Genesis

1• 1 Nang simulang likhain ng Diyos ang langit at lupa, 2 ang lupa ay walang anyo at walang nabu¬buhay. Nababalot ng kadiliman ang kailaliman at aali-aligid ang espi¬ritu ng Diyos sa iba¬baw ng mga tubig.
3 Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwa¬nag,” at nagkaroon ng liwanag. 4 Minas¬dan ng Diyos ang liwanag – at iyon nga ay mabuti – at inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman. 5 Tinawag ng Diyos na “Araw” ang liwanag, at “Gabi” ang kadiliman. Gumabi at umu¬maga: ang Unang Araw.
6 Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng ma¬tibay na sahig sa pagitan ng mga tubig upang paghiwalayin ang mga tubig sa kapwa-tubig.” 7 Sa gayon, gina¬wa ng Diyos ang sahig na naghi¬hiwalay sa tubig na nasa silong nito at sa tubig na nasa ibabaw nito. At gayon nga ang nang¬yari. 8 Tinawag ng Diyos na “Langit” ang matibay na sahig. Guma¬bi at umu-maga: ang Ikalawang Araw.
9 Sinabi ng Diyos: “Magsama-sama ang mga tubig sa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang tuyong lupa.” At gayon nga ang nangyari.
10 Tinawag ng Diyos na “Lupa” ang dakong tuyo, at “Dagat” ang mga tubig na pinagsama-sama. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti.
11 Sinabi ng Diyos: “Magbinhi ang lupa ng mga damo at mga halamang nagbubunga ng buto, at mga puno sa lupa na namumunga ng mga prutas na may buto sa loob, ang bawat isa ayon sa sariling uri.” Gayon nga ang nang¬yari. 12 Nag-binhi ang lupa ng mga damo at mga halamang nagbubunga ng buto at mga punong namumunga ng mga prutas na may buto, ayon sa uri ng bawat isa. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti. 13 Gumabi at umu¬maga: ang Ikatlong Araw.
14 Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng mga ilaw sa sahig sa itaas upang ibukod ang araw sa gabi, at magsilbing mga palatandaan ng mga panahon, araw at taon. 15 At mag¬ning¬ning ang mga ito sa sahig sa itaas para tanglawan ang lupa.” At gayon nga ang nangyari.
16 Kaya dalawang malaking ilaw ang ginawa ng Diyos: ang mas malaking ilaw upang pamahalaan ang mag¬hapon, at ang maliit na ilaw para pama¬halaan ang magdamag. At ginawa rin ng Diyos ang mga bituin. 17 Inilagay ng Diyos ang mga iyon sa sahig sa itaas upang tanglawan ang lupa, 18 at pamahalaan ang mag¬hapon at magdamag, at ihiwalay ang li-wanag sa kadiliman. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti. 19 Gumabi at umumaga: ang Ikapat na Araw.
20 Sinabi ng Diyos: “Mapuno ng mga buhay na nilalang ang mga tubig at mag¬liparan ang mga ibon sa ibabaw ng lupa sa silong ng matibay na sahig.” 21 Nilikha ng Diyos ang mala-laking dam¬bu¬hala sa karagatan, at lahat ng nabu¬bu¬hay at lumalangoy sa mga tubig sa dagat, at lahat ng ibong lumilipad, ayon sa sariling uri ng bawat isa. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti. 22 Pinag¬pala ng Diyos ang mga ito at sinabi: “Lumago kayo at magpa¬rami, punuin ninyo ang tubig ng mga dagat, at magparami rin ang mga ibon sa ibabaw ng lupa.” 23 Gumabi at umu¬maga: ang Ikalimang Araw.
24 Sinabi ng Diyos: “Magsupling ang lupa ng mga buhay na hayop ayon sa sariling uri ng mga ito: mga maba¬bangis na hayop at iba pang mga hayop, at mga hayop na gumagapang sa lupa, ayon sa sariling uri ng bawat isa.” At gayon nga ang nangyari. 25 Nilikha ng Diyos ang iba’t ibang uri ng mga hayop: ang ma¬babangis na mga hayop, ang iba pang mga hayop, at lahat ng guma¬gapang sa lupa ayon sa sariling uri ng mga ito. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti.
26 Sinabi ng Diyos: “Lalangin natin ang tao na ating larawan at kahawig. Sila ang makapangyari sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa lahat ng mababa¬ngis na hayop at sa iba pang mga hayop, at sa lahat ng guma¬gapang sa lupa.”
27 Kaya nilikha ng Diyos ang tao na kanyang larawan; larawan ng Diyos, siya ay kanyang nilikha; nilikha niya silang lalaki at babae.
28 Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: “Maging mabunga kayo at mag¬parami, punuin ninyo ang lupa at kayo ang ma-kapangyari rito. Kayo ang ma¬kapang¬yari sa mga isda sa dagat at mga ibon sa la¬ngit, sa bawat buhay na hayop na gu¬ma¬galaw sa lupa.”
29 Sinabi ng Diyos: “Ibinibigay ko sa inyo ang lahat ng halaman sa balat ng lupa na nagbubunga ng buto, at lahat ng punong namumunga ng mga prutas na may buto. Ang mga ito ang in¬yong pag¬kain. 30 At ibinibigay ko na¬man sa lahat ng mababangis na hayop, sa lahat ng ibon sa langit, sa lahat ng hayop na gumagapang sa lupa – sa lahat ng may hininga ng buhay – ang lahat ng luntiang halaman bilang pag¬kain nila.” At gayon nga ang nangyari. 31 Pinag¬masdan ng Diyos ang lahat ng kanyang ginawa, at tunay ngang na-pakabuti ng mga iyon. Gumabi at umu¬maga: ang Ikanim na Araw.

2 1 Sa gayon nilikha ang langit at lupa, at lahat ng nakakabit sa mga ito. 2 At sa Ikapitong Araw, natapos ng Diyos ang kanyang trabaho, at nagpa¬hinga sa araw na iyon sa lahat niyang gawain. 3 Pinagpala ng Diyos ang Ikapitong Araw at pinabanal iyon, sapagkat sa araw na iyon siya nagpa¬hinga sa lahat niyang gawain sa pag¬likha. 4 Ganito ni¬likha ang langit at lupa.
Pangalawang paglalahad ng paglikha
• Nang gawin ni Yawe-Diyos ang lupa at mga langit, 5 wala pang anumang palum¬pong ni halamang-ligaw na sumi¬sibol sapagkat hindi pa nagpapaulan sa lupa si Yawe-Diyos, at wala pang taong mag¬bubungkal ng lupa. 6 Ngunit may tubig na bumukal mula sa lupa at dinilig iyon.
7 Pagkatapos ay hinubog ni Yawe-Diyos ang Tao mula sa alabok ng lupa, at ini¬hinga sa ilong nito ang hininga ng buhay, at nabuhay ang Tao. 8 Nagtanim ang Di¬yos ng isang hardin sa Eden, sa silangan; at doon niya inilagay ang Taong kanyang hinubog. 9 Pinasibol ni Yawe-Diyos sa lupa ang lahat ng punong¬¬kahoy na maganda sa tingin at mabuting kainin. At inilagay niya sa gitna ng hardin ang Puno ng Bu¬hay at ang Puno ng Kaalaman tungkol sa Mabuti at Masama.
10 Umagos ang isang ilog mula sa Eden na dumilig sa hardin, at mula roo’y nagsanga ito sa apat. 11 Pison ang pa¬nga¬lan ng unang ilog. Umaagos ito sa buong lupain ng Evila na kina¬roroonan ng ginto, 12 ng lantay na ginto, mga mamahaling hiyas at mababa¬ngong dagta ng puno. 13 Gihon naman ang pangalan ng ikala¬wang ilog. Ito ang umaagos sa buong lu¬pain ng Kus. 14 Ang pangalan ng ikatlong ilog ay Tigris. Uma¬agos naman ito sa si¬la¬ngan ng Asi¬ria. At ang Eufrates ang ikapat na ilog.
15 Kinuha ni Yawe-Diyos ang Tao at inilagay sa hardin ng Eden upang bung¬kalin at alagaan iyon. 16 Pagkatapos ay inutusan ng Diyos ang Tao: “Kanin mo ang bunga ng lahat ng puno sa hardin, 17 ngunit huwag mong kakanin ang bunga ng Puno ng Kaa¬laman tungkol sa Mabuti at Masama, sapagkat sa oras na kanin mo ang bunga niyon ay tiyak na mamamatay ka.”
18 Sinabi ni Yawe-Diyos: “Hindi ma¬buti na mag-isa ang Tao; igagawa ko siya ng katulong na tulad niya.”
19 Kaya hinubog ni Yawe-Diyos mula sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at lahat ng ibon sa langit, at iniharap sa Tao ang mga iyon upang ito ang mag¬pangalan sa kanila. At anuman ang ita¬wag ng Tao ay iyon ang naging panga¬lan ng mga ito.
20 Kaya pinangalanan ng Tao ang lahat ng hayop, ang mga ibon sa langit, at mga mababangis na hayop. Ngunit ang Tao’y walang natagpuang katulong na katulad niya sa mga iyon. 21 Kaya pinatulog nang mahimbing ni Yawe-Diyos ang Tao. Kinuha niya ang isa sa mga tadyang nito, at saka tinapalan ng laman ang pinag¬kunan niyon. 22 Mula sa tadyang na ki¬nuha sa Tao, hinubog ni Yawe-Diyos ang isang babae, at ini¬harap ito sa Tao.
23 Pagkatapos ay sinabi ng Tao: “Ito ngayon ang buto ng aking buto, at laman ng aking laman; at tatawagin siyang Babae: oo, galing nga siya sa Lalaki.”
24 Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kan¬yang ama at ina, at pipisan sa kanyang maybahay, at sila’y magiging isang la-man.
25 Hubad kapwa ang lalaki at ang kan¬yang asawa ngunit hindi sila nahi¬hiya.
Ang tukso at ang pagkakasala
3 • 1 Pinakatuso ang ahas sa lahat ng mababangis na hayop na ginawa ni Yawe-Diyos. Sinabi nito sa babae: “Sinabi ba talaga ng Diyos – Hindi kayo dapat kumain ng bunga ng alinmang puno sa hardin?” 2 Sinabi ng babae sa ahas: “Ma-kakain namin ang mga bunga ng mga puno sa hardin, 3 ngunit para sa bunga ng punong nasa gitna ng hardin sinabi ng Diyos – Huwag ninyong kakanin iyon ni hipuin man lang, kung hindi’y mama¬matay kayo.”
4 Sinabi ng ahas sa babae: “Hindi kayo mamamatay, 5 ngunit alam ng Diyos na sa oras na kainin ninyo iyon, mamumulat ang inyong mga mata at matutulad kayo sa mga diyos na alam ang mabuti at ma¬sama.”
6 Sa tingin ng babae ay katakam-takam ang bunga ng puno at masarap kainin – at tunay na magandang pa¬raan upang magtamo ng kaalaman. Kaya pumitas siya ng mga bunga niyon at kumain, at inabutan niya ka¬agad ang kanyang asawa na kasama niya. At kumain din iyon.
7 Namulat sila kapwa at nalaman nilang sila ay hubad. Kaya pinagtagni-tagni nila ang mga dahon ng igos at ginawa nilang tapi.
8 Narinig nila ang yabag ni Yawe-Diyos na namamasyal sa hardin sa ma¬lamig na hangin ng hapon. At nagtago sa likod ng mga puno sa hardin ang lalaki at ang babaeng asawa nito upang hindi sila makita ni Yawe-Diyos. 9 Tinawag ng Diyos ang lalaki, at sinabi: “Nasaan ka?” 10 Sumagot siya: “Na¬ri¬nig ko ang iyong tinig sa hardin at natakot ako dahil ako’y hubad, kaya ako nag¬tago.” 11 Sinabi ng Diyos: “Sino ang nag¬sabi sa iyong hubad ka? Ku¬main ka ba ng bunga ng puno na iniutos kong huwag ninyong kanin?” 12 Sumagot ang lalaki: “Ang babaeng isinama mo sa akin – siya ang nag-abot sa akin ng bu¬nga mula sa puno, kaya kumain ako.”
13 Sinabi ng Diyos sa babae: “Ano ang ginawa mo?” Sumagot ang babae: “Ni¬linlang ako ng ahas, kaya ako kuma¬in.”
Ang hatol ng Diyos
• 14 Sinabi ni Yawe-Diyos sa ahas:
“Dahil sa ginawa mong ito, ikaw ang susumpain sa lahat ng maba¬bangis na hayop at iba pang mga hayop! Gaga¬pang ka at kakain ng alikabok sa lahat ng araw ng iyong buhay!
15 Pagkakagalitin ko kayo, ikaw at ang babae, ang iyong supling at ang kan¬yang supling – dudurugin nito ang ulo mo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
16 Sinabi naman niya sa babae:
“Daragdagan ko ang iyong paghi¬hirap sa pagdadalantao, at manganganak ka sa sakit. Kakailanganin mo ang iyong asa¬wa, at siya ang makapangya¬yari sa iyo.”
17 Sa lalaki ay sinabi niya:
“Dahil nakinig ka sa babaeng asawa mo, at kinain mo ang bunga ng puno na ipinagbawal ko sa iyong kanin, sumpain ang lupa dahil sa iyo! Pag¬hihirapan mo ang iyong kakanin sa buong buhay mo. 18 Sa paghahanap mo ng gulay sa pa¬rang, mga tinik at dawag ang isisibol ng lupa para sa iyo. 19 Sa pawis ng noo mo mang¬gagaling ang tinapay na iyong ka¬¬kanin hang¬gang magbalik ka sa pu¬tik yamang doon ka kinuha, sapagkat ikaw ay ala¬bok at sa alabok ka babalik.”
20 Pinangalanang “Eva” ng lalaki ang babaeng asawa niya, sapagkat siya ang ina ng lahat ng nabubuhay. 21 Gu¬mawa si Yawe-Diyos ng mga damit na katad para sa lalaki at sa babaeng asa¬wa nito, at di¬na¬mitan niya sila. 22 At sinabi ni Yawe-Diyos: “Naging tulad na ng isa sa atin ang Tao, na marunong ku¬m¬i¬lala sa mabuti at sa masama. Hindi niya dapat abutin at pitasin pati ang bunga ng Puno ng Buhay, at kainin iyon at mabuhay habang pana¬hon.”
23 Kaya pinalayas siya ni Yawe-Diyos sa hardin ng Eden upang maglinang sa lu¬pang pinagmulan niya. 24 At nang ma¬pa-layas na ang Tao, naglagay ang Diyos ng mga kerubin at ng isang sumisik¬lab na tabak na nag-aapoy sa silangan ng hardin ng Eden upang bantayan ang daang patungo sa Puno ng Buhay.
Cain at Abel
4 • 1 Nakipagtalik ang Tao sa kanyang asawang si Eva; naglihi si Eva at ipina¬nganak niya si Cain – sapagkat si-nabi niyang “Nagkamit ako ng isang lala¬ki sa tulong ni Yawe.”
2 Pagkatapos, isinilang niya si Abel na kapatid ni Cain. Isang pastol ng mga tupa si Abel, at magsasaka naman si Cain.
3 Pagkaraan ng ilang panahon, nag¬handog si Cain kay Yawe ng mga ani ng lupa. 4 At naghandog din si Abel: inialay niya ang mga unang anak ng kanyang kawan at sinunog ang mga taba niyon.
Nasiyahan si Yawe kay Abel at sa handog nito, 5 pero hindi siya nasi¬yahan kay Cain at sa handog nito. Ikinagalit na lubha ito ni Cain at siya’y nalungkot. 6 At sinabi ni Yawe kay Cain: “Bakit ka galit at malungkot? 7 Kung gagawa ka ng mabuti, ika’y mama¬butihin. Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, nag-aabang sa pin¬tuan ang kasalanan. Han¬da siyang sugu¬rin ka, ngunit ikaw ang dapat maka¬pang¬yari sa kanya.”
8 Sinabi ni Cain sa kanyang kapatid na si Abel: “Lumabas tayo sa bukid.” Nang naroon na sila, sinugod ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel at pinatay.
9 Sinabi ni Yawe kay Cain: “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” Sumagot siya: “Hindi ko alam. Ako ba ang taga¬pag-alaga ng aking kapatid?”
10 Sinabi ni Yawe: “Ano ang ginawa mo? Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid. 11 Kaya sum¬pain ka at lumayas ka sa lupang ito na bumuka upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid na pinadanak ng iyong kamay. 12 Bungkalin mo man ang lupa, hindi na ito magbubunga pa para sa iyo. Magiging lagalag ka na lumala¬boy sa balat ng lupa.”
13 Sinabi ni Cain kay Yawe: “Hindi ko kaya ang parusa sa akin! 14 Pinalalayas mo ako ngayon sa lupang ito, matatago ako sa iyong harapan. Magiging pala¬boy ako at maglalagalag sa balat ng lupa, at papatayin ako ng sinumang makakita sa akin.” 15 Sinabi ni Yawe sa kanya: “Kung gayon, kapag may pu¬ma¬tay kay Cain, makapitong beses na ipag¬hihiganti si Cain.” At tinatakan ni Yawe si Cain upang hindi siya patayin ng sinumang maka¬kita sa kanya.
16 Lumayo si Cain mula sa harap ni Yawe, at nanirahan sa lupain ng Nod sa silangan ng Eden.
Ang mga anak nina Cain at Set
• 17 Nakipagtalik si Cain sa kanyang asawa; naglihi iyon at ipinanganak si Enoc. Nagtatayo noon si Cain ng isang siyudad kaya tinawag niya iyong Enoc mula sa pangalan ng kanyang anak. 18 Nagkaanak naman ng lalaki si Enoc, si Irad. Si Irad ang naging ama ni Mavael, at si Mavael ang ama ni Metusael, at si Metusael ang ama ni Lamec.
19 Nagkaroon ng dalawang asawa si Lamec, sina Ada at Sella. 20 Isinilang ni Ada si Yabel na naging ama ng mga naninirahan sa mga tolda at nag-aalaga ng mga kawan. 21 Kapatid niya si Yubal: siya naman ang naging ama ng lahat ng tumutugtog ng lira at plauta.
22 Nagkaanak din si Sella – si Tubal-Cain na siyang panday ng lahat ng kasangkapang tanso at bakal. Kapatid na babae ni Tubal-Cain si Noema.
23 Sinabi ni Lamec sa kanyang dala¬wang asawa:
“Ada at Sella, pakinggan ninyo ako,
mga asawa ni Lamec, dinggin ang aking mga salita:
sinugatan ako ng isang lalaki at pinatay ko siya,
at sinuntok ako ng isang kabataang lalaki at pinatay ko rin siya.
24 Kung pitong ulit ngang ipaghihiganti si Cain,
si Lamec nama’y pitumpu’t pitong beses.”
25 Muling nakipagtalik si Adan sa kan¬yang asawa at nagsilang ito ng isang lalaki, at pina¬ngalanang Set, sapagkat sinabi niya Binigyan ako ng Diyos ng lalaking kahalili ni Abel na pinatay ni Cain.”
26 Nagkaroon din ng anak na lalaki si Set na pinangalanan niyang Enos: siya ang unang tumawag kay Yawe sa ngalan niya.
Ang lahi ni Adan
5 1 Ito ang salaysay ng lahi ni Adan. Nang likhain ng Diyos si Adan, ginawa niya siyang kahawig ng Diyos. 2 Nilikha niya silang lalaki at babae, pinagpala at tinawag na Adan (na ibig sabihi’y Tao).
3 Isandaa’t tatlumpung taong gulang si Adan nang maging ama ng isang anak na lalaki na kahawig niya, na kanyang larawan. Pinanga¬lanan niya itong Set. 4 Pag¬ka¬panganak kay Set, nabuhay pa si Adan nang walundaang taon at nag¬karoon ng marami pang anak na lalaki at babae. 5 Sa kabuuan ay nabuhay si Adan nang siyamnaraa’t tatlumpung taon. At namatay siya.
6 Isandaa’t limang taong gulang si Set nang maging ama ni Enos. 7 Pagkasilang kay Enos, nabuhay si Set nang walun¬daa’t pitong taon. Nagkaroon din siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
8 Sa kabuuan, nabuhay si Set nang siyam¬naraa’t labindalawang taon. At namatay siya.
9 Siyamnapung taong gulang si Enos nang maging ama ni Cainan. 10 Pagka-panganak kay Cainan, nabuhay si Enos nang walundaa’t labin¬¬limang taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 11Sa kabuuan, na¬bu¬hay si Enos nang siyamnaraa’t limang taon. At namatay siya.
12 Pitumpung taong gulang si Cainan nang maging ama ni Malael. 13 Pagkapa¬nganak kay Malael, nabuhay si Cainan nang walundaa’t apatnapung taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 14 Sa kabuuan, nabuhay si Cainan nang siyamnaraa’t sampung taon. At namatay siya.
15 Animnapu’t limang taong gulang si Malael nang maging ama ni Yared. 16 Pagkapa¬nganak kay Yared, nabuhay si Malael nang walundaa’t tatlumpung taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 17 Sa kabuuan, na¬buhay si Malael nang walundaa’t siyam¬napu’t limang taon. At namatay siya.
18 Isandaa’t animnapu’t dalawang taon si Yared nang maging ama ni Enoc. 19 Pagka¬panganak kay Enoc, nabuhay si Yared nang walundaang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 20 Sa kabuuan, nabuhay si Yared nang siyamnaraa’t anim¬napu’t dalawang taon. At namatay siya.
21 Animnapu’t limang taon si Enoc nang maging ama ni Matusalem. 22 Pagkapa¬nganak kay Matusalem, lumakad si Enoc na kasama ang Diyos sa loob ng tatlundaang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 23 Sa kabuuan, nabuhay si Enoc nang tatlundaa’t animnapu’t limang taon. 24 Na¬buhay si Enoc sa piling ng Diyos, at wala na siya rito sapagkat kinuha siya ng Diyos.

• 25 Isandaa’t walumpu’t pitong taon si Matusalem nang maging ama ni Lamec. 26 Pagka¬panganak kay Lamec, nabuhay si Matusalem nang pitundaa’t walumpu’t dalawang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
27 Sa kabuuan, nabuhay si Matusalem nang siyamnaraa’t animnapu’t siyam na taon. At namatay siya. 28 Isandaa’t walum¬pu’t dalawang taon si Lamec nang maging ama ng isang anak na lalaki, 29 at pina¬ngalanan itong Noe, at sinabi niyang “Aaliwin niya tayo sa mabigat at mahirap na pagpapagal ng ating mga kamay dahil isinumpa ni Yawe ang lupa.” 30 Pagka¬panganak kay Noe, nabuhay si Lamec nang limandaa’t siyamnapu’t limang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 31 Sa kabuuan, nabuhay si Lamec nang pitun¬daa’t pitumpu’t pitong taon. At namatay siya.
32 Limandaang taon si Noe nang maging ama siya nina Sem, Kam, at Yafet.
Mga anak ng Diyos at mga anak ng tao
6 • 1 Nang magsimulang dumami ang tao sa lupa at nagkaroon sila ng mga anak na babae, 2 napansin ng mga anak na lalaki ng Diyos na magaganda ang mga anak na babae ng tao. At kinuha nila bilang asawa ang sinu¬mang mapusuan nila. 3 Sinabi ni Yawe: “Hindi habang panahong mananatili ang aking espi¬ritu sa tao sapagkat siya nga¬yo’y laman na lamang. Hanggang isandaa’t dala¬wam¬pung taon lamang aabot ang kanyang buhay.” 4 May mga higante sa lupa nang panahong iyon at maging pag¬ka¬raan noon, nang makipisan ang mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng tao at nag¬ka¬anak sa mga ito. Sila ang mga bayani ng nag¬daang panahon, ang mga tanyag na tao.
Ang baha
• 5 Nakita ni Yawe na labis na ang kala¬pas¬tanganan ng mga tao sa lupa at wala nang laman ang puso kundi kasamaan sa lahat ng araw. 6 Pinagsisihan ni Yawe kung bakit nilikha pa niya ang tao sa daigdig at nasaktan ang kanyang kalooban. 7 At sinabi niya: “Lilipulin ko sa balat ng lupa ang taong nilikha ko, mula sa tao hang¬gang sa mga hayop, sa mga gumagapang sa lupa at sa mga ibon sa langit. Pinag¬si¬sisihan ko ang pagkalalang sa kanila.”
8 Ngunit kasiya-siya si Noe sa mata ni Yawe.
9 Ito ang kasaysayan ni Noe. Sa kanyang kapanahunan, matuwid si Noe, at walang kapintasan – at kapiling niya ang Diyos. 10 May tatlong anak na lalaki si Noe: sina Sem, Kam at Yafet.
11 Labis na ang sama ng daigdig sa paningin ng Diyos at laganap ang kara¬hasan. 12 Nakita ng Diyos ang kasamaan ng daigdig dahil nagpaka¬sama-sama na ang mga tao sa lupa. 13 Sinabi ng Diyos kay Noe: “Naipasya ko nang lipulin ang lahat ng tao sapagkat napuno ng karahasan ang lupa dahil sa kanila. Kaya papawiin ko sila pati na ang lupa.
14 At ikaw, gumawa ka ng daong na yari sa kahoy na sipres. Gumawa ka ng mga silid sa daong at pintahan ng alkitran ang loob at labas. 15 Ganito ang iyong gagawin: apatnaraa’t limampung talampakan ang haba ng daong, pitumpu’t limang talam¬pakan naman ang lapad, at apat¬napu’t limang talampakan ang taas. 16 Bubungan mo iyon at mag-iwan ka ng labingwalong pulgadang pagitan mula sa daong. Lagyan mo ng pinto sa tabi at gumawa ka ng tatlong palapag.
17 Pababahain ko ang tubig sa lupa para lipulin ang lahat ng humihinga at nabu¬buhay sa silong ng langit. Mamamatay ang lahat sa balat ng lupa. 18 Ngunit sa iyo pagtitibayin ang aking pakikipagtipan. Ikaw at ang iyong mga anak kasama ang iyong asawa at ang kani-kanilang mga asawa ay papasok sa daong. 19 At papasok na kasama mo sa daong ang dalawa ng bawat buhay na nilalang, tig-isang lalaki at babae, at panatilihin silang buhay kasama mo. 20 Mula sa bawat uri ng mga ibon at mga hayop at mga gumagapang sa lupa, tig-iisang pares ng mga ito ang kasama mong papasok sa daong, at panatilihing buhay na kasama mo. 21 Kumuha ka ng lahat ng uri ng pagkain at iimbak ang mga ito para sa iyo at sa kanila.” 22 At ginawa nga ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos.

7 1 Sinabi ni Yawe kay Noe: “Puma¬¬sok ka sa daong, ikaw at ang iyong pamilya, sapagkat ikaw lamang ang nakita kong matuwid sa salin¬lahing ito. 2 Magsama ka ng pitong pares mula sa bawat uri ng malilinis na hayop, tig-isang lalaki at babae, at tigdadalawa mula sa bawat uri ng di-malilinis na hayop, tig-isang barako at inahin. 3 Ga¬yun¬din sa mga ibon sa langit, tigpipitong pares mula sa bawat uri upang magkaroon ng bagong buhay sa daig¬dig. 4 Sapagkat sa loob ng pitong araw, apatnapung araw at apat¬napung gabi kong pabubuhusin ang ulan sa lupa. Papawiin ko sa balat ng lupa ang lahat ng maybuhay na nilikha ko.”
5 At ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yawe. 6 Anim¬naraang taon si Noe nang dumating ang Malaking Baha sa lupa.
7 Kaya pumasok si Noe sa daong, ka¬sama ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa, ang asa-asawa ng kan¬yang mga anak upang maligtas sa tubig ng baha.
8 Pumunta naman kay Noe ang ma¬lilinis na hayop pati ang di-malilinis, ang mga ibon at lahat ng gumagapang sa lupa; 9 pares-pares silang pumasok sa daong, lalaki at babae, gaya ng ini¬utos ng Diyos kay Noe. 10 At pag¬karaan ng pitong araw, nakalubog na ang lupa sa baha.
11 Sa ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan sa ikaanimnaraang taon ng buhay ni Noe, bumulwak ang lahat ng bukal sa kailalim-ilaliman at nabuksan ang mga bintana ng langit. 12 At apatnapung araw at apat¬napung gabing bumuhos ang ulan sa lupa. 13 Nang araw ding iyon, pumasok sa daong si Noe, kasama ang kanyang mga anak na lalaking sina Sem, Kam at Yafet, ang kan¬yang asawa at mga manugang. 14 Kasama rin nilang pumasok sa daong ang lahat ng uri ng mababangis na hayop, lahat ng iba pang hayop, ng mga guma¬gapang sa lupa at lahat ng uri ng mga ibon, at lahat ng kulisap na may pakpak. 15 Pares-pares na sumama kay Noe sa loob ng daong ang lahat ng may hininga at maybuhay. 16 At suma¬ma ang mga ito, lalaki at babae mula sa bawat uri, ayon sa iniutos ng Diyos.
Pagkatapos ay isinara ni Yawe ang pinto sa likod ni Noe. 17 Apatnapung araw na bumaha sa lupa. Tumaas ang tubig at itinaas nito ang daong sa iba¬baw ng lupa.
18 Patuloy na tumaas ang tubig sa lupa at lumutang ang daong sa ibabaw ng tubig. 19 Tu¬ma¬as pa nang tumaas ang tubig at lumubog ang lahat ng matataas na bundok sa buong silong ng langit. 20 Tumaas ang tubig at inilubog ang mga bundok sa lalim na higit sa dalawampung talampakan. 21 Nama¬tay ang lahat ng may¬buhay na gumagalaw sa lupa: mga ibon, mga mababangis na hayop at iba pang mga hayop, lahat ng gumagala sa lupa, at lahat ng Tao.
22 Namatay ang lahat ng mayhininga sa ibabaw ng lupa. 23 Nalipol ang lahat ng na¬bubuhay sa balat ng lupa – tao at hayop, mga gumagapang sa lupa, at mga ibon sa langit – ang lahat ay napawi sa balat ng lupa. Si Noe lamang at lahat ng kasama niya sa daong ang natira. 24 Isandaa’t limampung araw na bumaha ang tubig sa lupa.

8 1 Nag-alala ang Diyos kay Noe at sa lahat ng mababangis na hayop at iba pang mga hayop na kasama niya sa daong. Kaya pinaihip niya ang hangin ibabaw ng lupa at humupa ang lahat ng tubig.
2 At sinarhan niya ang mga bukal mula sa kailalim-ilaliman at ang mga bintana ng baha sa langit, at tumila ang ulan.
3 Humupa nang humupa ang tubig sa lupa at tuluyang bumaba makaraan ang isandaa’t limam¬pung araw. 4 Sa ikalabimpitong araw sa ikapitong taon, sumadsad ang daong sa kabundukan ng Ararat. 5 Patuloy na humupa ang tubig hanggang sa ikasampung buwan. Sa unang araw ng ikasampung buwan, lumitaw na ang tuktok ng mga bundok.
6 Pagkalipas ng apatnapung araw, bi¬nuksan ni Noe ang bintanang inilagay niya sa daong 7 at pinawalan ang isang uwak. Lumipad ito at lumigid-ligid hang¬gang matuyo ang tubig sa lupa. 8 Pagka¬tapos ay pina¬lipad ni Noe ang kalapati upang ting¬nan kung humupa na nga ang mga tubig sa lupa.
9 Ngunit walang makitang madada¬puan ang kalapati dahil nakalubog pa ang lupa sa tubig, kaya nagbalik ito kay Noe sa daong. Iniunat ni Noe ang kanyang kamay, hinuli ang kalapati at ibinalik sa daong. 10 Nagpalipas siya ng ilan pang araw bago muling pinalabas sa daong ang kalapati. 11 Sa pagkaka¬taong ito, bumalik sa kanya kinagabihan ang kalapati at may nakaipit na isang sariwang sanga ng olibo sa tuka!
Kaya nalaman ni Noe na tuyo na ang lupa. 12 Pinalipas niya ang pitong araw pa at saka pinawalan uli ang kalapati, ngunit hindi na iyon bumalik sa kanya. Inalis na ni Noe ang takip ng daong at tumanaw sa labas, at nakita niyang tuyo na ang lupa. 13 Sa unang araw ng unang buwan ng ikaanim¬naraa’t isang taon ni Noe, natuyo na ang tubig sa lupa.
14 Sa ikadalawampu’t pitong araw ng ikalawang buwan, tuyung-tuyo na ang lupa. 15 At sinabi ng Diyos kay Noe: 16 “Lumabas ka na sa daong, ikaw at ang iyong asawa, ang iyong mga anak at ang kani-kanilang asawa. 17 Palabasin mo rin ang lahat ng maybuhay na kasama mo – lahat ng uri ng hayop: mga ibon at mga hayop at lahat ng gumagapang sa lupa – upang sila’y dumami sa lupa, maging mabunga at kumalat.” 18 At lumabas si Noe kasama ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa at ang kanyang mga manugang. 19 Lahat ng hayop, lahat ng ibon at lahat ng gumagapang sa lupa – ang lahat ng gumagalaw sa lupa – bawat uri ng mga ito’y sunud-sunod na luma¬bas sa daong.
• 20 Gumawa si Noe ng altar kay Yawe, at kumuha ng ilan sa lahat ng malinis na hayop at sa lahat ng malinis na ibon, at inialay bilang mga sinunog na handog sa altar. 21 Nalanghap ni Yawe ang masarap na amoy at sinabi niya sa kanyang kalooban: “Kailan¬ma’y di ko na muling isu¬sumpa ang lupa dahil sa tao dahil alam kong sapul pagkabata’y nag-iisip na siya ng masama. Kailan¬ma’y di ko na lilipulin pa ang lahat ng nabubuhay na nilalang gaya ng ginawa ko.
22 Hanggang ang daigdig ay daigdig:
paghahasik at pag-aani,
taglamig at tag-init,
tag-araw at tag-ulan,
ang araw at ang gabi
ay di mapapatid.”
Ang bagong kaayusan ng daigdig
9 • 1 Pinagpala ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak at sinabi sa mga ito: “Maging mabunga kayo, magparami at punuin ang daigdig. 2 Matatakot sa inyo ang lahat ng hayop sa lupa at lahat ng ibon sa langit, lahat ng gumagapang sa lupa at lahat ng isda sa dagat. Ibibigay ko sa inyo ang mga hayop sa lupa at ang mga isda sa dagat. 3 Magiging pagkain ninyo ang lahat ng guma¬galaw at nabubuhay; kung paano kong ibinigay sa inyo ang mga luntiang halaman, ibini¬bigay ko naman sa inyo ngayon ang lahat-lahat. 4 Huwag lamang nin¬yong kainin ang karne kasama ang buhay nito na nasa dugo.
5 Isasaalang-alang ko ang buhay ninyo at sisi¬ngilin ko ang alinmang hayop at sinumang tao para sa inyong dugo. Papatayin ang sinu¬mang papatay sa inyo, maging tao o hayop. Sisingilin ko mula sa sinumang tao ang buhay ng kanyang kapwa.
6 Sinumang magpadanak sa dugo ng tao, padadanakin din ng tao ang kanyang dugo; pagkat sa larawan ng Diyos nilikha ang tao.
7 Maging mabunga kayo at magparami, at kumalat sa daigdig, at makapangyari rito.”
8 Nagsalita ang Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak: 9 “Pinagtitibay ko nga ang aking pa¬kikipagtipan sa inyo at sa inyong mga ina¬pong kasunod ninyo 10 at sa bawat buhay na nilalang na kasama ninyo: sa mga ibon, sa mababangis na hayop at sa iba pang mga hayop at sa lahat ng kasama ninyong lumabas mula sa daong. 11 Nakikipagtipan ako sa inyo: kailanma’y hindi na lilipulin ng tubig ng baha ang buhay at hindi na magkakaroong muli ng baha na wawasak sa daigdig.”
12 Sinabi ng Diyos: “Ito ang palatandaan ng pakikipagtipan ko sa inyo at sa lahat ng buhay na hayop na kasama ninyo at sa lahat ng darating na salinlahi. 13 Isasaisantabi ko sa mga ulap ang aking pana bilang palatandaan ng aking pakikipagtipan sa buong sang¬kalupaan. 14 Kapag pinalitaw ko sa mga ulap sa ibabaw ng lupa ang bahaghari, 15 aala¬lahanin ko ang aking tipan sa inyo at sa lahat ng hayop upang hindi na gunawin ng tubig-baha ang lahat ng buhay. 16 Kapag may bahaghari sa ulap, titingnan ko iyon at aala¬lahanin ang walang hang¬gang tipanan ng Diyos at ng lahat ng uri ng buhay na nilalang na nasa ibabaw ng lupa.” 17 Sinabi ng Diyos kay Noe: “Ito ang palatandaan ng aking pakikipagtipan sa lahat ng maybuhay sa ibabaw ng lupa.”
Si Noe at ang kanyang mga anak
• 18 Sina Sem, Kam at Yafet ang mga anak na lalaki ni Noe na lumabas sa daong. Si Kam ang ninuno ni Kanaan. 19 Sila ang tatlong anak na lalaki ni Noe at sila ang pinagmulan ng lahat ng tao sa buong daigdig.
20 Sinimulan ni Noeng magsasaka ang pagta¬tanim ng ubasan. 21 Uminom siya ng alak at nalasing at nakatulog nang hubo’t hubad sa loob ng kanyang tolda. 22 Nang makita ni Kam na ninuno ni Kanaan na hubo’t hubad ang kanyang ama, ibinalita niya iyon sa dalawa niyang ka¬patid na nasa labas.
23 Ngunit kumuha sina Sem at Yafet ng kapa at ibinalabal sa balikat nilang dalawa, patalikod na pumasok at tinakpan ang hubo’t hubad na katawan ng kanilang ama. Humarap sila sa kabila upang hindi nila makita ang pagiging hubo’t hubad ng kani¬lang ama. 24 Nang mahi¬masmasan si Noe mula sa kanyang kalasi¬ngan, nalaman niya ang ginawa sa kanya ng kanyang bunsong anak. 25 At sinabi niya: “Sum¬pain ka, Kanaan, maging alipin siya ng mga alipin ng kanyang mga kapatid!” 26 At ipinag¬patuloy niya: “Purihin si Yaweng Diyos ni Sem. Maging alipin niya si Kanaan! 27 Pala¬wakin naman ng Diyos ang ari-arian ni Yafet, at tumira ang kanyang lahi sa mga tolda ni Sem! At maging alipin nila si Kanaan!”
28 Nabuhay si Noe nang tatlundaa’t li¬mam¬¬¬pung taon pagkatapos ng baha. 29 Sa kabuuan, nabuhay si Noe nang si¬yam¬naraa’t limampung taon. At namatay siya.
Ang talaan ng mga bansa
10 • 1 Ito ang naging lahi nina Sem, Kam at Yafet na mga anak ni Noe. Ito ang kani-kanilang naging mga anak pagkatapos ng baha:
2 Ang mga anak na lalaki ni Yafet: Gomer, Magog, Madai, Yavan, Tubal, Mosoc at Tiras.
3 Ang mga anak na lalaki ni Gomer: Askenez, Rifat at Togorma.
4 Ang mga anak na lalaki ni Yavan: Elisa, Tarsis, Kittim at Dodanim.
5 Kumalat sila’t dumami sa mga pulo ng mga bansa at sa iba’t ibang rehiyon, bawat isa ayon sa sariling wika, angkan at bansa.
6 Ang mga anak na lalaki ni Kam: Kus, Misraim, Put, Kanaan.
7 Ang mga anak na lalaki ni Kus: Saba, Evila, Sabata, Regma, Sabataca. Ang mga anak na lalaki ni Regma: Saba, Dedan.
8 Si Kus ang ama ni Nimrod na naging unang makapangyarihang pinuno sa daigdig. 9 Napa¬kahusay niyang mangangaso sa paningin ni Yawe, at dito nagmula ang kasabihang “Ma¬husay na mangangasong tulad ni Nimrod sa paningin ni Yawe.” 10 Nagsimula ang kanyang kaharian sa Babilonia, at sa Arac, Akad at Calane na pawang mga siyudad sa Senaar. 11 Mula sa bansang iyon, nagpunta siya sa Asur at itinayo niya roon ang Ninive, Rejobot-Ir, Calaj 12 at Rese na nasa pagitan ng Ninive at Calaj (ang Malaking Siyu-dad). 13 Si Misraim naman ang ama ng mga taga-Lud, Anam, Lehab, Naftu, 14 Patros, Casluj at Caftor na pinag¬¬mulan naman ng mga Pilisteo.
15 Si Kanaan ang ama ni Sidon, ang panga¬nay, at ng mga Heteo, 16 Yebuseo, Amorreo, Ger¬geseo, 17 Heveo, Araceo, Sineo, 18 Aradio, Sa¬ma¬reo, Amateo. At kumalat ang mga lipi ng mga Kananeo. 19 At umabot ang hang-ganan ng Kanaan mula Sidon hanggang Gaza papuntang Gerar, at patungong Sodom, Gomorra, Adma at Seboim hanggang Lesa. 20 Ito ang mga anak na lalaki ni Kam ayon sa kanilang lipi at wika sa kanilang mga lupain at bansa.
21 Nagkaroon din ng mga anak si Sem na kuya ni Yafet at ninuno ng lahat ng anak ni Heber at ng mga Hebreo.
22 Ang mga anak na lalaki ni Sem: Elam, Asur, Arfaxad, Lud at Aram.
23 Ang mga anak na lalaki ni Aram: Uz, Yul, Gueter at Mas.
24 Si Arfaxad ang ama ni Selaj, at si Selaj ang ama ni Heber. 25 Nagkaroon ng dalawang anak na lalaki si Heber: pinangalanang Peleg ang una sapagkat sa kanyang kapanahunan pinag¬parte-parte ang lupa, at pinangalanan namang Yectan ang kanyang kapatid.
26 Si Yectan ang ama nina Elmodad, Salef, Asarmot, Yare, 27 Aduram, Uzal, Decla, 28 Ebal, Abimael, Saba, 29 Ofir, Evila at Hobob. Mga anak silang lahat ni Yectan. 30 Saklaw nila ang lupaing mula sa Mesa hanggang Sefar, ang kabundukan sa silangan.
31 Ito ang mga lipi at mga wika ng mga anak na lalaki ni Sem sa kanilang mga lupain at mga bansa.
32 Ito ang mga lahi ng mga angkan ng mga anak na lalaki ni Noe. Sa mga ito nagsimula ang pagkalat ng mga bansa sa daigdig, pagka¬tapos ng baha.
Ang tore ng Babel
11 • 1 Ang buong daigdig ay may isang wika at isang paraan ng pag¬sa¬sa¬lita. 2 Galing sa silangan ang mga tao at nakatagpo sila ng isang ka¬pa¬¬¬tagan sa lupain ng Sinear at doon nanirahan.
3 At sinabi nila sa isa’t isa: “Gumawa tayo ng mga tisa at lutuin sa apoy.” Tisa ang ginagamit nilang pinakabato at alki¬tran naman ang semento. 4 Si¬nabi rin nila: “Halikayo, magtayo tayo ng isang siyu¬dad para sa atin, at ng isang toreng abot hanggang langit ang tuktok upang tu-man¬yag tayo at hindi kakalat-kalat sa balat ng lupa!”
5 Bumaba si Yawe upang tingnan ang siyudad at ang toreng itinatayo ng mga tao. 6 At sinabi ni Yawe: “Iisang bayan lamang silang may iisang wika. Simula lamang ito, at ngayo’y naga¬gawa nila ang anumang planuhin nila. 7 Halikayo, ma¬naog tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila mag¬kaunawaan.”
8 Kaya ikinalat sila ni Yawe sa daigdig at itinigil nila ang pagtatayo sa siyudad. 9 Ito ang dahilan kung bakit tinawag iyong Babel sapagkat doon nabulol ang mga tao dahil kay Yawe at ikinalat niya ang mga tao sa buong daigdig.
10 Ito ang mga lipi ni Sem:
Isandaang taon si Sem nang maging ama siya ni Arfaxad, dalawang taon matapos ang baha. 11 Pagkapanganak kay Arfaxad, nabu¬hay si Sem nang limandaang taon at nagka¬roon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
12 Tatlumpu’t limang taon si Arfaxad nang maging ama siya ni Shela. 13 Pagka¬panganak kay Shela, nabuhay si Arfaxad nang apatna¬raa’t tatlong taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
14 Tatlumpu’t tatlong taon si Shela nang maging ama siya ni Heber. 15 Pagka¬panganak kay Heber, nabuhay si Shela nang apatnaraa’t tatlong taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
16 Tatlumpu’t apat na taon si Heber nang maging ama siya ni Peleg. 17 Pagka¬panganak kay Peleg, nabuhay si Heber nang apat¬naraa’t tatlumpung taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
18 Tatlumpung taon si Peleg nang maging ama siya ni Reu. 19 Pagkapanganak kay Reu, nabuhay si Peleg nang dalawandaa’t siyam na taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
20 Tatlumpu’t dalawang taon si Reu nang maging ama siya ni Serug. 21 Pagka¬panganak kay Serug, nabuhay si Reu nang dalawan¬daa’t pitong taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
22 Tatlumpung taong gulang si Serug nang maging ama siya ni Nahor. 23 Pagka¬panganak kay Nahor, nabuhay si Serug nang dalawandaang taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
24 Dalawampu’t siyam na taon si Nahor nang maging ama siya ni Tera. 25 Pagka¬panganak kay Tera, nabuhay si Nahor nang isandaa’t labinsiyam na taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
• 26 Pitumpung taong gulang si Tera nang maging ama siya nina Abram, Nahor at Haran.
27 Ito naman ang lipi ni Tera, si Terang ama nina Abram, Nahor at Haran.
Si Haran ang ama ni Lot. 28 Unang nama¬tay si Haran kaysa kanyang amang si Tera, sa sa¬riling bayan ng Ur sa Kaldea. 29 Nag-asawa kapwa sina Abram at Nahor. Si Saray ang naging asawa ni Abram. Si Milca naman na anak ni Haran ang na¬ging asawa ni Nahor. Si Haran ang ama nina Milca at Yisca. 30 Pero baog si Saray at hindi mag¬kaanak.
31 Kasamang umalis ni Tera sa Ur ng Kaldea ang kanyang anak na si Abram, ang kanyang apong si Lot na anak ni Haran at ang manugang na maybahay ni Abram. At nagpunta sila sa lupain ng Kanaan. Ngunit sa Haran sila nanirahan pagdating nila roon. 32 Nabuhay si Tera nang dalawandaa’t limang taon, at sa Haran siya namatay.

Map illustration here

Ang Tatlong Sabi ng Diyos

Sa unang kabanata ng Genesis, sinabi ng Diyos, at nagkaroon ng Paglikha.
Muli sa kabanata 9, sinabi ng Diyos, at nagkaloob iyon ng kanyang pagpapala sa sangkatauhan.
Sa kabanata 12, sinabi ng Diyos sa ikatlong pagkakataon, at iyon naman ang simula ng bayan ng Diyos.
Iba’t ibang hakbangin sa Biblia ang mga ito dahil ang pagbubunyag ng Diyos sa kanyang bayan ang nilalaman ng kabuuan ng banal na Aklat. Mula sa bahaging ito, anumang mababasa nati’y may kinalaman sa sangkatauhan: kung ano ang sinabi at ginawa ng Diyos sa kanyang bayan.
Sa lubos na pagpasok natin sa diwa ng Biblia, madidiskubre natin na iisang kabuuan lamang pala at talagang magkakaugnay ang paggawa, paglikha at pagpapala ng Diyos sa sangkatauhan at sa kanyang bayan. Ngunit lubos nating intindihin ang kahulugan ng tatlong hakbanging ito na namumutawi sa bibig ng Diyos pagkat kung hindi’y sasapit ang panahon na hindi na natin matatanggap ang patotoo ng Biblia at mawawalang-kabuluhan din sa atin maging si Jesus. Sapagkat taliwas sa ilang pag-aakala ng ating panahon ang tatlong “sinabing” ito ng Diyos.
“Sinabi ng Diyos” at nilikha ng kanyang salita ang sanlibutan at mga batas-kalikasan nito. Inilalahad ng Biblia na di nagbabago ang mga batas na ito. Idadagdag din nito na paglilingkod sa Diyos ang layunin ng sanlibutan at sumusunod ito sa salita ng Diyos. Masasabing hinahayaan ng Diyos na tumakbo ang mundo sa ganang sarili nito: hindi nga laging nasa manibela ang Diyos. Ngunit malayo pa sa pagbubunyag ng Biblia kung sasabihin nating inayos na ng Diyos ang lahat sa simula at hindi na niya pinapangyayari ang sarili sa mga batas na ito, ayon sa kanyang kagustuhan, o kung mangyari ma’y nagkataon lamang (ayon sa ating palagay). Sa ikapitong araw, sinasabing nagpahinga ang Diyos sa kanyang paggawa (Gen 2:4) pero totoo rin ang kabaligtaran nito: “kumikilos pa rin ang Ama” (Jn 5:17). Pagpapakilala ng Diyos ang kanyang mga gawa, at sa Diyos patuloy na nabubuhay at umiiral ang sangnilikha. Anino lamang ng mas mataas na katarungang nasa Diyos ang mga batas ng kalikasan ngunit higit pa sa mga batas na pangmateryal na bagay ang ating matatagpuan sa kalikasan, mula sa yaman at ganda nito. Salamin ng kalayaan ng Diyos sa paglikha na kailanma’y di maigagapos ang patuloy na pagkamalikhain ng kalikasan na isa sa mga mahiwaga nitong kakayahan.
Sapat na ito para magtaka ang lahat ng nagpapalagay na may mga di-mababaling katotohanan gaya ng sumusunod: ang mga batas ay hindi mababago at walang umiiral bukod sa puwedeng sukatin. Hindi nga magkakaroon ng siyentipikong pananaliksik kung wala ang ganitong mga teoriya pero hindi naman ito nangangahulugan na ito na ang buong katotohanan ng mundo, o kaya’y ito ang pinakapuso ng lahat. Ngunit ang pag-aakalang ito ang siyang hadlang para matanggap ng maraming Kristiyano na gumagawa pa rin ang Diyos sa likas na kaayusan ng mundo. Sa Ebanghelyo, una nilang tinatanggihan ang pagpaparami ng tinapay, ang pagkabirhen ni Maria, ang pagbabagong-anyo... o kaya nama’y babaligtarin nila ang talagang sinasabi ng mga teksto. Tinatanggihan nila ang anumang patotoo sa kasalukuyan ng mga dumanas ng parehong paggawa ng Diyos sa kanilang buhay. Tatanggihan din nila ang anumang deretsahang paggawa ng Diyos sa ating sarili, at bunga nito’y sasabihin din nilang walang saysay ang panalangin. Maraming aklat at talakayan ang bunga ng pangangatwirang ito pero wala naman talagang ibinubunga sa bandang huli. Hindi ito makapaghahatid ng pananam¬palataya ni tuwa sa sinuman.
Makabuluhan din ang “sabi ng Diyos” sa istorya ni Noe. Sa pakikipagtipan sa lahat ng bansa at relihiyon sinisimulan ng Diyos ang panahon pagkatapos ng baha dahil mga anak ni Noe ang lahat. Pag-aalok ng daan ng kaligtasan ang pagpapala sa kanila ng Diyos sa marami at iba’t iba nilang kultura at relihiyon (Gawa 17:27).
Sa paghahanap nila ng karunungan sa mga salita ng kanilang mga sagradong aklat, sa sandaling malahad ang Salita o Karunungan ng Diyos, ipinagpapatuloy lamang nito ang gawang paglikha: sa pamamagitan nito isinaayos ng Diyos ang mga yugto ng paglikha (Heb 1:2). Kayat ipagpapatuloy ng takbo ng kasaysayan ang plano ng Diyos na Maylalang, at lagi namang mauugnay ang mga relihiyon sa pagkadiskubre sa Diyos o sa “makadiyos” sa kalikasan (Rom 1:20; Gawa 17:27).
Ano pa ang ating kailangan? Di ba’t nasa sangkatauhan na ang lahat ng kailangan nito para makumpleto ang paglikha at marating ang hantungan nito? Ngunit paglimot ito na “mga anak pa rin ni Adan ang mga anak ni Noe.” Mula sa ating mga pangarap, ginigising tayo ng mga kaguluhan sa ating daigdig at iminumulat sa isang katotohanang hindi maganda.
Ngunit huwag ang mga kabiguan at limitasyon ng karunungan ng tao ang pagtuunan natin ng pansin dahil sa ibang lugar matatagpuan ang tunay na mahalaga. Sa paglikha ipinakilala ng Diyos ang sarili. Ibigay man ng Diyos ang yaman ng sanlibutan sa sangkatauhang naging parang mas makatwiran, hindi pa rin makikita ang talagang ekstraordinaryo sa Diyos: ang nag-aapoy at malabis na pagmamahal ng Diyos na tanging siya lamang ang makauunawa. At hindi makagagawa ang Diyos nang labas sa lahat ng paraan ng pagpapakita ng kagandahang-loob na karaniwan nating tinatawag na Kalinga nang hindi sinisira ang kaayusan ng waring napaka¬ligayang daigdig. Hindi pa rin akma sa kabanalan ng Diyos ang ganitong relasyon ng Diyos sa kanyang gawa. Kayat may mga tao at mga grupong tinatawag ang Diyos na makibahagi sa kanya sa isang bukod-tanging kasaysayan. Maglalakbay sila sa mga bago at di pa natatahak na landas na kalimita’y taliwas sa karaniwang karanasan. Ang pagtawag kay Abraham ang unang pagsasanga ng daan.
Ang ikatlong “sabi ng Diyos” ang tanda ng simula ng bayan ng Diyos, na naiiba sa lahat ng mga bayan. Ang pagkakaibang ito o pagkakaroon ng mga hinirang at mga hindi ang naghahatid ng malaking pagkabagabag ng kamalayan ng maraming Kristiyano (basahin ang paliwanag sa p. 710). Bakit may ganitong pagkakaiba? Sigurado ba nating hindi lamang isa pang relihiyon ang pagbubunyag ng Biblia? Maaaring matukso tayong itakwil ang ating yaman bunga ng huwad na pagpapakumbaba: ba’t mapapasaakin ang katotohanan higit sa iba? Muli nating kailangan sa bahaging ito ang manampalataya. Ngayon natin dapat tanggapin o tanggihan ang Diyos ng Biblia, ang Diyos na “pagtatangi at katapatan.” Tinatawag ng Diyos ang sinumang mapusuan niya at ibinibigay sa kanya ang di niya ibinibigay sa iba. Nagbibigay ang Diyos ng higit upang makapamunga tayo nang higit at makinabang dito ang lahat pero tiyak na ang gusto ng Diyos ang kanyang ibinibigay. Hindi man natin aminin, kalimita’y itinuturing nating isang di-makatarungang boss ang Diyos sa harap ng lahat niyang trabahador at hindi pantay-pantay ang pagtrato niya sa kanila. Napakalayo nito sa katotohanan. Walang mga trabahador kung walang boss. Pero kabaligtaran pag dating sa Diyos: hindi tayo mga gawa sa molde na naghihintay sa kung anong ibibigay sa atin ng Diyos. Sa halip, tayong lahat ay ginawa ng Diyos na iba’t iba at galing sa wala. At sa paggawa sa atin ng Diyos kung ano tayo, inilalagay rin niya tayo sa landas na tumutugon sa ating mga pangangailangan, mga inaasam at sa ating pananabik sa kaligayahan.
Mula sa simula, kailangang tanggapin ng mga Kristiyano ang natatanging aspekto ng kanilang bokasyon: kapwa ito yaman nila at paglilingkod sa mundo. Mawawalang-saysay sa kanila kung babalikan nila ang dati nilang mga puwesto dahil wala namang may gusto sa mga ito. Tanging takot lamang ang puwedeng maging dahilan nito: ang takot na mapaiba o marahil ay ang takot na sa totoo’y kawalan ng sampalataya: hindi kaya ilusyon lang ang mga dakilang pangako ng Diyos?

IKALAWANG BAHAGI NG GENESIS
ANG MGA UNANG NINUNO NG BAYAN NG DIYOS
Tinawag ng Diyos si Abram
12 • 1 Sinabi ni Yawe kay Abram: “Umalis ka sa iyong bayan, sa iyong lahi, sa sambahayan ng iyong ama, at magpunta ka sa lupang ituturo ko sa iyo. 2 Gagawin kitang isang malaking ba¬yan. Pagpapalain kita at gagawin kong dakila ang iyong pangalan, at magiging pagpapala ka sa iba. 3 Pag¬papalain ko ang magpapala sa iyo, at susumpain ko ang sinumang susumpa sa iyo. At sa pamamagitan mo’y pag¬papalain ang lahat ng bayan sa daigdig.
4 Kaya umalis si Abram ayon sa sinabi ni Yawe, at sumama sa kanya si Lot.
Pitumpu’t limang taong gulang si Abram nang lisanin niya ang Haran. 5 Isi¬nama ni Abram si Saray na kanyang asawa, ang pamangking si Lot, lahat ng ari-ariang naipon nila, at ang mga nakuha nilang alipin sa Haran. At umalis sila patungong Kanaan.
Pagdating nila sa Kanaan, 6 nilakbay ni Abram ang lupain hanggang Sikem, sa may Sagradong Puno ng More. Nang panahong iyon, naroon pa ang mga Kananeo. 7 Napakita si Yawe kay Abram at sinabi, “Ibibigay ko ang lu¬paing ito sa iyong inapo.” Kaya gu¬mawa roon si Abram ng altar kay Yawe na napakita sa kanya.
8 Mula roon ay nagtuloy siya sa kabundukan sa silangan ng Betel at nagtayo ng kanyang tolda, sa pagitan ng Betel sa da¬kong kanluran at ng Hay sa dakong si¬langan. Doon ay nagtayo rin siya ng al¬tar kay Yawe, at tinawag ang kanyang Pangalan. 9 Pagkatapos ay nag¬punta siya patungong Negeb.

• 10 Nagkaroon ng taggutom sa lupa¬in, kaya lumusong si Abram sa Ehipto para doon pansamantalang tumira, sa¬pagkat malubha ang taggutom sa lupa¬in. 11 Nang papasok na sila sa Ehipto, sinabi ni Abram sa kanyang asawang si Saray: “Alam kong ikaw ay isang napakagandang babae. 12 Kapag nakita ka ng mga taga-Ehipto, sasabihin nila: Ito ang kan¬yang asawa. Pag¬katapos ay papatayin nila ako, ngunit babayaan ka nilang ma¬buhay. 13 Kaya sabihin mong mag¬kapatid tayo para tratuhin nila akong mabuti, at nang hindi nila ako patayin alang-alang sa iyo.”
14 Nang dumating nga si Abram sa Ehipto, nakita ng mga Ehipsiyo na ang babae’y napakaganda. 15 Nakita ng mga opisyal ni Paraon ang babae at pinuri ito sa harap ni Paraon. Kaya dinala ang babae sa palasyo ni Paraon, 16 at dahil sa kanya ay naging mabuti rin ang pakiki¬tungo nila kay Abram: binigyan siya ng mga tupa, mga baka, mga asno, mga ali¬pin, at mga kamelyo.
17 Ngunit nilapatan ni Yawe ng malu¬lubhang karamdaman si Paraon at ang sambahayan niya dahil kay Saray na asawa ni Abram. 18 Kaya ipinatawag ni Paraon si Abram at sinabi: “Ano ang ginawa mo sa akin? Bakit mo ipinag¬kaila na asawa mo pala siya? 19 Bakit mo si¬nabing ‘Kapatid ko siya,’ kaya naman kinuha ko siya bilang asawa. Sige, ayan na ang asawa mo, kunin mo at umalis na kayo!” 20 At inutusan ni Paraon ang kan¬yang mga tauhan na paalisin si Abram, kasama ang asawa nito at lahat ng kan¬yang ari-arian.

13 1 Umahon sa Negeb si Abram mula sa Ehipto, kasama ang kanyang asawa at lahat ng kanyang ari-arian. Sumama sa kanya si Lot. 2 Mayaman na si Abram sa mga hayop, pilak at ginto. 3 Naglakad siya mula sa Negeb hanggang Betel, sa lugar na una niyang pinagtayuan ng kanyang tolda, sa pagitan ng Betel at Hay, 4 sa pook na ginawan niya ng altar, at doon tinawag ang Pangalan ni Yawe.
Ang paghihiwalay nina Abram at Lot
• 5 Si Lot na kasama ni Abram ay may¬roon ding mga tupa, mga baka at mga tolda. 6 Masikip na ang lupa sa kanila at sa napakalaki nilang kawan kaya hindi na sila makapagsasama-sama.
7 Sumiklab ang kagalitan sa mga pastol ng mga kawan ni Abram at ni Lot. Nang panahong iyon ay doon din nakatira ang mga Kananeo at Perezeo. 8 Sinabi ni Abram kay Lot: “Huwag ta¬yong mag-away, ni ang ating mga pastol, sapagkat magkapatid tayo! 9 Hindi ba’t nasa harap mo ang buong lupain? Maghiwalay tayo. Kung sa kaliwa ka pu¬¬¬punta, pupunta naman ako sa kanan. At kung sa kanan ka pupunta, sa kaliwa naman ako.
10 Iginala ni Lot ang paningin at nakita niya ang buong kapatagan ng Jordan na sagana sa tubig, dahil bago ginunaw ni Yawe ang Sodom at Gomorra, katulad ito ng hardin ni Yawe, tulad ng lupa¬in ng Ehipto hanggang Soar. 11 Pinili ni Lot para sa kanya ang buong kapata¬gan ng Jordan, at naglakad pasila¬ngan.
Sa ganitong paraan, naghiwalay si¬lang dalawa. 12 Nanirahan si Abram sa lupain ng Kanaan samantalang si Lot ay na¬muhay sa mga siyudad sa kapa¬tagan at dinala ang kanyang tolda sa Sodom. 13 Nang mga panahong iyon, napakasama ng mga taga-Sodom at nagkakasala silang lubha kay Yawe.
14 Sinabi ni Yawe kay Abram pagkatapos humiwalay sa kanya si Lot: “Tumi¬ngala ka at mula sa iyong kinaro¬roona’y igala ang iyong tingin sa hilaga, sa timog, sa silangan at sa kanluran.
15 Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga inapo magpakailanman ang buong lupaing nakikita mo. 16 Gagawin kong sindami ng alikabok sa daigdig ang iyong mga inapo; kayat kung mabibi¬lang ang alikabok, mabibilang din ang iyong mga inapo. 17 Tumin¬dig ka, at lakarin mo ang haba at luwang ng lupain sapagkat ibini¬bigay ko ito sa iyo.”
18 At inilipat ni Abram ang kanyang mga tolda at tumira sa tabi ng Puno ng Mambre sa Hebron. Doon siya nagtayo ng altat kay Yawe.

14 1 Nang panahong iyon, sina Haring Amrafel ng Senaar, Haring Ariok ng Ponto, Haring Codorlamor ng Elam, at Haring Tadal ng mga Bansa – 2 ay nakipag¬digma laban kina Bara, ang hari ng Sodom; Bersa, hari ng Gomorra; Sineab, hari ng Adama; Semeber, hari ng Seboim; at sa hari ng Bela o Soar. 3 Pina¬ganib ng lahat ng mga haring ito ang kanilang puwersa sa lambak ng Sidim, na ngayon ay Da¬gat ng Asin. 4 Labindalawang taon silang nag¬lingkod kay Codorlamor, ngunit nag¬himagsik sila sa ikalabintatlong taon.
5 Sa ikalabing-apat na taon, dumating si Codorlamor at ang mga haring kakampi niya at nilupig ang mga Rapaita sa Astarot-Carnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Cariataim, 6 at ang mga Horeo sa kabundukan ng Seir hanggang sa El Paran, malapit sa disyerto.
7 Pagkatapos ay bumalik sila at nagtungo sa Bukal ng Paghuhukom, iyon ay ang Kades, at sinakop ang buong lupain ng Amalekita, at ng mga Amorreo na nani¬nirahan sa Asasontamar.
8 Nagtipon ang mga hari ng Sodom, Go¬morra, Adama, Seboim, at Bela o Soar, at pumusisyon sa lambak ng Sidim 9 laban kina Codorlamor, hari ng Elam; Tadal, hari ng mga Bansa; Amrafel, hari ng Sanaar; at Ariok, hari ng Ponto: apat na hari laban sa lima.
10 Noo’y maraming balon ng alkitran sa lam¬bak ng Sidim, kaya sa pagtakas ng mga hari ng Sodom at Gomorra, nahulog sa balon ang ilan sa mga tauhan nila, at ang iba’y nagtago sa kabundukan. 11 Kinamkam ng apat na hari ang lahat ng ari-arian ng Sodom at Gomorra, pati ang lahat ng kanilang pagkain, at saka umalis. 12 Binihag din nila si Lot, ang pamangkin ni Abram, na naninirahan sa Sodom, at kinuha ang mga ari-arian nito.
13 May isang nakatakas na pumunta kay Abram na Hebreo, at ibinalita ang nangyari. Nakatira ito sa malapit sa mga malalaking puno ni Mambreng Amorreo na kapatid nina Eskol at Aner: mga kakampi ni Abram.
Sina Abraham at Melkisedek
• 14 Nang mabalitaan ni Abram na na¬bihag ang kanyang kamag-anak, pumili siya ng tatlundaa’t labingwalong tauhan niya, at hinabol nila ang mga ito hang¬gang Dan. 15 Hinati niya ang kanyang hukbo at sumalakay kinagabihan, tinalo niya at hinabol ang mga iyon hanggang Hoba, sa hilaga ng Damasco. 16 Nabawi niya ang lahat ng ari-arian, ang kanyang kamag-anak na si Lot, at ang mga ari-arian nito, kasama ang mga kababaihan at iba pang mga tao.
17 Sa pagbalik ni Abram, pagkatapos magapi si Codorlamor at ang mga haring kakampi nito, lumabas ang hari ng Sodom upang salubungin siya sa lambak ng Save (na ngayo’y Lambak ng mga Hari).
18 Pagkatapos ay nagdala ng tinapay at alak si Melkisedek, ang hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos. 19 Pinag¬pala niya si Abram sa pagsasa¬bing, “Pagpalain si Abram ng Kataas-taasang Diyos, Maylalang ng langit at lupa! 20 At dakilain ang Kataas-taasang Diyos sa-pag¬¬kat inilagay niya sa iyong mga kamay ang mga kaaway mo.” At ibinigay sa kanya ni Abram ang ikasampung bahagi ng lahat.
21 Sinabi ng hari ng Sodom kay Abram: “Ibigay mo sa akin ang mga tao at iyo na ang lahat mong nasam¬sam.” 22 Sinabi ni Abram sa hari ng Sodom: “Itinaas ko ang aking kamay kay Yawe, ang Kataas-taasang Diyos, Maylalang ng langit at lupa, at isinum¬pa kong 23 hindi ako ku¬kuha ni isang hibla man ng sinulid o tali ng sandalyas o anumang bagay sa iyo. Sa gayon ay hindi mo masasabing ‘Dahil sa akin kaya yumaman si Abram’. 24 Wala akong tatang¬gapin kahit ano, liban sa kinain ng mga tauhan ko, at sa kaparte ng mga kasa¬ma ko – sina Aner, Eskol at Mambre – ipaubaya mo sa kanila ang ka¬parte nila.
Pakikipagtipan ng Diyos kay Abraham
15 • 1 Isang sali¬ta ni Yawe ang duma¬ting kay Abram sa pangi¬tain: “Huwag kang matakot, Abram. Ako ang iyong kalasag; kay laki ng ma¬giging gantimpala mo!” 2 Sinabi ni Abram: “Yaweng Panginoon ko, ano ang mai¬bibigay mo sa akin? Mamamatay akong walang anak, kaya mapu¬punta lamang kay Eliezer ng Damasco ang lahat ng aking ari-arian. 3 Hindi mo ako binigyan ng anak, kaya isa sa mga alipin ko ang aking ma¬giging tagapag¬mana.” 4 At sa mga sandaling iyon, isang salita ni Yawe ang muling dumating kay Abram: “Hindi si Eliezer ang magiging tagapagmana mo, kundi ang isang anak na lalaki na isisilang mula sa iyo.” 5 Kaya inilabas siya ni Yawe at sinabi sa kanya: “Tumi¬ngala ka sa langit, at bilangin ang mga bituin kung kaya mo. Ganyan din ang magi¬ging mga inapo mo.”
6 Naniwala si Abram kay Yawe at da¬hil dito kinilala siya ni Yawe na matuwid.
7 At sinabi pa sa kanya: “Ako si Yawe na naglabas sa iyo mula sa Ur ng Kaldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito bilang ari-arian mo.”
8 Pagkatapos ay nagtanong si Abram: “Panginoon ko, paano ko ma¬lalaman na ito nga ay magiging akin?” 9 Suma¬got si Yawe: “Dalhan mo ako ng tig-¬isang tatlong-taong-gulang na dumalagang baka at kambing at tupa, ng kalapati at batubato.”
10 Dinala ni Abram sa kanya ang lahat ng mga hayop at biniyak sa gitna ang mga iyon, at inilagay na mag¬kaharap ang bawat magkabiyak na hiwa. Ngu¬nit hindi niya hiniwa ang mga ibon. 11 Umali-aligid ang mga buwitre sa mga karne, ngunit binugaw ni Abram ang mga iyon.
12 Samantalang palubog ang araw, na¬katulog nang mahimbing si Abram, at nilukuban siya ng isang nakatatakot na kadiliman.
13 Pagkatapos ay sinabi ni Yawe kay Abram: “Alamin mong mandarayuhan ang iyong mga inapo sa bayan ng mga aalipin at hahamak sa kanila sa loob ng apatnaraang taon. 14 Ngunit parurusa¬han ko ang bansang aalipin sa kanila, at pagkatapos niyon ay aalis silang may dalang maraming kayamanan. 15 At ikaw naman, mapayapa mong ma¬ka¬kapiling ang iyong mga ninuno at ililibing na matanda na. 16 Ang iyong mga inapo sa ikapat na salinlahi ang ba¬ba¬lik dito, sapagkat hindi pa uma¬abot sa sukdulan ang kasamaan ng mga Amorreo upang palayasin ko sila sa lupain.”
17 Pagkalubog ng araw at laganap na ang karimlan, may lumitaw na kalang umuusok at naglalagablab na sulo, at du¬maan sa pagitan ng hinating mga ha¬yop. 18 Nang araw na iyon, nakipagtipan si Yawe kay Abram at sinabi: “Ibi¬bigay ko sa iyong lahi ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa Malaking Ilog, ang Eufrates.
19 Ang lupain ng mga Sineo, Sineseo, Edu¬meo, 20 Heteo, Perezeo, Rapaita, 21 Amor¬reo, Kananeo, Gergeseo at Yebu¬seo.”
Ang pagsilang ni Ismael
16 • 1 Hindi pa nagkakaanak kay Abram si Saray na asawa niya, ngunit mayroon itong aliping taga-Ehipto na nagngangalang Agar. 2 Kayat sinabi ni Saray kay Abram: “Dahil ginawa akong baog ni Yawe, makipagtalik ka sa aking alipin at baka magkaroon ako ng anak sa pama¬magitan niya.” Sumang-ayon si Abram sa sinabi ni Saray.
3 Sampung taon na sa Kanaan si Abram, at noon kinuha ni Saray ang kanyang aliping si Agar na taga-Ehipto at ibinigay sa kanyang asawang si Abram bilang maybahay nito. 4 Naki¬pagtalik si Abram kay Agar at nabuntis ito.
Nang malaman ni Agar na buntis siya, sinimulan niyang hamakin si Saray. 5 Kaya sinabi ni Saray kay Abram: “Ikaw ang dahilan ng pag¬¬ha¬mak na ito sa akin! Ibinigay ko sa iyo ang aking alipin at nayong nakita niyang buntis siya, hina¬hamak na niya ako. Alam ni Yawe na ikaw ang may gawa nito.”
6 Sinabi naman ni Abram: “Nasa mga kamay mo ang iyong alipin; gawin mo sa kanya ang gusto mo.” At minaltrato ni Saray si Agar kaya lumayas iyon.

• 7 Natagpuan si Agar ng Anghel ni Yawe, malapit sa isang bukal sa dis¬yerto (ito ang bukal na nasa tabi ng daang papuntang Sur), 8 at sinabi sa kanya: “Agar, alipin ni Saray, saan ka galing at saan ka pupunta?” Sumagot ito: “Luma¬yas ako sa aking among si Saray.” 9 Su¬ma¬got ang Anghel ni Yawe: “Bumalik ka sa iyong amo at sumunod ka sa kanya.” 10 Sinabi pa ng Anghel ni Yawe sa kanya: “Pararamihin ko ang iyong mga inapo hanggang hindi na sila mabilang.” 11 At sinabi pa rin ng Anghel ni Yawe sa kanya: “Nagdada¬lantao ka ngayon, at magkaka¬anak at pangangalanan mo siyang Ismael sapagkat dininig ni Yawe ang iyong da¬lamhati. 12 Matutulad siya sa mailap na asno. Siya laban sa lahat, at lahat laban sa kanya. Hahamunin niya ang lahat niyang kapwa.”
13 Si Yaweng nakipag-usap kay Agar ay tinawag niya sa pangalang ito: “Ikaw si El-roi,” na ibig sabihi’y “Nakita ko siya na nakakakita sa akin.” 14 Kaya tinawag na “Balon ni Lahay-Roi” ang balong iyon; nasa pagitan pa rin iyon ng Kades at Bered hanggang ngayon.
15 Nagsilang si Agar ng isang lalaki at pinangalanan ni Abram ang sanggol na kaloob sa kanya ni Agar ng Ismael. 16 Walumpu’t anim na taon si Abram nang ipanganak ni Agar si Ismael.
Naging Abraham m si Abram
17 • 1 Nang siyamnapu’t siyam na taon na si Abram, napakita sa kanya si Yawe at sinabi: Ako ang Diyos na Makapangyarihan. Sikapin mong ako’y bigyang-kasiyahan at pag¬sikapang maging ganap. 2 Pagti¬tibayin ko sa iyo ang aking pakikipagtipan, at higit pa kitang pararamihin.”
3 Nagpatirapa si Abram at sinabi sa kanya ng Diyos: 4 “Ito ang aking tipan sa iyo: magiging ama ka ng maraming bansa. 5 Hindi ka na tatawaging Abram kundi Abraham, sapagkat gagawin ki¬tang ama ng maraming bansa. 6 Pabu-bungahin kita nang maraming-marami; gagawin kitang mga bansa; mga hari’y lilitaw mula sa iyo. 7 At pagtitibayin ko ang aking tipan sa ating dalawa at sa iyong inapo, isang tipang panghabang panahon, sa lahat ng salinlahing su¬su¬nod sa iyo: mula ngayon at mag¬pa¬¬¬kailanman, ako ang magiging Diyos mo at ng iyong mga inapong susunod sa iyo.
8 Ibibigay ko sa iyo at sa iyong ina¬pong susunod sa iyo ang lupang iyong tinutuntungan. Magiging iyo ang buong lupain ng Kanaan habang panahon. At ako ang magiging Diyos nila.”
Ang pagtutuli
• 9 Sinabi ng Diyos kay Abraham: “Sa panig mo naman, magiging tapat ka sa aking tipan, ikaw at ang iyong mga ina¬pong kasunod mo sa sali’t salin¬lahi. 10 Ito ang aking pakikipagtipan sa iyo na dapat ninyong tuparin, ikaw at ang iyong mga inapong kasunod mo: tutuliin ang lahat ng lalaki sa inyo. 11 Puputulin ninyo ang du¬long balat ng inyong ari at ito ang ma¬giging tatak ng aking paki-kipagtipan. 12 Sa sali’t salinlahing darating, dapat ninyong tuliin ang lahat ng lalaki sa inyo na walong araw ang edad pati ang mga isisilang sa iyong sambahayan o ang mga dayu¬hang binili ng salapi bilang mga alipin. 13 Isinilang man sila sa iyong sambahayan o binili bilang mga alipin, dapat silang tuliin. Tatag¬layin ninyong lahat sa inyong laman ang tatak ng aking Tipan, isang tipang panghabang pana¬hon. 14 Palalayasin mula sa kanyang angkan ang sinu¬mang supot, ang lalaking hindi tinuli sa laman: sinira niya ang aking Tipan.”
15 Sinabi ng Diyos kay Abraham: “At hindi mo na tatawaging Saray ang iyong asawang si Saray kundi Sara. 16 Pagpa¬palain ko siya at bibigyan kita ng anak na lalaki sa kanya. Pag¬pa¬palain ko siya at gagawin ko siyang mga bansa, mga hari’y lilitaw mula sa kanya.”
17 Nagpatirapa si Abraham, humalakhak at sinabi sa sarili: “Magkakaanak pa kaya ang isang taong isandaang taon na? At magka¬kaanak pa ba si Sara e siyamnapung taon na siya?” 18 At sinabi ni Abraham sa Diyos: “Si Ismael na lang...” 19 Ngunit sinabi ng Diyos: “Hindi! Ang iyong asawang si Sara ang magbi¬bigay sa iyo ng anak na lalaki at panganga¬lanan mo siyang Isaac. Pag¬¬t¬i¬tibayin ko ang aking tipan sa kanya bilang isang walang hang¬gang paki¬kipagtipan sa kanya at sa kan¬yang mga inapong kasunod niya. 20 Tungkol naman kay Ismael, narinig kita. Pinagpala ko siya at pabubungahin at pararamihin ko siya – mara¬ming-marami. Magiging ama siya ng labin¬dalawang prinsipe, at gagawin ko siyang isang mala¬king bansa. 21 Ngunit kay Isaac na isisilang sa iyo ni Sara sa panahong ito sa isang taon ako makikipagtipan.” 22 At umalis ang Diyos matapos makipag-usap kay Abraham.
23 At tinuli ni Abraham si Ismael na kanyang anak at ang lahat ng isinilang sa kanyang sambahayan at lahat ng binili niya, ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan gaya ng sinabi sa kanya ng Diyos. 24 Siyamnapu’t siyam na taon si Abraham nang siya ay tuliin, 25 at labin-tatlong taon naman ang kanyang anak na si Ismael. 26 Tinuli si Abraham at ang kanyang anak na si Ismael sa iisang araw.
27 At tinuli ring kasama niya ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan, maging isini¬lang sa kanyang sambahayan o mga aliping binili ng salapi sa mga dayuhan.
Dinalaw ni Yawe si Abraham
18 • 1 Napakita si Yawe kay Abraham malapit sa sagradong puno ng Mambre. Nakaupo si Abraham sa pasu¬kan ng kanyang tolda sa kainitan ng araw. 2 Nang tumingin siya, nakita niya ang tatlong lalaking naka¬tayong malapit sa kanya. Kaagad siyang tumakbo mula sa bungad ng tolda para salubungin sila. Yumuko siya sa lupa, 3 at sinabing “Aking Pangi¬noon, kung mamarapatin ninyo, huwag ninyong lam¬pasan ang aking tolda. 4 Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting tubig upang mahugasan ang inyong mga paa at magpahinga kayo sa lilim ng mga punong ito. 5 At yamang narito na rin lamang kayo, ikukuha ko kayo ng kaunting tinapay para manum¬balik ang inyong lakas, bago kayo mag-patuloy sa paglalakbay, sapagkat puma¬rito kayo sa inyong lingkod.” Sinabi na¬man nila: “Gawin mo ang iyong sinabi.”
6 Nagmamadaling pumasok si Abraham sa tolda at sinabi kay Sara: “Dali ka, kumuha ka ng tatlong takal ng harina, masahin iyon at gumawa ng tinapay.” 7 At tumakbo si Abraham sa kawan, kumuha ng isang piling guyang malambot ang laman, ibinigay iyon sa alipin na nag¬mamadaling inihanda iyon. 8 At kumuha siya ng mantekilya at kinortang gatas, at inihaing kasama ng nilutong guya para sa mga pana¬uhin. Nag¬sikain ang mga iyon saman¬talang nana¬tili siyang naka¬tayong malapit sa kanila sa lilim ng puno. 9 Ti¬na¬nong nila siya: “Na¬saan ang asawa mong si Sara?” Suma¬got siya: “Nasa loob siya ng tolda.” 10 At sinabi naman niya: “Ba¬balik ako sa ganito ring panahon sa isang taon. Sa araw na iyon, may anak nang lalaki si Sara.”
Nakikinig noon si Sara sa may bu¬ngad ng tolda sa likuran ng panauhin. 11 Ma¬tanda na sina Abraham at Sara, at hindi na dinaratnan si Sara ng kanyang buwa¬nang panahon. 12 Kaya napahalakhak si Sara sa kanyang sarili at na¬isip: “Ngayong matanda na ako at lanta na, at hukluban na ang aking asawa, ngayon ko pa ba malalasap ang kaligayahang ito?” 13 Pero sinabi ni Yawe kay Abraham: “Bakit humalak¬hak si Sara at sinabing – Totoo bang magka¬kaanak pa ako ngayong matanda na ako? – 14 May imposible ba kay Yawe? Sa pagbabalik ko sa tak¬dang pa¬nahon, mayroon nang anak na lalaki si Sara.”
15 Natakot si Sara kaya ikinaila niya iyon at sinabing “Hindi ako humalak¬hak.” Ngunit sinabi ni Yawe: “Totoo namang humalakhak ka, a.”
Namagitan si Abraham para sa Sodom
• 16 Tumindig ang mga lalaki at nag¬simulang maglakad pa-Sodom. Ini¬hatid sila ni Abraham para ituro ang daan.
17 At sinabi ni Yawe: “Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin? 18 Kay Abraham nga magmumula ang isang malaki at makapangyarihang bansa. Sa kanya pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig.
19 Pinili ko siya at siya ang mag-uutos sa kanyang mga anak at sambahayang kasunod niya na tahakin ang daan ni Yawe sa paggawa ng matuwid at makatarungan. Sa gayon, tutu¬parin ni Yawe ang pangako kay Abraham.”
20 Kaya sinabi ni Yawe: “Sobra na ang eskandalo ng Sodom at Gomorra! At grabe na ang kanilang kasalanan! 21 Pu¬pun-tahan ko iyon para patunayan kung totoo nga ang mga sumbong na dumating sa akin. At malalaman kung hindi man gayon.”
22 Lumakad na ang mga lalaki patu¬ngong Sodom, ngunit nanatiling naka¬tayo si Yawe sa harap ni Abraham. 23 Lumapit si Abraham at sinabi: “Totoo bang lilipulin mo ang mga matuwid ka¬sama ng masasama? 24 Paano kung may limam¬pung taong matuwid sa lunsod? Totoo bang lilipulin mo ang lahat at hindi pa¬tatawarin ang lugar na iyon alang-alang sa limampung matuwid? 25 Hin¬di mo magagawa ang gayon na pa-ba¬yaang mamatay ang matuwid ka¬sama ng ma¬sasama, at isa ang gawing trato sa ma¬tuwid at masama. Hindi ba magiging ma¬ka¬tarungan ang Hukom ng buong san¬li¬butan?”
26 Sinabi ni Yawe: “Kung makata¬tagpo ako ng limampung mabuting tao sa So¬dom, patatawarin ko ang buong lugar dahil sa kanila.” 27 Muling nag¬salita si Abraham: “Alam kong naging pangahas ako sa pakikipag-usap sa aking Panginoon, ako na alabok lamang at abo! 28 Ngunit kung sakaling maging kulang ng lima sa limampu ang bilang ng mga ma¬tuwid, wawasa¬kin mo ba ang lunsod dahil sa lima?”
Sumagot si Yawe: “Hindi ko wawa¬sakin ang lunsod kung makatatagpo ako roon ng apatnapu’t limang matu¬wid na tao.” 29 Muli na namang nagsa¬lita si Abraham: “E kung apatnapu lamang?” Sumagot siya: “Hindi ko iyon gagawin alang-alang sa apatnapu.” 30 Nag¬¬patuloy si Abraham: “Huwag sanang magagalit ang aking Panginoon, ngunit pahintulutan mo akong maka¬pag¬salita. Paano kung tatlumpung ma¬tuwid na tao lamang ang nasa lunsod?” Sumagot si Yawe: “Hindi ko iyon wawasakin kung makatatagpo ako roon ng tatlumpu.” 31 Sinabi ni Abraham: “Ngayo’y talagang nagiging pangahas ako sa pakikipag-usap sa aking Panginoon, pero kung dala-wampu na lamang ang matagpuan doon?” Sinabi niya: “Hindi ko wawasakin ang lunsod dahil sa dala¬wampu.”
32 Ngunit iginiit ni Abraham: “Huwag naman sanang magagalit ang aking Pa¬nginoon, ngunit pahintulutan mo akong magsalita minsan pa. Paano kung sampu na lamang ang matag¬puan?” At sumagot si Yawe: “Alang-alang sa sam¬pu, hindi ko wawasakin ang lunsod.”
33 Umalis si Yawe matapos makipag-usap kay Abraham, at umuwi naman si Abraham.
Nagunaw ang Sodom
19 • 1 Nakaupo si Lot sa may pintuan ng lunsod nang gabing dumating sa Sodom ang dalawang ang¬hel. Pagka¬kita niya sa kanila, tumindig siya para salubungin sila. Yumu-ko siya na halos sayad ang muk¬ha sa lupa, 2 at sinabing “Mga panginoon ko, sa bahay ko na sana kayo tumuloy at magpahi¬nga. Huga¬san ninyo ang inyong mga paa at doon mag¬paraan ng gabi, at kina¬umagahan na magpatuloy sa in-yong paglakad.” Su¬magot sila: “Hindi, sa plasa na lamang kami magpapalipas ng gabi.” 3 Ngunit gayon na lamang ang pami¬milit niya kaya sumama ang mga ito sa kanya sa bahay niya. At ipi¬nag¬handa niya sila ng ma¬kakain. Guma¬wa siya ng tinapay na wa¬lang lebadura, at kumain sila. 4 Hindi pa sila nakahihiga para matulog nang paligiran ng lahat ng lalaking taga-Sodom – bata at matanda – ang bahay. 5 Tina-wag nila si Lot at sinabing “Nasaan ang mga lalaking bisita mo ngayong gabi? Palabasin mo sila at makikipagtalik kami sa kanila!”
6 Lumabas si Lot at sinalubong ang mga lalaki. Inilapat niya ang pinto sa kanyang paglabas 7 at sinabi niya: “Ipinakikiusap ko sa inyo, mga kapatid, huwag ninyong gawin ang ganyang ka¬sa¬maan. 8 May dalawa akong anak na dalaga. Sila ang palalabasin ko rito sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang anu¬mang gusto ninyo. Ngunit utang na loob, huwag ninyong galawin ang mga lala¬king narito sapagkat nakikisilong sila sa lilim ng aking bubong.” 9 Ngunit su¬ma¬got sila: “Umalis ka riyan! Huwag kang makialam! Dayuhan ka lamang at gusto mo pang maging hukom! Mas masa¬saktan ka ngayon kaysa kanila!” Itinulak nila si Lot at lumapit sa pinto para wasakin iyon. 10 Ngunit iniunat ng mga lalaki sa loob ang kanilang mga braso at hinila si Lot pa¬pasok, at isinara ang pinto. 11 At bigla nilang binulag ang mga nasa bungad ng pinto, mula sa pi¬na¬kabata hanggang sa pinakamatanda, at hindi nila natagpuan ang pintuan.
12 Sinabi ng dalawang lalaki kay Lot: “Sino pa ang nariritong kasama mo? Ang mga manugang mong lalaki? Pa-alisin mo na sila sa lugar na ito kasama ang mga anak mong lalaki at babae, at sinumang kamag-anak mo sa lunsod na ito. 13 Gu¬gunawin namin ang lugar na ito. Sobra na ang eskandalo nito sa harap ni Yawe kaya niya kami pinapa¬rito para gunawin ito.” 14 Lumabas si Lot at kinausap ang mga lalaking mamanugangin niya, at sinabi: “Madali, magsi¬¬alis na kayo sapagkat gugu¬nawin ni Yawe ang lunsod!” Ngunit inakala ng mga ito na nagbibiro la¬mang siya. 15 Nang sumi-sikat na ang araw, inapura ng mga ang¬hel si Lot: “Madali ka, ialis mo na ang iyong asawa at dalawang anak na ba¬ba-eng narito, kung hindi’y malilipol ka dahil sa kasalanan ng lunsod na ito.” 16 Nag-aatubili siya kaya hina¬wakan siya ng mga lalaki sa kamay at halos kalad¬karin kasama ang kanyang asawa at dalawang anak, dahil kina¬ha¬bagan sila ni Yawe. At inilabas sila sa lunsod.
17 Nang nasa labas na sila, sinabi ng mga lalaki kay Lot: “Tumakas kayo at iligtas ang inyong buhay. Huwag ka¬yong lilingon ni titigil saanman sa kapa¬tagan. Tumakas kayo sa kabun¬dukan, kung hindi’y mamamatay kayo.”
18 Ngunit sumagot si Lot: “Huwag na, mga panginoon ko, 19 malaki na ang utang na loob ko sa inyo. Ipinakita mo sa iyong lingkod ang malaking kabutihang-loob nang iligtas mo ang aking buhay. Ngunit hindi ako maka-tatakas sa kabundukan nang hindi ako aabutan ng sakuna at mamamatay ako. 20 Ting¬nan ninyo, may isang maliit na bayan na malapit lamang at maaari akong tumakas doon. Bayaan ninyong doon na lamang ako tumakas: napakaliit niyon (kaya tinawag na Soar ang bayan). At maliligtas ako.” 21 At sumagot ang anghel: “Pagbibigyan kita, at hindi ko wawasakin ang lunsod na binabanggit mo. 22 Ngunit tumakas ka na agad sa¬pagkat wala akong ibang magagawa hanggang hindi ka nakararating doon.”
23 Nakasikat na ang araw sa lupa nang dumating si Lot sa Soar. 24 Saka pa lamang nagpaulan si Yawe sa So¬dom at Gomorra ng apoy at asupre buhat sa langit, 25 at ginunaw niya ang mga lunsod na iyon at ang buong kapatagan at lahat ng naninirahan sa mga lunsod at lahat ng halaman doon.
Iba’t ibang kuwento
• 26 Pero lumingon ang asawa ni Lot at naging estatuwang asin.
27 Maagang gumising si Abraham kinabukasan at nagbalik sa lugar na pinag¬tagpuan nila ni Yawe. 28 Tumanaw siya sa dako ng Sodom at Gomorra at sa buong lupain ng kapatagan, at nakita niya ang maka¬pal na usok na nag-mumula sa lupa na parang usok na galing sa pugon.
29 Nang gunawin ng Diyos ang mga lunsod ng kapatagan, nag-alala siya kay Abraham kaya pinatakas niya si Lot mula sa malaking kapahamakan samantalang winasak niya ang mga lunsod na tinirhan ni Lot.
30 Umalis si Lot sa Soar kasama ang dalawang anak na babae, at nanirahan sa kaburulan sapagkat natatakot siyang tumigil doon. Tumira siya at ang dalawa niyang anak na babae sa isang kuweba. 31 Isang araw, sinabi ng panganay sa bunso: “Matanda na ang ating ama at wala ni isa mang lalaki rito para makipagtalik sa atin, ayon sa kaugalian sa buong mundo. 32 Halika, lasingin natin sa alak ang ating ama. Makipag¬talik tayo sa kanya upang maipagpatuloy ang ating lahi sa pamamagitan ng ating ama.” 33 Pinainom nga nila ng alak ang kanilang ama nang gabing iyon at nakipagtalik ang panganay na anak sa kanyang ama. Walang kamalay-malay ang ama sa nangyari, maging nang ma¬higa siya sa tabi nito at nang siya ay bumangon.
34 Kinabukasan, sinabi ng panganay na anak sa bunso: “Nakipagtalik ako kagabi sa ating ama. Painumin uli natin siya ng alak mama¬yang gabi at ikaw naman ang maki¬pagtalik sa kanya. At maipagpapatuloy natin ang ating lahi sa pamamagitan ng ating ama.” 35 Kaya nang gabing iyon, pinainom uli nila ng alak ang kani¬lang ama. At naki¬pag¬talik naman dito ang bunsong anak. Walang namalayan ang ama, maging nang mahiga siya sa tabi nito o nang bumangon siya. 36 At ang dalawang anak na babae ni Lot ay nabuntis ng kanilang ama. 37 Lalaki ang naging anak ng panganay at pina¬ngalanang Moab (o Mo-Ama), siya ang ama ng mga Moabita na nabubuhay ngayon. 38 Lalaki rin ang naging anak ng bunso at pinanga¬lanan namang Ben-Ammi (o Anak-ni-Ama), siya ang ama ng mga Amonita ngayon.
Sina Abraham at Sara sa Gerar
20 • 1 Umalis si Abraham sa Mamre patungo sa lupain ng Negeb at na¬¬nirahan sa pagitan ng Kades at Sur. Ilang panahon din siyang nanatili sa Gerar, 2 doon ipi¬nakilala ni Abraham ang kanyang asawa na “Kapatid ko siya.” Kaya ipinatawag si Sara ni Abimelek na hari ng Gerar, at iniutos na iharap sa kanya.
3 Ngunit pinuntahan ng Diyos si Abimelek sa panaginip isang gabi, at sinabi sa kanyang “Isa ka nang patay dahil sa babaeng kinuha mo, sapagkat may asawa na siya.” 4 Ngunit hindi pa nagagalaw ni Abimelek ang babae kayat sinabi niya: “Panginoon, papatayin mo ba ang isang paganong walang malay? 5 Di ba’t sinabi niya sa aking – Kapatid ko siya? At sinabi rin ng babae sa aking – Kapatid ko siya. Wala akong masamang hangarin nang gawin ko ito.” 6 At sinabi ng Diyos sa kanyang panaginip: “Alam ko na ginawa mo iyan nang may malinis na budhi kaya hinad¬langan ko na magkasala ka sa akin. Kaya nga hindi kita pinabayaang galawin siya. 7 Nga¬yon, ibalik mo ang babae sa asawa niya sa¬pagkat siya ay propeta. Ipagdarasal ka niya at mabubuhay ka. Ngunit kung hindi mo siya isasauli, tiyak na mamamatay ka, ikaw at ang buo mong sambahayan.”
8 Kaya maagang gumising si Abimelek kina¬bukasan at tinawag ang lahat niyang opisyal. Ikinuwento niya ang lahat ng nangyari at natakot ang mga ito. 9 At tinawag ni Abimelek si Abraham at sinabi: “Ano ang ginawa mo sa amin? At anong masama naman ang ginawa ko sa ’yo para isubo ako at ang aking kaharian sa ganito kabigat na pagkakasala? Ginawa mo sa akin ang mga bagay na hindi nararapat ga¬win.” 10 At itinanong pa ni Abimelek kay Ab¬ra¬¬ham: “Bakit ganito ang ginawa mo?” 11 Sinabi ni Abraham: “Akala ko’y walang takot sa Diyos ang lahat ng tagarito at papatayin nila ako dahil sa aking asawa. 12 Ngunit totoo namang kapatid ko siya na anak ng aking ama ngunit hindi ng aking ina, at naging asawa ko siya. 13 Kayat nang pagalain ako ng mga diyos mula sa sam¬bahayan ng aking ama, sinabi ko sa aking a¬sawa – Ngayon kung talagang mahal mo ako, sabihin mong kapatid mo ako saanman tayo pumunta.”
14 Nagdala si Abimelek ng mga tupa at mga baka at mga alipin, at ibinigay ang mga ito kay Abraham, at isinauli ang kanyang asawang si Sara. 15 At sinabi niya kay Abraham: “Nasa harap mo ang aking lupain: tumira ka saan mo man gusto.” 16 At sinabi naman niya kay Sara: “Binibigyan ko ang iyong kapatid ng isang libong pirasong pilak. Katibayan ito ng walang nangyaring anuman sa iyo, bilang pagpapatunay sa lahat ng kasama mo rito, nang hindi bumaba ang tingin nila sa iyo.” 17 At nanalangin si Abra¬ham sa Diyos at pinagaling ng Diyos si Abimelek, at ang asawa nito at mga aliping babae para magkaanak silang muli. 18 Sapagkat ginawang baog ni Yawe ang lahat ng babae sa sambahayan ni Abimelek dahil kay Sarang asawa ni Abraham.
Ipinanganak si Isaac
21 • 1 Nagmagandang-loob si Yawe kay Sara gaya ng kanyang sinabi at tinupad niya ang kanyang pangako.
2 Nagdalantao si Sara at nagkaanak ng isang lalaki kay Abraham sa katandaan nito, sa petsang ipinangako ng Diyos. 3 Isaac ang ipinangalan ni Abraham sa kanyang anak na isinilang ni Sara, 4 at tinuli iyon nang walong araw na, ayon sa iniutos ng Diyos. 5 Isandaang taon si Abra¬ham nang ipanganak ang kanyang anak na si Isaac.
6 Sinabi ni Sara: “Pinahalakhak ako ng Diyos at hahalakhak na kasama ko ang sinumang makaririnig nito.”
7 Idinugtong pa niya: “Sino ang maka¬¬¬pagsasabi kay Abraham na mag¬papa¬suso pa ng mga anak si Sara? Ngunit nagka¬anak ako ng isang lalaki kay Abraham sa kanyang katandaan.”
Pinalayas ni Abraham si Agar
• 8 Lumaki ang bata at sa araw na inawat si Isaac, naghanda nang malaki si Abraham. 9 Nakita ni Sara na ang kan¬yang anak ay pinagtatawanan ng anak ng Ehipsiyong si Agar kay Abra¬ham 10 at sinabi niya kay Abraham: “Palayasin mo ang aliping iyan at ang kanyang anak; hindi dapat makihati sa mamanahin ng anak kong si Isaac ang kanyang anak.” 11 Nakabagbag ito kay Abraham sapagkat anak din niya si Ismael. 12 Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos: “Huwag kang mag-alala tungkol sa bata at sa iyong alipin. Makinig ka kay Sara at gawin ang lahat ng sinasabi niya sapagkat magiging lahi mo ang may pangalan ni Isaac. 13 Ngunit gaga-win ko ring isang bansa ang anak mo sa iyong alipin sapagkat anak mo rin siya.”
14 Maagang gumising kinabukasan si Abraham at binigyan si Agar ng tinapay at isang supot na katad na puno ng tubig. Ipinapasan niya kay Agar ang bata at pinaalis na sila. Umalis si Agar at gumala sa disyerto ng Berseba. 15 Nang maubos na ang tubig sa katad, iniwan niya ang bata sa lilim ng maliit na puno, 16 at naupo siya sa layong abot ng pukol ng bato, sapag¬kat naiisip ni¬yang “Hindi ko matitiis makitang ma¬matay ang aking anak.” Samantalang na¬ka¬¬upo siya roon, nagsi¬mulang umi¬yak ang bata.
17 Narinig ng Diyos ang iyak ng bata, at tinawag si Agar ng Anghel ng Diyos buhat sa langit at sinabi: “Ano ang nangyayari, Agar? Huwag kang matakot. Narinig ng Diyos ang iyak ng bata. 18 Kunin mo’t kargahin ang bata sapagkat gagawin ko siyang isang malaking bansa.”
19 Binuksan ng Diyos ang mga mata ni Agar at nakita niya ang isang balon ng tubig. Pumunta siya roon at pinuno ng tubig ang katad, at pinainom ang ba¬ta. 20 Kasama ng bata sa kanyang pag¬laki ang Diyos. Nanirahan ito sa dis¬yerto at naging magaling na mamamana.
21 Nang ikuha siya ng kanyang ina ng asawa mula sa Ehipto, nanirahan siya sa Disyerto ng Paran. 22 Nang panahon ding iyon, sinabi kay Abraham ni Abimelek na kasama si Pikol na heneral ng kanyang hukbo: “Kasama mo ang Diyos sa lahat mong gawain, 23 kaya isumpa mo sa akin ngayon sa harap ng Diyos na ako at ang aking mga anak at mga inapo ay hindi mo lilinlangin, kundi ipapakita mo sa akin at sa bansang tinitirhan mo ang kabutihang-loob na ipinakikita ko rin sa iyo.”
24 At sinabi ni Abraham: “Oo, isinusumpa ko.” 25 Inireklamo naman ni Abraham kay Abimelek ang tungkol sa balong inagaw ng mga alipin nito. 26 Sinabi ni Abimelek: “Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito; hindi mo pa ito nasasabi sa akin, at ngayon ko lang ito na¬rinig.” 27 Kumuha ng mga tupa at mga baka si Abraham at ibinigay kay Abimelek, at gumawa ng kasunduan ang dalawa. 28 Ibinukod ni Abraham ang pitong duma¬lagang tupa mula sa kawan, 29 kaya itina¬nong ni Abimelek sa kanya: “Bakit mo ibinukod ang pitong dumalagang tupa?” 30 Sumagot si Abraham: “Tangga¬pin mo ang pitong dumalagang tupa mula sa aking kamay bilang patotoo na ako ang humukay ng balong ito.” 31 Kaya tinawag na Berseba o Balon ng Pangako ang nasabing lugar sapagkat doon sila kapwa nangako.
32 At gumawa sila ng kasunduan sa Berseba. At bumalik na sa lupain ng mga Pilisteo sina Abimelek at Pikol na heneral ng hukbo. 33 Nag¬tanim naman si Abraham ng isang puno sa Berseba at doon tumawag sa Ngalan ni Yaweng Diyos Magpakailanman. 34 At nanirahan si Ab¬raham nang maraming araw sa lupain ng mga Pilisteo.
Ang pag-aalay kay Isaac
22 • 1 Makalipas ang ilang panahon, sinubok ng Diyos si Abra¬ham at sinabi sa kanya: “Abraham!” At sumagot siya: “Narito ako.” 2 At sinabi ng Diyos: “Kunin ang iyong anak na lalaki, ang kaisa-isa mong anak na si Isaac na iyong minamahal, at mag¬punta kayo sa lupain ng Moriah. Ialay mo siya bilang sinunog na handog sa isa sa mga bundok doon na ituturo ko sa iyo.”
3 Gumising nang maaga si Abraham kina¬bukasan, at nilagyan niya ng upuan ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang batang alipin at ang kanyang anak na si Isaac. Nag¬sibak siya ng kahoy na gagamiting gatong sa alay at umalis pa¬punta sa lugar na iti¬nuro ng Diyos. 4 Sa ikat¬long araw, na¬tanaw ni Abraham ang lugar sa malayo, 5 at sinabi niya sa mga kaba¬taang ali¬pin: “Bantayan ninyo rito ang asno. Aahon kami ng anak ko sa dakong iyon para sumamba, at babalikan namin kayo.”
6 Kinuha ni Abraham ang kahoy na pang¬gatong sa alay at ipinapasan kay Isaac na kanyang anak. Dala naman niya ang apoy at patalim. Samantalang magkasamang naglalakad ang dalawa, 7 sinabi ni Isaac kay Abraham na kanyang ama: “Ama ko!” At su¬magot si Abraham: “Narito ako, anak ko.” Sinabi ni Isaac: “May dala tayong apoy at kahoy, pero na¬saan ang susunuging handog na kordero?” 8 Suma¬got si Abraham: “Ang Diyos ang magbi¬bigay ng susunuging handog na kordero, anak ko.” Nag¬patuloy na magkasama ang dalawa 9 hanggang dumating sila sa lugar na itinuro ng Diyos. Matapos ma-gawa ni Abraham ang altar at maiayos ang kahoy na panggatong, igina¬pos niya ang kan¬yang anak na si Isaac at inilagay sa altar sa iba¬baw ng mga kahoy. 10At iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at kinuha ang patalim upang sak¬sakin ang kanyang anak.
11 Ngunit tinawag siya ng Anghel ni Yawe mula sa langit: “Abraham! Abraham!” At sinabi niya: “Narito ako.” 12 Si¬nabi ng Anghel: “Huwag mong pagbu¬hatan ng kamay ang bata, huwag mo siyang saktan. Alam ko na ngayon na may takot ka sa Diyos sapagkat hindi mo ipinagkait para sa akin ang bugtong mong anak.” 13 Tumingin si Abraham at nakita niya ang isang barakong kambing na na¬pasabit ang mga sungay sa mga sanga ng isang palumpong. Kinuha niya iyon at ini¬alay bilang sinunog na handog na kapalit ng kanyang anak. 14 Tinawag ni Abraham na “Si Yawe ang Titingin” ang lugar na iyon kaya sinasabi ngayon na sa bundok na ito, si Yawe ang titingin.
15 At muling tinawag ng Anghel ni Yawe mula sa langit si Abraham, 16 at sinabi: “Sabi ni Yawe – dahil ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait ang kaisa-isa mong anak, 17 isinusumpa ko mismo sa aking sarili na pagpapalain kita at para¬ramihin kong sindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa da¬lam¬pasigan ang iyong lipi. At lulupigin ng iyong mga inapo ang kanilang mga kaaway. 18 At makikita ng lahat ng bansa ng san¬libutan ang aking pagpa¬pala sa pamamagitan ng iyong inapo sapagkat sumu¬nod ka sa akin.”
19 Binalikan ni Abraham ang kanyang mga alipin, at magkakasama silang umuwi sa Berseba kung saan siya tumigil.
20 Pagkalipas ng ilang panahon, naba¬litaan ni Abraham na nagkaroon na ng mga anak na lalaki si Milca kay Nahor na kapatid ni Abraham: 21 si Us ang panganay, si Buz na kapatid nito at si Camuel na ama ng mga Sirio, 22 at sina Cased, Azau, Feldas, Yedlaf at Batuel 23 (na ama ni Rebeca). Naging anak ni Milca ang walong ito kay Nahor na kapatid ni Abraham. 24 Nagka¬anak din ang kanyang asawang-ali¬pin na nagngangalang Roma: sina Tebaj, Gajam, Tajas at Maaca.
Ang libingan nina Abraham at Sara
23 • 1 Nabuhay si Sara nang isandaa’t dalawampu’t pitong taon. 2 Namatay siya sa siyudad ng Arbe – iyon ang Hebron – sa lupain ng Kanaan, at nanangis si Abraham at ipinagluksa si Sara. 3 Iniwan ni Abraham ang bangkay at kinausap niya ang mga Heteo:
4 “Dayuhan lamang ako sa lupang ito. Ha¬yaan ninyong magkaroon ako ng lote na magagawa kong libingan.” 5 Sumagot kay Abraham ang mga Heteo: 6 “Makinig ka, ginoo, ikaw ang prin¬¬¬¬¬¬sipe ng Diyos para sa amin; ilibing mo ang iyong patay sa pinakamahusay na libingan. Wa¬lang sinuman sa amin na mag¬kakait sa iyo ng kan¬¬¬yang li¬bi¬ngan para paglibi¬ngan mo ng iyong patay.”
7 Tumindig si Abraham at yumuko sa mga Heteong tagaroon, 8 at sinabi sa kanila: “Kung payag kayong ilibing ko ang aking patay, pa¬kinggan ninyo ako at ipakiusap kay Efrong anak ni Seor 9 na ibigay sa akin ang yungib niya sa Makpela na nasa may hangganan ng kan¬yang lupain. Ibigay niya iyon sa akin at ba¬bayaran ko iyon ng pilak bilang libingan.”
10 Nang mga sandaling iyon, naroon si Efron at nakaupong kasama ng mga Heteo, at sinabi nito kay Abraham na naririnig ng lahat ng labas-masok sa pintuan ng kanyang lunsod: 11 “Hindi, ginoo, makinig ka! Ibinibigay ko sa iyo ang lote, pati ang yungib na naroon. Sa pagsaksi ng lahat kong kababayan, ibinibigay ko iyon sa iyo. Ilibing mo roon ang iyong patay.” 12 Muling yumuko si Abraham sa mga Heteo 13 at sinabi kay Efron nang naririnig nila: “Kung makikinig ka lamang sa akin, babayaran ko ang halaga ng lote. Tanggapin mo ito upang mailibing ko roon ang aking patay.” 14 Suma¬got si Efron kay Abra¬ham: 15 “Ginoo, pakinggan mo ako. Apatna¬ra¬ang pirasong pilak ang halaga ng lote, palagay ko’y tama na ang halagang iyon, pero ano ba naman sa atin iyon? Ilibing mo na ang iyong patay.” 16 Sumang-ayon si Abraham kay Efron at tumimbang siya ng pilak sa harap ng mga Heteo: apatnaraang piraso ng pilak na umiiral noon sa pamilihan.
17 Sa gayon, ang lote ni Efron sa Makpela na katapat ng Mambre – ang lote at ang yungib pati ang lahat ng punong naroon, ang kabuuan niyon ay naging 18 ari-arian ni Abraham sa harap ng mga Heteong nasa pintuan ng lunsod.
19 Pagkatapos nito, inilibing ni Abraham ang asawang si Sara sa yungib na nasa lupain ng Makpela na malapit sa Mambre (na Hebron) sa lupain ng Kanaan. 20 Ang lupa at ang yungib na naroon ay ipinagbili nga ng mga Heteo kay Abraham para gawing libingan.
Humanap si Elizer ng mapapangasawa ni Isaac
24 • 1 Matandang-matanda na si Abra¬ham at pinagpala siya ni Yawe sa lahat ng bagay. 2 Sinabi ni Abraham sa pinakamatanda niyang lingkod na kanyang mayordomo: “Ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita 3 at sumumpa ka sa akin sa ngalan ni Yaweng Diyos ng langit at Diyos ng lupa na hindi mo ikukuha ng asawa ang aking anak sa mga dalaga ng Kanaan. 4 Sa halip, magpunta ka sa aking bayan para kumuha sa aking mga kamag-anak ng mapapangasawa ng aking anak na si Isaac.”
5 Sinabi ng lingkod sa kanya: “Paano kung ayaw sumama sa akin ng babae pabalik dito? Maisasama ko ba ang iyong anak sa bayang pinagmulan mo?” 6 Sinabi ni Abraham: “Hindi mo isasama roon ang aking anak sa anumang para¬an. 7 Sapag-kat si Yaweng Diyos ng langit na naglabas sa akin sa bahay ng aking ama at sa bayan kong sinilangan ang kuma-usap sa akin at sumumpang ibibi¬gay niya ang lupaing ito sa aking inapo.
Isusugo niya ang kanyang anghel para umuna sa iyo, at doon ka kukuha ng asawa ng aking anak. 8 Kung ayaw sumu¬nod sa iyo ng babae, magiging malaya ka na sa sumpang ito. Sa anu’t anuman, hindi mo dadalhin doon ang aking anak.” 9 Inilagay ng mayordomo ang kanyang kamay sa ilalim ng hita ng kanyang among si Abraham at sumum¬pang ga¬gawin ang iniutos sa kanya.
10 Kumuha ang lingkod ng sampu sa mga kamelyo ng kanyang amo at kinargahan ng lahat ng pinakamabuti sa mga ari-arian ng kanyang amo. Tumindig siya at naglakbay patungong siyu¬dad ng Nahor sa bayan ng Aram. 11 Pina¬luhod niya ang mga kamelyo malapit sa balon sa labas ng lunsod. Hapon na at paigib ng tubig ang mga babae.
12 At nanalangin ang mayordomo: “Yaweng Diyos ng aking panginoong si Abraham, sumaakin ka at magmagandang-loob kay Abraham na aking amo. 13 Tingnan mo, nakatayo ako rito sa tabi ng bukal at parating na ngayon ang mga babae para umigib ng tubig. 14 Sa¬sabihin ko sa kanilang – Ibuhos mo ang iyong banga upang makainom ako. Ang unang dalagang magsasa¬bing – Si¬ge, uminom ka at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo – ang ituturing kong pinili mo para sa iyong lingkod na si Isaac. Kaya malalaman kong nagmagandang-loob ka sa aking panginoon.”
15 Hindi pa siya tapos manalangin nang lumabas si Rebecang anak na dalaga ni Betuel na anak ni Milca na maybahay ni Nahor na kapatid naman ni Abraham. May pasang banga sa bali¬kat. 16 Napaka¬ganda ng dalaga at wala pang nakasisiping na lalaki. Lumusong siya sa bukal, pinuno ang banga at saka umahon. 17 Tu¬makbo ang alipin at sina-lubong siya at sinabi: “Mawalang-galang na, makiki¬inom sana ako ng ka¬un¬ting tubig sa iyong banga.” 18 Su¬ma¬got si Rebeca: “Uminom ka, gi¬noo.” Kapagdaka’y ibinaba niya ang pa¬sang banga at pinainom siya. 19 Pagka¬tapos siyang painumin, sinabi niya: “Iiigib ko rin ng tubig ang mga kamelyo mo hang¬¬¬gang mapawi ang kanilang uhaw.” 20 Nag¬mama-daling isinalin ni Rebeca ang laman ng banga sa labangan, at nag¬¬¬pa¬balik-balik para painumin ang lahat ng kamelyo.
21 Tahimik naman siyang pinagmamasdan ng lalaki para malaman kung pagtatagumpayin nga ni Yawe o hindi ang kanyang paglalakbay. 22 Nang ma¬kainom na ang mga kamelyo, inilabas ng lalaki ang gintong singsing para sa ilong at dalawang gintong pulseras at ibinigay sa dalaga. 23 At kanyang itina¬nong: “Kanino kang anak? Mangya¬ring sabihin mo sa akin. May silid ba sa ta¬ha¬nan ng iyong ama na maaari na¬ming pagpalipasan ng gabi?” 24 Suma¬got ang dalaga: “Anak ako ni Betuel na anak naman ni Milca kay Nahor.” 25 Ipinag¬patuloy niya: “Marami ka¬ming dayami at damo para sa mga kamelyo, at may silid din na mapagpapalipasan ninyo ng gabi.”
26 Lumuhod ang lalaki at dumapa sa harap ni Yawe, 27 at sinabi: “Dakilain si Yaweng Diyos ng aking panginoong si Abraham, na hindi ipinagkakait ang kan¬yang kabutihang-loob at katapatan sa aking amo. Pinatnubayan ako ni Yawe upang makarating sa bahay ng mga ka¬patid ng aking amo.” 28 Patakbong umuwi ang dalaga sa bahay ng kanyang ina at isinalaysay ang lahat.
29 May kapatid na lalaki si Rebeca na nagngangalang Laban, at patakbo nitong nilapitan ang lalaking malapit sa bukal. 30 Pagkakita niya sa singsing sa ilong at mga pulseras sa braso ng kan¬yang kapatid na dalaga, at nang mari¬nig niya ang sinabi ni Rebeca na “Ito ang sinabi sa akin ng lalaki...” nilapitan niya ang lala¬king nakatayo sa tabi ng mga kamelyo, malapit sa bukal. 31 Sinabi niya: “Tumuloy ka, ikaw na pi¬nag¬pala ni Yawe. Ba’t di ka pumasok? Naihanda ko na ang bahay at may lugar para sa iyong mga kamelyo.” 32 Kaya pumasok naman ang lalaki sa bahay at ibinaba ang mga dala ng mga kamelyo. Binig¬yan ng dayami at damo ang mga ka¬melyo. At binigyan naman siya ng tubig at ang kanyang mga kasama upang hugasan ang kanilang mga paa. 33 Hinainan din siya ng pagkain pero sinabi niya: “Hindi ako kakain hang¬¬gang hindi ko nasasabi ang aking pakay.” Sinabi ni Laban: “Magsalita ka.”
34 At sinabi niya: “Ako ay lingkod ni Abra¬ham. 35 Lubos na pinagpala ni Yawe ang aking amo at yumaman siya. Binigyan siya ni Yawe ng mga tupa, at mga baka, pilak at ginto, mga aliping lalaki at babae, mga kamelyo at asno. 36 At nagsilang ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan si Sarang asawa ng aking amo. Kaya sa kanya ibinigay ng aking amo ang lahat niyang ari-arian. 37 At pinasumpa niya ako at sinabing – Hindi mo ikukuha ng asawa ang aking anak sa mga dalaga ng Kanaang tinitirhan ko. 38 Sa halip, pupunta ka sa angkan ng aking ama, sa aking mga kamag-anak, at doon ka kukuha ng magiging asawa ng aking anak. 39 At sinabi ko naman sa aking amo – Paano kung ayaw sumama sa akin ng babae? 40 Suma¬got siya – Isusugo ni Yaweng lagi kong pinag¬lilingkuran ang kanyang anghel para samahan ka at gawing matagumpay ang iyong paglalakbay. Makakukuha ka ng magiging asawa ng aking anak mula sa sarili kong angkan at sa tahanan ng aking ama. 41 At pagkarating mo sa aking angkan, malaya ka na sa aking sumpa – tu¬manggi man silang ibigay siya sa iyo o hindi, wala ka nang pananagutan sa akin.
42 Kaya nanalangin ako pagdating sa bukal – Yaweng Diyos ng aking panginoong Abraham, kung gusto mong magtagumpay ang aking paglalakbay, 43 ganito sana ang mangyari: tatayo ako sa tabi ng bukal at kapag may du-mating na dalaga para umigib ng tubig, sasabihin ko sa kanyang: Painom naman nang kaunti sa iyong banga. 44 Kapag sumagot siya ng – Uminom ka, at iiigib ko rin ang iyong mga kamelyo – siya nawa ang babaeng pinili ni Yawe para sa anak ng aking amo. 45 Iniisip ko pa lamang ito nang lumabas si Rebeca na may pasang banga. Lumusong siya sa bukal para umigib ng tubig. Sinabi ko sa kanyang – Painom naman. 46 Mabilis niyang ibinaba ang banga at sinabing – Uminom ka! At paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo. – Uminom ako at pina¬inom din niya ang aking mga kamelyo. 47 Tinanong ko siya – Kanino kang anak? At sinabi niyang – Anak ako ni Betuel na anak ni Nahor kay Milca. At isinuot ko ang singsing na ito sa kanyang ilong at ang mga pulseras sa kanyang braso. 48 Lumuhod ako pagkatapos at dumapa para sambahin at dakilain si Yaweng Diyos ng aking among si Abraham, na umakay sa akin sa tamang daan para kunin ang apo ng kapatid na lalaki ng aking amo para sa kanyang anak. 49 Sabihin ninyo sa akin ngayon kung magmamagandang-loob kayo at magiging tapat sa aking amo; kung hindi naman, sabihin ninyo sa akin nang malaman ko kung ano ang dapat kong gawin.”
50 Sumagot sina Laban at Betuel: “Talaga ito ni Yawe. Hindi kami maka¬tu¬tutol. 51 Heto si Rebeca, isama mo siya para maging asawa ng anak ng iyong amo, gaya ng sinabi ni Yawe.” 52 Nang marinig iyon ng lingkod ni Abraham, du¬mapa siya sa lupa sa harap ni Yawe. 53 Kinuha niya pagka¬tapos ang mga ala¬has na ginto at pilak at ang mga damit, at ibinigay kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling mga regalo ang kapatid na lalaki at ina at mga kamag-anak nito. 54 At siya at ang kanyang mga kasama ay kumain at nag-inuman, at doon nagpalipas ng gabi.
Nang magising sila kinabukasan, sinabi niya: “Pauwiin na ninyo ako sa aking amo.” 55 Sinabi ng kapatid at ina ni Rebeca: “Hayaan mong makapiling pa namin ang aming dalaga nang mga sampung araw. At makalalakad na siya.” 56 Sinabi niya: “Huwag na ninyo akong abalahin dahil pinapagtagum-pay na ni Yawe ang aking pag¬lalakbay. Pa¬uwiin na sana ninyo ako sa aking amo.” 57 At sinabi nila: “Tawagin natin si Rebeca at tanungin siya tungkol dito.” 58 Tinawag nila si Rebeca at tinanong: “Gusto mo bang sumama sa lalaking ito?” Sumagot siya: “Sasama ako.” 59 Ka¬ya pinasama nila si Rebecang ka¬patid nila at ang yaya nito sa lingkod ni Abraham at sa mga tauhan niyon. 60 Binasbasan nila si Rebeca at sinabi sa kanya: “Aming kapatid, dumami ka nawa nang libu-libo, at malupig nawa ng iyong lahi ang mga namumuhi sa kanila.”
61 Naghanda si Rebeca at ang kanyang mga utusan, sumakay sa mga kamelyo at sumunod sa mayordomo ni Abraham. Sa gayon, isinama ng lingkod si Rebeca at umalis.
62 Kagagaling pa lamang ni Isaac sa balon ng Lahay-Roi sapagkat sa Negeb siya nakatira. 63 Nang gumagabi na, lumabas siya para mamasyal sa bukid, at natanaw niya sa malayo ang ilang ka¬melyong papalapit. 64 At nang makita siya ni Rebeca, bumaba ito sa kamelyo 65 at tinanong ang mayordomo: “Sino ang la¬laking iyon sa bukid na palapit sa atin?” Sumagot ito: “Siya ang amo ko.” Kayat kinuha ni Rebeca ang kanyang belo at tinakpan ang mukha.
66 Isinalaysay ng mayordomo kay Isaac ang lahat niyang ginawa. 67 Dina¬la ni Isaac si Rebeca sa tolda ng kanyang inang si Sara. At siya ay na¬ging kanya at naging asawa niya. Minahal niya ito at si Isaac ay naaliw pag¬kamatay ng kanyang ina.
Si Abraham at ang kanyang mga inapo
25 • 1 Kumuha ng isa pang asawa si Abra¬ham, na nagngangalang Ketura. 2 Na¬ging ina siya nina Zamram, Yecsan, Madan, Madian, Yesboc at Suraj.
3 Si Yecsan ang ama nina Saba at Dedan, at ang mga Asureo, Latuseo, Leomeo ang mga anak ni Dedan. 4 Mga anak naman ni Madian sina Efa, Ofer, Enoc, Abida at Eldaa. Mga inapo silang lahat ni Ketura. 5 Pero kay Isaac ipinamana ni Abraham ang lahat. 6 Binigyan naman ni Abraham ng mga regalo ang mga anak niya sa ibang babae; at habang nabubuhay pa siya, pinalayo niya ang mga iyon kay Isaac sa lupain sa silangan.
7 Nabuhay si Abraham nang isandaa’t pitumpu’t limang taon. Nalagutan ng hininga si Abraham. 8 At pagkatapos ng kanyang masa¬yang katandaan, namatay siyang matanda at mayaman sa taon at sumama siya sa kanyang mga ninuno. 9 Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Isaac at Ismael sa yungib sa Makpela na malapit sa Mambre, sa bukid ni Efrong anak ni Seor na Heteo. Inilibing si Abraham kasama ng kanyang asawang si Sara sa 10 loteng binili niya sa mga Heteo. 11 Pagka¬matay ni Abraham, pinagpala ng Diyos ang kanyang anak na si Isaac na nakatira noon malapit sa balon ng Lahay-Roi.
12 Ito ang mga inapo ni Ismael na anak ni Abraham kay Agar na aliping taga-Ehipto ni Sara. 13 Ito ang kanilang mga pangalan ayon sa pagkasilang: si Nabaiot ang panganay ni Ismael, at sumunod sina Cedar, Abdeel at Mabsam, 14 Misma, Duma at Massa, 15 Hadad, Tema, Yetur, Nafis at Cedma. 16 Ito ang mga anak ni Ismael, ang kanilang mga bayan at kampo. Labindalawa silang mga pinuno ng kani-kanilang mga tribu. 17 Nabuhay si Ismael nang isandaa’t tat¬lumpu’t pitong taon. Nang ma¬matay siya, inilibing siyang kasama ng kan¬yang mga ninuno.
18 Nanirahan ang kanyang mga inapo sa lupaing sumasakop sa Evila haggang Sur, ma¬lapit sa hangganan ng Ehipto patungong Asiria. At lumaganap siya sa harap ng kanyang kapwa.
19 Dito nagsisimula ang kasaysayan ni Isaac na anak ni Abraham. 20 Apatnapung taon si Isaac nang maging asawa niya si Rebecang anak na dalaga ni Betuel, ang Arameong taga-Mesopotamia, at kapatid ni Laban.
Ipinanganak sina Esau at Jacob
• 21 Nanalangin si Isaac kay Yawe para sa kanyang asawa sapagkat baog ito. Dininig siya ni Yawe at naglihi si Rebecang asawa niya. 22 Sa tiyan pa lamang ay nag¬tutulakan na ang mga bata; isinama ito ng loob ni Rebeca at sinabi niya: “Ba’t pa ako patuloy na nabubuhay kung ganito rin lamang?” Kayat sumangguni siya kay Yawe.
23 Sinabi sa kanya ni Yawe: “Dalawang bansa ang nasa iyong sinapu¬punan, at da¬lawang bayan mula sa iyo ang maghihi¬walay. Magiging mas malakas ang isa at maglilingkod ang pa¬nganay sa bunso.”
24 Nang sumapit ang araw ng kanyang panganganak, kambal pala ang nasa kanyang sinapupunan. 25 Ang unang lu¬ma¬¬bas ay mapula at balbon ang buong ka¬tawan, kaya tinawag siyang Esau. 26 Kasunod niyang luma¬bas ang kanyang kapatid, nakahawak ito sa sakong ni Esau at pinangalanang Jacob. Animnapung taon noon si Isaac.
27 Lumaki ang mga bata, naging ma¬galing na mangangaso si Esau na ma¬hilig magpagala-gala. Si Jacob naman ay simpleng tao at naninirahan sa tolda. 28 Mahal ni Isaac si Esau dahil gusto nito ang karne ng maiilap na hayop, pero mahal naman ni Rebeca si Jacob.
29 Minsan, nang nagluluto ng nilaga si Jacob, dumating si Esau mula sa paggagala at pagod na pagod, 30 at sinabi niya kay Jacob: “Palamunin mo nga ako ng pulang nilaga mo dahil gutom na gutom ako.” (Mula noon, tinawag na siyang Edom – ang Pula.) 31 Sinabi ni Jacob: “Ipagbili mo sa akin ngayon din ang ka¬rapatan ng pagiging panganay.” 32 Si¬nabi ni Esau: “Malapit na rin lang akong ma¬matay sa gutom, ano pa ang ka¬buluhan ng pagiging panganay?” 33 Sinabi naman ni Jacob: “Sumumpa ka ngayon din.” At su¬mum¬pa si Esau at ipinagbili ang karapatan ng pagiging panganay kay Jacob.
34 At saka siya binigyan ni Jacob ng ti¬napay at nilagang beans. Kumain at umi¬nom si Esau at tumindig pagkatapos at umalis. At binale-wala ni Esau ang pa¬giging panganay niya.
Mga pangyayari sa buhay ni Isaac
26 • 1 Nagkaroon ng taggutom sa lu¬pain – ang ikalawa pagkatapos ng tag¬gutom sa panahon ni Abraham – at nagpunta si Isaac sa Gerar na lupain ni Abimelek na hari ng mga Pilisteo. 2 Sapagkat napakita sa kanya si Yawe at sinabi: “Huwag kang bababa sa Ehipto; tumigil ka sa lupaing sasabihin ko sa iyo. 3 Manatili ka sa lupaing ito, at ako’y sasaiyo at pagpapalain kita. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga inapo ang buong lupaing ito, at tutuparin ko ang panga¬kong sinumpaan ko sa iyong amang si Abra¬ham. 4 Pararamihin ko ang iyong lipi tulad ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong lahi ang buong lupaing ito. At makikita ng lahat ng bansa sa daigdig ang aking pagpapala sa pamamagitan ng iyong inapo 5 sapagkat sinu¬nod ako ni Abraham at tinupad ang mga ini¬uutos ko at ang aking mga batas at tuntunin.” 6 Kaya nanatili sa Gerar si Isaac. 7 Nang tanu¬ngin siya ng mga tao sa nasabing lupain tungkol sa kan¬yang asawa, sinabi niyang “Kapatid ko siya.” Natatakot siyang sabihing “Asawa ko siya” sapagkat inakala niyang “Baka patayin ako ng mga lalaking ito dahil kay Rebeca na napaka¬ganda.” 8 Nang matagal na roon si Isaac, min-sang nakadungaw si Abimelek sa bintana, na¬kita nito si Isaac na nakikipaglambingan kay Rebeca. 9 Ipinatawag ni Abimelek si Isaac at sinabing “Asawa mo pala siya! Bakit mo sina¬bing kapatid mo siya?” Sinabi naman ni Isaac: “Inisip ko kasing baka patayin nila ako dahil sa kanya.” 10 Kaya sinabi ni Abimelek: “Ano itong ginawa mo sa amin? Kung nangyaring nakipagtalik sa asawa mo ang isa sa aking mga tauhan, isusuong mo kami sa pagka¬kasala.” 11 Kaya nag¬palabas ng utos si Abimelek sa lahat niyang nasasakupan: “Mamamatay ang sinumang gu¬malaw sa lala¬king ito o sa kanyang asawa.”
12 Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani nang makasandaang ibayo nang taon ding iyon. Pinagpala siya ni Yawe 13 at siya ay yumaman. Patuloy na lumago ang kanyang kabu¬hayan hanggang maging napaka¬yaman niya. 14 Nag¬karoon siya ng napaka¬raming kawan ng mga tupa at mga baka, at mga alipin kaya na¬inggit sa kanya ang mga Pilisteo. 15 Tinabunan ng lupa ng mga Pilisteo ang lahat ng balong hinukay ng mga alipin ng kanyang amang si Abraham sa ka¬panahunan nito. 16 Sinabi ni Abimelek kay Isaac: “Lumayo ka sa amin sapagkat mas ma¬kapangyarihan ka pa ngayon kaysa amin.” 17 Kaya umalis sina Isaac sa lupa¬ing iyon at nagpunta sa Lambak ng Gerar at nanirahan doon.
18 Muling ipinahukay ni Isaac ang mga balong hinukay sa kapanahunan ng kanyang amang si Abraham, na tinabunan naman ng mga Pilisteo pagkamatay ni Abraham. Dati ring pangalan ang itinawag niya sa mga balon ayon sa ibinigay ng kanyang ama. 19 Nag¬hukay ang mga alipin ni Isaac sa lambak at natuklasan ang isang buhay na bukal. 20 Ngunit inaway ng mga pastol ng Gerar ang mga pastol ni Isaac at sinabing: “Amin ang tubig na iyan!” Kaya tinawag niyang Esek (Balon ng Away) ang balon sapagkat pinag-awayan nila iyon. 21 Hu¬mukay sila ng iba pang balon pero muli na naman nila iyong pinag-awayan, kaya tinawag niya iyong Sitna (Balon ng Pag¬tatalo). 22 Lumayo na siya roon at humu¬kay ng isa pang balon, at sapagkat walang nakipagkagalit dahil doon, tinawag niya iyong Rejobot (Balon ng Ginhawa). At sinabi niya: “Sa wakas, binigyang-ginhawa rin tayo ni Yawe kaya uunlad na tayo ngayon sa lupaing ito.”
23 Mula roon, umahon si Isaac sa Berseba. 24 Napakita sa kanya si Yawe kinagabihan at sinabi: “Ako ang Diyos ni Abraham na iyong ama. Huwag kang matakot sapagkat ako’y sumasaiyo. Pagpapalain kita at pararamihin ang iyong lipi alang-alang kay Abraham na aking lingkod.” 25 Gumawa ng altar si Isaac doon at tumawag sa Ngalan ni Yawe. Doon niya itinayo ang kanyang tolda, at humukay naman ng balon ang kanyang mga alipin.
26 Pinuntahan siya ni Abimelek mula sa Gerar kasama ang kaibigan nitong si Ajuzat at si Pikol na pinuno ng kanyang hukbo. 27 Sinabi sa kanya ni Isaac: “Bakit ka napa¬rito? Di ba’t namumuhi ka sa akin kaya mo ako pinalayas?” 28 Sumagot ang mga ito: “Maliwanag naming nakita na sumasaiyo si Yawe kaya sinabi naming – Ipa¬ngako natin ang kapayapaan sa isa’t isa at gumawa tayo ng kasunduan: 29 hindi mo kami pipinsalain kung paanong hindi ka namin gi¬nulo kundi naging laging mabuti ang paki¬kitungo namin sa iyo at mapayapa kang pinaalis. Ikaw ang pinagpala ni Yawe.” 30 At pinagtibay ni Isaac ang kasunduan sa banal na pi¬ging at kumain sila at nag-inuman. 31 Kinabukasan, maaga silang gumising at nangako sa isa’t isa. Pinaalis sila ni Isaac at iniwan naman siya sa kapayapaan. 32 Nang araw ding iyon, du¬mating ang mga alipin ni Isaac at ibinalita sa kanya ang tungkol sa balong hinukay ng mga ito: “Naka¬tuklas kami ng tubig!” 33 Tinawag niyang Seba ang balon kaya Berseba ang pangalan ng lunsod hang¬gang ngayon.
34 Nang apatnapung taon na si Esau, pina¬ka¬salan niya si Judit na anak ni Bering Heteo at si Besemat na anak naman ni Elon na isa ring Heteo. 35 At nakakainis sila kina Isaac at Rebeca.
Ninakaw ni Jacob ang bendisyon
27 1 Matanda na si Isaac at malabo na ang mga mata at hindi na maka¬kita. Tinawag niya ang kanyang panga¬nay na si Esau at sinabi: “Anak ko.” Sumagot ito: “Narito ako.” 2 Nagpatuloy si Isaac: “Matanda na ako at hindi ko alam kung kailan ako mamamatay. 3 Kaya kunin mo ang iyong mga sandata, ang iyong pana at sisidlan ng mga palaso. Lumabas ka sa kaburulan at mangaso. 4 At ipagluto mo ako ng paborito ko at ihain sa akin. At saka ko ibibigay sa iyo ang aking ben¬disyon bago ako mamatay.”
5 Nakikinig si Rebeca habang kina¬ka¬usap ni Isaac ang anak na si Esau. Pag¬kaalis ni Esau para mangaso sa kabu-rulan, 6 tinawag ni Rebeca ang kan¬yang anak na si Jacob at sinabi: “Na¬rinig kong sinabi ng iyong ama sa kuya mong si Esau – 7 Mangaso ka at ipagluto ako ng iyong huli para makakain ako at babas¬basan kita sa harap ni Yawe bago ako mamatay. 8 Nga¬¬yon, anak ko, ma¬kinig ka at gawin mo ang sasabihin ko sa iyo. 9 Pumunta ka sa mga kawan at dalhan mo ako ng dalawang matabang batang kam¬bing para maipagluto ko ng pabo¬ritong pagkain ang iyong ama. 10 Iha-hain mo iyon sa iyong ama at ka¬kain siya, at ikaw ang babasbasan niya bago siya mamatay.”
11 Sinabi naman ni Jacob kay Rebe¬ca: “Balbon ang aking kuyang si Esau, samantalang makinis naman ang balat ko. 12 Kapag hinipo ako ng aking ama, malalaman niyang nililinlang ko siya at sumpa ang tatanggapin ko sa halip na pagpapalapagpapala.” 13 Ngunit sinabi ng kanyang ina: “Anak ko, sa akin na sana bu¬¬¬magsak ang sumpa! Gawin mo basta ang sinabi ko; lumakad ka na at kunin iyon para sa akin.” 14 Kaya uma¬lis si Jacob at kinuha ang mga iyon at dinala sa kanyang ina para ihanda ang paboritong pagkain ng kanyang ama. 15 At kinuha ni Rebeca ang nasa bahay na pinaka¬magandang damit ni Esau na kuya ni Jacob, at isinuot ito sa kanyang bunso. 16 Binalutan niya ng balat ng kam¬bing ang mga kamay ni Jacob at ang makinis na bahagi ng leeg, 17 at iniabot dito ang tina¬pay at ulam na kan¬¬yang inihanda.

18 Pinuntahan ni Jacob ang kanyang ama at sinabing “Ama ko.” Sumagot si Isaac: “Oo, anak ko, sino ka?” 19 Su¬ma¬¬got si Jacob: “Ako si Esau, ang inyong panga¬nay. Nagawa ko na ang inyong bilin. Ma¬upo kayo at kainin ang aking napangaso, at ibigay sa akin ang inyong bendisyon.”
20 Sinabi naman ni Isaac: “Ang bilis mong nakakuha, anak ko!” Sumagot si Jacob: “Tinulungan po ako ni Yaweng inyong Diyos.”
21 Sinabi ni Isaac kay Jacob: “Luma¬pit ka sa akin, anak, para mahawakan kita para malaman ko kung ikaw nga o hindi ang anak kong si Esau.” 22 Nang lumapit si Jacob kay Isaac na kanyang ama, sinalat siya nito at sinabi: “Ang boses ay boses ni Jacob pero ang kamay ay ka¬may ni Esau.” 23 Hindi siya naki¬lala ni Isaac sapagkat mabalahibo ang kan¬yang mga kamay tulad sa mga kamay ng kanyang kapatid na si Esau kayat binasbasan siya ni Isaac. 24 Nagtanong si Isaac: “Ikaw bang talaga ang anak kong si Esau?” At sumagot si Jacob: “Ako nga.” 25 Sinabi ni Isaac: “Da¬lhan mo ako ng iyong na¬pa¬ngaso, anak ko, para ma¬ka¬kain ako at nang mabasbasan kita.”
Kaya hinainan ni Jacob si Isaac para kumain. Nagdala rin siya ng alak at umi¬nom si Isaac.
26 At sinabi pagkatapos ng kanyang amang si Isaac: “Halika, anak ko, luma¬pit ka sa akin, at halikan mo ako.” 27 Kaya lumapit siya at hinalikan ang ama. Na¬amoy ni Isaac ang kanyang suot kaya bi¬nasbasan siya, at sinabi:
“Tulad sa halimuyak ng kabukirang pinag¬pala ni Yawe
ang samyo ng aking anak.
28 Ipagkaloob nawa sa iyo ng Diyos
ang hamog ng langit at matabang lupa,
ang masaganang trigo at katas ng ubas.
29 Paglingkuran ka nawa ng mga bayan
at mangayupapa sa iyo ang mga bansa.
Maging panginoon ka ng iyong mga kapatid,
at yumuko sa iyo ang mga anak ng iyong ina.
Sumpain ang sinumang susumpa sa iyo,
at pagpalain ang sinumang magpa¬pala sa iyo.”
30 Katatapos pa lamang basbasan ni Isaac si Jacob at kaaalis-alis pa lamang ni Jacob nang dumating ang kapatid nitong si Esau galing sa pangangaso. 31 Nagluto rin si Esau at dinala sa kanyang ama at sinabi: “Ama, maupo kayo at kanin ang ini¬han¬dang napangaso ng inyong anak para mabasbasan ninyo ako.”
32 Sinabi ni Isaac: “Sino ka?” “Ako ang inyong panganay, si Esau.” 33 Ga¬yon na lamang ang panginginig ni Isaac at sinabi: “Kung gayo’y sino ang nangaso at nagdala nito sa akin? Kaka¬kain ko pa lamang bago ka dumating, at binasbasan ko siya at siya nga ang pagpapa¬lain.” 34 Nang marinig ni Esau ang sinabi ng kanyang ama, napaiyak ito nang ma¬lakas at buong-kapaitan, at sinabi sa kanyang ama: “Basbasan din ninyo ’ko, Ama ko.”
35 Ngunit sinabi ni Isaac: “Pinun¬tahan ako’t nilinlang ng iyong kapatid, at kinuha niya ang bendisyon ko sa iyo.” 36 Sinabi ni Esau: “Talaga ngang Jacob ang pangalan niya. Dalawang beses na niya akong napaglalalangan. Una’y kinu-ha niya ang kara¬patan ko sa pagi¬ging panganay, at ngayo’y kinuha naman niya ang pagba¬basbas sa akin.” At itinanong niya: “Wala na ba kayong inilalaang bendisyon sa akin?”
37 Sumagot si Isaac: “Nagawa ko na siyang panginoon mo. Naibigay ko na sa kanya ang lahat niyang kaanak bilang alipin; naipagkaloob ko na sa kanya ang masaganang trigo at katas ng ubas. Ano pa ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?” 38 Sinabi ni Esau sa kanyang ama: “Iisa lamang ba ang inyong ben¬disyon? Ama, basbasan din ninyo ako.” At huma¬gulgol si Esau.
39 Kaya sumagot si Isaac na kan¬yang ama: “Titira kang malayo sa kasaganaan ng lupa, malayo sa hamog ng langit. 40 Ma¬bubuhay ka sa patalim at pag¬li¬ling¬kuran mo ang iyong kapatid. Ngunit ka¬pag ninais mo, maaalis mo ang kan¬yang pamatok sa batok mo.”
Tumago si Jacob sa bahay ni Laban
41 Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa bendis¬yong ipinagkaloob dito ng kanyang ama, at naisaloob niyang “Malapit na ang pagluluksa para sa aking ama. Saka ko papatayin ang aking kapatid na si Jacob.” 42 Nang malaman ni Rebeca ang banta ni Esau na kanyang panganay, ipinatawag niya si Jacob na kanyang bun¬so at sinabi rito: “Gustong gumanti sa iyo ng iyong Kuya Esau, at papatayin ka niya. 43 Kaya pa¬kinggan mo ako, anak ko, tumakas ka nga¬yon din at pumunta kay Labang kapatid kong nasa Haran. 44 Ilang panahon ka munang tumira sa kanya hanggang humupa ang poot ng iyong kuya. 45 At kapag hindi na siya galit at na¬limutan na ang ginawa mo sa kanya, ipasusundo kita para makabalik dito. Bakit kailangang ma¬wala kayong dalawa sa akin sa iisang araw?”
46 Sinabi naman ni Rebeca kay Isaac: “Na¬ka¬kaaburido na ang mga Heteang iyan! Ano pa’ng halaga ng buhay kung isa rin lang Heteang tulad nila ang mapapa¬ngasawa ni Jacob sa lupaing ito!”

28 1 Ipinatawag ni Isaac si Jacob at binasbasan siya at iniutos: “Huwag kang mag-aasawa ng isang Kananea. 2 Magpunta ka sa Padan-Aram, sa bahay ni Batuel na ama ng iyong ina, at doon ka humanap ng mapapa¬ngasawa mula sa mga anak ni Laban na ka¬patid ng iyong ina. 3 Pagpalain ka nawa ng Maka¬pang¬yarihang Diyos, gawin kang ma¬bunga at paramihin ang iyong lipi upang ikaw ay maging pagtitipon ng mga bansa. 4 Ipag¬kaloob nawa niya sa iyo at sa iyong mga inapo ang pagpapala ni Abraham upang masakop mo ang lupa¬ing tinitirhan mo ngayon na ibinigay ng Diyos kay Abraham.”
5 Pinaalis na ni Isaac si Jacob, at nagpunta nga ito sa Padan-Aram, kay Labang anak ng Arameong si Batuel at kapatid ni Rebecang ina nina Jacob at Esau.
6 Nakita ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob at pinapunta sa Padan-Aram upang doon humanap ng mapapangasawa, at sa pagbabasbas sa kanya ay iniutos na “Huwag kang mag-aasawa ng Kananea.” 7 At sa pagsunod sa kan¬yang ama at ina, nagpunta nga si Jacob sa Padan-Aram. 8 Naunawaan ni Esau na hindi kasiya-siya sa kanyang amang si Isaac ang mga babaeng Kananea. 9 Kaya pinuntahan niya si Ismael at kinuhang asawa – bukod sa kanyang mga asawa na – si Majalat na anak ni Ismael na anak ni Abraham at kapatid ni Nebaiot.
Panaginip ni Jacob
• 10 Umalis si Jacob sa Berseba pa¬tu¬ngong Haran. 11 Pagdating niya sa isang lugar, tumigil siya roon dahil lubog na ang araw, at doon pinalipas ang gabi. Kinuha niya ang isa sa mga bato roon at inunan, at nahiga siya para ma¬tulog.
12 Nang natutulog na si Jacob, nana¬ginip siya na may nakatindig na hagdan sa lupa na abot-langit ang tuktok, at akyat-panaog doon ang mga anghel ng Diyos. 13 At nakatayo sa tabi niya si Yawe at sinabi sa kanyang “Ako si Yaweng Diyos ni Abraham na iyong ama at Diyos ni Isaac. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga inapo ang lupang tinutulugan mo. 14 Matutulad sa alabok ng lupa ang iyong mga inapo at kakalat ka sa kanluran at sa silangan, sa hilaga at sa timog. At ma¬ki¬kita ng lahat ng bansa sa lupa ang aking pagpapala sa pamamagitan mo at ng iyong inapo. 15 Tingnan mo, ako’y suma¬saiyo at lagi kitang iingatan saan ka man pumunta. Iba¬balik kita sa lupaing ito at hindi kita iiwan hanggang hindi ko natu¬tupad ang aking ipina¬ngako.”
16 Nagising si Jacob at kanyang si¬nabi: “Talaga palang nasa lugar na ito si Yawe pero hindi ko alam.” 17 Natakot siya at sinabi: “Nakakatakot ang lugar na ito! Ito’y walang iba kundi ang Bahay ng Diyos at Pinto ng Langit!”
18 Maagang gumising si Jacob at kinu¬ha niya ang batong kanyang inu¬nan at itinayo iyon bilang haligi at binusan ito ng langis. 19 Pinangalanan niyang Betel ang lugar na iyon na da¬ting tinatawag na Luz. 20 At sumumpa si Jacob: “Kung sasaakin si Yawe at panga¬¬ngalagaan niya ako sa paglalak¬bay kong ito, at bibigyan ako ng tinapay na makakain at damit na mai¬su¬suot, 21 at pababalikin akong malu¬wal¬¬hati sa bahay ng aking ama, at mag¬pa¬paka¬diyos para sa akin si Yawe, 22 magi¬ging bahay ng Diyos ang batong ito na itinayo ko bilang haligi at ibabalik ko ang ikapu ng lahat ng ibinibigay mo sa akin.”
Si Jacob sa bahay ni Laban
29 • 1 Nagpatuloy si Jacob at dumating sa lupain sa silangan. 2 Nakita niya roon ang isang balon na may tatlong kawan ng mga tupa sa malapit. Sa balong ito pinaiinom ang mga kawan, at may isang malaking tipak ng bato na nakaharang sa balon. 3 Kapag naroon na ang buong kawan, pagugulungin ng mga pastol ang batong naka¬harang sa balon, paiinumin ang mga kawan at saka muling ihaharang ang bato sa bunganga ng balon.
4 Nagtanong si Jacob sa mga pastol: “Mga kapatid, taga-saan kayo?” Sumagot ang mga ito: “Taga-Haran kami.” 5 At sinabi naman niya: “Kilala ba ninyo si Labang apo ni Nahor?” Sumagot ang mga pastol: “Oo, kilala namin siya.” 6 At itinanong ni Jacob: “Mabuti ba naman ang lagay niya?” Sumagot ang mga ito: “Oo, mabuti naman. At hayan si Raquel na anak niya, kasama ang mga tupa!”
7 At sinabi ni Jacob: “Tingnan ninyo, mataas pa ang araw, hindi pa oras para tipunin ang mga kawan. Painumin na ninyo ang mga tupa at dalhin sila sa pastulan.” 8 Ngunit sinabi ng mga pastol: “Hindi namin magagawa ’yon hanggang hindi natitipon dito ang buong kawan at na-pagulong na ang batong nasa bu¬nganga ng balon. Saka pa lamang namin mapa¬iinom ang mga tupa.”
9 Nakikipag-usap pa si Jacob sa kanila nang dumating si Raquel kasama ang mga tupa ng kanyang ama sapagkat siya ay isang pastol. 10 Pagkakita ni Jacob kay Raquel na anak ni Labang kapatid ng kanyang ina, lumapit siya sa balon at pinagulong ang bato mula sa bu¬nganga ng balon at pinainom ang mga tupa ni Labang tiyo niya. 11 At hinalikan ni Jacob si Raquel at umiyak nang malakas.
12 Sinabi ni Jacob kay Raquel na kamag-anak siya ng ama nito at anak ni Rebeca, at tumakbo naman ito para ipagbigay-alam sa kanyang ama. 13 Nang malaman ni Laban ang tungkol kay Jacob na anak ng kanyang kapatid, pa¬takbo niyang sinalubong iyon. Pagkatapos niyang yakapin at halikan si Jacob, pinatuloy niya ito sa kanyang bahay. Isinalaysay ni Jacob sa kanya ang lahat ng nangyari. 14 At sinabi ni Laban: “Talaga ngang ikaw ay aking laman at dugo!” At tumigil doon si Jacob nang isang buwan.
Dalawang pag-aasawa ni Jacob
15 Sinabi ni Laban kay Jacob: “Huwag mong sabihing maglilingkod ka sa akin nang libre dahil kamag-anak kita. Sabihin mo, magkano ang suweldong gusto mo?”
16 May dalawang anak na dalaga si Laban: Lea ang pangalan ng panganay at Raquel naman ang pangalan ng bunso. 17 Walang ningning ang mga mata ni Lea, ngunit ma¬ganda ang katawan at mukha ni Raquel at kaakit-akit. 18 Nag¬kagusto si Jacob kay Raquel at sinabi niya: “Maglilingkod ako sa inyo nang pitong taon bilang kapalit ng bunso ninyong anak na si Raquel.” 19 Suma¬got si Laban: “Mas mabuti ngang sa iyo ko siya ibigay kaysa iba; manatili ka ritong kasama ko.”
20 Kaya pitong taong nagtrabaho si Jacob para mapasakanya si Raquel ngunit parang ilang araw lamang iyon sa kanya dahil mahal niya si Raquel. 21 At sinabi ni Jacob kay Laban: “Ibigay na ninyo sa akin ang aking asawa sapagkat tapos ko na ang aking taning, gusto ko na siyang makasama.” 22 Kaya inanyayahan ni Laban ang lahat ng tagaroon at naghanda nang malaki. 23 Ngunit kinagabihan, ang anak niyang si Lea ang pinapasok niya kay Jacob, at nakipagtalik naman dito si Jacob.
24 Ibinigay ni Laban kay Lea ang kanyang aliping si Zelfa bilang utusan.
25 Kinaumagahan – siya pala si Lea! Kaya sinabi niya kay Laban: “Ano ang ginawa ninyo sa ’kin? Hindi ba’t naglingkod ako dahil kay Raquel? Ba’t ninyo ’ko nilinlang?” 26 Sinabi ni Laban: “Hindi namin kaugalian na ipakasal ang bunso nang una sa panganay. 27 Tapusin mo muna ang pagdiriwang ng kasal, at ibi¬bigay ko rin sa iyo ang aking bunsong anak. Ngunit kailangang magling¬kod ka sa akin nang pitong taon pa.” 28 Sumang-ayon si Jacob, at pagkatapos ng isang linggo sa piling ni Lea, ibinigay sa kanya ni Laban ang anak na si Raquel upang maging asawa niya.
29 Ibinigay naman ni Laban kay Raquel ang aliping si Bila bilang utusan niya. 30 Nakipagtalik din si Jacob kay Raquel, at mas minahal niya si Raquel kaysa kay Lea. At nagpatuloy siyang magtrabaho para kay Laban nang pitong taon pa.
Mga anak ni Jacob
31 Nang makita ni Yawe na hindi mina¬mahal si Lea, pinapanganak niya ito; ngunit baog naman si Raquel. 32 Nabuntis si Lea at nagka¬anak ng isang lalaki na pinangalanan niyang Ruben dahil sinabi niyang “Nakita nga ni Yawe ang aking kahihiyan. Tiyak na mamahalin na ako ngayon ng aking asawa.” 33 Muli siyang naglihi at nagkaanak ng isa pang lalaki, at sinabi niyang “Narinig ni Yawe na ako’y binabale-wala, kaya ipinagkaloob din niya sa akin ang anak na ito.” At pina¬nga¬lanan niya iyon ng Simeon. 34 Naglihi na naman siya at nanganak ng isa pang lalaki, at kanyang sinabi: “Mas magu¬gustuhan na ako ngayon ng aking asawa sapagkat nabigyan ko siya ng tatlong anak na lalaki.” Kaya pinangalanan niyang Levi ang sanggol. 35 Muli siyang naglihi at nagkaanak na naman ng isang lalaki, at sinabi niya: “Pupurihin ko si Yawe sa pagkakataong ito.” Kaya pina-ngalanan niyang Juda ang bata. Pagkatapos ay hindi na siya nagkaanak.

30 1 Nanaghili si Raquel sa kanyang kapatid dahil hindi niya mabigyan ng anak si Jacob, at sinabi niya: “Bigyan mo ako ng anak, o mamamatay ako.” 2 Nagalit si Jacob sa kanya at sinabi: “Ako ba ang Diyos na nagkait sa iyo ng mga anak?” 3 At sinabi niya: “Hayan ang aking aliping si Bila; makipagtalik ka sa kanya upang manganak siya sa aking mga tuhod at maging akin ang anak.” 4 At ibinigay niya ang kanyang aliping si Bila kay Jacob bilang asawa. At na¬kipagtalik si Jacob sa kanya. 5 Nabuntis si Bila at nagkaanak kay Jacob ng isang lalaki. 6 At sinabi ni Raquel: “Binigyang-katarungan din ako ng Diyos! At pinakinggan niya ang aking tinig at binigyan ako ng anak na lalaki.” Kaya pina-ngalanan niyang Dan ang sanggol. 7 Naglihi na naman si Bilang alipin ni Raquel at nagka¬anak ng ikalawang lalaki kay Jacob, 8 at sinabi ni Raquel: “Nakipaglaban ako nang mahigpit sa aking kapatid at nag¬tagumpay ako!” Kaya pinanga¬lanan niya itong Neftali.
9 Nang hindi na nanganganak si Lea, ibinigay niya ang kanyang aliping si Zelfa kay Jacob bilang asawa. 10 Nagkaanak ng lalaki si Zelfa kay Jacob. 11 Sinabi ni Lea: “Napaka¬suwerte ko!” kaya pinangalanan niya siyang Gad. 12 Nag-anak ng isa pang lalaki kay Jacob si Zelfang alipin ni Lea. 13 At sinabi ni Lea: “Na¬pakasaya ko! Tatawagin akong masaya ng mga babae,” kaya pinangalanan niyang Aser ang sanggol.
14 Panahon ng anihan ng trigo, at lumabas sa kaburulan si Ruben at nakakita siya ng mga mansanitas na ligaw na dinala niya sa kanyang inang si Lea. Sinabi ni Raquel kay Lea: “Bigyan mo naman ako ng kaunting mansanitas na ligaw na dala ng iyong anak!” 15 Ngunit suma¬got si Lea: “Hindi pa ba sapat na agawin mo ang aking asawa at gusto mo pang kunin ngayon ang dalang mansanitas ng aking anak?” Kaya sinabi ni Raquel: “Sige, sa iyo sisiping si Jacob ma¬mayang gabi bilang kapalit ng mga mansanitas ng iyong anak.” 16 Kinahapunan, pag-uwi ni Jacob mula sa bukid, sinalubong siya ni Lea at sinabi: “Matutulog kang kasiping ko ngayong gabi sapagkat inarkila kita ng mga mansanitas ng aking anak!”
Kaya nakipagtalik si Jacob sa kanya nang gabing iyon. 17 Dininig ng Diyos si Lea at na¬buntis siya at nagkaanak ng ikalimang lalaki kay Jacob. 18 Sinabi ni Lea: “Ginan¬timpalaan ako ng Diyos sapagkat ibinigay ko sa aking asawa ang aking alipin.” Pinanga¬lanan niyang Isacar ang sanggol. 19 Nagka¬anak ng isa pang lalaki si Lea kay Jacob. 20 At sinabi niyang: “Napaka¬gandang regalo ng Diyos! Tiyak na sa akin na pipisan ngayon ang aking asawa sapagkat nabigyan ko siya ng anim na anak.” Pinanga¬lanan niya itong Zabulon. 21 Nang lu¬maon, nanganak siya ng isang babae at pina¬ngalanan niyang Dina.
22 At inalala rin ng Diyos si Raquel na nana¬langin na siya’y maging ina. 23 Nabuntis siya at nagsilang ng isang lalaki. Sinabi niya: “Inalis ng Diyos ang aking kahihiyan.” 24 Pinangalanan niyang Jose ang sanggol, at sinabing “Dag¬da¬gan pa sana ako ni Yawe ng isa pang anak na lalaki.”
Iba pang mga kuwento
25 Pagkapanganak ni Raquel kay Jose, sinabi ni Jacob kay Laban: “Pauwiin na ninyo ako sa aking sariling bayan. 26 Ibigay ninyo sa akin ang aking mga asawa at mga anak na dahilan ng paglilingkod ko sa inyo. Alam naman ninyo kung paano ako nagtrabaho para sa inyo.” 27 Sinabi ni Laban: “Pagbigyan mo pa ako, hu¬wag ka munang umalis. Sapag¬kat nalaman kong pinagpala ako ni Yawe dahil sa iyo.” 28 At idinugtong niya: 29 “Sabihin mo kung magkano ang gusto mo at ibibigay ko sa iyo.” Sinabi ni Jacob: “Alam ninyo kung paano ko kayo pinag¬lingkuran at kung paanong dumami ang inyong mga tupa sa pag-aalaga ko. 30 Napakalaki na ang inilago ng kaunti ninyong ari-arian bago ako dumating, at pinagpala kayo ni Yawe. Ka¬ilan pa ako makapagtatrabaho sa aking samba¬hayan?” 31 Itinanong ni Laban: “Ano ang maibi¬bigay ko sa iyo?”
Sumagot si Jacob: “Wala kayong dapat ibi¬gay sa akin. Ngunit kung gagawin ninyo ang sa¬sabihin ko, patuloy kong aalagaan ang inyong kawan. 32 Pipilian ko ngayon ang inyong kawan at ibubukod ko ang lahat ng tupa at kambing na itim, guhitan at may batik. Ang mga iyon ang magiging upa ninyo sa akin. 33 Mapapatu¬na¬yan ninyo ang katapatan ko bukas kung susuriin ninyo ang aking upa. At maituturing ninyong nakaw ang lahat ng kambing na walang batik o tagpi at ang hindi itim na tupa na makikita ninyo sa aking pag-aari.” 34 Sinabi ni Laban: “Sang-ayon ako. Gawin natin ang iyong sinabi.”
35 Nang araw ding iyon, ibinukod ni Laban ang mga barako at inahing kambing na may tagpi o guhit, lahat ng may batik na puti at lahat ng itim na tupa. Ibinigay niya ang mga iyon sa kanyang mga anak. 36 At pinapunta niya sa malayo si Jacob – mga tatlong araw na lakad ang layo. Patuloy na ipinastol ni Jacob ang natira sa mga kawan ni Laban. 37 Nang mag¬kagayo’y pumutol si Jacob ng mga sariwang sanga ng mga puno ng almond, kakawate at estorake. Kinayasan niya ang mga ito para mag¬kaguhit ng puti. 38 At inilagay niya ang mga sanga sa inuman ng mga hayop upang makita ng mga iyon tuwing iinom. 39 Sa pag-aasawahan ng mga hayop sa harap ng mga sanga, nag¬kakaanak ang mga iyon ng mga may guhit, batik o tagpi. 40 At ibinukod niya ang mga batang tupa ngunit ang iba’y pinaharap niya sa mga hayop na may guhit, batik o tagpi na pag-aari ni Laban, kaya nakabuo siya ng sariling kawang inihiwalay niya sa mga kawan ni Laban. 41 Sa tuwing mag-aasawahan ang malulusog na hayop, inilalagay ni Jacob ang mga kinaya¬sang sanga sa inuman para makita iyon ng mga ito. 42 Ngunit kapag mahihina, hindi niya inilalagay roon ang mga sanga, kaya mahihina ang napupunta kay Laban samantalang kay Jacob ang mala¬lakas. 43 Kaya naging napaka¬yaman niya – mayamang-mayaman – at nag¬karoon siya ng napakaraming inahing tupa, maraming aliping babae at lalaki, at mga kamelyo at mga asno.
Umuwi si Jacob sa sariling bayan
31 1 Napag-alaman ni Jacob na sinasabi ng mga anak ni Laban: “Kinamkam ni Jacob ang lahat ng ari-arian ng ating ama, at nakapagpayaman siya.” 2 At napansin ni Jacob na hindi na tulad nang dati ang pag¬tingin sa kanya ni Laban.
3 At sinabi ni Yawe kay Jacob: “Umuwi ka na sa bayan mo, sa lupain ng iyong mga ninuno. Ako ay sasaiyo.” 4 Ipinatawag ni Jacob sina Raquel at Lea sa bukid na kinaroroonan ng kanyang mga kawan. 5 Sinabi ni Jacob sa kanila: “Nakikita kong nagbago na ang pag¬ti¬ngin sa akin ng inyong ama, ngunit sumasaakin ang Diyos ng aking ama. 6 Alam ninyong ubos-lakas kong pinaglingkuran ang inyong ama. 7 Ngunit dinaya niya ako at makasampung ulit na pinalitan ang aking sahod. Subalit hindi ipinahintulot ng Diyos na pinsalain niya ako. 8 Kapag sinasabi niyang – Ang mga may tagpi ang magiging sahod mo – nag-aanak naman ng mga tupang may batik ang buong kawan. At kung sabihin naman niyang – Ang mga guhitan ang magi¬ging sahod mo – nagkakaanak din ng mga guhitang tupa ang mga kawan.
9 Ang Diyos ang kumuha sa kawan ng inyong ama at ibinigay sa akin ang mga ito. 10 Sapagkat sa panahon ng pag-aasawahan ng mga hayop, napanaginipan kong guhitan, may batik o tagpi ang mga barakong kambing na na¬kababa sa mga inahin.
11 At sinabi sa akin ng Anghel ng Diyos sa panaginip – Jacob! – at sumagot naman ako – Narito ako. 12 At sinabi niya – Tingnan mong mabuti at guhitan o may batik o tagpi ang lahat ng barakong nakababa sa mga inahin. Nakita ko ang lahat ng ginagawa sa iyo ni Laban. 13 Ako ang Diyos na napakita sa iyo sa Betel kung saan mo binusan ng langis ang isang haligi at su¬mumpa sa akin. Umalis ka ngayon din sa lu¬paing ito at umuwi sa bayang sinila¬ngan mo.”
14 Sumagot sina Raquel at Lea: “May kaparte pa ba kami sa ari-arian ng aming ama? 15 Hindi ba’t mga dayuhan na ang turing niya sa amin mula nang ipagbili kami at lustayin ang pinagbilhan sa amin? 16 Pero kinuha ng Diyos ang lahat ng kayamanan ng aming ama at ibinigay sa amin at sa aming mga anak. Kaya gawin mo ngayon ang lahat ng sinabi sa iyo ng Diyos.”
17 Kaya isinakay ni Jacob sa mga kamelyo ang kanyang mga anak at mga asawa, 18 at dinala ang buo niyang kawan at lahat ng natipon niya sa Padan-Aram para umuwi sa kanyang amang si Isaac sa lupain ng Kanaan. 19 Sina¬mantala naman ni Raquel ang paggugupit ni Laban sa balahibo ng mga tupa, at ninakaw ang mga sagradong rebulto ni Laban. 20 Sa ganitong paraan nilinlang ni Jacob si Labang Arameo sa hindi niya pag¬papaalam sa kanyang pag-alis. 21 Tumakas siyang dala ang lahat niyang ari-arian, tumawid sa Ilog Eufrates patu¬ngong kabun¬dukan ng Galaad.
22 Makaraan ang tatlong araw, nabalitaan ni Laban na tumakas si Jacob. 23 Isinama niya ang kanyang mga tauhan at hinabol si Jacob, at ina¬butan sa kabundukan ng Galaad makaraan ang pitong araw. 24 Ngunit napakita ang Diyos kay Labang Arameo sa panaginip at sinabi sa kanyang “Mag-ingat ka sa pakikipagtalo kay Jacob.” 25 Naka¬pagpatayo na ng kanyang tolda si Jacob sa kabundukan ng Galaad nang abutan siya ni Laban. At doon na rin tumigil si Laban at ang kanyang mga tauhan. 26 At sinabi ni Laban kay Jacob: “Ano ang ginawa mo at nilinlang mo ako at dala mo pa ang aking mga anak na parang mga bilanggo sa digma? 27 Ba’t ka palihim na umalis at nilinlang ako? Bakit hindi ka nagsabi sa akin? Inihatid ko sana kayo sa gitna ng tuwa at awitan, sa saliw ng tamborin at alpa. 28 Hindi mo man lang pinahalikan sa akin ang aking mga apo at mga anak para maka-pagpaalam sa kanila. Isang kahangalan ang ginawa mo. 29 Pu¬wede kitang saktan ngunit bina¬laan ako kagabi ng Diyos ng iyong ama at sinabing – Mag-ingat ka sa pakikipagtalo kay Jacob. 30 Kung umalis ka dahil nananabik kang makauwi sa bahay ng iyong ama, bakit naman ninakaw mo pati ang aking mga sag¬radong rebulto?”
31 Sumagot si Jacob kay Laban: “Nata¬takot kasi ako na baka bawiin ninyo sa akin ang inyong mga anak! 32 Ngunit dapat mamatay ang sinumang makita ninyong may dala sa inyong mga sagradong rebulto. Sa harap ng ating mga kapatid, tingnan ninyo kung mayroong nasa akin na inyong ari-arian, at kunin ninyo.” Hindi alam ni Jacob na ninakaw ni Raquel ang mga sag¬radong rebulto. 33 Kaya pumasok si Laban sa tolda ni Jacob, at saka sa tolda ni Lea at sa tolda ng dalawang aliping babae. Ngunit wala siyang nakita. Pagkalabas ni Laban sa tolda ni Lea, pumasok naman siya sa tolda ni Raquel. 34 Ngu¬nit dinala ni Raquel ang sag¬radong rebulto at inilagay sa ilalim ng inuupuan niya sa kamelyo. Hinalughog ni Laban ang buong tolda ngunit wala siyang nakita. 35 Sinabi ni Raquel sa kan¬yang ama: “Huwag kayong magalit sa akin, aking pangi¬noon, at hindi ako tumitindig sa inyong harap sapagkat ngayon ang panahon ko.” Kaya kahit na nag¬hanap si Laban ay hindi niya nakita ang mga sagradong rebulto.
36 Kaya nagalit si Jacob at sinumbatan si Laban, at nag-usig: “Ano ang aking pagka¬ka¬sala? Anong kasalanan ang nagawa ko para ako’y sundan ninyo? 37 Ngayong naha¬lughog na ninyo ang lahat kong ari-arian, may nakita ba kayong pag-aari ninyo? Kung mayroon, ipa¬kita ninyo sa harap ng inyong pamilya at ng aking pamilya, at pabayaang sila ang humatol sa ating dalawa.
38 Dalawampung taon ninyo akong kasama, at hindi nakunan ang inyong mga inahing kambing at tupa. Ni hindi ako kumain kahit isa man sa mga barako ng inyong kawan. 39 Wala akong dinala sa inyong hayop na nasila ng mababangis na hayop sapagkat pinalitan ko mismo ang mga iyon. At siningil ninyo sa akin ang anumang ninakaw sa araw o sa gabi. 40 Hindi ako makahinga kung araw dahil sa init at nag¬titiis ako ng lamig sa gabi, at halos hindi ako makatulog.
41 Dalawampung taon ninyo akong kasama. Labing-apat na taon akong nag-lingkod sa inyo para sa dalawa ninyong anak at anim na taon para sa inyong mga kawan, at sampung ulit ninyong binago ang aking sahod. 42 Kung hindi sumaakin ang Diyos ng aking ama, ang Diyos ni Abraham at ang Kinatatakutang Diyos ni Isaac, siguradong pinalayas na ninyo ako nang walang dala kahit ano. Ngunit nakita ng Diyos ang aking paghihirap at ang pagtatrabaho ng aking mga kamay, at ibinaba niya kagabi ang kanyang hatol.”
43 Sumagot si Laban kay Jacob: “Mga anak ko ang mga babae, mga apo ko ang mga bata, kawan ko ang mga kawang ito. Akin ang lahat ng nakikita mo. Masasaktan ko ba ngayon ang aking mga anak o ang kanilang mga anak? 44 Halika, gumawa tayo ng kasunduan, ikaw at ako, at iyon ang gawin nating saksi.” 45 Kumuha si Jacob ng bato at itinayo iyon bilang haligi. 46 At sinabi niya sa kanyang mga kapatid: “Mamulot kayo ng mga bato.” Kaya namulot sila ng mga bato at pinagpatung-patong ang mga iyon, at kumain sila sa tabi nito. 47 Tinawag iyon ni Laban ng Yagar-Saaduta pero Galed ang itinawag dito ni Jacob. 48 Sinabi ni Laban: “Saksi natin sa araw na ito ang buntong ito ng mga bato.” Iyon ay tinawag namang Galed 49 at kilala rin bilang Mispa dahil sinabi niyang “Ban¬tayan nawa tayo ni Yawe kapag malayo na tayo sa isa’t isa. 50 Kapag hiniya mo ang aking mga anak at kumuha ka ng ibang asawa bukod sa kanila, hindi tao ang hahatol sa ’yo kundi ang Diyos na saksi sa ating kasunduan.” 51 At sinabi pa ni Laban kay Jacob: “Narito ang buntong ito ng bato at ang haliging itinayo ko sa pagitan nating dalawa. 52 Ang mg ito ang sasaksi na hindi ako lalampas sa buntong ito para saktan ka at hindi ka rin lalampas sa haliging ito para saktan ako. 53 Ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Nahor, ang Diyos nawa ng kanilang ama ang humatol sa atin.”
At sumumpa si Jacob sa Ngalan ng Kinatatakutang Diyos ng kanyang amang si Isaac. 54 Nag-alay siya ng mga hain sa bun¬dok at inanyayahang kumain ang kanyang mga ka¬patid. Doon sila nagpalipas ng gabi pagkakain.

32 • 1 Kinaumagahan, maagang gumising si Laban, hinalikan ang kanyang mga apo at mga anak, at binasbasan ang iyon at saka umuwi.
2 Nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay at sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos. 3 Pagkakita ni Jacob sa kanila, naibulalas niyang “Dito nananahan ang Diyos,” at tinawag niyang Majanaim ang lugar na iyon.
Nakipaglaban si Jacob sa Diyos
4 Nagpadala ng mga paunang sugo si Jacob sa kanyang kapatid na si Esau sa lupain ng Seir, sa rehiyon ng Edom 5 at inutusan ang mga ito: “Ibigay ninyo ang pahatid na ito sa aking pangi¬noong si Esau mula kay Jacob na kanyang lingkod – Nabuhay ako ritong kasama ni Laban hanggang ngayon. 6 Mayroon akong mga baka at mga asno at mga tupa, mga aliping lalaki at babae. Ginus¬to kong mag¬pasabi sa iyo, aking panginoon, upang hindi mo naman ako masa¬main.” 7 Nagbalik ang mga sugo at sinabi kay Jacob: “Nakipagkita kami sa inyong ka¬patid na si Esau at papa¬rito na siya upang makipagtagpo sa inyo, kasama ang apat¬naraang tauhan.”
8 Lubhang natakot si Jacob at pinang¬hinaan ng loob. Kaya hinati niya sa dala¬wang grupo ang mga taong kasa¬ma niya, pati ang mga baka, mga tupa, mga kam¬bing at mga kamelyo.
9 Naisip niyang “Kapag dumating si Esau at sinalakay ang isang kampo, ma¬katatakas naman ang isa pa.” 10 At na¬na-langin si Jacob: “Yaweng Diyos ni Abra¬ham, Diyos ng aking amang si Isaac, ikaw ang nagsabi sa akin – Umuwi ka sa iyong bayan, sa iyong angkan at pasa¬saganain kita. 11 Hindi ako karapat-dapat sa kabutihang-loob at katapatang ipinakita mo sa akin. Wala akong dala kundi ang aking tungkod nang tu¬ma¬wid ako sa Jordan, at ngayo’y may dalawang kampo na ako. 12 Iligtas mo ako sa kamay ng aking ka¬patid na si Esau sapagkat na¬ta¬takot ako na baka pagdating niya’y pata¬yin kaming lahat, maging ang mga ina at mga bata. 13 Ngu¬nit ikaw rin ang nag¬sabing – Pasa-saganain kita at gagawin kong tulad ng buhangin sa dalampasigan ang iyong lahi, na hindi kayang bilangin.” 14 At doon nag¬palipas-gabi si Jacob.

Mula sa kanyang mga ari-arian, pumili siya ng maireregalo niya sa kanyang kapatid na si Esau: 15 dalawandaang inahing kambing at dala-wampung barakong kambing, dalawandaang inahing tupa at dalawampung barakong tupa, 16 tatlumpung kamelyong ginagatasan at ang mga bisiro niyon, apatnapung inahing baka at sampung toro, dalawampung inahing asno at sampung barakong asno. 17 Inilagay niya ang mga iyon sa pangangalaga ng kanyang mga ali¬pin, isa sa bawat kawan, at sinabi niya sa kanyang mga alipin: “Umuna kayo sa akin, at lagyan ninyo ng pagitan ang bawat kawan.” 18 Tinagubilinan niya ang nasa unahan: “Kapag sinalubong ka ng aking kapatid na si Esau at itanong – Sino ang may-ari sa iyo? – at – Saan ka pupunta? – at – Kanino ang mga hayop na ipinapastol ninyo? 19 Sumagot kayo – Kay Jacob na inyong lingkod ang mga ito. Regalo niya ang mga ito na ipinadadala niya sa aking panginoong si Esau. Kasunod namin si Jacob na pa¬parito.” 20 Inutusan din ni Jacob ang ikalawa at ikatlong alipin at lahat ng sumusunod sa mga kawan: “Ganito rin ang sasabihin ninyo kay Esau kapag nasalubong ninyo siya – 21 Kasunod namin ang inyong lingkod na si Jacob!” – sapagkat napag-isip-isip niyang “Mapaglulubag ko ang loob niya sa mga regalong una kong ipinadadala. At itutunghay na niya ang aking mukha sa paghaharap namin.” 22 Kaya ipina¬una niya ang mga regalo pero sa kampo pa rin siya nagpalipas ng gabi.

• 23 Nang gabing iyon, bumangon si Jacob at tinipon ang dalawa niyang asawa, ang dalawang aliping babae at labing-isang anak para tumawid sa Ilog Yabok. 24 Pinatawid niya sila at ipinadala rin sa kabilang ibayo ang lahat niyang ari-arian. 25 At naiwang mag-isa si Jacob.
At isang lalaki ang nakipagbuno sa kan¬ya hanggang madaling-araw. 26 Nang makita ng lalaki na hindi niya kaya si Jacob, hinampas niya ito sa singit at na¬linsad iyon. 27 Sinabi ng lalaki: “Paka¬wa¬lan mo ako sapagkat su¬mi¬sikat na ang araw.” Ngunit sinabi ni Jacob: “Hindi kita bibitiwan hanggang hindi mo ako bina¬basbasan.”
28 Tinanong siya ng lalaki: “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya: “Jacob.” 29 At sinabi ng lalaki: “Mula ngayo’y hindi ka na tatawaging Jacob kundi Israel (na ang kahuluga’y Lakas ng Diyos) sapag¬kat nakipaglaban ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ang nangibabaw.” 30 At sinabi naman ni Jacob: “Sabihin mo sa akin ang pangalan mo?” Suma¬got ito: “Bakit mo itinatanong ang pa¬ngalan ko?” At binas¬basan niya roon si Jacob.
31 Kaya Panuel ang itinawag ni Jacob sa lugar na iyon, (ibig sabihi’y Mukha ng Diyos) sapagkat sinabi niya: “Harap-harapan kong nakita ang Diyos at buhay pa rin ako.” 32 Sumikat ang araw habang nagdaraan sa Panuel si Jacob na pipilay-pilay dahil sa kan¬yang balakang.

33 Kaya hanggang sa araw na ito, hindi ku¬makain ng litid sa hita ng hayop ang mga Israelita, sapagkat iyon ang bahaging hinipo kay Jacob.
Pagkikita nina Esau at Jacob
33 1 Natanaw ni Jacob na dumara¬ting si Esau kasama ang apatnaraang tauhan. Kaya pinaghati niya ang mga bata kina Lea at Raquel at sa dalawang aliping babae. 2 Pinapuwesto niya sa harap ang mga aliping babae at ang mga anak nila, kasunod si Lea at ang mga anak nito at nasa hulihan sina Raquel at Jose. 3 Ngunit siya mismo ang tumayo sa unahan at pitong ulit na yu¬muko sa lupa bago lumapit sa kanyang kapatid.
4 Tumakbo si Esau para salubungin siya, niyakap sa leeg at hinalikan. At kapwa sila umiyak. 5 Nang makita ni Esau ang mga babae at ang mga bata, sinabi nito: “Ano mo ba ang mga ito?” Sumagot si Jacob: “Sila ang mga anak na bigay ng Diyos sa iyong lingkod.”
6 At lumapit ang mga alipin kasama ang kanilang mga anak at yumuko. 7 Lu¬mapit din si Lea at ang kanyang mga anak at yumuko, at pagkatapos ay lumapit sina Jose at Raquel at yu¬muko din.
8 Itinanong ni Esau: “Ano mo ang mga grupong nasalubong ko?” Suma¬got si Jacob: “Pasalubong ko sa iyo upang makuha ko ang iyong loob.” 9 Su¬magot si Esau: “Kapatid ko, marami na ako niyan. Huwag na, sa iyo na ang mga iyan.” 10 Ngu¬nit sinabi ni Jacob: “Huwag mo namang tanggihan. Utang na loob, tang¬gapin mo na ang regalo ko sapagkat na¬parito ako para humarap sa iyo tulad ng pagharap sa Diyos, at buong kaganda¬hang-loob mo naman akong tinanggap. 11 Kaya tanggapin mo na ang pasalubong ko sa iyo sapagkat nagmagandang-loob sa akin ang Diyos at mayroon ako ng la-hat.” At napilit din ni Jacob si Esau.
12 At sinabi ni Esau: “Tayo na at itutu¬ro ko ang daan.” 13 Pero sinabi ni Jacob: “Alam ng aking panginoon na hindi ma¬kapagmamadali ang mga bata at isa pa’y inaalala ko ang mga inahing tupa at ang mga bakang may guya. Kung mapa-pagod ang mga iyon kahit sa loob ng isang araw lamang, ma¬a¬aring manga¬matay ang buong kawan. 14 Kung ika¬si¬siya ng aking panginoon na mag¬pauna na sa akin, mabagal akong lalakad kasunod ng mga baka at ng mga bata hanggang abutan ko ang aking pangi¬noon sa Seir.” 15 Sinabi ni Esau: “Kung gayon, bayaan mong iwan ko sa iyo ang ilan sa aking mga tauhan.” Sumagot naman si Jacob: “Bakit? Sapat na sa akin na wala ka nang sama ng loob.”
16 At bumalik si Esau sa Seir nang araw ding iyon. 17 Ngunit nagtuloy si Jacob sa Sukot. Doon siya nagtayo ng kanyang bahay at ng silungan ng kanyang mga hayop. Kaya tinawag na Sukot ang nasa¬bing lugar.

18 Sa kanyang pagbabalik mula sa Padan-Aram, maluwalhating nakarating si Jacob sa siyudad ng Sikem sa Kanaan, at nanirahan sa tapat ng lunsod. 19 Binili niya ng isandaang pirasong pilak mula sa mga anak ni Hamor na ama ni Sikem ang lupang kinatitirikan ng kanyang tolda. 20 Doon siya nagtayo ng altar at tinawag niyang Diyos na El, Diyos ng Israel, ang lugar na iyon.”
Ginahasa si Dinang anak ni Jacob
34 1 Minsan, bumisita si Dinang anak ni Jacob kay Lea sa kababaihan ng ba¬yang iyon. 2 Pagkakita sa kanya ni Sikem na anak ni Hamor na Heveo na siyang prinsipe ng nabanggit na lupain, hinila niya ito at ginahasa. 3 Naakit siya kay Dinang anak ni Jacob, at nagustuhan niya ang dalaga at sinuyo ito nang buong-giliw. 4 Sinabi ni Sikem sa kanyang amang si Hamor: “Kunin mo ang dalagang ito para maging asawa ko.”
5 Nabalitaan ni Jacob kung paanong nadu¬ngi¬san ang dangal ng kanyang anak na si Dina, ngunit hindi siya kumibo hanggang maka¬uwi ang kanyang mga anak na lalaki buhat sa pag-aalaga ng kanyang mga kawan sa parang. 6 Nakipagkita kay Jacob si Hamor na ama ni Sikem at nakipag-usap sa kanya. 7 Nang maka¬uwi na ang mga anak na lalaki ni Jacob galing sa parang, at nalaman ang nangyari, gayon na lamang ang galit nila sa ginawa ni Sikem na kahihiyan sa Israel sa pang-aabuso niya sa anak ni Jacob – isang bagay na hindi dapat gawin. 8 Ngunit kinausap sila ni Hamor at sinabi: “Labis na umiibig ang aking anak na si Sikem sa inyong anak na babae. Pahintulutan nin¬yong maging asawa siya ng anak ko. 9 Ma-ging magkakamag-anak tayo; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga dalaga, at kunin naman ninyo ang mga dalaga namin. 10 Sa aming piling na kayo tumira, makukuha ninyo ang lupain at makapu¬punta kayo kahit saan, at angkinin iyon.” 11 Kinausap naman ni Sikem ang ama at mga kapatid na lalaki ni Dina: “Patawarin sana ninyo ako; ibibigay ko sa inyo ang anumang hingin ninyo sa akin. 12 Itakda ninyo ang hala¬gang babayaran ko at anumang regalong gusto ninyo, at babayaran ko anuman ang hingin ninyo, ibigay ninyo lamang siya sa akin bilang asawa.”
13 Dahil sa pagkalapastangan kay Dina, na¬ging matalino at tuso ang mga anak na lalaki ni Jacob sa pagsagot kina Sikem at Hamor na ama nito: 14 “Hindi namin maibibigay ang aming kapatid sa isang lalaking supot – isang ka¬hi¬hiyan ito para sa amin. 15 Papayag lamang kami sa kundis¬yong ito: na ikaw at ang lahat ng lalaki sa inyo ay magiging tulad namin – mag¬patuli kayo. 16 At ibibigay namin sa inyo ang aming anak na babae at kukunin naman namin ang inyo, makikipamuhay kami sa inyo at tayo’y magiging isang bayan. 17 Pero kung ayaw ninyong magpatuli, kukunin namin ang aming kapatid at aalis na kami.” 18 Naging kasiya-siya kay Hamor at kay Sikem na anak nito ang kanilang sinabi. 19 Hindi nag-aksaya ng panahon si Sikem para gawin ang hinihingi sa kanya sapagkat gusto niya ang anak na dalaga ni Jacob. Siya ang pinakamalakas sa sam¬ba¬hayan ng kanyang ama.
20 Kaya nagpunta sa pintuan ng kanilang lunsod si Hamor at si Sikem na kanyang anak, at kinausap ang kanilang mga kababayan 21 at sinabing “Hindi dapat katakutan ang mga lalaking ito. Bayaan nating makapamuhay sila rito at makagala nang malaya. Sapat ang lawak ng lupain para sa kanila. Magiging asawa natin ang kanilang mga anak na dalaga, at ipaka-kasal naman natin ang ating mga anak na dalaga sa kanila. 22 Ngunit may isang kundis¬yon ang mga lalaking ito para makipamuhay sa piling natin bilang isang bayan, at iyan ay kung magpapatuli tayong gaya nila. 23 Kung pa¬pa¬yag tayo, magiging atin din ang kanilang mga kawan, ang kanilang mga ari-arian at lahat ng iba pa nilang hayop. Kaya gawin natin ang kanilang hinihingi at dito na sila mani¬nirahan.”
24 Sumang-ayon kina Hamor at Sikem ang lahat ng nagtipon sa may pintuan ng lunsod, at nagpatuli ang lahat ng lalaki.
25 Pagkalipas ng tatlong araw, nang nara¬ramdaman pa ng mga nagpatuli ang kirot, ki¬nuha ng dalawa sa mga anak na lalaki ni Jacob na sina Simeon at Levi na mga kapatid ni Dina ang kanilang mga tabak at biglang pinasok ang lunsod. 26 Pinatay nila sina Hamor at Sikem at lahat ng lalaki, at kinuha si Dina mula sa bahay ni Sikem at saka tumakas. 27 Tinuntungan naman ng ibang mga anak ni Jacob ang mga patay, at sinamsam ang mga ari-arian ng lunsod dahil sa pagkalapastangan sa kanilang ka¬patid. 28 Sinamsam din nila ang mga baka ng mga ito, ang mga tupa, ang mga asno, ang lahat ng nasa lunsod at lahat ng nasa parang, 29 lahat ng kayamanan ng mga ito, pati ang kababaihan at mga bata. Sinamsam nila ang lahat ng nasa mga bahay.
30 At sinabi ni Jacob kina Simeon at Levi: “Binigyan ninyo ako ng malaking problema, kamuhi-muhi ako ngayon sa mga taga-lupaing ito ng mga Kananeo at Perezeo. Kaunti lamang ang aking mga tauhan at kung magkaisa sila laban sa akin at sala¬kayin tayo, malilipol ako at ang buo kong sambahayan.” 31 Ngunit suma¬got sila: “Papa¬¬yagan ba nating ituring nilang ba¬baeng bayaran ang aming kapatid?”
Si Jacob sa Betel
35 • 1 Sinabi ng Diyos kay Jacob: “Uma¬hon ka sa Betel at doon ka manirahan. Magtayo ka roon ng altar sa Diyos na napa¬kita sa iyo nang tumatakas ka sa iyong kapatid na si Esau.” 2 Kaya sinabi ni Jacob sa kanyang pamilya at sa lahat ng kasama niya: “Itapon ninyo ang lahat ng banyagang diyos na nasa inyo. Magpakalinis kayo ng inyong mga sarili at magpalit ng damit. 3 Aahon tayo sa Betel. Doon ako magtatayo ng altar sa Diyos na nakinig sa akin nang nasa panganib ako at sumaakin sa aking paglalakbay.”
4 Kaya ibinigay nila kay Jacob ang lahat ng banyagang diyos na nasa kanila pati ang kani¬lang mga hikaw, at ibinaon ni Jacob ang mga iyon sa ilalim ng sagradong punong malapit sa Sikem. 5 At umalis sila at nangi-babaw ang takot sa lahat ng karatig-lunsod kaya walang nanga¬has humabol sa kanila.
6 Si Jacob at ang lahat ng kasama niya ay dumating sa Luz – na siya ring Betel – sa lupain ng Kanaan. 7 Nagtayo siya ng altar doon at tinawag na El-Betel ang lugar sapagkat doon napakita sa kanya ang Diyos nang tumatakas siya sa kanyang kapatid. 8 Nang panahong iyon, namatay si Deborang ina sa suso ni Rebeca, at inilibing siya sa may sagradong puno sa ibaba ng Betel. Kaya tinawag iyong Punongkahoy ng Luha.
9 Muling napakita ang Diyos kay Jacob pag¬ka¬galing niya sa Padan-Aram at pinagpala siya, 10 at sinabi sa kanya: “Jacob ang panga¬lan mo pero hindi ka na tata¬waging Jacob sapagkat Israel na ang magiging pangalan mo.” Kaya pinanga¬lanan niya siyang Israel. 11 At sinabi sa kanya ng Diyos: “Ako ang Diyos ng Kaita¬asan! Maging mabunga ka at magparami. Hindi lamang isang bansa, kundi pagtitipon ng mga bansa ang magmumula sa iyo. Isisilang mula sa iyo ang mga hari. 12 Ibibigay ko rin sa iyo at sa iyong lahi ang lupaing ibinigay ko kina Abraham at Isaac.” 13 At pagkatapos maki¬pag-usap sa kanya sa lugar na iyon, iniwan siya ng Diyos. 14 Nagtayo si Jacob ng isang haliging bato sa lugar kung saan nakipag-usap sa kanya ang Diyos, at binusan ng handog na inumin at ng langis. 15 Tinawag ni Jacob na Betel ang lugar na iyon kung saan nakipag-usap sa kanya ang Diyos.
16 Umalis sila sa Betel, at nang malapit na sila sa Efrata, nanganak si Raquel. 17 Nahi¬rapan siya at sinabi sa kanya ng hilot sa kanyang pa-nganganak: “Lakasan mo ang iyong loob, hu¬wag kang matakot! Lalaki na naman ang anak mo.” 18 At bago siya nalagutan ng hininga, pinangalanan niyang Ben-Oni ang kanyang anak (o anak ng aking paghihirap) ngunit ti-na¬wag naman siyang Benjamin (anak ng aking kanang kamay) ng kanyang ama. 19 Kaya namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Efrata, iyon ang Betlehem, 20 at nagtayo si Jacob ng hali¬ging bato sa libingan na siya pa ring pala¬tandaan hanggang sa panahong ito.
21 Nagpatuloy si Israel at itinayo ang kanyang tolda pagkalampas sa Migdal-Eder. 22 Nang naninirahan na si Israel sa lupaing iyon, nakipagtalik si Ruben kay Bilang asawang-alipin ng kanyang ama, at nalaman iyon ni Israel.
Ang labindalawang anak ni Jacob
• Nagkaroon ng labindalawang anak si Jacob.
23 Kay Lea: si Ruben na panganay niyang a¬nak, sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zabulon.
24 Kay Raquel: Jose at Benjamin.
25 Kay Bilang alipin ni Raquel: Dan at Neftali.
26 Kay Zelfang alipin ni Lea: Gad at Aser.
Ang mga ito ang mga anak na isinilang kay Jacob sa Padan-Aram.
27 Umuwi si Jacob sa kanyang amang si Isaac sa Mambre na malapit sa Kiryat-Arbe (iyon ang Hebron) na pinamayanan nina Abraham at Isaac bilang mga dayuhan. 28 Isandaa’t walumpung taon si Isaac 29 nang siya ay mamatay at yumao sa piling ng kanyang mga ninuno – matanda at maya¬man sa taon. Ini¬libing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.
Si Esau, ang ama ng mga Edomita
36 1 Ito ang salaysay ng lahi ni Esau (na si Edom din). 2 Nag-asawa si Esau ng mga Kananea: si Ada na anak ni Elong Heteo, si Olibama na anak ni Ana at apo ni Sebeong Heveo, 3 si Besemat na anak naman ni Ismael at kapatid ni Nebaiot. 4 Naging anak ni Ada kay Esau si Elifaz, naging anak naman ni Besemat si Rahuel, 5 naging anak ni Olibama sina Yeus, Ihelon at Kore. Ito ang mga naging anak ni Esau na isinilang sa Kanaan. 6 Nagpunta si Esau sa lupain ng Seir at dinala niya ang kanyang mga asawa at mga anak, lahat ng bumubuo sa kanyang samba¬hayan, pati mga kawan at mga hayop at lahat ng ari-arian niya sa Kanaan para lumayo sa kanyang kapatid na si Jacob. 7 Kap¬wa sila napakayaman kayat hindi sila makapa¬mumuhay nang magkasama dahil masikip ang lupa para sa kanilang mga kawan. 8 At si Esau na si Edom din ay nanirahan sa kaburulan ng Seir.
9 Ito ang salaysay ng lahi ni Esau, ang ama ng mga Edomita sa kaburulan ng Seir. 10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: Elifaz na anak ni Adang asawa ni Esau, Rahuel na anak ni Besemat na asawa rin ni Esau.
11 Ang mga anak ni Elifaz: Teman, Omar, Sefo, Gatam at Cenez. 12 Asawang-alipin naman ni Elifaz si Timna, at ipinanganak nito si Amalek. Ito ang mga apo ni Adang asawa ni Esau.
13 Ang mga anak ni Rahuel: Najat, Zaraj, Samma at Meza. Sila ang mga apo ni Besemat na asawa ni Esau. 14 Ang mga anak ni Olibamang asawa ni Esau at anak ni Ana at apo ni Sebeon: Yehus, Ihelon at Kore.
15 Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau. Ang mga anak ni Elifaz na panganay ni Esau: Teman, Omar, Sefo, Cenez, 16 Kore, Gatam, Amalek. Sila ang mga pinunong galing kay Elifaz na mga apo ni Ada sa lupain ng Edom. 17 Ang mga anak ni Rahuel na anak ni Esau: Majat, Zara, Samma, Meza. Sila ang mga pi¬nunong galing kay Rahuel na mga apo ni Besemat na asawa ni Esau sa lupain ng Edom. 18 Ang mga anak ni Olibamang asawa ni Esau: Yehus, Ihelon, Kore. Sila ang mga pinunong galing kay Olibamang asawa ni Esau at anak ni Ana. 19 Ito ang mga anak ni Esau, na si Edom din, at sila ang kani¬lang mga pinuno.
20 Ito ang anak ni Seir, ang Horritang nakatira sa lupaing iyon: Lotan, Sebal, Zebeon at Ana, 21 Dison, Eser at Disan. Sila ang mga pinunong Horrita na mga anak ni Seir sa lupain ng Edom. 22 Ang mga anak ni Lotan: Hori at Hemam, at si Tamna na kapatid na babae ni Lotan. 23 Ang mga anak ni Sebal: Alvan, Manahat, Ebal, Sefe at Onam. 24 Ang mga anak ni Zebeon: Aia at Ana. Si Ana ang nakatuklas ng mainit na bukal sa disyerto nang ipinapastol niya ang mga asno ng kanyang amang si Zebeon. 25 Ang mga anak ni Ana: Dison at si Olibamang anak na babae ni Ana. 26 Ang mga anak ni Dison: Hamdan, Eseban, Yetram at Karam. 27 Ang mga anak ni Eser: Balaan, Zavan at Akan. 28 Mga anak ni Disan: Hus at Aram.
29 Ito ang mga pinunong Horrita: Lotan, Sebal, Zebeon, Ana, 30 Dison, Eser, Disan. Sila ang mga pinuno ng mga Horrita ayon sa kani¬lang tribu sa lupain ng Seir.
31 Ito ang mga naghari sa lupain ng Edom bago naghari ang isang haring Israelita. 32 Nag¬hari sa Edom si Bela na anak ni Beor, at tinawag na Dinaba ang kanyang siyudad. 33 Namatay si Bela at humalili sa kanya si Yobab na anak ni Zerang taga-Bosra. 34 Namatay si Yobab at hu¬ma¬lili si Husam na Temanita. 35 Namatay si Husam at humalili si Hadad na anak ni Bedad. Nilupig niya ang mga Madianita sa lupain ng Moab, at tinawag na Avit ang kanyang lunsod. 36 Namatay si Hadad at humalili si Semla ng Masreka. 37 Namatay si Semla at humalili si Saul ng Rejobot sa Ilog. 38 Namatay si Saul at humalili si Balanan na anak ni Akbor. 39 Namatay si Balanan at humalili si Adar at tinawag na Fau ang kanyang lunsod. Si Metable ang kanyang asawa na anak na babae ni Matred na anak na babae naman ni Mezaab. 40 Ito ang mga pa¬ngalan ng mga pinunong galing kay Esau ayon sa kanilang angkan at nasasakupan: Tamna, Alva, Yefet, 41 Olibama, Ela, Finon, 42 Cenez, Teman, Mabaar, 43 Magdiel, Iram. Ito ang mga pinuno ng Edom ayon sa kanilang mga tirahan sa lupaing kanilang sinakop. Ito si Esau, ang ama ng mga Edomita.

37 1 Namuhay naman si Jacob sa Kanaan, ang lupaing tinirhan ng kanyang ama. 2 Ito ang salaysay ng lahi ni Jacob.
Si Jose at ang kanyang mga kapatid
• Si Jose ay isang binatang labimpitong taong gulang. Nagpapastol siya ng mga kawan, kasama ang kanyang mga kapatid na mga anak nina Bila at Zelfa na mga asawa ng kanyang ama. At isi¬num¬bong niya ang mga ito sa kanyang ama. 3 Mas mahal ni Israel si Jose sa lahat niyang anak sapagkat isinilang si Jose sa kanyang katandaan. Kayat ipi¬nag¬patahi pa niya ito ng damit na ma¬haba ang manggas. 4 Kinamuhian naman si Jose ng kanyang mga kapatid sa pag-kakita nilang mas mahal siya ng kani¬lang ama, at hindi na nila siya kinausap nang maayos.
5 Nanaginip si Jose, at nang iku¬wento niya iyon sa kanyang mga kapatid, lalo lamang silang namuhi. 6 Sinabi niya: “Pakinggan ninyo ang aking panaginip. 7 Nag¬bibigkis daw tayo ng mga uhay ng trigo sa bukid nang biglang nanatiling nakatayo ang aking bigkis, at pumaligid naman at yumuko ang inyong mga bigkis sa aking bigkis.” 8 Sinabi ng kanyang mga kapatid: “Ikaw pa yata ang maghahari sa amin. O baka naman ikaw ang maka¬¬¬pangyayari sa amin?” At lalo siyang kina¬muhian dahil sa kan¬yang panaginip at sa kanyang sinabi.
9 Nanaginip na naman si Jose at iki¬nu¬wento din niya iyon sa kanyang mga ka¬patid: “Makinig kayo. Napanaginipan ko na yumuyuko sa akin ang araw, ang bu¬wan at ang labing-isang bituin.” 10 At pi¬nagsabihan din siya ng kanyang ama: “Ano itong panaginip mo? Kami bang lahat – ako, ang iyong ina at mga kapatid – ay yuyuko sa harap mo?”
11 Nagselos sa kanya ang kanyang mga kapatid ngunit tinandaan ito ng kanyang ama.
Ipinagbili si Jose ng mga kapatid niya
• 12 Ipinastol ng kanyang mga ka¬patid ang kawan ng kanilang ama sa Sikem, 13 at sinabi ni Israel kay Jose: “Ipinapastol ng iyong mga kapatid ang mga kawan sa Sikem. Halika at papu¬puntahin kita sa kanila.” Sumagot si Jose: “Narito ako.” 14 At sinabi ni Israel: “Pumunta ka at ting-nan mo kung ma¬ayos ang lagay ng iyong mga kapatid at ng mga kawan. At bumalik ka rito para ibalita sa akin.” Pinaalis siya ni Jacob mula sa Lambak ng Hebron at du-mating si Jose sa Sikem. 15 Nakita siya ng isang lalaki nang mawala siya sa ka¬para¬ngan, at tinanong siya: “Ano ang hinaha¬nap mo?” 16 Sumagot siya: “Hina¬hanap ko ang aking mga kapatid. Paki¬turo mo na¬man kung saan nila ipi¬napastol ang kani¬lang mga kawan.”
17 Sumagot ang lalaki: “Umalis na sila rito. Narinig kong sinabi nilang – Tayo na sa Dotan.” Kayat sinundan ni Jose ang kanyang mga kapatid at nakita ang mga iyon sa Dotan. 18 Mala¬yo pa si Jose ay natanaw na siya nila at napagkaisahan nilang patayin siya bago pa siya maka¬lapit sa kanila. 19 Sinabi nila sa isa’t isa: “Narito na ang eksperto sa pana¬ginip! 20 Pa¬tayin na natin siya at itapon sa alin¬mang balon. Sabihin nating nilapa siya ng isang mabangis na hayop. At tingnan natin kung may mangyari sa kanyang mga panaginip!” 21 Nang ma¬rinig ito ni Ruben, sinikap niyang mailig¬tas si Jose sa kamay ng mga kapatid 22 at sina¬bing “Hu¬wag natin siyang pa¬tayin, huwag nating padanakin ang kanyang dugo! Ihulog na lamang natin siya sa patay na balong ito sa ilang pero huwag natin siyang pag¬bu¬hatan ng ka¬may.” Sinabi niya ito para mailigtas si Jose at maibalik sa kanilang ama.
23 Pagdating na pagdating ni Jose, hinu¬bad sa kanya ng kanyang mga kapatid ang damit na may mahabang manggas, 24 at dinala siya at inihagis sa balong walang tubig.
25 At nang maupo sila para kumain, natanaw nila ang pulutong ng mga Is¬maelitang galing sa Galaad. May da¬lang maraming panimpla, balsamo at mira para dalhin sa Ehipto.
26 At sinabi ni Juda sa kanyang mga ka¬patid: “Ano ang mapapala natin sa pagpatay sa ating kapatid at pagtatago sa kanyang dugo? 27 Mabuti pang ipag¬bili na lang natin siya sa mga Ismaelita at huwag siyang pagbuhatan ng kamay sapagkat kapatid natin siya at sarili nating laman!” At sumang-ayon ang kan¬yang mga ka¬patid.
28 Kaya nang dumaan ang mga ma¬nga¬ngalakal na Madianita, iniahon nila si Jose mula sa balon. Ipinagbili nila siya sa halagang dalawampung pirasong pilak. At dinala ng mga Ismaelita si Jose sa Ehipto. 29 Nang bumalik si Ruben sa balon, wala na roon si Jose. Winarak niya ang kanyang damit 30 at bumalik sa kanyang mga kapatid at sinabi: “Wala na roon ang bata. Ano ang gagawin ko ngayon?” 31 Kinuha nila ang damit ni Jose, pumatay ng isang kambing at inilubog ang damit sa dugo niyon. 32 Dinala nila ang damit na may maha¬bang manggas sa kanilang ama at sinabi: “Napulot namin ito; tingnan ninyo kung ito nga ang damit ng inyong anak o hindi.”
33 Nakilala ng ama ang damit at sina¬bing “Ito ang damit ng aking anak! Ni¬la¬pa siya ng mabangis na hayop at nilu-ray.” 34 Winarak ni Jacob ang kanyang damit, nagsuot ng sako at mata¬gal na ipinag¬luksa ang anak. 35 Duma¬ting ang lahat niyang anak na lalaki at babae para aliwin siya ngunit tumanggi siyang paaliw at sinabi: “Hindi, naglu-luk¬sa akong yayao sa lugar ng mga patay, sa piling ng aking anak.” At na¬nangis siya para sa kanyang anak. 36 Saman¬tala, ipinagbili ng mga Ma¬dianita si Jo¬se sa Ehipto, kay Putifar na isang o¬pis¬yal ni Paraon at kapitan ng mga guwardiya.
Kuwento tungkol kina Juda at Tamar
38 • 1 Nang panahong iyon, humiwalay si Juda sa kanyang mga kapatid at tumuloy sa bahay ni Hira na isang Adulamita. 2 Doon nakilala ni Juda ang anak na dalaga ng Kananeong si Sua. Pinakasalan niya ang dalaga at nakipagtalik sa kanya. 3 Naglihi ito at nagsilang ng isang lala¬king pinanga¬lanang Er. 4 Nag¬kaanak siya ng isa pang lalaki na pinangalanan naman niyang Onan. 5 At sa Kuzib, nagkaroon siya ng pangatlong anak na lalaki na pinanga¬lanan niyang Sela.
6 Ikinuha ni Juda ng asawa si Er na kanyang panganay. Tamar ang pangalan ng babae. 7 Ngu¬nit masama si Er na panganay ni Juda sa paningin ni Yawe, kaya binawian niya ito ng buhay. 8 At sinabi ni Juda kay Onan: “Makipagtalik ka sa biyuda ng iyong kapatid at tuparin ang tungkulin ng isang bayaw na bigyan ng anak ang kapatid mo.” 9 Alam ni Onan na hindi magiging kanya ang sanggol kaya tuwing maki¬kipagtalik siya sa kanyang hipag, itinatapon niya sa lupa ang kanyang semilya para hindi bigyan ng anak ang kanyang kapatid. 10 Masa¬ma sa paningin ni Yawe ang kanyang ginawa kaya binawian din ito ng buhay.
11 Kaya sinabi ni Juda kay Tamar na kanyang manugang: “Umuwi ka munang biyuda sa ba¬hay ng iyong ama hanggang sumapit na sa gulang ang anak kong si Sela.” Dahil natatakot si Juda na baka mamatay rin si Sela tulad ng kanyang mga kapatid.
At umuwi nga si Tamar sa bahay ng kanyang ama at doon nanirahan.
12 Mahabang panahon ang lumipas at namatay ang asawa ni Juda, ang anak ni Sua. Mata¬pos ang kanyang pagluluksa, umahon si Juda sa Timna, kasama ang kanyang kaibigang si Hira na taga-Adulam para tingnan ang paggu¬gupit sa kanyang mga tupa. 13 May nakapagsabi naman kay Tamar na “Papunta ang biyenan mo sa Timna para gupitan ang kanyang mga tupa.” 14 Agad niyang hinubad ang luksa niyang damit, nagbalabal ng belo at naupo sa pasukan ng Enaim sa daang papunta sa Timna. Sapag¬kat nakita niyang kahit nasa kasibulan na si Sela ay hindi pa rin ito ibinibigay sa kanya bilang asawa niya.
15 Nakita ni Juda si Tamar, at dahil nata¬takpan ang mukha, napagkamalan niya itong isang babaeng bayaran. 16 Nilapitan siya ni Juda sa tabing-daan at sinabi: “Puwede ka ba?” sapag¬kat hindi niya alam na ito ang kanyang manugang. Itinanong naman ni Tamar: “Ano ang ibi¬bigay mo sa akin kung papayag ako?”
17 Sinabi ni Juda: “Padadalhan kita ng isang batang kambing mula sa aking ka¬wan.” Suma¬got ang babae: “Ayos, pero puwede ka bang magbigay ng garantiya hanggang maipadala mo iyon sa akin?” 18 Itinanong ni Juda: “Anong garantiya ang gusto mong ibigay ko sa iyo?” Sumagot si Tamar: “Ang iyong pantatak at ang tali nito at ang tungkod na hawak mo.” Kaya ibinigay ni Juda ang mga iyon at nakipagtalik siya kay Tamar, at nabuntis niya ito. 19 Umuwi na pagkatapos si Tamar, at inalis niya ang kan¬yang belo at isinuot ang kanyang damit-panluksa. 20 Ipinadala ni Juda ang kambing sa pama¬magitan ng kanyang kaibigang taga-Adulam para mabawi ang kanyang iginarantiya sa babae pero hindi niya iyon natagpuan. 21 Kayat nagtanong siya sa mga tagaroon: “Nasaan ang babaeng bayaran na nasa tabi ng da¬an sa Enaim?” Sumagot sila: “Kailanma’y wa¬lang babaeng bayaran dito.” 22 Nagbalik siya kay Juda at sinabi: “Hindi ko nakita ang babae at maging ang mga tagaroon ay nagsabing walang babaeng bayaran doon.” 23 At sinabi ni Juda: “Pabayaan mo na sa kanya ang lahat, at baka pagtawanan pa tayo ng mga tao. At saka, ipinadala ko sa kanya ang kambing pero hindi mo naman siya nakita.”
24 Makalipas ang tatlong buwan, naba¬litaan ni Juda: “Nagpabayad sa lalaki si Tamar na iyong manugang at buntis siya ngayon.” Sinabi ni Juda: “Ilabas ninyo siya at sunugin nang buhay.” 25 Nang kinakaladkad nang palabas si Tamar, nagpasabi siya sa kanyang biyenan: “Buntis ako dahil sa lalaking may-ari ng mga ito. Hanapin ninyo kung kanino ang pantatak, tali at tungkod na ito!” 26 Nakilala ni Juda ang mga iyon at sinabi: “Mas matuwid siya kaysa akin sapag¬kat ayaw kong ibigay sa kanya ang aking anak na si Sela.” At hindi na siya muling naki¬pagtalik dito.
27 Nang sumapit ang kabuwanan ni Tamar, kambal ang nasa sinapupunan niya. 28 At sa kanyang panganganak, inilabas ng isa sa kam¬bal ang kanyang kamay, at tinalian iyon ng hilot ng pulang sinulid sa pulso at sinabing “Ang isang ito ang unang lumabas.” 29 Ngunit nang iurong ng sanggol ang kamay, naunang luma¬bas ang kanyang kakambal, at sinabi ng hilot: “Anong bitak ang binitak mo!” At pina¬ngalanan siyang Fares (Bitak). 30 At lumabas ang kanyang kakambal na may sinulid na pula sa pulso at pinangalanan itong Zaraj.

39 • 1 At dinala si Jose sa Ehipto, at bi¬ni¬li siya sa mga Ismaelitang nag¬da¬la roon sa kanya ni Putifar na isang Ehipsiyong opisyal ni Paraon at kapitan ng mga guwar¬diya. 2 Pinagpala ni Yawe si Jose samantalang naka¬tira siya sa bahay ng kan¬yang among Ehipsiyo.

3 Nakita ng kanyang amo na suma¬sa¬¬kanya si Yawe at pinagtatagumpay ni Yawe ang lahat ng ipagkatiwala sa kan-ya. 4 Kaya naging kasiya-siya si Jose sa kanyang amo 5 at ginawa siyang mayor¬domo ng kanyang bahay at ipi¬nag¬ka-tiwala sa kanya ang lahat ng ari-arian nito. Mula noon, pinagpala ni Yawe ang buong sambahayan ng Ehipsiyo dahil kay Jose. Pinagpala niya ang lahat ng ari-arian ni Putifar, ang sam¬bahayan at bukirin nito. 6 Kaya iniwan ng Ehipsiyo ang lahat ni¬yang ari-arian sa panganga¬laga ni Jose, at tanging ang pagkain la¬mang niya ang kanyang inasikaso.
Makisig na lalaki si Jose at mati¬puno ang pangangatawan. 7 Kaya di nagtagal at napusuan si Jose ng asawa ng kanyang amo at sinabi sa kanya: “Sumi¬ping ka sa akin.” 8 Ngunit tumang¬gi siya at sinabing “Ipinagkatiwala sa akin ng aking pangi¬noon ang lahat ng kanya, at hindi niya ako pinakikialaman tungkol sa bahay niya. 9 Ginawa niya akong ha¬los kapantay niya sa bahay na ito at wa¬la siyang ipinagkait sa akin liban sa iyo sapagkat asawa ka niya. Paano ko ma¬ga¬gawa ang ganito kasamang bagay na isang pagkakasala sa Diyos?” 10 At ka¬hit na araw-araw na pinipilit ng babae si Jose, tumanggi siyang sumiping dito o makasama man lang nito.
11 Ngunit isang araw, pagpasok niya sa bahay para asikasuhin ang kanyang mga gawain, wala isa mang alipin ang nasa tahanan. 12 At hinawakan ng maybahay ni Putifar si Jose sa damit nito at sinabi: “Halika na, mahiga na tayo.” Subalit tu¬mak¬bong palabas si Jose, at iniwan sa kamay ng babae ang kanyang suot. 13 Nakita ng babae ang damit ni Jose na hawak niya at siya’y tumakbong palabas. 14 Tinawag niya ang mga alipin at sinabi: “Tingnan ninyo, dinala rito ang Hebreong ito para paglaruan tayo. Naparito siya para sumiping sa akin pero sumigaw ako. 15 At nang ma¬rinig niyang sumi¬gaw ako para humingi ng tulong, nagtatakbo si¬yang palabas ng bahay at naiwan niya ang kanyang damit sa akin.
16 Itinabi ng asawa ni Putifar ang damit hanggang makauwi ang kan¬yang pangi¬noon. 17 At isinalaysay niya ang kanyang kuwento: “Tinangka akong paglaruan ng aliping Hebreong iyan na dinala mo rito. 18 Ngunit nang sumigaw ako, nagtatakbo siyang palabas ng bahay at naiwan niya sa akin ang kanyang damit.” 19 Pagkarinig ni Putifar sa sinabi ng asawang “Ting¬nan mo ang ginawa sa akin ng iyong alipin,” nag-apoy ang kanyang galit. 20 Dinala niya si Jose sa Bilang¬guan sa Soar ka¬sama ng mga bilanggo ng hari.
Ngunit habang nasa bilangguan ng Soar si Jose, 21 sumakanya si Yawe at nag¬magandang-loob sa kanya kaya na-ging mabait sa kanya ang warden ng bi¬langguan. 22 Ginawa niya itong taga¬pa¬mahala sa lahat ng bilanggo at siya ang pinapagpapasya kung ano ang ga¬ga¬win doon. 23 Hindi pinakikialaman ng warden ang lahat ng nasa ilalim ng kan-yang pa¬ngangasiwa sapagkat suma¬¬sa¬¬kanya si Yawe at pinagta¬tagumpay ni Yawe ang lahat niyang gawain.
Binigyang-kahulugan ni Joseang mga panaginip
40 1 Makaraan ang ilang panahon, nag¬kasala sa kanilang panginoon ang taga¬pangasiwa sa inumin ni Paraong hari ng Ehipto, gayundin ang punong-panadero. 2 Na¬galit si Pa¬raon sa dala¬wa niyang opisyal 3 at ipina-ku¬long sa bahay ng kapitan ng mga guwardiya, sa mis¬mong bilangguang pinag¬piitan din kay Jose. 4 Kaya ipi¬nag¬katiwala ng kapitan kay Jose ang dalawang bilanggo at pinaglingkuran naman niya sila. At matagal-tagal din sila roon.
5 Isang gabi, kapwa nanaginip ang kasama ni Jose sa Soar na tagapangasiwa ng inumin at ang punong-panadero ng hari ng Ehipto, at may sariling kahulugan ang bawat isa. 6 Pagka¬kita ni Jose sa dalawa kina-umagahan, napansin niya ang pagka¬bahala ng mga ito, 7 kaya itinanong niya: “Ba’t kayo mukhang malungkot ngayon?” 8 Sumagot ang dalawa: “Pareho kaming nana¬ginip pero walang makapagpa¬liwanag nito.” At sinabi ni Jose: “Di ba’t Diyos lamang ang ma¬kapag¬bibigay-kahulugan sa mga panaginip? Sabihin ninyo sa ’kin ang inyong panaginip.”
9 Kaya ikinuwento ng tagapangasiwa ng inumin kay Jose ang kanyang napana¬ginipan: “Sa aking panaginip, 10 may puno ng ubas na may tatlong sanga sa harap ko. Habang lumalaki ang puno ng ubas, namu¬laklak ito at na¬hinog ang mga kumpol. 11 Hawak ko noon ang kopa ni Paraon, at pinitas ko ang mga ubas at piniga sa kopa ni Paraon. At pagkatapos, iniabot ko ang kopa kay Paraon.”
12 Sinabi ni Jose sa kanya: “Ito ang kahu¬lugan niyan. Ang tatlong sanga ay tatlong araw. 13 Sa loob ng tatlong araw, palalayain ka ni Paraon at ibabalik sa iyong puwesto at muli mong iaabot ang kopa kay Paraon gaya noong ikaw ang kanyang tagapaghanda ng inumin. 14 Kaya pag nabalik ka na sa dati mong puwesto, alalahanin mo naman sana ako at magma¬gandang-loob ka sa akin at banggitin ako kay Paraon para palabasin ako sa bilangguang ito. 15 Ang totoo’y kinidnap ako mula sa lupain ng mga Hebreo, at kahit dito ay wala akong nagagawang pagkakasala para mabilanggo.”
16 Nang makita ng punong-panadero na maganda ang ibinigay na paliwanag ni Jose sa panaginip, sinabi niya kay Jose: “Nanaginip din ako: may sunong akong tatlong bakol ng tinapay. 17 Puno ng iba’t ibang hinurnong pag¬kain para kay Paraon ang bakol na nasa iba¬baw, at kinain iyon ng mga ibon sa bakol na sunong ko.” 18 Sinabi ni Jose: “Ang tatlong bakol ay tatlong araw. 19 At sa loob ng tatlong araw, pa¬pupugutan ka ng ulo ni Paraon, at ibi¬bitin ang iyong bangkay sa isang puno at tutukain ng mga ibon ang iyong laman.” 20 Ang ikatlong araw ay kaarawan ni Paraon, at nag¬handa siya ng ma¬laking salu-salo para sa kan¬yang mga opis¬yal. Ipinatawag niya ang kanyang taga¬pa¬nga¬siwa ng inumin at ang kanyang punong-pana¬dero. 21 Ibi¬nalik niya sa tung¬kulin ang tagapangasiwa ng inumin kayat muli nitong iniabot ang kopa kay Paraon, 22 ngunit ipina-bitay niya ang punong-pana¬dero. At nang¬yari ang pagbibigay-kahu¬lugan ni Jose.
23 Ngunit hindi na naalaala ng tagapa¬ngasiwa ng inumin si Jose: nalimutan na siya.
Ang mga panaginip ni Paraon
41 • 1 Pagkaraan ng dalawang taon, na¬naginip si Paraon na nakatayo siya sa tabi ng Ilog Nilo 2 nang may pitong maganda at mata¬bang baka ang umahon mula sa ilog at nagsimulang manginain sa tabing-ilog. 3 Kasu¬nod nilang umahon mula sa Nilo ang pito pang baka, mga payat at nanga¬ngalirang at tumabi ang mga ito sa mga bakang nasa tabing-ilog. 4 Kinain ng payat at nanga¬nga¬lirang na mga baka ang maganda at matabang mga baka. Pagkatapos ay nagising si Pa¬raon. 5 Mu¬ling nakatulog si Paraon at nanaginip uli. Nakita niyang tumutubo sa isang tangkay ang pitong uhay, malaman at mabuti. 6 At may sumibol namang pitong uhay pa, maliliit at tinuyo ng hanging silangan. 7 At nilamon ng mali¬liit na uhay ang malalaman at mabubuti. At nagising si Paraon – pana¬ginip lang pala iyon!
8 Nabalisa siya kinaumagahan at ipi¬natawag ang lahat ng may lihim na karunungan at pantas sa Ehipto. Ikinu¬wento niya sa mga ito ang kanyang mga panaginip pero walang makapag¬pa¬¬liwanag ng mga ito sa kanya. 9 Kaya sinabi ng punong-tagapangasiwa ng inumin kay Paraon: “Naalaala ko nga¬yon ang aking pagkukulang. 10 Nagalit si Paraon sa kanyang alipin at ipina¬kulong niya ako at ang punong-pana¬dero sa bahay ng kapitan ng mga guwar¬diya. 11 Na¬na¬ginip kami sa iisang gabi na bawat panaginip ay may kanya-kanyang kahu¬lu¬gan. 12 Kasama namin noon ang isang kabataang Hebreong alipin ng kapitan ng mga guwardiya. Nang sabihin namin sa kanya ang aming panaginip, binig¬yang-kahulugan niya ang bawat isa sa aming panaginip. 13 At nagkatotoo ang kanyang sinabi. Naba¬lik nga ako sa aking tung¬ku¬lin, at binitay naman ang punong-pana¬dero.”
14 Kaya ipinatawag ni Paraon si Jose. Agad siyang kinuha sa bilang¬guan, ina¬hitan, at pinalitan ang kanyang damit para humarap kay Paraon.
15 At sinabi ni Paraon kay Jose: “Na¬na¬ginip ako at walang makapag¬pali¬wanag nito. Nabalitaan kong nabi¬big¬yang-kahulugan mo ang anumang pa¬na¬¬¬ginip.” 16 Sumagot si Jose: “Hindi ako kundi ang Diyos ang siyang mag¬bi¬¬bigay kay Paraon ng kasiya-siyang ka¬sa¬gutan.” 17Kaya isinalaysay ni Paraon ang kanyang pana¬ginip:

“Nasa tabi ako ng Ilog Nilo 18 nang pitong ma¬¬ganda at matabang baka ang umahon sa ilog at nagsimulang manginain sa tabing-ilog. 19 At pagkatapos, pitong baka pa ang umahon – mga bakang pangit at buto’t balat at payat. Hindi pa ako nakakita ng gayon kapangit na baka sa buong lupain ng Ehipto. 20 Kinain ng pa¬ngit at buto’t balat na mga baka ang pitong mata¬tabang baka, 21 pero hindi halata na nasa tiyan nila ang mga iyon sapagkat pangit at bu¬to’t balat pa rin sila tulad ng dati. At nagising ako. 22 Nakita ko rin sa aking panaginip ang pitong uhay na tumutubo sa iisang tangkay, ma¬la¬man at mabuti. 23 At pagkatapos, sumibol naman ang pito pang uhay – tuyot at maliliit at nilanta ng hanging silangan. 24 Nilulon ng mga lantang uhay ang pitong magagandang uhay. Isina¬laysay ko ito sa mga may lihim na karunu¬ngan pero walang makapag-paliwa¬nag nito sa akin.”

25 At sinabi ni Jose kay Paraon: “Iisa at pareho ang panaginip ni Paraon. Ipi¬¬na¬hayag ng Diyos kay Paraon ang kanyang gagawin. 26 Ang pitong matatabang baka ay pitong taon, at ang pitong magagan¬dang uhay ay pitong taon din. Iisang panaginip! 27 Ang pitong payat at pangit na bakang sumunod ay pitong taon din, pati ang pitong lanta at ipang uhay na tinuyo ng hanging silangan – magka¬ka¬roon ng pitong taong taggu¬tom. 28 Tu¬lad ng sinabi ko kay Paraon, ipina¬hayag ng Diyos ang kanyang gaga¬win. 29 Mag¬kakaroon ng pitong taon ng lubos na kasaganaan sa buong lupain ng Ehipto, 30 ngu¬nit susundan iyon ng pitong taong tag¬gutom. At malilimutan na ang pa¬na¬hon ng kasaganaan sapagkat ma-giging grabe ang taggutom sa lupain. 31 Napa¬katindi ng taggutom kaya hindi na magu¬gunita ang panahon ng kasa¬ga-naan.
32 Dalawang ulit na nangyari kay Pa¬raon ang panaginip sapagkat buo na ang pasya ng Diyos at gagawin niya ito ka¬agad. 33 Kaya pumili ngayon si Pa¬raon ng taong matalino at may-kakaya¬hang ma¬mahala sa Ehipto. 34 At kaila¬ngan ding maglagay si Paraon ng mga tagapanga¬siwa sa buong lupain na si¬yang lilikom ng buwis na ikalimang ba¬hagi ng lahat ng ani sa lupain sa loob ng pitong taong ka¬saganaan. 35 Kaila¬ngang tipunin nila ang lahat ng pagkain sa pi¬tong taong iyon ng kasaganaan, at iim¬bak ang mga trigo sa mga siyudad sa ilalim ng kapang¬yarihan ni Paraon. 36 Ila¬laan ang pag¬kaing ito upang hindi ma¬matay sa gutom ang ba¬yan sa pitong taong taggutom na darating sa Ehipto.”
Jose, punong opisyal
37 Nasiyahan si Paraon at ang kanyang mga opisyal sa sinabi ni Jose, 38 at nagtanong si Paraon: “Saan tayo maka-ka¬kita ng lalaking tulad niya na suma¬sakanya ang espiritu ng Diyos?” 39 At sinabi niya kay Jose: “Dahil sa iyo ipi¬na-alam ng Diyos ang lahat ng ito, wala nang magiging higit pang mata¬lino at may-kakayahan kaysa iyo. 40 Ikaw ang mamamahala sa aking administrasyon, at su¬sundin ng lahat kong mamamayan ang iyong mga utos. Lahat ng akin ay iyo, maliban lamang sa aking trono.” 41 At sinabi pa ni Paraon kay Jose: “Iti¬na¬talaga kita para mamahala sa buong lupain ng Ehipto.”
42 At hinubad niya mula sa kanyang daliri ang kanyang singsing na pantatak at isinuot sa daliri ni Jose. Binihisan niya ito ng pinong linen at sinabitan ng gintong kuwintas. 43 Pinasakay niya si Jose sa pangalawang karwahe ng palas¬yo at ini¬utos na may manguna sa kanya para sumigaw nang “Magsitabi kayo!” At si Jose ang naging taga¬pamahala sa buong lupain ng Ehipto.
44 At sinabi ni Paraon kay Jose: “Ako si Paraon! Kung wala kang pahintulot, wa¬lang makapagtataas ng kamay o ma-ka¬hahakbang sa buong lupain ng Ehipto.” 45 Pinangalanang Safenat-Paneaj ni Pa¬raon si Jose at ibinigay sa kanya bilang asawa si Asenat na anak ni Putifera na pari ng diyos na si On. At naglakbay si Jose sa buong lupain ng Ehipto. 46 Tat¬lumpung taon si Jose nang humarap siya kay Paraong hari ng Ehipto. At pagkaalis niya sa harap ni Paraon, naglakbay siya sa buong lupain ng Ehipto.
47 Sa panahon ng pitong taong kasaganaan, nag-ani nang sagana ang lupa¬in. 48 Tinipon ni Jose ang lahat ng pagkaing inani sa panahong iyon ng kasaganaan sa Ehipto at inimbak sa bawat siyudad ang ani buhat sa paligid na bukirin niyon. 49 Na¬katipon si Jose ng trigong sindami ng buhangin sa dagat, at hindi na matakal dahil sa dami.
50 Bago sumapit ang taon ng taggu¬tom, nagkaroon ng dalawang anak na lalaki kay Jose si Asenat na anak ni Putiferang pari ni On. 51 Pinangalanang Manases ni Jose ang panganay sapag¬kat sinabi niyang “Ipinalimot sa akin ng Diyos ang lahat kong hirap at ang bahay ng aking ama.” 52 Pinangalanan naman niyang Efraim ang pangalawa sapagkat sinabi niya: “Ginawa akong mabunga ng Diyos sa lupain ng aking paghihirap.”
53 Pagkatapos ng pitong taong kasaganaan sa buong Ehipto, 54 nagsimula naman ang pitong taong taggutom gaya ng sinabi ni Jose. Nagkaroon ng taggu¬tom sa lahat ng bansa ngunit may pag¬kain sa lahat ng dako sa Ehipto. 55 Nang magsimulang mag¬danas ng taggutom ang Ehipto, dumaing ang mga tao kay Paraon para humingi ng pagkain. Ngunit sinabi ni Paraon sa mga Ehipsiyo: “Pu¬munta kayo kay Jose at gawin ang kan-yang sasabihin.” 56 Sinalanta ng taggu¬tom ang buong lupain, binuksan ni Jose ang lahat ng bodega at nagbenta ng trigo sa mga Ehipsiyo sapagkat malub¬ha ang taggutom sa buong lupain.
57 Lalo pang lumubha ang taggutom sa buong daigdig kaya ang lahat ay pumunta sa Ehipto para bumili ng trigo kay Jose.
Bumaba sa Ehipto ang mga anak ni Jacob
42 • 1 Nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Ehipto, sinabi niya sa kanyang mga anak: “Ba’t kayo na-katayo riyan at nagtitinginan? 2 Nabalitaan kong may trigo sa Ehipto kaya pumunta kayo roon at bumili ng ka¬unti para hindi tayo mamatay sa gutom.” 3 Nagpunta sa Ehipto ang mga kapatid ni Jose para bumili ng trigo – sampu silang lahat 4 sapagkat hindi pinasama ni Jacob si Benjamin na kapatid ni Jose dahil natatakot itong baka may mang¬yari sa kanya.
5 Kaya umalis ang mga anak ni Israel kasama ng iba pang mga Kananeo pa¬ra bumili ng trigo sapagkat taggutom din sa Kanaan. 6 Si Jose bilang gobernador ng Ehipto ay nagbibili ng trigo sa buong bayan. Nang dumating ang kan¬yang mga kapatid, yumuko sa kanya ang mga ito na abot sa lupa ang mga mukha. 7 Agad na nakilala ni Jose ang kanyang mga kapatid pero hindi siya nagpahalata sa mga ito, sa halip ay naging mabalasik siya: “Saan kayo ga¬ling?” At sumagot ang mga ito: “Galing kami sa lupain ng Kanaan para bumili ng trigo.” 8 Nakilala nga ni Jose ang kan¬yang mga kapatid pero hindi siya nakilala ng mga ito.
9 At naalala niya ang mga panaginip niya tungkol sa kanila. Sinabi niya: “Mga espiya kayo at naparito kayo pa¬ra tiktikan ang mga kahinaan ng lupain.” 10 Sumagot sila: “Hindi, aming panginoon, naparito ang inyong mga alipin para bumili lamang ng trigo. 11 Mga anak kami ng iisang lalaki. Matapat kaming mga tao, hindi espiya ang inyong mga alipin.” 12 Pero sinabi ni Jose: “Hindi, na¬parito kayo para tiktikan ang kahinaan ng lupain.” 13 At sinabi nila: “Labin¬dalawang magka¬kapatid na lalaki ang inyong mga alipin, mga anak ng isang lalaki sa lupain ng Kanaan. Kasama nga¬yon ng aming ama ang bunso, at wala na ang isa.” 14 At iginiit ni Jose: “Tama nga ang sabi ko – mga espiya kayo! 15 At ma¬pa¬tutunayan ito. Isinusumpa ko sa buhay ni Paraon na hindi kayo makaaalis dito hanggang hindi napaparito ang inyong bunsong kapatid. 16 Isa sa inyo ang aalis para sunduin ang inyong kapatid at ibi¬bilanggo naman ang iba. Kaya mala¬laman ko kung nagsa¬sabi nga kayo ng totoo. At kung hindi, mga espiya nga kayo.” 17 Kaya tatlong araw niyang ipina¬bilanggo ang lahat.
18 Sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlong araw: “Tutulungan ko kayong iligtas ang inyong sarili sapagkat may takot ako sa Diyos. 19 Kung mga tapat nga kayo, ma¬iwang bilanggo ang isa sa in¬yong mag¬kakapatid sa bahay ng guwardiya na ti¬nutuluyan ninyo nga¬yon at iuwi ninyo ang trigong kailangan ng inyong pa¬milya. 20 Ngunit kaila¬ngang dalhin ninyo sa akin ang inyong bunsong kapatid para mapa¬tunayan ko ang inyong sinabi at maligtas ang inyong buhay.” Gayon nga ang kani¬lang gina¬wa, 21 at sinabi nila sa isa’t isa: “Parusa ito dahil sa ginawa natin sa ating kapatid. Nakita natin ang kan¬yang pag¬hihirap at narinig ang kan-yang pagmamakaawa pero hindi natin siya pinag¬big¬yan. Kaya dumating sa atin ang pag¬hi¬hirap na ito.” 22 Sinabi sa kanila ni Ruben: “Sabi ko na nga ba’t huwag gawan ng ma-sama ang bata! Pero ayaw ninyong ma¬kinig, kaya pinagbabayaran tuloy na¬tin nga¬yon ang kanyang pagkamatay.”
23 Hindi nila alam na naiintindihan sila ni Jose sapagkat mayroon pa itong interpreter. 24 Kaya umalis muna si Jose at umi¬yak. Nang magbalik ito, kina¬usap sila nito at ipinakuha si Simeon at ipinagapos sa harap nila.
25 Ipinag-utos ni Jose na punuin ng trigo ang kanilang mga sako at ipinabalik sa sako ng bawat isa ang kanilang salapi at pinabigyan ang bawat isa ng pagkain para sa paglalakbay. Matapos gawin ito, 26 ikinarga nila ang trigo sa kanilang mga asno at lumakad na sila. 27 Ngunit kinaga-bihan, sa lugar na kani¬lang tinigilan, nang buksan ng isa sa kanila ang kanyang sako para pakainin ang kanyang asno, nakita niya ang kan¬yang pilak na nakapaibabaw sa mga trigo sa bungad ng sako. 28 Kaya sinabi niya sa kanyang mga kapatid: “Ibinalik ang aking salapi, narito sa aking sako!” Nabigla sila at nangatal at sinabing “Ano itong ginawa sa atin ng Diyos?”
29 Pagkauwi nila sa kanilang amang si Jacob sa lupain ng Kanaan, isina¬laysay nila ang lahat ng nangyari sa kanila:
30 “Naging mabalasik sa amin ang lalaking panginoon sa lupaing iyon at itinuring kaming mga espiya 31 pero sinabi naming – Mabuting tao kami at hindi mga espiya. 32 Labindalawa ka¬ming magka¬kapatid, anak ng iisang ama. Wala na ang isa at kasama naman ng aming ama sa lupain ng Kanaan ang pinakabunso. 33 At sinabi ng panginoon ng lupain – Malalaman ko kung nagsasabi nga kayo ng totoo sa pama¬magitan nito: iwan ninyo rito ang isa sa inyong mga kapatid, kumuha kayo ng kaila¬ngan ng inyong mga sambahayan at lumakad, 34 pero dalhin n’yo sa akin ang inyong bunsong kapatid para masiguro kong hindi nga kayo mga espiya kundi mabubuting tao. At palalayain ko ang inyong kapatid at maaari na kayong makipag¬kalakalan sa lupain.”

35 Nang isalin nila ang mga sako, na¬kita ng bawat isa ang kanilang sisidlan ng salapi na nasa sako. Natakot sila pati ang kanilang ama nang makita nila ito. 36 Si¬nabi ng kanilang amang si Ja¬cob: “Ini¬lalayo ninyo sa akin ang aking mga anak. Wala na si Jose, wala na rin si Simeon at ngayo’y kukunin pa rin ninyo sa akin si Benjamin! At papa¬sa¬nin ko ang lahat ng ito!” 37 Ngunit sinabi ni Ruben sa kanyang ama: “Patayin na ninyo ang dalawa kong anak kung hindi ko maiba¬balik sa inyo si Benjamin. Ipag-katiwala ninyo siya sa akin at iba¬balik ko siya.” 38 Ngunit sinabi ni Jacob: “Hindi sasama sa inyo ang aking anak, patay na ang kanyang kapatid at siya na lamang ang naiiwan sa akin. Kung may masamang mang¬yari sa kanya sa daan, mamamatay ako sa lungkot sa aking katandaan.”
Pangalawang pagpunta sa Ehipto
43 1 Palubha pa rin nang palubha ang kakulangan ng pagkain sa lupain. 2 At nang maubos na nila ang trigong uwi nila mula sa Ehipto, sinabi sa kanila ng kanilang ama: “Bumalik kayo at ibili kami ng kaunting maka¬kain.” 3 Ngunit sinabi ni Juda: “Mahig¬pit ang babala sa amin ng lalaki na kaila¬ngang isama namin ang aming kapatid. 4 Kung pasasamahin ninyo sa amin ang aming kapatid, babalik kami para ibili kayo ng pagkain, 5 ngunit kung hindi’y hindi kami babalik sapagkat sinabi ng lalaki na – Hindi kayo makahaharap sa akin kung hindi ninyo kasama ang inyong kapatid.” 6 Kaya sinabi ni Israel: “Bakit ninyo ako binigyan ng gani¬tong proble¬ma sa pagsasabi sa lalaki na may isa pa ka¬yong kapatid?” 7 At suma¬got sila: “Ma¬ingat kaming inimbestiga ng lalaki at tinanong tungkol sa aming sarili at mga kaanak – Buhay pa ba ang inyong ama? May iba pa ba kayong kapatid? – at sinagot lamang namin ang kanyang mga tanong. Alam ba naming iuutos niyang dalhin sa kanya ang aming ka¬patid?”
8 At sinabi ni Juda sa kanyang amang si Jacob: “Pasamahin ninyo sa akin ang bata, at nang makalakad kami agad upang kami, kayo at ang aming mga anak ay mabuhay at hindi mamatay. 9 Pana¬nagutan ko ang kan¬yang kaligtasan. Ka¬pag hindi ko siya naibalik at naiharap sa inyo rito, tatanggapin ko ang bigat ng ka¬salanan habang pana¬hon. 10 Kung hindi tayo nagbantulot nang napakatagal, dala¬wang ulit na sana ka¬ming nakapunta roon at nakabalik dito.” 11 Sinabi naman sa kanila ni Israel na kanilang ama: “Kung kailangang mang¬yari ang gayon, ganito ang inyong ga¬win: magdala kayo sa in¬yong mga sako ng mga piling produkto ng lupain at iregalo sa lalaki – kaunting bal¬samo at pulot-pukyutan, almond at pistachio. 12 At doblehin ninyo ang dalang pera dahil dapat ninyong isauli ang sala¬ping nakita ninyo sa inyong mga sako; baka nagkamali lamang sila.
13 Isama ninyo ang inyong kapatid at bumalik kayo sa lalaki. 14 Loobin nawa ng Diyos ng Kataas-taasan na kahaba-gan kayo ng lalaki para pauwiin niyang ka¬sama ninyo ang isa pa ninyong ka¬pa¬tid at si Benjamin. At tungkol sa aking sa¬rili, kung dapat akong ma¬wa¬lan ng mga anak, sige, mawalan ako ng mga ito.”
15 Kinuha ng magkakapatid ang mga regalo at dinoble ang dalang pera. At isinama nila si Benjamin at lumakad pa-puntang Ehipto at humarap kay Jose. 16 Nang makita ni Jose na kasa¬ma na nila si Benjamin, sinabi niya sa kanyang mayordomo: “Dalhin mo ang mga taong ito sa bahay ko. Magkatay ng hayop at mag¬handa ng pagkain, sapag¬kat makikisalo sa akin sa tang¬ha¬lian ang mga taong ito.”
17 Ginawa ng mayordomo ang ini¬utos ni Jose at dinala ang magka¬kapatid sa bahay ni Jose. 18 Natakot ang magka¬kapatid nang dalhin sila sa bahay ni Jose at nag-usap-usap sila: “Dinala ta¬yo rito dahil sa perang isina¬uli sa ating mga sako nang pumarito tayo noon. Ibig niyang makaganti at malupig tayo upang gawin tayong alipin at agawin ang ating mga asno.” 19 Kaya nilapitan nila ang mayordomo ni Jose at kinausap iyon sa may pin¬tuan ng bahay: 20 “Ipagpatawad ninyo, ginoo, pumarito kami noon para bumili ng trigo, 21 ngu¬nit nang maka¬rating kami sa isang ma¬tutuluyan, binuksan namin ang aming mga sako at nakita namin sa bungad ng sako ang perang bawat isa sa amin na hindi naga¬galaw. Dala namin iyon ngayon para ibalik 22 at may dala pa rin kami para bumili pa ng pagkain. Hindi namin alam kung sino ang naglagay ng salapi sa aming mga sako.” 23 Si¬nabi ng mayor¬domo: “Huwag ka¬yong mabahala, huwag kayong mata¬kot. Ang in¬yong Diyos, ang Diyos ng inyong ama ang naglagay ng kaya¬manan sa inyong mga sako. Natanggap ko ang inyong salapi.” At iniharap niya sa kanila si Simeon.
24 Pinapasok ng mayordomo ang mag¬¬¬¬ka¬kapatid sa bahay ni Jose, binig¬yan sila ng tubig para mahugasan ang kanilang mga paa at ng damo para sa kanilang mga asno. 25 Inihanda nila ang kanilang regalo at hinintay ang pagda¬ting ni Jose sa katanghalian sapagkat nalaman nilang doon sila mananang¬halian. 26 Nang du¬mating si Jose sa ba¬hay, inihandog nila ang mga regalong dala nila at yumuko sa lupa. 27 Kinu¬musta sila ni Jose at sinabi: “Mabuti ba ang lagay ng matanda nin¬yong ama na ibinalita ninyo noon? Buhay pa ba siya?” 28 At sumagot sila: “Mabuti naman ang inyong lingkod, ang aming ama, at bu¬hay pa.” At yumuko sila sa lupa.
29 Tumunghay siya at nakita ang kan¬yang kapatid na si Benjamin na anak ng kanyang ina, at sinabi: “Ito ba ang in¬yong bunsong kapatid na ibina¬lita nin¬yo noon sa akin?” At kanyang idi¬nugtong: “Pag¬palain ka ng Diyos, anak ko.” 30 Gayon na lamang ang naging damdamin ni Jose nang makita ang kan¬yang kapatid kaya mabilis siyang lumabas at umiyak sa kanyang silid. 31 Matapos siyang maghi¬lamos at mu¬ling lumabas, na sinusupil ang dam¬damin, sinabi niya: “Ihain na ang tang¬ha¬lian.” 32 Ipinaghaing bukod si Jose, ga¬yun¬din ang magkakapatid at naka¬bu¬kod din ang mga Ehipsiyo sapagkat hindi maaaring sumalo ang mga Ehipsiyo sa mga Hebreo – isang malaking kahihiyan ang gayon sa mga Ehipsiyo.
33 Pinaupo ang magkakapatid na ka¬harap ni Jose ayon sa kanilang edad, mula sa pinakapanganay hanggang pinakabunso. At nagkatinginan sila nang buong pagtataka. 34 Nang ihain kay Jose ang lahat ng pagkain, ikinuha niya ang kanyang mga kapatid at ipinasilbi ito sa kanila. At limang ibayo ang dami ng ibinigay kay Benjamin kaysa kanyang mga kapatid. At nakipag-inuman sila sa kanya at nagsaya.
Ang kopa ni Jose sa sako ni Benjamin
44 1 At nag-utos si Jose sa kan¬yang mayordomo: “Punuin mo ng pag¬kain ang mga sako nila, hang¬gang ma-kakaya nila. At ilagay mo ang pe¬ra ng bawat isa sa bungad ng sako, 2 at ilagay mo naman ang aking kopang pilak kasama ng perang para sa kanyang trigo sa sako ng pinakabunso.” Si¬nu¬nod ng mayordomo ang sinabi ni Jose.
3 Nang nagliliwanag na kinaumaga¬han, pinalakad na ang magkakapatid, kasama ang kanilang mga asno. 4 Hindi pa sila nakalalayo sa siyudad nang sa¬bi¬¬hin ni Jose sa kanyang mayordomo: “Habulin mo agad ang mga lalaking iyon, at sabihin mo sa kanila pag ina¬butan mo na sila – Bakit ninyo ginan¬tihan ng masama ang mabuti? 5 Hindi ba ito ang iniinuman ng aking amo at ginagamit sa panghuhula? Masama ang inyong ginawa!” 6 Nang abutan sila ng mayordomo, inulit nga niya ang mga kata¬gang ito.
7 At sinabi ng magkakapatid: “Bakit naman ganyan magsalita ang aking panginoon? Kailanma’y hindi magagawa ng inyong mga lingkod ang gayon. 8 Isi¬nauli pa nga namin mula sa lupain ng Kanaan ang perang nakuha namin sa aming mga sako. Kaya bakit kami magnanakaw ngayon ng pilak o ginto sa ba¬hay ng inyong panginoon? 9 Kung makita ninyo sa isa sa inyong mga alipin ang sinasabi ninyo, dapat siyang ma¬matay at kami nama’y magiging alipin ng inyong panginoon.” 10 Sinabi ng mayordomo: “Sige, ayon sa sabi ninyo, magi¬ging alipin ko ang sinumang kakitaan ng kopa at makakalaya na ang iba.” 11 Ibina¬ba ng ba¬wat isa ang kanyang sako sa lupa at bi¬nuksan iyon. 12 Nagsaliksik ang ma¬yor¬domo mula sa panganay at nagtapos sa pinakabunso. At natagpuan ang kopa sa sako ni Ben¬jamin. 13 Kaya winarak ng mag¬ka¬kapatid ang kani¬lang mga damit at muling ikinarga ang mga sako sa mga asno, at bumalik sa lunsod.
14 Nasa bahay pa si Jose nang ma¬ka¬balik si Juda at ang kanyang mga ka¬patid at nagpatirapa sa harap niya. 15 Si¬nabi ni Jose sa kanila: “Ano ang inyong ginawa? Hindi ba ninyo alam na may kakayahang manghula ang isang tulad ko?” 16 At sinabi naman ni Juda: “Ano ang masasabi na¬min sa aking pa¬ngi¬noon? Paano namin mapatutunayan ang aming kawalang-sala? Ang Diyos ang naglantad sa aming pagka¬kasala: mga alipin na kami ngayon ng aming panginoon, kami at ang kin¬a¬tag¬puan ng kopa.” 17 Ngunit sinabi ni Jose: “Hindi ko magagawa iyon. Kung sino lamang ang kinatagpuan ng kopa ang siya kong magiging alipin. At maka¬babalik nang mapayapa ang lahat sa inyo sa inyong ama.”
18 Lumapit si Juda kay Jose at sinabi: “Panginoon ko, hayaan ninyong maka¬pag¬salita ang inyong lingkod. Huwag sana kayong magalit bagamat kapantay kayo ni Paraon. 19 Nang tanungin ninyo, panginoon ko, ang inyong mga lingkod kung – May ama pa ba kayo o kapatid na lalaki? – 20 sinabi naming – May ama kaming matanda na na may anak na ba¬tang lalaki sa kanyang katandaan. Patay na ang kapatid na lalaki niyon at siya na lamang ang naiwang anak ng kanyang ina. At mahal na ma¬hal siya ng kanyang ama. 21 At sinabi ninyo sa amin – Isama ninyo siya rito para makita ko. 22 Sinabi naman namin sa aming pangi¬noon na hindi maaaring iwan ng batang lalaki ang kanyang ama sapagkat kung iiwan niya iyon, mamamatay ang kan¬yang ama.
23 At sinabi ninyo na kung hindi namin ma¬isa¬sama ang aming bunsong kapatid, hindi kami makahaharap sa inyo. 24 Sinabi namin ang lahat ng ito sa aming ama pag-uwi namin. 25 Kayat nang sabihin niyang bumalik kami rito at bumili ng kaunting pagkain, 26 sinabi namin – Hindi kami makapupuntang muli roon kung hindi ninyo pasa¬samahin ang aming bunsong kapa¬tid. Hindi kami haharapin ng lalaking iyon ma¬libang kasama namin ang aming kapatid. 27 At sinabi ng aming ama – Alam ninyong binig¬yan ako ng dalawang anak ng aking asawa. 28 Na¬wala na ang isa at tiyak na nagkaluray-luray siya at hindi ko na nakita pang muli. 29 Kung ilalayo ninyo pa sa akin ang isang ito at may mangyari sa kanya, mamamatay ako sa lungkot sa aking katandaan.
30 Ngayon, hindi ako makababalik sa aking ama na hindi kasama ang bata sapagkat mahal na mahal siya ng aking ama. 31 Ikamamatay niya ang makitang wala ang bata, mamamatay siya sa lungkot sa kanyang katandaan.
32 Ako ang nanagot sa kaligtasan ng bata sa harap ng aking ama, sinabi kong – Kung hindi siya maibabalik, ama ko, ako ang may kasalanan sa habang panahon. 33 Kaya payagan nin¬yong ako na ang ma¬natili bilang alipin kapalit ng bata at pa¬samahin siya sa kan¬yang mga kapatid. 34 Paano pa akong makauuwi sa aming ama kung hindi rin lang kasama ang bata? Ayaw kong makita ang paghihirap ng aking ama!”
Nagpakilala si Jose
45 1 Hindi na mapigil ni Jose ang kanyang damdamin sa harap ng lahat niyang tauhan at iniutos niyang “Iwan ninyo ako, lahat kayo!” kayat wa¬lang sinuman ang naroon nang magpa¬kilala si Jose sa kanyang mga kapatid. 2 Napakalakas ng kan¬yang iyak kaya narinig ito ng mga Ehipsiyo at kumalat ang balita sa buong sambahayan ni Pa-raon.
3 Sinabi ni Jose sa kanyang mga ka¬patid: “Ako si Jose. Buhay pa ba ang aking ama?” Hindi nakasagot ang kan¬yang mga kapatid, lubha nga silang na¬bigla sa harap niya. 4 Sinabi ni Jose: “Lumapit kayo.” At nagsilapit sila. “Ako si Jose, ang inyong kapatid, ang ipi¬nag¬bili ninyo sa mga Ehipsiyo. 5 Huwag kayong malungkot ni sisihin ang inyong sarili. Ipinagbili nga ninyo ako pero ang Diyos ang nagsugo sa akin, una sa inyo, para bumuhay. 6 Dalawang taon nang may taggutom sa lupain at limang taon pa na hindi makapag-aararo at hindi makapag-aani. 7 Isinugo ako ng Diyos nang una sa inyo upang makatiyak na hindi malilipol ang inyong lahi sa lupa at buhayin kayo: ito ang mala¬king pagliligtas. 8 Kayat hindi kayo kundi ang Diyos ang nagdala sa akin dito, at ginawa niya akong ama kay Paraon at panginoon sa kanyang sam¬bahayan at tagapamahala ng buong Ehipto.
9 Bumalik agad kayo sa aking ama at sabihin sa kanyang – Ito ang ipina¬sasa¬bi sa inyo ni Jose na inyong anak: Gina-wa ako ng Diyos na panginoon ng buong Ehipto. Pumarito kayo agad. 10 Sa rehi¬yon ng Gosen kayo titira – malapit sa akin – kayo, ang inyong mga anak at mga apo, ang inyong mga tupa at mga baka at lahat ng inyong ari-arian. 11 Ako ang bahala sa lahat (sapagkat limang taon pang tatagal ang taggutom) at kayo at ang inyong sambahayan at lahat ng inyo ay hindi mag¬darahop. 12 Alam na ninyo ngayon at maging ng kapatid kong si Benjamin na ako nga ang nakikipag-usap sa inyo. 13 Ibalita ninyo sa aking ama ang natamo kong kapangyarihan sa Ehipto at ang lahat ng inyong nakita. Umalis na kayo agad at isama rito ang aking ama.” 14 Pag¬kasabi nito, niyakap ni Jose si Benjamin at umiyak.
15 At lumuluhang hinalikan at niyakap ang kanyang mga kapatid, at nagsimula silang makipag-usap na kay Jose. 16 Nakarating ang balita sa buong sambahayan ni Paraon na du¬mating ang mga kapatid ni Jose. Naging kasiya-siya naman ang balita kay Paraon at sa kanyang mga opisyal.
17 Sinabi ni Paraon kay Jose: “Sabihin mo ito sa iyong mga kapatid – Kargahan ninyo ang inyong mga hayop, umuwi sa lupain ng Kanaan 18 at isama pabalik dito sa akin ang inyong ama at ang inyong mga pamilya; ibibigay ko sa inyo ang pinakamabuti sa Ehipto at kakanin ninyo ang pinakamasarap na bunga ng lupa. 19 At sa ganang sarili mo naman, ipag-utos mo ito – Magdala kayo ng mga karwahe mula sa lupain ng Ehipto para sa inyong mga anak at mga asawa; sunduin ninyo ang inyong ama at bu¬malik dito! 20 Huwag ninyong panghinayangan ang mga bagay na maiiwan doon sapagkat inyo ang pinakamabuti sa buong Ehipto!”
21 Gayon nga ang ginawa ng mga anak ni Israel. Binigyan sila ni Jose ng mga karwahe gaya ng ipinag-utos ni Paraon at ng baong pag¬kain para sa paglalakbay. 22 Binigyan niya bawat isa ng tig-isang bagong damit pero para kay Ben¬jamin, tatlundaang pirasong pilak at limang bagong damit ang kanyang iniregalo. 23 Nagpadala siya sa kanyang ama ng sampung asno na may karga ng pinakamabubuting produkto ng Ehipto at sampung babaeng asno na may kargang trigo, tinapay at iba pang baon para sa paglalakbay ng kanyang ama. 24 Pina¬alis na ni Jose ang kanyang mga kapatid at pi-nagsabihang “Huwag kayong mag-aaway sa daan.”
25 Umuwi sila mula sa Ehipto at bumalik sa kanilang amang si Jacob sa Kanaan. 26 Sinabi nilang “Buhay pa si Jose at siya ang panginoon ng buong Ehipto!” Hindi kumibo si Jacob sapagkat hindi siya naniniwala. 27 Ngunit sinabi ng magkakapatid ang lahat ng sinabi ni Jose. At nang makita ni Jacob ang mga karwaheng padala ni Jose para sakyan ng ama, muli siyang nabuhayan ng loob 28 at sinabi ni Israel: “Tama na sa akin ang malamang buhay ang anak kong si Jose. Lalakad ako para makita siya bago ako mamatay.”
Bumaba sa Ehipto si Jacob
46 • 1 Umalis si Israel na dala ang laha ni¬ yang ari-arian. Pagdating niya sa Ber¬seba, nag-alay siya ng mga handog sa Diyos ng kanyang amang si Isaac. 2 Sinabi ng Diyos kay Israel sa isang panaginip: “Jacob! Jacob!” At sumagot siya: “Narito ako.” 3 Sina¬bi sa kanya: “Ako ang Diyos, ang Diyos ng iyong ama. Hu¬wag kang matakot na lumu¬song sa Ehipto sapagkat gagawin kitang isang mala¬king bansa roon. 4 Sasa¬mahan kita sa Ehipto at ibabalik na muli rito, at mga kamay ni Jose ang magpipikit sa iyong mga mata.”
5 Umalis si Jacob sa Berseba at dinala ng mga anak ni Israel ang kanilang amang si Jacob kasama ang kanilang mga anak at mga asawa sa mga karwaheng padala ni Paraon para sunduin sila. 6 Dinala rin nila ang kanilang mga kawan at lahat ng naging ari-arian nila sa Kanaan.
7 Nagpunta nga si Jacob sa Ehipto kasama ang buo niyang angkan, ang kanyang mga anak at mga apo – ang lahat niyang anak.
8 Ito ang mga pangalan ng mga anak ng Israel na nagpunta sa Ehipto, si Jacob at ang kanyang mga anak. Si Rubeng panganay ni Jacob 9 at ang mga anak ni Ruben na sina Enoc, Falu, Hesron at Carmi.
10 Ang mga anak ni Simeon: Yamuel, Yamin, Ahod, Yuakin, Sohar at Saul na anak sa Kananea.
11 Ang mga anak ni Levi: Gerson, Kehat at Merari.
12 Ang mga anak ni Juda: Er, Onan, Sela, Fares at Zaraj (pero namatay sa lupain ng Kanaan sina Er, Onan at Sela) Ang mga anak ni Fares: Hesron at Hamul.
13 Ang mga anak ni Isacar: Tola, Fua, Job at Sumron.
14 Ang mga anak ni Zabulon: Sared, Elon at Yahelel.
15 Ito ang mga anak ni Lea kay Jacob sa Padan-Aram bukod sa kanyang anak na baba¬eng si Dina. Tatlumpu’t tatlong lahat ang kanyang mga anak na babae at lalaki.
16 Ang mga anak ni Gad: Sefion, Haggi, Suni, Esebon, Heri, Arodi at Areli.
17 Ang mga anak ni Aser: Yamne, Yesua, Yesui, Beria at ang kanilang kapatid na babaeng si Sara. Ang mga anak ni Beria: Hebel at Malquiel. 18 Ito ang mga anak kay Jacob ni Zelfang bigay ni Laban sa kanyang anak na si Lea – labing-anim na lahat.
19 Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Ja¬-cob: Jose at Benjamin. 20 Naging anak ni Jose sa Ehipto sina Manases at Efraim na ipinanganak ni Asenat na anak ni Putiferang pari ni On.
21 Ang mga anak ni Benjamin: Bela, Beher, Asbel, Gera, Naaman, Equi, Ros, Mofin, Ofin at Ared. 22 Ito ang mga anak ni Raquel kay Jacob – labing-apat na lahat.
23 Ang anak ni Dan: Husim.
24 Ang mga anak ni Neftali: Yasiel, Guni, Yeze at Sallem.
25 Ito ang mga anak ni Jacob kay Bilang bigay ni Laban kay Raquel na kanyang anak – pitong lahat.
26 Animnapu’t anim ang bilang ng mga taong kasama ni Jacob na pumunta sa Ehipto, lahat ng kanyang kadugo, hindi pa kabilang ang mga asawa ng kanyang mga anak. 27 Kasama ang dalawang anak ni Jose sa Ehipto, pitumpung lahat ang kabuuang bilang ng sambahayan ni Jacob na pumunta sa Ehipto.
Pagkikita nina Jacob at Jose
28 Pinauna ni Jacob si Juda upang ipag¬bigay-alam kay Jose na parating na siya at malapit na sa lupain ng Gosen. 29 Ipinahanda ni Jose ang kanyang karwahe para salu¬bungin ang kanyang amang si Israel sa Gosen. Pagkakita niya sa kanya, niyakap niya ang kanyang ama at matagal na umiyak sa balikat nito. 30 Sinabi ni Israel kay Jose: “Puwede na akong mamatay ngayon sapagkat nakita ko na ang iyong mukha at nalamang buhay ka.”
31 At sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid at sa buong angkan ng kanyang ama: “Aalis ako ngayon din para ibalita kay Paraon na du¬mating na ang aking mga kapatid at ang samba¬hayan ng aking ama buhat sa lupain ng Kanaan. 32 Sa¬sabihin ko rin sa kanya na kayo ay mga pastol ng mga kawan na nag-aalaga ng mga hayop, at dinala ninyo ang inyong mga tupa at mga baka at lahat ng inyong ari-arian. 33 Kayat kapag ipinatawag kayo ni Paraon at sinabi niyang – Ano ang inyong trabaho? – 34 sa¬sa¬bihin ninyong – Sapul pagkabata hang¬gang ngayon, kami’y nagpapastol na ng mga kawan tulad ng aming mga ninuno. Kaya sa lupain ng Gosen kayo maninirahan sapagkat na¬mumuhi ang mga Ehipsiyo sa lahat ng pastol.”

47 1 Pinuntahan ni Jose si Paraon at sinabi: “Dumating na sa Gosen buhat sa lupain ng Kanaan ang aking ama at mga kapatid, ka¬sama ang kanilang mga tupa at mga baka at lahat nilang ari-arian.”
2 At pinili niya ang lima sa kanyang mga kapatid at iniharap kay Paraon. 3 Itinanong ni Paraon: “Ano ang inyong trabaho?” At suma¬got sila: “Mga pastol ang inyong mga lingkod tulad ng aming ninuno. 4 Naparito kami upang pansamantalang manirahan sa lupain sapagkat wala nang pastulan ang aming tupa dahil sa malubhang taggutom sa Kanaan. Kayat hinihiling namin na kung maaari’y patirahin ninyo kami sa lupain ng Gosen.”
5 At sinabi ni Paraon kay Jose: “Pinun¬tahan ka ng iyong ama at mga kapatid. 6 Ikaw ang panginoon ng buong lupain ng Ehipto; itira mo ang iyong ama at mga kapatid sa pinakama¬inam na lugar. Patirahin mo sila sa Gosen at kung may kilala ka sa kanila na may-kaka¬yahan, paalagaan mo sa kanila ang aking mga kawan.”
Ang mga anak ni Jacob sa Ehipto
7-8 Sinamahan ni Jose ang kanyang amang si Jacob at iniharap kay Paraon na nagtanong pagkatapos batiin ni Jacob: “Ilang taon na kayo?” 9 Sumagot si Jacob: “Isandaa’t tatlumpung taon na ang mga taon ng aking paggagala. Maikli at mahirap ang mga taon ng aking buhay, at di sindami ng sa aming mga ninuno.” 10 At binasbasan ni Jacob si Paraon at saka umalis. 11 At pinatira ni Jose ang kanyang ama at mga kapatid sa pinakamagandang lugar sa Ehipto, sa lupain ng Rameses gaya ng ipinag-utos ni Paraon.
12 Binigyan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama at mga kapatid at ang buong sambahayan ng kanyang ama batay sa bilang ng kanilang mga anak.

• 13 Naging napakatindi ng taggutom kayat nawalan ng pagkain ang buong lupain. Nasa¬lanta ang Ehipto at Kanaan dahil sa taggutom. 14 Tinipon ni Jose ang lahat ng na¬pag¬bilhan sa trigo sa mga lupain ng Ehipto at Kanaan. Dinala ni Jose ang lahat ng salapi sa bahay ni Paraon. 15 Nang maubos na ang pera ng mga tao sa Ehipto at Kanaan, lumapit ang lahat ng Ehipsiyo kay Jose at sinabing “Bigyan mo kami ng pagkain! Ba’t kami kailangang mamatay sa harap mo dahil wala na kaming pera?” 16 Sinabi naman sa kanila ni Jose: “Ibigay ninyo sa akin ang inyong mga hayop bilang bayad sa pagkain dahil wala na kayong pera.” 17 At dinala nga nila kay Jose ang kanilang mga ala¬gang hayop, at binigyan sila ni Jose ng pagkain bilang kapalit ng kanilang mga kabayo, tupa, kambing, baka, at asno. Sa gayon binigyan ni Jose ng pagkain ang mga tao nang taong iyon. 18 Nang sumunod na taon, dumating na naman sila at sinabi sa kanya: “Hindi namin maika¬kaila sa aming pa¬nginoon na ubos na ang aming pera at nasa inyo na ang aming mga alagang hayop. Wala nang naiwan sa amin kundi ang aming sarili at ang aming lupa. 19 Ba’t kami kailangang ma¬matay sa harap ninyo – kami pati na ang aming lupa? Bilhin ninyo kami at ang aming lupa bilang kapalit sa pag¬kain, at kami at ang aming mga lupa ay magi¬ging alipin ni Paraon. Bigyan ninyo kami ng trigo upang hindi kami mamatay, at huwag mapa¬bayaan ang aming lupa.”
20 At nakuhang lahat ni Jose ang lupain ng Ehipto para kay Paraon. Ipinagbili ng lahat ng Ehipsiyo ang kanilang mga lupa sapagkat labis ang kanilang paghihirap dahil sa taggutom. Naging may-ari ng buong lupain si Paraon, 21 at pinalipat ni Jose sa mga siyudad ang mga tao mula sa kanilang lupa sa buong Ehipto. 22 Ang mga lupain lamang ng mga pari ang hindi niya kinuha dahil may kautusan si Paraon para sa kanila. At nabuhay ang mga ito sa pamamagitan ng bigay ni Paraon, kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang mga lupain.
23 At sinabi ni Jose sa mga tao: “Ngayong nabili ko na kayo at ang inyong lupain para kay Paraon, narito ang binhi para ihasik sa lupa. 24 Sa panahon ng anihan, ibibigay ninyo kay Paraon ang ikalimang bahagi at maiiwan naman sa inyo ang apat na limang bahagi bilang binhi sa pag-hahasik at pagkain ninyo at ng inyong mga pa¬milya.” 25 Sinabi nila: “Sinagip ninyo ang aming buhay. Mabuti sa amin ang maging alipin ni Paraon.” 26 Kaya nagpalabas ng isang batas si Jose na umiiral hanggang ngayon – na para kay Paraon ang ikalimang bahagi ng ani. Ang lupain lamang ng mga pari ang hindi naging ari-arian ni Paraon.
27 At namuhay sa Ehipto ang Israel, sa lupain ng Gosen.
Naging may-ari sila ng lupaing ito, naging mabunga sila at dumami ang kanilang mga anak, maraming-marami. 28 Labimpitong taon si Jacob sa Ehipto. At nabuhay siya nang isan¬daa’t apatnapung taon. 29 Nang malapit na siyang mamatay, ipinatawag niya ang kanyang anak na si Jose at sinabing: “Pakilagay mo nga ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita at pa¬tunayan sa amin ang iyong katapatan at kagandahang-loob na hindi mo ako ililibing sa Ehipto. 30 Ngunit sa paghimlay ko sa piling ng aking mga ninuno, ilabas mo ako sa Ehipto at ilibing sa kanilang libingan.” Sinabi ni Jose: “Gagawin ko ang inyong bilin.” 31 Iginiit ni Ja¬cob: “Sumumpa ka!” Sumumpa nga si Jose ha¬bang suma¬samba naman si Israel na naka¬yuko sa kanyang higaan.
Inampon ni Jacob ang mga anak ni Jose
48 • 1 Pagkalipas ng ilang panahon, pina¬sabihan si Jose na malubha ang kanyang ama. Isinama niya ang dalawa niyang anak na sina Manases at Efraim. 2 At sinabi nila kay Jacob na dumating na ang kanyang anak na si Jose. At ubos-lakas na pinilit ni Israel na maupo sa kanyang higaan.
3 At sinabi niya kay Jose: “Napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Kanaan ang Diyos ng Ka¬taas-taasan at pinagpala ako 4 sa pagsasabing – Gagawin kitang mabunga at pararamihin. Gagawin kitang isang pagtitipon ng mga bansa, at ibibigay ko ang lupaing ito sa iyo at sa iyong mga inapo bilang panghabang-panahong ari-arian. 5 Mula ngayon, akin na ang dalawa mong anak na isinilang sa Ehipto bago ako dumating dito. Magiging akin sina Manases at Efraim kung paanong akin sina Ruben at Simeon. 6 Subalit magiging iyo naman ang mga anak na isisilang kasunod nila, at makikilala sa panga¬lang Manases at Efraim ang lupaing ma¬ma¬nahin nila. 7 Nang pabalik na ako sa Padan, namatay si Raquel sa lupain ng Kanaan nang malapit na kami sa Efrata. At inilibing ko siya roon sa tabing-daang patungong Efrata (na Betlehem din).”
8 Nang makita ni Israel ang mga anak na lalaki ni Jose, sinabi niya: “Sino ang mga ito?” 9 Sinabi ni Jose sa kanyang ama: “Sila ang mga anak na ibinigay sa akin dito ng Diyos.” Sinabi ni Jacob: “Ilapit mo sila sa akin at babasbasan ko sila.” 10 Malabo na ang mga mata ni Israel dahil sa katandaan at hindi na siya makakita. Nang ilapit ni Jose kay Jacob ang kanyang mga anak, hinalikan niya ang mga ito at niyakap, 11 at sinabi kay Jose: “Hindi ko na inaasahang ma¬kikita pa kitang muli at ngayo’y ipinahintulot pa ng Diyos na makita ko pati ang iyong mga anak!” 12 Kinuha ni Jose ang mga bata mula sa mga tuhod ni Israel at yumuko naman siya na abot sa lupa ang mukha. 13 Inilapit ni Jose ang dalawa, hawak ng kanang kamay si Efraim sa kaliwa ni Israel, at si Manases ng kanyang kaliwang kamay sa kanan ni Israel. 14 Iniunat ni Israel ang kanyang kanang kamay at ipinatong sa ulo ni Efraim bagamat ito ang bunso, at ipinatong naman ang kaliwang kamay sa ulo ni Manases bagamat si Manases ang panganay.
15 At binasbasan niya si Jose at sinabi: “Ang Diyos nawang pinaglingkuran ng aking mga ninunong sina Abraham at Isaac, ang Diyos na aking Pastol mula nang ako’y isilang, 16 ang Anghel na nagligtas sa akin sa lahat ng masama – pagpalain nawa niya ang mga batang ito. Maalaala nawa sa pama¬magitan nila ang aking pangalan at ang pangalan ng aking mga ninu¬nong sina Abraham at Isaac. At dumami nawa sila sa lupain!” 17 Hindi nasiyahan si Jose nang ma¬kita niyang ipinatong ng kanyang ama ang kanang kamay sa ulo ni Efraim. Kaya hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama, inalis sa ulo ni Efraim at ipinatong sa ulo ni Manases 18 at sinabing “Hindi, Ama, sapagkat ang isang ito ang panganay. Ipatong ninyo ang inyong kanang kamay sa ulo niya.” 19 Ngunit tumanggi ang kanyang ama at sinabi: “Alam ko, anak ko, alam ko. Siya man ay magiging bayan din, ma-giging malaki rin siya pero mas malaki kaysa kanya ang kanyang bunsong kapatid at magi¬ging maraming bansa ang lahi nito.” 20 Binasbasan niya sila nang araw na iyon sa mga ka¬tagang ito: “Gagamitin ng Israel ang iyong pangalan sa pagbabasbas sa pagsasabing – Loobin nawa ng Diyos na ikaw ay matulad kina Efraim at Manases!”
Ngunit iniuna niya si Efraim kay Manases. 21 At sinabi ni Israel kay Jose: “Malapit na akong mamatay, pero sasainyo ang Diyos at ibabalik niya kayo sa lupain ng inyong mga ninuno. 22 At sa iyo, sa iyo ko mismo ibini¬bigay, higit sa iyong mga kapatid, ang burol na nalupig ko sa mga Amorreo sa pama¬magitan ng aking tabak at pana.”
Ang pagbabasbas ni Jacob
49 • 1 At tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi:
“Lumapit kayo nang masabi ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa mga darating na araw. 2 Magtipon kayo, mga anak ni Jacob at paking¬gan ang inyong amang si Israel!
3 Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking lakas at ang unang bunga ng aking pag¬ka¬lalaki, masyadong mayabang at masyadong mapu¬sok!
4 Bagamat gaya ka ng mga uban sa dagat, hindi ka na mangunguna
sapagkat pinanhik mo ang higaan ng iyong ama,
ang aking higaan at dinungisan ang puri.
5 Magkapatid sina Simeon at Levi,
sandata ng karahasan ang kanilang tabak.
6 Hindi ako makikiisa sa kanilang usapan!
Puso ko’y lalaging malayo sa kanila,
pagkat pumatay sila sa kanilang galit
at pinutol ang paa ng mga toro sa kanilang poot.
7 Sumpain ang kanilang galit, kay tindi!
Sumpain ang kanilang poot, kay lupit!
Hahatiin ko sila kay Jacob
at pangangalatin ko sila sa Israel.
8 Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid!
Hahawakan mo sa leeg ang mga kaaway,
at yuyuko naman sa iyo ang mga anak ng iyong ama.
9 Tulad ka sa batang leon, O Juda!
Mula sa paninila, anak ko, ikaw ay umuwi.
Tulad ng leon, nakaupo at nag-aabang;
tulad ng babaeng leon –
sino ang mangangahas lumapit sa kanya?
10 Setro ay di aagawin kay Juda
ni baston ng kapangyarihan sa gitna ng kan¬yang mga hita
hanggang dumating ang tunay na may-ari nito
na dapat sundin ng mga bansa.
11 Sa puno ng ubas niya itatali ang bisiro ng kanyang asno,
ang kanyang bisiro sa pinakapiling sanga.
Lalabhan niya sa alak ang kanyang damit,
ang kanyang damit sa dugo ng ubas.
12 Pinapula ng alak ang kanyang mga mata,
pinaputi ng gatas ang kanyang mga ngipin.
13 Sa baybay-dagat maninirahan si Zabulon!
Kanlungan siya ng mga sasakyang-dagat
at aabot sa Sidon ang kanyang saklaw.
14 Isang malakas na asno si Isacar,
pahiga-higa sa gitna ng mga kawan.
15 Makita lamang niyang kay sarap ng kanyang pahingahan
at kay ganda ng kanyang lupa,
balikat niya’y agad iniyuyuko sa pasanin
at tinatanggap pamatok ng pagkaalipin.
16 Hahatulan ni Dan ang kanyang bayan
bilang tribu ng Israel.
17 Si Dan ay ahas sa daan,
isang ulupong sa daraanan
na tutuklaw sa sakong ng kabayo
hanggang sakay ay mahulog!
18 Sa iyong pagliligtas ako umaasa, O Yawe!
19 Lulusubin si Gad ng mga tulisan,
ngunit sila’y lulusubin niya sa kanilang liku¬ran.
20 Masarap ang pagkain ni Aser,
ihahanda niya’y pagkain ng hari!
21 Si Neftali’y inahing usang nakaalpas,
kasama ang magaganda niyang mga anak.
22 Si Jose ay mabungang puno ng ubas,
mabungang puno sa tabi ng bukal
na ang mga sanga’y gumagapang sa pader.
23 Nilusob siya ng mga may pana sa kamay,
tinudla siya at kanilang tinugis,
24 ngunit hindi nababali ang kanyang pana –
mahusay pa rin ang kanyang mga kamay
dahil sa Lakas ni Jacob,
dahil sa Ngalan ng Pastol at Bato ng Israel,
25 dahil sa Diyos ng iyong ama na sa ’yo’y tumutulong,
dahil sa Kataas-taasan na sa ’yo’y nagpapala:
mga pagpapala ng langit sa kaitaasan,
mga pagpapala ng kailalim-ilaliman,
mga pagpapala ng dibdib at sinapu¬punan!
26 Higit na dakila ang mga pagpapala ng iyong ama
kaysa pagpapala ng matatandang kabundukan,
kaysa yaman ng panghabang-panahong ka¬burulan.
Igawad ang lahat ng ito sa ulo ni Jose,
ang ibinukod sa kanyang mga kapatid.
27 Si Benjamin ay asong-gubat na nanla¬lapa,
sa umaga’y nilalapa ang kanyang nahuli
at kinahapuna’y hinahati ang mga na¬sam¬¬sam!”
Pagkamatay at paglilibing kay Jacob
28 Ito ang labindalawang tribu ng Israel at ito ang sinabi ng kanilang ama nang bas¬basan sila sa pagbibigay sa bawat isa ng pag¬papa¬lang tangi at angkop sa kanya. 29 At pagkatapos, ibinigay niya ang mga tagu¬biling ito: “Malapit na akong yumao sa aking mga ni¬nuno! Ilibing ninyo ako sa tabi ng aking mga ninuno, sa yungib sa lupa ni Efrong Heteo, 30 sa yungib sa lupa ng Mak¬pela sa dakong silangan ng Mambre sa Kanaan, sa lupang binili ni Abraham kay Efrong Heteo bilang libingan. 31 Doon inili¬bing si Abraham at si Sarang asawa niya. Doon din inilibing si Isaac at si Rebecang asawa niya. At doon ko rin inilibing si Lea. 32 Ang lupa at ang yungib doon ay binili sa mga Heteo.”
33 Matapos ibigay ni Jacob ang mga tagubi¬ling ito sa kanyang mga anak, iniunat niya ang kanyang mga paa sa higaan, nalagutan siya ng hininga at yumao sa kanyang mga ninuno.

50 1 Niyakap ni Jose ang kanyang ama, umiyak at hinalikan ito. 2 At gaya ng ini¬utos ni Jose sa kanyang mga ¬mang¬¬¬¬-gagamot, inimbalsamo nila ang kanyang amang si Israel. 3 Tumagal ito nang apat¬napung araw, ang pana¬hong kaila¬ngan sa pag-eembalsamo. Pitumpung araw na nag¬luksa ang mga Ehipsiyo.
4 Pagkatapos ng panahon ng pagluluksa, kinausap ni Jose ang sambahayan ni Paraon: “Kung gusto ninyong magmagandang-loob sa akin, pakisabi kay Paraon na 5 saman¬talang naghihingalo ang aking ama, pina¬sumpa niya akong ililibing ko siya sa libi¬ngang inihanda niya sa Kanaan. Ipa¬kiusap ninyo sa kanya na payagan akong makaalis para ilibing ang aking ama. Babalik ako.” 6 Ipinasabi naman ni Para¬on: “Umalis ka at ilibing ang iyong ama ayon sa ipinapangako niya sa iyo.”
7 Umahon si Jose para ilibing ang kan¬yang ama at sinamahan siya ng lahat ng opisyal ni Paraon, ng mga matatanda sa sambahayan nito at lahat ng matatanda ng Ehipto 8 pati ang buong sambahayan ni Jose, at ang kanyang mga ka¬patid at ang sambahayan ng kanyang ama. Ang kanilang mga anak lamang at mga tupa at mga baka ang naiwan sa lupain ng Gosen. 9 Uma¬hong kasama niya ang mga karwahe at mga mangangabayo. Napakalaking pulutong!
10 Pagdating nila sa giikan ng Atad, sa kabilang-ibayo ng Jordan, tumangis sila nang ma¬lakas, at pitong araw na ipinagluksa roon ni Jose ang kanyang ama. 11 Nang makita ng mga Ka¬naneo ang ganitong pagluluksa sa giikan ng Atad, kanilang sinabi: “Ito ang pagluluksa ng mga Ehipsiyo.” Kaya tinawag na Abel Misraim ang lugar na iyon sa kabilang-ibayo ng Jordan. 12 Tinupad ng mga anak ni Jacob ang kanyang iniutos. 13 Dinala nila siya sa lupain ng Kanaan at inilibing sa yungib sa lupa ng Makpela na malapit sa Mambre – na binili ni Abraham kay Efrong Heteo bilang libingan.
14 Pagkalibing ni Jose sa kanyang ama, bu¬malik siya sa Ehipto kasama ang kanyang mga kapatid at lahat ng nakipaglibing sa kanya.
Mga huling taon ni Jose
• 15 Dahil patay na ang kanilang ama, nag-usap-usap ang mga kapatid ni Jose: “Paano ngayon kung may sama pa ng loob sa atin si Jose at gantihan tayo sa masamang ginawa na¬tin sa kanya?” 16 Kaya nagpasabi sila kay Jose: “Bago mamatay ang iyong ama, sinabi niya sa amin 17 na sabihin ito sa iyo – Utang na loob, patawarin mo na ang krimen at kasalanan ng iyong mga kapatid sa paggawa nila sa iyo ng masama. Patawarin mo na ang krimen ng mga lingkod ng Diyos ng iyong ama.” Umiyak si Jose nang ma¬tang¬gap ang mensaheng ito. 18 Pi¬nuntahan siya ng kanyang mga kapatid at dumapa sa harap niya. Sinabi nila: “Mga alipin mo kami.” 19 Ngunit sinabi sa kanila ni Jose: “Hu¬wag kayong matakot. Ako ba ang nasa lugar ng Diyos? 20 Binalak ninyo akong gawan ng masama, ngunit binalak naman ng Diyos na maging mabuti ito upang isaka¬tuparan ang nagaganap ngayon – ang iligtas ang maraming tao. 21 Kaya huwag kayong matakot! Ako ang magpapakain sa inyo at sa inyong mga anak.” At inaliw nga niya sila at kinausap nang puso sa puso.
22 Nanatili sa Ehipto si Jose kasama ang buong sambahayan ng kanyang ama. Nabuhay siya nang isandaa’t sampung taon, 23 at nakita niya ang mga apo sa tuhod ni Efraim. At na¬ilagay din sa kanyang mga tuhod ang mga anak ni Makir na anak ni Manases pagkapa¬nga¬nak sa mga iyon.
24 At sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid: “Mamamatay na ako, pero tiyak na aalalahanin kayo ng Diyos at dadalhin kayo mula sa lupaing ito papunta sa lupaing ipinangako niya kina Abraham, Isaac at Jacob.” 25 At pinasumpa ni Jose ang mga anak ng Israel sa pagsasabing “Sa pagdalaw ng Diyos sa inyo para ilabas kayo mula rito, dalhin ninyo ang aking mga buto.” 26 Isan¬daa’t sampung taon si Jose nang mamatay; inimbalsamo nila siya at inilagay sa isang ataul sa Ehipto.

6 comments:

Anonymous said...

Infatuation casinos? scrutinization this unschooled [url=http://www.realcazinoz.com]casino[/url] advisor and provisions online casino games like slots, blackjack, roulette, baccarat and more at www.realcazinoz.com .
you can also mix from our untrained [url=http://freecasinogames2010.webs.com]casino[/url] face at http://freecasinogames2010.webs.com and strengthen in plain-spoken folding moolah !
another blowhard [url=http://www.ttittancasino.com]casino spiele[/url] acreage is www.ttittancasino.com , in rally german gamblers, invade upon during merciful online casino bonus.

Anonymous said...

prepositor in rarity this freed [url=http://www.casinoapart.com]casino[/url] ancillary at the signal [url=http://www.casinoapart.com]online casino[/url] signal with 10's of redone [url=http://www.casinoapart.com]online casinos[/url]. take in hasten [url=http://www.casinoapart.com/articles/play-roulette.html]roulette[/url], [url=http://www.casinoapart.com/articles/play-slots.html]slots[/url] and [url=http://www.casinoapart.com/articles/play-baccarat.html]baccarat[/url] at this [url=http://www.casinoapart.com/articles/no-deposit-casinos.html]no passion casino[/url] , www.casinoapart.com
the finest [url=http://de.casinoapart.com]casino[/url] against UK, german and all on best of the world. so in behalf of the choicest [url=http://es.casinoapart.com]casino en linea[/url] corroborate us now.

Anonymous said...

paris hilton
Now you can see her in her most sexually-explicit photos to date. A beautiful girl like Megan can make a guy cream in his pants in seconds; and when she flashes her gorgeous eyes and purses her pouty lips, any man will be mesmerized. megan fox naked pictures
megan fox naked nude , megan fox naked photos
http://plone.org/author/jblackjms , http://profiles.tigweb.org/peterblack294
This might be the best FOD skit I’ve seen yet — with the exception of Lindsay Lohan’s self-deprecating debut, naturally. Megan Fox and Brian Austin Green starred in Funny Or Die’s latest installment, speaking out against the massive education budget cuts occurring in California. The best part of the video? Probably Governor Arnold Schwarzenegger’s “delegate.” Dude’s funny. Either that, or the little girl who so-openly discusses her head lice. Totally classic. megan fox naked
megan fox naked , megan fox naked pics
http://peterblack294.typepad.com/blog/2010/08/megan-fox-naked.html , http://meganfoxnaked.pbworks.com/
Earlier this week, Matt-Man mentioned that he had a big spike in hits on his blog and it was driven by people searching for “Megan Fox Naked.” This surprised and disappointed me a bit, because on a couple of days earlier he had mentioned “Miley Cyrus Naked” several times in a post hoping to pick up some new visitors. megan fox fully naked
megan fox naked pic , megan fox naked photos
http://mrfox394.vox.com/library/post/megan-fox-naked.html , http://paris-hilton-sex-tape.com/2010/08/15/megan-fox-naked
megan fox naked pictures Megan Fox born as Megan Denise Fox on May 16th, 1986 in Rockwood, Tennessee is a famous and beautiful American actress and model. She best known for her star role in Transformers and Transformers: Revenge of the Fallen. Megan Fox, the stunning beauty was born to Darlene Tonachio, a former Roane County Tourism Director in Tennessee. Megan Fox is of French, Irish and Cherokee descent. Megan Fox has an older sister and grew up in a poor family. Megan began taking dancing and acting lessons since she was five in Kingston. She later moved to Florida and continued taking her dancing and acting lessons while finishing her high school studies at the same time. the role of ‘Sydney Shanowski’ in 29 of its episodes running from 2004-2006. Megan

Anonymous said...

Those are all objects represented on the screen (we'll call them 'views'). [url=http://www.mulberryhandbagssale.co.uk]http://www.mulberryhandbagssale.co.uk[/url The Braun Series 7 790cc shaver is in a position to shave closely in one particular stroke generating it very gentle on the skin. [url=http://www.goosecoatsale.ca]canada goose[/url] Lenksskzq
[url=http://www.pandorajewelryvip.co.uk]pandora bracelets sale[/url] Culggtybg [url=http://www.officialcanadagooseparkae.com]canada goose jackets[/url] hroyywkkc

Anonymous said...

[url=http://www.23planet.com]online casino[/url], also known as accepted casinos or Internet casinos, are online versions of conventional ("buddy and mortar") casinos. Online casinos substantiate gamblers to pretentiousness and wager on casino games all out the Internet.
Online casinos typically gourmandize recur on the bazaar odds and payback percentages that are comparable to land-based casinos. Some online casinos mandate higher payback percentages in the plan of standing by to account be done with games, and some promulgate payout section audits on their websites. Assuming that the online casino is using an correctly programmed unsystematic lineage generator, schedule games like blackjack take possession of an established oblique edge. The payout scintilla as a replacement fit these games are established at closer the rules of the game.
Uncountable online casinos promise field or absorb their software from companies like Microgaming, Realtime Gaming, Playtech, Worldwide Contrivance Technology and CryptoLogic Inc.

Anonymous said...

top [url=http://www.c-online-casino.co.uk/]uk casino online[/url] brake the latest [url=http://www.realcazinoz.com/]casino bonus[/url] free no set aside perk at the foremost [url=http://www.baywatchcasino.com/]baywatchcasino
[/url].