1 Samuel

Si Ana
1 • 1 May isang lalaking taga-Rama na nagngangalang Elkana sa kaburulan ng Efraim. Anak siya ni Yero¬ham na anak ni Elihu na anak ni Tohu ng angkan ng Suf. 2 Dalawa ang kanyang asawa: sina Ana at Penina. May mga anak si Penina pero wala si Ana.
3 Umaahon taun-taon si Elkana sa Silo para sumamba at mag-alay kay Yawe ng mga Hukbo; ang dalawang anak na lalaki ni Eli na sina Yofni at Finjas ang mga pari ni Yawe roon.
4 Tuwing maghahandog ng alay si Elkana, binabahaginan niya ang kanyang asawang si Penina at lahat ng anak nito. 5 Ngunit doble ang ibinibigay niya kay Ana sapagkat mas mahal niya ito bagamat gi¬nawa siyang baog ni Yawe. 6 Laging iniinis si Ana ng kanyang ka¬agaw sa pa-giging baog para galitin 7 sa pagpunta nila sa Bahay ni Yawe taun-taon. Kaya umi¬iyak si Ana at tuma¬tangging kumain. 8 At tinanong siya ng kanyang asawang si Elkana: “Ana, ba’t ka umiiyak? Bakit ayaw mong kumain? Ba’t ka malungkot? Hindi ba ako mas mahalaga sa iyo kaysa sampung anak na lalaki?”
9 Minsan pagkatapos nilang kumain at uminom sa Silo, tumindig si Ana sa may di kalayuan kay Eli, ang paring nakaupo sa upuang nasa tabing pintu¬an ng Bahay ni Yawe. 10 Puno ng dalam¬hati, buong ka¬paitan siyang tumangis at dumalangin kay Yawe, 11 at gumawa siya ng isang panata, at sinabing “O Yawe ng mga Hukbo, kung titingnan mo lamang ang dalamhati ng iyong lingkod at ako’y aalalahanin at di kali¬limutan, kundi bigyan ako ng isang anak na lalaki, ibibigay ko siya kay Yawe sa lahat ng araw ng kanyang buhay at walang labahang lalapat sa kanyang ulo.”
12 Habang nananalangin siya sa harap ni Yawe, pinagmasdan ni Eli ang kibot ng kanyang mga labi. 13 Nana¬nalangin si Ana sa kanyang puso, kumikibot ang kanyang mga labi ngunit hindi naririnig ang kan¬yang tinig. Kaya inakala ni Eling lasing si Ana. 14 At sinabi ni Eli sa kanya: “Hang¬gang kailan ka ba magiging lasing? Kailan ka mahihimasmasan?” 15 Ngunit sumagot si Ana: “Hindi, aking panginoon. Ako’y isang babaeng lub¬hang naninim¬dim. Hindi ako lasing. Hindi ako uminom ng alak o serbesa; inihi¬hinga ko lamang ang laman ng aking kaluluwa kay Yawe. 16 Huwag ninyong ipalagay na ako’y isang baba¬eng ma¬sama. Labis ang aking hinag¬pis kayat tuluy-tuloy ang aking panala¬ngin.” 17 At sinabi ni Eli: “Humayo kang mapayapa at ipagkaloob nawa ng Diyos ng Israel ang iyong hinihingi.” 18 Su¬magot si Ana: “Ma¬ging karapat-dapat nawa sa inyong ka¬gan¬dahang-loob ang inyong alipin.” At umalis na siya at ku¬main. At wala nang nabakas na lungkot sa kanyang mukha.
19 Kinabukasan, maagang gumising si Elkana at sumamba sa harap ni Yawe, ka¬sama ang kanyang mga asawa. At pagkatapos, umuwi na sila sa Rama. Nang sumiping si Elkana kay Ana na kanyang asawa, nahabag si Yawe kay Ana. 20 At nagdalantao si Ana at nagsilang ng isang lalaki na pina¬ngalanan niyang Samuel sa¬pagkat sinabi niyang “Hiningi ko siya kay Yawe.”
21 Muling nagpunta si Elkana sa tem¬plo, kasama ang buo niyang pamilya upang ihandog ang kanyang taunang alay at tup¬din ang kanyang panata kay Yawe. 22 Hindi sumama si Ana at sinabi niya sa kanyang asawa: “Dadalhin ko roon ang bata pagkaawat na pagka¬awat niya para iharap kay Yawe, at doon na siya ma¬ni¬nirahan habam¬buhay. 23 Sinabi naman ni Elkana: “Gawin mo ang pinakamabuti sa palagay mo. Dumito ka hanggang ma¬awat ang bata. Pata¬tagin nawa ni Yawe ang iyong sinabi.” Kaya naiwan nga si Ana at pi¬¬na¬¬¬suso ang kan¬yang anak hang¬gang maawat.
24 Nang maawat na ang bata, isina¬ma siya ni Ana gayundin ang isang torong tatlong taong gulang, ilang takal na harina at isang bote ng alak. Dinala niya ang bata sa Bahay ni Yawe sa Silo. Napakabata pa ng bata.
25 Pagkakatay sa toro, dinala niya ang bata kay Eli. 26 Sinabi ni Ana: “Tingnan ninyo, aking panginoon! Ako ang ba¬baeng nakatayo rito noon sa inyong tabi, at nananalangin kay Yawe. 27 Hini¬ling ko sa kanya ang batang ito at ipi¬nag¬kaloob naman ni Yawe ang aking kahi¬lingan. 28 Kaya itinuturing ko ngayon na hinihingi siya ni Yawe. Para kay Ya¬we na siya sa buong buhay niya.”
At sinamba nila roon si Yawe.
Dasal ni Ana
2 • 1 At nanalangin si Ana at sinabi:
“Kay Yawe puso ko’y nagagalak,
kay Yawe lakas ko’y nag-iibayo.
Bibig ko’y magmamalaki sa aking mga kaaway,
oo, nalulugod nga ako sa iyong pagliligtas.
2 Si Yawe lamang ang Banal, wala kang katulad,
walang ibang Batong tulad ng ating Diyos.
3 Tama na ang pagsasalita ng kapalaluan,
husto na ang kahambugan ng iyong mga labi
pagkat si Yawe ay Diyos – alam ito ng lahat –
siya ang tumitimbang sa gawa n g lahat.
4 Bali na ang pana ng malalakas,
ngunit puspos naman ng lakas ang mahihina.
5 Kailangang magpaupa ang mga busog para makakain,
ngunit hindi na kailangang magtrabaho pa ang mga gutom.
Ang baog ay pitong beses na nanganak,
ngunit naiwang walang pag-asa ang may maraming anak.
6 Si Yawe ang nagbibigay ng kamatayan at buhay,
siya ang nagdadala sa libingan at bumubuhay.
7 Si Yawe ang nagpapadukha at nagpapayaman,
siya ang nagbababa at nagtataas.
8 Itinataas niya ang dukha mula sa alabok
at itinatampok ang naghihikahos mula sa abuhan;
pinauupo niya silang kasama ng mga prinsipe
at ipinamamana sa kanila ang luklukan ng karangalan.
Kay Yawe ang mga pundasyon ng daigdig
at sa mga ito naman itinayo ang mundo.
9 Binabantayan niya ang hakbang ng mga nagmamahal sa kanya
ngunit namamatay sa dilim ang mga masama,
walang nagtatagumpay dahil sa sariling lakas!
10 Nadurog ang mga kaaway ni Yawe,
kumukulog siya sa langit laban sa kanila.
Naghahari si Yawe sa buong daigdig,
binibigyang-lakas niya ang kanyang hari
at pinag-iibayo ang lakas ng kanyang pinahiran.”
11 At umuwi na si Elkana sa Rama, at naglingkod naman kay Yawe ang bata sa pangangasiwa ng paring si Eli.
Si Eli
12 Masama at walang pakundangan kay Yawe ang mga anak na lalaki ni Eli. 13 Kapag may nag-aalay ng handog, da¬¬rating ang isang alipin ng pari habang inilalaga pa ang karne. 14 Itu¬tusok nito ang isang tinidor sa kaserola o kaldero o kawa o palayok, at para sa pari ang anu¬mang matusok ng tinidor. Ganito ang pakiki¬tungo ng mga paring ito sa lahat ng Israelitang pumupunta sa Silo. 15 At kahit na bago pa masunog ang taba, darating na ang alipin ng pari at sasa¬bihin sa lalaking naghahandog: “Big¬yan mo ang pari ng karneng ma¬iiihaw dahil hindi siya tatang¬gap ng nilagang karne galing sa iyo kundi hilaw lamang.” 16 At kung sabihin naman ng lalaking “Pabayaan mo mu¬nang ma¬sunog ang ta¬ba, at saka ka ku¬muha ng anumang gus¬to mo,” sasagot ang ali¬pin: “Hindi! Ibi¬¬gay mo na ito sa akin ngayon, kung hin¬¬di’y sapilitan ko itong kukunin.” 17 Ka¬¬-yat na¬pakalaki ng kasa¬lanan ng mga a¬nak ni Eli sa paningin ni Yawe sapagkat nila¬pastangan nila ang handog kay Yawe.
18 Samantala, naglilingkod si Samuel sa harap ni Yawe – isang batang suot ang lineng damit ng mga pari. 19 Taun-taon lagi siyang itinatahi ng kanyang ina ng maliit na damit-pari at dinadala ito sa kanya tuwing aahon siya, kasama ang kan¬¬yang asawa, para mag-alay ng tau¬nang handog.
20 Binasbasan ni Eli si Elkana at ang kanyang maybahay, at sinabi: “Bigyan ka nawa ni Yawe ng marami pang anak sa babaeng ito bilang kapalit ng batang lala¬king ibinigay niya kay Yawe.” 21 Pag¬kauwi nila, biniyayaan ni Yawe si Ana ng tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae samantalang lumalaki naman sa piling ni Yawe ang batang si Samuel.
22 Matandang-matanda na ngayon si Eli. Nabalitaan niya ang lahat ng gina¬gawa sa Israel ng kanyang mga anak. Nakipagtalik pa sila sa mga babaeng naglilingkod sa pintuan ng Toldang Tag¬puan. 23 Kaya tina¬nong niya sila: “Pinag-uusapan ng mga tao ang inyong mga ma¬samang gawain. Bakit ganito ang gina¬gawa ninyo? 24 Hindi, hindi mabuting balita ang nari¬rinig kong kuma¬kalat sa bayan ni Yawe, mga anak. 25 Kung mag¬kasala ang isang tao sa kanyang kapwa, mama¬magitan ang Diyos para sa kanya. Ngunit kung kay Yawe siya mag¬kasala, sino pa ang mamamagitan para sa kanya?” Ngunit hindi nakinig ang da¬lawa sa sinabi ng kanilang ama sapagkat nakapag¬pasya na si Yawe na dapat silang mamatay.
26 At nagpatuloy naman sa paglaki ang batang si Samuel, lumaki at bu¬muti sa paningin ni Yawe at ng mga tao.

27 Isang araw, isang propeta ng Diyos ang pumunta kay Eli at sinabi sa kanya: “Ito ang sinasabi ni Yawe – Ipinakilala ko ang aking sarili sa sambahayan ng iyong ama nang nasa Ehipto sila, sa bahay ni Paraon. 28 Pinili ko siya mula sa lahat ng tribu ng Israel upang maging pari ko, para pumunta sa aking altar, magsunog ng ins¬enso at magsuot ng efod sa harap ko. At ibi¬nigay ko sa sambahayan ng iyong ama ang la¬hat ng haing pinaraan sa apoy ng mga Israelita. 29 Bakit ninyo ngayon binabastos ang aking ha¬in at mga handog na ako mismo ang nag-utos na panghabam¬panahon? Ba’t higit mong pina¬ha¬halagahan ang iyong mga anak kaysa akin at pinatataba ang inyong mga sarili sa pinakamainam na bahagi ng bawat handog ng aking bayang Israel? 30 Kaya ipinahahayag ni Yaweng Diyos ng Israel – Ipinangako ko nga na mag¬pa¬patuloy sa paglilingkod sa akin habampanahon ang iyong sambahayan at ang sambahayan ng iyong ama, pero tapos na! Parara¬ngalan ko ang mga nagpaparangal sa akin, ngunit hahamakin ko ang humahamak sa akin. 31 Malapit na ang araw na igugupo ko ang iyong lakas at ang la¬kas ng sambahayan ng iyong ama. 32 (At hindi magkakaroon ng matanda sa iyong sam¬ba¬hayan.) 33 Ang sinu¬man sa iyong sambaha¬yan na hindi ko ititiwalag sa paglilingkod sa akin ay maliligtas para lamang lumuha nang buong pa¬it at ma¬buhay sa dalamhati. At mama¬matay ang lahat sa tabak sa kanilang kabataan. 34 Ma¬gi¬ging tanda para sa iyo ang mangyayari sa dalawa mong anak na sina Yofni at Finjas: kap¬wa sila mamamatay sa iisang araw lamang. 35 Makakatagpo ako ng isang paring tapat para sa akin, gagawin niya ang ayon sa aking puso at isipan. Itatayo kong matatag ang kanyang sambahayan at maglilingkod siya sa akin at sa aking pinahiran sa lahat ng araw. 36 At lalapit at yuyuko sa harap niya ang sinumang malabi sa iyong sambahayan para sa isang pirasong pilak o kapirasong tinapay, at sasabihing – Sige na naman, italaga mo ako sa gawaing-pari para may ma¬kain ako.”
Tinawag ng Diyos si Samuel
3 • 1 Naglingkod kay Yawe ang batang si Samuel sa ilalim ng pa¬mamahala ni Eli. Bihira pa nang mga araw na iyon ang salita ni Yawe at wa¬lang mga pangitain.
2 Isang gabi, nakahiga sa kanyang silid si Eli – malabo na ang kanyang mga mata at di na makakita. 3 May sindi pa ang ilawan ng Diyos at naka¬higa naman si Samuel sa Bahay ni Yawe na kina¬lalagyan ng Kaban ng Diyos.
4 At tumawag si Yawe: “Samuel, Samuel!” Sumagot si Samuel: “Narito ako!” 5 at tumakbo siya kay Eli at sina¬bing “Narito ako sapagkat tinawag ninyo ako.” Ngunit sinabi ni Eli: “Hindi ako tumawag. Sige, mahiga ka na.” Kaya umalis siya at nahiga.
6 Muling tumawag si Yawe: “Samuel!” At bumangon si Samuel at pumunta kay Eli at sinabi: “Narito ako sapagkat tinawag ninyo ako.” Ngunit sinabi ni Eli: “Hindi kita tinawag, anak. Bumalik ka na at mahiga uli.”
7 Hindi pa nakikilala ni Samuel si Yawe at hindi pa naihahayag sa kanya ang salita ni Yawe. 8 Ngunit tinawag ni Yawe si Samuel sa ikatlong pagkaka¬taon. Buma¬ngon si Samuel at pumunta kay Eli at sinabi: “Narito ako sapagkat tinawag ninyo ako.” At naunawaan ni Eli na si Yawe ang tumatawag sa bata, 9 at sinabi ni Eli kay Samuel: “Sige na, ma¬higa ka at kung may tumawag sa iyo, sabihin mo – Magsalita ka, Yawe, sapagkat nakikinig ang iyong lingkod.” At umalis si Samuel at nahiga sa kanyang lugar.
10 Dumating si Yawe at tumayo roon, at tumawag tulad nang dati: “Samuel, Samuel!” At sumagot si Samuel: “Mag¬salita ka sapagkat nakikinig ang iyong lingkod.” 11 At sinabi ni Yawe kay Sa¬muel: “Tingnan mo, may gagawin ako sa Israel na magpapanginig sa mga tai¬nga ng sinumang makababalita nito. 12 Sa araw na iyon, tutuparin ko laban kay Eli ang lahat ng sinabi ko laban sa kanyang sam¬bahayan mula sa simula hang¬gang kata¬pusan. 13 Sinabi ko na sa ka¬nya na malapit ko nang hukuman ang kanyang angkan sa habampanahon sa¬pagkat alam niyang nila-lapastangan ng kanyang mga anak ang Diyos pero hindi niya sila sinaway. 14 Kaya isinumpa kong hinding-hindi ma¬babayaran ng ha¬in o handog ang pagka¬ka¬sala ng sam¬¬bahayan ni Eli magpa¬kailanman.”
15 Nahiga si Samuel hanggang uma¬ga. At binuksan niya ang mga pinto ng Bahay ni Yawe. Natatakot si Samuel na sabihin kay Eli ang pangitain. 16 Ngunit tinawag siya ni Eli at sinabi: “Samuel, anak.” Su¬magot si Samuel: “Narito ako.” 17 Nagta¬nong si Eli: “Ano ang si¬na¬bi niya sa iyo? Huwag mo sana itong ilihim sa akin. Parusahan ka nawa ng Diyos kung may ililihim kang anu¬man sa akin.” 18 Kaya sinabi ni Samuel kay Eli ang lahat. At sinabi ni Eli: “Siya nga si Yawe! Gawin niya ang mabuti sa kan¬yang paningin.”
19 Lumaki si Samuel, sumasakanya si Yawe at pinapagkakatotoo niya ang mga salita nito. 20 At alam ng buong Is¬rael mula sa Dan hanggang sa Berseba na tunay na propeta nga ni Yawe si Samuel. 21 Patuloy na napakita si Yawe sa Silo. Ipinahayag niya ang kanyang sarili kay Samuel sa Silo sa pamamagitan ng kanyang salita.
Nakuha ng mga Pilisteo ang Kaban
4 • 1 Nagtipon noon ang mga Pilisteo para salakayin ang Israel, at lu¬ma¬bas din ang Israel para harapin ang mga Pilis¬teo sa labanan. Nag¬kampo sila sa Ebena-Ezer samantalang sa Afek naman nagkampo ang mga Pilisteo. 2 Pumusis¬yon ang mga Pilisteo para harapin ang Israel at nag¬si¬mula ang labanan. Natalo ng mga Pi¬listeo ang Israel, at halos apat na libo sa kanila ang namatay sa labanan.
3 Nang umurong sa kanilang kampo ang mga tao, nagtanong ang matatan¬da ng Israel: “Bakit pinabayaan tayo ni Yawe na matalo sa harap ng mga Pilisteo? Kunin natin sa Silo ang Kaban ng Diyos at dalhin iyon dito upang makapiling natin at nang maligtas tayo sa ating mga kaaway.”
4 Nagpadala ng mga sugo sa Silo ang bayan at kinuha ng mga ito mula roon ang Kaban ni Yawe ng mga Hukbo na naka¬luklok sa gitna ng mga kerubin. Ka¬sama ng Kaban ng Diyos ang dalawang anak na lalaki ni Eli na sina Yofni at Finjas.
5 Nang dumating sa kampo ang Ka¬ban ni Yawe, sumigaw nang napaka¬la¬kas ang buong Israel at nayanig ang lupa. 6 Narinig ng mga Pilisteo ang hiyawan at nagta¬nungan: “Ano ang napa-kalakas na siga¬wang iyon sa kampo ng mga Hebreo?” At nalaman nila na du¬mating sa kampo ang Kaban ni Yawe.
7 Natakot ang mga Pilisteo at kani¬lang sinabi: “Isang diyos ang dumating sa kampo! Kawawa tayo! Wala pang nang¬yayaring ganito noon. 8 Kawawa tayo! Sino ang magliligtas sa atin mula sa ka¬may ng mga maka¬pang¬yarihang diyos na ito? Ito ang mga diyos na hu¬mampas sa mga Ehipsiyo sa pamamagitan ng lahat ng uri ng salot, at sa disyerto. 9 La¬kasan ninyo ang inyong loob at magpa¬kalalaki, O mga Pilisteo, kung hindi’y magiging alipin kayo ng mga Hebreo kung paanong naging ali¬pin natin sila. Magpakalalaki kayo at lumaban!”
10 Lumaban nga ang mga Pilisteo at nagapi ang Israel. Tumakas pauwi ang ba¬wat isa. Nakalulunos na pagkatalo; tat¬lum¬pung libong lalaki ng Israel ang na¬patay. 11 Naagaw ang Kaban ng Diyos at namatay ang dalawang anak ni Eli na sina Yofni at Finjas.
12 Isang lalaki mula sa tribu ng Benjamin ang nakatakas mula sa labanan at dumating sa Silo nang araw ding iyon. Warak ang kanyang damit at may alikabok ang kanyang ulo. 13 Nang du¬ma-ting siya, naroon si Eli na nakaupo sa upuan sa tabi ng daan at nagmamasid sapagkat pus¬pos ng pangam¬ba ang kanyang puso para sa Kaban ng Diyos. Pagkarating ng lalaki sa bayan, ibina-lita niya ang nangyari at sumigaw ang buong bayan. 14 Narinig ni Eli ang sigawan at nagtanong: “Ano ang ingay na ito?” Agad na lumapit kay Eli ang lalaki at sinabi ang nangyari. 15 Siyamnapu’t walong taon na noon si Eli at hindi na siya makakita. 16 Sinabi ng lalaki kay Eli: “Galing ako sa labanan, nakatakas ako nga¬¬yon.” At tinanong siya ni Eli: “Ano ang nang¬¬yari, anak ko?”
17 Sumagot ang maydala ng balita: “Tu¬ma¬kas ang Israel sa harap ng mga Pilisteo. Isa ngang malaking pagkalupig ng bayan! At na¬matay rin ang dalawa ninyong anak na sina Yofni at Finjas, at naagaw ang Kaban ng Diyos.” 18 Nang mabanggit nito ang Kaban ng Diyos, bumulagta si Eli mula sa kanyang upuang nasa tabi ng pintuan. Nabali ang kanyang leeg at namatay sa¬pagkat matanda na siya at mabigat. Apatnapung taong naghukom si Eli sa Israel.
19 Buntis noon ang manugang ni Eli, ang maybahay ni Finjas, at malapit nang manganak. Nang mabalitaan niyang naagaw ang Kaban ng Diyos at patay na ang kanyang asa¬wa at biye-nang lalaki, napaanak siya nang wa¬la sa pana¬hon. 20 Samantalang nag¬hihingalo siya, sinabi ng mga babaeng tumi¬tingin sa kanya: “Huwag kang matakot sa¬pagkat lalaki ang anak mo.” Ngunit hindi siya sumagot ni hindi niya ito na¬malayan. 21 Pi¬nangalanan niyang Ikabod ang bata at sina-bing “Naglaho na ang Luwalhati sa Israel!” dahil sa pagkaagaw sa Kaban ng Diyos at sa pagkamatay ng kanyang biyenang lalaki at ng kanyang asawa. 22 Nang sabihin niyang “Luwalhati sa Israel!” ang naagaw na Kaban ng Diyos ang tinutukoy niya.

5 1 Pagkaagaw ng mga Pilisteo sa Kaban ng Diyos, dinala nila ito sa Asdod mula sa Ebena-Ezer. 2 Binuhat nila ang Kaban at ipinasok sa templo ni Dagon at itinabi ito sa kanya. 3 Maagang gumising kinabukasan ang mga taga-Asdod, at hayun! nakabuwal si Dagon at nakasubsob sa lupa sa harap ng Kaban ni Yawe. Kinuha nila si Dagon at ibina¬lik sa kinalalagyan nito. 4 Ngunit pag¬gising nila nang sumunod na araw, naroon si Dagon – nakabuwal at nakasubsob sa lupa sa harap ng Kaban ni Yawe. Tanggal ang ulo at mga kamay nito at nasa may bungad ng pintuan; ang ka¬tawan lamang nito ang naiwang buo. 5 Kaya hanggang sa araw na ito, hindi tumutuntong sa bungad ng pintuan ng templo ni Dagon sa Asdod ang mga pari ni Dagon at lahat ng pumapasok sa kanyang templo.
6 Naging mabigat ang kamay ni Yawe sa mga taga-Asdod. Sinalanta niya at tinadtad ng almoranas ang mga taga-Asdod at mga taga-karatig-pook. 7 Nang makita ito ng mga taga-Asdod, kanilang sinabi: “Hindi dapat manatili dito sa atin ang Kaban ng Diyos ng Israel. Mabigat ang kamay niya sa atin at sa ating diyos na si Dagon.” 8 Tinipon nila ang lahat ng pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo at tinanong ang mga ito: “Ano ang gagawin natin sa Kaban ng Diyos ng Israel?”
Sumagot ang mga ito: “Ipadala ninyo sa Gat ang Kaban ng Diyos ng Israel.” Kaya inilipat nga nila ang Kaban ng Diyos ng Israel. 9 Ngunit nang madala nila iyon sa Gat, naging laban sa lunsod ang kamay ni Yawe – napa¬kalaking gulo! Pina¬hirapan niya ang mga tagaroon sa lunsod, bata man o ma¬tanda, at nilitawan sila ng almoranas. 10 Kaya ipina¬dala nila ang Kaban ng Diyos sa Ekron. At habang ipinapasok nila sa Ekron ang Kaban ng Diyos, sumigaw ang mga taga-Ekron: “Dinala nila sa atin ang Kaban ng Diyos ng Israel para patayin tayong lahat.” 11 Kaya tinipon nila ang lahat ng pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo at sinabi: “Alisin ninyo rito ang Kaban ng Diyos ng Israel nang maka¬balik ito sa sarili nitong lugar para hindi niya tayo pataying lahat.” Nagkaroon nga ng napakalaking gulo sa buong lunsod dahil napa¬kabigat ng kamay ng Diyos dito. 12 Nila¬basan ng almoranas ang mga hindi namatay at abot hanggang langit ang sigaw ng lunsod.

6 1 Pitong buwan sa lupain ng mga Pilisteo ang Kaban ni Yawe. 2 Tinawag ng mga Pilisteo ang kanilang mga pari at mga mang¬huhula at tinanong: “Ano ang dapat nating gawin sa Kaban ni Yawe? Sabihin ninyo sa amin kung paano namin iyon iba¬balik sa lugar nito.” 3 Sumagot ang mga ito: “Kung ibabalik ninyo ang Kaban ng Diyos ng Israel, huwag ninyo itong ibabalik nang walang laman. Magpa¬dala rin kayo ng hain para sa pagkakautang. At gaga¬ling kayo at malalaman ninyo kung bakit hindi lumalayo sa inyo ang kanyang kamay.” 4 At sinabi naman nila: “Anong hain para sa pagka¬kautang ang dapat naming ipadala sa kanya?” Sumagot ang mga ito: “Gumawa kayo ng limang gintong almoranas at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga lunsod ng mga Pilisteo sapagkat iisang salot lamang ang du¬mapo sa inyong lahat at sa inyong mga pinu¬no. 5 Gumawa kayo ng mga imahen ng inyong mga almoranas at ng mga dagang sumalanta sa lupain, at luwalhatiin ninyo ang Diyos ng Israel. At baka iangat na niya ang kanyang ka¬may sa inyo, sa inyong mga diyos at sa inyong lupain. 6 Ngunit huwag kayong magmatigas sa inyong mga puso, tulad ng ginawa ng mga Ehipsiyo at ni Paraon. Hindi ba’t pagkatapos silang parusahan ni Yawe ay pinaalis na rin nila ang mga Israelita para lumakad?
7 Gumawa kayo ngayon ng bagong ka¬riton at kumuha ng dalawang bakang may pasusuhin at hindi pa nalalagyan ng pamatok. Isingkaw ang mga baka sa kariton pero ibalik sa kural ang kanilang mga guya. 8 At kunin ang Kaban ni Yawe at ilagay sa kariton. At ilagay naman sa tabi ng Kaban ang ka¬hong may gintong pigurin na ipinadadala ninyo sa kanya bilang hain para sa pagka-kautang. At palakarin itong mag-isa, 9 ngunit bantayan ito. Kung magtuloy ito sa daang nasa sarili nitong lupain, patungong Bet-Semes, si Yawe nga kung gayon ang may¬gawa ng napakalaking kapahamakang ito sa atin. At kung hindi naman, malalaman natin na hindi niya kamay ang humampas sa atin, kundi nag¬kataon lamang.”
10 Ginawa nga nila iyon. Kumuha sila ng da¬la¬wang bakang may pasusuhin at isining¬kaw sa kariton, at ikinulong naman sa kural ang mga guya ng mga ito. 11 At inilagay nila ang Kaban ni Yawe sa kariton, kasama ang kahong may gin¬tong mga daga at mga ima¬hen ng kanilang almo-ranas. 12 At nagtuluy-tuloy ang mga baka papuntang Bet-Semes, nanatili ang mga ito sa daan at patuloy na umuunga – hindi lumiko sa kanan o sa ka¬liwa. Samantala, sinun¬dan naman ng mga pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo ang mga ito hanggang sa may hangganan ng Bet-Semes.
13 Nag-aani noon ng trigo sa lambak ang mga taga-Bet-Semes nang matanaw nilang papa¬la-pit ang Kaban, at natuwa sila sa pag¬kakita nito. 14 Dumating ang kariton sa bukid ni Josueng taga-Bet-Semes, at doon tumigil sa tabi ng isang malaking bato. Sinibak nila ang kahoy ng ka-riton at inialay sa ibabaw ng mga ito ang mga baka bilang sinunog na handog kay Yawe. 15 Ibinaba naman ng mga Levita ang Kaban ni Yawe at ang kahong may mga gintong pigurin at ipinatong sa mala¬king bato.
Nang araw na iyon, nag-alay ng mga sinu¬nog na handog at mga hain kay Yawe ang mga taga-Bet-Semes. 16 Nasaksihan ito ng limang pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo, at umu¬wi sila sa Ekron nang araw ding iyon. 17 Ito ang mga lun¬sod ng mga Pilisteo na naghandog ng gintong almoranas bilang hain para sa pag¬kakautang kay Yawe: Asdod, Gaza, Askalon, Gat at Ekron. 18 May¬roon ding mga gintong dagang sindami ng mga nayon ng mga Pilisteo na nasa ilalim ng limang pinuno pati ang napapaderang mga bayan at mga nayon nito. Naroon pa rin hang¬gang sa araw na ito sa bukid ni Josueng taga-Bet-Semes ang malaking batong pinag¬¬¬patu¬ngan nila ng Kaban ni Yawe. 19 Pitumpung taga-Bet-Semes ang pinatay ni Yawe sapagkat tumingin sila sa Kaban ni Yawe. Nagluksa ang bayan dahil sa matin¬ding dagok sa kanila ni Yawe.
20 At sinabi ng mga taga-Bet-Semes: “Sino ang makatatayo sa harap ni Yawe, ang Banal na Diyos na ito? At kanino siya pupunta mula sa atin?” 21 At nagpadala sila ng mga sugo sa mga taga-Kiryat-yearim at nagpasabi: “Ibinalik na ng mga Pilisteo ang Kaban ni Yawe. Lumu¬song kayo at iahon ito sa inyo.”

7 1 Dumating ang mga taga-Kiryat-yearim para kunin ang Kaban ni Yawe. At dinala niya iyon sa bahay ni Abinadab sa burol, at pinabanal nila ang anak nitong si Eleazar para pangalagaan ang Kaban ni Yawe.
Ginising ni Samuel ang Israel
• 2 Mahabang panahon ang lumipas mula sa araw na manatili sa Kiryat¬¬-yearim ang Kaban. Mga dalawampung taong nanabik at dumaing kay Yawe ang buong bayan ng Israel.
3 At sinabi ni Samuel sa buong sambahayan ng Israel: “Kung magbabalik kayo kay Yawe nang buo ninyong puso, alisin ninyo ang mga banyagang diyos pati na ang mga Astarteng nasa inyong piling. At kung itutuon ninyo ang inyong puso kay Yawe at siya lamang ang pag-lilingkuran, ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Pilisteo.” 4 At inalis nga ng mga Israelita ang mga Baal at mga Astarte, at si Yawe lamang ang pinag¬lingkuran.
5 At sinabi ni Samuel: “Magtipon ang buong Israel sa Mizpa at ipagdarasal ko kayo kay Yawe.”
6 Nagtipon nga sila sa Mizpa. Umigib sila ng tubig at ibinuhos ito sa harap ni Yawe. Nag-ayuno sila sa araw na iyon at sinabi nila roon: “Nagkasala kami kay Yawe.” Pinamunuan ni Samuel ang pagtitipong ito ng Israel sa Mizpa. 7 Nang ma¬balitaan ng mga Pilisteo na nagtipon ang mga Israelita sa Mizpa, umahon sa lupain ng Israel ang mga pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo para lusubin sila. Nang malaman ito ng mga Isra¬elita, natakot sila 8 at sinabi nila kay Samuel: “Walang-tigil kang manalangin para sa amin kay Yaweng ating Diyos upang iligtas niya tayo sa kamay ng mga Pilisteo.”
9 At kumuha si Samuel ng pasu¬suhing kordero at inialay iyon kay Yawe bilang buong sinunog na handog, at nanik¬luhod sa kanya alang-alang sa Israel. At tinugon siya ni Yawe.
10 Habang iniaalay ni Samuel ang sinu¬nog na handog, sumalakay na ang mga Pilisteo para lumaban sa Israel. Ngunit nang araw na iyon, malakas na dumagundong ang kulog ni Yawe sa gitna ng mga Pilisteo. Kayat bigla silang nalito at nagtakbuhan sa harap ng Israel. 11 Sumugod ang kalalakihan ng Israel mula sa Mizpa, at hinabol ng taga ang mga Pilisteo hang¬gang sa ibaba pa ng Betkar.
12 At kumuha pagkatapos si Samuel ng isang bato at inilagay sa pagitan ng Mizpa at Jesana, at pinangalanan iyong Ebena-Ezer sa pagsa¬sabing “Hanggang dito’y sinaklo¬lohan tayo ni Yawe.” 13 Kayat nalupig ang mga Pilisteo at hindi na muling lumusob sa nasasakupan ng Israel. Sa buong buhay ni Samuel, laban sa mga Pilisteo ang kamay ni Yawe. 14 Nabawi ng Israel ang mga lunsod mula Ekron hanggang Gat na inagaw ng mga Pilisteo sa Israel, at pinalaya ng Israel ang mga lupaing ito. Nagkaroon ng ka¬payapaan sa Israel at mga Amorreo.
15 Naging hukom si Samuel sa Israel sa lahat ng araw ng kanyang buhay. 16 Nililibot niya taun-taon ang Betel, Gilgal at Mizpa, at hinu¬hukuman ang Israel sa lahat ng lugar na ito. 17 At pag¬ka¬tapos, umuuwi siya sa Rama sapag¬kat naroon ang kanyang tahanan. Hinuhukuman din niya roon ang Israel at nagtayo siya roon ng altar kay Yawe.
Humingi ng hari ang bayan
8 • 1 Nang matanda na si Samuel, itinalaga niya ang kanyang mga anak na lalaki bilang mga hukom sa Israel. 2 Joel ang pangalan ng kanyang pa¬nganay at Abias naman ang ika¬¬lawa, at kapwa sila naging mga hu¬kom sa Ber¬seba. 3 Ngunit hindi sumunod sa kanyang mga yapak ang kanyang mga anak: mga mukhampera sila, tumatanggap ng lagay at binabaluktot ang katarungan.
4 Kayat nagtipon ang lahat ng matatanda ng Israel at pinuntahan si Samuel sa Rama. 5 Sinabi nila sa kanya: “Matanda ka na at hindi sumusunod sa iyong mga yapak ang iyong mga anak. Kaya bigyan mo kami ngayon ng isang hari na ma¬kapamumuno sa amin gaya sa lahat ng bansa.”
6 Hindi nagustuhan ni Samuel ang sinabi nilang “Bigyan mo kami ng isang haring mamumuno sa amin,” at nana¬langin siya kay Yawe. 7 Sinabi naman sa kanya ni Yawe: “Pakinggan mo ang ti-nig ng bayan, ang lahat ng sinasabi nila sa iyo. Hindi ikaw ang tinatanggihan nila kundi ako sa pagha¬hari sa kanila. 8 Gina¬gawa nila ngayon sa iyo ang lahat ng ginawa nila sa akin mula sa araw na ilabas ko sila mula sa Ehipto hanggang sa araw na ito nang talikuran nila ako at nag¬ling¬kod sa ibang mga diyos. 9 At nga¬yon, pa¬king¬gan mo ang kanilang tinig ngunit big¬yan sila ng mahigpit na babala at sabihin sa kanila ang klase ng pamu¬munong ga¬gawin ng kanilang hari.”
10 At sinabi ni Samuel ang lahat ng sa¬lita ni Yawe sa sambayanang humi¬hingi sa kanya ng isang hari: 11 “Ito ang klase ng pamumunong gagawin sa inyo ng inyong hari! Kukunin niya ang inyong mga anak na lalaki at itatalaga sa kan¬yang karwahe at mga kabayo, at patatakbuhin sila sa unahan ng kanyang kar¬wahe. 12 Ang iba’y gagawin niyang mga pinuno ng tigsasan¬libo o pinuno ng tiglilimampu. At ang iba naman para bungkalin ang kanyang lupa at gapasin ang kanyang ani, at para gu¬mawa ng kanyang mga sandatang pan¬digma at mga kagamitan para sa kanyang mga karwahe. 13 Kukunin din niya ang inyong mga anak na babae para mag¬handa ng pabango at maging mga kusi¬nera at mga pana¬dera. 14 Kukunin niya ang pinaka¬mainam sa inyong mga buki-rin, mga ubasan at mga taniman ng olibo para ibigay sa kanyang mga opisyal. 15 Ku¬kunin niya ang ikapu ng inyong mga binhi at ng inyong mga ubasan para naman ibigay sa kanyang mga taga¬pa¬mahala at mga tagapaglingkod. 16 Ku¬kunin niya ang inyong mga aliping lalaki at babae, ang pinakamaganda sa inyong mga baka at mga asno, at pa¬pagtatra¬ba¬huhin sa kanya. 17 Kukunin niya ang ikapu sa inyong mga kawan at kayo mismo ay magiging mga alipin niya. 18 Sa araw na iyon, daraing kayo dahil sa haring inyong pinili at hindi kayo sasagutin ni Yawe.”
19 Ngunit ayaw makinig kay Samuel ng sambayanan, at sinabing: “Hindi! Isang hari ang mamumuno sa amin at matutulad kami sa iba pang mga bansa. 20 Pamu¬munuan kami ng aming haring mangu¬nguna sa amin at siyang lalaban sa aming mga pakikipag¬digma.”
21 Pagkarinig ni Samuel sa lahat ng sinabi ng sambayanan, inulit niya iyon kay Yawe. 22 Ngunit sinabi ni Yawe kay Samuel: “Pakinggan mo ang kanilang tinig at bigyan sila ng hari.” At sinabi ni Samuel sa kalalakihan ng Israel: “Umuwi na ang bawat isa sa kanya-kanyang siyudad.”
Ang istorya ni Saul
9 • 1 May isang lalaki sa tribu ng Benjamin na Kish ang panga¬lan. Anak siya ni Abiel na anak ni Zeror na anak naman ni Bekorat na anak ni Afia, isang magiting na Benjaminitang lala¬king-lalaki. 2 May anak na lalaki si Kish na nagngangalang Saul, isang binatang wa¬lang kasingkisig sa mga Israelita, higit na matangkad mula bali¬kat hanggang ulo sa lahat ng tao.
3 Nawawala noon ang mga asno ni Kish na ama ni Saul. At sinabi ni Kish sa kanyang anak na si Saul: “Isama mo ang isa sa mga utusan at umalis kayo at hana¬pin ang mga asno.” 4 Nilibot niya ang bu¬ong kaburulan ng Efraim pati ang lupain ng Salisa pero hindi nila nakita ang mga iyon. Nagpunta sila sa lupain ng Saalim pero wala pa rin. At naglibot siya sa lupain ng Benjamin pero hindi pa rin nila nakita ang mga iyon. 5 Dumating sila sa lupain ng Suf at sinabi ni Saul sa utusang ka¬sama niya: “Tayo na, umuwi na tayo, kung hindi’y mas aalalahanin tayo kaysa mga asno ng aking ama.”
6 Ngunit sinabi ng kanyang utusan: “May tao ng Diyos sa lunsod na ito. Lu¬bos siyang iginagalang dito. At nag¬kakatotoo ang lahat ng sinasabi niya. Tayo na roon, at baka masabi niya ang daang dapat nating puntahan.” 7 Sinabi ni Saul sa kan¬yang utusan: “Ngunit kung pupunta tayo, ano naman ang ma¬dadala natin sa tao? Ubos na ang tinapay sa ating mga sako at wala tayong regalong madadala sa tao ng Diyos. Ano ba ang mayroon tayo?” 8 Mu¬ling sumagot ang utusan: “Heto, mayroon pa akong ikapat na shekel na pilak. Ibi¬bigay ko ito sa tao ng Diyos para sabihin niya sa atin ang daan.”
10 At sinabi ni Saul sa kanyang utusan: “Magaling! Tayo na.” At nag¬punta nga sila sa lunsod na kinaro¬roo¬nan ng tao ng Diyos.
Pinahiran ni Samuel si Saul
• 11 Sa pag-ahon nila sa burol patu¬ngo sa lunsod, may nasalubong silang mga dalagang paigib ng tubig at tina¬nong nila ang mga ito: “Narito ba ang mang¬huhula?” 9 (Dati-rati sa Israel, kung may taong pu¬punta para su¬mang¬¬¬guni sa Diyos, sinasabi niyang “Tayo na, pun¬tahan natin ang mang¬hu¬hula,” sa¬pagkat manghuhula ang da¬ting tawag noon sa propeta ngayon.)
12 Sumagot sila: “Nasa unahan mo siya. Dalian ninyo. Kararating-rating lang niya sa siyudad dahil maghahandog ngayon ang bayan sa altar sa burol. 13 Pag¬pasok ninyo sa lunsod, ma¬ta¬tag-puan ninyo siya bago siya umakyat sa altar sa burol para kumain. Hindi kakain ang sambayanan hang¬gang hindi siya dumarating sapagkat babasbasan muna niya ang handog, at saka maka-kakain ang mga inanya¬yahan. Umahon kayo ngayon din at ma¬ta¬tagpuan ninyo siya sa mga san-daling ito.”
14 At umakyat sila sa lunsod at pag¬pasok nila roon – hayun! papalabas si Samuel – pasalubong sa kanila pa¬tungo sa altar sa burol.
15 Ngayon, bago pa man dumating doon si Saul, kahapon pa ma’y ipina¬hayag na ito ni Yawe kay Samuel: 16 “Sa mga ganito ring oras bukas, may ipadadala ako sa iyong isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin at papa¬hiran mo siya bilang pinuno ng aking bayang Israel. Palalayain niya ang aking bayan mula sa kamay ng mga Pilisteo sapag¬kat nakita ko ang kaa¬pihan ng aking bayan at uma¬bot sa akin ang kanilang daing.”
17 Nang makita ni Samuel si Saul, si¬nabi ni Yawe sa kanya: “Hayan ang lala¬king sinabi ko sa iyo! Ito ang ma¬mu¬muno sa aking bayan.”
18 Nilapitan ni Saul si Samuel sa may pintuan at sinabi: “Pakisabi naman ninyo sa akin kung nasaan ang bahay ng mang¬huhula?” 19 Sumagot si Sa¬muel: “Ako ang manghuhula. Mag¬pa¬¬una ka sa akin sa altar sa burol. Ma¬ki¬kisalo ka ngayon sa akin. Pau¬uwiin kita kinauma¬gahan at sa-sabihin ko sa iyo ang lahat ng laman ng iyong puso. 20 Tungkol na¬man sa mga asnong tatlong araw nang nawawala, huwag kang mag-ala¬la pag¬kat natag¬puan na ang mga iyon.”
Idinugtong ni Samuel: “Para kanino ba ang unang lugar sa Israel? Di ba’t ito’y para sa iyo at sa buong angkan ng iyong ama?” 21 Sumagot si Saul: “Benjaminita ako, galing sa pinakamaliit na tribu ng Israel, at pinakamababa sa la¬hat ng angkan sa tribu ng Benjamin ang aking angkan. Ba’t ninyo ako kina¬ka¬usap nang ganito?”
22 Isinama ni Samuel si Saul at ang utu¬san nito at dinala sa bulwagan at pina¬upo sila sa kabisera ng mga inan¬ya¬¬yahan na humigit-kumulang sa tatlumpung katao. 23 At sinabi ni Sa¬muel sa kusinero: “Ihain mo ang baha¬ging ibinigay ko’t ipi¬na¬tabi sa iyo.” 24 Dinala ng kusinero ang hita kasama ang buntot at inihain iyon kay Saul, at sinabi: “Narito ang inilaan para sa iyo. Sige, kumain ka na.” Nang araw ding iyon, kumain si Saul na kasalo ni Samuel.
25 At bumaba sila mula sa altar sa burol at pumunta sa lunsod. May nakahanda nang higaan sa terasa para kay Saul at doon siya natulog. 26 Maaga silang gu¬mising, at tinawag ni Samuel si Saul sa terasa nang nagbubukanliwayway na: “Bumangon ka at pauu¬wiin na kita.” Bu¬mangon si Saul at kapwa sila lumabas ni Samuel. 27 Sa pagbaba nila sa labas ng lunsod, sinabi ni Samuel kay Saul: “Sabi¬hin mo sa iyong utusan na magpauna na siya sa atin. Pero tu¬migil ka muna rito nang masabi ko sa iyo ang mensahe ng Diyos.”
10 1 Kumuha pagkatapos si Samuel ng isang boteng langis at ibinuhos iyon sa ulo ni Saul, at hina¬likan at sinabi: “Si Yawe ang nagpahid sa iyo bilang pinuno ng kanyang ba¬yang Israel. Pamumunuan mo ang ba¬yan ni Yawe at ililigtas sila sa kapang¬yarihan ng kanilang mga kaaway sa paligid. At ito ang magiging tanda para sa iyo na si Yawe mismo ang siyang nag-pahid sa iyo. 2 Paghihiwalay natin ngayon, may masasalubong kang dala¬wang lalaki sa may libingan ni Raquel sa Zelza sa hangganan ng Benjamin. Sa¬sa¬bihin nila sa iyo: ‘Nakita na ang mga asnong hina¬hanap mo. At ngayon, hindi na pino¬problema ng iyong ama ang mga ito, pero nag-aalala na siya kung ano na ang nang¬yari sa iyo.’ 3 Sa pagpapatuloy mo hang¬gang sa mala¬king puno sa Tabor, may makakasalubong ka na¬mang tatlong lalaking pa¬ahon sa Diyos sa Betel. May dalang tatlong batang kambing ang isa, at may tatlong tinapay naman ang isa, at ang isa pa’y may isang boteng alak. 4 Ku¬kumustahin ka nila at bibigyan ng dalawang tinapay na kukunin mo naman sa kanila. 5 At pag¬katapos, darating ka sa Gibea ng Diyos kung saan may kuta ang mga Pilisteo. Pagpasok mo sa lun¬sod, may masasalubong kang grupo ng mga propetang pababa mula sa altar sa burol, at pina¬ngungunahan ng isang korong may alpa, tamburin, plauta at lira. At wala sila sa sarili gaya ng mga propeta. 6 At lulukuban ka ng Espiritu ni Yawe at ma¬wawala ka rin sa sarili kasama nila, at magiging ibang tao ka na. 7 Sa oras na matupad ang mga tandang ito, gawin mo ang hinihingi ng pagka¬kataon sapagkat sumasaiyo ang Diyos.
8 Mauuna ka sa akin pababa sa Gilgal at pupuntahan kita roon para mag-alay ng mga sinunog na handog, at ng hain sa mabuting pagsasamahan. Maghintay ka roon nang pitong araw hanggang duma¬ting ako at sasabihin ko sa iyo ang dapat mong gawin.”
9 Sa pagtalikod ni Saul para iwan si Samuel, binago ng Diyos ang kanyang puso, at natupad nang araw na iyon ang lahat ng tandang ito. 10 Pagdating nila sa Gibea, hayun ang grupo ng mga pro¬peta at sinalubong siya. At nilu¬ku¬ban siya ng Espiritu ng Diyos at nag¬prope¬siya siyang kasama nila.
11 Nang makita siyang nagpopropesiyang kasama ng mga propeta ng lahat ng nakaka¬kilala sa kanya, nagtanungan ang mga ito: “Ano itong nangyari sa anak ni Kish? Ka¬bilang na rin ba si Saul sa mga propeta?” 12 Sumagot ang isang taga¬roon: “At sino ba ang kanyang ama?” Kaya naging kasabihan ang “Kabilang na rin ba si Saul sa mga propeta?” 13 Pag¬ka¬tapos niyang maka-pag¬¬propesiya, dumating siyang kasama nila sa altar sa burol.
14 Tinanong ngayon si Saul at ang kanyang utusan ng tiyo niya: “Saan kayo nagpunta?” Su-magot si Saul: “Sa pagha¬hanap sa mga as¬no. Nang hindi namin ma¬kita, nagpunta kami kay Samuel.” 15 Sinabi ng tiyo ni Saul: “Sabihin mo nga sa akin ang sinabi sa iyo ni Samuel.” 16 At sinabi ni Saul sa kanyang tiyo: “Sinabi lamang niya sa amin na natagpuan na ang mga asno.” Ngunit hindi niya sinabi sa kanyang tiyo ang tungkol sa paghahari na sinabi ni Samuel.

• 17 Ipinatawag ni Samuel ang sambaya¬nan sa harap ni Yawe sa Mizpa. 18 At sinabi niya sa mga Israelita: “Ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Israel: ‘Inilabas ko ang Israel mula sa Ehipto at iniligtas kayo sa kamay ng mga Ehipsiyo at ng lahat ng kaha¬riang umalipin sa inyo.’ 19 Ngunit binale-wala ninyo ngayon ang inyong Diyos na nag¬li¬ligtas sa inyo sa lahat ng kapahamakan at kagipitan. At sinabi ninyong ‘Hindi! Bigyan mo kami ng isang haring mamu¬muno sa amin.’ Kaya humarap kayo ngayon kay Yawe ayon sa inyu-inyong mga tribu at mga angkan.”
20 Pinalapit ni Samuel ang lahat ng tribu ng Israel, at ang tribu ng Benjamin ang napili. 21 At pinalapit niya ang tribu ng Benjamin, angkan-angkan, at ang angkan ni Matri ang napili. At mula sa angkan ni Matri, napili si Saul na anak ni Kish. Hinanap nila siya pero hindi nakita. 22 Kayat muli silang nagtanong kay Yawe: “Du¬mating na ba ang tao?” Sabi ni Yawe: “Hayun, nagtatago siya sa mga kagamitan.” 23 Tumakbo sila at inilabas siya mula roon. Nang tumindig siya sa gitna ng bayan, mas mataas siya sa lahat mula balikat hanggang ulo. 24 Sinabi ni Samuel sa buong sambayanan: “Nakikita ba ninyo ang pinili ni Yawe? Wala siyang kaparis sa buong bayan.” At sumigaw ang buong bayan: “Mabu¬hay ang hari!”
25 At sinabi ni Samuel sa bayan ang karapatan at tungkulin ng hari. At isinulat niya ang mga ito sa isang aklat na itinabi niya sa harap ni Yawe. At pinauwi na ni Samuel ang bayan, bawat isa sa kanya-kanyang taha¬nan. 26 Umuwi na rin si Saul sa kanyang ta¬ha¬nan sa Gibea ka¬sama ang mga magi¬giting na ang puso ay hi¬nipo ng Diyos. 27 Ngunit sinabi ng ilang masa¬sama: “Paano tayo maililigtas nito?” Binale-wala nila siya at hindi dinalhan ng regalo.
Sinagip ni Saul ang lunsod ng Yabes
11 • 1 Makaraan ang isang buwan, dumating ang Amonitang si Nahas at kinubkob ang Yabes-Galaad. Sinabi kay Nahas ng lahat ng lalaking taga-Yabes: “Makipagkasunduan ka sa amin at maglilingkod kami sa iyo.”
2 Sumagot naman si Nahas na Amonita: “Makikipagkasunduan ako sa inyo sa isang kundisyon: dudukitin ko ang ka¬nang mata ng bawat isa sa inyo para mai¬wang kahihiyan sa buong Israel.” 3 Si¬nabi sa kanya ng mga mata¬tanda ng Yabes: “Bigyan mo kami ng pitong araw para makapagpadala kami ng mga sugo sa buong Israel. At su¬suko kami sa iyo kung walang mag-liligtas sa amin.”
4 Dumating ang mga sugo sa Gibea ni Saul, at ibinalita ito sa bayan at umi¬yak nang malakas ang buong bayan.
5 Nang mga sandaling iyon, karara¬ting pa lamang ni Saul mula sa bukid, kasunod ng kanyang mga baka. Itina¬nong niya: “Ano ang nangyari at nag-iiyakan ang ba¬yan?” At sinabi nila sa kanya ang sinabi ng mga la¬laking taga-Yabes. 6 Pagkarinig ni Saul sa mga salitang ito, nilukuban siya ng espiritu ng Diyos at nag-apoy ang kanyang galit. 7 Kinuha niya ang pares na baka, tinadtad at ipinadala ang mga piraso sa buong Israel sa mga sugo, at ipina¬sabi: “Ganito rin ang ga¬gawin ko sa mga baka ng sinumang hindi susunod kina Saul at Samuel.”
Sinakmal ang bayan ng matinding takot – salamat kay Yawe – at lumabas si¬lang parang iisang tao.
8 Nang ihanay sila ni Saul sa Bezek, tatlun¬daang libo ang mga anak ng Israel at tatlumpung libo naman ang mga lalaking taga-Juda.
9 At sinabi nila sa dumating na mga sugo: “Sabihin ninyo sa mga taga-Yabes-Galaad na darating kami bukas ng tang¬hali para iligtas kayo.” Bumalik ang mga sugo at sinabi ito sa mga taga-Yabes at sila’y natuwa. 10 At sinabi nila sa mga Amonita: “Susuko na kami sa inyo bukas at magagawa na ninyo sa amin ang anu¬mang gusto ninyo.”
11 Kinabukasan, pinagtatlong pang¬kat ni Saul ang kanyang mga tauhan. Ma¬daling-araw nang pasukin nila ang kampo ng mga Amonita at pinag¬papatay nila ang mga ito hanggang tanghaling-tapat. Nag¬sipangalat ang mga nakatakas at nag¬kanya-kanyang takbo.
12 At sinabi ng bayan kay Samuel: “Sino ang nagsabing hindi maghahari sa amin si Saul? Ibigay mo sa amin ang mga taong iyon at papatayin namin.” 13 Ngunit suma¬got si Saul: “Walang sinumang papatayin sa araw na ito sapagkat ngayon iniligtas ni Yawe ang Israel.”
14 Sinabi naman ni Samuel sa bayan: “Halikayo, tayo na sa Gilgal at pasina¬yaan ang kaharian.”
15 At nagpunta nga sa Gilgal ang buong bayan at doon nila kinilalang hari si Saul sa harap ni Yawe. Nag-alay sila roon ng mga hain sa mabuting pag¬sasamahan sa harap ni Yawe at lubos na nagdiwang si Saul at ang lahat ng Israelita.
Nagbitiw si Samuel
12 • 1 Sinabi ni Samuel sa buong Israel: “Tingnan ninyo, pina¬king¬gan ko ang lahat ng sinabi ninyo sa akin at binigyan ko kayo ng hari. 2 May¬roon na ka¬yong hari ngayon na mamu-muno sa inyo. Matanda na ako, maputi na ang aking buhok, at narito namang kasama ninyo ang aking mga anak. Pinamunuan ko kayo mula pa sa aking kabataan hang¬gang sa araw na ito. 3 Na-rito ako, sagutin ninyo ako ngayon sa harap ni Yawe at ng kan¬yang pina¬hiran: Kani¬nong baka ang kinuha ko?
Kaninong asno ang inagaw ko? Sino ang dinaya ko? Sino ang inapi ko? Kanino ako tumanggap ng suhol? Sabi¬hin ninyo at isasauli ko sa inyo.”
4 Ngunit sinabi nila: “Wala kang dina¬ya o inapi sa amin; wala kang kinuha ka¬ninuman.”
5 At sinabi ni Samuel sa kanila: “Si Yawe ang saksi laban sa inyo, at saksi rin sa araw na ito ang kanyang pina¬hiran na wala kayong natagpuang anu¬man sa aking kamay.” At sumagot sila: “Saksi siya.”
6 At sinabi ni Samuel sa sambayanan: “Si Yawe ang saksi, siya na nagsugo kina Moises at Aaron at naglabas sa inyong mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto. 7 Kaya tumindig kayo nga-yon at ihaharap ko sa inyo ang lahat ng ginawa ni Yaweng nagligtas sa inyo at sa inyong mga ninuno. 8 Pumunta si Jacob sa Ehipto at inapi ng mga Ehipsiyo ang inyong mga ninuno at duma¬ing sila kay Yawe. At isinugo naman niya sina Moises at Aaron. Inilabas nila ang inyong mga ninuno mula sa Ehipto at itinira sa lugar na ito. 9 Ngunit kinalimutan nila si Yaweng Diyos nila kaya ipinaubaya niya sila sa kamay ni Sise¬rang pinuno ng hukbo ng Hasor at sa kamay ng mga Pilisteo at sa hari ng Moab na lumaban sa kanila. 10 At dumaing sila kay Yawe at sinabing ‘Nagka¬sala kami sapagkat binale-wala namin si Yawe at pinaglingkuran ang mga Baal at mga Astarte. Ngunit ngayon, iligtas mo kami sa kamay ng aming mga kaaway at paglilingkuran ka namin.’ 11 At ipinadala ni Yawe sina Yerubaal at Barak, Yefte at Samuel, at iniligtas kayo sa kamay ng inyong mga kaaway sa paligid at nabuhay kayo nang matiwasay.
12 Ngunit nang makita ninyong nilusob kayo ni Nahas na Amonita, sinabi ninyo sa aking – Hindi! Isang hari ang mamumuno sa amin – gayong si Yaweng inyong Diyos ang inyong hari. 13 Ngayon tingnan ninyo ang haring inyong pinili na ibinigay sa inyo ni Yawe bilang hari. 14 Mag-ka¬roon sana kayo ng pitagan kay Yawe at pag¬ling¬kuran siya! Makinig sana kayo sa kanyang tinig at huwag maghimagsik sa kanyang mga utos! At sumunod sana kayo at ang inyong haring namumuno sa inyo kay Yaweng inyong Diyos. 15 Ngunit kung hindi kayo makikinig sa tinig ni Yawe at maghihimagsik sa kanyang mga utos, magiging laban sa inyo at sa inyong hari ang kanyang kamay.
16 At ngayon, dumito muna kayo upang ma¬saksihan ang kababalaghang ito na gagawin ni Yawe sa inyong harapan. 17 Hindi ba anihan ngayon ng trigo? Tatawag ako kay Yawe para mag-pakulog siya at magpaulan. At malalaman ninyo at makikita na napakasama sa mata ni Yawe ang ginawa ninyong paghingi ng isang hari.”
18 At tumawag si Samuel kay Yawe, at nagpa¬kulog at nagpaulan si Yawe nang araw ding iyon. At nagkaroon ng matinding takot kay Yawe at kay Samuel ang buong bayan. 19 Sinabi ng bu¬ong bayan kay Samuel: “Ipag¬dasal mo ang iyong mga lingkod kay Yaweng Diyos mo upang hindi kami mamatay sapag¬kat idinagdag namin sa lahat naming kasa¬lanan ang kasamaang ito ng paghingi ng isang hari.”
20 Sinabi ni Samuel sa bayan: “Huwag ka¬yong matakot! Nagawa nga ninyo ang lahat ng kasamaang ito, pero huwag kayong lalayo kay Yawe ngayon kundi paglingkuran siya nang buo ninyong puso. 21 Huwag kayong lumihis para sundan ang walang-kabuluhan at walang-silbing mga diyus-diyusan na hindi makapagli¬ligtas sapagkat sila’y wala. 22 Hindi pababayaan ni Yawe ang kanyang bayan dahil sa kanyang dakilang Pangalan sapagkat ikinalugod ni Yawe na gawin niya kayong bayan niya. 23 At ako naman, paano ko magagawa ang pagka¬kasa¬lang ito na tumigil sa pananalangin para sa inyo? Patuloy kong ituturo sa inyo ang mabuti at tamang daan. 24 Magkaroon lamang kayo ng pitagan kay Yawe at mata¬pat siyang pagling¬kuran nang buo ninyong puso sapagkat nakita ninyo ang mga dakilang bagay na ginawa niya para sa inyo. 25 Ngunit kung gagawa pa rin kayo ng ka¬samaan, kayo at ang inyong hari ay kapwa papalisin.”

13 • 1 Naging hari si Saul at naghari sa Israel. 2 Pumili si Saul ng tatlong libong lalaki sa Israel. Kasama niya ang dalawang libo sa Mikmas at sa kaburulan ng Betel, at sanlibo naman ang kasama ni Yonatan sa Gibea ng Benjamin. Pinauwi ni Saul ang iba pa sa kani-kanilang tahanan. 3 Pinatay ni Yonatan ang gobernador na Pilisteo ng Geba at nabalitaan iyon ng mga Pilisteo. At pinahipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain sa pagsa¬sabing “Makinig ang mga Hebreo!” 4 At narinig ng buong Israel ang balitang “Pinatay ni Saul ang gobernador na Pilisteo, at mabaho na ngayon ang Israel sa mga Pilisteo.” At tinawag ang sam¬ba¬yanan upang makiisa kay Saul sa Gilgal.
Ang “kasalanan” ni Saul
• 5 Nagtipon ang mga Pilisteo para lumaban sa Israel – tatlong libong karwahe, anim na libong mangangabayo at mga taong parang buhangin sa da¬lam¬pasigan sa dami. Nagpunta sila at nag-kampo sa Mikmas sa silangan ng Bet-Aven. 6 Nang makita ng mga Israelita na nasusuong sila sa panganib, nagtago ang mga tao sa mga yungib, siwang, batuhan, puntod at balon. 7 Tu¬mawid pa sa Ilog Jordan ang ibang mga Hebreo patungo sa lupain ng Gad at Galaad.
Nasa Gilgal pa si Saul at nanginginig naman sa takot ang buong bayang ka¬sama niya. 8 Naghintay siya ng pitong araw ang taning na panahon ni Samuel. Ngunit hindi dumating sa Gilgal si Sa¬muel at nagsimula nang maghiwa-hiwalay ang mga tao.
9 At sinabi ni Saul: “Dalhin ninyo sa akin ang sinunog na handog at ang hain sa mabuting pagsasamahan.” At inialay ni Saul ang sinunog na handog. 10 Kata¬tapos pa lamang niyang ialay ang sinunog na handog, at hayan! du¬mating na si Samuel. Sinalubong siya ni Saul para kumustahin. 11 At sinabi ni Samuel: “Ano ang ginawa mo?” Suma¬got si Saul: “Na¬kita kong naghihiwa-hiwalay na ang mga tao at hindi ka dumating sa takdang pa¬nahon, at nagtitipon na ang mga Pilisteo sa Mikmas, 12 kaya nasabi kong ‘Lulu¬subin ako sa Gilgal ng mga Pilisteo nang hindi ko nakukuha ang loob ni Yawe’ kaya napi¬litan akong mag-alay ng mga sinunog na handog.”
13 Sinabi ni Samuel kay Saul: “Kaha¬ngalan ang ginawa mong pagsuway sa utos ni Yaweng Diyos mo. Itatatag sana ni Yawe ang iyong paghahari sa buong Israel magpakailanman. 14 Pero ngayon, hindi na magtatagal ang iyong paghahari, naghanap na si Yawe ng taong kanyang napusuan at hinirang siyang pinuno ng kanyang bayan sapagkat hindi mo tinu¬pad ang iniutos sa iyo ni Yawe.”
15 Pagkatapos ay umalis si Samuel sa Gilgal at umuwi. Umahon namang kasama ni Saul ang iba pa para sumama sa mga sundalong nasa Gibea ng Benjamin.
Inihanay ni Saul ang mga taong kasama niya – mga animnaraang lalaki.
16 Nanatili sa Geba ng Benjamin si Saul at ang kanyang anak na si Yonatan pati ang mga taong kasama nila, samantalang nag¬kampo naman sa Mikmas ang mga Pilisteo. 17 Tatlong pangkat ng mangungu¬lim¬bat ang lumabas ga¬ling sa kampo ng mga Pilisteo – isang pangkat ang lumiko patungong Ofra sa lupain ng Sual, 18 ang isa nama’y nagpa-Bet-Horon, at ang isa pa’y sa daan sa hang¬ganang katapatan ng lam¬bak ng Seboim patungo sa disyerto.
19 Walang panday sa buong lupain ng Israel sapagkat hinadlangan ng mga Pilisteo ang mga Hebreo na gumawa ng tabak o sibat. 20 Kaya nagpupunta pa sa mga Pilisteo ang bawat isa sa buong Israel para mag¬pahasa ng kanilang araro, asarol, palakol at karit. 21 Dala¬wang-katlo ng shekel ang presyo ng pagpa¬pa¬hasa ng mga araro at mga asarol, at katlong shekel naman para sa pagpapahasa ng mga kalaykay, palakol at pantaboy sa mga baka. 22 Kaya sa araw ng labanan, walang tabak o sibat na hawak ang lahat ng taong kasama nina Saul at Yonatan. Sina Saul at Yonatan lamang ang mayroon ng mga iyon.
23 Isang pangkat ng mga Pilisteo ang luma¬bas papunta sa lagusan ng Mikmas.

14 • 1 Nang araw ding iyon, sinabi ni Yonatang anak ni Saul sa binatang tagapag¬dala ng kanyang kalasag: “Halika, pumunta tayo sa garison ng mga Pilisteo sa kabila.” Hindi niya ito sinabi sa kanyang ama. 2 Nasa labas noon ng Gibea si Saul, sa lilim ng malaking puno sa Migron. Kasama niya ang mga animnaraang lalaki 3 pati si Ajias na anak ni Ajitub na kapatid ni Ikabod na anak naman ni Finjas na anak ni Eling pari ni Yawe sa Silo. At na kay Ajias ang efod para sa pagsangguni kay Yawe. Hindi alam ng mga tao na umalis si Yonatan.
4 Batuhang talampas ang magkabilang panig ng lagusang sinikap daanan ni Yonatan para marating ang garison ng mga Pilisteo. Tinatawag na Bozez ang isang panig at Sene naman ang kabila. 5 Nakaharap sa hilaga ang isang talampas, sa tapat ng Mikmas, at ang isa nama’y pa-timog sa tapat ng Geba. 6 Sinabi ni Yonatan sa binatang ayudante niya: “Halika, pumunta tayo sa garison ng mga supot na iyon. Baka sakaling tulungan tayo ni Yawe sapagkat hindi ma¬hirap para kay Yawe ang magligtas sa pama¬magitan man ng marami o kaunti.” 7 Su¬ma¬got ang ayudante: “Gawin mo ang anumang iniisip mo. Kasama mo ako ayon sa iyong ka¬loo¬ban.” 8 Sinabi ni Yonatan: “Tingnan mo, lalapit tayo at pakikita sa mga lalaking iyon. 9 Kapag sinabi nilang ‘D’yan lang kayo, kami ang lalapit sa inyo,’ hihinto tayo at hindi lalapit sa kanila. 10 Ngunit kung sabihin naman nilang ‘Lumapit kayo,’ lalapit tayo sa kanila sapagkat iyon ang tanda na ibinigay sila ni Yawe sa ating mga kamay.”
11 Nang makita ng mga Pilisteo ang dalawa, sinabi ng mga ito: “Hayun, lumabas na ang mga Hebreo sa mga lunggang kanilang pinag¬ta¬taguan!” 12 At sinigawan nila sina Yonatan at ang ayudante nito: “Lumapit kayo rito at tuturuan namin kayo ng leksiyon.” At sinabi ni Yonatan sa kanyang ayudante: “Sumunod ka sa akin sa¬pag¬kat ipinaubaya na sila sa kamay ng Israel!” 13 Pagapang na umahon si Yonatan, kasunod ang kanyang ayudante. Nabuwal ang mga Pilis¬teo sa harap ni Yonatan at inutas naman ang mga ito ng kanyang ayudante. 14 Sa unang pagkalupig na iyon na hatid ni Yonatan at ng kanyang ayudante, mga dalawampung katao ang kanilang napatay sa makitid na lugar na dalawandaang talampakan ang haba.
15 Sinaklot ng sindak ang kampo, ang kapaligiran at ang buong bayan. At natakot din ang garison at ang mga mangungu¬limbat.
Parang lindol – at nagkaroon ng matinding sindak! 16 Tumingin ang mga tanod ni Saul na nasa Gibea ng Benjamin, at hayun! nagsipa¬ngalat ang mga Pilisteo at paroo’t paritong nagtatakbuhan. 17 Sinabi ni Saul sa kanyang mga kasama: “Humanay at tingnan kung sino ang nawawala.” At pagkahanay nila, natuklasan nilang wala si Yonatan at ang ayundante nito.
18 Sinabi ni Saul kay Ajias: “Dalhin mo rito ang efod.” Sapagkat si Ajias noon ang may hawak sa efod para sa Israel. 19 Pero habang kinakausap ni Saul ang pari, lalong nag-ibayo ang pagkakagulo sa kampo ng mga Pilisteo. Kaya sinabi ni Saul sa pari: “Iurong mo na ang iyong kamay.” 20 Nag-usap-usap sina Saul at ang lahat niyang tauhan, at sumugod sila sa labanan. At nakita nilang gulung-gulo ang lahat doon, at nagtatagaan ang isa’t isa. 21 Ngayon, bumaligtad ang mga Hebreong dating kakampi ng mga Pilisteo at kasama nilang umahon sa kampo. Pumanig ang mga ito sa mga Israelitang kasama nina Saul at Yonatan. 22 Nang maba¬litaan ng mga Israelitang nagtatago sa kabun¬dukan ng Efraim na nagsisitakas na ang mga Pilisteo, sila naman ang humabol sa mga Pilisteo. 23 Nang araw na iyon, iniligtas ni Yawe ang Israel, at umabot sa kabila pa ng Bet-Horon ang labanan.
24 Nang araw na iyon, samantalang nanghihina na ang mga Israelita, ipinailalim ni Saul sa sumpa ang mga tao: “Sumpain ang sinumang kumain bago gumabi, bago ako makapaghiganti sa aking mga kaaway.” Kaya walang sinu¬mang tumikim ng pagkain.
25 Nagpunta ang lahat sa gubat at may pulot-pukyutan doon. 26 Nagpunta nga ang mga tao sa gubat, at hayun! may tumutulong pulot-pukyu¬tan. Ngunit walang sinumang nagsubo ng kanyang daliri. 27 Subalit hindi narinig ni Yona¬tan ang sumpang ginawa ng kanyang ama sa harap ng bayan. At iniunat niya ang tungkod na hawak niya at idinaw¬daw ang dulo nito sa bahay-pukyutan. Inila¬pit niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at nagningning ang kanyang mga mata. 28 At sinabi ng isa sa mga naroon: “Inobliga ng iyong ama ang bayan nang sabihin niyang ‘Sumpain ang taong kakain sa araw na ito!’ bagamat nanghihina na ang mga tao. 29 At sinabi ni Yonatan: “Ginulo ng aking ama ang lupain. Tingnan mo, nag¬karoon ako ng panibagong lakas nang maka¬tikim ako ng kaun¬ting pulot-pukyutang ito. 30 Gaano pa kung malaya lamang naka¬kain ngayon ang mga tao mula sa nasamsam nila sa kanilang mga kaa¬way? Di ba’t mas malaki sana ang naging pag¬katalo ng mga Pilisteo?”
31 Hinabol nila nang araw ding iyon ang mga Pilisteo mula sa Mikmas hanggang Ayalon. Pagod na pagod ang mga taong 32 sumu¬god sa pananamsam, at kinuha nila ang mga tupa at mga baka at mga guya, at kinatay ang mga iyon sa lupa. At kumain ang bayan sa ibabaw ng dugo. 33 Sinabi nila kay Saul: “Tingnan mo, nagkakasala kay Yawe ang bayan sa pagkain sa ibabaw ng dugo.” Sinabi niya: “Para kayong mga pagano! Pagulungin ninyo ngayon dito sa akin ang isang malaking bato.” 34 At sinabi pa ni Saul: “Sige, lumibot kayo sa bayan at sabihin sa kanilang dalhin sa akin ng bawat isa ang kan¬yang baka o tupa. Katayin iyon dito at kai¬nin, ngunit huwag magkasala kay Yawe sa pag¬kain sa ibabaw ng dugo.” Kayat nang gabing iyon, dinala ng bawat isa ang kanilang kinuha sa nasamsan at kinatay doon. 35 At nagtayo ng altar kay Yawe si Saul – ang kauna-unahang altar na itinayo niya para sa kanya.
36 At sinabi ni Saul: “Lumusong kayo ngayon at habulin habang gabi ang mga Pilisteo at samsaman sila hanggang magbukanliwayway. Wala tayong ititirang buhay isa man sa kanila.” At sinabi nila: “Gawin mo ang anumang mabuti sa palagay mo.” Ngunit sinabi ng pari: “Lumapit tayo’t sumangguni sa Diyos.” 37 At itinanong ni Saul sa Diyos: “Lulusong ba ako para habulin ang mga Pilisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel?” Ngunit hindi siya sinagot ng Diyos nang araw na iyon.
38 Kaya sinabi ni Saul: “Lumapit dito ang lahat ng pinuno ng bayan. Tingnan natin at ala¬min kung bakit galit sa atin ang Diyos? 39 Buhay si Yaweng nagligtas sa Israel – kayat tiyak na mamamatay ang taong iyon, ma¬ging siya man ang aking anak na si Yonatan.” Ngunit walang sinumang sumagot kay Saul. 40 At sinabi niya sa buong Israel: “Sige, diyan kayo at dito kami ng anak kong si Yonatan.” Sinabi ng bayan kay Saul: “Gawin ang mabuti sa palagay mo.” 41 At sinabi ni Saul kay Yaweng Diyos ng Israel: “Bakit hindi mo sinagot ngayon ang iyong ling¬kod? Kung nasa akin o sa aking anak na si Yonatan ang pagkakasala, ipakita mo ito sa Urim, ngunit kung ang iyong bayang Israel naman ang nagkasala, ipakita mo ito sa Tummim.” At sina Yonatan at Saul ang nabunot, naiwan ang bayan. 42 Sinabi ni Saul: “Gawin ang palabunu¬tan sa amin ng aking anak na si Yo¬natan.” At si Yonatan ang nabunot.
43 Pagkatapos ay sinabi ni Saul kay Yonatan: “Sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa mo.” At sinabi sa kanya ni Yonatan: “Tumikim lang naman ako ng kaunting pulot-pukyutan sa dulo ng hawak kong tungkod. At dahil dito’y mama¬matay na ako?” 44 Sinabi ni Saul: “Gawin sa akin ng Diyos ito at ito pa, kung hindi ka ma¬ma¬matay, Yonatan.” 45 Ngunit sinabi ng bayan kay Saul: “Dapat bang mamatay si Yonatan na si¬yang naghatid ng malaking tagumpay na ito sa Israel? Hindi maaari! Buhay si Yawe at wala isa mang buhok sa kanyang ulo ang malalaglag sa lupa sapagkat gumawa siya ngayon kasama ng Diyos.” Kaya nasagip ng bayan si Yonatan.
46 At itinigil na ni Saul ang paghabol sa mga Pilisteo; umuwi naman ang mga Pilisteo sa ka-nilang lugar.
47 Nang hawak na ni Saul ang kaharian ng Israel, nakipaglaban siya sa lahat niyang ka¬away sa buong paligid: sa Moab, sa mga Amo¬nita, sa Edom, sa mga hari ng Soba at sa mga Pilisteo. At nagtatagumpay siya saan¬man siya bumaling. 48 Buong giting niyang nilupig ang mga Ama¬lecita at sinagip ang Israel mula sa kamay ng mga mangu¬ngu¬limbat.
49 Sina Yonatan, Isvi at Melkisua ang mga anak na lalaki ni Saul; si Merob naman ang kan-yang panganay na babae at si Micol ang bunso. 50 Si Ahinoam na anak ni Ajimas ang kanyang asawa. At si Abner na anak ni Ner na tiyo ni Saul ang heneral ng kanyang hukbo. 51 Mga anak ni Abiel si Kish na ama ni Saul at si Ner na ama ni Abner.
52 Buong buhay at buong dahas na na¬kipag¬laban si Saul sa mga Pilisteo. Kaya isinasama ni Saul sa kanyang hukbo ang sinumang lala¬king makita niyang malakas o matapang.
Hindi sinunod ni Saul ang utos ng Diyos
15 1 Sinabi ni Samuel kay Saul: “Isinugo ako ni Yawe upang pahiran ka bilang hari ng kanyang bayang Israel. Makinig ka ngayon sa tinig ni Yawe. 2 Ito ang sinasabi ni Yawe ng mga Hukbo. Parurusahan mo ang Amalek dahil sa ginawa niya sa Israel sapagkat humarang siya sa daan nang lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto. 3 Lusubin mo ngayon ang Amalek at ga-nap na puksain ayon sa batas ng anatema ang lahat ng kanya. Huwag mo siyang kahahabagan, patayin lalaki’t babae, bata at pa¬susuhin, baka at tupa, kamelyo at asno.”
4 Ipinatawag ni Saul ang kanyang mga tau¬han at inihanay sila sa Telam – dalawan¬daang libong lalaking-lakad at sampung libong lalaking taga-Juda. 5 Pinuntahan ni Saul ang mga bayan ng Amalek, tumam¬bang sa makipot na daan 6 at nagbabala sa mga Kenita: “Sige, uma¬lis na ka¬yo at iwan ang mga Amalecita para hindi kayo ma¬puk¬sang kasama nila sapagkat pinagma¬gan-dahang-loob ninyo ang lahat ng Israelita nang lumabas sila sa Ehipto.” Kayat umalis ang mga Kenita sa Amalek.
7 Nilupig ni Saul ang mga Amalecita mula sa Evila hanggang sa may bungad ng Sur sa si-langan ng Ehipto. 8 Nabihag niyang buhay si Agag na hari ng Amalek ngunit nilipol sa tabak ang buong bayan. 9 Pinabayaan nga ni Saul at ng kanyang mga tauhan na mabuhay si Agag at ang pinakamagaganda sa mga tupa at mga baka, sa mga pinatabang guya at mga kordero. Hindi nila nilipol ang lahat ng mainam ngunit ganap na pinuksa para kay Yawe ang lahat ng walang silbi at walang kabuluhan.
10 At dumating kay Samuel ang salita ni Yawe: 11 “Pinagsisisihan ko’t pinapaghari ko si Saul sapagkat tinalikuran na niya ako at hindi tinupad ang aking mga utos.” Masama ang loob ni Samuel at magdamag siyang dumaing kay Yawe.
12 Maagang gumising si Samuel kina¬bukasan para puntahan si Saul ngunit may naka¬pagsabi sa kanya na nagpunta si Saul sa Karmel at nag¬tayo roon ng isang ban¬tayog para sa kanyang sarili at pag¬katapos ay nagtuloy sa Gilgal. 13 Pinuntahan ni Samuel si Saul, at sinabi ni Sa¬ul: “Pagpalain ka ni Yawe.
Natupad ko na ang mga utos ni Yawe.” 14 Ngu¬nit sinabi ni Samuel: “Kung gayo’y ano ang ibig sabihin ng naririnig kong iyakan ng mga tupa at unga ng mga ba¬ka?” 15 Sumagot si Saul: “Dinala nila ang mga iyon galing sa Amalek sa¬pagkat itinabi ng mga tao ang pinaka¬ma¬gaganda sa mga tupa at mga baka para ihandog kay Yaweng Diyos mo, pero nilipol naman namin ang iba pa.”
16 At sinabi ni Samuel kay Saul: “Tama na! Sasabihin ko sa iyo ang sinabi sa akin ni Yawe kagabi.” Sumagot si Saul: “Sabihin mo.” 17 At sinabi ni Samuel: “Di ba’t naging pinuno ka ng mga tribu ng Israel gayong maliit ang tingin mo sa iyong sarili? Pinahiran ka ni Yawe bilang hari ng Israel. 18 Isinugo ka ni Yawe sa pagsalakay at iniutos sa iyong humayo at ganap na puksain ayon sa anatema ang mga makasalanan, ang mga Amalecita, at labanan sila hanggang ma¬lipol. 19 Bakit di ka nakinig sa tinig ni Yawe, at sa halip ay sinunggaban ang mga nasamsam at gi¬nawa ang masama sa mata ni Yawe?”
20 At sinabi ni Saul kay Samuel: “Sinunod ko ang tinig ni Yawe at tinupad ang kanyang ipina-gagawa. Binihag ko si Agag na hari ng Amalek at pinuksa ang mga Amalecita. 21 Kinuha nga ng mga tao ang pinakamagaganda sa mga tupa at mga baka mula sa mga nasamsam na naka¬talaga sa anatema pero para lamang isa¬kripisyo sa Gilgal kay Yaweng Diyos mo.”
22 Ngunit sinabi ni Samuel: “Nalulugod kaya si Yawe sa mga sinunog na handog at mga sakripisyo gaya ng sa pagsunod sa tinig ni Yawe? Mas mabuti ang pagsunod kaysa sakri¬pisyo, at ang pakikinig kaysa taba ng mga ba¬rakong tupa. 23 Gaya ng pagka¬ka¬salang pang¬¬¬¬huhula ang pagsuway, at ang katigasan ng ulo gaya ng kasamaan ng pagsamba sa mga diyus-diyusan.
Dahil isinaisantabi mo ang salita ni Yawe, isinaisantabi ka rin niya bilang hari.”
24 At sinabi ni Saul kay Samuel: “Nagka¬sala ako sa pagsuway sa utos ni Yawe at sa iyong mga tagubilin. Natakot ako sa bayan kayat ti¬nig nila ang aking pinakinggan. 25 Patawarin mo sana ngayon ang aking kasalanan at samahan ako sa pagsamba kay Yawe.”
26 Ngunit sinabi ni Samuel kay Saul: “Hindi kita masasamahan sapagkat isina¬isantabi mo ang salita ni Yawe at isinaisan¬tabi ka na ni Yawe bilang hari ng Israel.” 27 Pagtalikod ni Samuel para umalis, hina¬wakan ni Saul ang laylayan ng damit nito, at napunit iyon. 28 Sinabi ni Samuel sa kanya: “Pinunit na ngayon ni Yawe ang ka¬harian ng Israel mula sa iyo, at ibinigay ito sa iyong kapwa na mas mabuti kaysa iyo. 29 Hindi nagbabago o nagsisisi ang Luwalhati ng Israel, di tulad ng tao.”
30 Sinabi naman ni Saul: “Nagkasala ako! Ngunit parangalan mo naman sana ako sa harap ng matatanda ng aking bayan at sa harap ng Israel. Samahan mo ako para sumamba kay Yaweng Diyos mo.” 31 Kaya bumalik si Samuel at sinamahan si Saul na sumamba kay Yawe.
32 At sinabi ni Samuel: “Dalhin mo sa akin si Agag na hari ng Amalek.” Masaya pang humarap si Agag kay Samuel, sa pag-aakalang ligtas na siya sa mapait na kama¬tayan. 33 Ngu¬nit sinabi ni Samuel: “Kung paanong inulila sa anak ng iyong tabak ang mga babae, gayon din naman uulilahin sa anak ang iyong ina.” At tinagpas ni Samuel si Agag sa harap ni Yawe sa Gilgal.
34 Umuwi si Samuel sa Rama ngunit uma¬hon naman si Saul sa kanyang bahay sa Gibea ni Saul. 35 At hindi na muling nakipag¬kita si Samuel kay Saul hanggang sa araw na mama¬tay siya. Nagluksa ni Samuel dahil kay Saul na pinagsisihan ni Yawe ang pagka¬kagawang hari ng Israel.
Pinahiran ni Samuel si David
16 • 1 Sinabi ni Yawe kay Samuel: “Hanggang kailan mo ipag¬luluksa si Saul matapos ko siyang isa¬isantabi bilang hari ng Israel? Punuin mo ng langis ang sungay na iyong si¬sidlan, gusto kong puntahan mo si Jese na taga-Betlehem sa¬pagkat pinili ko ang isa sa kanyang mga anak na lalaki para maging hari ko.”
2 Itinanong ni Samuel: “Paano ako ma¬ka¬lalakad? Kapag nabalitaan ito ni Saul, papatayin niya ako!” Sumagot si Yawe: “Magdala ka ng dumalagang baka at sabihing ‘Naparito ako para maghandog kay Yawe.’ 3 Anyayahan mo si Jese sa pag¬hahandog at ipaa¬alam ko sa iyo ang gagawin mo. Papa¬hiran mo ng langis para sa akin ang sasabihin ko sa iyo.”
4 Ginawa nga ni Samuel ang iniutos ni Yawe. Pagdating niya sa Betlehem, takot na sinalubong siya ng matatanda ng lunsod at sinabi sa kanya: “Kapaya¬paan ba ang hatid mo sa amin?” 5 Suma¬got si Samuel: “Kapayapaan. At napa¬rito ako para maghandog kay Yawe. Linisin ninyo ang inyong sarili at suma¬ma sa akin sa paghahandog.” Pinapag¬linis din niya si Jese at ang mga anak na lalaki nito at inanyayahan sila sa pag¬hahandog.
6 Nang dumating sila, nakita ni Samuel si Eliab, at inisip niyang “Tiyak na ito na ang pinahiran ni Yawe.” 7 Ngunit sinabi ni Yawe kay Samuel: “Huwag mong tingnan ang kanyang itsura o taas, sapagkat isina¬isantabi ko siya. Di pareho sa tingin ng tao ang tingin ni Yawe. Nakakakita ang tao sa pamama¬gitan ng kanyang mata pero ang puso ang nakikita ni Yawe.”
8 Tinawag naman ni Jese si Abinadab at pinadaan sa harap ni Samuel, ngunit sinabi nitong “Hindi rin ito ang hinirang ni Yawe.” 9 At pinadaan ni Jese si Shamma pero sinabi ni Samuel: “Hindi rin ito ang hinirang ni Yawe.” 10 Pinadaan ni Jese sa harap ni Samuel ang pito niyang anak na lalaki pero sinabi ni Samuel kay Jese: “Walang hinirang si Yawe sa mga ito.”
11 Kaya itinanong ni Samuel kay Jese: “Ito na bang lahat ang iyong mga binata?” Sumagot si Jese: “Mayroon pang pinakabunso, at siya ang nag-aalaga sa kawan ngayon.” Sinabi ni Samuel: “Ipatawag mo siya at dalhin sa akin sapagkat hindi tayo dudulog sa hapag para kumain hanggang hindi siya duma¬rating.”
12 Kaya ipinasundo ito ni Jese at dinala kay Samuel. Mamula-mula siya, may ma¬gagandang mata at guwapo. At sinabi ni Yawe: “Sige, pahiran mo siya ng langis sapagkat ito na nga siya.” 13 Kinuha ni Samuel ang sungay ng la¬ngis at pinahiran siya sa harap ng kanyang mga kapatid. Mula sa araw na iyon, nagsimulang gu¬mawa kay David ang Espiritu ni Yawe.
At pagkatapos, nagpunta si Samuel sa Rama.
• 14 Umalis naman ngayon ang Espiritu ni Yawe kay Saul at ipinadala rito ni Yawe ang isang masamang espiritu kaya nawala ito sa sarili. 15 Sinabi ng mga alipin ni Saul sa kanya: “Tingnan ninyo, nawawala kayo sa inyong sa¬r¬i¬li ngayon dahil sa masamang espiritung padala ng Diyos. 16 Sabihin nga¬yon ng aming panginoon sa kanyang mga aliping nakatayo sa in¬yong harap na hu-manap ng isang marunong tumugtog ng lira. At pagdating sa inyo ng ma¬samang espi¬ri¬tung mula sa Diyos, tutugtog siya at gigin¬hawa ang inyong pakiramdam.”
17 Sumagot si Saul: “Humanap kayo nga¬yon ng isang magaling tumugtog ng lira at dalhin sa akin.” 18 Sinabi ng isa sa mga alipin: “Nakita ko ang isang anak ni Jeseng taga-Betlehem – ma-runong siyang tumugtog ng lira, matapang, lalaking-lalaki, isang mandi¬rigma, matalino sa pagsasalita at sumasa¬kanya si Yawe.”
19 Kaya nagpadala ng mga sugo si Saul kay Jese at ipinasabing “Papuntahin mo sa akin si David, ang anak mong kasama ng mga kawan.” 20 Isinakay ni Jese sa isang asno ang tinapay, isang boteng alak at isang batang kambing, at ipinadala kay Saul ang mga ito kasama ng kan-yang anak na si David. 21 Nagpunta si David kay Saul at naglingkod sa kanya. Lubos na ki¬na¬-giliwan ni Saul si David at ginawa niya itong tagpag¬dala ng kanyang kalasag. 22 At ipinasabi ni Saul kay Jese: “Bayaan mo nang ma¬natili sa paglilingkod sa akin si David sapagkat kalugud-lugod siya sa akin.”
23 At tuwing dumarating kay Saul ang masamang espiritung mula sa Diyos, kuku¬nin naman ni David ang kanyang lira at tutugtog. At gumi¬ginhawa at bumubuti si Saul, at iniiwan siya ng masamang espiritu.

17 1 Tinipon ng mga Pilisteo ang kani¬lang mga hukbo para sa labanan. Nagtipon sila sa Soko ng Juda, at nagkampo sa Efes-Damim, sa gitna ng Soko at Azeca. 2 Samantala, nagtipon naman si Saul at ang mga Israelita, at nagkampo sa lambak ng Ela at pumusisyon para makipaglaban sa mga Pilisteo. 3 Nasa isang burol ang mga Pilisteo at nasa kabilang burol naman ang mga Israelita: isang lambak ang pagitan nila.
David at Goliat
• 4 Isang lalaki ang lumabas mula sa kampo ng mga Pilisteo at naghaha¬nap ng kalaban – Goliat ang pangalan niya, taga-Gat at higit sa siyam na ta¬lampakan ang taas. 5 Tanso ang helmet niya sa kanyang ulo at nakaarmor siya na may kaliskis na metal, animnapung kilo ang bigat ng kan¬yang armor. 6 May baluting tanso ang kanyang mga binti at nakasakbat ang isang tansong sibat sa kanyang likod. 7 Sinlaki naman ng baras ng manghahabi ang ka¬hoy na hawakan ng kanyang sibat at pi¬tong kilo ang bigat ng talim nito.
Nasa unahan niya ang tagapagdala ng kanyang kalasag. 8 Tumayo siya at hinamon ang hanay ng mga Israelita: “Ba’t kailangan pa kayong humanay para sa labanan? Pilisteo ako at mga tauhan na¬man kayo ni Saul! Pumili kayo ng isang lalaking kakatawan sa inyo at paharapin sa akin. 9 Kung kaya niyang lumaban sa akin at mapatay niya ako, masasakop ninyo kami. Pero kung madaig ko naman siya at ma¬patay, masasakop naman namin kayo at mag¬lilingkod sa amin.”
10 Idinagdag pa ng Pilisteo: “Hinahamon ko ngayon ang mga hanay ng Is¬rael! Iharap ninyo sa akin ang inyong kampeon para kami ang maglaban!”
11 Nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang salitang ito ng Pilisteo, nasiraan sila ng loob at labis na natakot.
12 Si David ay anak ng isang lalaking Efra¬teong taga-Betlehem ng Juda, Jese ang kanyang pangalan at may walo siyang anak na lalaki. Matanda na si Jese sa kapanahunan ni Saul, ngunit nagpadala siya ng mga lalaki sa hukbo. 13 Tatlo sa nakatatanda niyang mga anak ang sumama kay Saul sa digmaan: sila si Eliab na pinakapanganay, ang panga¬lawang si Abinadab at ang pangatlong si Shamma. 14 Si David naman ang pinaka¬bunso. Sumama nga kay Saul ang tatlong nakatatanda 15 at pabalik-balik lamang si David kay Saul dahil siya ang nag-aalaga sa kawan ng kanyang ama sa Bet¬lehem. 16 Apatnapung araw na araw-gabing humaharap ang Pilisteo.
17 At sinabi ni Jese kay David na kanyang anak: “Dalhin ang isang salop na ito ng binu¬sang trigo at sampung tinapay sa iyong mga kapatid. Magmadali ka sa pagpunta sa kanilang kampo. 18 At dalhin mo naman ang sampung hiwang ito ng keso sa pinuno ng sanlibo. Kumustahin mo ang lagay ng iyong mga kapatid at uwian mo ako ng anumang alaala mula sa ka¬nila.”
19 Kasama sila noon ni Saul pati ang lahat ng kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, at naki-kipaglaban sa mga Pilisteo.
20 Maagang gumising si David kinabukasan at iniwan ang mga tupa sa isang pastol. Dinala niya ang mga pagkain at umalis gaya ng iniutos ni Jese. Dumating siya sa kampo samantalang paalis na ang hukbo para humanay sa labanan at inihihiyaw nila ang sigaw-pandigma. 21 Mag-kakaharap na pu¬mu¬sisyon ang mga Israelita at mga Pilisteo. 22 Kayat iniwan ni David ang kan-yang mga dala sa bantay ng mga gamit at pa¬¬takbong pinuntahan ang hukbo para kumus¬ta¬hin ang kanyang mga kapatid.
23 Samantalang nakikipag-usap siya sa mga ito, hayu’t sumugod mula sa hanay ng mga Pilisteo ang lalaking naghahanap ng kalaban, Goliat ang kanyang pangalan, ang Pilisteong taga-Gat. Isinigaw nito ang dating paghamon, at narinig iyon ni David. 24 Pag¬kakita ng mga Israelita sa lalaki, nagtak¬buhan silang takot na takot 25 at sinabi sa isa sa kanila: “Nakita ba ninyo ang lala-king iyon na sumusugod para hamunin ang Israel? Sinumang makapatay sa kanya’y lubos na payayamanin ng hari. Ipaka¬kasal din niya rito ang kanyang anak na dalaga, at hindi na magbubuwis ang sambahayan ng kanyang ama sa Israel.”
26 Tinanong ni David ang kanyang mga ka¬tabi: “Ano ang gagawin sa makakapatay sa Pilisteong ito at makapag-aalis sa kahihiyang ito mula sa Israel? At sino ang supot na Pilisteong ito para hiyain ang hukbo ng Diyos na buhay?” 27 At inulit ng mga tao sa kanya ang mga salitang ito: “Ganito ang gagawin sa ma¬kakapatay sa kanya.”
28 Nang marinig ni Eliab na kuya niya na nakikipag-usap siya sa mga tao, kinagalitan nito si David at sinabing “Ba’t ka narito? Kanino mo iniwan ang ilang mga tupa sa disyerto? Alam kong walanghiya ka at likas na masama: na¬parito ka para lamang panoorin ang labanan.” 29 Nagtanong si David: “Ano ba ang nagawa ko ngayon? Di na ba ako puwedeng magtanong?” 30 Iniwan siya ni David at bumaling sa iba at ti¬nanong din iyon, at ganoon din ang naging sagot nito sa kanya.
31 Nakarating kay Saul ang mga sinabi ni David, at ipinatawag siya ni Saul.
32 Sinabi ni David kay Saul: “Huwag masiraan ng loob ang sinuman dahil sa kanya! Ang inyong lingkod ang haharap at makikipaglaban sa Pilisteong ito!” 33 Sinabi ni Saul kay David: “Hindi mo ka¬yang harapin ang Pilisteong ito para makipaglaban sa kanya sapagkat bata ka pa, samantalang ang lalaking ito’y na¬ki¬kipagdigma na sapul pa sa kanyang ka¬ba¬taan.”
34 Ngunit sinabi ni David kay Saul: “Pastol ng mga tupa ng kanyang ama ang inyong lingkod. At kapag may du¬mating na leon o oso at may tina¬ngay itong tupa mula sa kawan, 35 hinahabol ko ito at hina¬¬hampas at nasa¬sagip ko ang tupa mula sa bibig nito. At kapag sinunggaban ako nito, hinahawakan ko ito sa kanyang balahibo at hina¬hampas hanggang ma¬ma¬¬tay. 36 Na¬ka¬patay na ng leon at oso ang inyong lingkod, at matutulad sa mga iyon ang supot na Pilisteong ito sapagkat hi¬niya niya ang hukbo ng Diyos na buhay.” 37 Nagpatuloy si David: “Si Yawe na nag-ligtas sa akin sa kuko ng mga leon at oso ang siya ring magliligtas sa akin sa kamay ng Pilisteong ito.”
Kaya sinabi ni Saul kay David: “Sige, at sumaiyo nawa si Yawe.”
38 Isinuot ni Saul kay David ang kanyang damit pandigma, isinuklob ang tansong helmet sa ulo nito at isinuot ang kanyang armor dito. 39 Isinakbat naman ni David ang tabak ni Saul sa kanyang armor. Sinubukan muna ni¬yang lumakad sapagkat hindi siya sanay sa mga ito. At sinabi ni David kay Saul: “Hindi ako ma¬kalakad nang may mga ganito sapag¬kat hindi ako sanay sa mga ito.” Hinubad ni David ang lahat ng iyon, 40 at hinawa¬kan ang kanyang tungkod, pumili ng limang makikinis na bato mula sa ilog at ini¬lagay sa bulsa ng kanyang bag-pastol. At ha¬wak ang kan¬yang tirador, lumapit siya sa Pilisteo.
41 Humakbang ang Pilisteo na pina¬ngungunahan ng tagapagdala ng kanyang kalasag palapit kay David. 42 Tu¬mingin ang Pilisteo at hinamak niya si David nang makita niyang isang totoy pala lamang ito at mamula-mula at gu¬wapo. 43 At sinabi ng Pilisteo kay David: “Aso ba ako para lapitan mong may da¬lang patpat?” Isinumpa si David ng Pilis¬teo sa kanyang mga diyos, 44 at si-nabi: “Halika rito at ibibigay ko ang iyong la¬man sa mga ibon sa langit at sa mga hayop sa gubat.”
45 Sinagot ni David ang Pilisteo: “Hina¬harap mo ako nang may tabak, sibat at tulos pero hinaharap kita sa ngalan ni Yawe ng mga Hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel na iyong hinamak. 46 Ipa¬uubaya ka ni Yawe sa aking mga kamay sa araw na ito at pababagsakin kita at pu¬¬pu¬gutan ng ulo. At sa araw ding ito, ibi¬bigay ko ang bangkay ng mga hukbong Pilisteo sa mga ibon sa langit at sa ma¬babangis na hayop sa lupa, at malalaman ng sangkalupaan na may Diyos sa Israel. 47 Malalaman ng lahat ng natitipon dito na hindi sa pama¬magitan ng tabak at sibat nagli¬ligtas si Yawe; kay Yawe ang labanan, at ibinigay na niya kayo sa aming mga kamay.”
48 Pagkilos ng Pilisteo para sugurin si David, patakbo itong sinalubong ni David. 49 Dumukot si David sa kanyang bag at kumuha ng isang bato, inilagay iyon sa tirador at tinamaan sa noo ang Pilisteo. Bumaon ang bato sa kanyang noo at padapang nabuwal sa lupa ang Pilisteo. 50 Nagtagumpay si David laban sa Pilisteo sa pamamagitan ng tirador at bato, na¬igupo niya ang Pilisteo nang walang ha¬wak na tabak. 51 Su¬mugod si David, tumuntong sa likod ng Pilisteo, kinuha ang tabak nito at binunot sa kaluban at pina¬tay siya sa pagpugot sa kanyang ulo.
Nagtakbuhan ang mga Pilisteo nang makita nilang patay na ang kanilang kampeon.
52 Sumigaw naman ang mga lalaki ng Israel at Juda, at hinabol ang mga Pilisteo hanggang sa may bungad ng Gat at sa mga pintuan ng Ekron. Nabuwal ang mga sugatang Pilisteo sa daan mula sa Saaraim hanggang Gat at Ekron. 53 Bu¬malik ang mga Israelita matapos habulin ang mga Pilisteo, at nangulimbat sila sa kampo ng mga ito. 54 Kinuha ni David ang ulo ng Pilis¬teo at dinala sa Jerusalem ngunit inilagay niya ang sandata nito sa kanyang tolda.
55 Nang makita ni Saul kung paano hinarap ni David ang Pilisteo, sinabi niya kay Abner na heneral ng hukbo: “Abner, kaninong anak ang binatang iyan?” Sinabi ni Abner: “Mahal na hari, isinusumpa kong hindi ko alam!” 56 Sinabi ng hari: “Ipagtanong mo kung kaninong anak ang binatang iyan.”
57 Nang bumalik si David, matapos niyang patayin ang Pilisteo dinala ni Abner kay Saul si David na hawak pa ang ulo ng Pilisteo. 58 Sinabi ni Saul sa kanya na nakatayo sa harap niya: “Kanino kang anak, binata?” Sumagot si David: “Anak ako ng inyong lingkod na si Jeseng taga-Betlehem.”
David, Saul, at Yonatan
18 • 1 Pagkatapos makipag-usap ni David kay Saul, ibinuklod ni Yo¬natan ang kan¬yang sarili kay David at minahal niya ito gaya ng kanyang sarili. 2 Isinama ni Saul si David nang araw na iyon at hindi niya ito pinauwi sa bahay ng kanyang ama. 3 At naki¬pagkasunduan si Yonatan kay David sapagkat mahal niya ito gaya ng kanyang sarili.
4 Hinubad ni Yonatan ang kanyang suot na kapa at ibinigay kay David. Ibinigay din niya ang kanyang armor pati ang kanyang tabak at pana at sinturon. 5 Pumupunta si David saanman siya papuntahin ni Saul, at nagtatagumpay naman siya. Kaya ginawa ni Saul si David na pinuno ng mga mandirigma; namabuti naman ito ng bu¬ong bayan at ng mga opisyal ni Saul.
6 Nang bumalik sila matapos patayin ni David ang Pilisteo, naglabasan ang mga babae sa lahat ng lunsod ng Israel para salubungin si Haring Saul nang may awitan at sayawan, may masa-sayang kantahan, may mga tamburin at alpa. 7 At inawit ng mga babaeng nagkakasa¬yahan:
“Napatay ni Saul ang kanyang libu-libo, at ni David naman ang kanyang laksa-laksa.”
8 Lubha itong ikinagalit at minasama ni Saul, at sinabi: “Kay David nila ibinigay ang laksa-laksa pero libu-libo lamang ang sa akin! Ang paghahari na lamang ang wala sa kanya.” 9 Mula noon, sumama na ang tingin ni Saul kay David.
10 Kinabukasan, nilukuban si Saul ng isang masamang espiritu mula sa Diyos, at nagsi¬mula siyang magwala sa loob ng kanyang ba¬hay. Kaya tinugtog ni David ang lira tulad ng dati niyang ginagawa. May hawak namang sibat si Saul, 11 at sinibat niya si David habang iniisip na “Ipapako ko si David sa dingding.” Ngunit makalawang beses na nakailag si David.
12 Kinatakutan ni Saul si David sapagkat na kay David si Yawe ngunit iniwan na si Saul. 13 Kaya inilayo niya si David sa kanya at ginawa itong pinuno ng sanlibo at pina¬mu¬nuan naman nito ang kanyang mga tauhan. 14 Naging ma¬tagumpay si David sa lahat niyang mga lakad sapagkat suma¬sakanya si Yawe. 15 Nang makita ni Saul na lubos siyang nagtatagumpay, lalo siyang natakot sa kanya. 16 Ngunit mahal naman ng buong Israel at Juda si David sapagkat pinamunuan niya ang mga ito. 17 Sinabi ni Saul kay David: “Hayan si Merab, ang panganay kong dalaga. Ipakakasal ko siya sa iyo, maging matapang na pinuno ka lamang at ipaglaban ang mga laban ni Yawe.” Sapagkat iniisip ni Saul na “Hindi ko siya pagbubuhatan ng kamay. Ang mga Pilisteo ang bahala sa kanya.” 18 Sinabi ni David kay Saul: “Sino ba ako? Sino ba sa Israel ang aking pamilya o ang angkan ng aking ama para maging manu¬gang ako ng hari?” 19 Ngunit nang sumapit ang araw para ipakasal kay David si Merab na anak ni Saul, ipinakasal ito kay Adriel na taga-Mehola.
20 Umibig naman kay David ang anak na dalaga ni Saul na si Micol. Nasiyahan si Saul nang malaman niya iyon, 21 sapagkat naisip niyang “Ipakakasal ko siya kay David at magi¬ging bitag ito para sa kanya. At ang mga Pilis¬teo ang bahalang pumatay sa kanya.” Kaya muling sinabi ni Saul kay David: “Magi¬ging manugang kita ngayon.” 22 At iniutos ni Saul sa kanyang mga utusan na kausapin nang sarilinan si David at sabihing “Alam mo, gusto ka ng hari at mahal ka ng lahat niyang lingkod. Maging manugang ka na ngayon ng hari!” 23 Inulit-ulit ng mga utusan ni Saul ang mga salitang iyon kay David. Sinabi naman ni David: “Sa tingin ba ninyo’y basta-basta lamang ang maging ma¬¬nu¬gang ng hari? Pobre lamang ako at di kilala.” 24 Nang sabi¬hin ng mga utusan kay Saul ang sagot ni David, 25 sinabi ni Saul: “Sabihin ninyo kay David na walang hini¬hinging dote ang hari liban sa sandaang balat na tinuli sa mga Pilisteo bilang paghihiganti sa kanyang mga kaaway,” sa¬pag¬kat hangad ni Saul na ma¬hulog si David sa ka¬may ng mga Pilisteo.
26 Sinabi ito ng kanyang mga utusan kay David, at madali naman pala ang maging ma¬nugang ng hari! Hindi pa sumasapit ang takdang panahon, 27 lumakad na si David at ang kanyang mga tauhan at pinatay ang dalawanda¬ang Pilis¬teo. Dinala ni David ang balat na tinuli sa kanila at iniharap sa hari ang buong bilang nito para maging manugang ng hari. Kaya ipi¬nakasal ni Saul kay David ang kanyang anak na si Micol.
28 Naunawaan ni Saul na na kay David si Yawe. Ngunit mahal ni David si Micol na anak ni Saul. 29 Lalo pang kinatakutan ni Saul si Da¬vid at naging kaaway niya ito hanggang sa wa¬kas ng kanyang buhay.
30 Tuwing makikipagsagupa ang mga pinu¬nong Pilisteo kay David, si David ang nagta-tagumpay higit sa kanino pa mang opisyal ni Saul kayat tumanyag ang kanyang pangalan.

19 • 1 Sinabi ni Saul kay Yonatan na kanyang anak at sa lahat niyang utusan kung paano papatayin si David. Ngunit gustung-gusto ni Yonatan si David, 2 at sinabi niya kay David: “Gusto kang patayin ng aking amang si Saul. Mag-ingat ka sana bukas ng umaga at magtago sa isang lihim na lugar at dumoon ka muna. 3 Lalabas ako at sasamahan ang aking ama sa ka¬parangang kinaroroonan mo, at kaka¬usapin ko siya tungkol sa iyo. Ti¬tingnan ko kung ano ang kanyang iniisip at sa¬sa¬bihin ko ito sa iyo.”
4 Sinabi ni Yonatan ang mabuti tungkol kay David kay Saul na kanyang ama, at sinabi niyang “Huwag itulot ng hari na magkasala siya sa kanyang lingkod na si David sapagkat hindi siya nagkakasala sa inyo kundi para sa inyong kabutihan pa nga ang kanyang mga ginawa. 5 Isinuong niya sa panganib ang kanyang buhay nang patayin niya ang Pilisteo at naghatid si Yawe ng malaking tagumpay sa buong Israel. Nakita ninyo mismo ito at kayo’y nagalak. Ba’t kayo ngayon magkakasala sa dugong walang kasalanan, sa pagpatay kay David nang wa¬lang dahilan?” 6 Pinakinggan ni Saul ang paki¬usap ni Yonatan at isinumpang “Saksi ko si Yawe, hinding-hindi siya papatayin.” 7 Kayat tinawag ni Yonatan si David at sinabi sa kanya ang lahat ng ito. At dinala ni Yo¬na¬tan si David kay Saul, at muling naglingkod si David kay Saul tulad ng dati.
8 Muling sumiklab ang digmaan, at lumakad si David para lumaban sa mga Pilisteo. Grabe ang pagkalupig nila kay David kaya napilitan silang tumakas. 9 Ngunit sinaklot si Saul ng isang masamang espiritu mula kay Yawe ha¬bang nakaupo siya sa kanyang bahay, hawak ang kanyang sibat samantalang tumutugtog si David. 10 Ti¬nangka ni Saul na ipako sa dingding si David sa pamamagitan ng kanyang sibat. Ngunit nakailag si David at sa dingding tumama ang sibat, at tumakas si David.
11 Nang gabi ring iyon, nagpadala ng mga sugo si Saul sa bahay ni David para bantayan ito at patayin kinaumagahan. Ngunit sinabi kay David ni Micol na kanyang asawa: “Mapapatay ka bukas kung hindi mo ililigtas ang iyong sarili ngayong gabi.” 12 Kaya pinababa ni Micol si David sa bintana, at umalis siya at tumakas.
13 Kinuha naman ni Micol ang isang diyus-diyusang pambahay, inihiga ito sa kama at nilagyan ng balahibo ng kambing sa ulunan, at saka kinumutan. 14 Nang ipadala ni Saul ang mga sugo para dakpin si David, sinabi ni Micol: “May sakit siya.” 15 Pinabalik ni Saul ang kanyang mga inutusan para tingnan si David at sinabing “Dalhin ninyo siya sa akin kahit naka¬higa para mapatay ko siya.” 16 Ngunit nang pu¬masok ang mga sugo, ang diyus-diyusan ang nasa kama at may bala¬hibo ng kambing sa ulu¬nan. 17 Kaya sinabi ni Saul kay Micol: “Ba’t mo ’ko nilinlang at pinatakas ang aking kaaway?” Sumagot si Micol: “Sinabi niya sa aking papatayin niya ako kung hindi ko siya paaalisin!”
Si Saul at ang mga propeta
• 18 Umalis si David at tumakas. Pi¬nun¬tahan niya si Samuel sa Rama at isi¬na¬laysay ang lahat ng ginawa sa kanya ni Saul. At magkasama silang pumunta ni Samuel sa Mga Kuweba at doon nanira¬han.
19 Nabalitaan ni Saul na nasa Mga Kuweba ng Rama si David 20 kayat nag¬padala siya ng mga sugo upang dakpin siya.
Ngunit nang makita nila ang isang pangkat ng mga propeta na nagpopro¬pesiya, na ibig sabihi’y wala sa sarili, kasama ni Samuel na nakatayo roon bilang pinuno, nilukuban din ng espiritu ng Diyos ang mga sugo ni Saul at nag¬propesiya rin sila.
21 Nang malaman ni Saul ang nang¬yari, nagpadala siya ng iba pang mga sugo ngunit nagpropesiya rin ang mga ito. Sa ikatlong pagkakataon, nagpa¬dala si Saul ng mga sugo at nagpro¬pesiya rin sila.
22 Kayat siya na mismo ang nag¬punta sa Rama at dumating siya sa malaking balon sa Seku. Nagtanong siya: “Nasaan sina Samuel at David?” Sinabi nila: “Nasa Mga Kuweba sila ng Rama.” 23 Kaya nagpunta si Saul sa Mga Kuweba ng Rama, ngunit nilu¬kuban din siya ng Es¬piritu ng Diyos. At nagpropesiya siya sa kanyang pagla¬kad hanggang sa Mga Kuweba ng Rama. 24 Hinubad niya ang kanyang damit at nagpropesiya rin sa harap ni Samuel. At nabuwal siya sa lupa at mag¬hapo’t magdamag na hubo’t hu¬bad.
Kaya sinabi nilang “Kabilang na rin ba si Saul sa mga propeta?”

20 1 Tumakas si David mula sa Mga Kuweba ng Rama at nag¬punta kay Yonatan at sinabi sa harap niya: “Ano ang nagawa ko? Ano ang kasalanan ko? Anong krimen ang na¬gawa ko sa harap ng iyong ama at ha¬ngad niya akong pata¬yin?”
2 Sumagot si Yonatan: “Hindi! Hindi ka mamamatay. Tingnan mo, walang ginagawa ang aking ama, maliit na ba¬gay man o malaki, na hindi niya si¬na¬sabi sa akin. Bakit niya ililihim sa akin ang bagay na ito? Hindi, hindi ito ma¬aari.” 3 Ngunit sumumpa si David at si¬nabing “Alam na alam ng iyong ama na mabuti ang pagtingin mo sa akin kaya inisip niyang hindi mo ito dapat malaman at tiyak na malulungkot ka. Ngunit saksi ko si Yawe, iisang hak¬bang na la¬mang ang layo ko sa ka-matayan!” 4 At sinabi ni Yonatan kay David: “Ga¬gawin ko para sa iyo anu¬man ang gusto mong gawin ko.”
5 Sumagot si David: “Bukas ang Ba¬gong Buwan at kailangang makisalo ako sa hari. Pero paalisin mo ako at mag¬tatago ako sa bukid hanggang sa makalawa ng gabi. 6 Kapag hinanap ako ng iyong ama, sabihin mo sa kan¬yang ‘Na¬kiusap sa akin si David na pa¬ya¬gan ko siyang pumunta sa Bet¬lehem na kanyang lunsod sapagkat doon gaganapin ang taunang pag¬hahandog para sa buo niyang angkan.’ 7 Kapag sinabi niyang ‘Mabuti’, ibig sabihi’y wala ako sa panganib. Ngunit kapag lubha siyang nagalit, mala¬laman mong hangad nga niyang gawan ako ng masama. 8 Gawin ang kabu¬ti¬hang ito para sa iyong lingkod sapag¬kat ikaw ang nag¬hatid sa kanya sa isang paki¬kipag¬tipan sa iyo sa harap ni Yawe. At kung mayroon man akong kasa¬lanan, ikaw na ang pumatay sa akin. Ba’t kai¬langang dalhin mo pa ako sa iyong ama?”
9 Sumagot si Yonatan: “Kalokohan! Kung alam kong talaga ngang hangad ng aking ama na gawan ka ng ma¬sama, maaari bang hindi ko ito sabihin sa iyo?” 10 At tinanong siya ni David: “Sino ang magsasabi sa akin kung pagalit ang sagot sa iyo ng iyong ama?” 11 Sinabi ni Yo¬na-tan: “Halika, pumunta tayo sa bukid.” At kapwa sila nagpunta sa bukid.

• 12 Sinabi ni Yonatan kay David: “Si Yaweng Diyos ng Israel, siya ang ating saksi! Sa ganito ring oras bukas makalawa, aalamin ko kung ano ang iniisip ng aking ama. At kung mabuti ito para sa iyo, pa¬sa¬sabihan kita. 13 Ngunit kung may balak na masama sa iyo ang aking ama, parusahan nawa ako ni Yawe at higit pa kapag hindi ko ito sinabi sa iyo para makatakas kang mapa¬yapa.
Sumaiyo nawa si Yawe kung paanong suma-aking-ama siya. 14 At kung mabuhay ako, ma¬ging mabuti ka sa akin. Ngunit kung patay na ako, 15 huwag mong pawiin kai¬lanman ang iyong kabutihang-loob sa aking sambahayan, pawiin man ni Yawe ang lahat ng kaaway ni David sa balat ng lupa sa paghihiganti ni Yawe sa kanila.” 16 At naki¬pag¬tipan si Yonatan sa sam¬bahayan ni David. 17 Minsan pang pina¬sumpa ni Yonatan si David dahil mahal niya ito sapagkat mahal niya si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.
18 At sinabi sa kanya ni Yonatan: “Bukas ang Bagong Buwan. Mapapansing wala ka sapagkat mababakante ang iyong upuan. 19 At lalo iyong magiging kapansin-pansin sa makalawa. Kaya magtago ka agad sa dati mong pinagtaguan noon at manatili roon sa tabi ng batong palatan-daan. 20 Tatlong beses kong papanain ang bato na parang tinatarget iyon. 21 At magpapadala ako ng isang bata na pagbibilinan kong hanapin ang mga palaso. Kapag sinabi ko sa batang ‘Hayun, nasa gawi roon ang mga palaso. Dalhin mo dito ang mga iyon’, ibig sabihi’y ma¬ka-lalabas ka na sapagkat kung paanong buhay si Yawe, ligtas ka na sa kapahamakan. 22 Ngu¬nit kung sabihin ko sa batang ‘Tingnan mo, nasa dako pa roon ang mga palaso’, tuma¬kas ka sapag-kat pinaaalis ka ni Yawe. 23 At si Yawe nga ang saksi nating dalawa magpa¬kai¬lanman tungkol sa pinag-usapan natin.”
24 Nagtago nga si David sa bukid. At nang sumapit ang Bagong Buwan, dumulog sa hapag ang hari para kumain. 25 Naupo siya sa dati niyang luklukan sa tabi ng dingding. Nakaupo sa tapat niya si Yonatan at katabi naman niya si Abner. Ngunit bakante ang lugar ni David. 26 Walang anumang sinabi si Saul nang araw na iyon sa pag-aakalang may kung anong nang-yari lamang kay David para siya’y maging di-malinis. 27 Sa ikalawang araw ng Bagong Bu¬wan, bakante pa rin ang lugar ni David kayat tina¬nong ni Saul si Yonatang kanyang anak: “Ba’t hindi du¬mulog sa hapag maging kahapon o ngayon ang anak ni Jese?” 28 Sumagot si Yo¬natan: “Naki-usap sa akin si David na papun¬tahin ko siya sa Betlehem 29 at sinabi niyang ‘Sige na, paalisin mo ako dahil mag-aalay ang aming pamilya sa lunsod at pinapupunta ako ng aking kapatid. Kayat kung mabuti ang tingin mo sa akin, paalisin mo na ako para makita ang aking mga kapatid.’ Kaya hindi siya dumudulog sa hapag ng hari.”
30 Nag-apoy ang galit ni Saul kay Yonatan at sinabi sa kanya: “Anak ng sutil at walanghiyang babae! Kung hindi ko pa alam na kampi ka sa anak ni Jese sa kahihiyan ng iyong sarili at ng iyong ina? 31 Hanggang na¬bu¬buhay ang anak ni Jese sa daigdig na ito, hindi ka magi¬ging ma-tatag ni ang iyong kaharian. Ipatawag mo siya ngayon at iharap sa akin sapagkat da¬pat siyang mamatay!”
32 Tinanong ni Yonatan ang kanyang ama: “Ba’t kailangan siyang patayin? Ano ang na¬gawa niya?” 33 Ngunit itinuon ni Saul kay Yonatan ang kanyang sibat, at naunawaan nitong talaga ngang balak ng kanyang amang patayin si David. 34 Galit na tumindig si Yonatan mula sa hapag at hindi na kumain sa ikalawang araw ng Bagong Buwan sapagkat ikinalungkot niya ang sinabi ng kanyang ama laban kay David.
35 Kinaumagahan, nagpunta si Yonatan sa bukid, kasama ang isang batang lalaki, para makipagkita kay David. 36 Sinabi niya sa bata: “Tumakbo ka’t hanapin ang mga pala¬song ipa-pana ko.” Tumakbo ang bata at pumana naman si Yonatan nang lampas sa bata. 37 Nang duma-ting ang bata sa lugar na pinagtudlaan ni Yona¬tan sa palaso, sumigaw si Yonatan at sinabi sa bata: “Nasa gawi pa roon ang palaso!” 38 At isi¬nigaw pa niya sa bata: “Magmadali ka! Bilis, at huwag kang titigil!” Dinampot ng bata ang palaso at bumalik sa kanyang amo. 39 Wa¬lang kaalam-alam ang bata, sina Yonatan at David lamang ang nakaaalam tungkol dito.
40 At ibinigay ni Yonatan sa bata ang kanyang mga sandata at sinabi: “Sige, iuwi mo na ang mga ito sa lunsod.” 41 Pagkaalis ng bata, lumabas si David mula sa batong palatandaan at tatlong beses na yumukong sayad sa lupa ang mukha sa harap ni Yonatan. Nagyakap ang dalawa at kapwa sila umiyak hanggang tumahan si David. 42 At sinabi ni Yonatan kay David: “Humayo kang ma¬payapa dahil nagsumpaan tayong dalawa sa ngalan ni Yawe sa pagsa¬sa¬bing si Yawe ang saksi nating dalawa at ng aking lahi at ng iyong lahi magpakailanman.”
Si David at ang paring si Ahimelek
21 • 1 Umalis si David at bumalik naman si Yonatan sa lunsod. 2 Du¬mating si David sa Nob at nag¬punta sa paring si Ahimelek. Nangi¬¬nginig na sinalubong ni Ahimelek si David at tinanong: “Bakit ka nag-iisa? Ba’t wala kang kasama?” 3 Sumagot si David: “Inutusan ako ng hari at sina¬bing wa¬lang dapat ma¬kaalam sa mis¬yong ito na iniutos niya sa akin. Kaya sinabihan ko ang aking mga tauhan na magta¬tagpo kami sa isang lugar. 4 Ano’ng meron ka rito? Bigyan mo ’ko ng limang tinapay o anumang meron ka.”
5 Sumagot kay David ang pari: “Wala akong ordinaryong tinapay dito, sagradong tinapay lamang ang mayroon – kung hindi nagkaroon ng anumang re¬lasyon sa babae ang mga tauhan mo.”
6 Sumagot si David: “Sigurado. Bawal sa amin ang babae nitong mga huling araw mula nang umalis ako. Nanatiling malinis ang aking mga tauhan kahit na ordinaryong misyon lamang ito, kaya malinis sila ngayon.”
7 At ibinigay sa kanya ng pari ang sag¬rado sapagkat walang ibang tinapay liban sa Tinapay ng Presensya na kinuha sa harap ni Yawe para palitan ng mainit na tinapay sa araw na kunin iyon.
8 Ngunit nang araw na iyon, naroon ang isa sa mga tauhan ni Saul. Ito ang Edomitang si Doeg na punong pastol ni Saul.
9 Tinanong ni David si Ahimelek: “Wala ka bang sibat o tabak dito? Di ko dala ang aking tabak ni ang aking mga sandata sapagkat madalian ang utos ng hari.”
10 Sumagot ang pari: “Ang tabak ni Goliat, ang Pilisteong pinatay mo sa lambak ng Ela. Hayu’t nakabalot sa isang tela sa likod ng efod. Kunin mo kung gusto mo, sapagkat wala nang iba pa rito kundi ’yon lang.” At sinabi ni David: “Akin na, wala nang iba pang tulad nito!”
• 11 Nang araw ding iyon, umalis si David at lumayo kay Saul. Nagpunta siya kay Akis na hari ng Gat. 12 Sinabi ng mga utusan ni Akis: “O Hari ng lupain, di ba’t ito si David? Di ba’t siya ang sinasayawan nila sa kanilang awitan, ‘Napatay ni Saul ang kanyang libu-libo at ni David naman ang kanyang laksa-laksa’?”
13 Naunawaan ni David ang mga katagang ito at lubha siyang natakot kay Akis na hari ng Gat. 14 Kayat pinapani¬wala niya silang nasisiraan siya ng bait at nagkunwaring baliw. Ginuhitan niya ng kung anu-ano ang mga pinto at pina¬bayaang tumulo ang laway sa kan¬yang balbas.
15 Sinabi ni Akis sa kanyang mga utusan: “Hayan, tingnan ninyo, baliw ang taong ’yan! Ba’t pa ninyo siya dina¬la sa akin? 16 Kulang pa ba ako ng mga baliw at dinala pa ninyo ang isang iyan para mag¬pakita ng kabaliwan sa akin? Iyan ba ang papasok sa aking bahay?”
Simula ng paggagala ni David
22 • 1 Umalis si David sa Gat at tuma¬kas sa yungib ng Adulam. Nalaman ito ng kanyang mga kapatid at ng buong sambahayan ng kanyang ama, at siya’y kani¬lang pinuntahan doon. 2 At nagkaisa sa kanya ang lahat ng nasa gipit o may utang o may sama ng loob, siya ang naging pinuno nila – mga apatnaraang katao.
3 Mula roon, nagpunta si David sa Mizpa ng Moab at sinabi sa hari ng Moab: “Maaari bang dumito muna sa inyo ang aking ama at ina hanggang malaman ko ang gagawin sa akin ng Diyos?” 4 Kaya iniwan niya sila sa hari ng Moab, at nanatili silang kasama nito habang nasa kuta naman si David.
5 Sinabi ng propetang si Gad kay David: “Huwag ka nang tumigil sa kuta; pumunta ka sa lupain ng Juda.” At umalis nga si David at nag¬¬punta sa gubat ng Heret.
6 Nalaman ni Saul na may nakakita kay David at sa kanyang mga kasama. Nasa Gibea noon si Saul at nakaupo sa lilim ng punong-tamariskong nasa burol, may hawak na sibat at nakapaligid sa kanya ang lahat niyang opisyal. 7 Kinausap sila ni Saul: “Maki¬nig kayo, lipi ni Benjamin! Bibigyan kaya ng anak ni Jese ang sinuman sa inyo ng mga bukirin at ubasan? Gagawin ba niyang pinuno ng tigsasanlibo o tigsasandaan ang bawat isa sa inyo 8 kaya kayo nagsabwatang lahat laban sa akin? Wala ni isa mang nag¬sabi sa akin na nakipagkasunduan ang aking anak sa anak ni Jese. Walang sinu¬man sa inyo ang nagmalasakit sa akin para ibalitang sarili ko pang anak ang nagsulsol sa aking lingkod na maghimagsik sa akin tulad sa araw na ito.”
9 Ngunit sumagot si Doeg na Edomita na nakatayong kasama ng mga opisyal ni Saul, at sinabi niyang “Nakita kong dumating sa Nob ang anak ni Jese at nagpunta kay Ahimelek na anak ni Ahitub. 10 Sinangguni ni Ahimelek si Yawe para sa kanya, at binigyan siya ng pagkain at ibinigay din sa kanya ang tabak ni Goliat na Pilisteo.” 11 Kaya ipina¬tawag ng hari ang paring si Ahimelek na anak ni Ahitub, at buong sambahayan ng kanyang ama na mga pari sa Nob. Nagpunta silang lahat sa hari.
12 At sinabi ni Saul: “Makinig ka, anak ni Ahitub.” Sumagot si Ahimelek: “Narito ako, panginoon ko.” 13 Tinanong siya ni Saul: “Bakit ka nakipagsabwatan sa anak ni Jese laban sa akin sa pagbibigay sa kanya ng tinapay at ng tabak, at sinangguni mo pa ang Diyos para sa kanya upang maghimagsik laban sa akin at abangan ako tulad sa araw na ito.” 14 Sumagot si Ahimelek sa hari: “Sino sa lahat ninyong ling¬¬kod ang kasintapat ni David na manugang ng hari, kapitan ng inyong mga badigard at igi¬nagalang sa inyong sambahayan? 15 Ngayon lang ba ako sumangguni kay Yawe para sa kanya? Nag¬kakamali kayo, huwag sanang paratangan ng hari ang kanyang lingkod at ang sinuman sa sambahayan ng aking ama sapag¬kat walang anumang kinalaman ang inyong ling¬kod sa buong pangyayari.” 16 Ngunit sinabi ng hari: “Mamamatay ka, Ahimelek, ikaw at ang buong sambahayan ng iyong ama!”
17 At iniutos ng hari sa mga tanod sa kanyang tabi: “Sige, patayin ang mga pari ni Yawe sa-pagkat kumampi sila kay David. Alam nilang tumatakas si David ngunit wala silang sinabi sa akin.” Subalit tumanggi ang mga opisyal ng hari na pagbuhatan ng kamay ang mga pari ni Yawe. 18 Kayat sinabi ng hari kay Doeg: “Halika at saksakin mo ang mga pari.” Lumapit si Doeg na Edomita at sinaksak nga ang mga pari. Nang araw na iyon, walumpu’t limang lalaking naka¬efod na linen ang pinatay niya. 19 Pagkatapos niyon, ipinapatay rin ni Saul sa tabak lahat ng taga-Nob, ang lunsod ng mga pari – lalaki at babae, bata at pasusuhing sanggol, pati mga baka, mga asno at mga tupa.
20 Subalit isang anak na lalaki ni Ahimelek na anak ni Ahitub ang nakatakas. Abiatar ang kanyang pangalan, at nagpunta siya kay David. 21 Sinabi ni Abiatar kay David na pinatay ni Saul ang mga pari ni Yawe. 22 Sinabi ni David sa kanya: “Nang araw na iyon na naroon si Doeg na Edomita, alam kong tiyak na magsusumbong siya kay Saul. Ako ang dapat managot sa pagkamatay ng buong sambahayan ng iyong ama. 23 Dumito ka sa akin at huwag kang matakot sapagkat hangad din ng naghahangad ng iyong kamatayan ang aking kamatayan. Ligtas ka ritong kasama ko.”
Kinonsulta ni David ang Diyos
23 1 Sinabi nila kay David na sina¬¬¬¬salakay ng mga Pilisteo ang Keila at ninana¬kawan ang mga giikan. 2 Sinangguni ni David si Yawe at tinanong: “Aalis ba ako para lumaban sa mga Pilisteong iyon?” At sinabi ni Yawe: “Humayo ka’t makipaglaban sa mga Pilisteo at iligtas ang Keila.” 3 Ngunit sinabi kay David ng kanyang mga tauhan: “Tingnan mo, dito na lamang sa Juda e takot na tayo, gaano pa kung pupunta tayo sa Keila para harapin ang hukbo ng mga Pilisteo?”
4 At muling sinangguni ni David si Yawe at sinabi sa kanya ni Yawe: “Magpunta ka sa Keila sapagkat ibinibigay ko sa iyong mga kamay ang mga Pilisteo.” 5 Nagpunta nga sa Keila si David at ang kanyang mga tauhan, at nakipaglaban sa mga Pilisteo. Tinangay nila ang mga hayop ng mga Pilisteo at naghatid ng malaking pagkatalo sa mga ito. At sinagip ni David ang mga taga-Keila.
7 Nang maipagbigay-alam kay Saul na nag¬punta si David sa Keila, sinabi niya: “Ipina¬ubaya rin siya ng Diyos sa aking mga kamay sapagkat siya mismo ang nagkulong sa kanyang sarili sa isang lunsod na may mga pintuan at rehas.”
8 Tinawag ni Saul ang buong bayan para sa labanan, upang lumusong sa Keila at kubkubin si David at ang mga tauhan nito. 9 Nang malaman ni David ang masamang balak ni Saul sa kanya, sinabi niya sa paring si Abiatar na dalhin sa kanya ang efod. (6 Nang tumakas si Abiatar na anak ni Ahimelek papunta kay David sa Keila, lumusong siyang dala ang efod.)
10 At sinabi ni David: “O Yaweng Diyos ng Israel, narinig kong balak pumarito ni Saul sa Keila at wasakin ang lunsod dahil sa akin. 11 Paparito nga ba si Saul tulad ng narinig ko? O Yaweng Diyos ng Israel, sabihin mo sana sa iyong lingkod.” Sumagot si Yawe: “Darating siya.” 12 At muling nagtanong si David: “Ipa¬uubaya ba ako at ang aking mga tauhan ng mga pinuno ng Keila sa kamay ni Saul?” Suma¬got si Yawe: “Ipauubaya nila kayo.”
13 Kaya umalis sa Keila si David at ang mga animnaraan niyang tauhan, at nag¬palipat-lipat sa maaari nilang puntahan. Nang masabi kay Saul na nakatakas si David mula sa Keila, hindi na siya nagpatuloy roon.
14 Nanatili si David sa mga kuta sa kaburulan ng disyerto ng Zif. At walang tigil naman siyang pinaghanap ni Saul ngunit hindi siya ibinigay ng Diyos sa mga kamay nito.
15 Alam ni David na pinaghahanap siya ni Saul para patayin. At nanatili siya sa Hores sa disyerto ng Zif. 16 Pinuntahan siya ni Yona¬tang anak ni Saul at pinalakas ang kanyang loob sa Diyos. 17 At sinabi nito sa kanya: “Huwag kang matakot sapagkat hindi ka pagbubuhatan ng kamay ng aking amang si Saul. Maghahari ka sa Israel at magiging pangalawa lamang ako sa iyo. Alam ito kahit ng aking ama.” 18 Muling gumawa ng ka¬sunduan ang dalawa sa harap ni Yawe, at nanatili sa Hores si David at umuwi naman si Yonatan.
19 Pinuntahan ng ilang taga-Zif si Saul sa Gibea at sinabi sa kanya: “Nagtatago si David sa amin sa mga kuta sa Hores sa burol ng Hakila sa timog ng Yesimon. 20 At ngayon, mahal na hari, pu¬munta kayo sa amin kailanman ninyo gusto at ibibigay namin siya sa inyong mga kamay.” 21 Sumagot si Saul: “Pagpalain kayo ni Yawe dahil sa malasakit ninyo sa akin. 22 Huma¬yo kayo at tiya¬kin kung nasaan siya at kung saan siya pu¬mu¬punta at kung sino ang nakakita sa kanya sapagkat may nakapagsabi sa aking napakatalino niya. 23 Ala¬min ninyo ang lahat ng lugar na kanyang pinag¬tataguan at saka kayo bumalik sa akin, at sasama ako sa inyo. Kung naroon nga siya, hahanapin ko siya sa lahat ng angkan ng Juda.”
24 Kayat umalis sila at nagpauna kay Saul papunta sa Zif. Nasa disyerto naman ng Maon sa Araba sa timog ng Yesimon si David at ang kan¬yang mga tauhan.
25 Lumakad na si Saul at ang kanyang mga tauhan para hanapin si David. Nang malaman ito ni David, bumaba siya sa ba¬tuhan at nanatili sa disyerto ng Maon. Na¬laman iyon ni Saul at hina-bol niya si David sa disyerto ng Maon. 26 Nasa isang panig ng bundok si Saul samantalang nasa kabila naman si David at ang kanyang mga ta¬uhan. Nagmamadali si David na makalayo kay Saul. Malapit nang masukol ni Saul at ng kan¬yang mga tauhan si David at ang mga tauhan nito 27 nang may dumating na sugo kay Saul at sina¬bing “Madali! Bumalik kayo agad sapagkat ni-lusob ng mga Pilisteo ang lupain.” 28 Iniwan ni Saul ang paghabol kay David at umalis para harapin ang mga Pilisteo. Kaya tinawag nilang Batuhan ng Paghihiwalay ang lugar na iyon.
Pinatawad ni David si Saul
24 • 1 Mula roon, umahon si David at nanatili sa mga kuta ng Engedi.
2 Nang magbalik si Saul mula sa pag¬tugis niya sa mga Pilisteo, nalaman ni¬yang nasa disyerto ng Engedi si David.
3 Kaya nagsama si Saul ng tatlong libong piling tauhan mula sa buong Is¬rael at lumakad para hanapin si David at ang mga tauhan nito sa silangan ng Kaba¬tuhan ng Maiilap na Kambing. 4 Duma¬ting siya sa mga kural ng tupa sa tabi ng daan, may isang yungib doon na pinuntahan ni Saul para du¬mumi.
Nasa dulo naman ng nabanggit na yungib si David at ang kanyang mga tauhan. 5 Sinabi kay David ng kanyang mga tauhan: “Ito na ang araw na sinabi sa iyo ni Yawe, ‘Heto, ipinauubaya ko sa iyong mga kamay ang iyong ka¬away, gawin mo sa kanya ang gusto mo’.”
Kumilos si David at lihim na ginupit ang laylayan ng kapa ni Saul. 6 Ngunit kinon¬siyensya si David sa pagkaka¬gupit niya sa laylayan ng kapa ni Saul, 7 at sinabi niya sa kanyang mga tauhan: “Huwag sanang ipahintulot ni Yawe na gawin ko ang bagay na ito sa aking pa¬nginoon na pinahiran ni Yawe. Hindi ko siya maaaring pagbuhatan ng kamay sapagkat siya ang pinahiran ni Yawe.” 8 Sa mga katagang ito, pinigil ni David ang kanyang mga tauhan at hindi niya pinayagan ang mga itong su¬gurin si Saul.
Tumindig naman si Saul at lumabas mula sa yungib at nagpatuloy sa pag¬lakad. 9 Lumabas din sa yungib si David at tinawag si Saul: “Aking panginoon, mahal na Hari!” Paglingon ni Saul, lu¬muhod si David at yumukong sayad sa lupa ang mukha bilang pami¬mitagan. 10 At sinabi niya kay Saul: “Bakit kayo nakikinig sa sabi-sabi ng mga tao na hangad raw ni David ang inyong kapa-hamakan?
11 Nakita ng inyong mga mata sa araw na ito na inilagay kayo ni Yawe sa aking mga kamay sa yungib. May nag¬sabi sa aking patayin na kayo ngunit naawa ako sa inyo at sinabi kong hindi ko mapag¬bu¬buhatan ng kamay ang aking panginoon na siyang pinahiran ni Yawe. 12 Ama ko, tingnan ninyo, hawak ko ang kapirasong ito ng laylayan ng inyong kapa! Pinutol ko ito sa inyong kapa ngunit hindi ko kayo pinatay. Ma¬kikita ninyong wala akong hangad na masama sa inyo o pagtaksilan kayo. Wala akong nagagawang mali sa inyo ngunit pinaghahanap ninyo ako para patayin.
13 Si Yawe nawa ang humatol sa ating dalawa! Si Yawe na ang bahalang mani¬ngil sa inyo para sa akin pero hindi ko kayo maaaring pagbuhatan ng kamay.
14 Tulad nga ng kasabihan ng matatanda, ‘Kasamaa’y nanggagaling sa masasama,’ ngu¬nit hindi ko kayo maaaring pagbuhatan ng kamay. 15 Sino ba ang inuusig ng hari ng Israel? Sino ang inyong tinutugis? Isang asong patay! Isang pulgas lamang! 16 Si Yawe nawa ang ma¬ging hukom natin at siyang humatol sa ating dalawa! Makita nawa niya at ipagtanggol ang aking usapin at iligtas ako sa inyong mga kamay.”
17 Matapos magsalita ni David, sinabi ni Saul: “Iyan ba ang boses mo, David, anak ko?” At malakas na umiyak si Saul 18 at sinabi kay David: “Tama ka at mali ako sapagkat ginantihan mo ng kabutihang-loob ang kasamaang ginawa ko sa iyo. 19 Ipinakita mo sa araw na ito ang iyong kabutihan na ginawa mo sa akin. Ibinigay na nga ako ni Yawe sa iyong mga kamay pero hindi mo ako pinatay. 20 Sapagkat pababayaan pa ba ng isa na mag¬patuloy nang matiwasay ang kanyang kaaway kung matag¬puan niya iyon? Gan¬timpalaan ka nawang mabuti ni Yawe dahil sa ginawa mo sa akin sa araw na ito. 21 Nati¬tiyak ko na ngayon na ikaw nga ang mag¬ha¬hari sa Israel at sa iyong mga kamay magiging matatag ang kaharian ng Israel. 22 Isumpa mo sa akin ngayon sa ngalan ni Yawe na hindi mo lilipulin ang aking lipi at hindi buburahin ang aking pangalan sa sambahayan ng aking ama.”
23 Sumumpa si David kay Saul at umuwi na si Saul. Umahon naman sa kuta si David at ang kanyang mga tauhan.
David at Abigail
25 • 1 Namatay si Samuel at nagtipon ang buong Israel at ipinagluksa siya. At inilibing siya sa kanyang tahanan sa Rama.
Pagkatapos, bumaba si David sa disyerto ng Maon. 2 May isang napakayamang lalaki sa Maon, na may tatlong libong tupa at sanlibong kambing at may bukirin din sa Karmel.
3 Nabal ang pangalan ng lalaki at si Abigail naman ang kanyang asawa. Matalino at ma¬ganda ang babae pero bastos at walanghiya ang lalaking mula sa lipi ni Kaleb. 2b Nasa Kar¬¬mel siya noon at ginugupitan ang kanyang mga tupa.
4 Nabalitaan ni David sa disyerto na ginu¬gu¬pitan ni Nabal ang kanyang kawan, 5 at nagsugo siya ng sampung binata at sinabing “Pumunta kayo kay Nabal sa Karmel at kumustahin siya para sa akin 6 at sabihing: Mabuhay! Sumaiyo ang kapa¬yapaan, sa iyong sambahayan at sa lahat ng iyong ari-arian. 7 Nabalitaan kong nag¬gugupit ka ngayon ng mga tupa. Nang kasama namin ang iyong mga pastol, hindi kami naging marahas sa kanila at walang anumang nawala sa kanila sa buong pana¬hong itinigil nila sa Karmel. 8 Tanungin mo ang iyong mga lingkod at sila ang magsasabi sa iyo. Kaya pagmagandahang-loob mo sana ang aking mga binata sapagkat du-mating kami sa araw ng piyesta. Bigyan mo naman sana sila at ang iyong anak na si David sa abot ng iyong maka¬kaya.”
9 Nang dumating ang mga binata ni David, sinabi nila kay Nabal ang lahat ng ito sa ngalan ni David at naghintay sila. 10 Ngunit sinabi ni Nabal sa mga lingkod ni David: “Sino ba si David? Sino ba ang anak ni Jese? Talagang ma¬raming alipin ngayon ang luma¬layas sa kanilang mga amo. 11 Kukunin ko ba ang aking tinapay at ang aking tubig at ang aking karne na kinatay ko para sa aking mga manggugupit para ibigay sa mga taong hindi ko alam kung saan nanggaling?” 12 Tumalikod ang mga tauhan ni David at nag¬balik sa kanya at sinabi ang lahat ng sinabi ni Nabal. 13 At sinabi ni David sa kan¬yang mga tauhan: “Isakbat ng bawat isa ang kanyang tabak!” At isinakbat nga ng bawat isa pati na ni David ang kanyang tabak. Mga apatnaraang lalaki ang umahong kasunod ni David, at dala¬wan¬daan naman ang naiwan sa mga kagamitan.
14 Isa sa mga alipin ni Nabal ang nagsabi sa kanyang asawang si Abigail: “Nagpadala si David ng mga sugo mula sa disyerto para bati¬in ang aming amo pero sinigawan niya ang mga iyon. 15 Napakabuti pa naman ng mga lalaking iyon sa amin, hindi sila naging mara¬has sa amin at walang anumang nawala sa amin sa buong panahong kasama namin sila sa bukid. 16 Sa araw at gabi’y para silang pader sa aming tabi samantalang kasama namin sila sa pagpa¬pastol. 17 Pag-isipan ninyo ngayon ang dapat gawin sapagkat lagot ngayon ang aming amo at ang buo niyang sambahayan. Napakasama niya kaya walang makapagsabi nito sa kanya.”
18 Agad-agad na naghanda si Abigail ng da¬la¬wandaang tinapay, dalawang sisidlang puno ng alak, limang kinatay na tupa, limang sukat ng binusang trigo, isandaang buwig na pasas at dalawandaang bibingkang igos, at ikinarga ang mga ito sa mga asno. 19 At sinabi niya sa kanyang mga utusan: “Mauna kayo at susunod ako.”
Ngunit hindi niya sinabi sa kanyang asawa ang tungkol dito.
20 Samantalang sakay si Abigail ng asno palusong sa bundok, palusong din naman si David at ang kanyang mga tauhan, papunta sa kanya. Bago sila magkasalubong, 21 ka¬sasabi lamang ni David na “Sayang lamang ang pagbabantay ko sa lahat ng ari-arian sa disyerto ng taong iyon upang walang anu¬mang mawala sa mga pag-aari niya. Ma¬sama ang iginanti niya sa aking kabutihan. 22 Gawin ito ng Diyos kay David at higit pa kung bukas ng umaga’y may iniwan akong isang lalaking buhay sa kanyang sam¬ba¬hayan.”
23 Nang makita ni Abigail si David, agad itong bumaba mula sa asno at yumukong sayad sa lupa ang mukha sa harap ni David. 24 At sa¬mantalang nakayuko sa kanyang paanan, si¬nabi ni Abigail: “Panginoon ko, sa akin ninyo ibagsak ang sisi! Ipahintulot sana ninyong mag¬salita sa inyo ang inyong ling¬kod at paking¬gan ang kanyang sasabihin. 25 Huwag sanang isaalang-alang ng aking panginoon ang wa¬lang¬hiyang lalaking si Nabal sapagkat tulad nga siya ng kanyang pangalan: Nabal – hangal! At hindi ko naman nakita – ako na inyong lingkod – ang mga lalaking isinugo ng aking panginoon.
26 At ngayon, panginoon ko, kung paa¬nong buhay si Yawe at kayo man ay buhay, hinadla-ngan kayo ni Yawe sa pagpa¬padanak ng dugo para ipaghiganti ang inyong sarili. Matulad na¬wa kay Nabal ang inyong mga kaaway at lahat ng nagha¬hangad ng ma¬sama sa aking pangi¬noon! 27 Tanggapin sana ninyo ang regalong ito na dala ng inyong lingkod para sa inyo, at ibi¬gay sa mga kaba¬taang sumusunod sa inyo. 28 At pata¬warin sana ninyo ang pagku¬kulang ng inyong lingkod.
Palalawigin nga ni Yawe ang angkan ng aking panginoon sapagkat ipakikipaglaban ninyo ang mga digmaan ni Yawe at walang kasamaang matatagpuan sa inyo sa buong buhay ninyo. 29 Kung may magtangka man sa inyong buhay, buhay ng aking panginoo’y ibibigkis sa bigkis ng buhay sa panga¬ngalaga ni Yaweng inyong Diyos. At ibabala niya sa tirador ang buhay ng inyong mga kaaway.
30 Kapag tinupad na ni Yawe ang aking pangi¬noon ang kabutihang ipinangako niya sa inyo at hinirang kayong pinuno ng Israel, 31 hindi ma¬giging pabigat o kargo de kon¬si¬yensya ng aking panginoon ang walang ka¬buluhang pag¬danak ng dugo o paghi¬higanti para sa sarili. Pagpalain nawa ni Yawe ang aking panginoon, at alala¬hanin naman ninyo ang inyong alipin.”
32 At sinabi ni David kay Abigail: “Purihin si Yaweng Diyos ng Israel na nagsugo sa iyo sa araw na ito para salubungin ako! 33 Pag¬palain ang iyong magaling na paghatol at pagpalain ka sapagkat nahadlangan mo ako ngayon sa pag¬papadanak ng dugo at sa aking paghihigan¬ti. 34 At saksi ko si Yaweng Diyos ng Israel na hi¬¬¬nad¬¬langan niya akong gawan ka ng masama. Kung hindi ka nagmadaling salu¬bungin ako, ti¬yak na walang malalabing buhay sa mga la¬laki sa sam¬ba¬hayan ni Nabal pagsa¬¬pit ng uma¬ga.”
35 Tinanggap ni David mula kay Abigail ang dala nito at sinabi: “Umuwi kang mapa¬yapa. Narinig ko ang iyong tinig at tinanggap ang iyong pagsamo.” 36 Bumalik si Abigail kay Nabal na may malaking handaan sa bahay, parang handaan ng hari. Masaya si Nabal at lasing na lasing kaya walang binanggit na anuman sa kanya si Abigail hanggang mag-umaga. 37 At kinauma-gahan, nang mahimasmasan na si Nabal, sinabi ni Abigail sa kanya ang lahat. Ina¬¬take siya sa puso at naparalisado. 38 At ma¬¬karaan ang sampung araw, binawian siya ng buhay ni Yawe.
39 Nang mabalitaan ni David na patay na si Nabal, sinabi niya: “Purihin si Yawe na ipi¬nag-higanti ang paghamak na tinanggap ko sa kamay ni Nabal at hinadlangan ako sa paggawa ng masama. Pinabalik din ni Yawe sa ulo ni Nabal ang kasamaang ginawa nito.”
Nagpasabi si David kay Abigail para maging asawa niya. 40 Pinuntahan ng mga lingkod ni David si Abigail sa Karmel at kinausap siya: “Pinapunta kami ni David upang kunin ka bilang asawa niya.” 41 Yu¬muko sa lupa si Abigail at sinabing “Narito ang iyong lingkod na taga¬pag-hugas lamang ng mga paa ng mga utusan ng aking pangi¬noon.” 42 Agad siyang tumindig at sumakay sa asno, kasama ang lima sa kan¬yang mga dalagang utusan. Umalis siyang ka¬su¬nod ng mga sugo ni David at naging asawa nito.
43 Kinuha rin ni David bilang asawa si Ahinoam ng Jezrael, at kapwa sila naging mga asawa niya. 44 Ibinigay naman ni Saul ang kanyang anak na si Micol na asawa ni David kay Palti na anak ni Lais na taga-Galim.

26 • 1 Pinuntahan si Saul sa Gibea ng mga taga-Zif para sabihin sa kanyang nagtatago si David sa burol ng Hakila sa silangan ng Yesimon. 2 Kaya lumusong si Saul sa disyerto ng Zif kasama ang tatlong libong piling tauhan niya mula sa Israel upang hana¬pin si David. 3 Nag¬kampo siya sa burol ng Ha¬kila sa tabi ng daan sa silangan ng Yesimon. Nasa dis¬yerto noon si David at nang makita niyang nasundan siya ni Saul sa disyerto, 4 nag¬padala siya ng mga espiya at nalaman niyang dumating nga si Saul. 5 Nag¬punta si David sa pinagkakampuhan ni Saul at minanmanan ang hinihigaan nina Saul at Abner na anak ni Ner at heneral ng hukbo ni Saul. Natutulog si Saul sa loob ng kampo at naka¬paligid sa kanya ang mga tauhan niya.
6 At tinanong ni David ang Heteong si Ahi¬melek at si Abisai na anak ni Sarvia at kapatid ni Yoab: “Sino ang sasama sa akin sa kampo ni Saul?” Sumagot si Abisai: “Sa¬sama ako sa iyo.” 7 Nang gabing iyon, nag¬punta sina David at Abisai sa kampo, at naroon si Saul na naka¬higang tulog sa loob ng kampo, nakatusok sa lupa sa ulunan niya ang kanyang sibat, sa¬man¬talang sina Abner at ang iba pang mga tauhan niya ay nakahiga sa paligid nito.
8 Sinabi ni Abisai kay David: “Sa araw na ito, inilagay ng Diyos sa iyong mga kamay ang iyong kaaway. Bayaan mong ipako ko siya ngayon sa lupa sa isang ulos lamang ng sibat, at hindi na kailangang ulitin pa.” 9 Ngunit sinabi ni David kay Abisai: “Huwag mo siyang patayin. Sapagkat sino ang makapagbubuhat ng kamay sa pinahiran ni Yawe at hindi maparuru¬sahan? 10 Buhay si Yawe – bahala si Yawe sa kanya. Si Yawe lamang ang makahahampas sa kanya pag¬sapit ng kanyang oras at siya’y ma¬matay o mapatay sa labanan. 11 Huwag nawang itulot ni Yawe na mapagbuhatan ko ng kamay ang pinahiran ni Yawe! Kunin mo ngayon ang sibat sa kanyang ulunan at ang sisidlan ng tubig, at umalis na tayo.” 12 Kinuha ni David ang sibat at ang sisidlan ng tubig sa ulunan ni Saul at umalis na sila. Walang nakakita at walang nakaalam at walang nagising. Tulog silang lahat sapagkat pinatulog sila nang mahimbing ni Yawe.
13 Nagpunta si David sa kabilang libis at tumindig sa tuktok ng burol – malayo sa kanila – 14 at sumigaw sa mga tauhan ni Saul at kay Abner na anak ni Ner: “Ba’t di ka sumagot, Abner?” Sumagot si Abner: “Sino ka na tumatawag sa hari?” 15 Sinabi ni David kay Abner: “Hindi ka ba lalaki? Sino ang katulad mo sa Israel? Bakit hindi mo binan¬tayang mabuti ang iyong panginoong hari? May nakapasok sa kampo para patayin ang haring panginoon mo! 16 Ganito mo ba tinu-tupad ang iyong tungkulin? Saksi ko si Yawe na dapat kang mamatay sa¬pagkat hindi mo binantayan ang iyong panginoon, ang hini¬rang ni Yawe. Hanapin mo ngayon kung nasaan ang sibat ng hari at ang sisidlan ng tubig na nasa kanyang ulunan.”
17 Nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagtanong: “Boses mo ba ’yan, David, anak ko?” Sumagot si David: “Boses ko nga, aking panginoon, mahal na Hari! 18 Bakit ako tinu¬tugis ng aking panginoon? Ano ang nagawa ko? Anong kasalanan ang nagawa ko? 19 Paking¬gan nga¬yon ng aking pangi¬noong hari ang sasabihin ng kanyang lingkod. Kung si Yawe ang may kagagawan para usigin ninyo ako, mag¬lubag nawa ang loob niya sa pamamagi¬¬tan ng handog; ngunit kung mga tao ang may gawa nito, sum¬pain sila sa harap ni Yawe sapagkat ipi¬nagta¬buyan nila ako ngayon mula sa paki¬kibahagi ko sa pamana ni Yawe na waring sina¬sabing ’Hu¬mayo ka at maglingkod sa ibang mga diyos.’ 20 Huwag sanang pumatak sa lupa ang aking dugo na malayo sa harap ni Yawe! Sapagkat lumabas ang hari ng Israel para maghanap ng isang pulgas lamang, gaya ng pangangaso sa isang ibon sa kabundukan.”
21 Sinabi naman ni Saul: “Nagkasala ako! Bumalik ka na, David, anak ko. Hindi na kita muling gagawan ng masama sapagkat pinahalagahan mo ang aking buhay sa araw na ito. Para akong loko at labis na nagkamali.” 22 Su¬magot si David: “Heto ang inyong sibat, mahal na Hari! Paparituhin ninyo ang isa sa inyong mga lingkod para kunin ito. 23 Gina¬gantimpalaan ni Yawe ang pagiging matuwid at matapat ng bawat isa. Sa araw na ito, inilagay kayo ni Yawe sa aking mga kamay ngunit ayaw kong pagbuhatan ng kamay ang pinahiran ni Yawe. 24 Kung paano kong pi¬na¬halagahan ngayon ang inyong buhay, pa¬ha¬lagahan din nawa ni Yawe ang aking buhay at sagipin ako sa lahat ng kagipitan.”
25 At sinabi ni Saul kay David: “Pagpalain ka, David, anak ko! Magtatagumpay ka sa lahat mong gagawin.” Nagpatuloy na si David sa kan¬yang landas at umuwi naman si Saul.
Si David sa mga Pilisteo
27 1 Naisip ni David: “Mamamatay ako balang araw sa kamay ni Saul, mabuti pang tumakas ako sa lupain ng mga Pilisteo at nang magsawa si Saul sa pag¬hanap sa akin sa buong Israel at maka¬wala ako sa kanyang mga kamay.” 2 Kaya umalis si David at ang anim¬naraang tauhang kasama niya, at nagpunta kay Akis na anak ni Maok at hari ng Gat. 3 Tumira siya at ang kanyang mga tauhan sa piling ni Akis sa Gat; kasama ng bawat isa ang kanyang pamilya at kasama naman ni David ang dalawa niyang asawang sina Ahinoam ng Jezrael at Abigail ng Karmel na biyuda ni Nabal. 4 Nang malaman ni Saul na tumakas si David sa Gat, hindi na niya ito hinanap.
5 Sinabi ni David kay Akis: “Kung mabuti ang pagtingin mo sa akin, pakibigyan mo naman ako ng lugar na matitirhan sa isa sa mga bayan sa kabukiran. Bakit mani¬nirahang kasama mo sa siyudad ng hari ang iyong lingkod?” 6 Nang araw ding iyon, ibinigay ni Akis kay David ang Siklag na hanggang ngayo’y sa mga hari na ng Juda. 7 Isang taon at apat na buwang nanirahan si David sa lupain ng mga Pilisteo.
8 Umahon si David at ang kanyang mga tau¬han at sinalakay ang mga Gesurita, ang mga Gergeseo at ang mga Amalecita – sapag¬kat ang mga ito ang nakatira sa lupaing suma¬sa¬kop mula Telem hanggang Sur at sa lupain ng Ehipto. 9 Sa pagsalakay ni David sa isang lupain, wala siyang itinitirang buhay, lalaki o babae, at tinatangay ang mga tupa, baka, asno, kamelyo at mga damit. At saka siya bumabalik kay Akis. 10 Tuwing tatanungin siya ni Akis: “Saan kayo lumusob ngayon?” sumasagot si David, “Sa timog ng Juda,” o “Sa timog ng Jerameel,” o “Sa timog ng mga Kenita.” 11 Wa¬lang itinitirang buhay si David, lalaki o babae, para dalhin sa Gat sapagkat naisip niyang “Baka magsalita sila laban sa amin at sabihing ‘Ito ang ginawa ni David’.” Gayon ang ginawa niya habang naka¬tira siya sa lupain ng mga Pilisteo. 12 Pinag¬ka¬tiwalaan ni Akis si David at naisip niyang “Kamuhi-muhi na si David sa kan¬yang bayang Israel kayat magiging lingkod ko na siya habampanahon.”
Sumangguni si Saul sa babaeng espiritista
28 • 1 Nang panahong iyon, tinipon ng mga Pilisteo ang ka¬nilang hukbo para labanan ang Israel. Sinabi ni Akis kay David: “Dapat mong malaman na sasama ka sa akin sa hukbo pati ang iyong mga tauhan.” 2 Sumagot si David: “Kaya makikita mo rin kung ano ang ma¬gagawa ng iyong lingkod.” Sinabi ni Akis kay David: “Gagawin kitang badigard ko habang buhay.”
3 Patay na noon si Samuel at ipinag¬luksa siya ng buong Israel, at inilibing siya sa Rama na kanyang lunsod.
4 Nagtipon ang mga Pilisteo sa Sumen at doon nagkampo; tinipon naman ni Saul ang buong Israel at sa Gilboa sila nag¬kampo. 5 Nang makita ni Saul ang hukbo ng mga Pilisteo, natakot siya at labis na nangilabot ang kanyang puso.
6 Sinangguni ni Saul si Yawe pero hin¬di sumagot si Yawe, maging sa pana¬ginip o sa Urim o sa mga propeta. 7 At si¬nabi ni Saul sa kanyang mga utusan: “Ihanap ninyo ’ko ng isang babaeng na¬ka¬¬sa¬sang¬guni sa espiritu ng mga patay upang ma¬ka¬punta ako sa kanya at ma¬kasangguni.” Sinabi sa kanya ng mga utusan: “Mayroon sa Endor.” 6b Sapag¬kat pinalayas na ni Saul mula sa lupain ang mga midyum at mga espiritista.
8 Nagbalatkayo si Saul, nagsuot ng ibang damit at lumakad kasama ang dalawa niyang tauhan. Gabi na nang duma¬ting sila sa babae at sinabi niya: “Sumangguni ka sa espiritu para sa akin at tawagin mo ang sasabihin ko sa iyo.” 9 Ngunit sumagot ang babae: “Naku, alam mo naman ang ginawa ni Saul, pinalayas niya sa lupain ang mga midyum at espi¬ritista. Bakit mo inilalagay sa bitag ang aking buhay, para ba patayin ako?”
10 Ngunit sumumpa si Saul sa ngalan ni Yawe: “Saksi ko si Yawe – hinding-hindi ka mapapahamak dahil dito.”
11 At sinabi ng babae: “Sino ang gusto mong tawagin ko?” At sumagot siya: “Tawagin mo si Samuel.”
12 Sumigaw nang malakas ang babae nang makita niya si Samuel at sinabi kay Saul: “Bakit ninyo ako nilinlang? Si Saul kayo!” 13 At sinabi naman sa kanya ng hari: “Huwag kang matakot. Pero ano ang nakikita mo?” Sinabi ng babae: “Isang diyos ang nakikita kong lumilitaw mula sa lupa.” 14 Tinanong ni Saul ang babae: “Ano’ng itsura niya?” Suma¬got ang ba¬bae: “Isang matandang naka¬kapa ang lu¬mi¬litaw.”
At alam na ni Saul na si Samuel iyon, at yumuko siyang abot sa lupa ang mukha. 15 Sinabi ni Samuel kay Saul: “Ba’t mo ’ko ipinatawag at ginambala?” Sumagot si Saul: “Balisang-balisa ako. Nakikipaglaban sa akin ang mga Pilisteo at pina¬ba¬yaan na ako ng Diyos. Hindi na niya ako sinasagot sa pamamagitan man ng mga propeta o sa pa¬na¬ginip. Kaya ipinatawag kita para sabihin sa akin ang dapat kong gawin.”
16 Sinabi ni Samuel: “Bakit mo ’ko ti¬na¬tanong kung isinaisantabi ka na ni Yawe at naging kaaway mo na siya. 17 Ti¬notoo ni Yawe ang ipinasabi niya sa akin. Pinunit ni Yawe ang kaharian mula sa iyong kamay at ibinigay ito sa iyong kapwa, kay David. 18 Sapagkat hindi mo pinakinggan ang tinig ni Yawe o isi¬¬¬na¬ka¬¬¬tuparan ang nag-aapoy niyang po¬ot sa mga Amalecita kaya ginawa ito ngayon sa iyo ni Yawe. 19 At ibibigay pa ni Yawe ang Israel, ka¬sama ka, sa kamay ng mga Pilisteo. Bu¬kas, ikaw at ang iyong mga anak na lalaki ay makakasa¬ma ko, at ibibigay ni Yawe pati ang huk¬¬bo ng Israel sa kamay ng mga Pilisteo.”
20 Biglang nabuwal sa lupa si Saul nang tuwid na tuwid dahil sa matinding sindak sa mga salita ni Samuel. Wala nang na¬lalabing lakas sa kanya sapag¬kat mag¬hapo’t magdamag siyang hindi kumakain ng anuman.
21 Nilapitan ng babae si Saul at nakita ang matinding takot nito, at sinabing “Si¬nunod kayo ng inyong lingkod at isi¬nuong sa panganib ang aking buhay at ginawa ko ang inyong sinabi. 22 At nga¬yon, kayo naman sana ang makinig sa inyong ling¬kod. Pa¬ba¬yaan ninyong hai¬nan ko kayo ng kaun¬ting pagkain para magka¬roon kayo ng lakas na mag¬pa¬tuloy sa inyong lakad.”
23 Ngunit tumanggi si Saul at sina¬bing “Hindi ako kakain.” Pinilit siya ng kanyang mga utusan at ng babae, at pinag¬bigyan niya ang mga ito. Buma¬ngon siya mula sa lupa at naupo sa higaan. 24 Agad namang kinatay ng babae ang pinatabang guya sa bahay; kumuha ng harina, mi¬nasa at nilutong tinapay na wa¬lang leba¬dura. 25 At inihain ang mga ito kay Saul at sa mga utusan nito. Ku¬main sila at saka umalis nang gabi ring iyon.

29 1 Tinipon ng mga Pilisteo ang lahat nilang hukbo sa Afek, at nagkampo naman ang mga Israelita sa tabi ng bukal sa Jezrael. 2 Samantalang nangunguna ang mga pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo sa kani¬lang mga pangkat ng daan-daan at libu-libo, kasama naman ni Akis sa hulihan si David at ang kanyang mga tauhan. 3 Nag¬tanong ang mga pinunong Pilisteo: “Sino ba ang Hebreong ito?” Sinabi ni Akis sa mga pinunong Pilisteo: “Ito si David na lingkod ni Saul na hari ng Israel. Ma¬ta¬gal ko na siyang kasama, mahigit nang isang taon, at wala naman akong maipipintas sa kanya.”
4 Ikinagalit iyon ng mga pinunong Pilisteo at sinabi sa kanya: “Pabalikin mo ang taong iyan nang makauwi siya sa lugar na ibinigay mo sa kanya. Hindi siya dapat sumama sa atin sa la¬¬ba-nan sapagkat baka bumaligtad pa siya la¬ban sa atin. At paano pa siya muling mapapa¬lapit sa kanyang amo kundi sa pa¬mamagitan ng mga ulo ng ating mga tauhan? 5 Hindi ba’t ito ang David na sinayawan nila’t inawitan ng ‘Napatay ni Saul ang kanyang libu-libo at ni David naman ang kanyang laksa-laksa’?”
6 Kaya tinawag ni Akis si David at sinabi sa kanya: “Alam ni Yawe na ikaw ay mapag¬ka-katiwalaan at ikalulugod kong makasama ka sa kampo sapagkat wala akong nakitang masama sa iyo mula nang lumapit ka noon sa akin hang¬gang sa araw na ito. Pero hindi maganda ang tingin sa iyo ng mga pinuno. 7 Bumalik ka na at tahimik na umalis, at huwag inisin ang mga pinunong Pilisteo.”
8 Tinanong ni David si Akis: “Pero ano ang nagawa ko? Ano ang nakita mo sa iyong lingkod mula nang humarap ako sa iyo hanggang sa araw na ito para hindi ako makasama at maki-paglaban sa mga kaaway ng panginoon kong hari?” 9 Sumagot si Akis kay David: “Alam kong para kang isang anghel ng Diyos na kalugud-lugod sa akin pero ayaw ng mga pinunong Pi¬lis¬teo na pasamahin ka sa labanan. 10 Kaya maaga kang gumising bukas pati na ang kasama mong mga lingkod ng iyong panginoon.”
11 At maaga ngang gumising kinabukasan si David at ang kanyang mga tauhan, umalis pagbubukanliwayway at nagbalik sa lupain ng mga Pilisteo. Umahon naman sa Jezrael ang mga Pilisteo.
Ang paglupig sa Siklag
30 • 1 Dumating si David at ang kanyang mga tauhan sa Siklag sa ikatlong araw pero nalusob na ng mga Amalecita ang Negeb pati ang Siklag at sinunog iyon. 2 Binihag nila ang mga babae at lahat ng naroon, bata man o matanda. Wala silang pinatay kundi isinama ang mga iyon sa kanilang pag-alis.
3 Pagdating ni David at ng kanyang mga tauhan sa lunsod, hayu’t sunog ito at natangay ang kanilang mga asawa’t mga anak. 4 Umiyak nang malakas si David at ang kanyang mga kasama hanggang wala na silang mailuha. 5 Na¬bihag ang da¬lawang asawa ni David na sina Ahinoam ng Jezrael at Abigail ng Karmel na biyuda ni Nabal.
6 Balisang-balisang si David sapagkat pinag-uusapan ng mga tao na batuhin siya dala ng sama ng loob dahil sa sina¬pit ng kanilang mga anak. Ngunit naka¬tagpo ng lakas si David kay Yaweng kan¬yang Diyos. 7 Sinabi ni David sa pa¬ring si Abiatar na anak ni Ahimelek na dalhin sa kanya ang efod. Dinala nga ni Abiatar ang efod kay David, 8 at sinang¬¬guni ni David si Yawe: “Hahabulin ko ba ang mga suma¬lakay? Maaabutan ko ba naman sila?” At suma¬got si Yawe: “Ha-bulin mo sila sapag¬¬kat maaabutan mo sila at maba¬bawi ang mga bihag.”
9 Lumakad si David kasama ang anim¬¬naraan niyang tauhan, at duma¬ting sila sa sapa ng Besor. Naiwan doon 10 ang dala¬wan¬daang tauhan na pagod na para ma¬katawid pa sa sapa. At nag¬patuloy si David sa paghabol kasama ang apat¬na¬raan.
11 May natagpuan silang isang Ehipsiyo sa bukid at iniharap nila ito kay David. Binigyan siya ng pagkain at ka¬nilang pi¬na¬¬inom, 12 at binigyan pa rin ng kapi¬ra¬song bibingkang igos at dalawang buwig na pasas. Kumain ang Ehip¬siyo at na¬numbalik ang kanyang lakas dahil tatlong araw at tatlong gabi na itong hindi kuma¬kain at hindi umi¬inom. 13 At sinabi sa kanya ni David: “Sino ang amo mo at taga¬¬saan ka?” Su¬magot siya: “Ako’y isang Ehipsiyo, alipin ng isang Amalecita. Iniwan ako ng aking amo noong maka¬lawa sapag¬kat nagkasakit ako. 14 Sina¬la¬kay namin ang Negeb ng mga Kereteo at ang lupa¬in ng Juda at ang Negeb ng Kaleb, at sinunog namin ang Siklag.”
15 At sinabi ni David sa kanya: “Masa¬samahan mo ba ako sa pangkat na ito?” Sumagot siya: “Isumpa ninyo sa ngalan ng Diyos na hindi ninyo ’ko pa¬pa¬tayin o ibabalik sa aking amo, at sa¬sa-mahan ko kayo sa kanila.”
16 At sinamahan ng Ehipsiyo si David. Hayun sila nakakalat sa buong kampo, nagkakainan, nag-iinuman at pinagpi¬pi¬yestahan ang napakaraming nasam¬sam sa lupain ng mga Pilisteo at sa lupain ng Juda. 17 Nakipaglaban si David sa mga ito mula dapithapon hang¬gang kinagabihan ng sumunod na araw, at walang naka¬ta¬kas sa kanila liban sa apatnaraang kaba¬taang naka¬alis na sakay sa kamelyo.
18 Nabawi ni David ang lahat ng kinu¬ha ng mga Amalecita pati ang dalawa niyang asawa. 19 Walang nawala, mula sa maliit hanggang sa malaki, sa mga anak na lalaki o babae, sa mga nasamsam at sa lahat ng kinuha ng mga Amalecita – nabawing lahat ni David. 20 At kinuha ni David ang lahat ng tupa at baka, at itinaboy nila ang kawang ito na nauuna kay David, at sinabing “Ito ang samsam ni David!”
21 Binalikan ni David ang dalawandaang lalaking pagod na pagod na para makasunod pa sa kanya at kanya na¬mang pinaiwan sa sapa ng Besor. Sina¬lubong ng mga ito si David at lahat ng kasama niya. Nilapitan sila at kinu¬musta ni David.
22 Ngunit may mga taong masama at patapon sa mga kasama ni David at sinabi ng mga ito: “Dahil hindi sila su¬mama sa atin, hindi sila dapat partihan sa ating nasamsam. Kunin lang ng ba-wat isa sa kanila ang kanyang asawa at mga anak, at makakaalis na sila.”
23 Sinabi naman ni David: “Mga kapa¬tid, hindi ninyo dapat gawin ’yan sa bigay sa atin ni Yawe. Iningatan niya tayo at ibinigay sa ating mga kamay ang pangkat na lumusob sa atin. 24 Sino ang makikinig sa inyo sa bagay na ito? Pa¬tas lamang ang kaparte ng naki¬paglaban at ng naiwan sa mga gamit; sama-sama silang maki¬ki¬bahagi.” 25 Mula nga nang araw na iyon hang-gang ngayon, naging tuntunin na ito at kaugalian sa Israel.
26 Pagkarating ni David sa Siklag, pina¬dalhan niya ng kaparte sa nasam¬sam ang mga matatanda ng Juda, ang kanyang mga kaibigan, at sinabing “Na¬rito ang pa¬sa¬lubong para sa inyo mula sa nasamsam sa mga kaaway ni Yawe.”
27 Pinadalhan niya ang mga nasa Be¬tel, Ramot, Negeb, Yatir, 28 Aroer, Sif¬mot, Estemoa, 29 Karmel, mga lunsod ng Jerameel at ng mga Kenita, 30 Horma, Bor-Asan, Atak, 31Hebron, at lahat ng lugar ng tini¬gi¬lan ni David at ng kanyang mga tauhan.
Pagkamatay ni Saul
31 • 1 Nakipagdigma ang mga Pilisteo sa Israel, at tumakas ang mga Israelita at marami ang na¬buwal at namatay sa Bundok Gilboa.
2 Nasukol ng mga Pilisteo si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki, at pinatay nila sina Yonatan, Abinadab at Malkisua na mga anak ni Saul. 3 Naging matindi ang sagupaan sa paligid ni Saul at natakot siya nang makita siya ng mga manu¬nudla.
4 At sinabi ni Saul sa kanyang taga¬pag¬dala ng kalasag: “Bunutin mo ang iyong tabak at saksakin ako, kung hindi’y ang mga supot na ito ang dara¬ting at sasaksak sa akin at paglala¬ruan ako.” Ngunit ayaw iyong gawin ng kan¬yang tagapagdala ng kalasag dahil sa labis na takot. Kaya bi¬nu¬not ni Saul ang sariling tabak at ibinagsak ang katawan dito. 5 Nang makita ng taga¬pagdala ng kalasag na patay na si Saul, nag¬saksak na rin siya sa sarili at kasamang namatay ni Saul.
6 Kaya magkakasamang namatay nang araw na iyon si Saul at ang kanyang tat¬long anak na lalaki at ang taga¬pagdala niya ng kalasag pati ang lahat niyang tauhan.
7 Nang makita ng mga Israelita sa ka¬bi¬lang dako ng lambak at ng mga nasa kabilang ibayo ng Jordan na tu¬ma¬kas na ang hukbo ng Israel at patay na si Saul at ang mga anak nito, iniwan na rin nila ang kanilang mga lunsod at nag¬sitakas. Du¬ma¬ting naman ang mga Pilisteo at ang mga ito ang tumira roon.
8 Kinabukasan, dumating ang mga Pilisteo para hubaran ang mga patay, at nakita nilang patay si Saul at ang tatlo nitong anak sa Bundok Gilboa. 9 Pinu¬gutan nila ng ulo si Saul at kinuha ang kan¬¬yang mga sandata at nagpa¬sugo sa buong lupain ng mga Pilisteo upang ipa¬hayag ang magandang balita sa mga templo ng kanilang mga diyus-diyusan at sa mga tao. 10 Inilagay nila ang mga sandata ni Saul sa templo ni Astarte at ipi¬nako ang kanyang bang¬kay sa pader ng Betsan.
11 Nang mabalitaan ng mga taga-Yabes-Galaad ang ginawa ng mga Pi¬listeo kay Saul, 12 lumabas ang lahat nilang ma¬gigiting na lalaki at magda¬mag na nag¬lakbay, at kinuha nila mula sa pader ng Betsan ang mga bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak. Nagbalik sila sa Yabes, at doon sinunog ang mga ito. 13 Ki¬nuha nila ang mga buto at inilibing sa lilim ng punong-tamarisko sa Yabes, at pitong araw na nag-ayuno.

No comments: