2 Samuel

Ibinalita kay David ang pagkamatay ni Saul
1 • 1 Patay na si Saul. Nagbalik naman si David matapos lupi¬gin ang mga Amalecita. Dalawang araw na si David sa Siklag 2 nang sa ikatlong araw, may du¬ma¬ting na lalaki mula sa kampo ni Saul – warak ang damit at may alikabok sa ulo. Pinuntahan niya si David at nagpatirapa bilang pagpu¬pugay. 3 Tinanong siya ni David: “Saan ka galing?” At sumagot siya: “Nakata¬kas ako sa kampo ng Israel.” 4 At sinabi ni David: “Ano’ng nang¬yari? Sabihin mo sa ’kin.” At sinabi niya: “Tumakas ang mga tao mula sa labanan, marami ang na¬buwal at namatay. Patay na rin si Saul at si Yonatan na kanyang anak.”
5 Tinanong ni David ang kabataang nag-uulat sa kanya: “Paano mo nalamang pa¬tay na si Saul at si Yonatan na kanyang anak?”
6 Sumagot ang binata: “Nagkataong nasa Bundok Gilboa ako at nakita kong nakahilig si Saul sa kanyang sibat sa¬mantalang papalapit naman ang mga karwahe at mangangabayo. 7 Lumi¬ngon siya at tinawag ako pagkakita sa akin. Sinabi kong ‘Narito ako.’ 8 Itina¬nong niya, ‘Sino ka?’ at sumagot ako, ‘Isa akong Amale¬cita.’ 9 At sinabi niya sa akin, ‘Halika at patayin mo ako sapag¬kat hindi na ako makakilos bagamat buhay pa.’ 10 Kaya nilapitan ko siya at pinatay sapagkat alam kong hindi na siya ma¬aaring mabuhay pa matapos mabuwal. At kinuha ko ang ko¬rona sa kanyang ulo at ang pulseras sa kanyang bisig, at dinala ko rito ang mga ito sa aking panginoon.”
11 Hinawakan ni David ang kanyang damit at winarak, at gayundin ang ginawa ng kanyang mga tauhan. 12 At nagluksa sila, nanangis at nag-ayuno hanggang ki¬na¬gabihan dahil nabuwal sa tabak si Saul at si Yonatang anak niya at ang bayan ng Juda at ang sam¬bahayan ng Israel.
13 Tinanong ni David ang binatang may dala ng balita: “Tagasaan ka?” Sumagot naman ito: “Anak ako ng isang dayong Amalecita.” 14 Sinabi ni David: “Bakit hindi ka natakot pagbuhatan ng kamay ang pi¬na¬hiran ni Yawe para pa¬tayin siya?” 16 Idi¬nagdag pa ni David: “Ikaw ang mana¬nagot sa iyong dugo sapagkat sarili mo nang bibig ang su¬maksi laban sa iyo nang sabi¬hin mong ‘Pinatay ko ang pina¬hiran ni Yawe’.”
15 At tinawag ni David ang isa sa kan¬yang tauhan at sinabi: “Halika at sak¬sakin siya.” At sinaksak nga niya ang Amalecita at ito’y namatay.
17 Inawit ni David ang panaghoy na ito para kay Saul at kay Yonatang anak nito, 18 at ipinaturo niya sa mga anak ng Juda – “Ang Pana”. Nasusulat ito sa Aklat ng Ma¬tuwid.
19 “Pinaslang sa iyong kabundukan
ang ikinararangal ng Israel!
Nabuwal nga ang magigiting!
20 Huwag itong ipamalita sa Gat,
huwag ipahayag sa mga lansangan ng Askelon
kung hindi’y magagalak ang mga dalagang Pilistea,
magbubunyi ang mga anak na dalaga ng mga di-tuli.
21 O kabundukan ng Gilboa,
huwag ka nawang mahamugan o maulanan,
at mawalan ng masaganang bukid.
Sapagkat sa iyo nadungisan
ang kalasag ng magigiting.
Pinahiran hindi ng langis
ang kalasag ni Saul
22 kundi ng dugo ng mga pinatay,
ng taba ng magigiting.
Hindi umurong ang pana ni Yonatan,
di bumalik na walang tinamaan ang tabak ni Saul.
23 Saul at Yonatan, minahal at kinagiliwan,
hindi nagkalayo sa buhay man o kamatayan.
Maliksi pa sa mga agila,
malakas pa sa mga leon.
24 O mga dalaga ng Israel, iyakan si Saul,
binihisan niya kayo ng lugod at pulang damit,
ginayakan ng gintong palamuti ang iyong mga suot.
25 At nangabuwal ang magigiting sa gitna ng labanan,
pinatay si Yonatan sa iyong kabundukan.
26 Ako’y namimighati dahil sa iyo,
Yonatan na aking kapatid,
lubos kitang kinagiliwan!
Pagmamahal mo sa aki’y kahanga-hanga,
higit pa sa pag-ibig ng mga babae.
27 Nangabuwal ang magigiting
at napuksa, mga sandata ng digmaan!”
Si David, hari ng Juda sa Hebron
2 • 1 Pagkatapos nito, sumangguni si David kay Yawe: “Dapat ba akong umahon sa isa sa mga lunsod ng Juda?” Sinabi sa kanya ni Yawe: “Uma¬hon ka!” Itinanong naman ni David: “Saan ako pupunta?” Sumagot si Yawe: “Sa Hebron.” 2 At umahon nga si David sa Hebron, ka¬sama ang da¬lawa niyang asawang sina Ahinoam ng Jezrael at Abigail na biyuda ni Nabal ng Karmel. 3 Isinama rin niya ang kanyang mga tauhan, at kasama naman ng bawat isa ang kanyang sambahayan. 4 At tumira sila sa mga bayan ng Hebron. At duma¬ting ang mga taga-Juda at pinahiran ng langis si David bilang hari ng bayan ng Juda.
Nalaman ni David na mga taga-Yabes-Galaad ang naglibing kay Saul 5 kayat nagpadala siya ng mga sugo sa kanila para sabihing “Pagpalain kayo ni Yawe dahil sa pagmamagandang-loob ninyong ito sa inyong panginoong si Saul at ini¬libing ninyo siya. 6 At ngayon, ipakita nawa ni Yawe sa inyo ang kanyang pag-ibig at katapatan! Magiging maganda rin ang kalooban ko sa inyo dahil sa ginawa ninyong ito. 7 Maging ma¬lakas kayo nga¬yon at ma¬giting sa¬pagkat patay man ang inyong panginoong si Saul, pinahiran naman ako ng bayan ng Juda bilang hari nila.”
8 Samantala, kinuha ni Abner na anak ni Ner at heneral ng hukbo ni Saul si Isbaal na anak ni Saul, at dinala sa Ma¬hanaim 9 at ginawa siyang hari ng Galaad at ng mga taga-Aser at ng Jezrael, Efraim, Benjamin at ng buong Israel. 10 Apatnapung taon si Isbaal na anak ni Saul nang mag¬hari siya sa Israel, at da¬lawang taon siyang naghari. Sumunod naman kay David ang sambahayan ng Juda. 11 Pitong taon at anim na buwang naging hari ng sam¬bahayan ng Juda sa Hebron si David.
Digmaang-bayan
12 Umalis sa Mahanaim patungong Gibeon si Abner na anak ni Ner at ang mga lingkod ni Isbaal na anak ni Saul. 13 Lumakad din si Yoab na anak ni Sarvia at ang mga lingkod ni David. At nagtagpo ang mga ito sa tangke ng tubig sa Gibeon. Naupo ang isang pangkat sa isang tabi, at sa kabilang tabi naman ang isa pang pangkat. 14 Sinabi ni Abner kay Yoab: “Patindigin natin ang ilan sa mga kabataan at papaglabanin natin sa ating harap.” Su¬ma¬got si Yoab: “Sige.” 15 Nag¬¬si¬-tindig nga ang mga kabataan at hu¬manay: labindalawa sa mga Benjaminita ni Isbaal na anak ni Saul, at labindalawa rin sa tauhan ni David. 16 Hina¬wakan ng bawat isa ang ulo ng kanyang kalaban, at sinaksak ng tabak sa tagiliran, at sama-sama silang nabuwal. Kaya tinawag na Bukid ng Labanan ang lugar na iyon ng Gibeon.
17 Pagkatapos ng mabangis na sagupaan nang araw na iyon, nagapi ng mga tauhan ni David si Abner at ang mga tauhan ng Israel. 18 Naroon ang tatlong anak na lalaki ni Sarvia na sina Yoab, Abisai at Asael. Simbilis ng ma¬ilap na gasela si Asael, 19 at hinabol niya si Abner, at hindi niya ito hiniwalayan. 20 Lumi¬ngon si Abner at nagtanong: “Ikaw ba ’yan, Asael?” Sumagot si Asael: “Ako nga.” 21 Sinabi ni Abner sa kanya: “Bumaling ka sa kanan o sa kaliwa, isa sa mga kabataan ang sunggaban mo’t samsamin ang kanyang dala.” Ngunit tumanggi si Asael na hiwa-layan si Abner 22 kaya muling sinabi ni Abner: “Tigilan mo na ang paghabol sa akin. Tiyak na mapapatay kita. At paano pa ako makahaharap sa iyong kapatid na si Yoab?” 23 Ngunit ayaw humiwalay si Asael, kayat pa¬talikod na sinaksak siya ni Abner ng sibat sa sikmura, at lumusot ito sa kanyang likod. Bu¬mag¬sak siya roon at namatay noon din. At hu¬¬minto naman ang lahat ng mapadaan sa lugar na kinamatayan ni Asael.
24 Tinugis nina Yoab at Abisai si Abner, at sa pagtatakipsilim, dumating sila sa burol ng Amma na nasa silangan ng Giah patungo sa disyerto ng Gibeon.
25 Sinaklolohan ng mga Benjaminita si Abner, at naggrupo sila at pumusisyon sa tuktok ng isang burol. 26 At tinawag ni Abner si Yoab: “Kailan ba masisiyahan ang tabak? Hindi mo ba alam na kapaitan lamang ang wakas nito? Ka¬ilan mo sasabihin sa iyong mga tauhan na iti¬gil na ang paghabol nila sa kanilang mga ka¬patid?” 27 Sumagot si Yoab: “Buhay ang Diyos – at kung hindi ka nagsa¬lita, ipagpapatuloy ng bayan ang paghabol sa kanilang mga kapatid hanggang umaga.” 28 Kaya hinipan ni Yoab ang trumpeta at tumigil ang buong bayan at hindi na hinabol o kinalaban pa ang Israel.
29 Magdamag na nilakad ni Abner at ng kan¬yang mga tauhan ang Araba hanggang ma¬ka¬tawid sa Jordan, at buong umagang naglakad hanggang Mahanaim. 30 Nagbalik naman si Yoab mula sa paghabol kay Abner at tinipon ang lahat niyang tauhan. Bukod kay Asael, labinsiyam sa mga tauhan ni David ang nawawala. 31 Tatlundaa’t anim¬napu naman ang napatay ng mga tauhan ni David sa mga Benjaminita at sa mga tauhan ni Abner. 32 Binuhat nila si Asael at inilibing sa libingan ng kanyang ama sa Betle¬hem. At magdamag na naglakbay si Yoab at ang kan¬yang mga tauhan, at mali¬wanag na nang dumating sila sa Hebron.

3 • 1 Tumagal ang digmaan ng sambahayan ni Saul at ni David. At sa pag¬-lakas ni David, gayon naman ang paghina ng sambahayan ni Saul.
2 Nagkaroon ng mga anak na lalaki si David sa Hebron: si Amnon ang kanyang panganay na anak ni Ahinoam ng Jezrael, 3 pangalawa si Kileab na anak ni Abigail na biyuda ni Nabal ng Karmel, pangatlo si Absalom na anak ni Ma¬acang anak ni Talmai na hari ng Gesur, 4 pang-apat si Adonias na anak ni Hagit, panlima si Sefatias na anak ni Abital, 5 at pang-anim si Itream na anak ni Eglang asawa ni David. Ang mga ito ang naging anak ni David sa Hebron.
6 Samantalang patuloy ang digmaan ng mga sambahayan nina Saul at David, pinalalakas naman ni Abner ang kanyang pusisyon sa sam¬bahayan ni Saul.
7 May asawang-alipin si Saul na Rizpa ang pangalan, na anak ni Aya. At sinabi ni Isbaal kay Abner: “Ba’t ka sumiping sa asawang-alipin ng aking ama?” 8 Galit na galit si Abner dahil sa sinabi ni Isbaal, at sumagot siya: “Ano ako, ulo ng aso sa panig ng Juda? Naging tapat ako hang¬gang ngayon sa sambahayan ng iyong amang si Saul, sa kanyang mga kapatid at kai¬bigan, at hindi kita ipinagkanulo kay David, at pinarara¬tangan mo ako ngayon dahil sa ba¬baeng ito! 9 Parusahan ako ng Diyos at masahol pa, kung hindi ko magagawa para kay David ang ipinangako sa kanya ni Yawe 10 na ilipat ang kaharian mula sa angkan ni Saul at itatag ang trono ni David sa Israel at Juda mula Dan hang¬gang Berseba.”
11 Hindi nakasagot si Isbaal kay Abner dahil takot ito sa kanya.
12 Nagpadala ng mga sugo si Abner para sa¬¬bihin kay David: “Kanino ba ang lupain? Ma-kipagkasunduan ka sa akin at tutulungan kitang madala sa iyo ang buong Israel.” 13 Sumagot si David: “Magaling! Makikipag¬ka¬sunduan ako sa iyo pero sa isang kun¬disyon: makahaharap ka lamang sa akin kung kasama mo si Micol na anak ni Saul.”

• 14 At nagpadala naman ng mga sugo si David kay Isbaal na anak ni Saul at sinabing “Ibigay mo sa akin ang aking asawang si Micol na nakamit kong kapalit ng isandaang balat na tinuli sa mga Pilisteo.” 15 Ipinasundo ni Isbaal si Micol at inagaw sa asawa nitong si Paltiel na anak ni Lais. 16 Ngunit sinundan ito ng kanyang asawang lumuluha habang daan hanggang Ba¬hurim. At sinabi ni Abner sa kanya: “Umuwi ka na!” at bumalik nga siya.
17 Nakipag-usap si Abner sa mga mata¬tanda ng Israel at sinabi sa mga ito: “Matagal na ninyong gustong maging hari si David. 18 Gawin ninyo ito ngayon. Sapagkat na¬ngako si Yawe kay David at sinabing ‘Sa pamamagitan ni David na aking lingkod, ililigtas ko ang aking bayang Israel mula sa kamay ng mga Pilisteo at ng lahat nilang kaaway’.” 19 Kinausap din ni Abner ang mga taga-Benjamin, at saka siya nag¬punta sa Hebron para sabihin kay David ang lahat ng mabuti sa palagay ng Israel at ng buong sambahayan ng Benjamin.
Pinatay ni Yoab si Abner
20 Kasama ni Abner ang dalawampu ni¬yang tauhan nang puntahan nito si David sa Hebron, at naghanda naman ng mala¬king salu-salo si David para kay Abner at sa mga tauhan nito. 21 At pagkatapos, sinabi ni Abner kay David: “Aalis ako nga¬yon at titipunin ko sa aking panginoong hari ang buong Israel upang makipag¬kasunduan sila sa iyo at ikaw ang maka¬pag¬hari sa lahat ng hangad mo.”
Pinalakad ni David si Abner at umalis itong mapayapa.
22 Hindi nagtagal, dumating naman ang mga tauhan ni David at si Yoab mula sa pananalakay at marami silang dalang nasamsam. Hindi na isinama ni David sa Hebron si Abner kundi pina¬la-kad na niya ito at mapayapang umalis.
23 Pagdating ni Yoab at ng buong huk¬¬bong kasama niya, may nagsabi sa kanya na pinuntahan ni Abner na anak ni Ner ang hari, at pinalakad siya ng hari at umalis naman itong mapayapa. 24 Pinun¬tahan ni Yoab ang hari at sinabi: “Ano ang ginawa ninyo? Pinuntahan pa¬la kayo ni Abner. Bakit ninyo siya pi¬¬naalis at pina¬yagang makalayo? 25 Kilala naman ninyo si Abner na anak ni Ner, napa¬rito siya para linlangin kayo at ala¬min ang inyong mga plano at lahat ng inyong ginagawa.”
26 Iniwan ni Yoab si David at nag¬pa¬dala ng mga sugo para habulin si Abner, at ibinalik siya ng mga ito mula sa balon ng Sirah. Pero hindi iyon alam ni David. 27 Bu¬¬¬malik nga si Abner sa Heb¬ron, at mag-isa siyang isinama ni Yoab sa may pintuan ng lunsod na kunwa’y kakausapin nang sarilinan. Doon niya ito sinaksak sa tiyan para ipaghiganti ang dugo ni Asael na kanyang kapatid. At ito’y namatay.
30 Pinatay ni Yoab at ni Abisai na kan¬¬yang kapatid si Abner dahil pinatay nito sa labanan sa Gibeon si Asael na ka¬nilang kapatid.
28 Nang mabalitaan iyon ni David pag¬ka¬tapos, sinabi niyang “Ako at ang aking kaharia’y di parurusahan ni Yawe kailan¬man sa dugo ni Abner na anak ni Ner. 29 Singilin nawa ito kay Yoab at sa buong sambahayan ng kanyang ama. At huwag nawang mawalan ang sambahayan ni Yoab ng maytulo o keto¬ngin o may hawak na pangkidkid ng sinulid o ng nabubuwal sa tabak o ng walang makain.”
31 At sinabi ni David kay Yoab at sa lahat ng kasama niya: “Warakin ang in¬yong damit, magbihis ng sako at mag¬¬luksa sa harap ni Abner.” At si Ha¬ring David mismo ay nakipaglibing. 32 Ini¬li¬bing nila si Abner sa Hebron; at mala¬kas na nanangis ang hari sa libi¬ngan ni Abner at umiyak din ang buong bayan.
33 Inawit ng hari ang panaghoy na ito para kay Abner:
“Dapat bang mamatay na parang isang ha¬ngal si Abner?
34 Hindi nakagapos ang iyong mga kamay,
hindi nakakadena ang iyong mga paa
ngunit nabuwal kang gaya ng mga nabu¬buwal
sa harap ng masasama.”
At muli siyang iniyakan ng buong bayan.
35 Nilapitan nilang lahat si David para pakainin habang araw pa, ngunit sumumpa si David: “Gawin ito sa akin ng Diyos at higit pa kung titikim ako ng tinapay o anuman bago lumubog ang araw!”
36 Namabuti ito ng mga tao gaya ng lahat ng ginawa ng hari. 37 Sa araw na iyon, nauna¬waan ng buong bayan at ng buong Israel na hindi ang hari ang nagpapatay kay Abner na anak ni Ner.
38 Sinabi ng hari sa kanyang mga tauhan: “Alam ba ninyo na isang heneral at dakilang tao ang namatay sa araw na ito sa Israel? 39 At nga¬yon, ako nga ang pinahirang hari ngunit wala akong magawa para pigilin ang mga anak na ito ni Sarvia. Si Yawe nawa ang sumi¬ngil sa maygawa ng masama ayon sa kanyang kasamaan.”
Pinatay si Isbaal
4 1 Nang mabalitaan ni Isbaal na anak ni Saul na namatay si Abner sa Hebron, nanlumo siya at nangilabot naman ang buong Israel. 2 May dalawang tauhan ang anak ni Saul, dalawang kapitan ng mga mananalakay: si Baana ang isa at si Rekab naman ang isa pa, kapwa mga anak ni Rimong taga-Beerot. Mga Benja¬mi¬nita sila sapagkat itinuturing pa ring bahagi ng Benjamin ang Beerot. 3 Tumakas ang mga taga-Beerot papuntang Gitaim at doon tumira bilang mga dayuhan hanggang sa araw na ito.
4 (May isa namang lumpong anak na lalaki si Yonatang anak ni Saul. Limang taon ang bata nang dumating ang balita mula sa Jezrael tung¬kol kina Saul at Yonatan. Ki¬narga siya ng kan¬yang yaya para tumakas. Pero sa kanyang pag¬mamadali, nahulog ang bata at nalumpo. Mefi¬baal ang pangalan nito.)
5 Samantala, umalis sina Rekab at Baana na mga anak ni Rimon ng Beerot. Sa kainitan ng araw, dumating sila sa bahay ni Isbaal na nag¬sisiesta noon. 6 Nagpipili ng trigo ang babaeng bantay sa pinto, ngunit inantok ito at nakatulog kaya nakapasok sa loob ng bahay si Rekab at si Baanang kapatid nito. 7 Mabilis silang pumasok sa kuwarto ni Isbaal na natutulog sa kanyang higaan. Sinaksak nila ito at pinatay, pinu¬gutan ng ulo at kinuha iyon. At ma¬g¬damag si¬lang naglakbay sa daang pa-Araba. 8 Dinala nila ang ulo ni Isbaal kay David sa Hebron at sinabi sa hari: “Hayan ang ulo ni Isbaal na anak ni Saul, ang inyong kaaway na nagtangka sa inyong buhay. Sa araw na ito, ipinaghiganti ni Yawe ang aking panginoong hari laban kay Saul at sa kanyang lahi.”
9 Ngunit sinagot ni David si Rekab at si Baanang kapatid nito na mga anak ni Rimon ng Beerot: “Buhay si Yaweng sumagip sa akin sa lahat ng kagipitan! 10 Nang may nag¬sabi sa aking patay na si Saul sa pani¬ni¬walang magandang balita ang dala niya, sinunggaban ko siya at pinatay sa Siklag, na magagantimpalaan ko sana. 11 Gaano pa ngayon kung masasamang tao ang pumas¬lang sa isang taong matuwid sa sarili niyang pamamahay at sa sarili niyang higaan? Hindi ko ba sisingilin ngayon ang kan¬yang dugo mula sa inyong mga kamay at bu¬burahin kayo sa lupa?”
12 At inutusan ni David ang kanyang mga tauhan. At pinatay sila ng mga ito, pinutol ang kanilang mga kamay at paa, at isinabit ang mga iyon sa may tangke ng tubig sa Hebron. Kinuha naman nila ang ulo ni Isbaal at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron.
Si David, hari ng Israel
5 • 1 Nagpunta kay David sa Hebron ang lahat ng tribu ng Israel at sinabi: “Buto’t laman mo kami. 2 Sa nagdaang panahon, nang si Saul ang hari namin, ikaw na ang namuno sa Is¬rael sa lahat ng bagay. At sinabi ni Yawe sa iyo na ikaw ang magiging pastol ng kanyang bayang Israel at ma¬giging pinuno ka ng Israel.” 3 Na¬ki¬pag¬ka¬sun¬duan si Haring David sa harap ni Yawe sa lahat ng matatanda ng Israel na pu¬munta sa kanya sa Hebron, at pinahiran naman nila si David bilang hari ng Israel.
4 Tatlumpung taon si David nang ma¬ging hari siya, at apatnapung taon si¬yang naghari: 5 pitong taon at anim na buwan bilang hari ng Juda sa Hebron at tat¬lum¬pu’t tatlong taon naman sa buong Israel at Juda sa Jerusalem.
Inagaw ni David ang Jerusalem
6 Nagpunta ang hari at ang kanyang mga utusan sa Jerusalem laban sa mga Yebuseong naninirahan sa lupain. Sinabi ng mga ito kay David: “Di ka makapapasok dito pagkat itataboy ka ng mga bulag at pilay,” na ibig sabihi’y hinding-hindi ma¬kapapasok si David. 7 Ngunit nabihag ni David ang kuta ng Sion na naging “Lun¬sod ni David”.
8 Sinabi ni David nang araw na iyon: “Kailangang dumaan sa tunel na daluyan ng tubig ang sinumang lulusob sa mga Yebuseo papunta sa mga pilay at bulag na iyon na kinamumuhian ni David.” Kaya naging kasabihan “Hindi makapapasok sa Bahay ang mga bulag at pilay.”
9 Tumira si David sa kuta at tinawag iyong Lunsod ni David. Nagtayo siya sa buong paligid niyon mula sa Milo gayun¬din sa loob. 10 Lalong naging maka¬pang¬yarihan si David sapagkat sumasakanya si Ya¬weng Diyos ng mga Hukbo.
11 Nagpadala ng mga sugo kay David si Hiram na hari ng Tiro, may dalang mga trosong sedro at may kasamang mga karpintero at mga kantero, at nagtayo sila ng bahay para kay David.
12 At naunawaan ni David na inilagay nga siya ni Yawe bilang hari sa buong Israel, at iti¬naas ang kanyang kaharian alang-alang sa ba¬yan nitong Israel. 13 Pagkagaling niya sa Hebron, kumuha pa si David ng iba pang mga asa¬wang-alipin at mga asawa sa Jerusalem, at nagkaroon siya ng mas ma¬rami pang mga anak na lalaki at babae. 14 Ito ang mga pa¬nga¬lan ng mga ipinanganak sa kanya sa Jerusalem: Samua, Sobab, Natan, So¬lo¬mon, 15 Yibar, Elisua, Nefeg, Yafia, 16 Eli¬sama, Eliada at Elifelet.
17 Nang mabalitaan ng mga Pilisteo na pina¬hiran na bilang hari ng Israel si David, umahon silang lahat para hulihin si David. Nang malaman iyon ni David, nagpunta siya sa kuta. 18 Du-mating na at humanay ang mga Pilisteo sa Lambak ng Refaim. 19 Sinangguni naman ni David si Yawe: “Sasalakay ba ako sa mga Pilis¬teo? Ibibigay mo ba sila sa aking mga kamay?” Sinabi ni Yawe kay David: “Sige, sapagkat ibi¬bigay ko nga ang mga Pilisteo sa iyong mga kamay.” 20 Pumunta si David sa Baal-Perazim at nalupig niya sila roon. Sinabi niya: “Piniraso ni Yawe ang aking mga kaaway na parang di¬na¬anan ng baha.” Kaya tinawag na Baal-Perazim ang lugar na iyon. 21 Kinuha ni David at ng kan¬¬yang mga tauhan ang mga diyus-diyusang iniwan ng mga Pilisteo.
22 Bumalik ang mga Pilisteo at muling humanay sa Lambak ng Refaim. 23 Sinang¬guni ni David si Yawe at sinabi nito sa kanya: “Huwag kang sumalakay sa harap kundi palibutan mo sila sa likuran at lusubin sila sa tapat ng mga punong-balsamo. 24 Kapag nakarinig ka ng mga yabag sa itaas ng mga punong-balsamo, sumu¬god ka agad sa¬pag¬kat mangunguna sa iyo si Ya¬we sa pagsugod sa hukbong Pilisteo.” 25 Gina¬wa nga ni David ang iniutos ni Yawe at pinagtataga niya ang mga Pilisteo mula Gibeon hang¬gang Gezer.
Inilipat ni David sa Jerusalem ang Kaban
6 • 1 Muling tinipon ni David ang mga piling kalalakihan ng Israel – tat¬lum¬pung libong lahat. 2 Siya at lahat ng kasama niya pa-Baala ng Juda ay luma¬kad para dalhin mula roon ang Kaban ng Diyos kung saan binigkas at inilagay mismo ni Yawe ng mga Hukbo ang kan¬yang Pangalan, siya na naka¬luklok sa mga kerubin.
3 Isinakay nila ang Kaban ng Diyos sa isang bagong kariton at dinala ito mula sa bahay ni Abinadab sa burol. Sina Uzza at Ahio na mga anak ni Abinadab ang uma¬gapay sa bagong kariton, 4 na¬ngunguna sa Kaban si Ahio. 5 Buong lakas na suma¬sayaw si David at ang bu¬ong sambahayan ng Israel sa harap ni Yawe, nagkakan¬tahan at nagtutugtugan ng lira, alpa, tam¬bu¬rin, kastanet at pompiyang.
6 Pagsapit nila sa giikan ni Nakon, inabot ni Uzza ang Kaban ng Diyos at hinawakan pagkat muntik na itong itaob ng mga baka. 7 Sumiklab ang galit ni Yawe kay Uzza at noon di’y pinarusahan siya ng Diyos dahil sa kanyang pagkakamali. Na¬matay si Uzza doon sa tabi ng Kaban ng Diyos.
8 Nagalit si David dahil pinarusahan ni Yawe si Uzza, at tinawag na Perez-Uzza ang lugar na iyon hanggang nga¬yon.
9 Natakot si David kay Yawe nang araw na iyon at sinabi: “Paano maka¬rarating sa akin ang Kaban ni Yawe?” 10 At ayaw na ni David na dalhin sa kanya ang Kaban ni Yawe sa Lunsod ni David, at sa halip ay ipinadala niya sa bahay ni Obed-Edom na taga-Gat. 11 Tatlong buwan doon ang Kaban ni Yawe, at pinagpala ni Yawe si Obed-Edom at ang buo nitong samba¬hayan. 12 May nakapagbalita kay Haring David na pinagpala ni Yawe ang samba¬hayan ni Obed-Edom at ang lahat nitong ari-arian dahil sa Kaban ng Diyos.
Kaya lumusong si David at masa¬yang iniahon sa Lunsod ni David ang Kaban ng Diyos mula sa bahay ni Obed-Edom. 13 Na¬kaaanim na hakbang pa lamang ang mga may dala sa Kaban ni Yawe, nag¬han¬dog na siya ng isang toro at isang pinata¬bang guya.

• 14 Buong lakas na sumasayaw si David na nakaefod na linen sa harap ni Yawe 15 habang dala niya at ng buong samba¬hayan ng Israel ang Kaban ni Yawe sa gitna ng hiyawan at tunog ng trumpeta. 16 Pag¬pa¬sok ng Kaban ni Yawe sa Lunsod ni David, dumungaw sa bin¬tana si Micol na anak ni Saul. At nang makita niya si David na lumulundag at sumasayaw sa harap ni Yawe, nakutya siya rito sa kan¬yang puso.
17 Ipinasok nila ang Kaban ni Yawe at inilapag sa lugar nito sa toldang sadyang ipinatayo ni David para rito. At nag-alay si David sa harap ni Yawe ng mga sinunog na handog at mga hain sa ma¬buting pag¬sasamahan. 18 Nang matapos ang pag¬hahandog, pinagpala niya ang bayan sa Ngalan ni Yawe ng mga Hukbo. 19 At ipinamahagi niya sa buong bayan, sa bawat lalaki at ba-baeng Israelita ang tig-isang tinapay, isang hiwa ng inihaw na guya at bibing¬kang pasas. At nagsiuwi ang lahat sa kani-kanilang tahanan.
20 Pag-uwi ni David para basbasan ang sariling sambahayan, sinalubong siya ni Micol na anak ni Saul at sinabi: “Napaka¬laking karangalan nga naman para sa hari ng Israel ngayon na mag¬hubad siyang gaya ng mga bastos sa harap ng mga ali¬¬ping babae ng kanyang mga lingkod.”
21 Ngunit sinabi ni David kay Micol: “Sa harap ni Yawe ako sumayaw. Buhay si Yaweng pumili sa akin kaysa iyong ama at sa kanyang sambahayan, at hi¬nirang niya akong pinuno ng Israel na bayan ni Yawe. At maglululundag ako sa tuwa sa harap niya. 22 Mas mag¬papa¬kababa pa ako kaysa rito at ma¬aaring hamakin mo ako pero para¬ra¬ngalan na¬man ako ng mga ba¬baeng aliping binabanggit mo.”
23 At hindi nagkaanak si Micol na anak ni Saul hanggang sa araw na namatay siya.
Propesiya ni Natan
7 • 1 Nang nasa kanyang bahay na ang hari at binigyan siya ng ka¬pahinga¬han ni Yawe mula sa lahat niyang kaaway sa paligid, 2 sinabi niya sa propetang si Natan: “Tingnan mo, nakatira ako ngayon sa isang bahay na sedro pero nasa tolda lamang ang Kaban ng Diyos.” 3 Sumagot si Natan: “Gawin mo ang iniisip mo sapagkat sumasaiyo si Yawe.”
4 Ngunit nang gabing iyon, dumating ang salita ni Yawe kay Natan:
5 “Humayo ka at sabihin sa aking ling¬kod na si David, ‘Ito ang sinasabi ni Yawe: Ikaw ba ang magtatayo ng bahay na aking titirhan? 6 Hindi pa ako tumitira sa bahay sapul nang iahon ko ang mga Israelita mula sa Ehipto hanggang sa araw na ito. Kundi nagpalipat-lipat ako sa mga lugar na isang tolda ang tirahan. 7 Sa buong panahong nag¬lakbay akong kasama ang lahat ng Israelita, may sinabi ba ako sa mga pinuno ng Israel na inu¬tusan kong ipas¬tol ang aking bayang Israel? Sinabi ko ba: Bakit hindi ninyo ’ko ipagtayo ng isang bahay na sedro?’
8 Sabihin mo ngayon sa aking lingkod na si David: Ito ang sinasabi ni Yawe ng mga Hukbo: Kinuha kita sa pastulan at mula sa pagsunod sa kawan para maging pinuno ng aking ba¬yang Israel. 9 Sumaiyo ako saan ka man pumunta, at pinuksa ko sa harap mo ang lahat mong kaaway. At nga¬yon, patatanyagin ko ang iyong pa¬nga¬¬lan tulad sa mga dakilang tao sa daigdig. 10 Magtatakda ako ng lugar para sa aking bayang Israel at doon ko sila ipu¬¬punla upang mabuhay sila sa sarili ni¬lang lugar. Wala nang gugulo sa kanila at hindi na muling sisiilin ng masasama gaya noong una. 11 Mula nang humirang ako ng mga hukom sa aking ba¬yang Israel, ikaw lamang ang binigyan ko ng kapahingahan mula sa lahat ng kaaway. At sinasabi sa iyo ni Yawe na siya mismo ang magtatayo ng bahay para sa iyo.
12 Pag tapos na ang iyong mga araw at nahimlay ka na sa piling ng iyong mga ninuno, bibigyang-kapangyarihan ko ang iyong supling na kasunod mo, na isisilang mula sa iyo, at itatatag ko ang kanyang paghahari.
13 Siya ang magtatayo ng bahay para sa aking Pangalan at itatatag ko naman ang trono ng kanyang kaharian mag¬pa¬kailanman. 14 Magiging ama ako sa kanya at magiging anak ko naman siya. Kapag nag¬kasala siya, itu¬tuwid ko siya sa pa¬malo gaya ng ginagawa ng mga tao. 15 Ngu¬nit hindi ko babawiin ang pag-ibig ko sa kanya tulad nang bawiin ko ito kay Saul nang alisin ko siya sa iyong harapan. 16 Ma¬na¬natili sa harap ko magpakailan¬man ang iyong sambahayan at ang iyong kaharian, at matatatag ang iyong trono magpasa¬wa¬langhanggan.”
17 Sinabi ni Natan kay David ang lahat ng salitang ito at pangitain.
18 At pumasok si David, naupo sa harap ni Yawe at sinabi: “Sino ako, O Panginoong Yawe, at ano ang aking pamilya at dinala mo ako hanggang dito? 19 Subalit napakaliit pa rin nito sa iyong paningin, O Panginoong Yawe, kayat nangako ka pa tungkol sa sambahayan ng iyong lingkod. Ganito ba ang gawi ng tao, O Pangi¬noong Yawe? 20 Ano pa ang masasabi ni David sa iyo? Kilala mo ang iyong lingkod, Pa¬nginoong Yawe. 21 Dahil sa iyong salita at ayon sa iyong kalooban, ginawa mo ang lahat ng dakilang bagay na ito na ipinababatid mo sa iyong ling¬kod. 22 Dakila ka nga, O Yaweng Diyos! Wala kang katulad, at wala nang ibang Diyos liban sa iyo gaya ng narinig ng aming mga tainga.
23 May katulad ba sa lupa ang iyong bayang Israel, isang bansang nilapitan ng Diyos para tubusin bilang bayan niya? Pinatanyag mo nga ang iyong bayan sa paggawa ng dakila at ka¬gila-gilalas na mga bagay alang-alang sa iyong luwalhati, sa pagliligtas mo sa kanila mula sa Ehipto, sa bayan at mga diyos nito. 24 Itinatag mo at pinatatag ang Israel bilang pinakabayan mo magpakailanman. At ikaw, Yawe, ang na¬ging Diyos nila.
25 Ngayon, O Yaweng Diyos, tuparin mo mag¬pakailanman ang pangakong binitiwan mo tungkol sa iyong lingkod at sa kanyang sambahayan, at gawin ang iyong sinabi. 26 Dakilain nawa ang iyong Pangalan mag¬pakailanman sa pagsasabing ‘Si Yawe ng mga Hukbo ang Diyos ng Israel.’ At ma¬ta¬tatag sa harap mo ang sam¬bahayan ng iyong lingkod na si David 27 sapag¬kat ipinahayag mo na ito, O Yawe ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, sa iyong lingkod at sinabi sa kanyang ‘Ipagtatayo kita ng isang bahay.’ Kaya naman nagkalakas-loob ang iyong lingkod na manalangin sa iyo nang ganito.
28 At ngayon, O Panginoong Yawe, ikaw ang Diyos at totoo ang iyong mga salita, at binitiwan mo ang magandang pangakong ito sa iyong lingkod, 29 ikalugod mo nawang pagpalain ang sambahayan ng iyong lingkod upang manatili sa harap mo magpasa¬walanghanggan. Sapag-kat ikaw, O Pangino¬ong Yawe, ang nag¬sabing pagpapalain mag¬pa¬kailanman sa iyong pagbabasbas ang sambahayan ng iyong lingkod.”
Mga pakikipagdigma ni David
8 • 1 Pagkatapos nito, nilupig ni David ang mga Pilisteo, at inagaw sa kanila ang kapangyarihan sa lupain. 2 Nilupig din niya ang mga Moabita. Pinahiga niya ang mga ito sa lupa at saka sinu¬kat ng isang tali. Tigdadalawang haba ng tali ang pinatay at pinabayaan namang mabu¬hay ang isang haba. Kaya nasakop ni David ang mga Moabita at nagbuwis sa kanya ang mga ito.
3 Nilupig din ni David si Hadadezer na anak ni Rehob at hari ng Soba nang tangkain nitong muling makapangyari sa Ilog Eu¬frates. 4 Nabi¬hag ni David mula sa kanya ang sanlibo’t pitun-daang mangangabayo at dalawampunlibong kawal na lakad. Pinatid niya ang litid ng lahat ng kabayo at nag-iwan lamang ng sapat para sa san¬daang karwahe.
5 Dumating naman ang mga Arameo ng Damasco para tulungan si Hadadezer na hari ng Soba ngunit naigupo ni David ang dalawam¬pu’t dalawang libo sa mga Ara¬meong ito. 6 At nag-lagay si David ng mga garison sa Aram ng Da¬masco at napasailalim ni David ang mga Ara¬meo na nagbayad naman sa kanya ng buwis. Pinagtagumpay ni Yawe si David saanman siya pumunta.
7 Kinuha ni David ang mga gintong ka¬lasag ng mga opisyal ni Hadadezer at dinala ang mga ito sa Jerusalem. 8 Napa¬karami ring tanso ang kinuha ni Haring David sa Tebah at Berotai na mga lunsod ni Hadadezer.
9 Nang mabalitaan ni Tou na hari ng Hamat na nilupig ni David ang buong hukbo ni Hada-dezer, 10 isinugo niya ang kanyang anak na si Yoram kay Haring David upang kumustahin at batiin sa paglaban at paglupig kay Hadadezer na matagal nang kalaban ni Tou. Nagdala si Yoram ng mga bagay na yari sa pilak, ginto at tanso 11 na inilaan naman ni Haring David kay Yawe, kasama ng mga pilak at gintong inilaan niya mula sa lahat ng bansang nasakop niya: 12 mula sa Edom at Moab, mula sa mga Amonita, mga Pilisteo, mga Amalecita, at ang mga nasamsam kay Hadadezer na anak ni Rehob at hari ng Soba.
13 Natanyag si David pagbalik niya mula sa pakikipaglaban sa Edom sa Lambak ng Asin, labingwalong libong Edomita ang nalupig niya. 14 Naglagay siya ng mga ga¬rison sa buong Edom at nasakop niya ang lahat ng Edomita. Pina¬pagtagumpay ni Yawe si David saanman siya pumunta.
• 15 Naghari si David sa buong Israel, nagtad¬hana ng mga batas at naggawad ng katarungan sa buo niyang bayan. 16 Si Yoab na anak ni Sarvia ang pinuno ng hukbo, si Yo¬safat na anak ni Ahilud ang tagapagtala, 17 at si Sadok na anak ni Ahitub at si Ahimelek na anak ni Abiatar naman ang mga pari, si Seraya ang sekretaryo, 18 at si Benayang anak ni Yehoiada ang taga¬pamahala sa mga Kereteo at Peleteo. Mga pari ang mga anak ni David.
9 1 Nagtanong si David: “May nalalabi pa ba sa angkan ni Saul na maaari kong pag-magandahang-loob alang-alang kay Yona¬tan?” 2 May isang utusan namang nagnganga¬lang Ziba ang sambahayan ni Saul, at pina¬harap nila siya kay David, at sinabi sa kanya ng hari: “Ikaw ba si Ziba?” Sumagot ito: “Ang in¬yong lingkod.” 3 At itinanong ng hari: “Wala na bang nalalabi sa angkan ni Saul na magagawan ko ng kagandahang-loob ng Diyos?” Sinabi ni Ziba sa hari: “May anak na lalaking lumpo si Yonatan.” 4 Si¬nabi ng hari: “Nasaan siya?” At su¬magot si Ziba: “Nasa Lodebar siya, sa bahay ni Makir na anak ni Ammiel.” 5 Ipina¬sundo ito ni Haring David sa Lodebar, sa bahay ni Makir na anak ni Ammiel.
6 Pagdating ni Mefibaal na anak ni Yonatan na anak naman ni Saul, yumuko itong sayad sa lupa ang mukha. At sinabi ni David: “Mefi¬baal.” Sumagot ito: “Narito ang inyong ling¬kod.” 7 Si-nabi naman ni David: “Huwag kang matakot. Pagmamagan¬dahang-loob kita alang-alang kay Yonatan na iyong ama, at ibabalik ko sa iyo ang buong lupain ng iyong amang si Saul. Bukod dito, lagi kang dudulog sa aking hapag.” 8 Yu¬muko si Mefibaal at sinabi: “Sino ang inyong lingkod para bigyang-pansin ang tulad kong isang patay na aso?”
9 Ipinatawag ng hari si Zibang utusan ni Saul, at sinabi sa kanya: “Ibinibigay ko sa anak ng iyong amo ang lahat ng ari-arian ni Saul at ng kanyang angkan. 10 Ikaw naman at ang iyong mga anak at mga alipin ang magbubungkal ng lupa at mag-aani para sa kanya upang magkaroon ng kakainin ang sambahayan ng iyong amo. Ngunit si Mefibaal na anak ng iyong amo ay laging dudulog sa aking hapag.” May labinlimang anak na lalaki at dalawampung utusan si Ziba, 11 at sinabi nito sa hari: “Gagawin ng inyong lingkod ang lahat ng iniuutos ng aking panginoong hari, pero kumakain na namang parang isang anak ng hari si Mefibaal sa aking hapag.” 12 May anak na batang lalaki si Mefi¬baal na nagngangalang Mika; at naging taga¬paglingkod ni Mefibaal ang lahat ng nasa bahay ni Ziba.
13 Ngunit sa Jerusalem tumira si Mefibaal sapagkat lagi siyang kasalo sa hapag ng hari. Pilay siya sa dalawang paa.

10 1 Pagkamatay ng hari ng mga Amonita, si Hanun na kanyang anak ang humalili sa kanya. 2 At sinabi ni David: “Pagmamagandahang-loob ko si Hanun na anak ni Na¬has gaya ng pagmamagandang-loob sa akin ng kanyang ama.” Kaya isinugo ni David ang kanyang mga lingkod para maki¬ramay kay Hanun sa pagyao ng ama nito. Pagdating ng mga lingkod ni David sa lupain ng mga Amonita, 3 sinabi ng mga pinuno ng mga Amonita kay Hanun na kanilang panginoon: “Sa tingin ba ninyo’y pinararanga¬lan ni David ang inyong ama sa pagsusugo ng mga taong makikiramay sa inyo? Hindi kaya ipinadala sa inyo ni David ang kanyang mga tauhan para magmanman at maniktik, at ibag¬sak ang lunsod?”
4 At ipinadakip ni Hanun ang mga tauhan ni David, inahit ang kalahati ng kanilang balbas at ginupit ang kanilang mga damit hanggang puwitan at saka pinaalis. 5 Nang maiulat ito kay David, nagpadala siya ng mga sasalubong sa kanyang mga tauhan sapagkat lubha silang napahiya. Pina¬sabihan sila ng hari: “Sa Jerico muna kayo manatili hanggang tumubo ang inyong balbas, at saka kayo bumalik.”
6 Nakita ng mga Amonita na mabaho na sila kay David kayat nagpasugo sila para umupa ng dalawampunlibong kawal na Arameo sa Bet-Rehob at Soba, pati na ng isanlibong tauhan ng hari ng Maaka kasama ang labindalawang libong taga-Tob. 7 Nang mabalitaan ito ni David, isinugo naman niya si Yoab at ang buong huk¬bo ng magigiting.
8 Humanay ang mga Amonita para sa labanan sa bukana ng tarangkahan ng kanilang siyudad at pumusisyon naman sa kaparangan ang mga Arameong taga-Soba at Rehob at ang mga tauhan galing sa Tob at Maaka. 9 Nang makita ni Yoab na napa¬pagit¬naan sila sa laba¬nan sa harap at sa likuran, pinili niya ang mga piling-piling tauhan ng Israel at pinahanay ang mga iyon para harapin ang mga taga-Aram.
10 At inilagay naman niya sa pamumuno ni Abisai na kanyang kapatid ang nalalabi pa sa hukbo, at pinahanay ang mga iyon para maki¬pagsagupa sa mga Amonita. 11 At sinabi niya: “Kung mas malakas kaysa akin ang mga Arameo, kailangang tulungan mo ako; at kung ang mga Amonita ang mas malakas kaysa iyo, tu¬¬tulungan naman kita. 12 Lakasan mo ang loob! Magpakalalaki tayo alang-alang sa ating bayan at sa mga lunsod ng Diyos. Gawin nawa ni Yawe ang mabuti sa palagay niya.”
13 Lumusob si Yoab at ang mga taong kasama niya para makipaglaban sa mga Arameo na nagsitakas sa harap niya. 14 Nang makita ng mga Amonita na tumatakas ang mga Arameo, tumakas na rin sila sa harap ni Abisai at pumasok sa lunsod. Bumalik si Yoab mula sa pakiki-paglaban sa mga Amonita at nagpunta sa Jeru¬salem.
15 Pagkakita ng mga Arameo na nalupig sila ng Israel, nagtipon sila 16 at ipinatawag ni Hada-dezer ang mga Arameong nasa kabilang ibayo ng Ilog Eufrates. Nagpunta sila sa Helam sa pamumuno ni Sobak na pinuno ng mga hukbo ni Hadadezer.
17 Iniulat ito kay David at tinipon niya ang buong hukbong Israelita, tumawid sa Yordan at nagpunta sa Helam. Humanay ang mga Arameo para harapin si David at nakipag¬laban sila sa kanya.
18 Ngunit tumakas ang mga Arameo sa harap ng Israel. Pitundaang sakay ng kar¬wahe at apatnapung libong kawal ang pinatay ni David sa mga Arameo. Sinaksak din niya si Sobak na pinuno ng kanilang hukbo at doon ito namatay.
19 Nang makita ng lahat ng haring umaasa kay Hadadezer na nalupig ng Israel ang mga ito, nakipagkasundo sila sa Israel at napasailalim sa kanila. At natakot ang Aram na tulungan pa ang mga Amonita.
David at Batseba
11 • 1 Sa pagpapalit ng taon, sa panahon ng pagdidigmaan ng mga hari, pinalakad ni David si Yoab kasama ang kanyang mga opisyal at ang buong hukbo ng Israel. Pinuksa nila ang mga Amonita at kinubkob ang Raba samantalang nana¬tili naman sa Jerusalem si David.
2 Isang hapon, pagkagising ni David sa kanyang siesta, naglalakad-lakad siya sa terasa ng palasyo nang mula roo’y nakita niya ang isang babaeng naliligo – napaka¬ganda ng babae! 3 Ipi-napagtanong ni David kung sino ang babae at napag-ala¬man niyang siya si Batseba na anak ni Eliam at asawa ni Urias na Heteo. 4 Nag¬pa¬dala ng mga sugo si David para kunin siya. Pu¬munta nga sa kanya ang babae at nakipagtalik siya rito matapos maka¬pag¬linis ang babae mula sa kanyang regla. At umuwi na ang babae sa kanyang tahanan, 5 pero naglihi ito kayat ipinasabi niya kay David: “Buntis ako.” 6 Ipinahatid naman ni David kay Yoab: “Ipadala mo sa akin si Urias na Heteo.” At ipinadala nga ni Yoab si Urias kay David.
7 Pagdating ni Urias kay David, kinu¬musta niya rito si Yoab at ang mga tao at ang lagay ng digmaan. 8 At sinabi ni David kay Urias: “Umuwi ka na sa iyong bahay at maghugas ng paa.”
Nilisan ni Urias ang palasyo at ipina¬sunod sa kanya ng hari ang pagkain mula sa kanyang hapag. 9 Ngunit hindi umuwi si Urias, kundi natulog sa may pintuan ng palasyo kasama ang lahat ng lingkod ng kanyang panginoon. 10 Sinabi nila kay David na hindi umuwi si Urias, at sinabi niya rito: “Hindi ba’t galing ka sa pag¬la¬lakbay? Ba’t di ka umuwi?” 11 Sumagot si Urias: “Nakatira sa mga tolda ang Kaban at ang Israel at Juda, at ang aking pangi¬no¬ong si Yoab at ang kanyang mga tauhan ay nag¬ka¬kampo naman sa labas. Maka¬uuwi ba ako sa aking tahanan para kumain at um¬inom at sumiping sa aking asawa? Hinding-hindi ko ito magagawa!” 12 At si¬na¬bi ni David kay Urias: “Dumito ka muna ngayon at bukas na kita pala¬la¬karin.”
Kaya nanatili sa Jerusalem si Urias nang araw na iyon at nang sumunod pa. 13 Inanyayahan ni David si Urias na ku¬main at uminom na kasalo niya hanggang ito’y malasing. Ngunit kinaga¬bihan, luma¬bas si Urias at natulog kasama ng mga lingkod ng kanyang panginoon sa halip na umuwi.
14 Kinaumagahan, sinulatan ni David si Yoab at ipinadala ito kay Urias; 15 isinulat niya: “Ilagay mo si Urias sa harap, kung saan pinakamahigpit ang labanan, at iwan mo siya para tamaan at ma¬patay.” 16 Nang kinubkob na ni Yoab ang lunsod, inilagay niya si Urias sa da¬kong alam niyang matatapang ang mga kalaban. 17 Su¬mugod ang mga nasa siyudad at nila¬banan si Yoab. Ilan sa mga opisyal at mga tauhan ni David ang nabuwal. Namatay rin si Urias na Heteo.
18 Ipinahatid ni Yoab kay David ang lahat ng pangyayari sa digmaan. 19 At inutusan niya ang sugo: “Pagkatapos mong mai¬salaysay sa hari ang lahat ng nangyari sa digmaan, 20 maaaring sumilakbo ang kanyang galit at itanong sa iyo, ‘Bakit kayo lumapit sa lunsod para lumaban? Hindi ba ninyo alam na papanain kayo mula sa pader? 21 Sino ang pumatay kay Abimelek na anak ni Yerubaal? Hindi ba’t isang babae ang naghulog ng isang gilingang bato sa kanya mula sa pader kayat sa Tebes siya namatay? Ba’t kayo lumapit sa pader?’ Kaya sasabihin mo sa kanyang ‘Patay na rin ang inyong lingkod na si Urias na Heteo’.”
22 Lumakad na ang sugo at pagdating niya’y sinabi kay David ang lahat ng ipi¬nagbilin sa kanya ni Yoab.
23 At sinabi ng sugo kay David ang lahat ng pahatid ni Yoab, ipinaliwanag: “Nadaig kami ng kalaban at sinugod kami sa labas ngunit napa¬urong namin sila hanggang sa pintuan ng siyu¬dad. 24 Ngunit pinuntirya ng mga manunudla ang inyong mga lingkod mula sa taas ng pader at napatay ang ilan sa mga tauhan ng hari. Namatay rin ang inyong lingkod na si Urias na Heteo.”
25 Sinabi ni David sa sugo: “Sabihin mo ito kay Yoab para palakasin ang kanyang loob: Huwag mong masamain ang bagay na ito. Dahil nilalamon ngayon ng tabak ang isa at ang iba naman sa susunod. Pag-ibayuhin mo ang iyong pagsalakay sa siyudad at wasakin iyon.”
26 Nang mabalitaan ng maybahay ni Urias na namatay ang kanyang asawa, ipinag¬luksa niya ito. 27 Pagkapagba¬bang-luksa nito, ipinadala siya ni David sa kanyang bahay at naging asawa, at nagkaanak ng isang lalaki. Ngunit ma¬sama sa paningin ni Yawe ang ginawa ni David.
Pinagsabihan ni Natan si David
12 • 1 Isinugo ni Yawe kay David ang propetang si Natan. Pi¬nun¬tahan ni Natan ang hari at sinabi: “May dalawang lalaki sa isang lunsod: mayaman ang isa at dukha naman ang isa. 2 Napakaraming tupa at baka meron ang mayaman 3 pero walang-wala ang dukha liban sa isang maliit na babaeng tupa na kanyang binili. Inalagaan niya ito at lumaki itong ka¬sama niya at ng kanyang mga anak. Kasalo niya ito sa pagkain, at sa mismong kopa niya ito umiinom at sa kanyang kan¬du¬ngan na¬tutulog. Para na niya itong anak na ba¬bae. 4 Saman¬tala, may manlalakbay na dumating ngunit ayaw ng mayaman na kumuha sa kanyang tupahan at ba¬ka¬han para ihanda sa manlalakbay. Sa ha¬lip ay kinuha niya ang babaeng tupa ng duk¬hang lalaki at ito ang inihanda para sa kanyang bisita.”
5 Nag-apoy ang galit ni David sa lalaki at sinabi kay Natan: “Buhay si Yawe! Ma¬matay na sana ang lalaking gumawa nito. 6 Dapat niyang bayaran nang makapat na ibayo ang babaeng tupa dahil sa kanyang ginawa at kawa¬lan ng awa.”
7 Sinabi ni Natan kay David: “Ikaw ang lalaki. Ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Israel: Pinahiran kitang hari ng Israel at iniligtas kita sa kamay ni Saul. 8 Ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong panginoon at ang kanyang mga asawa sa iyong kan¬dungan. Ibinigay ko rin sa iyo ang sam¬ba¬hayan ng Israel at Juda. At kung napaka¬kaunti pa rin nito, bibig¬yan kita ng higit pa. 9 Bakit mo binale-wala si Yawe sa pag¬gawa ng masama sa kanyang paningin? Pinatay mo sa tabak si Urias na Heteo at inang¬kin ang kanyang asawa. Oo, pinatay mo siya sa tabak ng mga Amonita. 10 Kaya hin¬ding-hindi na hihiwalay nga¬yon ang ta¬bak sa iyong sambahayan sa¬pagkat binale-wala mo ako at inangkin ang asawa ni Urias na Heteo.
11 Ito ang sinasabi ni Yawe: Mula sa sarili mong sambahaya’y lilitaw ang ka¬pahamakan. Sa harap mo mismo’y kuku¬nin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sa iyong kapwa na makikipagtalik sa kanila sa liwanag ng araw. 12 Li¬him mo itong ginawa, ngunit gaga¬win ko ang bagay na ito sa liwa¬nag ng araw sa harap ng buong Israel.”
13 Sinabi ni David kay Natan: “Nag¬ka¬sala ako kay Yawe.” Sinabi naman ni Natan kay David: “Pinatawad na ni Yawe ang iyong kasalanan; hindi ka mama¬ma¬tay. 14 Ngunit dahil binale-wala mo si Yawe sa ginawa mong ito, mama¬matay ang batang isisilang sa iyo.” At umuwi na si Natan.
• 15 Pinapagkasakit ni Yawe ang batang isinilang kay David ng asawa ni Urias, at nanghina ito.
16 Nanikluhod si David sa Diyos alang-alang sa bata, nag-ayuno siya at pumasok sa kanyang bahay at sa lupa nahi¬higa sa buong magdamag. 17 Iginiit ng mga matatanda ng kanyang sambahayan na tumindig siya mula sa lupa pe¬ro tumanggi siya. At hindi rin siya nakisalo sa kanila.
18 Sa ikapitong araw, namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sa¬bihin sa kanyang patay na ang bata pagkat napag-usapan nilang “Nang buhay pa ang bata, sinabihan natin siya pero ayaw niyang makinig. Paano natin ngayon sasabihin sa kan¬yang patay na ang bata? Baka gumawa siya ng kung anong ma¬sama.”
19 Nang mapansin ni David na nagbu¬bu¬lungan ang kanyang mga lingkod, nau¬na¬waan niyang patay na ang bata at tina¬nong niya ang mga ito: “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila: “Patay na siya.”
20 Tumayo si David mula sa lupa, naligo at nagpahid ng langis at nagpalit ng da¬mit, at saka pumasok sa Bahay ni Yawe at sumamba.
Pagbalik niya sa kanyang bahay, nag¬pahain siya at kumain. 21 Tinanong siya ng kanyang mga lingkod: “Ano itong gina¬gawa ninyo? Nag-ayuno kayo at umiyak nang buhay pa ang bata ngunit ngayong patay na siya, tumindig kayo at kumain.”
22 At sumagot siya: “Nang buhay pa ang bata, nag-ayuno ako at umiyak dahil naisip kong ‘Sino ang nakaa¬alam? Baka maawa sa akin si Yawe at ma¬buhay ang bata.’ 23 Ngunit ngayong pa¬tay na siya, bakit pa ako mag-aayuno? Maibabalik ko pa ba siya? Ako ang pu¬punta sa kanya pero hindi na siya ba¬balik sa akin.”
24 Inaliw ni David si Batseba na kanyang asawa. Nakipagtalik siya rito at nagkaanak si Batseba ng isang lalaki na pinangalanan nitong Solomon. Mi¬nahal ito ni Yawe 25 at ipinasabi niya sa prope¬tang si Natan na Yedidia ang pa¬ngalang itawag sa bata, na ibig sabihi’y “Mahal ni Yawe”.
26 Nakipaglaban naman si Yoab sa Raba ng mga Amonita at nabihag ang siyudad ng hari. 27 Nagpadala siya ng mga sugo kay David at sinabi: “Nakipaglaban ako sa Raba at nasakop ko na rin ang lunsod ng tubig. 28 Tipunin ninyo ngayon ang nalalabi pang mga tauhan para kubkubin ang siyudad at sakupin ito, kung hindi’y aangkinin ko ito at tatawagin sa aking pangalan.” 29 Tinipon ni David ang buong hukbo at nagpunta sa Raba, sinalakay niya iyon at sinakop. 30 Ki-nuha niya sa diyos na Milcom ang korona nitong simbigat ng tatlumpung kilong ginto at may mamahaling mga hiyas na ipina¬lamuti sa ulo ni David. At marami siyang nasam¬sam sa siyudad.
31 Pinalabas niya ang mga taong naroon at pinapagtrabahong may lagari, piko at palakol, at sa paggawa ng tisa. Ganito ang ginawa ni David sa lahat ng siyudad ng mga Amonita. At bumalik na si David at ang buong hukbo sa Jerusalem.
Amnon at Tamar
13 • 1 May magandang kapatid na babae si Absalom na anak na lalaki ni David. Tamar ang pangalan nito. At nagustuhan naman siya ni Amnon na anak din ni David. 2 Labis ang pagkabaliw sa kanya ni Amnon hang¬gang magkasakit siya dahil kay Tamar na kanyang kapatid sapagkat dalaga ito, at parang wala siyang anumang magagawa kay Tamar.
3 May kaibigan si Amnon na nagnga¬ngalang Yonadab na anak naman ni Simea na kapatid ni David. Napakatuso ni Yonadab, 4 at sinabi niya: “O, ba’t uma-umaga na lang e mukhang kawawa ang anak ng hari? Hindi mo ba maipagtatapat sa akin?” Sumagot si Amnon: “Mahal ko si Tamar na kapatid ni Absalom na kapatid ko.” 5 Kayat sinabi ni Yonadab sa kanya: “Mahiga ka at magkunwaring maysakit. At pag dinalaw ka ng iyong ama, sabihin mo sa kanyang: Pada¬lawin naman ninyo sa akin ang kapatid kong si Tamar para pakanin ako, at ihanda ang pagkain sa harap ko nang makita ko siya at pakanin niya ako.”
6 Nahiga nga si Amnon at nagkunwaring may sakit, at nang dumating ang hari para da¬lawin siya, sinabi niya: “Padalawin naman ninyo ang aking kapatid na si Tamar para magluto ng espesyal na mamon sa harap ko, at pakanin ako.” 7 At ipinasabi ni David kay Tamar sa pa¬¬lasyo: “Puntahan mo ang ka¬patid mong si Am¬non sa bahay niya, at ipag¬luto siya ng ma¬ka¬kain.” 8 Nagpunta nga si Tamar sa bahay ni Amnong kapatid niya na nakahiga noon. Ku¬muha siya ng harina, minasa ito at ginawang tinapay sa harap niya at saka hinurno. 9 At pagkatapos, kinuha niya ang sarten at inihain ang tinapay kay Amnon. Ngunit tumanggi itong kumain at sinabi: “Palabasin ang lahat ng na¬rito.”
Nang makalabas na ang lahat, 10 sinabi ni Amnon kay Tamar: “Ipasok mo ang pagkain sa kuwarto at pakanin ako.” Dinala naman ni Ta¬mar sa kuwarto ni Amnong kapatid niya ang tinapay na kanyang niluto. 11 Ngunit nang ilapit niya iyon sa kanyang kapatid para kumain, si¬nunggaban siya ni Amnon at sinabing “Halika, kapatid ko, sumiping ka sa akin.” 12 Sumagot si Tamar: “Huwag, Kuya, huwag mo akong puwersahin. Hindi ito ginagawa sa Israel. Huwag mong gawin ang kahangalang ito. 13 Paano ko pag¬tatakpan ang aking kahihiyan? Matutulad ka sa mga baliw sa bayan. Kaya utang na loob, ka¬u¬sa¬pin mo ang hari at alam kong hindi niya ako ipagkakait sa iyo.” 14 Ngunit ayaw makinig ni Amnon kay Tamar, at dahil mas malakas siya kaysa rito, ginahasa niya ito.
15 At pagkatapos, lubha siyang kina¬muhian ni Amnon, pagkamuhing matindi pa kaysa pag-ibig na nadama nito para sa kanya. At sinabi ni Amnon: “Bumangon ka’t lumayas!” 16 Ngunit sumagot si Tamar: “Hindi! Sapagkat mas ma¬sama ang pagta¬taboy mong ito sa akin kaysa unang ginawa mo.” Ngunit ayaw niyang ma¬kinig sa kanya. 17 Tinawag niya ang kanyang personal na utusan at sinabing “Palayasin mo ang babaeng ito at ikandado ang pinto pagkalabas niya.” 18 Kaya pinalabas siya ng utusan at ikinandado ang pinto. Suot ni Tamar ang ma¬habang damit na may manggas na karaniwang suot ng mga anak na dalaga ng hari. 19 At wi¬na¬¬¬rak ni Tamar ang mahabang damit na suot niya at nilagyan ng abo ang kanyang ulo. Ipi¬natong niya ang kanyang kamay sa kanyang ulo, at umalis na humahagulgol.
20 Sinabi sa kanya ni Absalom: “Tuma¬himik ka, kapatid, huwag mo itong dibdibin sapagkat kapatid mo siya.” Nanatiling malungkot si Tamar sa bahay ni Absalom na kanyang ka¬patid.
21 Galit na galit si Haring David nang malaman niya ang lahat ng ito, pero hindi niya kina¬-galitan ang kanyang anak na si Amnon sa¬¬pag¬kat mahal niya ito bilang kanyang panga¬nay. 22 Wala ni isa mang salitang binitiwan si Absalom kay Amnon, masama man o mabuti. Kina-muhian niya si Amnon sa pagka¬kagahasa nito kay Tamar na kanyang kapatid.
23 Makalipas ang dalawang taon, nang ipi¬nag¬diriwang ni Absalom ang paggugupit sa kanyang mga tupa sa Baal-hazor na malapit sa Efraim, inanyayahan niya ang lahat ng anak na lalaki ng hari. 24 At pinuntahan din niya ang hari at sinabing “May mga mang¬gugupit ngayon ang inyong lingkod kayat paunlakan sana ng hari at ng kanyang mga opisyal ang aking pa¬anyaya.” 25 Sinabi naman ng hari kay Absalom: “Hindi na, anak, hindi na kailangang pumunta pa kaming lahat, at mabibigatan ka lamang.” Pinilit pa rin siya ni Absalom ngunit ayaw niyang pumunta at binasbasan na lamang niya ito. 26 Sinabi ni Absalom: “Kung hindi kayo pupunta, pasama¬hin na lang ninyo sa amin ang kapatid kong si Amnon.” Sumagot ang hari: “Ba’t kailangan niyang sumama sa iyo?” 27 Ngu¬nit nagpilit si Absalom hanggang pasamahin sa kanya si Amnon at ang lahat ng anak na lalaki ng hari.
Malaking salu-salo ang inihanda ni Absalom, angkop sa isang hari. 28 Inutusan niya sa kan-yang mga tauhan: “Bantayan ninyo kapag masaya na si Amnon sa alak at pag sinabi kong tagain ninyo si Amnon, patayin na ninyo siya. Huwag kayong matakot sapagkat ako ang nag-uutos. Lakasan ninyo ang loob at magpaka¬tapang!” 29 Ginawa nga ng mga tauhan ni Absalom kay Amnon ang kanyang iniutos. At mabilis na tumindig ang lahat ng anak ng hari, nagsisakay sa kanilang mga asno at nagsitakas.
30 Nasa daan pa sila nang umabot kay David ang balitang pinatay ni Absalom ang lahat ng anak na lalaki ng hari, at walang naiwang bu¬hay. 31 Tumindig ang hari, wina¬rak ang kanyang damit at nahiga sa lupa. Tumayo naman sa tabi niya ang lahat niyang lingkod na warak din ang damit. 32 Ngunit sinabi ni Yonadab na anak ni Simeang kapatid ni David: “Di dapat isipin ng aking panginoon na pinatay nilang lahat ang mga anak na lalaki ng hari. Si Amnon lamang ang patay sapagkat ito ang ipinasya ni Absalom mula nang gahasain ni Amnon si Tamar na kanyang kapatid. 33 Kayat huwag dibdibin ng aking panginoong hari ang balitang patay nang lahat ang mga anak na lalaki ng hari dahil si Amnon lamang ang patay.” 34 Samantala, tuma¬kas naman si Absalom.
At may natanaw na maraming taong nasa daang papuntang Horonaim na palusong mula sa libis ng bundok ang kabataang tanod. Agad siyang pumunta sa hari at sinabi ito sa kanya. 35 Sinabi naman ni Yonadab sa hari: “Tingnan ninyo, di ba’t totoo ang sinabi ko sa inyo? Narito na ang inyong mga anak na lalaki.” 36 Pagkasabi niya nito, nagsidating na umiiyak nang malakas ang mga anak ng hari, at lubhang nagsitangis pati ang hari at lahat niyang lingkod.
37-38 Samantala, tumakas naman si Absalom at nagpunta kay Talmai na anak ni Ammihur at hari ng Gesur, at tatlong taon siyang nanatili roon. Ipinagluksa ni Haring David ang kanyang anak sa buong pa¬nahong ito. 39 At nang lumipas na ang kanyang pamimighati sa kamatayan ni Ammon, nag¬lubag naman ang galit niya kay Absalom.
14 1 Alam ni Yoab na anak ni Sarvia na iniisip ng hari si Absalom. 2 Kaya nag¬¬padala siya ng sugo sa Tekoa upang sunduin doon ang isang matalinong babae at sina¬bi niyang “Mag-kunwari kang nagluluksa. Mag¬suot ka ng pan¬luksa at huwag magpahid ng langis para mag¬mukha kang babaeng ma¬tagal nang nagluluksa sa yumao. 3 At mag¬punta ka sa hari at ganito ang sabihin.” At itinuro ni Yoab sa ba¬bae ang sasabihin.
4 Pagharap sa hari ng babaeng taga-Tekoa, yumuko siyang sayad sa lupa ang mukha bilang pagpupugay at sinabi: “Tulu¬ngan ninyo ako, mahal na Hari!” 5 Tinanong siya ng hari: “Ano ang nangyari?” Sumagot siya: “Biyuda na nga ako at patay na ang aking asawa. 6 May dala¬wang anak na lalaki ang inyong lingkod. Nag-away silang dalawa sa bukid at walang umawat sa kanila, binugbog ng isa ang ikalawa at na¬patay. 7 At ngayo’y laban sa inyong lingkod ang buong angkan at sinasabing: Isuko mo ang puma¬tay sa kanyang kapatid at papatayin din namin siya bilang paghihiganti sa pagpatay niya sa kanyang kapatid. Kung magkaka¬gayo’y mawawala ang tagapag¬mana at papatayin nila ang ningas ng bagang natitira sa akin, at wa¬lang maiiwan sa aking asawa, pangalan man o lahi, sa balat ng lupa.”
8 Sinabi ng hari sa babae: “Umuwi ka na at magpapalabas ako ng utos para sa iyo.” 9 Ngunit sinabi ng babaeng taga-Tekoa sa hari: “Sa akin at sa sambahayan ng aking ama ninyo ibagsak ang sisi, aking panginoong hari, at walang da¬pat panagutan ang hari at ang kanyang tro¬no.” 10 Sinabi ng hari: “Iharap mo sa akin ang sinu¬mang magsasabi sa iyo ng anuman, at hindi ka na niya gagam¬balain pa.” 11 At sinabi ng babae: “Kung gayo’y isumpa sana ng hari sa ngalan ni Yaweng inyong Diyos na hindi na darag¬dagan pa ng tagapaghiganti ng dugo ang kasamaang-palad kong ito sa pagpatay sa aking anak.” Sumagot ang hari: “Isinusumpa ko sa ngalan ni Yawe, hindi malalaglag sa lupa isa mang hibla ng buhok ng iyong anak!”
12 At sinabi ng babae: “Pahintulutan nin¬yong magsalita pa ang inyong lingkod sa aking pa-nginoong hari.” Sinabi sa kanya ng hari: “Mag¬salita ka.” 13 Nagpatuloy ang babae: “Bakit kayo nagbabalak ng ganito laban sa bayan ng Diyos? Nang ipasya ito ng hari, hinatulan na rin ng hari ang kanyang sarili pagkat hindi niya ibinalik ang kanyang ipinatapon. 14 Mamamatay tayong lahat at tulad ng tubig na tumapon sa lupa at hindi na matitipon pa, kayat hindi rin pinababalik ng Diyos ang kaluluwa. Gumawa sana ng paraan ang hari para pabalikin ang kanyang anak na ipinatapon. 15 At ngayon, kung napa¬rito ako para sabihin ito sa aking panginoong hari, ito’y dahil tinakot ako ng ba¬yan kayat naisip kong kakausapin ko ang hari. At baka sakaling gawin niya ang hinihiling ng kan¬yang lingkod. 16 Sapagkat kung sumang-ayon ang haring sa¬gipin ang kanyang lingkod sa mga kamay ng taong nagta¬tangkang mag-alis sa akin at sa aking anak sa pamanang kaloob sa amin ng Diyos, 17 maghatid nawa ng kapana¬tagan ang pasya ng panginoon kong hari. Sa¬pagkat gaya ng anghel ng Diyos ang aking pa¬nginoong hari sa pag-unawa ng mabuti at ma-sama. Suma¬inyo nawa si Yaweng inyong Diyos.”
18 At sinabi ng hari sa babae: “Huwag mong ilihim sa akin ang bagay na itatanong ko sa iyo.” Sumagot ang babae: “Magsalita ang aking panginoong hari.” 19 Itinanong ng hari: “May kinalaman ba si Yoab sa lahat ng ito?” Sumagot ang babae: “Buhay ang aking panginoong hari, at walang makalilihis sa kanan o sa kaliwa mula sa lahat ng sinabi ninyo. Ang inyong lingkod ngang si Yoab ang nag-utos sa akin at nagturo ng lahat ng sasabihin ng inyong lingkod. 20 Gi-nawa ito ni Yoab para ikubli ang tunay na pang¬¬yayari. Ngunit kasintalino ng anghel ng Diyos ang aking panginoon, at alam niyang lahat ang nangyayari sa lupain.”
21 At sinabi ng hari kay Yoab: “Sige, gagawin ko ang sinabi mo. Humayo ka at ibalik ang binatang si Absalom.” 22 Nag¬patirapa si Yoab sa lupa bilang pagpupugay, pinagpala ang hari at sinabing “Nalaman ko ngayon ang inyong kagandahang-loob sa akin, panginoon kong hari, sapagkat pinag¬bigyan ninyo ang aking kahilingan.” 23 At nagpunta si Yoab sa Gesur at ibinalik si Absa¬lom sa Jerusalem. 24 Sinabi na¬man ng hari: “Pauwiin siya sa kanyang bahay, hindi siya dapat humarap sa akin.” Kayat umuwi si Absalom sa sariling bahay at hindi nakaha¬rap ang hari.
25 Walang kasingguwapo si Absalom sa bu¬ong Israel at labis siyang hinahangaan, walang kapintasan mula ulo hanggang paa. 26 Ginugu¬pit niya taun-taon ang kanyang buhok kapag na-giging mabigat na ito para sa kanya. At kapag ginugupit niya ang kanyang buhok, ti¬nitimbang niya iyon at umaabot ito ng mga dalawang kilo. 27 Nagkaroon si Absa¬lom ng tatlong anak na lalaki at isang anak na babae na nag¬¬¬ngangalang Tamar na isang napaka¬gandang dalaga.
28 Dalawang taon si Absalom sa Jerusalem ngunit hindi siya pinakiharapan ng hari. 29 Ipinatawag ni Absalom si Yoab upang iharap siya sa hari ngunit ayaw nitong mag¬pakita sa kanya. Muli pa niya itong ipina¬tawag pero ayaw niyang pumunta. 30 Kaya sinabi ni Absalom sa kanyang mga tauhan: “Tingnan ninyo, katabi ng sa akin ang bukid ni Yoab na may tanim na se¬ba-da. Sige, sunugin ninyo iyon.” Sinunog ng mga tauhan ni Absalom ang bukid. Dumating na¬mang malungkot ang mga tauhan ni Yoab para sabihin sa kanilang amo na sinunog ng mga tauhan ni Absalom ang kanyang bukid.
31 Pinuntahan ni Yoab si Absalom sa bahay nito at tinanong: “Bakit sinunog ng iyong mga tauhan ang aking bukid?” 32 Sumagot si Absalom: “Ipinatawag kita para ipasabi sa haring ‘Ba’t pa ako bumalik mula sa Gesur? Mabuti pa sanang nanatili na lamang ako roon.’ Gusto ko ngayong makita ang hari. At kung may kasa¬lanan ako, e di patayin niya ako!”
33 Pinuntahan ni Yoab ang hari at sinabi ito sa kanya. Kaya ipinatawag ng hari si Absalom. Dumating si Absalom at yumu¬kong sayad sa lupa ang mukha sa harap ng hari. At hinagkan naman ng hari si Absalom.

15 1 Pagkatapos nito, kumuha si Absalom ng karwahe at mga kabayo, at limam¬pung tauhang patakbong mangu¬nguna sa kanya. 2 Nakaugalian na ni Absa¬lom ang buma¬ngon nang maaga at tumayo sa tabi ng daang patungo sa pinto ng lunsod. Tuwing may daraan na maghaharap ng usapin sa hukuman ng hari, tinatanong ito ni Absalom: “Tagasaan kang lunsod?” Kung sabihin nitong “Mula sa isang tribu ng Israel ang inyong lingkod,” 3 sa¬sabihin ni Absalom, “Tingnan mo, mabuti at makataru¬ngan ang ipinaghahabol mo pero wa¬lang didi¬nig sa iyo mula sa hari.”
4 Sasabihin pa ni Absalom: “Kung naging hukom nga lamang sana ako sa lupaing ito! Tiyak na makalalapit sa akin ang sinumang may karaingan o usapin at igagawad ko sa kanya ang katarungan.” 5 Tuwing may lalapit sa kanya para yumuko sa harap niya, iuunat niya ang kan¬yang mga kamay para pahawakan iyon at pahalikan.
6 Ganito ang ginawa ni Absalom sa lahat ng Israelitang lumalapit sa hukuman ng hari, at napalapit siya sa puso ng mga taga-Israel.
7 Makaraan ang apat na taon, sinabi ni Absalom sa hari: “Pahintulutan ninyo akong pumunta sa Hebron para matupad ko ang aking panata kay Yawe. 8 Sapagkat nang nasa Gesur ng Aram pa ako, ipinanata ng inyong lingkod na kung ibabalik ako ni Yawe sa Jerusalem, sasamba ako kay Yawe sa Hebron.” 9 Sinabi sa kanya ng hari: “Humayo kang mapayapa,” at nagpunta nga siya sa Hebron.
Nagrebelde si Absalom sa kanyang ama
• 10 Ngunit lihim na nagpadala si Ab¬sa¬lom ng mga sugo sa lahat ng tribu ng Israel na may ganitong mensahe: “Pag narinig ninyo ang tunog ng trum¬peta, isigaw ninyong ‘Si Absalom ang hari sa Hebron!’.”
11 Umalis si Absalom sa Jerusalem ka¬sama ang dalawandaang lalaking inan¬yayahan niya. Ngunit wala silang kamalay-malay sa kanyang pakana. 12 Habang nag-aalay ng handog si Absalom, ipina¬tawag niya mula sa lunsod ng Gilo si Ahitofel na Gilonitang tagapayo ni David. Lumakas nga ang pakikipag¬sabwatan at dumami nang dumami ang mga kabig ni Absalom.
13 Isang sugo ang dumating kay David at nagsabing nasa panig na ni Absalom ang mga Israelita. 14 Sinabi ni David sa lahat ng opisyal na kasama niya sa Jeru¬salem: “Tayo na, tatakas tayo sa¬pag¬kat wala tayong ligtas kay Absalom. Dali! kung hindi’y maa¬abutan niya tayo kaagad at magha¬ha¬tid sa atin ng kapahamakan at ilalagay sa tabak ang lunsod.” 15 Suma¬got ang kanyang mga opisyal: “Ka¬sama ninyo ang inyong mga ling¬kod sa anu¬mang pasya ng pangi¬noong hari.”
16 Lumakad ang hari at ang buo niyang sambahayan ngunit iniwan ang sampung asawang-alipin para mangalaga sa pa¬lasyo. 17 Umalis nga ang hari kasama ang buong bayan. Tumigil sila sa may pinaka¬huling bahay sa lunsod 18 at dumaan sa tabi niya ang lahat niyang tauhan kasama ang lahat ng Kereteo, Peleteo at ang animna¬raang lalaking Giteo na sumama sa kanya mula sa Gat, at nagpauna sila sa kanya.
19 Sinabi ng hari sa kanilang pinu¬nong si Ittai na Giteo: “Ba’t sumama ka pa sa amin? Bumalik ka na at manati¬ling kasama ng hari sapagkat dayuhan ka at ipi¬natapon mula sa iyong lupain. 20 Kara¬rating mo pa lamang kahapon at ngayo’y pagagalain pa kitang ka¬sama namin sa pag-alis ko. Bumalik ka na at isama ang iyong mga kapatid, at suma¬iyo nawa ang pag-ibig at katapatan ni Yawe.” 21 Suma¬got si Ittai sa hari: “Isinusumpa ko kay Yawe at sa inyo na sa¬an¬¬-man naroon ang aking panginoong hari, maging sa buhay man o kamatayan, naroon din ang inyong lingkod.”
22 At sinabi ni David kay Ittai: “Sige, tayo na.” At nagpatuloy si Ittai na Giteo at lahat niyang tauhan at lahat ng ba¬tang kasama niya. 23 Malakas namang na¬na¬ngis ang buong bayan sa pagdaan ng mga tao. Tumawid ang hari sa Batis Kidron at nagpatuloy ang lahat ng tao pa¬tungo sa disyerto.
24 Heto na ang paring si Sadok, kasama ang lahat ng Levitang maydala sa Kaban ng Pakikipagtipan ng Diyos. Ibi¬naba nila ang Kaban ng Diyos at umahon naman si Abiatar hanggang maka¬labas na lahat ang mga tao mula sa lunsod. 25 At sinabi ng hari kay Sadok: “Ibalik sa lunsod ang Kaban ng Diyos. Kung kasiya-siya ako sa pani¬ngin ni Yawe, pababalikin niya ako at ipaki¬kitang muli ang Kaban at ang kan¬yang tirahan. 26 Ngunit kung sasabihin ni¬yang hindi ako kalugud-lugod sa kan¬ya, na¬rito ako at gawin niya sa akin ang ma¬buti sa palagay niya.”
27 Sinabi rin ng hari sa paring si Sadok: “Sige, bumalik kang mapayapa sa lunsod at isama ninyo ang iyong anak na lalaking si Ahimaaz, at si Abiatar at si Yonatang anak niya. 28 Maghihintay ako sa may kub¬¬lihan sa disyerto hang¬gang padalhan ninyo ako ng balita.”
29 Ibinalik nga nina Sadok at Abiatar sa Jerusalem ang Kaban ng Diyos, at nana¬tili sila roon.
30 Umakyat namang nananangis si David sa Bundok ng Olibo. May takip ang ulo at nakayapak, at may takip din sa ulo ang lahat ng kasama niyang na¬nanangis habang umaahon.
Paghiya kay David
31 Nang maibalita kay David na kabilang si Ahitofel sa mga kasabwat ni Absalom, sinabi niya: “O Yawe, gawin mo nawang kaha¬nga¬lan ang payo ni Ahitofel.”
32 Pagsapit ni David sa tuktok na pinag¬sasambahan sa Diyos, sinalubong siya ni Husai na Arkita na warak ang damit at may alikabok sa ulo. 33 Sinabi ni David sa kanya: “Magiging pa¬¬-bi-gat ka sa akin kung sasama ka. 34 Mas matutulungan mo akong biguin ang payo ni Ahitofel kung babalik ka sa lunsod at sasabihin kay Absalom na ‘Magi¬ging lingkod ninyo ako, O mahal na Hari! Naging lingkod ako ng inyong ama at magi¬ging lingkod naman ninyo ako nga¬yon.’ 35 Makakasama mo roon ang mga pa¬ring sina Sadok at Abiatar. Iulat mo sa kanila anu¬mang mabalitaan mo sa bahay ng hari. 36 Parehong naroon ang kanilang mga anak, si Ahimaaz na anak ni Sadok at si Yonatang anak ni Abiatar, at ipasabi mo sa akin sa pamamagitan nila ang anumang marinig mo.”
37 At dumating sa lunsod si Husai na kaibigan ni David kasabay ng pagpasok ni Absalom sa Jerusalem.
16 1 Kalalampas pa lamang ni David sa tuktok nang salubungin siya ni Zibang lingkod ni Mefibaal, na may akay na isang pares na asnong may dalang dalawandaang tinapay, sandaang buwig na pasas, san¬daang prutas ng tag-init at isang sisidlang puno ng alak. 2 Tina¬nong ng hari si Ziba: “Ba’t dala mo ang mga ito?” Sumagot si Ziba: “Ang mga asno’y sasakyan ng mga kaanak ng hari. Ang mga tinapay at prutas ay pagkain ng mga tauhan, at ang alak ay para may mainom ang mga pagod sa disyerto.”
3 At sinabi sa kanya ng hari: “Nasaan ang anak ng iyong amo?” Sumagot si Ziba: “Nasa Jerusalem sapagkat sinabi niyang ‘Ibabalik ngayon sa akin ng sambahayan ng Israel ang kaharian ng aking ama!’.” 4 Sinabi sa kanya ng hari: “Iyo na ngayon ang lahat ng ari-arian ni Mefibaal.” At sinabi ni Ziba: “Lumuluhod ako sa aking panginoong hari, at maging kasiya-siya nawa ako sa inyong paningin.”
5 Dumating si Haring David sa Bahurim, at isang lalaki mula sa angkan ni Saul na nagngangalang Simei na anak ni Gera ang lumabas na nagmumura. 6 Binato niya si David at ang lahat ng opisyal ng hari, bagamat napapagit¬naan si David ng mga tao ng mga man¬di¬rigma.
7 Sinabi ni Simei sa kanyang pagmu¬mura: “Lumayas ka! Layas! Taong uhaw-sa-dugo at walang silbi! 8 Siningil sa iyo ngayon ni Yawe ang lahat ng du¬go ng angkan ni Saul. Ikaw ang naghari sa lugar niya kaya ibibigay rin ni Yawe ang kaha¬rian sa mga kamay ni Absalom na iyong anak. Narito na ang pagbagsak mo sa¬pag¬kat uhaw ka sa dugo.”
9 Sinabi naman sa hari ni Abisai na anak ni Sarvia: “Bakit minumura ng patay na asong ito ang aking pangino¬ong hari? Patawirin lamang ninyo ako’t pupugutan ko siya ng ulo.”
10 Ngunit sinabi ng hari: “H’wag nin¬yo ’kong pakialaman, mga anak ni Sar¬via. Kung nagmumura siya dahil si¬¬¬na¬¬bihan siya ni Yaweng sumpain si Da¬¬vid, sino ang makapagpapanagot sa kanya?” 11 At si¬nabi ni David kay Abisai at sa lahat niyang opisyal: “Ting¬¬¬nan ni¬n¬¬yo, kung ang aking anak na sarili ko nang laman ay nagha¬hangad na pata¬yin ako, ano pa ang Ben¬jaminitang ito! Pa¬¬¬ba¬yaan ninyo siya at ba¬yaang sum¬pa¬in niya ako pagkat iyon ang sabi sa kanya ni Yawe. 12 Baka sakaling makita ni Yawe ang aking pighati at suklian ng kabutihan ang panunumpa niya sa araw na ito.”
13 Nagpatuloy sa daan si David at ang kanyang mga tauhan samantalang patu¬loy rin siyang sinusundan ng mura ni Simei na naghahagis ng bato at ali¬kabok sa kanya mula sa kabilang libis ng burol. 14 Dumating sa may Jordan ang hari at ang lahat ng kasama niya, pagod na pagod, at doon siya naka¬bawi ng lakas.
15 Pumasok naman sa Jerusalem si Absalom at ang lahat ng Israelita kasama si Ahitofel. 16 Nilapitan si Absalom ni Husai na Arkitang kaibigan ni David, at sumigaw: “Mabuhay ang Hari! Mabuhay!” 17 Sinabi ni Absalom kay Husai: “Ganito ba ang pag¬mamahal mo sa iyong ka¬ibigan? Ba’t di ka umalis kasama ng kaibigan mo?” 18 Sinabi ni Husai kay Absalom: “Hindi. Ako’y para sa pinili ni Yawe at ng bayang ito at ng lahat ng Israelita, at sa kanya ako mananatili. 19 Sino ngayon ang aking paglilingkuran? Hindi ba’t dapat ko lang paglingkuran ang kanyang anak gaya ng paglilingkod ko sa iyong ama? Kaya maglilingkod ako sa iyo.”
20 Sinabi ni Absalom kay Ahitofel: “Mag¬pulong kayo tungkol sa dapat nating gawin.” 21 Sinabi ni Ahitofel kay Absalom: “Sumiping ka sa mga asawang-alipin ng iyong ama na iniwan niya para mag-alaga sa palasyo. Kapag nabalitaan ng buong Israel na naging kasuklam-suklam ka na sa iyong ama, lala¬kas ang loob ng lahat mong tagasunod.”
22 Kaya ipinagtayo nila ng tolda si Absalom sa terasa at sumiping siya sa mga asawang-alipin ng kanyang ama, na lan¬ta¬rang nakikita ng buong Israel. 23 Nang pa¬na¬hong iyon, ipinalalagay na parang pagsang¬guni na rin sa salita ng Diyos ang payo ni Ahitofel. At ganito ang pala¬gay nina David at Absalom sa lahat ng payo ni Ahitofel.

17 1 Sinabi ni Ahitofel kay Absalom: “Papiliin mo ako ng labindalawang libong tauhan para habulin si David ngayong gabi. 2 Sasalakayin ko siya habang pagod siya’t nang¬hihina. Bibiglain ko siya at tatakas ang lahat ng kasama niya kayat ang hari lamang ang papatayin ko, 3 at mai¬babalik ko sa iyo ang buong bayan gaya ng pag-uwi ng nobya sa kanyang asawa. Ang kamatayan lamang naman ng isang tao ang tanging hangad mo kayat hindi maaano ang bayan.” 4 Nakalugod ang ideang ito kay Absalom at sa matatanda ng Israel. 5 Ngunit sinabi ni Absalom: ”Ipatawag din si Husai na Arkita para marinig natin kung ano ang masa¬sabi niya.”
6 Pagharap ni Husai kay Absalom, tina¬nong siya nito: “Ito ang payo ni Ahitofel. Ga¬¬gawin ba namin ang kanyang sinabi? Kung hindi, sabihin mo ang iyong palagay?” 7 Sinabi ni Husai kay Absalom: “Sa pagka¬kataong ito, hindi maganda ang payo ni Ahitofel. 8 Alam mong magigiting na man¬dirigma ang iyong ama at ang kanyang mga tauhan, at simbangis ng inahing osong ina-gawan ng mga anak sa gubat. Sanay na sa giyera ang iyong ama kayat hindi siya sa¬sama sa kanyang mga tauhan sa mag¬da¬mag. 9 Sa mga sandaling ito, tiyak na nag¬tatago siya sa isang kuweba o sa iba pang lugar. Kahit na ilan lamang sa ating mga tauhan ang mabuwal sa unang pagsalakay, sasabihin ng sinumang ma¬kakabalita nito na napuksa ang mga tagasunod ni Absalom. 10 Kayat maging ang pinakamagi¬giting na may pusong-leon ay lubos na panghihinaan ng loob sapagkat alam ng buong Israel kung gaano kagiting ang iyong ama pati ang mga kasama niya. 11 Kaya ipinapayo kong ti¬punin mo sa iyo ang buong Israel mula Dan hang¬¬gang Berseba, na gaya ng buhangin sa aplaya sa dami, ikaw mismo ang manguna sa labanan. 12 At lulusubin natin siya saan¬man siya naroon at daragsa tayo sa kanya gaya ng pag¬patak ng hamog sa lupa. At wala tayong ititirang buhay, maging siya man o sinuman sa mga lalaking kasama niya. 13 Kung uurong siya sa isang siyudad, mag¬dadala ng lubid ang buong Israel sa siyudad na iyon at hahatakin natin iyon sa talampas hanggang wala nang malabi rito isa mang bato.”
14 Sinabi ni Absalom at ng lahat ng Israelita: “Mas mabuti ang payo ng Arkitang si Husai kaysa payo ni Ahitofel.” Dahil ipinasya na ni Yaweng biguin ang magaling na payo ni Ahitofel upang maghatid ng kapahamakan kay Absa¬lom.
15 At sinabi naman ni Husai sa mga paring sina Sadok at Abiatar: “Ganito ang ipinayo ni Ahitofel kay Absalom at sa mga matatanda ng Israel pero ito naman ang ipinayo ko. 16 Kayat pasabihan ninyo agad si David na huwag mag¬palipas ng gabi sa taguan sa disyerto kundi tumawid sa kabilang ibayo, kung hindi’y ma¬lilipol ang hari at lahat ng kasama niya!”
17 Samantala, nasa may bukal naman ng Rogel sina Yonatan at Ahimaaz. Isang aliping babae ang nagpunta roon para sabihin ito sa kanila upang maihatid naman nila ito kay Haring David, sapagkat hindi sila puwedeng makita sa lunsod. 18 Ngunit nakita sila ng isang binata at sinabi ito kay Absalom. Agad na umalis ang dalawa at nagtuloy sa bahay ng isang lalaki sa Bahurim. May balon sa bakuran at lumusong sila roon. 19 Kumuha naman ng kumot ang maybahay at tinakpan ang bunganga ng balon at saka kinalatan ng mga butil para hindi ma¬halata.
20 Pagdating ng mga tauhan ni Absalom sa bahay ng babae, itinanong nila: “Nasaan sina Ahimaaz at Yonatan?” Sumagot sa kanila ang babae: “Tumawid sila sa ipunan ng tubig.” Hina¬nap nila sila pero hindi nakita kaya nagbalik ang mga ito sa Jerusalem. 21 Pagkaalis ng mga tau¬han ni Absalom, umahon ang dalawa mula sa balon at nag¬punta kay Haring David at sinabi: “Tumawid kayo agad sa ilog sapagkat laban sa inyo ang ipinayo ni Ahitofel.”
22 At lumakad nga si David at lahat ng kasama niya, at tumawid sa Jordan. Nang magbukanliwayway, nakatawid na ang lahat sa Ilog Jordan.
23 Nang makita ni Ahitofel na hindi na¬sunod ang kanyang payo, inihanda niya ang kanyang asno at sumakay pauwi sa kanyang tahanan sa kanyang lunsod. Mata¬pos tagu¬bilinan ang kan-yang sam¬bahayan, nagbigti siya at namatay. Inilibing siya sa libingan ng kanyang ama.
24 Nasa Mahanaim na si David nang tuma¬wid sa Jordan si Absalom kasama ang lahat ng Israelita. 25 Si Amasa ang pinamuno ni Absalom sa hukbo bilang kahalili ni Yoab. Si Amasa ang anak ng isang lalaking tinatawag na Itra, ang Ismaelitang pinakasalan ni Abigail na anak ni Isai at kapatid ni Sarviang ina ni Yoab. 26 Nag¬kampo ang mga Israelita at si Absalom sa lupain ng Galaad.
27 Pagdating ni David sa Mahanaim, si So¬bing anak na lalaki ni Nahas na taga-Raba ng mga Amonita at si Makir na anak na lalaki ni Ammiel ng Lodebar at si Barzilai na Galaaditang taga-Rogelim 28 ay nagdala ng mga higaa’t kumot, mga palanggana’t palayok, at ng trigo, sebada, harina, sinangag na butil, balatong at munggo, 29 pulot-pukyutan at kinortang gatas, tupa at kesong gatas ng baka. Inihain nila ang mga ito kay David at sa mga kasama niya sapagkat naisip nilang “Gutom na’t pagod pa at uhaw ang mga tao galing sa disyerto.”
18 1 Inihanay ni David ang mga kasama niya at naglagay ng mga pinuno ng tigsasanlibo at tigsasandaan. 2 Pinalakad niya ang hukbo – nasa pamumuno ni Yoab ang ikatlong bahagi, at nasa ilalim naman ni Abisai na anak ni Sarvia at kapatid ni Yoab ang isang ikatlo, at kay Ittai na taga-Gat ang isa pang ikatlong bahagi. At sinabi ng hari sa hukbo: “Sasama ako sa inyo.” 3 Ngunit sumagot ang mga tao: “Hindi kayo dapat su¬mama. Bale-wala sa kanila kung tumakas man kami o kala¬hati sa amin ang mamatay. Ngunit katumbas kayo ng sampung libo sa amin at mas makabubuti ngayon kung matutulungan ninyo kami mula sa lunsod.” 4 At sinabi ng hari sa kanila: “Gagawin ko ang mabuti sa palagay ninyo.” Tumindig ang hari sa tabi ng pintuan, at daan-daan at libu-libong lumabas ang hukbo. 5 Inu¬tusan ng hari sina Yoab, Abisai at Ittai: “Huwag ninyong saktan ang binatang si Absalom alang-alang sa akin.” Narinig ng buong hukbo ang utos na ito ng hari sa lahat ng pinuno tungkol kay Absalom.
Pagkalupig at pagkamatay ni Absalom
• 6 Sumugod ang hukbo ni David sa lu¬pain laban sa Israel. Naganap ang laba¬nan sa kagubatan ng Efraim 7 at doon na¬lu¬pig ng mga tauhan ni David ang mga Israelita. Marami ang namatay nang araw na iyon – dalawampung libong katao.
8 Lumaganap ang labanan sa buong lu¬pain at nang araw na iyon, mas mara¬ming tao ang nilamon ng kagu¬batan kaysa pa¬mamagitan ng tabak.
9 Samantala, nangangabayo si Ab¬sa¬¬¬lom nang masalubong siya ng mga ta¬uhan ni David. Nang dumaan ang mola sa ilalim ng makapal na mga sanga ng isang malaking puno ng ensina, nasabit ang ulo ni Absalom sa puno at na¬iwang nakabitin sa pagitan ng langit at lupa. At nagpatuloy naman ang molang kanyang sinasakyan. 10 May naka¬kita nito at sinabi kay Yoab: “Nakita ko si Absalom na nakabitin sa puno ng ensina.”
11 Sinabi ni Yoab sa lalaking nagba¬lita sa kanya: “Ano? Nakita na pala siya pero bakit hindi mo pa siya pinatay ka¬agad? Bibigyan pa sana kita ng sampung pira¬song pilak at isang sinturon.” 12 Ngunit sinabi ng lalaki kay Yoab: “Bi¬langin man sa palad ko ang sanlibong pirasong pilak, hindi ko mapagbubuha¬tan ng kamay ang anak ng hari sapag¬kat narinig namin ang iniutos niya sa iyo pati kina Abisai at Ittai na h’wag ninyong gagalawin ang binatang si Ab¬salom alang-alang sa kanya. 13 Kung gumawa ako ng ma¬sama, malalaman din ito ng hari, at tiyak na hindi ninyo ako ipagta¬tang¬gol.” 14 Sumagot si Yoab: “Hindi kita pag-aaksayahan ng pana¬hon.” At ku¬muha siya ng tatlong sibat at itinarak ang mga ito sa puso ni Absalom na buhay pang nakabitin sa puno ng ensina. 15 At pina¬ligiran si Absalom ng sampung taga¬pagdala ng sandata ni Yoab; sinaksak nila si Absalom at pi¬natay.
16 Pinahipan ni Yoab ang trumpeta at itinigil ng hukbo ang paghabol sa mga Israelita sapagkat pinatigil na sila ni Yoab. 17 Kinuha nila si Absalom at itina¬pon sa isang malaking hukay sa gubat at tina¬bu¬nan ng malalaking bato.
Samantala, tumakas naman ang lahat ng Israelita patungo sa kanya-kanyang ta¬hanan.
18 Nang nabubuhay pa si Absalom, nagpa¬tayo siya ng sariling monumento sa Lambak ng Hari at sinabi niyang “Wala akong anak na lalaki na magpapaalaala sa aking pangalan.” Tinawag niya sa sariling pangalan ang banta¬yog, at hang¬gang sa panahong ito, tinatawag iyong Monu-mento ni Absalom.
19 Sinabi naman ni Ahimaaz na anak ni Sadok: “Patakbo akong aalis ngayon para iba¬lita sa hari na iniligtas na siya ni Yawe sa kamay ng kanyang mga kaaway.” 20 Ngunit sinabi ni Yoab sa kanya: “Hindi ka magha¬hatid ngayon ng magandang balita; sa ibang araw na lang. Sa¬pagkat walang magandang balita ngayon dahil patay ang anak ng hari.” 21 Isang taga-Kus ang sinabihan ni Yoab: “Ikaw ang pumunta sa hari at ibalita sa kanya ang iyong nakita.” Yu¬muko ang Kusita sa harap ni Yoab at tumakbo.
22 Ngunit muling sinabi kay Yoab ni Ahimaaz na anak ni Sadok: “Anuman ang mangyari, pa-hintulutan mo akong tumak¬bong kasunod ng Kusita.” Nagtanong si Yoab: “Bakit kaila¬ngan mo pang sumunod, anak? Alam mo namang wala kang ma¬papala sa balitang ito.” 23 Iginiit ni Ahimaaz: “Hindi bale, pahintulutan mo lamang ako.” Sumagot si Yoab: “Sige, su¬mugod ka!” Tinakbo ni Ahimaaz ang kahabaan ng kapa¬tagan, at naunahan pa niya ang Kusita.
24 Nakaupo si David sa pagitan ng dala¬wang pintuan. Pumunta naman ang bantay sa itaas ng pintuan ng moog, at may natanaw itong lalaking nag-iisang tumatakbo at palapit.
Ibinalita kay David ang pagkamatay ni Absalom
25 Tinawag ng tanod ang hari at ini¬ulat ito. Sinabi ng hari: “Kung nag-iisa siya, tiyak na magandang balita ang kanyang dala.” Nang malapit na ang lalaki, 26 na¬tanaw ng tanod ang isa pang lalaking tumatakbo. Tinawag niya ang bantay-pinto at sinabing “Tingnan mo, may isa pang lalaking nag-iisang tuma¬takbo!” Sinabi ng hari: “May dala rin siyang magandang balita.” 27 Sinabi naman ng tanod: “Sa tingin ko’y pa¬rang si Ahimaaz na anak ni Sadok kung tumakbo ang unang lalaki.” Sumagot ang hari: “Mabu¬ting tao siya kayat ma¬gandang balita ang dala niya.”
28 Tumawag si Ahimaaz sa hari: “Mabuti ang lahat.” Yumuko siyang abot sa lupa ang mukha sa harap ng hari at sinabing “Purihin si Yaweng inyong Diyos na na¬ningil sa mga taong nag-himagsik sa aking panginoong hari!” 29 Tinanong siya ng hari: “Mabuti ba ang batang si Absa-lom?” Sumagot si Ahimaaz: “Nang isugo ni Yoab ang in¬yong lingkod, may nakita akong mala¬king kaguluhan ngunit hindi ko alam kung ano.” 30 Kaya sinabi ng hari: “Dito ka muna sa tabi ko.” At tumindig nga siya sa tabi.
31 Dumating ang Kusita at sinabi: “Ma¬gandang balita, aking panginoong hari! Binigyang-katarungan kayo nga¬yon ni Yawe at iniligtas sa kamay ng lahat ng nag¬himagsik sa inyo.” 32 Tinanong ng hari ang Kusita: “Mabuti ba naman ang bina¬tang si Absalom?” Sumagot ang Kusita: “Matulad nawa sa binatang iyon ang mga kaaway ng aking panginoong hari at lahat ng naghihimagsik sa inyo.”
19 1 Lubhang nabigla ang hari at umak¬¬¬yat sa silid sa itaas ng pintuan. Umiiyak siya habang umaakyat at sinabing “Anak ko, Absalom! Anak ko, anak ko, Absalom! Ako na sana ang namatay at hindi ikaw, O Absalom! Anak ko, anak ko!”
2 May nag-ulat kay Yoab na umiiyak ang hari at nagluluksa dahil kay Absa¬lom. 3 Kayat nang mabalitaan ng buong bayan na namimighati ang hari dahil sa kanyang anak, nauwi sa pagluluksa ang tagumpay sa araw na iyon. 4 Tahimik na pumasok sa lunsod ang mga tao nang araw na iyon, palihim na pa¬rang natalo at nahihiya. 5 Ti¬nak¬pan ng hari ang kanyang mukha at sumigaw: “Anak kong Absalom, O Absa¬lom, anak ko, anak ko!”
6 Pumasok si Yoab sa bahay ng hari at sinabi: “Isinubo ninyo ngayon sa ka¬hihi¬yan ang lahat ng inyong tauhan na naglig¬tas sa inyong buhay at sa buhay ng inyong mga anak, mga asawa at mga asawang-alipin. 7 Mahal nga ninyo ang mga namu¬muhi sa inyo at kinamu¬muhian ang mga nagmamahal sa inyo. Sapagkat ipinaha¬yag ninyo sa araw na ito na bale-wala sa inyo ang inyong mga pinuno at mga tau¬han. Dahil naki¬kita ko ngayon na mas na¬ging kasiya-siya sana sa inyo kung namatay na ka¬ming lahat, mabuhay lamang si Absa¬lom. 8 Lumabas kayo nga¬yon at palaka-sin ang loob ng inyong mga tauhan. Isi¬nusumpa ko sa ngalan ni Yawe na kung hindi kayo lalabas, wala isa mang mati¬tira sa inyo ngayong gabi. Mas ma¬gi¬ging masama ito para sa inyo kaysa lahat ng kasamaang dumating sa inyo mula pag¬kabata hanggang ngayon.”
Nagbalik sa Jerusalem si David
9 Kaya tumindig ang hari at naupo sa may pintuan. Nang masabihan ang mga tao na na¬ka¬upo ang hari sa may pintuan, nagsi¬harap silang lahat sa kanya.
Tumakas naman ang mga taga-Israel, bawat isa sa kanyang tahanan. 10 Ngunit nagtalu-talo ang mga tao sa lahat ng tribu ng Israel: “Iniligtas tayo ng hari sa kamay ng ating mga kaaway at sinagip tayo sa mga Pilisteo, at ngayo’y tuma¬kas siya sa lupain dahil kay Absalom. 11 Namatay naman sa labanan si Absalom na ating pi¬na¬¬hiran bilang hari natin. At ngayon, ba’t wala tayong ginagawa para ibalik ang hari?”
12 Nakarating kay David ang sinabi ng mga Israelita kaya ipinasabi niya sa mga paring sina Sadok at Abiatar: “Sabihin ninyo sa mga matatanda ng Juda: Bakit kayo ang magiging pina¬kahuli sa pagpapauwi sa hari sa kanyang pa¬lasyo? 13 Mga kapatid ko kayo, sarili kong laman at dugo. Ba’t kayo ang pinakahuli sa pagpapa¬balik sa hari? 14 Sa¬bihin din ninyo kay Amasa: Hindi ba kita kadugo? Gawin nawa ito sa akin ng Diyos at higit pa kung hindi ikaw ang magi¬ging heneral ng aking hukbo mula ngayon bilang kapalit ni Yoab.” 15 Nakuha niya ang loob ng lahat ng taga-Juda, nagkaisa sila at nagpa¬sabi sa hari: “Bu¬ma¬lik kayo at lahat ng inyong tau¬han.”
16 At nagbalik nga ang hari. Dumating siya sa Jordan at nagpunta ang mga taga-Juda sa Gil-gal para salubungin ang hari at itawid sa Jordan.
17 Nagmamadaling lumusong kasama ng mga taga-Juda si Simei na anak ni Gera, ang Benjaminitang taga-Bahurim para sumalubong kay Haring David. 18 Kasama niya ang sanlibong lalaki mula sa Benjamin pati si Zibang utusan ng sambahayan ni Saul ka¬sama ang labinlima niyang anak at da¬la¬wampung utusan. Nagma¬ma¬dali silang pu¬munta sa Jordan para salubu¬ngin ang hari. 19 Tumawid sila sa may batuhan para itawid ang sambahayan ng hari at gawin ang mabuti sa palagay nito.
Nagpatirapa sa harap ng hari si Simeing anak ni Gera sa pagtawid nito sa Jordan, 20 at sinabi: “Pawalang-sala nawa ako ng aking pa¬nginoong hari. Huwag ninyo na sanang alalahanin pa ang mga kamaliang nagawa ng inyong alipin nang umalis sa Jerusalem ang aking panginoong hari. Huwag na sana itong magunita pa ng hari 21 sapagkat inaamin kong nagkasala ako. Kayat naparito ako ngayon, ang kauna-unahan sa buong lipi ni Jose, upang salubungin ang aking pangi¬noong hari.”
22 Sumagot si Abisai na anak ni Sarvia: “Hindi ba dapat patayin si Simei dahil isi¬numpa niya ang pinahiran ni Yawe?” 23 Ngu¬nit sinabi ni David: “H’wag ninyo ’kong paki¬alaman, mga anak ni Sarvia. Kailangan bang may ipapatay ngayon sa Israel? Hindi ko ba alam na ako nang muli ang hari ngayon ng Israel?” 24 At ipina¬ngako ng hari kay Simei: “Hindi ka mamamatay.”
25 Dumating si Mefibaal na anak ni Saul para salubungin din ang hari. Hindi pa niya nahuhu-gasan ang mga paa o nagugupit ang kanyang bigote o nalalabhan ang kanyang damit mula nang umalis ang hari hanggang sa araw na makabalik itong maluwalhati. 26 Pagdating ni Mefibaal galing sa Jerusalem para salubungin ang hari, sinabi ng hari sa kanya: “Ba’t hindi ka sumama sa akin, Mefi¬baal?” 27 Sumagot siya: “Aking pangi¬noon, O mahal na Hari! Nilinlang ako ng aking utusan. Dahil lumpo ang inyong ling¬kod, sinabi ko sa kanyang ihanda ang asno para makasakay ako’t makasama sa hari. 28 Ngunit siniraan niya ako sa aking panginoong hari. Parang anghel ng Diyos ang aking pangi¬noong hari kaya gawin ninyo ang mabuti sa palagay ninyo. 29 Tiyak na patay na sana ang buong angkan ng aking ama sa harap ng aking panginoong hari ngunit ibinilang pa ninyo ang inyong lingkod sa mga dumudulog sa inyong hapag. Anong karapatan meron ako para mag¬reklamo pa sa hari?”
30 Sinabi ng hari sa kanya: “Ba’t marami ka pang sinasabi? Nakapagpasya na ako – ikaw at si Ziba ay maghahati sa lupain.” 31 Sumagot si Mefibaal: “Ipakuha na ninyo sa kanya ang lahat sapagkat maluwalhating nakarating sa kanyang bahay ang aking panginoong hari.”
32 Lumusong din galing sa Rogelim si Barzilai na taga-Galaad para samahan at ihatid ang hari sa pagtawid sa Jordan at mama¬alam sa kanya. 33 Napakatanda na ni Barzilai na walumpung taon na. Napakayaman niya kaya siya ang sumus¬tento sa hari sa Maha¬naim. 34 Sinabi ng hari kay Barzilai: “Tuma¬wid kang kasama ko at sa amin na tumira sa Jerusalem. Ako ang bahala sa iyo.”
35 Ngunit sinabi ni Barzilai sa hari: “Gaano katagal pa ba akong mabubuhay para su¬mama ako sa hari sa Jerusalem? 36 Walum¬¬pung taon na ako ngayon at hindi ko na alam ang kaibahan ng mabuti sa masama. Malalasahan pa ba ng inyong lingkod ang kanyang kinakain o ini¬inom? O mapapakinggan pa ba niya ang tinig ng mga lalaki at babaeng umaawit? Bakit kaila¬ngang maging dagdag pang pabigat ang inyong lingkod sa aking panginoong hari? 37 Sasamahan ng inyong lingkod ang hari sa pagtawid sa Jordan hang¬gang sa may kabilang ibayo pero bakit kai¬langang gantimpalaan pa ako ng hari nang ganito? 38 Pauwiin na lamang ninyo ako upang sa sariling lunsod mamatay sa tabi ng puntod ng aking ama’t ina. Ngunit narito ang inyong lingkod na si Kimham! Siya ang patawi¬rin ninyong kasama ng aking panginoong hari at gawin sa kanya ang mabuti sa tingin ninyo.” 39 Sumagot ang hari: “Kasama kong tatawid si Kimham at gagawin ko sa kanya ang mabuti sa tingin mo. Gagawin ko para sa iyo anuman ang gusto mo.”
• 40 Tumawid sa Jordan ang buong bayan kasama ang hari. Niyakap at binasbasan ng hari si Barzilai at umuwi ito sa kanyang tahanan.
41 Nagtuloy sa Gilgal ang hari kasama si Kimham at ang buong hukbo ng Juda at ang kalahati ng hukbo ng Israel. 42 Lumapit ang lahat ng Israelita sa hari at sinabi: “Bakit kayo inagaw sa amin ng mga kapatid naming taga-Juda? Dinala nila ang hari at ang kan¬yang sam¬ba¬hayan sa kabilang ibayo ng Jordan, at kasama rin ang lahat niyang tauhan.”
43 Sinagot ng lahat ng taga-Juda ang mga Israelita: “Dahil malapit naming kamag-anak ang hari. Ngunit ba’t ninyo ito ika¬gagalit? Pina¬kain ba kami o niregaluhan ng hari?” 44 Suma¬got naman ang mga Israelita: “Mas may karapatan kami sa hari kaysa inyo sapagkat sampu kami laban sa isa. Bakit naman ninyo kami wina¬walang-halaga? Hindi ba kami ang nagpa¬si¬muno sa pag-papabalik sa ating hari?” Ngunit naging mas matindi ang pakikipagtalo ng mga taga-Juda sa mga Israelita.
Nagrebelde si Seba kay David
20 1 May isang lalaking patapon na nagnga¬ngalang Seba na anak ni Bikri na isang Benjaminita. Hinipan niya ang trum¬peta at sinabing “Wala tayong bahagi kay David ni sa pamana ng anak ni Jese! Bawat isa sa kan¬yang tolda, O Israel!”
2 At iniwan nga ng lahat ng Israelita si David at sinundan si Sebang anak ni Bikri. Ngunit nanatili ang mga taga-Juda sa kani¬lang hari mula Jordan hanggang Jerusalem.
3 Pagpasok ni David sa kanyang bahay sa Jerusalem, kinuha niya ang sampung asawang-alipin na kanyang iniwan para mangalaga sa palasyo at pinatanuran ang mga ito sa ibang bahay. Sinustentuhan niya ang mga ito ngunit hindi na siya nakipagtalik pa sa kanila. Nanatili silang nakakulong na parang mga biyuda hang¬gang araw ng kanilang kamatayan.
4 Sinabi ng hari kay Amasa: “Tipunin mo sa akin ang kalalakihan ng Juda sa loob ng tatlong araw at pumarito ka sa akin.” 5 Umalis si Amasa para tipunin ang Juda pero nata¬galan siya’t lumampas sa panahong itinakda ng hari. 6 Sinabi ni David kay Abisai: “Higit na pinsala ang gagawin sa atin ni Sebang anak ni Bikri kaysa ginawa ni Absalom. Isama mo ang aking mga tauhan at habulin siya, at baka makatakas pa siya sa atin sa alinmang kutang-lunsod.” 7 Uma¬lis sa Jerusalem si Abisai kasama ang mga ta¬uhan ni Yoab at ang mga Kereteo at Peleteo at lahat ng magigiting na mandirigma para habu¬lin si Sebang anak ni Bikri. 8 Nasa may mala¬king bato sila sa Gibeon nang salubungin sila ni Amasa. Suot noon ni Yoab ang kanyang damit na may sinturong may tabak na nasa kaluban. Nahulog mula roon ang tabak. 9 Sinabi ni Yoab kay Amasa: “Kumusta ka, kapatid?” At hinawakan niya ng kanang kamay ang balbas ni Amasa para halikan. Hindi nakita ni Amasa ang tabak na hawak ni Yoab, at sinaksak niya ito sa tiyan at lumuwa ang kanyang mga bituka sa lupa. 10 Hindi na kailangang ulitin pa ito pagkat namatay si Amasa noon din.
Hinabol nina Yoab at Abisai na kapatid nito si Sebang anak ni Bikri.
11 Samantala, isang tauhan ni Yoab ang tuma¬yo sa tabi ni Amasa at sinabi: “Sumu¬nod kay Yoab ang sinumang kapanig ni Yoab at para kay David.” 12 Nakabulagta si Amasa na naliligo sa sariling dugo sa gitna ng daan. At nakita ng tauhang ito na napapatigil doon ang lahat ng napapadaan kayat inalis niya sa daan si Amasa at dinala sa bukid at tinakpan ng damit. 13 Nang maalis na si Amasa sa daan, nagpatuloy ang lahat ng tao at su¬munod kay Yoab para habulin si Sebang anak ni Bikri.
14 Dumaan si Seba sa lahat ng tribu ng Israel, at dumating sa Abel ng Bet-Maaka, kasama ang lahat niyang kakampi. 15 Du¬ma¬ting ang lahat ng kasama ni Yoab at kinub¬kob siya sa Abel ng Bet-Maaka. Gu¬mawa sila ng bunton ng lupa sa labas ng pader laban sa lunsod, at nag¬hukay sa ilalim ng pader ang lahat ng tauhan ni Yoab para ibag¬sak iyon.
16 Isang matalinong babae ang sumigaw mula sa lunsod: “Makinig kayo, makinig kayo! Sabi-hin ninyo kay Yoab na pumarito para maka¬usap ko.”
17 Lumapit nga si Yoab at sinabi sa kanya ng babae: “Kayo ba si Yoab?” Sumagot siya: “Ako nga.” Sinabi ng babae: “Pakinggan ninyo ang sasabihin ng inyong lingkod.” Suma¬got si Yoab: “Nakikinig ako.” 18 Nagpa¬tuloy ang babae: “No¬ong araw, sinasabing: Sumangguni lamang sa Abel at ayos na ang lahat, 19 kung gusto mong malaman ang mga kaugalian ng mga tapat sa Israel. At ngayo’y gusto ninyong wasakin ang inang-lunsod sa Israel. Bakit ninyo gustong wa-sakin ang pamana ni Yawe?” 20 Sumagot si Yoab: “Walang-wala akong balak na wasakin ang lunsod! 21 Hindi ganito ang pangyayari kundi isang lalaking galing sa kabundukan ng Efraim na nagngangalang Seba na anak ni Bikri ang naghimagsik kay Haring David. Isuko ninyo siya at iiwan namin ang siyu¬dad.”
At sinabi ng babae kay Yoab: “Ihahagis namin sa iyo mula sa pader ang kanyang ulo.” 22 Tinipon ng babae ang buong bayan at sa kan¬yang talino’y nakumbinsi ang mga iyon na pugutan ng ulo si Sebang anak ni Bikri. Inihagis nila ang ulo kay Yoab at hini¬pan nito ang trum-peta at lumayo sila sa lunsod. Umuwi ang ba¬wat isa sa sariling taha¬nan, at nagbalik si Yoab sa hari sa Jerusalem.
23 Pinamunuan ni Yoab ang buong hukbo ng Israel. Si Benayang anak ni Yehoiada naman ang namuno sa mga Kereteo at Peleteo. 24 Si Ado¬ram ang namuno sa sapi¬litang-patrabaho, at si Yosafat na anak ni Ahilud ang tagapagtala. 25 Si Seva ang sekretaryo, at sina Sadok at Abiatar ang mga pari. 26 At si Ira na taga-Yair ang pari ni David.
Ang matinding taggutom
21• 1 Nagkaroon ng taggutom sa loob ng tatlong sunud-sunod na taon sa pana¬hon ni David at sumangguni siya kay Yawe. Sinabi ni Yawe: “Dahil ito kay Saul at sa pagpapadanak ng dugo ng kanyang sam¬baha¬yan sa¬¬pagkat ipinapatay niya ang mga Gibeoni¬ta.” 2 (Hindi mga anak ng Israel ang mga Gi¬beonita kundi mga inapo ng mga Amoreo. May sinum¬paan sa kanila ang mga Israelita ngunit tinangka ni Saul na lipulin sila alang-alang sa Israel at Juda.)
3 Ipinatawag ni David ang mga Gibeonita at tinanong: “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo? At paano ako makapagbabayad-sala upang pag¬palain ninyo ang sariling bayan ni Yawe?”
4 Sumagot sa kanya ang mga Gibeonita: “Hindi pilak o ginto ang problema namin kay Saul at sa kanyang angkan, at hindi rin namin hangad na patayin ang sinuman sa Israel.”
At sinabi ng hari: “Gagawin ko para sa inyo ang sasabihin ninyo.” 5 At sinabi nila sa hari: “Pinuksa kami ng lalaking iyon at binalak na lipulin para mawalan kami ng lugar sa buong lupain ng Israel. 6 Ibigay ninyo sa amin ang pito sa kanyang mga anak na lalaki upang mabitay sila sa harap ni Yawe sa bundok ni Yawe sa Gibeon.” At sinabi ng hari: “Ibibigay ko sila.”
7 Ngunit iniligtas ni David si Mefibaal na anak ni Yonatan na anak naman ni Saul dahil sa sumpaang ginawa nina David at Yonatang anak ni Saul sa harap ni Yawe. 8 Kinuha ng hari sina Armoni at Mefibaal na dalawang anak na lalaki kay Saul ni Rizpang anak na babae ni Aya, at ang limang anak na lalaki kay Adriel ni Merob na anak na babae ni Saul. Anak ni Barzilai na taga-Meholat si Adriel. 9 Ibinigay niya ang mga ito sa kamay ng mga Gibeonita na bumitay sa kanila sa bundok sa harap ni Yawe.
Sama-samang namatay ang pito, mga unang araw noon ng paggapas, ang simula ng pag-ani ng sebada.
10 Kumuha ng sako si Rizpang anak ni Aya at inilatag ito sa bato para sa kanya mula sa simula ng anihan hanggang pumatak sa mga bangkay ang ulan mula sa langit. Hindi pinadapo sa mga ito ang mga ibon sa langit kung araw o pinalapit ang mababangis na hayop kung gabi.
11 Nang malaman ni David ang ginawa ni Rizpang anak ni Aya at asawang-alipin ni Saul, 12 lumakad si David at kinuha niya sa mga taga-Yabes ng Galaad ang mga buto nina Saul at Yonatang anak nito. (Sila ang palihim na kumu¬ha sa mga iyon sa pinag¬bitinan ng mga Pilisteo nang patayin nila si Saul sa Gilboa.) 13 Dinala ni David mula roon ang mga buto ni Saul at ni Yonatang anak nito, at pinagsama-sama nila ang mga buto ng mga binitay. 14 Inilibing nila ang mga buto nina Saul at Yonatan sa lupain ng Benjamin sa Sela sa libingan ni Kis na ama ni Saul. At pagkatapos magawa ang iniutos ng hari, dininig ng Diyos ang panalangin para sa lupain.
15 Muling nakipagdigmaan ang mga Pilisteo sa Israel. Lumusong si David kasama ang kan-yang mga tauhan at nakipaglaban sa mga Pi¬listeo. Napagod na si David, 16 at noo’y tinangka siyang patayin ni Isbi-Benob na inapo ng higan¬te. May tansong sibat ito na tatlo’t kalahating kilo ang timbang, at may bagong tabak. 17 Su¬balit sinaklolohan ni Abisai na anak ni Sarvia si David. Sinaksak nito ang Pilisteo at pinatay. At isinumpa ng mga tauhan ni David: “Hinding-hindi na kayo sasama pa sa amin sa labanan upang hindi mamatay ang ilaw ng Israel.”
18 Pagkatapos nito, nagkaroon ng iba pang pakikipaglaban sa mga Pilisteo sa Gob. Doon pinatay ni Sibekai na taga-Husa si Saf na isa pa sa mga inapo ng higante.
19 At sa isa pang pakikipaglaban sa mga Pilisteo sa Gob, pinatay naman ni Elhanan na anak ni Yaare-oregim ng Betlehem si Goliat ng Gat na ang hawakan ng sibat ay sinlaki ng tahilan ng habihan.
20 Sa isa pang labanan sa Gat, may isang malaking lalaking may anim na daliri sa bawat kamay at paa – dalawampu’t apat na lahat. Inapo rin siya ng higante. 21 Hinamon niya ang Israel ngunit pinatay siya ni Yonatan na anak ni Simei na kapatid ni David.
22 Nahulog sa mga kamay ni David at ng kan¬yang mga tauhan ang apat na inapong ito ng higante.
Awit ni David
22 • 1 Inawit ni David ng mga salita ng kantang ito nang iligtas siya ni Yawe sa mga kamay ng kanyang mga kaaway at ni Saul. 2 Sinabi niya:
“Si Yawe ang aking bato, ang aking moog at aking tagapagligtas.
3 Ang aking Diyos ang aking bato, sa iyo ako kumukubli;
aking kalasag, aking lakas, aking kaligta¬san;
ang aking kuta at aking kublihan;
aking Tagapagligtas, sinagip mo ako sa karahasan.
4 Kay Yawe ako tumatawag, karapat-dapat purihin,
iniligtas niya ako sa aking mga kaaway.
5 Pinalibutan ako ng alon ng kamatayan,
tinabunan ng dumadaluhong na agos;
6 iginapos ako ng mga lubid ng Lugar ng mga Patay,
at nasa harap ko ang mga bitag ng kamatayan.
7 Sa gitna ng kagipitan, tumawag ako kay Yawe,
tumawag nga ako sa aking Diyos.
At dininig niya ang aking tinig mula sa kanyang templo,
umabot sa kanyang mga tainga ang aking hinaing.
8 At yumanig at lumindol ang lupa,
mga haligi ng kalangita’y yumayanig,
lumilindol dahil sa kanyang galit.
9 Pumailanlang ang usok mula sa kan¬yang ilong,
bumuga sa kanyang bibig, apoy na tu¬mu¬tupok.
10 Hinati ang langit at siya ay bumaba,
naglagablab mula rito nag-aapoy na mga baga,
madilim na ulap sa ilalim ng kanyang mga paa.
11 Sakay siya ng kerubin at lumipad sa mga pakpak ng hangin.
12 Ginawa niyang kulandong ang kadiliman,
makapal na mga ulap ng ulan sa langit.
13 Mula sa ningning sa kanyang harapan,
pinasiklab nag-aapoy na baga.
14 Kumulog, dumagundong si Yawe mula sa langit,
at ipinarinig ng Kataas-taasan ang kan¬yang tinig.
15 Pinana niya at pinangalat ang mga ka¬away,
kumidlat at sila’y pinuksa.
16 Lumitaw ang lupa ng dagat,
nalantad ang pundasyon ng daigdig
sa banta ni Yawe,
sa buga ng hininga ng kanyang ilong.
17 Mula sa kaitaasan, inabot niya ako;
mula sa malalim na tubig, iniahon niya ako.
18 Sinagip niya ako sa malakas na kaaway,
sa mga napopoot sa akin na mas malakas sa akin.
19 Sinalakay nila ako sa araw ng aking kagi¬pitan,
subalit si Yawe ang naging sandigan ko.
20 Inilabas niya ako sa malawak na lugar,
sinagip ako pagkat mahal niya ako.
21 Pinakitunguhan ako ni Yawe sa aking pagkamatuwid,
ginantimpalaan ako sa kalinisan ng aking mga kamay.
22 Sapagkat sinunod ko ang mga daan ni Yawe,
at di ko tinalikuran ang aking Diyos para sa masama.
23 Laging nasa harap ko ang kanyang mga pasya,
at hindi ako lumalayo sa kanyang mga kautusan.
24 Sa harap niya’y wala akong kasalanan,
at nanatili akong malayo sa pagkakasala.
25 Ginantimpalaan ako ni Yawe sa aking pag¬kamatuwid,
sa kalinisan ko sa kanyang paningin.
26 Sa tapat, ipakikita mong tapat ka,
sa matuwid, ipinakikita mong matuwid ka.
27 Sa dalisay, ipinakikita mong dalisay ka;
ngunit sa balakyot, ipinakikita mong tuso ka.
28 Inililigtas mo ang bayang aba
ngunit minamata ang mapagmataas.
29 Ikaw nga ang aking tanglaw, O Yawe;
tinatanglawan ni Yawe ang aking ka¬rimlan.
30 Oo, kung kasama kita, masasagupa ko buo mang hukbo,
malulundag ko ang pader sa pamamagitan ng aking Diyos.
31 Napakabuti ang daan ng Diyos,
subok na ang salita ni Yawe;
kalasag siya ng lahat na kumakanlong sa kanya.
32 Sapagkat sino pa ba ang Diyos liban kay Yawe?
At sino ang bato maliban sa ating Diyos?
33 Ang Diyos ang aking matibay na kanlu¬ngan,
nililinis niya ang aking daraanan.
34 Mga paa ko’y ginagawa niyang gaya ng sa usa,
pinatatayo ako sa matataas na lugar.
35 Sinasanay niya ang aking mga kamay sa pakikipaglaban
at ang aking mga bisig upang banatin ang tansong pana.
36 Ibinigay mo sa akin ang kalasag ng iyong pagliligtas;
sa iyong kabutihan, ginawa mo akong da¬kila.
37 Pinalawak mo ang aking hahak¬ba¬ngan,
at hindi ako madudulas;
38 hinabol ko ang aking mga kaaway at sila’y pinuksa,
hindi ako bumalik hanggang hindi sila na¬uubos.
39 Inubos ko sila at nilupig, at di na ma¬katayo,
nabuwal sila sa ilalim ng aking mga paa.
40 Pinalakas mo ako para sa labanan,
pinayuko mo sa harap ko ang aking mga kalaban.
41 Pinatalikod mo sa akin ang aking mga kaaway,
tinapos ko ang mga namumuhi sa akin.
42 Humingi sila ng saklolo
ngunit walang makapagliligtas sa kanila –
kay Yawe, ngunit hindi sila tinugon.
43 Pinulbos ko sila gaya ng alabok sa lupa,
tinapakan ko sila’t tinuntungan tulad ng putik sa lansangan.
44 Iniligtas mo ako sa mga paghihimagsik ng aking bayan
at pinanatiling pinuno ng mga bansa.
Pinaglingkuran ako ng isang bayang di ko kilala,
45 dumating ang mga dayuhan para pa¬sa¬kop,
sa sandaling marinig ako, sila’y sumu¬sunod.
46 Nasiraan ng loob ang mga banyaga,
nagsilabas silang nanginginig sa kani¬lang mga kuta.
47 Mabuhay si Yawe! Purihin ang aking Bato!
Ipagbunyi ang Diyos, ang Bato ng aking ka¬ligtasan,
48 ang Diyos na nagbibigay sa akin ng pag¬hihiganti
at siyang sa aki’y nagpapasailalim sa mga bansa.
49 Inililigtas mo ako sa aking mga ka¬away,
itinataas sa aking mga kalaban,
sinasagip sa mga taong marahas.
50 Kaya pupurihin kita, Yawe, sa gitna ng mga bansa,
aawitan ng papuri ang iyong Pangalan.
51 Malaking tagumpay ang ibinibigay niya sa kanyang hari,
at ipinamamalas ang walang-maliw na pag-ibig sa kanyang pinahiran,
kay David at sa kanyang lahi magpa¬kailan¬man.”
23 1 Ito ang mga huling salita ni David:
Ang tula ni David na anak ni Jese,
ang tula ng lalaking itinaas ng Diyos,
ang pinahiran ng Diyos ni Jacob,
ang mang-aawit ng mga salmo ng Israel:
2 “Sa pamamagitan ko’y nagsasalita ang Espiritu ni Yawe,
nasa dila ko ang kanyang salita.
3 Nagsalita ang Diyos ng Israel,
sinabi sa akin ng Bato ng Israel:
Ang makatarungang naghahari sa mga tao
at namumunong may pitagan sa Diyos
4 ay tulad sa liwanag ng umaga sa bukanliwayway,
sa isang umagang walang ulap
na nagpapasibol sa damo mula sa lupa pag¬¬katapos ng ulan.
5 Hindi ba’t ganito nga ang aking sam¬baha¬yan sa harap ng Diyos?
Tipang panghabampanahon ang kan¬yang sinumpaan sa akin,
maayos at matatag sa lahat ng bagay.
Hindi ba niya pasisibulin ang aking kaligtasan
at lahat ng aking hinahangad?
6 Ngunit tinik na itinatapon ang ma¬sasama,
hindi sila hinahawakan
7 kundi dapat pang gumamit ng bakal o ha¬wakan
ang hihipo sa mga ito;
sinusunog ang mga ito.”
Mga magigiting ni David
• 8 Ito ang pangalan ng mga magigiting na kasama ni David: si Isbaal na Takmonita na pinuno ng Tatlo. Iniulos niya ang kanyang sibat, at walundaan ang napatay niya sa isang labanan lamang.
9 Kasunod niya si Eleazar na anak ni Doding anak ng isang Ahohita. Isa siya sa tatlong ma-gigiting na kasama ni David nang hamunin nila ang mga Pilisteong nagka¬katipon doon para lumaban. Nang umatras ang mga Israelita, 10 nanindigan siya’t pinag¬tataga ang mga Pilisteo hanggang ma¬manhid ang kanyang kamay at dumikit ito sa kanyang tabak. Naghatid si Yawe ng ma¬laking tagumpay nang araw na iyon. Si¬¬nundan siya ng iba pang mandirigma ngunit para lamang manamsam.
11 Kasunod niya si Samma na anak ni Ageng Ararita. Nagtipon ang mga Pilisteo sa Lehi – may bukid doong puno ng munggo – at nagsitakas ang mga tao sa harap ng mga Pilisteo. 12 Ngunit tumayo si Samma sa gitna ng taniman at ipinag¬tanggol ito at pinag¬tataga ang mga Pilis¬teo. At naghatid si Yawe ng malaking tagumpay.
13 Anihan noon, at ang tatlong ito na pinakamagiting sa Tatlumpu na nagpunta kay David sa yungib sa Adullam samantalang nakakampo naman ang hukbo ng mga Pilisteo sa Lambak ng Refaim. 14 Nasa kuta si David at nasa Bet¬lehem naman ang garison ng mga Pilisteo. 15 Nauhaw si David at sina¬bing “Sino ang magpapainom sa akin ng tubig mula sa balon sa may pintuan ng Betlehem?” 16 Kaya pinasok ng tatlong magi¬giting ang kampo ng mga Pilisteo, sumalok ng tubig sa balon sa may pintuan ng Bet¬lehem at dinala ito kay David. Ngunit ayaw itong inumin ni David kundi ibinuhos para kay Yawe. 17 Sinabi niya: “Hinding-hindi ko ito ma¬gagawa, O Yawe. Hindi ba ito dugo ng mga lalaking umalis at isinuong sa panganib ang kanilang buhay?” Ka¬yat ayaw niyang uminom. Ganito ang ginawa ng tatlong ma¬gigiting.
18 Si Abisai na kapatid ni Yoab at anak ni Sarvia ang puno ng Tatlumpu. Iniunat niya ang kanyang sibat laban sa tatlundaan at pinatay ang mga iyon, kaya tumanyag siyang gaya ng Tatlumpu. 19 Pinakatanyag siya sa Tatlumpu at naging pinuno nila, ngunit hindi pa rin niya na¬¬pan-tayan ang Tatlo.
20 Magiting na lalaki si Benaya na anak ni Yehoiada na taga-Kabzel, at kahanga-hanga ang kanyang mga gawa. Dalawang anak ni Ariel ng Moab ang kanyang pinatay. Isang araw na umuulan ng yelo, lumusong siya sa isang balon at pinatay ang leong naroroon. 21 Pinatay din niya ang isang malaking Ehipsiyong may hawak na sibat. Sinugod ito ni Benaya na pa¬malo lamang ang dala at inagaw ang sibat sa kamay ng Ehipsiyo at pinatay ito sa pamama¬gitan ng sariling sibat nito. 22 Ginawa ni Bena¬yang anak ni Yehoiada ang lahat ng ito at tumanyag siyang gaya ng tatlong magigiting. 23 Pinakatanyag siya sa Tatlumpu pero hindi niya napantayan ang Tatlo. Ginawa siya ni David na pinuno ng kan¬yang mga badigard.
24 Kabilang sa Tatlumpu sina:
Asael na kapatid ni Yoab, Elhanan na anak ni Dodo ng Betlehem, 25 Samma at Elika ng Harod, 26 Helez na Peleteo, Irang anak ni Ikkes ng Tekoa, 27 at Abiezer ng Anatot, Sibekay ng Husa, 28 Zalmon ng Ahoh, Maharai ng Netofa, 29 Heleb na anak ni Baana ng Netofa, Ittay na anak ni Ribai ng Gibea ng Benjamin, 30 Benaya ng Piraton, Hiddai ng batisan ng Gaas, 31 Abial-bon ng Bet-Araba, Azmavet ng Bahurim, 32 Eliaba ng Saalbon, Yasen na anak ni Yonatan, 33 Samma ng Harar, Ahiam na anak ni Sarar ng Harar, 34 Elifelet na anak ni Ahasbai ng Maaka, Eliam na anak ni Ahitofel ng Gilo, 35 Hezrai ng Karmel, Paarai ng Arab, 36 Igal na anak ni Natan ng Zoba, Bani ng Gad, 37 Selek na Amonita, Naharai ng Beerot at tagapagdala ng sandata ni Yoab na anak ni Sarvia, 38 Ira at Gareb ng Yatir, 39 at Urias na Heteo. Tat¬lumpu’t pito silang lahat.
Ang senso ni David
24 • 1 Muling nag-apoy ang poot ni Yawe sa Israel, at pinasigla niya si David sa ikasasama nila: “Sige, bila¬ngin mo ang Israel at Juda.”
2 Sinabi ng hari kay Yoab na heneral ng kanyang hukbo: “Libutin ninyo nga¬yon ang lahat ng tribu ng Israel mula Dan hanggang Berseba, at bilangin ang mga tao para malaman ko kung gaano sila karami.”
3 Sinabi ni Yoab sa hari: “Makasan¬da¬ang ibayo sanang paramihin ni Ya¬weng iyong Diyos ang iyong mga tau¬han, at masaksihan nawa ito ng mga mata ng aking panginoong hari. Ngunit bakit gus¬tong gawin ng aking pangi¬noong hari ang bagay na ito?”
4 Ngunit nakapangyari ang salita ng hari kaysa kay Yoab at sa mga opisyal ng hukbo kayat umalis sila para bila¬ngin ang bayan ng Israel. 5 Tumawid sila sa Jordan at nagsimula sa Aroer na lunsod na nasa pinakagitna ng kapa¬tagan at nagpatuloy sa Gad at Yazer.
6 Nagpunta sila sa Galaad at sa lu¬pain ng mga Heteo at sa Kades. Nag¬tuloy sila sa Dan at bumalik papuntang Sidon, 7 at dumating sa kuta ng Tiro at sa mga ka¬bayanan ng mga Heveo at mga Kana¬neo. Nagtapos sila sa Negeb ng Juda at Ber¬seba.
8 Nilibot nila ang buong lupain at nag¬ba¬lik sa Jerusalem sa katapusan ng si¬yam na buwan at dalawampung araw.
9 Ibinigay ni Yoab sa hari ang bilang ng senso: may walundaang libong magi¬giting na lalaki sa Israel na makahahawak ng tabak, at may limandaang libo naman sa Juda.
10 Ngunit kinunsiyensiya si David ma¬tapos maisagawa ang senso, at sinabi kay Yawe: “Lubha akong nagkasala sa aking ginawa. Ngunit ngayon, O Yawe, pawiin mo nawa ang pagka¬kasala ng iyong lingkod pagkat ma¬la¬king kaha¬ngalan ang aking ginawa.”
11 Kinabukasan, paggising ni David, du¬mating sa propetang si Gad na mang¬huhula ni David ang salita ni Yawe: 12 “Hu¬mayo ka’t sabihin kay David: Ito ang sina¬sabi ni Yawe – bini¬bigyan kita ng tatlong pagpipilian. Pumili ka ng isa at ito ang gagawin ko sa iyo.” 13 Pinuntahan nga ni Gad si David at tinanong: “Gusto mo ba ng tatlong taong tag¬gutom sa iyong lu¬pain? O tatlong buwan kang magtago sa iyong mga kaaway habang hinahabol ka nila? O tatlong araw na salot sa iyong lupain? Isipin mo ngayon at pagpasyahan ang isasagot ko sa nagsugo sa akin.”
14 Sinabi ni David kay Gad: “Labis akong nababalisa. Mahulog na tayo nga¬yon sa kamay ni Yawe na sagana sa awa ngunit huwag akong paba¬yaang mahulog sa kamay ng mga tao.”
15 Kaya nagpadala ng salot si Yawe sa Israel mula umaga hanggang sa iti¬nak¬dang oras. Pitumpung libo ang na¬matay sa mga tao mula Dan hang¬gang Berseba.
16 Iniunat ng anghel ang kanyang ka¬may sa Jerusalem para puksain iyon ngu¬nit pinagsisihan ni Yawe ang pagpaparusa at sinabi sa anghel na na¬mu¬muksa: “Tama na, iurong mo ang iyong kamay!” Nasa may giikan noon ni Araunang Yebu¬seo ang anghel ni Yawe.
17 Nang makita ni David ang anghel na pumapatay sa mga tao, sinabi niya kay Yawe: “Ako ang nagkasala! Ako ang gu¬ma¬wa ng masama, ngunit mga tupa la¬mang ang mga ito. Ano ang nagawa nila? Sa akin at sa angkan ng aking ama mo ibagsak ang iyong kamay.”
18 Nagpunta si Gad kay David nang araw na iyon at sinabi sa kanya: “Uma¬hon ka at magtayo ng altar kay Yawe sa giikan ni Araunang Yebu¬seo.”
19 Umahon nga si David gaya ng iniutos ni Yawe sa pamamagitan ni Gad. 20 Nang makita ni Arauna na palapit sa kanya ang hari at ang mga tauhan nito, sumalubong siya at yumukong abot sa lupa ang mukha sa harap ng hari, 21 at sina¬bing “Ano ang sadya ng aking panginoong hari sa kanyang ling¬kod?” Sumagot si David: “Bibil¬hin ko ang iyong giikan para makapagtayo ako ng altar kay Yawe at nang tumigil na ang salot sa bayan.” 22 Sinabi ni Arauna kay David: “Ku¬nin na ng aking panginoong hari ang mabuti sa palagay niya at ihandog ito. Narito ang aking mga baka para sa sinunog na handog, at ang mga karitong panggiik at pamatok para gawing panggatong. 23 Ibini¬bigay ni Arauna sa hari ang lahat ng ito, O mahal na hari. Ding¬gin nawa kayo ni Yaweng inyong Diyos.”
24 Ngunit sinabi ng hari kay Arauna: “Hindi, babayaran ko sa iyo ang lahat ng ito pagkat hindi ko maihahandog kay Yaweng aking Diyos ang mga sinunog na handog na hindi ko bina¬yaran.” Kaya binayaran ni David ng limampung shekel na pilak ang giikan at mga baka. 25 Nag¬tayo si David ng altar kay Yawe at nag-alay ng mga sinunog na handog at ng mga hain sa ma¬¬buting pagsasamahan. At nahabag si Yawe sa lu¬pain at tumigil ang salot sa Israel.

No comments: