Diyos na isinugo mo upang maituro sa amin ang dapat naming gawin sa batang isisilang.” 9 Dininig ni Yawe si Manoa at muling dumating ang Anghel ni Yawe sa babae habang nakaupo siya sa bukid at hindi rin kasama si Manoa.
10 Tumakbo kapagdaka ang babae sa kanyang asawa at sinabi: “Tingnan mo’t nag¬pakita sa akin ang lalaking dumating sa akin noong isang araw.” 11 Tumindig si Manoa at sumunod sa kanyang maybahay. Nilapitan niya ang lalaki at sinabi: “Ikaw ba ang lalaking nakipag-usap sa babaing ito?”
Sumagot siya: “Ako nga.” 12 Sinabi sa kanya ni Manoa: “Kapag natupad ang sinabi mo, anong kautusan at panuntunan ang kaila¬ngang sundin ukol sa bata?”
13 Sinabi ng Anghel ni Yawe kay Manoa: “Iwasan ng babae ang lahat ng tinukoy ko sa kanya. 14 Huwag siyang titikim ng anumang galing sa ubas, o iinom ng alak o anumang inu¬ming nakalalasing, huwag siyang kakain ng anumang di-malinis na pagkain, at gagawin niya ang lahat ng iniuutos ko sa kanya.”
15 At sinabi ni Manoa sa Anghel ni Yawe: “Bayaan mong pigilin ka namin at maghahanda kami ng isang batang kambing para sa iyo.” (Hindi alam ni Manoa na Anghel siya ni Yawe.) 16 Ngunit sinabi ng Anghel ni Yawe kay Manoa: “Papigil man ako, hindi ko rin titikman ang inyong pagkain. Ngunit kung gusto nin¬yong mag-alay ng sinunog na handog, ialay ninyo iyon kay Yawe.” 17 Kayat tinanong ni Manoa ang Anghel ni Yawe: “Ano’ng pangalan mo, at nang mapa¬ra¬nga¬lan ka naman namin kapag nagka¬totoo ang sinabi mo?” 18 Sumagot ang Anghel ni Yawe: “Bakit mo itinatanong ang aking pa¬ngalan? Ito’y Kahanga-hanga.” 19 At kinuha ni Manoa ang isang batang kambing at butil at inialay sa bato bilang sinunog na handog kay Yawe na gumagawa ng mga kahanga-hangang bagay.
20 At samantalang nakamasid si Manoa at ang kanyang maybahay, may apoy na biglang nag-alab mula sa altar patungo sa kalangitan, at pumaitaas ang Anghel ni Yawe sa gitna ng liyab.
Pagkakita niyon ni Manoa at ng kan¬yang maybahay, nagpatirapa sila sa lupa. 21 Na¬wala ang Anghel ni Yawe sa paningin ni Manoa at ng kanyang maybahay, at nabatid ni Manoa na iyon ang Anghel ni Yawe. 22 At sinabi niya sa kanyang may¬bahay: “Tiyak na mamamatay ta¬yo sapag¬kat nakita na natin ang Diyos.” 23 Su¬magot ang babae: “Kung hinahangad ni Yaweng patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang sinunog na handog o ang alay mula sa ating kamay; hindi sana niya ipinakita ang lahat ng ito, at hindi sana niya sinabi ang ating narinig.”
24 Nagsilang ng isang anak na lalaki ang babae at pinangalanan itong Samson. Lumaki ang bata at binasbasan ni Yawe. 25 At sinimulan ng Espiritu ni Yawe na pakilusin ang bata nang ito ay nasa Mahane Dan sa pagitan ng Zora at Estaol.
Ang kasaysayan ni Samson
14 1 Lumusong si Samson sa Timna at nakakita ng isang babaeng Pilistea. 2 Nagbalik siya sa kanyang ama at ina at sinabi: “Nakakita ako ng isang Pilistea sa Timna; kunin ninyo siya upang maging may¬bahay ko.” 3 Sinabi ng kanyang ama at ina: “Wala ka bang mapili sa mga anak na babae ng iyong mga kapatid at kaba¬bayan at ku¬kuha ka pa ng asawa mula sa mga Pilisteong di tuli?”
Sinabi ni Samson sa kanyang ama: “Kunin mo siya sapagkat siya ang kasiya-siya sa akin.” 4 Hindi alam ng ama at ng ina na galing ito kay Yawe na makakalaban sa mga Pilisteo; sapag¬kat nasasakop ng mga Pilisteo ang Israel nang panahong iyon.
5 At lumusong si Samson sa Timna. Nang sumapit siya sa mga ubasan sa Timna, isang umaangil na batang leon ang sumugod sa kanya. 6 Nilukuban ng Espiritu ni Yawe si Samson at niluray niyang parang bisirong kambing ang leon sa pamamagitan ng kanyang mga kamay. 7 Ngunit hindi niya isinalaysay sa kanyang ama o ina ang kanyang ginawa. At paglusong niya kina¬usap ang babaeng nagustuhan niya.
8 Hindi nagtagal, pagbalik niya upang kunin ito, lumiko siya upang tingnan muna ang bang¬kay ng leon. At may kawan ng pukyutan sa lo¬ob nito. 9 Kinayod ni Samson ng kamay ang pulot-pukyutan at kinain iyon habang lumalakad.
Nang makabalik siya sa kanyang mga ma¬gulang, binigyan niya ang mga ito ng pulot-pukyutan at kinain din iyon. Ngunit hindi niya ipinagtapat na kinuha niya ang pulot-pukyutan sa bangkay ng leon. 10 At lumusong ang ama ni Samson sa babae. Naghandog si Samson ng malaking han-daan, na nakaugalian ng mga kaba¬taan. 11 Nang makita siya ng mga Pilisteo, binigyan siya ng mga ito ng tatlumpung kalalakihan para maging abay niya sa kasalan.
12 Sinabi ni Samson sa mga kalalakihan: “Bibigyan ko kayo ng isang bugtong. Kung ma¬lutas ninyo ito sa loob ng pitong araw ng han¬daan, bibigyan ko kayo ng tatlumpung tuniko at tatlumpung kasuotang lino. 13 Ngunit kung hindi ninyo malutas, ako ang bibigyan ninyo ng tatlumpung tuniko at tatlumpung kasuotang lino.” Sumagot sila: “Sabihin mo ang iyong bugtong; nakikinig kami.”
14 Sinabi ni Samson: “Mula sa kumakain ay nanggaling ang pagkain; at mula sa malakas, matamis ay lumabas.” 15 Tatlong araw na ang nakaraan at hindi pa nahu¬hulaan ang bugtong. Kayat sa ikapat na araw, sinabi nila sa may¬bahay ni Samson: “Akitin mo ang iyong asawa na ipaliwanag sa amin ang bugtong, kung hindi ay susunugin ka namin, pati ang pamilya ng iyong ama. Inanyayahan ba ninyo kami upang bawian?”
16 Nagsimulang manangis ang maybahay ni Samson at nagpatirapa sa kanya, at sinabi: “Ayaw mo sa akin, hindi mo na ako mahal. Binigyan mo ng bugtong ang mga kabataang lalaki ng aking bayan, ngunit hindi mo ipina¬liwanag sa akin.” Sinabi ni Samson: “Kung hindi ko ipinaliwanag iyan sa aking mga magulang, sa iyo pa kaya?” 17 Pitong araw na umiyak ang babae habang may handaan. Sa ikapitong araw, ipinali¬wanag na ni Samson ang bugtong sa¬pagkat nababagot na siya sa kanya. At ipina¬liwanag naman ito ng babae sa kanyang mga kababayan.
18 Sa ikapitong araw, bago siya pumasok sa kanilang silid, sinabi ng mga taumbayan kay Samson: “May tatamis pa ba kaysa pulot-puk¬yutan? May lalakas pa ba kaysa leon?” Sinabi naman ni Samson: “Kung hindi ninyo ipinang-araro ang aking baka ay hindi pa ninyo mahuhulaan ang aking bugtong.”
19 At nilukuban siya ng Espiritu ni Yawe. Lu¬musong siya sa Askalon, at pagkapatay sa tatlumpung lalaki, hinubaran sila at ibinigay ang mga damit sa mga nagpa¬liwanag ng bug¬tong. At galit na galit siyang umahon sa bahay ng kanyang ama 20 kaya napabigay ang asawa ni Samson sa isa sa kanyang abay.

15 1 Hindi nagtagal, sa panahon ng pag-aani ng trigo, dinalaw ni Samson ang kanyang maybahay. May dala siyang bisirong kambing, at sinabi niya: “Gusto kong makasa¬rilinan ang aking asawa sa aming silid.” Ngunit hindi siya pinapasok ng ama ng babae, 2 at sinabi: “Akala ko’y ayaw mo na sa kanya kayat ibinigay ko siya sa abay mo. Hindi ba mas mabuti ang kanyang nakababatang kapatid na babae? Kaya kunin mo ito sa halip niya.” 3 Su¬magot si Samson: “Nga-yo’y wala na akong magiging utang sa mga Pilisteo, pinsalain ko man sila.”
4 Lumabas si Samson at humuli ng tatlundaang asong-gubat, kumuha ng mga sulo at itinali nang dala-dalawa sa buntot ang mga hayop. At kinabitan niya ng sulo ang pagitan ng bawat dalawang pinagbuhol na buntot, 5 sinindihan ang mga sulo at pinawalan ang mga asong-gubat sa mga bukirin ng trigo ng mga Pilisteo. Kayat nasunog niya ang mga naani na at ang hindi pa naaani, gayundin ang mga ubasan at taniman ng olibo.
6 Tinanong ng mga Pilisteo: “Sino ang may kagagawan nito?” At sumagot ang ilan: “Si Samson, ang manugang ng lalaking taga-Timna, sapagkat kinuha ng matanda ang kanyang asawa at ibinigay sa abay niya.” Kayat pinuntahan ng mga Pilisteo ang babae at sinu¬nog siya at ang kanyang pamilya. 7 Sinabi ni Samson sa mga Pilisteo: “Sa gi¬nawa ninyong ito, hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakapag¬hihiganti.” 8 Natalo niya ang mga ito at walang awang pinagpapatay. At lumusong siya sa isang yungib sa batuhan ng Etam at doon nani¬rahan.
9 Umahon naman ang mga Pilisteo sa kabundukan ng Juda at sinalakay ang Lehi. 10 Tina¬nong sila ng mga kalalakihan ng Juda: “Bakit kayo naparito’t sinalakay kami?” Sumagot ang mga Pilisteo: “Naparito kami upang bihagin si Sam¬son, at gawin sa kanya ang ginawa niya sa amin.”
11 Tatlong libong kalalakihan ng Juda ang lu¬mu¬song sa yungib sa batuhan ng Etam at sinabi kay Samson: “Hindi mo ba alam na ang mga Pilisteo ang naghahari sa atin? Ano itong ginawa mo sa amin?” Sumagot siya: “Ginawa ko lamang sa kanila ang ginawa nila sa akin.” 12 Sinabi ng kalalakihan: “Naparito kami upang igapos ka at ibigay sa mga Pilisteo.” Sinabi ni Samson: “Isumpa ninyo sa akin na hindi kayo ang papatay sa akin.” 13 Sinagot siya: “Igaga¬pos ka lamang namin at ibibigay sa kanila, ngunit hindi ka namin papatayin.” Iginapos nga siya sa dalawang bagong lubid at inilabas mula sa batuhan. 14 Pagdating nila sa Lehi, sinalubong siya ng mga Pilisteo, na naghihiyawan sa kani¬lang tagumpay. Ngunit nilukuban si Samson ng Espiritu ni Yawe. Ang mga lubid na nakatali sa kanya ay natulad sa mga hibla ng lino na nasu¬nog, at lumuwag ang mga gapos sa kanyang mga bisig. 15 Nakakita siya ng sariwa pang panga ng isang asno, dinampot niya iyon at ginamit sa pagpatay sa san¬libong tao. 16 At sinabi ni Sam¬son: “Pinin¬sala sila ng panga ng asno, binug¬bog ko ang sanlibo ng panga ng asno.”
17 Pagkasabi nito, itinapon niya ang panga; kaya tinawag na Ramat-Lehi ang lugar na iyon. 18 At nakaramdam siya ng masid¬¬hing uhaw. Tu¬mawag siya kay Yawe, at sinabi: “Malaking ta¬gum-pay ang ibinigay mo sa iyong lingkod. Nga¬yo’y mamamatay na lamang ba ako sa uhaw at mahuhulog sa mga kamay ng mga di-tuli?”
19 Kayat biniyak ni Yawe ang kuweba sa Lehi at tumulo mula roon ang tubig. Uminom si Samson; nanumbalik ang kanyang lakas at muli siyang sumigla. Dahil dito, tinawag na En-hakoro ang bukal na naroon pa rin sa Lehi.
20 Naging hukom ng Israel si Samson sa loob ng dalawampung taon, sa panahon ng mga Pilisteo.
16 1 Nang magpunta si Samson sa Gaza, nakakita siya ng isang babaeng baya¬ran at pumasok siya sa tinitirhan nito. 2 Nang ma¬pasabihan ang mga kalalakihan ng Gaza na du¬mating si Samson, nagronda sila at tinam¬¬bangan si Samson sa pintuan ng lun¬sod. Mag¬damag silang nanahimik, at nag-isip: “Hihintayin natin ang madaling-araw upang patayin siya.” 3 Ngunit hang-gang hating¬gabi lamang na¬tulog si Samson. Nang maghatinggabi, bu¬mangon siya at tinanggal ang mga pinto ng pintuang-lunsod kasama ang trangka. Pinasan niya ang mga iyon at dinala sa ituktok ng burol na ka¬tapat ng Hebron.
Samson at Delila
• 4 At umibig si Samson sa isang baba¬eng nasa lambak ng Sorec; ang pangalan nito’y Delila. 5 Umahon ang mga pinuno ng Pilisteo at nagsabi sa kanya: “Akitin mo siya at tuklasin kung saan niya kinu¬kuha ang kanyang lakas at nang magapi namin siya at maiga¬pos. Kung magkaka¬gayon magbibigay kami sa iyo ng san¬libo’t isandaang pirasong pilak.”
6 Kayat tinanong ni Delila si Samson: “Pakisabi mo nga sa akin kung saan ga¬ling ang iyong lakas at paano kang mai¬ga¬gapos ng iba at magagapi?” 7 Si¬¬na¬¬got siya ni Samson: “Kapag tina-lian ako ng pitong bago at hindi pa natu¬tuyong ku¬wer¬¬das, magiging ma¬hina ako tulad ng sinu-man.”
8 Nagpadala ang mga pinuno ng Pi¬listeo kay Delila ng pitong bagong ku¬werdas na hindi pa pinatutuyo, at itinali ni Delila si Samson. 9 May mga lalaking na¬ka¬tago sa tirahan ni Delila, at sumigaw siya: “Samson, may dumarating na mga Pilisteo!” Nilagot ni Sam¬son ang mga ku¬werdas na tulad sa sinunog na sinulid. At hindi natuklasan kung sa¬an nanggagaling ang lakas ni Samson.
10 At sinabi ni Delila kay Samson: “Gi¬nawa mo akong tanga, at nagsinu¬ngaling ka sa akin. Sabihin mo na sa akin, paano ka nila maigagapos?” 11 Si¬nagot siya ni Samson: “Kapag ginapos ako ng pitong bagong-tirintas na lubid na hindi pa naga¬gamit, magi¬ging ma¬hina ako tulad ng sinu¬man.” 12 Kayat ginapos nga siya ni Delila ng pitong bagong-tinirintas na lu¬bid. Ngunit nang sumigaw si Delila na: “Heto na ang mga Pilisteo!” muling nilagot ni Sam¬son ang mga lubid na nakagapos sa kanyang mga bisig na tila sinulid la¬mang. 13 Kayat sinabi ni Delila: “Hang¬gang kailan mo ako lolo¬kohin at pag¬si¬sinungalingan? Sabihin mo na sa akin kung paano ka mapi-pigilan.” Sumagot si Samson: “Kapag hinabi mo ang pitong tirintas ng aking buhok sa habi¬han at hi¬nig¬¬pitan ng isang aspili, ma¬giging mahina ako tulad ng sinuman.” 14 Pina¬tulog ni Delila si Samson at hinabi nila ang pitong tirin¬tas ng buhok ni Samson sa habihan at nilagyan ng aspili. At sumigaw si Delila: “May du¬ma¬rating na mga Pilisteo!” Na¬gi¬sing si Samson at hinatak niya ang ha-bi¬han sa pama¬magitan ng kanyang tirintas. At hindi rin nalaman ni Delila kung saan nanggagaling ang lakas ni Samson.
15 Kaya sinabi ni Delila: “Sabi mo, mahal mo ako, ngunit wala sa akin ang iyong puso. Tatlong ulit mo na akong nili¬linlang. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang pinanggagalingan ng iyong di-karaniwang lakas.” 16 Naging mapilit si Delila at inu¬ukilkil araw-araw ng mga ka¬ta-nungan si Sam¬son, hang¬gang mapagod siya at pa¬rang mama¬matay. 17 Kayat ipinagtapat na niya ang katotohanan: “Kai¬lanman ay hindi na¬gugupit ang aking buhok sapagkat ako ay isang Nazir na itinalaga na sa Diyos mula pa sa sina¬pupunan ng aking ina. Kapag ginupit ang aking buhok ay ma¬wawala na ang aking lakas at magiging mahina ako tulad ng sinu¬man.”
18 Naunawaan ni Delila na ipinagtapat na sa kanya ni Samson ang lahat, kayat tinawag niya ang mga pinuno ng Pilisteo at sinabi: “Halikayo, sapagkat ipinagtapat na sa akin ni Samson ang lahat.” Kaya dumating sa kanya ang mga pinuno na dala ang salapi. 19 Pina¬tulog ni Delila si Samson sa kanyang kandungan at tina¬wag niya ang isang lalaki upang gupitin ang pitong tirintas ng buhok nito. Kaagad niyang nasupil ito: nawala nga ang kan¬yang lakas.
20 Nang sumigaw si Delila: “Samson, may mga Pilisteo!” nagising si Samson at akala niya’y maililigtas niya ang kan¬yang sarili, tulad nang dati. Hindi niya alam na lumayo sa kanya si Yawe. 21 Ka¬yat nahuli siya ng mga Pilisteo, dinukit ang kanyang mga mata at ini¬ahon siya sa Gaza. Doon siya iginapos ng dalawang kadenang tanso at pinapag-ikot ng gilingan sa bi¬langguan. 22 Su¬balit kaagad na nag¬si¬mu¬lang tumubo ang buhok ni Samson pag¬ka¬gupit dito.
Ang kamatayan ni Samson
23 Nagtipun-tipon ang mga pinuno ng Pilisteo upang mag-alay ng isang dakilang handog sa kanilang diyos na Dagon, at nagkaroon sila ng malaking handaan, at sinabi: “Inilagay ng aming diyos sa aming mga kamay ang aming kaaway na si Samson!” 24 Nakita nga siya ng mga tao, at nagpuri sila sa kani¬lang diyos: “Inilagay ng aming diyos sa aming mga kamay ang aming kaaway na si Samson na nagwasak sa aming lupain at pumatay sa marami sa amin.”
25 Nang nagsasaya na ang lahat, sina¬bi nila: “Ilabas si Samson upang aliwin kami!” Tinawag si Samson sa bilang¬¬guan, at inaliw sila.
Noon nila siya inilagay sa pagitan ng mga haligi. 26 At sinabi ni Samson sa ba¬tang lalaking umaakay sa kanya: “Dalhin mo ako sa dakong mahihipo ko ang mga haligi ng bahay na ito, at nang makasandal naman ako sa mga iyon.” 27 Ang ba¬hay ay puno ng mga lalaki at babae. Naroon din ang mga pinuno ng mga Pilisteo, at naroon rin sa bubungan ang mga tatlong libong lalaki at babae na natutuwang manood sa palabas ni Sam¬son.
28 Tumawag si Samson kay Yawe at sumigaw: “Yawe, aking Panginoon, ala¬lahanin mo naman ako at ibalik mo ang aking lakas kahit sa pagkakataong ito lamang upang maipaghiganti ko ang aking mga mata sa mga Pilisteo.”
29 Kinapa ni Samson ang dalawang pang¬gitnang haligi na kinasasalalayan ng bahay, itinukod ang kanang bisig sa isang haligi at ang kaliwa naman ay sa kabila, 30 at sumigaw: “Bayaan mong mamatay akong kasama ng mga Pilisteo!” Ubos-lakas siyang tumulak at bumagsak ang bahay sa mga pinuno at mga taong nagtipun-tipon doon. Higit na marami ang mga isinama niya sa kanyang kamatayan kaysa napatay niya sa buong buhay niya.
31 Lumusong ang kanyang mga ka¬patid at ang sambahayan ng kanyang ama upang kunin ang kanyang bang¬kay. Ini¬lagay siya sa libingan ng kanyang amang si Manoa, sa pagitan ng Zora at Estaol. Naging hukom siya ng Israel nang dala¬wampung taon.
Ang kasaysayan ni Mikaya
17 • 1 May isang lalaking nagngangalang Mikaya sa kabundukan ng Efraim na 2 nagsabi sa kanyang ina: “Ang sanlibo’t isandaang pirasong pilak na nawala sa iyo at isi¬numpa mo ang nagnakaw ay ako talaga ang kumuha. At ngayon nga, isinasauli ko sa iyo.” 3 Sumagot ang kanyang ina: “Basbasan nawa ni Yawe ang aking anak!” At isinauli ni Mikaya ang sanlibo’t isandaang pirasong pilak sa kan¬yang ina.
Ngunit sinabi ng kanyang ina sa kanya: “Ini¬handog ko na ang salaping ito kay Yawe, upang makagawa ang aking anak ng isang imaheng yari sa metal. Kayat ibinabalik ko sa iyo ang pilak na ito.”
4 Gayunman, ibinalik ni Mikaya ang pilak sa kanyang ina at itinabi niya ang dalawan¬daang piraso para sa platero, na siyang gumawa ng imaheng yari sa metal. At ini¬lagay ito sa bahay ni Mikaya. 5 Kayat nagka¬roon si Mikaya ng Bahay ng Diyos. Gumawa rin siya ng efod upang makasangguni kay Yawe, at mga diyus-diyusan, at itinalaga niya ang isa sa kanyang mga anak na lalaki bilang kanyang pari. 6 Nang panahong iyon, wala pang hari sa Israel kayat sumunod ang bawat isa sa sariling palagay.
7 Isang binatilyong Levita na taga-Bet¬lehem sa Juda ang naninirahan doon bilang dayuhan. 8 Nilisan niya ang Betlehem isang araw at nag¬hanap ng pook na maaari niyang tirahan bilang panauhin. Nakarating siya sa bahay ni Mikaya sa kabundukan ng Efraim, 9 at tinanong siya ni Mikaya: “Taga-saan ka?” Sumagot siya: “Ako’y isang Levitang galing sa Betlehem; naghahanap ako ng matutu¬luyan bilang dayuhan.” 10 Sinabi sa kanya ni Mikaya: “Dito ka na tumira sa bahay ko at tumayo kang ama at pari ko. Bibigyan kita ng sampung pirasong pilak taun-taon, damit at pagkain.” Kayat tumuloy sa bahay ni Mikaya ang Levita.
11 Pumayag ang Levitang tumira sa bahay ni Mikaya at itinuring siyang tunay na anak. 12 Itinalaga ni Mikaya ang Levita bilang pari at nanatili ito sa kanyang bahay. 13 At sinabi ni Mikaya: “Ngayon ay natitiyak kong pagpapalain ako ni Yawe sapagkat pari ko na ang Levitang ito.”

18 1 Walang hari ang Israel nang panahong iyon. Naghahanap ng lugar na matitirahan ang tribu ng Dan, sapagkat hang¬gang nang araw na iyon, hindi pa sila tumatanggap ng pamana sa mga tribu ng Israel. 2 Kayat pumili sila sa kanilang tribu ng limang magi¬giting na lalaki mula sa Zora at Estaol upang maniktik sa lupain. Sinabi nila sa mga ito: “Humayo kayo at maniktik sa lupain.” Naka¬rating ang mga lala¬king ito sa kabundukan ng Efraim, sa malapit sa bahay ni Mikaya at doon sila nagpalipas ng gabi.
3 Dahil malapit sila sa bahay, nakilala nila ang tinig ng binatilyong Levita, kayat puma¬sok sila. Tinanong nila ang Levita: “Sino ang nag¬sama sa iyo rito? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Bakit ka narito?” 4 Sumagot ang Levita: “Ga¬nito’t ganoon ang ginawa para sa akin ni Mikaya. Inupahan niya ako at pari ako para sa kanya.” 5 Sinabi nila sa Levita: “Isangguni mo sa Diyos kung magi¬ging matagumpay o hindi ang aming pagla¬lakbay.” 6 Sumagot ang pari: “Humayo kayong mapayapa, pina¬patnu¬bayan kayo ni Yawe sa inyong paglalakbay.”
7 Umalis ang limang lalaki at nagpunta sa Lais. Nakita nila na ligtas na naninirahan ang mga tao sa lugar na iyon ayon sa kaugalian ng mga Sidonio – mga tahimik at mapag¬tiwalang mga tao – at walang sinumang nanggugulo. Ma¬layo sila sa mga Sidonio at walang pakiki¬pag-ugnayan kaninuman.
8 Pagbalik nila sa Zora at Estaol, tinanong sila ng kanilang mga kapatid: “Ano ang dala nin-yong balita?” 9 Sumagot sila: “Halikayo’t lusubin natin sila sapagkat napakainam na lugar ang aming nakita. O, bakit wala kayong imik? Hu¬wag kayong mag-atubiling sakupin ang lupaing iyon. 10 Pagdating ninyo roon, matatagpuan ninyo roon ang isang tahimik na bayan. Malawak ang lupain at ibinigay na ng Diyos sa ating mga kamay ang lugar na ito na sagana sa lahat ng bagay.”
11 Kayat animnaraang nasasandatahang ka¬lalakihan ng tribu ng Dan ang lumabas mula sa Zora at Estaol; 12 umahon sila at nag¬kampo sa Kiryat-yearim sa Juda. Dahil dito, tinatawag na Kampo ni Dan ang lugar na iyon hanggang sa panahong ito; nasa likuran iyon ng Kiryat-yearim. 13 Mula roon nila binag¬tas ang kabundukan ng Efraim at na¬karating sa bahay ni Mikaya.
14 At kinausap ng limang lalaking naniktik sa lupain ang kanilang mga kapatid at sinabi: “Hindi ba ninyo alam na sa isa sa mga bahay na ito ay may efod para pansangguni kay Yawe, mga maliit na diyus-diyusan at isang imaheng yari sa metal? Ngayo’y alam na ninyo ang dapat ninyong gawin.”
15 Pumaroon sila at pumasok sa bahay ng binatilyong Levita, na siya ring bahay ni Mikaya. Binati nila ito 16 samantalang naka¬tayo sa may tarangkahan ang animnaraang nasasandatahang Daneong kasama nila. 17 Pumanhik ang limang lala¬king unang na¬nik¬tik sa lupain at pu¬masok sa bahay ni Mi¬kaya, 18 at kinuha nila ang imahen, ang efod at ang mga maliit na diyus-diyusan, samantalang nakatayong kasama ng mga nasasan¬datahang kawal ang pari sa tarang¬kahan. Tinanong sila ng pari: “Ano ang ginagawa ninyo?” 19 Sumagot ang mga ito: “Tu¬ma¬himik ka! Tutupin mo ng palad mo ang bibig mo at sumama ka sa amin. Magi¬ging ama at pari ka namin. Mas mabuti bang maging pari sa bahay ng iisang tao o pari ng isang tribu ng Israel?”
20 Nasiyahan ang pari, kayat kinuha niya ang efod, ang mga maliliit na diyus-diyusan at ang imahen, at sumama sa mga kawal.
21 Nagpatuloy sila sa kanilang pagla¬lak¬bay, at nasa unahan nila ang mga kababai¬han, bata, mga kawan at mahaha¬lagang bagay. 22 Malayo na sila sa bahay ni Mikaya nang magsimulang magsigawan ang mga tao sa mga kalapit-bahay at hinabol sila. 23 Ngunit binalingan ng mga taga-Dan si Mikaya at sinabi: “Ano ang nang¬yayari at nag¬sisisigaw ka?” 24 Sumagot si Mikaya: “Ki¬nuha na ninyo ang mga diyus-diyusan na gi¬nawa ko, sumama pa sa inyo ang aking pari. Ano pa ang maiiwan sa akin? At ako pa ngayon ang tatanungin ninyo: ‘Ano ang nang¬yayari sa iyo?’” 25 Sumagot ang mga taga-Dan: “Ma¬buti pang tumahimik ka na lamang at baka dalu¬hungin ka ng mga mainit ang ulo at patayin ka at ang iyong sambahayan.” 26 Nag¬¬patuloy ang mga taga-Dan, at umuwi naman si Mikaya, nang makitang higit na malakas kaysa kanya ang mga ito.
27 Dala na ng mga taga-Dan ang mga diyus-diyusang ginawa ni Mikaya, at ang pari nito, at sinalakay nila ang Lais, isang bayang tahimik at mapagtiwala. Pinatay nila sa saksak ang mga tagaroon at sinunog ang bayan. 28 Walang tumu¬long sa mga ito sa¬pag¬kat malayo ang mga ito sa Sidon, at walang pakikipag-ugna¬yan kaninu¬man. Ang bayang ito ay nasa lambak na humahangga sa Bet-rehob.
29 Itinayong muli ng mga taga-Dan ang bayan at doon na sila nanirahan, at pina¬ngalanan nila iyong Dan, bilang alaala sa kanilang ninunong si Dan, na anak ni Israel, bagamat ang bayan ay dating tinatawag na Lais. 30 Naglaan sila ng isang lugar para sa imahen, at naging pari ng tribu ng Dan si Yonatang inapo ni Gersom na anak ni Moi¬ses, at ang kanyang mga anak hanggang itaboy sila sa lupain. 31 Inilagay nila roon ang imaheng ginawa ni Mikaya at nanatili ito roon habang nasa Silo naman ang Bahay ng Diyos.
Ang krimen sa Gibea
19 • 1 Nang panahong iyon, wala pang hari sa Israel, may isang Levitang naninirahan sa hangganan ng kabundukan ng Efraim na kumuha ng isang asawang alipin mula sa Betlehem sa Juda. 2 Nagtaksil sa kanya ang babaeng ito at nagbalik sa bahay ng ama sa Betlehem sa Juda. Nanatili roon ang babae nang apat na buwan. 3 Pi¬nuntahan siya ng kan¬yang asawa upang dalawin at paki¬usapan na magbalik sa kani¬lang taha¬nan. Nagsama ang lalaki ng isang katulong at dalawang asno.
Pinatuloy ang lalaki ng kanyang asawa sa bahay ng ama nito; nagagalak ang ama nang makita ang kanyang manugang 4 at hinimok siya na manatili roon kaya tumigil siya nang tatlong araw. Kumain at uminom sila at doon nagpalipas ng gabi. 5 Sa ikapat na araw, gu¬¬mi¬¬¬sing sila nang maaga at naghanda na ang Levita sa pag-alis. Ngunit sinabi ng ama ng babae sa kanyang manugang: “Kumain ka muna ng tinapay upang manumbalik ang iyong lakas, at pagkatapos makalalakad ka na.”
6 Naupo ang dalawa at nagsimulang ku¬main at uminom. At sinabi ng biyenan: “Dito ka na magpalipas ng gabi at mag-aliw.” 7 Ngunit tu¬mindig din ang Levita upang umalis. Nagpilit ang kanyang biyenan, kayat doon na rin siya nagpalipas ng gabi.
8 Sa ikalimang araw, maaga na naman siyang gumising upang umalis, ngunit sinabi sa kanya ng ama ng babae: “Magpaubaya ka na at du¬mito hanggang gabi.” Kayat muli silang nagsalo sa pagkain. 9 Ngunit nang tumindig ang lalaki, ang babae at ang katulong upang umalis, sinabi ng biyenan sa manugang: “Tingnan mo, tanghali na. Dito na kayo magpalipas ng gabi at magpa¬ka-saya. Bukas ng umaga na kayo umalis at nang makauwi.” 10 Ngunit tumanggi ang Levi¬ta na doon palipasin uli ang gabi, kayat tumayo siya, umalis at nagpunta sa tapat ng Yebus o Jerusalem. Isinama niya ang kan¬yang dalawang asno, ang babae at ang ka¬tulong.
11 Gumagabi na nang makarating sila sa ma¬lapit sa Yebus. Kayat sinabi ng katulong sa kanyang panginoon: “Huwag na tayong magtuloy pa, sa halip ay magpunta tayo sa bayan ng mga Yebuseo at doon na tayo mag¬palipas ng gabi.” 12 Sumagot ang lalaki: “Huwag tayong magtuloy sa isang banya¬gang lunsod na wa¬lang Israelita; sa Gibea tayo pupunta.” At idi¬nugtong niya: 13 “Halika, lumapit tayo sa isa sa mga bayan doon. Sa Gibea o sa Rama tayo mag¬pa¬pa-lipas ng gabi.” 14 Nagpatuloy sila sa pag¬la¬lakbay, at palubog na ang araw nang du¬mating sila sa tapat ng Gibea ng Benjamin. 15 Tumabi sila at nagpalipas ng gabi doon. Nagpunta ang Levita sa liwasang-bayan, ngu¬nit walang sinu¬mang nagpatuloy sa kanila. 16 At may isang matandang lalaking dumating mula sa paggawa sa bukid. Sa kabundukan ng Efraim siya nang¬galing at naninirahan bilang pa¬nauhin sa Gibea, taga-Benjamin nga ang mga taga¬rito. 17 Pag¬lingon ng matanda, napansin niya ang dayuhan sa liwasang-bayan at sinabi niya: “Tagasaan ka ba at saan ka pa¬punta?” 18 At sumagot ito: “Nag¬daraan lamang kami, sapag¬kat galing kami sa Bet¬lehem ng Juda at papunta kami sa hang¬ga¬nan ng kabundukan ng Efraim na tini¬tirhan ko. Nagpunta ako sa Betlehem ng Juda at nga¬yon ay pauwi na ako. Ngunit dito, walang sinu¬mang nagpatuloy sa akin. 19 Gayun¬man, may¬roon kaming dayami at damo para sa aming mga asno, at tinapay at alak para sa akin, sa aking maybahay at sa kasama na¬ming bina¬tilyo. Wala na kaming kailangan pa.”
20 Sinabi ng matandang lalaki: “Sumaiyo ang kapayapaan. Ibibigay ko ang lahat ng in¬yong kailangan, huwag ka lamang magpa¬lipas ng gabi rito sa liwasang-bayan.” 21 Isi¬nama ng ma¬tan-dang lalaki ang mga pana¬uhin sa kanyang bahay at binigyan ng damo ang mga asno. Nag¬hugas ng paa ang mga manlalakbay, at nag¬sikain at nagsiinom sila.
22 Habang nag-aaliw sila, pinaligiran ng mga buhong na kalalakihan ng lunsod ang bahay, pumukpok sa pinto at sinabi sa ma¬tandang lalaking may-ari ng bahay: “Ilabas mo ang lalaking tumuloy sa iyong bahay at nang ma¬halay namin siya.” 23 Lumabas ang may-ari ng bahay, hinarap sila at nagsabi: “Huwag, mga kapatid ko, huwag ninyo siyang gawan ng ma¬sama. Tumuloy dito sa bahay ko ang lala¬king ito, kayat huwag ninyo siyang gagawan ng masama. 24 Narito ang aking anak na dalaga pa at ang asawang alipin niya. Ilalabas ko sila at gahasain ninyo sila at gawin na ninyo ang ma¬kasisiya sa inyo, ngunit huwag ninyong gawin sa lala¬king ito.” 25 Ngunit hindi pina¬king¬gan ng mga lalaki ang matanda, kayat ini¬labas ng pana¬uhin ang asawang alipin. Magdamag nila itong ginahasa at hinalay. Madaling-araw na nang iwan ito.
26 Nang mag-uumaga na, dumating ang ba¬bae at napahandusay sa pintuan ng bahay ng matanda, na kinaroroonan ng kanyang asawa. Nanatili siya roon hanggang bukan-liwayway. 27 Bumangon ang kanyang asawa nang uma¬gang iyon, binuksan ang pinto ng bahay at lu¬mabas upang umalis. At nakita niya ang ba¬baeng nakahandusay sa bungad ng bahay at ang mga kamay ay nakakapit pa sa pintuan. 28 Sinabi niya sa babae: “Buma¬ngon ka at aalis na tayo.” Ngunit walang naging tugon. Kayat isinakay ito ng lalaki sa kanyang asno at umuwi na sila.
29 Pagdating niya sa bahay, kumuha siya ng isang kutsilyo at hinawakan ang kanyang asawa, at hiniwa-hiwa niya sa mga kasu-kasuan at hinati sa labindalawang piraso na ikinalat sa buong lupain ng Israel. 30 Iniutos niya sa kanyang mga sugo: “Sabihin ninyo ito sa mga Israelita: ‘Hanggang sa araw na ito, naka¬kita na ba kayo ng tulad nito mula nang luma¬bas ang mga Israelita sa lupain ng Ehipto? Pag-isipan ninyo ito. Sumangguni kayo at mag¬pasya.’” Lahat ng nakasaksi dito ay nagsabi: “Hanggang sa araw na ito, wala pang nangya¬yaring tulad nito o may nakita na kaming tulad nito mula nang umalis ang mga Israelita sa lupain ng Ehipto.”

20 1 Kayat nagtipun-tipon sa harapan ni Yawe sa Mizpa, na tila iisang tao, ang lahat ng anak ng Israel, ang buong pama¬yanan mula sa Dan hanggang Beer-seba, kabilang ang lupain ng Galaad. 2 Dumalo sa kapulungan ng bayan ng Diyos ang lahat ng pinuno ng lahat ng bayan at tribu ng Israel: apatnaraang libong kalalakihang nagsila¬kad, at lahat ay may da¬lang tabak.
3 Nalaman na rin ng mga pinuno ng tribu ng Benjamin na umahon na sa Mizpa ang mga Israelita.
Sinabi ng mga Israelita: “Sabihin ninyo sa amin kung paano nangyari ang krimeng ito.” 4 Nagsalita ang Levitang asawa ng babaeng pinatay: “Dumating ako sa Gibea ng Benjamin, kasama ang aking asawang-alipin upang doon magpalipas ng gabi. 5 Nang gumabi, dumating ang mga taga-Gibea at pinaligiran ang bahay sa pagtatangkang saktan kami. Talagang gusto nila akong pata¬yin, at ginahasa ang aking asawang-alipin hanggang mamatay siya. 6 At kinuha ko ang aking asawa, pinagputul-putol, at ipinadala ang bawat piraso sa bawat lupain ng Israel, sapagkat isang matinding kahi¬hiyan sa Israel ang ginawa nila. 7 Ngayong narito kayong lahat, mga anak ng Israel, pag-usapan ninyo at magpasya.”
8 Tila iisang taong tumindig ang lahat at sinabi: “Walang sinuman sa atin ang babalik sa kanyang tolda o sa kanyang bahay. 9 Ga¬nito ang gagawin natin sa mga taga-Gibea: magpapalabunutan tayo 10 at kukuha tayo sa bawat tribu ng Israel ng sampung lalaki mula sa bawat san¬daan, sandaan sa bawat sanlibo, at sanlibo sa bawat sampung libo. Mangangalap sila ng mga kakailanga¬nin ng hukbo upang parusahan ang Gibea sa Benjamin dahil sa kahihiyan sa Israel na ginawa ng mga tagaroon.” 11 Kayat nagkaisa ang lahat ng taga-Israel laban sa lunsod.
12 Nagpadala ang mga tribu ng Israel ng mga sugo sa buong tribu ng Benjamin at sinabi sa kanila: “Anong krimen itong ginawa ninyo? 13 Ibi¬gay ninyo sa amin ang mga buhong na kalalakihan ng Gibea upang mapatay namin at nang mapalis ang kasa¬maan sa Israel.” Ngunit hindi pinansin ng mga Benjaminita ang kanilang mga kapatid na Israelita.
14 Samantala, nilisan din ng mga Benja¬minita ang kanilang mga bayan at nagtipon sa Gibea upang harapin ang mga Israelita. 15 Nang araw na iyon, natipon ang mga Benjaminita na du-mating mula sa iba-ibang lunsod: dalawam¬pu’t anim na libong kawal na may tabak, bukod pa ang mga taga-Gibea. 16 Kabilang sa kanila ang pitundaang magigiting na lalaking pawang ka¬liwete, na walang paltos na nakapagpapa¬tama ng bato mula sa tirador sa isang hibla ng buhok.
17 Binilang din ng mga taga-Israel ang ka¬ni¬lang tauhan. Hindi kabilang ang Benjamin, nakatipon sila ng apatnaraang libong kawal, na pawang mandirigmang bihasang humawak ng tabak. 18 Kayat nagpunta sila sa Betel at doon ay tinanong ang Diyos: “Sino sa amin ang unang aahon upang makipaglaban sa mga Benja¬minita?” At sumagot si Yawe: “Unang aahon ang Juda.”
19 Maagang gumising ang mga Israelita at nagkampo sa tapat ng Gibea. 20 Lumisan sila upang kalabanin ang Benjamin at humanay la¬ban sa Gibea. 21 Ngunit lumabas ang mga Ben¬-jaminita mula sa Gibea at pinatay ang dala¬¬wampu’t dalawang libong Israelita.
22 At umahon ang mga Israelita at nana¬ngis kay Yawe hanggang gabi, at tinanong si Yawe: “Lulusubin ba naming muli ang aming mga kapatid na Benjaminita?” Sumagot si Yawe: “Sa¬lakayin ninyo sila.”
23 Kayat nanumbalik ang lakas ng loob ng bayan, ang mga taga-Israel at humanay sila muli. 24 Kinabukasan, sinalakay ng mga taga-Israel ang mga Benjaminita. 25 Ngunit nang araw ding iyon, lumabas ang mga Benjaminita at lumaban sa kanila at napatay ang labingwalong libong Israelitang may tabak.
26 At nagpunta sa Betel ang lahat ng Israelita. Doon sila naupo at nanangis sa harapan ni Yawe. Nag-ayuno sila sa buong maghapon hang¬¬¬¬gang gumabi at nag-alay ng mga sinunog na handog at hain ng mabuting pagsasama kay Yawe. 27 Sumangguni kay Yawe ang mga anak ng Israel sapagkat naroon ang Kaban ng Tipan, 28 sa pag-iingat ni Pinhas na anak ni Eleazar na anak naman ni Aaron. Tinanong nila: “Sasa¬lakayin ba naming muli at lalabanan ang aming mga kapatid na Benjaminita o hindi na?” Su¬magot si Yawe: “Sumalakay kayo bukas at ibibigay ko sila sa inyong mga kamay.”
29 Naghanda ng pananambang ang mga Israelita sa paligid ng Gibea. 30 Sa ikatlong araw, nagpunta ang mga Israelita sa Gibea at huma¬nay, tulad sa mga nakaraang pagka¬kataon. 31 Hi-narap sila ng mga Benjaminita, ngunit na¬harangan ng mga Israelita ang daan pabalik sa lunsod. Tulad nang dati, lumaban ang mga Benjaminita at nakapatay ng tatlumpung kawal sa dalawang daang uma¬ahon sa Betel at Gibea. 32 Kayat inisip ng mga Benjaminita: “Nalupig na naman natin sila.”
Ngunit nagpasya na ang mga Israelita sa kanilang sarili: “Umurong tayo at saka hahadlangan natin ang daan sa lunsod.” 33 Kaya umu¬rong ang mga taga-Israel at pumu¬westo sa Baal-Tamar, samantalang dumating ang mga na¬nanambang sa kanluran ng Gibea. 34 Kayat sam¬¬pung libong kawal na pinili sa buong Israel ang sumalakay sa Gibea. Mahigpitan ang na¬ging labanan at hindi napansin ng mga Ben¬jaminita ang malaking sakunang darating sa kanila. 35 Nilupig ni Yawe ang Benjamin sa harap ng Israel, at nang araw na iyon, napatay ng mga Israelita ang dalawampu’t limang libong Benjaminita na pawang kawal na may tabak.
36 Akala ng mga Benjaminita na nanalo sila, ngunit umurong ang mga Israelita sa¬pag¬kat umasa sila sa pananambang sa Gibea. 37 Big¬lang naglabasan ang mga nananambang, ku¬ma¬lat at sinalakay ang Gibea at pinatay sa saksak ang lahat ng nasa lunsod. 38 Kaalam ng mga Israelita ang mga nananambang na mag¬kakaroon ng maitim na usok mula sa lunsod bilang hudyat. Sa hudyat na ito, babalik ang mga Israelita upang lumaban.
39 Kayat nagbalik ang mga Israelita na nag¬kunwaring tumakas nang makapatay ang mga Benjaminita ng tatlumpung kalalakihan at nag¬palagay: “Natalo na naman natin sila, tulad sa unang labanan.” 40 Tuma¬taas na ang palatandaang usok mula sa lunsod at paglingon ng mga Benjaminita nakita nilang nasusunog ang buong lunsod, at tumataas ang apoy sa kala¬ngitan. 41 Nang harapin sila ng mga Israelita, nangatal ang mga Benjaminita sa harap ng dumarating na kasawian. 42 Umurong sila at tumakas pa¬tungo sa disyerto. Ngunit inabutan sila ng mga Israelita na lumabas mula sa lunsod at pinatay sila. 43 Pinaligiran ng mga Israelita ang mga Benjaminita at walang-humpay na hinabol ang mga ito at pinatay sa tapat ng Gibea sa silangan.
44 Labingwalong libong Benjaminita ang na¬patay, na pawang magigiting na kawal. 45 Umu-rong ang mga naiwan at tumakas pa¬tungo sa ilang ng Bundok ng Rimon. Gayunman, limang libo rin ang napatay sa mga daan. Hina¬bol sila ng mga Israelita hanggang sa Gideon at naka¬patay sila ng dalawang libo.
46 Nang araw na iyon, namatay ang dalawam¬pu’t limang libong kawal na Benjami¬nita, pawang magigiting na kawal na may tabak. 47 Sa mga tumakas sa ilang ng Bundok ng Rimon, animnaraan ang nakaligtas. Na¬natili sila roon nang apat na buwan. 48 Su¬malakay ang mga kawal ng Israel sa mga bayan ng Benjamin at pinatay ang lahat ng naroon, hindi lamang ang mga taong-bayan kundi pati na rin ang mga hayop at lahat ng makita nila. Sinunog din nila ang lahat ng bayan na matagpuan nila.

21 1 Sumumpa ang mga Israelita sa Mizpa: “Walang sinuman sa ating mag¬papa¬kasal ng kanyang anak na dalaga sa isang Benjaminita.”
2 Nagpunta ang bayan sa Betel. Naupo sila sa harapan ni Yawe hanggang gumabi, tinawag siya at nanangis nang buong-lumbay.
3 Sinabi nila: “Yawe, Diyos ng Israel, bakit nangyari sa Israel ang ganitong kasawian, na nalipol ang isa sa mga tribu sa araw na ito?” 4 Kinabukasan, maagang gumising ang mga tao at gumawa sila ng altar doon at nag-alay ng mga sinunog na handog at mga hain ng mabuting pagsasama. 5 At tinanong ng mga Israelita: “Sino sa mga tribu ng Israel ang hindi dumalo sa kapulungan ni Yawe?” Sa¬pag¬kat mataimtim nilang isinumpa na mamamatay ang sinumang hindi dumating sa Mizpa sa harapan ni Yawe.
6 Nahabag ang mga Israelita sa kanilang mga kapatid na Benjaminita at sinabi: “Sa araw na ito naputol ang isang tribu ng Israel. 7 Ano ang ating gagawin upang magkaroon ng asawa ang mga natira, sapagkat isinumpa natin kay Yawe na hindi natin ipakakasal ang ating mga anak na dalaga sa kanila?”
8 Kayat tinanong nila: “May tribu ba ng Israel na hindi dumating sa Mizpa sa harapan ni Yawe?” At natuklasan nilang walang sinu¬man sa Yabes ng Galaad ang dumating sa kampong pinagdausan ng kapulungan. 9 Gu¬mawa sila ng senso at napatunayang walang dumalo mula sa Yabes ng Galaad.
10 At nagpadala ang pamayanan ng labin¬dalawang libong matatapang na kawal na inatasan: “Salakayin ninyo ang mga taga-Yabes sa Galaad, at patayin sila sa saksak, pati ang mga babae at bata. 11 Ito ang inyong gagawin: patayin ang bawat lalaki at bawat babae na nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa lalaki, ngunit bayaang mabuhay ang mga dalaga.” 12 At gayon nga ang kanilang gi¬nawa. Nakakita sila ng apatnaraang dalaga sa mga taga-Yabes ng Galaad (na hindi pa nagkakaroon ng kaugnayan sa lalaki), at dinala ang mga iyon sa kampo sa Silo sa lupain ng Kanaan.
13 At nagpadala ng mga sugo ang kapulu¬ngan sa mga Benjaminitang nasa Bundok ng Rimon upang makipagkasundo, 14 at nagbalik ang mga Benjaminita. Ibinigay sa kanila ng mga Israelita ang mga babae ng Yabes ng Galaad na hindi pinatay, ngunit kulang ang mga ito para sa kanilang lahat.
15 Nahabag ang bayan sa mga Benja¬minita sapagkat pinabayaan ni Yawe na malipol ang isa sa tribu ng Israel. 16 Kayat sinabi ng mga matatanda sa pamayanan: “Ano’ng magagawa natin upang mabigyan ng asawa ang mga natira, sapagkat pinatay din ang mga kaba¬baihan ng Benjamin?” 17 At idinagdag nila: “Paano maililigtas ang isang nalabi sa Benjamin upang hindi malipol ang alinmang tribu ng Israel? Hindi natin mai¬bi¬bigay sa kanila ang ating mga anak na dala¬ga sapagkat nagsabi tayo: ‘Sumpain ang sinu¬mang magbigay ng asawa sa isang Benjaminita!’”
19 Ngunit sinabi nila: “Ngayon ang kapistahan ni Yawe na ipinagdiriwang taun-taon sa Silo, sa hilaga ng Betel, sa silangan ng daang patungo sa Sikem, at timog ng Le¬bona.” 20 Kayat pinayuhan nila ang mga Benjaminita: “Humayo kayo at manambang sa mga ubasan. 21 Maging handa kayo at kapag dumating na sumasayaw at pangkat-pangkat ang mga dalaga ng Silo, magsisi¬labas kayo at aagawin ng bawat isa ang isang mapapangasawa at tatakas kayo sa lupain ng Benjamin.
22 Kapag dumating ang kanilang mga ama o kapatid na lalaki upang tumutol, sasabihin namin sa kanila: ‘Unawain naman ninyo sila; nakita naman ninyo na pagkatapos ng dig¬ma¬an, wala nang paraan pa upang mabigyan ang bawat isa sa kanila ng asawa. Hindi naman kayo ang nagbigay sa kanila ng ka¬nilang asawa, kayat hindi ninyo sinira ang inyong panata.’”
23 Kayat tinangay nga ng mga Benja¬minita ang mga dalagang kailangan nila. At umalis na sila at bumalik sa lupaing kanilang namana, mu¬ling itinayo ang kanilang mga bayan at nani¬rahan doon.
24 Umalis ang mga Israelita at umuwi ang bawat isa sa kanyang bahay, sa kanyang tribu at pamilya. Nagbalik sila sa sariling pamana.
25 Nang panahong iyon, walang hari sa Israel at ginawa ng bawat isa ang sa palagay niya’y mabuti.

No comments: