tag:blogger.com,1999:blog-11301168060702048512024-03-08T14:40:50.930-08:00The Way The Truth and The LifeUnknownnoreply@blogger.comBlogger11125tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-42139976231933514992008-09-04T13:33:00.000-07:002008-09-04T13:34:45.485-07:002 Mga Hari (Kings)1 Pagkamatay ni Ahab, naghimagsik ang Moab laban sa Israel. 2 Sa Samaria, na¬hulog naman si Haring Ocozias mula sa bintana ng kanyang kuwarto sa itaas at malubhang nasak¬tan. Kaya nagpadala siya ng mga sugo at sinabi sa kanila: “Umalis kayo at isangguni kay Baal-zebub na diyos ng Ekron kung mabubuhay pa ako sa aksidenteng ito.” 3 Isang anghel naman ni Yawe ang nag¬salita kay Elias ng bayan ng Tisbe: “Buma¬ngon ka’t umahon para salubungin ang mga sugo ng hari ng Samaria. Sasabihin mo sa kanila: Wala bang Diyos sa Israel kaya paalis kayo para sumangguni kay Baal-zebub na diyos ng Ekron? 4 Ito ngayon ang sinasabi ni Yawe: Hindi ka na makaba¬bangon pa mula sa kina¬hihigaan mo, kundi dito ka nga mamamatay.” At umalis si Elias.
5 Nagbalik ang mga sugo kay Ocozias, kayat sinabi nito: “Ano’t agad kayong buma¬lik?” 6 Sumagot ang mga ito: “Sina¬lubong kami ng isang lalaki at sinabi niya sa amin: Sige, bumalik kayo sa haring nagsugo sa inyo at sabihin sa kanya na ganito ang sabi ni Yawe – Wala na bang Diyos sa Israel kayat nagpadala ka ng sasangguni kay Baal-zebub na diyos ng Ekron? Kaya hindi ka na maka¬babangon pa mula sa kinahihigaan mo pagkat dito ka na mamamatay.”
7 Tinanong sila ng hari: “Ano ang itsura ng lalaking sumalubong sa inyo sa daan at nagsabi sa inyo ng mga salitang ito?” 8 Sinabi nila sa kanya: “May balabal na balahibo ang lalaki at may taling katad sa baywang.” Sinabi ng hari: “Siya si Elias na taga-Tisbe.”
9 Pinaalis ni Ocozias ang isang kapitan ng limampu kasama ang limampu niyang tauhan para puntahan si Elias. Nakaupo si Elias sa tuk¬tok ng bundok at sinabi sa kanya ng kapitan: “O tao ng Diyos, utos ng hari na bumaba ka.” 10 Sumagot si Elias sa kapitan ng limampu: “Kung ako’y tao ng Diyos, may apoy na bababa mula sa langit at lalamunin ka at ang iyong limampu.” May bumaba ngang apoy mula sa langit at nilamon siya at ang kanyang limampu. 11 Muling nagpadala ang hari ng isang kapitan ng limampu kasama ang limampu nitong tauhan, at sinabi nito kay Elias: “Tao ng Diyos, sina¬sabi ng hari na bumaba ka agad.” 12 Suma¬got si Elias at sinabi sa kanila: “Kung ako’y tao ng Diyos, may apoy na bababa mula sa langit at lalamunin ka at ang iyong limampu.” May apoy ngang bumaba mula sa langit at nilamon silang lahat.
13 Pinaalis ng hari ang ikatlong kapitan ng limampu na umahong kasama ng limampu niyang tauhan. Pagdating ng ikatlong kapitan, lumuhod ito sa harap ni Elias at nakiusap: “O tao ng Diyos, patawarin sana ninyo ako at ang limampu kong tauhan; alipin ninyo kaming la¬hat. 14 Alam kong may apoy na bumaba mula sa langit na lumamon sa dalawang kapitan at sa tig-limampu nilang tauhan. At ngayon, huwag ninyo sanang bale-walain ang buhay ko.”
15 Sinabi naman ng anghel ni Yawe kay Elias: “Bumaba kang kasama niya at huwag matakot.” 16 At tumindig si Elias at buma¬bang kasama nito papunta sa hari. Sinabi ni Elias sa hari: “Ganito ang sinasabi ni Yawe: Dahil ba sa wala nang Diyos sa Israel at nag¬sugo ka para sumangguni kay Baal-zebub na diyos ng Ekron? Kaya hindi ka na makababangon pa mula sa kinahihigaan mo pagkat diyan ka na nga ma¬mamatay.” 17 Nama¬tay nga si Ocozias ayon sa salita ni Yawe na sinabi ni Elias. At dahil wala siyang anak na lalaki, si Yoram na kanyang kapatid ang nagharing kahalili niya sa ikalawang taon ni Yoram na anak ni Yosafat na hari ng Juda. 18 Ang iba pang tungkol kay Ocozias, ang kanyang mga gawa, ay nasa Mga Pangya¬yari sa Mga Hari ng Israel.
Dinala sa langit si Elias
2 • 1 Dinala ni Yawe si Elias sa langit sa isang ipuipo. Ganito ang nang¬yari: Umalis sa Gilgal sina Elias at Eliseo, 2 at sinabi ni Elias kay Eliseo: “Dumito ka na lamang, sapagkat pina¬pupunta ako ni Yawe sa Betel.” Sinabi ni Eliseo: “Isinusumpa ko kay Yawe at sa buhay mo na hindi kita iiwan.” At magkasama silang bumaba sa Betel.
3 Sinalubong si Eliseo ng samahan ng mga propeta sa Betel at sinabi sa kanya: “Alam mo bang kukunin sa iyo ngayon at iaakyat ni Yawe ang iyong panginoon?” Sumagot siya: “Oo, alam ko. Kayat tuma¬himik na lang kayo.” 4 Sinabi ni Elias kay Eliseo: “Dumito ka na lang dahil sa Jerico lang naman ako isinusugo ni Yawe.” Ngu¬nit sumagot si Eliseo: “Isinusumpa ko kay Yawe at sa iyong buhay, hindi kita iiwan.” Kayat nakarating sila sa Jerico.
5 Nilapitan si Eliseo ng samahan ng mga propeta sa Jerico at sinabi sa kan¬ya: “Alam mo bang kukunin sa iyo nga¬yon at iaakyat ni Yawe ang iyong pa¬nginoon?” Sumagot si Eliseo: “Oo, alam ko. Tuma¬himik kayo.” 6 Sinabi ni Elias kay Eliseo: “Dumito ka na sana, dahil sa Jordan lang naman ako isinusugo ni Yawe.” At sinabi ni Eliseo: “Isinu¬sumpa ko kay Yawe at sa buhay mo, hindi kita iiwan.” At kapwa sila nagpatuloy.
7 Sumunod namang malayu-layo sa kanila ang limampu sa samahan ng mga propeta sa Jerico. Nang nasa tabi na ng Jordan sina Elias at Eliseo, 8 kinu¬ha ni Elias ang kanyang balabal, bina¬lumbon at inihampas sa tubig. Nahati ang tubig doon at dito, at tumawid sila sa tuyong lupa sa ilog.
9 Pagkatawid nila, sinabi ni Elias kay Eliseo: “Hingin mo kung ano ang gagawin ko para sa iyo bago ako kunin sa iyo.” Sinabi ni Eliseo: “Mapasaakin sana ang pinakamabuti sa iyong espi¬ritu.” 10 Suma¬got si Elias: “Mahirap ang hinihingi mo. Ngunit kung makikita mo akong kinu¬kuha mula sa iyo at ini¬a¬akyat, mapapa¬sa¬iyo ito. Kung hindi, hindi ito mapapasa¬iyo.”
11 Habang nag-uusap sila sa kani¬lang paglakad, isang karwaheng apoy at mga kabayong apoy ang big¬lang puma¬gitna sa kanila, at umakyat si Elias sa langit sa isang ipuipo.
12 Nakita ito ni Eliseo at sumigaw siya: “Ama, Ama ko! Ang karwahe ng Israel at mga mangangabayo nito!”
At hindi na siya nakita pa ni Eliseo. Hinawakan nito ang kanyang suot at wi¬narak. 13 At dinampot niya ang balabal ni Elias na nalaglag mula rito, at nagbalik siya’t tumayo sa pampang ng Jordan. 14 Hawak niya ang balabal na nalaglag kay Elias at hinampas niya nito ang tubig, pero hindi iyon nahati. At sinabi niya: “Nasaan si Yaweng Diyos ni Elias?” Hi¬nampas niyang muli ang tubig at nahati iyon, at tumawid si Eliseo.
15 Nakita siya ng samahan ng mga pro¬peta ng Jerico sa kabilang ibayo ng Jordan at sinabi ng mga ito: “Nana¬nahan kay Eliseo ang espiritu ni Elias.” Sinalubong nila si Eliseo, yumuko sa kanya at sina¬bing 16 “Narito kasama ng iyong mga ling¬kod ang limampung ma¬gigiting na lalaki. Paalisin mo sila para hanapin si Elias at baka dinala siya ng espiritu ni Yawe at ipinadpad sa isa sa mga bundok o lam¬bak.” Sinabi ni Eliseo: “Wala kayong pa¬aa¬lisin.” 17 Ngu¬¬nit labis na nagpumilit ang mga propeta ka¬yat napapayag nila si Eliseo, at nag¬papunta sila ng limam¬pung lalaki. Tatlong araw silang naghanap pero hindi nila siya nakita. 18 Nagbalik sila kay Eliseo na nasa Jerico, at sinabi nito sa kanila: “Di ba’t sinabi ko na sa inyong huwag na kayong lumakad?”
• 19 Sinabi naman ng mga taga-lunsod kay Eliseo: “Maganda ang lokasyon ng siyudad na ito, tulad ng nakikita ng aking panginoon, ngunit masama ang tubig kayat tiwangwang ang lupa.” 20 Sinabi niya sa mga ito: “Dalhan ninyo ’ko ng isang bagong palayok at lagyan ito ng asin.” Dinala nga nila ito sa kanya, 21 at nagpunta si Eliseo sa bukal ng tubig at isinaboy doon ang asin, at sinabi: “Ito ang sinasabi ni Yawe: Pinaga¬ling ko na ang tubig na ito. Hindi na ito pag¬mu-mulan ng kamatayan o kawalang-bunga.” 22 At guma¬ling ang tubig hanggang sa panahong ito, ayon sa sinabi ni Eliseo.
23 Umahon siya sa Betel mula roon. Paahon siya sa daan nang lumabas sa lunsod ang ilang batang lalaki, at nilibak siya sa pagsasabing: “Ahon, kalbo! Ahon, kalbo!” 24 Lumingon si Eliseo, tiningnan sila at isinumpa sa ngalan ni Yawe. At lumabas mula sa gubat ang dalawang inahing oso at nilapa ang apatnapu’t dalawa sa kanila. 25 Mula roon, nagtuloy si Eliseo sa Bundok Karmel, at mula naman doo’y nagbalik siya sa Samaria.

3 1 Sa ikalabingwalong taon ng pag¬¬hahari ni Yosafat sa Juda, nagsimula namang mag¬hari sa Israel si Yoram na anak ni Ahab, at labin¬¬dalawang taon siyang nag¬hari. 2 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yawe pero hindi gaya ng kanyang ama at ina, sapagkat inalis niya ang estatuwa ni Baal na ginawa ng kanyang ama. 3 Lamang ay ipinagpatuloy niya ang mga kasalanan ni Yeroboam na anak ni Nabat na nag¬bulid sa Israel sa pagkakasala, at hindi lu¬mayo roon.
Ang Israel at ang Juda laban sa Moab
4 Samantala, may tupahan si Meshang hari ng Moab, at binabayaran niya ang hari ng Israel taun-taon ng sandaang libong kordero at ng sandaang libong barakong tupang may bala¬hibo. 5 Ngunit pagkamatay ni Ahab, naghimag¬sik sa hari ng Israel ang hari ng Moab.
6 Nang panahong iyon, umalis si Haring Yoram sa Samaria at pinakilos ang buong Israel. 7 Nagpasabi rin siya kay Yosafat na hari ng Juda: “Naghimagsik sa akin ang hari ng Moab. Pu-wede ka bang sumama sa akin para labanan ang Moab?” Sumagot ang hari ng Juda: “Sasa¬ma-han kita pagkat ikaw at ako ay iisa, ang aking bayan at ang iyong bayan, ang aking mga ka¬bayo at ang iyong mga kabayo.” 8 Nagtanong siya: “Saan tayo aahon?” At sinabi niyang “Sa daang nasa disyerto ng Edom.”
9 Pitong araw nang pagala-gala ang mga hari ng Israel, Juda at Edom, at wala nang tubig para sa mga kawal at sa mga hayop na sumu¬sunod sa kanila. 10 Sinabi ng hari ng Israel: “Tinawag tayong tatlong hari ni Yawe para ibigay lamang sa mga kamay ng Moab.” 11 Sinabi naman ni Yosafat: “Wala bang pro¬peta rito si Yawe upang masangguni natin si Yawe sa kan¬ya?” Isa sa mga lingkod ng hari ng Israel ang nagsabi: “Narito si Eliseo na anak ni Safat. Siya ang nag¬bubuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias.” 12 At sinabi ni Yosafat: “Sumasakanya ang salita ng Diyos.” Kayat nagpunta kay Eliseo ang hari ng Israel, ang hari ng Edom at si Yosafat.
13 Sinabi ni Eliseo sa hari ng Israel: “Ano ang pakialam ko sa iyo? Sa mga propeta ng iyong ama o ina ka pumunta.” Ngunit tina¬nong siya ng hari ng Israel: “Tinawag kaya ni Yawe kaming tatlong hari para ibigay sa mga kamay ng Moab?” 14 Sumagot si Eliseo: “Buhay si Yawe ng mga Hukbo na aking pinag¬lilingkuran, kung hindi dahil kay Yosafat na hari ng Juda, hindi kita haharapin ni titingnan. 15 Ngayon, dalhan mo ako ng manunugtog ng alpa.” At habang tumu-tugtog ito, hinagip si Eliseo ng kamay ni Yawe, 16 at sinabi nito: “Ito ang sinasabi ni Yawe: Punuin ninyo ng maraming kanal ang lambak na ito, 17 sapagkat ganito ang si¬na¬sabi ni Yawe: hindi kayo makakakita ng hangin o ulan pero mapupuno ng tubig ang lambak upang kayo, ang inyong mga kawal at mga hayop ay maka¬inom. 18 Pero maliit na bagay lamang ito sa ma¬ta ni Yawe, sapagkat ibibigay rin niya sa inyong mga kamay ang Moab. 19 Sasakupin nin¬yo ang lahat ng napapaderang lunsod at mahahalagang bayan. Ibubuwal ninyo ang lahat ng namu¬mungang punungkahoy, tatakpan ang lahat ng bukal at kakalatan ng mga bato ang lahat ng ma¬tabang bukid.”
20 Kinaumagahan, sa oras ng pagha¬handog, heto na ang tubig mula sa Edom, at binaha ang buong lupain.
21 Nalaman ng mga Moabita na dumating ang mga hari para lumaban sa kanila, kayat tinipon nila ang lahat ng lalaking nasa edad na para hu¬mawak ng sandata at pinagbantay sa hang¬ganan. 22 Nang magising sila kina¬umaga¬han, nakita ng mga Moabitang nasa kabila ang tubig na sinisikatan ng araw, at simpula ng du¬go ang tubig. 23 Kayat sinabi nila: “Dugo! Tiyak na naglaban-laban at nagpatayan ang mga ha¬ri. Sugod, Moab, at mangulimbat!” 24 Pag¬dating nila sa kampo ng Israel, tumindig ang mga Israelita at nilupig ang mga Moabitang tumakas mula sa kanila. 25 Pinasok ng mga ito ang Moab na hawak ang tabak. Winasak ng mga Israelita ang mga lunsod at lahat ng matabang lupa’y hinagisan ng bato ng bawat isa hanggang ma¬tambakan ng bato ang mga iyon. Hinara¬ngan nila ang bawat bukal at pinutol ang bawat na¬mu¬mungang punungkahoy. Ang Kir-hareset la¬mang at ang mga bato nito ang nalabi. Ngunit kinubkob ng mga lalaking may tirador ang lun¬sod, at sinalakay rin.
26 Nang makita ng hari ng Moab na tagilid siya sa labanan, isinama niya ang pitundaang man-dirigma para malusutan ang hari ng Edom. Ngu¬nit hindi nila iyon nagawa. 27 Kayat kinuha nito ang kanyang panganay na anak na lalaki na hahalili sana sa kanya bilang hari, at sinunog iyon bilang handog sa ibabaw ng pader. Matindi ang poot laban sa Israel kaya umurong sila at umuwi sa kanilang lupain.
Si Eliseo at ang langis ng biyuda
4 • 1 Isang babae na asawa ng isang nasa samahan ng mga propeta ang tumawag kay Eliseo at sinabing “Patay na ang aking asawa na inyong lingkod, at alam ninyo na may pitagan siya kay Yawe. Ngunit ngayo’y duma¬ting ang pi¬nag¬kakautangan niya para kunin ang dalawa kong anak na lalaki bilang alipin.” 2 Sinabi sa kanya ni Eliseo: “Ano ang ma¬gagawa ko para sa iyo? Sabihin mo sa akin kung ano’ng meron ka sa iyong ba¬hay?” Sumagot siya: “Wala ako ni anu¬man liban sa kaunting langis na panlinis.” 3 Sinabi ni Eliseo: “Lumakad ka’t mang¬hingi ng mga garapong walang laman sa iyong mga kapitbahay. 4 Dalhin mo lahat ng kaya mo, at saka ka umuwi kasama ang iyong anak at isara ang pinto. Buhu¬san mo ng langis ang lahat ng garapon at itabi ang mga puno na.”
5 Umalis nga ang babae at isinara niya ang pinto kasama ang kanyang mga anak. Dinala ng mga ito sa kanya ang mga garapon at binuhusan naman niya ang mga ’yon. 6 Nang puno na ang lahat ng garapon, sinabi niya sa kanyang anak: “Dalhan mo ako ng isa pang garapon.” At sinabi naman ng anak: “Wala na.” At tu¬migil na ang da¬loy ng langis.
7 Kayat pinuntahan niya ang tao ng Diyos at sinabi ito sa kanya. Sinabi ni Eliseo sa kanya: “Hala, ipagbili mo ang langis at bayaran mo ang iyong utang. At mabubuhay ka at ang iyong mga anak sa matitira.”
Binuhay ni Eliseo ang patay
• 8 Isang araw, nagpunta naman si Eliseo sa Sunem, at inanyayahan siyang kumain doon ng isang babaeng may¬kaya. Kayat tuwing mapapadaan siya, nagtutuloy siya roon para ku¬main.
9 Sinabi ng babae sa kanyang asawa: “Nakita mo na, sabi ko na nga ba’t isang banal na tao ng Diyos ang lala¬king ito na malimit dumaan sa atin. 10 Gumawa tayo ngayon ng isang maliit na kuwarto sa bu¬bungan para sa kanya, at lagyan natin ng higaan, mesa, silya at lampara. Kayat pag¬parito niya, doon siya makatutuloy.”
11 Isang araw, pagdating ni Eliseo, umak¬yat siya sa kuwarto sa bubungan at nahiga roon. 12 At sinabi niya sa kanyang alalay na si Gehazi: “Tawagin mo ang Sune¬mita.” Tinawag nga nito ang babae, at humarap ito kay Eliseo.
13 Sinabi ni Eliseo sa kanya: “Sabihin mo sa akin – labis mo kaming pinag-abalahan – ano ngayon ang magagawa namin para sa iyo? Gusto mo bang ka¬¬usapin ko para sa iyo ang hari o ang pi¬nuno ng hukbo?” Sumagot ang babae: “Ako’y nasa sarili kong bayan.”
14 At sinabi ni Eliseo kay Gehazi: “Ano kaya ang magagawa natin para sa kan¬ya?” Sumagot ang binata: “Wala siyang anak at matanda na ang kanyang asa¬wa.” 15 Kaya sinabi ni Eliseo: “Tawagin mo siya.” Tinawag siya ng alalay, at tu¬mayo ang babae sa may pintuan. 16 Sinabi ni Eliseo: “Sa ganito ring pana¬hon sa susu¬nod na taon, kakargahin mo ang isang anak na lalaki.” Sumagot ang babae: “Hindi, O tao ng Diyos, pa¬nginoon ko. Hu¬wag ninyong linlangin ang inyong lingkod.”
17 Ngunit naglihi ang babae at nag¬ka¬anak ng isang lalaki sa mismong pana¬hong sinabi ni Eliseo.
18 Lumaki ang batang lalaki. Isang araw, pinuntahan niya ang kanyang ama na kasama ng mga nag-aani. At sinabi nito sa kanyang ama: “Ang ulo ko! Ang ulo ko!” 19 Kaya iniutos ng ama sa isang utusan: “Dalhin mo siya sa kanyang ina.” 20 Binuhat siya ng utusan at dinala sa kanyang ina, at naupo ang bata sa kandu¬ngan ng kanyang ina hanggang tangha¬ling-tapat, at namatay.
21 Umakyat ang ina at inilapag ang bata sa higaan ni Eliseo, at saka umalis ma¬tapos isara ang pinto. 22 Tinawag niya ang kanyang asawa: “Padalhan mo ako ng isang asno at ng isa sa mga utusan. Pu¬puntahan ko agad ang tao ng Diyos, at saka ako uuwi.” 23 Nagta¬nong ang lalaki: “Bakit ka pupunta sa kanya? Hindi pa naman bagong buwan o araw ng pa¬hi¬nga.” Ngunit sinabi ng babae: “Huwag kang mag-alala.”
24 Inihanda niya ang asno, at sinabi sa kanyang utusan: “Sige, manguna ka’t hu¬wag titigil hanggang hindi ko sinasabi sa iyo.” 25 Umalis nga siya at dumating sa Bundok Karmel na kinaroroonan ng tao ng Diyos. Nakita siya ni Eliseo sa malayo, at sinabi nito sa kan¬yang alalay: “Narito na ang Sunemita. 26 Tumakbo ka ngayon at salubungin siya at sabihing: Mabuti ba ang lagay ninyo? Kumusta ang inyong asawa? At ang bata?” Sumagot ang babae: “Mabuti naman.” 27 Lumapit siya sa tao ng Diyos sa bundok, at niyakap ang mga paa nito. Lumapit si Gehazi para ilayo siya ngunit sinabi ng tao ng Diyos: “Pabayaan mo siya, dahil may pait na nasa kanyang kaluluwa, at itinago ito sa akin ni Yawe at hindi pa inihahayag sa akin.”
28 Sinabi ng babae: “Humingi ba ako sa inyo, panginoon ko, ng isang anak na lalaki? Di ba’t sinabi ko nang huwag ninyo ’kong linlangin? 29 Sinabi ni Eliseo kay Gehazi: “Humanda ka, kunin mo ang aking tungkod at lumakad ka. Kung sinu¬man ang masalubong mo, huwag mo siyang batiin; at kung may bumati naman sa ’yo, huwag mo siyang sasagu¬tin. At sa sandaling dumating ka, ipatong mo ang aking tungkod sa mukha ng bata.” 30 Ngu¬nit sinabi ng ina ng bata: “Isi¬nu-sumpa ko kay Yawe at sa bu¬hay ninyo na hindi ko kayo iiwan.” Kayat tu¬mindig si Eliseo at sumunod sa babae.
31 Umuna na si Gehazi sa kanila at ipi¬natong ang tungkod sa mukha ng ba¬ta, ngunit wala pa ring imik o kibo ang bata. Kaya bumalik si Gehazi at sinalubong si Eliseo at sinabi sa kanya: “Hindi pa na¬gi¬gising ang bata.”
32 Pumasok si Eliseo sa bahay, at na¬¬kita niyang patay ang bata at naka¬higa sa kanyang higaan. 33 Pumasok siya sa ku¬warto, isinara ang pinto sa likuran niya at nanalangin kay Yawe. 34 At dinapaan niya ang bata, inilapat ang kanyang bibig sa bibig nito, ang kanyang mga mata sa mga mata nito, ang kanyang mga kamay sa mga kamay nito; at nanumbalik ang init sa katawan ng bata. 35 Tumindig si Eliseo at nanaog, at nagparoo’t parito sa bahay. Muli siyang umakyat at niyu¬kuan ang bata, at pitong beses itong nagbahin, at saka nag¬mulat ng mga mata. 36 Tina¬wag ni Eliseo si Gehazi at sinabi: “Tawagin mo ang babae.” Pag¬dating ng babae, si¬nabi sa kanya ni Eliseo: “Kargahin mo ang iyong anak.” 37 Pu¬masok iyon, nagpatirapa sa kanyang paanan, at kinarga ang kanyang anak at saka lumabas.
38 Nagbalik sa Gilgal si Eliseo. Tag¬gutom sa lupain, at nang nakaupong ka¬sama niya ang samahan ng mga pro¬¬peta, sinabi niya sa kanyang alalay: “Isalang mo ang malaking kaldero at mag¬handa ka ng sabaw para sa samahan ng mga propeta.” 39 Isa sa kanila ang luma¬bas sa bukid para manguha ng mga gulay, na¬kakita siya ng halamang-ligaw at na¬nguha siya ng mga bu-ngang nakaka¬lason, at pinuno ang kanyang balabal. Pagbalik niya, hiniwa niya ang mga iyon sa kaldero ng sabaw, sapagkat hindi niya alam kung ano iyon. 40 At inihain nila ang sabaw sa mga lalaki. Ngunit habang tinitikman nila ang sabaw, sumigaw sila: “Tao ng Diyos, purong lason ito!” Kayat hindi na sila nakakain pa. 41 At sinabi ni Eliseo: “Dalhan ninyo ’ko ng harina.” At ibi¬nuhos niya iyon sa kaldero, at sinabi niya: “Ha¬inan ninyo ang mga tao at pa¬¬kanin.” At wala nang anumang ma¬sa¬ma sa kaldero.
Pinarami ni Eliseo ang harina
• 42 Isang lalaki ang dumating mula sa Baalsalisa na may dalang tinapay at trigo sa tao ng Diyos. Ito ang dalawampung tinapay mula sa unang bahagi ng sebada at trigo nitong huling anihan. Sinabi ni Eliseo sa lalaki: “Ibigay mo sa mga tao para makakain sila.”
43 Sinabi ng kanyang alalay: “Paano ko ito ihahain sa sandaang katao?” Ngunit sinabi ni Eliseo: “Ibigay mo sa mga tao para makakain sila, sapagkat ito ang sinasabi ni Yawe: Kakain sila at may matitira pa.” 44 Inihain nga ito ng binata sa kanila at nagsikain sila at may natira pa, ayon sa sinabi ni Yawe.
Pinagaling ni Eliseo si Naaman
5 • 1 Si Naaman ang pinuno ng hukbo ng hari ng Aram. Mataas ang pag¬tingin sa lalaking ito ng kanyang hari at pinakikinggan siya dahil sa kanya binigyang-tagumpay ni Yawe ang Aram. Magiting na mandirigma nga siya pero meron siyang ketong.
2 Isang araw, sinalakay ng ilang kawal Arameo ang lupain ng Israel at may na¬bihag na isang dalaga. Naging alipin ito ng maybahay ni Naaman. 3 Sinabi niya sa kanyang amo: “Kung haharap lamang sana ang aking pangi¬noon sa propetang nasa Samaria, tiyak na pagagalingin ni¬yon ang kanyang ketong.”
4 Pinuntahan ni Naaman ang kanyang hari at sinabi: “Ganoo’t ganito ang sinabi ng dalagang galing sa lupain ng Israel.” 5 Sinabi naman ng hari ng Aram sa kanya: “Sige, pumunta ka. At mag-pa¬padala ako ng sulat sa hari ng Israel.”
Lumakad nga si Naaman at nagdala siya ng sampung baretang ginto, anim na libong pirasong pilak at sampung pampiyestang damit. 6 Pagdating niya, iniabot niya ang sulat sa hari ng Israel na nagsa¬sabing “Sa pagtanggap mo ng sulat na ito, ipinadadala ko sa iyo ang aking lingkod na si Naaman para paga¬lingin mo ang kanyang ketong.”
7 Pagkabasa ng hari ng Israel sa sulat, winarak niya ang kanyang damit at sinabi: “Ako ba’y Diyos para pumatay at bumu¬hay? At ipinadala sa akin ng hari ng Aram ang lalaking ito para pa-galingin sa kan¬yang ketong! Tingnan ninyo ngayo’t hu¬ma¬hanap lamang siya ng dahilan para makipag¬digma sa akin.”
8 Nalaman ni Eliseong tao ng Diyos na winarak ng hari ng Israel ang damit nito, kayat nagpasabi siya sa hari: “Bakit mo winarak ang iyong damit? Papuntahin mo siya ngayon sa akin, at ma¬lalaman niyang may propeta sa Israel.”
9 Nagpunta nga si Naaman, kasama ang kanyang karwahe at mga kabayo, at tumigil sa may pintuan ng bahay ni Eliseo. 10 At nagsugo naman si Eliseo sa kanya para sabihing “Magpunta ka sa Ilog Jordan at pitong beses kang ma¬ligo, at manunumbalik sa dati ang iyong laman at lilinis ka.”
11 Umalis sa galit si Naaman, sapag¬kat naisip niyang “Akala ko pa nama’y siya mismo ang lalabas at tatayo’t tatawag sa ngalan ni Yaweng kanyang Diyos, at ida¬dampi ang kanyang kamay sa bahaging may sakit at aalisin ang ketong. 12 Di ba’t mas higit pa nga ang Abana at Parfar na mga ilog ng Damasco kaysa lahat ng tubig sa Isra¬el? Di ba ’ko makapaliligo sa mga ilog ng Damasco para luminis?” Kayat pauwi siyang umalis sa galit.
13 Lumapit naman sa kanya ang kan¬yang mga alipin at sinabi: “Ama ko, kung mahirap na bagay ang ipinagawa sa inyo ng propeta, di ba’t gagawin ninyo ’yon? Lalo na kapag sinabi n’ya sa in¬yong ma¬ligo at luminis!”
14 At lumusong nga si Naaman sa Jor¬dan at pitong beses na lumubog, gaya ng sinabi sa kanya ni Eliseo. Na¬numbalik sa dati ang kanyang laman, tulad ng sa isang bata at luminis siya.
15 At nagbalik si Naaman sa tao ng Diyos kasama ang lahat niyang tau¬han. Nagtuloy siya at sinabi: “Ngayo’y alam ko nang walang ibang Diyos saanman sa daigdig kundi sa Israel. Tanggapin mo sana ang regalong ito mula sa iyong ling¬kod.”
16 Ngunit sumagot si Eliseo: “Buhay si Yaweng pinaglilingkuran ko, at wala akong tatanggapin.” At kahit na pilitin siya ni Naaman, tumanggi pa rin siya.
17 Kayat sinabi ni Naaman sa kanya: “Kung ayaw mo, ipahintulot mo naman sanang mabigyan ako ng lupa mula sa iyong lupain – ang kayang dalhin ng dala¬wang mola. Sapagkat hindi na ako mag-aalay ng anumang sinunog na handog at hain sa sinumang diyos kundi kay Yawe lamang. 18 At pata¬warin nawa ako ni Yawe sa bagay na ito: Sa pagpun¬ta ng aking hari sa templo ng kanyang diyos na si Rimmon para sumamba, nakakapit siya sa aking bisig at kasama niya akong yuyuko sa templo ni Rimmon. Pata¬warin nawa ako ni Yawe sa bagay na ito.” 19 Su¬ma¬got si Eliseo: “Humayo kang mapa¬yapa.”
At lumakad nga si Naaman.
Malayu-layo na si Naaman, 20 nang ma¬isip ni Gehazing alalay ni Eliseo: “Pi¬nalampas ng aking panginoon ang Ara¬meong iyong si Naaman sa pagtanggi ni¬yang tanggapin ang kanyang mga dala. Buhay nga si Yawe, at hahabulin ko siya’t makakakuha ako sa kanya.”
21 Hinabol ni Gehazi si Naaman at na¬kita ni Naaman na may humahabol sa kanya kayat bumaba siya mula sa kan¬yang karwahe para salubungin at batiin. 22 Sinabi naman sa kanya ni Ge¬hazi: “Ipi¬nasasabi ng aking panginoon: May da¬la¬wang binata sa samahan ng mga pro¬peta ang kararating lamang mula sa ka¬bun¬dukan ng Efraim. Kung maaari sana’y pa¬ki¬bigyan mo ako ng isang baretang pilak at dalawang bagong damit para sa ka¬nila.” 23 Sumagot si Naaman: “Tang¬ga-pin mo ang dalawang baretang pilak.”
Pinilit ni Naaman si Gehazi na tang¬gapin iyon, at itinali niya ang dalawang baretang pilak sa dalawang sako kasa¬ma ang dalawang bagong damit, at ibi¬nigay sa dalawa sa kanyang mga utu-san. Binu¬hat naman nila ito at lumakad na una kay Gehazi. 24 Pagda¬ting nila sa Ofel, kinuha ni Gehazi ang mga ito sa kanila at itinago sa kanyang bahay. At pina¬alis niya ang mga tauhan ni Na-aman, at nagsilakad naman ang mga ito.
25 Nang humarap siya sa kanyang pa¬¬nginoon, tinanong siya ni Eliseo: “Sa’n ka galing, Gehazi?” Sumagot siya: “Wala namang pinuntahan ang inyong lingkod.” 26 Sumagot si Eliseo: “Di ba’t humabol ang aking espiritu nang buma¬ba ang lalaki mula sa kanyang karwahe para salubungin ka? Tumanggap ka ng pilak at damit, at ngayo’y makabibili ka na ng mga taniman ng olibo, mga ubasan, mga tupa, mga baka at mga alipin. 27 Ngunit sa iyo at sa iyong inapo kakapit ang ketong ni Naaman magpakailanman.” At umalis si Gehazi mula kay Eli¬seo – may ketong na simputi ng niyebe.

6 1 Sinabi ng kanyang mga kapwa-propeta kay Eliseo: “Tingnan mo, masikip na para sa atin ang lugar na pi¬nag¬titipunan natin. 2 Tayo na sa Jordan at kumuha ng tig-isang poste para itayo ang ating tirahan.” 3 Sumagot si Eliseo: “Sige.” 4 At sinabi sa kanya ng isa sa kanila. “Ba’t di ka sumama sa amin?” Kaya sumama sa kanila si Eli¬seo. Pag¬dating nila sa Jordan, sinimulan nilang pu¬mutol ng mga puno. 5 Ngu¬nit habang may pinuputol na puno ang isa sa kanila, nahulog sa ilog ang talim ng kanyang palakol at napa¬sigaw: “O, panginoon ko, hiram ko lang iyon!” 6 Ti-nanong siya ng tao ng Diyos: “Saan ba nahulog?” At iti¬nuro nila kay Eliseo ang lugar. Pumutol ng isang patpat si Eliseo, inihagis doon at lumutang ang talim na bakal. 7 Sinabi ni Eliseo: “Kunin mo.” Iniunat ng lalaki ang kanyang ka¬may at kinuha iyon.
Binihag ni Eliseo ang mga sundalong Arameo
• 8 Sinasalakay noon ng hari ng Aram ang Israel. Pinulong nito ang kanyang mga opisyal at sinabing: “Salakayin natin ang bayang iyon.” 9 Ngunit nagpa¬sabi ang tao ng Diyos sa hari ng Israel: “Mag-ingat sa lugar na iyon; paparoon ang mga Arameo.” 10 Kaya nagpadala ng mga tauhan ang hari ng Israel sa lugar na itinuro ng lingkod ng Diyos, at naka¬paghanda siya roon. Mara¬ming beses itong nangyari. 11 Ikinabalisa ito ng hari ng Aram at tinawag niya ang kanyang mga opisyal at sinabi: “Hindi ba ninyo sasabihin sa akin kung sino sa atin ang taksil na nagsisiwalat ng ating mga plano.” 12 Sinabi ng isa sa kanyang mga opisyal: “Wala sa aming nagtatak¬sil sa inyo, panginoon kong hari, kundi si Eliseong propetang nasa Israel ang nagsasabi sa kanyang hari kahit na ng mga salitang sinasabi ninyo sa inyong kuwarto.”
13 Sumagot ang hari: “Sige, alamin ninyo kung nasaan siya nang maipa¬dakip ko.” Nang sabihin nila sa kanya na nasa Dotan si Eliseo, 14 nagpapunta siya roon ng mga karwahe, mga kabayo at malakas na hukbo. Gabi nang sila’y duma¬ting, at pinaligiran nila ang siyu¬dad. 15 Kinabukasan, maagang bumangon at lumabas ang alalay ng tao ng Diyos. At hayun ang mga Arameo – may mga kabayo’t karwahe, at napa¬pa¬ligiran na ang siyudad! Kaya si¬nabi niya kay Eliseo: “Naku, panginoon ko, ano’ng ga¬gawin natin?” 16 Su¬magot siya: “Huwag kang matakot. Mas marami ang kakampi natin kaysa kanila.” 17 Nag¬dasal si Eliseo at sinabi: “Yawe, buksan mo ang kanyang mga mata upang maka¬kita siya.” At binuk¬san nga ni Yawe ang mga mata ng alalay at nakita nitong puno ng mga kabayo at karwaheng-apoy ang mga bundok sa buong paligid ni Eliseo.
18 Nang sumugod palapit sa kanya ang mga Arameo, muling nanalangin si Eliseo kay Yawe: “Bulagin mo sila.” Ka¬¬¬ya binu¬lag nga sila ni Yawe, gaya ng hiling ni Eliseo. 19 Sinabi sa kanila ni Eli¬seo: “Hindi ito ang daan, ni ang siyu¬dad. Sumunod kayo sa akin at sasamahan ko kayo sa lalaking hinahanap ninyo.” At sinamahan niya ang mga ito pa-Samaria. 20 Pagka¬pasok nila sa Samaria, sinabi ni Eliseo: “Yawe, buksan mo ang kanilang mga mata upang maka¬kita sila.” Binuksan nga ni Yawe ang kani¬lang mga mata nang nasa Samaria na sila.
21 Pagkakita sa kanila ng hari ng Israel, itinanong nito kay Eliseo: “Ama ko, papa¬tayin ko ba sila?” 22 Sumagot siya: “Kung ’yong mga nabibihag mo sa iyong tabak at pana e di mo pinapa-tay, ang mga ito pa kaya? Bigyan mo sila ng tinapay na ma¬ka¬kain at tubig na maiinom, at saka sila pabalikin sa kani¬lang panginoon.”
23 Kaya nagbigay ng isang malaking bangkete ang hari. Pagkatapos kumain at uminom, pinabalik niya ang mga ito sa kanilang panginoon. Mula noon, hindi na sinalakay ng mga hukbo ng Aram ang na¬sa¬sakupan ng Israel.
Gutom at pagpapalaya sa Samaria
24 Tinipon naman ni Ben-Hadad na hari ng Aram ang buo niyang hukbo, umalis at kinubkob ang Samaria. 25 Nag¬¬¬karoon ng malaking taggutom sa lunsod, tumindi ang paghihirap hang¬gang magkahalaga ng walum¬pung pirasong pilak ang isang ulo ng asno at limang pirasong pilak na-man ang kalahating gatang na garbansos.
26 Naglalakad sa ibabaw ng pader ang hari ng Israel nang may babaeng sumi¬gaw: “Iligtas ninyo ’ko, panginoon kong Hari!” 27 Sumagot ang hari: “Pa’no kita ma¬¬tutulungan? Kung walang tinapay na ibinibigay sa iyo si Yawe, saan ako mag¬ha¬hagilap niyon? 28 Ano ba ang nang¬yari?” Sumagot ang babae: “Sinabi sa akin ng babaeng iyon: ‘Ibigay mo ang iyong anak na lalaki para ma¬kain natin ngayon at ang anak ko naman ang ka¬ka¬inin natin bukas.’ 29 Kaya niluto namin ang aking anak at kinain. Kina¬bukasa’y sinabi ko naman sa kanya: ‘Dalhin mo na ang iyong anak na lalaki para makain natin.’ Pero itinago niya ito.”
30 Nang marinig ng hari ang sinabi ng babae, winarak niya ang kanyang damit. Nasa itaas siya ng pader, at nakita ng bayan na may suot siyang sako sa ila¬lim ng kanyang damit. Isinumpa niya: 31 “Pa¬ru¬¬sahan nawa ako ng Diyos at mas ma¬sahol pa, kung nasa mga balikat pa rin ni Eliseong anak ni Shafat ang kanyang ulo sa araw na ito.” 32 At nagpa¬punta ng ban¬tay ang hari sa bahay ni Eliseo.
Nakaupo noon si Eliseo sa kanyang bahay at kaharap ang mga matatanda. Bago pa dumating ang sugo, sinabi na ni Eliseo sa kanila: “Hindi ba ninyo alam na iniutos ng anak na ito ng mamamatay-tao na pugutan ako ng ulo? Kayat pagdating ng sugo, isara ninyo ang pinto at huwag s’yang papasukin. Naririnig ko na sa kan¬yang likuran ang mga yabag ng kanyang amo.” 33 Naki¬kipag-usap pa siya sa kanila nang du¬ma¬ting ang hari. Sinabi ng hari: “Galing kay Yawe ang lahat ng kasama¬ang ito, ba’t pa ’ko aasa sa kanya?”
7 1 Sumagot si Eliseo: “Pakinggan ninyo ang salita ni Yawe: Bukas, sa ganito ring oras, sa pintuan ng Sama¬ria, ipagbibili ang isang takal na harina sa halagang isang pirasong pilak, at ang da¬lawang takal na sebada sa halagang isang pirasong pilak din.” 2 Sinabi sa tao ng Diyos ng tagapag¬dala ng kalasag na siyang uma¬alalay sa bisig ng hari: “Buksan man ni Yawe ang mga bintana ng langit para umulan ng trigo, paano ito mangyayari?” Suma¬got si Eliseo: “Maki¬kita ito ng sarili mong mga mata pero hindi ka kakain nito.”
3 May apat na lalaking ketongin sa may pintuan ng lunsod sa labas ng pa¬der. At nang araw na iyon, sinabi nila sa isa’t isa: “Didito na lamang ba tayo hang¬gang ma¬matay? 4 Kung ipasya nating pumasok sa lunsod, mamamatay tayo roon sa gutom. Pero kung di¬dito na lamang tayo, mama¬ma¬tay rin tayo. Kayat sa kampo na lang ng mga Arameo tayo pumunta. Kung hindi nila tayo patayin, buhay tayo; at kung pa¬ta¬yin naman, e di, patay!”
5 Nang dumidilim na, tumayo sila para pumunta sa kampo ng mga Arameo. Ngu¬¬nit walang katau-tao ang kampo nang dumating sila. 6 Ipinarinig pala ng Pangi¬noon sa mga Arameo ang ingay ng mga karwahe at mga kabayo, at ang ugong ng isang malaking hukbo. At inakala nilang “Inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng mga Heteo at mga Musrita para lusubin tayo.”
7 Kaya tumakas sila nang gumagabi na para iligtas ang kanilang sarili. At iniwan nila ang kanilang mga tolda, mga kabayo, mga asno – iniwan nang basta ganoon na lamang. 8 Pagdating ng mga ketongin sa may bukana ng kampo, pinasok nila ang isang tolda. Nagkainan sila at nag-inuman, kinuha ang mga pilak, ginto at mga damit, at umalis para ibaon ang mga iyon sa lupa. Bumalik sila at pumasok sa isa pang tolda at kinuha ang lahat ng ma¬kita roon at itinago sa ganoon ding pa¬raan.
9 Ngunit naisip nila: “Hindi tama ang ginagawa nating ito. Araw ng magandang balita ang araw na ito, at magka¬kasala tayo kung magsa¬sawalang-imik tayo hang¬gang bukas. Kaya tayo na’t ibalita ito sa mga tauhan ng hari.” 10 Pag¬babalik sa lunsod, isinigaw nila sa mga bantay ng lunsod: “Nagpunta kami sa kampo ng mga Arameo pero walang katau-tao roon, ni yabag ng kahit sino, kundi mga kabayo at mga asnong naka¬tali at mga toldang basta na lamang iniwan.” 11 Isinigaw ng mga bantay ang balita, at nakaabot ito sa pamamahay ng hari.
12 Bumangon kinagabihan ang hari at sinabi sa kanyang mga opisyal: “Alam ng mga Arameo na gutom na gutom na tayo. Kaya umalis sila sa kanilang kam¬po para magtago sa parang sa pag-aakalang lala¬bas tayo at mahuhuli nang buhay, at saka nila papasukin ang siyu¬dad.” 13 Sumagot ang isa sa mga opisyal: “Ipakuha ninyo sa ilang tauhan ang li¬ma sa natitira pang mga kabayo. Tutal, mamamatay din na¬man sa gutom ang mga ito tulad ng lahat ng Israelita sa siyudad na ito. Papuntahin natin sila doon para ting¬nan.” 14 Kaya kumuha sila ng dalawang karwahe at mga ka¬bayo, at pinapunta sila ng hari para sundan ang mga Arameo: “Sige, alamin ninyo kung ano ang nangyari.” 15 Naka¬rating sila hang¬gang Jordan, at nag¬kalat sa daan ang mga damit at gamit na itinapon ng mga Arameo sa kanilang pagtakas.
Nagbalik ang mga sugo at sinabi ito sa hari. 16 Kaya lumabas ang bayan at na¬namsam sa kampo ng mga Arameo. At ang isang takal ng harina ay ibinenta sa halagang isang pirasong pilak at ang dalawang takal ng sebada ay ipinagbili naman sa halagang isang pirasong pilak din, gaya ng sinabi ni Eliseo. 17 Inatasan ngayon ng hari ang tagapagdala niya ng kalasag na magbantay sa pintuan ng lunsod. Ngunit pinagtapak-ta¬pakan siya ng mga tao, at namatay gaya ng sinabi ni Eliseo nang lumu¬song ang hari para ma¬kipagkita sa kanya.
18 Sapagkat nang sabihin ni Eliseo sa hari: “Bukas, sa ganito ring oras, sa pintuan ng Samaria, ibebenta ang dalawang takal ng sebada sa halagang isang pirasong pilak at gayon din ang isang takal ng harina,” 19 sinabi ng taga¬pagdala ng kalasag sa tao ng Diyos: “Kahit pa buksan ni Yawe ang mga bintana ng langit para umulan ng trigo, malayong mangyari ang sinabi mo.” At sinabi nga sa kanya ni Eliseo: Makikita ’to ng sarili mong mga mata pero hindi ka ka¬kain nito.” 20 Ganoon nga ang nangyari. Sinugod siya ng mga tao at pinagtapak-tapakan sa pin¬tuan ng lunsod, at doon din siya namatay.

8 1 Sinabi ni Eliseo sa babaeng ang anak na lalaki ay kanyang binuhay: “Tu¬mindig ka’t umalis kasama ng iyong pa¬milya, at tumira muna sa ibang lugar na mabuti sa palagay mo. Sapagkat tinawag na ni Yawe ang taggutom sa lupain at tatagal ito nang pitong taon.” 2 Ginawa nga ng babae ang sinabi ng tao ng Diyos – umalis siya at ang kanyang pamilya papunta sa lupain ng mga Pilisteo at nanatili roon nang pitong taon.
3 Pagkaraan ng pitong taon, nagbalik ang babae sa sariling bayan at dumulog sa hari para hingin ang kanyang bahay at bukid. 4 Nakiki¬pag-usap noon ang hari kay Geha¬zing alalay ng tao ng Diyos: “Ikuwento mo nga sa akin ang lahat ng kahanga-hangang bagay na ginawa ni Eli¬seo.” 5 Habang iki¬nukuwento ni Gehazi kung paano binuhay ni Eliseo ang patay, siya namang pagdating ng babaeng ang anak na lalaki ay binuhay ni Eliseo. Hiningi nito sa hari na mabalik sa kanya ang sariling bahay at bukid. At sinabi ni Gehazi: “Panginoon kong Hari, ito ang baba¬eng iyon, at ito ang kanyang anak na binuhay ni Eliseo.”
6 Tinanong ng hari ang babae tungkol dito at isinalaysay naman niya ito. At kaagad na pinasamahan ng hari ang babae sa isang opisyal ng palasyo at sinabi: “Ibalik sa kanya ang lahat niyang ari-arian pati ang lahat ng inani sa kan¬yang bukid mula nang umalis siya hanggang ngayon.”
Sina Eliseo at Hazael sa Damasco
7 Nagpunta si Eliseo sa Damasco. May sakit noon si Ben-Hadad na hari ng Aram. Nang sa-bihin sa kanya na naroon ang tao ng Diyos, 8 sinabi niya kay Hazael: Puntahan mo ang tao ng Diyos at sangguniin si Yawe sa pamamagitan niya para malaman ko kung gagaling pa ako sa aking sakit. Pero magdala ka ng magandang regalo.”
9 Kayat pinuntahan ni Hazael si Eliseo, dala ang lahat ng pinakamagandang bagay sa Da-masco na karga ng apatnapung ka¬melyo. 10 Pag¬¬¬harap niya kay Eliseo, sinabi ni Hazael: “Pinaparito ako ng inyong anak na si Ben-Hadad na hari ng Aram para itanong sa inyo: ‘Gagaling pa ba ako sa karam¬damang ito?’.” Sumagot si Eliseo: “Hala, sabihin mo sa kanya na gagaling siya. Ngunit ipinaalam sa akin ni Yawe na tiyak na mamamatay siya.”
11 Nanigas ang mukha ng tao ng Diyos at nagsimula siyang umiyak. 12 Tinanong siya ni Hazael: “Ba’t kayo lumuluha, panginoon ko?” Sumagot siya: “Sapagkat ngayun-ngayon lang ay nakita ko ang kasamaang gagawin mo sa mga anak ng Israel: susu¬nugin mo ang kanilang mga kuta, papatayin sa tabak ang mga kaba¬taang lalaki, du¬durugin ang mga bata, bubuk¬san ang bahay-bata ng mga nagdadalantao.” 13 Si¬nabi sa kanya ni Hazael: “Sino ako na ling¬kod lamang ninyo para gawin ang ganyang ka¬bigat na mga bagay?” Suma¬got si Eliseo: “Nagkaro¬on ako ng pangitain: ginawa kang hari ng Aram ni Yawe.”
14 Iniwan ni Hazael si Eliseo at nagbalik sa kanyang amo. Tinanong siya nito: “Ano’ng si¬na¬bi sa iyo ni Eliseo?” Sumagot siya: “Sina¬bi niya na tiyak na gagaling kayo.” 15 Ngunit kina¬bu¬ka¬san, kumuha si Hazael ng isang balabal, itinubog sa tubig, at itinakip sa muk¬ha ng hari hanggang iyon ay mamatay. Kaya si Hazael ang humalili bilang hari ng Aram.
Yoram, hari ng Juda
16 Sa ikalimang taon ng paghahari sa Israel ni Yoram na anak ni Ahab, nagsimula namang maghari sa Juda si Yoram na anak ni Yosafat. 17 Tatlumpu’t dalawang taon siya nang mag-simulang maghari at walong taon naman siyang naghari sa Jerusalem. 18 Su¬mu¬nod siya sa mga yapak ng mga hari ng Israel at umasal tulad ng angkan ni Ahab dahil pinakasalan niya ang anak ni Ahab. Kaya hindi siya naging kalugud-lugod kay Yawe. 19 Subalit ayaw wasakin ni Yawe ang Juda alang-alang sa kanyang lingkod na si David, ayon sa kanyang pangakong panana¬ti¬lihing laging may sindi ang ilawan nito, na mga inapo ni David ang tinutukoy.
20 Sa kapanahunan niya naghimagsik ang mga Edomita laban sa paghahari ng Juda, at nagtalaga sila ng sarili nilang hari. 21 Sina¬lakay ni Yoram ang lunsod ng Zair kasama ang lahat niyang karwaheng-pandigma. Nang siya at ang kanyang mga pinunong pang¬karwahe ay ma¬pa-ligiran ng mga Edo¬mita, kumilos siya kina¬gabihan at naka¬labas. 22 Ngunit nagtak¬buhan pauwi ang kanyang mga sundalo. Kaya nag¬hi¬himagsik pa rin hanggang ngayon ang Edom laban sa Juda. Naghimagsik din noon ang siyu¬dad ng Libna.
23 Ang iba pang tungkol kay Yoram, ang kan¬¬yang ginawa at kagitingan ay nasa Mga Pang-yayari sa Mga Hari ng Juda.
24 Nahimlay si Yoram sa piling ng kanyang mga ninuno, at inilibing sa lunsod ni David. At si Ocozias na kanyang anak ang nag¬haring ka¬halili niya.
Ocozias, hari ng Juda
25 Nagsimulang maghari sa Juda si Ocozias na anak ni Yoram sa ikalabin¬dalawang taon ng paghahari sa Israel ni Yoram na anak ni Ahab. 26 Dalawampu’t dalawang taon si Ocozias nang mag¬simu¬lang maghari, at isang taon naman siyang naghari sa Jerusalem. Ang kanyang ina ay si Atalia na anak ni Omring hari ng Israel. 27 Sumunod siya sa mga yapak ni Ahab at gi¬nawa ang masama sa paningin ni Yawe gaya ng angkan ni Ahab, sapagkat kamag-anak siya ni Ahab. 28 Sumama siya kay Yoram na anak ni Ahab para maki¬pagdigma sa Ramot ng Galaad kay Hazael na hari ng Aram. Ngunit nasugatan si Yoram ng mga Arameo 29 kaya nagbalik siya sa Jezrael mula sa Ramot para magpagaling sa kanyang mga sugat. Hindi nagtagal, nagpunta sa Jezrael si Ocozias na hari ng Juda para da¬la¬win siya habang nagpapagaling.
Itinalagang hari si Yehu
9 • 1 Tinawag ni Propeta Eliseo ang isang nasa samahan ng mga pro¬peta at sinabi: “Maghanda ka’t pu¬munta sa lunsod ng Ramot sa Galaad at dalhin ang bote ng langis na ito. 2 Hana¬pin mo roon si Yehung anak ni Yosafat na anak naman ni Nimsi. Ihiwalay mo siya sa kan-yang mga kasama at samahan sa isang lugar na malayo sa kanila. 3 Doon, kunin mo ang bote at ibuhos ang langis sa kanyang ulo at sabihin: ‘Pina¬hiran ka ni Yawe bilang hari ng Israel.’ At buksan mo ang pinto at agad kang tumakas.” 4 Kayat pu¬munta sa Ramot ang binatang ito.
5 Dinatnan niyang magkakasamang nakaupo ang mga pinuno ng hukbo, at sinabi niya: “Kailangan kitang makausap, pinuno.” Nagtanong si Yehu: “Sino sa amin?” Sumagot siya: “Ikaw, pinuno.” 6 Tu¬mayo si Yehu at pumasok sa bahay.
At ibinuhos ng binata ang langis sa ulo ni Yehu at sinabi sa kanya: “Pina¬hiran ka ni Yaweng Diyos ng Israel bilang hari ng bayang Israel. 7 Iba¬bag¬¬¬sak mo ang mga hari ng angkan ni Ahab para maipaghiganti ko ang dugo ng aking mga lingkod, ang mga pro¬petang pinatay ni Izebel. 8 Uubusin ko ang angkan ni Ahab at ma¬lilipol ang lahat ng lalaki sa kanila. 9 Ma¬tutulad sa mga angkan ni Yeroboam at ni Baasa ang angkan ni Ahab. 10 At tungkol naman kay Izebel, walang maglilibing sa kanya, lalamunin siya ng mga aso sa bukid ng Jezrael.” At binuksan ng binata ang pinto at tumakas.
11 Lumabas si Yehu at bumalik sa mga pinuno ng hari. Sinabi nila sa kanya: “Ano’ng nangyari? Ba’t ka ba tinawag ng lokong iyon?” 12 Sumagot si Yehu: “Kilala ninyo ang lalaking ’yon at alam din ninyo kung ba’t siya napa¬rito.” At sinabi nila: “Wala kaming alam. Sabihin mo sa amin ang sinabi niya sa iyo.” Sumagot siya: “Ito ang sinabi niya, walang labis, walang kulang: Pinahiran ka ni Yawe bilang hari ng Israel.”
13 At kinuha ng lahat ng pinunong ka¬sama ni Yehu ang kanilang mga balabal at inilagay sa isang platapormang kahoy na korteng trono. At kasabay ang tunog ng mga trumpeta, ipinahayag nilang: “Hari si Yehu!”
14 Ganoon nakipagsabwatan laban kay Yoram si Yehung anak ni Yosafat na anak naman ni Nimsi. Ipinagtatanggol noon ni Yoram at ng mga Israelita ang lunsod ng Ramot sa Galaad laban kay Hazael na hari ng Aram, 15 at nakabalik na noon si Yoram sa Jezrael para mag¬pagaling sa mga sugat na natamo niya sa labanan.
Sinabi ni Yehu: “Kung mabuti sa palagay ninyo, huwag ninyong palabasin ang sinuman mula sa lunsod at baka nila baba¬laan ang hari sa Jezrael.” 16 Sumakay si Yehu sa kanyang kar¬wahe at nagpa-Jezrael. Na¬roon si Yoram na may sakit na dinalaw ni Ocozias na hari ng Juda. 17 Nakita ng tanod na nasa tore ng Jezrael na dumarating ang mga tauhan ni Yehu kayat sinabi niya: “May natatanaw akong isang pang¬kat.” Sinabi ni Yoram: “Kunin mo ang iyong ka¬bayo at mangabayo para salubungin sila, at itanong mo kung may ibabalita sila.”
18 Lumabas nga ang lalaki para salu¬bungin sila at sinabing: “Sinugo ako ng hari para ita¬nong kung may ibabalita kayo.” Sumagot si Yehu: “Huwag kang mag-alala sa balita. Halika sa likuran ko at sumunod sa akin.” At kaagad nag-ulat ang bantay: “Nakarating sa kanila ang sugo pero hindi pa bumabalik.”
19 Nagpadala sila ng isa pang sugo na pu¬mun¬ta sa kanila at nagsabi: “Gustong malaman ng hari kung may ibabalita kayo.” At muling suma¬got si Yehu: “Huwag kang mag-alala sa balita, pumunta ka sa likuran ko at su¬munod sa akin.” 20 Muling nag-ulat ang bantay: “Nakara¬ting na siya sa kanila pero hindi pa siya buma¬balik. Ngunit parang si Yehung anak ni Nimsi siya kung mangabayo pagkat para siyang baliw kung magpa¬takbo.”
21 Kaya sinabi ni Yoram: “Ihanda ang mga kabayo ng aking karwahe.” At mag¬kasamang lumabas na sakay ng kanya-kanyang karwahe sina Yoram na hari ng Israel at Ocozias na hari ng Juda para salu¬bungin si Yehu. Sinalubong nila ito sa bukid ni Nabot sa Jezrael.
Patayan sa angkan ni Ahab
22 Nang makita ni Yoram si Yehu, iti¬na¬nong niya: “Kapayapaan ba ang dala mo, Yehu?” Sumagot si Yehu: “Anong ka¬pa¬yapaan ang pinagsasa¬sa¬bi mo ga¬yong patuloy ang pagpapa-bayad sa la¬laki at maraming pangku¬kulam ng ina mong si Izebel?” 23 Kaya pinabalik ni Yo¬ram ang kanyang kar¬wahe at tuma¬kas, habang sinasabi kay Ocozias: “Ka¬taksilan, Ocozias!”
24 At ubos-lakas namang binanat ni Yehu ang kanyang pana at tinira si Yo¬ram sa likod – tumagos sa puso nito ang pa¬laso. At patay na bumagsak si Yoram sa kanyang karwahe.
25 Sinabi ni Yehu kay Bidkar na taga¬pagdala niya ng kalasag: “Kunin mo ang bangkay at itapon sa bukid ni Nabot na taga-Jezrael sapagkat natatandaan mo, nang magkasama ta¬yong naglilingkod sa kaba¬yuhan ng kanyang amang si Ahab, ibinaba na ni Yawe ang hatol na ito laban sa kanya: 26 ‘Sa bukid na ito, pagba¬bayarin nga kita sa dugo ni Nabot at sa dugo ng kanyang mga anak na nakita kong pinadanak mo kaha¬pon.’ Kaya, kunin mo ang bang¬kay at itapon sa bukid ayon sa salita ni Yawe.
27 Nang makita ito ni Ocozias na hari ng Juda, tumakas siya pa-Bet-Hagan. Hinabol siya ni Yehung sumisigaw: “Patayin din siya!” At tinamaan siya ng mga sundalo sa kan¬yang karwahe paahon sa Gur na malapit sa Ibleam. Nakatakas siya pa-Megiddo, at doon namatay. 28 Ikinarwahe namang pa-Jerusalem ng kanyang mga alipin ang kanyang bangkay at ini¬libing siyang kasama ng kanyang mga ninuno sa lunsod ni David. 29 Naghari sa Juda si Ocozias sa ikalabing-isang taon ni Yoram na anak ni Ahab.
Namatay si Izebel
• 30 Pinasok ni Yehu ang lunsod ng Jez¬rael. Nang malaman ito ni Izebel, kinu¬la¬yan niya ang kanyang mga mata, nilag¬yan ng palamuti ang leeg at dumu¬ngaw sa bintana. 31 Pumapasok si Yehu sa pintuan nang sabihin ni Izebel: “Kapa¬yapaan ba ang dala mo? Di ba’t mapapasaiyo ang kapalaran ni Zimri ma¬tapos mong patayin ang iyong panginoon?”
32 Tumingala si Yehu sa bintana at su¬migaw: “Sino ang kakampi ko?” Da¬lawa o tatlong kapon ang tumingin sa kanya. 33 Iniutos ni Yehu: “Ihulog siya!” Inihagis nila si Izebel sa labas ng bintana, at tumilamsik ang kanyang dugo sa mga pader at sa mga kabayo, at sina¬gasaan siya ni Yehu ng karwahe.
34 Pumasok si Yehu sa Jezrael. Pag¬ka¬tapos niyang kumain at uminom ay ini¬utos niya: “Bahala na kayo sa kasumpa-sumpang babaeng ’yan, at ilibing siya dahil anak siya ng hari.” 35 Pinuntahan nila ito para ilibing pero wala na silang na¬tagpuan kundi ang mga kamay, mga paa at bungo. 36 Nang ibalita nila iyon kay Yehu ay sinabi niya: “Ito nga ang sinabi ni Elias ng Tisbe sa ngalan ni Yawe: ‘Sa parang ng Jezrael, lalamunin ng mga aso si Izebel.’ 37 Magsisilbing pataba sa lupa ang kanyang bangkay para walang maka¬pagsabing ‘Ito si Izebel’.”
Walang natira sa angkan ni Ahab
1 Sa Samaria nakatira ang pitumpung anak na lalaki ni Ahab. Kaya sumulat si Yehu ng mga liham na ipinadala sa Samaria, sa mga pinuno ng lunsod, sa mga hukom at sa mga tagapag-alaga ng mga anak ni Ahab. Si¬na¬bi niya: 2 “Sa sandaling matanggap ninyo ang liham na ito, dahil nasa inyo ang mga anak ng hari, ang kan¬yang mga karwaheng-pandigma at mga kabayo, napapaderang lunsod at mga sandata, 3 piliin ninyo ang pinakamagaling na anak ng inyong panginoon at iluklok sa trono ng kanyang ama; at humanda kayong ipagtanggol ang ang-kan ng inyong panginoon.”
4 Nasindak sila at sinabi: “Kung walang na¬gawa sa kanya ang dalawang hari, tayo pa ka¬ya?” 5 Ipinadala ng tagapamahala ng palasyo, ng komandante ng lunsod, ng mga hukom at mga guro ang kasagutang ito kay Yehu: “Mga alipin mo kami, at gagawin namin ang lahat ng sasabihin mo. Wala kaming hihiranging hari; gawin mo ang mabuti sa pala¬gay mo.”
6 At nagpadala ng ikalawang liham si Yehu na nagsasabing “Kung kakampi ko kayo at ka-bilang sa mga sumusunod sa akin, kunin ninyo ang mga ulo ng mga anak ng hari na inyong panginoon, at puntahan ninyo ako sa Jezrael sa ganito ring oras bukas.”
Pitumpu ang anak na lalaki ng hari at nagsilaki ang mga iyon sa mga bahay ng mga ki¬la¬lang pamilya ng lunsod.
7 Pagdating sa kanila ng liham na ito, dinakip nila ang mga anak ng hari, pinugutan ng ulo ang pitumpu at inilagay ang mga ulo sa mga bakol at ipinadala sa Jezrael. 8 Pu¬munta ang sugo kay Yehu at sinabi: “Hayan ang mga ulo ng mga anak ng hari na ipi¬nadala nila sa iyo.” Sumagot siya: “Ilagay na dalawang tumpok ang mga iyan sa bu¬ngad ng pintuan ng Jezrael hanggang bukas ng umaga.”
9 Kinaumagahan, lumabas si Yehu at sinabi sa bayan: “Maging makatarungan kayo, sabihin ninyo sa akin: kung ako ang nakipagsab¬watan laban sa aking hari at pumatay sa kanya, sino naman ang pumugot sa lahat ng ito? 10 Ka¬ya alamin ninyo na wala ni isa mang salita ni Yawe laban sa angkan ni Ahab na di nagka¬bisa. Natu¬pad ang lahat ng kanyang sinabi sa pamamagitan si Elias na kanyang lingkod.”
11 At pinatay ni Yehu ang lahat ng nana¬tiling tapat kay Ahab sa Jezrael – lahat ng kanyang ministro, kamag-anak, pari – at walang itini¬rang buhay. 12 At pumunta siya sa Samaria. Sa Bet-Eked ng Mga Pastol, 13 na¬sa¬lubong niya ang mga kapatid na lalaki ni Ocozias na hari ng Juda. Tinanong niya ang mga ito: “Sino kayo?” Sumagot sila: “Mga kapatid kami ni Ocozias, at babatiin namin ang mga anak ng hari at reyna.” 14 Sinabi ni Yehu: “Hulihin silang buhay.” Hinuli nga silang buhay at pinugutan ng ulo sa tabi ng balon ng Bet-Eked. Apatnapu’t dalawang lalaki sila at walang natirang buhay.
15 Pag-alis niya roon, nasalubong niya si Yo¬nadab na anak ni Rekab na lumabas para salubungin siya. Binati siya ni Yehu at sinabi: “Ma¬giging tapat ka ba sa akin gaya ng pagi¬ging tapat ko sa iyo?” Sumagot si Yonadab: “Oo.” Sinabi ni Yehu: “Akin na ang kamay mo.” Ini¬abot ni Yonadab ang kanyang kamay at pinasakay siya ni Yehu sa karwahe. 16 Sinabi ni Yehu: “Su¬mama ka sa akin at maki¬¬kita mo ang aking sigasig para kay Yawe.” At sakay nga niya ito sa kanyang karwahe.
17 Pagdating sa Samaria, pinatay ni Yehu ang lahat ng nalabing tapat kay Ahab sa lunsod na iyon at wala siyang iniwang buhay. Kaya nag¬katotoo ang salita ni Yawe na ini¬hayag sa pa-mamagitan ni Elias.
18 Tinipon ni Yehu ang lahat ng tagaroon at sinabi: “Naglingkod si Ahab sa Baal pero higit pa ang aking paglilingkod.” 19 At idi¬nugtong niya: “Magtipon ang lahat ng propeta ng Baal, lahat ng matatapat niyang tagasunod at mga pari. Pumarito ang lahat sa paghahandog na iaalay ko sa Baal. Mama¬matay ang sinumang di-pumunta.” Naging tuso si Yehu sa paggawa nito sapagkat disi¬dido siyang patayin ang lahat ng matapat kay Baal. 20 Sinabi ni Yehu: “Mag¬dek¬lara ng banal na pagtitipon para sa Baal.” 21 At nag¬¬pa¬dala naman si Yehu ng mga sugo sa bu¬ong Israel para makapunta ang lahat ng tapat sa Baal at walang maiwang sinuman.
Nang pumasok sila sa templo ng Baal, halos hindi na sila makatuntong sa lupa sa dami ng tao. 22 At iniutos ni Yehu sa mga nag-iingat ng mga damit na ilabas ang mga sagradong damit na nakalaan para sa mga tapat sa Baal para maipamahagi sa kanila. 23 Kasama si Yehu ni Yonadab na anak ni Rekab, at sinabi niya sa mga tapat sa Baal: “Tiyaking walang tapat kay Yawe na naka¬pa¬sok ditong kasama ninyo, na walang narito kundi mga lingkod lamang ng Baal.”
24 At may pumasok para ialay ang mga susunuging handog. Ngunit nagtalaga si Yehu ng walumpung tauhan sa labas, at sinabi sa kanila: “Magbubuwis ng sariling buhay ang sinu¬mang magpatakas sa mga ibibigay sa inyong mga kamay.” 25 Nang matapos ang paghahandog, iniutos ni Yehu sa mga sundalo at opisyal: “Pumasok kayo at patayin silang lahat, walang palalabasing sinuman.” Kaya pumasok sila at pinagsa¬saksak ang lahat, at nakapasok sila hang¬¬-gang sa santuwaryo ng bahay ng Baal. 26 Hi¬nugot nila ang sagradong poste sa bahay ng Baal at sinunog iyon. 27 Wi¬nasak nila ang altar at giniba ang templo, na naging tam¬bakan ng ba¬sura hanggang sa panahong ito.
28 Kaya pinawi ni Yehu ang pangalan ng Baal sa Israel. 29 Ngunit hindi lumayo si Yehu sa mga kasalanan ni Yeroboam na anak ni Nabat, na nagbulid sa Israel sa pagkakasala, sapagkat ini¬ngatan nila ang mga gintong guya ng Betel at Dan. 30 Sa kabila nito’y sinabi ni Yawe kay Ye-hu: “Sapagkat naging magaling ka sa paggawa ng matuwid sa aking paningin at ginawa mo sa sam¬bahayan ni Ahab ang ayon sa aking kalooban, lu¬luk¬lok sa trono ng Israel ang iyong mga anak hanggang sa ikapat na salinlahi.” 31 Ngunit hindi naging ganap ang pagsunod ni Yehu sa Batas ni Yawe dahil hindi niya tina¬likuran ang mga kasalanang ipinagawa ni Yero¬boam sa Israel.
32 Nang mga panahong iyon, sinimulang pa¬liitin ni Yawe ang lupain ng Israel, at nilupig ni Hazael ang mga Israelita sa lahat nilang na¬sasakupan 33 mula Jordan hanggang sa Sila¬ngan, ang buong lupain ng Galaad ng mga tribu ng Gad, Ruben, Manases, mula Aroer sa tabi ng Ilog Arnon, ang buong lupain ng Galaad at Basan.
34 Ang iba pang tungkol kay Yehu, ang lahat niyang ginawa at ang kanyang kagi¬tingan ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Israel. 35 Pagkamatay ni Yehu, inilibing siya sa Sama¬ria, at ang kanyang anak na si Yoacaz ang hu¬ma¬lili sa kanya bilang hari. 36 Dalawampu’t walong taong naghari si Yehu sa Israel sa Sa¬maria.
Si Atalia sa Juda
11 • 1 Nang makita ni Ataliang ina ni Ocozias na patay na ang kanyang anak, ipinasya niyang lipulin ang lahat ng inapo ng hari. 2 Ngunit kinuha ni Yosabang anak na babae ni Haring Yoram at kapatid ni Ocozias ang pamangkin niyang si Yoas at inihiwalay sa ibang mga anak ng hari na papata¬yin na, at dinala sa silid-tulugan kasa¬ma ang yaya nito. 3 Kaya naitago ang bata kay Atalia, at na¬ligtas ito. Anim na taong nagtago si Yoas sa Bahay ni Ya¬¬we habang naghahari si Atalia sa lupain.
4 Sa ikapitong taon, ipinatawag ng pu¬nong-paring si Yoyada sa Bahay ni Yawe ang mga pinuno ng mga bantay ng pa¬lasyo at ng mga Kariteo. Matapos ma¬kipagkasunduan sa kanila, at pagka¬pa¬numpa nila, ipinakita niya sa kanila ang anak ng hari.
5 At inatasan niya ang mga ito: “Ang sangkatlo ng inyong mga tauhang nag¬lilingkod sa Araw ng Pahinga ang magta¬tanod sa bahay ng hari, 6 sa Pintuan ng Pundasyon naman ang isa pang ikatlong bahagi at sa pintuan sa likuran ang huling sangkatlo. Magre¬relyebo sila sa pag¬ba¬bantay sa bahay. 7 Para naman sa mga hindi naman nanunung¬kulan sa Araw ng Pahinga – dalawang pangkat sa kanila ang magbabantay sa Bahay ni Yawe at kay Haring Yoas. 8 Mananatili kayo sa kanyang tabi na may hawak na sandata ang bawat isa, at patayin ninyo ang sinu¬mang pumasok sa inyong ha¬nay. Panga¬la¬gaan ninyo ang hari saanman siya mag¬punta.”
9 Ginawa nga ng mga pinuno ng mga bantay ang sinabi sa kanila ng punong-paring si Yoyada, at dumating silang ka¬sama ang lahat nilang tauhan, ang mga hindi manunungkulan sa Araw ng Pahi¬nga, pati ang mga maglilingkod sa araw na iyon. 10 Ipinagkatiwala ni Yoyada sa mga pinuno ang mga sibat at kalasag ni Haring David na nasa Bahay ni Yawe. 11 At pumuwesto ang mga bantay mula sa ti¬mog na sulok ng Bahay hanggang hilaga, sa paligid ng altar at ng Bahay ni Yawe.
12 At inilabas ng paring si Yoyada ang anak ng hari, pinutungan ng korona at sinuutan ng mga pulseras, at inihayag at pinahiran bilang hari. Nagpalak¬pakan ang lahat, nagsigawan at sinabi: “Mabu¬hay ang Hari!”
13 Nang marinig ni Atalia ang pag-i¬¬ingay ng mga tao, nilapitan niya ang mga taong nakapaligid sa Bahay ni Ya¬we. Nakatayo ang hari sa tabi ng ha¬li¬gi, ayon sa kauga¬lian at kasama niya ang mga pinuno at mga taga-ihip ng trum¬peta. Masayang-ma¬saya ang mga mamamayan at hinihi¬pan ang ka¬nilang mga trum¬peta. 14 Pagka¬kita nito, wina¬rak ni Atalia ang kanyang damit at su¬migaw: “Katak¬silan, kataksilan!”
15 Iniutos ng paring si Yoyada sa mga pinuno: “Paligiran siya at ilabas sa patyo, at patayin ang sinumang mag¬ta¬tang¬kang magtanggol sa kanya.” Gani¬to ang iniutos niya dahil naisip niyang “Hindi siya dapat mamatay sa Bahay ni Yawe.”
16 Hinuli nila si Atalia, at pagdating sa palasyo ng hari sa tabi ng pasukan ng mga kabayo ay saka siya pinatay.
17 Pinagtipan ni Yoyada si Yawe, ang hari at ang bayan upang sila ang ma¬ging bayan ni Yawe. Pumunta sa templo ng Baal ang lahat ng mamamayan at giniba iyon. 18 Dinurog nila ang mga altar at mga diyus-diyusan at pinatay si Matang pari ng Baal sa harap ng kanyang altar.
At naglagay ng mga bantay ang pa¬ring si Yoyada sa buong Bahay ni Yawe. 19 Isi¬nama niya ang mga pinuno, mga bantay ng hari, mga bantay na Kariteo at ang mga mamamayan, at sinamahan nila ang hari sa palasyo, at pumasok sila sa Pinto ng Mga Bantay. Lumuk¬¬lok sa trono ng hari si Haring Yoas.
20 Nagalak ang lahat ng mamamayan at naging panatag ang lunsod. Pina¬tay naman sa tabak si Atalia sa palasyo ng hari.
Paghahari ni Yoas sa Juda
12 • 1 Pitong taon si Yoas nang magsimulang maghari. 2 Ikapitong taon ni Yehu noon, at apatnapung taong naghari si Yoas sa Jerusalem. Si Sibia ng Beer-seba ang kanyang ina. 3 Ginawa ni Yoas ang kalugud-lugod sa paningin ni Yawe habang pina¬patnu¬bayan siya ng paring si Yoyada. 4 Ngunit hindi inalis ang mga altar sa burol at patuloy na nag-alay roon ng mga handog at nagsunog ng insenso ang mga tao.
5 Sinabi ni Yoas sa mga pari: “Tanggapin ninyo ang lahat ng pera mula sa mga sagradong abuloy ng mga taong pumupunta para mag-alay sa Bahay ni Yawe, ang perang nako¬lekta, ang perang inihandog bilang pansariling pa¬nata, ang malaya at kusang-loob na ibinigay sa Bahay ni Yawe. 6 Makata¬tang¬gap ang bawat isa mula sa kanyang panu¬nungkulan ngunit ka¬ila¬¬ngang ipaayos ninyo ang Bahay ni Yawe saan man may makitang anumang pinsala.”
7 Ngunit sa ikadalawampu’t tatlong taon ng paghahari ni Yoas, hindi pa rin naipa¬aayos ng mga pari ang Bahay ni Yawe. 8 Kaya ipinatawag ng hari ang paring si Yoyada kasama ang iba pang pari, at sinabi sa kanila: “Bakit hindi pa ninyo naipaaayos ang Ba¬hay? Mula ngayon, hindi na kayo tatanggap ng pera sa inyong pa¬¬nu¬nung¬kulan, kundi ilalaan iyon para sa pag¬papaayos ng Bahay.” 9 Pumayag ang mga pari na hindi na sila tatang¬gap ng pera sa mga tao at sila mismo ang mamamahala sa pagpapaayos ng Ba¬hay. 10 Kaya nagpagawa ang paring si Yoyada ng isang kahon na may butas sa takip. Inilagay niya iyon sa tabi ng altar, sa gawing ka¬nan sa pagpasok sa Bahay ni Yawe, at doon inilagay ng mga paring nasa may mga pintuan ang lahat ng perang inialay sa Bahay ni Yawe.
11 Tuwing makikita nilang puno na ang kahon, isang kalihim ng hari ang darating at ka¬sama ang punong-pari ay kukunin nila at bibilangin ang pera. 12 At ibibigay naman nila ang nabilang na pera sa mga namamahala sa pag¬papaayos sa Bahay, na sila namang nag¬ba¬¬bayad mula sa perang ito sa mga karpin¬tero at tagalatag ng tisa. 13 Mula rin sa perang ito nila kinukuha ang pambili ng bato, kahoy at lahat ng kailangan sa pagpapaayos sa Bahay ni Yawe. 14 Ngunit hindi ginamit sa pag¬pa¬pagawa ng mga pilak na planggana, pang¬gupit ng mitsa, mang¬kok, trumpeta, o anu¬mang bagay na ginto o pilak ang perang ibinigay para sa Bahay ni Yawe, 15 kundi gina¬mit na lahat para bayaran ang mga nag-aayos sa Bahay ni Yawe. 16 Hindi hinihingan ng kuwenta ang mga namamahala sa pagbabayad sa mga manggagawa, sapagkat gumag¬awa sila nang buong tapat. 17 Ang pera lamang na iniaalay na hain para sa utang at hain para sa kasalanan ang para sa mga pari.
18 Umahon noon si Hazael na hari ng Aram para salakayin ang Gat. Nasakop niya iyon at bumaling naman pa-Jerusalem. 19 Kaya kinu¬ha ni Yoas na hari ng Juda ang lahat ng ma¬ha-halagang bagay na ibinukod at inialay ng kanyang mga ninunong sina Yosafat, Yoram at Ocozias na mga hari ng Juda; pati ang lahat ng inialay niya, at lahat ng gintong makita niya sa kabang-yaman ng Bahay ni Yawe at sa bahay ng hari. At ipinadala niya ang mga ito kay Hazael na hari ng Aram na umalis naman sa Jerusalem na dala ang mga ito.
20 Ang iba pang tungkol kay Yoas at lahat niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Juda.
21 Nagsabwatan laban sa kanya ang ilan sa kanyang mga pinuno at pinatay siya sa Bet-Milo habang papunta siya sa Sila. 22 Sina Yozakar na anak ni Simet at Yosabad na anak ni Somer ang pumatay sa kanya. Inilibing siya kasama ng kan¬yang mga ninuno sa lunsod ni David, at si Amasias na kanyang anak ang humalili sa kanya bilang hari.
Paghahari ni Yoacaz sa Israel
13 1 Sa ikadalawampu’t tatlong taon ng paghahari sa Juda ni Yoas na anak ni Ocozias, nagsimula namang maghari si Yoacaz na anak ni Yehu sa Israel sa Samaria; labimpitong taon siyang naghari. 2 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yawe at hindi niya tina¬¬likuran kundi patuloy pang ginawa ang mga kasalanan ni Yeroboam na anak ni Nabat, na nagbulid sa Israel sa pagkakasala. 3 Kaya nag-apoy ang galit ni Yawe sa Israel, at sa buong panahong iyo’y ipinaubaya sila ni Yawe sa mga kamay ni Hazael na hari ng Aram at ni Ben-Hadad na anak ni Hazael.
4 Ngunit nanalangin si Yoacaz kay Yawe, at pinakinggan siya nito sapagkat nakita ni Yawe ang kaapihan ng Israel, kung paano sila inaapi ng hari ng Aram. 5 At binigyan ni Yawe ang Israel ng isang tagapagligtas na nag¬palaya sa kanila sa pang-aapi ng Aram, kayat muling namuhay nang panatag ang mga Israelita sa kanilang mga tahanan, tulad nang dati.
6 Ngunit hindi nila tinalikuran ang mga ka¬salanang ipinagawa ni Yeroboam sa Israel at ma¬ging ang sagradong poste ay nanatili pa ring nakatayo sa Samaria. 7 Walang natira sa hukbo ni Yoacaz kundi limampung manga¬ngabayo, sam¬pung karwaheng-pandigma at sampunlibong sundalo sapag¬kat nilipol ng hari ng Aram ang lahat at pinalis na parang alikabok.
8 Ang iba pang tungkol kay Yoacaz, lahat ng kanyang ginawa at ang kanyang kagitingan ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Israel. 9 Nahimlay si Yoacaz sa piling ng kanyang mga ninuno, at inilibing sa Samaria. At si Yoas na kanyang anak ang nagharing kahalili niya.
Yoas, hari ng Israel
10 Sa ikatatlumpu’t pitong taon ng pag¬hahari ni Yoas sa Juda, nagsimulang mag¬hari si Yoas na anak ni Yoacaz sa Israel sa Samaria; labing-anim na taon siyang nag¬hari. 11 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yawe; hindi niya tina¬likuran ang mga kasalanang ipinagawa sa Israel ni Yeroboam na anak ni Nabat. 12 Ang iba pang tungkol kay Yoas, ang kanyang kagiti¬ngan at ang pakikipaglaban niya kay Amasias na hari ng Juda ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Israel. 13 Nahimlay si Yoas sa piling ng kan¬¬yang mga ninuno at inilibing sa Samaria kasama ng mga naging hari ng Israel. At si Yeroboam ang lumuklok sa kanyang trono.
Pagkamatay ni Eliseo
14 Nang magkasakit nang malubha si Eli¬seo, na magdadala sa kanya sa kamatayan, pinuntahan siya ni Yoas na hari ng Israel at nanangis ito sa harap niya at sinabi: “Ama ko! Ama ko! Karwahe at mga kabayo ng Israel!” 15 Sinabi ni Eliseo sa kanya: “Kumuha ka ng pana at mga palaso.” Kaya kumuha nga siya ng pana at mga palaso. 16 At sinabi ni Eliseo sa hari: “Ipatong mo ang iyong kamay sa pana,” at ipinatong nga iyon ng hari. At ipinatong ni Eliseo ang kanyang kamay sa kamay ng hari, 17 at sinabi: “Buk¬san mo ang bintana sa gawing sila¬ngan.” Binuksan ng hari ang bintana. At sinabi ni Eliseo: “Tudla!” At tumudla nga siya. Sinabi ni Eliseo: “Palaso ng tagumpay ni Yawe, pala¬so ng tagumpay laban sa Aram! Tatalunin mo ang Aram sa Afek hang-gang lubusan mo itong mawasak!” 18 At idi¬nugtong pa niya: “Kunin mo ang mga palaso.” Ki¬nuha nga niya. Sinabi ni Eliseo sa hari: “Itudla mo sa lupa.” Tatlong beses na tumudla ang hari at tumigil. 19 Kaya nagalit sa kanya ang tao ng Diyos at sinabi: “Tumudla ka sana nang lima o anim na beses upang sa gayo’y matalo mo ang Aram hanggang mawasak mo ito nang lubusan. Ngunit nga¬yon, tatlong beses mo lamang ma¬tatalo ang Aram.”
20 Namatay si Eliseo at inilibing. At may su¬ma¬lakay namang isang pangkat ng mga Moa¬bita tulad ng ginagawa nila taun-taon. 21 May inililibing noon na isang patay. Pag¬kakita ng mga tao sa mga Moabita, agad nilang inihagis ang bangkay sa libingan ni Eliseo, at nagsitakas sila. Ngunit pagsayad na pagsayad ng bangkay ng lalaki sa mga buto ni Eliseo, na¬buhay ang lalaki at tumayo.
22 Inapi ni Hazael na hari ng Aram ang mga Israelita sa buong panahon ng paghahari ni Yoacaz. 23 Ngunit nahabag sa kanila si Yawe at nagmagandang-loob at nagpakita ng malasakit sa kanila dahil sa Pakikipagtipan niya kina Abraham, Isaac at Jacob, kayat ayaw niya si¬lang lubusang wasakin o ipagta¬bu¬yang malayo sa kanyang mukha. 24 Namatay si Hazael na hari ng Aram, at ang kanyang anak na si Ben-Hadad ang nagharing kahalili niya. 25 At binawi naman kay Ben-Hadad ni Yoas na anak ni Yoacaz ang mga lunsod na inagaw ni Hazael kay Yoacaz. Tatlong beses siyang nilupig ni Yoas, at nabawi nito sa kanya ang mga lunsod ng Israel.
Amasias, hari ng Juda
14 1 Sa ikalawang taon ng paghahari sa Israel ni Yoas na anak ni Yoacaz, nag¬simula namang maghari si Amasias na anak ni Yoas na hari ng Juda. 2 Dalawampu’t limang taon siya nang magsimulang mag¬hari, at da¬la¬wampu’t siyam na taon siyang naghari sa Jerusalem. Ang kanyang ina ay si Yoadin ng Jerusalem. 3 Ginawa niya ang tama sa pani¬ngin ni Yawe, ngunit hindi tulad ng kan¬yang amang si David kundi ang kanyang amang si Yoas ang tinularan niya. 4 Hindi pa rin inaalis ang mga altar sa mga burol, at patuloy pa rin ang mga tao sa pag-aalay ng mga handog doon at pag¬susunog ng insenso.
5 Nang matatag na ang kanyang pag¬hahari, pinatay niya ang mga pinunong pu¬ma¬tay sa kanyang amang hari, 6 ngunit hindi niya pinatay ang mga anak ng mga ma¬mamatay-tao bilang pagsunod sa nasusulat sa Batas ni Moises kung saan iniutos ni Yawe: “Hindi ninyo papa¬tayin ang mga ama dahil sa kanilang mga anak, o ang mga anak dahil sa kanilang ama; kundi parusahan ang bawat isa dahil sa sariling pagkakasala.”
7 Nilupig ni Amasias ang sampunlibong Edo¬mita sa Lambak ng Asin, at sinakop din ang Bato at tinawag iyong Yoktel na panga¬lan niyon hanggang ngayon.
8 At nagpadala ng mga sugo si Amasias kay Yoas na anak ni Yoacaz na anak naman ni Yehu, na hari ng Israel, para sabihin dito: “Uma¬hon ka rito at tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang mas magaling.” 9 Nagpa¬dala ng sagot si Yoas na hari ng Israel kay Amasias na hari ng Juda: “Isang palum¬pong ng Lebanon ang nag¬papasabi sa sedro ng Lebanon: ‘Ibigay mo ang iyong anak na babae para maging asawa ng aking anak.’ Ngunit dumaan ang mababangis na hayop ng Lebanon at niyurakan ang palum¬pong. 10 Nagmamalaki ka ngayon dahil nalupig mo ang mga Edomita. Makuntento ka na la¬mang sa iyong katanyagan at manahimik sa sarili mong bahay, at baka ma¬disgrasya ka pa at ang bayan ng Juda.”
11 Ngunit hindi iyon pinakinggan ni Amasias, kaya umahon si Yoas na hari ng Israel, at hina-rap niya ito sa Bet-sames ng Juda. 12 Nilupig ng Israel ang Juda, at nag¬si¬takas pauwi ang bawat isa. 13 Hinuli ni Yoas na hari ng Israel si Amasias na anak ni Ocozias sa Bet-sames, at dinala sa Jerusalem.
Gumawa siya ng butas na dalawandaang metro ang luwang sa pader ng Jerusalem mula sa Pintuan ng Efraim hanggang sa Pintuan sa Panulukan. 14 Kinuha niya ang lahat ng ginto at pilak, lahat ng nakita niya sa Bahay ni Yawe at sa kabang-yaman ng bahay ng hari, pati mga bihag, at bumalik sa Samaria.
15 Ang iba pang tungkol kay Yoas, ang kanyang kagitingan at ang pakikipaglaban niya kay Amasias na hari ng Juda ay nasa Mga Pang¬yayari sa Mga Hari ng Israel. 16 Nahimlay si Yoas sa piling ng kanyang mga ninuno, at inilibing sa Samaria kasama ng kanyang mga ninuno. At si Yeroboam na kanyang anak ang nagharing kahalili niya.
17 Tungkol naman kay Amasias: nabuhay pa siya nang labinlimang taon pagkamatay ni Yoas na hari ng Israel. 18 Ang iba pang tung¬¬kol kay Amasias ay nasa Mga Pang¬yayari sa Mga Hari ng Juda. 19 May mga taong nagsabwatan laban sa kanya sa Jeru¬salem. Kaya nagtago si Ama¬sias sa Lakis pero hinabol siya ng mga iyon at pinatay sa lunsod na iyon. 20 Ikinarwahe nila mula roon ang kanyang bangkay, at ini¬libing siya sa lunsod ni David, sa Jerusalem kasama ng kanyang mga ninuno. 21 At kinuha ng lahat ng mamamayan ng Juda si Ozias (Azarias) na labing-anim na taong gulang, at inihayag siyang hari bilang kahalili ng kanyang amang si Ama¬sias. 22 Muli niyang itinayo ang Elat at ibinalik sa Juda, pagkamatay ng kanyang amang hari.
Yeroboam II, hari ng Israel
• 23 Nagsimulang maghari sa Samaria si Yero¬boam na anak ni Yoas na hari ng Israel sa ikalabinlimang taon ng paghahari ni Ama¬sias na anak ni Yoas na hari ng Juda. Apat¬napu’t isang taon siyang naghari. 24 Ginawa niya ang ma¬sama sa paningin ni Yawe. Hindi nga niya tina¬likuran ang mga kasalanang ipinagawa sa Israel ni Yeroboam na anak ni Nabat. 25 Ibinalik niya sa dati ang hangganan ng Israel mula sa bungad ng Hamat hang¬gang sa Dagat na Patay ayon sa salita ni Yaweng Diyos ng Israel, sa pama¬ma¬gitan ng kanyang lingkod na prope¬tang si Jonas na anak ni Amitai ng Gat-Hefer. 26 Nakita ni Yawe ang napakapait na paghi¬hirap ng Israel, alipin man o malaya, at walang ma¬katutulong sa Israel. 27 Ipinasya ni Yawe na huwag pawiin ang pangalan ng Israel sa silong ng langit, kayat ini¬ligtas niya ang mga ito sa pamamagitan ng kamay ni Yeroboam na anak ni Yoas.
28 Ang iba pang tungkol kay Yeroboam, lahat ng kanyang ginawa at kagitingan, ang pakiki-paglaban niya at kung paano niya naibalik sa Israel ang Hamat at Damasco ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Israel. 29 Namatay si Yeroboam at inilibing kasama ng mga hari ng Israel. At si Zacarias na kanyang anak ang nag¬¬haring kahalili niya.
Azarias, hari ng Juda
15 1 Nagsimulang maghari si Azarias na anak ni Amasias na hari ng Juda, sa ikadala-wampu’t pitong taon ng paghahari ni Yeroboam sa Israel. 2 Labing-anim na taon siya nang magsimulang maghari at limam¬pu’t da¬lawang taon siyang naghari sa Jerusalem. Si Yecolia na taga-Jerusalem ang kan¬yang ina.
3 Ginawa niya ang tama sa paningin ni Yawe, gaya ng kanyang amang si Amasias. 4 Ngunit hindi pa rin giniba ang mga altar sa mga burol, at nagpatuloy ang mga tao sa pag-aalay ng mga handog doon at pag¬su¬sunog ng insenso.
5 Pinarusahan siya ni Yawe. Nagkasakit siya ng ketong, at naging ketongin hanggang mamatay. Nakatira siya sa isang bukod na bahay, at si Yotam na kanyang anak ang namahala sa sam¬bahayan ng hari at naka¬pangyari sa mga ma¬ma¬mayan.
6 Ang iba pang tungkol kay Azarias at lahat niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Juda. 7 Namatay si Azarias at inilibing sa lunsod ni David kasama ng kan¬yang mga ni-nuno. At si Yotam na kanyang anak ang hu¬ma¬lili sa kanya.
Mga huling hari ng Israel
• 8 Sa ikatatlumpu’t walong taon ng pag¬hahari ni Azarias sa Juda, nagsimula na¬mang maghari sa Israel sa Samaria si Za¬ca¬rias na anak ni Yeroboam. Anim na buwan siyang naghari. 9 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yawe, tulad din ng kanyang mga ninuno; hindi tina¬likuran ang mga kasalanang ipinagawa sa Israel ni Yeroboam na anak ni Nabat.
10 Nakipagsabwatan si Sallum na anak ni Yabes laban kay Zacarias at sinalakay niya ito sa Yibleam, pinatay, at hinalinhan bilang hari.
11 Ang iba pang tungkol kay Zacarias ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Israel. 12 Kaya natupad ang salita ni Yawe kay Yehu: “Luluklok sa trono ng Israel ang iyong mga anak na lalaki hanggang sa ikapat na salinlahi.” At iyon nga ang nangyari.
13 Sa ikatatlumpu’t siyam na taon ng pag¬hahari ni Uzias sa Juda, nagsimulang mag¬hari si Sallum na anak ni Yabes. Isang buwan siyang naghari sa Samaria. 14 At naghimag¬sik si Menahem na anak ni Gadi laban sa kanya sa Tirsa. Pumunta siya sa Samaria at pinatay si Sallum sa lunsod na iyon. Pagka¬patay niya kay Sallum, siya ang nagharing kahalili nito.
15 Ang iba pang tungkol kay Sallum at ang kanyang pakikipagsabwatan ay nasa Mga Pang-yayari sa Mga Hari ng Israel.
16 Sinakop ni Menahem ang Tapua at pinatay ang lahat ng tagaroon. Winasak niya ang nasa-sakupan nito mula Tirsa sapagkat ayaw nila siyang pagbuksan ng mga pintuan. At winakwak niya ang sinapupunan ng lahat ng buntis.
17 Nagsimulang maghari sa Israel si Mena¬hem na anak ni Gadi sa ikatatlumpu’t siyam na taon ng paghahari ni Azarias sa Juda. Sampung taon siyang naghari sa Samaria. 18 Gina¬wa niya ang masama sa paningin Yawe; hindi niya tina¬likuran ang mga ka¬salanang ipinagawa sa Israel ni Yeroboam na anak ni Nabat.
19 Sa panahon niya, sinalakay ni Pul na hari ng Asur ang Israel. At kinailangan ni Menahem na magbigay sa kanya ng sanli¬bong baretang pilak para tanggapin siya nito bilang kakampi at panatiliin sa kapang¬yari¬han. 20 Hiningi ni Me¬nahem ang pera mula sa lahat ng maya¬yaman at kinikilalang tao sa Israel para ibigay sa hari ng Asur: limampung pirasong pilak mula sa bawat isa. Kaya umatras ang hari ng Asur at hindi na tumigil pa sa lupain.
21 Ang iba pang tungkol kay Menahem at lahat ng kanyang ginawa ay nasa Mga Pang¬yayari sa Mga Hari ng Israel. 22 Nahimlay si Mena¬hem sa piling ng kanyang mga ninuno, at si Pekaya na kanyang anak ang nagharing kahalili niya.
23 Sa ikalimampung taon ng paghahari ni Azarias sa Juda, nagsimulang maghari sa Israel sa Samaria si Pekayang anak ni Mena¬hem. Dala¬wang taon siyang naghari. 24 Gi¬nawa niya ang masama sa paningin ni Yawe; hindi niya tinalikuran ang mga kasalanan ni Yeroboam na anak ni Nabat na nagbulid sa Israel sa pagkakasala.
25 Naghimagsik laban sa kanya ang kanyang heneral na si Peka na anak ni Romelias. Pinamunuan nito ang limampung tauhan mula sa lalawigan ng Galaad at pinuntahan siya nito sa Samaria para patayin sa tore ng palasyo. Pagka¬patay sa hari, si Peka ang nagharing kahalili niya.
26 Ang iba pang tungkol kay Pekaya at lahat niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Israel.
27 Sa ikalimampu’t dalawang taon ng pag¬hahari ni Azarias sa Juda, nagsimulang maghari sa Israel sa Samaria si Pekang anak ni Romelias. Dalawampung taon siyang naghari at gi¬nawa niya ang masama sa paningin ni Yawe. 28 Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanan ni Yero¬boam na nagbulid sa Israel sa pagkakasala.
29 Sa panahon ni Pekang hari ng Israel, duma¬ting si Tiglat-Pileser na hari ng Asur at sinakop ang Ayon, Abel-Bet-Maaka, Yanoa, Kedes, Hasor, ang mga teritoryo ng Galaad at Galilea, at ang buong lupain ng Neftali; at idineport ang mga mamamayan sa Asur. 30 At nakipagsab¬watan si Oseas na anak ni Ela laban kay Pe¬kang anak ni Romelias, pinatay ito, at nagha¬ring ka¬¬ha¬lili nito. 31 Ang iba pang tungkol kay Peka at sa lahat ng kanyang ginawa ay nasusulat sa Mga Pang-yayari sa Mga Hari ng Israel.
Yotam, hari ng Juda
32 Sa ikalawang taon ng paghahari sa Israel ni Pekang anak ni Romelias, nagsimu¬lang mag-hari si Yotam na anak ni Uzias na hari ng Juda.
33 Dalawampu’t limang taon si Yotam nang magsimulang maghari, at labing-anim na taon siyang naghari sa Jerusalem. Si Yerusang anak ni Zadok ang kanyang ina.
34 Ginawa niya ang tama sa paningin ni Yawe, tulad ng kanyang ama. 35 Ngunit hindi pa rin wina¬sak ang mga altar sa burol kaya patuloy ang mga tao sa pag-aalay ng mga handog at pag¬-susunog ng insenso roon.
Itinayo niya ang Pintuan sa Itaas ng Bahay ni Yawe.
36 Ang iba pang tungkol kay Yotam at sa lahat niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Juda. 37 Nang panahong iyon, ipinadala ni Yawe sina Resin na hari ng Aram at Pekang anak ni Romelias laban sa Juda.
38 Namatay si Yotam sa piling ng kanyang mga ninuno, at inilibing kasama nila sa lunsod ni David, ang lunsod ng kanyang ama. At si Ahaz na kanyang anak ang nagharing kahalili niya.
Ahaz, hari ng Juda
16 1 Sa ikalabimpitong taon ng paghahari ni Pekang anak ni Romelias, nag¬simulang maghari si Ahaz na anak ni Yotam na hari ng Juda. 2 Da¬lawampung taon si Ahaz nang mag-simulang maghari, at labing-anim na taon si¬yang naghari sa Jerusalem. Hindi niya gi¬n¬a¬wa ang tama sa paningin ni Yaweng kanyang Diyos, di tulad ng kanyang amang si David. 3 Lumakad siya sa mga daan ng mga hari ng Israel at sinu¬nog pa ang kanyang anak na lalaki bilang handog ayon sa ka¬suklam-suklam na kaugalian ng mga ban¬sang pinalayas ni Yawe mula sa lupain para mapasa-Israel ang kanilang lupain. 4 Nag-alay siya ng mga handog sa mga altar sa burol, sa mga dalisdis at sa lilim ng bawat ma¬labay na punungkahoy.
5 At umahon sina Resing hari ng Aram at Pekang anak ni Romelias na hari ng Israel para salakayin ang Jerusalem. Pinaligiran nila iyon pero hindi nila malupig. 6 Nang pa¬na¬hong iyon, nabawi ni Resing hari ng Aram ang Elat para sa mga Edomita, at pinalayas doon ang mga Judio. At pinasok ng mga Edomita ang Elat at doon sila nanirahan hanggang sa panahong ito.
7 Nagpadala ng mga sugo si Ahaz kay Tiglat-Pileser na hari ng Asur para sabihing: “Alipin mo ako at anak. Pumarito ka at iligtas ako sa mga kamay ng hari ng Aram at ng hari ng Israel na sumalakay sa akin.” 8 Kinuha ni Ahaz ang pilak at ginto sa Bahay ni Yawe at sa mga kabang-yaman ng bahay ng hari, at ipinadala bilang regalo sa hari ng Asur. 9 Pinakinggan siya ng hari ng Asur at sinalakay nito ang Damasco; sinakop niya ang lunsod at idineport ang mga mama¬mayan sa Kir, at pagkatapos ay pinatay si Resin.
10 Kaya pumunta si Haring Ahaz sa Damasco para makipagkita kay Tiglat-Pileser na hari ng Asur. At nang makita niya ang altar sa Da¬masco, ipinadala niya sa paring si Urias ang sukat ng altar, pati ang disenyo na kanyang kinopya nang tamang-tama hanggang sa huling detalye.
11 Itinayo ng paring si Urias ang altar batay sa disenyong ipinadala ng hari mula sa Da¬masco. Natapos niya ito bago dumating si Ha¬ring Ahaz. 12 Pagbalik ng hari mula sa Damasco at pag-kakita niya sa altar, lumapit siya roon at nag-alay ng mga handog. 13 Ini¬alay niya sa altar ang kanyang mga sinunog na handog, ibinuhos ang alak at ang dugo ng kan¬yang handog sa mabu-ting pagsasamahan.
14 Inalis niya sa harapan ng bahay – sa pagitan ng bagong altar at ng Bahay ni Yawe – ang tansong altar sa harap ni Yawe at inilipat ito sa gawing hilaga ng bago niyang altar.
15 Inutusan ni Haring Ahaz ang paring si Urias: “Sa malaking altar na ito mo susu¬nu¬gin ang pang-umagang handog at mga pang¬gabing alay, ang handog ng hari, at ang handog ng mga mamamayan ng lupain, at ang mga handog na pagkain at inumin. Dito mo ibubuhos ang lahat ng dugo ng mga susunuging handog at mga alay. At tungkol naman sa tansong altar, ako na ang bahala roon.” 16 Ginawa ng paring si Urias ang ini¬utos sa kanya ng hari.
17 Dinistrungka ng hari ang mga panel ng mga patungan, inalis ang hugasan sa ibabaw niyon at ibinaba rin ang malaking plang¬ganang mula sa ibabaw ng mga tansong toro na sumu¬sunong dito, at inilagay sa batong patungan. 18 At dahil sa hari ng Asur, inalis niya ang ma¬taas na trono sa loob ng Bahay ni Yawe at ang nasa labas na pasukan ng hari.
19 Ang iba pang tungkol kay Ahaz at sa lahat niyang ginawa ay nasa Mga Pang¬yayari sa Mga Hari ng Juda. 20 Nahimlay si Ahaz sa piling ng kanyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lunsod ni David. At si Ezekias na kanyang anak ang nagharing kahalili niya.
Wakas ng kaharian ng Israel sa hilaga
17 1 Sa ikalabindalawang taon ng paghahari ni Ahaz sa Juda, nag¬simula namang maghari sa Israel si Oseas na anak ni Ela. Siyam na taon siyang naghari sa lunsod ng Samaria, 2 at ginawa niya ang masama sa pani¬ngin ni Yawe pero hindi naman kasinsama ng mga naging hari ng Israel.
3 Dumating si Salmaneser na hari ng Asur kasama ang kanyang hukbo para salakayin si Oseas na sumuko naman at nagsimulang magbayad ng buwis sa kanya. 4 Ngunit nabisto ng hari ng Asur na may pakana si Oseas laban sa kanya dahil nagpadala ito ng mga sugo kay So na hari ng Ehipto, at hindi na nagba¬bayad ng buwis, di tulad ng dati nitong ginagawa taun-taon. Kaya dinakip siya ni Sal¬ma¬neser at ibini¬langgo.
5 Sinakop ng hukbo ng hari ang buong Israel at pumunta sila sa Sa¬ma¬ria at ki¬nub¬kob iyon nang tatlong taon. 6 Sa ika¬siyam na taon ni Oseas, na¬bihag ng hari ng Asiria ang Samaria at ipinadeport ang mga Israelita sa Asur. Pinatira niya ang mga iyon sa Hala sa baybayin ng Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lun¬sod ng mga Medo.
Mga sanhi ng pagbagsak ng Israel
• 7 Nangyari ito dahil nagkasala ang mga anak ng Israel kay Yaweng kanilang Diyos na siyang naglabas sa kanila mula sa lupain ng Ehipto sa ilalim ng ka¬pangyarihan ni Paraon. Sumamba sila sa mga diyus-diyusan, 8 at sumunod sa mga kaugalian ng mga bansang pina¬layas ni Yawe para mapasa-Israel ang lupain.
9 Maraming ginawa nang lihim ang mga anak ng Israel na hindi bagay kay Yaweng kanilang Diyos. Nagtayo sila ng mga altar sa lahat ng bayan, mula sa mga toreng bantayan hanggang sa mga napapaderang bayan. 10 Naglagay sila ng mga re¬bulto at sagradong poste sa lahat ng burol at sa lilim ng bawat ma¬yabong na puno. 11 Doon sila nagsu¬nog ng insenso sa mga altar sa kabu¬rulan, gaya ng mga bansang pinalayas ni Yawe sa harap nila.
Gumawa sila ng mga kasamaan na ikinagalit ni Yawe. 12 Pinaglingkuran nila ang kasuklam-suklam nilang mga diyus-¬diyusan sa kabila ng sinabi sa kanila ni Yaweng “Huwag ninyong ga¬win ito.” 13 Bi¬nalaan ni Yawe ang Israel at Juda sa pa¬mamagitan ng mga pro¬peta na na¬ka¬ka¬kita ng pangitain: “Tali¬kuran ninyo ang inyong masa¬samang gawi at sundin ang aking mga utos at tuntunin, ayon sa mga batas na iniutos ko sa in¬yong mga ninuno at ipinahatid sa pama¬magitan ng aking mga lingkod na pro¬peta.”
14 Ngunit hindi sila nakinig, at tumanggi ring gaya ng kanilang mga ni¬nu¬nong hindi naniwala kay Yaweng ka¬nilang Diyos. 15 Binale-wala nila ang kanyang mga batas at ang pakikipagtipang itinakda niya sa kanilang mga ninuno, pati ang mga babalang ibinigay niya sa kanila. Sumunod sila sa mga diyus-diyusang walang-saysay at sila mismo’y nawalang-kabuluhan din sa pagtulad nila sa mga bansang naka¬paligid sa kanila, sa kabila ng sinabi ni Yawe: “Huwag ninyo silang tularan.”
16 Tinalikuran nila ang lahat ng utos ni Yawe at gumawa ng dalawang guyang tanso. Gumawa sila ng mga sagradong poste at lumuhod sa harap ng lahat ng bituin sa langit, at su¬mamba sa Baal.
17 Sinunog nila bilang handog ang ka¬ni¬lang mga anak na lalaki at babae, nang¬hula sila at nangkulam, at ipinag¬bili ang sarili sa paggawa ng masama sa paningin ni Yawe na ikinagalit nito.
18 Kaya labis na napoot si Yawe sa Israel at itinapon sila nang malayo sa kanya, at ang tribu lamang ng Juda ang itinira.
19 Ngunit hindi rin sinunod ng Juda ang mga utos ni Yaweng kanilang Diyos kundi ginaya ang mga kaugalian ng Israel. Kaya itinakwil ni Yawe ang buong lahi ng Israel. 20 Hinamak sila at ipinaubaya sa mga kamay ng mga mangu¬ngu¬limbat hanggang duma¬ting ang araw na itapon niya silang malayo sa kanya.
21 Nang humiwalay ang Israel sa kaharian ni David at hiranging hari si Yeroboam na anak ni Nabat, inilayo niya ang mga ito kay Yawe. Kaya pinapagkasala niya nang malubha ang mga ito. 22 Sinundan ng mga Israelita si Yeroboam sa lahat niyang kasa¬lanan, at hindi na tumigil 23 hang-gang itapon ni Yawe ang Israel nang ma¬layo sa kanya gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod na propeta. Kaya pina¬layas sa sariling lupain ang Israel at idineport sa lupain ng Asur hanggang ngayon.
Ang simula ng mga Samaritano
• 24 Pinapunta ng hari ng Asur ang mga taga-Babilonia, Cuta, Ava, Hamat at Sefarvayim at pinatira sa mga bayan ng Samaria kapalit ng mga Israelita. Inokupa ng mga taong ito ang lupain ng Samaria at nanirahan sa mga bayan nito.
25 Sa simula ng kanilang pagtira roon, hindi nila sinamba si Yawe kayat nagpadala si Yawe ng mga leon na pumatay sa marami sa kanila. 26 At sinabi ito sa hari ng Asur: “Hindi alam ng mga taong idineport mo at pinatira sa mga lunsod ng Samaria kung paano dapat para¬ngalan si Yaweng Diyos ng lupaing iyon kayat nagpadala siya ng mga leon na pumapatay sa kanila.”
27 Kaya iniutos ng hari ng Asur: “Pabalikin sa Samaria ang isa sa mga paring idineport natin mula roon. Maninirahan siyang kasama ng mga taong iyon para turuan sila kung paano pa¬ra-rangalan ang Diyos ng lupaing iyon.” 28 Ka¬ya dumating ang isa sa mga pa¬ring ipi¬nadeport mula sa Samaria, nanirahan ito sa Betel at tinuruan ang mga tao kung paano parara¬nga¬lan si Yawe.
29 Subalit gumawa ng sariling diyos ang bawat isa sa mga bansang ito sa kani-kanilang lunsod na tirahan, at inilagay ang mga iyon sa mga Bahay sa burol na itinayo ng mga taga-Samaria. 30 Gumawa ng isang Sukot ang mga taga-Babilonia, gumawa ng isang Nergal ang mga taga-Cuta, ng isang Asima ang mga taga-Namat, 31 ng mga Nimhaz at Tartak ang mga taga-Ava. Sinu¬nog naman ng mga taga-Sefarvayim ang kanilang mga anak sa kara¬ngalan nina Adramelek at Anamelek na kani¬lang mga diyos.
32 Pinarangalan nga nila si Yawe pero humirang din sila ng mga pari mula sa sarili nilang lahi, na naglingkod para sa kanila sa mga Bahay sa burol. 33 Pinarangalan nila si Yawe pero kasa¬bay namang pinaglingkuran din ang kanilang mga diyos, ayon sa mga kaugalian ng mga ban¬sang kanilang pinag¬mulan.
34 Hanggang sa araw na ito’y sinusunod nila ang matatanda nilang kaugalian.
Hindi nila pinarangalan si Yawe. Hindi nga nila sinunod ang mga tuntunin at kaugalian, ang Batas o mga utos na ibinigay ni Yawe sa mga anak ni Jacob na pinangalanan niyang Israel. 35 Nakipagtipan si Yawe sa kanila at ini¬utos: “Hu¬wag kayong sasamba sa ibang diyos, o yuyuko sa harap nila o maglilingkod sa kanila o mag-aalay sa kanila ng mga handog. 36 Si Yawe lamang na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto sa lakas ng kanyang braso ang inyong sasambahin; sa kanyang harapan lamang kayo yuyuko at sa kanya lamang kayo mag-aalay ng mga handog. 37 Sundin ninyo ang mga tuntunin, mga pasya, ang Batas at mga utos na isinulat niya para sa inyo. Tuparin ninyo ang mga ito magpakailanman at huwag sasamba sa ibang mga diyos. 38 Huwag nin¬yong limutin ang pa¬kiki¬pagtipan ko sa inyo at huwag ka¬yong sa¬samba sa ibang diyos. 39 Kay Yaweng inyong Diyos lamang kayo sasamba at palalayain niya kayo sa kamay ng lahat ninyong kaaway.”
40 Ngunit hindi sila nakinig kundi ginawa pa rin ang nakaugalian na nila.
41 Kaya sumamba kay Yawe ang mga taong ito kasabay ng paglilingkod din sa kani¬lang mga diyos. At pagkatapos ay ipinag¬¬patuloy naman ng kanilang mga anak at ng mga anak ng ka¬nilang mga anak ang gawain ng kanilang mga ninuno.
Ezekias, hari ng Juda
18 • 1 Sa ikatlong taon ng paghahari sa Israel ni Oseas na anak ni Ela, nagsimula namang maghari sa Juda si Ezekias na anak ni Ahaz.
2 Dalawampu’t limang taon siya noon, at dalawampu’t siyam na taon siyang nag¬hari sa Jerusalem. Si Abi¬yang anak ni Zacarias ang kanyang ina. 3 Ginawa niya ang tama sa pani¬ngin ni Yawe tulad ng kanyang ninu¬nong si David.
4 Siya ang nag-alis ng mga altar sa burol, winasak niya ang nakatayong mga bato at pinutol ang mga sagradong poste.
Sinira rin niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises sa disyerto sapagkat hanggang sa panahong iyo’y pinag-aalayan pa ito ng mga Israelita at tinawag na Nehustan.
5 Nagtiwala siya kay Yawe nang higit sa sinumang hari ng Juda na nauna o su¬munod sa kanya, at hindi siya kai¬lan¬man lumayo kay Yawe. Sinunod niya ang mga utos na ibinigay ni Yawe sa pama¬magitan ni Moises. 6 Kaya su¬ma¬kanya si Yawe: nag¬tagumpay siya sa lahat ng kanyang ginawa. 7 Nag¬himag¬sik siya laban sa hari ng Asiria at hindi na napailalim dito. 8 Ni¬lupig niya ang mga Pilisteo hang¬gang Gaza, at sinakop ang kanilang mga lupain mula sa mga toreng ban¬tayan hanggang sa napapa¬derang mga lunsod.
9 Sa ikapat na taon ng paghahari ni Ezekias na ikapitong taon naman ni Oseas na anak ni Ela na hari ng Israel, sinalakay ni Salmaneser na hari ng Asiria ang Samaria at kinubkob ito. 10 At pagka¬raan ng tatlong taon, nasa¬kop niya ang lupain. Sa ikanim na taon ni Ezekias, na siya namang ikasiyam na taon ni Oseas na hari ng Israel, na¬sakop ang Samaria. 11 Ipinadeport ng hari ng Asiria ang mga Israelita sa Asiria at pinatira ang mga iyon sa Hala, sa itaas ng Habor na ilog ng Gozan at sa mga lunsod ng mga Medo.
12 Nangyari ito sapagkat hindi nila pi¬nakinggan ang tinig ni Yaweng kani¬lang Diyos, at sumira sila sa kanyang Tipan; hindi nila pinakinggan o isina¬gawa ang ini¬utos ni Moises na lingkod ni Yawe.
Pagsalakay ni Senakerib
• 13 Sa ikalabing-apat na taon ng pag¬hahari ni Ezekias, nilusob ni Sena¬kerib na hari ng Asiria ang lahat ng napapaderang lunsod ng Juda at sina¬kop ang mga iyon. 14 Nagpasabi si Eze¬kias na hari ng Juda kay Senakerib na nasa Lakis: “Hindi tama ang ginawa ko. Itigil mo ang iyong pag-salakay at ga¬gawin ko ang lahat ng sa¬sabihin mo.” Pinapagbayad ng hari ng Asiria si Eze¬kias ng tatlundaang baretang pilak at tat¬lumpu ng ginto.
15 At ibinigay sa kanya ni Ezekias ang lahat ng perang nakuha sa Bahay ni Yawe at sa mga kabang-yaman ng palas¬yo ng hari. 16 Nang panahong iyon, iniutos ni Ezekias na tanggalin sa mga pintuan ng Bahay ni Yawe ang mga gintong ipina¬la¬muti niya mismo sa mga iyon, at ibinigay niya ito sa hari ng Asiria.
17 Mula sa Lakis, sinugo ng hari ng Asiria ang isa sa kanyang mga heneral kasama ang isang malaking hukbo kay Haring Ezekias sa Jerusalem. Umahon sila sa Jerusalem at tumigil sa may pada¬luyan ng tubig ng Tangkeng nasa Itaas sa daan ng Bukid ng Tagapaglaba. Tinawag ng heneral ang hari, 18 at dumating si Eliakim na anak ni Helkias na tagapamahala ng palasyo kasama ang sekretar¬yong si Sobna at ang taga¬pagtalang si Yoas na anak ni Asaf.
19 Sinabi ng heneral sa mga ito: “Sa¬bihin ninyo kay Ezekias ang mensaheng ito ng dakilang hari ng Asiria: Ang laki naman ng tiwala mo! 20 Akala mo’y maru¬nong ka at may lakas sa labanan, pero magaling ka lamang sa salita. At sino ang pinanananganan mo sa pag¬hihimagsik sa akin?
21 Nananangan ka sa Ehipto, isang ba¬ling tungkod na bumubutas sa palad ng sumasandig sa kanya. Ganyan si Paraong hari ng Ehipto para sa lahat ng suma¬sandig sa kanya. 22 Maaari rin na¬mang sabihin mo sa akin: ‘Kay Yaweng Diyos namin lamang kami sumasandig.’ Di ba’t kanya ang mga dambana at mga altar sa burol na ipinaalis ni Ezekias nang sabihin nito sa mga taga-Juda at Jerusalem: ‘Sa altar na ito la¬mang kayo sasamba?’
23 Kaya makipagkasundo sa hari ng Asiria na aking panginoon. Bibigyan kita ng dalawanlibong kabayo kung may sapat kang mangangabayo. 24 Pero ni hindi mo nga kayang paurungin ang pinaka¬mahinang heneral ng aking pa¬ngi¬noon! Ikaw na sa Ehipto umaasa pa¬ra sa mga karwahe at manganga¬bayo! 25 Sa akala mo ba’y aahon ako para lu¬subin at wa¬sakin ang lupaing ito nang walang pahin¬tulot ni Yawe? Siya mismo ang nag¬sabi sa akin na mag¬punta rito at sakupin ito.”
26 At sinabi nina Eliakim, Sobna at Yoas sa heneral: “Maaari kayang sa Ara¬meo ninyo kausapin ang inyong mga lingkod dahil iyon ang naiintindi¬han namin. Huwag sana kayong mag-salita sa amin sa Hebreo nang naririnig ng mga nasa taas ng pader.”
27 Ngunit sinabi ng heneral: “Sa akala ba ninyo’y sa inyong panginoon at sa inyo lamang ako sinugo ng aking panginoon para sabihin ang mga ba¬gay na ito at hindi sa mga taong naka¬upo sa pader na kasama ninyong ka¬kain ng inyong dumi at iinom ng inyong ihi?”
28 At tumindig ang heneral at sumigaw nang malakas sa wikang Hebreo: “Pa¬king¬gan ninyo ang salita ng daki¬lang hari ng Asiria: 29 H’wag kayong palinlang kay Ezekias! Hindi niya kayo ma-ililigtas! 30 H’wag kayong maniwala sa kanya kapag sinabi niyang dapat mag¬tiwala kay Yawe, na kayo’y tiyak na ililigtas ni Yawe at hindi niya ibibigay ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Asiria. 31 H’wag si Eze¬kias ang paking¬gan ninyo kundi ang hari ng Asiria na nagsasabing: ‘Makipag¬kasundo kayo sa akin at sumuko.’ At ma¬kakakain ang bawat isa sa kanyang uba¬san at puno ng igos, at iigib ng tubig mula sa kanyang balon. 32 At darating ako at dadal¬hin kayo sa isang lupaing tulad ng sa inyo, sa lupain ng mga trigo at bagong alak, lupain ng tinapay at uba-san, ng la¬ngis at pulot-pukyutan. Kaya mabu¬bu¬hay kayo, sa halip na mamatay sa gutom!
Huwag kayong palinlang kay Eze¬kias na nagsasabi sa inyo na ililigtas kayo ni Yawe. 33 Nailigtas ba ng mga diyos ng mga bansa ang kanilang lu¬pain mula sa kamay ng hari ng Asiria? 34 Nasaan ang mga diyos ng Hamat at Arpad? Nasaan na ang mga diyos ng Sefarvayim, Hena at Iva? Na¬iligtas ba nila ang Samaria sa aking kamay? 35 Sino sa mga diyos ng mga lu-paing ito ang nakapagligtas ng kanyang bayan sa aking mga kamay? Pa¬ano nga¬yon maililigtas ni Yawe ang Je¬ru¬salem sa aking mga kamay?”
36 Nanatiling walang imik ang lahat sa¬pagkat utos ng hari na huwag silang sa¬sagot.
37 At bumalik kay Ezekias si Eliakim kasama sina Sobna at Yoas na punit ang mga damit, at sinabi sa kanya ang winika ng heneral.

19 1 Nang marinig ito ni Haring Ezekias, pinunit niya ang kanyang damit, nagsuot ng sako at pumunta sa Ba¬hay ni Yawe. 2 Pina¬punta niya kay Pro¬peta Isaias na anak ni Amos si Elia¬kim na tagapamahala ng palasyo, si Sobnang sekretaryo at ang mga nakatatandang pari na pawang nakadamit ng sako. 3 At sinabi nila kay Isaias: “Ito ang ipinasasabi ni Ezekias: Araw ngayon ng pagkabalisa, parusa at kahihiyan, gaya ng kung pa¬anong may sanggol na isisilang ngunit walang lakas na ma¬iluwal. 4 Marinig sana ni Yawe ang mga salita ng heneral na sinugo ng kanyang panginoong hari ng Asiria. Pagalitan sana siya ni Yaweng iyong Diyos dahil sa mga katagang bini¬tiwan niya, na hinahamak ang Diyos na buhay. Kayat ipanalangin mo ang ilan sa ating nanga-labi.”
5 Nang dumating kay Isaias ang mga opisyal ni Haring Ezekias, 6 sinabi niya sa mga ito: “Sabihin ninyo sa inyong pangi¬noon ang salitang ito ni Yawe: Hu¬wag matakot dahil sa narinig mong ka¬lapas¬tanganang pinagsasabi laban sa akin ng mga kampon ng hari ng Asiria. 7 Makinig ka! Liligaligin ko siya sa mga balita kaya babalik siya sa kan¬yang bansa at doon siya mamamatay sa tabak.”
8 Umalis nga ang heneral at nang ma¬balitaan niyang umalis ang hari sa Lakis, natagpuan niya ito na naki¬kipaglaban sa Libna. 9 Nabalitaan pala ni Ha¬ring Sena¬kerib na sasalakayin siya ni Tirhakang haring Kusita ng Ehipto.
Sulat ng hari ng Asur kay Ezekias
10 Kaya muli siyang nagpadala kay Eze¬kias ng mga sugong tinagubilinan niya ng ganito: “Sabihin ninyo kay Ezekias na hari ng Juda: Huwag kang palinlang sa iyong Diyos na pina-nanaligan mo dahil sa sinabi niyang hindi ma¬huhulog ang Jerusalem sa mga kamay ng hari ng Asiria. 11 Tiyak na narinig mo na kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa mga lupaing kanilang winasak. At maliligtas ka ba? 12 Iniligtas ba ng mga diyos ang mga lupaing winasak ng aking mga ninuno? Ang Gozan at Haran, ang Resef at ang mga taga-Eden na nasa Tel-asar? 13 Na¬saan ang mga hari ng Hamat, ng Arpad, ng lunsod ng Sefarvayim, ng Hena at ng Iva?”
14 Kinuha ni Ezekias sa mga sugo ang sulat at pagkabasa’y nagpunta sa Bahay ni Yawe. Ini-ladlad niya iyon sa harap ni Yawe at 15 nana¬langin: “O Yaweng Diyos ng Israel na nakaluklok sa trono sa mga kerubim! Ta¬nging ikaw ang Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa; ikaw ang lumikha ng langit at lupa. 16 Makinig ka, Yawe, at ako’y dinggin! Buk¬san ang iyong mga mata at tumingin! Pakinggan ang mga salitang ipinadala ni Senakerib para hamakin ang Diyos na buhay! 17 Totoo nga, Yawe, na nilipol ng mga hari ng Asiria ang lahat ng bansa at lupain. 18 Sinunog nila’t winasak ang mga diyos ng mga iyon sa¬¬pagkat hindi naman tunay na mga diyos kundi mga kahoy at batong likha lamang ng kamay ng tao. 19 Ngayon, O Yaweng Diyos namin, iligtas mo kami sa kanyang kamay upang malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na tanging ikaw, Yawe, ang Diyos.”
Pumasok si Isaias sa mga pangyayari
20 At ipinasabi ni Isaias na anak ni Amos kay Ezekias: “Ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Israel: “Dininig ko ang iyong pana¬langin tungkol kay Senakerib ng Asiria. 21 Ito ang sinabi ni Yawe laban sa kanya:
‘Minamata ka at pinagtatawanan ng Dalagang Sion;
umiiling sa likuran mo ang Dalagang Jerusalem.
22 Sino’ng hinamak mo’t nilapastangan,
sinigawa’t tinitigan?
Ang Banal ng Israel!
23 Sa ’yong mga sugo, hinamak mo ang Pa¬nginoon
Sapagkat sinabi mo: Sa dami ng karwahe ko,
naakyat ko ang napakatataas na mga bundok,
ang pinakamatayog na lugar ng Lebanon.
Pinutol ko ang pinakamatataas niyang sedro,
ang pinakamagagandang mga sipres.
Narating ko ang pinakamalalayong tuktok
at masusukal na gubat.
24 Naghukay ng mga balon at uminom;
tinuyo ng aking mga talampakan ang lahat ng batis ng Ehipto.
25 Hindi mo ba naririnig na itinakda ko na ito noon pa mang una?
Isasagawa ko ngayon ang binalak ko noon:
gigibain ang napapaderang mga lunsod
at gagawing bunton ng mga guho.
26 Nanlulupaypay ang mga tagaroon,
gulung-gulo at nasisiraan ng loob,
tulad ng damo at murang halaman,
ng damo sa mga bubungan,
na nalalanta na bago pa man sumupling.
27 Alam ko kung kailan ka tumatayo o na¬uupo,
at kung kailan ka galit sa akin.
28 Dahil sa galit mo sa akin
at dahil narinig ko ang kayabangan mo,
ilalagay ko ang aking kawit sa ilong mo
at ang aking bokado sa iyong bibig,
at pababalikin kita sa daang iyong pinangga¬lingan.
29 Ito ang magiging tanda para sa iyo, Ezekias: sa taong ito’y kakanin mo ang anu¬mang natira sa pag-aani at sa susunod na taon naman ang anumang kusang sumisibol. Ngunit sa ikatlong taon ay maghahasik kayo at mag-aani, magtatanim ng ubas at kakain ng bunga nito.
30 May malalabi sa bayan ng Juda na muling mag-uugat sa ilalim at magbubunga sa ibabaw. 31 Sapagkat may malalabi mula sa Jerusalem at may mga natirang buhay na nagmumula sa Bundok Sion. Ang selosong pag-ibig ni Yawe at ng mga Hukbo ang mag¬sasakatuparan nito.
32 Kaya ito ang sinasabi ni Yawe tungkol sa hari ng Asiria: Hindi siya makapapasok sa lun¬sod na ito, ni makatutudla isa mang pa¬laso. Hindi niya ito malulusob nang may toreng de-gulong ni makukubkob ito. 33 Hindi nga siya makapapasok sa lunsod na ito, ba¬balik siya sa daang kanyang pinanggali¬ngan. Ito ang salita ni Yawe. 34 Ipagtatanggol ko ang lunsod na ito at ililigtas alang-alang sa aking sarili at kay David na aking lingkod.”
35 Nang gabi ring iyon ay lumabas ang Anghel ni Yawe at pinatay ang sandaa’t walumpu’t limang libong lalaki sa kampo ng mga Asirio. Sa oras ng paggising kina¬bu¬kasan, hayun! pa¬tay nang lahat, mga bang¬kay na lamang.
36 Kaya pauwing umalis si Senakerib na hari ng Asiria, at nanirahan sa Ni¬neve.
37 Nang sumasamba siya sa templo ng kanyang diyos na si Nisrok, pinatay siya sa tabak ng kanyang mga anak na sina Adramelek at Sareser na nagsita¬kas na¬man sa lupain ng Ararat. At ang kanyang anak na si Esarhadon ang nagharing ka¬halili niya.
Nagkasakit si Ezekias
20 1 Nang mga araw na iyon, nagkasakit nang malubha si Ezekias at nasa bingit na ng kamatayan. Pinuntahan siya ng propetang si Isaias na anak ni Amos, at sinabi: “Ito ang sabi ni Yawe: Isaayos mo na ang iyong sambahayan pagkat mamamatay ka na; hindi ka na gagaling.”
2 Humarap sa dingding si Ezekias at nana¬langin kay Yawe, 3 “O Yawe! Alalahanin mong lumakad ako sa harap mo nang buong puso’t katapatan, ginawa ko ang nakalu¬lugod sa iyong paningin.” At buong kapai¬tang umiyak si Eze¬kias.
4 Hindi pa nararating ni Isaias ang gitnang patyo nang dumating sa kanya ang salita ni Yawe: 5 “Bumalik ka at sabihin kay Ezekias na pinuno ng aking bayan ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng kanyang amang si David: Narinig ko ang iyong dalangin at nakita ang iyong mga luha. Pagagalingin kita. Sa ikatlong araw mula ngayon, aakyat ka sa Bahay ni Yawe. 6 Darag¬dagan ko pa ng labin¬limang taon ang iyong buhay, at ililigtas kita at ang lunsod na ito mula sa kapang-yarihan ng hari ng Asiria. Ipagtatanggol ko ito alang-alang sa akin at sa aking lingkod na si David.”
8 Sinabi ni Ezekias kay Isaias: “Ano ang magiging palatandaan na pagagalingin ako ni Yawe at papanhik ako sa Bahay ni Yawe sa loob ng tatlong araw?” 9 Sumagot si Isaias: “Ito ang magiging palatandaan mo sa ngalan ni Yawe, na tutuparin nga ni Yawe ang kanyang sinabi: ‘Gusto mo bang ang anino ng ikalawang palapag ay umabante nang sam¬pung baitang o umatras?” 10 Sinabi ni Eze¬kias: “Madaling uma¬bante nang sam¬pung baitang ang anino pero magiging kahanga-hanga kung aatras ito nang sampung bai¬tang.” 11 Tumawag ang propetang si Isaias kay Yawe, at baitang-baitang na pina¬atras ni Yawe ang anino sa sampung baitang sa hagdan na dating sinasakop nito.
7 At sinabi ni Isaias: “Magdala rito ng pina¬tuyong bunga ng igos.” Nagdala nga niyon at itinapal iyon sa sugat, at siya’y gumaling.
12 Nagpadala noon ng mga sulat at isang re¬galo kay Ezekias si Merodac-Baladan na anak ni Baladang hari ng Babilonia, sa¬pagkat nabalitaan niyang nagkasakit ito. 13 Ikinatuwa ito ni Ezekias, at ipinakita sa mga sugo ang kanyang kabang-yaman – ang pilak, ang ginto, ang ma-bangong rekado at pabangong-langis, ang kan¬yang mga san¬data at lahat ng laman ng kanyang mga bodega. Walang bagay sa palasyo o sa kaha¬rian niya na hindi ipinakita ni Ezekias sa kanila.
14 At pinuntahan ng propetang si Isaias si Eze¬kias, at nagtanong: “Ano’ng sabi ng mga taong iyon at saan sila galing?” Sumagot ang hari: “Galing sila sa isang malayong lupain, sa Babilonia.” 15 Sinabi ni Isaias: “At ano ang nakita nila sa iyong bahay?” Sumagot ang hari: “Nakita nila ang lahat ng nasa bahay ko; walang nasa kabang-yaman na hindi ko ipinakita sa kanila.”
16 Kaya sinabi ni Isaias kay Ezekias: “Pa¬kinggan mo ang salitang ito ni Yawe: 17 Dara¬ting ang araw na lahat ng nasa bahay mo at lahat ng tinipon ng iyong mga ninuno hang¬gang sa araw na ito ay hahakutin sa Babi¬lonia; wa¬lang matitira, sabi ni Yawe. 18 At kukunin ang ilan sa iyong mga anak na lalaki na sarili mong dugo at laman para maging mga eunuko sa palasyo ng hari ng Babi-lonia.” 19 Sumagot si Ezekias kay Isaias: “Maganda ang sinabi ni Yawe,” sapagkat na¬isip niya: “Ayos lang, basta panatag at ligtas ako sa buhay ko.”
20 Ang iba pang tungkol kay Ezekias at ang lahat tungkol sa kanyang kagitingan, kung paano niya itinayo ang malaking tangke ng tubig at kung paano ito nagbigay ng tubig sa lunsod ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ng Juda. 21 Nang mahimlay si Ezekias sa piling ng kanyang mga ninuno, si Manases na kanyang anak ang naghari ng kahalili niya.
Manases, hari ng Juda
21 • 1 Labindalawang taon si Manases nang maging hari at limampu’t limang taon siyang naghari sa Jerusalem. Hef¬ziba ang pa¬nga¬lan ng kanyang ina.
2 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yawe at tinularan ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga bansang pinalayas ni Yawe sa lupain para ibigay iyon sa mga Israelita. 3 Itinayo niyang muli ang mga altar sa burol na winasak ng kanyang amang si Ezekias, at nag¬¬tayo pa siya ng mga altar para sa Baal. Gumawa siya ng sagradong posteng gaya ng ipinagawa ni Ahab na hari ng Israel. Lumuhod siya sa harap ng lahat ng bituin sa langit at sinamba ang mga iyon. 4 Nagtayo siya ng mga altar sa patyo ng Bahay ni Yawe na siyang tinukoy ni Yawe sa pag-sasa¬bing: “Sa Jerusalem ko patitirahin ang aking Pangalan.”
5 Nagtayo siya ng mga altar para sa mga bituin sa langit sa dalawang patyo sa Bahay ni Yawe. 6 Sinunog niya bilang handog ang kan¬yang anak na lalaki. Ginamit niya ang panghu¬hula at mahika, at nagtalaga ng mga mang¬hu¬hula at salamangkero. Marami siyang ginawang masama sa paningin ni Yawe, na ikinagalit nito. 7 At nagtayo pa siya ng sagradong posteng Asera sa Bahay ni Yawe gayong sinabi ni Yawe kay David at sa anak nitong si Solomon:
8 “Sa Bahay na ito ko ilalagay ang aking Pa¬¬nga¬lan magpasawalang-hanggan sapag¬kat pinili ko ang Jerusalem mula sa lahat ng tribu ng Israel. Hindi ko na pagagalain pa ang Israel na malayo sa lupaing bigay ko sa ka¬ni¬lang mga ninuno, kung sisikapin nilang tuparin ang buong batas na bigay sa kanila ng aking lingkod na si Moises.”
9 Ngunit hindi sila nakinig. Iniligaw sila ni Ma¬nases, at mas masahol pa ang ginawa nila kaysa mga bansang pinaalis ni Yawe sa harap ng mga Israelita. 10 Kaya nagsalita si Yawe sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod na pro¬¬peta at sinabi:
11 “Pinag-ibayo ni Manases na hari ng Juda ang mga kasuklam-suklam na gawain, at mas masahol pa ang ginawa niya kaysa mga Amor¬reo noon. Pinapagkasala niya ang sambaya¬nan ng Juda sa pamamagitan ng kanyang mga diyus-diyusan.
12 Kaya dadalhan ko ang Jerusalem at Juda ng isang napakalaking kapahamakan na mapa-pahugong sa mga tainga ng sinu¬mang maka¬rinig nito. Sasapitin ng Jerusalem at ng mga hari nito ang kapalaran ng Samaria at ng sam¬ba¬hayan ni Ahab. 13 Pupu¬nasin ko ang Jeru¬salem tulad ng pagpu¬pu¬nas sa pinggang nililinis na iti¬na¬taob pag¬katapos. 14 Palalayasin ko ang na¬la¬labi pa sa aking bayan at ibibigay sila sa ka¬may ng kanilang mga kaaway para biktima¬hin at samsaman. 15 Sapagkat ginawa nila ang ma¬sama sa aking paningin at ginalit ako mula sa araw na lumabas mula sa Ehipto ang kani¬lang mga ninuno hanggang ngayon.”
16 Nagpadanak din ng dugo ng mga walang-sala si Manases at napuno nito ang Jerusalem sa magkabilang-dulo. Bukod pa rito’y pinapag¬kasala niya ang Juda, kaya ginawa nila ang ma¬sama sa paningin ni Yawe. 17 Ang iba pang tung¬kol kay Manases, ang lahat niyang ginawa at lahat niyang kasalanan ay nasa Mga Pangya¬yari sa Mga Hari ng Juda.
18 Nahimlay si Manases sa piling ng kan¬yang mga ninuno, at inilibing sa hardin ng kanyang bahay, na halamanan ng Uza. At si Amon na kanyang anak ang nagharing kahalili niya.
19 Dalawampu’t dalawang taon si Amon nang magsimulang maghari, at dalawang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ang pa¬ngalan ng kanyang ina ay Mesulemet na anak ni Harus, mula sa lunsod ng Yotba. 20 Gi¬nawa niya ang masama sa paningin ni Yawe, tulad ng kanyang amang si Manases. 21 Ganap niyang sinundan ang mga yapak ng kanyang ama – pinaglingkuran niya ang mga diyus-diyusang pinaglingkuran ng kanyang ama at niyukuan niya ang mga iyon. 22 Iniwan niya si Yaweng Diyos ng kanyang mga ninuno, at hindi tinahak ang landas ni Yawe.
23 Nagsabwatan ang mga opisyal ni Amon la¬ban sa kanya, at pinatay siya ng mga ito sa kanyang bahay. 24 Ngunit pinatay naman ng mga mamamayan ang lahat ng nagpakana laban sa hari, at si Yosias na kanyang anak ang iniluklok nilang haring kahalili niya.
25 Ang iba pang tungkol kay Amon at lahat niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Juda. 26 Inilibing siya sa kanyang puntod sa halamanan ng Uza. At si Yosias na kan¬yang anak ang nagharing kahalili niya.
Nadiskubre ang Aklat ng Batas
22 • 1 Walong taon si Yosias nang mag¬¬simulang maghari at tat¬lum¬pu’t isang taon siyang naghari sa Jeru¬salem. Ang kanyang ina ay si Yedi¬dang anak ni Asias ng Boskat. 2 Ginawa niya ang tama sa paningin ni Yawe, at sinun¬dan ang mga yapak ng kanyang amang si David, na hindi lumihis sa kanan man o sa kaliwa.
3 Sa ikalabingwalong taon ng kanyang paghahari, sinugo ni Haring Yosias sa Bahay ni Yawe ang kanyang sekretaryong si Safan na anak ni Asalia na anak naman ni Mesulam, at sinabi: 4 “Puntahan mo ang punong-paring si Helkias at ibigay sa kanya ang perang inialay ng mga tao sa Bahay ni Yawe, na nilikom ng mga bantay-pinto. 5 At kapag napag-isa na ang mga iyon ay ipagkatiwala naman sa mga namamahala sa Bahay ni Yawe. Baba¬ya¬ran nila sa perang ito ang mga nagku¬kum¬¬puni sa Bahay. 6 Baya¬ran ang mga karpintero, mga tagapagtayo at mga kan¬tero. At pabilhin din sila ng mga kahoy at mga batong kailangan sa pagpapa¬ayos ng Bahay. 7 Ngunit huwag silang hihi¬ngan ng kuwenta ng gastos sa¬pag¬kat mata¬ta¬pat silang tao.”
8 Sinabi noon ng punong-paring si Hel¬kias sa sekretaryong si Safan: “Na¬tag¬puan ko ang Aklat ng Batas sa Bahay ni Yawe.” Ibinigay niya iyon kay Safan, at binasa naman nito iyon. 9 Nag¬punta si Safan sa hari at sinabi: “Nalikom na namin ang pera sa Bahay at naipagkatiwala na sa mga namamahala sa Bahay para maipaayos ito.” At idinugtong niya: “May ibinigay na libro sa akin ang pa¬ring si Helkias.”
10 At binasa ni Safan ang aklat sa harap ng hari. 11 Nang marinig ng hari ang ni¬lalaman ng aklat, winarak niya ang kan¬yang damit, 12 at iniutos kina Helkias, Ahi¬kam na anak ni Safan, Akbor na anak ni Mikayas at sa sekretaryong si Safan at sa ministro niyang si Asaias: 13 “Sige, ita¬nong ninyo kay Yawe kung ano ang ibig sabihin ng nilalaman ng librong ito na natagpuan mo. Tanungin ninyo siya para sa akin, para sa bayan at sa buong Juda. Hindi pina¬kinggan ng ating mga ninuno ang sinasabi sa aklat na ito, ni ang mga ordinansa, kaya nag-aapoy ang galit ni Yawe laban sa atin.”
14 Kinonsulta ng paring si Helkias at nina Ahikam, Akbor, Safan at Asaias ang pro¬petang si Hulda na maybahay ni Salum na anak ni Tikba na anak naman ni Harhas, na tagapag-ingat ng mga damit. Sa bagong lunsod sa Jeru¬salem siya nakatira.
15 Sumagot si Hulda: “Sabihin ninyo sa taong nagsugo sa inyo sa akin na 16 ito ang sinasabi ni Yawe: Dadalhan ko ng kapahamakan ang lugar na ito at ang mga tagarito ayon sa lahat ng salita sa librong binasa ng hari ng Juda, 17 sapag¬kat iniwan nila ako at nagsunog sila ng insenso sa kara¬ngalan ng ibang mga diyos. Napopoot ako sa lugar na ito dahil sa lahat nilang ginawa, at di maapula ang apoy ng aking poot.
18 Sabihin ninyo ang sagot na ito sa hari ng Juda na nagsugo sa inyo para sumangguni kay Yawe. Ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Is¬rael: Narinig mo ang mga salitang iyon. Ngu¬nit hindi aabot sa iyo ang mga babala ng librong ito 19 dahil naantig ang iyong puso at nagsisi ka sa harap ni Yawe nang marinig mo ang sinabi ko laban sa lugar na ito at sa mga tagarito na ma¬-giging paksa ng pagtataka at sumpa. Wi¬na¬rak mo ang iyong damit at umiyak sa harap ko, at dininig kita, sabi ni Yawe. 20 Kayat maka¬ka¬pi¬ling mo ang iyong mga ninuno; mamamatay ka at ililibing na mapayapa. At hindi makikita ng iyong mga mata ang alinman sa mga ka¬pahamakang ipadadala ko sa lugar na ito.”
Repormang panrelihiyon ni Yosias
23 1 Tinawag ng hari sa kanyang tabi ang lahat ng matatanda sa Juda at Jerusalem. 2 At umakyat siya sa Bahay ni Yawe, kasunod ang mga sambayanan ng Juda at Jerusalem. Sumama sa kanya ang mga pari at ang mga propeta, at ang buong bayan, mula sa pinakabata hang¬gang sa pinakamatanda. Nang nagkaka¬tipon na ang lahat, binasa ng hari ang Aklat ng Batas na natagpuan sa Bahay ni Yawe.
3 Tumayo ang hari sa tabi ng haligi; pinag¬tibay niya ang tipan sa harap ni Yawe sa pangangakong susunod sa kanya, buong puso at buong espiritung susundin ang mga utos, pasya at ka¬uga¬lian ni Yawe, at tutuparin ang tipan ayon sa nasusulat sa Aklat.
Kasama niyang pinanumpaan ng bu¬ong bayan ang tipan.
4 At iniutos ng hari sa punong-paring si Helkias at sa iba pang mga paring ma¬baba ang ranggo, at sa lahat ng ban¬tay-pinto na ilabas ang lahat ng bagay na ipi¬nagawa para sa Baal, Asera at sa mga bituin sa langit. Ipina¬sunog ng hari ang mga iyon sa labas ng Jerusalem, sa ti-wang¬wang na lupain ng Kidron, at ipina¬dala ang abo sa Betel.
5 Pinalayas ni Yosias ang mga paga¬nong paring hinirang ng mga hari ng Juda na nag-alay ng mga handog sa mga altar sa burol sa iba’t ibang lunsod ng Juda at sa mga karatig ng Jerusalem, ang mga nag-alay ng insenso sa Baal, sa araw, sa buwan, sa mga bituin at sa buong kala¬ngi¬tan. 6 Inilabas sa Je¬rusalem ang Sagra¬dong Posteng nasa Bahay ni Yawe, dinala sa batis ng Kidron at doon sinunog, at iti¬napon ang abo sa libingang-bayan.
7 Ipinagiba ng hari ang bahay ng mga baklang nagbibili ng sarili (tulad ng gi¬na¬gawa sa kulto ng Asera). Nasa loob ito ng mga patyo ng Bahay ni Yawe, at sa bahay ding ito naghahabi ng belo ang mga ba¬bae para sa Asera.
8 Pagkatapos nito, pinapunta niya sa Jerusalem ang lahat ng paring nasa mga lunsod ng Juda, at winasak niya ang lahat ng altar sa burol na pinag-alayan nila ng handog mula Berseba sa timog hanggang Geba sa hilaga. Winasak niya ang Altar ng mga Pintuan na nasa bungad ng Pintuan ni Josue na go¬bernador ng lunsod. Nasa gawing kali¬wa ito ng pintuang pasukan ng lun-sod.
9 Ang mga pari namang naglingkod sa mga altar sa burol ay hindi na naka¬pag-alay ng handog sa Bahay ni Yawe sa Jerus¬alem. Kumain sila ng tinapay na walang lebadura kasama ng iba pang mga pari.
10 Ipinagiba ng hari ang lugar na tinawag na Topet sa lambak ng Ben-Hinom upang wala nang makapagsunog ng kanilang anak na lalaki at babae ayon sa ritwal ni Molek. 11 Inalis niya sa pasukan ng Bahay ni Yawe ang mga kabayong itinalaga ng mga hari ng Juda sa araw; nasa bul-wagan ang mga ito, malapit sa bahay ni Natanmelek na isang opisyal sa pa¬lasyo. At sinunog ang mga karwaheng inihandog sa araw. 12 May mga altar na ipinatayo ng mga hari ng Juda sa bubungan ng palasyo ni Ahaz. Mayroon ding mga altar na ginawa ni Manases sa dala¬wang patyo sa Bahay ni Yawe. Ipinawasak na lahat ni Yosias ang mga ito hanggang maging pulbos at ipinatapon sa batis ng Kidron.
13 Giniba ng hari ang mga altar sa burol na nakaharap sa Jerusalem, sa timog ng Bun¬dok ng Mga Olibo. Itinayo ang mga ito ni Solomong hari ng Israel para kay Astarteng diyos ng mga Sidonio; kay Kemos na diyos ng Moab; at kay Milkom na diyos ng mga Amonita. 14 Dinurog ng hari ang mga sag¬radong bato, pinutol ang mga sagradong poste, at tinambakan ng mga buto ng tao ang mga lugar na ito para gawing di-malinis.
• 15 Naroon din ang santuwaryo ng Betel na kinaroroonan ng altar na itinayo ni Yero¬boam na hari ng Israel; ang pag¬sambang ito ang na¬ging pagkakasala ng Israel. Winasak ng hari ang santuwaryo at ang altar; sinunog niya at d¬inurog ang santuwaryo at sinunog din ang sa¬gradong poste. 16 Sa paglinga ni Yosias, naka¬ki¬ta siya ng mga nitso sa bun¬dok; ipinahukay niya ang mga buto at ipina¬sunog ang mga iyon sa altar para lapas¬tanganin ito. Kaya natupad ang salita ni Yawe na ipinahayag ng tao ng Diyos habang naka¬tayo si Yeroboam sa tabi ng altar sa isang piyesta. Napansin ni Yosias ang libingan ng taong ito ng Diyos, 17 at sinabi niya: “Anong bantayog ang nakikita kong iyon?” Si¬nabi sa kanya ng mga tagalunsod: “Iyon ang li¬bingan ng tao ng Diyos na dumating galing Ju¬da para ipahayag ang ginawa mo ngayon sa a¬ltar ng Betel.” 18 Iniutos ng hari: “Bayaan nin¬¬yong ma¬na¬¬himik ang kanyang mga buto.” At hindi nga ginalaw ang kanyang mga buto, ka¬sa¬¬ma ang mga buto ng prope¬tang taga-Samaria.
19 Inalis din ni Yosias ang lahat ng templo sa burol sa mga lunsod ng Samaria. Ikinagalit nga ni Yawe ang mga itinayong iyon ng mga hari ng Israel. At ginawa ng hari sa mga iyon ang gi¬nawa niya sa templo ng Betel.
20 Pinatay niya sa mga altar ang lahat ng pari ng mga altar sa burol na natagpuan doon, at nagsunog siya ng mga buto ng tao sa mga altar. At saka siya nagbalik sa Jeru¬salem.
21 Iniutos ito ng hari sa buong bayan: “Ipag¬di¬wang ang Paskuwa sa karangalan ni Yaweng inyong Diyos, ayon sa nasusulat sa Aklat na ito ng Tipan.”
22 Wala pang Paskuwang naipagdiriwang na tulad nito mula sa panahon ng Mga Hukom na namahala sa Israel, o noong pa¬nahon ng mga hari ng Israel at ng Juda. 23 Ipinag¬diwang ang Paskuwa sa Jerusalem sa ikalabingwalong taon ni Haring Yosias.
24 Sinunod ni Yosias ang lahat ng sinasabi ng Batas na nasusulat sa aklat na natagpuan ng paring si Helkias sa Bahay ni Yawe. Ini¬ligpit niya ang mga espiritista at mga mang¬huhula, ang maliliit na diyos ng sam¬bahayan at maru¬ruming diyus-diyusan, at lahat ng kasuklam-suklam na bagay na nakita sa lu¬pain ng Juda at Jerusalem.
25 Hindi pa kailanman nagkaroon ng haring tulad niya, na nagbalik kay Yawe nang buo niyang puso, buong kaluluwa at buong lakas, at sumunod sa lahat ng Batas ni Moises; at hindi na rin nakakita pa ng isang haring tulad niya.
26 Sa kabila nito’y hindi pa rin nilayuan ni Yawe ang lagablab ng kanyang poot. Nag-apoy ito laban sa Juda dahil sa mga pinakanakaiinis na gawa ni Manases. 27 Kaya sinabi ni Yawe: “Ilalayo ko rin sa aking harap ang Juda, kung paano kong inilayo ang Israel; hindi ko na isasaalang-alang ang Jerusalem na lunsod na aking pinili ni ang Bahay na sinabi kong ‘Dito nananahan ang aking Pangalan’.”

• 28 Ang iba pang tungkol kay Yosias at ang lahat ng kanyang ginawa ay nasa Mga Pang-yayari sa Mga Hari ng Juda. 29 Nang panahong iyon, tumawid sa Ilog Eufrates si Paraong Neko ng Ehipto para makianib sa hari ng Asur. Lu¬mabas si Haring Yosias para makipagharap dito ngunit pinatay siya ni Neko sa Megiddo nang makita siya nito. 30 At mula sa Megiddo ay dinala sa Jerusalem ng mga alipin ni Yosias ang kan¬yang bangkay na sakay sa isang karwahe, at inilibing siya sa kanyang libingan. At kinuha ng mga mamamayan si Yoacaz na anak ni Yosias, pinahiran ng langis at ginawa itong hari na kahalili ng kanyang ama.
Mga anak ni Yosias
31 Dalawampu’t tatlong taon si Yoacaz nang magsimulang maghari, at tatlong buwan siyang naghari sa Jerusalem. Si Ha¬mital na anak ni Jeremias ng Libna ang kanyang ina. 32 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yawe, tulad ng kanyang mga ninuno. 33 Ikinadena ni Paraong Neko si Yoacaz sa Ribla, sa lupain ng Hamat, sapagkat ayaw niya itong maghari sa Jerusalem. At pinagbuwis niya ang lupain ng sandaang baretang pilak at sampu ng ginto. 34 At inilagay niyang hari si Eliakim na anak ni Yosias bilang kahalili ng kanyang ama, at pinalitan ng Yoakim ang pangalan nito. Ngu¬nit isinama niya si Yoacaz at dinala sa Ehipto, at doon ito namatay.
35 Ibinigay ni Yoakim ang pilak at ginto kay Paraon. At para mabayaran ang buwis na iyon na itinakda nito sa kanya, pinatawan niya buwis ang buong lupain. Kailangang magbayad ng kanyang kota ang bawat isa batay sa kanyang ari-arian. Kaya siningil ni Yoakim sa buong ba¬yan ang ginto at pilak na ibibigay kay Paraon.
36 Dalawampu’t limang taon si Yoakim nang magsimulang maghari at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Si Zobi¬dang anak ni Pedayas ng Ruma ang kanyang ina. 37 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yawe tulad ng kanyang mga ninuno.
Pananakop ni Nabucodonosor
24 1 Nang panahong iyon, sinalakay ni Nabucodonosor na hari ng Babilonia ang lupain. Tatlong taong napailalim sa kanya si Yoakim at saka naghimagsik.
2 Nagpadala si Yawe ng mga pangkat ng mga Kaldeo, Arameo, Moabita at Amonita laban kay Yoakim. Sinalakay nila ang lupain ng Juda at winasak ito ayon sa salita ni Yawe na ipina¬hayag sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod na propeta.
3 Nangyari ang lahat ng ito nang dahil lamang sa utos ni Yawe. Niloob niyang pa¬layasin sa kan¬yang harapan ang bayan ng Juda dahil sa mga kasalanan ni Manases at sa lahat ng ginawa nito, 4 at dahil sa dugo ng mga walang-sala na pinadanak nito at pu¬muno sa buong Jerusalem. Dahil sa lahat ng ito kaya ayaw magpatawad ni Yawe.
5 Ang iba pang tungkol kay Yoakim at sa lahat niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Juda. 6 Nahimlay si Yoakim sa piling ng mga ninuno. At si Yoakin na kan¬yang anak ang nagharing kahalili niya.
7 Hindi na muling umalis sa sariling lupain ang hari ng Ehipto sapagkat nasakop na ng hari ng Babilonia ang lahat niyang lupain mula sa batis ng Ehipto hanggang Ilog Eufrates.
Unang pagkatapon
• 8 Labingwalong taon si Yoakin nang hu¬malili siya sa kanyang ama, at tatlong buwan siyang naghari sa Jerusalem. Si Nehustang anak ni Elnatan ng Jerusalem ang kanyang ina. 9 Ginawa niya ang ma¬sama sa paningin ni Yawe, tulad ng kan¬yang ama.
10 Dumating nang panahong iyon ang mga opisyal ni Nabucodonosor na hari ng Babilonia para salakayin ang Jerusalem at pinaligiran ng mga ito ang lunsod. 11 Du¬¬mating naman si Nabucodonosor nang kinukubkob na ng kanyang mga ta¬uhan ang siyudad.
12 Sumuko si Yoaking hari ng Juda, ka¬sama ang kanyang ina, ang kan¬yang mga alipin, mga pinuno at mga opisyal ng pa¬lasyo. Ikawalong taon noon ng pag¬ha¬hari ni Nabu¬codonosor. Ibini-lang¬go siya ni Nabuco¬donosor 13 at ki¬nuha ang mga ka¬yamanan sa Bahay ni Yawe at sa bahay ng hari. Sinira rin niya ang lahat ng bagay na yari sa ginto na gina¬wa ni Solomong hari ng Israel sa santuwaryo ni Yawe. Kaya na¬¬¬tupad ang salita ni Yawe.
14 Ipinadeport ni Nabucodonosor ang lahat ng mga pinuno at mga kilalang tao, ang mga panday at mga manggagawa, lahat ng lalaking magi¬giting at mandi¬rigma. Sampung libong lahat ang ipina¬deport sa Babilonia. Ang mga kara¬niwang tao lamang ang naiwan. 15 Dinala ring bi¬hag ni Nabuco¬donosor si Yoakin, ang ina nito at mga asawa, ang mga opisyal sa palasyo at ang mga ki¬lalang tao ng lupain.
16 Kaya ipinadeport sa Babilonia ng hari ng Babilonia ang lahat ng pitong libong mahahalagang tao, sanlibong pan¬day at manggagawa at lahat ng ma¬gi¬giting na mandirigma.
17 Ginawa niyang hari ng Jerusalem si Matanias na tiyo ni Yoakin bilang ka¬halili ni Yoakin, at ginawang Sedekias ang pangalan nito.
18 Dalawampu’t isang taon si Sedekias nang maghari at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Si Hamutal na anak ni Jeremias ng Libna ang kanyang ina. 19 Ginawa niya ang masa-ma sa pa¬ningin ni Yawe, tulad din ng ginawa ni Yoakin. 20 Kaya bumagsak ang galit ni Yawe sa Jerusalem at Juda, hanggang pala¬yasin niya ang mga ito sa kanyang harapan.
Sinakop at winasak ng mga Kaldeo ang Jerusalem
25 1 Sa ikasiyam na taon ng paghahari ni Sedekias, sa ikasampung araw ng ikasampung buwan, dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari ng Babilonia, kasa¬ma ang buo niyang hukbo. Nagkampo sila sa labas ng lunsod at nag¬tayo ng pangkub¬kob sa paligid nito. 2 Ki¬nubkob ang lun¬sod hanggang sa ika¬labing-isang taon ni Sedekias.
3 Sa ikasiyam na araw ng ikapat na buwan, tumindi ang taggutom sa lunsod, at walang tinapay na makain ang mga mamamayan. 4 Kayat nang ma¬bu¬tas ang pader ng lunsod, nagsitakas sa dilim ng gabi ang buong hukbo ng Juda sa pintuang nasa pagitan ng dalawang pader na malapit sa hardin ng hari, samantalang naka¬paligid pa sa lunsod ang mga Kaldeo at tumakas sila pa-Araba.
5 Hinabol ng mga Kaldeo si Haring Sedekias at naabutan siya sa kapata¬gan ng Jerico. Kayat napahiwalay sa kanya at nag¬kawatak-watak ang buo niyang hukbo.
6 Nabihag ng mga Kaldeo ang hari at dinala siya sa Ribla sa lupain ng Hamat at doon siya hinatulan ng hari ng Babi¬lonia. 7 Sa harap niya, pinatay ng hari ng Babi¬lonia ang kanyang mga anak na lalaki. Pagkatapos ay dinukit nito ang kanyang mga mata, ikinadena sa dalawang tani¬ka-lang tanso at dinala sa Ba¬bilonia.
8 Sa ikapitong araw ng ikalimang bu¬wan ng ikalabinsiyam na taon ni Na¬bu¬codonosor na hari ng Babilonia, pi¬na¬sok ni Nabuzaradang pinuno ng mga bantay at opisyal ng hari ng Babilonia ang Jeru¬salem. 9 Sinunog nito ang Ba¬hay ni Yawe at ang palasyo ng hari, at lahat ng maha¬ha-lagang bahay sa Jeru¬salem. 10 Giniba ng hukbong Kaldeo sa pamumuno ng pi¬nuno ng mga bantay ang lahat ng pader na nakapaligid sa Jerusalem.
11 Binihag at dinala ni Nabuzaradang pinuno ng mga bantay ang labi ng mga taumbayang nanatili sa lunsod, ang mga sumapi sa hari ng Babilonia at ang nala¬labi pa sa mga manggagawa. 12 Ngu¬¬¬nit iniwan niya ang mga hamak at karani¬wang tao para magtrabaho sa mga uba¬san at magbungkal ng lupa.
13 Sinira ng mga Kaldeo ang mga hali¬ging tanso, ang mga patungan at ang Dagat na tanso sa Bahay ni Yawe, at di¬nala sa Babilonia ang lahat ng tanso.
Ikalawang pagkatapon
14 Tinangay rin nila ang mga kaldero, pala, panggupit ng mitsa, mga kutsara at lahat ng bagay na tanso na ginagamit sa altar. 15 Kinuha naman ng pinuno ng mga bantay ang mga insensaryo, mga plang¬ganang gamit sa pagwi¬wisik at lahat ng yari sa ginto o pilak. 16 Ang dalawang haligi, ang Dagat at ang mga patu¬ngang ipina¬gawa ni Haring Solomon para sa Bahay ni Yawe – di matimbang sa bigat ang lahat ng tansong ito!
17 May taas na dalawampu’t pitong talampakan ang bawat haligi. Nasa ibabaw ng bawat isa ang pinakatuktok na tanso na apat na talam¬pakan ang taas at napaliligiran ng isang lambat ng mga palamuting prutas na tanso.
18 Dinala ring bihag ng pinuno ng mga bantay ang punong-paring si Serayas, at ang puma-pangalawa ritong si Sofonias, pati ang tatlong bantay-pinto.
19 Kinuha rin niya sa mga nasa lunsod ang isang opisyal na pinuno ng hukbo, at limang tagapayo ng hari na nakita sa lunsod, pati ang kalihim ng pinuno na namamahala sa pagpapalista sa mga sundalo, at animnapu sa mga tauhan nito na natagpuan sa lunsod. 20 Kinu¬hang lahat ito ni Nebuzaradan at dinala sa hari ng Babilonia sa Ribla. 21 Ipina¬patay sila ng hari ng Babilonia doon sa Ribla sa lupain ng Hamat. Kaya itinapon ang Juda, malayo sa sariling lupain.
Gedalias, gobernador ng Juda
22 Sa mga nanatili sa bayan ng Juda na iniwan ni Nabucodonosor na hari ng Babilonia, itina-laga niyang gobernador si Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan. 23 Nang maba-litaan ng mga pinuno ng hukbo at ng kanilang mga tauhan na si Gedalias ang hinirang ng hari ng Babilonia bilang gobernador, pinuntahan nila si Gedalias sa Mizpa. Sila ay sina Ismael na anak ni Netanias, Yohanan na anak ni Karea, si Sera¬yas na anak ni Tanhumet na Netofita, si Yazanias na anak ng Maakati, at ang mga tauhan ng mga ito. 24 Nanum¬pa si Gedalias at sinabi sa kanila at sa kanilang mga tauhan: “Huwag ka¬yong matakot na pasakop sa mga Kaldeo. Ma¬na¬tili kayo sa lupain at pag¬lingkuran ang hari ng Babilonia, at magiging mabuti ang lahat para sa inyo.”

25 Ngunit sa ikapitong buwan, si Ismael na anak ni Netanias na anak ni Elisama, na kamag-anak ng hari, ay dumating kasama ang sampu niyang tauhan, at pinatay si Gedalias pati ang mga Judio at mga Kal¬deong kasama nito sa Mizpa. 26 Kaya nagsi¬takas pa-Ehipto ang buong bayan, mula sa pinakaaba hanggang sa pinaka¬dakila, kasama ang mga pinuno ng hukbo, dahil sa takot sa mga Kaldeo.
27 Sa ikatatlumpu’t pitong taon ng pagka¬deport kay Yoaking hari ng Juda, nagsi¬mulang maghari si Evil-Merodak na hari ng Babilonia, at nang taon ding iyon sa ika¬dalawampu’t pi¬tong araw ng ikalabin¬dalawang buwan, nahabag siya kay Yoakin at pinalaya ito mula sa pagka-bilanggo. 28 Mabait siyang kinausap nito at pina¬ki¬tunguhan nang mas mabuti kaysa iba pang mga haring kasama nito sa Babilonia.
29 Hinubad ni Yoakin ang damit ng bi¬langgo, at kumain siyang kasalo ang hari sa nalalabi pa niyang buhay.
30 Araw-araw siyang sinusustentuhan ng hari ng Babilonia sa lahat ng araw ng kan¬yang buhay.Unknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-65798478767196445322008-09-04T13:32:00.001-07:002008-09-04T13:32:55.726-07:001 Mga Hari (Kings)Mga huling taon ni David
1 1 Matandang-matanda na si Haring David, at giniginaw pa rin ka¬hit na ma¬ka¬pal ang kumot. 2 Kaya sinabi sa kanya ng kanyang mga lingkod: “Haha¬nap kami para sa pangi¬noong hari ng isang dalagitang mag-aasikaso at mag-aalaga sa kanya. Ma¬tu¬tulog siyang ka¬sama ninyo, aking pa¬nginoong hari, at ma¬iinitan kayo.”
3 At naghanap nga sila ng isang ma¬gandang dalagita sa buong lupain ng Israel. Natagpuan nila si Abisag ng Su¬nam, at iniharap siya sa hari. Napa¬ka¬ganda ng dalaga. 4 Inalagaan niya’t pi-nag¬lingkuran ang hari ngunit hindi naki¬pagtalik sa kanya ang hari.
5 Samantala, nagpumilit manguna si Adonias na anak ni Hagit kayat nagpa¬handa siya ng isang karwaheng may mga mangangabayo at limampung ta¬uhang tatakbo sa unahan niya. 6 Hindi siya ka¬i¬lanman pinakialaman ng kanyang ama sa pagsasabing “Ba’t ganito ang ginawa mo?” Napakaguwapo ni Adonias at ipina¬nganak siyang kasu¬nod ni Absalom. 7Kinausap ni Adonias si Yoab na anak ni Sarvia at ang paring si Abiatar, at ku¬mampi sila sa kanya. 8 Ngunit hindi sumama sa kanya ang paring si Sadok at si Benayang anak ni Yehoyada at ang propetang si Natan, pati sina Simei at Rei at ang magigiting na mga bantay ni David.
9 Naghandog si Adonias ng mga tupa, baka at pinatabang guya sa may Bato ng Zohelet na malapit sa En-Rogel. Inany¬ayahan niya ang lahat niyang kapatid, ang mga anak ng hari, at lahat ng taga-Juda na mga opisyal ng hari. 10 Ngunit hindi niya kinumbida ang pro¬petang si Natan at si Benaya at ang ma¬gigiting na mga bantay, pati si Solomon na kanyang kapatid.
11 Kinausap naman ni Natan si Bat¬seba na ina ni Solomon: “Hindi mo ba naba¬litaan na si Adonias na anak ni Ha¬git na ang naghahari? At walang ka¬muwang-muwang ang ating pangino¬ong si David. 12 Kaya ito ang payo ko para mailigtas mo ang iyong sarili at ang iyong anak na si Solomon. 13 Hu¬mayo ka’t pasukin si Haring David, at sabihin sa kanyang: Aking panginoong hari, hindi ba’t isi¬numpa mo sa iyong alipin na si Solomon na aking anak ang siya ngang hahalili sa iyo at uupo sa iyong trono? Pero bakit si Adonias ang naghahari ngayon? 14 At habang na-kiki¬¬pag-usap ka pa sa hari, papasok naman ako at sisigundahan ko ang iyong mga salita.”
15 Pinuntahan ni Batseba ang hari sa kuwarto nito. Matandang-matanda na ang hari at si Abisag na Sunamita ang nag-aalaga rito.
16 Yumuko si Batseba at lumuhod sa harap ng hari. Sinabi sa kanya ng hari: “Ano ang gusto mo?” 17 Sumagot si Batseba: “Aking panginoon, isinumpa mo sa iyong alipin sa ngalan ni Yaweng iyong Diyos na ang aking anak na si Solomon ang siya ngang hahalili sa iyo at uupo sa iyong trono. 18 Ngunit ngayon, aking panginoong hari, si Adonias na ang naghahari nang hindi ninyo nama¬malayan. 19 Naghandog na siya ng napakara¬ming baka, mga pinatabang guya at mga tupa, at inanyayahan niya ang lahat ng anak ng hari, pati ang paring si Abiatar at si Yoab na heneral ng hukbo; pero hindi niya inan¬yayahan ang iyong lingkod na si Solo¬mon. 20 At ngayon, O panginoon kong hari, nakatuon sa iyo ang mata ng buong Israel para malaman kung sino ang kahalili mong luluklok sa iyong trono. 21 Kung hindi ito mahahayag bago yumao sa piling ng kan-yang mga ninuno ang aking panginoong hari, ako at ang aking anak na si Solomon ay ituturing na mga kriminal.”
22 Nagsasalita pa siya sa hari nang duma¬ting ang propetang si Natan. 23 At inihayag sa hari: “Narito ang propetang si Natan!” Puma¬sok si Natan at humarap sa hari, yumuko na halos abot sa lupa ang mukha, 24 at sinabi: “Panginoon kong hari, nakapagpasya na ba kayong si Adonias ang siyang hahalili sa inyo at uupo sa inyong trono? 25 Sapagkat lumu¬song siya nga¬yon at naghandog ng napaka¬raming baka, pinatabang guya at tupa. Inanyayahan niya ang lahat ng anak ng hari, ang mga pinuno ng hukbo at ang paring si Abiatar. Kasalo niya sila nga¬yong kumakain at umiinom at sinasabing: Mabuhay si Haring Adonias! 26 Ngunit ako na inyong lingkod, ang paring si Sadok at si Bena¬yang anak ni Yehoyada pati ang inyong lingkod na si Solomon ay di niya inanyayahan. 27 Gawa nga kaya ito ng aking panginoong hari nang hindi ipinaa¬alam sa inyong mga lingkod kung sino ang mau¬upong kahalili ninyo sa inyong trono?”
Humalili si Solomon kay David
28 Sumagot si Haring David: “Tawagin mo si Batseba.” Kayat pumasok si Bat¬seba at humarap sa hari. 29 Su¬mum¬pa ang hari at sinabi: “Buhay si Yawe na sumagip sa akin sa lahat ng kagipitan, 30 at tutu¬parin ko ngayon ang isinumpa ko noon sa iyo sa ngalan ni Yaweng Diyos ng Israel nang sabihin kong ang anak mong si Solomon ang maghaha¬ring kahalili ko at siyang mauupo sa aking trono bilang ka¬palit ko.”
31 Yumuko pagkatapos si Batseba na abot sa lupa ang mukha at nagpugay sa hari, at sinabing: “Mabuhay si Haring David magpakailanman!”
32 Sinabi ni Haring David: “Tawagin ang paring si Sadok, ang propetang si Natan at si Benayang anak ni Yeho¬yada.” At pumasok sila’t humarap sa hari. 33 Sinabi naman sa kanila ng hari: “Isama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon at isakay ninyo ang aking anak na si Solomon sa aking mola. Ilusong ninyo siya sa Gihon, 34 at doon siya papahiran ng langis ng pa-ring si Sadok at ng pro¬petang si Natan bilang hari ng Israel. At hipan ninyo ang trum¬peta at sabihing: Mabuhay si Ha¬ring Solomon! 35 At saka kayo uma¬hong kasunod niya, pupunta siya at luluklok sa aking trono. Siya ang maghaharing kahalili ko sapagkat siya ang inilagay kong pinuno ng Israel at Juda.”
36 Sumagot sa hari si Benayang anak ni Yehoyada: “Amen! Totohanin nawa ito ni Yaweng Diyos ng aking pangino¬ong hari. 37 Kung paanong sumainyo si Yawe, aking panginoong hari, gayun¬din naman sana kay Solomon at gawing mas masagana ang kanyang paghahari kaysa paghahari ng aking panginoong Haring David.”
38 Lumusong nga ang paring si Sadok, ang propetang si Natan at si Benayang anak ni Yehoyada, kasama ang mga Kereteo at mga Peleteo, at pinasakay si Solomon sa mola ni Haring David at si¬namahan sa Gihon. 39 Kinuha ng paring si Sadok ang sungay na sisidlan ng langis mula sa Banal na Tolda at pinahiran si Solomon. Hinipan nila ang trumpeta at nagsigawan ang buong bayan: “Mabuhay si Haring Solomon!” 40 At saka umahong kasunod niya ang buong bayan sa saliw ng mga plauta at malakas na sigawan sa galak. At na¬yanig ang lupa sa kanilang ingay.
41 Narinig ito ni Adonias at ng lahat niyang bisita habang patapos na sila sa pagkain. Pagkarinig sa tunog ng trum¬peta, itinanong ni Yoab: “Ano ang ibig sa¬bi¬hin ng ingay at gulo sa lun¬sod?” 42 Nag¬¬¬sasalita pa siya nang du¬ma¬ting si Yona¬tang anak ng paring si Abiatar at sinabi ni Adonias sa kanya: “Tuloy ka, dahil tiyak na magandang balita ang dala ng isang marangal na taong tulad mo.”
43 Sumagot si Yonatan kay Adonias: “Hindi gayon, sapagkat ginawa nang hari si Solomon ng ating panginoong Haring David. 44 Pinasama sa kanya ng hari ang paring si Sadok, ang prope-tang si Natan, si Benayang anak ni Yehoyada at ang mga Kereteo at mga Peleteo, at pinasakay naman nila siya sa mola ng hari. 45 At sa Gihon, pina¬hiran siya bilang hari ng pa¬ring si Sadok at ng propetang si Natan. Mula roo’y umahon silang nagbubunyi, at nagsigawan naman ang buong siyu¬dad. Iyon ang ingay na narinig ninyo. 46 Naka¬luklok na rin si Solomon sa trono ng hari, 47 at nagsidating ang mga opisyal para batiin ang ating panginoong Ha¬ring David sa pagsasabing: Higit nawang patan¬yagin ng inyong Diyos ang pangalan ni Solomon kaysa inyong pa¬ngalan, at gawing mas dakila ang kanyang pag¬hahari kaysa inyong paghahari. Yumuko sa kanyang higaan ang ha¬ri, 48 at sinabi: “Purihin si Yaweng Diyos ng Israel sapagkat niloob niyang isa sa aking lahi ang lumuklok sa aking trono at makita ito ng aking mga mata.”
49 Nanginig sa takot ang lahat ng bisita ni Adonias at nagsialis, at nag¬kanya-kanyang lakad ang bawat isa. 50 Sa takot ni Adonias kay Solomon, lu¬mapit siya sa altar at kumapit sa mga sungay nito. 51 Iniulat kay Solomon na takot si Adonias sa kanya kaya ku¬mapit ito sa mga sungay ng altar, at sinabing: “Isumpa sa akin ngayon ni Haring Solomon na hindi niya ako ipapapatay sa tabak ng kanyang mga tauhan.”
52 Sumagot si Solomon: “Kung ma¬pa¬¬tu¬tunayan niyang siya’y mara¬ngal na tao, hindi malalaglag sa lupa isa man sa kan¬yang buhok. Ngunit mamamatay siya kung may kasamaang matagpuan sa kanya.” 53 Ipinatawag siya ni Haring Solo¬mon at ibinaba siya mula sa altar. Huma-rap siya at yumuko kay Haring Solomon, at sinabi sa kanya ni Solomon: “Hala, umuwi ka na.”
Mga huling habilin ni David
2 • 1 Nang malapit nang mamatay si David, tinagubilinan niya ang kanyang anak na si Solomon: 2 “Papunta na ako sa hantungan ng sangkalupaan. Magpaka¬tatag ka’t magpaka¬lalaki. 3 Tuparin mo ang mga utos ni Yaweng iyong Diyos, lumakad sa kanyang mga daan at isabuhay ang kanyang mga tuntunin, mga utos, mga batas at mga dekla¬ras¬yon, gaya ng na¬susulat sa Batas ni Moises. At magtatagumpay ka sa lahat mong gagawin at saan ka man pumunta. 4 At tutu¬parin ni Yawe ang pangakong binitiwan niya sa akin: Kung pakakaingatan ng iyong mga anak na lumakad sa harap ko sa katapatan at nang buo nilang puso’t kalu¬luwa, hindi ka mawawalan ng inapo sa trono ng Israel.
5 Alam mo na rin ang ginawa sa akin ni Yoab na anak ni Sarvia, kung ano ang ginawa niya sa dalawang pinuno ng mga hukbo ng Israel na sina Abner na anak ni Ner at Ama¬sang anak ni Yeter. Pinatay niya sila at pina¬danak ang dugo ng dig¬maan sa panahon ng kapayapaan. Kaya bina¬hiran niya ng dugong ito ang sinturon sa kanyang bay¬wang at mga sandalyas sa kanyang mga paa. 6 Kayat kumilos ka ayon sa iyong karu¬nu¬ngan ngunit huwag mo siyang paba¬ba¬yaang mamatay nang mapayapa sa kanyang katandaan. 7 Pagmagandahang-loob mo naman ang mga anak ni Barzilay na taga-Galaad, at isalo mo sila sa iyong hapag sapag¬kat ina¬lala¬yan nila ako nang tumakas ako kay Absalom na iyong kapatid.
8 Alalahanin mo si Simei na anak ni Gerang Benjaminita ng Bahurim. Minura niya ako’t sinumpa nang araw na nagpunta ako sa Mahanaim. Bumaba siya para salubungin ako sa Jordan, at isinumpa ko sa kanya sa ngalan ni Yawe na hindi ko siya papatayin sa tabak. 9 Ngunit huwag mo siyang pawalang-sala nga¬yon sapagkat isa kang taong marunong. Alam mo na ang gagawin mo sa kanya. Madugo ang magiging pagkamatay niya sa kanyang katandaan.
10 Nahimlay si David sa piling ng kanyang mga ninuno, at inilibing sa lunsod ni David. 11 Apatnapung taong naghari si David sa Israel, pitong taon sa Hebron at tatlumpu’t tatlong taon sa Jerusalem. 12 At lumuklok si Solomon sa trono ni David na kanyang ama, at naging ma¬tatag ang kanyang paghahari.
Mga unang gawa ni Solomon
13 Pinuntahan naman ni Adonias na anak ni Hagit si Batsebang ina ni Solomon. Tinanong siya ni Batseba: “Naparito ka ba sa kapaya¬paan?” Sumagot siya: “Kapaya¬paan,” 14 at idi¬nagdag, “May sasabihin ako sa inyo.” Sinabi ni Batseba: “Magsalita ka.” 15 At sinabi ni Adonias: “Alam ninyo na akin ang kaharian, at inaasahan ng buong Israel na ako ang maghahari. Ngunit nagbago ang lahat at nauwi sa aking kapatid ang kaharian sapagkat sa kanya ito ibinigay ni Yawe.
16 Isang bagay lamang ang aking hinihingi sa inyo at huwag sana ninyong tanggihan.” Sinabi ni Batseba: “Sabihin mo.” 17 At nag¬patuloy si Adonias: “Pakisabi ninyo sana kay Ha¬ring Solomon, dahil hindi niya kayo tatanggihan, na ibigay niya sa akin bilang asawa si Abisag na Sunamita.” 18 At sumagot si Batseba: “Ba¬yaan mo’t kakausapin ko ang hari para sa iyo.”
19 Pinuntahan ni Batseba si Haring Solomon para kausapin ito tungkol kay Adonias. Tumindig ang hari para salubungin siya, yumuko sa kanya at saka naupo sa trono at nagpalagay ng upuan sa kanyang kanan para sa ina ng hari.
20 Naupo si Batseba at sinabi: “May maliit na kahilingan ako sa iyo. Huwag mo sana akong bibiguin.” At sinabi sa kanya ng hari: “Sabihin ninyo, aking ina, at hindi ko kayo tatanggihan.” 21 Kaya sinabi niya: “Bayaan mong maging asawa ni Adonias na iyong kapatid si Abisag na Sunamita.” 22 Sumagot si Haring Solomon sa kanyang ina: “Bakit ninyo hinihingi si Abisag na Sunamita para kay Adonias? Hingin na ninyo pati ang kaharian para sa kanya, sapagkat panganay siya sa akin at kakampi pa niya ang paring si Abiatar at si Yoab na anak ni Sarvia.”
23 Sumumpa si Haring Solomon sa ngalan ni Yawe: “Gawin ito sa akin ng Diyos at higit pa kung hindi pagbabayaran ni Adonias ng kanyang buhay ang kahilingang ito. 24 Buhay si Yaweng naglagay at nagluklok sa akin sa trono ni David na aking ama at pati sa aking inapo gaya ng kanyang ipinangako – tiyak na mamamatay si Adonias ngayon!”
25 Inutusan ni Haring Solomon si Bena¬yang anak ni Yehoyada na patayin si Ado¬nias.
26 Sinabi ng hari sa paring si Abiatar: “Umuwi ka sa iyong lupain sa Anatot. Dapat ka sanang mamatay pero hindi kita ipa¬papatay sa araw na ito sapagkat ikaw ang bumuhat sa Kaban ni Yaweng Panginoon sa unahan ni David na aking ama, at nakiramay ka sa lahat ng pag¬hihirap ng aking ama.” 27 Tinanggal ni Solomon si Abiatar sa pagi¬ging pari ni Yawe at nagka¬totoo ang sa¬¬li¬-tang binitiwan ni Yawe sa Silo tungkol sa angkan ni Eli.
28 Dumating ang balita kay Yoab na puma¬nig kay Adonias pero hindi kay Absa¬lom. Nagtago siya sa tolda ni Yawe at kuma¬pit sa mga sungay ng altar. 29 Nang iulat kay Haring Solomon na nagtago si Yoab sa tolda ni Yawe at nasa tabi ng altar, isinugo ng hari si Benayang anak ni Yeho¬yada at inutusan: “Humayo ka’t patayin siya!”
30 Kaya pumasok si Benaya sa tolda ni Yawe at sinabi kay Yoab: “Iniuutos ng hari: Lumabas ka!” Ngunit sinabi ni Yoab: “Hindi! Dito ako ma¬mamatay.”
Inihatid ni Benaya sa hari ang sagot at sina¬bing “Ito ang sabi ni Yoab at sagot niya sa akin.” 31 Sumagot ang hari: “Gawin mo ang sinabi niya. Patayin mo siya at ilibing. Sa gayo’y mai¬la¬layo mo sa akin at sa sam¬bahayan ng aking ama ang sala para sa dugong pinadanak ni Yoab. 32 Sa kanya sisi¬ngilin ni Yawe ang sarili niyang dugo sapagkat dalawang lalaking matuwid at mas mabuti kaysa kanya ang sina¬lakay niya’t pina¬tay sa tabak nang hindi alam ni David na aking ama: sina Abner na anak ni Ner at heneral ng hukbo ng Israel at si Amasang anak ni Yeter at heneral ng hukbo ng Juda.
33 Kay Yoab at sa kanyang lahi magpa¬kailanman sisingilin ang kanilang dugo. Ngunit mag-kakaroon ng kapayapaan mula kay Yawe mag¬pakailanman si David at ang kanyang lahi at sambahayan at trono.”
34 Nilapitan nga si Yoab ni Benayang anak ni Yehoyada at sinaksak at pinatay. Inilibing siya sa sarili niyang bahay sa disyerto. 35 Inilagay ng hari si Benayang anak ni Yehoyada na pinuno ng hukbo bilang kapalit ni Yoab. Ang paring si Sadok naman ang ipinalit niya kay Abiatar.
36 Ipinatawag ng hari si Simei at sinabi sa kanya: “Magtayo ka ng iyong bahay sa Jerusalem at doon ka tumira, at huwag kang aalis doon para pumunta kahit saan. 37 Sa araw na umalis ka’t tumawid sa lambak ng Kidron, tiyak na ma¬mamatay ka. At ikaw na rin ang maysala sa iyong kamatayan.” 38 Sinabi ni Simei sa hari: “Mabuti ang inyong sinabi. Gagawin ng inyong lingkod ang utos ng aking panginoong hari.” Kaya maha¬bampanahong tumira si Simei sa Jerusalem.
39 Makaraan ang tatlong taon, dalawa sa mga alipin ni Simei ang tumakas at nagpunta kay Akis na anak ni Maaka at hari ng Gat. Nang ibalita kay Simei na nasa Gat ang kanyang mga alipin, 40 sumakay siya sa kanyang asno at pinun¬¬tahan si Akis sa Gat para hanapin ang kanyang mga alipin. 41Nalaman ni Solomon na umalis si Simei sa Jerusalem at nakabalik na galing Gat.
42 Ipinatawag ng hari si Simei at sinabi sa kanya: “Di ba’t pinasumpa kita kay Yawe at bina¬-laang mamamatay ka sa oras na umalis ka at magpunta kahit saan? At sinabi mo naman sa aking: Mabuti ang inyong sinabi; susunod ako! 43 Ba’t di mo tinupad ngayon ang sumpa kay Yawe at ang utos ko sa iyo?” 44 Sinabi pa ng hari kay Simei: “Alam mo sa iyong puso ang lahat ng kasamaang ginawa mo kay David na aking ama. Sisingilin ka ngayon ni Yawe sa iyong ka¬¬-samaan. 45 Ngu¬nit pagpapalain si Ha¬ring So¬lo¬mon, at matatatag ang trono ni David sa harap ni Yawe magpakailanman.”
46 Inutusan ng hari si Benayang anak ni Yeho¬yada, at lumabas ito at pinatay si Simei.
At ngayo’y naging mas matatag ang pag¬hahari ni Solomon.

3 • 1 Nakipagkasunduan si Solomon kay Pa¬ ra¬¬ong hari ng Ehipto sa pama¬ma¬gitan ng kasal. Pinakasalan niya ang anak na babae ni Paraon at dinala ito sa lunsod ni David hanggang matapos ang pagpapatayo niya sa kanyang pa¬¬¬lasyo, sa Bahay ni Yawe at sa pader sa palibot ng Jerusalem.
2 Nang panahong iyon, nag-aalay ng mga hain sa mga altar sa burol ang sambayanan dahil hindi pa naitatayo ang Bahay para sa Ngalan ni Yawe. 3 Mahal ni Solomon si Yawe at lumakad siya sa mga tuntunin ni David na kanyang ama, ngunit nag-alay din siya ng mga hain at nagsunog ng insenso sa mga altar sa burol.
Ang panaginip ni Solomon
• 4 Nagpunta ang hari sa Gibeon para mag-alay ng mga handog sa¬pag¬kat ito ang pinakapangunahing Santu¬waryo sa mga Burol noon. Nag-alay si Solomon ng sanlibong sinunog na handog sa altar na iyon. 5 At kina¬gabi¬han, napakita si Yawe kay Solomon sa Gibeon sa isang pana¬ginip at sinabi ng Diyos: “Hi¬ngin mo ang gusto mong ibigay ko sa iyo.”
6 Sumagot si Solomon: “Ipinakita mo sa iyong lingkod na si David na aking ama ang dakilang pag-ibig sapagkat matapat siyang naglingkod sa iyo, at naging ma¬tu¬wid at totoo sa iyo. Ipinag-patuloy mo ang dakilang pag-ibig na ito sa kanya at binig¬yan mo siya ng isang anak na luluklok sa kanyang trono gaya sa araw na ito. 7 At ngayon, O Yaweng aking Diyos, pagpa¬lain mo ang iyong lingkod bilang kahalili ni David na aking ama, bagamat ako’y maliit na bata lamang at walang alam gawin. 8 Ang iyong lingkod ay nasa pi¬ling ng iyong bayang pinili, isang bayang da-kila at hindi mabilang sa dami. 9 Kaya pagkalooban mo ang iyong lingkod ng pusong maunawain para pamunuan ang iyong bayan at para mapagpasyahan ko ang mabuti at masama. Sapagkat sino ang makapa¬mumuno sa ganito ka¬laking bayan mo?”
10 Nasiyahan ang Panginoon at ang bagay na ito ang hiniling ni Solomon. 11 At sinabi sa kanya ng Diyos: “Dahil ito ang iyong hiniling at hindi mahabang buhay o mga kayamanan para sa iyong sarili, o kamatayan ng iyong mga ka¬away, kundi pagkaunawa ang hiningi mo para mapag-pasyahan kung alin ang tama, 12 ipagka¬kaloob ko ang iyong hinihiling. Binibigyan kita ngayon ng isang pusong marunong at mapagsuri kaya wala kang makakatulad sa mga nauna sa iyo at wala nang lilitaw pang tulad mo sa mga susunod sa iyo. 13 Ibini¬bigay ko rin sa iyo ang hindi mo hiningi, ang yaman at katan¬yagan kayat wala kang maka¬kapantay sa mga hari ha¬bang ika’y nabubuhay. 14 At kung lala¬kad ka sa aking mga daan, at tutuparin mo ang aking mga tuntunin at mga utos tulad ng ginawa ni David na iyong ama, pahahabain ko ang iyong buhay.”
15 Nagising si Solomon – panaginip la¬mang pala! Kaya umuwi siya sa Jeru¬salem at tumayo sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yawe at nag-alay ng mga sinu¬nog na handog at mga hain sa ma-buting pag¬sasamahan. At nag¬handa siya nang ma¬laki para sa lahat ng kanyang mga opis¬yal.
Ang hatol ni Solomon
• 16 Pagkatapos, dalawang babaeng ba¬yaran ang lumapit sa hari at tumayo sa harap niya. 17 Isa sa mga babae ang nag¬salita: “O aking panginoon, mag¬kasama ka¬ming nakatira ng babaeng ito sa iisang bahay at nanganak ako samantalang ka¬sama ko siya sa bahay. 18 Tatlong araw pag¬¬kapanganak ko, nanganak din naman ang babaeng ito. Kami lamang ang na¬roon, walang ibang tao sa bahay liban sa aming dalawa. 19 At namatay ang anak ng babaeng ito nang gabi ring iyon dahil na¬da¬ganan niya. 20 Kayat bumangon siya kina¬ha¬tinggabihan, at kinuha ang aking anak na katabi ko sa pagtulog, inihiga sa kanyang kandu¬ngan, at ini¬lagay naman sa aking kan¬dungan ang kanyang patay na anak. 21 Pag¬ba¬ngon ko kina¬umagahan para pasusu¬hin ang aking anak, nakita kong patay na ito. Ngunit nang tingnan ko itong mabuti nang uma¬gang iyon, nakilala kong hindi pala iyon ang aking anak.”
22 Sinabi naman ng isa pang babae: “Anak ko ang batang buhay, ang batang patay ang anak mo.” Sumagot ang unang babae: “Hindi. Ang batang patay ang anak mo, anak ko ang buhay.” At nagtalo sila sa harap ng hari.
23 Sinabi ng hari: “Sinasabi nito: Anak ko ang buhay, at ang patay ang anak mo. At sinasabi naman nito: Hindi; ang patay ang anak mo, at anak ko ang bu¬hay.” 24 At sinabi ng hari: “Bigyan ninyo ’ko ng ta¬bak.” Nang madala sa hari ang tabak, 25 iniutos niya: “Hatiin ang batang buhay: ibigay ang kalahati sa isang ito at ang ka¬¬lahati sa isa pa.”
26 Sinabi sa hari ng ina ng buhay na bata dahil sa awa sa anak ng kanyang sinapupunan: “O aking panginoon, ibi¬gay na po ninyo sa kanya ang buhay na bata, huwag lamang ninyong patayin.” Ngunit sinabi ng isa pa: “Hindi ’yan ma¬u¬¬uwi sa iyo o sa akin, hatiin ang bata.”
27 Sumagot ang hari at sinabi: “Ibi¬gay sa kanya ang buhay na bata, at huwag pa¬tayin. Siya ang ina ng bata.”
28 At nabalitaan sa buong Israel ang hatol na ginawa ng hari, at nagkaroon sila ng pitagan sa hari sapagkat nakita nilang sumasakanya ang karunungan ng Diyos sa paggagawad ng kataru-ngan.
Ang karangyaan ni Solomon
4 1 Si Haring Solomon ang hari ng buong Israel 2 at ang mga sumusunod ang kanyang matataas na opisyal:
si Azarias na anak ng paring si Sadok, 3 sina Elihoref at Ahias na mga anak ni Sisa ang mga kalihim, si Yosafat na anak ni Ahilud ang taga¬pagtala, 4 si Benayang anak ni Yehoyada ang heneral ng hukbo, sina Sadok at Abiatar ang mga pari, 5 si Azarias na anak ni Natan ang tagapamahala ng mga opisyal.
Si Zabud na anak ng paring si Natan ang personal na tagapayo ng hari, 6 si Ahisar ang mayordomo sa palasyo, at si Adoniram naman na anak ni Abda ang namamahala sa sapilitang pagpapatrabaho.
7 May labindalawang gobernador si Solomon sa buong Israel, at sila ang sagot sa ka¬ilangan ng hari at ng kanyang sam¬baha¬yan: tig-isang buwan ang toka ng bawat isa sa bu¬ong santaon.
8 Narito ang kanilang mga pangalan: si Ben-Hur sa kabundukan ng Efraim, 9 si Ben-Deker sa Makaz, Saalbim, Bet-semes at Elon-Bet¬hanan, 10 si Ben-Hesed sa Arubot (sa kanya rin ang Soko at ang buong lupain ng Hefer), 11 si Ben-Abinadab sa buong rehiyon ng Dor (may¬bahay niya si Tafat na anak ni Solomon), 12 si Baana na anak ni Ahilud sa Taanak, Megiddo at sa buong Bet-san hanggang Abel-mehola sa kabila pa ng Yokmeam,
13 si Ben-Geber sa Ramot-Galaad pati ang re¬hiyon ng Argob sa Basan, animnapung ma¬la-laking siyudad na napapaderan at natatrang¬kahan ng mga tanso, 14 si Ahina¬dab na anak ni Ido sa Mahanaim, 15 si Ahimaaz sa Neftali (maybahay niya si Basemat na anak ni Solomon), 16 si Baana na anak ni Husai sa Aser at Bealot, 17 si Yosafat na anak ni Parua sa Isacar, 18 si Si¬mei na anak ni Ela sa Benjamin, 19 si Geber na anak ni Uri sa lupain ng Galaad na bayan ni Sihong hari ng mga Amorreo at ni Og na hari ng Ba¬san.
At may tagapamahala rin sa lupain ng Juda.
27 Ang mga gobernador na ito ang nagpapadala ng pagkain kay Haring Solomon at sa lahat ng dumudulog sa hapag ng hari: bawat isa sa buwang toka niya. At tiniyak nilang walang anumang kulang. 28 Nagdadala rin sila ng sebada at dayami para sa mga kabayo at mga mola saanman naroon ang hari, bawat isa ayon sa kanyang toka.
22 Ang pagkain ni Solomon ay binubuo ng tatlumpung sako ng pinong harina, anim¬napung sako ng magaspang na harina, 23 sam¬pung ma¬tatabang baka, dalawam¬pung baka sa pastulan, sandaang tupa, bukod pa sa mga usa at mga gasela, kam¬bing bundok at matatabang ibon. 24 Naghari siya sa lahat ng nasa kanluran ng Eufrates mula sa Tipsa hanggang Gaza, pati sa lahat ng hari. At nagkaroon ng kapa¬yapaan sa lahat ng dako. 25 Buong buhay ni Solomon na nabuhay nang matiwasay ang Juda at Israel mula Dan hanggang Berseba, bawat isa sa lilim ng kanyang ubasan at puno ng igos.
20 Parang buhangin sa dalampasigan sa dami ang Juda at Israel: nagkakainan sila, nag-iinu-man at nagkakasayahan. 21 Naghari si Solomon sa lahat ng kaharian mula sa Eufrates hanggang sa lupain ng mga Pilisteo at sa hang¬ganan ng Ehipto. Nagbuwis ang mga ito at nag¬lingkod kay Solomon habang nabubuhay siya.
26 May apatnapung libong kuwadra ng kaba¬yo si Solomon para sa kanyang mga karwahe at labindalawang libong manga¬ngabayo.
29 Pinagkalooban ng Diyos si Solomon ng natatanging karunungan at kaalaman at pang-unawang sinlawak ng buhanginan sa dalam¬pasigan. 30 Higit pa ang karunungan ni Solomon sa karunungan ng lahat ng tao sa silangan, at higit pa sa lahat ng karunungan ng Ehipto.
31 Pinakamarunong siya sa lahat ng tao – kaysa kay Etan na Ezraita, at kina Heman, Kalkol at Darda na mga anak ni Mahol. At kuma¬lat ang kanyang katanyagan sa lahat ng karatig-bansa. 32 Gumawa siya ng tatlun¬libong salawikain at sanlibo’t lima naman ang kanyang mga awit.
33 Nangusap siya tungkol sa mga puno mula sa sedro ng Lebanon hanggang sa isopong tumutubo sa pader. Tinalakay niya ang tungkol sa mga hayop at mga ibon, tungkol sa mga gu-magapang at sa mga isda.
34 Dumating sila mula sa lahat ng bansa para pakinggan ang karunungan ni Solo¬mon: mga sugo ng lahat ng hari sa daigdig na nakabalita sa kanyang karu¬nungan.
5 • 1 Nang mabalitaan ni Hiram na hari ng Tiro na pinahiran nila si Solomon bilang haring kahalili ng ama nito, nagpadala siya sa kanya ng mga sugo. Kaibigan ni David si Hiram sa lahat ng panahon.
2 Ipinadala naman ni Solomon ang men¬sa¬heng ito sa kay Hiram: 3 “Alam mong hindi na-kapagtayo si David na aking ama ng Bahay para sa Ngalan ni Yaweng kanyang Diyos dahil sa digmaang nakapalibot sa kanya hanggang ipailalim ni Yawe sa kan¬yang mga paa ang kanyang mga kaaway. 4 Ngunit ngayo’y pinag¬kalooban ako ni Yaweng aking Diyos ng kapa¬yapaan sa lahat ng dako at wala nang kaaway o kapa¬hamakan. 5 Kaya balak kong magtayo ng Bahay para sa Ngalan ni Yaweng aking Diyos gaya ng sinabi ni Yawe kay David na aking ama: Ang iyong anak na paluluklukin ko sa iyong trono bilang kahalili mo ang siyang magtatayo ng Bahay para sa Ngalan ko. 6 Iutos mo ngayon na iputol nila ako ng mga sedro sa Lebanon. Tutulungan ng aking mga tauhan ang iyong mga tauhan, at babayaran ko sa iyo ang anu¬mang suwel¬dong itatakda mo para sa iyong mga tauhan. Sapagkat alam mo namang wa¬lang si¬numan sa amin ang makapamumutol ng troso tulad ng mga taga-Sidon.”
7 Nang malaman ni Hiram ang pahatid ni Solomon, labis siyang nagalak at kanyang si¬nabi: “Purihin si Yawe sa araw na ito sa pagbi¬bigay kay David ng matalinong anak bilang pinuno ng malaking bayang ito.” 8 At ipinasabi ni Hiram kay Solomon: “Natang¬gap ko ang men¬sa¬heng ipinaabot mo sa akin at gagawin ko ang lahat ng gusto mo tungkol sa mga kahoy na sedro at sipres. 9 Ilulusong sa dagat ng aking mga tauhan ang mga troso mula sa Lebanon. Ipagagawa kong balsa ang mga iyon sa dagat at ihahatid sa lugar na itatakda mo. Doon pag¬hihiwa-hiwalayin ang mga iyon kayat maipahahakot mo na. Mapagbibigyan mo naman ang kagustuhan mo sa pagbibigay ng pagkain sa aking sambahayan.”
10 Binigyan ni Hiram si Solomon ng lahat ng trosong sedro at sipres na kailangan nito, 11 at binigyan naman ni Solomon si Hiram ng dalawampunlibong sakong trigo bilang pag¬kain ng kanyang sambahayan at dala¬wam¬pun¬libong galon ng dinalisay na langis. Gina¬wa ito ni So¬¬lo¬¬¬mon para kay Hiram taun-taon.
12 Binigyan ni Yawe ng karunungan si Solomon gaya ng ipinangako niya sa kanya, at nag¬-karoon sila ng kapayapaan ni Hiram, at gumawa silang dalawa ng kasunduan.
13 Iniutos ni Haring Solomon ang sapi¬litang paggawa ng tatlumpunlibong lalaki mula sa buong Israel. 14 Pinapunta niya ang mga iyon sa Lebanon, tigsasampung libo buwan-buwan, kayat tig-isang buwan sila sa Lebanon at dalawang buwan naman sa kani-kanilang mga taha¬nan. Si Adoniram ang namahala sa sapilitang paggawa. 15 May pitum¬pung libong pahinante si Solomon at walumpung libong tagatibag ng bato sa bundok 16 di pa kabilang dito ang mga kapatas na inilagay ng mga katiwala ni Solomon para mamahala sa paggawa: mga tatlun¬libo’t tatlundaang lalaking nama¬mahala sa mga tra¬bahador. 17 Sa utos ng hari, nagtibag sila ng malalaki at mama¬haling mga bato para sa pundasyon na sinin¬sel na bato para sa Bahay ni Yawe. 18 Pinu¬tol at inihanda ng mga trabahador nina Solomon at Hiram at ng mga taga-Gebal ang mga troso at mga bato para itayo ang Bahay.
Itinayo ni Solomon ang templo
6 • 1 Sa ika-apatnaraa’t walumpung taon matapos lumabas ang mga Israelita mula sa lupain ng Ehipto, sa ikapat na taon ng paghahari ni Solomon sa Israel, sa buwan ng Ziv na ika¬¬¬la¬wang buwan ng taon, sinimulan ni So¬lomon na itayo ang Bahay ni Yawe.
2 Ang Bahay na ipinatayo ni Haring Solomon para kay Yawe ay siyamna¬pung talampakan ang haba, tatlumpu ang lu¬wang at apatnapu’t lima ang taas. 3 Tat¬lumpung talampakan ang haba ng patio sa harap ng Santuwaryo ng Bahay na ka¬¬sin¬¬luwang mismo ng Bahay, at labinlimang talampakan naman ang luwang mula sa harap ng Bahay. 4 Gu¬mawa siya ng mga binta¬nang may rehas sa Bahay.
5 Nagtayo rin siya ng isang balangkas na kadatig ng mga pader na nakapaligid sa Bahay at kumukulong sa Santuwaryo at sa Kabanal-banalang Lugar. Nagpagawa rin siya ng mga silid sa paligid. 6 Pito’t kalahating talampakan ang luwang ng pinakasilong, siyam naman ang gitna, at sampu’t kalahati ang ikatlo. Gumawa siya ng mga patu¬ngan sa palibot sa labas ng pader ng Bahay upang wala nang kailangang ibaon pa sa mga pader ng Bahay.
7 Itinayo ang Bahay mula sa mga batong tinabas na sa tibagan, kayat walang narinig na ingay ng martilyo o palakol o anumang kagamitang bakal habang itinatayo ang Bahay.
8 Nasa dakong kanan naman ng Bahay ang pasukan sa pinakasilong. Isang paikot na hag¬dan ang paakyat sa gitnang palapag, at gayun¬din mula sa gitna hanggang sa ikatlo. 9 Itinayo ni Solomon ang Bahay, at tinapos ito at binubu¬ngan ito ng mga biga at makakapal na tablang sedro. 10 Gumawa siya ng mga kuwarto sa gilid sa buong paligid ng Bahay. Pito’t kalahating talam¬pakan ang taas ng bawat isa, at nakadikit sa Bahay sa pamamagitan ng mga bigang sedro.
11 Dumating ang salita ni Yawe kay Solomon: 12 “Tungkol naman sa Bahay na ito na iyong iti-na¬tayo, kung susundin mo ang aking tuntu¬nin at isasagawa ang aking mga batas, tutuparin at susundin ang aking mga utos, tutuparin ko na¬man sa iyo ang salitang binitiwan ko kay David na iyong ama. 13 Mananahan ako sa piling ng mga anak ng Israel at hindi ko paba¬bayaan ang aking bayang Israel.”

• 14 Itinayo at tinapos ni Solomon ang Bahay. 15 Dinindingan niya ng mga tab¬lang sedro ang mga pader sa loob ng Bahay mula sahig hanggang kisa¬me, kayat puro kahoy lamang ang bu¬ong loob. At tablang sipres naman ang isi¬nahig sa Bahay. 16 Ibinukod ni Solomon ang tatlumpung talampakan sa likuran ng Bahay, balot ng tablang sedro mula sahig hanggang kisame upang mag¬silbing panloob na santuwaryo ang Kabanal-bana¬lang Lugar. 17 Anim¬napung ta¬lam¬pa¬kan naman ang haba ng harap ng Bahay, ang Banal na Lugar. 18 Sa buong loob ng Bahay ay may mga kalabasa at mga nakabukang bulaklak na inukit sa tablang sedro at walang makikitang bato.
19 Inihanda niya ang kaloob-looban ng Bahay na Kabanal-banalang Lugar para paglagyan ng Kaban ng Tipan ni Yawe. 20 Tat¬lumpung talampakan ang haba nito, pati ang luwang at taas, at balot ng lantay na ginto. Yari din sa sedro ang altar na balot sa ginto.
21 Binalot ni Solomon sa lantay na ginto ang loob ng Bahay. Inihiwalay niya ang santuwaryo sa loob na may gintong tani¬kala, at binalot ito sa ginto. 22 Binalot din ni Solomon sa ginto ang loob ng buong Bahay. Binalutan din niya ng ginto pati ang altar sa kaloob-loobang Santu¬waryo.
23 Sa loob ng Kabanal-banalang Lugar, nag¬pagawa si Solomon ng dalawang kerubing yari sa kahoy na olibo, labinlimang talampakan ang taas ng bawat isa. 24 Pito’t kalahating talampa¬kan ang haba ng bawat pakpak ng kerubin, kayat labinlimang talampakan ang sukat ng mga pakpak mula sa magkabilang dulo. 25 Iisa ang sukat at anyo ng dalawang kerubin, 26 la¬binlimang talampakan ang taas ng bawat isa.
27 Inilagay niya ang mga kerubin na nakabuka ang mga pakpak sa kaloob-looban ng Bahay. Nakadikit sa dingding ang pakpak ng isa, at nakadikit naman sa kabilang dingding ang pakpak ng isa pang kerubin. Nagsalikop naman sa kalagitnaan ng Bahay ang tig-isang pakpak ng dalawa. 28 Binalutan din niya ng ginto ang mga kerubin.
29 Pinaukitan ni Solomon ng mga kerubin, punong-palma at nakabukang bulaklak ang lahat ng pader, sa loob at labas, sa paligid ng Bahay. 30 Pinabalutan din niya ng ginto ang sahig sa loob at labas ng Kabanal-banalang Lugar.
31 Ginawa ni Solomon ang mga pinto sa Kabanal-banalang Lugar na yari sa kahoy na olibo. Ikalimang bahagi ng pintuan ang hamba at mga poste. 32 Inukitan niya ang dalawang pin¬tong olibo ng mga kerubin, punong-palma at nakabukang bulaklak. Binalutan niya ng pinuk¬pok na ginto ang mga kerubin at mga punong-palma.
33 Gumawa rin siya ng mga posteng yari sa olibo para sa pintuan ng Kabanal-banalang Lugar na bumubuo sa ikapat na bahagi. 34 Ka¬hoy na sipres naman ang dalawang pinto, may dalawang oha ang bawat pinto na natitiklop sa pamamagitan ng mga bisagra. 35 Inukitan din ng kerubin, punong-palma at nakabukang bu¬laklak ang mga iyon, at bina¬lutan ng gintong dahan-dahang inilatag sa mga ukit.
36 Itinayo niya ang panloob na patyo na may tatlong hilera ng batong tinapyas at isang hanay naman ng mga sedrong biga.
37 Sa buwan ng Ziv ng ikapat na taon, inilatag ang pundasyon ng Bahay ni Yawe. 38 At sa bu¬wan ng Bul, ikawalong buwan ng ikalabing-isang taon, nayari ang Bahay at lahat ng bahagi nito ayon sa buong plano. Pitong taon itong itinayo ni Solomon.
Ang palasyo at ang templo
7 • 1 Labintatlong taon namang itinayo ni Solomon ang kanyang bahay.
2 Itinayo niya ang palasyo ng “Gubat ng Lebanon”: sandaa’t limampung talampakan ang haba, pitumpu’t lima ang luwang, at apat¬napu’t lima ang taas, sa apat na hanay ng mga haliging sedro, at sedro rin ang mga bigang nasa mga haligi. 3 May kisame itong sedro na nakapatong sa apatnapu’t limang solera, labinlima sa bawat hanay na naka¬patong naman sa mga haligi.
4 May tatlong hanay ng mga bintana sa mag¬kabilang tabi, magkakatapat ang bawat isa. 5 Kuwadrado ang lahat ng pinto at bintana, at mag¬kakatapat.
6 At ang portiko ng mga haligi: pitumpu’t limang talampakan ang haba at apatnapu’t lima ang luwang. May patyo ito sa harap na mayroon ding mga haligi at bubong.
7 Ang Bulwagan ng Trono kung saan siya naggagawad ng katarungan – ito ang Bul¬wagan ng Paghuhukom – ay balot ng sedro mula sahig hanggang kisame.
8 Nasa kabilang patyo naman sa likod ng bul¬¬¬wagan ang bahay na kanyang tirahan na pareho rin ang pagkagawa. Nagpatayo rin si Solomon ng isa pang katulad na bahay para sa anak ni Paraon, na kinuha niyang asawa.
9 Yari sa mga piling bato ang lahat ng ito, tina¬bas ayon sa sukat, nilagari sa magka¬bilang tabi, mula sa pinakapundas¬yon hang¬gang sa tuktok, mula sa patyo sa labas hang¬gang sa ma-laking patyo.
10 Yari naman sa mataas na klaseng bato ang pundasyon, malalaking batong tigla¬labinlimang talampakan ang bawat isa at tigla¬labin¬dalawa ang iba pa. 11 Nasa itaas ang mga piling batong tinapyas ayon sa sukat at mga kahoy na sedro. 12 Ang malaking patyo ay naliligid ng pader na tatlong hilera ng tinap¬¬yas na bato at isang hilera ng sedrong biga, gaya ng patyo sa loob ng Bahay ni Yawe at ng portiko nito.
13 Ipinasundo ni Haring Solomon si Hiram mula sa Tiro. 14 Anak siya ng isang biyuda sa tribu ng Neftali, taga-Tiro ang kanyang ama at manggagawa ng kagamitang tanso. At napa¬katalino niya, at magaling at sanay sa lahat ng magagawa sa tanso. Nagpunta siya kay Haring Solomon at ginawa niya ang lahat ng ipinagawa nito.
15 Gumawa siya ng dalawang haliging tanso na kapwa dalawampu’t pitong talam¬pakan ang taas at labingwalo ang kabilugan. Guwang ang loob ng mga haligi at apat na daliri ang kapal. 16 Gumawa rin siya ng dala¬wang tansong pina¬kaulo ng mga haligi na inilagay sa tuktok, pitu’t kalahating talam¬pakan ang taas ng bawat isa. 17 Gu¬mawa pa siya ng lambat na sala-salang tani-kala para sa mga pinakaulo ng mga haligi, tigpipito para sa bawat isa. 18 Gumawa rin siya ng dalawang hanay ng mga tansong prutas na nakapaligid sa bawat sala-salang tanikala para takpan ang pinakaulo ng bawat haligi. 19 Ang mga pinakaulo sa itaas ng mga haligi sa bulwagan ay korteng asusena na anim na talampakan ang laki. 20 Sa pina¬kaulo namang nasa itaas ng dalawang haligi, sa tabi ng sala-salang tanikala ay naka¬paligid ang dalawandaang tan¬song prutas na nasa dalawang hanay.
21 Itinayo ni Hiram ang mga haligi sa may portiko ng templo: ang isa sa kanan na tinatawag na Yakin, at isa sa kaliwa na tina¬tawag na Boaz. 22 Kayat nayari ang mga haligi.
23 Gumawa rin siya ng isang malaking kawang tinunaw na metal na tinatawag na “Dagat” na labinlimang talampakan ang luwang mula sa magkabilang dulo. Pitu’t ka¬lahating talampakan ang taas nito at apatnapu’t lima naman ang kabi¬lugan.
24 May mga korteng kalabasang nakapali¬bot sa ibaba ng bunganga nito, sampu sa bawat talampakan at kalahati, at nasa dalawang hanay na minoldeng kasama ng Dagat. 25 Nakapatong ang Dagat sa labindalawang torong tanso, nakaharap ang tatlo sa hilaga, tatlo sa kanluran, tatlo sa timog, at tatlo sa silangan. Nakapatong ang Dagat sa mga ito na magkakatalikuran. 26 Tatlong pulgada ang kapal nito, at tulad sa bibig ng isang kopa ang gilid nito, na parang bulaklak ng liryo, at maaaring sidlan ng mga sampung libong galong tubig.
27 Gumawa rin siya ng sampung patu¬ngang tanso, na anim na talampakan ang haba ng bawat isa, at ganito rin ang luwang, at apat at kalahati naman ang taas. 28 Ganito ginawa ang patungan: nakakabit ang mga panel sa balang¬kas, 29 at may mga leon, toro at kerubim sa bawat panel, at gayundin sa balangkas. At may mga palamuti sa itaas at ibaba ng mga leon at mga toro. 30 May apat na gulong na tanso ang bawat patungan, at tanso rin ang ehe; may mga tukod ang apat na paa nito para salalayan ng mga plang¬gana. Minolde ang mga ito gaya ng mga palamuti. 31 Nakaangat ito nang isa’t kala¬hating talampakan sa ibabaw ng patungan; bilog ang bibig nito at may dalawampu’t limang pulgada ang lalim. May mga ukit na parisukat at hindi bilog ang mga panel ng patungan.
32 Nasa ilalim ng mga panel ang mga gulong: kaisang-piyesa ng bawat panel ang ehe ng gulong, at may taas na dalawampu’t limang pulgada ang mga gulong. 33 Parang gulong ng kar-wahe ang mga ito; pawang pinan¬day na metal ang mga ehe, gilid, rayos at yantas.
34 May apat na tukod naman ang apat na sulok ng bawat patungan. 35 At sa ibabaw ng bawat patunga’y may pabilog na siyam na pul¬gada ang taas. Dito nakasalalay ang labi ng hugasan. Iisang piyesa lamang ang leeg, ang tukod nito at ang ibabaw ng patungan. 36 May mga ukit itong kerubim, leon, punong-palma at mga palamuti sa paligid. 37 Sa gani¬tong paraan niya ginawa ang sampung patungang tanso; iisa ang pagkakabubo, iisa ang sukat at iisa ang hugis.
38 Gumawa rin si Hiram ng sampung plang¬ganang tanso, na naglalaman ng apat¬napung galong tubig ang bawat isa, at may sukat na anim na talampakan ang luwang. May plang¬gana sa bawat patungan. 39 Inila¬gay niya ang limang patungan sa gawing timog ng Bahay, at sa hilaga naman ang lima pa. Inilagay niya ang Dagat sa timog-silangang sulok ng Bahay.
40 Gumawa rin si Hiram ng mga sahuran, pala at planggana at tinapos ang lahat ng gawaing iniatang sa kanya ni Haring Solo¬mon sa Bahay ni Yawe. 41 Kabilang dito ang dalawang haligi, dalawang korteng-mangkok na pinakaulo na nasa itaas ng mga haligi, ang dalawang tani¬ka¬lang palamuti na ikinabit sa dalawang korteng-mangkok sa itaas ng mga haligi, 42 apatnaraang tansong prutas para sa dalawang tanikala, tiga¬la¬wang hanay para sa bawat tanikala upang balutan ang dalawang parang mangkok sa ulo ng mga haligi, 43 sampung patu¬ngan at ang sampung planggana ng mga ito, 44 ang Dagat at ang labindalawang toro sa ilalim nito, 45 ang mga kaldero, pala at plang¬gana. Gi¬nawa ni Hiram ang lahat ng gamit na ito sa Bahay ni Yawe para kay Haring Solomon, at yaring lahat sa makinang na tanso. 46 Ipinamolde ng hari ang mga iyon sa kapatagan ng Jordan sa pagitan ng Sukot at Sartan. 47 Hindi na tinimbang ni Solo¬mon ang lahat ng kagamitan dahil sa dami ng mga ito. Kaya hindi mati¬tiyak ang timbang ng nagamit na tanso.
48 Inilagay ni Solomon sa Bahay ni Yawe ang lahat ng kagamitang ipinagawa niya: ang altar na ginto, ang mesang ginto para sa tinapay ng presensya; 49 ang mga lantay na gintong patu-ngan ng ilawan, lima sa gawing kanan at lima sa gawing kaliwa sa harap ng Kabanal-banalang Lugar; ang mga bulaklak, mga ilawan at sipit ng mitsa na lantay na gintong lahat; 50 ang mga gintong kopa, mga panggupit ng mitsa, mga planggana, mga insensaryo, at mga lalagyan ng baga; ang mga gintong bisagra para sa mga pinto sa kaloob-looban ng Bahay na Ka¬banal-banalang Lugar, at para sa mga pinto sa bulwagan ng Templo.
51 Nang matapos na ang lahat ng ipina¬gawa ni Haring Solomon para sa Bahay ni Yawe, dinala niya ang mga kagamitang inihandog ng kanyang amang si David – ang pilak, ang ginto at ang mga kagamitan – at inilagay ang mga iyon sa kabang-yaman ng Bahay ni Yawe.
8 1 Tinipon ni Solomon sa kanyang harap sa Jerusalem ang mga matatanda ng Israel at lahat ng pinuno ng mga tribu at ang mga ama ng mga angkan ng mga Israelita para iahon ang Kaban ng Tipan ni Yawe mula sa Sion na lunsod ni David.
Pagtatalaga sa Templo
• 2 Nagtipon ang lahat ng Israelita kay Haring Solomon sa panahon ng piyesta sa buwan ng Etanim na ikapitong buwan. 3 Du¬mating ang lahat ng matatanda ng Israel, binuhat naman ng mga pari ang Kaban 4 at dinala itong kasama ng Tol¬dang Tagpuan at lahat ng sagradong ka¬ga¬mitang narito. Dinala ng mga pari at mga Levita ang mga iyon. 5 At si Haring Solomon at ang buong pamayanan ng Israel na nagtipon sa kanya sa harap ng Kaban ay nag-alay ng mga tupa at baka na hindi mabilang sa dami.
6 Inilapag ng mga pari ang Kaban ng Tipan ni Yawe sa lugar nito sa santuwaryo ng Bahay – sa Kabanal-bana¬lang Lugar – sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin. 7 Nakabuka ang mga pakpak ng mga ke¬ru¬bin sa lugar ng Kaban, at lumililim na¬man sa Kaban at sa mga pasanan nito. 8 Napakahaba ang mga pasanan kayat ma¬kikita ang mga dulo niyon mula sa Banal na Lugar sa harap ng Kabanal-banalang Lugar ngu¬nit hindi na kita sa labas. Naroon pa rin ang mga iyon hang¬gang ngayon.
9 Walang nasa Kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay dito ni Moises sa Horeb nang makipagtipan si Yawe sa mga Israelita sa paglabas nila mula sa lupain ng Ehipto.
10 Pag lumalabas ang mga pari mula sa Banal na Lugar, napupuno ng ulap ang Bahay ni Yawe. 11 Kaya hindi na¬ipag¬papa¬tuloy ng mga pari ang kani¬lang pag¬li¬lingkod sapagkat napu¬puno ng luwalhati ni Yawe ang kanyang Bahay.
12 At sinabi ni Solomon: “Sinabi ni Yawe na mananahan siya sa makapal na ulap. 13 Itinayo ko ngayon para sa iyo ang Ba¬hay na tahanan mo, isang lugar na pana¬na¬hanan mo magpa-kailanman.”
14 Humarap ang hari at binasbasan ang buong pagtitipon ng Israel na nakatayo roon. 15 At sinabi niya: “Purihin si Yaweng Diyos ng Israel. Tinupad niya sa pamamagitan ng kan¬yang kamay ang pangakong binitiwan niya kay David na aking ama nang sabihin niyang: 16 Sapul sa araw na ilabas ko mula sa Ehipto ang aking bayang Israel, wala na akong piniling lunsod sa lahat ng tribu ng Israel para pagtayuan ng bahay na tahanan ng aking Pangalan, ngunit pinili ko ngayon ang Jerusalem upang doon manahan ang aking Pangalan, tulad ng pagpili ko kay David para mamuno sa aking bayang Israel. 17 Balak ni David na aking ama na magtayo ng isang bahay para sa Ngalan ni Yaweng Diyos ng Israel, 18 ngunit sinabi ni Yawe kay David na aking ama: Maganda ang balak mong magtayo ng Bahay para sa aking Pangalan, maganda ang iniisip mong ito; 19 pero hindi ikaw kundi ang iyong anak na iyong dugo at laman ang siyang magtatayo ng Bahay para sa aking Pangalan.
20 Tinupad ni Yawe ang salitang binitiwan niya sapagkat humalili ako kay David na aking ama at nakaluklok ngayon sa trono ng Israel gaya ng ipinangako ni Yawe. Naitayo ko nga ang Bahay na ito para sa Ngalan ni Yaweng Diyos ng Israel. 21 Naglaan ako roon ng lugar para sa Kabang naglalaman ng tipang ginawa ni Yawe sa ating mga ninuno nang ilabas niya sila mula sa lupain ng Ehipto.”
Panalangin ni Solomon
• 22 Tumindig si Solomon sa harap ng altar ni Yawe sa harap ng buong pagtitipon ng Israel. Itinaas niya ang kanyang kamay sa langit, 23 at sinabi:
“O Yaweng Diyos ng Israel, walang diyos na tulad mo sa langit sa itaas o sa lupa sa ibaba. Tinutupad mo ang iyong tipan at kagandahang-loob sa iyong mga lingkod na buong pusong lumalakad sa harap mo. 24 Tinupad mo ang pangakong binitiwan mo sa iyong lingkod na si David na aking ama. Bibig mo nga’y nangako at tinupad naman ito ng iyong kamay gaya sa araw na ito.
25 Ngayon, O Yaweng Diyos ng Israel, tuparin mo ang pangakong ito kay David nang sabihin mong: Hindi mawawalan ng inapong luluklok sa harap ko sa trono ng Israel kung pagbubutihin lamang ng iyong mga anak ang paggawa ng tama para maglingkod sa akin gaya ng gi¬nawa mo. 26 Kayat ngayon, O Diyos ng Israel, magka¬totoo nawa ang salitang binitiwan mo kay David na aking ama.
27 Ngunit totoo nga kayang maninirahan ang Diyos sa lupa? Hindi ka nga kayang taglayin ng langit, ng kataas-taasang langit, gaano pa ang Bahay na ito na aking itinayo?
28 Ngunit pakinggan mo ang panalangin at pagluhog ng iyong lingkod, O Yaweng aking Diyos! Pakinggan mo ang daing at panalangin ng iyong lingkod sa harap mo ngayon. 29 Ma-buksan nawa ang iyong mga mata sa Bahay na ito, araw at gabi, sa lugar na ito na ikaw mismo ang nagsabing: Dito mananahan ang aking Pangalan. Kayat pakikinggan mo ang dalangin ng iyong lingkod sa lugar na ito.
• 30 Pakinggan mo ang pagluhog ng iyong lingkod at ng iyong bayang Israel sa pananalangin nila sa lugar na ito. Makinig ka mula sa iyong tahanan sa Langit, at sa iyong pagkarinig ay mag-pa¬tawad.
31 Kung may maparatangang nagkasala sa kanyang kapwa at kailangang manumpa kayat lumapit siya’t nanum¬pa sa harap ng iyong altar sa Bahay na ito, 32 makinig ka mula sa langit at igawad ang katarungan. Parusahan ang masama at papa¬nagutin sa kasama¬ang kanyang gi¬nawa, ngunit pawalang-sala ang matuwid at gantim¬palaan siya ayon sa kanyang pagka¬matuwid.
33 Kung malupig ng kaaway ang iyong bayang Israel dahil sa pagkakasala nila sa iyo, at kapag nagbalik sila sa iyo at inamin ang kanilang pagka¬kasala, na nanana¬la¬ngin at lumuluhog sa iyo sa Ba¬hay na ito, 34 makinig ka mula sa la¬ngit at pata¬warin ang sala ng iyong bayang Israel. Ibalik sila sa lupaing ibi¬nigay mo sa kanilang mga ninuno.
35 Kung nakapinid ang kalangitan at walang ulan sapagkat nagkasala sila sa iyo, at nanalangin sila sa lugar na ito at inamin at tinalikuran ang kanilang kasa¬lanan dahil pinahirapan mo sila, 36 ma¬kinig ka mula sa langit at patawarin ang sala ng iyong mga lingkod at ng iyong bayang Israel. Ituro sa kanila ang ma¬bu¬ting daan na dapat nilang tahakin, at mag¬paulan sa lupaing ipinamana mo sa iyong bayan.
37 Kung may taggutom sa lupain, kung may peste o salot ng trigo, o amag, balang o tipaklong, kung kub¬kubin sila ng ka¬away sa alinman sa kanilang mga lunsod, kung dapuan sila ng anumang salot o sa¬kit, 38 maging anuman ang pana¬langin at pagluhog ng sinuman sa iyong bayang Israel sa pagsisisi sa kanyang puso at pag-uunat ng mga kamay tungo sa Bahay na ito, 39 makinig ka mula sa iyong ta¬ha¬nan sa langit at magpatawad. Kumilos ka’t ibi¬gay sa bawat isa ang marapat sa lahat niyang gawa dahil alam mo ang kanyang puso (dahil ikaw lamang ang na¬ka-kakilala sa puso ng lahat ng tao) 40 upang matakot sila sa iyo habang sila’y nabu¬buhay sa lu¬pa-ing bigay mo sa aming mga ninuno.
41 Tungkol naman sa dayuhang hindi mula sa iyong bayang Israel, at galing sa malayong lupain dahil sa iyong Pa¬ngalan 42 (dahil nabalitaan nila ang iyong daki¬lang Pangalan, ang malakas mong kamay at nakaunat na bisig), at nana¬langin sa Bahay na ito, 43 makinig ka mula sa iyong tahanan sa langit at ga¬win ang lahat ng hinihingi sa iyo ng da¬yuhan upang maki¬lala ng lahat ng bansa sa lupa ang iyong Pangalan at magkaroon ng pitagan sa iyo tulad ng iyong bayang Israel. At malaman nila na nasa Bahay na ito na aking itinayo ang iyong Pangalan.
44 Sa paglabas ng iyong bayan para maki¬pagdigmaan sa kanilang kaaway, saan mo man sila ipadala, at sa pananalangin nila kay Yawe paharap sa lunsod na iyong pinili at sa Bahay na itinayo ko para sa iyong Pangalan, 45 pakinggan mo mula sa langit ang kanilang panalangin at pagluhog at itaguyod ang kani¬lang simulain.
46 Kung magkasala sila sa iyo dahil walang taong hindi nagkakasala, at magalit ka sa kanila at ipaubaya mo sila sa kaaway at dalhin silang bihag sa lupain ng kaaway, malayo man o ma¬la¬pit, 47 at kung magbago ang kanilang puso sa lupaing kinapipiitan nila at magsisi at lu¬muhog sa iyo sa lupain ng mga bumihag sa kanila, at sabihing: Nagkasala kami at gumawa ng mali at naging lapastangan – 48 kung buong puso’t kaluluwa silang magsisi sa lupain ng mga kaaway na bumihag sa kanila at mana¬langin sa iyo paharap sa lupaing bigay mo sa kanilang mga ninuno sa lunsod na pinili mo at sa Bahay na itinayo ko para sa iyong Pangalan, 49 paking¬gan mo mula sa iyong tahanan sa langit ang kanilang panalangin at pagluhog, at itaguyod ang kanilang simulain. 50 Pata¬warin mo ang iyong bayang nagkasala sa iyo, patawarin mo ang lahat nilang paghihi-magsik at kahabagan nawa sila ng mga bumihag sa kanila. 51 (Sapag¬kat sila ang iyong bayan at sarili mong pag-aari na ini¬labas mo mula sa Ehipto, mula sa gitna ng tunawan ng bakal.)
52 Imulat mo ang iyong mga mata sa paglu¬hog ng iyong lingkod at ng iyong bayang Israel, at pakinggan sila sa kanilang pagtawag sa iyo. 53 Sapagkat ibinukod mo sila mula sa lahat ng bansa sa daigdig upang maging sarili mong pag-aari gaya ng ipinahayag mo sa pamama¬gitan ni Moises na iyong lingkod nang ilabas mo ang aming mga ninuno mula sa Ehipto, O Yaweng Panginoon!”
54 Pagkatapos ni Solomon sa lahat niyang pana¬langin at pagluhog kay Yawe, tumindig siya mula sa pagkakaluhod sa harap ng altar ni Yawe, nakataas sa langit ang mga kamay. 55 Tu¬mayo siya at malakas na binasbasan ang pagtitipon ng Israel: 56 “Purihin si Yawe na nag¬bigay ng pahinga sa kanyang bayang Israel tulad ng kanyang ipinangako sapagkat hindi nagkabula isa mang salita sa lahat ng magagandang pa¬nga¬kong binitiwan niya sa pamamagitan ni Moises na kanyang lingkod. 57 Su¬ma¬amin nawa si Yaweng Diyos namin kung paanong suma¬aming-mga-ninuno siya. Huwag niya nawa kaming iwan o paba¬yaan. 58 Ibaling nawa niya ang aming mga puso sa kanya upang maka¬lakad kami sa lahat niyang mga daan at matu¬pad ang lahat niyang mga utos, tuntunin at batas na iniutos niya sa aming mga ninuno. 59 Ang mga salita ko nawang ito sa aking pagda¬langin kay Yawe ay manatili araw-gabi kay Yaweng aming Diyos. Itaguyod nawa niya ang kapa¬kanan ng kanyang lingkod at ng kanyang ba¬yang Israel ayon sa pang-araw-araw na panga¬ngailangan 60 upang malaman ng lahat ng bansa sa daigdig na si Yawe ang Diyos at wala nang iba pa. 61 Kayat maging buung-buo kay Yaweng ating Diyos ang inyong mga puso, lumakad sa kanyang mga tuntunin, at tuparin ang kanyang utos gaya sa araw na ito.”
62 Nag-alay ng mga handog sa harap ni Yawe ang hari at ang buong Israel na kasama niya. 63 Naghandog si Solomon kay Yawe ng dala¬wam¬pu’t dalawang libong baka at sandaa’t dalawampung libong tupa bilang hain sa mabu¬ting pagsasamahan. Kayat pinasinayaan ng hari at lahat ng Israelita ang Bahay ni Yawe.
64 Nang araw ding iyon, pinabanal ng hari ang loob ng patyong nasa harap ng Bahay ni Yawe dahil doon niya inialay ang mga sinunog na handog, ang mga handog na butil at ang taba ng hain sa mabuting pagsa¬samahan. Sapagkat ang altar na tanso sa harap ni Yawe ay napakaliit para paglagyan ng sinunog na handog, ng han¬dog na butil at ng taba sa hain sa mabuting pag-sasamahan.
65 Ipinagdiwang ni Solomon ang piyesta sa panahong ito kasama ng buong Israel. Napa¬kalaki ng pagtitipon mula sa bungad ng Hamat hanggang sa batis ng Ehipto. Pitong araw silang nagpiyesta kay Yaweng ating Diyos, nag¬kainan sila’t nag-inuman.
66 Sa ikawalong araw, pinauwi ni Solomon ang bayan. Binasbasan nila ang hari at umuwi silang nagdiriwang at masaya ang puso dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ni Yawe kay David na kanyang lingkod at sa kanyang ba¬yang Israel.
Mga gawa ni Solomon
9 1 Pagkatapos maipatayo ni Solomon ang Bahay ni Yawe at ang palasyo ng hari at lahat ng gusto niyang ipagawa, 2 napakita sa kanya si Yawe sa ikalawang pagkakataon tulad nang magpakita siya sa kanya sa Gibeon. 3 Si¬nabi sa kanya ni Yawe: “Narinig ko ang iyong panalangin at pagluhog sa harap ko. Pinabanal ko ang Bahay na ito na itinayo mo, upang ilagay dito ang aking Pangalan magpa¬kailanman. Lalagi rito ang aking mga mata at puso sa lahat ng araw. 4 At kung paglilingkuran mo ako nang buong katapatan ng puso at pag¬kamatuwid tu¬lad ni David na iyong ama, at ga¬gawin ang lahat kong iniutos sa iyo at tutuparin ang aking mga tuntunin at mga batas, 5 itatatag ko mag¬pakailanman ang iyong trono sa Israel gaya ng ipinangako ko kay David na iyong ama nang sabihin kong: Hindi ka mawawalan ng inapo sa trono ng Israel.
6 Ngunit kung kayo at ang inyong mga anak ay lalayo sa akin at hindi ninyo tutuparin ang aking mga utos at mga tun¬tuning inihaharap ko sa inyo ngayon, at aalis para maglingkod sa ibang mga diyos at sasamba sa kanila, 7 papawiin ko ang Israel sa balat ng lupaing bigay ko sa kanila at itatakwil ko ang Bahay na pinabanal ko para sa aking Pangalan. Magiging kasabihan at paksa ng lokohan ang Israel sa lahat ng bansa. Magiging bunton ng bato ang Bahay na ito. 8 Manghihilakbot at magtataka ang lahat ng mapapadaan dito at sasabihing: Ba’t ganito ang ginawa ni Yawe sa lupaing ito at sa Bahay na ito? 9 At sasagot sila: Sapagkat tinalikuran nila si Yaweng kanilang Diyos na naglabas sa kani¬¬lang mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, at niyakap nila ang ibang mga diyos, sinamba ang mga iyon at pinag¬lingkuran. Kaya ibinagsak sa kanila ni Yawe ang lahat ng kasamaang ito.”
10 Sa loob ng dalawampung taong pagtatayo ni Solomon sa dalawang bahay – ang Ba¬hay ni Yawe at ang palasyo ng hari – 11 si Hiram na hari ng Tiro ang nagpadala kay Solomon ng lahat nitong kailangang kahoy na sedro at sipres, at ginto. Pagkatapos, binigyan naman ni Solomon si Hiram ng dalawampung lunsod sa lupain ng Galilea. 12 Ngunit pagkaalis ni Hiram sa Tiro para dalawin ang mga lunsod na bigay sa kanya ni Solomon, hindi siya na¬si¬yahan, 13 at sinabi: “Anong klase naman ng mga lunsod ang ibi¬nigay mo sa akin, kapatid?” Kaya tinawag iyong Lupain ng Kabul hanggang sa araw na ito. 14 At nagpadala si Hiram sa hari ng sandaa’t dala-wam¬pung bareta ng ginto.
15 Narito ang ulat tungkol sa sapilitang paggawa na iniutos ni Haring Solomon para ipatayo ang Bahay ni Yawe at ang sarili niyang palasyo, ang Milo, at ang pader ng Jerusalem, ang mga lunsod ng Hasor, Megiddo at Gezer.
16 Sinalakay at binihag ni Paraong hari ng Ehipto ang Gezer, sinunog iyon at pinatay ang mga Kananeong naroon. Ibinigay naman niyang dote ang lunsod sa kanyang anak na asawa ni Solomon. 17 Kayat muling itinayo ni Solomon ang Gezer, ang ibabang Bet-Horon, 18 ang Ba¬alat at Tamar sa dis¬yerto sa lupain ng Juda, 19 ang lahat ng imba¬kang-lunsod ni Solomon, ang mga lunsod para sa mga karwahe at mga manga¬ngabayo, at ang lahat ng gustong itayo ni Solomon sa Jerusalem, sa Lebanon at sa buong lupaing sakop niya.
20 Sa lahat ng nalabi sa mga Amorreo, Heteo, Perezeo, Heveo at Hebuseo na hindi mga Israelita – 21 ang kanilang mga inapong naiwan nila sa lupain, na hindi lubusang nalipol ng mga Israelita – sa kanila ipinataw ni Solomon ang sapilitang paggawa hang¬gang sa araw na ito. 22 Ngunit walang gi¬nawang alipin si Solomon sa mga Israelita sapagkat sila ang kanyang mga man¬dirigma, mga opisyal at mga pinuno, mga kapitan, mga pinuno ng kanyang karwahe at mga mangangabayo.
23 Limandaa’t limampu ang mga kapatas na nangangasiwa sa pagpapagawa ni Solo¬mon, sila ang namamahala sa mga traba¬hador.
24 Pagkaahon ng anak ni Paraon mula sa lun¬sod ni David patungo sa sariling palas¬yong ipinatayo ni Solomon, saka naman ipinatayo ni Solomon ang Milo.
25 Nang mayari ang Bahay, tatlong beses isang taon na nag-aalay si Solomon ng mga si¬nu-nog na handog at ng mga hain sa ma¬buting pagsa¬samahan sa altar na itinayo niya para kay Yawe, at nagsusunog dito ng in¬senso sa harap ni Yawe.
26 Nagtayo si Haring Solomon ng mga barko sa Ezion-Geber na malapit sa Elat sa pampa-ngin ng Dagat ng Mga Tambo sa lupain ng Edom. 27 Ipinadala ni Hiram sa mga barko ang kanyang mga tauhan na mga bihasang mandaragat kasama ang mga tauhan ni Solomon. 28 Naglayag sila pa-Ofir at nag-uwi ng apatna¬raa’t dalawampung bareta ng ginto na dinala nila kay Haring Solomon.
Dinalaw si Solomon ng reyna ng Seba
10 • 1 Nabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon, kayat pi¬nuntahan niya ito para subukin sa mabi¬bigat na kata¬nu¬ngan. 2 Duma¬ting siya sa Jerusalem, napakarami niyang kasama at may mga kamel¬yong may dalang mga rekado at na¬paka¬¬raming ginto at mga batong-hiyas.
Nang humarap siya kay Solomon, sinabi niya ang lahat niyang iniisip 3 at sinagot naman ni Solomon ang lahat ng kanyang tanong. Walang hindi naipali¬wa¬nag sa kanya ang hari.
4 At nang makita ng reyna ng Seba ang lahat ng karunungan ni Solomon, ang palasyong itinayo nito, 5 at ang pag¬kain sa kanyang hapag, ang tirahan ng mga opisyal, ang pagsisilbi ng mga lingkod at ang kanilang mga suot, ang mga taga¬pagdulot niya ng inumin pati ang mga sinunog na handog na inialay ng hari sa Bahay ni Yawe, halos hindi siya maka¬hinga.
6 At sinabi niya sa hari: “Totoo ang nabalitaan ko sa aking lupain tungkol sa iyo at sa iyong karunungan. 7 Ngunit hindi ko pinaniwalaan ang mga balitang ito hanggang makarating ako rito at makita mismo ng aking mga mata. At ni wala pa pala sa kalahati ang naiba¬lita sa akin! Sapagkat higit pa sa nabalitaan ko ang iyong karunungan at kayamanan. 8 Masu¬werte ang iyong mga asawa! Masu¬werte ang iyong mga lingkod na laging nasa harap mo at nakari¬rinig sa iyong karunu¬ngan!
9 Purihin si Yaweng iyong Diyos na nasisiyahan sa iyo at iniluklok ka sa trono ng Israel! Dahil sa pag-ibig ni Yawe sa Israel magpakailanman, gina¬wa ka ni¬yang hari upang maggawad ng kataru¬ngan at pagkamatuwid.”
10 Binigyan niya ang hari ng sandaa’t dalawampung bareta ng ginto, napaka¬raming rekado at mga batong-hiyas. Wala nang dinala pang gayong kara¬ming re¬kado gaya ng ibinigay ng reyna ng Seba kay Haring Solomon. 11 Bukod dito, ang mga barko ni Hiram na nagdala ng ginto mula sa Ofir ay nagdala rin ng napaka¬ra¬ming maba¬ngong kahoy at mga batong-hiyas.
12 Ginamit ng hari ang mga maba¬ngong kahoy na balustre sa Bahay ni Yawe at sa palasyo ng hari, at para sa mga lira at alpa ng mga mang-aawit. Wala nang dumating o nakita pang muli na gayong mabangong kahoy hanggang sa panahong ito.
13 Binigyan naman ni Haring Solomon ang reyna ng Seba ng lahat ng gusto nito bukod pa sa ibinigay sa kan¬ya ng hari bilang pagmamagandang-loob. At umalis ang reyna at umuwi sa kanyang lupain kasama ang kanyang mga tauhan.
14 Animnaraa’t animnapu’t anim na bareta ang gintong tinatanggap ni Solomon taun-taon, 15 bukod pa sa mga buwis ng mga negosyante, mangangalakal at ng lahat ng hari ng Arabia at mga gobernador ng lupain.
16 Nagpagawa si Solomon ng dalawan¬daang malalaking kalasag na yari sa pi¬nanday na tatlo’t kalahating kilo ng ginto ang bawat isa. 17 Nagpagawa rin siya ng tatlun¬daang maliliit na kalasag na pinanday na gintong isang kilo’t kalahati ang bawat isa. Inilagay ng hari ang mga iyon sa palasyong Gubat ng Lebanon.
18 Nagpagawa rin ang hari ng malaking tronong garing na may palamuting lantay na gin¬to. 19 May anim na baytang ang trono; pabilog ang sandalan at may patungan ng braso sa mag-kabilang tabi, at may naka¬tindig na leon sa tabi ng bawat isa. 20 May labindalawang leon sa anim na baytang, tig-isa sa magkabilang dulo bawat baytang. Wala pang katulad nito ang naipagawa sa alinmang kaharian.
21 Yari sa ginto ang lahat ng kopa at inuman ni Haring Solomon, at yari naman sa lantay na ginto ang lahat ng kagamitan sa palasyong Gubat ng Lebanon; walang yari sa pilak sapag¬kat bale-wala ito sa kapana¬hunan ni Solomon.
22 May mga barko ng Tarsis sa dagat ang hari, kasama ang mga barko ni Hiram. Tuwing ikat-long taon, dumadaong ang mga barko ng Tarsis na may dalang ginto, pilak, garing, ung¬goy at pabo-real.
• 23 Nangunguna sa yaman at du¬nong si Haring Solomon sa lahat ng hari sa daig¬dig. 24 At hangad ng buong daig¬dig na ma¬ka¬harap si Solomon para ma¬rinig ang kan¬yang karunungang bigay ng Diyos sa kan¬yang isipan. 25 Taun-taon, bawat isa’y nag¬dadala sa kanya ng regalo, mga ba¬gay na yari sa pilak at ginto, mga damit, mga ar¬mas at mga rekado, mga ka¬bayo at mola.
26 Tinipon ni Solomon ang mga karwahe at kabayo – sanlibo’t apatna¬raang karwahe at labindalawang libong kaba¬yo na inilagay niya sa mga lunsod ng kar¬wahe at sa Jerusalem kasama niya. 27 Pa¬rang bato lamang ang pilak sa Jerusalem para sa hari, at ang sedro ay parang si-komoro lamang sa kapata¬gan sa dami. 28 Ga¬ling Cilicia pa ang mga kabayo ni Solomon – binili iyon ng mga negosyante ng hari sa Cilicia. 29 Mula roo’y nakakuha sila ng karwahe sa hala¬gang animnaraang pirasong pilak, at ng kabayo sa halagang san¬daa’t limampu. Ang mga negosyante ni Solomon ang nagbenta ng mga ito sa la¬hat ng hari ng mga Heteo at ng Aram.
Mga asawa ni Solomon
11 • 1 Bukod sa anak ni Paraon, umibig din si Solomon sa mara¬ming ba¬baeng banyaga – mga Moabita, Edomita, Sidonia at Hetea, 2 mula sa mga bansang sinabi ni Yawe sa mga Israelita: “Huwag kayong mag-asawa sa kanila o sila sa inyo sapagkat iba¬baling nila ang inyong puso sa ka¬nilang mga diyos.” Ngu¬nit tinularan ni Solomon ang mga ban¬sang ito dahil sa kanyang pag-ibig. 3 Na¬ging asawa niya ang pitundaang prinsesa, at tatlundaang asawang-alipin; at sila ang nag¬ligaw sa kanyang puso.
4 Sa katandaan ni Solomon, ibina¬ling ng kanyang mga asawa ang kanyang puso sa pagsunod sa ibang mga diyos. Hindi kasintapat ng puso ni David na kanyang ama ang kanyang puso kay Yaweng kanyang Diyos. 5 Sumunod siya kay Astarteng diyosa ng mga Sidonio at kay Milkom na diyus-diyusan ng mga Amonita. 6 Ginawa ni Solomon ang ma¬sama sa paningin ni Yawe, at hindi buong-pusong sumunod kay Yawe gaya ni David na kanyang ama. 7 Nagtayo pa si Solo¬mon ng isang altar sa burol sa silangan ng Jerusalem para kay Kemos na diyus-diyusan ng Moab pati kay Mil¬kom na diyos ng mga Amonita. 8 Gayun¬din ang kanyang ginawa para sa lahat niyang asawang banyaga na nagsu¬sunog ng insenso at nag-aalay ng mga handog sa kani-kanilang mga diyos.
9 Nagalit si Yawe kay Solomon sa¬pagkat lumayo ang puso nito kay Ya¬weng Diyos ng Israel. Dalawang beses na na¬pakita si Yawe sa kanya 10 at inu¬tusan si¬¬yang huwag sumunod sa ibang mga diyos. Ngunit hindi niya tinupad ang utos ni Yawe.
11 Kaya sinabi ni Yawe kay Solomon: “Dahil ganito ang iginawi mo at hindi mo tinupad ang aking Tipan at ang aking mga tuntunin na iniutos ko sa iyo, aagawin ko sa iyo ang kaharian at ibi-bigay ito sa iyong tagapaglingkod. 12 Alang-alang lamang kay David na iyong ama kaya hindi ko ito gagawin sa iyong panahon kundi sa ka¬may ng iyong anak ko ito aagawin. 13 Ngu¬nit hindi ko aagawin sa kanya ang buong kaharian. Isang tribu ang ibibigay ko sa iyong anak alang-alang kay David na aking lingkod at sa Jerusalem na aking pinili.”
Mga kaaway ni Solomon
14 At nagpalitaw si Yawe ng isang kalaban ni Solomon, si Hadad na Edomitang buhat sa isang kilalang pamilya ng Edom. 15 Nang malupig ni David ang Edom at pagkaahon ni Yoab na hene¬ral ng hukbo para ilibing ang mga patay, pinatay niya ang lahat ng lalaki ng Edom. 16 Anim na buwan doon si Yoab at ang buong Israel hanggang malipol ang lahat ng lalaki sa Edom. 17 Pero nakatakas si Hadad pa-Ehipto kasama ang ilang Edomi¬tang mga ta¬uhan ng kanyang ama. Bata pa noon si Hadad. 18 Umalis sila sa Madian at nagpunta sa Paran, at isinama nila ang ilang lalaki mula sa Paran, at nagpunta sila sa Ehipto kay Paraong hari ng Ehipto. Binigyan nito si Hadad ng bahay, pag¬kain at lu¬pain. 19 Lubos na naging kasiya-siya si Hadad kay Paraon kaya ibinigay nito sa kanya bilang asawa ang kanyang hipag na kapatid ni Reyna Tafanes na asawa nito. 20 Nagkaanak sa kanya ng isang lalaki ang kapatid ni Tafanes, at pina¬ngalanan itong Genubat. At pinalaki ito ni Tafanes sa bahay ni Paraon. Sa palasyo nga ni Paraon tumira si Genubat, kapiling ng mga anak ni Paraon.
21 Kayat nang mabalitaan ni Hadad sa Ehipto na namayapa na si David sa piling ng kanyang mga ninuno at patay na rin si Yoab na heneral ng hukbo, sinabi niya kay Paraon: “Pahintulutan ninyo akong makauwi sa aking lupain.” 22 Tina¬nong siya ni Paraon: “Ano pa ang kulang sa iyo sa piling ko at gusto mong umuwi sa iyong lu¬¬pain?” Ngunit sumagot siya: “Wala, pero pa¬alisin sana ninyo ako.” Kayat umuwi si Hadad sa kanyang lupain. At ito ang kasamaang ginawa ni Hadad: napoot siya sa Israel at naghari sa Edom.
23 Nagpalitaw rin ang Diyos ng isa pang ka¬laban ni Solomon, si Razon na anak ni Eliada. Nakatakas ito sa kanyang among si Hadadezer na hari ng Soba. 24 Tinipon ni Razon ang ilang lalaki at pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga tulisan. Matapos patayin ni David ang ilan sa kanila, nagpunta sila at nanirahan sa Da¬masco at pinagharian ito. 25 Naging kalaban siya ng Israel habang nabubuhay si Solomon.
Ipinagpauna ni Propeta Ahias ang pagkahati ng kaharian
• 26 Naghimagsik din sa hari si Yero¬boam. Anak siya ni Nebat na Efrateong taga-Zereda; biyuda na ang kanyang inang si Zerva. Isa siya sa mga opisyal ni Solomon.
27 Ito ang dahilan ng kanyang paghi¬himagsik sa hari. Itinatayo ni Solomon ang Milo at nasarhan na ang guwang sa pader ng Lunsod ni David na kanyang ama. 28 Si Yeroboam ay isang lalaking malakas at magiting. Nakita ni Solo¬mon kung paano magtrabaho ang bina¬tang ito kayat ginawa niya itong tagapama¬hala sa lahat ng kailangang mag¬trabaho mula sa angkan ni Jose.
29 Nang minsang lumabas si Yero¬boam mula sa Jerusalem, nasalubong niya sa daan ang propetang si Ahias na taga-Silo na may suot na bagong kapa. Silang da¬lawa lamang ang nasa bukid.
30 Hinawakan ni Ahias ang bagong kapang suot niya at pinunit sa labin¬dalawang piraso. 31 At sinabi nito kay Yero¬boam: “Kunin mo ang sampung pi¬raso sapagkat ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Israel: Tingnan mo, malapit ko nang agawin ang kaharian sa mga kamay ni Solomon at ibibigay ko sa iyo ang sampung tribu. 32 Isang tribu lamang ang maiiwan sa kanya alang-alang sa aking lingkod na si David at sa Jerusalem na lunsod na pinili ko sa lahat ng tribu ng Israel.
33 Gagawin ko ito dahil tinalikuran niya ako at sinamba si Astarteng diyosa ng mga Sidonio, si Kemos na diyos ng Moab at si Milkom na diyos ng mga Amonita. Hindi siya lumakad sa aking mga daan, hindi niya ginawa ang tama sa aking pa¬ningin ni tinupad ang aking mga tuntunin at mga atas, hindi gaya ng ginawa ni David na kanyang ama.
34 Subalit hindi ko kukunin sa kanyang kamay ang buong kaharian. Pababayaan ko pa rin siyang makapaghari sa lahat ng araw ng kanyang buhay alang-alang kay David na aking lingkod na hinirang ko at siyang tumupad sa aking mga utos at tuntunin. 35 Aaga¬win ko ang kaharian sa kamay ng kanyang anak at ibibigay ko sa iyo ang sampung tribu. 36 Isang tribu ang ibibigay ko sa kanyang anak upang si David na aking lingkod ay laging magkaroon ng isang ilawan sa aking harap sa Jerusalem na lunsod na pinili kong paglagyan ng aking Pangalan. 37 Kukunin kita at papaghahariin sa lahat ng gusto mo: magiging hari ka ng Israel. 38 Nga¬yon, kung makikinig ka sa lahat ng iniuutos ko, at lalakad sa aking mga daan at gagawin ang tama sa aking paningin sa pagtupad sa aking mga tuntunin at mga utos, tulad ng ginawa ni David na aking lingkod, sasaiyo ako at ipagtatayo kita ng samba¬hayang sintatag ng sambahayang itinayo ko para kay David. Ibibigay ko sa iyo ang Israel, 39 sa ganito ko hahamakin ang lahi ni David dahil dito, pero hindi sa lahat ng araw.”
40 Tinangkang patayin ni Solomon si Yero¬boam, pero tumakas si Yeroboam pa-Ehipto, kay Sisak na hari ng Ehipto. At doon siya nanatili hanggang mamatay si Solomon.
41 Tungkol naman sa iba pang pangyayari sa buhay ni Solomon, ang lahat niyang ginawa at ang kanyang karunungan, ay nasusulat sa Aklat ng mga Gawa ni Solomon. 42 Apatnapung taong naghari si Solomon sa buong Israel sa Je¬ru¬salem. 43 At nahimlay siya sa piling ng kanyang mga ninuno sa Lunsod ni David. Humalili sa kanya si Rehoboam na kanyang anak.
Ang pagkakahati ng kaharian
12 • 1 Nagpunta si Rehoboam sa Si¬kem sapagkat doon nagtipon ang buong Israel upang gawin siyang hari. 2 Nang mabalitaan ito ni Yero¬boam na anak ni Nebat, nagbalik siya mula sa Ehipto na pinagtaguan niya para maka¬takas kay Haring Solomon at kinaroroo¬nan pa rin niya.
3 Ipinatawag siya ng mga taga-Israel at dumating siyang kasama ang pagtitipon ng Israel. Humarap sila kay Rehoboam at hiningi: 4 “Mabigat ang pama¬tok na ipi¬napasan sa amin ng iyong ama. Kaya ngayo’y pagaanin mo ang mahirap na traba¬hong ipi¬nataw sa amin ng iyong ama pati ang mabigat na pa¬matok na ipi¬napasan niya sa amin, at maglilingkod kami sa iyo.” 5 Ngunit si-nabi sa kanila ni Reho¬boam: “Umalis kayo ngayon at bumalik sa ikat¬long araw.” At umalis nga ang mga tao.
6 Sinangguni ni Haring Rehoboam ang mga matatandang naglingkod sa kan¬yang amang si Solomon nang nabubu¬hay pa ito, 7 at tinanong niya: “Ano ang mai¬papayo ninyo sa akin para isagot ko sa bayang ito?” At sumagot sila: “Kung magiging lingkod ka ng bayang ito nga¬yon at pagliling¬kuran sila at kaka¬usapin sila sa mabu¬buting salita, pagli¬lingkuran ka naman nila habampana¬hon.” 8 Ngunit binale-wala ni Rehoboam ang payong ibi¬nigay sa kanya ng mga matatanda at tina¬nong ang mga bina¬tang kanyang mga kababata na nagli¬lingkod sa kanya. 9 Si-nabi niya sa mga ito: “Ano sa pala¬gay ninyo ang dapat nating isagot sa bayang ito na nagsabi sa aking pag¬aanin ko ang pamatok na ipapasan sa kanila ng aking ama?” 10 Su¬¬magot ang mga binatang mga ka¬babata niya: “Dahil sinabi sa iyo ng ba¬yang ito na pinabigat ng iyong ama ang kanilang pamatok kaya pagaanin mo naman ito, ganito ang sabihin mo sa ka¬nila: Mas malapad ang aking kaling¬kingan kaysa baywang ng aking ama. 11 Mabigat nga ang pamatok na ipina-pasan sa inyo ng aking ama ngunit lalo ko pang pabibi¬gatin. Hina¬gupit kayo ng aking ama ng la-tigo, ngunit kakabitan ko pa iyon ng ma¬tu¬tulis na bakal.”
12 Sa ikatlong araw, nagbalik kay Reho¬boam si Yeroboam at ang buong bayan ayon sa sinabi ng haring “Buma¬lik kayo sa ikatlong araw.” 13 Pero marahas na si¬na¬got ng hari ang bayan, binale-wala niya ang payo ng mga matatanda, 14 at ang payo ng mga binata ang sinabi: “Pinabigat nga ng aking ama ang inyong pamatok pero lalo ko pa itong pabibi¬ga¬tin. Hina¬gupit kayo ng aking ama ng latigo ngunit kakabitan ko pa iyon ng matutulis na bakal.” 15 Hindi pinaking¬gan ng hari ang bayan. Sadyang niloob ni Yawe ang ga¬yong pangyayari, para matupad ang mga salita ni Yawe na si¬nabi ni Ahias na taga-Silo kay Yeroboam na anak ni Nebat.
16 Nakita ng buong Israel na ayaw si¬lang pakinggan ng hari kayat sinagot nila ang hari: “Ano’ng mapapala namin kay David? Katribo ba natin si Jese? Sa iyong mga tolda, O Israel! Bahala ka sa buhay mo, O David!”
Nagsiuwi nga ang mga Israelita sa kani-kanilang mga tolda. 17 Ang mga Israelita lamang sa mga lunsod ng Juda ang kumilala kay Rehoboam bilang hari nila.
18 Pinapunta ni Haring Rehoboam si Adoniram na tagapamahala sa sapilitang paggawa ngunit binato siya ng buong Israel hanggang mamatay. Kayat agad na sumakay si Haring Rehoboam sa kanyang karwahe para tumakas pa-Jerusalem.
19 Kayat naghimagsik ang Israel sa angkan ni David hanggang sa pana¬hong ito.
20 Nang malaman ng buong Israel na nagbalik na si Yeroboam, ipinatawag nila siya sa pagtitipon at ginawa siyang hari ng buong Israel. Wala nang iba pang natira sa angkan ni David maliban sa tribu ng Juda. 21 Pag¬dating ni Reho¬boam sa Jerusalem, tinipon niya ang buong sam-bahayan ng Juda at ang tribu ng Benjamin, sandaa’t walumpung libong bihasang mandi¬rigma, para makipag¬laban sa sambahayan ng Israel upang mabawi ang kaharian ni Rehoboam na anak ni Solomon.
22 Ngunit dumating ang salita ng Diyos kay Semayang tao ng Diyos:
23 “Sabihin mo kay Rehoboam na anak ni Solomon, ang hari ng Juda, at sa buong sam¬-bahayan ng Juda at Benjamin at sa buong bayan 24 na ganito ang sinasabi ni Yawe: Hindi kayo aahon para makipaglaban sa inyong mga ka¬patid na Israelita. Magsiuwi na ang lahat dahil ako ang may gawa nito.” Pagkarinig nila sa sa¬lita ni Yawe, nagsiuwi nga sila ayon sa sinabi ni Yawe. 25 Pinaderan ni Yeroboam ang Sikem sa kabundukan ng Efraim at doon siya nanira¬- han. At nagpunta siya sa Penuel at pina¬deran din ito.
Ang pagkakahati sa relihiyon
• 26 Napag-isip ni Yeroboam: “Ma¬aaring mabalik ang kaharian sa angkan ni David. 27 Kung aahon ang bayang ito pa-Jerusalem para mag¬hain ng mga handog sa Bahay ni Yawe, magbabalik-loob sila sa kanilang panginoong si Re¬hoboam na hari ng Juda. At papatayin nila ako at mag¬babalik kay Rehoboam na hari ng Juda.
28 Naghanap ng payo ang hari at gu¬mawa siya ng dalawang guyang ginto. At sinabi niya sa sambahayan: “Tama na ang pag-ahon ninyo sa Jerusalem. Narito ang iyong mga diyos, O Israel, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.” 29 Inilagay niya ang isa sa Betel, at sa Dan ang isa pa. 30 Humantong sa kasalanan ang bagay na ito. Inihatid ng sambayanan ang isang guya hang¬gang Dan.
31 Nagtayo rin si Yeroboam ng mga altar sa mga burol, at humirang ng mga pari sa mga ordinaryong tao na hindi naman mga Levita. 32 Itinakda rin ni Yeroboam ang isang piyesta sa ikala¬binlimang araw ng ikawalong buwan gaya ng pagpipi¬yesta sa Juda. At nag-alay siya ng mga handog sa altar. Ginawa niya ito sa Betel kung saan siya naghandog sa mga guyang ginawa niya. At humirang din siya ng mga pari para sa mga altar sa burol na kan¬yang itinayo. 33 Sa ikalabinlimang araw ng ikawalong buwan na sarili niyang pakana, itinakda niya ang isang pi¬yesta para sa mga Is¬raelita at umahon sa altar para mag¬sunog ng insenso.
Istorya ng propeta ng Betel
13 • 1 Isang tao ng Diyos na ga¬ling-Juda ang dumating sa Betel dahil sa utos ni Yawe habang nakatayo si Yero¬boam sa tabi ng altar para magsunog ng insenso. 2 Sumigaw ang lalaki sa ngalan ni Yawe laban sa altar: “O altar, altar, ganito ang sinasabi ni Yawe: Isang lalaki ang isisilang sa angkan ni David, Yosias ang kanyang pangalan. Sa iyo niya papatayin ang mga pari ng mga altar sa burol na nag¬susunog ng insenso sa iyo, at sa iyo rin nila susunugin ang mga buto ng tao.”
3 At nang araw ding iyon, isang tanda ang ibinigay ng lalaki. Sinabi niya: “Ito ang tanda na si Yawe nga ang nagsalita. Tingnan ninyo: biyak ang altar at bumu¬buhos ang abong narito!”
4 Nang marinig ng hari ang salita ng Diyos at ang sinabi nito laban sa altar sa Betel, iniunat niya ang kanyang kamay mula sa altar at sinabi: “Dakpin siya!” Ngu¬nit natuyo ang kamay na ini-unat niya laban sa lalaki at hindi niya ma¬iurong. 5 At nabiyak ang altar at bumu¬hos ang abo mula rito, ayon sa palatandaang ibinigay ng tao ng Diyos dahil sa salita ni Yawe.
6 Sinabi ng hari sa tao ng Diyos: “Lu¬muhod ka kay Yaweng iyong Diyos at ipanalangin ako upang manauli ang aking kamay.” Nanikluhod nga kay Yawe ang tao ng Diyos, at nanauli sa dati ang kamay ng hari. 7 At sinabi ng hari sa tao ng Diyos: “Sumama ka sa akin pauwi at kumain ka muna, para maregaluhan kita.” 8 Ngunit sinabi ng tao ng Diyos sa hari: “Hindi ako sasama sa iyo, ibigay mo man sa akin ang kalahati ng iyong bahay. Hindi rin ako kakain o iinom sa lugar na ito 9 sapag¬kat ganito ang iniutos sa akin ni Yawe, ang kanyang salita sa akin: Huwag kang ka¬kain ng tinapay o iinom ng tubig, o uuwing pabalik sa iyong dina¬anan.” 10 Kaya sa iba siya dumaan pa-uwi, at hindi sa kanyang dinaanan pa-Betel.
11 May matandang propeta naman sa Betel. Nagsidating ang kanyang mga anak at ikinuwento sa kanya ang lahat ng ginawa nang araw na iyon sa Betel ng tao ng Diyos. Sinabi nila sa kanilang ama ang mga salitang sinabi nito sa hari. 12 At tina¬nong sila ng kanilang ama: “Saan siya nagdaan?” at itinuro nila ang dinaanan ng tao ng Diyos na ga¬ling-Juda. 13 At sinabi niya sa kanyang mga anak: “Ihanda ninyo ang aking asno.” Inihanda nga nila ang asno at sumakay siya rito.
14 Sinundan niya ang tao ng Diyos, at natagpuan itong nakaupo sa lilim ng isang puno. Tinanong niya ang lalaki: “Ikaw ba ang tao ng Diyos na galing-Juda?” Suma¬got ito: “Ako nga.” 15 At sinabi niya: “Su¬mama ka sa akin pauwi at kumain kahit kaunti.” 16 Sumagot ang lalaki: “Hindi ako makababalik kasa¬ma ninyo para tumuloy sa inyong ta¬hanan. At hindi rin ako ma¬kakakain ng tinapay o maka¬iinom ng tu¬big kasalo ninyo sa lugar na ito. 17 Sa¬pag¬kat ganito ang iniutos ni Yawe: Huwag kang kaka¬in ng tinapay o iinom ng tubig doon, o uuwing pabalik sa iyong dina-anan.” 18 Ngunit sinabi sa kanya ng ma¬tanda: “Propeta rin akong tulad mo, at sinabi sa akin ng isang anghel sa utos ni Yawe: Isama mo siyang pabalik at dalhin sa iyong bahay upang doon ma¬kakain ng tinapay at makainom ng tubig.” Ngunit nag¬sisi¬nungaling ang matandang pro¬peta. 19 At bumalik naman siyang ka¬sama ng ma¬tanda, at kumain at umi¬nom sa bahay nito.
20 Habang nakadulog sila sa hapag, du¬mating ang salita ni Yawe sa prope¬tang nagsama sa kanya. 21 At malakas niyang sinabi sa tao ng Diyos na galing-Juda: “Ganito ang sinasabi ni Yawe: Sinuway mo ang salita ni Yawe at hindi tinupad ang ipinag-utos sa iyo ni Yaweng iyong Diyos. 22 Nagbalik ka at kumain ng tinapay at uminom ng tubig sa lugar na sinabi ko sa iyong huwag kakain o iinom. Kaya hindi malilibing ang iyong bangkay sa libingan ng iyong mga ninuno.”
23 Pagkatapos niyang kumain at umi¬nom, inihanda ng propetang nag¬sama sa kanya ang kanyang asno at umalis na siya. 24 Ngunit may nasalubong si¬yang leon sa daan at pinatay siya. Sa daan bumagsak ang kanyang bangkay, sa tabi ng asno at leon. 25 Nakita ng mga taong nagdaraan ang bangkay na na¬ka¬bulagta sa daan sa tabi ng leon. Ibinalita nila iyon sa lunsod na tinitir¬han ng matandang propeta.
26 Nang mabalitaan ito ng propetang nag¬sama sa kanya, sinabi nito: “Ito ang tao ng Diyos na sumuway sa salita ni Yawe. Ipinaubaya siya ni Yawe sa leon na lumapa at pumatay sa kanya, ayon sa salitang sinabi sa kanya ni Yawe.” 27 At sinabi niya sa kanyang mga anak: “Ihanda ninyo ang asno para sa akin.” At inihanda nga nila ito.
28 Umalis siya at natagpuan niya ang bangkay na nakahandusay sa daan, at katabi ang asno at leon. Hindi kinain o nilapa ng leon ang asno. 29 Kinuha ng propeta ang bangkay ng tao ng Diyos at isinakay sa asno at ibinalik sa lunsod upang ipagluksa at ilibing. 30 Inilibing niya iyon sa sarili niyang libingan, at nagluksa sila: “O kapatid ko!”
31 Pagkatapos ng libing, sinabi ng ma¬tanda sa kanyang mga anak: “Pag¬kama¬tay ko, ilibing ninyo ’ko sa pinag¬libingan sa tao ng Diyos, ang aking mga buto sa tabi ng kanyang mga buto. 32 Sapagkat magkakatotoo ang lahat ng kanyang sinabi sa utos ni Yawe la¬¬ban sa altar sa Betel at sa lahat ng al¬tar sa burol sa mga lunsod ng Sama¬ria.”
33 Pagkatapos nito, hindi pa rin luma¬yo si Yeroboam sa kanyang masamang gawi. Sa halip, muli siyang humirang ng mga pari para sa mga altar sa burol mula sa mga ordinaryong tao. Ginawa niyang pari sa mga altar sa burol ang sinumang may gustong magpari. 34 Ito ang kasalanan ng angkan ni Yeroboam, kaya nilipol sila’t pinawi sa balat ng lupa.
Propesiya ni Ahias laban kay Yeroboam
14 • 1 Nang panahong iyon, nagkasakit si Abias na anak ni Yero¬boam. 2 Sinabi ni Yeroboam sa kan¬yang asawa: “Hala, magbalatkayo ka para hindi ka makilalang asawa ni Yero-boam. Magpunta ka sa Silo, naroon ang prope¬tang si Ahias na nag¬sabi sa aking magi¬ging hari ako ng bayang ito. 3 Mag¬dala ka ng sampung tinapay, ilang kala¬may at isang garapong pulot-pukyutan. Punta¬han mo siya at sasabihin niya sa iyo ang mangyayari sa bata.”
4 Gayon nga ang ginawa ng asawa ni Yeroboam. Tumindig siya at nagpunta sa Silo. Tumuloy siya sa bahay ni Ahias. Hindi na makakita si Ahias sapagkat wala nang galaw ang kanyang mga mata dahil sa katandaan. 5 Ngunit sinabi na ni Yawe kay Ahias: “Parating ang asawa ni Yero¬boam para tanungin ka tungkol sa kan¬yang anak na may sakit. Ganito ang sasa¬bihin mo sa kanya... Darating siyang naka¬balat¬kayo.” 6 Kayat nang marinig ni Ahias ang kanyang mga yabag pagsapit niya sa may pinto, sinabi niya: “Tuloy ka, asawa ni Yero¬boam. Ba’t ka nakabalat¬kayo? Ipinahahatid sa akin para sa iyo ang isang ma¬samang balita.
7 Bumalik ka at sabihin kay Yero¬boam na ganito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Israel: 8 Itinampok kita sa gitna ng sam¬bayanan at hini¬rang na pinuno ng aking bayang Israel. Inagaw ko ang ka¬harian sa angkan ni David at ibinigay sa iyo. Pero hindi ka naging tulad ng aking lingkod na si David na tumupad sa aking mga utos at sumunod sa akin nang buo niyang puso sa paggawa la¬mang ng tama sa aking pa¬ningin. 9 Ngu¬nit masama ang ginawa mo, mas masa¬hol pa sa lahat ng nauna sa iyo. Sumige ka sa pag¬gawa ng ibang mga diyos at mga ima¬heng metal. Ginalit mo ako at tina¬likuran.
10 Kaya parurusahan ko ngayon ang angkan ni Yeroboam. Lilipulin ko ang lahat ng lalaki sa lipi ni Yeroboam sa Israel, alipin man o malaya. At papa¬lisin ko ang matitira sa angkan ni Yero-boam, tulad sa pagwawalis sa dumi hanggang mawala ang lahat. 11 Lala¬munin ng mga aso ang kay Yeroboam na mamamatay sa lunsod, at kakanin naman ng mga ibon sa langit ang mamamatay sa bukid. Ito ang sabi ni Yawe.
12 Sige, umuwi ka na. Pagtapak na pag¬tapak mo sa siyudad, mamamatay ang bata. 13 Ipagluluksa siya ng buong Israel at ililibing siya. Siya lamang sa lipi ni Yero¬boam ang malilibing sapag¬kat sa buong angkan ni Yeroboam sa kanya lamang nakakita ng mabuti si Yaweng Diyos ng Israel. 14 Si Yawe mis¬mo ang magpapa¬litaw ng isang hari sa Israel na pupuksa sa angkan ni Yero¬boam.
15 Hahampasin ni Yawe ang Israel, gaya ng tambong hinahampas ng alon. Bubunutin niya ang Israel mula sa matabang lupang ito na ibi¬nigay niya sa kanilang mga ninuno. At ika¬kalat sila sa kabilang ibayo ng Ilog Eufrates sapagkat ginalit nila si Yawe sa kanilang mga sagradong poste. 16 Panga¬nga¬latin ni Yawe ang Israel dahil sa mga kasalanang ginawa ni Yero¬boam at sa pag¬bubulid niya sa Israel sa pagka¬kasala.”
17 Umalis ang asawa ni Yeroboam. At pagdating niya sa Tirsa, pagtuntong niya sa may pintuan ng bahay, namatay ang bata. 18 Inilibing ang bata at nag¬luksa ang buong Israel gaya ng si¬nabi ni Yawe sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Ahias na propeta.
Rehoboam, hari ng Juda
19 Ang iba pa tungkol kay Yeroboam, ang kanyang pakikipagdigma at ang kanyang pag-hahari, ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ng Israel. 20 Dalawampu’t dalawang taong naghari si Yeroboam, at nahimlay siyang kasama ng kanyang mga ninuno. Nag¬haring kahalili niya si Nadab na kanyang anak.
21 Naghari naman sa Juda si Rehoboam na anak ni Solomon. Apatnapu’t isang taon siya nang maging hari. Labimpitong taon siyang naghari sa Jerusalem na lunsod na pinili ni Yawe mula sa lahat ng tribu ng Israel para doon ilagay ang kanyang Pangalan. Si Naamang Amonita ang kanyang ina. 22 Guma¬wa rin ng masama sa paningin ni Yawe ang Juda. Lalo nilang ginalit si Yawe sa mga kasalanang ginawa nila na mas ma¬sahol pa sa lahat ng ginawa ng kanilang mga ninuno. 23 Nagtayo rin sila ng mga altar sa burol, mga sagradong bato at mga poste sa bawat taas ng burol at sa lilim ng bawat malabay na puno. 24 Nagkaroon pa sila ng mga lalaking nagbibili ng kanilang sarili sa lupain. Ginaya nila ang lahat ng kasuklam-suklam na gawi ng mga la¬hing pinalayas ni Yawe sa harap ng mga Israelita.
25 Sa ikalimang taon ni Haring Rehoboam, sinalakay ni Sisak na hari ng Ehipto ang Jeru¬salem 26 at tinangay ang mga kaya¬manan ng Bahay ni Yawe at ng palasyo ng hari. Tinangay niya ang lahat pati ang lahat ng gintong kalasag na ginawa ni Solomon. 27 Kayat pinalitan ni Rehoboam ang mga ito ng mga tansong kalasag at ipinagkatiwala sa mga pinuno ng tanod na nagbabantay sa pintuan ng palasyo ng hari. 28 Tuwing papa¬sok ang hari sa Bahay ni Yawe, dinadala iyon ng mga tanod at ibinabalik naman sa silid ng mga tanod pagkatapos.
29 At iba pang tungkol sa paghahari ni Rehoboam at lahat niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ng Juda. 30 Nagpatuloy ang digmaan nina Rehoboam at Yeroboam. 31 Nahimlay si Rehoboam kasama ng kanyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa Lunsod ni David. Si Naamang Amonita ang kanyang ina. Si Abiam na kanyang anak ang nagharing kahalili niya.
Abiam, hari ng Juda
15 1 Sa ikalabingwalong taon ni Haring Yeroboam na anak ni Nebat, naghari naman si Abiam sa Juda. 2 Tatlong taon siyang naghari sa Jerusalem. Maaka ang pa¬nga¬lan ng kanyang ina na anak ni Absalom. 3 Tinularan niya ang lahat ng kasa¬lanang ginawa ng kanyang ama, at hindi buung-buo ang kanyang puso kay Yaweng kanyang Diyos, hindi gaya ng puso ni David na kanyang ninuno. 4 Ngunit ipinangako ni Yaweng kanyang Diyos kay David na pa¬na¬natilihin nitong may sindi ang kanyang ilawan sa Jerusalem, at papaghahariin ang kan¬yang mga anak pagkatapos niya at patatatagin ang Jerusalem. 5 Dahil ginawa ni David ang tama sa paningin ni Yawe at hindi lumihis mula sa lahat ng iniutos sa kanya ni Yawe sa buong buhay niya, maliban sa bagay tungkol kay Urias na Heteo.
7 Ang iba pang tungkol sa paghahari ni Abiam at lahat niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ng Juda. Nagdig¬maan sina Abiam at Yeroboam. 8 Nahimlay si Abiam kasama ng kanyang mga ninuno, inilibing siya sa Lunsod ni David, at si Asa na kanyang anak ang nag¬haring kahalili niya.
Asa, hari ng Juda
9 Sa ikadalawampung taon ni Yeroboam na hari ng Israel, naghari naman si Asa sa Juda. 10 Apatnapu’t isang taon siyang naghari sa Jeru¬salem. Lola niya si Maakang anak ni Absalom. 11 Ginawa ni Asa ang tama sa paningin ni Yawe, tulad ni David na kan¬yang ninuno. 12 Pinalayas niya sa lupain ang mga lalaking nagbibili ng kanilang sarili at inalis ang lahat ng diyus-diyusang ginawa ng kanyang mga ninuno. 13 Ina¬lis din niya bilang inang-reyna ang kanyang lolang si Maaka dahil gumawa ito ng ka¬¬suklam-suklam na ukit kay Asera. Winasak ni Asa ang posteng ito at sinu¬nog sa may Batis ng Kidron. 14 Hindi man niya inalis ang mga altar sa burol, pero buung-buo naman ang puso ni Asa kay Yawe sa buong buhay niya. 15 Dinala niya sa Bahay ni Yawe ang mga handog na itinalaga ng kanyang ama, pati ang sariling mga handog: pilak at ginto at mga kaga¬mitan.
16 Nagdigmaan si Asa at si Baasa na hari ng Israel sa lahat ng araw ng kanilang buhay. 17 Sina¬lakay ni Baasang hari ng Israel ang Juda at nagtayo ng kuta sa Rama para had¬langan ang pagpaparoo’t parito kay Asang hari ng Ju¬da. 18 Kinuha naman ni Asa ang lahat ng pilak at gintong natitira pa sa mga kabang-yaman ng Bahay ni Yawe at ng pa¬lasyo ng hari, at ipinag-katiwala ang mga iyon sa kanyang mga lingkod na isinugo niya sa Damasco sa hari ng Aram na si Benhadad na anak ni Tab¬rimmon na anak naman ni Hezion. 19 At ipinasabi niya: “Gumawa tayo ng kasunduan tulad ng ginawa ng aking ama at ng iyong ama. Narito, may padala ako sa iyong pilak at ginto bilang regalo, kaya sirain mo na ang iyong kasunduan kay Baasang hari ng Israel para lumayo siya sa akin.”
20 Pinakinggan ni Benhadad si Haring Asa at isinugo ang mga pinuno ng kanyang hukbo laban sa mga lunsod ng Israel at sina¬kop ang Ijon, Dan, Abel-Betmaaka, ang buong lupain ng Kinerot at ang buong lupain ng Neftali. 21 Nang mabalitaan ito ni Baasa, ipinatigil niya ang pagtatayo ng kuta sa Rama at umuwi sa Tirsa. 22 Kayat nagpalabas ng utos si Haring Asa sa buong Juda at walang itinanging sinu¬man. Ipinahakot nila mula sa Rama ang mga bato at kahoy na ginagamit ni Baasa sa pagtatayo ng kuta. Sa pamamagitan ng mga ito, itinayo ni Haring Asa ang kuta sa Geba ng Benjamin at Mizpa.
23 Ang iba pa tungkol sa paghahari ni Asa, ang kanyang kagitingan, ang lahat ng kanyang ginawa at ang mga lunsod na kan¬yang itinayo ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ng Juda. Sa kanyang katandaan, nag¬ka¬roon siya ng karam¬daman sa paa. 24 Nahimlay si Asa kasa¬ma ng kan-yang mga ninuno at inilibing kasama nila sa Lunsod ni David na kanyang ninuno. Si Yosafat na kanyang anak ang nagha¬ring kahalili niya.
Nadab at Baasa, mga hari ng Israel
25 Naghari naman sa Israel si Nadab na anak ni Yeroboam sa ikalawang taon ng paghahari ni Asa sa Juda. Dalawang taon siyang naghari sa Juda, 26 at ginawa niya ang masama sa pani¬ngin ni Yawe at sinundan ang mga yapak at kasa¬lanan ng kanyang ama, at pinapagkasala ang Israel. 27 Naki¬pag¬¬sabwatan laban sa kanya si Baasang anak ni Ahias sa angkan ni Isacar at sinaksak niya ito sa Gibeton ng mga Pilisteo habang kinu¬kubkob ni Nadab at ng buong Is¬rael ang Gibeton. 28 Pinatay siya ni Baasa sa ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, at siya ang nagharing kahalili nito.
29 Nang hari na siya, pinatay niya ang buong angkan ni Yeroboam at walang itinirang buhay hanggang malipol na lahat, ayon sa salitang bini¬tiwan ni Yawe sa pa¬mamagitan ng kanyang lingkod na si Ahias na taga-Silo. 30 Nangyari ito dahil sa mga kasalanang ginawa ni Yeroboam at sa pag¬bubulid niya sa Israel sa pagkakasala kaya naman ginalit niya si Yaweng Diyos ng Israel.
31 Ang iba pang tungkol sa paghahari ni Nadab at lahat ng kanyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ng Israel. 32 Habambuhay na nagdidigmaan sina Asa at Baasang hari ng Israel.
33 Sa ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naghari naman sa buong Israel mula sa Tirsa si Baasang anak ni Ahias. Dala¬wampu’t apat na taon siyang naghari. 34 Gumawa siya ng masama sa paningin ni Yawe at tinahak ang daan ni Yeroboam at pinapagkasala ang Israel.
16 1 Dumating ang salita ni Yawe kay Yehu na anak ni Hanani laban kay Baasa: 2 “Itinaas kita mula sa alabok at ginawang pi¬nuno ng aking bayang Israel ngunit sumunod ka sa yapak ni Yeroboam at pinapagkasala ang aking bayang Israel para galitin ako sa kanilang mga kasalanan. 3 Kaya papalisin ko ang alaala ni Baasa at ng kanyang ang¬kan, itutulad ko ang kanyang angkan sa angkan ni Yeroboam na anak ni Nebat. 4 Lalamunin ng mga aso ang mula sa lipi ni Baasa na mamamatay sa lunsod, at kakanin naman ng mga ibon sa langit ang mamamatay sa bukid.”
5 Ang iba pang tungkol sa paghahari ni Baasa at ang kanyang mga ginawa at kagi¬tingan ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ng Israel. 6 Nahimlay si Baasa sa piling ng kanyang mga ninuno at inilibing sa Tirsa. Si Ela na kanyang anak ang nagharing kahalili niya.
7 Sa pamamagitan ng propetang si Jehu na anak ni Hanani, dumating ang salita ni Yawe laban kay Baasa at sa kanyang ang¬kan dahil sa lahat ng kasamaang ginawa nito sa paningin ni Yawe. Ginalit niya si Yawe dahil sa gawa ng kan¬yang mga ka¬may, sa pagi¬ging tulad ng ang¬¬kan ni Yero-boam, at dahil pinatay din niya ang angkan ni Yeroboam.
Ela, hari ng Israel
8 Sa ikadalawampu’t anim na taong pag¬hahari ni Asa sa Juda, dalawang taon namang naghari sa Israel mula sa Tirsa si Ela na anak ni Baasa. 9 Ngunit nagpakana laban sa kanya ang kanyang lingkod na si Zimri na pinuno ng kala¬hati sa mga karwahe. Nag¬lalasing noon si Ela sa bahay ni Arsa na gobernador ng Tirsa. 10 Du¬mating si Zimri, sinaksak siya at pinatay sa ika¬dalawampu’t pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. At siya ang nagharing kahalili nito. 11 Nang magsimula siyang maghari, pagka¬luk¬lok niya sa trono, pinagpapatay niya ang buong angkan ni Baasa at wala siyang itinirang lalaki, kamag-anak man o kaibigan. 12 Nilipol ni Zimri ang buong sambahayan ni Baasa gaya ng si¬nabi ni Yawe laban kay Baasa sa pamamagitan ng propetang si Jehu. 13 Naganap ito dahil sa lahat ng kasalanan ni Baasa at ni Elang kan¬yang anak na kanilang ginawa at ipinagawa sa Israel para galitin si Yaweng Diyos ng Israel sa kanilang mga diyus-diyusang walang kuwenta.
14 Ang iba pang tungkol sa paghahari ni Ela at lahat ng kanyang ginawa ay nasa Mga Pang-yayari sa Mga Hari ng Israel.
Omri, hari ng Israel
15 Sa ikadalawampu’t pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, pitong araw lamang na naghari si Zimri sa Tirsa. Sa¬pag¬kat kinukubkob noon ng hukbo ang Gibeton ng mga Pilisteo 16 nang mabali¬taan ng mga nasa kampo ang pakana ni Zimri at pinatay na nito ang hari. Kayat nang araw ding iyon sa kampo, inihayag nilang hari ng Israel si Omri na pinuno ng hukbo.
17 Umahon si Omri at ang buong Israel mula sa Gibeton at kinubkob ang Tirsa. 18 Nang makita ni Zimri na ma¬aagaw na ang lunsod, pumasok siya sa tore ng pa¬lasyo ng hari at sinunog ang palasyo, at namatay. 19 Kaya namatay si¬ya dahil sa mga kasalanang ginawa niya sa paggawa ng masama sa pani¬ngin ni Yawe at sa pagsunod sa yapak ni Yeroboam at sa ka¬¬¬sa-lanang ginawa nito at nagbulid sa Israel sa pagkakasala.
20 Ang iba pang tungkol kay Zimri at sa kanyang pakana ay nasa Mga Pang¬yayari sa mga Hari ng Israel.
21 Nahati ang bayang Israel: ang ka¬lahati ng sambayanan ay pumanig kay Tibni na anak ni Ginat upang gawin itong hari, at kay Omri naman ang kalahati. 22 Pero mas malakas ang mga kabig ni Omri kaysa mga panig kay Tibni na anak ni Ginat, kaya namatay si Tibni at naging hari si Omri.
¬23 Sa ikatatlumpu’t isang taon ng pag¬hahari ni Asa sa Juda, naghari na¬man si Omri sa Israel. Labindalawang taon si¬yang naghari, anim na taon siyang nag¬hari mula sa Tirsa. 24 Binili niya ang burol ng Samaria mula kay Shemer sa hala¬gang pitumpung kilong pilak. Gumawa siya ng lunsod sa burol at tinawag na Samaria mula sa panga¬lan ni Shemer na may-ari ng burol.
25 Masama ang ginawa ni Omri sa pa¬ningin ni Yawe, at mas masahol pa sa lahat ng nauna sa kanya. 26 Sumunod siya sa mga yapak ni Yeroboam na anak ni Nebat at sa kasalanan nito na nagbulid sa Israel sa pagkakasala, kaya ginalit niya si Yaweng Diyos ng Israel sa kanilang mga diyus-diyusang walang kuwenta.
27 Ang iba pang tungkol kay Omri, ang kanyang ginawa at kagitingan ay nasa Mga Pangyayari sa Hari ng Israel. 28 Na¬him¬lay si Omri sa piling ng kanyang mga ninuno at inilibing sa Samaria. At si Ahab na kanyang anak ang nagha¬ring kahalili niya.
Ahab, hari ng Israel
• 29 Naghari sa Israel si Ahab na anak ni Omri sa ikatatlumpu’t walong taon ng pag¬hahari ni Asa sa Juda. Da¬lawampu’t dalawang taong naghari sa Israel si Ahab na anak ni Omri.
30 Ginawa ni Ahab na anak ni Omri ang masama sa paningin ni Yawe, mas masa¬hol pa sa lahat ng nauna sa kanya. 31 Bale-wala sa kanya ang pag¬tulad sa mga pag¬kakasala ni Yero¬boam na anak ni Nebat. Pinaka¬salan niya si Izebel na anak ni Etbaal na hari ng mga Sidonio. Kayat nag-lingkod siya at sumamba kay Baal.
32 Nagtayo siya ng altar para kay Baal sa templo ni Baal na siya rin mis¬mo ang nagpatayo sa Samaria. 33 Nag¬pa¬gawa pa siya ng mga posteng sag¬¬ra¬do. Kaya higit pa ang ginawa ni Ahab para galitin si Yaweng Diyos ng Israel kaysa lahat ng hari ng Israel na nauna sa kanya.
34 Sa kanyang kapanahunan, ipinata¬yong muli ni Hiel ng Betel ang Jerico. Kay Abiram na kanyang panganay niya iti¬nayo ang pundasyon nito. At kay Se¬gub na kanyang bunso naman niya iti¬nayo ang mga pintuan ng lunsod, ayon sa salitang binitiwan ni Yawe sa pamamagitan ni Josueng anak ni Nun.
Si Propeta Elias
17 • 1 Nang panahong iyon, sina¬bi kay Ahab ni Elias na taga-Tisbe ng Galaad: “Kung paanong buhay si Yaweng Diyos ng Israel na pinagli¬lingkuran ko, di magkaka¬ha¬mog o uulan sa mga taong ito malibang iutos ko.”
2 Dumating kay Elias ang salita ni Yawe: 3 “Umalis ka rito at magpunta ka pasilangan. Magtago ka sa may batis ng Kerit sa silangan ng Jordan. 4 Sa batis ka iinom; at para sa iyong pag¬kain, inutusan ko na ang mga uwak na paka¬nin ka roon.”
5 At umalis nga siya at ginawa ang si¬nabi ni Yawe. Nagpunta siya at tumira sa may batis ng Kerit sa silangan ng Jordan. 6 Dinalhan siya roon ng mga uwak ng tinapay sa umaga, at karne sa gabi; at sa batis nga siya uminom.
Si Elias at ang biyuda ng Sarepta
• 7 Hindi nagtagal, natuyo ang batis sapagkat hindi umuulan sa lupain. 8 Du¬mating sa kanya ang salita ni Yawe: 9 “Tu¬mindig ka at pumunta sa Sarepta ng Sidon, at doon ka tumira. Inutusan ko na ang isang biyuda roon para bigyan ka ng pagkain.”
10 At tumindig nga si Elias at nagpa-Sarepta. Pagdating niya sa may pintuan ng bayan, nakita niya ang isang biyudang namumulot ng mga patpat. Tinawag niya iyon at sinabi: “Dalhan mo naman ako ng kaunting tubig sa sisidlan para makainom ako.”
11 Paalis na ang biyuda para kumuha ng tubig nang tawagin siya ni Elias at sabi¬hing “Pakidalhan mo na rin ako ng kapi¬rasong tinapay.” 12 Ngunit su¬magot ang biyuda: “Saksi ko si Yaweng iyong Diyos na wala ako ni isang tinapay kundi isang dakot na lamang ng harina sa garapon at kaunting langis sa bote. At heto, namu¬mulot nga ako ng ilang pat¬pat para iuwi at makapaghanda ng makakain para sa akin at sa aking anak na lalaki para makakain kami – at pag-katapos ay mamatay.”
13 Sinabi ni Elias sa biyuda: “Huwag kang matakot. Umuwi ka at gawin mo ang iyong sinabi, pero ipagluto mo muna ako ng maliit na tinapay mula roon, at dalhin mo sa akin. At saka ka magluto ng para sa iyo at sa iyong anak. 14 Sapag¬kat ganito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Israel: Hindi ma¬uubos ang harina sa garapon at hindi masasaid ang langis sa bote hang¬gang sa araw na paulanin ni Yawe sa lupa.”
15 Umalis ang biyuda at ginawa ang sinabi ni Elias. At nagkaroon ng pag¬kain sa araw-araw para sa kanya, kay Elias at sa kanyang anak.
16 Hindi naubos ang harina sa gara¬pon at hindi nasaid ang langis sa bote, gaya ng salitang binitiwan ni Yawe sa pamamagitan ni Elias.
Binuhay ni Elias ang anak ng biyuda
• 17 Pagkatapos nito, nagkasakit ang anak ng babaeng may-ari ng bahay. Na¬pakalubha ng sakit nito hanggang mala¬gutan ito ng hininga. 18 At sinabi ng babae kay Elias: “Ba’t mo naman ako ginanito, O tao ng Diyos? Pinun¬tahan mo ba ako para ipaalala ang aking pag¬kakasala at patayin ang aking anak?” 19 Sumagot siya: “Akina ang iyong anak.” Kinuha ni Elias ang bata sa kan¬yang kan¬dungan at dinala sa kuwarto sa itaas na tinitigilan niya at inihiga ito sa kanyang higaan.
20 Dumalangin siya kay Yawe: “O Yaweng aking Diyos, parurusahan mo rin ba ang biyudang ito na kumupkop sa akin at pa¬babayaang mamatay ang kanyang anak?” 21 At tatlong beses ni-yang dinapaan ang bata, at tumawag kay Yawe: “O Yaweng aking Diyos, pa¬balikin mo nawa ang hini¬nga ng batang ito.”
22 Dininig ni Yawe ang tinig ni Elias at nanumbalik ang hininga ng bata, at na¬buhay. 23 Binuhat ni Elias ang bata at ibi¬naba sa bahay mula sa kuwarto sa itaas. Ibinigay ito ni Elias sa ina nito at sinabi: “Hayan, buhay ang anak mo!”
24 At sinabi ng babae kay Elias: “Alam ko na ngayon na ikaw nga ay tao ng Diyos, at totoo ang salita ni Yawe sa iyong bibig.”

18 1 Pagkalipas ng mahabampanahon, kina¬usap ni Yawe si Elias sa ikatlong taon, at sinabi: “Hala, makipagkita ka kay Ahab upang magpaulan ako sa lupa.” 2 Kaya umalis si Elias para humarap kay Ahab.
Ngayon, matindi ang taggutom sa Sa¬maria. 3 Kayat tinawag ni Ahab si Abdias na siyang tagapamahala sa palasyo. (Mata¬pat na lingkod ni Yawe si Abdias, 4 at nang patayin nga ni Izebel ang mga propeta ni Yawe, kinuha mismo ni Abdias ang san¬daang propeta at itinagong tig-lilimampu sa dalawang yungib at pinakain niya ang mga ito ng tinapay at tubig.)
5 Sinabi ni Ahab kay Abdias: “Sige, punta¬han mo ang lahat ng bukal at lambak sa buong lupain. Baka sakaling may makita tayong damo para mapanatiling buhay ang mga kabayo’t mola at nang walang mama¬tay sa mga hayop.”
6 Kaya pinaghatian nina Ahab at Abdias ang lupain, at nagkanya-kanya sila ng lakad. 7 Nasa-lubong ni Abdias sa daan si Elias. Pagkakilala ni Abdias kay Elias, nagpatirapa ito sa lupa at sinabi: “Kayo nga ba, pangi¬noon kong Elias?” 8 Sumagot si Elias: “Ako nga. Sabihin mo sa iyong panginoon na narito si Elias.” 9 Ngunit sinabi ni Abdias: “Anong kasalanan ang nagawa ko’t ipi¬nauubaya ninyo ’ko sa mga kamay ni Ahab para mamatay? 10 Isinusumpa ko kay Yaweng inyong Diyos na wala nang bansa o kaharian na hindi kayo pinaghanap ng aking panginoon. At kapag sinabi nilang – Wala rito si Elias – pasusumpain niya sila na hindi nga nila kayo nakita. 11 At ngayo’y pinapupunta ninyo ako sa aking panginoon para sabihing narito kayo!
12 At paglayo ko mula sa inyo, at kung saan na naman kayo ipadpad ng Espiritu ni Yawe. At pinuntahan ko nga si Ahab para sabihin, pero hindi naman niya kayo ma¬ta¬tag¬puan, tiyak na papatayin niya ako. Ngunit pinaglingkuran ko na si Yawe mula sa aking kabataaan. 13 Hindi ba ninyo naba¬litaan ang ginawa ko nang patayin ni Izebel ang mga propeta ni Yawe? Itinago ko ang sandaan sa kanila sa dalawang yungib, tiglilimampu sa bawat isa, at pinakain ko sila ng tinapay at tubig. 14 At ngayo’y gusto ninyong sabihin ko sa hari na narito si Elias. Tiyak na papatayin niya ako!”
15 Ngunit sinabi sa kanya ni Elias: “Isinusumpa ko kay Yawe ng mga Hukbo na pinag-lilingkuran ko, haharap ako mismo sa kanya ngayon.” 16 Kaya lumakad na si Abdias para sabihin kay Ahab ang mensaheng ito at du¬mating naman si Ahab para makipagkita kay Elias.
Ang pag-aalay sa Karmel
• 17 Sinabi ni Ahab pagkakita nito kay Elias: “Ikaw nga ba, salot ng Israel?” 18 Su¬ma¬got si Elias: “Hindi ako ang salot ng Israel kundi ikaw at ang sambahayan ng iyong ama ang lu¬mayo sa mga utos ni Yawe at sumunod sa mga Baal! 19 Kaya iutos mo ngayon sa lahat ng Israelita na mag¬tipon sa harap ko sa Bundok Karmel kasama ang apatna¬raa’t limampung propeta ni Baal na pinaka¬kain ni Izebel.”
20 At ipinatawag ni Ahab ang buong bayan ng Israel at tinipon ang lahat ng propeta sa Bundok Karmel. 21 Huma¬rap si Elias sa buong bayan at nag¬ta¬nong: “Hanggang kailan kayo magpa¬pa¬¬sa¬yaw-sayaw nang isang paa sa mag¬ka¬bilang daan? Kung si Yawe ang Diyos, sa kanya kayo sumunod; ngunit kung si Baal, siya ang sundan ninyo.” Hindi umimik ang bayan.
22 Sinabi ni Elias sa bayan: “Ako na lamang ang natitirang propeta ni Yawe pero apatnaraa’t limampu ang propeta ni Baal. 23 Bigyan ninyo kami ng dalawang batang toro. Pumili sila ng isa para sa kanila, putul-putulin iyon at ilagay sa ibabaw ng kahoy pero huwag sindihan. Gayon din ang ga¬ga¬win ko sa isa pang toro: ilalagay sa ibabaw ng kahoy pero hindi sisindihan. 24 At tuma-wag kayo sa ngalan ng inyong diyos, at tatawag naman ako sa ngalan ni Yawe. Ang diyos na tutugon sa pama¬magitan ng apoy ang siyang tunay na Diyos.”
Sumagot ang buong bayan: “Ma¬gan¬da ang sabi mo.” 25 At sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal: “Pumili kayo ng isang toro para sa inyo at mauna ka¬yong ihanda iyon dahil marami kayo. At tumawag kayo sa inyong diyos, pero huwag sindihan ang apoy.” 26 Kaya ki¬nuha nila ang toro at inihanda iyon, at tumawag sa nga¬lan ni Baal mula uma¬ga hanggang tang¬ha¬ling-tapat: “Sagutin mo kami!” Ngunit walang tinig na suma¬got habang patuloy silang sasayaw-sayaw sa isang paa sa paligid ng altar na kanilang itinayo.
27 Kinatanghalian, nagsimula si Elias na libakin sila: “Lakasan pa ninyo ang sigaw! Diyos nga si Baal pero baka nalibang la¬mang siya, o baka naman umalis, o may pinuntahan, o baka natu¬¬-tulog at kaila¬ngang gisingin.” 28 At nila¬kasan nila ang sigaw habang sinusugatan ang kanilang sarili ng tabak at sibat ayon sa kanilang kaugalian, hanggang dumugo. 29 Lampas na ang tanghali at wala pa rin sila sa sarili hanggang sa sandali ng panghapong pag¬hahandog. Ngunit wala pa ring tinig na sumasagot o pumapansin.
30 At sinabi ni Elias sa buong bayan: “Lumapit kayo sa akin.” At nagsilapit nga sa kanya ang buong bayan. At ina¬yos niya ang gibang altar ni Yawe. 31 Kumuha si Elias ng labindalawang bato, sindami ng mga tribu ng mga anak ni Jacob na kina¬usap ni Yawe at sinabihang “Israel ang ma¬giging pa¬nga¬lan mo.” 32 Sa pamama¬gitan ng mga batong iyon, nagtayo siya ng altar sa Ngalan ni Yawe at humukay ng kanal sa paligid niyon na makapaglalaman ng labinlimang litro. 33 Isina¬lansan niya ang kahoy, hiniwa-hiwa ang toro at saka ipinatong sa kahoy. Sinabi niya: “Punuin ninyo ng tubig ang apat na tapa¬yan at ibuhos sa susunuging handog na nasa ibabaw ng kahoy.” 34 At sinabi niya: “Ulitin ninyo!” At inulit nga nila. At sinabi niya: “Isa pa.” At pangatlong beses nga nilang ginawa iyon. 35 Umagos ang tubig sa paligid ng altar at napuno ang kanal.
36 Sa sandali ng panghapong paghahandog, lumapit ang propetang si Elias at nanalangin:
“O Yaweng Diyos nina Abraham, Isaac at Israel, mahayag sana ngayon na ikaw ang Diyos sa Israel at ako ang iyong lingkod, at dahil sa iyong utos ko gina¬gawa ang lahat ng ito. 37 Sagutin mo ako, O Yawe, sagutin mo ako upang malaman ng bayang ito na ikaw Yawe ang Diyos at mapababalik mo ang kani¬lang puso.”
38 At bumaba ang apoy ni Yawe at tinupok ang susunuging handog pati na ang kahoy, ang mga bato at alikabok, at sinipsip pati ang tubig sa kanal. 39 Pag¬kakita rito ng buong bayan, nag-patirapa sila at sinabi: “Si Yawe ang Diyos! Si Yawe ang Diyos!” 40 At iniutos sa kanila ni Elias: “Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal at huwag bayaang makatakas isa man sa kanila.” At dina-kip nga nila sila, at dinala kay Elias sa lambak ng Kishon at doon sila pinatay.
41 Sinabi ni Elias kay Ahab: “Uma¬hon ka na’t kumain at uminom sapag¬kat na¬ririnig na ang buhos ng ulan.” 42 Uma¬hon nga’t uminom si Ahab. Umakyat naman si Elias sa tuktok ng Karmel, yumuko sa lupa na nasa pagitan ng mga tuhod ang mukha. 43 At sinabi niya sa kanyang ala¬lay: “Uma¬hon ka at tumanaw sa da¬gat.” Umahon ang lalaki at tumi¬ngin, at sinabi: “Wala akong nakikita.” At sinabi ni Elias: “Pitong beses kang magpabalik-balik.” 44 Sa ika¬¬pitong beses, sinabi niya: “Hayun, may maliit na ulap na sinlaki ng kamay, lumilitaw mula sa dagat.”
Sinabi sa kanya ni Elias: “Umahon ka’t sabihin kay Ahab: Ihanda mo ang iyong karwahe at lumusong ka agad bago ka mahadlangan ng ulan.”
45 Makaraan ang ilang sandali, nag¬dilim ang langit sa ulap at umihip ang hangin, at bumuhos ang malakas na ulan. Sumakay si Ahab sa karwahe at nagpunta sa Yez¬rael.
46 Hinagip naman ng kamay ni Yawe si Elias at nagsinturon siya, at patakbo ni¬yang inunahan si Ahab sa Yezrael.
Tumakas si Elias pa-Horeb
19 • 1 Isinalaysay ni Ahab kay Izebel ang lahat ng ginawa ni Elias at kung paano niya pinatay sa tabak ang lahat ng propeta. 2 Ipinasabi ni Izebel kay Elias: “Gawin ito sa akin ng mga diyos at mas masahol pa kung hindi ko pa naga¬gawa sa iyo ang gina¬wa mo sa kanila.”
3 Natakot si Elias at tumakas para ilig¬tas ang kanyang buhay. Dumating siya sa Berseba ng Juda at iniwan doon ang kanyang alalay. 4 Maghapon naman siyang naglakbay pa-disyerto. Pag-dating niya sa may punong-walis, naupo siya sa lilim ni¬yon at nanalangin na ma¬matay na sana siya: “Tama na, O Yawe. Kunin mo na ang aking buhay sapagkat wala akong ipinag-iba sa aking mga ninuno.” 5 Nahiga siya at nakatulog sa lilim ng puno.
At heto! Hinipo siya ng isang anghel, at sinabi sa kanya: “Bumangon ka’t ku¬main.” 6 Tumingin si Elias at nakita niya sa kanyang ulunan ang isang tinapay na niluto sa mainit na bato at isang ba¬ngang tubig. Kumain siya at umi¬nom at muling nahiga. 7 Dumating sa ikalawang pagka¬ka¬taon ang anghel ni Yawe, hinipo siya at sinabi sa kanya: “Buma¬ngon ka’t kumain sapagkat napakahaba pa ng lalakbayin mo.”
8 Bumangon siya, kumain at uminom. At bunga ng nakuha niyang lakas sa pag¬kaing iyon, apatnapung araw at apatna¬pung gabi siyang naglakad pa-Horeb na Bundok ng Diyos. 9 Pagdating niya roon, nagpunta siya sa yungib at doon nagpa¬li¬pas ng magdamag. At dumating sa kanya ang salita ni Yawe: “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?”
Ang pagtatagpo nila ng Diyos
• 10 Sumagot siya: “Tinutupok ako ng maalab na pag-ibig kay Yaweng Diyos ng mga Hukbo, sapagkat tina¬liku¬ran ng mga Israelita ang iyong tipan, giniba ang iyong mga altar, pinatay sa tabak ang iyong mga propeta. At ako na lamang ang natitira, at pinagta¬tang¬kaan pa rin nila akong patayin.” 11 At sinabi ni Yawe: “Lumabas ka’t tumayo sa bundok, at hintayin si Yawe.” At hayan, dumaan si Yawe.
At may malakas at malaking ha¬nging makabiyak-bundok at maka¬durog-bato sa harap ni Yawe, pero wala sa hangin si Yawe. Pagkatapos ng hangin ay lumindol pero wala sa lindol si Yawe. 12 Pagkatapos ng lindol ay nag¬karoon ng apoy pero wala sa apoy si Yawe. Pagkatapos ng apoy, ang tunog ng ba¬-na¬yad na ihip ng hangin. 13 Pagkarinig ni Elias dito, tinakpan niya ng kanyang balabal ang kanyang mukha, lumabas at tumayo sa may bungad ng yungib.
At may tinig na nagsabi sa kanya: “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?” 14 Sumagot siya: “Tinutupok ako ng maalab na pag-ibig kay Yaweng Diyos ng mga Hukbo sa¬pagkat tinalikuran ng mga Israelita ang iyong tipan, giniba ang iyong mga altar at pinatay sa tabak ang iyong mga propeta. At ako na la¬mang ang natitira, at pinagtatangkaan pa nila akong patayin.”
15 Sinabi ni Yawe sa kanya: “Hala, bu¬ma¬lik ka sa iyong dinaanan sa dis¬yerto at maglakad pa-Damasco. Puntahan mo’t pahiran si Hazael bilang hari ng Siria. 16 Pahiran mo rin si Yehung anak ni Nimsi bilang hari ng Israel, at si Eliseo na anak ni Shafat na taga-Abel-mehola bilang pro¬pe-tang hahalili sa iyo. 17 Kayat sinumang maka¬¬takas sa tabak ni Hazael ay papa¬tayin ni Yehu, at sinumang maka¬takas sa tabak ni Yehu ay papatayin naman ni Eliseo. 18 Ngunit ililigtas ko ang pitong libo sa Israel, ang lahat ng hindi lumuhod kay Baal at hindi huma¬lik sa kanya.”
• 19 At umalis si Elias mula roon. Natag¬puan niya si Eliseong anak ni Shafat na nag-aararo sa bukid na labin¬dalawang araw kung trabahuhin at nasa dulo na siya. Pagdaan ni Elias sa tabi niya, ipina¬tong nito sa kanya ang balabal nito. 20 Ini¬wan ni Eliseo ang mga baka at hinabol si Elias at sinabi: “Mag¬papaalam muna ako sa aking ama’t ina, at susunod ako sa iyo.” Sinabi ni Elias: “Bumalik ka kung gusto mo. At huwag kang mag-alala, bale-wala ang ginawa ko.” 21 At tuma¬likod si Eliseo, at kinuha ang pares ng baka at kinatay ang mga iyon. Inihaw niya ang karne ng mga iyon sa pira-pirasong pa¬matok at ibinigay sa kanyang mga tauhan at kinain nila iyon. At saka siya umalis para sumunod kay Elias, at naglingkod sa kanya.
Ang pagsalakay sa Samaria
20 1 Tinipon ni Ben-Hadad na hari ng Aram ang buo niyang hukbo ka¬sama ang tatlumpu’t dalawang hari, mga kabayo at mga karwahe. Umahon siya sa Samaria at kinubkob at sinalakay iyon. 2 At nagsugo siya ng mga tauhan sa lunsod para sabihin kay Ahab na hari ng Israel: “Ito ang sinasabi ni Ben-Hadad: 3 Akin ang iyong pilak at ginto, para sa akin ang pina¬ka¬¬¬magaganda sa iyong mga asa¬wa’t mga anak.” 4 Sumagot ang hari ng Israel: “Gaya ng iyong sinabi, aking panginoong hari, ako’y sa iyo at lahat ng akin.”
5 Muling pumunta ang mga sugo at sina¬bing: “Ganito ang sinasabi ni Ben-Hadad: Ibigay mo sa akin ang iyong pilak at ginto, mga asawa’t mga anak. 6 Ngunit papupun¬tahin ko sa iyo ang aking mga opis¬yal bukas sa ganito ring oras. Hahalughugin nila ang iyong palasyo at ang mga bahay ng iyong opisyal. At kukunin nila ang anumang gusto nilang kunin at tangayin.”
7 Ipinatawag naman ng hari ng Israel ang lahat ng matatanda ng lupain at sinabi: “Tingnan ninyo ang masamang balak ng lalaking ito. Nang hingin niya ang aking mga asawa’t mga anak, ang aking pilak at ginto, hindi ako tumang¬gi.” 8 Sinabi sa kanya ng lahat ng matatanda at ng buong bayan: “Huwag ninyo siyang pansinin ni sang-ayunan.”
9 Kaya sinabi ng hari ng Israel sa mga sugo ni Ben-Hadad: “Sabihin ninyo sa aking pangino-ong hari na gagawin ko ang lahat ng una niyang hiningi sa akin, pero hindi ko na masa¬sang-ayunan ang hinihingi niya ngayon.” Sinabi nga ito ng mga sugo 10 kay Ben-Hadad na nag¬pasabi naman ng “Gawin nawa ito sa akin ng mga diyos at mas masa¬hol pa kung may sapat na alikabok pang matira sa Samaria para bigyan ng tigsa¬sandakot ang lahat kong tauhan.” 11 Ngunit su¬ma-got ang hari ng Israel: “Bula¬das! Huwag mag¬yabang ang nagsu¬suot pa lamang ng armor na parang hinuhubad na ito.” 12 Nakiki¬pag-inuman noon si Ben-Hadad sa mga hari sa kanyang tolda nang makarating sa kanya ang mensa¬heng ito kaya sinabi niya sa kanyang mga opis¬yal: “Humanda sa pagsalakay.” At huma¬nay sila laban sa lunsod.
13 Isang propeta ang lumapit kay Ahab na hari ng Israel at sinabi: “Ganito ang sinasabi ni Yawe. Nakikita mo ba ang napakalaking huk¬bong ito? Ilalagay ko ito sa iyong mga kamay ngayon at malalaman mong ako si Yawe.” 14 Nag¬tanong si Ahab: “Sino ang tatalo sa kan¬ya?” Sumagot ang propeta: “Ito ang sinasabi ni Yawe: ang mga kabataang sundalo ng iyong mga gobernador sa mga probinsya.” Itinanong ni Ahab: “Sino ang magsisimula ng labanan?” Sumagot ang propeta: “Ikaw!”
15 Inihanay nga ng hari ng Israel ang mga kabataang kawal ng mga gobernador sa mga probinsya, dalawandaa’t tatlumpu’t dalawa sila. Pagkatapos nito, tinipon naman niya ang lahat ng Israelita, pitong libong lahat. 16 Tanghaling-tapat na nang lumabas sila habang nakikipag-inuman naman si Ben-Hadad sa tolda sa tatlum¬pu’t dalawang haring tumutulong sa kanya. 17 Unang luma¬bas ang mga batang opisyal ng mga gobernador ng mga probinsya. May naka¬pagbalita naman kay Ben-Hadad na may mga lalaking lumalabas galing Samaria. 18 Sinabi niya: “Kung sa kapayapaan sila lumalabas, dak¬pin silang buhay; at kung para lumaban kaya sila lumabas, dakpin din silang buhay.”
19 Lumabas nga ang mga batang opisyal ng mga gobernador ng mga probinsya, at kasunod naman nila ang hukbo. 20 At lubos nilang nalupig ang kaaway. Tumakas ang mga Arameo, at hi-nabol sila ng mga Israelita. Si Ben-Hadad na hari ng Aram ay nakatakas ding sakay sa kaba¬yo kasama ang mga mangangabayo. 21 At sinamsam ng hari ng Israel ang mga kabayo at karwahe, at lubos na nilupig ang mga Arameo.
22 Pumunta ang propeta sa hari ng Israel at sinabi: “Lakasan mo ang iyong loob at ting¬nan at isiping mabuti ang iyong gagawin. Sapagkat sa¬salakayin ka uli ng hari ng Aram sa pagpapalit ng taon.”
23 Sinabi naman ng mga opisyal ng hari ng Aram sa kanilang hari: “Mga diyos ng kabun¬du¬kan ang kanilang mga diyos kaya mas mala¬kas sila kaysa atin. 24 Subalit labanan natin sa ka¬¬patagan at tiyak na daig natin sila. At gawin din ninyo ito: alisin ninyo ang mga hari sa kani-lang mga puwesto at palitan ng ibang mga opis¬yal. 25 At kapag natipon na ninyo ang isang huk-bong gaya ng nawala sa inyo na sindami sa ka¬¬bayo at kar¬wahe, lalabanan natin sila sa ka¬pa¬ta-gan, at tiyak na madadaig natin sila.” Pina¬¬king¬gan sila ni Ben-Ha¬dad at gayon nga ang ginawa.
Nalupig ang mga Arameo
26 Sa pagpapalit ng taon, inihanay ni Ben-Hadad ang mga Arameo at umahon pa-Afek para lumaban sa Israel. 27 Humanay rin naman ang mga Israelita at naghanda at lumabas para makipagharap sa mga Arameo. Sa tapat nila nagkampo ang mga Israelita na parang dalawang maliit na kawan ng kambing, samantalang napuno naman ng mga Arameo ang buong ka¬pa¬tagan. 28 Isang tao ng Diyos ang lumapit at nakipag-usap sa hari ng Israel at sinabi sa kanya: “Sinasabi ni Yawe: Dahil sinabi ng mga Arameo na Diyos ng kabundukan si Yawe at hindi Diyos ng mga lambak, kaya ilalagay ko sa iyong mga kamay ang malaking hukbong ito at malalaman ninyong ako si Yawe.”
29 At pitong araw silang magkaka¬tapatang nakakampo. At sa ikapitong araw, nagsi¬mula na ang labanan. At sa loob lamang ng isang araw, sandaanlibong kawal-Arameong lakad ang pinatay ng mga Israelita. 30 Tumakas naman pa-Afek ang mga natira, pero bumagsak ang pader sa dalawampu’t pitong libo sa mga natira. Tumakas din si Ben-Hadad pa-lunsod at nagtago sa isang kuwarto sa loob. 31 Sinabi sa kanya ng kanyang mga opisyal: “Nabalitaan na¬min na maawain ang mga hari ng Israel. Mag¬tatapi kami ng sako at tatalian ang aming leeg at saka namin pupuntahan ang hari ng Is¬ra¬el, at baka sakaling iligtas niya ang inyong buhay.”
32 Kaya nagtapi sila ng sako at nagtali ng lubid sa kanilang mga leeg, at saka humarap sa hari ng Israel at sinabi: “Ipinasasabi ng inyong aliping si Ben-Hadad: Utang na loob, bayaan ninyo akong mabuhay.” At sumagot ito: “Buhay pa ba siya? Kapatid ko siya.” 33 Magandang tanda ito para sa kanila kayat agad nilang si¬na¬lo ang kanyang sinabi: “Oo, si Ben-Hadad na in¬yong kapatid.” At sinabi ng hari: “Sige, dalhin siya rito.”
Humarap sa kanya si Ben-Hadad at pinasa¬kay naman niya sa kanyang karwahe. 34 Si¬nabi ni Ben-Hadad sa kanya: “Isasauli ko ang mga lunsod na inagaw ng aking ama sa iyong ama, at makapagnenegosyo ka para sa iyong sarili sa Damasco gaya ng ginawa ng aking ama sa Samaria.” Kayat sinabi ni Ahab: “Gawin mo ang kasunduang ito at palalayain kita.” Na¬kipag¬-kasunduan nga siya kay Ben-Hadad at pina¬laya niya ito.
35 Dumating naman ang salita ni Yawe sa isang kasamahan ng mga propeta, at sinabi nito sa isa niyang kasamang propeta: “Tagain mo ako.” Ngunit ayaw niya itong tagain. 36 At sinabi niya: “Dahil hindi mo dini¬nig ang tinig ni Yawe, pagkaalis mo rito’y papatayin ka ng leon.” Uma¬lis nga ang propeta at may nasalubong siyang leon, at pinatay siya niyon.
37 Nakakita ng isa pang kasamahan ang propeta at sinabi niya rito: “Sige na, tagain mo ako.” Tinaga nga siya ng lalaking ito, at nasugatan siya. 38 At umalis ang propeta at nagbalat¬kayo – may benda sa mga mata – tumayo sa daan at hinintay ang hari. 39 Pag¬daan ng hari, sumigaw siya: “Mahal na hari! Ako na inyong lingkod ay sumugod sa gitna ng labanan nang may isang kawal na lumapit sa akin at dala ang isang lalaki, at sinabing bantayan ko ang lala¬king iyon. At kapag nakatakas siya, buhay ko ang ma¬giging kapalit o magbabayad ako ng isang baretang pilak. 40 Naging abala ako dito at doon, at nawala ang lalaki.” Sinabi sa kanya ng hari ng Israel: “Ikaw na rin mismo ang nag¬¬sabi ng hatol sa iyo.”
41 Bigla nitong inalis ang benda sa kanyang mga mata, at nakilala siya ng hari ng Israel na isa pala siya sa mga propeta. 42 Sinabi ng pro¬¬peta: “Ito ang sinasabi ni Yawe. Dahil pinaka¬walan mo ang lalaking ipinasya kong mamatay, buhay mo ang kapalit ng kanyang buhay at bayan mo naman ang kapalit ng kanyang ba¬yan.” 43 At umuwi ang hari ng Israel sa kanyang palasyo sa Samaria – galit at mabigat ang loob.
Ubasan ni Nabot
21 • 1 May ubasan naman sa tabi ng palasyo ni Ahab na hari ng Sa¬maria si Nabot na taga-Jezrael. 2 Sinabi ni Ahab kay Nabot: “Ibigay mo sa akin ang iyong ubasang katabi ng aking palasyo para magawa kong taniman ng gulay. At bibigyan kita ng mas mainam na uba¬san bilang kapalit nito. O kung gusto mo naman, babayaran ko sa iyo ang halaga nito.”
3 Ngunit sinabi ni Nabot kay Ahab: “Huwag nawang itulot ni Yawe na ibigay ko sa iyo ang pamana ng aking mga ni¬nuno.”
4 Kaya umuwi si Ahab na galit at ma¬¬bigat ang loob dahil sa sinabi sa kanya ni Nabot na taga-Jezrael na hindi nito mai¬bibigay sa kanya ang pamana ng mga ninuno nito. Kayat nahiga siyang naka¬harap sa pader at ayaw kumain. 5 Nila¬pi¬tan siya ni Izebel at sinabi: “Bakit mabigat ang loob mo at ayaw mong ku¬¬main?” 6 Su¬magot siya: “Kinausap ko si Nabot na taga-Jezrael at hiniling kong ipagbili niya sa akin ang kanyang ubasan o kung gusto niya’y papalitan ko ng ibang ubasan. Pero sinabi niyang hindi niya ibibigay sa akin ang kanyang ubasan.”
7 Sinabi naman ni Izebel na kanyang asawa: “At ikaw pa naman ang hari ng Israel! Bumangon ka’t kumain at mag¬saya, ako ang magbibigay sa iyo ng uba¬san ni Nabot ng Jezrael.”
8 Sumulat ng mga liham si Izebel sa ngalan ni Ahab at tinatakan ang mga iyon ng pantatak ni Ahab. Ipinadala niya ang mga ito sa mga matatanda at mga kila¬lang tao sa lunsod ni Nabot. 9 Ito ang isi¬nulat ni Izebel sa mga liham: “Ideklara ninyo ang araw ng pag-aayuno at litisin si Nabot. 10 Kumuha kayo ng dalawang pa¬ta¬pon na mag¬paparatang sa kanya sa ga¬nitong paraan: Sinumpa mo ang Diyos at ang hari. At ilabas ninyo siya at batuhin hanggang mamatay.”
11 Gayon nga ang ginawa ng mga ma¬ma¬mayan, mga matatanda at mga kila¬lang tao sa kanyang lunsod ayon sa itina¬gubilin sa kanila ni Izebel sa mga liham na ipinadala niya sa kanila. 12 Nag¬deklara sila ng araw ng pag-aayuno at pinaupo si Nabot sa harap ng bayan. 13 Dumating ang dalawang patapon at naupong kaha¬rap ni Nabot, at pinaratangan ito sa harap ng bayan: “Sinumpa ni Nabot ang Diyos at ang hari!” Kayat dinala nila si Nabot sa labas ng lunsod at doon binato hang¬gang mamatay.
14 At ipinasabi nila kay Izebel na binato na si Nabot at namatay. 15 Nang mabali¬taan ni Izebel na binato na si Na¬bot at patay na, sinabi niya kay Ahab: “Tumindig ka’t angkinin na ang ubasang ayaw ipagbili sa iyo ni Nabot na taga-Jezrael sa¬pagkat patay na siya ngayon.” 16 Pag¬ka¬rinig ni Ahab na pa¬tay na si Nabot, tu¬¬mindig siya’t nag¬punta sa ubasan ni Nabot na taga-Jezrael at inangkin iyon.
17 Dumating naman kay Elias ng Tisbe ang salita ni Yawe. 18 “Tumindig ka’t salu¬bungin si Ahab na hari ng Israel sa Sama¬ria. Nasa ubasan siya ngayon ni Nabot na pinuntahan niya para angkinin. 19 Sabihin mo sa kanya na ito ang sinasabi ni Yawe: Pumatay ka’t pagkatapos ay nangam¬kam. At sabihin mo ring ga¬¬ni¬to ang sinasabi ni Yawe: Hihimurin ng mga aso ang dugo mo sa mismong lu¬gar na ito kung saan hinimod ng mga aso ang dugo ni Nabot.”
20 Sinabi ni Ahab kay Elias: “Naabutan mo ako rito, kaaway ko.” Sumagot si Elias: “Inabutan kita sapagkat gina¬wa mo ang masama sa paningin ni Ya¬we. Ito ang salita ni Yawe: Kapa¬ha¬ma¬kan ang hatid ko sa iyo. 21 Uubusin ko ang iyong inapo at lilipulin ko ang lahat ng lalaki sa iyong angkan, alipin man o malaya sa Israel.
22 Maglalaho ang iyong angkan gaya ng angkan ni Yeroboam na anak ni Nebat at ng angkan ni Baasang anak ni Ahias sapagkat ginalit mo ako at pinapagkasala ang Israel. 24 Lalamunin ng mga aso ang sinuman sa lipi ni Ahab na mamatay sa lunsod, at kakanin naman ng mga ibon sa langit ang mamamatay sa bukid. 23 May salita rin si Yawe kay Izebel: Lalamunin ng mga aso si Izebel sa may pader ng Jezrael.”
25 Walang katulad si Ahab na ipinagbili ang sarili sa paggawa ng masama sa pa¬ningin ni Yawe sa sulsol ng kanyang asawang si Izebel. 26 Kasuklam-suklam ang kanyang iginawi sa pagsunod sa mga diyus-diyusan tulad ng mga Amorreong pinalayas ni Yawe sa harap ng mga Israelita.
27 Pagkarinig ni Ahab sa mga salitang ito, winarak niya ang kanyang damit at nagsuot ng sako. Nag-ayuno siya at nakasako kahit na sa pagtulog, at laging nakatungo. 28 At dumating ang salita ni Yawe kay Elias ng Tisbe: 29 “Nakita mo bang nagpakababa si Ahab sa harap ko? Dahil nagpakababa siya sa aking harap, hindi ko ihahatid ang ka¬pa¬hamakan sa kapanahunan niya. Sa panahon ng kanyang anak ko ihahatid ang kapa¬ha¬makan ng kanyang angkan.”

22 • 1 Tatlong taong walang digmaan ang Aram at Israel. 2 Ngunit sa ikatlong taon, dumalaw sa hari ng Israel si Yosafat na hari ng Juda. 3 At sinabi ng hari ng Israel sa kanyang mga opisyal: “Hindi ba ninyo alam na atin ang Ramot ng Galaad? Ngunit wala tayong gina¬gawa para mabawi iyon mula sa kamay ng hari ng Aram.” 4 At tinanong niya si Yosafat: “Sa¬sama ka ba sa akin para lumaban sa Ramot ng Galaad?” Sinabi ni Yosafat sa hari ng Israel: “Kasama mo ako, ang aking bayan ng iyong bayan, ang aking mga kabayo ng iyong mga kabayo.”
Si Mikeas at ang mga bulaang propeta
• 5 Sinabi ni Yosafat na hari ng Juda sa hari ng Israel: “Sumangguni muna sana tayo ngayon kay Yawe.” 6 Kaya ti¬nipon ng hari ng Israel ang mga pro¬peta, mga apat¬naraang lalaki, at tina¬nong sila: “Makiki¬pagdigma ba ako sa Ramot ng Galaad o hindi muna?” Su¬ma¬¬got sila: “Sumalakay kayo sapagkat ibi¬bigay ito ni Yawe sa in¬yong mga kamay.”
7 At sinabi ni Yosafat: “Wala bang pro¬peta rito si Yawe na masasangguni natin?” 8 Sumagot ang hari ng Israel: “May isa pang tao na matatanong natin hinggil sa payo ni Yawe pero namu-muhi ako sa kanya sapagkat hindi na siya nakapag¬propesiya nang mabuti tungkol sa akin kundi pawang ma¬sama. Siya si Mikeas na anak ni Imla.” Sinabi naman ni Yosafat: “Huwag kang mag-salita nang ganyan.”
9 Kayat tinawag ng hari ng Israel ang isang opisyal at sinabi rito: “Dalhin mo dito kaagad si Mikeas na anak ni Imla.”
10 Nakaupo sa kanya-kanyang trono ang hari ng Israel at si Yosafat na hari ng Juda, at nakadamit-hari sa giikang nasa may pasukan ng Samaria. Nasa harap nila ang mga propetang wala sa kanilang mga sarili. 11 At si Sedekias na anak ni Kenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal at sinabi: “Ito ang sinasabi ni Yawe: Sa pamamagitan ng mga ito’y susuwagin ninyo ang mga Arameo hanggang ma¬puksa.”
12 Gayon din ang sinabi ng lahat ng pro¬peta: “Umahon kayo sa Ramot ng Ga¬laad at magtagumpay pagkat ibi¬bigay iyon ni Yawe sa mga kamay ng hari.”
13 Sinabi naman ng sugong umalis para tawagin si Mikeas: “Tingnan mo’t nag¬ka¬kaisa ang mga propeta sa pag¬sa¬sabing mapapabuti ang hari. Matu¬lad nawa sa kanilang salita ang sasa-bihin mo at mag¬salita nang mabuti.” 14 Ngu¬nit sumagot si Mikeas: “Buhay si Yawe, at ang ipina-sa¬sabi lamang sa akin ni Yawe ang sasabihin ko.”
15 Nang humarap siya sa hari, tina¬nong siya nito: “Mikeas, makikipag¬digma ba kami sa Ramot ng Galaad o hindi?” At su¬magot si Mikeas: “Umahon ka’t mag¬tagumpay! Ibibigay iyon ni Yawe sa mga kamay ng hari!” 16 Ngu¬nit sinabi ng hari: “Ilang beses ko bang sa¬sabihin sa iyong magsabi ka akin ng totoo sa ngalan ni Yawe?”
17 At sinabi ni Mikeas: “Nakita ko ang buong Israel na nakakalat sa mga bun¬dok, parang mga tupang walang pastol. At sinabi ni Yawe: Wala nang amo ang mga ito kayat pauwiin silang mapa-yapa.”
18 Sinabi ng hari ng Israel kay Yosafat: “Di ba’t sinabi ko na sa iyong hindi siya magpopropesiya nang mabuti tung¬¬kol sa akin kundi kasamaan la¬mang?” 19 Suma¬got si Mikeas: “Paking¬gan ninyo ang salita ni Yawe. Nakita ko si Yaweng nakaupo sa kanyang trono, kasama ang buong hukbo ng langit na nakatayo sa kanyang kanan at kaliwa. 20 At sinabi ni Yawe: Sino ang eengganyo kay Ahab para umahon pa-Ramot ng Galaad at nang mabuwal? Ga¬nito ang sinabi ng isa, at ganoon naman ang si¬¬na¬bi ng isa pa. 21 At isang espiritu ang lumapit at tumindig sa harap ni Yawe, at sinabi: Ako ang eengganyo sa kanya. 22 Sinabi naman ni Yawe: Sa anong pa¬raan? At sinabi niya: Aalis ako’t magi¬ging espiritu ng kabulaanan sa labi ng lahat niyang propeta. At sinabi ni Yawe: Mae¬eng¬ganyo mo nga siya. Sige, gawin mo ito!
23 At ngayo’y inilagay ni Yawe ang espiritu ng kabulaanan sa labi ng lahat mong propetang ito sapagkat niloob ni¬yang mapasama ka.”
24 Nilapitan ni Sedekias na anak ni Kenaana si Mikeas at sinampal ito at si¬nabi: “Paano umalis sa akin ang Espi¬ritu ni Yawe para magsalita sa iyo?” 25 Suma¬got si Mikeas: “Makikita mo sa araw na mag¬palipat-lipat ka sa mga kuwarto para mag¬tago.”
26 At iniutos ng hari ng Israel: “Dak¬pin si Mikeas at ibalik kay Amon na pinuno ng lunsod at kay Yoas na anak ng hari. 27 Sa¬bihin sa kanilang ganito ang sinasabi ng hari: Ibilanggo ang lalaking ito, at tinapay lamang at tubig ang ipakain sa kanya hang¬gang sa matagumpay kong pagba¬balik.”
28 At sinabi ni Mikeas: “Kung babalik kang matagumpay, hindi nga nagsalita si Yawe sa pamamagitan ko.”
Pagkamatay ng hari ng Israel
29 Umahon sa Ramot ng Galaad ang hari ng Israel at si Yosafat na hari ng Juda. 30 Sinabi ng hari ng Israel kay Yosafat: “Mag¬babalatkayo ako bago mag¬simula ang labanan, pero isuot mo ang iyong damit-hari.” Nagbalatkayo nga ang hari ng Israel saka pumunta sa labanan.
31 Samantala, iniutos naman ng hari ng Aram sa tatlumpu’t dalawang kapitan ng kanyang mga karwahe: “Huwag kayong makikipaglaban kaninuman, maliit man o malaki, kundi sa hari ng Israel lamang.” 32 Nang makita ng mga kapitan ng mga karwahe si Yosafat, naisip nilang “Tiyak na siya ang hari ng Israel.” Kayat siya ang hinarap nila para salakayin. Pero nang sabihin ni Yo¬safat ang sigaw-pandigma, 33 nalaman ng mga kapitan ng mga kar¬wahe na hindi siya ang hari ng Israel kayat hindi na nila siya hinabol.
34 Isang Arameo naman ang basta na lamang pumana, at tinamaan nito ang hari ng Israel sa pinaghuhug¬pungan ng kanyang armor. Sinabi ng hari sa nagpa¬patakbo ng kanyang karwahe: “Buma¬lik ka’t ilabas ako sa labanan pagkat nasu¬gatan ako.”
35 Tumindi ang labanan nang araw na iyon. Nakasandal ang hari sa kanyang kar¬wahe paharap sa mga Arameo. Uma¬gos ang dugo mula sa sugat niya hang¬gang sa sahig ng kanyang karwahe. At namatay siya kina¬hapu¬nan.
36 Pagkalubog ng araw, umalingaw¬ngaw ang sigaw sa buong hukbo: “Ba¬wat isa sa kanyang lunsod, bawat isa sa kan¬yang bayan! 37 Patay na ang hari!”
Patay nang iniuwi ang hari sa Sama¬ria at doon inilibing. 38 Nilinis nila ang karwahe sa tangke ng tubig sa Sama¬ria. At hinimod ng mga aso ang kan¬yang dugo, samantalang naliligo roon ang mga ba¬baeng bayaran, ayon sa salitang bi¬nig¬kas ni Yawe.
• 39 Ang iba pang tungkol kay Ahab at lahat niyang ginawa, ang tungkol sa bahay na garing at ang lahat ng lunsod na kanyang itinayo ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ng Israel. 40 At nahimlay si Ahab sa piling ng kanyang mga ninuno at ang kanyang anak na si Ocozias ang nagharing kahalili niya.
41 Nagsimulang maghari sa Juda si Yosafat na anak ni Asa sa ikapat na taon ng paghahari ni Ahab sa Israel. 42 Tatlumpu’t limang taon siya nang magsimulang mag¬hari, at dala¬wam¬pu’t limang taon siyang naghari sa Jerusalem. Si Azubang anak ni Silhi ang kan¬¬¬yang ina. 43 Si¬nundan niya ang yapak ni Asang kanyang ama, at hindi luma¬yo rito sa paggawa ng tama sa paningin ni Yawe. Ngunit hindi pa rin nawala ang mga altar sa burol, at nag-aalay pa rin at nag¬susunog ng insenso roon ang samba¬yanan. 44 Nag¬¬karoon ng kapa¬¬yapaan sa pagitan nina Yosafat at ng hari ng Israel.
45 Ang iba pang tungkol kay Yosafat, ang kanyang kagitingan at ang kanyang pa¬ki¬kipag¬digma ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ng Juda.
46 Pinalayas din niya sa lupain ang mga la¬la¬king nagbibili ng kanilang sarili sa mga sambahan na nalabi nang nabubuhay pa si Asa na kan¬yang ama. 47 Walang hari noon sa Edom kun¬di isang gobernador ang siyang namama¬ha¬la roon. 48 Gumawa si Yosafat ng mga bar¬kong-Tarsis para maglayag pa-Ofir sa pagha¬nap ng ginto pero hindi sila naka¬rating dahil nawasak ang mga barko sa Ezion-Geber. 49 No¬o’y sinabi kay Yosafat ni Ocozias na anak ni Ahab: “Pasa¬mahin mo sa mga barko ang aking mga tauhan sa iyong mga tauhan.” Pero umayaw ni Yosafat.
50 Nang mahimlay si Yosafat sa piling ng kanyang mga ninuno, inilibing siya sa lunsod ni David na kanyang ama, at si Yoram ang nagha¬ring kahalili niya.
51 Sa ikalabimpitong taon ng paghahari ni Yosafat sa Juda, nagsimula namang mag¬hari sa Israel mula sa Samaria si Oco¬zias na anak ni Ahab. Dalawang taon siyang naghari sa Israel.
52 Ginawa niya ang masama sa pani¬ngin ni Yawe, at sinundan ang mga yapak ng kan¬yang ama’t ina at ni Yeroboam na anak ni Nebat na siyang nagbulid sa Israel sa pagka¬kasala. 53 Pi-naglingkuran niya’t sinam¬ba si Baal, at ginalit si Yaweng Diyos ng Israel gaya ng ginawa ng kan¬-yang ama.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-13567654457974733442008-09-04T13:27:00.000-07:002008-09-04T13:29:24.426-07:002 SamuelIbinalita kay David ang pagkamatay ni Saul
1 • 1 Patay na si Saul. Nagbalik naman si David matapos lupi¬gin ang mga Amalecita. Dalawang araw na si David sa Siklag 2 nang sa ikatlong araw, may du¬ma¬ting na lalaki mula sa kampo ni Saul – warak ang damit at may alikabok sa ulo. Pinuntahan niya si David at nagpatirapa bilang pagpu¬pugay. 3 Tinanong siya ni David: “Saan ka galing?” At sumagot siya: “Nakata¬kas ako sa kampo ng Israel.” 4 At sinabi ni David: “Ano’ng nang¬yari? Sabihin mo sa ’kin.” At sinabi niya: “Tumakas ang mga tao mula sa labanan, marami ang na¬buwal at namatay. Patay na rin si Saul at si Yonatan na kanyang anak.”
5 Tinanong ni David ang kabataang nag-uulat sa kanya: “Paano mo nalamang pa¬tay na si Saul at si Yonatan na kanyang anak?”
6 Sumagot ang binata: “Nagkataong nasa Bundok Gilboa ako at nakita kong nakahilig si Saul sa kanyang sibat sa¬mantalang papalapit naman ang mga karwahe at mangangabayo. 7 Lumi¬ngon siya at tinawag ako pagkakita sa akin. Sinabi kong ‘Narito ako.’ 8 Itina¬nong niya, ‘Sino ka?’ at sumagot ako, ‘Isa akong Amale¬cita.’ 9 At sinabi niya sa akin, ‘Halika at patayin mo ako sapag¬kat hindi na ako makakilos bagamat buhay pa.’ 10 Kaya nilapitan ko siya at pinatay sapagkat alam kong hindi na siya ma¬aaring mabuhay pa matapos mabuwal. At kinuha ko ang ko¬rona sa kanyang ulo at ang pulseras sa kanyang bisig, at dinala ko rito ang mga ito sa aking panginoon.”
11 Hinawakan ni David ang kanyang damit at winarak, at gayundin ang ginawa ng kanyang mga tauhan. 12 At nagluksa sila, nanangis at nag-ayuno hanggang ki¬na¬gabihan dahil nabuwal sa tabak si Saul at si Yonatang anak niya at ang bayan ng Juda at ang sam¬bahayan ng Israel.
13 Tinanong ni David ang binatang may dala ng balita: “Tagasaan ka?” Sumagot naman ito: “Anak ako ng isang dayong Amalecita.” 14 Sinabi ni David: “Bakit hindi ka natakot pagbuhatan ng kamay ang pi¬na¬hiran ni Yawe para pa¬tayin siya?” 16 Idi¬nagdag pa ni David: “Ikaw ang mana¬nagot sa iyong dugo sapagkat sarili mo nang bibig ang su¬maksi laban sa iyo nang sabi¬hin mong ‘Pinatay ko ang pina¬hiran ni Yawe’.”
15 At tinawag ni David ang isa sa kan¬yang tauhan at sinabi: “Halika at sak¬sakin siya.” At sinaksak nga niya ang Amalecita at ito’y namatay.
17 Inawit ni David ang panaghoy na ito para kay Saul at kay Yonatang anak nito, 18 at ipinaturo niya sa mga anak ng Juda – “Ang Pana”. Nasusulat ito sa Aklat ng Ma¬tuwid.
19 “Pinaslang sa iyong kabundukan
ang ikinararangal ng Israel!
Nabuwal nga ang magigiting!
20 Huwag itong ipamalita sa Gat,
huwag ipahayag sa mga lansangan ng Askelon
kung hindi’y magagalak ang mga dalagang Pilistea,
magbubunyi ang mga anak na dalaga ng mga di-tuli.
21 O kabundukan ng Gilboa,
huwag ka nawang mahamugan o maulanan,
at mawalan ng masaganang bukid.
Sapagkat sa iyo nadungisan
ang kalasag ng magigiting.
Pinahiran hindi ng langis
ang kalasag ni Saul
22 kundi ng dugo ng mga pinatay,
ng taba ng magigiting.
Hindi umurong ang pana ni Yonatan,
di bumalik na walang tinamaan ang tabak ni Saul.
23 Saul at Yonatan, minahal at kinagiliwan,
hindi nagkalayo sa buhay man o kamatayan.
Maliksi pa sa mga agila,
malakas pa sa mga leon.
24 O mga dalaga ng Israel, iyakan si Saul,
binihisan niya kayo ng lugod at pulang damit,
ginayakan ng gintong palamuti ang iyong mga suot.
25 At nangabuwal ang magigiting sa gitna ng labanan,
pinatay si Yonatan sa iyong kabundukan.
26 Ako’y namimighati dahil sa iyo,
Yonatan na aking kapatid,
lubos kitang kinagiliwan!
Pagmamahal mo sa aki’y kahanga-hanga,
higit pa sa pag-ibig ng mga babae.
27 Nangabuwal ang magigiting
at napuksa, mga sandata ng digmaan!”
Si David, hari ng Juda sa Hebron
2 • 1 Pagkatapos nito, sumangguni si David kay Yawe: “Dapat ba akong umahon sa isa sa mga lunsod ng Juda?” Sinabi sa kanya ni Yawe: “Uma¬hon ka!” Itinanong naman ni David: “Saan ako pupunta?” Sumagot si Yawe: “Sa Hebron.” 2 At umahon nga si David sa Hebron, ka¬sama ang da¬lawa niyang asawang sina Ahinoam ng Jezrael at Abigail na biyuda ni Nabal ng Karmel. 3 Isinama rin niya ang kanyang mga tauhan, at kasama naman ng bawat isa ang kanyang sambahayan. 4 At tumira sila sa mga bayan ng Hebron. At duma¬ting ang mga taga-Juda at pinahiran ng langis si David bilang hari ng bayan ng Juda.
Nalaman ni David na mga taga-Yabes-Galaad ang naglibing kay Saul 5 kayat nagpadala siya ng mga sugo sa kanila para sabihing “Pagpalain kayo ni Yawe dahil sa pagmamagandang-loob ninyong ito sa inyong panginoong si Saul at ini¬libing ninyo siya. 6 At ngayon, ipakita nawa ni Yawe sa inyo ang kanyang pag-ibig at katapatan! Magiging maganda rin ang kalooban ko sa inyo dahil sa ginawa ninyong ito. 7 Maging ma¬lakas kayo nga¬yon at ma¬giting sa¬pagkat patay man ang inyong panginoong si Saul, pinahiran naman ako ng bayan ng Juda bilang hari nila.”
8 Samantala, kinuha ni Abner na anak ni Ner at heneral ng hukbo ni Saul si Isbaal na anak ni Saul, at dinala sa Ma¬hanaim 9 at ginawa siyang hari ng Galaad at ng mga taga-Aser at ng Jezrael, Efraim, Benjamin at ng buong Israel. 10 Apatnapung taon si Isbaal na anak ni Saul nang mag¬hari siya sa Israel, at da¬lawang taon siyang naghari. Sumunod naman kay David ang sambahayan ng Juda. 11 Pitong taon at anim na buwang naging hari ng sam¬bahayan ng Juda sa Hebron si David.
Digmaang-bayan
12 Umalis sa Mahanaim patungong Gibeon si Abner na anak ni Ner at ang mga lingkod ni Isbaal na anak ni Saul. 13 Lumakad din si Yoab na anak ni Sarvia at ang mga lingkod ni David. At nagtagpo ang mga ito sa tangke ng tubig sa Gibeon. Naupo ang isang pangkat sa isang tabi, at sa kabilang tabi naman ang isa pang pangkat. 14 Sinabi ni Abner kay Yoab: “Patindigin natin ang ilan sa mga kabataan at papaglabanin natin sa ating harap.” Su¬ma¬got si Yoab: “Sige.” 15 Nag¬¬si¬-tindig nga ang mga kabataan at hu¬manay: labindalawa sa mga Benjaminita ni Isbaal na anak ni Saul, at labindalawa rin sa tauhan ni David. 16 Hina¬wakan ng bawat isa ang ulo ng kanyang kalaban, at sinaksak ng tabak sa tagiliran, at sama-sama silang nabuwal. Kaya tinawag na Bukid ng Labanan ang lugar na iyon ng Gibeon.
17 Pagkatapos ng mabangis na sagupaan nang araw na iyon, nagapi ng mga tauhan ni David si Abner at ang mga tauhan ng Israel. 18 Naroon ang tatlong anak na lalaki ni Sarvia na sina Yoab, Abisai at Asael. Simbilis ng ma¬ilap na gasela si Asael, 19 at hinabol niya si Abner, at hindi niya ito hiniwalayan. 20 Lumi¬ngon si Abner at nagtanong: “Ikaw ba ’yan, Asael?” Sumagot si Asael: “Ako nga.” 21 Sinabi ni Abner sa kanya: “Bumaling ka sa kanan o sa kaliwa, isa sa mga kabataan ang sunggaban mo’t samsamin ang kanyang dala.” Ngunit tumanggi si Asael na hiwa-layan si Abner 22 kaya muling sinabi ni Abner: “Tigilan mo na ang paghabol sa akin. Tiyak na mapapatay kita. At paano pa ako makahaharap sa iyong kapatid na si Yoab?” 23 Ngunit ayaw humiwalay si Asael, kayat pa¬talikod na sinaksak siya ni Abner ng sibat sa sikmura, at lumusot ito sa kanyang likod. Bu¬mag¬sak siya roon at namatay noon din. At hu¬¬minto naman ang lahat ng mapadaan sa lugar na kinamatayan ni Asael.
24 Tinugis nina Yoab at Abisai si Abner, at sa pagtatakipsilim, dumating sila sa burol ng Amma na nasa silangan ng Giah patungo sa disyerto ng Gibeon.
25 Sinaklolohan ng mga Benjaminita si Abner, at naggrupo sila at pumusisyon sa tuktok ng isang burol. 26 At tinawag ni Abner si Yoab: “Kailan ba masisiyahan ang tabak? Hindi mo ba alam na kapaitan lamang ang wakas nito? Ka¬ilan mo sasabihin sa iyong mga tauhan na iti¬gil na ang paghabol nila sa kanilang mga ka¬patid?” 27 Sumagot si Yoab: “Buhay ang Diyos – at kung hindi ka nagsa¬lita, ipagpapatuloy ng bayan ang paghabol sa kanilang mga kapatid hanggang umaga.” 28 Kaya hinipan ni Yoab ang trumpeta at tumigil ang buong bayan at hindi na hinabol o kinalaban pa ang Israel.
29 Magdamag na nilakad ni Abner at ng kan¬yang mga tauhan ang Araba hanggang ma¬ka¬tawid sa Jordan, at buong umagang naglakad hanggang Mahanaim. 30 Nagbalik naman si Yoab mula sa paghabol kay Abner at tinipon ang lahat niyang tauhan. Bukod kay Asael, labinsiyam sa mga tauhan ni David ang nawawala. 31 Tatlundaa’t anim¬napu naman ang napatay ng mga tauhan ni David sa mga Benjaminita at sa mga tauhan ni Abner. 32 Binuhat nila si Asael at inilibing sa libingan ng kanyang ama sa Betle¬hem. At magdamag na naglakbay si Yoab at ang kan¬yang mga tauhan, at mali¬wanag na nang dumating sila sa Hebron.

3 • 1 Tumagal ang digmaan ng sambahayan ni Saul at ni David. At sa pag¬-lakas ni David, gayon naman ang paghina ng sambahayan ni Saul.
2 Nagkaroon ng mga anak na lalaki si David sa Hebron: si Amnon ang kanyang panganay na anak ni Ahinoam ng Jezrael, 3 pangalawa si Kileab na anak ni Abigail na biyuda ni Nabal ng Karmel, pangatlo si Absalom na anak ni Ma¬acang anak ni Talmai na hari ng Gesur, 4 pang-apat si Adonias na anak ni Hagit, panlima si Sefatias na anak ni Abital, 5 at pang-anim si Itream na anak ni Eglang asawa ni David. Ang mga ito ang naging anak ni David sa Hebron.
6 Samantalang patuloy ang digmaan ng mga sambahayan nina Saul at David, pinalalakas naman ni Abner ang kanyang pusisyon sa sam¬bahayan ni Saul.
7 May asawang-alipin si Saul na Rizpa ang pangalan, na anak ni Aya. At sinabi ni Isbaal kay Abner: “Ba’t ka sumiping sa asawang-alipin ng aking ama?” 8 Galit na galit si Abner dahil sa sinabi ni Isbaal, at sumagot siya: “Ano ako, ulo ng aso sa panig ng Juda? Naging tapat ako hang¬gang ngayon sa sambahayan ng iyong amang si Saul, sa kanyang mga kapatid at kai¬bigan, at hindi kita ipinagkanulo kay David, at pinarara¬tangan mo ako ngayon dahil sa ba¬baeng ito! 9 Parusahan ako ng Diyos at masahol pa, kung hindi ko magagawa para kay David ang ipinangako sa kanya ni Yawe 10 na ilipat ang kaharian mula sa angkan ni Saul at itatag ang trono ni David sa Israel at Juda mula Dan hang¬gang Berseba.”
11 Hindi nakasagot si Isbaal kay Abner dahil takot ito sa kanya.
12 Nagpadala ng mga sugo si Abner para sa¬¬bihin kay David: “Kanino ba ang lupain? Ma-kipagkasunduan ka sa akin at tutulungan kitang madala sa iyo ang buong Israel.” 13 Sumagot si David: “Magaling! Makikipag¬ka¬sunduan ako sa iyo pero sa isang kun¬disyon: makahaharap ka lamang sa akin kung kasama mo si Micol na anak ni Saul.”

• 14 At nagpadala naman ng mga sugo si David kay Isbaal na anak ni Saul at sinabing “Ibigay mo sa akin ang aking asawang si Micol na nakamit kong kapalit ng isandaang balat na tinuli sa mga Pilisteo.” 15 Ipinasundo ni Isbaal si Micol at inagaw sa asawa nitong si Paltiel na anak ni Lais. 16 Ngunit sinundan ito ng kanyang asawang lumuluha habang daan hanggang Ba¬hurim. At sinabi ni Abner sa kanya: “Umuwi ka na!” at bumalik nga siya.
17 Nakipag-usap si Abner sa mga mata¬tanda ng Israel at sinabi sa mga ito: “Matagal na ninyong gustong maging hari si David. 18 Gawin ninyo ito ngayon. Sapagkat na¬ngako si Yawe kay David at sinabing ‘Sa pamamagitan ni David na aking lingkod, ililigtas ko ang aking bayang Israel mula sa kamay ng mga Pilisteo at ng lahat nilang kaaway’.” 19 Kinausap din ni Abner ang mga taga-Benjamin, at saka siya nag¬punta sa Hebron para sabihin kay David ang lahat ng mabuti sa palagay ng Israel at ng buong sambahayan ng Benjamin.
Pinatay ni Yoab si Abner
20 Kasama ni Abner ang dalawampu ni¬yang tauhan nang puntahan nito si David sa Hebron, at naghanda naman ng mala¬king salu-salo si David para kay Abner at sa mga tauhan nito. 21 At pagkatapos, sinabi ni Abner kay David: “Aalis ako nga¬yon at titipunin ko sa aking panginoong hari ang buong Israel upang makipag¬kasunduan sila sa iyo at ikaw ang maka¬pag¬hari sa lahat ng hangad mo.”
Pinalakad ni David si Abner at umalis itong mapayapa.
22 Hindi nagtagal, dumating naman ang mga tauhan ni David at si Yoab mula sa pananalakay at marami silang dalang nasamsam. Hindi na isinama ni David sa Hebron si Abner kundi pina¬la-kad na niya ito at mapayapang umalis.
23 Pagdating ni Yoab at ng buong huk¬¬bong kasama niya, may nagsabi sa kanya na pinuntahan ni Abner na anak ni Ner ang hari, at pinalakad siya ng hari at umalis naman itong mapayapa. 24 Pinun¬tahan ni Yoab ang hari at sinabi: “Ano ang ginawa ninyo? Pinuntahan pa¬la kayo ni Abner. Bakit ninyo siya pi¬¬naalis at pina¬yagang makalayo? 25 Kilala naman ninyo si Abner na anak ni Ner, napa¬rito siya para linlangin kayo at ala¬min ang inyong mga plano at lahat ng inyong ginagawa.”
26 Iniwan ni Yoab si David at nag¬pa¬dala ng mga sugo para habulin si Abner, at ibinalik siya ng mga ito mula sa balon ng Sirah. Pero hindi iyon alam ni David. 27 Bu¬¬¬malik nga si Abner sa Heb¬ron, at mag-isa siyang isinama ni Yoab sa may pintuan ng lunsod na kunwa’y kakausapin nang sarilinan. Doon niya ito sinaksak sa tiyan para ipaghiganti ang dugo ni Asael na kanyang kapatid. At ito’y namatay.
30 Pinatay ni Yoab at ni Abisai na kan¬¬yang kapatid si Abner dahil pinatay nito sa labanan sa Gibeon si Asael na ka¬nilang kapatid.
28 Nang mabalitaan iyon ni David pag¬ka¬tapos, sinabi niyang “Ako at ang aking kaharia’y di parurusahan ni Yawe kailan¬man sa dugo ni Abner na anak ni Ner. 29 Singilin nawa ito kay Yoab at sa buong sambahayan ng kanyang ama. At huwag nawang mawalan ang sambahayan ni Yoab ng maytulo o keto¬ngin o may hawak na pangkidkid ng sinulid o ng nabubuwal sa tabak o ng walang makain.”
31 At sinabi ni David kay Yoab at sa lahat ng kasama niya: “Warakin ang in¬yong damit, magbihis ng sako at mag¬¬luksa sa harap ni Abner.” At si Ha¬ring David mismo ay nakipaglibing. 32 Ini¬li¬bing nila si Abner sa Hebron; at mala¬kas na nanangis ang hari sa libi¬ngan ni Abner at umiyak din ang buong bayan.
33 Inawit ng hari ang panaghoy na ito para kay Abner:
“Dapat bang mamatay na parang isang ha¬ngal si Abner?
34 Hindi nakagapos ang iyong mga kamay,
hindi nakakadena ang iyong mga paa
ngunit nabuwal kang gaya ng mga nabu¬buwal
sa harap ng masasama.”
At muli siyang iniyakan ng buong bayan.
35 Nilapitan nilang lahat si David para pakainin habang araw pa, ngunit sumumpa si David: “Gawin ito sa akin ng Diyos at higit pa kung titikim ako ng tinapay o anuman bago lumubog ang araw!”
36 Namabuti ito ng mga tao gaya ng lahat ng ginawa ng hari. 37 Sa araw na iyon, nauna¬waan ng buong bayan at ng buong Israel na hindi ang hari ang nagpapatay kay Abner na anak ni Ner.
38 Sinabi ng hari sa kanyang mga tauhan: “Alam ba ninyo na isang heneral at dakilang tao ang namatay sa araw na ito sa Israel? 39 At nga¬yon, ako nga ang pinahirang hari ngunit wala akong magawa para pigilin ang mga anak na ito ni Sarvia. Si Yawe nawa ang sumi¬ngil sa maygawa ng masama ayon sa kanyang kasamaan.”
Pinatay si Isbaal
4 1 Nang mabalitaan ni Isbaal na anak ni Saul na namatay si Abner sa Hebron, nanlumo siya at nangilabot naman ang buong Israel. 2 May dalawang tauhan ang anak ni Saul, dalawang kapitan ng mga mananalakay: si Baana ang isa at si Rekab naman ang isa pa, kapwa mga anak ni Rimong taga-Beerot. Mga Benja¬mi¬nita sila sapagkat itinuturing pa ring bahagi ng Benjamin ang Beerot. 3 Tumakas ang mga taga-Beerot papuntang Gitaim at doon tumira bilang mga dayuhan hanggang sa araw na ito.
4 (May isa namang lumpong anak na lalaki si Yonatang anak ni Saul. Limang taon ang bata nang dumating ang balita mula sa Jezrael tung¬kol kina Saul at Yonatan. Ki¬narga siya ng kan¬yang yaya para tumakas. Pero sa kanyang pag¬mamadali, nahulog ang bata at nalumpo. Mefi¬baal ang pangalan nito.)
5 Samantala, umalis sina Rekab at Baana na mga anak ni Rimon ng Beerot. Sa kainitan ng araw, dumating sila sa bahay ni Isbaal na nag¬sisiesta noon. 6 Nagpipili ng trigo ang babaeng bantay sa pinto, ngunit inantok ito at nakatulog kaya nakapasok sa loob ng bahay si Rekab at si Baanang kapatid nito. 7 Mabilis silang pumasok sa kuwarto ni Isbaal na natutulog sa kanyang higaan. Sinaksak nila ito at pinatay, pinu¬gutan ng ulo at kinuha iyon. At ma¬g¬damag si¬lang naglakbay sa daang pa-Araba. 8 Dinala nila ang ulo ni Isbaal kay David sa Hebron at sinabi sa hari: “Hayan ang ulo ni Isbaal na anak ni Saul, ang inyong kaaway na nagtangka sa inyong buhay. Sa araw na ito, ipinaghiganti ni Yawe ang aking panginoong hari laban kay Saul at sa kanyang lahi.”
9 Ngunit sinagot ni David si Rekab at si Baanang kapatid nito na mga anak ni Rimon ng Beerot: “Buhay si Yaweng sumagip sa akin sa lahat ng kagipitan! 10 Nang may nag¬sabi sa aking patay na si Saul sa pani¬ni¬walang magandang balita ang dala niya, sinunggaban ko siya at pinatay sa Siklag, na magagantimpalaan ko sana. 11 Gaano pa ngayon kung masasamang tao ang pumas¬lang sa isang taong matuwid sa sarili niyang pamamahay at sa sarili niyang higaan? Hindi ko ba sisingilin ngayon ang kan¬yang dugo mula sa inyong mga kamay at bu¬burahin kayo sa lupa?”
12 At inutusan ni David ang kanyang mga tauhan. At pinatay sila ng mga ito, pinutol ang kanilang mga kamay at paa, at isinabit ang mga iyon sa may tangke ng tubig sa Hebron. Kinuha naman nila ang ulo ni Isbaal at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron.
Si David, hari ng Israel
5 • 1 Nagpunta kay David sa Hebron ang lahat ng tribu ng Israel at sinabi: “Buto’t laman mo kami. 2 Sa nagdaang panahon, nang si Saul ang hari namin, ikaw na ang namuno sa Is¬rael sa lahat ng bagay. At sinabi ni Yawe sa iyo na ikaw ang magiging pastol ng kanyang bayang Israel at ma¬giging pinuno ka ng Israel.” 3 Na¬ki¬pag¬ka¬sun¬duan si Haring David sa harap ni Yawe sa lahat ng matatanda ng Israel na pu¬munta sa kanya sa Hebron, at pinahiran naman nila si David bilang hari ng Israel.
4 Tatlumpung taon si David nang ma¬ging hari siya, at apatnapung taon si¬yang naghari: 5 pitong taon at anim na buwan bilang hari ng Juda sa Hebron at tat¬lum¬pu’t tatlong taon naman sa buong Israel at Juda sa Jerusalem.
Inagaw ni David ang Jerusalem
6 Nagpunta ang hari at ang kanyang mga utusan sa Jerusalem laban sa mga Yebuseong naninirahan sa lupain. Sinabi ng mga ito kay David: “Di ka makapapasok dito pagkat itataboy ka ng mga bulag at pilay,” na ibig sabihi’y hinding-hindi ma¬kapapasok si David. 7 Ngunit nabihag ni David ang kuta ng Sion na naging “Lun¬sod ni David”.
8 Sinabi ni David nang araw na iyon: “Kailangang dumaan sa tunel na daluyan ng tubig ang sinumang lulusob sa mga Yebuseo papunta sa mga pilay at bulag na iyon na kinamumuhian ni David.” Kaya naging kasabihan “Hindi makapapasok sa Bahay ang mga bulag at pilay.”
9 Tumira si David sa kuta at tinawag iyong Lunsod ni David. Nagtayo siya sa buong paligid niyon mula sa Milo gayun¬din sa loob. 10 Lalong naging maka¬pang¬yarihan si David sapagkat sumasakanya si Ya¬weng Diyos ng mga Hukbo.
11 Nagpadala ng mga sugo kay David si Hiram na hari ng Tiro, may dalang mga trosong sedro at may kasamang mga karpintero at mga kantero, at nagtayo sila ng bahay para kay David.
12 At naunawaan ni David na inilagay nga siya ni Yawe bilang hari sa buong Israel, at iti¬naas ang kanyang kaharian alang-alang sa ba¬yan nitong Israel. 13 Pagkagaling niya sa Hebron, kumuha pa si David ng iba pang mga asa¬wang-alipin at mga asawa sa Jerusalem, at nagkaroon siya ng mas ma¬rami pang mga anak na lalaki at babae. 14 Ito ang mga pa¬nga¬lan ng mga ipinanganak sa kanya sa Jerusalem: Samua, Sobab, Natan, So¬lo¬mon, 15 Yibar, Elisua, Nefeg, Yafia, 16 Eli¬sama, Eliada at Elifelet.
17 Nang mabalitaan ng mga Pilisteo na pina¬hiran na bilang hari ng Israel si David, umahon silang lahat para hulihin si David. Nang malaman iyon ni David, nagpunta siya sa kuta. 18 Du-mating na at humanay ang mga Pilisteo sa Lambak ng Refaim. 19 Sinangguni naman ni David si Yawe: “Sasalakay ba ako sa mga Pilis¬teo? Ibibigay mo ba sila sa aking mga kamay?” Sinabi ni Yawe kay David: “Sige, sapagkat ibi¬bigay ko nga ang mga Pilisteo sa iyong mga kamay.” 20 Pumunta si David sa Baal-Perazim at nalupig niya sila roon. Sinabi niya: “Piniraso ni Yawe ang aking mga kaaway na parang di¬na¬anan ng baha.” Kaya tinawag na Baal-Perazim ang lugar na iyon. 21 Kinuha ni David at ng kan¬¬yang mga tauhan ang mga diyus-diyusang iniwan ng mga Pilisteo.
22 Bumalik ang mga Pilisteo at muling humanay sa Lambak ng Refaim. 23 Sinang¬guni ni David si Yawe at sinabi nito sa kanya: “Huwag kang sumalakay sa harap kundi palibutan mo sila sa likuran at lusubin sila sa tapat ng mga punong-balsamo. 24 Kapag nakarinig ka ng mga yabag sa itaas ng mga punong-balsamo, sumu¬god ka agad sa¬pag¬kat mangunguna sa iyo si Ya¬we sa pagsugod sa hukbong Pilisteo.” 25 Gina¬wa nga ni David ang iniutos ni Yawe at pinagtataga niya ang mga Pilisteo mula Gibeon hang¬gang Gezer.
Inilipat ni David sa Jerusalem ang Kaban
6 • 1 Muling tinipon ni David ang mga piling kalalakihan ng Israel – tat¬lum¬pung libong lahat. 2 Siya at lahat ng kasama niya pa-Baala ng Juda ay luma¬kad para dalhin mula roon ang Kaban ng Diyos kung saan binigkas at inilagay mismo ni Yawe ng mga Hukbo ang kan¬yang Pangalan, siya na naka¬luklok sa mga kerubin.
3 Isinakay nila ang Kaban ng Diyos sa isang bagong kariton at dinala ito mula sa bahay ni Abinadab sa burol. Sina Uzza at Ahio na mga anak ni Abinadab ang uma¬gapay sa bagong kariton, 4 na¬ngunguna sa Kaban si Ahio. 5 Buong lakas na suma¬sayaw si David at ang bu¬ong sambahayan ng Israel sa harap ni Yawe, nagkakan¬tahan at nagtutugtugan ng lira, alpa, tam¬bu¬rin, kastanet at pompiyang.
6 Pagsapit nila sa giikan ni Nakon, inabot ni Uzza ang Kaban ng Diyos at hinawakan pagkat muntik na itong itaob ng mga baka. 7 Sumiklab ang galit ni Yawe kay Uzza at noon di’y pinarusahan siya ng Diyos dahil sa kanyang pagkakamali. Na¬matay si Uzza doon sa tabi ng Kaban ng Diyos.
8 Nagalit si David dahil pinarusahan ni Yawe si Uzza, at tinawag na Perez-Uzza ang lugar na iyon hanggang nga¬yon.
9 Natakot si David kay Yawe nang araw na iyon at sinabi: “Paano maka¬rarating sa akin ang Kaban ni Yawe?” 10 At ayaw na ni David na dalhin sa kanya ang Kaban ni Yawe sa Lunsod ni David, at sa halip ay ipinadala niya sa bahay ni Obed-Edom na taga-Gat. 11 Tatlong buwan doon ang Kaban ni Yawe, at pinagpala ni Yawe si Obed-Edom at ang buo nitong samba¬hayan. 12 May nakapagbalita kay Haring David na pinagpala ni Yawe ang samba¬hayan ni Obed-Edom at ang lahat nitong ari-arian dahil sa Kaban ng Diyos.
Kaya lumusong si David at masa¬yang iniahon sa Lunsod ni David ang Kaban ng Diyos mula sa bahay ni Obed-Edom. 13 Na¬kaaanim na hakbang pa lamang ang mga may dala sa Kaban ni Yawe, nag¬han¬dog na siya ng isang toro at isang pinata¬bang guya.

• 14 Buong lakas na sumasayaw si David na nakaefod na linen sa harap ni Yawe 15 habang dala niya at ng buong samba¬hayan ng Israel ang Kaban ni Yawe sa gitna ng hiyawan at tunog ng trumpeta. 16 Pag¬pa¬sok ng Kaban ni Yawe sa Lunsod ni David, dumungaw sa bin¬tana si Micol na anak ni Saul. At nang makita niya si David na lumulundag at sumasayaw sa harap ni Yawe, nakutya siya rito sa kan¬yang puso.
17 Ipinasok nila ang Kaban ni Yawe at inilapag sa lugar nito sa toldang sadyang ipinatayo ni David para rito. At nag-alay si David sa harap ni Yawe ng mga sinunog na handog at mga hain sa ma¬buting pag¬sasamahan. 18 Nang matapos ang pag¬hahandog, pinagpala niya ang bayan sa Ngalan ni Yawe ng mga Hukbo. 19 At ipinamahagi niya sa buong bayan, sa bawat lalaki at ba-baeng Israelita ang tig-isang tinapay, isang hiwa ng inihaw na guya at bibing¬kang pasas. At nagsiuwi ang lahat sa kani-kanilang tahanan.
20 Pag-uwi ni David para basbasan ang sariling sambahayan, sinalubong siya ni Micol na anak ni Saul at sinabi: “Napaka¬laking karangalan nga naman para sa hari ng Israel ngayon na mag¬hubad siyang gaya ng mga bastos sa harap ng mga ali¬¬ping babae ng kanyang mga lingkod.”
21 Ngunit sinabi ni David kay Micol: “Sa harap ni Yawe ako sumayaw. Buhay si Yaweng pumili sa akin kaysa iyong ama at sa kanyang sambahayan, at hi¬nirang niya akong pinuno ng Israel na bayan ni Yawe. At maglululundag ako sa tuwa sa harap niya. 22 Mas mag¬papa¬kababa pa ako kaysa rito at ma¬aaring hamakin mo ako pero para¬ra¬ngalan na¬man ako ng mga ba¬baeng aliping binabanggit mo.”
23 At hindi nagkaanak si Micol na anak ni Saul hanggang sa araw na namatay siya.
Propesiya ni Natan
7 • 1 Nang nasa kanyang bahay na ang hari at binigyan siya ng ka¬pahinga¬han ni Yawe mula sa lahat niyang kaaway sa paligid, 2 sinabi niya sa propetang si Natan: “Tingnan mo, nakatira ako ngayon sa isang bahay na sedro pero nasa tolda lamang ang Kaban ng Diyos.” 3 Sumagot si Natan: “Gawin mo ang iniisip mo sapagkat sumasaiyo si Yawe.”
4 Ngunit nang gabing iyon, dumating ang salita ni Yawe kay Natan:
5 “Humayo ka at sabihin sa aking ling¬kod na si David, ‘Ito ang sinasabi ni Yawe: Ikaw ba ang magtatayo ng bahay na aking titirhan? 6 Hindi pa ako tumitira sa bahay sapul nang iahon ko ang mga Israelita mula sa Ehipto hanggang sa araw na ito. Kundi nagpalipat-lipat ako sa mga lugar na isang tolda ang tirahan. 7 Sa buong panahong nag¬lakbay akong kasama ang lahat ng Israelita, may sinabi ba ako sa mga pinuno ng Israel na inu¬tusan kong ipas¬tol ang aking bayang Israel? Sinabi ko ba: Bakit hindi ninyo ’ko ipagtayo ng isang bahay na sedro?’
8 Sabihin mo ngayon sa aking lingkod na si David: Ito ang sinasabi ni Yawe ng mga Hukbo: Kinuha kita sa pastulan at mula sa pagsunod sa kawan para maging pinuno ng aking ba¬yang Israel. 9 Sumaiyo ako saan ka man pumunta, at pinuksa ko sa harap mo ang lahat mong kaaway. At nga¬yon, patatanyagin ko ang iyong pa¬nga¬¬lan tulad sa mga dakilang tao sa daigdig. 10 Magtatakda ako ng lugar para sa aking bayang Israel at doon ko sila ipu¬¬punla upang mabuhay sila sa sarili ni¬lang lugar. Wala nang gugulo sa kanila at hindi na muling sisiilin ng masasama gaya noong una. 11 Mula nang humirang ako ng mga hukom sa aking ba¬yang Israel, ikaw lamang ang binigyan ko ng kapahingahan mula sa lahat ng kaaway. At sinasabi sa iyo ni Yawe na siya mismo ang magtatayo ng bahay para sa iyo.
12 Pag tapos na ang iyong mga araw at nahimlay ka na sa piling ng iyong mga ninuno, bibigyang-kapangyarihan ko ang iyong supling na kasunod mo, na isisilang mula sa iyo, at itatatag ko ang kanyang paghahari.
13 Siya ang magtatayo ng bahay para sa aking Pangalan at itatatag ko naman ang trono ng kanyang kaharian mag¬pa¬kailanman. 14 Magiging ama ako sa kanya at magiging anak ko naman siya. Kapag nag¬kasala siya, itu¬tuwid ko siya sa pa¬malo gaya ng ginagawa ng mga tao. 15 Ngu¬nit hindi ko babawiin ang pag-ibig ko sa kanya tulad nang bawiin ko ito kay Saul nang alisin ko siya sa iyong harapan. 16 Ma¬na¬natili sa harap ko magpakailan¬man ang iyong sambahayan at ang iyong kaharian, at matatatag ang iyong trono magpasa¬wa¬langhanggan.”
17 Sinabi ni Natan kay David ang lahat ng salitang ito at pangitain.
18 At pumasok si David, naupo sa harap ni Yawe at sinabi: “Sino ako, O Panginoong Yawe, at ano ang aking pamilya at dinala mo ako hanggang dito? 19 Subalit napakaliit pa rin nito sa iyong paningin, O Panginoong Yawe, kayat nangako ka pa tungkol sa sambahayan ng iyong lingkod. Ganito ba ang gawi ng tao, O Pangi¬noong Yawe? 20 Ano pa ang masasabi ni David sa iyo? Kilala mo ang iyong lingkod, Pa¬nginoong Yawe. 21 Dahil sa iyong salita at ayon sa iyong kalooban, ginawa mo ang lahat ng dakilang bagay na ito na ipinababatid mo sa iyong ling¬kod. 22 Dakila ka nga, O Yaweng Diyos! Wala kang katulad, at wala nang ibang Diyos liban sa iyo gaya ng narinig ng aming mga tainga.
23 May katulad ba sa lupa ang iyong bayang Israel, isang bansang nilapitan ng Diyos para tubusin bilang bayan niya? Pinatanyag mo nga ang iyong bayan sa paggawa ng dakila at ka¬gila-gilalas na mga bagay alang-alang sa iyong luwalhati, sa pagliligtas mo sa kanila mula sa Ehipto, sa bayan at mga diyos nito. 24 Itinatag mo at pinatatag ang Israel bilang pinakabayan mo magpakailanman. At ikaw, Yawe, ang na¬ging Diyos nila.
25 Ngayon, O Yaweng Diyos, tuparin mo mag¬pakailanman ang pangakong binitiwan mo tungkol sa iyong lingkod at sa kanyang sambahayan, at gawin ang iyong sinabi. 26 Dakilain nawa ang iyong Pangalan mag¬pakailanman sa pagsasabing ‘Si Yawe ng mga Hukbo ang Diyos ng Israel.’ At ma¬ta¬tatag sa harap mo ang sam¬bahayan ng iyong lingkod na si David 27 sapag¬kat ipinahayag mo na ito, O Yawe ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, sa iyong lingkod at sinabi sa kanyang ‘Ipagtatayo kita ng isang bahay.’ Kaya naman nagkalakas-loob ang iyong lingkod na manalangin sa iyo nang ganito.
28 At ngayon, O Panginoong Yawe, ikaw ang Diyos at totoo ang iyong mga salita, at binitiwan mo ang magandang pangakong ito sa iyong lingkod, 29 ikalugod mo nawang pagpalain ang sambahayan ng iyong lingkod upang manatili sa harap mo magpasa¬walanghanggan. Sapag-kat ikaw, O Pangino¬ong Yawe, ang nag¬sabing pagpapalain mag¬pa¬kailanman sa iyong pagbabasbas ang sambahayan ng iyong lingkod.”
Mga pakikipagdigma ni David
8 • 1 Pagkatapos nito, nilupig ni David ang mga Pilisteo, at inagaw sa kanila ang kapangyarihan sa lupain. 2 Nilupig din niya ang mga Moabita. Pinahiga niya ang mga ito sa lupa at saka sinu¬kat ng isang tali. Tigdadalawang haba ng tali ang pinatay at pinabayaan namang mabu¬hay ang isang haba. Kaya nasakop ni David ang mga Moabita at nagbuwis sa kanya ang mga ito.
3 Nilupig din ni David si Hadadezer na anak ni Rehob at hari ng Soba nang tangkain nitong muling makapangyari sa Ilog Eu¬frates. 4 Nabi¬hag ni David mula sa kanya ang sanlibo’t pitun-daang mangangabayo at dalawampunlibong kawal na lakad. Pinatid niya ang litid ng lahat ng kabayo at nag-iwan lamang ng sapat para sa san¬daang karwahe.
5 Dumating naman ang mga Arameo ng Damasco para tulungan si Hadadezer na hari ng Soba ngunit naigupo ni David ang dalawam¬pu’t dalawang libo sa mga Ara¬meong ito. 6 At nag-lagay si David ng mga garison sa Aram ng Da¬masco at napasailalim ni David ang mga Ara¬meo na nagbayad naman sa kanya ng buwis. Pinagtagumpay ni Yawe si David saanman siya pumunta.
7 Kinuha ni David ang mga gintong ka¬lasag ng mga opisyal ni Hadadezer at dinala ang mga ito sa Jerusalem. 8 Napa¬karami ring tanso ang kinuha ni Haring David sa Tebah at Berotai na mga lunsod ni Hadadezer.
9 Nang mabalitaan ni Tou na hari ng Hamat na nilupig ni David ang buong hukbo ni Hada-dezer, 10 isinugo niya ang kanyang anak na si Yoram kay Haring David upang kumustahin at batiin sa paglaban at paglupig kay Hadadezer na matagal nang kalaban ni Tou. Nagdala si Yoram ng mga bagay na yari sa pilak, ginto at tanso 11 na inilaan naman ni Haring David kay Yawe, kasama ng mga pilak at gintong inilaan niya mula sa lahat ng bansang nasakop niya: 12 mula sa Edom at Moab, mula sa mga Amonita, mga Pilisteo, mga Amalecita, at ang mga nasamsam kay Hadadezer na anak ni Rehob at hari ng Soba.
13 Natanyag si David pagbalik niya mula sa pakikipaglaban sa Edom sa Lambak ng Asin, labingwalong libong Edomita ang nalupig niya. 14 Naglagay siya ng mga ga¬rison sa buong Edom at nasakop niya ang lahat ng Edomita. Pina¬pagtagumpay ni Yawe si David saanman siya pumunta.
• 15 Naghari si David sa buong Israel, nagtad¬hana ng mga batas at naggawad ng katarungan sa buo niyang bayan. 16 Si Yoab na anak ni Sarvia ang pinuno ng hukbo, si Yo¬safat na anak ni Ahilud ang tagapagtala, 17 at si Sadok na anak ni Ahitub at si Ahimelek na anak ni Abiatar naman ang mga pari, si Seraya ang sekretaryo, 18 at si Benayang anak ni Yehoiada ang taga¬pamahala sa mga Kereteo at Peleteo. Mga pari ang mga anak ni David.
9 1 Nagtanong si David: “May nalalabi pa ba sa angkan ni Saul na maaari kong pag-magandahang-loob alang-alang kay Yona¬tan?” 2 May isang utusan namang nagnganga¬lang Ziba ang sambahayan ni Saul, at pina¬harap nila siya kay David, at sinabi sa kanya ng hari: “Ikaw ba si Ziba?” Sumagot ito: “Ang in¬yong lingkod.” 3 At itinanong ng hari: “Wala na bang nalalabi sa angkan ni Saul na magagawan ko ng kagandahang-loob ng Diyos?” Sinabi ni Ziba sa hari: “May anak na lalaking lumpo si Yonatan.” 4 Si¬nabi ng hari: “Nasaan siya?” At su¬magot si Ziba: “Nasa Lodebar siya, sa bahay ni Makir na anak ni Ammiel.” 5 Ipina¬sundo ito ni Haring David sa Lodebar, sa bahay ni Makir na anak ni Ammiel.
6 Pagdating ni Mefibaal na anak ni Yonatan na anak naman ni Saul, yumuko itong sayad sa lupa ang mukha. At sinabi ni David: “Mefi¬baal.” Sumagot ito: “Narito ang inyong ling¬kod.” 7 Si-nabi naman ni David: “Huwag kang matakot. Pagmamagan¬dahang-loob kita alang-alang kay Yonatan na iyong ama, at ibabalik ko sa iyo ang buong lupain ng iyong amang si Saul. Bukod dito, lagi kang dudulog sa aking hapag.” 8 Yu¬muko si Mefibaal at sinabi: “Sino ang inyong lingkod para bigyang-pansin ang tulad kong isang patay na aso?”
9 Ipinatawag ng hari si Zibang utusan ni Saul, at sinabi sa kanya: “Ibinibigay ko sa anak ng iyong amo ang lahat ng ari-arian ni Saul at ng kanyang angkan. 10 Ikaw naman at ang iyong mga anak at mga alipin ang magbubungkal ng lupa at mag-aani para sa kanya upang magkaroon ng kakainin ang sambahayan ng iyong amo. Ngunit si Mefibaal na anak ng iyong amo ay laging dudulog sa aking hapag.” May labinlimang anak na lalaki at dalawampung utusan si Ziba, 11 at sinabi nito sa hari: “Gagawin ng inyong lingkod ang lahat ng iniuutos ng aking panginoong hari, pero kumakain na namang parang isang anak ng hari si Mefibaal sa aking hapag.” 12 May anak na batang lalaki si Mefi¬baal na nagngangalang Mika; at naging taga¬paglingkod ni Mefibaal ang lahat ng nasa bahay ni Ziba.
13 Ngunit sa Jerusalem tumira si Mefibaal sapagkat lagi siyang kasalo sa hapag ng hari. Pilay siya sa dalawang paa.

10 1 Pagkamatay ng hari ng mga Amonita, si Hanun na kanyang anak ang humalili sa kanya. 2 At sinabi ni David: “Pagmamagandahang-loob ko si Hanun na anak ni Na¬has gaya ng pagmamagandang-loob sa akin ng kanyang ama.” Kaya isinugo ni David ang kanyang mga lingkod para maki¬ramay kay Hanun sa pagyao ng ama nito. Pagdating ng mga lingkod ni David sa lupain ng mga Amonita, 3 sinabi ng mga pinuno ng mga Amonita kay Hanun na kanilang panginoon: “Sa tingin ba ninyo’y pinararanga¬lan ni David ang inyong ama sa pagsusugo ng mga taong makikiramay sa inyo? Hindi kaya ipinadala sa inyo ni David ang kanyang mga tauhan para magmanman at maniktik, at ibag¬sak ang lunsod?”
4 At ipinadakip ni Hanun ang mga tauhan ni David, inahit ang kalahati ng kanilang balbas at ginupit ang kanilang mga damit hanggang puwitan at saka pinaalis. 5 Nang maiulat ito kay David, nagpadala siya ng mga sasalubong sa kanyang mga tauhan sapagkat lubha silang napahiya. Pina¬sabihan sila ng hari: “Sa Jerico muna kayo manatili hanggang tumubo ang inyong balbas, at saka kayo bumalik.”
6 Nakita ng mga Amonita na mabaho na sila kay David kayat nagpasugo sila para umupa ng dalawampunlibong kawal na Arameo sa Bet-Rehob at Soba, pati na ng isanlibong tauhan ng hari ng Maaka kasama ang labindalawang libong taga-Tob. 7 Nang mabalitaan ito ni David, isinugo naman niya si Yoab at ang buong huk¬bo ng magigiting.
8 Humanay ang mga Amonita para sa labanan sa bukana ng tarangkahan ng kanilang siyudad at pumusisyon naman sa kaparangan ang mga Arameong taga-Soba at Rehob at ang mga tauhan galing sa Tob at Maaka. 9 Nang makita ni Yoab na napa¬pagit¬naan sila sa laba¬nan sa harap at sa likuran, pinili niya ang mga piling-piling tauhan ng Israel at pinahanay ang mga iyon para harapin ang mga taga-Aram.
10 At inilagay naman niya sa pamumuno ni Abisai na kanyang kapatid ang nalalabi pa sa hukbo, at pinahanay ang mga iyon para maki¬pagsagupa sa mga Amonita. 11 At sinabi niya: “Kung mas malakas kaysa akin ang mga Arameo, kailangang tulungan mo ako; at kung ang mga Amonita ang mas malakas kaysa iyo, tu¬¬tulungan naman kita. 12 Lakasan mo ang loob! Magpakalalaki tayo alang-alang sa ating bayan at sa mga lunsod ng Diyos. Gawin nawa ni Yawe ang mabuti sa palagay niya.”
13 Lumusob si Yoab at ang mga taong kasama niya para makipaglaban sa mga Arameo na nagsitakas sa harap niya. 14 Nang makita ng mga Amonita na tumatakas ang mga Arameo, tumakas na rin sila sa harap ni Abisai at pumasok sa lunsod. Bumalik si Yoab mula sa pakiki-paglaban sa mga Amonita at nagpunta sa Jeru¬salem.
15 Pagkakita ng mga Arameo na nalupig sila ng Israel, nagtipon sila 16 at ipinatawag ni Hada-dezer ang mga Arameong nasa kabilang ibayo ng Ilog Eufrates. Nagpunta sila sa Helam sa pamumuno ni Sobak na pinuno ng mga hukbo ni Hadadezer.
17 Iniulat ito kay David at tinipon niya ang buong hukbong Israelita, tumawid sa Yordan at nagpunta sa Helam. Humanay ang mga Arameo para harapin si David at nakipag¬laban sila sa kanya.
18 Ngunit tumakas ang mga Arameo sa harap ng Israel. Pitundaang sakay ng kar¬wahe at apatnapung libong kawal ang pinatay ni David sa mga Arameo. Sinaksak din niya si Sobak na pinuno ng kanilang hukbo at doon ito namatay.
19 Nang makita ng lahat ng haring umaasa kay Hadadezer na nalupig ng Israel ang mga ito, nakipagkasundo sila sa Israel at napasailalim sa kanila. At natakot ang Aram na tulungan pa ang mga Amonita.
David at Batseba
11 • 1 Sa pagpapalit ng taon, sa panahon ng pagdidigmaan ng mga hari, pinalakad ni David si Yoab kasama ang kanyang mga opisyal at ang buong hukbo ng Israel. Pinuksa nila ang mga Amonita at kinubkob ang Raba samantalang nana¬tili naman sa Jerusalem si David.
2 Isang hapon, pagkagising ni David sa kanyang siesta, naglalakad-lakad siya sa terasa ng palasyo nang mula roo’y nakita niya ang isang babaeng naliligo – napaka¬ganda ng babae! 3 Ipi-napagtanong ni David kung sino ang babae at napag-ala¬man niyang siya si Batseba na anak ni Eliam at asawa ni Urias na Heteo. 4 Nag¬pa¬dala ng mga sugo si David para kunin siya. Pu¬munta nga sa kanya ang babae at nakipagtalik siya rito matapos maka¬pag¬linis ang babae mula sa kanyang regla. At umuwi na ang babae sa kanyang tahanan, 5 pero naglihi ito kayat ipinasabi niya kay David: “Buntis ako.” 6 Ipinahatid naman ni David kay Yoab: “Ipadala mo sa akin si Urias na Heteo.” At ipinadala nga ni Yoab si Urias kay David.
7 Pagdating ni Urias kay David, kinu¬musta niya rito si Yoab at ang mga tao at ang lagay ng digmaan. 8 At sinabi ni David kay Urias: “Umuwi ka na sa iyong bahay at maghugas ng paa.”
Nilisan ni Urias ang palasyo at ipina¬sunod sa kanya ng hari ang pagkain mula sa kanyang hapag. 9 Ngunit hindi umuwi si Urias, kundi natulog sa may pintuan ng palasyo kasama ang lahat ng lingkod ng kanyang panginoon. 10 Sinabi nila kay David na hindi umuwi si Urias, at sinabi niya rito: “Hindi ba’t galing ka sa pag¬la¬lakbay? Ba’t di ka umuwi?” 11 Sumagot si Urias: “Nakatira sa mga tolda ang Kaban at ang Israel at Juda, at ang aking pangi¬no¬ong si Yoab at ang kanyang mga tauhan ay nag¬ka¬kampo naman sa labas. Maka¬uuwi ba ako sa aking tahanan para kumain at um¬inom at sumiping sa aking asawa? Hinding-hindi ko ito magagawa!” 12 At si¬na¬bi ni David kay Urias: “Dumito ka muna ngayon at bukas na kita pala¬la¬karin.”
Kaya nanatili sa Jerusalem si Urias nang araw na iyon at nang sumunod pa. 13 Inanyayahan ni David si Urias na ku¬main at uminom na kasalo niya hanggang ito’y malasing. Ngunit kinaga¬bihan, luma¬bas si Urias at natulog kasama ng mga lingkod ng kanyang panginoon sa halip na umuwi.
14 Kinaumagahan, sinulatan ni David si Yoab at ipinadala ito kay Urias; 15 isinulat niya: “Ilagay mo si Urias sa harap, kung saan pinakamahigpit ang labanan, at iwan mo siya para tamaan at ma¬patay.” 16 Nang kinubkob na ni Yoab ang lunsod, inilagay niya si Urias sa da¬kong alam niyang matatapang ang mga kalaban. 17 Su¬mugod ang mga nasa siyudad at nila¬banan si Yoab. Ilan sa mga opisyal at mga tauhan ni David ang nabuwal. Namatay rin si Urias na Heteo.
18 Ipinahatid ni Yoab kay David ang lahat ng pangyayari sa digmaan. 19 At inutusan niya ang sugo: “Pagkatapos mong mai¬salaysay sa hari ang lahat ng nangyari sa digmaan, 20 maaaring sumilakbo ang kanyang galit at itanong sa iyo, ‘Bakit kayo lumapit sa lunsod para lumaban? Hindi ba ninyo alam na papanain kayo mula sa pader? 21 Sino ang pumatay kay Abimelek na anak ni Yerubaal? Hindi ba’t isang babae ang naghulog ng isang gilingang bato sa kanya mula sa pader kayat sa Tebes siya namatay? Ba’t kayo lumapit sa pader?’ Kaya sasabihin mo sa kanyang ‘Patay na rin ang inyong lingkod na si Urias na Heteo’.”
22 Lumakad na ang sugo at pagdating niya’y sinabi kay David ang lahat ng ipi¬nagbilin sa kanya ni Yoab.
23 At sinabi ng sugo kay David ang lahat ng pahatid ni Yoab, ipinaliwanag: “Nadaig kami ng kalaban at sinugod kami sa labas ngunit napa¬urong namin sila hanggang sa pintuan ng siyu¬dad. 24 Ngunit pinuntirya ng mga manunudla ang inyong mga lingkod mula sa taas ng pader at napatay ang ilan sa mga tauhan ng hari. Namatay rin ang inyong lingkod na si Urias na Heteo.”
25 Sinabi ni David sa sugo: “Sabihin mo ito kay Yoab para palakasin ang kanyang loob: Huwag mong masamain ang bagay na ito. Dahil nilalamon ngayon ng tabak ang isa at ang iba naman sa susunod. Pag-ibayuhin mo ang iyong pagsalakay sa siyudad at wasakin iyon.”
26 Nang mabalitaan ng maybahay ni Urias na namatay ang kanyang asawa, ipinag¬luksa niya ito. 27 Pagkapagba¬bang-luksa nito, ipinadala siya ni David sa kanyang bahay at naging asawa, at nagkaanak ng isang lalaki. Ngunit ma¬sama sa paningin ni Yawe ang ginawa ni David.
Pinagsabihan ni Natan si David
12 • 1 Isinugo ni Yawe kay David ang propetang si Natan. Pi¬nun¬tahan ni Natan ang hari at sinabi: “May dalawang lalaki sa isang lunsod: mayaman ang isa at dukha naman ang isa. 2 Napakaraming tupa at baka meron ang mayaman 3 pero walang-wala ang dukha liban sa isang maliit na babaeng tupa na kanyang binili. Inalagaan niya ito at lumaki itong ka¬sama niya at ng kanyang mga anak. Kasalo niya ito sa pagkain, at sa mismong kopa niya ito umiinom at sa kanyang kan¬du¬ngan na¬tutulog. Para na niya itong anak na ba¬bae. 4 Saman¬tala, may manlalakbay na dumating ngunit ayaw ng mayaman na kumuha sa kanyang tupahan at ba¬ka¬han para ihanda sa manlalakbay. Sa ha¬lip ay kinuha niya ang babaeng tupa ng duk¬hang lalaki at ito ang inihanda para sa kanyang bisita.”
5 Nag-apoy ang galit ni David sa lalaki at sinabi kay Natan: “Buhay si Yawe! Ma¬matay na sana ang lalaking gumawa nito. 6 Dapat niyang bayaran nang makapat na ibayo ang babaeng tupa dahil sa kanyang ginawa at kawa¬lan ng awa.”
7 Sinabi ni Natan kay David: “Ikaw ang lalaki. Ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Israel: Pinahiran kitang hari ng Israel at iniligtas kita sa kamay ni Saul. 8 Ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong panginoon at ang kanyang mga asawa sa iyong kan¬dungan. Ibinigay ko rin sa iyo ang sam¬ba¬hayan ng Israel at Juda. At kung napaka¬kaunti pa rin nito, bibig¬yan kita ng higit pa. 9 Bakit mo binale-wala si Yawe sa pag¬gawa ng masama sa kanyang paningin? Pinatay mo sa tabak si Urias na Heteo at inang¬kin ang kanyang asawa. Oo, pinatay mo siya sa tabak ng mga Amonita. 10 Kaya hin¬ding-hindi na hihiwalay nga¬yon ang ta¬bak sa iyong sambahayan sa¬pagkat binale-wala mo ako at inangkin ang asawa ni Urias na Heteo.
11 Ito ang sinasabi ni Yawe: Mula sa sarili mong sambahaya’y lilitaw ang ka¬pahamakan. Sa harap mo mismo’y kuku¬nin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sa iyong kapwa na makikipagtalik sa kanila sa liwanag ng araw. 12 Li¬him mo itong ginawa, ngunit gaga¬win ko ang bagay na ito sa liwa¬nag ng araw sa harap ng buong Israel.”
13 Sinabi ni David kay Natan: “Nag¬ka¬sala ako kay Yawe.” Sinabi naman ni Natan kay David: “Pinatawad na ni Yawe ang iyong kasalanan; hindi ka mama¬ma¬tay. 14 Ngunit dahil binale-wala mo si Yawe sa ginawa mong ito, mama¬matay ang batang isisilang sa iyo.” At umuwi na si Natan.
• 15 Pinapagkasakit ni Yawe ang batang isinilang kay David ng asawa ni Urias, at nanghina ito.
16 Nanikluhod si David sa Diyos alang-alang sa bata, nag-ayuno siya at pumasok sa kanyang bahay at sa lupa nahi¬higa sa buong magdamag. 17 Iginiit ng mga matatanda ng kanyang sambahayan na tumindig siya mula sa lupa pe¬ro tumanggi siya. At hindi rin siya nakisalo sa kanila.
18 Sa ikapitong araw, namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sa¬bihin sa kanyang patay na ang bata pagkat napag-usapan nilang “Nang buhay pa ang bata, sinabihan natin siya pero ayaw niyang makinig. Paano natin ngayon sasabihin sa kan¬yang patay na ang bata? Baka gumawa siya ng kung anong ma¬sama.”
19 Nang mapansin ni David na nagbu¬bu¬lungan ang kanyang mga lingkod, nau¬na¬waan niyang patay na ang bata at tina¬nong niya ang mga ito: “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila: “Patay na siya.”
20 Tumayo si David mula sa lupa, naligo at nagpahid ng langis at nagpalit ng da¬mit, at saka pumasok sa Bahay ni Yawe at sumamba.
Pagbalik niya sa kanyang bahay, nag¬pahain siya at kumain. 21 Tinanong siya ng kanyang mga lingkod: “Ano itong gina¬gawa ninyo? Nag-ayuno kayo at umiyak nang buhay pa ang bata ngunit ngayong patay na siya, tumindig kayo at kumain.”
22 At sumagot siya: “Nang buhay pa ang bata, nag-ayuno ako at umiyak dahil naisip kong ‘Sino ang nakaa¬alam? Baka maawa sa akin si Yawe at ma¬buhay ang bata.’ 23 Ngunit ngayong pa¬tay na siya, bakit pa ako mag-aayuno? Maibabalik ko pa ba siya? Ako ang pu¬punta sa kanya pero hindi na siya ba¬balik sa akin.”
24 Inaliw ni David si Batseba na kanyang asawa. Nakipagtalik siya rito at nagkaanak si Batseba ng isang lalaki na pinangalanan nitong Solomon. Mi¬nahal ito ni Yawe 25 at ipinasabi niya sa prope¬tang si Natan na Yedidia ang pa¬ngalang itawag sa bata, na ibig sabihi’y “Mahal ni Yawe”.
26 Nakipaglaban naman si Yoab sa Raba ng mga Amonita at nabihag ang siyudad ng hari. 27 Nagpadala siya ng mga sugo kay David at sinabi: “Nakipaglaban ako sa Raba at nasakop ko na rin ang lunsod ng tubig. 28 Tipunin ninyo ngayon ang nalalabi pang mga tauhan para kubkubin ang siyudad at sakupin ito, kung hindi’y aangkinin ko ito at tatawagin sa aking pangalan.” 29 Tinipon ni David ang buong hukbo at nagpunta sa Raba, sinalakay niya iyon at sinakop. 30 Ki-nuha niya sa diyos na Milcom ang korona nitong simbigat ng tatlumpung kilong ginto at may mamahaling mga hiyas na ipina¬lamuti sa ulo ni David. At marami siyang nasam¬sam sa siyudad.
31 Pinalabas niya ang mga taong naroon at pinapagtrabahong may lagari, piko at palakol, at sa paggawa ng tisa. Ganito ang ginawa ni David sa lahat ng siyudad ng mga Amonita. At bumalik na si David at ang buong hukbo sa Jerusalem.
Amnon at Tamar
13 • 1 May magandang kapatid na babae si Absalom na anak na lalaki ni David. Tamar ang pangalan nito. At nagustuhan naman siya ni Amnon na anak din ni David. 2 Labis ang pagkabaliw sa kanya ni Amnon hang¬gang magkasakit siya dahil kay Tamar na kanyang kapatid sapagkat dalaga ito, at parang wala siyang anumang magagawa kay Tamar.
3 May kaibigan si Amnon na nagnga¬ngalang Yonadab na anak naman ni Simea na kapatid ni David. Napakatuso ni Yonadab, 4 at sinabi niya: “O, ba’t uma-umaga na lang e mukhang kawawa ang anak ng hari? Hindi mo ba maipagtatapat sa akin?” Sumagot si Amnon: “Mahal ko si Tamar na kapatid ni Absalom na kapatid ko.” 5 Kayat sinabi ni Yonadab sa kanya: “Mahiga ka at magkunwaring maysakit. At pag dinalaw ka ng iyong ama, sabihin mo sa kanyang: Pada¬lawin naman ninyo sa akin ang kapatid kong si Tamar para pakanin ako, at ihanda ang pagkain sa harap ko nang makita ko siya at pakanin niya ako.”
6 Nahiga nga si Amnon at nagkunwaring may sakit, at nang dumating ang hari para da¬lawin siya, sinabi niya: “Padalawin naman ninyo ang aking kapatid na si Tamar para magluto ng espesyal na mamon sa harap ko, at pakanin ako.” 7 At ipinasabi ni David kay Tamar sa pa¬¬lasyo: “Puntahan mo ang ka¬patid mong si Am¬non sa bahay niya, at ipag¬luto siya ng ma¬ka¬kain.” 8 Nagpunta nga si Tamar sa bahay ni Amnong kapatid niya na nakahiga noon. Ku¬muha siya ng harina, minasa ito at ginawang tinapay sa harap niya at saka hinurno. 9 At pagkatapos, kinuha niya ang sarten at inihain ang tinapay kay Amnon. Ngunit tumanggi itong kumain at sinabi: “Palabasin ang lahat ng na¬rito.”
Nang makalabas na ang lahat, 10 sinabi ni Amnon kay Tamar: “Ipasok mo ang pagkain sa kuwarto at pakanin ako.” Dinala naman ni Ta¬mar sa kuwarto ni Amnong kapatid niya ang tinapay na kanyang niluto. 11 Ngunit nang ilapit niya iyon sa kanyang kapatid para kumain, si¬nunggaban siya ni Amnon at sinabing “Halika, kapatid ko, sumiping ka sa akin.” 12 Sumagot si Tamar: “Huwag, Kuya, huwag mo akong puwersahin. Hindi ito ginagawa sa Israel. Huwag mong gawin ang kahangalang ito. 13 Paano ko pag¬tatakpan ang aking kahihiyan? Matutulad ka sa mga baliw sa bayan. Kaya utang na loob, ka¬u¬sa¬pin mo ang hari at alam kong hindi niya ako ipagkakait sa iyo.” 14 Ngunit ayaw makinig ni Amnon kay Tamar, at dahil mas malakas siya kaysa rito, ginahasa niya ito.
15 At pagkatapos, lubha siyang kina¬muhian ni Amnon, pagkamuhing matindi pa kaysa pag-ibig na nadama nito para sa kanya. At sinabi ni Amnon: “Bumangon ka’t lumayas!” 16 Ngunit sumagot si Tamar: “Hindi! Sapagkat mas ma¬sama ang pagta¬taboy mong ito sa akin kaysa unang ginawa mo.” Ngunit ayaw niyang ma¬kinig sa kanya. 17 Tinawag niya ang kanyang personal na utusan at sinabing “Palayasin mo ang babaeng ito at ikandado ang pinto pagkalabas niya.” 18 Kaya pinalabas siya ng utusan at ikinandado ang pinto. Suot ni Tamar ang ma¬habang damit na may manggas na karaniwang suot ng mga anak na dalaga ng hari. 19 At wi¬na¬¬¬rak ni Tamar ang mahabang damit na suot niya at nilagyan ng abo ang kanyang ulo. Ipi¬natong niya ang kanyang kamay sa kanyang ulo, at umalis na humahagulgol.
20 Sinabi sa kanya ni Absalom: “Tuma¬himik ka, kapatid, huwag mo itong dibdibin sapagkat kapatid mo siya.” Nanatiling malungkot si Tamar sa bahay ni Absalom na kanyang ka¬patid.
21 Galit na galit si Haring David nang malaman niya ang lahat ng ito, pero hindi niya kina¬-galitan ang kanyang anak na si Amnon sa¬¬pag¬kat mahal niya ito bilang kanyang panga¬nay. 22 Wala ni isa mang salitang binitiwan si Absalom kay Amnon, masama man o mabuti. Kina-muhian niya si Amnon sa pagka¬kagahasa nito kay Tamar na kanyang kapatid.
23 Makalipas ang dalawang taon, nang ipi¬nag¬diriwang ni Absalom ang paggugupit sa kanyang mga tupa sa Baal-hazor na malapit sa Efraim, inanyayahan niya ang lahat ng anak na lalaki ng hari. 24 At pinuntahan din niya ang hari at sinabing “May mga mang¬gugupit ngayon ang inyong lingkod kayat paunlakan sana ng hari at ng kanyang mga opisyal ang aking pa¬anyaya.” 25 Sinabi naman ng hari kay Absalom: “Hindi na, anak, hindi na kailangang pumunta pa kaming lahat, at mabibigatan ka lamang.” Pinilit pa rin siya ni Absalom ngunit ayaw niyang pumunta at binasbasan na lamang niya ito. 26 Sinabi ni Absalom: “Kung hindi kayo pupunta, pasama¬hin na lang ninyo sa amin ang kapatid kong si Amnon.” Sumagot ang hari: “Ba’t kailangan niyang sumama sa iyo?” 27 Ngu¬nit nagpilit si Absalom hanggang pasamahin sa kanya si Amnon at ang lahat ng anak na lalaki ng hari.
Malaking salu-salo ang inihanda ni Absalom, angkop sa isang hari. 28 Inutusan niya sa kan-yang mga tauhan: “Bantayan ninyo kapag masaya na si Amnon sa alak at pag sinabi kong tagain ninyo si Amnon, patayin na ninyo siya. Huwag kayong matakot sapagkat ako ang nag-uutos. Lakasan ninyo ang loob at magpaka¬tapang!” 29 Ginawa nga ng mga tauhan ni Absalom kay Amnon ang kanyang iniutos. At mabilis na tumindig ang lahat ng anak ng hari, nagsisakay sa kanilang mga asno at nagsitakas.
30 Nasa daan pa sila nang umabot kay David ang balitang pinatay ni Absalom ang lahat ng anak na lalaki ng hari, at walang naiwang bu¬hay. 31 Tumindig ang hari, wina¬rak ang kanyang damit at nahiga sa lupa. Tumayo naman sa tabi niya ang lahat niyang lingkod na warak din ang damit. 32 Ngunit sinabi ni Yonadab na anak ni Simeang kapatid ni David: “Di dapat isipin ng aking panginoon na pinatay nilang lahat ang mga anak na lalaki ng hari. Si Amnon lamang ang patay sapagkat ito ang ipinasya ni Absalom mula nang gahasain ni Amnon si Tamar na kanyang kapatid. 33 Kayat huwag dibdibin ng aking panginoong hari ang balitang patay nang lahat ang mga anak na lalaki ng hari dahil si Amnon lamang ang patay.” 34 Samantala, tuma¬kas naman si Absalom.
At may natanaw na maraming taong nasa daang papuntang Horonaim na palusong mula sa libis ng bundok ang kabataang tanod. Agad siyang pumunta sa hari at sinabi ito sa kanya. 35 Sinabi naman ni Yonadab sa hari: “Tingnan ninyo, di ba’t totoo ang sinabi ko sa inyo? Narito na ang inyong mga anak na lalaki.” 36 Pagkasabi niya nito, nagsidating na umiiyak nang malakas ang mga anak ng hari, at lubhang nagsitangis pati ang hari at lahat niyang lingkod.
37-38 Samantala, tumakas naman si Absalom at nagpunta kay Talmai na anak ni Ammihur at hari ng Gesur, at tatlong taon siyang nanatili roon. Ipinagluksa ni Haring David ang kanyang anak sa buong pa¬nahong ito. 39 At nang lumipas na ang kanyang pamimighati sa kamatayan ni Ammon, nag¬lubag naman ang galit niya kay Absalom.
14 1 Alam ni Yoab na anak ni Sarvia na iniisip ng hari si Absalom. 2 Kaya nag¬¬padala siya ng sugo sa Tekoa upang sunduin doon ang isang matalinong babae at sina¬bi niyang “Mag-kunwari kang nagluluksa. Mag¬suot ka ng pan¬luksa at huwag magpahid ng langis para mag¬mukha kang babaeng ma¬tagal nang nagluluksa sa yumao. 3 At mag¬punta ka sa hari at ganito ang sabihin.” At itinuro ni Yoab sa ba¬bae ang sasabihin.
4 Pagharap sa hari ng babaeng taga-Tekoa, yumuko siyang sayad sa lupa ang mukha bilang pagpupugay at sinabi: “Tulu¬ngan ninyo ako, mahal na Hari!” 5 Tinanong siya ng hari: “Ano ang nangyari?” Sumagot siya: “Biyuda na nga ako at patay na ang aking asawa. 6 May dala¬wang anak na lalaki ang inyong lingkod. Nag-away silang dalawa sa bukid at walang umawat sa kanila, binugbog ng isa ang ikalawa at na¬patay. 7 At ngayo’y laban sa inyong lingkod ang buong angkan at sinasabing: Isuko mo ang puma¬tay sa kanyang kapatid at papatayin din namin siya bilang paghihiganti sa pagpatay niya sa kanyang kapatid. Kung magkaka¬gayo’y mawawala ang tagapag¬mana at papatayin nila ang ningas ng bagang natitira sa akin, at wa¬lang maiiwan sa aking asawa, pangalan man o lahi, sa balat ng lupa.”
8 Sinabi ng hari sa babae: “Umuwi ka na at magpapalabas ako ng utos para sa iyo.” 9 Ngunit sinabi ng babaeng taga-Tekoa sa hari: “Sa akin at sa sambahayan ng aking ama ninyo ibagsak ang sisi, aking panginoong hari, at walang da¬pat panagutan ang hari at ang kanyang tro¬no.” 10 Sinabi ng hari: “Iharap mo sa akin ang sinu¬mang magsasabi sa iyo ng anuman, at hindi ka na niya gagam¬balain pa.” 11 At sinabi ng babae: “Kung gayo’y isumpa sana ng hari sa ngalan ni Yaweng inyong Diyos na hindi na darag¬dagan pa ng tagapaghiganti ng dugo ang kasamaang-palad kong ito sa pagpatay sa aking anak.” Sumagot ang hari: “Isinusumpa ko sa ngalan ni Yawe, hindi malalaglag sa lupa isa mang hibla ng buhok ng iyong anak!”
12 At sinabi ng babae: “Pahintulutan nin¬yong magsalita pa ang inyong lingkod sa aking pa-nginoong hari.” Sinabi sa kanya ng hari: “Mag¬salita ka.” 13 Nagpatuloy ang babae: “Bakit kayo nagbabalak ng ganito laban sa bayan ng Diyos? Nang ipasya ito ng hari, hinatulan na rin ng hari ang kanyang sarili pagkat hindi niya ibinalik ang kanyang ipinatapon. 14 Mamamatay tayong lahat at tulad ng tubig na tumapon sa lupa at hindi na matitipon pa, kayat hindi rin pinababalik ng Diyos ang kaluluwa. Gumawa sana ng paraan ang hari para pabalikin ang kanyang anak na ipinatapon. 15 At ngayon, kung napa¬rito ako para sabihin ito sa aking panginoong hari, ito’y dahil tinakot ako ng ba¬yan kayat naisip kong kakausapin ko ang hari. At baka sakaling gawin niya ang hinihiling ng kan¬yang lingkod. 16 Sapagkat kung sumang-ayon ang haring sa¬gipin ang kanyang lingkod sa mga kamay ng taong nagta¬tangkang mag-alis sa akin at sa aking anak sa pamanang kaloob sa amin ng Diyos, 17 maghatid nawa ng kapana¬tagan ang pasya ng panginoon kong hari. Sa¬pagkat gaya ng anghel ng Diyos ang aking pa¬nginoong hari sa pag-unawa ng mabuti at ma-sama. Suma¬inyo nawa si Yaweng inyong Diyos.”
18 At sinabi ng hari sa babae: “Huwag mong ilihim sa akin ang bagay na itatanong ko sa iyo.” Sumagot ang babae: “Magsalita ang aking panginoong hari.” 19 Itinanong ng hari: “May kinalaman ba si Yoab sa lahat ng ito?” Sumagot ang babae: “Buhay ang aking panginoong hari, at walang makalilihis sa kanan o sa kaliwa mula sa lahat ng sinabi ninyo. Ang inyong lingkod ngang si Yoab ang nag-utos sa akin at nagturo ng lahat ng sasabihin ng inyong lingkod. 20 Gi-nawa ito ni Yoab para ikubli ang tunay na pang¬¬yayari. Ngunit kasintalino ng anghel ng Diyos ang aking panginoon, at alam niyang lahat ang nangyayari sa lupain.”
21 At sinabi ng hari kay Yoab: “Sige, gagawin ko ang sinabi mo. Humayo ka at ibalik ang binatang si Absalom.” 22 Nag¬patirapa si Yoab sa lupa bilang pagpupugay, pinagpala ang hari at sinabing “Nalaman ko ngayon ang inyong kagandahang-loob sa akin, panginoon kong hari, sapagkat pinag¬bigyan ninyo ang aking kahilingan.” 23 At nagpunta si Yoab sa Gesur at ibinalik si Absa¬lom sa Jerusalem. 24 Sinabi na¬man ng hari: “Pauwiin siya sa kanyang bahay, hindi siya dapat humarap sa akin.” Kayat umuwi si Absalom sa sariling bahay at hindi nakaha¬rap ang hari.
25 Walang kasingguwapo si Absalom sa bu¬ong Israel at labis siyang hinahangaan, walang kapintasan mula ulo hanggang paa. 26 Ginugu¬pit niya taun-taon ang kanyang buhok kapag na-giging mabigat na ito para sa kanya. At kapag ginugupit niya ang kanyang buhok, ti¬nitimbang niya iyon at umaabot ito ng mga dalawang kilo. 27 Nagkaroon si Absa¬lom ng tatlong anak na lalaki at isang anak na babae na nag¬¬¬ngangalang Tamar na isang napaka¬gandang dalaga.
28 Dalawang taon si Absalom sa Jerusalem ngunit hindi siya pinakiharapan ng hari. 29 Ipinatawag ni Absalom si Yoab upang iharap siya sa hari ngunit ayaw nitong mag¬pakita sa kanya. Muli pa niya itong ipina¬tawag pero ayaw niyang pumunta. 30 Kaya sinabi ni Absalom sa kanyang mga tauhan: “Tingnan ninyo, katabi ng sa akin ang bukid ni Yoab na may tanim na se¬ba-da. Sige, sunugin ninyo iyon.” Sinunog ng mga tauhan ni Absalom ang bukid. Dumating na¬mang malungkot ang mga tauhan ni Yoab para sabihin sa kanilang amo na sinunog ng mga tauhan ni Absalom ang kanyang bukid.
31 Pinuntahan ni Yoab si Absalom sa bahay nito at tinanong: “Bakit sinunog ng iyong mga tauhan ang aking bukid?” 32 Sumagot si Absalom: “Ipinatawag kita para ipasabi sa haring ‘Ba’t pa ako bumalik mula sa Gesur? Mabuti pa sanang nanatili na lamang ako roon.’ Gusto ko ngayong makita ang hari. At kung may kasa¬lanan ako, e di patayin niya ako!”
33 Pinuntahan ni Yoab ang hari at sinabi ito sa kanya. Kaya ipinatawag ng hari si Absalom. Dumating si Absalom at yumu¬kong sayad sa lupa ang mukha sa harap ng hari. At hinagkan naman ng hari si Absalom.

15 1 Pagkatapos nito, kumuha si Absalom ng karwahe at mga kabayo, at limam¬pung tauhang patakbong mangu¬nguna sa kanya. 2 Nakaugalian na ni Absa¬lom ang buma¬ngon nang maaga at tumayo sa tabi ng daang patungo sa pinto ng lunsod. Tuwing may daraan na maghaharap ng usapin sa hukuman ng hari, tinatanong ito ni Absalom: “Tagasaan kang lunsod?” Kung sabihin nitong “Mula sa isang tribu ng Israel ang inyong lingkod,” 3 sa¬sabihin ni Absalom, “Tingnan mo, mabuti at makataru¬ngan ang ipinaghahabol mo pero wa¬lang didi¬nig sa iyo mula sa hari.”
4 Sasabihin pa ni Absalom: “Kung naging hukom nga lamang sana ako sa lupaing ito! Tiyak na makalalapit sa akin ang sinumang may karaingan o usapin at igagawad ko sa kanya ang katarungan.” 5 Tuwing may lalapit sa kanya para yumuko sa harap niya, iuunat niya ang kan¬yang mga kamay para pahawakan iyon at pahalikan.
6 Ganito ang ginawa ni Absalom sa lahat ng Israelitang lumalapit sa hukuman ng hari, at napalapit siya sa puso ng mga taga-Israel.
7 Makaraan ang apat na taon, sinabi ni Absalom sa hari: “Pahintulutan ninyo akong pumunta sa Hebron para matupad ko ang aking panata kay Yawe. 8 Sapagkat nang nasa Gesur ng Aram pa ako, ipinanata ng inyong lingkod na kung ibabalik ako ni Yawe sa Jerusalem, sasamba ako kay Yawe sa Hebron.” 9 Sinabi sa kanya ng hari: “Humayo kang mapayapa,” at nagpunta nga siya sa Hebron.
Nagrebelde si Absalom sa kanyang ama
• 10 Ngunit lihim na nagpadala si Ab¬sa¬lom ng mga sugo sa lahat ng tribu ng Israel na may ganitong mensahe: “Pag narinig ninyo ang tunog ng trum¬peta, isigaw ninyong ‘Si Absalom ang hari sa Hebron!’.”
11 Umalis si Absalom sa Jerusalem ka¬sama ang dalawandaang lalaking inan¬yayahan niya. Ngunit wala silang kamalay-malay sa kanyang pakana. 12 Habang nag-aalay ng handog si Absalom, ipina¬tawag niya mula sa lunsod ng Gilo si Ahitofel na Gilonitang tagapayo ni David. Lumakas nga ang pakikipag¬sabwatan at dumami nang dumami ang mga kabig ni Absalom.
13 Isang sugo ang dumating kay David at nagsabing nasa panig na ni Absalom ang mga Israelita. 14 Sinabi ni David sa lahat ng opisyal na kasama niya sa Jeru¬salem: “Tayo na, tatakas tayo sa¬pag¬kat wala tayong ligtas kay Absalom. Dali! kung hindi’y maa¬abutan niya tayo kaagad at magha¬ha¬tid sa atin ng kapahamakan at ilalagay sa tabak ang lunsod.” 15 Suma¬got ang kanyang mga opisyal: “Ka¬sama ninyo ang inyong mga ling¬kod sa anu¬mang pasya ng pangi¬noong hari.”
16 Lumakad ang hari at ang buo niyang sambahayan ngunit iniwan ang sampung asawang-alipin para mangalaga sa pa¬lasyo. 17 Umalis nga ang hari kasama ang buong bayan. Tumigil sila sa may pinaka¬huling bahay sa lunsod 18 at dumaan sa tabi niya ang lahat niyang tauhan kasama ang lahat ng Kereteo, Peleteo at ang animna¬raang lalaking Giteo na sumama sa kanya mula sa Gat, at nagpauna sila sa kanya.
19 Sinabi ng hari sa kanilang pinu¬nong si Ittai na Giteo: “Ba’t sumama ka pa sa amin? Bumalik ka na at manati¬ling kasama ng hari sapagkat dayuhan ka at ipi¬natapon mula sa iyong lupain. 20 Kara¬rating mo pa lamang kahapon at ngayo’y pagagalain pa kitang ka¬sama namin sa pag-alis ko. Bumalik ka na at isama ang iyong mga kapatid, at suma¬iyo nawa ang pag-ibig at katapatan ni Yawe.” 21 Suma¬got si Ittai sa hari: “Isinusumpa ko kay Yawe at sa inyo na sa¬an¬¬-man naroon ang aking panginoong hari, maging sa buhay man o kamatayan, naroon din ang inyong lingkod.”
22 At sinabi ni David kay Ittai: “Sige, tayo na.” At nagpatuloy si Ittai na Giteo at lahat niyang tauhan at lahat ng ba¬tang kasama niya. 23 Malakas namang na¬na¬ngis ang buong bayan sa pagdaan ng mga tao. Tumawid ang hari sa Batis Kidron at nagpatuloy ang lahat ng tao pa¬tungo sa disyerto.
24 Heto na ang paring si Sadok, kasama ang lahat ng Levitang maydala sa Kaban ng Pakikipagtipan ng Diyos. Ibi¬naba nila ang Kaban ng Diyos at umahon naman si Abiatar hanggang maka¬labas na lahat ang mga tao mula sa lunsod. 25 At sinabi ng hari kay Sadok: “Ibalik sa lunsod ang Kaban ng Diyos. Kung kasiya-siya ako sa pani¬ngin ni Yawe, pababalikin niya ako at ipaki¬kitang muli ang Kaban at ang kan¬yang tirahan. 26 Ngunit kung sasabihin ni¬yang hindi ako kalugud-lugod sa kan¬ya, na¬rito ako at gawin niya sa akin ang ma¬buti sa palagay niya.”
27 Sinabi rin ng hari sa paring si Sadok: “Sige, bumalik kang mapayapa sa lunsod at isama ninyo ang iyong anak na lalaking si Ahimaaz, at si Abiatar at si Yonatang anak niya. 28 Maghihintay ako sa may kub¬¬lihan sa disyerto hang¬gang padalhan ninyo ako ng balita.”
29 Ibinalik nga nina Sadok at Abiatar sa Jerusalem ang Kaban ng Diyos, at nana¬tili sila roon.
30 Umakyat namang nananangis si David sa Bundok ng Olibo. May takip ang ulo at nakayapak, at may takip din sa ulo ang lahat ng kasama niyang na¬nanangis habang umaahon.
Paghiya kay David
31 Nang maibalita kay David na kabilang si Ahitofel sa mga kasabwat ni Absalom, sinabi niya: “O Yawe, gawin mo nawang kaha¬nga¬lan ang payo ni Ahitofel.”
32 Pagsapit ni David sa tuktok na pinag¬sasambahan sa Diyos, sinalubong siya ni Husai na Arkita na warak ang damit at may alikabok sa ulo. 33 Sinabi ni David sa kanya: “Magiging pa¬¬-bi-gat ka sa akin kung sasama ka. 34 Mas matutulungan mo akong biguin ang payo ni Ahitofel kung babalik ka sa lunsod at sasabihin kay Absalom na ‘Magi¬ging lingkod ninyo ako, O mahal na Hari! Naging lingkod ako ng inyong ama at magi¬ging lingkod naman ninyo ako nga¬yon.’ 35 Makakasama mo roon ang mga pa¬ring sina Sadok at Abiatar. Iulat mo sa kanila anu¬mang mabalitaan mo sa bahay ng hari. 36 Parehong naroon ang kanilang mga anak, si Ahimaaz na anak ni Sadok at si Yonatang anak ni Abiatar, at ipasabi mo sa akin sa pamamagitan nila ang anumang marinig mo.”
37 At dumating sa lunsod si Husai na kaibigan ni David kasabay ng pagpasok ni Absalom sa Jerusalem.
16 1 Kalalampas pa lamang ni David sa tuktok nang salubungin siya ni Zibang lingkod ni Mefibaal, na may akay na isang pares na asnong may dalang dalawandaang tinapay, sandaang buwig na pasas, san¬daang prutas ng tag-init at isang sisidlang puno ng alak. 2 Tina¬nong ng hari si Ziba: “Ba’t dala mo ang mga ito?” Sumagot si Ziba: “Ang mga asno’y sasakyan ng mga kaanak ng hari. Ang mga tinapay at prutas ay pagkain ng mga tauhan, at ang alak ay para may mainom ang mga pagod sa disyerto.”
3 At sinabi sa kanya ng hari: “Nasaan ang anak ng iyong amo?” Sumagot si Ziba: “Nasa Jerusalem sapagkat sinabi niyang ‘Ibabalik ngayon sa akin ng sambahayan ng Israel ang kaharian ng aking ama!’.” 4 Sinabi sa kanya ng hari: “Iyo na ngayon ang lahat ng ari-arian ni Mefibaal.” At sinabi ni Ziba: “Lumuluhod ako sa aking panginoong hari, at maging kasiya-siya nawa ako sa inyong paningin.”
5 Dumating si Haring David sa Bahurim, at isang lalaki mula sa angkan ni Saul na nagngangalang Simei na anak ni Gera ang lumabas na nagmumura. 6 Binato niya si David at ang lahat ng opisyal ng hari, bagamat napapagit¬naan si David ng mga tao ng mga man¬di¬rigma.
7 Sinabi ni Simei sa kanyang pagmu¬mura: “Lumayas ka! Layas! Taong uhaw-sa-dugo at walang silbi! 8 Siningil sa iyo ngayon ni Yawe ang lahat ng du¬go ng angkan ni Saul. Ikaw ang naghari sa lugar niya kaya ibibigay rin ni Yawe ang kaha¬rian sa mga kamay ni Absalom na iyong anak. Narito na ang pagbagsak mo sa¬pag¬kat uhaw ka sa dugo.”
9 Sinabi naman sa hari ni Abisai na anak ni Sarvia: “Bakit minumura ng patay na asong ito ang aking pangino¬ong hari? Patawirin lamang ninyo ako’t pupugutan ko siya ng ulo.”
10 Ngunit sinabi ng hari: “H’wag nin¬yo ’kong pakialaman, mga anak ni Sar¬via. Kung nagmumura siya dahil si¬¬¬na¬¬bihan siya ni Yaweng sumpain si Da¬¬vid, sino ang makapagpapanagot sa kanya?” 11 At si¬nabi ni David kay Abisai at sa lahat niyang opisyal: “Ting¬¬¬nan ni¬n¬¬yo, kung ang aking anak na sarili ko nang laman ay nagha¬hangad na pata¬yin ako, ano pa ang Ben¬jaminitang ito! Pa¬¬¬ba¬yaan ninyo siya at ba¬yaang sum¬pa¬in niya ako pagkat iyon ang sabi sa kanya ni Yawe. 12 Baka sakaling makita ni Yawe ang aking pighati at suklian ng kabutihan ang panunumpa niya sa araw na ito.”
13 Nagpatuloy sa daan si David at ang kanyang mga tauhan samantalang patu¬loy rin siyang sinusundan ng mura ni Simei na naghahagis ng bato at ali¬kabok sa kanya mula sa kabilang libis ng burol. 14 Dumating sa may Jordan ang hari at ang lahat ng kasama niya, pagod na pagod, at doon siya naka¬bawi ng lakas.
15 Pumasok naman sa Jerusalem si Absalom at ang lahat ng Israelita kasama si Ahitofel. 16 Nilapitan si Absalom ni Husai na Arkitang kaibigan ni David, at sumigaw: “Mabuhay ang Hari! Mabuhay!” 17 Sinabi ni Absalom kay Husai: “Ganito ba ang pag¬mamahal mo sa iyong ka¬ibigan? Ba’t di ka umalis kasama ng kaibigan mo?” 18 Sinabi ni Husai kay Absalom: “Hindi. Ako’y para sa pinili ni Yawe at ng bayang ito at ng lahat ng Israelita, at sa kanya ako mananatili. 19 Sino ngayon ang aking paglilingkuran? Hindi ba’t dapat ko lang paglingkuran ang kanyang anak gaya ng paglilingkod ko sa iyong ama? Kaya maglilingkod ako sa iyo.”
20 Sinabi ni Absalom kay Ahitofel: “Mag¬pulong kayo tungkol sa dapat nating gawin.” 21 Sinabi ni Ahitofel kay Absalom: “Sumiping ka sa mga asawang-alipin ng iyong ama na iniwan niya para mag-alaga sa palasyo. Kapag nabalitaan ng buong Israel na naging kasuklam-suklam ka na sa iyong ama, lala¬kas ang loob ng lahat mong tagasunod.”
22 Kaya ipinagtayo nila ng tolda si Absalom sa terasa at sumiping siya sa mga asawang-alipin ng kanyang ama, na lan¬ta¬rang nakikita ng buong Israel. 23 Nang pa¬na¬hong iyon, ipinalalagay na parang pagsang¬guni na rin sa salita ng Diyos ang payo ni Ahitofel. At ganito ang pala¬gay nina David at Absalom sa lahat ng payo ni Ahitofel.

17 1 Sinabi ni Ahitofel kay Absalom: “Papiliin mo ako ng labindalawang libong tauhan para habulin si David ngayong gabi. 2 Sasalakayin ko siya habang pagod siya’t nang¬hihina. Bibiglain ko siya at tatakas ang lahat ng kasama niya kayat ang hari lamang ang papatayin ko, 3 at mai¬babalik ko sa iyo ang buong bayan gaya ng pag-uwi ng nobya sa kanyang asawa. Ang kamatayan lamang naman ng isang tao ang tanging hangad mo kayat hindi maaano ang bayan.” 4 Nakalugod ang ideang ito kay Absalom at sa matatanda ng Israel. 5 Ngunit sinabi ni Absalom: ”Ipatawag din si Husai na Arkita para marinig natin kung ano ang masa¬sabi niya.”
6 Pagharap ni Husai kay Absalom, tina¬nong siya nito: “Ito ang payo ni Ahitofel. Ga¬¬gawin ba namin ang kanyang sinabi? Kung hindi, sabihin mo ang iyong palagay?” 7 Sinabi ni Husai kay Absalom: “Sa pagka¬kataong ito, hindi maganda ang payo ni Ahitofel. 8 Alam mong magigiting na man¬dirigma ang iyong ama at ang kanyang mga tauhan, at simbangis ng inahing osong ina-gawan ng mga anak sa gubat. Sanay na sa giyera ang iyong ama kayat hindi siya sa¬sama sa kanyang mga tauhan sa mag¬da¬mag. 9 Sa mga sandaling ito, tiyak na nag¬tatago siya sa isang kuweba o sa iba pang lugar. Kahit na ilan lamang sa ating mga tauhan ang mabuwal sa unang pagsalakay, sasabihin ng sinumang ma¬kakabalita nito na napuksa ang mga tagasunod ni Absalom. 10 Kayat maging ang pinakamagi¬giting na may pusong-leon ay lubos na panghihinaan ng loob sapagkat alam ng buong Israel kung gaano kagiting ang iyong ama pati ang mga kasama niya. 11 Kaya ipinapayo kong ti¬punin mo sa iyo ang buong Israel mula Dan hang¬¬gang Berseba, na gaya ng buhangin sa aplaya sa dami, ikaw mismo ang manguna sa labanan. 12 At lulusubin natin siya saan¬man siya naroon at daragsa tayo sa kanya gaya ng pag¬patak ng hamog sa lupa. At wala tayong ititirang buhay, maging siya man o sinuman sa mga lalaking kasama niya. 13 Kung uurong siya sa isang siyudad, mag¬dadala ng lubid ang buong Israel sa siyudad na iyon at hahatakin natin iyon sa talampas hanggang wala nang malabi rito isa mang bato.”
14 Sinabi ni Absalom at ng lahat ng Israelita: “Mas mabuti ang payo ng Arkitang si Husai kaysa payo ni Ahitofel.” Dahil ipinasya na ni Yaweng biguin ang magaling na payo ni Ahitofel upang maghatid ng kapahamakan kay Absa¬lom.
15 At sinabi naman ni Husai sa mga paring sina Sadok at Abiatar: “Ganito ang ipinayo ni Ahitofel kay Absalom at sa mga matatanda ng Israel pero ito naman ang ipinayo ko. 16 Kayat pasabihan ninyo agad si David na huwag mag¬palipas ng gabi sa taguan sa disyerto kundi tumawid sa kabilang ibayo, kung hindi’y ma¬lilipol ang hari at lahat ng kasama niya!”
17 Samantala, nasa may bukal naman ng Rogel sina Yonatan at Ahimaaz. Isang aliping babae ang nagpunta roon para sabihin ito sa kanila upang maihatid naman nila ito kay Haring David, sapagkat hindi sila puwedeng makita sa lunsod. 18 Ngunit nakita sila ng isang binata at sinabi ito kay Absalom. Agad na umalis ang dalawa at nagtuloy sa bahay ng isang lalaki sa Bahurim. May balon sa bakuran at lumusong sila roon. 19 Kumuha naman ng kumot ang maybahay at tinakpan ang bunganga ng balon at saka kinalatan ng mga butil para hindi ma¬halata.
20 Pagdating ng mga tauhan ni Absalom sa bahay ng babae, itinanong nila: “Nasaan sina Ahimaaz at Yonatan?” Sumagot sa kanila ang babae: “Tumawid sila sa ipunan ng tubig.” Hina¬nap nila sila pero hindi nakita kaya nagbalik ang mga ito sa Jerusalem. 21 Pagkaalis ng mga tau¬han ni Absalom, umahon ang dalawa mula sa balon at nag¬punta kay Haring David at sinabi: “Tumawid kayo agad sa ilog sapagkat laban sa inyo ang ipinayo ni Ahitofel.”
22 At lumakad nga si David at lahat ng kasama niya, at tumawid sa Jordan. Nang magbukanliwayway, nakatawid na ang lahat sa Ilog Jordan.
23 Nang makita ni Ahitofel na hindi na¬sunod ang kanyang payo, inihanda niya ang kanyang asno at sumakay pauwi sa kanyang tahanan sa kanyang lunsod. Mata¬pos tagu¬bilinan ang kan-yang sam¬bahayan, nagbigti siya at namatay. Inilibing siya sa libingan ng kanyang ama.
24 Nasa Mahanaim na si David nang tuma¬wid sa Jordan si Absalom kasama ang lahat ng Israelita. 25 Si Amasa ang pinamuno ni Absalom sa hukbo bilang kahalili ni Yoab. Si Amasa ang anak ng isang lalaking tinatawag na Itra, ang Ismaelitang pinakasalan ni Abigail na anak ni Isai at kapatid ni Sarviang ina ni Yoab. 26 Nag¬kampo ang mga Israelita at si Absalom sa lupain ng Galaad.
27 Pagdating ni David sa Mahanaim, si So¬bing anak na lalaki ni Nahas na taga-Raba ng mga Amonita at si Makir na anak na lalaki ni Ammiel ng Lodebar at si Barzilai na Galaaditang taga-Rogelim 28 ay nagdala ng mga higaa’t kumot, mga palanggana’t palayok, at ng trigo, sebada, harina, sinangag na butil, balatong at munggo, 29 pulot-pukyutan at kinortang gatas, tupa at kesong gatas ng baka. Inihain nila ang mga ito kay David at sa mga kasama niya sapagkat naisip nilang “Gutom na’t pagod pa at uhaw ang mga tao galing sa disyerto.”
18 1 Inihanay ni David ang mga kasama niya at naglagay ng mga pinuno ng tigsasanlibo at tigsasandaan. 2 Pinalakad niya ang hukbo – nasa pamumuno ni Yoab ang ikatlong bahagi, at nasa ilalim naman ni Abisai na anak ni Sarvia at kapatid ni Yoab ang isang ikatlo, at kay Ittai na taga-Gat ang isa pang ikatlong bahagi. At sinabi ng hari sa hukbo: “Sasama ako sa inyo.” 3 Ngunit sumagot ang mga tao: “Hindi kayo dapat su¬mama. Bale-wala sa kanila kung tumakas man kami o kala¬hati sa amin ang mamatay. Ngunit katumbas kayo ng sampung libo sa amin at mas makabubuti ngayon kung matutulungan ninyo kami mula sa lunsod.” 4 At sinabi ng hari sa kanila: “Gagawin ko ang mabuti sa palagay ninyo.” Tumindig ang hari sa tabi ng pintuan, at daan-daan at libu-libong lumabas ang hukbo. 5 Inu¬tusan ng hari sina Yoab, Abisai at Ittai: “Huwag ninyong saktan ang binatang si Absalom alang-alang sa akin.” Narinig ng buong hukbo ang utos na ito ng hari sa lahat ng pinuno tungkol kay Absalom.
Pagkalupig at pagkamatay ni Absalom
• 6 Sumugod ang hukbo ni David sa lu¬pain laban sa Israel. Naganap ang laba¬nan sa kagubatan ng Efraim 7 at doon na¬lu¬pig ng mga tauhan ni David ang mga Israelita. Marami ang namatay nang araw na iyon – dalawampung libong katao.
8 Lumaganap ang labanan sa buong lu¬pain at nang araw na iyon, mas mara¬ming tao ang nilamon ng kagu¬batan kaysa pa¬mamagitan ng tabak.
9 Samantala, nangangabayo si Ab¬sa¬¬¬lom nang masalubong siya ng mga ta¬uhan ni David. Nang dumaan ang mola sa ilalim ng makapal na mga sanga ng isang malaking puno ng ensina, nasabit ang ulo ni Absalom sa puno at na¬iwang nakabitin sa pagitan ng langit at lupa. At nagpatuloy naman ang molang kanyang sinasakyan. 10 May naka¬kita nito at sinabi kay Yoab: “Nakita ko si Absalom na nakabitin sa puno ng ensina.”
11 Sinabi ni Yoab sa lalaking nagba¬lita sa kanya: “Ano? Nakita na pala siya pero bakit hindi mo pa siya pinatay ka¬agad? Bibigyan pa sana kita ng sampung pira¬song pilak at isang sinturon.” 12 Ngunit sinabi ng lalaki kay Yoab: “Bi¬langin man sa palad ko ang sanlibong pirasong pilak, hindi ko mapagbubuha¬tan ng kamay ang anak ng hari sapag¬kat narinig namin ang iniutos niya sa iyo pati kina Abisai at Ittai na h’wag ninyong gagalawin ang binatang si Ab¬salom alang-alang sa kanya. 13 Kung gumawa ako ng ma¬sama, malalaman din ito ng hari, at tiyak na hindi ninyo ako ipagta¬tang¬gol.” 14 Sumagot si Yoab: “Hindi kita pag-aaksayahan ng pana¬hon.” At ku¬muha siya ng tatlong sibat at itinarak ang mga ito sa puso ni Absalom na buhay pang nakabitin sa puno ng ensina. 15 At pina¬ligiran si Absalom ng sampung taga¬pagdala ng sandata ni Yoab; sinaksak nila si Absalom at pi¬natay.
16 Pinahipan ni Yoab ang trumpeta at itinigil ng hukbo ang paghabol sa mga Israelita sapagkat pinatigil na sila ni Yoab. 17 Kinuha nila si Absalom at itina¬pon sa isang malaking hukay sa gubat at tina¬bu¬nan ng malalaking bato.
Samantala, tumakas naman ang lahat ng Israelita patungo sa kanya-kanyang ta¬hanan.
18 Nang nabubuhay pa si Absalom, nagpa¬tayo siya ng sariling monumento sa Lambak ng Hari at sinabi niyang “Wala akong anak na lalaki na magpapaalaala sa aking pangalan.” Tinawag niya sa sariling pangalan ang banta¬yog, at hang¬gang sa panahong ito, tinatawag iyong Monu-mento ni Absalom.
19 Sinabi naman ni Ahimaaz na anak ni Sadok: “Patakbo akong aalis ngayon para iba¬lita sa hari na iniligtas na siya ni Yawe sa kamay ng kanyang mga kaaway.” 20 Ngunit sinabi ni Yoab sa kanya: “Hindi ka magha¬hatid ngayon ng magandang balita; sa ibang araw na lang. Sa¬pagkat walang magandang balita ngayon dahil patay ang anak ng hari.” 21 Isang taga-Kus ang sinabihan ni Yoab: “Ikaw ang pumunta sa hari at ibalita sa kanya ang iyong nakita.” Yu¬muko ang Kusita sa harap ni Yoab at tumakbo.
22 Ngunit muling sinabi kay Yoab ni Ahimaaz na anak ni Sadok: “Anuman ang mangyari, pa-hintulutan mo akong tumak¬bong kasunod ng Kusita.” Nagtanong si Yoab: “Bakit kaila¬ngan mo pang sumunod, anak? Alam mo namang wala kang ma¬papala sa balitang ito.” 23 Iginiit ni Ahimaaz: “Hindi bale, pahintulutan mo lamang ako.” Sumagot si Yoab: “Sige, su¬mugod ka!” Tinakbo ni Ahimaaz ang kahabaan ng kapa¬tagan, at naunahan pa niya ang Kusita.
24 Nakaupo si David sa pagitan ng dala¬wang pintuan. Pumunta naman ang bantay sa itaas ng pintuan ng moog, at may natanaw itong lalaking nag-iisang tumatakbo at palapit.
Ibinalita kay David ang pagkamatay ni Absalom
25 Tinawag ng tanod ang hari at ini¬ulat ito. Sinabi ng hari: “Kung nag-iisa siya, tiyak na magandang balita ang kanyang dala.” Nang malapit na ang lalaki, 26 na¬tanaw ng tanod ang isa pang lalaking tumatakbo. Tinawag niya ang bantay-pinto at sinabing “Tingnan mo, may isa pang lalaking nag-iisang tuma¬takbo!” Sinabi ng hari: “May dala rin siyang magandang balita.” 27 Sinabi naman ng tanod: “Sa tingin ko’y pa¬rang si Ahimaaz na anak ni Sadok kung tumakbo ang unang lalaki.” Sumagot ang hari: “Mabu¬ting tao siya kayat ma¬gandang balita ang dala niya.”
28 Tumawag si Ahimaaz sa hari: “Mabuti ang lahat.” Yumuko siyang abot sa lupa ang mukha sa harap ng hari at sinabing “Purihin si Yaweng inyong Diyos na na¬ningil sa mga taong nag-himagsik sa aking panginoong hari!” 29 Tinanong siya ng hari: “Mabuti ba ang batang si Absa-lom?” Sumagot si Ahimaaz: “Nang isugo ni Yoab ang in¬yong lingkod, may nakita akong mala¬king kaguluhan ngunit hindi ko alam kung ano.” 30 Kaya sinabi ng hari: “Dito ka muna sa tabi ko.” At tumindig nga siya sa tabi.
31 Dumating ang Kusita at sinabi: “Ma¬gandang balita, aking panginoong hari! Binigyang-katarungan kayo nga¬yon ni Yawe at iniligtas sa kamay ng lahat ng nag¬himagsik sa inyo.” 32 Tinanong ng hari ang Kusita: “Mabuti ba naman ang bina¬tang si Absalom?” Sumagot ang Kusita: “Matulad nawa sa binatang iyon ang mga kaaway ng aking panginoong hari at lahat ng naghihimagsik sa inyo.”
19 1 Lubhang nabigla ang hari at umak¬¬¬yat sa silid sa itaas ng pintuan. Umiiyak siya habang umaakyat at sinabing “Anak ko, Absalom! Anak ko, anak ko, Absalom! Ako na sana ang namatay at hindi ikaw, O Absalom! Anak ko, anak ko!”
2 May nag-ulat kay Yoab na umiiyak ang hari at nagluluksa dahil kay Absa¬lom. 3 Kayat nang mabalitaan ng buong bayan na namimighati ang hari dahil sa kanyang anak, nauwi sa pagluluksa ang tagumpay sa araw na iyon. 4 Tahimik na pumasok sa lunsod ang mga tao nang araw na iyon, palihim na pa¬rang natalo at nahihiya. 5 Ti¬nak¬pan ng hari ang kanyang mukha at sumigaw: “Anak kong Absalom, O Absa¬lom, anak ko, anak ko!”
6 Pumasok si Yoab sa bahay ng hari at sinabi: “Isinubo ninyo ngayon sa ka¬hihi¬yan ang lahat ng inyong tauhan na naglig¬tas sa inyong buhay at sa buhay ng inyong mga anak, mga asawa at mga asawang-alipin. 7 Mahal nga ninyo ang mga namu¬muhi sa inyo at kinamu¬muhian ang mga nagmamahal sa inyo. Sapagkat ipinaha¬yag ninyo sa araw na ito na bale-wala sa inyo ang inyong mga pinuno at mga tau¬han. Dahil naki¬kita ko ngayon na mas na¬ging kasiya-siya sana sa inyo kung namatay na ka¬ming lahat, mabuhay lamang si Absa¬lom. 8 Lumabas kayo nga¬yon at palaka-sin ang loob ng inyong mga tauhan. Isi¬nusumpa ko sa ngalan ni Yawe na kung hindi kayo lalabas, wala isa mang mati¬tira sa inyo ngayong gabi. Mas ma¬gi¬ging masama ito para sa inyo kaysa lahat ng kasamaang dumating sa inyo mula pag¬kabata hanggang ngayon.”
Nagbalik sa Jerusalem si David
9 Kaya tumindig ang hari at naupo sa may pintuan. Nang masabihan ang mga tao na na¬ka¬upo ang hari sa may pintuan, nagsi¬harap silang lahat sa kanya.
Tumakas naman ang mga taga-Israel, bawat isa sa kanyang tahanan. 10 Ngunit nagtalu-talo ang mga tao sa lahat ng tribu ng Israel: “Iniligtas tayo ng hari sa kamay ng ating mga kaaway at sinagip tayo sa mga Pilisteo, at ngayo’y tuma¬kas siya sa lupain dahil kay Absalom. 11 Namatay naman sa labanan si Absalom na ating pi¬na¬¬hiran bilang hari natin. At ngayon, ba’t wala tayong ginagawa para ibalik ang hari?”
12 Nakarating kay David ang sinabi ng mga Israelita kaya ipinasabi niya sa mga paring sina Sadok at Abiatar: “Sabihin ninyo sa mga matatanda ng Juda: Bakit kayo ang magiging pina¬kahuli sa pagpapauwi sa hari sa kanyang pa¬lasyo? 13 Mga kapatid ko kayo, sarili kong laman at dugo. Ba’t kayo ang pinakahuli sa pagpapa¬balik sa hari? 14 Sa¬bihin din ninyo kay Amasa: Hindi ba kita kadugo? Gawin nawa ito sa akin ng Diyos at higit pa kung hindi ikaw ang magi¬ging heneral ng aking hukbo mula ngayon bilang kapalit ni Yoab.” 15 Nakuha niya ang loob ng lahat ng taga-Juda, nagkaisa sila at nagpa¬sabi sa hari: “Bu¬ma¬lik kayo at lahat ng inyong tau¬han.”
16 At nagbalik nga ang hari. Dumating siya sa Jordan at nagpunta ang mga taga-Juda sa Gil-gal para salubungin ang hari at itawid sa Jordan.
17 Nagmamadaling lumusong kasama ng mga taga-Juda si Simei na anak ni Gera, ang Benjaminitang taga-Bahurim para sumalubong kay Haring David. 18 Kasama niya ang sanlibong lalaki mula sa Benjamin pati si Zibang utusan ng sambahayan ni Saul ka¬sama ang labinlima niyang anak at da¬la¬wampung utusan. Nagma¬ma¬dali silang pu¬munta sa Jordan para salubu¬ngin ang hari. 19 Tumawid sila sa may batuhan para itawid ang sambahayan ng hari at gawin ang mabuti sa palagay nito.
Nagpatirapa sa harap ng hari si Simeing anak ni Gera sa pagtawid nito sa Jordan, 20 at sinabi: “Pawalang-sala nawa ako ng aking pa¬nginoong hari. Huwag ninyo na sanang alalahanin pa ang mga kamaliang nagawa ng inyong alipin nang umalis sa Jerusalem ang aking panginoong hari. Huwag na sana itong magunita pa ng hari 21 sapagkat inaamin kong nagkasala ako. Kayat naparito ako ngayon, ang kauna-unahan sa buong lipi ni Jose, upang salubungin ang aking pangi¬noong hari.”
22 Sumagot si Abisai na anak ni Sarvia: “Hindi ba dapat patayin si Simei dahil isi¬numpa niya ang pinahiran ni Yawe?” 23 Ngu¬nit sinabi ni David: “H’wag ninyo ’kong paki¬alaman, mga anak ni Sarvia. Kailangan bang may ipapatay ngayon sa Israel? Hindi ko ba alam na ako nang muli ang hari ngayon ng Israel?” 24 At ipina¬ngako ng hari kay Simei: “Hindi ka mamamatay.”
25 Dumating si Mefibaal na anak ni Saul para salubungin din ang hari. Hindi pa niya nahuhu-gasan ang mga paa o nagugupit ang kanyang bigote o nalalabhan ang kanyang damit mula nang umalis ang hari hanggang sa araw na makabalik itong maluwalhati. 26 Pagdating ni Mefibaal galing sa Jerusalem para salubungin ang hari, sinabi ng hari sa kanya: “Ba’t hindi ka sumama sa akin, Mefi¬baal?” 27 Sumagot siya: “Aking pangi¬noon, O mahal na Hari! Nilinlang ako ng aking utusan. Dahil lumpo ang inyong ling¬kod, sinabi ko sa kanyang ihanda ang asno para makasakay ako’t makasama sa hari. 28 Ngunit siniraan niya ako sa aking panginoong hari. Parang anghel ng Diyos ang aking pangi¬noong hari kaya gawin ninyo ang mabuti sa palagay ninyo. 29 Tiyak na patay na sana ang buong angkan ng aking ama sa harap ng aking panginoong hari ngunit ibinilang pa ninyo ang inyong lingkod sa mga dumudulog sa inyong hapag. Anong karapatan meron ako para mag¬reklamo pa sa hari?”
30 Sinabi ng hari sa kanya: “Ba’t marami ka pang sinasabi? Nakapagpasya na ako – ikaw at si Ziba ay maghahati sa lupain.” 31 Sumagot si Mefibaal: “Ipakuha na ninyo sa kanya ang lahat sapagkat maluwalhating nakarating sa kanyang bahay ang aking panginoong hari.”
32 Lumusong din galing sa Rogelim si Barzilai na taga-Galaad para samahan at ihatid ang hari sa pagtawid sa Jordan at mama¬alam sa kanya. 33 Napakatanda na ni Barzilai na walumpung taon na. Napakayaman niya kaya siya ang sumus¬tento sa hari sa Maha¬naim. 34 Sinabi ng hari kay Barzilai: “Tuma¬wid kang kasama ko at sa amin na tumira sa Jerusalem. Ako ang bahala sa iyo.”
35 Ngunit sinabi ni Barzilai sa hari: “Gaano katagal pa ba akong mabubuhay para su¬mama ako sa hari sa Jerusalem? 36 Walum¬¬pung taon na ako ngayon at hindi ko na alam ang kaibahan ng mabuti sa masama. Malalasahan pa ba ng inyong lingkod ang kanyang kinakain o ini¬inom? O mapapakinggan pa ba niya ang tinig ng mga lalaki at babaeng umaawit? Bakit kaila¬ngang maging dagdag pang pabigat ang inyong lingkod sa aking panginoong hari? 37 Sasamahan ng inyong lingkod ang hari sa pagtawid sa Jordan hang¬gang sa may kabilang ibayo pero bakit kai¬langang gantimpalaan pa ako ng hari nang ganito? 38 Pauwiin na lamang ninyo ako upang sa sariling lunsod mamatay sa tabi ng puntod ng aking ama’t ina. Ngunit narito ang inyong lingkod na si Kimham! Siya ang patawi¬rin ninyong kasama ng aking panginoong hari at gawin sa kanya ang mabuti sa tingin ninyo.” 39 Sumagot ang hari: “Kasama kong tatawid si Kimham at gagawin ko sa kanya ang mabuti sa tingin mo. Gagawin ko para sa iyo anuman ang gusto mo.”
• 40 Tumawid sa Jordan ang buong bayan kasama ang hari. Niyakap at binasbasan ng hari si Barzilai at umuwi ito sa kanyang tahanan.
41 Nagtuloy sa Gilgal ang hari kasama si Kimham at ang buong hukbo ng Juda at ang kalahati ng hukbo ng Israel. 42 Lumapit ang lahat ng Israelita sa hari at sinabi: “Bakit kayo inagaw sa amin ng mga kapatid naming taga-Juda? Dinala nila ang hari at ang kan¬yang sam¬ba¬hayan sa kabilang ibayo ng Jordan, at kasama rin ang lahat niyang tauhan.”
43 Sinagot ng lahat ng taga-Juda ang mga Israelita: “Dahil malapit naming kamag-anak ang hari. Ngunit ba’t ninyo ito ika¬gagalit? Pina¬kain ba kami o niregaluhan ng hari?” 44 Suma¬got naman ang mga Israelita: “Mas may karapatan kami sa hari kaysa inyo sapagkat sampu kami laban sa isa. Bakit naman ninyo kami wina¬walang-halaga? Hindi ba kami ang nagpa¬si¬muno sa pag-papabalik sa ating hari?” Ngunit naging mas matindi ang pakikipagtalo ng mga taga-Juda sa mga Israelita.
Nagrebelde si Seba kay David
20 1 May isang lalaking patapon na nagnga¬ngalang Seba na anak ni Bikri na isang Benjaminita. Hinipan niya ang trum¬peta at sinabing “Wala tayong bahagi kay David ni sa pamana ng anak ni Jese! Bawat isa sa kan¬yang tolda, O Israel!”
2 At iniwan nga ng lahat ng Israelita si David at sinundan si Sebang anak ni Bikri. Ngunit nanatili ang mga taga-Juda sa kani¬lang hari mula Jordan hanggang Jerusalem.
3 Pagpasok ni David sa kanyang bahay sa Jerusalem, kinuha niya ang sampung asawang-alipin na kanyang iniwan para mangalaga sa palasyo at pinatanuran ang mga ito sa ibang bahay. Sinustentuhan niya ang mga ito ngunit hindi na siya nakipagtalik pa sa kanila. Nanatili silang nakakulong na parang mga biyuda hang¬gang araw ng kanilang kamatayan.
4 Sinabi ng hari kay Amasa: “Tipunin mo sa akin ang kalalakihan ng Juda sa loob ng tatlong araw at pumarito ka sa akin.” 5 Umalis si Amasa para tipunin ang Juda pero nata¬galan siya’t lumampas sa panahong itinakda ng hari. 6 Sinabi ni David kay Abisai: “Higit na pinsala ang gagawin sa atin ni Sebang anak ni Bikri kaysa ginawa ni Absalom. Isama mo ang aking mga tauhan at habulin siya, at baka makatakas pa siya sa atin sa alinmang kutang-lunsod.” 7 Uma¬lis sa Jerusalem si Abisai kasama ang mga ta¬uhan ni Yoab at ang mga Kereteo at Peleteo at lahat ng magigiting na mandirigma para habu¬lin si Sebang anak ni Bikri. 8 Nasa may mala¬king bato sila sa Gibeon nang salubungin sila ni Amasa. Suot noon ni Yoab ang kanyang damit na may sinturong may tabak na nasa kaluban. Nahulog mula roon ang tabak. 9 Sinabi ni Yoab kay Amasa: “Kumusta ka, kapatid?” At hinawakan niya ng kanang kamay ang balbas ni Amasa para halikan. Hindi nakita ni Amasa ang tabak na hawak ni Yoab, at sinaksak niya ito sa tiyan at lumuwa ang kanyang mga bituka sa lupa. 10 Hindi na kailangang ulitin pa ito pagkat namatay si Amasa noon din.
Hinabol nina Yoab at Abisai na kapatid nito si Sebang anak ni Bikri.
11 Samantala, isang tauhan ni Yoab ang tuma¬yo sa tabi ni Amasa at sinabi: “Sumu¬nod kay Yoab ang sinumang kapanig ni Yoab at para kay David.” 12 Nakabulagta si Amasa na naliligo sa sariling dugo sa gitna ng daan. At nakita ng tauhang ito na napapatigil doon ang lahat ng napapadaan kayat inalis niya sa daan si Amasa at dinala sa bukid at tinakpan ng damit. 13 Nang maalis na si Amasa sa daan, nagpatuloy ang lahat ng tao at su¬munod kay Yoab para habulin si Sebang anak ni Bikri.
14 Dumaan si Seba sa lahat ng tribu ng Israel, at dumating sa Abel ng Bet-Maaka, kasama ang lahat niyang kakampi. 15 Du¬ma¬ting ang lahat ng kasama ni Yoab at kinub¬kob siya sa Abel ng Bet-Maaka. Gu¬mawa sila ng bunton ng lupa sa labas ng pader laban sa lunsod, at nag¬hukay sa ilalim ng pader ang lahat ng tauhan ni Yoab para ibag¬sak iyon.
16 Isang matalinong babae ang sumigaw mula sa lunsod: “Makinig kayo, makinig kayo! Sabi-hin ninyo kay Yoab na pumarito para maka¬usap ko.”
17 Lumapit nga si Yoab at sinabi sa kanya ng babae: “Kayo ba si Yoab?” Sumagot siya: “Ako nga.” Sinabi ng babae: “Pakinggan ninyo ang sasabihin ng inyong lingkod.” Suma¬got si Yoab: “Nakikinig ako.” 18 Nagpa¬tuloy ang babae: “No¬ong araw, sinasabing: Sumangguni lamang sa Abel at ayos na ang lahat, 19 kung gusto mong malaman ang mga kaugalian ng mga tapat sa Israel. At ngayo’y gusto ninyong wasakin ang inang-lunsod sa Israel. Bakit ninyo gustong wa-sakin ang pamana ni Yawe?” 20 Sumagot si Yoab: “Walang-wala akong balak na wasakin ang lunsod! 21 Hindi ganito ang pangyayari kundi isang lalaking galing sa kabundukan ng Efraim na nagngangalang Seba na anak ni Bikri ang naghimagsik kay Haring David. Isuko ninyo siya at iiwan namin ang siyu¬dad.”
At sinabi ng babae kay Yoab: “Ihahagis namin sa iyo mula sa pader ang kanyang ulo.” 22 Tinipon ng babae ang buong bayan at sa kan¬yang talino’y nakumbinsi ang mga iyon na pugutan ng ulo si Sebang anak ni Bikri. Inihagis nila ang ulo kay Yoab at hini¬pan nito ang trum-peta at lumayo sila sa lunsod. Umuwi ang ba¬wat isa sa sariling taha¬nan, at nagbalik si Yoab sa hari sa Jerusalem.
23 Pinamunuan ni Yoab ang buong hukbo ng Israel. Si Benayang anak ni Yehoiada naman ang namuno sa mga Kereteo at Peleteo. 24 Si Ado¬ram ang namuno sa sapi¬litang-patrabaho, at si Yosafat na anak ni Ahilud ang tagapagtala. 25 Si Seva ang sekretaryo, at sina Sadok at Abiatar ang mga pari. 26 At si Ira na taga-Yair ang pari ni David.
Ang matinding taggutom
21• 1 Nagkaroon ng taggutom sa loob ng tatlong sunud-sunod na taon sa pana¬hon ni David at sumangguni siya kay Yawe. Sinabi ni Yawe: “Dahil ito kay Saul at sa pagpapadanak ng dugo ng kanyang sam¬baha¬yan sa¬¬pagkat ipinapatay niya ang mga Gibeoni¬ta.” 2 (Hindi mga anak ng Israel ang mga Gi¬beonita kundi mga inapo ng mga Amoreo. May sinum¬paan sa kanila ang mga Israelita ngunit tinangka ni Saul na lipulin sila alang-alang sa Israel at Juda.)
3 Ipinatawag ni David ang mga Gibeonita at tinanong: “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo? At paano ako makapagbabayad-sala upang pag¬palain ninyo ang sariling bayan ni Yawe?”
4 Sumagot sa kanya ang mga Gibeonita: “Hindi pilak o ginto ang problema namin kay Saul at sa kanyang angkan, at hindi rin namin hangad na patayin ang sinuman sa Israel.”
At sinabi ng hari: “Gagawin ko para sa inyo ang sasabihin ninyo.” 5 At sinabi nila sa hari: “Pinuksa kami ng lalaking iyon at binalak na lipulin para mawalan kami ng lugar sa buong lupain ng Israel. 6 Ibigay ninyo sa amin ang pito sa kanyang mga anak na lalaki upang mabitay sila sa harap ni Yawe sa bundok ni Yawe sa Gibeon.” At sinabi ng hari: “Ibibigay ko sila.”
7 Ngunit iniligtas ni David si Mefibaal na anak ni Yonatan na anak naman ni Saul dahil sa sumpaang ginawa nina David at Yonatang anak ni Saul sa harap ni Yawe. 8 Kinuha ng hari sina Armoni at Mefibaal na dalawang anak na lalaki kay Saul ni Rizpang anak na babae ni Aya, at ang limang anak na lalaki kay Adriel ni Merob na anak na babae ni Saul. Anak ni Barzilai na taga-Meholat si Adriel. 9 Ibinigay niya ang mga ito sa kamay ng mga Gibeonita na bumitay sa kanila sa bundok sa harap ni Yawe.
Sama-samang namatay ang pito, mga unang araw noon ng paggapas, ang simula ng pag-ani ng sebada.
10 Kumuha ng sako si Rizpang anak ni Aya at inilatag ito sa bato para sa kanya mula sa simula ng anihan hanggang pumatak sa mga bangkay ang ulan mula sa langit. Hindi pinadapo sa mga ito ang mga ibon sa langit kung araw o pinalapit ang mababangis na hayop kung gabi.
11 Nang malaman ni David ang ginawa ni Rizpang anak ni Aya at asawang-alipin ni Saul, 12 lumakad si David at kinuha niya sa mga taga-Yabes ng Galaad ang mga buto nina Saul at Yonatang anak nito. (Sila ang palihim na kumu¬ha sa mga iyon sa pinag¬bitinan ng mga Pilisteo nang patayin nila si Saul sa Gilboa.) 13 Dinala ni David mula roon ang mga buto ni Saul at ni Yonatang anak nito, at pinagsama-sama nila ang mga buto ng mga binitay. 14 Inilibing nila ang mga buto nina Saul at Yonatan sa lupain ng Benjamin sa Sela sa libingan ni Kis na ama ni Saul. At pagkatapos magawa ang iniutos ng hari, dininig ng Diyos ang panalangin para sa lupain.
15 Muling nakipagdigmaan ang mga Pilisteo sa Israel. Lumusong si David kasama ang kan-yang mga tauhan at nakipaglaban sa mga Pi¬listeo. Napagod na si David, 16 at noo’y tinangka siyang patayin ni Isbi-Benob na inapo ng higan¬te. May tansong sibat ito na tatlo’t kalahating kilo ang timbang, at may bagong tabak. 17 Su¬balit sinaklolohan ni Abisai na anak ni Sarvia si David. Sinaksak nito ang Pilisteo at pinatay. At isinumpa ng mga tauhan ni David: “Hinding-hindi na kayo sasama pa sa amin sa labanan upang hindi mamatay ang ilaw ng Israel.”
18 Pagkatapos nito, nagkaroon ng iba pang pakikipaglaban sa mga Pilisteo sa Gob. Doon pinatay ni Sibekai na taga-Husa si Saf na isa pa sa mga inapo ng higante.
19 At sa isa pang pakikipaglaban sa mga Pilisteo sa Gob, pinatay naman ni Elhanan na anak ni Yaare-oregim ng Betlehem si Goliat ng Gat na ang hawakan ng sibat ay sinlaki ng tahilan ng habihan.
20 Sa isa pang labanan sa Gat, may isang malaking lalaking may anim na daliri sa bawat kamay at paa – dalawampu’t apat na lahat. Inapo rin siya ng higante. 21 Hinamon niya ang Israel ngunit pinatay siya ni Yonatan na anak ni Simei na kapatid ni David.
22 Nahulog sa mga kamay ni David at ng kan¬yang mga tauhan ang apat na inapong ito ng higante.
Awit ni David
22 • 1 Inawit ni David ng mga salita ng kantang ito nang iligtas siya ni Yawe sa mga kamay ng kanyang mga kaaway at ni Saul. 2 Sinabi niya:
“Si Yawe ang aking bato, ang aking moog at aking tagapagligtas.
3 Ang aking Diyos ang aking bato, sa iyo ako kumukubli;
aking kalasag, aking lakas, aking kaligta¬san;
ang aking kuta at aking kublihan;
aking Tagapagligtas, sinagip mo ako sa karahasan.
4 Kay Yawe ako tumatawag, karapat-dapat purihin,
iniligtas niya ako sa aking mga kaaway.
5 Pinalibutan ako ng alon ng kamatayan,
tinabunan ng dumadaluhong na agos;
6 iginapos ako ng mga lubid ng Lugar ng mga Patay,
at nasa harap ko ang mga bitag ng kamatayan.
7 Sa gitna ng kagipitan, tumawag ako kay Yawe,
tumawag nga ako sa aking Diyos.
At dininig niya ang aking tinig mula sa kanyang templo,
umabot sa kanyang mga tainga ang aking hinaing.
8 At yumanig at lumindol ang lupa,
mga haligi ng kalangita’y yumayanig,
lumilindol dahil sa kanyang galit.
9 Pumailanlang ang usok mula sa kan¬yang ilong,
bumuga sa kanyang bibig, apoy na tu¬mu¬tupok.
10 Hinati ang langit at siya ay bumaba,
naglagablab mula rito nag-aapoy na mga baga,
madilim na ulap sa ilalim ng kanyang mga paa.
11 Sakay siya ng kerubin at lumipad sa mga pakpak ng hangin.
12 Ginawa niyang kulandong ang kadiliman,
makapal na mga ulap ng ulan sa langit.
13 Mula sa ningning sa kanyang harapan,
pinasiklab nag-aapoy na baga.
14 Kumulog, dumagundong si Yawe mula sa langit,
at ipinarinig ng Kataas-taasan ang kan¬yang tinig.
15 Pinana niya at pinangalat ang mga ka¬away,
kumidlat at sila’y pinuksa.
16 Lumitaw ang lupa ng dagat,
nalantad ang pundasyon ng daigdig
sa banta ni Yawe,
sa buga ng hininga ng kanyang ilong.
17 Mula sa kaitaasan, inabot niya ako;
mula sa malalim na tubig, iniahon niya ako.
18 Sinagip niya ako sa malakas na kaaway,
sa mga napopoot sa akin na mas malakas sa akin.
19 Sinalakay nila ako sa araw ng aking kagi¬pitan,
subalit si Yawe ang naging sandigan ko.
20 Inilabas niya ako sa malawak na lugar,
sinagip ako pagkat mahal niya ako.
21 Pinakitunguhan ako ni Yawe sa aking pagkamatuwid,
ginantimpalaan ako sa kalinisan ng aking mga kamay.
22 Sapagkat sinunod ko ang mga daan ni Yawe,
at di ko tinalikuran ang aking Diyos para sa masama.
23 Laging nasa harap ko ang kanyang mga pasya,
at hindi ako lumalayo sa kanyang mga kautusan.
24 Sa harap niya’y wala akong kasalanan,
at nanatili akong malayo sa pagkakasala.
25 Ginantimpalaan ako ni Yawe sa aking pag¬kamatuwid,
sa kalinisan ko sa kanyang paningin.
26 Sa tapat, ipakikita mong tapat ka,
sa matuwid, ipinakikita mong matuwid ka.
27 Sa dalisay, ipinakikita mong dalisay ka;
ngunit sa balakyot, ipinakikita mong tuso ka.
28 Inililigtas mo ang bayang aba
ngunit minamata ang mapagmataas.
29 Ikaw nga ang aking tanglaw, O Yawe;
tinatanglawan ni Yawe ang aking ka¬rimlan.
30 Oo, kung kasama kita, masasagupa ko buo mang hukbo,
malulundag ko ang pader sa pamamagitan ng aking Diyos.
31 Napakabuti ang daan ng Diyos,
subok na ang salita ni Yawe;
kalasag siya ng lahat na kumakanlong sa kanya.
32 Sapagkat sino pa ba ang Diyos liban kay Yawe?
At sino ang bato maliban sa ating Diyos?
33 Ang Diyos ang aking matibay na kanlu¬ngan,
nililinis niya ang aking daraanan.
34 Mga paa ko’y ginagawa niyang gaya ng sa usa,
pinatatayo ako sa matataas na lugar.
35 Sinasanay niya ang aking mga kamay sa pakikipaglaban
at ang aking mga bisig upang banatin ang tansong pana.
36 Ibinigay mo sa akin ang kalasag ng iyong pagliligtas;
sa iyong kabutihan, ginawa mo akong da¬kila.
37 Pinalawak mo ang aking hahak¬ba¬ngan,
at hindi ako madudulas;
38 hinabol ko ang aking mga kaaway at sila’y pinuksa,
hindi ako bumalik hanggang hindi sila na¬uubos.
39 Inubos ko sila at nilupig, at di na ma¬katayo,
nabuwal sila sa ilalim ng aking mga paa.
40 Pinalakas mo ako para sa labanan,
pinayuko mo sa harap ko ang aking mga kalaban.
41 Pinatalikod mo sa akin ang aking mga kaaway,
tinapos ko ang mga namumuhi sa akin.
42 Humingi sila ng saklolo
ngunit walang makapagliligtas sa kanila –
kay Yawe, ngunit hindi sila tinugon.
43 Pinulbos ko sila gaya ng alabok sa lupa,
tinapakan ko sila’t tinuntungan tulad ng putik sa lansangan.
44 Iniligtas mo ako sa mga paghihimagsik ng aking bayan
at pinanatiling pinuno ng mga bansa.
Pinaglingkuran ako ng isang bayang di ko kilala,
45 dumating ang mga dayuhan para pa¬sa¬kop,
sa sandaling marinig ako, sila’y sumu¬sunod.
46 Nasiraan ng loob ang mga banyaga,
nagsilabas silang nanginginig sa kani¬lang mga kuta.
47 Mabuhay si Yawe! Purihin ang aking Bato!
Ipagbunyi ang Diyos, ang Bato ng aking ka¬ligtasan,
48 ang Diyos na nagbibigay sa akin ng pag¬hihiganti
at siyang sa aki’y nagpapasailalim sa mga bansa.
49 Inililigtas mo ako sa aking mga ka¬away,
itinataas sa aking mga kalaban,
sinasagip sa mga taong marahas.
50 Kaya pupurihin kita, Yawe, sa gitna ng mga bansa,
aawitan ng papuri ang iyong Pangalan.
51 Malaking tagumpay ang ibinibigay niya sa kanyang hari,
at ipinamamalas ang walang-maliw na pag-ibig sa kanyang pinahiran,
kay David at sa kanyang lahi magpa¬kailan¬man.”
23 1 Ito ang mga huling salita ni David:
Ang tula ni David na anak ni Jese,
ang tula ng lalaking itinaas ng Diyos,
ang pinahiran ng Diyos ni Jacob,
ang mang-aawit ng mga salmo ng Israel:
2 “Sa pamamagitan ko’y nagsasalita ang Espiritu ni Yawe,
nasa dila ko ang kanyang salita.
3 Nagsalita ang Diyos ng Israel,
sinabi sa akin ng Bato ng Israel:
Ang makatarungang naghahari sa mga tao
at namumunong may pitagan sa Diyos
4 ay tulad sa liwanag ng umaga sa bukanliwayway,
sa isang umagang walang ulap
na nagpapasibol sa damo mula sa lupa pag¬¬katapos ng ulan.
5 Hindi ba’t ganito nga ang aking sam¬baha¬yan sa harap ng Diyos?
Tipang panghabampanahon ang kan¬yang sinumpaan sa akin,
maayos at matatag sa lahat ng bagay.
Hindi ba niya pasisibulin ang aking kaligtasan
at lahat ng aking hinahangad?
6 Ngunit tinik na itinatapon ang ma¬sasama,
hindi sila hinahawakan
7 kundi dapat pang gumamit ng bakal o ha¬wakan
ang hihipo sa mga ito;
sinusunog ang mga ito.”
Mga magigiting ni David
• 8 Ito ang pangalan ng mga magigiting na kasama ni David: si Isbaal na Takmonita na pinuno ng Tatlo. Iniulos niya ang kanyang sibat, at walundaan ang napatay niya sa isang labanan lamang.
9 Kasunod niya si Eleazar na anak ni Doding anak ng isang Ahohita. Isa siya sa tatlong ma-gigiting na kasama ni David nang hamunin nila ang mga Pilisteong nagka¬katipon doon para lumaban. Nang umatras ang mga Israelita, 10 nanindigan siya’t pinag¬tataga ang mga Pilisteo hanggang ma¬manhid ang kanyang kamay at dumikit ito sa kanyang tabak. Naghatid si Yawe ng ma¬laking tagumpay nang araw na iyon. Si¬¬nundan siya ng iba pang mandirigma ngunit para lamang manamsam.
11 Kasunod niya si Samma na anak ni Ageng Ararita. Nagtipon ang mga Pilisteo sa Lehi – may bukid doong puno ng munggo – at nagsitakas ang mga tao sa harap ng mga Pilisteo. 12 Ngunit tumayo si Samma sa gitna ng taniman at ipinag¬tanggol ito at pinag¬tataga ang mga Pilis¬teo. At naghatid si Yawe ng malaking tagumpay.
13 Anihan noon, at ang tatlong ito na pinakamagiting sa Tatlumpu na nagpunta kay David sa yungib sa Adullam samantalang nakakampo naman ang hukbo ng mga Pilisteo sa Lambak ng Refaim. 14 Nasa kuta si David at nasa Bet¬lehem naman ang garison ng mga Pilisteo. 15 Nauhaw si David at sina¬bing “Sino ang magpapainom sa akin ng tubig mula sa balon sa may pintuan ng Betlehem?” 16 Kaya pinasok ng tatlong magi¬giting ang kampo ng mga Pilisteo, sumalok ng tubig sa balon sa may pintuan ng Bet¬lehem at dinala ito kay David. Ngunit ayaw itong inumin ni David kundi ibinuhos para kay Yawe. 17 Sinabi niya: “Hinding-hindi ko ito ma¬gagawa, O Yawe. Hindi ba ito dugo ng mga lalaking umalis at isinuong sa panganib ang kanilang buhay?” Ka¬yat ayaw niyang uminom. Ganito ang ginawa ng tatlong ma¬gigiting.
18 Si Abisai na kapatid ni Yoab at anak ni Sarvia ang puno ng Tatlumpu. Iniunat niya ang kanyang sibat laban sa tatlundaan at pinatay ang mga iyon, kaya tumanyag siyang gaya ng Tatlumpu. 19 Pinakatanyag siya sa Tatlumpu at naging pinuno nila, ngunit hindi pa rin niya na¬¬pan-tayan ang Tatlo.
20 Magiting na lalaki si Benaya na anak ni Yehoiada na taga-Kabzel, at kahanga-hanga ang kanyang mga gawa. Dalawang anak ni Ariel ng Moab ang kanyang pinatay. Isang araw na umuulan ng yelo, lumusong siya sa isang balon at pinatay ang leong naroroon. 21 Pinatay din niya ang isang malaking Ehipsiyong may hawak na sibat. Sinugod ito ni Benaya na pa¬malo lamang ang dala at inagaw ang sibat sa kamay ng Ehipsiyo at pinatay ito sa pamama¬gitan ng sariling sibat nito. 22 Ginawa ni Bena¬yang anak ni Yehoiada ang lahat ng ito at tumanyag siyang gaya ng tatlong magigiting. 23 Pinakatanyag siya sa Tatlumpu pero hindi niya napantayan ang Tatlo. Ginawa siya ni David na pinuno ng kan¬yang mga badigard.
24 Kabilang sa Tatlumpu sina:
Asael na kapatid ni Yoab, Elhanan na anak ni Dodo ng Betlehem, 25 Samma at Elika ng Harod, 26 Helez na Peleteo, Irang anak ni Ikkes ng Tekoa, 27 at Abiezer ng Anatot, Sibekay ng Husa, 28 Zalmon ng Ahoh, Maharai ng Netofa, 29 Heleb na anak ni Baana ng Netofa, Ittay na anak ni Ribai ng Gibea ng Benjamin, 30 Benaya ng Piraton, Hiddai ng batisan ng Gaas, 31 Abial-bon ng Bet-Araba, Azmavet ng Bahurim, 32 Eliaba ng Saalbon, Yasen na anak ni Yonatan, 33 Samma ng Harar, Ahiam na anak ni Sarar ng Harar, 34 Elifelet na anak ni Ahasbai ng Maaka, Eliam na anak ni Ahitofel ng Gilo, 35 Hezrai ng Karmel, Paarai ng Arab, 36 Igal na anak ni Natan ng Zoba, Bani ng Gad, 37 Selek na Amonita, Naharai ng Beerot at tagapagdala ng sandata ni Yoab na anak ni Sarvia, 38 Ira at Gareb ng Yatir, 39 at Urias na Heteo. Tat¬lumpu’t pito silang lahat.
Ang senso ni David
24 • 1 Muling nag-apoy ang poot ni Yawe sa Israel, at pinasigla niya si David sa ikasasama nila: “Sige, bila¬ngin mo ang Israel at Juda.”
2 Sinabi ng hari kay Yoab na heneral ng kanyang hukbo: “Libutin ninyo nga¬yon ang lahat ng tribu ng Israel mula Dan hanggang Berseba, at bilangin ang mga tao para malaman ko kung gaano sila karami.”
3 Sinabi ni Yoab sa hari: “Makasan¬da¬ang ibayo sanang paramihin ni Ya¬weng iyong Diyos ang iyong mga tau¬han, at masaksihan nawa ito ng mga mata ng aking panginoong hari. Ngunit bakit gus¬tong gawin ng aking pangi¬noong hari ang bagay na ito?”
4 Ngunit nakapangyari ang salita ng hari kaysa kay Yoab at sa mga opisyal ng hukbo kayat umalis sila para bila¬ngin ang bayan ng Israel. 5 Tumawid sila sa Jordan at nagsimula sa Aroer na lunsod na nasa pinakagitna ng kapa¬tagan at nagpatuloy sa Gad at Yazer.
6 Nagpunta sila sa Galaad at sa lu¬pain ng mga Heteo at sa Kades. Nag¬tuloy sila sa Dan at bumalik papuntang Sidon, 7 at dumating sa kuta ng Tiro at sa mga ka¬bayanan ng mga Heveo at mga Kana¬neo. Nagtapos sila sa Negeb ng Juda at Ber¬seba.
8 Nilibot nila ang buong lupain at nag¬ba¬lik sa Jerusalem sa katapusan ng si¬yam na buwan at dalawampung araw.
9 Ibinigay ni Yoab sa hari ang bilang ng senso: may walundaang libong magi¬giting na lalaki sa Israel na makahahawak ng tabak, at may limandaang libo naman sa Juda.
10 Ngunit kinunsiyensiya si David ma¬tapos maisagawa ang senso, at sinabi kay Yawe: “Lubha akong nagkasala sa aking ginawa. Ngunit ngayon, O Yawe, pawiin mo nawa ang pagka¬kasala ng iyong lingkod pagkat ma¬la¬king kaha¬ngalan ang aking ginawa.”
11 Kinabukasan, paggising ni David, du¬mating sa propetang si Gad na mang¬huhula ni David ang salita ni Yawe: 12 “Hu¬mayo ka’t sabihin kay David: Ito ang sina¬sabi ni Yawe – bini¬bigyan kita ng tatlong pagpipilian. Pumili ka ng isa at ito ang gagawin ko sa iyo.” 13 Pinuntahan nga ni Gad si David at tinanong: “Gusto mo ba ng tatlong taong tag¬gutom sa iyong lu¬pain? O tatlong buwan kang magtago sa iyong mga kaaway habang hinahabol ka nila? O tatlong araw na salot sa iyong lupain? Isipin mo ngayon at pagpasyahan ang isasagot ko sa nagsugo sa akin.”
14 Sinabi ni David kay Gad: “Labis akong nababalisa. Mahulog na tayo nga¬yon sa kamay ni Yawe na sagana sa awa ngunit huwag akong paba¬yaang mahulog sa kamay ng mga tao.”
15 Kaya nagpadala ng salot si Yawe sa Israel mula umaga hanggang sa iti¬nak¬dang oras. Pitumpung libo ang na¬matay sa mga tao mula Dan hang¬gang Berseba.
16 Iniunat ng anghel ang kanyang ka¬may sa Jerusalem para puksain iyon ngu¬nit pinagsisihan ni Yawe ang pagpaparusa at sinabi sa anghel na na¬mu¬muksa: “Tama na, iurong mo ang iyong kamay!” Nasa may giikan noon ni Araunang Yebu¬seo ang anghel ni Yawe.
17 Nang makita ni David ang anghel na pumapatay sa mga tao, sinabi niya kay Yawe: “Ako ang nagkasala! Ako ang gu¬ma¬wa ng masama, ngunit mga tupa la¬mang ang mga ito. Ano ang nagawa nila? Sa akin at sa angkan ng aking ama mo ibagsak ang iyong kamay.”
18 Nagpunta si Gad kay David nang araw na iyon at sinabi sa kanya: “Uma¬hon ka at magtayo ng altar kay Yawe sa giikan ni Araunang Yebu¬seo.”
19 Umahon nga si David gaya ng iniutos ni Yawe sa pamamagitan ni Gad. 20 Nang makita ni Arauna na palapit sa kanya ang hari at ang mga tauhan nito, sumalubong siya at yumukong abot sa lupa ang mukha sa harap ng hari, 21 at sina¬bing “Ano ang sadya ng aking panginoong hari sa kanyang ling¬kod?” Sumagot si David: “Bibil¬hin ko ang iyong giikan para makapagtayo ako ng altar kay Yawe at nang tumigil na ang salot sa bayan.” 22 Sinabi ni Arauna kay David: “Ku¬nin na ng aking panginoong hari ang mabuti sa palagay niya at ihandog ito. Narito ang aking mga baka para sa sinunog na handog, at ang mga karitong panggiik at pamatok para gawing panggatong. 23 Ibini¬bigay ni Arauna sa hari ang lahat ng ito, O mahal na hari. Ding¬gin nawa kayo ni Yaweng inyong Diyos.”
24 Ngunit sinabi ng hari kay Arauna: “Hindi, babayaran ko sa iyo ang lahat ng ito pagkat hindi ko maihahandog kay Yaweng aking Diyos ang mga sinunog na handog na hindi ko bina¬yaran.” Kaya binayaran ni David ng limampung shekel na pilak ang giikan at mga baka. 25 Nag¬tayo si David ng altar kay Yawe at nag-alay ng mga sinunog na handog at ng mga hain sa ma¬¬buting pagsasamahan. At nahabag si Yawe sa lu¬pain at tumigil ang salot sa Israel.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-7170639680184620182008-09-04T13:26:00.000-07:002008-09-04T13:27:01.866-07:001 SamuelSi Ana
1 • 1 May isang lalaking taga-Rama na nagngangalang Elkana sa kaburulan ng Efraim. Anak siya ni Yero¬ham na anak ni Elihu na anak ni Tohu ng angkan ng Suf. 2 Dalawa ang kanyang asawa: sina Ana at Penina. May mga anak si Penina pero wala si Ana.
3 Umaahon taun-taon si Elkana sa Silo para sumamba at mag-alay kay Yawe ng mga Hukbo; ang dalawang anak na lalaki ni Eli na sina Yofni at Finjas ang mga pari ni Yawe roon.
4 Tuwing maghahandog ng alay si Elkana, binabahaginan niya ang kanyang asawang si Penina at lahat ng anak nito. 5 Ngunit doble ang ibinibigay niya kay Ana sapagkat mas mahal niya ito bagamat gi¬nawa siyang baog ni Yawe. 6 Laging iniinis si Ana ng kanyang ka¬agaw sa pa-giging baog para galitin 7 sa pagpunta nila sa Bahay ni Yawe taun-taon. Kaya umi¬iyak si Ana at tuma¬tangging kumain. 8 At tinanong siya ng kanyang asawang si Elkana: “Ana, ba’t ka umiiyak? Bakit ayaw mong kumain? Ba’t ka malungkot? Hindi ba ako mas mahalaga sa iyo kaysa sampung anak na lalaki?”
9 Minsan pagkatapos nilang kumain at uminom sa Silo, tumindig si Ana sa may di kalayuan kay Eli, ang paring nakaupo sa upuang nasa tabing pintu¬an ng Bahay ni Yawe. 10 Puno ng dalam¬hati, buong ka¬paitan siyang tumangis at dumalangin kay Yawe, 11 at gumawa siya ng isang panata, at sinabing “O Yawe ng mga Hukbo, kung titingnan mo lamang ang dalamhati ng iyong lingkod at ako’y aalalahanin at di kali¬limutan, kundi bigyan ako ng isang anak na lalaki, ibibigay ko siya kay Yawe sa lahat ng araw ng kanyang buhay at walang labahang lalapat sa kanyang ulo.”
12 Habang nananalangin siya sa harap ni Yawe, pinagmasdan ni Eli ang kibot ng kanyang mga labi. 13 Nana¬nalangin si Ana sa kanyang puso, kumikibot ang kanyang mga labi ngunit hindi naririnig ang kan¬yang tinig. Kaya inakala ni Eling lasing si Ana. 14 At sinabi ni Eli sa kanya: “Hang¬gang kailan ka ba magiging lasing? Kailan ka mahihimasmasan?” 15 Ngunit sumagot si Ana: “Hindi, aking panginoon. Ako’y isang babaeng lub¬hang naninim¬dim. Hindi ako lasing. Hindi ako uminom ng alak o serbesa; inihi¬hinga ko lamang ang laman ng aking kaluluwa kay Yawe. 16 Huwag ninyong ipalagay na ako’y isang baba¬eng ma¬sama. Labis ang aking hinag¬pis kayat tuluy-tuloy ang aking panala¬ngin.” 17 At sinabi ni Eli: “Humayo kang mapayapa at ipagkaloob nawa ng Diyos ng Israel ang iyong hinihingi.” 18 Su¬magot si Ana: “Ma¬ging karapat-dapat nawa sa inyong ka¬gan¬dahang-loob ang inyong alipin.” At umalis na siya at ku¬main. At wala nang nabakas na lungkot sa kanyang mukha.
19 Kinabukasan, maagang gumising si Elkana at sumamba sa harap ni Yawe, ka¬sama ang kanyang mga asawa. At pagkatapos, umuwi na sila sa Rama. Nang sumiping si Elkana kay Ana na kanyang asawa, nahabag si Yawe kay Ana. 20 At nagdalantao si Ana at nagsilang ng isang lalaki na pina¬ngalanan niyang Samuel sa¬pagkat sinabi niyang “Hiningi ko siya kay Yawe.”
21 Muling nagpunta si Elkana sa tem¬plo, kasama ang buo niyang pamilya upang ihandog ang kanyang taunang alay at tup¬din ang kanyang panata kay Yawe. 22 Hindi sumama si Ana at sinabi niya sa kanyang asawa: “Dadalhin ko roon ang bata pagkaawat na pagka¬awat niya para iharap kay Yawe, at doon na siya ma¬ni¬nirahan habam¬buhay. 23 Sinabi naman ni Elkana: “Gawin mo ang pinakamabuti sa palagay mo. Dumito ka hanggang ma¬awat ang bata. Pata¬tagin nawa ni Yawe ang iyong sinabi.” Kaya naiwan nga si Ana at pi¬¬na¬¬¬suso ang kan¬yang anak hang¬gang maawat.
24 Nang maawat na ang bata, isina¬ma siya ni Ana gayundin ang isang torong tatlong taong gulang, ilang takal na harina at isang bote ng alak. Dinala niya ang bata sa Bahay ni Yawe sa Silo. Napakabata pa ng bata.
25 Pagkakatay sa toro, dinala niya ang bata kay Eli. 26 Sinabi ni Ana: “Tingnan ninyo, aking panginoon! Ako ang ba¬baeng nakatayo rito noon sa inyong tabi, at nananalangin kay Yawe. 27 Hini¬ling ko sa kanya ang batang ito at ipi¬nag¬kaloob naman ni Yawe ang aking kahi¬lingan. 28 Kaya itinuturing ko ngayon na hinihingi siya ni Yawe. Para kay Ya¬we na siya sa buong buhay niya.”
At sinamba nila roon si Yawe.
Dasal ni Ana
2 • 1 At nanalangin si Ana at sinabi:
“Kay Yawe puso ko’y nagagalak,
kay Yawe lakas ko’y nag-iibayo.
Bibig ko’y magmamalaki sa aking mga kaaway,
oo, nalulugod nga ako sa iyong pagliligtas.
2 Si Yawe lamang ang Banal, wala kang katulad,
walang ibang Batong tulad ng ating Diyos.
3 Tama na ang pagsasalita ng kapalaluan,
husto na ang kahambugan ng iyong mga labi
pagkat si Yawe ay Diyos – alam ito ng lahat –
siya ang tumitimbang sa gawa n g lahat.
4 Bali na ang pana ng malalakas,
ngunit puspos naman ng lakas ang mahihina.
5 Kailangang magpaupa ang mga busog para makakain,
ngunit hindi na kailangang magtrabaho pa ang mga gutom.
Ang baog ay pitong beses na nanganak,
ngunit naiwang walang pag-asa ang may maraming anak.
6 Si Yawe ang nagbibigay ng kamatayan at buhay,
siya ang nagdadala sa libingan at bumubuhay.
7 Si Yawe ang nagpapadukha at nagpapayaman,
siya ang nagbababa at nagtataas.
8 Itinataas niya ang dukha mula sa alabok
at itinatampok ang naghihikahos mula sa abuhan;
pinauupo niya silang kasama ng mga prinsipe
at ipinamamana sa kanila ang luklukan ng karangalan.
Kay Yawe ang mga pundasyon ng daigdig
at sa mga ito naman itinayo ang mundo.
9 Binabantayan niya ang hakbang ng mga nagmamahal sa kanya
ngunit namamatay sa dilim ang mga masama,
walang nagtatagumpay dahil sa sariling lakas!
10 Nadurog ang mga kaaway ni Yawe,
kumukulog siya sa langit laban sa kanila.
Naghahari si Yawe sa buong daigdig,
binibigyang-lakas niya ang kanyang hari
at pinag-iibayo ang lakas ng kanyang pinahiran.”
11 At umuwi na si Elkana sa Rama, at naglingkod naman kay Yawe ang bata sa pangangasiwa ng paring si Eli.
Si Eli
12 Masama at walang pakundangan kay Yawe ang mga anak na lalaki ni Eli. 13 Kapag may nag-aalay ng handog, da¬¬rating ang isang alipin ng pari habang inilalaga pa ang karne. 14 Itu¬tusok nito ang isang tinidor sa kaserola o kaldero o kawa o palayok, at para sa pari ang anu¬mang matusok ng tinidor. Ganito ang pakiki¬tungo ng mga paring ito sa lahat ng Israelitang pumupunta sa Silo. 15 At kahit na bago pa masunog ang taba, darating na ang alipin ng pari at sasa¬bihin sa lalaking naghahandog: “Big¬yan mo ang pari ng karneng ma¬iiihaw dahil hindi siya tatang¬gap ng nilagang karne galing sa iyo kundi hilaw lamang.” 16 At kung sabihin naman ng lalaking “Pabayaan mo mu¬nang ma¬sunog ang ta¬ba, at saka ka ku¬muha ng anumang gus¬to mo,” sasagot ang ali¬pin: “Hindi! Ibi¬¬gay mo na ito sa akin ngayon, kung hin¬¬di’y sapilitan ko itong kukunin.” 17 Ka¬¬-yat na¬pakalaki ng kasa¬lanan ng mga a¬nak ni Eli sa paningin ni Yawe sapagkat nila¬pastangan nila ang handog kay Yawe.
18 Samantala, naglilingkod si Samuel sa harap ni Yawe – isang batang suot ang lineng damit ng mga pari. 19 Taun-taon lagi siyang itinatahi ng kanyang ina ng maliit na damit-pari at dinadala ito sa kanya tuwing aahon siya, kasama ang kan¬¬yang asawa, para mag-alay ng tau¬nang handog.
20 Binasbasan ni Eli si Elkana at ang kanyang maybahay, at sinabi: “Bigyan ka nawa ni Yawe ng marami pang anak sa babaeng ito bilang kapalit ng batang lala¬king ibinigay niya kay Yawe.” 21 Pag¬kauwi nila, biniyayaan ni Yawe si Ana ng tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae samantalang lumalaki naman sa piling ni Yawe ang batang si Samuel.
22 Matandang-matanda na ngayon si Eli. Nabalitaan niya ang lahat ng gina¬gawa sa Israel ng kanyang mga anak. Nakipagtalik pa sila sa mga babaeng naglilingkod sa pintuan ng Toldang Tag¬puan. 23 Kaya tina¬nong niya sila: “Pinag-uusapan ng mga tao ang inyong mga ma¬samang gawain. Bakit ganito ang gina¬gawa ninyo? 24 Hindi, hindi mabuting balita ang nari¬rinig kong kuma¬kalat sa bayan ni Yawe, mga anak. 25 Kung mag¬kasala ang isang tao sa kanyang kapwa, mama¬magitan ang Diyos para sa kanya. Ngunit kung kay Yawe siya mag¬kasala, sino pa ang mamamagitan para sa kanya?” Ngunit hindi nakinig ang da¬lawa sa sinabi ng kanilang ama sapagkat nakapag¬pasya na si Yawe na dapat silang mamatay.
26 At nagpatuloy naman sa paglaki ang batang si Samuel, lumaki at bu¬muti sa paningin ni Yawe at ng mga tao.

27 Isang araw, isang propeta ng Diyos ang pumunta kay Eli at sinabi sa kanya: “Ito ang sinasabi ni Yawe – Ipinakilala ko ang aking sarili sa sambahayan ng iyong ama nang nasa Ehipto sila, sa bahay ni Paraon. 28 Pinili ko siya mula sa lahat ng tribu ng Israel upang maging pari ko, para pumunta sa aking altar, magsunog ng ins¬enso at magsuot ng efod sa harap ko. At ibi¬nigay ko sa sambahayan ng iyong ama ang la¬hat ng haing pinaraan sa apoy ng mga Israelita. 29 Bakit ninyo ngayon binabastos ang aking ha¬in at mga handog na ako mismo ang nag-utos na panghabam¬panahon? Ba’t higit mong pina¬ha¬halagahan ang iyong mga anak kaysa akin at pinatataba ang inyong mga sarili sa pinakamainam na bahagi ng bawat handog ng aking bayang Israel? 30 Kaya ipinahahayag ni Yaweng Diyos ng Israel – Ipinangako ko nga na mag¬pa¬patuloy sa paglilingkod sa akin habampanahon ang iyong sambahayan at ang sambahayan ng iyong ama, pero tapos na! Parara¬ngalan ko ang mga nagpaparangal sa akin, ngunit hahamakin ko ang humahamak sa akin. 31 Malapit na ang araw na igugupo ko ang iyong lakas at ang la¬kas ng sambahayan ng iyong ama. 32 (At hindi magkakaroon ng matanda sa iyong sam¬ba¬hayan.) 33 Ang sinu¬man sa iyong sambaha¬yan na hindi ko ititiwalag sa paglilingkod sa akin ay maliligtas para lamang lumuha nang buong pa¬it at ma¬buhay sa dalamhati. At mama¬matay ang lahat sa tabak sa kanilang kabataan. 34 Ma¬gi¬ging tanda para sa iyo ang mangyayari sa dalawa mong anak na sina Yofni at Finjas: kap¬wa sila mamamatay sa iisang araw lamang. 35 Makakatagpo ako ng isang paring tapat para sa akin, gagawin niya ang ayon sa aking puso at isipan. Itatayo kong matatag ang kanyang sambahayan at maglilingkod siya sa akin at sa aking pinahiran sa lahat ng araw. 36 At lalapit at yuyuko sa harap niya ang sinumang malabi sa iyong sambahayan para sa isang pirasong pilak o kapirasong tinapay, at sasabihing – Sige na naman, italaga mo ako sa gawaing-pari para may ma¬kain ako.”
Tinawag ng Diyos si Samuel
3 • 1 Naglingkod kay Yawe ang batang si Samuel sa ilalim ng pa¬mamahala ni Eli. Bihira pa nang mga araw na iyon ang salita ni Yawe at wa¬lang mga pangitain.
2 Isang gabi, nakahiga sa kanyang silid si Eli – malabo na ang kanyang mga mata at di na makakita. 3 May sindi pa ang ilawan ng Diyos at naka¬higa naman si Samuel sa Bahay ni Yawe na kina¬lalagyan ng Kaban ng Diyos.
4 At tumawag si Yawe: “Samuel, Samuel!” Sumagot si Samuel: “Narito ako!” 5 at tumakbo siya kay Eli at sina¬bing “Narito ako sapagkat tinawag ninyo ako.” Ngunit sinabi ni Eli: “Hindi ako tumawag. Sige, mahiga ka na.” Kaya umalis siya at nahiga.
6 Muling tumawag si Yawe: “Samuel!” At bumangon si Samuel at pumunta kay Eli at sinabi: “Narito ako sapagkat tinawag ninyo ako.” Ngunit sinabi ni Eli: “Hindi kita tinawag, anak. Bumalik ka na at mahiga uli.”
7 Hindi pa nakikilala ni Samuel si Yawe at hindi pa naihahayag sa kanya ang salita ni Yawe. 8 Ngunit tinawag ni Yawe si Samuel sa ikatlong pagkaka¬taon. Buma¬ngon si Samuel at pumunta kay Eli at sinabi: “Narito ako sapagkat tinawag ninyo ako.” At naunawaan ni Eli na si Yawe ang tumatawag sa bata, 9 at sinabi ni Eli kay Samuel: “Sige na, ma¬higa ka at kung may tumawag sa iyo, sabihin mo – Magsalita ka, Yawe, sapagkat nakikinig ang iyong lingkod.” At umalis si Samuel at nahiga sa kanyang lugar.
10 Dumating si Yawe at tumayo roon, at tumawag tulad nang dati: “Samuel, Samuel!” At sumagot si Samuel: “Mag¬salita ka sapagkat nakikinig ang iyong lingkod.” 11 At sinabi ni Yawe kay Sa¬muel: “Tingnan mo, may gagawin ako sa Israel na magpapanginig sa mga tai¬nga ng sinumang makababalita nito. 12 Sa araw na iyon, tutuparin ko laban kay Eli ang lahat ng sinabi ko laban sa kanyang sam¬bahayan mula sa simula hang¬gang kata¬pusan. 13 Sinabi ko na sa ka¬nya na malapit ko nang hukuman ang kanyang angkan sa habampanahon sa¬pagkat alam niyang nila-lapastangan ng kanyang mga anak ang Diyos pero hindi niya sila sinaway. 14 Kaya isinumpa kong hinding-hindi ma¬babayaran ng ha¬in o handog ang pagka¬ka¬sala ng sam¬¬bahayan ni Eli magpa¬kailanman.”
15 Nahiga si Samuel hanggang uma¬ga. At binuksan niya ang mga pinto ng Bahay ni Yawe. Natatakot si Samuel na sabihin kay Eli ang pangitain. 16 Ngunit tinawag siya ni Eli at sinabi: “Samuel, anak.” Su¬magot si Samuel: “Narito ako.” 17 Nagta¬nong si Eli: “Ano ang si¬na¬bi niya sa iyo? Huwag mo sana itong ilihim sa akin. Parusahan ka nawa ng Diyos kung may ililihim kang anu¬man sa akin.” 18 Kaya sinabi ni Samuel kay Eli ang lahat. At sinabi ni Eli: “Siya nga si Yawe! Gawin niya ang mabuti sa kan¬yang paningin.”
19 Lumaki si Samuel, sumasakanya si Yawe at pinapagkakatotoo niya ang mga salita nito. 20 At alam ng buong Is¬rael mula sa Dan hanggang sa Berseba na tunay na propeta nga ni Yawe si Samuel. 21 Patuloy na napakita si Yawe sa Silo. Ipinahayag niya ang kanyang sarili kay Samuel sa Silo sa pamamagitan ng kanyang salita.
Nakuha ng mga Pilisteo ang Kaban
4 • 1 Nagtipon noon ang mga Pilisteo para salakayin ang Israel, at lu¬ma¬bas din ang Israel para harapin ang mga Pilis¬teo sa labanan. Nag¬kampo sila sa Ebena-Ezer samantalang sa Afek naman nagkampo ang mga Pilisteo. 2 Pumusis¬yon ang mga Pilisteo para harapin ang Israel at nag¬si¬mula ang labanan. Natalo ng mga Pi¬listeo ang Israel, at halos apat na libo sa kanila ang namatay sa labanan.
3 Nang umurong sa kanilang kampo ang mga tao, nagtanong ang matatan¬da ng Israel: “Bakit pinabayaan tayo ni Yawe na matalo sa harap ng mga Pilisteo? Kunin natin sa Silo ang Kaban ng Diyos at dalhin iyon dito upang makapiling natin at nang maligtas tayo sa ating mga kaaway.”
4 Nagpadala ng mga sugo sa Silo ang bayan at kinuha ng mga ito mula roon ang Kaban ni Yawe ng mga Hukbo na naka¬luklok sa gitna ng mga kerubin. Ka¬sama ng Kaban ng Diyos ang dalawang anak na lalaki ni Eli na sina Yofni at Finjas.
5 Nang dumating sa kampo ang Ka¬ban ni Yawe, sumigaw nang napaka¬la¬kas ang buong Israel at nayanig ang lupa. 6 Narinig ng mga Pilisteo ang hiyawan at nagta¬nungan: “Ano ang napa-kalakas na siga¬wang iyon sa kampo ng mga Hebreo?” At nalaman nila na du¬mating sa kampo ang Kaban ni Yawe.
7 Natakot ang mga Pilisteo at kani¬lang sinabi: “Isang diyos ang dumating sa kampo! Kawawa tayo! Wala pang nang¬yayaring ganito noon. 8 Kawawa tayo! Sino ang magliligtas sa atin mula sa ka¬may ng mga maka¬pang¬yarihang diyos na ito? Ito ang mga diyos na hu¬mampas sa mga Ehipsiyo sa pamamagitan ng lahat ng uri ng salot, at sa disyerto. 9 La¬kasan ninyo ang inyong loob at magpa¬kalalaki, O mga Pilisteo, kung hindi’y magiging alipin kayo ng mga Hebreo kung paanong naging ali¬pin natin sila. Magpakalalaki kayo at lumaban!”
10 Lumaban nga ang mga Pilisteo at nagapi ang Israel. Tumakas pauwi ang ba¬wat isa. Nakalulunos na pagkatalo; tat¬lum¬pung libong lalaki ng Israel ang na¬patay. 11 Naagaw ang Kaban ng Diyos at namatay ang dalawang anak ni Eli na sina Yofni at Finjas.
12 Isang lalaki mula sa tribu ng Benjamin ang nakatakas mula sa labanan at dumating sa Silo nang araw ding iyon. Warak ang kanyang damit at may alikabok ang kanyang ulo. 13 Nang du¬ma-ting siya, naroon si Eli na nakaupo sa upuan sa tabi ng daan at nagmamasid sapagkat pus¬pos ng pangam¬ba ang kanyang puso para sa Kaban ng Diyos. Pagkarating ng lalaki sa bayan, ibina-lita niya ang nangyari at sumigaw ang buong bayan. 14 Narinig ni Eli ang sigawan at nagtanong: “Ano ang ingay na ito?” Agad na lumapit kay Eli ang lalaki at sinabi ang nangyari. 15 Siyamnapu’t walong taon na noon si Eli at hindi na siya makakita. 16 Sinabi ng lalaki kay Eli: “Galing ako sa labanan, nakatakas ako nga¬¬yon.” At tinanong siya ni Eli: “Ano ang nang¬¬yari, anak ko?”
17 Sumagot ang maydala ng balita: “Tu¬ma¬kas ang Israel sa harap ng mga Pilisteo. Isa ngang malaking pagkalupig ng bayan! At na¬matay rin ang dalawa ninyong anak na sina Yofni at Finjas, at naagaw ang Kaban ng Diyos.” 18 Nang mabanggit nito ang Kaban ng Diyos, bumulagta si Eli mula sa kanyang upuang nasa tabi ng pintuan. Nabali ang kanyang leeg at namatay sa¬pagkat matanda na siya at mabigat. Apatnapung taong naghukom si Eli sa Israel.
19 Buntis noon ang manugang ni Eli, ang maybahay ni Finjas, at malapit nang manganak. Nang mabalitaan niyang naagaw ang Kaban ng Diyos at patay na ang kanyang asa¬wa at biye-nang lalaki, napaanak siya nang wa¬la sa pana¬hon. 20 Samantalang nag¬hihingalo siya, sinabi ng mga babaeng tumi¬tingin sa kanya: “Huwag kang matakot sa¬pagkat lalaki ang anak mo.” Ngunit hindi siya sumagot ni hindi niya ito na¬malayan. 21 Pi¬nangalanan niyang Ikabod ang bata at sina-bing “Naglaho na ang Luwalhati sa Israel!” dahil sa pagkaagaw sa Kaban ng Diyos at sa pagkamatay ng kanyang biyenang lalaki at ng kanyang asawa. 22 Nang sabihin niyang “Luwalhati sa Israel!” ang naagaw na Kaban ng Diyos ang tinutukoy niya.

5 1 Pagkaagaw ng mga Pilisteo sa Kaban ng Diyos, dinala nila ito sa Asdod mula sa Ebena-Ezer. 2 Binuhat nila ang Kaban at ipinasok sa templo ni Dagon at itinabi ito sa kanya. 3 Maagang gumising kinabukasan ang mga taga-Asdod, at hayun! nakabuwal si Dagon at nakasubsob sa lupa sa harap ng Kaban ni Yawe. Kinuha nila si Dagon at ibina¬lik sa kinalalagyan nito. 4 Ngunit pag¬gising nila nang sumunod na araw, naroon si Dagon – nakabuwal at nakasubsob sa lupa sa harap ng Kaban ni Yawe. Tanggal ang ulo at mga kamay nito at nasa may bungad ng pintuan; ang ka¬tawan lamang nito ang naiwang buo. 5 Kaya hanggang sa araw na ito, hindi tumutuntong sa bungad ng pintuan ng templo ni Dagon sa Asdod ang mga pari ni Dagon at lahat ng pumapasok sa kanyang templo.
6 Naging mabigat ang kamay ni Yawe sa mga taga-Asdod. Sinalanta niya at tinadtad ng almoranas ang mga taga-Asdod at mga taga-karatig-pook. 7 Nang makita ito ng mga taga-Asdod, kanilang sinabi: “Hindi dapat manatili dito sa atin ang Kaban ng Diyos ng Israel. Mabigat ang kamay niya sa atin at sa ating diyos na si Dagon.” 8 Tinipon nila ang lahat ng pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo at tinanong ang mga ito: “Ano ang gagawin natin sa Kaban ng Diyos ng Israel?”
Sumagot ang mga ito: “Ipadala ninyo sa Gat ang Kaban ng Diyos ng Israel.” Kaya inilipat nga nila ang Kaban ng Diyos ng Israel. 9 Ngunit nang madala nila iyon sa Gat, naging laban sa lunsod ang kamay ni Yawe – napa¬kalaking gulo! Pina¬hirapan niya ang mga tagaroon sa lunsod, bata man o ma¬tanda, at nilitawan sila ng almoranas. 10 Kaya ipina¬dala nila ang Kaban ng Diyos sa Ekron. At habang ipinapasok nila sa Ekron ang Kaban ng Diyos, sumigaw ang mga taga-Ekron: “Dinala nila sa atin ang Kaban ng Diyos ng Israel para patayin tayong lahat.” 11 Kaya tinipon nila ang lahat ng pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo at sinabi: “Alisin ninyo rito ang Kaban ng Diyos ng Israel nang maka¬balik ito sa sarili nitong lugar para hindi niya tayo pataying lahat.” Nagkaroon nga ng napakalaking gulo sa buong lunsod dahil napa¬kabigat ng kamay ng Diyos dito. 12 Nila¬basan ng almoranas ang mga hindi namatay at abot hanggang langit ang sigaw ng lunsod.

6 1 Pitong buwan sa lupain ng mga Pilisteo ang Kaban ni Yawe. 2 Tinawag ng mga Pilisteo ang kanilang mga pari at mga mang¬huhula at tinanong: “Ano ang dapat nating gawin sa Kaban ni Yawe? Sabihin ninyo sa amin kung paano namin iyon iba¬balik sa lugar nito.” 3 Sumagot ang mga ito: “Kung ibabalik ninyo ang Kaban ng Diyos ng Israel, huwag ninyo itong ibabalik nang walang laman. Magpa¬dala rin kayo ng hain para sa pagkakautang. At gaga¬ling kayo at malalaman ninyo kung bakit hindi lumalayo sa inyo ang kanyang kamay.” 4 At sinabi naman nila: “Anong hain para sa pagka¬kautang ang dapat naming ipadala sa kanya?” Sumagot ang mga ito: “Gumawa kayo ng limang gintong almoranas at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga lunsod ng mga Pilisteo sapagkat iisang salot lamang ang du¬mapo sa inyong lahat at sa inyong mga pinu¬no. 5 Gumawa kayo ng mga imahen ng inyong mga almoranas at ng mga dagang sumalanta sa lupain, at luwalhatiin ninyo ang Diyos ng Israel. At baka iangat na niya ang kanyang ka¬may sa inyo, sa inyong mga diyos at sa inyong lupain. 6 Ngunit huwag kayong magmatigas sa inyong mga puso, tulad ng ginawa ng mga Ehipsiyo at ni Paraon. Hindi ba’t pagkatapos silang parusahan ni Yawe ay pinaalis na rin nila ang mga Israelita para lumakad?
7 Gumawa kayo ngayon ng bagong ka¬riton at kumuha ng dalawang bakang may pasusuhin at hindi pa nalalagyan ng pamatok. Isingkaw ang mga baka sa kariton pero ibalik sa kural ang kanilang mga guya. 8 At kunin ang Kaban ni Yawe at ilagay sa kariton. At ilagay naman sa tabi ng Kaban ang ka¬hong may gintong pigurin na ipinadadala ninyo sa kanya bilang hain para sa pagka-kautang. At palakarin itong mag-isa, 9 ngunit bantayan ito. Kung magtuloy ito sa daang nasa sarili nitong lupain, patungong Bet-Semes, si Yawe nga kung gayon ang may¬gawa ng napakalaking kapahamakang ito sa atin. At kung hindi naman, malalaman natin na hindi niya kamay ang humampas sa atin, kundi nag¬kataon lamang.”
10 Ginawa nga nila iyon. Kumuha sila ng da¬la¬wang bakang may pasusuhin at isining¬kaw sa kariton, at ikinulong naman sa kural ang mga guya ng mga ito. 11 At inilagay nila ang Kaban ni Yawe sa kariton, kasama ang kahong may gin¬tong mga daga at mga ima¬hen ng kanilang almo-ranas. 12 At nagtuluy-tuloy ang mga baka papuntang Bet-Semes, nanatili ang mga ito sa daan at patuloy na umuunga – hindi lumiko sa kanan o sa ka¬liwa. Samantala, sinun¬dan naman ng mga pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo ang mga ito hanggang sa may hangganan ng Bet-Semes.
13 Nag-aani noon ng trigo sa lambak ang mga taga-Bet-Semes nang matanaw nilang papa¬la-pit ang Kaban, at natuwa sila sa pag¬kakita nito. 14 Dumating ang kariton sa bukid ni Josueng taga-Bet-Semes, at doon tumigil sa tabi ng isang malaking bato. Sinibak nila ang kahoy ng ka-riton at inialay sa ibabaw ng mga ito ang mga baka bilang sinunog na handog kay Yawe. 15 Ibinaba naman ng mga Levita ang Kaban ni Yawe at ang kahong may mga gintong pigurin at ipinatong sa mala¬king bato.
Nang araw na iyon, nag-alay ng mga sinu¬nog na handog at mga hain kay Yawe ang mga taga-Bet-Semes. 16 Nasaksihan ito ng limang pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo, at umu¬wi sila sa Ekron nang araw ding iyon. 17 Ito ang mga lun¬sod ng mga Pilisteo na naghandog ng gintong almoranas bilang hain para sa pag¬kakautang kay Yawe: Asdod, Gaza, Askalon, Gat at Ekron. 18 May¬roon ding mga gintong dagang sindami ng mga nayon ng mga Pilisteo na nasa ilalim ng limang pinuno pati ang napapaderang mga bayan at mga nayon nito. Naroon pa rin hang¬gang sa araw na ito sa bukid ni Josueng taga-Bet-Semes ang malaking batong pinag¬¬¬patu¬ngan nila ng Kaban ni Yawe. 19 Pitumpung taga-Bet-Semes ang pinatay ni Yawe sapagkat tumingin sila sa Kaban ni Yawe. Nagluksa ang bayan dahil sa matin¬ding dagok sa kanila ni Yawe.
20 At sinabi ng mga taga-Bet-Semes: “Sino ang makatatayo sa harap ni Yawe, ang Banal na Diyos na ito? At kanino siya pupunta mula sa atin?” 21 At nagpadala sila ng mga sugo sa mga taga-Kiryat-yearim at nagpasabi: “Ibinalik na ng mga Pilisteo ang Kaban ni Yawe. Lumu¬song kayo at iahon ito sa inyo.”

7 1 Dumating ang mga taga-Kiryat-yearim para kunin ang Kaban ni Yawe. At dinala niya iyon sa bahay ni Abinadab sa burol, at pinabanal nila ang anak nitong si Eleazar para pangalagaan ang Kaban ni Yawe.
Ginising ni Samuel ang Israel
• 2 Mahabang panahon ang lumipas mula sa araw na manatili sa Kiryat¬¬-yearim ang Kaban. Mga dalawampung taong nanabik at dumaing kay Yawe ang buong bayan ng Israel.
3 At sinabi ni Samuel sa buong sambahayan ng Israel: “Kung magbabalik kayo kay Yawe nang buo ninyong puso, alisin ninyo ang mga banyagang diyos pati na ang mga Astarteng nasa inyong piling. At kung itutuon ninyo ang inyong puso kay Yawe at siya lamang ang pag-lilingkuran, ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Pilisteo.” 4 At inalis nga ng mga Israelita ang mga Baal at mga Astarte, at si Yawe lamang ang pinag¬lingkuran.
5 At sinabi ni Samuel: “Magtipon ang buong Israel sa Mizpa at ipagdarasal ko kayo kay Yawe.”
6 Nagtipon nga sila sa Mizpa. Umigib sila ng tubig at ibinuhos ito sa harap ni Yawe. Nag-ayuno sila sa araw na iyon at sinabi nila roon: “Nagkasala kami kay Yawe.” Pinamunuan ni Samuel ang pagtitipong ito ng Israel sa Mizpa. 7 Nang ma¬balitaan ng mga Pilisteo na nagtipon ang mga Israelita sa Mizpa, umahon sa lupain ng Israel ang mga pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo para lusubin sila. Nang malaman ito ng mga Isra¬elita, natakot sila 8 at sinabi nila kay Samuel: “Walang-tigil kang manalangin para sa amin kay Yaweng ating Diyos upang iligtas niya tayo sa kamay ng mga Pilisteo.”
9 At kumuha si Samuel ng pasu¬suhing kordero at inialay iyon kay Yawe bilang buong sinunog na handog, at nanik¬luhod sa kanya alang-alang sa Israel. At tinugon siya ni Yawe.
10 Habang iniaalay ni Samuel ang sinu¬nog na handog, sumalakay na ang mga Pilisteo para lumaban sa Israel. Ngunit nang araw na iyon, malakas na dumagundong ang kulog ni Yawe sa gitna ng mga Pilisteo. Kayat bigla silang nalito at nagtakbuhan sa harap ng Israel. 11 Sumugod ang kalalakihan ng Israel mula sa Mizpa, at hinabol ng taga ang mga Pilisteo hang¬gang sa ibaba pa ng Betkar.
12 At kumuha pagkatapos si Samuel ng isang bato at inilagay sa pagitan ng Mizpa at Jesana, at pinangalanan iyong Ebena-Ezer sa pagsa¬sabing “Hanggang dito’y sinaklo¬lohan tayo ni Yawe.” 13 Kayat nalupig ang mga Pilisteo at hindi na muling lumusob sa nasasakupan ng Israel. Sa buong buhay ni Samuel, laban sa mga Pilisteo ang kamay ni Yawe. 14 Nabawi ng Israel ang mga lunsod mula Ekron hanggang Gat na inagaw ng mga Pilisteo sa Israel, at pinalaya ng Israel ang mga lupaing ito. Nagkaroon ng ka¬payapaan sa Israel at mga Amorreo.
15 Naging hukom si Samuel sa Israel sa lahat ng araw ng kanyang buhay. 16 Nililibot niya taun-taon ang Betel, Gilgal at Mizpa, at hinu¬hukuman ang Israel sa lahat ng lugar na ito. 17 At pag¬ka¬tapos, umuuwi siya sa Rama sapag¬kat naroon ang kanyang tahanan. Hinuhukuman din niya roon ang Israel at nagtayo siya roon ng altar kay Yawe.
Humingi ng hari ang bayan
8 • 1 Nang matanda na si Samuel, itinalaga niya ang kanyang mga anak na lalaki bilang mga hukom sa Israel. 2 Joel ang pangalan ng kanyang pa¬nganay at Abias naman ang ika¬¬lawa, at kapwa sila naging mga hu¬kom sa Ber¬seba. 3 Ngunit hindi sumunod sa kanyang mga yapak ang kanyang mga anak: mga mukhampera sila, tumatanggap ng lagay at binabaluktot ang katarungan.
4 Kayat nagtipon ang lahat ng matatanda ng Israel at pinuntahan si Samuel sa Rama. 5 Sinabi nila sa kanya: “Matanda ka na at hindi sumusunod sa iyong mga yapak ang iyong mga anak. Kaya bigyan mo kami ngayon ng isang hari na ma¬kapamumuno sa amin gaya sa lahat ng bansa.”
6 Hindi nagustuhan ni Samuel ang sinabi nilang “Bigyan mo kami ng isang haring mamumuno sa amin,” at nana¬langin siya kay Yawe. 7 Sinabi naman sa kanya ni Yawe: “Pakinggan mo ang ti-nig ng bayan, ang lahat ng sinasabi nila sa iyo. Hindi ikaw ang tinatanggihan nila kundi ako sa pagha¬hari sa kanila. 8 Gina¬gawa nila ngayon sa iyo ang lahat ng ginawa nila sa akin mula sa araw na ilabas ko sila mula sa Ehipto hanggang sa araw na ito nang talikuran nila ako at nag¬ling¬kod sa ibang mga diyos. 9 At nga¬yon, pa¬king¬gan mo ang kanilang tinig ngunit big¬yan sila ng mahigpit na babala at sabihin sa kanila ang klase ng pamu¬munong ga¬gawin ng kanilang hari.”
10 At sinabi ni Samuel ang lahat ng sa¬lita ni Yawe sa sambayanang humi¬hingi sa kanya ng isang hari: 11 “Ito ang klase ng pamumunong gagawin sa inyo ng inyong hari! Kukunin niya ang inyong mga anak na lalaki at itatalaga sa kan¬yang karwahe at mga kabayo, at patatakbuhin sila sa unahan ng kanyang kar¬wahe. 12 Ang iba’y gagawin niyang mga pinuno ng tigsasan¬libo o pinuno ng tiglilimampu. At ang iba naman para bungkalin ang kanyang lupa at gapasin ang kanyang ani, at para gu¬mawa ng kanyang mga sandatang pan¬digma at mga kagamitan para sa kanyang mga karwahe. 13 Kukunin din niya ang inyong mga anak na babae para mag¬handa ng pabango at maging mga kusi¬nera at mga pana¬dera. 14 Kukunin niya ang pinaka¬mainam sa inyong mga buki-rin, mga ubasan at mga taniman ng olibo para ibigay sa kanyang mga opisyal. 15 Ku¬kunin niya ang ikapu ng inyong mga binhi at ng inyong mga ubasan para naman ibigay sa kanyang mga taga¬pa¬mahala at mga tagapaglingkod. 16 Ku¬kunin niya ang inyong mga aliping lalaki at babae, ang pinakamaganda sa inyong mga baka at mga asno, at pa¬pagtatra¬ba¬huhin sa kanya. 17 Kukunin niya ang ikapu sa inyong mga kawan at kayo mismo ay magiging mga alipin niya. 18 Sa araw na iyon, daraing kayo dahil sa haring inyong pinili at hindi kayo sasagutin ni Yawe.”
19 Ngunit ayaw makinig kay Samuel ng sambayanan, at sinabing: “Hindi! Isang hari ang mamumuno sa amin at matutulad kami sa iba pang mga bansa. 20 Pamu¬munuan kami ng aming haring mangu¬nguna sa amin at siyang lalaban sa aming mga pakikipag¬digma.”
21 Pagkarinig ni Samuel sa lahat ng sinabi ng sambayanan, inulit niya iyon kay Yawe. 22 Ngunit sinabi ni Yawe kay Samuel: “Pakinggan mo ang kanilang tinig at bigyan sila ng hari.” At sinabi ni Samuel sa kalalakihan ng Israel: “Umuwi na ang bawat isa sa kanya-kanyang siyudad.”
Ang istorya ni Saul
9 • 1 May isang lalaki sa tribu ng Benjamin na Kish ang panga¬lan. Anak siya ni Abiel na anak ni Zeror na anak naman ni Bekorat na anak ni Afia, isang magiting na Benjaminitang lala¬king-lalaki. 2 May anak na lalaki si Kish na nagngangalang Saul, isang binatang wa¬lang kasingkisig sa mga Israelita, higit na matangkad mula bali¬kat hanggang ulo sa lahat ng tao.
3 Nawawala noon ang mga asno ni Kish na ama ni Saul. At sinabi ni Kish sa kanyang anak na si Saul: “Isama mo ang isa sa mga utusan at umalis kayo at hana¬pin ang mga asno.” 4 Nilibot niya ang bu¬ong kaburulan ng Efraim pati ang lupain ng Salisa pero hindi nila nakita ang mga iyon. Nagpunta sila sa lupain ng Saalim pero wala pa rin. At naglibot siya sa lupain ng Benjamin pero hindi pa rin nila nakita ang mga iyon. 5 Dumating sila sa lupain ng Suf at sinabi ni Saul sa utusang ka¬sama niya: “Tayo na, umuwi na tayo, kung hindi’y mas aalalahanin tayo kaysa mga asno ng aking ama.”
6 Ngunit sinabi ng kanyang utusan: “May tao ng Diyos sa lunsod na ito. Lu¬bos siyang iginagalang dito. At nag¬kakatotoo ang lahat ng sinasabi niya. Tayo na roon, at baka masabi niya ang daang dapat nating puntahan.” 7 Sinabi ni Saul sa kan¬yang utusan: “Ngunit kung pupunta tayo, ano naman ang ma¬dadala natin sa tao? Ubos na ang tinapay sa ating mga sako at wala tayong regalong madadala sa tao ng Diyos. Ano ba ang mayroon tayo?” 8 Mu¬ling sumagot ang utusan: “Heto, mayroon pa akong ikapat na shekel na pilak. Ibi¬bigay ko ito sa tao ng Diyos para sabihin niya sa atin ang daan.”
10 At sinabi ni Saul sa kanyang utusan: “Magaling! Tayo na.” At nag¬punta nga sila sa lunsod na kinaro¬roo¬nan ng tao ng Diyos.
Pinahiran ni Samuel si Saul
• 11 Sa pag-ahon nila sa burol patu¬ngo sa lunsod, may nasalubong silang mga dalagang paigib ng tubig at tina¬nong nila ang mga ito: “Narito ba ang mang¬huhula?” 9 (Dati-rati sa Israel, kung may taong pu¬punta para su¬mang¬¬¬guni sa Diyos, sinasabi niyang “Tayo na, pun¬tahan natin ang mang¬hu¬hula,” sa¬pagkat manghuhula ang da¬ting tawag noon sa propeta ngayon.)
12 Sumagot sila: “Nasa unahan mo siya. Dalian ninyo. Kararating-rating lang niya sa siyudad dahil maghahandog ngayon ang bayan sa altar sa burol. 13 Pag¬pasok ninyo sa lunsod, ma¬ta¬tag-puan ninyo siya bago siya umakyat sa altar sa burol para kumain. Hindi kakain ang sambayanan hang¬gang hindi siya dumarating sapagkat babasbasan muna niya ang handog, at saka maka-kakain ang mga inanya¬yahan. Umahon kayo ngayon din at ma¬ta¬tagpuan ninyo siya sa mga san-daling ito.”
14 At umakyat sila sa lunsod at pag¬pasok nila roon – hayun! papalabas si Samuel – pasalubong sa kanila pa¬tungo sa altar sa burol.
15 Ngayon, bago pa man dumating doon si Saul, kahapon pa ma’y ipina¬hayag na ito ni Yawe kay Samuel: 16 “Sa mga ganito ring oras bukas, may ipadadala ako sa iyong isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin at papa¬hiran mo siya bilang pinuno ng aking bayang Israel. Palalayain niya ang aking bayan mula sa kamay ng mga Pilisteo sapag¬kat nakita ko ang kaa¬pihan ng aking bayan at uma¬bot sa akin ang kanilang daing.”
17 Nang makita ni Samuel si Saul, si¬nabi ni Yawe sa kanya: “Hayan ang lala¬king sinabi ko sa iyo! Ito ang ma¬mu¬muno sa aking bayan.”
18 Nilapitan ni Saul si Samuel sa may pintuan at sinabi: “Pakisabi naman ninyo sa akin kung nasaan ang bahay ng mang¬huhula?” 19 Sumagot si Sa¬muel: “Ako ang manghuhula. Mag¬pa¬¬una ka sa akin sa altar sa burol. Ma¬ki¬kisalo ka ngayon sa akin. Pau¬uwiin kita kinauma¬gahan at sa-sabihin ko sa iyo ang lahat ng laman ng iyong puso. 20 Tungkol na¬man sa mga asnong tatlong araw nang nawawala, huwag kang mag-ala¬la pag¬kat natag¬puan na ang mga iyon.”
Idinugtong ni Samuel: “Para kanino ba ang unang lugar sa Israel? Di ba’t ito’y para sa iyo at sa buong angkan ng iyong ama?” 21 Sumagot si Saul: “Benjaminita ako, galing sa pinakamaliit na tribu ng Israel, at pinakamababa sa la¬hat ng angkan sa tribu ng Benjamin ang aking angkan. Ba’t ninyo ako kina¬ka¬usap nang ganito?”
22 Isinama ni Samuel si Saul at ang utu¬san nito at dinala sa bulwagan at pina¬upo sila sa kabisera ng mga inan¬ya¬¬yahan na humigit-kumulang sa tatlumpung katao. 23 At sinabi ni Sa¬muel sa kusinero: “Ihain mo ang baha¬ging ibinigay ko’t ipi¬na¬tabi sa iyo.” 24 Dinala ng kusinero ang hita kasama ang buntot at inihain iyon kay Saul, at sinabi: “Narito ang inilaan para sa iyo. Sige, kumain ka na.” Nang araw ding iyon, kumain si Saul na kasalo ni Samuel.
25 At bumaba sila mula sa altar sa burol at pumunta sa lunsod. May nakahanda nang higaan sa terasa para kay Saul at doon siya natulog. 26 Maaga silang gu¬mising, at tinawag ni Samuel si Saul sa terasa nang nagbubukanliwayway na: “Bumangon ka at pauu¬wiin na kita.” Bu¬mangon si Saul at kapwa sila lumabas ni Samuel. 27 Sa pagbaba nila sa labas ng lunsod, sinabi ni Samuel kay Saul: “Sabi¬hin mo sa iyong utusan na magpauna na siya sa atin. Pero tu¬migil ka muna rito nang masabi ko sa iyo ang mensahe ng Diyos.”
10 1 Kumuha pagkatapos si Samuel ng isang boteng langis at ibinuhos iyon sa ulo ni Saul, at hina¬likan at sinabi: “Si Yawe ang nagpahid sa iyo bilang pinuno ng kanyang ba¬yang Israel. Pamumunuan mo ang ba¬yan ni Yawe at ililigtas sila sa kapang¬yarihan ng kanilang mga kaaway sa paligid. At ito ang magiging tanda para sa iyo na si Yawe mismo ang siyang nag-pahid sa iyo. 2 Paghihiwalay natin ngayon, may masasalubong kang dala¬wang lalaki sa may libingan ni Raquel sa Zelza sa hangganan ng Benjamin. Sa¬sa¬bihin nila sa iyo: ‘Nakita na ang mga asnong hina¬hanap mo. At ngayon, hindi na pino¬problema ng iyong ama ang mga ito, pero nag-aalala na siya kung ano na ang nang¬yari sa iyo.’ 3 Sa pagpapatuloy mo hang¬gang sa mala¬king puno sa Tabor, may makakasalubong ka na¬mang tatlong lalaking pa¬ahon sa Diyos sa Betel. May dalang tatlong batang kambing ang isa, at may tatlong tinapay naman ang isa, at ang isa pa’y may isang boteng alak. 4 Ku¬kumustahin ka nila at bibigyan ng dalawang tinapay na kukunin mo naman sa kanila. 5 At pag¬katapos, darating ka sa Gibea ng Diyos kung saan may kuta ang mga Pilisteo. Pagpasok mo sa lun¬sod, may masasalubong kang grupo ng mga propetang pababa mula sa altar sa burol, at pina¬ngungunahan ng isang korong may alpa, tamburin, plauta at lira. At wala sila sa sarili gaya ng mga propeta. 6 At lulukuban ka ng Espiritu ni Yawe at ma¬wawala ka rin sa sarili kasama nila, at magiging ibang tao ka na. 7 Sa oras na matupad ang mga tandang ito, gawin mo ang hinihingi ng pagka¬kataon sapagkat sumasaiyo ang Diyos.
8 Mauuna ka sa akin pababa sa Gilgal at pupuntahan kita roon para mag-alay ng mga sinunog na handog, at ng hain sa mabuting pagsasamahan. Maghintay ka roon nang pitong araw hanggang duma¬ting ako at sasabihin ko sa iyo ang dapat mong gawin.”
9 Sa pagtalikod ni Saul para iwan si Samuel, binago ng Diyos ang kanyang puso, at natupad nang araw na iyon ang lahat ng tandang ito. 10 Pagdating nila sa Gibea, hayun ang grupo ng mga pro¬peta at sinalubong siya. At nilu¬ku¬ban siya ng Espiritu ng Diyos at nag¬prope¬siya siyang kasama nila.
11 Nang makita siyang nagpopropesiyang kasama ng mga propeta ng lahat ng nakaka¬kilala sa kanya, nagtanungan ang mga ito: “Ano itong nangyari sa anak ni Kish? Ka¬bilang na rin ba si Saul sa mga propeta?” 12 Sumagot ang isang taga¬roon: “At sino ba ang kanyang ama?” Kaya naging kasabihan ang “Kabilang na rin ba si Saul sa mga propeta?” 13 Pag¬ka¬tapos niyang maka-pag¬¬propesiya, dumating siyang kasama nila sa altar sa burol.
14 Tinanong ngayon si Saul at ang kanyang utusan ng tiyo niya: “Saan kayo nagpunta?” Su-magot si Saul: “Sa pagha¬hanap sa mga as¬no. Nang hindi namin ma¬kita, nagpunta kami kay Samuel.” 15 Sinabi ng tiyo ni Saul: “Sabihin mo nga sa akin ang sinabi sa iyo ni Samuel.” 16 At sinabi ni Saul sa kanyang tiyo: “Sinabi lamang niya sa amin na natagpuan na ang mga asno.” Ngunit hindi niya sinabi sa kanyang tiyo ang tungkol sa paghahari na sinabi ni Samuel.

• 17 Ipinatawag ni Samuel ang sambaya¬nan sa harap ni Yawe sa Mizpa. 18 At sinabi niya sa mga Israelita: “Ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Israel: ‘Inilabas ko ang Israel mula sa Ehipto at iniligtas kayo sa kamay ng mga Ehipsiyo at ng lahat ng kaha¬riang umalipin sa inyo.’ 19 Ngunit binale-wala ninyo ngayon ang inyong Diyos na nag¬li¬ligtas sa inyo sa lahat ng kapahamakan at kagipitan. At sinabi ninyong ‘Hindi! Bigyan mo kami ng isang haring mamu¬muno sa amin.’ Kaya humarap kayo ngayon kay Yawe ayon sa inyu-inyong mga tribu at mga angkan.”
20 Pinalapit ni Samuel ang lahat ng tribu ng Israel, at ang tribu ng Benjamin ang napili. 21 At pinalapit niya ang tribu ng Benjamin, angkan-angkan, at ang angkan ni Matri ang napili. At mula sa angkan ni Matri, napili si Saul na anak ni Kish. Hinanap nila siya pero hindi nakita. 22 Kayat muli silang nagtanong kay Yawe: “Du¬mating na ba ang tao?” Sabi ni Yawe: “Hayun, nagtatago siya sa mga kagamitan.” 23 Tumakbo sila at inilabas siya mula roon. Nang tumindig siya sa gitna ng bayan, mas mataas siya sa lahat mula balikat hanggang ulo. 24 Sinabi ni Samuel sa buong sambayanan: “Nakikita ba ninyo ang pinili ni Yawe? Wala siyang kaparis sa buong bayan.” At sumigaw ang buong bayan: “Mabu¬hay ang hari!”
25 At sinabi ni Samuel sa bayan ang karapatan at tungkulin ng hari. At isinulat niya ang mga ito sa isang aklat na itinabi niya sa harap ni Yawe. At pinauwi na ni Samuel ang bayan, bawat isa sa kanya-kanyang taha¬nan. 26 Umuwi na rin si Saul sa kanyang ta¬ha¬nan sa Gibea ka¬sama ang mga magi¬giting na ang puso ay hi¬nipo ng Diyos. 27 Ngunit sinabi ng ilang masa¬sama: “Paano tayo maililigtas nito?” Binale-wala nila siya at hindi dinalhan ng regalo.
Sinagip ni Saul ang lunsod ng Yabes
11 • 1 Makaraan ang isang buwan, dumating ang Amonitang si Nahas at kinubkob ang Yabes-Galaad. Sinabi kay Nahas ng lahat ng lalaking taga-Yabes: “Makipagkasunduan ka sa amin at maglilingkod kami sa iyo.”
2 Sumagot naman si Nahas na Amonita: “Makikipagkasunduan ako sa inyo sa isang kundisyon: dudukitin ko ang ka¬nang mata ng bawat isa sa inyo para mai¬wang kahihiyan sa buong Israel.” 3 Si¬nabi sa kanya ng mga mata¬tanda ng Yabes: “Bigyan mo kami ng pitong araw para makapagpadala kami ng mga sugo sa buong Israel. At su¬suko kami sa iyo kung walang mag-liligtas sa amin.”
4 Dumating ang mga sugo sa Gibea ni Saul, at ibinalita ito sa bayan at umi¬yak nang malakas ang buong bayan.
5 Nang mga sandaling iyon, karara¬ting pa lamang ni Saul mula sa bukid, kasunod ng kanyang mga baka. Itina¬nong niya: “Ano ang nangyari at nag-iiyakan ang ba¬yan?” At sinabi nila sa kanya ang sinabi ng mga la¬laking taga-Yabes. 6 Pagkarinig ni Saul sa mga salitang ito, nilukuban siya ng espiritu ng Diyos at nag-apoy ang kanyang galit. 7 Kinuha niya ang pares na baka, tinadtad at ipinadala ang mga piraso sa buong Israel sa mga sugo, at ipina¬sabi: “Ganito rin ang ga¬gawin ko sa mga baka ng sinumang hindi susunod kina Saul at Samuel.”
Sinakmal ang bayan ng matinding takot – salamat kay Yawe – at lumabas si¬lang parang iisang tao.
8 Nang ihanay sila ni Saul sa Bezek, tatlun¬daang libo ang mga anak ng Israel at tatlumpung libo naman ang mga lalaking taga-Juda.
9 At sinabi nila sa dumating na mga sugo: “Sabihin ninyo sa mga taga-Yabes-Galaad na darating kami bukas ng tang¬hali para iligtas kayo.” Bumalik ang mga sugo at sinabi ito sa mga taga-Yabes at sila’y natuwa. 10 At sinabi nila sa mga Amonita: “Susuko na kami sa inyo bukas at magagawa na ninyo sa amin ang anu¬mang gusto ninyo.”
11 Kinabukasan, pinagtatlong pang¬kat ni Saul ang kanyang mga tauhan. Ma¬daling-araw nang pasukin nila ang kampo ng mga Amonita at pinag¬papatay nila ang mga ito hanggang tanghaling-tapat. Nag¬sipangalat ang mga nakatakas at nag¬kanya-kanyang takbo.
12 At sinabi ng bayan kay Samuel: “Sino ang nagsabing hindi maghahari sa amin si Saul? Ibigay mo sa amin ang mga taong iyon at papatayin namin.” 13 Ngunit suma¬got si Saul: “Walang sinumang papatayin sa araw na ito sapagkat ngayon iniligtas ni Yawe ang Israel.”
14 Sinabi naman ni Samuel sa bayan: “Halikayo, tayo na sa Gilgal at pasina¬yaan ang kaharian.”
15 At nagpunta nga sa Gilgal ang buong bayan at doon nila kinilalang hari si Saul sa harap ni Yawe. Nag-alay sila roon ng mga hain sa mabuting pag¬sasamahan sa harap ni Yawe at lubos na nagdiwang si Saul at ang lahat ng Israelita.
Nagbitiw si Samuel
12 • 1 Sinabi ni Samuel sa buong Israel: “Tingnan ninyo, pina¬king¬gan ko ang lahat ng sinabi ninyo sa akin at binigyan ko kayo ng hari. 2 May¬roon na ka¬yong hari ngayon na mamu-muno sa inyo. Matanda na ako, maputi na ang aking buhok, at narito namang kasama ninyo ang aking mga anak. Pinamunuan ko kayo mula pa sa aking kabataan hang¬gang sa araw na ito. 3 Na-rito ako, sagutin ninyo ako ngayon sa harap ni Yawe at ng kan¬yang pina¬hiran: Kani¬nong baka ang kinuha ko?
Kaninong asno ang inagaw ko? Sino ang dinaya ko? Sino ang inapi ko? Kanino ako tumanggap ng suhol? Sabi¬hin ninyo at isasauli ko sa inyo.”
4 Ngunit sinabi nila: “Wala kang dina¬ya o inapi sa amin; wala kang kinuha ka¬ninuman.”
5 At sinabi ni Samuel sa kanila: “Si Yawe ang saksi laban sa inyo, at saksi rin sa araw na ito ang kanyang pina¬hiran na wala kayong natagpuang anu¬man sa aking kamay.” At sumagot sila: “Saksi siya.”
6 At sinabi ni Samuel sa sambayanan: “Si Yawe ang saksi, siya na nagsugo kina Moises at Aaron at naglabas sa inyong mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto. 7 Kaya tumindig kayo nga-yon at ihaharap ko sa inyo ang lahat ng ginawa ni Yaweng nagligtas sa inyo at sa inyong mga ninuno. 8 Pumunta si Jacob sa Ehipto at inapi ng mga Ehipsiyo ang inyong mga ninuno at duma¬ing sila kay Yawe. At isinugo naman niya sina Moises at Aaron. Inilabas nila ang inyong mga ninuno mula sa Ehipto at itinira sa lugar na ito. 9 Ngunit kinalimutan nila si Yaweng Diyos nila kaya ipinaubaya niya sila sa kamay ni Sise¬rang pinuno ng hukbo ng Hasor at sa kamay ng mga Pilisteo at sa hari ng Moab na lumaban sa kanila. 10 At dumaing sila kay Yawe at sinabing ‘Nagka¬sala kami sapagkat binale-wala namin si Yawe at pinaglingkuran ang mga Baal at mga Astarte. Ngunit ngayon, iligtas mo kami sa kamay ng aming mga kaaway at paglilingkuran ka namin.’ 11 At ipinadala ni Yawe sina Yerubaal at Barak, Yefte at Samuel, at iniligtas kayo sa kamay ng inyong mga kaaway sa paligid at nabuhay kayo nang matiwasay.
12 Ngunit nang makita ninyong nilusob kayo ni Nahas na Amonita, sinabi ninyo sa aking – Hindi! Isang hari ang mamumuno sa amin – gayong si Yaweng inyong Diyos ang inyong hari. 13 Ngayon tingnan ninyo ang haring inyong pinili na ibinigay sa inyo ni Yawe bilang hari. 14 Mag-ka¬roon sana kayo ng pitagan kay Yawe at pag¬ling¬kuran siya! Makinig sana kayo sa kanyang tinig at huwag maghimagsik sa kanyang mga utos! At sumunod sana kayo at ang inyong haring namumuno sa inyo kay Yaweng inyong Diyos. 15 Ngunit kung hindi kayo makikinig sa tinig ni Yawe at maghihimagsik sa kanyang mga utos, magiging laban sa inyo at sa inyong hari ang kanyang kamay.
16 At ngayon, dumito muna kayo upang ma¬saksihan ang kababalaghang ito na gagawin ni Yawe sa inyong harapan. 17 Hindi ba anihan ngayon ng trigo? Tatawag ako kay Yawe para mag-pakulog siya at magpaulan. At malalaman ninyo at makikita na napakasama sa mata ni Yawe ang ginawa ninyong paghingi ng isang hari.”
18 At tumawag si Samuel kay Yawe, at nagpa¬kulog at nagpaulan si Yawe nang araw ding iyon. At nagkaroon ng matinding takot kay Yawe at kay Samuel ang buong bayan. 19 Sinabi ng bu¬ong bayan kay Samuel: “Ipag¬dasal mo ang iyong mga lingkod kay Yaweng Diyos mo upang hindi kami mamatay sapag¬kat idinagdag namin sa lahat naming kasa¬lanan ang kasamaang ito ng paghingi ng isang hari.”
20 Sinabi ni Samuel sa bayan: “Huwag ka¬yong matakot! Nagawa nga ninyo ang lahat ng kasamaang ito, pero huwag kayong lalayo kay Yawe ngayon kundi paglingkuran siya nang buo ninyong puso. 21 Huwag kayong lumihis para sundan ang walang-kabuluhan at walang-silbing mga diyus-diyusan na hindi makapagli¬ligtas sapagkat sila’y wala. 22 Hindi pababayaan ni Yawe ang kanyang bayan dahil sa kanyang dakilang Pangalan sapagkat ikinalugod ni Yawe na gawin niya kayong bayan niya. 23 At ako naman, paano ko magagawa ang pagka¬kasa¬lang ito na tumigil sa pananalangin para sa inyo? Patuloy kong ituturo sa inyo ang mabuti at tamang daan. 24 Magkaroon lamang kayo ng pitagan kay Yawe at mata¬pat siyang pagling¬kuran nang buo ninyong puso sapagkat nakita ninyo ang mga dakilang bagay na ginawa niya para sa inyo. 25 Ngunit kung gagawa pa rin kayo ng ka¬samaan, kayo at ang inyong hari ay kapwa papalisin.”

13 • 1 Naging hari si Saul at naghari sa Israel. 2 Pumili si Saul ng tatlong libong lalaki sa Israel. Kasama niya ang dalawang libo sa Mikmas at sa kaburulan ng Betel, at sanlibo naman ang kasama ni Yonatan sa Gibea ng Benjamin. Pinauwi ni Saul ang iba pa sa kani-kanilang tahanan. 3 Pinatay ni Yonatan ang gobernador na Pilisteo ng Geba at nabalitaan iyon ng mga Pilisteo. At pinahipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain sa pagsa¬sabing “Makinig ang mga Hebreo!” 4 At narinig ng buong Israel ang balitang “Pinatay ni Saul ang gobernador na Pilisteo, at mabaho na ngayon ang Israel sa mga Pilisteo.” At tinawag ang sam¬ba¬yanan upang makiisa kay Saul sa Gilgal.
Ang “kasalanan” ni Saul
• 5 Nagtipon ang mga Pilisteo para lumaban sa Israel – tatlong libong karwahe, anim na libong mangangabayo at mga taong parang buhangin sa da¬lam¬pasigan sa dami. Nagpunta sila at nag-kampo sa Mikmas sa silangan ng Bet-Aven. 6 Nang makita ng mga Israelita na nasusuong sila sa panganib, nagtago ang mga tao sa mga yungib, siwang, batuhan, puntod at balon. 7 Tu¬mawid pa sa Ilog Jordan ang ibang mga Hebreo patungo sa lupain ng Gad at Galaad.
Nasa Gilgal pa si Saul at nanginginig naman sa takot ang buong bayang ka¬sama niya. 8 Naghintay siya ng pitong araw ang taning na panahon ni Samuel. Ngunit hindi dumating sa Gilgal si Sa¬muel at nagsimula nang maghiwa-hiwalay ang mga tao.
9 At sinabi ni Saul: “Dalhin ninyo sa akin ang sinunog na handog at ang hain sa mabuting pagsasamahan.” At inialay ni Saul ang sinunog na handog. 10 Kata¬tapos pa lamang niyang ialay ang sinunog na handog, at hayan! du¬mating na si Samuel. Sinalubong siya ni Saul para kumustahin. 11 At sinabi ni Samuel: “Ano ang ginawa mo?” Suma¬got si Saul: “Na¬kita kong naghihiwa-hiwalay na ang mga tao at hindi ka dumating sa takdang pa¬nahon, at nagtitipon na ang mga Pilisteo sa Mikmas, 12 kaya nasabi kong ‘Lulu¬subin ako sa Gilgal ng mga Pilisteo nang hindi ko nakukuha ang loob ni Yawe’ kaya napi¬litan akong mag-alay ng mga sinunog na handog.”
13 Sinabi ni Samuel kay Saul: “Kaha¬ngalan ang ginawa mong pagsuway sa utos ni Yaweng Diyos mo. Itatatag sana ni Yawe ang iyong paghahari sa buong Israel magpakailanman. 14 Pero ngayon, hindi na magtatagal ang iyong paghahari, naghanap na si Yawe ng taong kanyang napusuan at hinirang siyang pinuno ng kanyang bayan sapagkat hindi mo tinu¬pad ang iniutos sa iyo ni Yawe.”
15 Pagkatapos ay umalis si Samuel sa Gilgal at umuwi. Umahon namang kasama ni Saul ang iba pa para sumama sa mga sundalong nasa Gibea ng Benjamin.
Inihanay ni Saul ang mga taong kasama niya – mga animnaraang lalaki.
16 Nanatili sa Geba ng Benjamin si Saul at ang kanyang anak na si Yonatan pati ang mga taong kasama nila, samantalang nag¬kampo naman sa Mikmas ang mga Pilisteo. 17 Tatlong pangkat ng mangungu¬lim¬bat ang lumabas ga¬ling sa kampo ng mga Pilisteo – isang pangkat ang lumiko patungong Ofra sa lupain ng Sual, 18 ang isa nama’y nagpa-Bet-Horon, at ang isa pa’y sa daan sa hang¬ganang katapatan ng lam¬bak ng Seboim patungo sa disyerto.
19 Walang panday sa buong lupain ng Israel sapagkat hinadlangan ng mga Pilisteo ang mga Hebreo na gumawa ng tabak o sibat. 20 Kaya nagpupunta pa sa mga Pilisteo ang bawat isa sa buong Israel para mag¬pahasa ng kanilang araro, asarol, palakol at karit. 21 Dala¬wang-katlo ng shekel ang presyo ng pagpa¬pa¬hasa ng mga araro at mga asarol, at katlong shekel naman para sa pagpapahasa ng mga kalaykay, palakol at pantaboy sa mga baka. 22 Kaya sa araw ng labanan, walang tabak o sibat na hawak ang lahat ng taong kasama nina Saul at Yonatan. Sina Saul at Yonatan lamang ang mayroon ng mga iyon.
23 Isang pangkat ng mga Pilisteo ang luma¬bas papunta sa lagusan ng Mikmas.

14 • 1 Nang araw ding iyon, sinabi ni Yonatang anak ni Saul sa binatang tagapag¬dala ng kanyang kalasag: “Halika, pumunta tayo sa garison ng mga Pilisteo sa kabila.” Hindi niya ito sinabi sa kanyang ama. 2 Nasa labas noon ng Gibea si Saul, sa lilim ng malaking puno sa Migron. Kasama niya ang mga animnaraang lalaki 3 pati si Ajias na anak ni Ajitub na kapatid ni Ikabod na anak naman ni Finjas na anak ni Eling pari ni Yawe sa Silo. At na kay Ajias ang efod para sa pagsangguni kay Yawe. Hindi alam ng mga tao na umalis si Yonatan.
4 Batuhang talampas ang magkabilang panig ng lagusang sinikap daanan ni Yonatan para marating ang garison ng mga Pilisteo. Tinatawag na Bozez ang isang panig at Sene naman ang kabila. 5 Nakaharap sa hilaga ang isang talampas, sa tapat ng Mikmas, at ang isa nama’y pa-timog sa tapat ng Geba. 6 Sinabi ni Yonatan sa binatang ayudante niya: “Halika, pumunta tayo sa garison ng mga supot na iyon. Baka sakaling tulungan tayo ni Yawe sapagkat hindi ma¬hirap para kay Yawe ang magligtas sa pama¬magitan man ng marami o kaunti.” 7 Su¬ma¬got ang ayudante: “Gawin mo ang anumang iniisip mo. Kasama mo ako ayon sa iyong ka¬loo¬ban.” 8 Sinabi ni Yonatan: “Tingnan mo, lalapit tayo at pakikita sa mga lalaking iyon. 9 Kapag sinabi nilang ‘D’yan lang kayo, kami ang lalapit sa inyo,’ hihinto tayo at hindi lalapit sa kanila. 10 Ngunit kung sabihin naman nilang ‘Lumapit kayo,’ lalapit tayo sa kanila sapagkat iyon ang tanda na ibinigay sila ni Yawe sa ating mga kamay.”
11 Nang makita ng mga Pilisteo ang dalawa, sinabi ng mga ito: “Hayun, lumabas na ang mga Hebreo sa mga lunggang kanilang pinag¬ta¬taguan!” 12 At sinigawan nila sina Yonatan at ang ayudante nito: “Lumapit kayo rito at tuturuan namin kayo ng leksiyon.” At sinabi ni Yonatan sa kanyang ayudante: “Sumunod ka sa akin sa¬pag¬kat ipinaubaya na sila sa kamay ng Israel!” 13 Pagapang na umahon si Yonatan, kasunod ang kanyang ayudante. Nabuwal ang mga Pilis¬teo sa harap ni Yonatan at inutas naman ang mga ito ng kanyang ayudante. 14 Sa unang pagkalupig na iyon na hatid ni Yonatan at ng kanyang ayudante, mga dalawampung katao ang kanilang napatay sa makitid na lugar na dalawandaang talampakan ang haba.
15 Sinaklot ng sindak ang kampo, ang kapaligiran at ang buong bayan. At natakot din ang garison at ang mga mangungu¬limbat.
Parang lindol – at nagkaroon ng matinding sindak! 16 Tumingin ang mga tanod ni Saul na nasa Gibea ng Benjamin, at hayun! nagsipa¬ngalat ang mga Pilisteo at paroo’t paritong nagtatakbuhan. 17 Sinabi ni Saul sa kanyang mga kasama: “Humanay at tingnan kung sino ang nawawala.” At pagkahanay nila, natuklasan nilang wala si Yonatan at ang ayundante nito.
18 Sinabi ni Saul kay Ajias: “Dalhin mo rito ang efod.” Sapagkat si Ajias noon ang may hawak sa efod para sa Israel. 19 Pero habang kinakausap ni Saul ang pari, lalong nag-ibayo ang pagkakagulo sa kampo ng mga Pilisteo. Kaya sinabi ni Saul sa pari: “Iurong mo na ang iyong kamay.” 20 Nag-usap-usap sina Saul at ang lahat niyang tauhan, at sumugod sila sa labanan. At nakita nilang gulung-gulo ang lahat doon, at nagtatagaan ang isa’t isa. 21 Ngayon, bumaligtad ang mga Hebreong dating kakampi ng mga Pilisteo at kasama nilang umahon sa kampo. Pumanig ang mga ito sa mga Israelitang kasama nina Saul at Yonatan. 22 Nang maba¬litaan ng mga Israelitang nagtatago sa kabun¬dukan ng Efraim na nagsisitakas na ang mga Pilisteo, sila naman ang humabol sa mga Pilisteo. 23 Nang araw na iyon, iniligtas ni Yawe ang Israel, at umabot sa kabila pa ng Bet-Horon ang labanan.
24 Nang araw na iyon, samantalang nanghihina na ang mga Israelita, ipinailalim ni Saul sa sumpa ang mga tao: “Sumpain ang sinumang kumain bago gumabi, bago ako makapaghiganti sa aking mga kaaway.” Kaya walang sinu¬mang tumikim ng pagkain.
25 Nagpunta ang lahat sa gubat at may pulot-pukyutan doon. 26 Nagpunta nga ang mga tao sa gubat, at hayun! may tumutulong pulot-pukyu¬tan. Ngunit walang sinumang nagsubo ng kanyang daliri. 27 Subalit hindi narinig ni Yona¬tan ang sumpang ginawa ng kanyang ama sa harap ng bayan. At iniunat niya ang tungkod na hawak niya at idinaw¬daw ang dulo nito sa bahay-pukyutan. Inila¬pit niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig, at nagningning ang kanyang mga mata. 28 At sinabi ng isa sa mga naroon: “Inobliga ng iyong ama ang bayan nang sabihin niyang ‘Sumpain ang taong kakain sa araw na ito!’ bagamat nanghihina na ang mga tao. 29 At sinabi ni Yonatan: “Ginulo ng aking ama ang lupain. Tingnan mo, nag¬karoon ako ng panibagong lakas nang maka¬tikim ako ng kaun¬ting pulot-pukyutang ito. 30 Gaano pa kung malaya lamang naka¬kain ngayon ang mga tao mula sa nasamsam nila sa kanilang mga kaa¬way? Di ba’t mas malaki sana ang naging pag¬katalo ng mga Pilisteo?”
31 Hinabol nila nang araw ding iyon ang mga Pilisteo mula sa Mikmas hanggang Ayalon. Pagod na pagod ang mga taong 32 sumu¬god sa pananamsam, at kinuha nila ang mga tupa at mga baka at mga guya, at kinatay ang mga iyon sa lupa. At kumain ang bayan sa ibabaw ng dugo. 33 Sinabi nila kay Saul: “Tingnan mo, nagkakasala kay Yawe ang bayan sa pagkain sa ibabaw ng dugo.” Sinabi niya: “Para kayong mga pagano! Pagulungin ninyo ngayon dito sa akin ang isang malaking bato.” 34 At sinabi pa ni Saul: “Sige, lumibot kayo sa bayan at sabihin sa kanilang dalhin sa akin ng bawat isa ang kan¬yang baka o tupa. Katayin iyon dito at kai¬nin, ngunit huwag magkasala kay Yawe sa pag¬kain sa ibabaw ng dugo.” Kayat nang gabing iyon, dinala ng bawat isa ang kanilang kinuha sa nasamsan at kinatay doon. 35 At nagtayo ng altar kay Yawe si Saul – ang kauna-unahang altar na itinayo niya para sa kanya.
36 At sinabi ni Saul: “Lumusong kayo ngayon at habulin habang gabi ang mga Pilisteo at samsaman sila hanggang magbukanliwayway. Wala tayong ititirang buhay isa man sa kanila.” At sinabi nila: “Gawin mo ang anumang mabuti sa palagay mo.” Ngunit sinabi ng pari: “Lumapit tayo’t sumangguni sa Diyos.” 37 At itinanong ni Saul sa Diyos: “Lulusong ba ako para habulin ang mga Pilisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel?” Ngunit hindi siya sinagot ng Diyos nang araw na iyon.
38 Kaya sinabi ni Saul: “Lumapit dito ang lahat ng pinuno ng bayan. Tingnan natin at ala¬min kung bakit galit sa atin ang Diyos? 39 Buhay si Yaweng nagligtas sa Israel – kayat tiyak na mamamatay ang taong iyon, ma¬ging siya man ang aking anak na si Yonatan.” Ngunit walang sinumang sumagot kay Saul. 40 At sinabi niya sa buong Israel: “Sige, diyan kayo at dito kami ng anak kong si Yonatan.” Sinabi ng bayan kay Saul: “Gawin ang mabuti sa palagay mo.” 41 At sinabi ni Saul kay Yaweng Diyos ng Israel: “Bakit hindi mo sinagot ngayon ang iyong ling¬kod? Kung nasa akin o sa aking anak na si Yonatan ang pagkakasala, ipakita mo ito sa Urim, ngunit kung ang iyong bayang Israel naman ang nagkasala, ipakita mo ito sa Tummim.” At sina Yonatan at Saul ang nabunot, naiwan ang bayan. 42 Sinabi ni Saul: “Gawin ang palabunu¬tan sa amin ng aking anak na si Yo¬natan.” At si Yonatan ang nabunot.
43 Pagkatapos ay sinabi ni Saul kay Yonatan: “Sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa mo.” At sinabi sa kanya ni Yonatan: “Tumikim lang naman ako ng kaunting pulot-pukyutan sa dulo ng hawak kong tungkod. At dahil dito’y mama¬matay na ako?” 44 Sinabi ni Saul: “Gawin sa akin ng Diyos ito at ito pa, kung hindi ka ma¬ma¬matay, Yonatan.” 45 Ngunit sinabi ng bayan kay Saul: “Dapat bang mamatay si Yonatan na si¬yang naghatid ng malaking tagumpay na ito sa Israel? Hindi maaari! Buhay si Yawe at wala isa mang buhok sa kanyang ulo ang malalaglag sa lupa sapagkat gumawa siya ngayon kasama ng Diyos.” Kaya nasagip ng bayan si Yonatan.
46 At itinigil na ni Saul ang paghabol sa mga Pilisteo; umuwi naman ang mga Pilisteo sa ka-nilang lugar.
47 Nang hawak na ni Saul ang kaharian ng Israel, nakipaglaban siya sa lahat niyang ka¬away sa buong paligid: sa Moab, sa mga Amo¬nita, sa Edom, sa mga hari ng Soba at sa mga Pilisteo. At nagtatagumpay siya saan¬man siya bumaling. 48 Buong giting niyang nilupig ang mga Ama¬lecita at sinagip ang Israel mula sa kamay ng mga mangu¬ngu¬limbat.
49 Sina Yonatan, Isvi at Melkisua ang mga anak na lalaki ni Saul; si Merob naman ang kan-yang panganay na babae at si Micol ang bunso. 50 Si Ahinoam na anak ni Ajimas ang kanyang asawa. At si Abner na anak ni Ner na tiyo ni Saul ang heneral ng kanyang hukbo. 51 Mga anak ni Abiel si Kish na ama ni Saul at si Ner na ama ni Abner.
52 Buong buhay at buong dahas na na¬kipag¬laban si Saul sa mga Pilisteo. Kaya isinasama ni Saul sa kanyang hukbo ang sinumang lala¬king makita niyang malakas o matapang.
Hindi sinunod ni Saul ang utos ng Diyos
15 1 Sinabi ni Samuel kay Saul: “Isinugo ako ni Yawe upang pahiran ka bilang hari ng kanyang bayang Israel. Makinig ka ngayon sa tinig ni Yawe. 2 Ito ang sinasabi ni Yawe ng mga Hukbo. Parurusahan mo ang Amalek dahil sa ginawa niya sa Israel sapagkat humarang siya sa daan nang lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto. 3 Lusubin mo ngayon ang Amalek at ga-nap na puksain ayon sa batas ng anatema ang lahat ng kanya. Huwag mo siyang kahahabagan, patayin lalaki’t babae, bata at pa¬susuhin, baka at tupa, kamelyo at asno.”
4 Ipinatawag ni Saul ang kanyang mga tau¬han at inihanay sila sa Telam – dalawan¬daang libong lalaking-lakad at sampung libong lalaking taga-Juda. 5 Pinuntahan ni Saul ang mga bayan ng Amalek, tumam¬bang sa makipot na daan 6 at nagbabala sa mga Kenita: “Sige, uma¬lis na ka¬yo at iwan ang mga Amalecita para hindi kayo ma¬puk¬sang kasama nila sapagkat pinagma¬gan-dahang-loob ninyo ang lahat ng Israelita nang lumabas sila sa Ehipto.” Kayat umalis ang mga Kenita sa Amalek.
7 Nilupig ni Saul ang mga Amalecita mula sa Evila hanggang sa may bungad ng Sur sa si-langan ng Ehipto. 8 Nabihag niyang buhay si Agag na hari ng Amalek ngunit nilipol sa tabak ang buong bayan. 9 Pinabayaan nga ni Saul at ng kanyang mga tauhan na mabuhay si Agag at ang pinakamagaganda sa mga tupa at mga baka, sa mga pinatabang guya at mga kordero. Hindi nila nilipol ang lahat ng mainam ngunit ganap na pinuksa para kay Yawe ang lahat ng walang silbi at walang kabuluhan.
10 At dumating kay Samuel ang salita ni Yawe: 11 “Pinagsisisihan ko’t pinapaghari ko si Saul sapagkat tinalikuran na niya ako at hindi tinupad ang aking mga utos.” Masama ang loob ni Samuel at magdamag siyang dumaing kay Yawe.
12 Maagang gumising si Samuel kina¬bukasan para puntahan si Saul ngunit may naka¬pagsabi sa kanya na nagpunta si Saul sa Karmel at nag¬tayo roon ng isang ban¬tayog para sa kanyang sarili at pag¬katapos ay nagtuloy sa Gilgal. 13 Pinuntahan ni Samuel si Saul, at sinabi ni Sa¬ul: “Pagpalain ka ni Yawe.
Natupad ko na ang mga utos ni Yawe.” 14 Ngu¬nit sinabi ni Samuel: “Kung gayo’y ano ang ibig sabihin ng naririnig kong iyakan ng mga tupa at unga ng mga ba¬ka?” 15 Sumagot si Saul: “Dinala nila ang mga iyon galing sa Amalek sa¬pagkat itinabi ng mga tao ang pinaka¬ma¬gaganda sa mga tupa at mga baka para ihandog kay Yaweng Diyos mo, pero nilipol naman namin ang iba pa.”
16 At sinabi ni Samuel kay Saul: “Tama na! Sasabihin ko sa iyo ang sinabi sa akin ni Yawe kagabi.” Sumagot si Saul: “Sabihin mo.” 17 At sinabi ni Samuel: “Di ba’t naging pinuno ka ng mga tribu ng Israel gayong maliit ang tingin mo sa iyong sarili? Pinahiran ka ni Yawe bilang hari ng Israel. 18 Isinugo ka ni Yawe sa pagsalakay at iniutos sa iyong humayo at ganap na puksain ayon sa anatema ang mga makasalanan, ang mga Amalecita, at labanan sila hanggang ma¬lipol. 19 Bakit di ka nakinig sa tinig ni Yawe, at sa halip ay sinunggaban ang mga nasamsam at gi¬nawa ang masama sa mata ni Yawe?”
20 At sinabi ni Saul kay Samuel: “Sinunod ko ang tinig ni Yawe at tinupad ang kanyang ipina-gagawa. Binihag ko si Agag na hari ng Amalek at pinuksa ang mga Amalecita. 21 Kinuha nga ng mga tao ang pinakamagaganda sa mga tupa at mga baka mula sa mga nasamsam na naka¬talaga sa anatema pero para lamang isa¬kripisyo sa Gilgal kay Yaweng Diyos mo.”
22 Ngunit sinabi ni Samuel: “Nalulugod kaya si Yawe sa mga sinunog na handog at mga sakripisyo gaya ng sa pagsunod sa tinig ni Yawe? Mas mabuti ang pagsunod kaysa sakri¬pisyo, at ang pakikinig kaysa taba ng mga ba¬rakong tupa. 23 Gaya ng pagka¬ka¬salang pang¬¬¬¬huhula ang pagsuway, at ang katigasan ng ulo gaya ng kasamaan ng pagsamba sa mga diyus-diyusan.
Dahil isinaisantabi mo ang salita ni Yawe, isinaisantabi ka rin niya bilang hari.”
24 At sinabi ni Saul kay Samuel: “Nagka¬sala ako sa pagsuway sa utos ni Yawe at sa iyong mga tagubilin. Natakot ako sa bayan kayat ti¬nig nila ang aking pinakinggan. 25 Patawarin mo sana ngayon ang aking kasalanan at samahan ako sa pagsamba kay Yawe.”
26 Ngunit sinabi ni Samuel kay Saul: “Hindi kita masasamahan sapagkat isina¬isantabi mo ang salita ni Yawe at isinaisan¬tabi ka na ni Yawe bilang hari ng Israel.” 27 Pagtalikod ni Samuel para umalis, hina¬wakan ni Saul ang laylayan ng damit nito, at napunit iyon. 28 Sinabi ni Samuel sa kanya: “Pinunit na ngayon ni Yawe ang ka¬harian ng Israel mula sa iyo, at ibinigay ito sa iyong kapwa na mas mabuti kaysa iyo. 29 Hindi nagbabago o nagsisisi ang Luwalhati ng Israel, di tulad ng tao.”
30 Sinabi naman ni Saul: “Nagkasala ako! Ngunit parangalan mo naman sana ako sa harap ng matatanda ng aking bayan at sa harap ng Israel. Samahan mo ako para sumamba kay Yaweng Diyos mo.” 31 Kaya bumalik si Samuel at sinamahan si Saul na sumamba kay Yawe.
32 At sinabi ni Samuel: “Dalhin mo sa akin si Agag na hari ng Amalek.” Masaya pang humarap si Agag kay Samuel, sa pag-aakalang ligtas na siya sa mapait na kama¬tayan. 33 Ngu¬nit sinabi ni Samuel: “Kung paanong inulila sa anak ng iyong tabak ang mga babae, gayon din naman uulilahin sa anak ang iyong ina.” At tinagpas ni Samuel si Agag sa harap ni Yawe sa Gilgal.
34 Umuwi si Samuel sa Rama ngunit uma¬hon naman si Saul sa kanyang bahay sa Gibea ni Saul. 35 At hindi na muling nakipag¬kita si Samuel kay Saul hanggang sa araw na mama¬tay siya. Nagluksa ni Samuel dahil kay Saul na pinagsisihan ni Yawe ang pagka¬kagawang hari ng Israel.
Pinahiran ni Samuel si David
16 • 1 Sinabi ni Yawe kay Samuel: “Hanggang kailan mo ipag¬luluksa si Saul matapos ko siyang isa¬isantabi bilang hari ng Israel? Punuin mo ng langis ang sungay na iyong si¬sidlan, gusto kong puntahan mo si Jese na taga-Betlehem sa¬pagkat pinili ko ang isa sa kanyang mga anak na lalaki para maging hari ko.”
2 Itinanong ni Samuel: “Paano ako ma¬ka¬lalakad? Kapag nabalitaan ito ni Saul, papatayin niya ako!” Sumagot si Yawe: “Magdala ka ng dumalagang baka at sabihing ‘Naparito ako para maghandog kay Yawe.’ 3 Anyayahan mo si Jese sa pag¬hahandog at ipaa¬alam ko sa iyo ang gagawin mo. Papa¬hiran mo ng langis para sa akin ang sasabihin ko sa iyo.”
4 Ginawa nga ni Samuel ang iniutos ni Yawe. Pagdating niya sa Betlehem, takot na sinalubong siya ng matatanda ng lunsod at sinabi sa kanya: “Kapaya¬paan ba ang hatid mo sa amin?” 5 Suma¬got si Samuel: “Kapayapaan. At napa¬rito ako para maghandog kay Yawe. Linisin ninyo ang inyong sarili at suma¬ma sa akin sa paghahandog.” Pinapag¬linis din niya si Jese at ang mga anak na lalaki nito at inanyayahan sila sa pag¬hahandog.
6 Nang dumating sila, nakita ni Samuel si Eliab, at inisip niyang “Tiyak na ito na ang pinahiran ni Yawe.” 7 Ngunit sinabi ni Yawe kay Samuel: “Huwag mong tingnan ang kanyang itsura o taas, sapagkat isina¬isantabi ko siya. Di pareho sa tingin ng tao ang tingin ni Yawe. Nakakakita ang tao sa pamama¬gitan ng kanyang mata pero ang puso ang nakikita ni Yawe.”
8 Tinawag naman ni Jese si Abinadab at pinadaan sa harap ni Samuel, ngunit sinabi nitong “Hindi rin ito ang hinirang ni Yawe.” 9 At pinadaan ni Jese si Shamma pero sinabi ni Samuel: “Hindi rin ito ang hinirang ni Yawe.” 10 Pinadaan ni Jese sa harap ni Samuel ang pito niyang anak na lalaki pero sinabi ni Samuel kay Jese: “Walang hinirang si Yawe sa mga ito.”
11 Kaya itinanong ni Samuel kay Jese: “Ito na bang lahat ang iyong mga binata?” Sumagot si Jese: “Mayroon pang pinakabunso, at siya ang nag-aalaga sa kawan ngayon.” Sinabi ni Samuel: “Ipatawag mo siya at dalhin sa akin sapagkat hindi tayo dudulog sa hapag para kumain hanggang hindi siya duma¬rating.”
12 Kaya ipinasundo ito ni Jese at dinala kay Samuel. Mamula-mula siya, may ma¬gagandang mata at guwapo. At sinabi ni Yawe: “Sige, pahiran mo siya ng langis sapagkat ito na nga siya.” 13 Kinuha ni Samuel ang sungay ng la¬ngis at pinahiran siya sa harap ng kanyang mga kapatid. Mula sa araw na iyon, nagsimulang gu¬mawa kay David ang Espiritu ni Yawe.
At pagkatapos, nagpunta si Samuel sa Rama.
• 14 Umalis naman ngayon ang Espiritu ni Yawe kay Saul at ipinadala rito ni Yawe ang isang masamang espiritu kaya nawala ito sa sarili. 15 Sinabi ng mga alipin ni Saul sa kanya: “Tingnan ninyo, nawawala kayo sa inyong sa¬r¬i¬li ngayon dahil sa masamang espiritung padala ng Diyos. 16 Sabihin nga¬yon ng aming panginoon sa kanyang mga aliping nakatayo sa in¬yong harap na hu-manap ng isang marunong tumugtog ng lira. At pagdating sa inyo ng ma¬samang espi¬ri¬tung mula sa Diyos, tutugtog siya at gigin¬hawa ang inyong pakiramdam.”
17 Sumagot si Saul: “Humanap kayo nga¬yon ng isang magaling tumugtog ng lira at dalhin sa akin.” 18 Sinabi ng isa sa mga alipin: “Nakita ko ang isang anak ni Jeseng taga-Betlehem – ma-runong siyang tumugtog ng lira, matapang, lalaking-lalaki, isang mandi¬rigma, matalino sa pagsasalita at sumasa¬kanya si Yawe.”
19 Kaya nagpadala ng mga sugo si Saul kay Jese at ipinasabing “Papuntahin mo sa akin si David, ang anak mong kasama ng mga kawan.” 20 Isinakay ni Jese sa isang asno ang tinapay, isang boteng alak at isang batang kambing, at ipinadala kay Saul ang mga ito kasama ng kan-yang anak na si David. 21 Nagpunta si David kay Saul at naglingkod sa kanya. Lubos na ki¬na¬-giliwan ni Saul si David at ginawa niya itong tagpag¬dala ng kanyang kalasag. 22 At ipinasabi ni Saul kay Jese: “Bayaan mo nang ma¬natili sa paglilingkod sa akin si David sapagkat kalugud-lugod siya sa akin.”
23 At tuwing dumarating kay Saul ang masamang espiritung mula sa Diyos, kuku¬nin naman ni David ang kanyang lira at tutugtog. At gumi¬ginhawa at bumubuti si Saul, at iniiwan siya ng masamang espiritu.

17 1 Tinipon ng mga Pilisteo ang kani¬lang mga hukbo para sa labanan. Nagtipon sila sa Soko ng Juda, at nagkampo sa Efes-Damim, sa gitna ng Soko at Azeca. 2 Samantala, nagtipon naman si Saul at ang mga Israelita, at nagkampo sa lambak ng Ela at pumusisyon para makipaglaban sa mga Pilisteo. 3 Nasa isang burol ang mga Pilisteo at nasa kabilang burol naman ang mga Israelita: isang lambak ang pagitan nila.
David at Goliat
• 4 Isang lalaki ang lumabas mula sa kampo ng mga Pilisteo at naghaha¬nap ng kalaban – Goliat ang pangalan niya, taga-Gat at higit sa siyam na ta¬lampakan ang taas. 5 Tanso ang helmet niya sa kanyang ulo at nakaarmor siya na may kaliskis na metal, animnapung kilo ang bigat ng kan¬yang armor. 6 May baluting tanso ang kanyang mga binti at nakasakbat ang isang tansong sibat sa kanyang likod. 7 Sinlaki naman ng baras ng manghahabi ang ka¬hoy na hawakan ng kanyang sibat at pi¬tong kilo ang bigat ng talim nito.
Nasa unahan niya ang tagapagdala ng kanyang kalasag. 8 Tumayo siya at hinamon ang hanay ng mga Israelita: “Ba’t kailangan pa kayong humanay para sa labanan? Pilisteo ako at mga tauhan na¬man kayo ni Saul! Pumili kayo ng isang lalaking kakatawan sa inyo at paharapin sa akin. 9 Kung kaya niyang lumaban sa akin at mapatay niya ako, masasakop ninyo kami. Pero kung madaig ko naman siya at ma¬patay, masasakop naman namin kayo at mag¬lilingkod sa amin.”
10 Idinagdag pa ng Pilisteo: “Hinahamon ko ngayon ang mga hanay ng Is¬rael! Iharap ninyo sa akin ang inyong kampeon para kami ang maglaban!”
11 Nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang salitang ito ng Pilisteo, nasiraan sila ng loob at labis na natakot.
12 Si David ay anak ng isang lalaking Efra¬teong taga-Betlehem ng Juda, Jese ang kanyang pangalan at may walo siyang anak na lalaki. Matanda na si Jese sa kapanahunan ni Saul, ngunit nagpadala siya ng mga lalaki sa hukbo. 13 Tatlo sa nakatatanda niyang mga anak ang sumama kay Saul sa digmaan: sila si Eliab na pinakapanganay, ang panga¬lawang si Abinadab at ang pangatlong si Shamma. 14 Si David naman ang pinaka¬bunso. Sumama nga kay Saul ang tatlong nakatatanda 15 at pabalik-balik lamang si David kay Saul dahil siya ang nag-aalaga sa kawan ng kanyang ama sa Bet¬lehem. 16 Apatnapung araw na araw-gabing humaharap ang Pilisteo.
17 At sinabi ni Jese kay David na kanyang anak: “Dalhin ang isang salop na ito ng binu¬sang trigo at sampung tinapay sa iyong mga kapatid. Magmadali ka sa pagpunta sa kanilang kampo. 18 At dalhin mo naman ang sampung hiwang ito ng keso sa pinuno ng sanlibo. Kumustahin mo ang lagay ng iyong mga kapatid at uwian mo ako ng anumang alaala mula sa ka¬nila.”
19 Kasama sila noon ni Saul pati ang lahat ng kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, at naki-kipaglaban sa mga Pilisteo.
20 Maagang gumising si David kinabukasan at iniwan ang mga tupa sa isang pastol. Dinala niya ang mga pagkain at umalis gaya ng iniutos ni Jese. Dumating siya sa kampo samantalang paalis na ang hukbo para humanay sa labanan at inihihiyaw nila ang sigaw-pandigma. 21 Mag-kakaharap na pu¬mu¬sisyon ang mga Israelita at mga Pilisteo. 22 Kayat iniwan ni David ang kan-yang mga dala sa bantay ng mga gamit at pa¬¬takbong pinuntahan ang hukbo para kumus¬ta¬hin ang kanyang mga kapatid.
23 Samantalang nakikipag-usap siya sa mga ito, hayu’t sumugod mula sa hanay ng mga Pilisteo ang lalaking naghahanap ng kalaban, Goliat ang kanyang pangalan, ang Pilisteong taga-Gat. Isinigaw nito ang dating paghamon, at narinig iyon ni David. 24 Pag¬kakita ng mga Israelita sa lalaki, nagtak¬buhan silang takot na takot 25 at sinabi sa isa sa kanila: “Nakita ba ninyo ang lala-king iyon na sumusugod para hamunin ang Israel? Sinumang makapatay sa kanya’y lubos na payayamanin ng hari. Ipaka¬kasal din niya rito ang kanyang anak na dalaga, at hindi na magbubuwis ang sambahayan ng kanyang ama sa Israel.”
26 Tinanong ni David ang kanyang mga ka¬tabi: “Ano ang gagawin sa makakapatay sa Pilisteong ito at makapag-aalis sa kahihiyang ito mula sa Israel? At sino ang supot na Pilisteong ito para hiyain ang hukbo ng Diyos na buhay?” 27 At inulit ng mga tao sa kanya ang mga salitang ito: “Ganito ang gagawin sa ma¬kakapatay sa kanya.”
28 Nang marinig ni Eliab na kuya niya na nakikipag-usap siya sa mga tao, kinagalitan nito si David at sinabing “Ba’t ka narito? Kanino mo iniwan ang ilang mga tupa sa disyerto? Alam kong walanghiya ka at likas na masama: na¬parito ka para lamang panoorin ang labanan.” 29 Nagtanong si David: “Ano ba ang nagawa ko ngayon? Di na ba ako puwedeng magtanong?” 30 Iniwan siya ni David at bumaling sa iba at ti¬nanong din iyon, at ganoon din ang naging sagot nito sa kanya.
31 Nakarating kay Saul ang mga sinabi ni David, at ipinatawag siya ni Saul.
32 Sinabi ni David kay Saul: “Huwag masiraan ng loob ang sinuman dahil sa kanya! Ang inyong lingkod ang haharap at makikipaglaban sa Pilisteong ito!” 33 Sinabi ni Saul kay David: “Hindi mo ka¬yang harapin ang Pilisteong ito para makipaglaban sa kanya sapagkat bata ka pa, samantalang ang lalaking ito’y na¬ki¬kipagdigma na sapul pa sa kanyang ka¬ba¬taan.”
34 Ngunit sinabi ni David kay Saul: “Pastol ng mga tupa ng kanyang ama ang inyong lingkod. At kapag may du¬mating na leon o oso at may tina¬ngay itong tupa mula sa kawan, 35 hinahabol ko ito at hina¬¬hampas at nasa¬sagip ko ang tupa mula sa bibig nito. At kapag sinunggaban ako nito, hinahawakan ko ito sa kanyang balahibo at hina¬hampas hanggang ma¬ma¬¬tay. 36 Na¬ka¬patay na ng leon at oso ang inyong lingkod, at matutulad sa mga iyon ang supot na Pilisteong ito sapagkat hi¬niya niya ang hukbo ng Diyos na buhay.” 37 Nagpatuloy si David: “Si Yawe na nag-ligtas sa akin sa kuko ng mga leon at oso ang siya ring magliligtas sa akin sa kamay ng Pilisteong ito.”
Kaya sinabi ni Saul kay David: “Sige, at sumaiyo nawa si Yawe.”
38 Isinuot ni Saul kay David ang kanyang damit pandigma, isinuklob ang tansong helmet sa ulo nito at isinuot ang kanyang armor dito. 39 Isinakbat naman ni David ang tabak ni Saul sa kanyang armor. Sinubukan muna ni¬yang lumakad sapagkat hindi siya sanay sa mga ito. At sinabi ni David kay Saul: “Hindi ako ma¬kalakad nang may mga ganito sapag¬kat hindi ako sanay sa mga ito.” Hinubad ni David ang lahat ng iyon, 40 at hinawa¬kan ang kanyang tungkod, pumili ng limang makikinis na bato mula sa ilog at ini¬lagay sa bulsa ng kanyang bag-pastol. At ha¬wak ang kan¬yang tirador, lumapit siya sa Pilisteo.
41 Humakbang ang Pilisteo na pina¬ngungunahan ng tagapagdala ng kanyang kalasag palapit kay David. 42 Tu¬mingin ang Pilisteo at hinamak niya si David nang makita niyang isang totoy pala lamang ito at mamula-mula at gu¬wapo. 43 At sinabi ng Pilisteo kay David: “Aso ba ako para lapitan mong may da¬lang patpat?” Isinumpa si David ng Pilis¬teo sa kanyang mga diyos, 44 at si-nabi: “Halika rito at ibibigay ko ang iyong la¬man sa mga ibon sa langit at sa mga hayop sa gubat.”
45 Sinagot ni David ang Pilisteo: “Hina¬harap mo ako nang may tabak, sibat at tulos pero hinaharap kita sa ngalan ni Yawe ng mga Hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel na iyong hinamak. 46 Ipa¬uubaya ka ni Yawe sa aking mga kamay sa araw na ito at pababagsakin kita at pu¬¬pu¬gutan ng ulo. At sa araw ding ito, ibi¬bigay ko ang bangkay ng mga hukbong Pilisteo sa mga ibon sa langit at sa ma¬babangis na hayop sa lupa, at malalaman ng sangkalupaan na may Diyos sa Israel. 47 Malalaman ng lahat ng natitipon dito na hindi sa pama¬magitan ng tabak at sibat nagli¬ligtas si Yawe; kay Yawe ang labanan, at ibinigay na niya kayo sa aming mga kamay.”
48 Pagkilos ng Pilisteo para sugurin si David, patakbo itong sinalubong ni David. 49 Dumukot si David sa kanyang bag at kumuha ng isang bato, inilagay iyon sa tirador at tinamaan sa noo ang Pilisteo. Bumaon ang bato sa kanyang noo at padapang nabuwal sa lupa ang Pilisteo. 50 Nagtagumpay si David laban sa Pilisteo sa pamamagitan ng tirador at bato, na¬igupo niya ang Pilisteo nang walang ha¬wak na tabak. 51 Su¬mugod si David, tumuntong sa likod ng Pilisteo, kinuha ang tabak nito at binunot sa kaluban at pina¬tay siya sa pagpugot sa kanyang ulo.
Nagtakbuhan ang mga Pilisteo nang makita nilang patay na ang kanilang kampeon.
52 Sumigaw naman ang mga lalaki ng Israel at Juda, at hinabol ang mga Pilisteo hanggang sa may bungad ng Gat at sa mga pintuan ng Ekron. Nabuwal ang mga sugatang Pilisteo sa daan mula sa Saaraim hanggang Gat at Ekron. 53 Bu¬malik ang mga Israelita matapos habulin ang mga Pilisteo, at nangulimbat sila sa kampo ng mga ito. 54 Kinuha ni David ang ulo ng Pilis¬teo at dinala sa Jerusalem ngunit inilagay niya ang sandata nito sa kanyang tolda.
55 Nang makita ni Saul kung paano hinarap ni David ang Pilisteo, sinabi niya kay Abner na heneral ng hukbo: “Abner, kaninong anak ang binatang iyan?” Sinabi ni Abner: “Mahal na hari, isinusumpa kong hindi ko alam!” 56 Sinabi ng hari: “Ipagtanong mo kung kaninong anak ang binatang iyan.”
57 Nang bumalik si David, matapos niyang patayin ang Pilisteo dinala ni Abner kay Saul si David na hawak pa ang ulo ng Pilisteo. 58 Sinabi ni Saul sa kanya na nakatayo sa harap niya: “Kanino kang anak, binata?” Sumagot si David: “Anak ako ng inyong lingkod na si Jeseng taga-Betlehem.”
David, Saul, at Yonatan
18 • 1 Pagkatapos makipag-usap ni David kay Saul, ibinuklod ni Yo¬natan ang kan¬yang sarili kay David at minahal niya ito gaya ng kanyang sarili. 2 Isinama ni Saul si David nang araw na iyon at hindi niya ito pinauwi sa bahay ng kanyang ama. 3 At naki¬pagkasunduan si Yonatan kay David sapagkat mahal niya ito gaya ng kanyang sarili.
4 Hinubad ni Yonatan ang kanyang suot na kapa at ibinigay kay David. Ibinigay din niya ang kanyang armor pati ang kanyang tabak at pana at sinturon. 5 Pumupunta si David saanman siya papuntahin ni Saul, at nagtatagumpay naman siya. Kaya ginawa ni Saul si David na pinuno ng mga mandirigma; namabuti naman ito ng bu¬ong bayan at ng mga opisyal ni Saul.
6 Nang bumalik sila matapos patayin ni David ang Pilisteo, naglabasan ang mga babae sa lahat ng lunsod ng Israel para salubungin si Haring Saul nang may awitan at sayawan, may masa-sayang kantahan, may mga tamburin at alpa. 7 At inawit ng mga babaeng nagkakasa¬yahan:
“Napatay ni Saul ang kanyang libu-libo, at ni David naman ang kanyang laksa-laksa.”
8 Lubha itong ikinagalit at minasama ni Saul, at sinabi: “Kay David nila ibinigay ang laksa-laksa pero libu-libo lamang ang sa akin! Ang paghahari na lamang ang wala sa kanya.” 9 Mula noon, sumama na ang tingin ni Saul kay David.
10 Kinabukasan, nilukuban si Saul ng isang masamang espiritu mula sa Diyos, at nagsi¬mula siyang magwala sa loob ng kanyang ba¬hay. Kaya tinugtog ni David ang lira tulad ng dati niyang ginagawa. May hawak namang sibat si Saul, 11 at sinibat niya si David habang iniisip na “Ipapako ko si David sa dingding.” Ngunit makalawang beses na nakailag si David.
12 Kinatakutan ni Saul si David sapagkat na kay David si Yawe ngunit iniwan na si Saul. 13 Kaya inilayo niya si David sa kanya at ginawa itong pinuno ng sanlibo at pina¬mu¬nuan naman nito ang kanyang mga tauhan. 14 Naging ma¬tagumpay si David sa lahat niyang mga lakad sapagkat suma¬sakanya si Yawe. 15 Nang makita ni Saul na lubos siyang nagtatagumpay, lalo siyang natakot sa kanya. 16 Ngunit mahal naman ng buong Israel at Juda si David sapagkat pinamunuan niya ang mga ito. 17 Sinabi ni Saul kay David: “Hayan si Merab, ang panganay kong dalaga. Ipakakasal ko siya sa iyo, maging matapang na pinuno ka lamang at ipaglaban ang mga laban ni Yawe.” Sapagkat iniisip ni Saul na “Hindi ko siya pagbubuhatan ng kamay. Ang mga Pilisteo ang bahala sa kanya.” 18 Sinabi ni David kay Saul: “Sino ba ako? Sino ba sa Israel ang aking pamilya o ang angkan ng aking ama para maging manu¬gang ako ng hari?” 19 Ngunit nang sumapit ang araw para ipakasal kay David si Merab na anak ni Saul, ipinakasal ito kay Adriel na taga-Mehola.
20 Umibig naman kay David ang anak na dalaga ni Saul na si Micol. Nasiyahan si Saul nang malaman niya iyon, 21 sapagkat naisip niyang “Ipakakasal ko siya kay David at magi¬ging bitag ito para sa kanya. At ang mga Pilis¬teo ang bahalang pumatay sa kanya.” Kaya muling sinabi ni Saul kay David: “Magi¬ging manugang kita ngayon.” 22 At iniutos ni Saul sa kanyang mga utusan na kausapin nang sarilinan si David at sabihing “Alam mo, gusto ka ng hari at mahal ka ng lahat niyang lingkod. Maging manugang ka na ngayon ng hari!” 23 Inulit-ulit ng mga utusan ni Saul ang mga salitang iyon kay David. Sinabi naman ni David: “Sa tingin ba ninyo’y basta-basta lamang ang maging ma¬¬nu¬gang ng hari? Pobre lamang ako at di kilala.” 24 Nang sabi¬hin ng mga utusan kay Saul ang sagot ni David, 25 sinabi ni Saul: “Sabihin ninyo kay David na walang hini¬hinging dote ang hari liban sa sandaang balat na tinuli sa mga Pilisteo bilang paghihiganti sa kanyang mga kaaway,” sa¬pag¬kat hangad ni Saul na ma¬hulog si David sa ka¬may ng mga Pilisteo.
26 Sinabi ito ng kanyang mga utusan kay David, at madali naman pala ang maging ma¬nugang ng hari! Hindi pa sumasapit ang takdang panahon, 27 lumakad na si David at ang kanyang mga tauhan at pinatay ang dalawanda¬ang Pilis¬teo. Dinala ni David ang balat na tinuli sa kanila at iniharap sa hari ang buong bilang nito para maging manugang ng hari. Kaya ipi¬nakasal ni Saul kay David ang kanyang anak na si Micol.
28 Naunawaan ni Saul na na kay David si Yawe. Ngunit mahal ni David si Micol na anak ni Saul. 29 Lalo pang kinatakutan ni Saul si Da¬vid at naging kaaway niya ito hanggang sa wa¬kas ng kanyang buhay.
30 Tuwing makikipagsagupa ang mga pinu¬nong Pilisteo kay David, si David ang nagta-tagumpay higit sa kanino pa mang opisyal ni Saul kayat tumanyag ang kanyang pangalan.

19 • 1 Sinabi ni Saul kay Yonatan na kanyang anak at sa lahat niyang utusan kung paano papatayin si David. Ngunit gustung-gusto ni Yonatan si David, 2 at sinabi niya kay David: “Gusto kang patayin ng aking amang si Saul. Mag-ingat ka sana bukas ng umaga at magtago sa isang lihim na lugar at dumoon ka muna. 3 Lalabas ako at sasamahan ang aking ama sa ka¬parangang kinaroroonan mo, at kaka¬usapin ko siya tungkol sa iyo. Ti¬tingnan ko kung ano ang kanyang iniisip at sa¬sa¬bihin ko ito sa iyo.”
4 Sinabi ni Yonatan ang mabuti tungkol kay David kay Saul na kanyang ama, at sinabi niyang “Huwag itulot ng hari na magkasala siya sa kanyang lingkod na si David sapagkat hindi siya nagkakasala sa inyo kundi para sa inyong kabutihan pa nga ang kanyang mga ginawa. 5 Isinuong niya sa panganib ang kanyang buhay nang patayin niya ang Pilisteo at naghatid si Yawe ng malaking tagumpay sa buong Israel. Nakita ninyo mismo ito at kayo’y nagalak. Ba’t kayo ngayon magkakasala sa dugong walang kasalanan, sa pagpatay kay David nang wa¬lang dahilan?” 6 Pinakinggan ni Saul ang paki¬usap ni Yonatan at isinumpang “Saksi ko si Yawe, hinding-hindi siya papatayin.” 7 Kayat tinawag ni Yonatan si David at sinabi sa kanya ang lahat ng ito. At dinala ni Yo¬na¬tan si David kay Saul, at muling naglingkod si David kay Saul tulad ng dati.
8 Muling sumiklab ang digmaan, at lumakad si David para lumaban sa mga Pilisteo. Grabe ang pagkalupig nila kay David kaya napilitan silang tumakas. 9 Ngunit sinaklot si Saul ng isang masamang espiritu mula kay Yawe ha¬bang nakaupo siya sa kanyang bahay, hawak ang kanyang sibat samantalang tumutugtog si David. 10 Ti¬nangka ni Saul na ipako sa dingding si David sa pamamagitan ng kanyang sibat. Ngunit nakailag si David at sa dingding tumama ang sibat, at tumakas si David.
11 Nang gabi ring iyon, nagpadala ng mga sugo si Saul sa bahay ni David para bantayan ito at patayin kinaumagahan. Ngunit sinabi kay David ni Micol na kanyang asawa: “Mapapatay ka bukas kung hindi mo ililigtas ang iyong sarili ngayong gabi.” 12 Kaya pinababa ni Micol si David sa bintana, at umalis siya at tumakas.
13 Kinuha naman ni Micol ang isang diyus-diyusang pambahay, inihiga ito sa kama at nilagyan ng balahibo ng kambing sa ulunan, at saka kinumutan. 14 Nang ipadala ni Saul ang mga sugo para dakpin si David, sinabi ni Micol: “May sakit siya.” 15 Pinabalik ni Saul ang kanyang mga inutusan para tingnan si David at sinabing “Dalhin ninyo siya sa akin kahit naka¬higa para mapatay ko siya.” 16 Ngunit nang pu¬masok ang mga sugo, ang diyus-diyusan ang nasa kama at may bala¬hibo ng kambing sa ulu¬nan. 17 Kaya sinabi ni Saul kay Micol: “Ba’t mo ’ko nilinlang at pinatakas ang aking kaaway?” Sumagot si Micol: “Sinabi niya sa aking papatayin niya ako kung hindi ko siya paaalisin!”
Si Saul at ang mga propeta
• 18 Umalis si David at tumakas. Pi¬nun¬tahan niya si Samuel sa Rama at isi¬na¬laysay ang lahat ng ginawa sa kanya ni Saul. At magkasama silang pumunta ni Samuel sa Mga Kuweba at doon nanira¬han.
19 Nabalitaan ni Saul na nasa Mga Kuweba ng Rama si David 20 kayat nag¬padala siya ng mga sugo upang dakpin siya.
Ngunit nang makita nila ang isang pangkat ng mga propeta na nagpopro¬pesiya, na ibig sabihi’y wala sa sarili, kasama ni Samuel na nakatayo roon bilang pinuno, nilukuban din ng espiritu ng Diyos ang mga sugo ni Saul at nag¬propesiya rin sila.
21 Nang malaman ni Saul ang nang¬yari, nagpadala siya ng iba pang mga sugo ngunit nagpropesiya rin ang mga ito. Sa ikatlong pagkakataon, nagpa¬dala si Saul ng mga sugo at nagpro¬pesiya rin sila.
22 Kayat siya na mismo ang nag¬punta sa Rama at dumating siya sa malaking balon sa Seku. Nagtanong siya: “Nasaan sina Samuel at David?” Sinabi nila: “Nasa Mga Kuweba sila ng Rama.” 23 Kaya nagpunta si Saul sa Mga Kuweba ng Rama, ngunit nilu¬kuban din siya ng Es¬piritu ng Diyos. At nagpropesiya siya sa kanyang pagla¬kad hanggang sa Mga Kuweba ng Rama. 24 Hinubad niya ang kanyang damit at nagpropesiya rin sa harap ni Samuel. At nabuwal siya sa lupa at mag¬hapo’t magdamag na hubo’t hu¬bad.
Kaya sinabi nilang “Kabilang na rin ba si Saul sa mga propeta?”

20 1 Tumakas si David mula sa Mga Kuweba ng Rama at nag¬punta kay Yonatan at sinabi sa harap niya: “Ano ang nagawa ko? Ano ang kasalanan ko? Anong krimen ang na¬gawa ko sa harap ng iyong ama at ha¬ngad niya akong pata¬yin?”
2 Sumagot si Yonatan: “Hindi! Hindi ka mamamatay. Tingnan mo, walang ginagawa ang aking ama, maliit na ba¬gay man o malaki, na hindi niya si¬na¬sabi sa akin. Bakit niya ililihim sa akin ang bagay na ito? Hindi, hindi ito ma¬aari.” 3 Ngunit sumumpa si David at si¬nabing “Alam na alam ng iyong ama na mabuti ang pagtingin mo sa akin kaya inisip niyang hindi mo ito dapat malaman at tiyak na malulungkot ka. Ngunit saksi ko si Yawe, iisang hak¬bang na la¬mang ang layo ko sa ka-matayan!” 4 At sinabi ni Yonatan kay David: “Ga¬gawin ko para sa iyo anu¬man ang gusto mong gawin ko.”
5 Sumagot si David: “Bukas ang Ba¬gong Buwan at kailangang makisalo ako sa hari. Pero paalisin mo ako at mag¬tatago ako sa bukid hanggang sa makalawa ng gabi. 6 Kapag hinanap ako ng iyong ama, sabihin mo sa kan¬yang ‘Na¬kiusap sa akin si David na pa¬ya¬gan ko siyang pumunta sa Bet¬lehem na kanyang lunsod sapagkat doon gaganapin ang taunang pag¬hahandog para sa buo niyang angkan.’ 7 Kapag sinabi niyang ‘Mabuti’, ibig sabihi’y wala ako sa panganib. Ngunit kapag lubha siyang nagalit, mala¬laman mong hangad nga niyang gawan ako ng masama. 8 Gawin ang kabu¬ti¬hang ito para sa iyong lingkod sapag¬kat ikaw ang nag¬hatid sa kanya sa isang paki¬kipag¬tipan sa iyo sa harap ni Yawe. At kung mayroon man akong kasa¬lanan, ikaw na ang pumatay sa akin. Ba’t kai¬langang dalhin mo pa ako sa iyong ama?”
9 Sumagot si Yonatan: “Kalokohan! Kung alam kong talaga ngang hangad ng aking ama na gawan ka ng ma¬sama, maaari bang hindi ko ito sabihin sa iyo?” 10 At tinanong siya ni David: “Sino ang magsasabi sa akin kung pagalit ang sagot sa iyo ng iyong ama?” 11 Sinabi ni Yo¬na-tan: “Halika, pumunta tayo sa bukid.” At kapwa sila nagpunta sa bukid.

• 12 Sinabi ni Yonatan kay David: “Si Yaweng Diyos ng Israel, siya ang ating saksi! Sa ganito ring oras bukas makalawa, aalamin ko kung ano ang iniisip ng aking ama. At kung mabuti ito para sa iyo, pa¬sa¬sabihan kita. 13 Ngunit kung may balak na masama sa iyo ang aking ama, parusahan nawa ako ni Yawe at higit pa kapag hindi ko ito sinabi sa iyo para makatakas kang mapa¬yapa.
Sumaiyo nawa si Yawe kung paanong suma-aking-ama siya. 14 At kung mabuhay ako, ma¬ging mabuti ka sa akin. Ngunit kung patay na ako, 15 huwag mong pawiin kai¬lanman ang iyong kabutihang-loob sa aking sambahayan, pawiin man ni Yawe ang lahat ng kaaway ni David sa balat ng lupa sa paghihiganti ni Yawe sa kanila.” 16 At naki¬pag¬tipan si Yonatan sa sam¬bahayan ni David. 17 Minsan pang pina¬sumpa ni Yonatan si David dahil mahal niya ito sapagkat mahal niya si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.
18 At sinabi sa kanya ni Yonatan: “Bukas ang Bagong Buwan. Mapapansing wala ka sapagkat mababakante ang iyong upuan. 19 At lalo iyong magiging kapansin-pansin sa makalawa. Kaya magtago ka agad sa dati mong pinagtaguan noon at manatili roon sa tabi ng batong palatan-daan. 20 Tatlong beses kong papanain ang bato na parang tinatarget iyon. 21 At magpapadala ako ng isang bata na pagbibilinan kong hanapin ang mga palaso. Kapag sinabi ko sa batang ‘Hayun, nasa gawi roon ang mga palaso. Dalhin mo dito ang mga iyon’, ibig sabihi’y ma¬ka-lalabas ka na sapagkat kung paanong buhay si Yawe, ligtas ka na sa kapahamakan. 22 Ngu¬nit kung sabihin ko sa batang ‘Tingnan mo, nasa dako pa roon ang mga palaso’, tuma¬kas ka sapag-kat pinaaalis ka ni Yawe. 23 At si Yawe nga ang saksi nating dalawa magpa¬kai¬lanman tungkol sa pinag-usapan natin.”
24 Nagtago nga si David sa bukid. At nang sumapit ang Bagong Buwan, dumulog sa hapag ang hari para kumain. 25 Naupo siya sa dati niyang luklukan sa tabi ng dingding. Nakaupo sa tapat niya si Yonatan at katabi naman niya si Abner. Ngunit bakante ang lugar ni David. 26 Walang anumang sinabi si Saul nang araw na iyon sa pag-aakalang may kung anong nang-yari lamang kay David para siya’y maging di-malinis. 27 Sa ikalawang araw ng Bagong Bu¬wan, bakante pa rin ang lugar ni David kayat tina¬nong ni Saul si Yonatang kanyang anak: “Ba’t hindi du¬mulog sa hapag maging kahapon o ngayon ang anak ni Jese?” 28 Sumagot si Yo¬natan: “Naki-usap sa akin si David na papun¬tahin ko siya sa Betlehem 29 at sinabi niyang ‘Sige na, paalisin mo ako dahil mag-aalay ang aming pamilya sa lunsod at pinapupunta ako ng aking kapatid. Kayat kung mabuti ang tingin mo sa akin, paalisin mo na ako para makita ang aking mga kapatid.’ Kaya hindi siya dumudulog sa hapag ng hari.”
30 Nag-apoy ang galit ni Saul kay Yonatan at sinabi sa kanya: “Anak ng sutil at walanghiyang babae! Kung hindi ko pa alam na kampi ka sa anak ni Jese sa kahihiyan ng iyong sarili at ng iyong ina? 31 Hanggang na¬bu¬buhay ang anak ni Jese sa daigdig na ito, hindi ka magi¬ging ma-tatag ni ang iyong kaharian. Ipatawag mo siya ngayon at iharap sa akin sapagkat da¬pat siyang mamatay!”
32 Tinanong ni Yonatan ang kanyang ama: “Ba’t kailangan siyang patayin? Ano ang na¬gawa niya?” 33 Ngunit itinuon ni Saul kay Yonatan ang kanyang sibat, at naunawaan nitong talaga ngang balak ng kanyang amang patayin si David. 34 Galit na tumindig si Yonatan mula sa hapag at hindi na kumain sa ikalawang araw ng Bagong Buwan sapagkat ikinalungkot niya ang sinabi ng kanyang ama laban kay David.
35 Kinaumagahan, nagpunta si Yonatan sa bukid, kasama ang isang batang lalaki, para makipagkita kay David. 36 Sinabi niya sa bata: “Tumakbo ka’t hanapin ang mga pala¬song ipa-pana ko.” Tumakbo ang bata at pumana naman si Yonatan nang lampas sa bata. 37 Nang duma-ting ang bata sa lugar na pinagtudlaan ni Yona¬tan sa palaso, sumigaw si Yonatan at sinabi sa bata: “Nasa gawi pa roon ang palaso!” 38 At isi¬nigaw pa niya sa bata: “Magmadali ka! Bilis, at huwag kang titigil!” Dinampot ng bata ang palaso at bumalik sa kanyang amo. 39 Wa¬lang kaalam-alam ang bata, sina Yonatan at David lamang ang nakaaalam tungkol dito.
40 At ibinigay ni Yonatan sa bata ang kanyang mga sandata at sinabi: “Sige, iuwi mo na ang mga ito sa lunsod.” 41 Pagkaalis ng bata, lumabas si David mula sa batong palatandaan at tatlong beses na yumukong sayad sa lupa ang mukha sa harap ni Yonatan. Nagyakap ang dalawa at kapwa sila umiyak hanggang tumahan si David. 42 At sinabi ni Yonatan kay David: “Humayo kang ma¬payapa dahil nagsumpaan tayong dalawa sa ngalan ni Yawe sa pagsa¬sa¬bing si Yawe ang saksi nating dalawa at ng aking lahi at ng iyong lahi magpakailanman.”
Si David at ang paring si Ahimelek
21 • 1 Umalis si David at bumalik naman si Yonatan sa lunsod. 2 Du¬mating si David sa Nob at nag¬punta sa paring si Ahimelek. Nangi¬¬nginig na sinalubong ni Ahimelek si David at tinanong: “Bakit ka nag-iisa? Ba’t wala kang kasama?” 3 Sumagot si David: “Inutusan ako ng hari at sina¬bing wa¬lang dapat ma¬kaalam sa mis¬yong ito na iniutos niya sa akin. Kaya sinabihan ko ang aking mga tauhan na magta¬tagpo kami sa isang lugar. 4 Ano’ng meron ka rito? Bigyan mo ’ko ng limang tinapay o anumang meron ka.”
5 Sumagot kay David ang pari: “Wala akong ordinaryong tinapay dito, sagradong tinapay lamang ang mayroon – kung hindi nagkaroon ng anumang re¬lasyon sa babae ang mga tauhan mo.”
6 Sumagot si David: “Sigurado. Bawal sa amin ang babae nitong mga huling araw mula nang umalis ako. Nanatiling malinis ang aking mga tauhan kahit na ordinaryong misyon lamang ito, kaya malinis sila ngayon.”
7 At ibinigay sa kanya ng pari ang sag¬rado sapagkat walang ibang tinapay liban sa Tinapay ng Presensya na kinuha sa harap ni Yawe para palitan ng mainit na tinapay sa araw na kunin iyon.
8 Ngunit nang araw na iyon, naroon ang isa sa mga tauhan ni Saul. Ito ang Edomitang si Doeg na punong pastol ni Saul.
9 Tinanong ni David si Ahimelek: “Wala ka bang sibat o tabak dito? Di ko dala ang aking tabak ni ang aking mga sandata sapagkat madalian ang utos ng hari.”
10 Sumagot ang pari: “Ang tabak ni Goliat, ang Pilisteong pinatay mo sa lambak ng Ela. Hayu’t nakabalot sa isang tela sa likod ng efod. Kunin mo kung gusto mo, sapagkat wala nang iba pa rito kundi ’yon lang.” At sinabi ni David: “Akin na, wala nang iba pang tulad nito!”
• 11 Nang araw ding iyon, umalis si David at lumayo kay Saul. Nagpunta siya kay Akis na hari ng Gat. 12 Sinabi ng mga utusan ni Akis: “O Hari ng lupain, di ba’t ito si David? Di ba’t siya ang sinasayawan nila sa kanilang awitan, ‘Napatay ni Saul ang kanyang libu-libo at ni David naman ang kanyang laksa-laksa’?”
13 Naunawaan ni David ang mga katagang ito at lubha siyang natakot kay Akis na hari ng Gat. 14 Kayat pinapani¬wala niya silang nasisiraan siya ng bait at nagkunwaring baliw. Ginuhitan niya ng kung anu-ano ang mga pinto at pina¬bayaang tumulo ang laway sa kan¬yang balbas.
15 Sinabi ni Akis sa kanyang mga utusan: “Hayan, tingnan ninyo, baliw ang taong ’yan! Ba’t pa ninyo siya dina¬la sa akin? 16 Kulang pa ba ako ng mga baliw at dinala pa ninyo ang isang iyan para mag¬pakita ng kabaliwan sa akin? Iyan ba ang papasok sa aking bahay?”
Simula ng paggagala ni David
22 • 1 Umalis si David sa Gat at tuma¬kas sa yungib ng Adulam. Nalaman ito ng kanyang mga kapatid at ng buong sambahayan ng kanyang ama, at siya’y kani¬lang pinuntahan doon. 2 At nagkaisa sa kanya ang lahat ng nasa gipit o may utang o may sama ng loob, siya ang naging pinuno nila – mga apatnaraang katao.
3 Mula roon, nagpunta si David sa Mizpa ng Moab at sinabi sa hari ng Moab: “Maaari bang dumito muna sa inyo ang aking ama at ina hanggang malaman ko ang gagawin sa akin ng Diyos?” 4 Kaya iniwan niya sila sa hari ng Moab, at nanatili silang kasama nito habang nasa kuta naman si David.
5 Sinabi ng propetang si Gad kay David: “Huwag ka nang tumigil sa kuta; pumunta ka sa lupain ng Juda.” At umalis nga si David at nag¬¬punta sa gubat ng Heret.
6 Nalaman ni Saul na may nakakita kay David at sa kanyang mga kasama. Nasa Gibea noon si Saul at nakaupo sa lilim ng punong-tamariskong nasa burol, may hawak na sibat at nakapaligid sa kanya ang lahat niyang opisyal. 7 Kinausap sila ni Saul: “Maki¬nig kayo, lipi ni Benjamin! Bibigyan kaya ng anak ni Jese ang sinuman sa inyo ng mga bukirin at ubasan? Gagawin ba niyang pinuno ng tigsasanlibo o tigsasandaan ang bawat isa sa inyo 8 kaya kayo nagsabwatang lahat laban sa akin? Wala ni isa mang nag¬sabi sa akin na nakipagkasunduan ang aking anak sa anak ni Jese. Walang sinu¬man sa inyo ang nagmalasakit sa akin para ibalitang sarili ko pang anak ang nagsulsol sa aking lingkod na maghimagsik sa akin tulad sa araw na ito.”
9 Ngunit sumagot si Doeg na Edomita na nakatayong kasama ng mga opisyal ni Saul, at sinabi niyang “Nakita kong dumating sa Nob ang anak ni Jese at nagpunta kay Ahimelek na anak ni Ahitub. 10 Sinangguni ni Ahimelek si Yawe para sa kanya, at binigyan siya ng pagkain at ibinigay din sa kanya ang tabak ni Goliat na Pilisteo.” 11 Kaya ipina¬tawag ng hari ang paring si Ahimelek na anak ni Ahitub, at buong sambahayan ng kanyang ama na mga pari sa Nob. Nagpunta silang lahat sa hari.
12 At sinabi ni Saul: “Makinig ka, anak ni Ahitub.” Sumagot si Ahimelek: “Narito ako, panginoon ko.” 13 Tinanong siya ni Saul: “Bakit ka nakipagsabwatan sa anak ni Jese laban sa akin sa pagbibigay sa kanya ng tinapay at ng tabak, at sinangguni mo pa ang Diyos para sa kanya upang maghimagsik laban sa akin at abangan ako tulad sa araw na ito.” 14 Sumagot si Ahimelek sa hari: “Sino sa lahat ninyong ling¬¬kod ang kasintapat ni David na manugang ng hari, kapitan ng inyong mga badigard at igi¬nagalang sa inyong sambahayan? 15 Ngayon lang ba ako sumangguni kay Yawe para sa kanya? Nag¬kakamali kayo, huwag sanang paratangan ng hari ang kanyang lingkod at ang sinuman sa sambahayan ng aking ama sapag¬kat walang anumang kinalaman ang inyong ling¬kod sa buong pangyayari.” 16 Ngunit sinabi ng hari: “Mamamatay ka, Ahimelek, ikaw at ang buong sambahayan ng iyong ama!”
17 At iniutos ng hari sa mga tanod sa kanyang tabi: “Sige, patayin ang mga pari ni Yawe sa-pagkat kumampi sila kay David. Alam nilang tumatakas si David ngunit wala silang sinabi sa akin.” Subalit tumanggi ang mga opisyal ng hari na pagbuhatan ng kamay ang mga pari ni Yawe. 18 Kayat sinabi ng hari kay Doeg: “Halika at saksakin mo ang mga pari.” Lumapit si Doeg na Edomita at sinaksak nga ang mga pari. Nang araw na iyon, walumpu’t limang lalaking naka¬efod na linen ang pinatay niya. 19 Pagkatapos niyon, ipinapatay rin ni Saul sa tabak lahat ng taga-Nob, ang lunsod ng mga pari – lalaki at babae, bata at pasusuhing sanggol, pati mga baka, mga asno at mga tupa.
20 Subalit isang anak na lalaki ni Ahimelek na anak ni Ahitub ang nakatakas. Abiatar ang kanyang pangalan, at nagpunta siya kay David. 21 Sinabi ni Abiatar kay David na pinatay ni Saul ang mga pari ni Yawe. 22 Sinabi ni David sa kanya: “Nang araw na iyon na naroon si Doeg na Edomita, alam kong tiyak na magsusumbong siya kay Saul. Ako ang dapat managot sa pagkamatay ng buong sambahayan ng iyong ama. 23 Dumito ka sa akin at huwag kang matakot sapagkat hangad din ng naghahangad ng iyong kamatayan ang aking kamatayan. Ligtas ka ritong kasama ko.”
Kinonsulta ni David ang Diyos
23 1 Sinabi nila kay David na sina¬¬¬¬salakay ng mga Pilisteo ang Keila at ninana¬kawan ang mga giikan. 2 Sinangguni ni David si Yawe at tinanong: “Aalis ba ako para lumaban sa mga Pilisteong iyon?” At sinabi ni Yawe: “Humayo ka’t makipaglaban sa mga Pilisteo at iligtas ang Keila.” 3 Ngunit sinabi kay David ng kanyang mga tauhan: “Tingnan mo, dito na lamang sa Juda e takot na tayo, gaano pa kung pupunta tayo sa Keila para harapin ang hukbo ng mga Pilisteo?”
4 At muling sinangguni ni David si Yawe at sinabi sa kanya ni Yawe: “Magpunta ka sa Keila sapagkat ibinibigay ko sa iyong mga kamay ang mga Pilisteo.” 5 Nagpunta nga sa Keila si David at ang kanyang mga tauhan, at nakipaglaban sa mga Pilisteo. Tinangay nila ang mga hayop ng mga Pilisteo at naghatid ng malaking pagkatalo sa mga ito. At sinagip ni David ang mga taga-Keila.
7 Nang maipagbigay-alam kay Saul na nag¬punta si David sa Keila, sinabi niya: “Ipina¬ubaya rin siya ng Diyos sa aking mga kamay sapagkat siya mismo ang nagkulong sa kanyang sarili sa isang lunsod na may mga pintuan at rehas.”
8 Tinawag ni Saul ang buong bayan para sa labanan, upang lumusong sa Keila at kubkubin si David at ang mga tauhan nito. 9 Nang malaman ni David ang masamang balak ni Saul sa kanya, sinabi niya sa paring si Abiatar na dalhin sa kanya ang efod. (6 Nang tumakas si Abiatar na anak ni Ahimelek papunta kay David sa Keila, lumusong siyang dala ang efod.)
10 At sinabi ni David: “O Yaweng Diyos ng Israel, narinig kong balak pumarito ni Saul sa Keila at wasakin ang lunsod dahil sa akin. 11 Paparito nga ba si Saul tulad ng narinig ko? O Yaweng Diyos ng Israel, sabihin mo sana sa iyong lingkod.” Sumagot si Yawe: “Darating siya.” 12 At muling nagtanong si David: “Ipa¬uubaya ba ako at ang aking mga tauhan ng mga pinuno ng Keila sa kamay ni Saul?” Suma¬got si Yawe: “Ipauubaya nila kayo.”
13 Kaya umalis sa Keila si David at ang mga animnaraan niyang tauhan, at nag¬palipat-lipat sa maaari nilang puntahan. Nang masabi kay Saul na nakatakas si David mula sa Keila, hindi na siya nagpatuloy roon.
14 Nanatili si David sa mga kuta sa kaburulan ng disyerto ng Zif. At walang tigil naman siyang pinaghanap ni Saul ngunit hindi siya ibinigay ng Diyos sa mga kamay nito.
15 Alam ni David na pinaghahanap siya ni Saul para patayin. At nanatili siya sa Hores sa disyerto ng Zif. 16 Pinuntahan siya ni Yona¬tang anak ni Saul at pinalakas ang kanyang loob sa Diyos. 17 At sinabi nito sa kanya: “Huwag kang matakot sapagkat hindi ka pagbubuhatan ng kamay ng aking amang si Saul. Maghahari ka sa Israel at magiging pangalawa lamang ako sa iyo. Alam ito kahit ng aking ama.” 18 Muling gumawa ng ka¬sunduan ang dalawa sa harap ni Yawe, at nanatili sa Hores si David at umuwi naman si Yonatan.
19 Pinuntahan ng ilang taga-Zif si Saul sa Gibea at sinabi sa kanya: “Nagtatago si David sa amin sa mga kuta sa Hores sa burol ng Hakila sa timog ng Yesimon. 20 At ngayon, mahal na hari, pu¬munta kayo sa amin kailanman ninyo gusto at ibibigay namin siya sa inyong mga kamay.” 21 Sumagot si Saul: “Pagpalain kayo ni Yawe dahil sa malasakit ninyo sa akin. 22 Huma¬yo kayo at tiya¬kin kung nasaan siya at kung saan siya pu¬mu¬punta at kung sino ang nakakita sa kanya sapagkat may nakapagsabi sa aking napakatalino niya. 23 Ala¬min ninyo ang lahat ng lugar na kanyang pinag¬tataguan at saka kayo bumalik sa akin, at sasama ako sa inyo. Kung naroon nga siya, hahanapin ko siya sa lahat ng angkan ng Juda.”
24 Kayat umalis sila at nagpauna kay Saul papunta sa Zif. Nasa disyerto naman ng Maon sa Araba sa timog ng Yesimon si David at ang kan¬yang mga tauhan.
25 Lumakad na si Saul at ang kanyang mga tauhan para hanapin si David. Nang malaman ito ni David, bumaba siya sa ba¬tuhan at nanatili sa disyerto ng Maon. Na¬laman iyon ni Saul at hina-bol niya si David sa disyerto ng Maon. 26 Nasa isang panig ng bundok si Saul samantalang nasa kabila naman si David at ang kanyang mga ta¬uhan. Nagmamadali si David na makalayo kay Saul. Malapit nang masukol ni Saul at ng kan¬yang mga tauhan si David at ang mga tauhan nito 27 nang may dumating na sugo kay Saul at sina¬bing “Madali! Bumalik kayo agad sapagkat ni-lusob ng mga Pilisteo ang lupain.” 28 Iniwan ni Saul ang paghabol kay David at umalis para harapin ang mga Pilisteo. Kaya tinawag nilang Batuhan ng Paghihiwalay ang lugar na iyon.
Pinatawad ni David si Saul
24 • 1 Mula roon, umahon si David at nanatili sa mga kuta ng Engedi.
2 Nang magbalik si Saul mula sa pag¬tugis niya sa mga Pilisteo, nalaman ni¬yang nasa disyerto ng Engedi si David.
3 Kaya nagsama si Saul ng tatlong libong piling tauhan mula sa buong Is¬rael at lumakad para hanapin si David at ang mga tauhan nito sa silangan ng Kaba¬tuhan ng Maiilap na Kambing. 4 Duma¬ting siya sa mga kural ng tupa sa tabi ng daan, may isang yungib doon na pinuntahan ni Saul para du¬mumi.
Nasa dulo naman ng nabanggit na yungib si David at ang kanyang mga tauhan. 5 Sinabi kay David ng kanyang mga tauhan: “Ito na ang araw na sinabi sa iyo ni Yawe, ‘Heto, ipinauubaya ko sa iyong mga kamay ang iyong ka¬away, gawin mo sa kanya ang gusto mo’.”
Kumilos si David at lihim na ginupit ang laylayan ng kapa ni Saul. 6 Ngunit kinon¬siyensya si David sa pagkaka¬gupit niya sa laylayan ng kapa ni Saul, 7 at sinabi niya sa kanyang mga tauhan: “Huwag sanang ipahintulot ni Yawe na gawin ko ang bagay na ito sa aking pa¬nginoon na pinahiran ni Yawe. Hindi ko siya maaaring pagbuhatan ng kamay sapagkat siya ang pinahiran ni Yawe.” 8 Sa mga katagang ito, pinigil ni David ang kanyang mga tauhan at hindi niya pinayagan ang mga itong su¬gurin si Saul.
Tumindig naman si Saul at lumabas mula sa yungib at nagpatuloy sa pag¬lakad. 9 Lumabas din sa yungib si David at tinawag si Saul: “Aking panginoon, mahal na Hari!” Paglingon ni Saul, lu¬muhod si David at yumukong sayad sa lupa ang mukha bilang pami¬mitagan. 10 At sinabi niya kay Saul: “Bakit kayo nakikinig sa sabi-sabi ng mga tao na hangad raw ni David ang inyong kapa-hamakan?
11 Nakita ng inyong mga mata sa araw na ito na inilagay kayo ni Yawe sa aking mga kamay sa yungib. May nag¬sabi sa aking patayin na kayo ngunit naawa ako sa inyo at sinabi kong hindi ko mapag¬bu¬buhatan ng kamay ang aking panginoon na siyang pinahiran ni Yawe. 12 Ama ko, tingnan ninyo, hawak ko ang kapirasong ito ng laylayan ng inyong kapa! Pinutol ko ito sa inyong kapa ngunit hindi ko kayo pinatay. Ma¬kikita ninyong wala akong hangad na masama sa inyo o pagtaksilan kayo. Wala akong nagagawang mali sa inyo ngunit pinaghahanap ninyo ako para patayin.
13 Si Yawe nawa ang humatol sa ating dalawa! Si Yawe na ang bahalang mani¬ngil sa inyo para sa akin pero hindi ko kayo maaaring pagbuhatan ng kamay.
14 Tulad nga ng kasabihan ng matatanda, ‘Kasamaa’y nanggagaling sa masasama,’ ngu¬nit hindi ko kayo maaaring pagbuhatan ng kamay. 15 Sino ba ang inuusig ng hari ng Israel? Sino ang inyong tinutugis? Isang asong patay! Isang pulgas lamang! 16 Si Yawe nawa ang ma¬ging hukom natin at siyang humatol sa ating dalawa! Makita nawa niya at ipagtanggol ang aking usapin at iligtas ako sa inyong mga kamay.”
17 Matapos magsalita ni David, sinabi ni Saul: “Iyan ba ang boses mo, David, anak ko?” At malakas na umiyak si Saul 18 at sinabi kay David: “Tama ka at mali ako sapagkat ginantihan mo ng kabutihang-loob ang kasamaang ginawa ko sa iyo. 19 Ipinakita mo sa araw na ito ang iyong kabutihan na ginawa mo sa akin. Ibinigay na nga ako ni Yawe sa iyong mga kamay pero hindi mo ako pinatay. 20 Sapagkat pababayaan pa ba ng isa na mag¬patuloy nang matiwasay ang kanyang kaaway kung matag¬puan niya iyon? Gan¬timpalaan ka nawang mabuti ni Yawe dahil sa ginawa mo sa akin sa araw na ito. 21 Nati¬tiyak ko na ngayon na ikaw nga ang mag¬ha¬hari sa Israel at sa iyong mga kamay magiging matatag ang kaharian ng Israel. 22 Isumpa mo sa akin ngayon sa ngalan ni Yawe na hindi mo lilipulin ang aking lipi at hindi buburahin ang aking pangalan sa sambahayan ng aking ama.”
23 Sumumpa si David kay Saul at umuwi na si Saul. Umahon naman sa kuta si David at ang kanyang mga tauhan.
David at Abigail
25 • 1 Namatay si Samuel at nagtipon ang buong Israel at ipinagluksa siya. At inilibing siya sa kanyang tahanan sa Rama.
Pagkatapos, bumaba si David sa disyerto ng Maon. 2 May isang napakayamang lalaki sa Maon, na may tatlong libong tupa at sanlibong kambing at may bukirin din sa Karmel.
3 Nabal ang pangalan ng lalaki at si Abigail naman ang kanyang asawa. Matalino at ma¬ganda ang babae pero bastos at walanghiya ang lalaking mula sa lipi ni Kaleb. 2b Nasa Kar¬¬mel siya noon at ginugupitan ang kanyang mga tupa.
4 Nabalitaan ni David sa disyerto na ginu¬gu¬pitan ni Nabal ang kanyang kawan, 5 at nagsugo siya ng sampung binata at sinabing “Pumunta kayo kay Nabal sa Karmel at kumustahin siya para sa akin 6 at sabihing: Mabuhay! Sumaiyo ang kapa¬yapaan, sa iyong sambahayan at sa lahat ng iyong ari-arian. 7 Nabalitaan kong nag¬gugupit ka ngayon ng mga tupa. Nang kasama namin ang iyong mga pastol, hindi kami naging marahas sa kanila at walang anumang nawala sa kanila sa buong pana¬hong itinigil nila sa Karmel. 8 Tanungin mo ang iyong mga lingkod at sila ang magsasabi sa iyo. Kaya pagmagandahang-loob mo sana ang aking mga binata sapagkat du-mating kami sa araw ng piyesta. Bigyan mo naman sana sila at ang iyong anak na si David sa abot ng iyong maka¬kaya.”
9 Nang dumating ang mga binata ni David, sinabi nila kay Nabal ang lahat ng ito sa ngalan ni David at naghintay sila. 10 Ngunit sinabi ni Nabal sa mga lingkod ni David: “Sino ba si David? Sino ba ang anak ni Jese? Talagang ma¬raming alipin ngayon ang luma¬layas sa kanilang mga amo. 11 Kukunin ko ba ang aking tinapay at ang aking tubig at ang aking karne na kinatay ko para sa aking mga manggugupit para ibigay sa mga taong hindi ko alam kung saan nanggaling?” 12 Tumalikod ang mga tauhan ni David at nag¬balik sa kanya at sinabi ang lahat ng sinabi ni Nabal. 13 At sinabi ni David sa kan¬yang mga tauhan: “Isakbat ng bawat isa ang kanyang tabak!” At isinakbat nga ng bawat isa pati na ni David ang kanyang tabak. Mga apatnaraang lalaki ang umahong kasunod ni David, at dala¬wan¬daan naman ang naiwan sa mga kagamitan.
14 Isa sa mga alipin ni Nabal ang nagsabi sa kanyang asawang si Abigail: “Nagpadala si David ng mga sugo mula sa disyerto para bati¬in ang aming amo pero sinigawan niya ang mga iyon. 15 Napakabuti pa naman ng mga lalaking iyon sa amin, hindi sila naging mara¬has sa amin at walang anumang nawala sa amin sa buong panahong kasama namin sila sa bukid. 16 Sa araw at gabi’y para silang pader sa aming tabi samantalang kasama namin sila sa pagpa¬pastol. 17 Pag-isipan ninyo ngayon ang dapat gawin sapagkat lagot ngayon ang aming amo at ang buo niyang sambahayan. Napakasama niya kaya walang makapagsabi nito sa kanya.”
18 Agad-agad na naghanda si Abigail ng da¬la¬wandaang tinapay, dalawang sisidlang puno ng alak, limang kinatay na tupa, limang sukat ng binusang trigo, isandaang buwig na pasas at dalawandaang bibingkang igos, at ikinarga ang mga ito sa mga asno. 19 At sinabi niya sa kanyang mga utusan: “Mauna kayo at susunod ako.”
Ngunit hindi niya sinabi sa kanyang asawa ang tungkol dito.
20 Samantalang sakay si Abigail ng asno palusong sa bundok, palusong din naman si David at ang kanyang mga tauhan, papunta sa kanya. Bago sila magkasalubong, 21 ka¬sasabi lamang ni David na “Sayang lamang ang pagbabantay ko sa lahat ng ari-arian sa disyerto ng taong iyon upang walang anu¬mang mawala sa mga pag-aari niya. Ma¬sama ang iginanti niya sa aking kabutihan. 22 Gawin ito ng Diyos kay David at higit pa kung bukas ng umaga’y may iniwan akong isang lalaking buhay sa kanyang sam¬ba¬hayan.”
23 Nang makita ni Abigail si David, agad itong bumaba mula sa asno at yumukong sayad sa lupa ang mukha sa harap ni David. 24 At sa¬mantalang nakayuko sa kanyang paanan, si¬nabi ni Abigail: “Panginoon ko, sa akin ninyo ibagsak ang sisi! Ipahintulot sana ninyong mag¬salita sa inyo ang inyong ling¬kod at paking¬gan ang kanyang sasabihin. 25 Huwag sanang isaalang-alang ng aking panginoon ang wa¬lang¬hiyang lalaking si Nabal sapagkat tulad nga siya ng kanyang pangalan: Nabal – hangal! At hindi ko naman nakita – ako na inyong lingkod – ang mga lalaking isinugo ng aking panginoon.
26 At ngayon, panginoon ko, kung paa¬nong buhay si Yawe at kayo man ay buhay, hinadla-ngan kayo ni Yawe sa pagpa¬padanak ng dugo para ipaghiganti ang inyong sarili. Matulad na¬wa kay Nabal ang inyong mga kaaway at lahat ng nagha¬hangad ng ma¬sama sa aking pangi¬noon! 27 Tanggapin sana ninyo ang regalong ito na dala ng inyong lingkod para sa inyo, at ibi¬gay sa mga kaba¬taang sumusunod sa inyo. 28 At pata¬warin sana ninyo ang pagku¬kulang ng inyong lingkod.
Palalawigin nga ni Yawe ang angkan ng aking panginoon sapagkat ipakikipaglaban ninyo ang mga digmaan ni Yawe at walang kasamaang matatagpuan sa inyo sa buong buhay ninyo. 29 Kung may magtangka man sa inyong buhay, buhay ng aking panginoo’y ibibigkis sa bigkis ng buhay sa panga¬ngalaga ni Yaweng inyong Diyos. At ibabala niya sa tirador ang buhay ng inyong mga kaaway.
30 Kapag tinupad na ni Yawe ang aking pangi¬noon ang kabutihang ipinangako niya sa inyo at hinirang kayong pinuno ng Israel, 31 hindi ma¬giging pabigat o kargo de kon¬si¬yensya ng aking panginoon ang walang ka¬buluhang pag¬danak ng dugo o paghi¬higanti para sa sarili. Pagpalain nawa ni Yawe ang aking panginoon, at alala¬hanin naman ninyo ang inyong alipin.”
32 At sinabi ni David kay Abigail: “Purihin si Yaweng Diyos ng Israel na nagsugo sa iyo sa araw na ito para salubungin ako! 33 Pag¬palain ang iyong magaling na paghatol at pagpalain ka sapagkat nahadlangan mo ako ngayon sa pag¬papadanak ng dugo at sa aking paghihigan¬ti. 34 At saksi ko si Yaweng Diyos ng Israel na hi¬¬¬nad¬¬langan niya akong gawan ka ng masama. Kung hindi ka nagmadaling salu¬bungin ako, ti¬yak na walang malalabing buhay sa mga la¬laki sa sam¬ba¬hayan ni Nabal pagsa¬¬pit ng uma¬ga.”
35 Tinanggap ni David mula kay Abigail ang dala nito at sinabi: “Umuwi kang mapa¬yapa. Narinig ko ang iyong tinig at tinanggap ang iyong pagsamo.” 36 Bumalik si Abigail kay Nabal na may malaking handaan sa bahay, parang handaan ng hari. Masaya si Nabal at lasing na lasing kaya walang binanggit na anuman sa kanya si Abigail hanggang mag-umaga. 37 At kinauma-gahan, nang mahimasmasan na si Nabal, sinabi ni Abigail sa kanya ang lahat. Ina¬¬take siya sa puso at naparalisado. 38 At ma¬¬karaan ang sampung araw, binawian siya ng buhay ni Yawe.
39 Nang mabalitaan ni David na patay na si Nabal, sinabi niya: “Purihin si Yawe na ipi¬nag-higanti ang paghamak na tinanggap ko sa kamay ni Nabal at hinadlangan ako sa paggawa ng masama. Pinabalik din ni Yawe sa ulo ni Nabal ang kasamaang ginawa nito.”
Nagpasabi si David kay Abigail para maging asawa niya. 40 Pinuntahan ng mga lingkod ni David si Abigail sa Karmel at kinausap siya: “Pinapunta kami ni David upang kunin ka bilang asawa niya.” 41 Yu¬muko sa lupa si Abigail at sinabing “Narito ang iyong lingkod na taga¬pag-hugas lamang ng mga paa ng mga utusan ng aking pangi¬noon.” 42 Agad siyang tumindig at sumakay sa asno, kasama ang lima sa kan¬yang mga dalagang utusan. Umalis siyang ka¬su¬nod ng mga sugo ni David at naging asawa nito.
43 Kinuha rin ni David bilang asawa si Ahinoam ng Jezrael, at kapwa sila naging mga asawa niya. 44 Ibinigay naman ni Saul ang kanyang anak na si Micol na asawa ni David kay Palti na anak ni Lais na taga-Galim.

26 • 1 Pinuntahan si Saul sa Gibea ng mga taga-Zif para sabihin sa kanyang nagtatago si David sa burol ng Hakila sa silangan ng Yesimon. 2 Kaya lumusong si Saul sa disyerto ng Zif kasama ang tatlong libong piling tauhan niya mula sa Israel upang hana¬pin si David. 3 Nag¬kampo siya sa burol ng Ha¬kila sa tabi ng daan sa silangan ng Yesimon. Nasa dis¬yerto noon si David at nang makita niyang nasundan siya ni Saul sa disyerto, 4 nag¬padala siya ng mga espiya at nalaman niyang dumating nga si Saul. 5 Nag¬punta si David sa pinagkakampuhan ni Saul at minanmanan ang hinihigaan nina Saul at Abner na anak ni Ner at heneral ng hukbo ni Saul. Natutulog si Saul sa loob ng kampo at naka¬paligid sa kanya ang mga tauhan niya.
6 At tinanong ni David ang Heteong si Ahi¬melek at si Abisai na anak ni Sarvia at kapatid ni Yoab: “Sino ang sasama sa akin sa kampo ni Saul?” Sumagot si Abisai: “Sa¬sama ako sa iyo.” 7 Nang gabing iyon, nag¬punta sina David at Abisai sa kampo, at naroon si Saul na naka¬higang tulog sa loob ng kampo, nakatusok sa lupa sa ulunan niya ang kanyang sibat, sa¬man¬talang sina Abner at ang iba pang mga tauhan niya ay nakahiga sa paligid nito.
8 Sinabi ni Abisai kay David: “Sa araw na ito, inilagay ng Diyos sa iyong mga kamay ang iyong kaaway. Bayaan mong ipako ko siya ngayon sa lupa sa isang ulos lamang ng sibat, at hindi na kailangang ulitin pa.” 9 Ngunit sinabi ni David kay Abisai: “Huwag mo siyang patayin. Sapagkat sino ang makapagbubuhat ng kamay sa pinahiran ni Yawe at hindi maparuru¬sahan? 10 Buhay si Yawe – bahala si Yawe sa kanya. Si Yawe lamang ang makahahampas sa kanya pag¬sapit ng kanyang oras at siya’y ma¬matay o mapatay sa labanan. 11 Huwag nawang itulot ni Yawe na mapagbuhatan ko ng kamay ang pinahiran ni Yawe! Kunin mo ngayon ang sibat sa kanyang ulunan at ang sisidlan ng tubig, at umalis na tayo.” 12 Kinuha ni David ang sibat at ang sisidlan ng tubig sa ulunan ni Saul at umalis na sila. Walang nakakita at walang nakaalam at walang nagising. Tulog silang lahat sapagkat pinatulog sila nang mahimbing ni Yawe.
13 Nagpunta si David sa kabilang libis at tumindig sa tuktok ng burol – malayo sa kanila – 14 at sumigaw sa mga tauhan ni Saul at kay Abner na anak ni Ner: “Ba’t di ka sumagot, Abner?” Sumagot si Abner: “Sino ka na tumatawag sa hari?” 15 Sinabi ni David kay Abner: “Hindi ka ba lalaki? Sino ang katulad mo sa Israel? Bakit hindi mo binan¬tayang mabuti ang iyong panginoong hari? May nakapasok sa kampo para patayin ang haring panginoon mo! 16 Ganito mo ba tinu-tupad ang iyong tungkulin? Saksi ko si Yawe na dapat kang mamatay sa¬pagkat hindi mo binantayan ang iyong panginoon, ang hini¬rang ni Yawe. Hanapin mo ngayon kung nasaan ang sibat ng hari at ang sisidlan ng tubig na nasa kanyang ulunan.”
17 Nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagtanong: “Boses mo ba ’yan, David, anak ko?” Sumagot si David: “Boses ko nga, aking panginoon, mahal na Hari! 18 Bakit ako tinu¬tugis ng aking panginoon? Ano ang nagawa ko? Anong kasalanan ang nagawa ko? 19 Paking¬gan nga¬yon ng aking pangi¬noong hari ang sasabihin ng kanyang lingkod. Kung si Yawe ang may kagagawan para usigin ninyo ako, mag¬lubag nawa ang loob niya sa pamamagi¬¬tan ng handog; ngunit kung mga tao ang may gawa nito, sum¬pain sila sa harap ni Yawe sapagkat ipi¬nagta¬buyan nila ako ngayon mula sa paki¬kibahagi ko sa pamana ni Yawe na waring sina¬sabing ’Hu¬mayo ka at maglingkod sa ibang mga diyos.’ 20 Huwag sanang pumatak sa lupa ang aking dugo na malayo sa harap ni Yawe! Sapagkat lumabas ang hari ng Israel para maghanap ng isang pulgas lamang, gaya ng pangangaso sa isang ibon sa kabundukan.”
21 Sinabi naman ni Saul: “Nagkasala ako! Bumalik ka na, David, anak ko. Hindi na kita muling gagawan ng masama sapagkat pinahalagahan mo ang aking buhay sa araw na ito. Para akong loko at labis na nagkamali.” 22 Su¬magot si David: “Heto ang inyong sibat, mahal na Hari! Paparituhin ninyo ang isa sa inyong mga lingkod para kunin ito. 23 Gina¬gantimpalaan ni Yawe ang pagiging matuwid at matapat ng bawat isa. Sa araw na ito, inilagay kayo ni Yawe sa aking mga kamay ngunit ayaw kong pagbuhatan ng kamay ang pinahiran ni Yawe. 24 Kung paano kong pi¬na¬halagahan ngayon ang inyong buhay, pa¬ha¬lagahan din nawa ni Yawe ang aking buhay at sagipin ako sa lahat ng kagipitan.”
25 At sinabi ni Saul kay David: “Pagpalain ka, David, anak ko! Magtatagumpay ka sa lahat mong gagawin.” Nagpatuloy na si David sa kan¬yang landas at umuwi naman si Saul.
Si David sa mga Pilisteo
27 1 Naisip ni David: “Mamamatay ako balang araw sa kamay ni Saul, mabuti pang tumakas ako sa lupain ng mga Pilisteo at nang magsawa si Saul sa pag¬hanap sa akin sa buong Israel at maka¬wala ako sa kanyang mga kamay.” 2 Kaya umalis si David at ang anim¬naraang tauhang kasama niya, at nagpunta kay Akis na anak ni Maok at hari ng Gat. 3 Tumira siya at ang kanyang mga tauhan sa piling ni Akis sa Gat; kasama ng bawat isa ang kanyang pamilya at kasama naman ni David ang dalawa niyang asawang sina Ahinoam ng Jezrael at Abigail ng Karmel na biyuda ni Nabal. 4 Nang malaman ni Saul na tumakas si David sa Gat, hindi na niya ito hinanap.
5 Sinabi ni David kay Akis: “Kung mabuti ang pagtingin mo sa akin, pakibigyan mo naman ako ng lugar na matitirhan sa isa sa mga bayan sa kabukiran. Bakit mani¬nirahang kasama mo sa siyudad ng hari ang iyong lingkod?” 6 Nang araw ding iyon, ibinigay ni Akis kay David ang Siklag na hanggang ngayo’y sa mga hari na ng Juda. 7 Isang taon at apat na buwang nanirahan si David sa lupain ng mga Pilisteo.
8 Umahon si David at ang kanyang mga tau¬han at sinalakay ang mga Gesurita, ang mga Gergeseo at ang mga Amalecita – sapag¬kat ang mga ito ang nakatira sa lupaing suma¬sa¬kop mula Telem hanggang Sur at sa lupain ng Ehipto. 9 Sa pagsalakay ni David sa isang lupain, wala siyang itinitirang buhay, lalaki o babae, at tinatangay ang mga tupa, baka, asno, kamelyo at mga damit. At saka siya bumabalik kay Akis. 10 Tuwing tatanungin siya ni Akis: “Saan kayo lumusob ngayon?” sumasagot si David, “Sa timog ng Juda,” o “Sa timog ng Jerameel,” o “Sa timog ng mga Kenita.” 11 Wa¬lang itinitirang buhay si David, lalaki o babae, para dalhin sa Gat sapagkat naisip niyang “Baka magsalita sila laban sa amin at sabihing ‘Ito ang ginawa ni David’.” Gayon ang ginawa niya habang naka¬tira siya sa lupain ng mga Pilisteo. 12 Pinag¬ka¬tiwalaan ni Akis si David at naisip niyang “Kamuhi-muhi na si David sa kan¬yang bayang Israel kayat magiging lingkod ko na siya habampanahon.”
Sumangguni si Saul sa babaeng espiritista
28 • 1 Nang panahong iyon, tinipon ng mga Pilisteo ang ka¬nilang hukbo para labanan ang Israel. Sinabi ni Akis kay David: “Dapat mong malaman na sasama ka sa akin sa hukbo pati ang iyong mga tauhan.” 2 Sumagot si David: “Kaya makikita mo rin kung ano ang ma¬gagawa ng iyong lingkod.” Sinabi ni Akis kay David: “Gagawin kitang badigard ko habang buhay.”
3 Patay na noon si Samuel at ipinag¬luksa siya ng buong Israel, at inilibing siya sa Rama na kanyang lunsod.
4 Nagtipon ang mga Pilisteo sa Sumen at doon nagkampo; tinipon naman ni Saul ang buong Israel at sa Gilboa sila nag¬kampo. 5 Nang makita ni Saul ang hukbo ng mga Pilisteo, natakot siya at labis na nangilabot ang kanyang puso.
6 Sinangguni ni Saul si Yawe pero hin¬di sumagot si Yawe, maging sa pana¬ginip o sa Urim o sa mga propeta. 7 At si¬nabi ni Saul sa kanyang mga utusan: “Ihanap ninyo ’ko ng isang babaeng na¬ka¬¬sa¬sang¬guni sa espiritu ng mga patay upang ma¬ka¬punta ako sa kanya at ma¬kasangguni.” Sinabi sa kanya ng mga utusan: “Mayroon sa Endor.” 6b Sapag¬kat pinalayas na ni Saul mula sa lupain ang mga midyum at mga espiritista.
8 Nagbalatkayo si Saul, nagsuot ng ibang damit at lumakad kasama ang dalawa niyang tauhan. Gabi na nang duma¬ting sila sa babae at sinabi niya: “Sumangguni ka sa espiritu para sa akin at tawagin mo ang sasabihin ko sa iyo.” 9 Ngunit sumagot ang babae: “Naku, alam mo naman ang ginawa ni Saul, pinalayas niya sa lupain ang mga midyum at espi¬ritista. Bakit mo inilalagay sa bitag ang aking buhay, para ba patayin ako?”
10 Ngunit sumumpa si Saul sa ngalan ni Yawe: “Saksi ko si Yawe – hinding-hindi ka mapapahamak dahil dito.”
11 At sinabi ng babae: “Sino ang gusto mong tawagin ko?” At sumagot siya: “Tawagin mo si Samuel.”
12 Sumigaw nang malakas ang babae nang makita niya si Samuel at sinabi kay Saul: “Bakit ninyo ako nilinlang? Si Saul kayo!” 13 At sinabi naman sa kanya ng hari: “Huwag kang matakot. Pero ano ang nakikita mo?” Sinabi ng babae: “Isang diyos ang nakikita kong lumilitaw mula sa lupa.” 14 Tinanong ni Saul ang babae: “Ano’ng itsura niya?” Suma¬got ang ba¬bae: “Isang matandang naka¬kapa ang lu¬mi¬litaw.”
At alam na ni Saul na si Samuel iyon, at yumuko siyang abot sa lupa ang mukha. 15 Sinabi ni Samuel kay Saul: “Ba’t mo ’ko ipinatawag at ginambala?” Sumagot si Saul: “Balisang-balisa ako. Nakikipaglaban sa akin ang mga Pilisteo at pina¬ba¬yaan na ako ng Diyos. Hindi na niya ako sinasagot sa pamamagitan man ng mga propeta o sa pa¬na¬ginip. Kaya ipinatawag kita para sabihin sa akin ang dapat kong gawin.”
16 Sinabi ni Samuel: “Bakit mo ’ko ti¬na¬tanong kung isinaisantabi ka na ni Yawe at naging kaaway mo na siya. 17 Ti¬notoo ni Yawe ang ipinasabi niya sa akin. Pinunit ni Yawe ang kaharian mula sa iyong kamay at ibinigay ito sa iyong kapwa, kay David. 18 Sapagkat hindi mo pinakinggan ang tinig ni Yawe o isi¬¬¬na¬ka¬¬¬tuparan ang nag-aapoy niyang po¬ot sa mga Amalecita kaya ginawa ito ngayon sa iyo ni Yawe. 19 At ibibigay pa ni Yawe ang Israel, ka¬sama ka, sa kamay ng mga Pilisteo. Bu¬kas, ikaw at ang iyong mga anak na lalaki ay makakasa¬ma ko, at ibibigay ni Yawe pati ang huk¬¬bo ng Israel sa kamay ng mga Pilisteo.”
20 Biglang nabuwal sa lupa si Saul nang tuwid na tuwid dahil sa matinding sindak sa mga salita ni Samuel. Wala nang na¬lalabing lakas sa kanya sapag¬kat mag¬hapo’t magdamag siyang hindi kumakain ng anuman.
21 Nilapitan ng babae si Saul at nakita ang matinding takot nito, at sinabing “Si¬nunod kayo ng inyong lingkod at isi¬nuong sa panganib ang aking buhay at ginawa ko ang inyong sinabi. 22 At nga¬yon, kayo naman sana ang makinig sa inyong ling¬kod. Pa¬ba¬yaan ninyong hai¬nan ko kayo ng kaun¬ting pagkain para magka¬roon kayo ng lakas na mag¬pa¬tuloy sa inyong lakad.”
23 Ngunit tumanggi si Saul at sina¬bing “Hindi ako kakain.” Pinilit siya ng kanyang mga utusan at ng babae, at pinag¬bigyan niya ang mga ito. Buma¬ngon siya mula sa lupa at naupo sa higaan. 24 Agad namang kinatay ng babae ang pinatabang guya sa bahay; kumuha ng harina, mi¬nasa at nilutong tinapay na wa¬lang leba¬dura. 25 At inihain ang mga ito kay Saul at sa mga utusan nito. Ku¬main sila at saka umalis nang gabi ring iyon.

29 1 Tinipon ng mga Pilisteo ang lahat nilang hukbo sa Afek, at nagkampo naman ang mga Israelita sa tabi ng bukal sa Jezrael. 2 Samantalang nangunguna ang mga pinuno ng mga lunsod ng mga Pilisteo sa kani¬lang mga pangkat ng daan-daan at libu-libo, kasama naman ni Akis sa hulihan si David at ang kanyang mga tauhan. 3 Nag¬tanong ang mga pinunong Pilisteo: “Sino ba ang Hebreong ito?” Sinabi ni Akis sa mga pinunong Pilisteo: “Ito si David na lingkod ni Saul na hari ng Israel. Ma¬ta¬gal ko na siyang kasama, mahigit nang isang taon, at wala naman akong maipipintas sa kanya.”
4 Ikinagalit iyon ng mga pinunong Pilisteo at sinabi sa kanya: “Pabalikin mo ang taong iyan nang makauwi siya sa lugar na ibinigay mo sa kanya. Hindi siya dapat sumama sa atin sa la¬¬ba-nan sapagkat baka bumaligtad pa siya la¬ban sa atin. At paano pa siya muling mapapa¬lapit sa kanyang amo kundi sa pa¬mamagitan ng mga ulo ng ating mga tauhan? 5 Hindi ba’t ito ang David na sinayawan nila’t inawitan ng ‘Napatay ni Saul ang kanyang libu-libo at ni David naman ang kanyang laksa-laksa’?”
6 Kaya tinawag ni Akis si David at sinabi sa kanya: “Alam ni Yawe na ikaw ay mapag¬ka-katiwalaan at ikalulugod kong makasama ka sa kampo sapagkat wala akong nakitang masama sa iyo mula nang lumapit ka noon sa akin hang¬gang sa araw na ito. Pero hindi maganda ang tingin sa iyo ng mga pinuno. 7 Bumalik ka na at tahimik na umalis, at huwag inisin ang mga pinunong Pilisteo.”
8 Tinanong ni David si Akis: “Pero ano ang nagawa ko? Ano ang nakita mo sa iyong lingkod mula nang humarap ako sa iyo hanggang sa araw na ito para hindi ako makasama at maki-paglaban sa mga kaaway ng panginoon kong hari?” 9 Sumagot si Akis kay David: “Alam kong para kang isang anghel ng Diyos na kalugud-lugod sa akin pero ayaw ng mga pinunong Pi¬lis¬teo na pasamahin ka sa labanan. 10 Kaya maaga kang gumising bukas pati na ang kasama mong mga lingkod ng iyong panginoon.”
11 At maaga ngang gumising kinabukasan si David at ang kanyang mga tauhan, umalis pagbubukanliwayway at nagbalik sa lupain ng mga Pilisteo. Umahon naman sa Jezrael ang mga Pilisteo.
Ang paglupig sa Siklag
30 • 1 Dumating si David at ang kanyang mga tauhan sa Siklag sa ikatlong araw pero nalusob na ng mga Amalecita ang Negeb pati ang Siklag at sinunog iyon. 2 Binihag nila ang mga babae at lahat ng naroon, bata man o matanda. Wala silang pinatay kundi isinama ang mga iyon sa kanilang pag-alis.
3 Pagdating ni David at ng kanyang mga tauhan sa lunsod, hayu’t sunog ito at natangay ang kanilang mga asawa’t mga anak. 4 Umiyak nang malakas si David at ang kanyang mga kasama hanggang wala na silang mailuha. 5 Na¬bihag ang da¬lawang asawa ni David na sina Ahinoam ng Jezrael at Abigail ng Karmel na biyuda ni Nabal.
6 Balisang-balisang si David sapagkat pinag-uusapan ng mga tao na batuhin siya dala ng sama ng loob dahil sa sina¬pit ng kanilang mga anak. Ngunit naka¬tagpo ng lakas si David kay Yaweng kan¬yang Diyos. 7 Sinabi ni David sa pa¬ring si Abiatar na anak ni Ahimelek na dalhin sa kanya ang efod. Dinala nga ni Abiatar ang efod kay David, 8 at sinang¬¬guni ni David si Yawe: “Hahabulin ko ba ang mga suma¬lakay? Maaabutan ko ba naman sila?” At suma¬got si Yawe: “Ha-bulin mo sila sapag¬¬kat maaabutan mo sila at maba¬bawi ang mga bihag.”
9 Lumakad si David kasama ang anim¬¬naraan niyang tauhan, at duma¬ting sila sa sapa ng Besor. Naiwan doon 10 ang dala¬wan¬daang tauhan na pagod na para ma¬katawid pa sa sapa. At nag¬patuloy si David sa paghabol kasama ang apat¬na¬raan.
11 May natagpuan silang isang Ehipsiyo sa bukid at iniharap nila ito kay David. Binigyan siya ng pagkain at ka¬nilang pi¬na¬¬inom, 12 at binigyan pa rin ng kapi¬ra¬song bibingkang igos at dalawang buwig na pasas. Kumain ang Ehip¬siyo at na¬numbalik ang kanyang lakas dahil tatlong araw at tatlong gabi na itong hindi kuma¬kain at hindi umi¬inom. 13 At sinabi sa kanya ni David: “Sino ang amo mo at taga¬¬saan ka?” Su¬magot siya: “Ako’y isang Ehipsiyo, alipin ng isang Amalecita. Iniwan ako ng aking amo noong maka¬lawa sapag¬kat nagkasakit ako. 14 Sina¬la¬kay namin ang Negeb ng mga Kereteo at ang lupa¬in ng Juda at ang Negeb ng Kaleb, at sinunog namin ang Siklag.”
15 At sinabi ni David sa kanya: “Masa¬samahan mo ba ako sa pangkat na ito?” Sumagot siya: “Isumpa ninyo sa ngalan ng Diyos na hindi ninyo ’ko pa¬pa¬tayin o ibabalik sa aking amo, at sa¬sa-mahan ko kayo sa kanila.”
16 At sinamahan ng Ehipsiyo si David. Hayun sila nakakalat sa buong kampo, nagkakainan, nag-iinuman at pinagpi¬pi¬yestahan ang napakaraming nasam¬sam sa lupain ng mga Pilisteo at sa lupain ng Juda. 17 Nakipaglaban si David sa mga ito mula dapithapon hang¬gang kinagabihan ng sumunod na araw, at walang naka¬ta¬kas sa kanila liban sa apatnaraang kaba¬taang naka¬alis na sakay sa kamelyo.
18 Nabawi ni David ang lahat ng kinu¬ha ng mga Amalecita pati ang dalawa niyang asawa. 19 Walang nawala, mula sa maliit hanggang sa malaki, sa mga anak na lalaki o babae, sa mga nasamsam at sa lahat ng kinuha ng mga Amalecita – nabawing lahat ni David. 20 At kinuha ni David ang lahat ng tupa at baka, at itinaboy nila ang kawang ito na nauuna kay David, at sinabing “Ito ang samsam ni David!”
21 Binalikan ni David ang dalawandaang lalaking pagod na pagod na para makasunod pa sa kanya at kanya na¬mang pinaiwan sa sapa ng Besor. Sina¬lubong ng mga ito si David at lahat ng kasama niya. Nilapitan sila at kinu¬musta ni David.
22 Ngunit may mga taong masama at patapon sa mga kasama ni David at sinabi ng mga ito: “Dahil hindi sila su¬mama sa atin, hindi sila dapat partihan sa ating nasamsam. Kunin lang ng ba-wat isa sa kanila ang kanyang asawa at mga anak, at makakaalis na sila.”
23 Sinabi naman ni David: “Mga kapa¬tid, hindi ninyo dapat gawin ’yan sa bigay sa atin ni Yawe. Iningatan niya tayo at ibinigay sa ating mga kamay ang pangkat na lumusob sa atin. 24 Sino ang makikinig sa inyo sa bagay na ito? Pa¬tas lamang ang kaparte ng naki¬paglaban at ng naiwan sa mga gamit; sama-sama silang maki¬ki¬bahagi.” 25 Mula nga nang araw na iyon hang-gang ngayon, naging tuntunin na ito at kaugalian sa Israel.
26 Pagkarating ni David sa Siklag, pina¬dalhan niya ng kaparte sa nasam¬sam ang mga matatanda ng Juda, ang kanyang mga kaibigan, at sinabing “Na¬rito ang pa¬sa¬lubong para sa inyo mula sa nasamsam sa mga kaaway ni Yawe.”
27 Pinadalhan niya ang mga nasa Be¬tel, Ramot, Negeb, Yatir, 28 Aroer, Sif¬mot, Estemoa, 29 Karmel, mga lunsod ng Jerameel at ng mga Kenita, 30 Horma, Bor-Asan, Atak, 31Hebron, at lahat ng lugar ng tini¬gi¬lan ni David at ng kanyang mga tauhan.
Pagkamatay ni Saul
31 • 1 Nakipagdigma ang mga Pilisteo sa Israel, at tumakas ang mga Israelita at marami ang na¬buwal at namatay sa Bundok Gilboa.
2 Nasukol ng mga Pilisteo si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki, at pinatay nila sina Yonatan, Abinadab at Malkisua na mga anak ni Saul. 3 Naging matindi ang sagupaan sa paligid ni Saul at natakot siya nang makita siya ng mga manu¬nudla.
4 At sinabi ni Saul sa kanyang taga¬pag¬dala ng kalasag: “Bunutin mo ang iyong tabak at saksakin ako, kung hindi’y ang mga supot na ito ang dara¬ting at sasaksak sa akin at paglala¬ruan ako.” Ngunit ayaw iyong gawin ng kan¬yang tagapagdala ng kalasag dahil sa labis na takot. Kaya bi¬nu¬not ni Saul ang sariling tabak at ibinagsak ang katawan dito. 5 Nang makita ng taga¬pagdala ng kalasag na patay na si Saul, nag¬saksak na rin siya sa sarili at kasamang namatay ni Saul.
6 Kaya magkakasamang namatay nang araw na iyon si Saul at ang kanyang tat¬long anak na lalaki at ang taga¬pagdala niya ng kalasag pati ang lahat niyang tauhan.
7 Nang makita ng mga Israelita sa ka¬bi¬lang dako ng lambak at ng mga nasa kabilang ibayo ng Jordan na tu¬ma¬kas na ang hukbo ng Israel at patay na si Saul at ang mga anak nito, iniwan na rin nila ang kanilang mga lunsod at nag¬sitakas. Du¬ma¬ting naman ang mga Pilisteo at ang mga ito ang tumira roon.
8 Kinabukasan, dumating ang mga Pilisteo para hubaran ang mga patay, at nakita nilang patay si Saul at ang tatlo nitong anak sa Bundok Gilboa. 9 Pinu¬gutan nila ng ulo si Saul at kinuha ang kan¬¬yang mga sandata at nagpa¬sugo sa buong lupain ng mga Pilisteo upang ipa¬hayag ang magandang balita sa mga templo ng kanilang mga diyus-diyusan at sa mga tao. 10 Inilagay nila ang mga sandata ni Saul sa templo ni Astarte at ipi¬nako ang kanyang bang¬kay sa pader ng Betsan.
11 Nang mabalitaan ng mga taga-Yabes-Galaad ang ginawa ng mga Pi¬listeo kay Saul, 12 lumabas ang lahat nilang ma¬gigiting na lalaki at magda¬mag na nag¬lakbay, at kinuha nila mula sa pader ng Betsan ang mga bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak. Nagbalik sila sa Yabes, at doon sinunog ang mga ito. 13 Ki¬nuha nila ang mga buto at inilibing sa lilim ng punong-tamarisko sa Yabes, at pitong araw na nag-ayuno.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-15836952665287162562008-09-04T13:22:00.000-07:002008-09-04T13:23:10.271-07:00Hukom (Judges)1 • 1 Pagkamatay ni Josue, sinangguni ng mga Israelita si Yawe: “Sino sa amin ang unang sasalakay sa mga Kananeo?” Su¬magot si Yawe: 2 “Unang sasa¬lakay ang tribu ng Juda, at ibibigay ko sa kanilang mga kamay ang lupain.” 3 Kaya sinabi ng mga taga-Juda sa kanilang mga kapatid mula sa tribu ng Simeon: “Tulungan ninyo kaming sakupin ang bahagi ng lupaing nauukol sa amin, at pagkatapos, magka¬sama nating sasakupin iyong nauukol sa inyo.” Kaya magkasama nilang sinimulan ang paki¬ki¬digma.
4 Nang salakayin ng tribu ng Juda ang mga Kananeo at Perezeo, ibinigay ni Yawe ang mga ito sa kanilang mga kamay; sampung libong kawal ang nilupig nila sa Bezek.
5 Nakaharap nila dito ang Panginoon ng Bezek at sinagupa nila ito. 6 Tumakas ang Panginoon ng Bezek, ngunit tinugis nila ito. Nahuli nila ito at pinutol ang mga hinlalaki ng mga kamay at paa nito. 7 At sinabi ng panginoon ng Bezek: “Pitumpung hari na pinutulan ko ng hinlalaki sa kamay at paa ang dating namumulot ng mumo sa ilalim ng aking hapag-kainan; ngayon, ginawa sa akin ng Diyos ang ginawa ko noon.” Dinala nila ito sa Jerusalem at doon ito namatay.
8 Sinalakay ng tribu ng Juda ang lunsod ng Jerusalem, at pagkatapos patayin ang mga nakatira doon, sinunog nila ang lunsod. 9 Lumu¬song sila mula sa Jerusalem upang salakayin ang mga Kananeong naninirahan sa kaburulan, sa Negeb at sa kapatagan. 10 Sinalakay din nila ang mga Kananeong nasa Hebron (tinatawag din noong Kiryat-arba ang Hebron), at nilupig nila ang Sesai, Ahiman at Talmai. 11 Mula roon, sinalakay nila ang mga taga-Debir, isang bayan na tinatawag ding Kiryat-sefer. 12 At na¬ngako si Kaleb: “Ipakakasal ko ang aking anak na dalagang si Aksa sa sinumang makasasakop sa Kiryat-sefer.” 13 Si Otoniel ang nakasakop sa bayan; anak siya ni Kenaz, na naka¬ba¬batang kapatid na lalaki ni Kaleb, at ipinakasal nga sa kanya ni Kaleb ang anak niyang si Aksa.
14 Isang araw, lumapit si Aksa kay Otoniel at hinimok itong humingi ng bukirin sa kanyang ama. Bumaba si Aksa sa kanyang asno, at tinanong siya ni Kaleb: “Ano’ng ibig mo?” 15 Su-magot siya: “Napakainam na regalo ang ilang ng Negeb! Bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig!” At ibinigay sa kanya ni Kaleb ang mga Bukal sa Itaas at sa Ibaba.
16 Sumama na rin sa mga taga-Juda ang mga Kineo na mga inapo ng biyenan ni Moises mula sa lunsod ng mga Palmera hang¬gang sa bahagi ng Disyerto ng Juda sa hangganan ng Negeb na malapit sa Arad, at doon na sila nanirahang magkakasama.
17 Sinalakay ng mga taga-Juda at ng kani¬lang mga kapatid mula sa tribu ng Simeon ang mga Kananeo na naninirahan sa Sefat; winasak nila ito at inihandog sa karangalan ni Yawe. Kaya pinangalanang “Anatema” ang lunsod na ito. 18 Sinakop din ng Juda ang buong lupain ng Gaza, Askalon at Ekron at ang kani-kanilang nasasa¬kupan.
19 Bagamat nasakop nila ang mga bulu¬bun¬dukin sa tulong ni Yawe, hindi nila nai¬taboy ang mga naninirahan sa kapatagan sapagkat lu¬maban ang mga ito sa pama¬magitan ng mga karwaheng bakal. 20 Ayon sa utos ni Moises, ibinigay nila ang lunsod ng Hebron kay Kaleb na siyang nagpalayas mula roon sa tatlong anak na lalaki ni Anac. 21 Ngunit hindi nagta¬gumpay ang tribu ng Benjamin sa pagtataboy sa mga Jebuseo na naninirahan sa Jerusalem; nasa Jerusalem pa rin ang mga Jebuseo hang¬gang sa pana¬hong ito.
22 Sumalakay ang mga taga-Jose laban sa Betel, sa tulong ni Yawe. 23 Nagsugo sila ng mga espiya sa Betel, na dating tinatawag na Luz, 24 na nakasalubong ng isang lalaking palabas sa lunsod. Sinabi nila sa lalaki: “Sabi¬hin mo sa amin kung paano kami maka¬¬papasok sa lunsod, at hindi ka namin papatayin.” 25 Itinuro nga niya ito. Pumasok sila at pinatay ang mga taga-roon, ngunit pinalaya nila ang lalaki, kasama ang buong pamilya nito. 26 Pumunta ang lalaki sa lupain ng mga Heteo at doon nagtayo ng isang lunsod na pinangalanan niyang Luz na siya pa ring pangalan nito hanggang ngayon.
27 Gayunman, hindi pinalayas ng tribu ng Manases ang mga taga-Bet-sean at Taanac, at ang mga taga-Dor, Ibleam at Megiddo. Nag¬pumilit ang mga Kananeo na manatili sa mga lunsod na ito at sa mga bayang umaasa rito, at nanatiling kanila ang mga lupain nila. 28 Ngunit nang lumakas na ang mga Israelita, pinapagbuwis nila ang mga Kananeong nanatili sa ka¬nilang lugar. 29 Hindi pinalayas ng tribu ng Efraim ang mga Kananeong naninirahan sa Gezer, at 30 hindi rin pinalayas ng tribu ng Zabulon ang mga mamamayan ng Kitron at Nahalol. Kasama nilang namu-hay ang mga Kananeong ito ngu¬nit pinapag¬buwis nila.
31 Hindi rin pinalayas ng tribu ng Aser ang mga taga-Acco, Sidon o Alab, Acsib, Helba, Afik at Rehob.
32 Kinailangang manirahan sa piling ng mga Kananeong sumakop sa kanilang lupain ang tribu ng Aser. 33 Gayundin ang nang¬¬¬yari sa tribu ng Neftali: hindi nila nagawang palayasin ang mga taga Bet-sames at Bet-anat. Nanirahan silang kasama ang mga Kananeong nanatili sa lupain. Ngunit nagbayad ng buwis sa kanila.
34 Hindi pinahintulutan ng mga Amorreo ang mga taga-Dan na lumusong sa kapa¬tagan, kayat napilitan ang mga iyon na manirahan sa mataas na lupain. 35 Nanatili rin ang mga Amorreo sa Har-heres, Ayalon at Selebin, ngunit nang mas lumakas pa ang tribu ng Jose, pinilit nito ang mga Amorreo na bumuwis. 36 Nasasaklaw ng lupain ng mga Amorreo magmula sa tabing bundok ng Akrabim, at magmula sa Sela, pa¬itaas.

2 • 1 Umahon ang Anghel ni Yawe mula sa Gilgal pa-Bokim at sinabi sa mga Israelitang nagtipon doon: “Inilabas ko kayo sa Ehipto at dinala sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Sinabi ko sa kanila: ‘Hindi ko sisi¬¬rain kailanman ang aking tipan sa inyo, 2 ngunit hindi kayo gagawa ng anu¬mang tipan sa mga Kananeo; sa halip wawa¬sakin ninyo ang kanilang mga altar.’ Ngunit hindi ninyo ako si¬nunod. Bakit ninyo ginawa ito? 3 Kaya ngayon, hindi ko na sila palala¬yasin sa harapan ninyo. Aapihin nila kayo at magiging patibong para sa inyo ang kanilang mga diyos.”
4 Pagkasalita ng Anghel ni Yawe, nagsi¬mu¬lang manangis at umiyak ang lahat ng Israelita. 5 Kaya tinawag nilang Bokim ang lugar na ’yon, na ang ibig sabihi’y “silang tumatangis”, at nag-alay sila ng mga handog kay Yawe.
6 Nang paalisin ni Josue ang mga Israelita, pinuntahan ng bawat isa ang kani-kanyang mina-nang lupain upang sakupin ito. 7 Pinag¬lingkuran ng bayan si Yawe sa panahon ni Josue at ng mga pinunong huling namatay kaysa kanya na nakasaksi sa lahat ng kada¬ki¬laang ginawa ni Yawe para sa Israel. 8 Namatay si Josueng anak ni Nun at lingkod ni Moises sa gulang na sandaa’t sampung taon. 9 Inilibing siya sa hangganan ng kanyang minanang lupain sa Timnas-Heres, sa kabu¬rulan ng Efraim, sa hilaga ng Bundok Gaas. 10 Namatay ang buong lahing iyon at sumipot ang isang bagong salinlahi, na hindi kilala si Yawe at hindi alam kung ano ang ginawa niya para sa Israel.
Aral ng Aklat
• 11 Kaya ginawa ng mga Israelita ang hindi tama sa paningin ni Yawe, at pinag¬lingkuran nila ang mga Baal. 12 Iti¬nakwil nila si Yaweng Diyos ng kani¬lang mga ni¬nuno, na naglabas sa kanila sa Ehipto, at naglingkod sila sa ibang diyos, sa mga diyos ng mga karatig-bayan. Yumuko sila sa mga diyos na iyon at ginalit si Yawe.
13 Nang makita ni Yawe na itinakwil na siya ng mga ito upang maglingkod sa mga Baal at Astarot, 14 napoot siya sa Israel, kayat ibinigay niya ito sa kamay ng mga mandarambong na lub¬hang nagpa¬hirap dito. Siya mismo ang nagbili sa kanila sa kanilang mga ka¬away sa paligid nila at hindi na nila nakayang lumaban. 15 Tuwing makiki¬digma sila, kinakalaban sila ni Yawe at pinadadalhan ng kapahamakan tulad ng kanyang banta at sumpa sa kanila. At lubos nilang ipinagdalamhati ito.
16 Naglagay si Yawe ng mga “hukom” (o tagapagpalaya) na nag¬lig¬tas sa mga Israelita sa mga mandaram¬bong. 17 Ngu¬nit hindi rin nila sinunod ang mga “hukom” na ito kundi ipinag¬patuloy nila ang pagbibili ng sarili sa ibang mga diyos at sinamba ang mga ito. Kaagad silang lumihis sa landas ng kanilang mga ninu¬nong sumunod sa mga utos ni Yawe; hindi sila tumulad sa mga ito.
18 Tuwing maglalagay si Yawe ng isang hukom sa kanyang bayan, suma¬sakanya si Yawe at inililigtas niya ito sa mga ka¬away. Tumagal iyon habang nabu¬buhay ang hukom, sapagkat na-habag si Yawe dahil sa panaghoy ng kanyang bayang pinahihirapan at pi¬nag-uusig. 19 Ngu¬nit pag¬kamatay ng hukom, muli silang na¬giging mas ma¬sama pa kaysa kanilang mga ninuno – sa pagsamba at pagli¬ling¬kod sa ibang diyos. Ayaw nilang talikuran ang mga gawaing pagano at katigasan ng ulo.
20 Napoot si Yawe at sinabi: “Sinira ng mga taong ito ang pakikipagtipan ko sa kanilang mga ninuno at ayaw ni¬lang sumunod sa akin. 21 Kaya hindi ko na paaalisin sa harap nila ang alinman sa nalabing bansa pagkamatay ni Josue. 22 At susu¬bukin ko ang mga Israelita sa pamamagitan ng mga bansang ito, upang malaman ko kung susunod rin sila sa akin, sa dakong huli, tulad ng kanilang mga ninuno.”
23 Kaya hinayaan ni Yawe ang mga bansang ito na manatili sa mga lupaing kinaroroonan nila at hindi kaagad binawi sa kanila ang mga lupain. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi sila inihulog ni Yawe sa mga kamay ni Josue.
3 1 Ito ang mga bansang hinayaan ni Yaweng mabuhay upang subukin sa pa¬mamagitan nila ang Israel – ang lahat ng hindi nakidigma sa Kanaan. 2 Ginawa niya ito upang matutong lumaban ang salinlahi ng mga anak ng Israel na hindi pa nakakaranas ng digmaan. 3 Ang mga bayang ito ay ang limang panginoon ng mga Pilisteo at lahat ng Kananeo, Sidonio at Heveo ng Bundok ng Lebanon, mula sa bundok ng Baal-Hermon hanggang sa pasu¬kan ng Hamat.
4 Nanatili sila upang subukin ang Israel kung susundin ang mga utos ni Yawe na itinakda sa mga ninuno ng mga ito, sa pamamagitan ni Moises. 5 Kaya namuhay ang mga Israelita na kasalamuha ng mga Kananeo, Heteo, Amorreo, Perezeo, Heveo at Jebuseo. 6 Pinakasalan ng mga Israelita ang mga anak na babae ng mga ito, ipinakasal ang kanilang mga anak na babae sa mga anak na lalaki ng mga ito, at pinag¬lingkuran ang mga diyus-diyusan ng mga ito.
Otoniel, Ehud at Samgar
• 7 Masama sa paningin ni Yawe ang ginawa ng mga Israelita; kinalimutan nila si Yaweng Diyos nila at pinagling¬kuran ang mga Baal at Asera. 8 Dahil dito, nag-alab ang poot ni Yawe laban sa Israel at inihulog niya ito sa mga kamay ni Kusan Risataim, hari ng Aram, na sumakop sa mga Israelita nang walong taon.
9 Subalit nang dumaing ang mga Israelita kay Yawe, naglagay si Yawe sa kanila ng isang tagapagpalaya; naligtas sila sa pamamagitan ni Otoniel na anak ni Kenaz, na nakababatang ka-patid naman ni Kaleb. 10 Sumakanya si Yawe at na¬muno siya sa Israel. Nang makidigma si Otoniel, inihulog ni Yawe sa kanyang mga kamay si Kusan Risataim na hari ng Aram. 11 Nagapi ni Oto¬niel ang hari at apatnapung taong nag¬karoon ng kapa¬ya¬paan sa lupain. At namatay si Otoniel na anak ni Kenaz.
12 Muling ginawa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Yawe, at pina¬lakas niya si Eglon, hari ng Moab, upang sa¬la¬kayin ang mga Israelita.
13 Inianib ni Eglon ang mga Amonita at Amalekita; at magkakasama nilang sina¬lakay ang Israel at nilupig iyon, at sinakop ang Lunsod ng mga Palmera. 14 Labing¬walong taong sumailalim ang mga Is¬raelita kay Eglong hari ng Moab. 15 Subalit tumawag silang muli kay Yawe kayat binigyan sila nito ng isang taga¬pagligtas – si Ehud, isang kaliwe¬teng anak ni Gera, mula sa tribu ng Benjamin.
Nagpadala sa kanya ang mga Isra¬elita ng isang regalong ibibigay kay Eglong hari ng Moab. 16 Gumawa si E¬hud ng isang balaraw na magkabila ang talim, na isang talampakan at kala¬hati ang haba at itinali iyon sa kanyang kanang hita, sa ilalim ng kanyang damit. 17 At ibinigay niya ang regalo kay Eglong hari ng Moab. Napaka¬taba pala nito. 18 Matapos maibigay ni Ehud ang regalo, pinaalis na niya ang mga taong nag¬dala nito. 19 Nang nasa lugar na sila ng mga Diyus-diyusan, malapit sa Gilgal, nag¬¬balik siya sa hari at sinabi kay Eglon: “May sikreto akong sasabihin sa inyo, O Hari.” At sinabi ni Eglong hari ng Mo¬¬¬¬¬ab: “Bayaan ninyo akong mapag-isa!” Ka¬ya umalis ang lahat ng nasa si¬lid.
20 At nilapitan siya ni Ehud, habang mag-isa siyang nakaupo sa kanyang pan¬sariling kuwarto sa tuktok ng pa¬lasyo. Presko roon. Sinabi ni Ehud: “Panginoon, may pasabi ang Diyos para sa inyo.” Tumindig ang hari mula sa kinauupuan. 21 At kinuha ni Ehud ng kaliwang kamay ang balaraw sa kanyang kanang hita at itinarak sa tiyan ng hari. 22 Bumaon pati ang puluhan kasama ng talim na natak¬pan na ng taba dahil hindi na hinugot ni Ehud ang balaraw sa tiyan ng hari. 23 Lu¬mundag si Ehud mula sa bintana pagka¬kan¬dado niya ng mga pinto ng kuwarto.
24 Pagkaalis niya, dumating ang mga utusan at nakitang nakakandado ang mga pinto sa kuwarto sa itaas. Naisip nila: “Ma¬rahil, nagbabawas siya sa pres¬kong kuwarto.” 25 Matagal din silang naghintay, ngunit nanatiling sa¬rado ang kuwarto sa itaas. Sa wakas kinuha na nila ang mga susi at bi¬nuksan ang mga pinto: patay na nakahandusay sa sahig ang kanilang pangi¬noon!
26 Nakatakas na si Ehud habang nag¬hihintay sila; sa lugar ng mga Diyus-diyusan siya dumaan at na¬karating sa isang ligtas na pook sa Seira. 27 Pag¬dating niya, hinipan niya ang tambuli sa ka¬burulan ng Efraim, at lumusong mula sa kaburulan ang mga Israelita. 28 Tumayo siya sa harapan nila at sinabi: “Sumunod kayo sa akin, sapagkat ini¬hulog na ni Yawe sa inyong mga kamay ang mga Moabitang ating kaaway.” Lumusong kasunod niya ang mga Israelita, hina-rangan nila ang mga tawiran sa Jordan patungo sa Moab at walang pinadaang sinuman.
29 Nilupig nila ang Moab sa pagkaka¬taong iyon, at sampung libong malala¬kas at matatapang na lalaki ang kani¬lang pinatay. Walang natirang buhay. 30 Kayat nang araw na iyon, sumailalim sa Israel ang Moab. Walumpung taong nanatili ang kapayapaan sa lupain.
31 Pagkatapos nito, sumunod si Samgar na anak ni Anat; animnaraang Pi¬listeo ang pinatay niya sa pamama¬gitan ng tungkod na pantaboy ng baka. Iniligtas din niya ang Israel.
Sina Debora at Barak
4 • 1 Pagkamatay ni Ehud, muling gina¬wa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Yawe, 2 kayat ipinailalim sila sa kapangyarihan ni Yabing hari ng Kanaan. Naghari si Yabin sa Hasor, at sa Haroset-ha-goyim na¬man naninirahan si Sisara na heneral ng kanyang hukbo.
3 At tumawag kay Yawe ang mga Israelita, sapagkat siyamnaraan ang kar¬waheng-pandigma ni Yabin at dalawam¬pung taon silang pinahirapan nito.
4 Nang panahong iyon naging hukom si Deborang isang propeta at maybahay ni Lapidot. 5 Karaniwan siyang naka¬upo sa ilalim ng tinatawag na Palmera ni Debora, sa pagitan ng Rama at Betel, sa lupain ng Efraim. Doon niya nilulutas ang mga rek¬la¬mong inihaharap sa kanya ng mga Israelita. 6 At ipinatawag niya si Barak, na anak ni Abinoam, na taga-Kades ng Neftali. Sinabi niya rito: “Ito ang utos sa iyo ni Yaweng hari ng Israel: ‘Humayo ka sa Bundok ng Tabor at magsama ka ng sampung libong lalaki mula sa mga tribu ng Neftali at Zabulon, 7 sapagkat pa¬pu¬puntahin ko sa iyo si Sisara sa Ilog Kison, kasama ang mga karwahe at kawal niya, at ihuhulog ko siya sa iyong mga kamay’.”
8 Sumagot si Barak: “Pupunta ako kung pupunta ka; ngunit kung hindi ka pu¬punta, hindi ako pupunta.” 9 Sinabi naman ni Debora: “Sasama ako sa iyo, ngunit sa paraan mong ito, hindi ma-papasaiyo ang karangalan ng tagum¬pay; isa ngang ba¬bae ang papatay kay Sisara.”
At sumama si Debora kay Barak pa-Kades.
10 Tinawag ni Barak ang mga tribu ng Zabulon at Neftali at sampung libong kawal ang sumunod sa kanya. Umahon ding kasama niya si Debora. 12 Nang malaman ni Sisara na umahon si Barak sa Bundok ng Tabor, 13 tinipon niya ang kanyang mga karwahe – siyamnaraan lahat – at lahat ng kan¬yang kawal at umalis sila sa Haroset-ha-goyim pa¬tungo sa Ilog Kison.
14 At sinabi ni Debora kay Barak: “Bumangon ka, sapagkat ngayon ang araw na ihuhulog ni Yawe sa iyong mga kamay si Sisara. Sa araw na ito, nasa unahan mo na si Yawe.”
Kaya lumusong mula sa Bundok ng Tabor si Barak, kasama ang kanyang sampung libong kawal. 15 Pinapagta¬gumpay siya ni Yawe laban kay Sisara at sa mga karwahe at buong hukbo nito. Bu¬maba si Sisara sa kanyang kar¬wahe at tumakas, 16 samantalang tinu¬gis naman ni Barak ang mga kar¬wahe at ang hukbo hanggang sa Haroset-ha-goyim. Nalipol ang buong huk¬bo ni Sisara. Walang na¬tirang buhay.
11 Nang mga sandaling iyon, nag¬kampo si Heber na Sineo, sa tabi ng punong-ensina ng Za-anamin, malapit sa Kades, matapos bumukod sa iba pang inapo ni Hobab, na biyenan ni Moises. 17 Doon nagtago si Sisara, at patakbong pumunta sa tolda ni Yael, na maybahay ni Heber. Nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga Kenita at ng lipi ng mga Kananeo ni Yabing hari ng Hazor.
18 Lumabas si Yael upang salubungin si Sisara at sinabi: “Halikayo, aking pangi¬noon, huwag kayong matakot.” Pumasok si Sisara at itinago siya ni Yael sa ilalim ng isang kumot. 19 Humingi ng tubig si Sisara upang pawiin ang kanyang uhaw. Nag¬bu¬kas ng isang lalagyan ng gatas ang babae at pina¬inom si Sisara, at muling tinakpan ng kumot. 20 At sinabi ni Sisara: “Tumayo ka sa pintuan; at kung may da¬ra¬ting at magtatanong, sabihin mong wala kang kasama rito.” 21 Hapung-hapo si Sisara, kayat nakatulog siya. At kumuha ang babae ng isang martilyo at tulos ng tolda, tahimik na lumapit kay Sisara at ipinukpok ang tulos sa sentido ni Sisara hanggang bumaon sa lupa. 22 Pagdating ni Barak, lumabas si Yael at sumalubong at sinabi: “Tuloy ka at ituturo ko sa iyo ang lalaking hina¬ha¬nap mo.” Pumasok si Barak at na¬kita si Sisarang patay na, at may naka-tusok na tulos ng tolda sa sentido.
23 Sa araw na iyon, hinamak ni Yawe si Yabin sa harap ng mga Israelita. Hindi tinantanan ng mga Israelita ang mga Kananeo hanggang sa malipol nila ang mga ito.
Awit ni Debora
5 • 1 Sa araw na iyon, inawit ito nina Debora at Barak na anak ni Abinoam:
2 “Sa Israel, buong-giting na lumaban ang mga kawal; sa Israel kusang-loob nilang inialay ang sarili. Purihin si Yawe!
3 Dinggin ninyo, O mga hari; makinig kayo, O mga prinsipe. Kay Yawe ako aawit; kay Yaweng Diyos ng Israel ako mag-aalay ng papuri.
4 Lumabas ka mula sa Seir, O Yawe; pag¬sugod mo mula sa lupain ng Edom, nayanig ang lupa; umikot ang langit at natunaw ang mga ulap. 5 Nanginig ang bundok sa harapan ni Yaweng Diyos ng Israel.
6 Sa panahon ni Samgar na anak ni Anat, sa panahon ni Yael, walang naglalakbay sa mga lansangan kundi sa mga makikitid na landas. 7 Walang namumuno sa Israel hanggang ako – si Debora – ay nagising at nagbangon bilang ina ng Israel.
8 Pumili sila ng mga bagong diyos, at dinatnan sila ng digmaan. At halos walang kalasag ni sibat ang apatnapung libong kawal sa Israel!
9 Kasama ang aking puso ng mga pinuno ng Israel, ng mga taong may kusang-loob. Purihin si Yawe!
10 Kayong mga nakasakay sa mga puting asno, kayong mga nakaupo sa mamahaling alpombra; kayong mga naglalakad sa lansa¬ngan, magnilay kayo! 11 Pakinggan ninyo ang tinig ng mga naghahati-hati ng nasam¬sam sa malapit sa pa¬inuman; inaawit nila ang mga kaloob ng Diyos sa Israel nang lumu¬song sa mga pintuan ang bayan ni Yawe.
12 Gumising ka, Debora, gumising ka! Gumising ka, gumising ka at magsimulang umawit. Bumangon ka, Barak! At dalhin ang iyong mga awit, anak ni Abinoam.
13 Manaig ang mga nalabi ng bayan sa mga nang-aapi sa kanila! Sumaakin nawa si Yawe, mas malakas kaysa magigiting! 14 Nasa lambak ka, O Efraim, at nasa likuran mo, kasama ng iyong hukbo ang kapatid mong si Benjamin. Mula sa Makir lumusong ang mga pinuno; mula sa Zabulon ang mga namumunong may da¬lang tungkod na tanso.
15 Kasama ni Debora ang mga pinuno ng Isacar, kasama naman ni Barak ang Isacar; su-mugod ang mga mamamayan kasunod nila sa kapatagan.
Ngunit nagtatalu-talo ang mga angkan ni Ruben.
16 Bakit kayo nanatili sa inyong mga kawan nang tumunog ang plawta? Walang napag¬ka¬yarian ang mga angkan ni Ruben.
17 Nanatili ang Galaad sa kabilang pam¬pang ng Jordan, at bakit nanatili ang mga taga-Dan sa kanilang mga barko? Nanatili ang Aser sa mga pampangin ng dagat; nananahimik sila sa kanilang mga pantalan.
18 Binale-wala naman ng Zabulon ang kama¬tayan, pati ang Neftali sa mataas na lupain. 19 Dumating ang mga hari upang makipag¬laban; nakipaghamok ang mga hari ng Kanaan sa Tanak, malapit sa mga balon ng Megiddo, ngunit wala silang nakuhang pilak.
20 Mula sa kalangitan nakipaglaban ang mga tala, nilabanan ng mga ito si Sisara mula sa kanilang ligiran. 21 Tinangay sila ng Ilog Kison, ang matandang ilog, ang Ilog Kison. Sumugod kang walang takot, aking kaluluwa!
22 Niyayanig ang lupa ng mga yabag ng ka¬bayo: sa pagsugod ng kanyang mga kabayo. 23 ‘Sumpain ang Meros,’ sabi ng anghel ni Yawe, ‘sumpain ninyo, sumpain ang mga taga-roon, sapagkat hindi sila tumulong kay Yawe, kasama ng mga bayani.’
24 Pagpalain sa kababaihan si Yael, maybahay ni Heber na Kenita; pagpalain ka sa mga babaeng nakatira sa tolda! 25 Humingi ito ng tubig, binigyan niya ng gatas; naghain siya ng nata sa sarong marangal.
26 Hinawakan niya ang tulos at kinuha ng kanang kamay ang maso. Pinukpok niya si Sisara, dinurog ang ulo, tinusok at binasag ang sentido nito. 27 Nahandusay ito sa kanyang paanan, at doon bumagsak. Wala nang buhay.
28 Nanungaw sa bintana ang ina ni Sisara at sumigaw sa likod ng tabing. Bakit hindi pa dumarating ang kanyang karwahe? Bakit ito naaantala? 29 Sumagot ang pinakamautak sa kanyang mga alalay na babae. 30 ‘Tiyak na pinaghahatian na nila ang kanilang nadambong – isa, dalawang dalaga sa bawat kawal; ma¬ku¬kulay na tela para kay Sisara; maku¬kulay na telang may burda para gawing isang bandana.
31 Malipol sana nang ganito ang lahat ng iyong kaaway, O Yawe, at matulad sana sa ma-ningning na araw ang iyong mga kai¬bigan.
At apatnapung taong naghari ang kapa¬ya¬paan sa lupain.
6 1 Ginawa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Yawe at inihulog sila ni Yawe sa mga kamay ng mga Madianita nang pitong taon, 2 at naging mabigat sa kanila ang kamay ng mga Madianita.
Dahil sa mga Madianita, gumawa ang mga Israelita ng mga taguan, yungib at kan¬lungan sa mga burol. 3 Pagkatapos maka¬pag¬punla ang mga Israelita, darating ang mga Madianita na kasama ang mga Amalekita at ang mga taga-Silangan. 4 Sasa¬lakayin nila ang mga Israelita, mag-kakampo sa lupain ng mga ito at wawa¬sa¬kin ang lahat ng taniman hanggang sa pa¬sukan sa Gaza. Wala silang iiwang makakain, ni tupa, ni baka, ni asno, 5 sapag¬kat aahon silang kasin¬dami ng mga balang, na hakot ang kani¬lang mga hayop at mga tolda. Napa¬karami nila at ng kanilang kamelyo at sinalakay at inagaw ang lupain. 6 Sa ganitong paraan, pinapag¬hirap nang husto ng mga Madianita ang Israel, kayat tu¬mawag kay Yawe ang mga Israelita.
7 Nang manawagan ang mga Israelita kay Yawe dahil sa mga Madianita, 8 nagsugo si Yawe sa kanila ng isang propeta na nagsabi: “Ito ang sabi ni Yaweng Diyos ng Israel: ‘Inilabas ko kayo sa Ehipto, ang bahay ng pagkaalipin. 9 Pinalaya ko kayo sa mga kamay ng mga Ehipsiyo at sa lahat ng sumi¬siil sa inyo. Pina¬layas ko sa harap ninyo ang mga naninirahan sa lupaing ito at ipinag¬kaloob ko sa inyo ang kanilang lupain, 10 at sinabi ko sa inyo, Ako si Yaweng inyong Diyos. Huwag ninyong pansinin ang mga diyos ng mga Amorreo, na ang lupain ay tinitirhan ninyo ngayon. Ngunit hindi ninyo ako pina¬kinggan.’”
Ang pagtawag kay Gideon
• 11 Dumating ang anghel ni Yawe at naupo sa ilalim ng banal na punung¬kahoy sa Ofra, na ari-arian ni Yoas, ng angkan ni Abiezer. Si Gideon na anak ni Yoas ay gumigiik ng trigo sa pisaan ng ubas upang maikubli ito sa mga Madia¬nita.
12 Napakita sa kanya ang anghel ni Yawe at nagsabi: “Sumaiyo si Yawe, magiting na mandirigma.” 13 Sumagot si Gideon: “Ipagpaumanhin mo, ginoo, ngu¬nit kung sumasaamin si Yawe, bakit nangyayari ang lahat ng ito sa amin? Na¬saan ang mga kababalag¬hang isinasa¬laysay sa amin ng aming mga ninu¬no? Hindi ba sinabi nilang inilabas sila ni Yawe mula sa Ehipto? Bakit niya kami pina¬bayaan ngayon at ibinigay sa mga kamay ng mga Madianita?”
14 Bumaling sa kanya si Yawe at sinabi: “Humayo ka, at iligtas ang Israel sa mga Madianita sa pamamagitan ng iyong ka¬tapangan. Ako ang nagsusugo sa iyo.” 15 Sumagot si Gideon: “Patawarin mo ako, Pangi¬noon, ngunit paano ko maililigtas ang Israel? Ang aking pamilya ang pina¬ka¬hamak sa aking tribu at ako ang pi¬na¬kahuli sa pamilya ng aking ama.”
16 Sinabi sa kanya ni Yawe: “Sasaiyo ako at lulupigin mo ang mga Madianita sa isang hampas.” 17 Sinabi ni Gideon: “Paki¬bigyan mo ako ng palatandaan na ikaw nga ang nagsasalita. 18 Huwag ka sanang umalis hanggang makabalik ako at ma¬kapag-alay ng handog sa iyo.” Sumagot si Yawe: “Hihintayin kita rito.”
19 Umalis si Gideon at naghanda ng isang batang kambing, kumuha ng isang takal na arina at hinurnong tinapay na walang lebadura. Inilagay niya ang sabaw sa isang palayok at ang karne sa isang bilao, at inialay sa Anghel sa ilalim ng punungkahoy. 20 At sinabi ng Anghel ng Diyos: “Kunin mo ang karne at tinapay; ilagay mo sa ibabaw ng batong ito at ibuhos dito ang sabaw.” Ginawa iyon ni Gideon. 21 Nang mga sandaling iyon, inilabas ng Anghel ng Diyos ang tungkod na hawak at idinait sa karne at tinapay. Kapag¬daka’y may sumiklab na apoy sa bato. Tinupok ng apoy ang karne at tina¬pay, at nawala ang Anghel ni Yawe.
22 Noon naunawaan ni Gideon na iyon nga ang Anghel ni Yawe at sinabi: “Sa¬wim¬¬¬palad ako, O Panginoong Yawe! Na¬kita ko na nang harapan ang Anghel ni Yawe.” 23 Ngunit sinabi sa kanya ni Yawe: “Sumaiyo ang kapa¬yapaan. Hu¬wag kang matakot. Hindi ka mama¬ma¬tay.” 24 Nag¬tayo ng altar si Gideon para kay Yawe sa pook na iyon at tina¬wag niyang Yawe-Kapayapaan. Hang¬gang ngayo’y naroon pa rin iyon sa Ofra ng Abiezer.
25 Nang gabi ring iyon, sinabi ni Yawe kay Gideon: “Isama mo ang sampu sa utusan ng iyong ama at isang torong pitong taong gulang. Wasakin mo ang altar na ginawa ng iyong ama para kay Baal at putulin mo ang banal na haligi sa tabi niyon. 26 At maingat kang magtayo ng isang altar para kay Yawe sa burol na ito at ihandog mo sa akin ang toro; sunugin mo iyon sa pamamagitan ng kahoy ng banal na haligi.”
27 At ginawa nga ni Gideon – sa tulong ng kanyang sampung utusan – ang ipinag-utos ni Yawe. Ngunit sa gabi niya ito ginawa sapagkat natatakot siya sa kanyang pamilya pati na rin sa mga taum¬bayan.
28 Kinabukasan, nakita ng mga taumbayan na dinurog ang altar ni Baal at ibinuwal din ang banal na haligi. Nakita rin nila ang sinunog na toro sa bagong altar. 29 Kayat sila’y nagtanu¬ngan at nagsiyasat, at natuklasang si Gideon ang gumawa niyon. 30 At sinabi ng mga taumbayan kay Yoas: “Ibigay mo sa amin ang iyong anak upang patayin; siya ang nagwasak ng altar ni Baal at pumutol sa banal na haligi.” 31 Ngunit sinabi ni Yoas sa nagagalit na pulutong: “Ipagtatanggol ba ninyo si Baal at ililigtas? Kung siya’y diyos, bayaan ninyong ipag¬tanggol niya ang kanyang sarili nga¬yong may nagwasak ng kanyang altar.”
32 Nang araw na iyon, pinangalanan si Gideon na Yerubaal, na nangangahulugang “Bayaang ipagtanggol ni Baal ang sarili laban sa kanya, sapagkat winasak niya ang altar ni Baal.”
33 Nagkaisang tumawid sa Jordan ang buong Madian, Amalek at ang mga tao ng Silangan at nagkampo sa mga kapa¬tagan ng Jezrael. 34 Kaya suma¬kay Gideon ang espiritu ni Yawe, hinipan niya ang trum¬peta at nagkaisa sa kanya ang mga taga-Abiezer. 35 Nag¬padala siya ng mga sugo sa buong lupain ng Manases at sinalubong siya ng mga tagaroon. Sumalubong din ang mga taga-Aser, Zabulon at Neftali.
36 Sinabi ni Gideon sa Diyos: “Kung talagang ililigtas mo ang Israel sa tulong ng aking kamay, tulad ng iyong sinabi, bayaan mong gawin ko ito. 37 Lalatagan ko ng balahibong lana ang giikan. Kapag sa balahibo lamang pumatak ang hamog at nanatiling tuyo ang lupa, malalaman kong ililigtas mo nga ang Israel sa tulong ng aking kamay, tulad ng iyong ipina¬ngako.”
38 Gayon nga ang nangyari. Kinabu¬kasan, maagang bumangon si Gideon, piniga ang lana at tumulo ang hamog, at napuno ang isang baso. 39 Nagsalitang muli si Gideon sa Diyos at sinabi niya: “Huwag kang magagalit kung muli kitang kausapin. Bayaan mong gumawa ako ng isa pang pagsubok sa balahibong lana: gawin mong tuyo ang lana at basa ang lupa sa paligid.” 40 Nang gabing iyon, ga¬yon nga ang ginawa ni Yawe. Nanatiling tuyo ang lana at basang-basa naman ng hamog ang lupa.
7 1 Maagang nagbangon si Yeru¬baal, o si Gideon, gayundin ang lahat ng mga taong kasama niya at nag¬kampo sila sa tabi ng bukal ng Harod. Nasa dakong hilaga naman nila ang kampo ng mga Madianita at sinaklaw nito mula sa burol ng More hanggang sa mga kapatagan.
2 At sinabi ni Yawe kay Gideon: “Na¬¬¬¬pakarami mong kasama. Kung ila¬lagay ko ang mga Madianita sa inyong mga kamay, iisipin ng mga Israelita na nag¬tagumpay sila dahil sa sariling lakas. 3 Kayat ipatawag mo ang iyong mga ta¬uhan at sabihin sa kanila na sinumang natatakot ay makakauwi na.” Kayat da¬lawampu’t dalawang libong kawal ang nagsiuwi at sampung libo lamang ang naiwan.
• 4 Sinabi ni Yawe kay Gideon: “Na¬pakarami pa rin. Isama mo sila sa batis at kikilatisin ko sila para sa iyo. Ang sabihin kong: ‘Sasama siya sa iyo’, ¬isasama mo. At ang sabihin kong: ‘Hindi siya,’ hindi sasama.” 5 Dinala nga sila ni Gideon sa batis at doon sinabi ni Yawe: “Papupun¬tahin mo sa isang panig ang mga hihimod ng tubig na parang aso. At ang mga lu¬luhod naman upang umi¬nom ay papu¬pun¬¬tahin mo sa kabilang panig.”
6 Tatlundaan ang humimod ng tubig, at ang iba naman ay lumuhod para uminom. 7 At sinabi ni Yawe kay Gideon: “Ililigtas ko kayo sa pama¬ma¬gitan ng tatlundaang ito na humimod ng tubig at ibibigay ko sa mga kamay mo ang mga Madianita. Pauwiin mo na ang iba.” Kinuha ng tatlun-daan ang mga banga at tambuli ng iba at pinauwi na ni Gideon ang mga ito. At tinapatan na ni Gideon at ng tatlundaang tauhan ang kampo ng mga Madianita na nasa ibaba ng lambak.
9 Nang gabing iyon, sinabi ni Yawe sa kanya: “Bumangon ka at lumusong ka sa kampo sapag¬kat ibinigay ko na iyon sa iyong mga kamay. 10 Ngunit kung natatakot kang lumu¬song na mag-isa, magpunta ka sa kampo na kasama ang utusan mong si Pura, 11 at paking¬gan kung ano ang sinasabi nila roon. Palalakasin ka niyon at malulusob mo na ang kampo.” At lu¬¬mu¬song nga siya kasama ang kanyang utusang si Pura sa hangganan ng kampo.
12 Nasa lambak sina Madian at Amalek at lahat ng taga-Silangan, singkapal ng mga ba¬lang at di mabilang ang kanilang mga kamelyo, tulad ng buhangin sa pampang. 13 Paglapit ni Gideon, tamang-tama namang isinasalaysay ng isang lalaki sa kanyang kasama ang kanyang panaginip. Narinig ni Gideon, “Nanaginip ako na isang malaking tinapay na sebada ang gu¬mulong papunta sa kampo ng mga Madia¬nita, hanggang makarating sa isang tolda, bu¬mangga doon at ibinuwal ang tolda.” 14 Suma¬got ang kasa¬ma ng lalaki: “Walang maipapa¬ka¬hulugan doon maliban sa tabak ni Gideong anak ni Yoas na Israelita. Ibinigay na ng Diyos ang mga Madianita at ang buong kampo sa kan¬yang mga kamay.” 15 Nang marinig ni Gi¬deon ang salaysay ng panaginip at ang paka¬hulugan nito, lumuhod siya, nagbalik sa kampo ng Israel at sinabi: “Magsibangon kayo sapag¬kat ibinigay na ni Yawe sa inyong mga kamay ang kampo ng mga Madianita.”
16 Hinati ni Gideon sa tatlong pang¬kat ang tatlundaan. At binigyan niya ang bawat isa ng trumpeta at mga bangang walang laman na nilagyan sa loob ng sulong may sindi. 17 Sinabi niya sa mga kawal: “Tingnan ninyo ako, at gawin ang gagawin ko. Pagdating ko sa hang¬ganan ng kampo, gayahin n’yo ako. 18 Kapag hini¬pan ko at ng aking mga kasama ang trumpeta, hipan din ninyo ang inyong trumpeta sa paligid ng kampo, at sumi¬gaw, ‘Para kina Yawe at Gideon!’”
19 Kasama ang sandaang kawal, duma¬ting si Gideon sa kampo ng mga Madia¬nita samantalang nagrerelyebo ang mga tanod sa simula ng pagba¬bantay sa ha¬ting¬gabi. 20 At binasag ng mga Israelita ang mga banga, hinawa¬kan sa isang kamay ang sulo at hinipan ang trumpeta na hawak ng kabilang kamay. Matapos hipan ang mga trum¬peta, sumigaw ang tatlong pangkat, “Para kina Yawe at Gideon!” 21 Nanatili sa kani-kanyang pu¬westo ang bawat isa sa paligid ng kampo samantalang nagtatakbuhan ang mga Madianita, at nagsi¬sigawan habang nag-sisitakas. 22 Samantalang patuloy ang tatlun¬daang Israelita sa pag-ihip sa trum¬peta, pinapangyari ni Yaweng magpa¬ta¬yan ang mga Madia¬nitang nasa kampo. Ang mga nakatakas ay naka¬rating sa Bet-sita, patungo sa Sereda, at umabot pa sa hangganan ng Abel Mehola, sa kabila ng Tabata.
23 At dumating ang mga Israelita mula sa tribu ng Neftali, Aser at ang buong Ma¬nases, at hinabol nila ang mga Madia¬nita. 24 Nagpadala rin ng mga sugo si Gideon sa buong kabun¬dukan ng Efraim upang sabihin: “Lumu¬song at labanan ang mga Ma¬dianita, at hara¬ngan ang mga lagusan hanggang sa Bet-bara at sa kahabaan ng Jordan.” Kayat nagsilabas ang lahat ng kalala-kihan ng Efraim at sinakop ang mga sapa hang¬gang Bethara at ang kaha¬baan ng Jordan. 25 Binihag nila ang dalawang pinuno ng mga Ma¬dianita, sina Oreb at Zeeb. Pinatay nila si Oreb sa bato ni Oreb, at si Zeeb, sa pisaan ng ubas ni Zeeb. Hinabol nila ang mga Madianita at dinala ang mga ulo nina Oreb at Zeeb kay Gideon sa kabilang pampang ng Jordan.
Ikalawang kampanya ni Gideon
8 1 Sinabi ng mga taga-Efraim kay Gideon: “Bakit hindi mo kami tinawag nang sumalakay ka sa mga Madianita?” Ma¬higpit ang kanilang pakikipagtalo sa kanya. 2 Sinabi ni Gideon: “Ano ba ang ginawa ko kung ihahambing sa ginawa ninyo? Di ba’t mas mahalaga ang bungkos ng Efraim kaysa buong ani ng Abiezer? 3 Ibinigay ni Yawe ang mga pinuno ng Madianita – sina Oreb at Zeeb – sa in¬yong mga kamay. Ano ang nagawa ko na ma¬ihahambing sa inyong ginawa?” Nang marinig nila ito, humupa ang kanilang galit.
4 Narating ni Gideon at ng kanyang tatlun¬daang kawal ang Jordan at tinawid iyon. Na¬hapo sila at nagutom. 5 Kayat sinabi ni Gideon sa mga taga-Sukot: “Pakibigyan ng tinapay ang hukbong kasunod ko, sapagkat nahahapo at nagugutom sila, at hinahabol ko pa rin sina Zeba at Zalmuna, ang mga hari ng Madianita.”
6 Ngunit sumagot ang mga pinuno ng Sukot: “Natalian mo na ba ang mga kamay nina Zeba at Zalmuna? Hindi kami puwedeng magbigay ng tinapay sa iyong hukbo” 7 Su¬magot si Gideon: “A, ganoon! Sa sanda¬ling ibigay ni Yawe sa aking mga kamay sina Zeba at Zalmuna, baba¬latan ko kayo sa pamamagitan ng mga sanga ng matinik na halaman ng disyerto.”
8 Mula roon, pumunta siya sa Penuel at ga¬noon din ang hiniling niya sa mga taga¬roon. Ngunit katulad din ng tugon ng mga taga-Sukot ang kanilang sagot. 9 Kayat sinabi ni Gideon: “Sa matagumpay kong pagbabalik, paguguhuin ko ang toreng ito.”
10 Nasa Karkor sina Zeba at Zalmuna, ka¬sama ang kanilang hukbong mga labin¬limang libong kawal, na tanging nalabi sa mga taga-Silangan; sandaa’t dalawam¬pung libong man¬dirigma ang namatay! 11 Umahon si Gideon sa daan ng mga nomada, sa sila¬ngan ng Noba at Yogbea, at binigla ang di-nakakamalay na hukbo nina Zeba at Zalmuna. 12 Tumakas sina Zeba at Zal¬¬muna. Hinabol ni Gideon ang dala¬wa at bini¬hag, at winatak-watak niya ang kani¬lang buong hukbo.
13 Pagkatapos ng labanan, nagbalik si Gi¬deong anak ni Yoas, at sa tabing bundok ng Heres siya dumaan. 14 Nakadakip siya ng isang binatilyong taga-Sukot at inusisa ito. Isinulat ng binatilyo ang mga pangalan ng pitumpu’t pitong pinuno at matatanda ng Sukot. 15 Pinuntahan ni Gideon ang mga taga-Sukot at sinabi sa mga ito: “Narito sina Zeba at Zalmuna na ginamit ninyo para libakin ako nang sabihin ninyo: ‘Natalian mo na ba ang mga kamay nina Zeba at Zalmuna upang bigyan namin ng tinapay ang nagu¬gutom mong mga kawal?’”
16 Kayat dinakip niya ang mga pinuno ng bayan at pinarusahan ang mga taga-Sukot sa pamamagitan ng mga sanga ng matinik na ha¬laman ng disyerto.
17 Iginuho niya ang tore ng Penuel at pinatay ang mga tagaroon. 18 At sinabi niya kina Zeba at Zalmuna: “Ano’ng itsura ng mga lalaking pi¬¬natay ninyo sa Tabor?” Sumagot ang mga ito: “Kapareho mo sila, mukhang mga anak ng hari.” 19 Sumagot si Gideon: “Mga kapatid ko sila, mga anak ng aking ina. Buhay si Yawe, kaya kung hinayaan sana ninyo silang mabuhay ay hindi ko kayo pa¬pa¬tayin.”
20 Sinabi niya sa kanyang panganay na lala¬king si Yeter: “Maging matapang ka, patayin mo sila!” Ngunit hindi binunot ng binatilyo ang kanyang tabak; hindi siya nangahas sapagkat napakabata pa niya. 21 Kayat sinabi nina Zeba at Zalmuna: “Tumayo ka at ikaw ang pumatay sa amin, sapagkat kung ano ang pagkalalaki mo ay siya ring tapang mo.” Tumindig si Gideon at pinatay ang dalawa, at kinuha niya ang mga palamuting nasa leeg ng mga kamelyo ng mga ito.
Pagkakamali ni Gideon
• 22 Sinabi ng mga Israelita kay Gideon: “Ikaw ang nagligtas sa amin sa mga Madianita, kaya ikaw ang maging hari namin, at pagkatapos mo ay ang iyong mga anak at ang kanila pang magiging anak.
23 Ngunit sumagot si Gideon: “Hindi ako mag¬¬hahari sa Israel, ni ang aking anak, sapag¬kat si Yawe ang maghahari sa inyo!” 24 At idinugtong ni Gideon: “May hihilingin lamang ako sa inyo. Bawat isa sa inyo ay magbigay sa akin ng hikaw mula sa inyong nasamsam.” Sinabi iyon ni Gideon sapagkat nagsusuot ng hi¬kaw na ginto ang mga Madianita, tulad ng lahat ng Ismaelita. 25 Sinagot siya nila: “Buong-galak naming gagawin iyon.” Kaya inilatag ni Gideon ang kanyang balabal at bawat isa ay naghagis ng isang hikaw mula sa nasamsam ng mga ito. 26 Umabot sa sanlibo’t pitundaang pira¬song ginto ang halaga ng mga hikaw na ginto; bukod pa ang hindi mabilang na mga alpiler, sinsing at mga mamahaling kasuotan ng mga hari ng mga Madianita, at ang kolyar ng mga kamelyo. 27 Sa pamamagitan ng sala¬ping ito, gumawa ng diyus-diyusan si Gideon at inilagay sa kanyang bayan na Ofra. Nagsimulang magpunta sa pook na iyon ang mga tao mula sa lahat ng dako ng Israel, at tinalikuran nila si Yawe. Iyon ang pa¬ti¬bong na kinahulugan ni Gideon at ng kan¬yang ang¬kan.
28 Sa kabila nito, ganap nang nagapi ang mga Madianita kayat naghari na ang kapa¬ya¬paan sa Israel na tumagal nang apatnapung taon habang nabubuhay si Gideon. 29 Nagbalik sa Ofra si Gideon at nanatili sa kanyang bahay. 30 Nag¬ka¬roon siya ng pitumpung anak sapagkat marami siyang asawa. 31 Nagkaanak din siya ng lalaki, na pinanga¬lanan niyang Abimelek, sa isang babaeng taga-Sikem.
32 Si Gideong anak ni Yoas ay maligayang namatay sa kanyang katandaan, at inilagay sa libingan ni Yoas na kanyang ama, sa Ofra ng Abiezer.
33 Pagkamatay ni Gideon, muling nagbili ng kanilang sarili ang mga Israelita sa mga Baal at ginawang diyos si Baal-Berit. 34 Hindi na nagu¬nita ng mga Israelita si Yaweng kanilang Diyos, na nagligtas sa kanila mula sa mga kamay ng mga kaaway na naka¬paligid sa kanila. 35 Hindi rin sila tumanaw ng utang na loob sa angkan ni Yerubaal-Gideon sa lahat ng kabutihang gina¬wa nito sa Israel.
Abimelek
9 1 Pumunta si Abimelek na anak ni Yerubaal sa Sikem, na kinaroroonan ng mga kapatid na lalaki ng kanyang ina, at sinabi niya sa mga ito at sa lahat ng kamag-anak sa ama ng kanyang ina: 2 “Itanong ninyo ito sa lahat ng pinuno ng Sikem: ‘Alin ang mas mabuti para sa inyo, ang pamahalaan kayo ng lahat ng pitumpung anak na lalaki ni Yerubaal, o ng isang tao lamang?’ Alalahanin ninyong kadugo ninyo ako.”
3 Ipinadala ng mga kapatid ng kanyang ina ang pahatid na ito sa lahat ng pinuno ng Sikem. Pumanig kay Abimelek ang mga pinuno ng Sikem, at sinabi: “Kapatid namin siya.” 4 Kayat binigyan ng mga ito si Abi¬melek ng pitumpung pirasong pilak mula sa templo ni Baal-Berit, at sa pamamagitan niyon ay umupa si Abimelek ng mga baya¬rang mandarambong at isinama niya. 5 Kasama ang mga iyon, nagpunta si Abimelek sa bahay ng kanyang ama sa Ofra, at pinatay niya sa ibabaw ng isang bato ang lahat ng kan¬yang kapatid, ang pitumpung anak ni Yerubaal. Tanging si Yoatam, ang bunsong anak ni Yeru¬baal, ang nakatakas sapagkat naka¬pagtago. 6 At nagtipon ang mga pinuno ng Sikem at ang buong konseho sa dako ng ensina sa haligi sa Sikem, at itinalagang hari si Abimelek.
7 Pagkabalita nito kay Yoatam, umahon siya sa tuktok ng Bundok ng Gerizim. Doon niya isinigaw: “Pakinggan ninyo ako, mga pinuno ng Sikem, upang pakinggan kayo ng Diyos!
• 8 Minsa’y naghanap ang mga punung¬kahoy ng isang papahiran nilang hari. Sinabi nila sa puno ng olibo: ‘Maging hari ka namin.’ 9 Suma¬got ang puno ng olibo: ‘Itatapon ko ba ang langis na nagagamit – salamat sa akin – upang para¬ngalan ang mga diyos at tao, nang makapa¬mahala ako sa mga punung¬kahoy?’
10 Sinabi ng mga punungkahoy sa puno ng igos: ‘Halika’t ikaw ang maghari sa amin.’ 11 Sumagot ang puno ng igos: ‘Iiwanan ko ba ang aking katamisan at masarap na bunga upang makapamahala sa mga punung¬kahoy?’
12 Sinabi ng mga punungkahoy sa baging: ‘Halika’t ikaw ang maging hari namin.’ 13 Suma¬got ang baging: ‘Tatalikuran ko ba ang aking katas na nagpapasaya sa mga diyos at tao upang makapaghari sa mga punungkahoy?’
14 At sinabi ng mga punungkahoy sa dawag: ‘Halika, maghari ka sa amin.’ 15 Si¬na¬got ng dawag ang mga punungkahoy: ‘Kung naparito kayo nang buong-katapatan upang pahiran akong hari ninyo, lumapit kayo at sumilong sa aking lilim; ngunit kung hindi, magsiklab sana sa dawag ang apoy na tutu¬pok maging sa mga sedro ng Lebanon.’
16 At ngayon, sabihin ninyo sa akin, naging tapat ba kayo at makatotohanan nang piliin ninyong hari si Abimelek? Mabuti ba ang ginawa ninyong pakikitungo kay Yerubaal at sa kan¬yang pamilya at ibinalik ba ninyo sa kanya ang nararapat niyang tanggapin ayon sa kanyang kabutihan?
17 Sapagkat ipinakipaglaban kayo ng aking ama, itinaya ang kanyang buhay mailigtas lamang kayo sa mga kamay ng mga Madianita. 18 At ngayo’y naghihimagsik kayo laban sa pamilya ng aking ama. Pinatay ninyo ang lahat ng pitumpu niyang anak sa ibabaw ng isang bato, at itinalaga ninyo si Abimelek na anak ng kanyang alipin, na maghari sa mga pinuno ng Sikem sapagkat kapatid ninyo siya. 19 Kung na¬ging makata¬rungan at tapat kayo kay Yeru¬baal at sa kanyang pamilya ngayon, maging maligaya sana si Abimelek sa inyo at kayo, sa kanya. 20 Ngunit kung hindi, mag¬buga sana ng apoy si Abimelek upang lamu¬nin ang lahat ng pinuno ng Sikem, at ang kanilang konseho; at magbuga rin sana ng apoy ang kanilang konseho upang lamunin naman si Abimelek.”
21 Tumakas sa Beer si Yoatam upang maligtas at doon siya nanirahang malayo sa kanyang kapatid na si Abimelek.
22 Naghari si Abimelek sa Israel nang tatlong taon. 23 Ngunit nagsugo si Yawe ng isang espi-ritu ng hindi pagkakaunawaan kay Abimelek at sa mga pinuno ng Sikem; at pinagtaksilan ng mga pinuno ng Sikem si Abimelek. 24 Ginawa ito ni Yawe upang maipaghiganti ang pitumpung anak ni Yerubaal. Pinapanagot si Abimelek sa dugo ng mga kapatid niyang kanyang pinatay, gayundin ang mga pinuno ng Sikem na tumulong sa kanya upang patayin ang kanyang mga kapatid.
25 Upang pinsalain si Abimelek, nanam¬bang ang mga pinuno ng Sikem sa kabun¬dukan at dinambong ang sinumang mag¬daan. Ipinag¬bigay-alam ito kay Abimelek.
26 At dumating si Gaal na anak ni Ebed, ka¬sama ang kanyang mga kapatid, at natamo ang pagtitiwala ng mga pinuno ng Sikem. 27 Isang araw, nagpunta sila sa bukid, namitas ng ubas at pinisa iyon. At nagkaroon sila ng handaan sa templo ng kanilang diyos. Isinumpa nila si Abi¬melek habang nagka¬kainan at nag-iinuman. 28 At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed: “Sino ba si Abimelek sa mga taga-Sikem upang pagling¬kuran natin siya? Anak lamang naman siya ni Yerubaal at tenyente lamang niya si Zebul. Pag¬lingkuran natin ang tauhan ni Hamor na ama ni Sikem. Bakit natin paglilingkuran si Abimelek?
29 Kung hawak ko lamang ang bayang ito, patatalsikin ko si Abimelek at sasabihin ko sa kanya: ‘Palakasin mo ang iyong hukbo, luma¬¬bas ka rito at lumaban!’”
30 Galit na galit si Zebul na gobernador ng lunsod nang mabalitaan ang balak ni Gaal na anak ni Ebed. 31 Lihim siyang nagpadala ng mga sugo kay Abimelek at sinabi: “Dapat mong malaman na si Gaal na anak ni Ebed ay duma¬ting na kasama ang kanyang mga kapatid sa Sikem at pinapaghihimagsik niya ang lunsod laban sa iyo. 32 Kayat tumayo ka, isama mo ang iyong mga tauhan at ma¬nambang sa bukid. 33 Bukas ng umaga, sa pamimitak ng araw, salakayin mo ang lun¬sod. Kapag hinarap ka ni Gaal, na kasama ang kanyang mga tauhan, gawin mo sa kanya ang gusto mo.”
34 Lumakad kinagabihan si Abimelek, kasama ang lahat niyang tauhan at apat na pang¬kat silang nanambang sa Sikem. 35 Nang luma¬bas si Gaal na anak ni Ebed at tumindig sa bu¬ngad ng lunsod, lumabas naman si Abime¬lek at ang mga kawal mula sa kanilang pinagtataguan.
36 Nakita ni Gaal ang mga kawal at sinabi kay Zebul: “Tingnan mo, may mga taong bu¬mababa mula sa tuktok ng kabundukan.” Ngunit su¬magot si Zebul: “Anino ng bundok ang naki¬kita mo. Akala mo lamang ay mga tao.” 37 Sina¬bing muli ni Gaal: “Tingnan mo, may mga taong bumababa mula sa dakong gitna ng lupain, at may isang pangkat pang nanggaga¬ling naman mula sa Puno ng mga Manghuhula.” 38 At sinabi ni Zebul: “Di ba’t sinabi mo: ‘Sino si Abimelek upang pagling¬kuran natin siya?’ Di ba’t ang mga taong iyan ang kinamumuhian mo? Harapin mo sila ngayon at labanan.”
39 Lumabas si Gaal at namuno sa mga taga-Sikem upang labanan si Abimelek. 40 Tuma¬kas si Gaal ngunit hinabol ni Abi¬melek, at marami ang napatay bago naka¬rating sa mga pintuan. 41 Nagbalik si Abi¬melek sa Aruma, at itinaboy ni Zebul si Gaal at ang mga kapatid nito at hindi niya pinaya¬gang manirahan sa Sikem.
Pagkawasak ng Sikem
42 Kinabukasan, pumunta sa bukid ang mga taong-bayan. Ipinaalam ito kay Abi¬melek, 43 kayat tinawag niya ang kanyang tauhan, hinati sa tatlong pangkat at nanam¬bang sa bukid. Nang makita niya ang mga tao na palabas sa lunsod, sinalakay niya ang mga ito at nilupig. 44 Sumalakay muli ang pangkat na kasama ni Abimelek at kinubkob ang lagusan sa mga pintuan ng lunsod; sinalakay naman ng ibang pangkat ang mga nasa bukirin. 45 Magha¬pong sinalakay ni Abimelek ang lunsod. Kinub¬kob niya ang lunsod at pinatay ang lahat ng tagaroon. Iginuho niya ang lunsod at binudburan iyon ng asin.
46 Nang mabalitaan ito ng mga nani¬ni¬rahan sa Tore ng Sikem, nagpunta sila sa silid sa ilalim ng lupa ng templo ng El-Berot. 47 May nagsabi kay Abimelek na magkakasama ang mga naninirahan sa Tore ng Sikem, 48 kayat umakyat siya sa Bundok ng Zalmon, kasama ang lahat ng kanyang kawal. Kumuha siya ng isang palakol, pumu¬tol ng sanga ng isang punung¬kahoy at pina-san iyon. Pagkatapos ay sinabi niya sa mga kasama niyang kawal: “Nakita na ninyo ang ginawa ko, kayat gawin din ninyo.” 49 Kayat pumutol ng mga sanga ang lahat ng kanyang kawal, at sumunod sa kanya. Tinipon nila ang mga sanga sa ibabaw ng silid na nasa ilalim ng lupa at sinilaban iyon sa ibabaw ng mga taong nasa loob. Kayat ang lahat ng naninirahan sa Tore ng Sikem – mga san¬libong lalaki at babae – ay namatay.
Kamatayan ni Abimelek
50 Nilabanan din ni Abimelek ang Tebes, sinalakay iyon at sinakop. 51 Ngunit may isang matibay na tore sa loob ng lunsod at doon nagtago ang lahat ng lalaki’t babae, lahat ng taga-lunsod. Ipininid nila iyon sa loob at nagsi¬tuloy sa bubungan ng tore. 52 Dumating si Abimelek sa tore upang su¬malakay, at lumapit siya sa pinto, na ang balak ay sunugin iyon. 53 Ngunit isang babae ang nagbagsak ng isang gilingang-bato sa kanyang ulo at nabasag ang kanyang bungo. 54 Tinawag niya kapagdaka ang kanyang tagapagdala ng sandata at sinabi rito: “Hu¬gutin mo ang iyong tabak at patayin mo ako para hindi nila masabing ‘Isang babae ang pumatay sa kanya!’” Kayat sinaksak siya ng kanyang tagapagdala ng sandata, at nama¬tay. 55 Nang makita ng mga Israelita na patay na si Abimelek, umuwi na ang bawat isa.
56 Sa gayon, ibinalik ng Diyos kay Abimelek ang kasamaang ginawa niya sa kanyang ama nang patayin niya ang kan¬yang pitumpung kapatid. 57 Pinapag¬bayad din ng Diyos ang mga taga-Sikem sa lahat nilang kasamaan. Sa gayon, natupad ang sumpa ni Yotam, na anak ni Yerubaal.
Tola, Yair at Yefte
10 • 1 Pagkamatay ni Abimelek, si Tola na anak ni Pua na anak naman ni Dodo, ang nakapagligtas sa Israel. Ka¬bilang siya sa tribu ng Isacar at naninira¬han sa Semir, sa kabundukan ng Efraim. 2 Naging hukom siya ng Israel nang dala¬wampu’t tatlong taon, at nang mamatay siya ay inilibing sa Samir.
3 Pagkatapos niya, si Yair ng Galaad ang namuno sa Israel nang dala¬wam¬pu’t dalawang taon. 4 Tatlum¬pu ang kanyang anak na lalaki na nakasakay sa tatlumpung asno, at may tatlum¬pung bayan na hanggang sa panahong ito ay tinatawag na mga bayan ni Yair, sa lupain ng Galaad. 5 Nang mamatay si Yair, inilibing siya sa Kamon.
6 Minsan pa, ginawa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Yawe; pinag¬lingkuran nila ang mga Baal at ang Astarot, ang mga diyos ng Aram at Sidon; ang mga diyos ng Moab, ang mga diyos ng mga Amonita at ang mga diyos ng mga Pilisteo. Pinabayaan nila si Yawe at hindi na nila pinag¬lingkuran. 7 Nag-alab laban sa Israel ang poot ni Yawe, kayat ibinigay niya ang mga ito sa kamay ng mga Pilisteo at mga Amonita.
8 Sa loob ng labingwalong taon, niligalig at siniil ng mga ito ang lahat ng Israelitang naninirahan sa kabilang ibayo ng Jordan sa lupaing Amorreo ng Galaad. 9 Tumawid din ang mga Amonita sa Jordan upang salakayin ang Juda, ang Benjamin at ang mga taga-Efraim. Hirap na hirap ang Israel.
10 Nang panahong iyon, tumawag ang mga Israelita kay Yawe: “Nagka¬sala kami sa iyo, sapagkat itinakwil namin si Ya¬weng aming Diyos, upang maglingkod sa mga Baal.” 11 Sinabi naman ni Yawe sa mga Israelita: “Nang pinahirapan kayo ng mga Ehipsiyo, Amorreo, Amonita, Pi¬listeo, 12 ng mga Sidonio, Amalekita at Madianita, at tumawag kayo sa akin, di ba’t iniligtas ko kayo sa kanilang mga kamay? 13 Ngunit sa kabila nito, pinaba¬yaan ninyo ako at naglingkod kayo sa ibang mga diyos. Kayat hindi ko na kayo ililigtas pang muli. 14 Sulong, at tuma¬wag kayo sa mga diyos na pinili ninyo. Baka ma¬ili¬ligtas nila kayo sa panahon ng in¬yong kagipitan.”
15 Sinagot ng mga Israelita si Yawe: “Nagkasala kami. Gawin mo na sa amin ang gusto mo, iligtas mo lamang kami ngayon.” 16 At inalis nila ang mga dayu¬hang diyus-diyusan at pinagling-kuran si Yawe. At hindi na niya matiis pa ang pag¬hihirap ng Israel.
17 Nagtipun-tipon ang mga Amonita at nagkampo sa Galaad. Nagtipun-tipon din ang mga Israelita at nag¬kampo sa Mizpa. 18 Doon nagtanungan ang mga ta¬um¬¬bayan at ang mga pinuno ng Galaad: “Sino’ng mamu¬muno sa ating lahat sa pa¬kikipaglaban sa mga Amonita? Sinu¬man siya, gagawin natin si¬yang pinuno ng lahat ng taga-Galaad.”

11 • 1 Magiting na mandirigma si Yefteng taga-Galaad. Baba¬eng bayaran ang kanyang ina, at si Ga¬laad naman ang kanyang ama. 2 Ngu¬nit nag¬kaanak din ng mga lalaki ang asawa ni Galaad, at nang magsilaki sila ay pina¬layas nila si Yefte at sinabi: “Wa¬la kang kaparte ni anumang mama¬na¬hin sa sambahayan ng aming ama, sapag¬kat anak ka ng ibang babae.” 3 Tu¬ma¬kas si Yefte sa kanyang mga ka¬patid at pu¬munta sa lupain ng Tob. Su¬mama siya doon sa isang pangkat ng mga ba¬ya¬rang mandirigma na nakasa¬ma niya sa panloloob. 4 Suma¬pit ang san¬daling di¬nigma na ng mga Amonita ang Israel. 5 Kayat nagpunta kay Yefte ang mga mata¬tanda ng Galaad sa lupain ng Tob, 6 at sinabi sa kanya: “Sumama ka sa amin at pamu¬nuan mo ang aming mga tao sa pag¬laban sa mga Amonita.”
7 Sumagot si Yefte sa mga matatan¬da ng Galaad: “Di ba’t kayo ang nag¬pa¬¬¬layas sa akin sa bahay ng aking ama sapagkat kinamumuhian ninyo ako? Bakit ninyo ako nilalapitan ngayong na-gi¬gipit kayo?” 8 Sinagot siya ng mga matatanda ng Galaad: “Pinuntahan ka nga namin upang ikaw ang mamuno sa amin sa paglaban sa mga Amonita. Ikaw ang gusto naming mamuno sa bu-ong Galaad.” 9 Sumagot si Yefte: “Kapag hiniling ninyo sa aking bu¬malik upang kalabanin ang mga Amonita at ipinag¬kaloob sa akin ni Yawe ang ta¬gum¬pay, ako na ang mamumuno sa in¬yong la¬hat.” 10 At sina¬bi sa kanya ng mga matatanda: “Dinggin sana kami ni Yawe! Sumpain kami kapag hindi namin tinupad ang aming sinabi!”
11 Kayat sumama si Yefte sa mga ma¬ta¬tanda ng Galaad at ginawa siyang pinuno at heneral ng bayan, at inulit ni Yefte sa harapan ni Yawe sa Mizpa ang lahat ng kanyang hinihingi.
12 Nagpadala ng mga sugo si Yefte sa hari ng mga Amonita upang sabihin: “Ano’ng gusto mong palabasin at sinalakay mo ako sa sarili kong lupain?” 13 Sumagot ang hari sa mga sugo: “Nang umahon ang mga Israelita mula sa Ehipto, sinakop nila ang aking bansa, mula sa Arnon hanggang sa Yabok at sa Jordan. Kayat kusang-loob mo nang ibalik ito.”
14 Muling nagpadala ng mga sugo si Yefte sa hari ng mga Amonita 15 at sinabi: “Ito ang sabi ni Yefte: ‘Hindi inagaw ng Israel ang lupain ng Moab o ang lupain ng mga Amonita. 16 Nang umahon sila mula sa Ehipto, dumaan ang mga Israelita sa disyerto hanggang sa Dagat ng Tambo at sumapit sa Kades. 17 At nagpadala ng mga sugo ang Israel sa hari ng Edom, at sinabi: ‘Padaanin mo kami sa iyong lupain.’ Ngunit hindi sila pinansin ng hari ng Edom. Nagpasabi rin sila sa hari ng Moab, at tumanggi rin ito. Kayat nanatili sa Kades ang mga Israelita. 18 Dumaan sila sa disyerto, niligid ang lupain ng Edom at Moab, at sinapit ang silangan ng lupain ng Moab. Nagkampo sila sa kabilang ibayo ng Arnon, sapagkat ang Arnon ang hang-ganan ng Moab. 19 At nagpadala ng mga sugo ang Israel kay Sihong hari ng mga Amorreo na nama¬mahala sa Hesbon, at sinabi: ‘Padaanin mo kami sa iyong lupain papunta sa amin.’ 20 Ngunit walang tiwala si Sihon sa Israel at di niya sila payagang makiraan; tinipon niya ang lahat ng kanyang tauhan at nagkampo sa Yahaz at sina¬lakay ang Israel. 21 Si Sihon at ang lahat ng kanyang tauhan ay ibinigay ni Yaweng Diyos ng Israel sa kamay ng mga Israelita. Ginapi sila ng Israel at sinakop ang buong lu¬pain ng mga Amorreong naninirahan doon. 22 Kayat na¬sakop nila ang buong lupain ng mga Amorreo mula sa Arnon hanggang sa Yabok, at mula sa disyerto hanggang sa Jordan.
23 Kayat si Yaweng Diyos ng Israel ang nag¬palayas sa mga Amorreo para sa kan¬yang bayang Israel, at ngayo’y ikaw ang magpapalayas sa amin? 24 Di ba’t hawak na ninyo ang lahat ng ibinigay sa inyo ng inyong diyos na si Kamos? Kayat hahawakan din namin ang lahat ng ibinigay sa amin ni Yaweng aming Diyos. 25 Madadaig mo pa ba si Balak na anak ni Zipor na hari ng Moab? Nasalakay ba niya ang Israel? 26 Tatlundaang taong naninirahan ang mga Israelita sa Hesbon at sa mga lunsod na umaasa roon. Nanirahan din sila sa Aroer at sa mga bayan at sa lahat ng mga lunsod sa magkabilang pampang ng Jordan. Bakit hindi mo binawi ang mga ito noon? 27 Wala akong ginawang masama sa iyo, ngunit masama ang gina¬gawa mong pagsalakay. Magpasiya sa araw na ito si Yaweng Hukom sa mga anak ng Israel at sa mga anak ng Ammon.”
28 Ngunit hindi pinansin ng hari ng mga Amonita ang pahatid ni Yefte.
Ang anak na babae ni Yefte
• 29 Pinuspos si Yefte ng Espiritu ni Yawe. Pumunta siya sa Galaad at tumuloy sa Manases, dumaan sa Mizpa ng Galaad at pumasok sa lupain ng mga Amonita.
30 Gumawa ng panata si Yefte kay Yawe: “Kapag pinapagtagumpay mo ako, 31 iha¬handog ko sa iyo ang unang lalabas sa aking bahay upang salubu¬ngin ako mula sa pakikidigma. Ito’y para kay Yawe at iaalay ko ito sa pama¬¬magitan ng apoy.”
32 Tumawid si Yefte sa lupain ng mga Amonita upang labanan ang mga ito, at ibinigay sila ni Yawe sa kanyang kamay. 33 Hinabol niya ang mga ito mula sa Aroer hanggang sa Minit at Abel Kera¬mim, at sinakop ang dalawampung bayan. Na¬pa¬ka¬¬dakila ng panalong iyon at sina¬kop ng Israel ang mga Amonita.
34 Nang magbalik si Yefte sa kanyang tahanan sa Mizpa, sinalubong siya ng kan¬¬yang anak na babae. Sa galak nito na makita ang ama, suma¬yaw ang kanyang anak sa saliw ng tam¬¬burin nito. Tanging anak ito; walang ibang anak si Yefte, lalaki man o babae.
35 Nang makita ni Yefte ang anak, wina¬rak niya ang kanyang damit at napa¬hi¬mutok siya: “Anak ko, winasak mo ang buhay ko; binigyan mo ako ng masa¬mang kapalaran. Sapagkat na¬kagawa ako kay Yawe ng isang panata ng kaha¬ngalan, at ngayon, hindi ko na mababawi pa.” 36 Su¬magot ito: “Ama, nakagawa man kayo ng panata ng ka¬hangalan, kailangang gawin mo sa akin ang ayon sa iyong ipinangako, sapagkat ipinaghiganti ka ni Yawe sa iyong mga kaaway. 37 Ang hiling ko la¬mang ay bayaan mong ma¬buhay pa ako ng dalawang buwan, ka¬sama ang aking mga kaibigan sa kabun¬dukan. Doon ako mananaghoy sapagkat hindi na ako makapag-aasawa pa.” 38 Sinabi ni Yefte sa anak: “Sige, humayo ka.” At pinabayaan ni Yefte na makalayo ang anak nang dalawang buwan. Nag¬punta ang dalaga at ang mga kasamahan sa kabundukan at doon nanangis sapag¬kat hindi na siya makapag-aasawa pa.
39 Makaraan ang dalawang buwan, nag¬balik ang dalaga sa ama, at tinupad ni Yefte ang kanyang panata. Hindi na¬kakilala kailanman ng lalaki ang dalaga. Dito nag¬simula ang isang kauga¬liang Israelita 40 na ang mga anak na dalaga ng Israel ay apat na araw na nagluluksa taun-taon upang gunitain ang anak na dalaga ni Yefteng taga-Galaad.
12 1 Nagtipun-tipon ang mga kalalakihan ng Efraim, tumawid sa Jordan pahilaga at sinabi kay Yefte: “Bakit ka sumalakay sa mga Amonita nang hindi man lamang kami ipinag¬sama? Susunugin ka namin sa iyong bahay.” 2 Su¬magot si Yefte: “Kami ng aking bayan at ang mga Amonita ay nagka¬roon ng matinding alitan. Hiningan ko kayo ng tulong, ngunit hindi ninyo ako sinagip sa kanilang mga kamay. 3 Nang makita kong walang tutulong sa akin, isinuong ko sa pa-nga¬nib ang aking buhay at lumaban ako sa mga Amonita, at ibinigay sila ni Yawe sa aking mga kamay. Kaya bakit kayo umahon para kalabanin ako ngayon?”
4 At tinipon ni Yefte ang lahat ng kala¬lakihan ng Galaad at sinalakay ang Efraim. Nilupig ng mga taga-Galaad ang mga taga-Efraim, na nagsabi: “Kayong mga taga-Galaad ay mga takas na tumawid mula sa Efraim at Manases.” 5 Sinakop ng mga taga-Galaad ang mga ma¬babaw na bahagi ng Jordan at hinarangan ang daan. Tuwing may takas mula sa Efraim na nagsabi: “Pada-anin mo ako,” tinatanong siya ng mga taga-Galaad: “Taga-Efraim ka ba?” Kapag sumagot: “Hindi po,” 6 idurugtong ng mga taga-Galaad: “Kung gayon, sabihin mo, ‘Shibolet.’”
Ngunit sasabihin naman: “Sibolet”, sapagkat hindi ito mabigkas nang wasto ng mga taga-Efraim. Kayat bibihagin ito at gigilitan ng lalamunan sa mababaw na bahagi ng Ilog Jordan. Apatnapu’t dala¬wang libong taga-Efraim ang napatay nang panahong iyon.
7 Anim na taong naging hukom ng Israel si Yefte. Namatay siya at inilibing sa kanyang sariling lunsod ng Mizpa sa Galaad.
8 Pagkatapos niya namuno sa Israel si Ibzan ng Betlehem. 9 May tatlumpu siyang anak na lalaki at tatlumpung babae. Ang tatlumpu niyang anak na dalaga ay ipinakasal niya sa mga lalaking hindi kabilang sa kanilang lipi, at nag¬dala naman siya ng tatlumpung babaing hindi rin kalipi para sa kanyang mga anak na lalaki. Hukom siya ng Israel nang pitong taon. 10 Pagkamatay ni Ibzan ay inilibing siya sa Betlehem.
11 Pagkatapos, si Elon na taga-Zabulon ang namuno sa Israel. Sampung taon siyang namahala sa Israel. 12 At namatay siya at inilibing sa Ayalon sa lupain ng Zabulon.
13 Pagkatapos ni Elon, si Abdon na anak ni Hillel ng Piraton ang namuno sa Israel. 14 Apatnapu ang anak na lalaki ni Abdon at tatlumpu ang apong lalaki na sumakay sa pitumpung asno. Hukom siya ng Israel nang walong taon. 15 At namatay siya at inilibing sa Piraton, sa kabundukan ng Efraim, sa bundok ng mga Amor¬reo.
Ang pagsilang ni Samson
13 • 1 Muling gumawa ng masama ang mga Israelita kay Yawe, kayat inilagay sila sa mga kamay ng mga Pilisteo nang apatnapung taon.
2 May isang lalaking taga-Sora sa ang¬kan ng Dan na ang pangalan ay Manoa. Hindi nagkaanak ang kanyang asawang baog. 3 Nagpakita sa babae ang Anghel ni Yawe at sinabi sa kanya: “Baog ka at hindi makapagsisilang, ngunit mag¬lilihi ka at magsisilang ng isang anak na lalaki. 4 Kaya’t mula nga¬yon ingatan mong hu¬wag uminom ng alak o anumang inu¬ming nakalalasing, o kumain ng di-malinis na pagkain, 5 sapagkat isisilang mo ang isang anak na lalaki. Huwag gu¬gu¬pitin ang kanyang buhok sapagkat siya’y nazir, na itinalaga kay Yawe mula sa sinapu¬punan ng kanyang ina. Siya ang mag¬¬sisimulang magligtas ng mga Is¬raelita sa mga Pilis-teo.”
6 Lumapit ang babae sa kanyang asawa at sinabi: “Isang sugo ng Diyos ang lu¬mapit sa akin. Tulad ng isang anghel ng Diyos sa karilagan ang kanyang mukha. Hindi ko siya tinanong kung saan siya nanggaling at hindi rin niya sinabi ang kanyang pangalan. 7 Ngu¬nit sinabi niya: ‘Maglilihi at mag¬sisilang ka ng isang anak na lalaki. Huwag kang iinom ng alak o inuming nakalalasing mula ngayon, at huwag kakain ng di-malinis na pagkain, sapagkat ang iyong anak ay magiging Nazir ni Yawe mula sa sinapupunan ng kanyang ina hanggang sa araw ng kan¬yang kamatayan’.”
8 Sumamo si Manoa kay Yawe at sinabi: “Hinihiling ko, aking Panginoon, na muling pa-puntahin sa amin ang lingkod ng Diyos na isinugo mo upang maituro sa amin ang dapat naming gawin sa batang isisilang.” 9 Dininig ni Yawe si Manoa at muling dumating ang Anghel ni Yawe sa babae habang nakaupo siya sa bukid at hindi rin kasama si Manoa.
10 Tumakbo kapagdaka ang babae sa kanyang asawa at sinabi: “Tingnan mo’t nag¬pakita sa akin ang lalaking dumating sa akin noong isang araw.” 11 Tumindig si Manoa at sumunod sa kanyang maybahay. Nilapitan niya ang lalaki at sinabi: “Ikaw ba ang lalaking nakipag-usap sa babaing ito?”
Sumagot siya: “Ako nga.” 12 Sinabi sa kanya ni Manoa: “Kapag natupad ang sinabi mo, anong kautusan at panuntunan ang kaila¬ngang sundin ukol sa bata?”
13 Sinabi ng Anghel ni Yawe kay Manoa: “Iwasan ng babae ang lahat ng tinukoy ko sa kanya. 14 Huwag siyang titikim ng anumang galing sa ubas, o iinom ng alak o anumang inu¬ming nakalalasing, huwag siyang kakain ng anumang di-malinis na pagkain, at gagawin niya ang lahat ng iniuutos ko sa kanya.”
15 At sinabi ni Manoa sa Anghel ni Yawe: “Bayaan mong pigilin ka namin at maghahanda kami ng isang batang kambing para sa iyo.” (Hindi alam ni Manoa na Anghel siya ni Yawe.) 16 Ngunit sinabi ng Anghel ni Yawe kay Manoa: “Papigil man ako, hindi ko rin titikman ang inyong pagkain. Ngunit kung gusto nin¬yong mag-alay ng sinunog na handog, ialay ninyo iyon kay Yawe.” 17 Kayat tinanong ni Manoa ang Anghel ni Yawe: “Ano’ng pangalan mo, at nang mapa¬ra¬nga¬lan ka naman namin kapag nagka¬totoo ang sinabi mo?” 18 Sumagot ang Anghel ni Yawe: “Bakit mo itinatanong ang aking pa¬ngalan? Ito’y Kahanga-hanga.” 19 At kinuha ni Manoa ang isang batang kambing at butil at inialay sa bato bilang sinunog na handog kay Yawe na gumagawa ng mga kahanga-hangang bagay.
20 At samantalang nakamasid si Manoa at ang kanyang maybahay, may apoy na biglang nag-alab mula sa altar patungo sa kalangitan, at pumaitaas ang Anghel ni Yawe sa gitna ng liyab.
Pagkakita niyon ni Manoa at ng kan¬yang maybahay, nagpatirapa sila sa lupa. 21 Na¬wala ang Anghel ni Yawe sa paningin ni Manoa at ng kanyang maybahay, at nabatid ni Manoa na iyon ang Anghel ni Yawe. 22 At sinabi niya sa kanyang may¬bahay: “Tiyak na mamamatay ta¬yo sapag¬kat nakita na natin ang Diyos.” 23 Su¬magot ang babae: “Kung hinahangad ni Yaweng patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang sinunog na handog o ang alay mula sa ating kamay; hindi sana niya ipinakita ang lahat ng ito, at hindi sana niya sinabi ang ating narinig.”
24 Nagsilang ng isang anak na lalaki ang babae at pinangalanan itong Samson. Lumaki ang bata at binasbasan ni Yawe. 25 At sinimulan ng Espiritu ni Yawe na pakilusin ang bata nang ito ay nasa Mahane Dan sa pagitan ng Zora at Estaol.
Ang kasaysayan ni Samson
14 1 Lumusong si Samson sa Timna at nakakita ng isang babaeng Pilistea. 2 Nagbalik siya sa kanyang ama at ina at sinabi: “Nakakita ako ng isang Pilistea sa Timna; kunin ninyo siya upang maging may¬bahay ko.” 3 Sinabi ng kanyang ama at ina: “Wala ka bang mapili sa mga anak na babae ng iyong mga kapatid at kaba¬bayan at ku¬kuha ka pa ng asawa mula sa mga Pilisteong di tuli?”
Sinabi ni Samson sa kanyang ama: “Kunin mo siya sapagkat siya ang kasiya-siya sa akin.” 4 Hindi alam ng ama at ng ina na galing ito kay Yawe na makakalaban sa mga Pilisteo; sapag¬kat nasasakop ng mga Pilisteo ang Israel nang panahong iyon.
5 At lumusong si Samson sa Timna. Nang sumapit siya sa mga ubasan sa Timna, isang umaangil na batang leon ang sumugod sa kanya. 6 Nilukuban ng Espiritu ni Yawe si Samson at niluray niyang parang bisirong kambing ang leon sa pamamagitan ng kanyang mga kamay. 7 Ngunit hindi niya isinalaysay sa kanyang ama o ina ang kanyang ginawa. At paglusong niya kina¬usap ang babaeng nagustuhan niya.
8 Hindi nagtagal, pagbalik niya upang kunin ito, lumiko siya upang tingnan muna ang bang¬kay ng leon. At may kawan ng pukyutan sa lo¬ob nito. 9 Kinayod ni Samson ng kamay ang pulot-pukyutan at kinain iyon habang lumalakad.
Nang makabalik siya sa kanyang mga ma¬gulang, binigyan niya ang mga ito ng pulot-pukyutan at kinain din iyon. Ngunit hindi niya ipinagtapat na kinuha niya ang pulot-pukyutan sa bangkay ng leon. 10 At lumusong ang ama ni Samson sa babae. Naghandog si Samson ng malaking han-daan, na nakaugalian ng mga kaba¬taan. 11 Nang makita siya ng mga Pilisteo, binigyan siya ng mga ito ng tatlumpung kalalakihan para maging abay niya sa kasalan.
12 Sinabi ni Samson sa mga kalalakihan: “Bibigyan ko kayo ng isang bugtong. Kung ma¬lutas ninyo ito sa loob ng pitong araw ng han¬daan, bibigyan ko kayo ng tatlumpung tuniko at tatlumpung kasuotang lino. 13 Ngunit kung hindi ninyo malutas, ako ang bibigyan ninyo ng tatlumpung tuniko at tatlumpung kasuotang lino.” Sumagot sila: “Sabihin mo ang iyong bugtong; nakikinig kami.”
14 Sinabi ni Samson: “Mula sa kumakain ay nanggaling ang pagkain; at mula sa malakas, matamis ay lumabas.” 15 Tatlong araw na ang nakaraan at hindi pa nahu¬hulaan ang bugtong. Kayat sa ikapat na araw, sinabi nila sa may¬bahay ni Samson: “Akitin mo ang iyong asawa na ipaliwanag sa amin ang bugtong, kung hindi ay susunugin ka namin, pati ang pamilya ng iyong ama. Inanyayahan ba ninyo kami upang bawian?”
16 Nagsimulang manangis ang maybahay ni Samson at nagpatirapa sa kanya, at sinabi: “Ayaw mo sa akin, hindi mo na ako mahal. Binigyan mo ng bugtong ang mga kabataang lalaki ng aking bayan, ngunit hindi mo ipina¬liwanag sa akin.” Sinabi ni Samson: “Kung hindi ko ipinaliwanag iyan sa aking mga magulang, sa iyo pa kaya?” 17 Pitong araw na umiyak ang babae habang may handaan. Sa ikapitong araw, ipinali¬wanag na ni Samson ang bugtong sa¬pagkat nababagot na siya sa kanya. At ipina¬liwanag naman ito ng babae sa kanyang mga kababayan.
18 Sa ikapitong araw, bago siya pumasok sa kanilang silid, sinabi ng mga taumbayan kay Samson: “May tatamis pa ba kaysa pulot-puk¬yutan? May lalakas pa ba kaysa leon?” Sinabi naman ni Samson: “Kung hindi ninyo ipinang-araro ang aking baka ay hindi pa ninyo mahuhulaan ang aking bugtong.”
19 At nilukuban siya ng Espiritu ni Yawe. Lu¬musong siya sa Askalon, at pagkapatay sa tatlumpung lalaki, hinubaran sila at ibinigay ang mga damit sa mga nagpa¬liwanag ng bug¬tong. At galit na galit siyang umahon sa bahay ng kanyang ama 20 kaya napabigay ang asawa ni Samson sa isa sa kanyang abay.

15 1 Hindi nagtagal, sa panahon ng pag-aani ng trigo, dinalaw ni Samson ang kanyang maybahay. May dala siyang bisirong kambing, at sinabi niya: “Gusto kong makasa¬rilinan ang aking asawa sa aming silid.” Ngunit hindi siya pinapasok ng ama ng babae, 2 at sinabi: “Akala ko’y ayaw mo na sa kanya kayat ibinigay ko siya sa abay mo. Hindi ba mas mabuti ang kanyang nakababatang kapatid na babae? Kaya kunin mo ito sa halip niya.” 3 Su¬magot si Samson: “Nga-yo’y wala na akong magiging utang sa mga Pilisteo, pinsalain ko man sila.”
4 Lumabas si Samson at humuli ng tatlundaang asong-gubat, kumuha ng mga sulo at itinali nang dala-dalawa sa buntot ang mga hayop. At kinabitan niya ng sulo ang pagitan ng bawat dalawang pinagbuhol na buntot, 5 sinindihan ang mga sulo at pinawalan ang mga asong-gubat sa mga bukirin ng trigo ng mga Pilisteo. Kayat nasunog niya ang mga naani na at ang hindi pa naaani, gayundin ang mga ubasan at taniman ng olibo.
6 Tinanong ng mga Pilisteo: “Sino ang may kagagawan nito?” At sumagot ang ilan: “Si Samson, ang manugang ng lalaking taga-Timna, sapagkat kinuha ng matanda ang kanyang asawa at ibinigay sa abay niya.” Kayat pinuntahan ng mga Pilisteo ang babae at sinu¬nog siya at ang kanyang pamilya. 7 Sinabi ni Samson sa mga Pilisteo: “Sa gi¬nawa ninyong ito, hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakapag¬hihiganti.” 8 Natalo niya ang mga ito at walang awang pinagpapatay. At lumusong siya sa isang yungib sa batuhan ng Etam at doon nani¬rahan.
9 Umahon naman ang mga Pilisteo sa kabundukan ng Juda at sinalakay ang Lehi. 10 Tina¬nong sila ng mga kalalakihan ng Juda: “Bakit kayo naparito’t sinalakay kami?” Sumagot ang mga Pilisteo: “Naparito kami upang bihagin si Sam¬son, at gawin sa kanya ang ginawa niya sa amin.”
11 Tatlong libong kalalakihan ng Juda ang lu¬mu¬song sa yungib sa batuhan ng Etam at sinabi kay Samson: “Hindi mo ba alam na ang mga Pilisteo ang naghahari sa atin? Ano itong ginawa mo sa amin?” Sumagot siya: “Ginawa ko lamang sa kanila ang ginawa nila sa akin.” 12 Sinabi ng kalalakihan: “Naparito kami upang igapos ka at ibigay sa mga Pilisteo.” Sinabi ni Samson: “Isumpa ninyo sa akin na hindi kayo ang papatay sa akin.” 13 Sinagot siya: “Igaga¬pos ka lamang namin at ibibigay sa kanila, ngunit hindi ka namin papatayin.” Iginapos nga siya sa dalawang bagong lubid at inilabas mula sa batuhan. 14 Pagdating nila sa Lehi, sinalubong siya ng mga Pilisteo, na naghihiyawan sa kani¬lang tagumpay. Ngunit nilukuban si Samson ng Espiritu ni Yawe. Ang mga lubid na nakatali sa kanya ay natulad sa mga hibla ng lino na nasu¬nog, at lumuwag ang mga gapos sa kanyang mga bisig. 15 Nakakita siya ng sariwa pang panga ng isang asno, dinampot niya iyon at ginamit sa pagpatay sa san¬libong tao. 16 At sinabi ni Sam¬son: “Pinin¬sala sila ng panga ng asno, binug¬bog ko ang sanlibo ng panga ng asno.”
17 Pagkasabi nito, itinapon niya ang panga; kaya tinawag na Ramat-Lehi ang lugar na iyon. 18 At nakaramdam siya ng masid¬¬hing uhaw. Tu¬mawag siya kay Yawe, at sinabi: “Malaking ta¬gum-pay ang ibinigay mo sa iyong lingkod. Nga¬yo’y mamamatay na lamang ba ako sa uhaw at mahuhulog sa mga kamay ng mga di-tuli?”
19 Kayat biniyak ni Yawe ang kuweba sa Lehi at tumulo mula roon ang tubig. Uminom si Samson; nanumbalik ang kanyang lakas at muli siyang sumigla. Dahil dito, tinawag na En-hakoro ang bukal na naroon pa rin sa Lehi.
20 Naging hukom ng Israel si Samson sa loob ng dalawampung taon, sa panahon ng mga Pilisteo.
16 1 Nang magpunta si Samson sa Gaza, nakakita siya ng isang babaeng baya¬ran at pumasok siya sa tinitirhan nito. 2 Nang ma¬pasabihan ang mga kalalakihan ng Gaza na du¬mating si Samson, nagronda sila at tinam¬¬bangan si Samson sa pintuan ng lun¬sod. Mag¬damag silang nanahimik, at nag-isip: “Hihintayin natin ang madaling-araw upang patayin siya.” 3 Ngunit hang-gang hating¬gabi lamang na¬tulog si Samson. Nang maghatinggabi, bu¬mangon siya at tinanggal ang mga pinto ng pintuang-lunsod kasama ang trangka. Pinasan niya ang mga iyon at dinala sa ituktok ng burol na ka¬tapat ng Hebron.
Samson at Delila
• 4 At umibig si Samson sa isang baba¬eng nasa lambak ng Sorec; ang pangalan nito’y Delila. 5 Umahon ang mga pinuno ng Pilisteo at nagsabi sa kanya: “Akitin mo siya at tuklasin kung saan niya kinu¬kuha ang kanyang lakas at nang magapi namin siya at maiga¬pos. Kung magkaka¬gayon magbibigay kami sa iyo ng san¬libo’t isandaang pirasong pilak.”
6 Kayat tinanong ni Delila si Samson: “Pakisabi mo nga sa akin kung saan ga¬ling ang iyong lakas at paano kang mai¬ga¬gapos ng iba at magagapi?” 7 Si¬¬na¬¬got siya ni Samson: “Kapag tina-lian ako ng pitong bago at hindi pa natu¬tuyong ku¬wer¬¬das, magiging ma¬hina ako tulad ng sinu-man.”
8 Nagpadala ang mga pinuno ng Pi¬listeo kay Delila ng pitong bagong ku¬werdas na hindi pa pinatutuyo, at itinali ni Delila si Samson. 9 May mga lalaking na¬ka¬tago sa tirahan ni Delila, at sumigaw siya: “Samson, may dumarating na mga Pilisteo!” Nilagot ni Sam¬son ang mga ku¬werdas na tulad sa sinunog na sinulid. At hindi natuklasan kung sa¬an nanggagaling ang lakas ni Samson.
10 At sinabi ni Delila kay Samson: “Gi¬nawa mo akong tanga, at nagsinu¬ngaling ka sa akin. Sabihin mo na sa akin, paano ka nila maigagapos?” 11 Si¬nagot siya ni Samson: “Kapag ginapos ako ng pitong bagong-tirintas na lubid na hindi pa naga¬gamit, magi¬ging ma¬hina ako tulad ng sinu¬man.” 12 Kayat ginapos nga siya ni Delila ng pitong bagong-tinirintas na lu¬bid. Ngunit nang sumigaw si Delila na: “Heto na ang mga Pilisteo!” muling nilagot ni Sam¬son ang mga lubid na nakagapos sa kanyang mga bisig na tila sinulid la¬mang. 13 Kayat sinabi ni Delila: “Hang¬gang kailan mo ako lolo¬kohin at pag¬si¬sinungalingan? Sabihin mo na sa akin kung paano ka mapi-pigilan.” Sumagot si Samson: “Kapag hinabi mo ang pitong tirintas ng aking buhok sa habi¬han at hi¬nig¬¬pitan ng isang aspili, ma¬giging mahina ako tulad ng sinuman.” 14 Pina¬tulog ni Delila si Samson at hinabi nila ang pitong tirin¬tas ng buhok ni Samson sa habihan at nilagyan ng aspili. At sumigaw si Delila: “May du¬ma¬rating na mga Pilisteo!” Na¬gi¬sing si Samson at hinatak niya ang ha-bi¬han sa pama¬magitan ng kanyang tirintas. At hindi rin nalaman ni Delila kung saan nanggagaling ang lakas ni Samson.
15 Kaya sinabi ni Delila: “Sabi mo, mahal mo ako, ngunit wala sa akin ang iyong puso. Tatlong ulit mo na akong nili¬linlang. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang pinanggagalingan ng iyong di-karaniwang lakas.” 16 Naging mapilit si Delila at inu¬ukilkil araw-araw ng mga ka¬ta-nungan si Sam¬son, hang¬gang mapagod siya at pa¬rang mama¬matay. 17 Kayat ipinagtapat na niya ang katotohanan: “Kai¬lanman ay hindi na¬gugupit ang aking buhok sapagkat ako ay isang Nazir na itinalaga na sa Diyos mula pa sa sina¬pupunan ng aking ina. Kapag ginupit ang aking buhok ay ma¬wawala na ang aking lakas at magiging mahina ako tulad ng sinu¬man.”
18 Naunawaan ni Delila na ipinagtapat na sa kanya ni Samson ang lahat, kayat tinawag niya ang mga pinuno ng Pilisteo at sinabi: “Halikayo, sapagkat ipinagtapat na sa akin ni Samson ang lahat.” Kaya dumating sa kanya ang mga pinuno na dala ang salapi. 19 Pina¬tulog ni Delila si Samson sa kanyang kandungan at tina¬wag niya ang isang lalaki upang gupitin ang pitong tirintas ng buhok nito. Kaagad niyang nasupil ito: nawala nga ang kan¬yang lakas.
20 Nang sumigaw si Delila: “Samson, may mga Pilisteo!” nagising si Samson at akala niya’y maililigtas niya ang kan¬yang sarili, tulad nang dati. Hindi niya alam na lumayo sa kanya si Yawe. 21 Ka¬yat nahuli siya ng mga Pilisteo, dinukit ang kanyang mga mata at ini¬ahon siya sa Gaza. Doon siya iginapos ng dalawang kadenang tanso at pinapag-ikot ng gilingan sa bi¬langguan. 22 Su¬balit kaagad na nag¬si¬mu¬lang tumubo ang buhok ni Samson pag¬ka¬gupit dito.
Ang kamatayan ni Samson
23 Nagtipun-tipon ang mga pinuno ng Pilisteo upang mag-alay ng isang dakilang handog sa kanilang diyos na Dagon, at nagkaroon sila ng malaking handaan, at sinabi: “Inilagay ng aming diyos sa aming mga kamay ang aming kaaway na si Samson!” 24 Nakita nga siya ng mga tao, at nagpuri sila sa kani¬lang diyos: “Inilagay ng aming diyos sa aming mga kamay ang aming kaaway na si Samson na nagwasak sa aming lupain at pumatay sa marami sa amin.”
25 Nang nagsasaya na ang lahat, sina¬bi nila: “Ilabas si Samson upang aliwin kami!” Tinawag si Samson sa bilang¬¬guan, at inaliw sila.
Noon nila siya inilagay sa pagitan ng mga haligi. 26 At sinabi ni Samson sa ba¬tang lalaking umaakay sa kanya: “Dalhin mo ako sa dakong mahihipo ko ang mga haligi ng bahay na ito, at nang makasandal naman ako sa mga iyon.” 27 Ang ba¬hay ay puno ng mga lalaki at babae. Naroon din ang mga pinuno ng mga Pilisteo, at naroon rin sa bubungan ang mga tatlong libong lalaki at babae na natutuwang manood sa palabas ni Sam¬son.
28 Tumawag si Samson kay Yawe at sumigaw: “Yawe, aking Panginoon, ala¬lahanin mo naman ako at ibalik mo ang aking lakas kahit sa pagkakataong ito lamang upang maipaghiganti ko ang aking mga mata sa mga Pilisteo.”
29 Kinapa ni Samson ang dalawang pang¬gitnang haligi na kinasasalalayan ng bahay, itinukod ang kanang bisig sa isang haligi at ang kaliwa naman ay sa kabila, 30 at sumigaw: “Bayaan mong mamatay akong kasama ng mga Pilisteo!” Ubos-lakas siyang tumulak at bumagsak ang bahay sa mga pinuno at mga taong nagtipun-tipon doon. Higit na marami ang mga isinama niya sa kanyang kamatayan kaysa napatay niya sa buong buhay niya.
31 Lumusong ang kanyang mga ka¬patid at ang sambahayan ng kanyang ama upang kunin ang kanyang bang¬kay. Ini¬lagay siya sa libingan ng kanyang amang si Manoa, sa pagitan ng Zora at Estaol. Naging hukom siya ng Israel nang dala¬wampung taon.
Ang kasaysayan ni Mikaya
17 • 1 May isang lalaking nagngangalang Mikaya sa kabundukan ng Efraim na 2 nagsabi sa kanyang ina: “Ang sanlibo’t isandaang pirasong pilak na nawala sa iyo at isi¬numpa mo ang nagnakaw ay ako talaga ang kumuha. At ngayon nga, isinasauli ko sa iyo.” 3 Sumagot ang kanyang ina: “Basbasan nawa ni Yawe ang aking anak!” At isinauli ni Mikaya ang sanlibo’t isandaang pirasong pilak sa kan¬yang ina.
Ngunit sinabi ng kanyang ina sa kanya: “Ini¬handog ko na ang salaping ito kay Yawe, upang makagawa ang aking anak ng isang imaheng yari sa metal. Kayat ibinabalik ko sa iyo ang pilak na ito.”
4 Gayunman, ibinalik ni Mikaya ang pilak sa kanyang ina at itinabi niya ang dalawan¬daang piraso para sa platero, na siyang gumawa ng imaheng yari sa metal. At ini¬lagay ito sa bahay ni Mikaya. 5 Kayat nagka¬roon si Mikaya ng Bahay ng Diyos. Gumawa rin siya ng efod upang makasangguni kay Yawe, at mga diyus-diyusan, at itinalaga niya ang isa sa kanyang mga anak na lalaki bilang kanyang pari. 6 Nang panahong iyon, wala pang hari sa Israel kayat sumunod ang bawat isa sa sariling palagay.
7 Isang binatilyong Levita na taga-Bet¬lehem sa Juda ang naninirahan doon bilang dayuhan. 8 Nilisan niya ang Betlehem isang araw at nag¬hanap ng pook na maaari niyang tirahan bilang panauhin. Nakarating siya sa bahay ni Mikaya sa kabundukan ng Efraim, 9 at tinanong siya ni Mikaya: “Taga-saan ka?” Sumagot siya: “Ako’y isang Levitang galing sa Betlehem; naghahanap ako ng matutu¬luyan bilang dayuhan.” 10 Sinabi sa kanya ni Mikaya: “Dito ka na tumira sa bahay ko at tumayo kang ama at pari ko. Bibigyan kita ng sampung pirasong pilak taun-taon, damit at pagkain.” Kayat tumuloy sa bahay ni Mikaya ang Levita.
11 Pumayag ang Levitang tumira sa bahay ni Mikaya at itinuring siyang tunay na anak. 12 Itinalaga ni Mikaya ang Levita bilang pari at nanatili ito sa kanyang bahay. 13 At sinabi ni Mikaya: “Ngayon ay natitiyak kong pagpapalain ako ni Yawe sapagkat pari ko na ang Levitang ito.”

18 1 Walang hari ang Israel nang panahong iyon. Naghahanap ng lugar na matitirahan ang tribu ng Dan, sapagkat hang¬gang nang araw na iyon, hindi pa sila tumatanggap ng pamana sa mga tribu ng Israel. 2 Kayat pumili sila sa kanilang tribu ng limang magi¬giting na lalaki mula sa Zora at Estaol upang maniktik sa lupain. Sinabi nila sa mga ito: “Humayo kayo at maniktik sa lupain.” Naka¬rating ang mga lala¬king ito sa kabundukan ng Efraim, sa malapit sa bahay ni Mikaya at doon sila nagpalipas ng gabi.
3 Dahil malapit sila sa bahay, nakilala nila ang tinig ng binatilyong Levita, kayat puma¬sok sila. Tinanong nila ang Levita: “Sino ang nag¬sama sa iyo rito? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Bakit ka narito?” 4 Sumagot ang Levita: “Ga¬nito’t ganoon ang ginawa para sa akin ni Mikaya. Inupahan niya ako at pari ako para sa kanya.” 5 Sinabi nila sa Levita: “Isangguni mo sa Diyos kung magi¬ging matagumpay o hindi ang aming pagla¬lakbay.” 6 Sumagot ang pari: “Humayo kayong mapayapa, pina¬patnu¬bayan kayo ni Yawe sa inyong paglalakbay.”
7 Umalis ang limang lalaki at nagpunta sa Lais. Nakita nila na ligtas na naninirahan ang mga tao sa lugar na iyon ayon sa kaugalian ng mga Sidonio – mga tahimik at mapag¬tiwalang mga tao – at walang sinumang nanggugulo. Ma¬layo sila sa mga Sidonio at walang pakiki¬pag-ugnayan kaninuman.
8 Pagbalik nila sa Zora at Estaol, tinanong sila ng kanilang mga kapatid: “Ano ang dala nin-yong balita?” 9 Sumagot sila: “Halikayo’t lusubin natin sila sapagkat napakainam na lugar ang aming nakita. O, bakit wala kayong imik? Hu¬wag kayong mag-atubiling sakupin ang lupaing iyon. 10 Pagdating ninyo roon, matatagpuan ninyo roon ang isang tahimik na bayan. Malawak ang lupain at ibinigay na ng Diyos sa ating mga kamay ang lugar na ito na sagana sa lahat ng bagay.”
11 Kayat animnaraang nasasandatahang ka¬lalakihan ng tribu ng Dan ang lumabas mula sa Zora at Estaol; 12 umahon sila at nag¬kampo sa Kiryat-yearim sa Juda. Dahil dito, tinatawag na Kampo ni Dan ang lugar na iyon hanggang sa panahong ito; nasa likuran iyon ng Kiryat-yearim. 13 Mula roon nila binag¬tas ang kabundukan ng Efraim at na¬karating sa bahay ni Mikaya.
14 At kinausap ng limang lalaking naniktik sa lupain ang kanilang mga kapatid at sinabi: “Hindi ba ninyo alam na sa isa sa mga bahay na ito ay may efod para pansangguni kay Yawe, mga maliit na diyus-diyusan at isang imaheng yari sa metal? Ngayo’y alam na ninyo ang dapat ninyong gawin.”
15 Pumaroon sila at pumasok sa bahay ng binatilyong Levita, na siya ring bahay ni Mikaya. Binati nila ito 16 samantalang naka¬tayo sa may tarangkahan ang animnaraang nasasandatahang Daneong kasama nila. 17 Pumanhik ang limang lala¬king unang na¬nik¬tik sa lupain at pu¬masok sa bahay ni Mi¬kaya, 18 at kinuha nila ang imahen, ang efod at ang mga maliit na diyus-diyusan, samantalang nakatayong kasama ng mga nasasan¬datahang kawal ang pari sa tarang¬kahan. Tinanong sila ng pari: “Ano ang ginagawa ninyo?” 19 Sumagot ang mga ito: “Tu¬ma¬himik ka! Tutupin mo ng palad mo ang bibig mo at sumama ka sa amin. Magi¬ging ama at pari ka namin. Mas mabuti bang maging pari sa bahay ng iisang tao o pari ng isang tribu ng Israel?”
20 Nasiyahan ang pari, kayat kinuha niya ang efod, ang mga maliliit na diyus-diyusan at ang imahen, at sumama sa mga kawal.
21 Nagpatuloy sila sa kanilang pagla¬lak¬bay, at nasa unahan nila ang mga kababai¬han, bata, mga kawan at mahaha¬lagang bagay. 22 Malayo na sila sa bahay ni Mikaya nang magsimulang magsigawan ang mga tao sa mga kalapit-bahay at hinabol sila. 23 Ngunit binalingan ng mga taga-Dan si Mikaya at sinabi: “Ano ang nang¬yayari at nag¬sisisigaw ka?” 24 Sumagot si Mikaya: “Ki¬nuha na ninyo ang mga diyus-diyusan na gi¬nawa ko, sumama pa sa inyo ang aking pari. Ano pa ang maiiwan sa akin? At ako pa ngayon ang tatanungin ninyo: ‘Ano ang nang¬yayari sa iyo?’” 25 Sumagot ang mga taga-Dan: “Ma¬buti pang tumahimik ka na lamang at baka dalu¬hungin ka ng mga mainit ang ulo at patayin ka at ang iyong sambahayan.” 26 Nag¬¬patuloy ang mga taga-Dan, at umuwi naman si Mikaya, nang makitang higit na malakas kaysa kanya ang mga ito.
27 Dala na ng mga taga-Dan ang mga diyus-diyusang ginawa ni Mikaya, at ang pari nito, at sinalakay nila ang Lais, isang bayang tahimik at mapagtiwala. Pinatay nila sa saksak ang mga tagaroon at sinunog ang bayan. 28 Walang tumu¬long sa mga ito sa¬pag¬kat malayo ang mga ito sa Sidon, at walang pakikipag-ugna¬yan kaninu¬man. Ang bayang ito ay nasa lambak na humahangga sa Bet-rehob.
29 Itinayong muli ng mga taga-Dan ang bayan at doon na sila nanirahan, at pina¬ngalanan nila iyong Dan, bilang alaala sa kanilang ninunong si Dan, na anak ni Israel, bagamat ang bayan ay dating tinatawag na Lais. 30 Naglaan sila ng isang lugar para sa imahen, at naging pari ng tribu ng Dan si Yonatang inapo ni Gersom na anak ni Moi¬ses, at ang kanyang mga anak hanggang itaboy sila sa lupain. 31 Inilagay nila roon ang imaheng ginawa ni Mikaya at nanatili ito roon habang nasa Silo naman ang Bahay ng Diyos.
Ang krimen sa Gibea
19 • 1 Nang panahong iyon, wala pang hari sa Israel, may isang Levitang naninirahan sa hangganan ng kabundukan ng Efraim na kumuha ng isang asawang alipin mula sa Betlehem sa Juda. 2 Nagtaksil sa kanya ang babaeng ito at nagbalik sa bahay ng ama sa Betlehem sa Juda. Nanatili roon ang babae nang apat na buwan. 3 Pi¬nuntahan siya ng kan¬yang asawa upang dalawin at paki¬usapan na magbalik sa kani¬lang taha¬nan. Nagsama ang lalaki ng isang katulong at dalawang asno.
Pinatuloy ang lalaki ng kanyang asawa sa bahay ng ama nito; nagagalak ang ama nang makita ang kanyang manugang 4 at hinimok siya na manatili roon kaya tumigil siya nang tatlong araw. Kumain at uminom sila at doon nagpalipas ng gabi. 5 Sa ikapat na araw, gu¬¬mi¬¬¬sing sila nang maaga at naghanda na ang Levita sa pag-alis. Ngunit sinabi ng ama ng babae sa kanyang manugang: “Kumain ka muna ng tinapay upang manumbalik ang iyong lakas, at pagkatapos makalalakad ka na.”
6 Naupo ang dalawa at nagsimulang ku¬main at uminom. At sinabi ng biyenan: “Dito ka na magpalipas ng gabi at mag-aliw.” 7 Ngunit tu¬mindig din ang Levita upang umalis. Nagpilit ang kanyang biyenan, kayat doon na rin siya nagpalipas ng gabi.
8 Sa ikalimang araw, maaga na naman siyang gumising upang umalis, ngunit sinabi sa kanya ng ama ng babae: “Magpaubaya ka na at du¬mito hanggang gabi.” Kayat muli silang nagsalo sa pagkain. 9 Ngunit nang tumindig ang lalaki, ang babae at ang katulong upang umalis, sinabi ng biyenan sa manugang: “Tingnan mo, tanghali na. Dito na kayo magpalipas ng gabi at magpa¬ka-saya. Bukas ng umaga na kayo umalis at nang makauwi.” 10 Ngunit tumanggi ang Levi¬ta na doon palipasin uli ang gabi, kayat tumayo siya, umalis at nagpunta sa tapat ng Yebus o Jerusalem. Isinama niya ang kan¬yang dalawang asno, ang babae at ang ka¬tulong.
11 Gumagabi na nang makarating sila sa ma¬lapit sa Yebus. Kayat sinabi ng katulong sa kanyang panginoon: “Huwag na tayong magtuloy pa, sa halip ay magpunta tayo sa bayan ng mga Yebuseo at doon na tayo mag¬palipas ng gabi.” 12 Sumagot ang lalaki: “Huwag tayong magtuloy sa isang banya¬gang lunsod na wa¬lang Israelita; sa Gibea tayo pupunta.” At idi¬nugtong niya: 13 “Halika, lumapit tayo sa isa sa mga bayan doon. Sa Gibea o sa Rama tayo mag¬pa¬pa-lipas ng gabi.” 14 Nagpatuloy sila sa pag¬la¬lakbay, at palubog na ang araw nang du¬mating sila sa tapat ng Gibea ng Benjamin. 15 Tumabi sila at nagpalipas ng gabi doon. Nagpunta ang Levita sa liwasang-bayan, ngu¬nit walang sinu¬mang nagpatuloy sa kanila. 16 At may isang matandang lalaking dumating mula sa paggawa sa bukid. Sa kabundukan ng Efraim siya nang¬galing at naninirahan bilang pa¬nauhin sa Gibea, taga-Benjamin nga ang mga taga¬rito. 17 Pag¬lingon ng matanda, napansin niya ang dayuhan sa liwasang-bayan at sinabi niya: “Tagasaan ka ba at saan ka pa¬punta?” 18 At sumagot ito: “Nag¬daraan lamang kami, sapag¬kat galing kami sa Bet¬lehem ng Juda at papunta kami sa hang¬ga¬nan ng kabundukan ng Efraim na tini¬tirhan ko. Nagpunta ako sa Betlehem ng Juda at nga¬yon ay pauwi na ako. Ngunit dito, walang sinu¬mang nagpatuloy sa akin. 19 Gayun¬man, may¬roon kaming dayami at damo para sa aming mga asno, at tinapay at alak para sa akin, sa aking maybahay at sa kasama na¬ming bina¬tilyo. Wala na kaming kailangan pa.”
20 Sinabi ng matandang lalaki: “Sumaiyo ang kapayapaan. Ibibigay ko ang lahat ng in¬yong kailangan, huwag ka lamang magpa¬lipas ng gabi rito sa liwasang-bayan.” 21 Isi¬nama ng ma¬tan-dang lalaki ang mga pana¬uhin sa kanyang bahay at binigyan ng damo ang mga asno. Nag¬hugas ng paa ang mga manlalakbay, at nag¬sikain at nagsiinom sila.
22 Habang nag-aaliw sila, pinaligiran ng mga buhong na kalalakihan ng lunsod ang bahay, pumukpok sa pinto at sinabi sa ma¬tandang lalaking may-ari ng bahay: “Ilabas mo ang lalaking tumuloy sa iyong bahay at nang ma¬halay namin siya.” 23 Lumabas ang may-ari ng bahay, hinarap sila at nagsabi: “Huwag, mga kapatid ko, huwag ninyo siyang gawan ng ma¬sama. Tumuloy dito sa bahay ko ang lala¬king ito, kayat huwag ninyo siyang gagawan ng masama. 24 Narito ang aking anak na dalaga pa at ang asawang alipin niya. Ilalabas ko sila at gahasain ninyo sila at gawin na ninyo ang ma¬kasisiya sa inyo, ngunit huwag ninyong gawin sa lala¬king ito.” 25 Ngunit hindi pina¬king¬gan ng mga lalaki ang matanda, kayat ini¬labas ng pana¬uhin ang asawang alipin. Magdamag nila itong ginahasa at hinalay. Madaling-araw na nang iwan ito.
26 Nang mag-uumaga na, dumating ang ba¬bae at napahandusay sa pintuan ng bahay ng matanda, na kinaroroonan ng kanyang asawa. Nanatili siya roon hanggang bukan-liwayway. 27 Bumangon ang kanyang asawa nang uma¬gang iyon, binuksan ang pinto ng bahay at lu¬mabas upang umalis. At nakita niya ang ba¬baeng nakahandusay sa bungad ng bahay at ang mga kamay ay nakakapit pa sa pintuan. 28 Sinabi niya sa babae: “Buma¬ngon ka at aalis na tayo.” Ngunit walang naging tugon. Kayat isinakay ito ng lalaki sa kanyang asno at umuwi na sila.
29 Pagdating niya sa bahay, kumuha siya ng isang kutsilyo at hinawakan ang kanyang asawa, at hiniwa-hiwa niya sa mga kasu-kasuan at hinati sa labindalawang piraso na ikinalat sa buong lupain ng Israel. 30 Iniutos niya sa kanyang mga sugo: “Sabihin ninyo ito sa mga Israelita: ‘Hanggang sa araw na ito, naka¬kita na ba kayo ng tulad nito mula nang luma¬bas ang mga Israelita sa lupain ng Ehipto? Pag-isipan ninyo ito. Sumangguni kayo at mag¬pasya.’” Lahat ng nakasaksi dito ay nagsabi: “Hanggang sa araw na ito, wala pang nangya¬yaring tulad nito o may nakita na kaming tulad nito mula nang umalis ang mga Israelita sa lupain ng Ehipto.”

20 1 Kayat nagtipun-tipon sa harapan ni Yawe sa Mizpa, na tila iisang tao, ang lahat ng anak ng Israel, ang buong pama¬yanan mula sa Dan hanggang Beer-seba, kabilang ang lupain ng Galaad. 2 Dumalo sa kapulungan ng bayan ng Diyos ang lahat ng pinuno ng lahat ng bayan at tribu ng Israel: apatnaraang libong kalalakihang nagsila¬kad, at lahat ay may da¬lang tabak.
3 Nalaman na rin ng mga pinuno ng tribu ng Benjamin na umahon na sa Mizpa ang mga Israelita.
Sinabi ng mga Israelita: “Sabihin ninyo sa amin kung paano nangyari ang krimeng ito.” 4 Nagsalita ang Levitang asawa ng babaeng pinatay: “Dumating ako sa Gibea ng Benjamin, kasama ang aking asawang-alipin upang doon magpalipas ng gabi. 5 Nang gumabi, dumating ang mga taga-Gibea at pinaligiran ang bahay sa pagtatangkang saktan kami. Talagang gusto nila akong pata¬yin, at ginahasa ang aking asawang-alipin hanggang mamatay siya. 6 At kinuha ko ang aking asawa, pinagputul-putol, at ipinadala ang bawat piraso sa bawat lupain ng Israel, sapagkat isang matinding kahi¬hiyan sa Israel ang ginawa nila. 7 Ngayong narito kayong lahat, mga anak ng Israel, pag-usapan ninyo at magpasya.”
8 Tila iisang taong tumindig ang lahat at sinabi: “Walang sinuman sa atin ang babalik sa kanyang tolda o sa kanyang bahay. 9 Ga¬nito ang gagawin natin sa mga taga-Gibea: magpapalabunutan tayo 10 at kukuha tayo sa bawat tribu ng Israel ng sampung lalaki mula sa bawat san¬daan, sandaan sa bawat sanlibo, at sanlibo sa bawat sampung libo. Mangangalap sila ng mga kakailanga¬nin ng hukbo upang parusahan ang Gibea sa Benjamin dahil sa kahihiyan sa Israel na ginawa ng mga tagaroon.” 11 Kayat nagkaisa ang lahat ng taga-Israel laban sa lunsod.
12 Nagpadala ang mga tribu ng Israel ng mga sugo sa buong tribu ng Benjamin at sinabi sa kanila: “Anong krimen itong ginawa ninyo? 13 Ibi¬gay ninyo sa amin ang mga buhong na kalalakihan ng Gibea upang mapatay namin at nang mapalis ang kasa¬maan sa Israel.” Ngunit hindi pinansin ng mga Benjaminita ang kanilang mga kapatid na Israelita.
14 Samantala, nilisan din ng mga Benja¬minita ang kanilang mga bayan at nagtipon sa Gibea upang harapin ang mga Israelita. 15 Nang araw na iyon, natipon ang mga Benjaminita na du-mating mula sa iba-ibang lunsod: dalawam¬pu’t anim na libong kawal na may tabak, bukod pa ang mga taga-Gibea. 16 Kabilang sa kanila ang pitundaang magigiting na lalaking pawang ka¬liwete, na walang paltos na nakapagpapa¬tama ng bato mula sa tirador sa isang hibla ng buhok.
17 Binilang din ng mga taga-Israel ang ka¬ni¬lang tauhan. Hindi kabilang ang Benjamin, nakatipon sila ng apatnaraang libong kawal, na pawang mandirigmang bihasang humawak ng tabak. 18 Kayat nagpunta sila sa Betel at doon ay tinanong ang Diyos: “Sino sa amin ang unang aahon upang makipaglaban sa mga Benja¬minita?” At sumagot si Yawe: “Unang aahon ang Juda.”
19 Maagang gumising ang mga Israelita at nagkampo sa tapat ng Gibea. 20 Lumisan sila upang kalabanin ang Benjamin at humanay la¬ban sa Gibea. 21 Ngunit lumabas ang mga Ben¬-jaminita mula sa Gibea at pinatay ang dala¬¬wampu’t dalawang libong Israelita.
22 At umahon ang mga Israelita at nana¬ngis kay Yawe hanggang gabi, at tinanong si Yawe: “Lulusubin ba naming muli ang aming mga kapatid na Benjaminita?” Sumagot si Yawe: “Sa¬lakayin ninyo sila.”
23 Kayat nanumbalik ang lakas ng loob ng bayan, ang mga taga-Israel at humanay sila muli. 24 Kinabukasan, sinalakay ng mga taga-Israel ang mga Benjaminita. 25 Ngunit nang araw ding iyon, lumabas ang mga Benjaminita at lumaban sa kanila at napatay ang labingwalong libong Israelitang may tabak.
26 At nagpunta sa Betel ang lahat ng Israelita. Doon sila naupo at nanangis sa harapan ni Yawe. Nag-ayuno sila sa buong maghapon hang¬¬¬¬gang gumabi at nag-alay ng mga sinunog na handog at hain ng mabuting pagsasama kay Yawe. 27 Sumangguni kay Yawe ang mga anak ng Israel sapagkat naroon ang Kaban ng Tipan, 28 sa pag-iingat ni Pinhas na anak ni Eleazar na anak naman ni Aaron. Tinanong nila: “Sasa¬lakayin ba naming muli at lalabanan ang aming mga kapatid na Benjaminita o hindi na?” Su¬magot si Yawe: “Sumalakay kayo bukas at ibibigay ko sila sa inyong mga kamay.”
29 Naghanda ng pananambang ang mga Israelita sa paligid ng Gibea. 30 Sa ikatlong araw, nagpunta ang mga Israelita sa Gibea at huma¬nay, tulad sa mga nakaraang pagka¬kataon. 31 Hi-narap sila ng mga Benjaminita, ngunit na¬harangan ng mga Israelita ang daan pabalik sa lunsod. Tulad nang dati, lumaban ang mga Benjaminita at nakapatay ng tatlumpung kawal sa dalawang daang uma¬ahon sa Betel at Gibea. 32 Kayat inisip ng mga Benjaminita: “Nalupig na naman natin sila.”
Ngunit nagpasya na ang mga Israelita sa kanilang sarili: “Umurong tayo at saka hahadlangan natin ang daan sa lunsod.” 33 Kaya umu¬rong ang mga taga-Israel at pumu¬westo sa Baal-Tamar, samantalang dumating ang mga na¬nanambang sa kanluran ng Gibea. 34 Kayat sam¬¬pung libong kawal na pinili sa buong Israel ang sumalakay sa Gibea. Mahigpitan ang na¬ging labanan at hindi napansin ng mga Ben¬jaminita ang malaking sakunang darating sa kanila. 35 Nilupig ni Yawe ang Benjamin sa harap ng Israel, at nang araw na iyon, napatay ng mga Israelita ang dalawampu’t limang libong Benjaminita na pawang kawal na may tabak.
36 Akala ng mga Benjaminita na nanalo sila, ngunit umurong ang mga Israelita sa¬pag¬kat umasa sila sa pananambang sa Gibea. 37 Big¬lang naglabasan ang mga nananambang, ku¬ma¬lat at sinalakay ang Gibea at pinatay sa saksak ang lahat ng nasa lunsod. 38 Kaalam ng mga Israelita ang mga nananambang na mag¬kakaroon ng maitim na usok mula sa lunsod bilang hudyat. Sa hudyat na ito, babalik ang mga Israelita upang lumaban.
39 Kayat nagbalik ang mga Israelita na nag¬kunwaring tumakas nang makapatay ang mga Benjaminita ng tatlumpung kalalakihan at nag¬palagay: “Natalo na naman natin sila, tulad sa unang labanan.” 40 Tuma¬taas na ang palatandaang usok mula sa lunsod at paglingon ng mga Benjaminita nakita nilang nasusunog ang buong lunsod, at tumataas ang apoy sa kala¬ngitan. 41 Nang harapin sila ng mga Israelita, nangatal ang mga Benjaminita sa harap ng dumarating na kasawian. 42 Umurong sila at tumakas pa¬tungo sa disyerto. Ngunit inabutan sila ng mga Israelita na lumabas mula sa lunsod at pinatay sila. 43 Pinaligiran ng mga Israelita ang mga Benjaminita at walang-humpay na hinabol ang mga ito at pinatay sa tapat ng Gibea sa silangan.
44 Labingwalong libong Benjaminita ang na¬patay, na pawang magigiting na kawal. 45 Umu-rong ang mga naiwan at tumakas pa¬tungo sa ilang ng Bundok ng Rimon. Gayunman, limang libo rin ang napatay sa mga daan. Hina¬bol sila ng mga Israelita hanggang sa Gideon at naka¬patay sila ng dalawang libo.
46 Nang araw na iyon, namatay ang dalawam¬pu’t limang libong kawal na Benjami¬nita, pawang magigiting na kawal na may tabak. 47 Sa mga tumakas sa ilang ng Bundok ng Rimon, animnaraan ang nakaligtas. Na¬natili sila roon nang apat na buwan. 48 Su¬malakay ang mga kawal ng Israel sa mga bayan ng Benjamin at pinatay ang lahat ng naroon, hindi lamang ang mga taong-bayan kundi pati na rin ang mga hayop at lahat ng makita nila. Sinunog din nila ang lahat ng bayan na matagpuan nila.

21 1 Sumumpa ang mga Israelita sa Mizpa: “Walang sinuman sa ating mag¬papa¬kasal ng kanyang anak na dalaga sa isang Benjaminita.”
2 Nagpunta ang bayan sa Betel. Naupo sila sa harapan ni Yawe hanggang gumabi, tinawag siya at nanangis nang buong-lumbay.
3 Sinabi nila: “Yawe, Diyos ng Israel, bakit nangyari sa Israel ang ganitong kasawian, na nalipol ang isa sa mga tribu sa araw na ito?” 4 Kinabukasan, maagang gumising ang mga tao at gumawa sila ng altar doon at nag-alay ng mga sinunog na handog at mga hain ng mabuting pagsasama. 5 At tinanong ng mga Israelita: “Sino sa mga tribu ng Israel ang hindi dumalo sa kapulungan ni Yawe?” Sa¬pag¬kat mataimtim nilang isinumpa na mamamatay ang sinumang hindi dumating sa Mizpa sa harapan ni Yawe.
6 Nahabag ang mga Israelita sa kanilang mga kapatid na Benjaminita at sinabi: “Sa araw na ito naputol ang isang tribu ng Israel. 7 Ano ang ating gagawin upang magkaroon ng asawa ang mga natira, sapagkat isinumpa natin kay Yawe na hindi natin ipakakasal ang ating mga anak na dalaga sa kanila?”
8 Kayat tinanong nila: “May tribu ba ng Israel na hindi dumating sa Mizpa sa harapan ni Yawe?” At natuklasan nilang walang sinu¬man sa Yabes ng Galaad ang dumating sa kampong pinagdausan ng kapulungan. 9 Gu¬mawa sila ng senso at napatunayang walang dumalo mula sa Yabes ng Galaad.
10 At nagpadala ang pamayanan ng labin¬dalawang libong matatapang na kawal na inatasan: “Salakayin ninyo ang mga taga-Yabes sa Galaad, at patayin sila sa saksak, pati ang mga babae at bata. 11 Ito ang inyong gagawin: patayin ang bawat lalaki at bawat babae na nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa lalaki, ngunit bayaang mabuhay ang mga dalaga.” 12 At gayon nga ang kanilang gi¬nawa. Nakakita sila ng apatnaraang dalaga sa mga taga-Yabes ng Galaad (na hindi pa nagkakaroon ng kaugnayan sa lalaki), at dinala ang mga iyon sa kampo sa Silo sa lupain ng Kanaan.
13 At nagpadala ng mga sugo ang kapulu¬ngan sa mga Benjaminitang nasa Bundok ng Rimon upang makipagkasundo, 14 at nagbalik ang mga Benjaminita. Ibinigay sa kanila ng mga Israelita ang mga babae ng Yabes ng Galaad na hindi pinatay, ngunit kulang ang mga ito para sa kanilang lahat.
15 Nahabag ang bayan sa mga Benja¬minita sapagkat pinabayaan ni Yawe na malipol ang isa sa tribu ng Israel. 16 Kayat sinabi ng mga matatanda sa pamayanan: “Ano’ng magagawa natin upang mabigyan ng asawa ang mga natira, sapagkat pinatay din ang mga kaba¬baihan ng Benjamin?” 17 At idinagdag nila: “Paano maililigtas ang isang nalabi sa Benjamin upang hindi malipol ang alinmang tribu ng Israel? Hindi natin mai¬bi¬bigay sa kanila ang ating mga anak na dala¬ga sapagkat nagsabi tayo: ‘Sumpain ang sinu¬mang magbigay ng asawa sa isang Benjaminita!’”
19 Ngunit sinabi nila: “Ngayon ang kapistahan ni Yawe na ipinagdiriwang taun-taon sa Silo, sa hilaga ng Betel, sa silangan ng daang patungo sa Sikem, at timog ng Le¬bona.” 20 Kayat pinayuhan nila ang mga Benjaminita: “Humayo kayo at manambang sa mga ubasan. 21 Maging handa kayo at kapag dumating na sumasayaw at pangkat-pangkat ang mga dalaga ng Silo, magsisi¬labas kayo at aagawin ng bawat isa ang isang mapapangasawa at tatakas kayo sa lupain ng Benjamin.
22 Kapag dumating ang kanilang mga ama o kapatid na lalaki upang tumutol, sasabihin namin sa kanila: ‘Unawain naman ninyo sila; nakita naman ninyo na pagkatapos ng dig¬ma¬an, wala nang paraan pa upang mabigyan ang bawat isa sa kanila ng asawa. Hindi naman kayo ang nagbigay sa kanila ng ka¬nilang asawa, kayat hindi ninyo sinira ang inyong panata.’”
23 Kayat tinangay nga ng mga Benja¬minita ang mga dalagang kailangan nila. At umalis na sila at bumalik sa lupaing kanilang namana, mu¬ling itinayo ang kanilang mga bayan at nani¬rahan doon.
24 Umalis ang mga Israelita at umuwi ang bawat isa sa kanyang bahay, sa kanyang tribu at pamilya. Nagbalik sila sa sariling pamana.
25 Nang panahong iyon, walang hari sa Israel at ginawa ng bawat isa ang sa palagay niya’y mabuti.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-60115737829089523362008-09-04T13:18:00.000-07:002008-09-04T13:19:19.387-07:00JosueSasaiyo ako
1 • 1 Pagkamatay ni Moises, kinausap ni Yawe si Josueng anak na lalaki ni Nun at ayudante ni Moises, at sinabi sa kanya: 2 “Patay na ang aking lingkod na si Moises kaya sumapit na ang oras para tumawid ka sa Ilog Jordan. At kasama mong tatawid ang bu¬ong bayan papunta sa lupang ibi¬ni¬bigay ko sa mga anak ng Israel. 3 Ibi¬bigay ko sa inyo ang lahat ng lugar na tuntungan ninyo gaya ng ipi¬nangako ko kay Moises 4 na mapapa¬sainyo: Mula sa Bundok ng Lebanon sa hilaga hanggang sa disyerto sa timog, at mula sa malaking Ilog Eufrates sa si¬langan hanggang sa Malaking Dagat sa kanluran.
5 Walang makalalaban sa iyo habang nabu¬buhay ka. Sasaiyo ako kung paa¬nong sumakay-Moises ako. Hindi kita pababayaan o iiwan. 6 Mag¬pa¬ka¬tatag ka at lakasan ang loob sapagkat ibi-bigay ko sa baya¬ng ito ang lupang ipi¬na¬ngako kong ibibigay sa kanilang mga ninuno. 7 Kaya magpa¬kagiting ka at isabuhay nang buong katapatan ang lahat ng Batas na ibinigay sa iyo ng lingkod kong si Moises. 8 Huwag kang lilihis sa kanan man o sa kaliwa, at mag¬¬¬ta¬tagumpay ka saan ka man pu¬ma¬roon.
Lagi mong basahin ang aklat ng Batas at pagnilayan ito araw at gabi upang lubos mong maisagawa ang sinasabi nito. Sa gayon matutupad ang iyong mga balak at magtata¬gum¬pay ka sa lahat ng bagay. 9 Ako ang nag-uutos sa iyo; kayat lakasan mo ang iyong loob at tibayan ang iyong dibdib. Huwag kang panghihinaan ng loob ni matatakot, sapagkat kasama mo si Yawe na iyong Diyos saan ka man mag¬punta.”
10 Inatasan ni Josue ang mga opisyal ng bayan: 11 “Galugarin ninyo ang buong kampa¬¬mento at ikalat ang kautusang ito: ‘Mag-ipon kayo ng sapat na pagkain sapagkat sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo ng Ilog Jordan at sasakupin ang lupaing ipagkakaloob sa inyo ni Yawe na ating Diyos.’”
12 Sinabi naman ni Josue sa mga tribu ng Ruben at Gad at sa kalahati ng tribu ng Manases: 13 “Tandaan ninyo ang utos ni Moises na lingkod ni Yawe. Papagpapahi¬ngahin kayo ni Yawe sa lupaing ito na ibini¬bigay niya sa inyo. 14 Ngunit mananatili ang mga babae at mga bata pati na ang mga hayop sa tabing ito ng Jordan, sa lu¬paing ipinagkaloob niya sa inyo, habang ma¬ngu-nguna kayong magigiting sa inyong mga kapatid at tatawid na nasasandatahan upang tulungan sila. 15 Papagpapahingahin sila ni Yawe tulad ninyo, at masasakop din nila ang lupaing ipi¬nag-kakaloob sa kanila ng ating Diyos na si Yawe. At babalik kayo sa lupaing ipinag¬ka¬loob sa atin ni Moises sa silangan ng Jordan.”
16 At sumagot sila kay Josue: “Gagawin na¬min ang lahat ng iniuutos mo at pupunta ka¬mi saan mo man kami ipadala. 17 Kung paano ka¬mi sumunod kay Moises gayundin kami su¬sunod sa iyo. Sumaiyo nawa si Yawe na iyong Diyos, kung paano siya sumapiling ni Moises. 18 Mamamatay ang sinumang sasalungat sa iyong mga salita at susuway sa iyong mga utos. Magpakatatag ka lamang at magpakalalaki.”
Ang kasaysayan ni Rahab
2 • 1 Lihim na inutusan ni Josue ang dalawang espiya mula sa Sitim: “Pumunta kayo’t manmanang mabuti ang lupain, lalo na ang lunsod ng Jerico.”
Lumakad ang mga espiya at pagdating nila sa Jerico, pumasok sila sa bahay ng isang babaeng bayaran na nagngangalang Rahab. 2 Ngunit may nagsabi sa hari ng Jerico: “Ilang Israelita ang pumasok dito ngayong gabi upang tiktikan tayo.” 3 Kaya nagpasabi ang hari ng Jerico kay Rahab: Ilabas mo ang mga lalaking ito sa bahay mo, sapagkat naparito sila para tiktikan ang ating lupain.” 4 Ngunit naitago na ng babae ang dalawang lalaki at sumagot siya: “Totoong napa¬rito sila sa aking bahay, ngunit hindi ko alam kung saan sila galing. 5 At pagsapit ng dilim, nang malapit nang isara ang mga pintuan ng lunsod, umalis sila at hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Magmadali lamang kayo at tiyak na maaabutan ninyo sila.” 6 Ngu¬nit naitago na sila ng babae sa bubungan ng bahay, sa ilalim ng mga tang¬kay ng lino na itinambak niya roon.
7 Lumabas ang mga humahabol upang hanapin sila sa daang papunta sa lambak ng Jordan, at pagkalabas nila, ipininid ang mga pintuan ng lunsod.
8 Umakyat naman ang babae sa pinagtaguan niya ng mga espiya 9 at sinabi niya: “Alam kong ibinigay na sa inyo ni Yawe na inyong Diyos ang lupaing ito. Natatakot kami at nanginginig sa inyong harapan ang mga naninirahan sa lupain. 10 Alam namin kung paanong tinuyo ni Yawe ang tubig ng Dagat ng Mga Tambo upang maka¬tawid kayo palabas sa Ehipto. Alam namin ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng Amorreo na naninirahan sa kabilang ibayo ng Jordan, sina Sehon at Og, na pinuksa ninyo.
11 Natakot kami sa balita at pinanghinaan ng loob ang bawat isa dahil sa inyo, sapagkat si Yawe na inyong Diyos ay Diyos sa langit sa kaitaasan at sa lupa rin sa ibaba.
12 Kayat ngayon, sumumpa kayo sa akin sa ngalan ni Yawe, na magpapakita kayo ng ka¬gan-dahang loob sa aking kamag-anak gaya ng pagmamagandang loob ko sa inyo 13 at hindi papatayin ang aking ama, ina at mga kapatid kundi maliligtas kami, pati na ang lahat ng aming ari-arian.”
14 Sumagot ang mga lalaki: “Buhay ang iga¬ganti namin sa buhay. Huwag mo lamang ibun¬yag ang ating pinag-usapan at gagan¬tihan na¬min kayo ng kagandahang loob at katapatan kapag ipinagkaloob na sa amin ni Yawe ang lupaing ito.”
15 At ibinababa sila ng babae sa bintana sa pamamagitan ng lubid, sapagkat nakadikit sa muog ng lunsod ang kanyang bahay. 16 Sinabi niya sa kanila: “Pumunta kayo sa bundok para hindi kayo matagpuan ng mga humahabol sa inyo. Doon kayo magtago nang tatlong araw, hanggang makabalik sila, at saka kayo mag¬patuloy sa paglalakad.” 17 Sumagot ang mga lalaki: “Tingnan mo kung paano namin tutu¬parin ang aming pangako. 18 Pagpasok namin sa lupaing ito, itali mo ang pulang lubid na ito bilang tanda sa bintanang binabaan namin. Tipunin mo sa iyong bahay ang iyong ama, ina, mga kapa¬tid at lahat ng iyong kamag-anak. 19 Sasa¬gutin ang sariling buhay ng sinumang lalabas sa iyong bahay, hindi namin ito kasala¬nan. Kami naman ang sasagot sa buhay ng sinumang kasama mo sa bahay. 20 Ngunit hu¬wag mong ibunyag ang ating pinag-usapan. Kung hindi, lalaya kami sa aming pangako.” 21 Sinabi ni Rahab sa kanila: “Gan¬yan sana ang mang¬yari.” At pinaalis niya sila at itinali niya ang pulang lubid sa bintana.
22 Nagpunta sa bundok ang mga lalaki at nagtago roon nang tatlong araw, hanggang makabalik ang mga humahabol sa kanila. Hinanap sila ng mga ito sa lahat ng dako, ngunit hindi sila nakita. 23 Pagkababa nila mula sa kabundukan, tumawid sila ng Ilog Jordan, at humarap kay Josueng anak ni Nun, at isina¬laysay sa kanya ang kanilang misyon at lahat ng nangyari sa ka¬nila. 24 Sinabi nila kay Josue: “Inilagay na ni Yawe sa ating mga kamay ang lahat ng lupaing ito; nanginginig na sa takot ang lahat ng nani¬nirahan dito.”
Tumawid sa Jordan ang mga Israelita
3 • 1 Kinabukasan, maagang gumising si Josue at kasama ang lahat ng mga Israelita, umalis siya sa Sitim at nagtungo sa Ilog Jordan. Doon sila tu¬mi¬gil bago nila tinawid ang ilog.
2 Pagkalipas ng tatlong araw, lumibot sa kampo ang mga pinuno 3 at iniutos nila sa mga Israelita: “Kapag nakita ninyong dumaan ang Kaban ng Tipan na pasan-pasan ng mga paring Levita, umalis kayo sa inyong kampo at sumunod dito 4 upang malaman ninyo ang daang lalakaran ninyo, sapagkat hindi pa kayo napupunta roon. Ngunit sumunod kayo sa Kaban sa agwat na isang libong metro. Huwag kayong lalapit dito.”
5 Sinabi ni Josue sa mga Israelita: “Linisin ninyo ang inyong sarili sapagkat bukas, gagawin ni Yawe ang mga kaba¬balaghan sa piling ninyo. 6 At inutusan ni Josue ang mga pari: “Kunin ninyo ang Kaban ng Tipan at tumawid ng ilog sa unahan ng mga tao.”
7 At sinabi ni Yawe kay Josue: “Sa araw na ito sisimulan kitang gawing dakila sa mata ng Israel at malalaman nila na sumasaiyo ako kung paanong sumapiling ako ni Moises. 8 Ibi¬gay mo ang utos na ito sa mga paring puma¬pasan sa Kaban ng Tipan: ‘Pagdating ninyo sa pampang ng Jordan, tumayo kayo sa may tubig.’ ” 9 At sa mga Israelita sinabi ni Josue: Halikayo’t pa¬kinggan ang mga salita ni Yaweng ating Diyos. 10 Ngayon kayo ma¬katitiyak na suma¬sainyo ang isang buhay na Diyos, na mag¬papalayas sa harap ninyo ng mga Kana¬neo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Gergeseo, mga Jebuseo at mga Amor¬reo. 11 Tatawid nga ngayon sa Jordan na una sa inyo ang Kaban ng Tipan ng Pangi¬noon ng buong sangkalupaan. 12 Kaya, pumili kayo ng labin-dalawang lalaki mula sa labin¬dalawang tribu ng Israel, isa sa bawat tribu. 13 At kapag sumayad na sa tubig ang paa ng mga paring pumapasan sa Kaban ng Tipan ng Panginoon ng buong sang¬kalupaan, titigil ang tubig na bu¬mababa mula sa itaas ng ilog at mabubuo ito.”
14 Pag-alis ng mga tao sa kampo upang tumawid sa Jordan, nauna sa kanila ang mga paring pumapasan sa Kaban ng Tipan. 15 Panahon noon ng anihan at ma¬laki ang tubig ng Jordan, na umaapaw sa mga pampang. Gayun¬¬paman, lumu¬song sa ilog ang mga pa¬ring pumapasan sa Kaban, at paglapat ng kanilang paa sa tubig 16 tu¬mi¬gil at tumayo na parang dike ang tubig ng Jordan sa malayong lugar ma¬lapit sa Adam, isang bayan na katabi ng Sartan. Naputol at tumigil ang tubig na duma¬daloy sa Patay na Dagat, kayat na¬¬katawid ang mga tao sa tapat ng Jerico. 17 Na¬natili sa gitna ng natu¬yong ilog ang mga paring may pasan sa Kaban ng Ti¬pan, hanggang maka¬tawid ang lahat ng Israelita sa Jordan.
4 1 Pagkatawid sa Jordan ng buong bayan, sinabi ni Yawe kay Josue: 2 “Pumili ka ng labindalawang lalaki, isa mula sa bawat tribu, 3 at utusan mo silang kumuha ng labindalawang bato sa ilalim ng Jordan, sa lugar na tina¬tayuan ng mga pari. At ilalagay ang mga batong ito sa lugar na titigilan ninyo ngayong gabi.”
4 Tinawag nga ni Josue ang labindala¬wang lalaking pinili niya mula sa labin¬dalawang tribu ng Israel 5 at inutusan sila: “Pumunta kayo sa kinaroroonan ng Kaban sa gitna ng Jordan, at kumuha kayo roon ng isang bato para sa bawat tribu at pasanin ito sa balikat. 6 Magiging tanda ng pangyayaring ito ang mga batong ito para sa inyo. Sa hinaharap kapag tinanong kayo ng inyong mga anak: ‘Ano ang ibig sabihin ng mga batong ito sa inyo?’ 7 sasabihin ninyo sa kanila na nahati ang tubig nang tumawid sa Jordan ang Kaban ni Yawe. Sa gayon, ang mga batong ito ang magsisilbing alaala para sa mga Israelita sa habampanahon.”
8 Sinunod ng mga Israelita ang utos ni Josue at kumuha sila ng labindalawang bato sa ilalim ng Jordan, isa para sa bawat tribu, gaya ng iniutos ni Yawe kay Josue. Dinala nila ang mga ito at inilagay sa lugar na tini¬¬gilan nila.
9 Gumawa si Josue ng bunton ng labin¬dalawang bato sa gitna ng Jordan kung saan tumayo ang mga paring pumapasan sa Kaban ng Tipan. Hanggang sa mga araw na ito ay naroon pa ang mga ito. 10 Tumayo sa gitna ng Jordan ang mga paring pumapasan sa Kaban ng Tipan hang-gang matapos sabihin ni Josue ang lahat ng ipinag-uutos sa kanya ni Yawe. 11 Nang maka¬tawid na sa ilog ang lahat ng tao, tumawid din ang Kaban, at muling lumakad ang mga pari sa unahan ng mga tao.
12 Lumakad ding nasasandatahan sa unahan ng mga tao ang mga lalaki mula sa tribu ng Ruben at ng Gad at kalahati sa tribu ng Manases, ayon sa ipinag-utos ni Moises sa kanila. 13 Hu-migit-kumulang sila sa apatnapung libo, at na¬sa¬sandatahang mabuti. Nag¬daan sila sa harap ni Yawe, at nagtungo sa kapatagan ng Jerico upang makipag¬digmaan.
14 Sa araw na iyon, dinakila ni Yawe si Josue sa harap ng buong Israel, kayat iginalang nila si Josue sa buong panahon ng kanyang buhay, gaya ng paggalang nila kay Moises.
15 Sinabi ni Yawe kay Josue: 16 “Utu¬san mo na umahon sa Jordan ang mga paring pumapasan sa Kaban ng Ka¬utusan.” 17 At iniutos ni Josue na umahon sila sa ilog. 18 At nang makaahon na ang mga paring pumapasan sa Kaban ng Tipan ni Yawe mula sa git¬na ng Jor¬dan, pagsayad ng kanilang mga paa sa pampang, lumaki ang tubig ng Jordan tulad sa nagdaang mga araw, at uma¬paw ang tubig sa pampang.
19 Ikasampung araw ng unang buwan noong tumawid ang mga tao sa Jordan at tumigil sila sa Gilgal, sa sila¬ngang hang¬ganan ng Jerico. 20 At sa Gilgal, ini¬¬lagay ni Josue ang labin¬da¬lawang batong mula sa ilalim ng Jordan.
21 At saka sinabi ni Josue sa mga Israelita: “Sa hinaharap kapag tina¬nong kayo ng inyong mga anak kung ano ang ibig sabihin ng mga bato, 22 sabihin ninyo sa kanila: “Nakatawid ang mga Israelita sa Jordan na hindi nabasa ang paa.” 23 Sapagkat tinuyo ni Yaweng ating Diyos ang tubig ng Jordan sa ating harapan, gaya ng ginawa niya sa Dagat ng Mga Tambo para makatawid tayo. 24 Ginawa niya ito upang malaman ng mga naninirahan sa lupaing ito ang kapangyarihan ni Yaweng ating Diyos, at upang kayo man ay matakot sa kanya sa habang pana¬hon.”
Tinuli ang mga Israelita sa Gilgal at nagdiwang ng Paskuwa
5 • 1 Nabalitaan ng mga haring Amorreo sa kanluran ng Jordan at ng lahat ng mga Kananeong hari na malapit sa Dagat Medi¬terraneo kung paano tinuyo ni Yawe ang Jordan para makatawid ang mga Israelita. Kayat wala na silang lakas ng loob at sigla upang harapin ang mga Israelita.
2 Noon sinabi ni Yawe kay Josue: “Guma¬wa ka ng panghiwa mula sa bato at mag¬sagawa ka ng bagong pagtutuli sa mga Israelita.” 3 Sumunod si Josue sa utos ni Yawe at tinuli ang mga Israelita sa lugar na tinawag na Burol ng Pinagtulian.
4 Ito ang dahilan kung bakit gumawa si Josue ng ikalawang pagtutuli. Tinuli ang lahat ng la-laking Israelitang umalis sa Ehipto, ngunit na¬matay sila sa paglalakbay sa disyerto. 5 Hindi naman tinuli ang mga ipinanganak sa disyerto. 6 Naglakbay ang mga Israelita sa disyerto sa loob ng apatnapung taon hanggang mamatay ang buong salin¬lahi na hindi sumunod kay Yawe sapagkat isinumpa ni Yawe sa kanila na hindi sila makapapasok sa lupaing umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan na kanyang ipina¬ngako sa kanilang mga ninuno. 7 Ngunit ang kanilang mga anak ang pumalit at sila ang tinuli ni Josue.
8 At pagkatuli sa bayan, nagpahinga sila sa kampo hanggang sa gumaling ang kani¬lang sugat. 9 At saka sinabi ni Yawe kay Josue: “Sa araw na ito inaalis ko sa inyo ang kahihiyan ng Ehipto.” Kayat tinawag na Gilgal ang lugar na ito hanggang ngayon.
10 Tumigil ang mga Israelita sa Gilgal sa ka¬patagan ng Jerico kung saan ipinag¬diwang nila ang Paskuwa noong gabi ng ika¬labing-apat na araw ng buwan. 11 Kina¬bukasan, kumain sila ng tinapay na walang lebadura at nilagang butil na mga bunga ng lupain. 12 At mula sa araw na iyon na kumain sila ng bunga ng lupain, tumigil ang pag-ulan ng manna.
Wala nang manna para sa mga Israelita, ngunit noong taong iyon, kumain na sila ng bunga ng lupain ng Kanaan.
13 Nang malapit na si Josue sa Jerico, tumi¬ngala siya at nakita niya sa kanyang harapan ang isang lalaking may hawak na tabak. Lu¬mapit si Josue sa lalaki at sinabi niya: “Kasama ka ba namin o ng mga kaaway namin? 14 At sumagot ang lalaki: “Hindi, ako ang pinuno ng hukbo ni Yawe.” Nagpatirapa si Josue sa lupa, sinamba ang lalaki at sinabi: “Ano ang gusto ng Panginoong gawin ng kanyang lingkod?” 15 Su¬magot ang pinuno ng hukbo ni Yawe: “Hu¬barin mo ang iyong mga sandalyas dahil banal ang lugar na tinatayuan mo.” At ginawa ito ni Josue.
Ang pagsakop sa Jerico
6 • 1 Isinara at kinandaduhan ang Jerico dahil sa mga Israelita. Walang nakapapasok at walang naka¬lalabas. 2 Ngu¬nit sinabi ni Yawe kay Josue: “Ibi¬bigay ko sa iyo ang lunsod, ang hari nito’t mga kawal. 3 Kayat minsan sa isang araw lumakad ka sa paligid ng lunsod, kasama ang lahat ng sandatahang lalaki. Gawin mo ito sa loob ng anim na araw. 4 Sa unahan ng Kaban dadalhin ng pitong pari ang pitong tambuling pampahayag. Sa ikapitong araw, pitong beses kayong li¬libot sa lunsod. 5 Kapag pinatunog na nila ang mga trumpeta, sasalakay at sisi¬gaw nang malakas ang lahat ng tao, at ba¬bag¬sak ang muog ng lunsod, at papasok ang bawat isa sa tapat niya.”
6 Tinawag ni Josueng anak ni Nun ang mga pari, at sinabi sa kanila: “Dalhin ninyo ang Kaban ng Tipan at sa unahan nito, dalhin ng pitong pari ang mga tambuling pam¬pahayag.” 7 At sinabi ni Josue sa mga tao: “Lumigid kayo sa lunsod at mauuna ang pambungad na hanay ng hukbo sa Kaban ni Yawe.”
8 Pagkasabi nito ni Josue, pinatunog ng mga pari ang pitong trumpetang pam¬pahayag, at lumakad sila sa unahan ng Kaban ni Yawe. 9 Lu¬makad naman sa unahan ng mga pari ang pambungad na hanay ng bayan, at sumunod sa Kaban ang iba pa. Walang tigil ang tunog ng mga trumpeta. 10 Iniutos ni Josue: “Huwag ka¬yong sisigaw o magsasalita ng anuman, hang¬gang sa araw na sabihan ko kayong sumigaw at humiyaw.”
11 Sa araw na iyon, ipinalibot niya nang min¬san sa lunsod ang Kaban ni Yawe, at saka bumalik ang lahat sa kampo at doon nila pina¬lipas ang gabi. 12 Kinabukasan, ma¬agang bu-mangon si Josue 13 at dinala naman ng mga pari ang Kaban at lumakad sa unahan ng Ka¬ban ang mga nagpapatunog sa pitong tambuli. Nanguna sa kanila ang pambungad na hanay ng hukbo at sumunod naman ang iba pa sa Kaban samantalang tumutunog ang mga trum¬peta.
14 Sa ikalawang araw na ito lumigid sila nang minsan sa lunsod at nagbalik sa kampo. Ganito ang ginawa nila sa loob ng anim na araw. 15 Sa pagbu¬bukanliwayway ng ikapitong araw, gumising ang mga Israelita at lumigid sa lunsod ng Jerico, tulad nang ginawa sa nakaraang mga araw. Ngunit nga¬yon pitong ulit silang lumigid. 16 Sa ikapitong ulit, samantalang pinapa¬tunog ng mga pari ang mga trum¬peta, iniutos ni Josue sa mga tao: “Sumi¬gaw na kayo sapagkat ipinag-kaloob na sa inyo ni Yawe ang lunsod!
17 Lilipulin at susunugin ang lunsod at ang lahat ng naroroon dahil sa banal na sumpa. Tanging ang babaeng bayaran na si Rahab, at lahat ng kasama niya sa bahay ang mabu¬buhay dahil siya ang nagtago sa mga espi¬yang ipinadala natin. 18 At mag-ingat din kayo sa banal na sumpa, sapagkat sa Diyos inihandog ang lahat. Huwag ninyong hawa¬kan o kunin ang anuman, maliit man o mala¬ki, at baka bumagsak ang banal na sumpa sa buong kampo ng Israel. 19 Ihahandog kay Yawe at ilalagay sa kabang-yaman ni Yawe ang lahat ng ginto, pilak, tanso at bakal.”
20 Tumunog ang mga tambuli at sumi¬gaw ang mga tao. Noon di’y gumu¬ho ang muog ng lunsod at pumasok ang bawat isa sa lunsod sa dakong katapat niya.
21 Sinakop nila ang Jerico at pinatay nila sa espada ang lahat ng lalaki’t ba¬bae, bata man o matanda, kasama ang mga baka, tupa at asno dahil sa banal na sumpa.
22 At sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nag-espiya sa Jerico: “Pumunta kayo sa bahay ng babaeng bayaran at ilabas ninyo siya, pati ang kanyang mga kaanak, gaya ng ipinangako ninyo sa kanya.”
23 Inilabas ng mga lalaki ang babaing si Ra¬hab, ang kanyang ama, ina at mga kapatid, pati na ang kanyang mga kamag-anak at dinala sila sa ligtas na lugar sa labas ng kampo ng Israel. 24 Sinunog nila ang lunsod at lahat ng naroroon ngunit iniligtas nila ang mga pilak, ginto at mga bagay na tanso at bakal na isina¬ma sa mga mama¬haling bagay sa bahay ni Yawe. 25 At sa¬pag-kat itinago ng babaeng bayaran ang da¬lawang sugo ni Josue, iniligtas din ni Josue ang buhay ng babaeng bayaran at ng kanyang mga kaanak at nanirahan siya sa Israel.
26 Pinanumpa ni Josue ang mga tao: “Isumpa nawa ni Yawe ang sinumang magta¬tayo muli sa Jerico. Bangkay nawa ng pa¬nga¬nay niyang la¬laki ang pagpatungan ng saligang-bato, at bangkay naman ng kanyang bunso sa pagtatayo ng pintuan.”
27 Sumapiling ni Josue si Yawe at pinatanyag niya si Josue sa buong lupain.
Pinarusahan ang paglabag ni Akan sa banal na sumpa
7 • 1 May mga Israelitang lumabag sa pag-aalay sa Diyos. Kumuha ng ilang bagay na ihahandog sa Diyos si Akan na anak ni Karmi na anak naman ni Zabding anak ni Zera, mula sa tribu ng Juda. Kayat nag-alab ang galit ni Yawe laban sa Israel.
2 Mula sa Jerico, nagpadala ng ilang lalaki si Josue sa Ai, na malapit sa Bet-aven, sa sila¬ngan ng lunsod ng Betel. Sinabi niya sa kanila: “Umahon kayo’t magmanman sa lupain.” 3 At nagbalik sila kay Josue at sinabi: “Hindi kaila¬ngang ipadala ang buong hukbo; sapat na ang dalawa o tatlong libong lalaki upang sakupin ang lupain. Huwag mong pagurin ang buong bayan sapagkat kakaunti lamang ang nasa lupain.”
4 Kayat sumalakay ang tatlong libong lalaki sa Ai, ngunit itinaboy sila ng mga tagapagtanggol ng lunsod. 5 Napatay ng mga mamamayan ng Ai ang tatlumpu’t anim na lalaki. Hinabol nila ang mga Israelita sa labas ng pin¬tuan ng lunsod, hanggang sa Sebarim, at tinalo nila sila sa dalisdis. Nasiraan ng loob ang buong bayan.
6 Pinunit ni Josue at ng lahat ng mga pinuno ng Israel ang kanilang damit, nilag¬yan ng abo ang kanilang ulo at nagpatirapa sa harap ng Kaban ni Yawe hanggang gumabi. 7 Tumangis si Josue: “O, Yawe! Bakit mo kami pinatawid sa Ilog Jordan upang ibigay lamang sa kamay ng mga Amorreo?
Mabuti pang nanatili na lamang kami sa kabilang ibayo ng Jordan. 8 Yawe, aking Diyos, ano ang masasabi ko kung nakikita kong tumatakas ang Israel sa mga kaaway? 9 Malalaman ito ng mga Kananeo at ng lahat ng nani¬nirahan sa lupaing ito. Magkakaisa sila upang paligiran kami at itaboy. At ikaw, ano ang iyong gagawin para sa karangalan ng iyong Pangalan?”
10 Sumagot si Yawe: “Tumayo ka! bakit ka nagpapatirapa sa lupa? 11 Nagkasala ang Israel at nilabag ang aking tipan; may mga Israelitang kumuha ng ilang bagay na handog sa Diyos at itinago nila kasama sa kanilang mga ari-arian. 12 Kayat hindi maka¬tayo ang Israel laban sa kanyang mga kaaway, at tumatalikod siya’t tumatakas sa kanila sapagkat kumuha sila ng mga bagay na sinumpa, kaya nasumpa sila. Hindi na ako sasainyo hanggang hindi mo inaalis ang sumpa sa inyong piling. 13 Tumindig ka at gawing banal ang mga tao. Sabihin mo sa kanila: ‘Linisin ninyo ang inyong mga sarili para bukas. Sinasabi sa inyo ni Yaweng Diyos ng Israel: ‘O, Israel, nasa inyo ang banal na sumpa at hindi kayo makahaharap sa inyong mga kaaway hanggang hindi ninyo naaalis ang banal na sumpa mula sa inyo.’ 14 Kayat bukas ng umaga, lalapit kayong sama-sama ayon sa tribu. Haharap nang angkan-angkan ang tri¬bung ituturo ni Yawe sa palabunutan. At haha¬rap nang samba-sambahayan ang angkang ituturo ni Yawe at haharap nang isa-isa ang sam¬bahayan. 15 Dahil sa pagsuway sa tipan ni Yawe at pag¬gawa ng anumang nakamumuhi sa Israel, ang matuklasang nagkasala ay susu¬nuging kasama ang lahat ng sa kanya.
16 Kinabukasan gumising nga nang maaga si Josue at inutusang humarap ang mga tribu ng Israel. Napili ang tribu ng Juda. 17 Humarap ang mga angkan, at napili ang angkan ni Zera. Humarap ang mga samba¬hayan ng angkan at napili naman ang samba¬hayan ni Zabdi. 18 Hu-marap ang mga pandigmang lalaki ng sambahayang ito at napili si Akan, na anak ni Karmi na anak ni Zabding anak ni Zera, mula sa tribu ng Juda.
19 At sinabi sa kanya ni Josue, “Anak, ipagtapat mo ang katotohanan sa harapan ni Yaweng Diyos ng Israel. Sabihin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa at huwag kang maglihim ng anuman.” 20 Sumagot si Akan: “Totoo ngang nagkasala ako kay Yawe. Ito ang ginawa ko: 21 Nakita ko sa mga nasam¬sam ang isang ma¬gandang kapa mula sa Sinar, dalawandaang shekel ng pilak at isang bara ng ginto na tu¬mi¬timbang ng limampung shekel. Nagnasa ako sa mga iyon kayat kinuha ko, at ibinaon ko sa lupa sa loob ng aking tolda. Pinakailalim ang pilak.”
22 Nagpadala ng ilang tao si Josue at tumakbo sila sa tolda ni Akan; sa loob ng tolda nila natagpuan ang mga ninakaw kasama na ang pilak. 23 Kinuha nilang lahat iyon at iniharap kay Josue at sa mga tao at inilagay ang lahat sa harap ni Yawe.
24 At kinuha ni Josue si Akan, at ang pilak, kapa at ginto, pati na ang kanyang mga anak, mga baka, ang asno at ang mga tupa, ang kanyang tolda at lahat ng kanyang ari-arian, at dinala sila sa Lambak ng Akor. Sumunod naman ang buong Israel. 25 Doon sinabi ni Josue kay Akan: “Nagdala ka ng kapahamakan sa amin, kaya dalhan ka rin sana ni Yawe ng kapahamakan sa araw na ito.” At pinagbabato siya ng buong Israel. Sa lahat ng sa kanya, dinurog ang ilan at sinunog ang iba pa, at 26 tinabunan siya ng batong naroroon hanggang sa mga araw na ito. At tinalikuran ni Yawe ang kanyang galit.
Kayat tinawag ang lugar na iyon na Lambak ng Akor.
Sinakop ni Josue ang Ai
8 1 Sinabi ni Yawe kay Josue: “Huwag kang matakot o masiraan ng loob. Salakayin mo at ng lahat mong kawal ang Ai. Ibibigay ko sa iyong mga kamay ang hari nito, ang lahat ng tao nito, ang buong lunsod at lupain. 2 Gagawin mo sa Ai ang ginawa mo sa Jerico at sa hari nito, ngunit kunin ninyo ang lahat ng hayop at mga ari-arian para sa inyo. Sige, ihanda mo ang pag¬lusob mula sa likuran ng lunsod.”
3 Kayat umalis si Josue at ang lahat niyang kawal at pumunta sa Ai. Pumili siya ng tatlumpung libong matatapang na man¬dirigma, at pinalakad kinagabihan. 4 Iniutos niya sa kanila: “Maghanda kayong lumusob mula sa likod ng lunsod. Huwag kayong magpakalayo at mag¬handa kayo. 5 Lalapit ako at ang buong bayan sa lunsod. At kapag nilusob kami ng mga taga-Ai tulad noon, aatras kami. 6 At lalabas sila sa lunsod at hahabulin kami hanggang sa malayo sa pag-aakala nilang tumatakas kami gaya noon. 7 At saka kayo magsitayo sa inyong pinag¬tataguan at sakupin ang lunsod. Ipag¬ka¬kaloob sa inyo ni Yaweng ating Diyos ang lunsod. 8 Pag¬kasakop sa lunsod, sunugin ninyo ito gaya ng sinabi ni Yawe. Ito ang aking mga utos.”
9 At pinalakad sila ni Josue. Nagtungo sila sa lugar na pagtatambangan at naghintay sa pa-gitan ng Betel at Ai, sa kanluran ng lunsod, habang natutulog si Josue, at ang mga tao.
10 Kinabukasan maagang gumising si Josue at tinipon ang kanyang hukbo. Pina¬ngunahan niya at ng mga matatanda ng Israel ang paglalakad papunta sa Ai. 11 Uma¬hon din ang lahat ng sandatahang kasama niyang nakarating sa harap ng lunsod. At gumawa sila ng kampo sa hilaga ng lunsod, sa kabila ng lambak.
12 Kumuha si Josue ng limang libong kawal, inihanda niyang lumusob mula sa pagitan ng Betel at Ai sa kanluran ng lunsod. 13 At nagtayo ng kampo ang bayan sa hilaga ng lunsod, habang ang mga kawal naman sa kanluran. Ngunit sa lambak nagpalipas ng gabi si Josue.
Ang digmaan sa Ai
14 Nang makita iyon ng hari ng Ai, agad-agad siyang lumabas ng lunsod kasama ang kanyang buong bayan upang sagupain ang mga Israelita sa dalisdis sa tapat ng lambak ng Jordan. Ngunit hindi nila alam na naghandang sumalakay ang mga Israelita mula sa li¬ku¬ran ng lunsod. 15 Nag¬kunwaring natatalo sina Josue at ang mga Israelita at nagtak¬buhan sila patungo sa ilang. 16 At naghi¬yawan ang lahat ng tao ng lunsod at hinabol sila. 17 Walang naiwan sa Ai upang ipag¬tanggol ang lunsod at iniwang bukas ito.
18 Kaya sinabi ni Yawe kay Josue: “Iunat mo sa Ai ang iyong sibat sapagkat ipinag¬kaloob ko na sa iyong kamay ang lunsod na ito.” 19 Ginawa nga ito ni Josue, at sa hudyat na iyon nag-sitindig ang mga mandi¬rigma mula sa pinagtataguan at sinalakay nila ang lunsod. Pumasok sila at sinakop ang lunsod, at agad sinunog iyon.
20 Kayat paglingon ng mga mamamayan ng Ai, nakita nila ang usok na umaakyat sa langit mula sa lunsod at kasabay nito, nagsi¬balik ang mga tumatakas na Israelita at hinarap sila. 21 Na¬-siraan sila ng loob sapag¬kat nakubkob sila: 22 sa isang panig naroon si Josue at ang bayan ng Israel, at sa kabila naman naroon ang mga na¬nunog sa lunsod.
Pinatay ng mga Israelita ang mga mamama¬yan ng Ai at walang naiwang buhay at wala ring nakatakas. 23 Binihag naman nila ang hari ng Ai at dinala kay Josue.
24 Pagkalipol ng mga Israelita sa lahat ng mga taga-Ai na hinabol nila sa kabukiran o sa ilang, bumalik sila sa lunsod at pinatay sa sak¬sak ang lahat ng nanatili roon. 25 Umabot sa labindalawang libo ang namatay sa araw na iyon. 26 Hindi ipinatigil ni Josue ang pag¬salakay hanggat hindi napapatay ang lahat ng mamamayan ng Ai bilang pagtupad sa banal na sumpa. 27 Ngunit kinuha ng mga Israelita para sa kanilang sarili ang mga hayop at ari-arian gaya ng iniutos ni Yawe.
28 Sinunog ni Josue ang lunsod at iniwan niya itong wasak at tiwangwang na gaya ngayon. 29 Ipinabitay naman ni Josue ang hari ng Ai sa isang punungkahoy. Pag lubog ng araw, ipinababa niya ang bangkay at ipinatapon ito sa may bungad ng lunsod at tinambakan ng mga batong naroroon pa rin hanggang ngayon.
Muling isinagawa ni Josue ang pakikipagtipan sa Sikem
• 30 Sa Bundok ng Ebal, nagtayo si Josue ng altar sa karangalan ni Yaweng Diyos ng Israel. 31 Tinupad niya ang mga iniutos ni Moises sa mga Israelita, at ayon sa nasusulat sa aklat ng Kautusan ni Moises, ginawa ang altar na ito sa mga batong hindi tinapyas at itinayo ito na hindi ginamitan ng anumang kagamitang bakal. Dito naghandog si Josue kay Yawe ng mga sinu¬nog na alay at mga hain sa mabuting pag¬sasa¬mahan. 32 At sa harap ng mga Israelita iniukit niya sa bato ang kopya ng Kautusan na sinulat ni Moises.
33 Tumayo ang sambayanan ng Israel, ka¬sama ang kanilang mga matatanda, opisyal at hukom, sa magkabila ng Kaban. Katapat na¬man nila ang mga pari at mga Levita na nag¬papasan sa Kaban ng Tipan ni Yawe. Nag¬sama-sama ang mga katutubong Israelita at mga dayuhang naki¬¬-pamayan. Nasa harapan ng Bun¬dok ng Gari¬zim ang kalahati ng mga tao at nasa harapan naman ng Bundok ng Ebal ang kalahati pa gaya ng iniutos ni Moises para sa pagbabasbas sa Israel.
34 Binasa ni Josue ang mga salita ng pag¬papala at sumpa, at ang lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan. 35 Wala siyang kinalimutan ni isa mang salita sa mga isinulat ni Moises. Binasa niya iyon nang malakas sa harap ng sam¬ba¬ya¬nan ng Israel na kinabibilangan ng mga babae, bata at dayuhang kasama nilang namumuhay doon.
Naligtas ang mga taga-Gibeon sa pamamagitan ng panlilinlang
9 1 Nabalitaan ng mga hari na nasa kabun¬¬ dukan, sa kapatagan at bay¬bayin sa kan¬lu¬ran ng Jordan ang mga pang¬yayari. 2 Kaya nagka¬sundo ang mga hari ng mga Heteo, Amorreo, Kananeo, Perezeo, Heveo at Jebuseo, na mag¬¬kakasamang kalabanin si Josue at ang Israel.
3 Ngunit nang mabalitaan ng mga taga-Gibeon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Ai, 4 ipinasya nilang linlangin ang mga Israelita. Naghanda sila ng mga baon at nag¬¬¬lagay sa kanilang mga asno ng mga luma, punit-punit at sinulsihang mga sako at mga balat na sisidlan ng alak. 5 Nagsuot sila ng mga pudpod at tinagpiang sandalyas at kasuotan at para sa kanilang paglalakbay, nagbaon sila ng mga matitigas at durog na tinapay. 6 At pinuntahan nila si Josue sa kampo sa Gilgal, at sinabi sa kanya: “Galing kami sa malayong lupain upang guma¬wa ng kasunduan sa inyo.”
7 Sumagot ang mga Israelita: “Baka nani¬nirahan kayong malapit sa amin? Kung gayon, hindi kami puwedeng makipag¬kasundo sa inyo.” 8 Sinabi nila kay Josue: “Mga lingkod nin¬yo kami.” Ngunit tinanong sila ni Josue: “Sino ba kayo? At saan ba kayo galing?” 9 At sumagot sila: “Naparito kaming mga lingkod ninyo mula sa isang malayong lupain, dahil sa kadakilaan ni Yaweng inyong Diyos. Nabalitaan namin ang kanyang kapangyarihan at ang kanyang ginawa sa Ehipto 10 at sa dalawang hari ng mga Amorreo sa silangang bahagi ng Jordan, na sina Sihon na hari ng Hesbon, at Og na hari ng Basan na nakatira sa Astarot. 11 At sinabi sa amin ng mga pinuno at ng iba pang naninirahan sa aming lupain: “Maghanda kayo para sa isang mahabang paglalakbay at lu¬makad kayo at makipagkita sa mga Israelita at sabihin sa kanila: Mga lingkod ninyo kami ka¬yat maki¬pagkasundo sana kayo sa amin. 12 Heto ang aming tinapay na mainit pa noong kunin namin sa mga bahay namin upang baunin sa paglalakbay na ito. Tingnan ninyo’t tumigas na at nagkadurug-durog na. 13 Bago ang mga sisid¬lang ito na pinuno namin ng alak, ngunit nga¬yon, punit-punit na ang mga ito. Naluma na rin ang suot naming mga sandalyas at damit dahil sa aming napakahabang paglalakbay’.” 14 At binigyan sila ng pagkain ng mga Israelita na hindi muna sumangguni kay Yawe. 15 At gu¬mawa rin ng kasunduan sa kanila si Josue, nang hindi na hinintay pa ang sagot ni Yawe, na pababayaan niya silang mabuhay, at sinang-ayunan ito ng mga prinsipe ng kati¬punan.
16 Makaraan ang tatlong araw, nalaman ng mga Israelita na naninirahan sa malapit sa ka¬nilang lupain ang mga taong ito. 17 Kayat lu¬makad ang mga Israelita at pinasok nila ang mga lunsod ng Gabaon, Capira, Beerot at Kiryat-jearim. 18 Hindi nila pinatay ang mga tao roon dahil sa pangakong binitiwan ng kanilang mga pinuno sa pangalan ni Yawe. 19 Ngunit tinuligsa ng bayan ang kani¬lang mga pinuno. At sinabi ng mga pinuno sa kanila: “Nangako tayo sa ngalan ni Yawe, kayat hindi natin sila pu¬wedeng patayin. 20 Heto ang gagawin natin sa kanila: “Haha¬yaan natin silang mabuhay upang hindi tayo bagsakan ng poot ni Yawe, 21 subalit magsi¬sibak sila ng kahoy at iigib ng tubig para sa buong sambayanan ng Israel.”
22 Tinawag ni Josue ang mga taga-Gibeon at sinabi sa kanila ayon sa pasya ng mga pinuno: “Bakit ninyo kami nilinlang sa pag¬sa¬¬sabing galing kayo sa napakalayong lugar sa¬man¬talang tagarito rin pala kayo? 23 Kayat isusumpa kayo, at mula ngayon lagi na kayong mag¬sisibak ng kahoy at iigib ng tubig para sa Bahay ng aking Diyos.” 24 Sumagot ang mga taga-Gibeon: “Nalaman naming iniutos ni Yawe kay Moises na lipulin ang lahat ng mga nani¬nirahan sa lupaing ipinag¬kaloob niya sa inyo. Natakot kami kayat ginawa namin ito. 25 Nga¬yong nasa mga kamay ninyo kami, gawin ninyo ang inaaka¬lang mabuti at makatarungan para sa inyo.”
26 Tinupad ni Josue ang kanyang pangako at hindi niya pinabayaang patayin sila ng mga Israelita. 27 Ngunit mula noon hanggang sa araw na ito, nagsisibak sila ng kahoy at umiigib ng tubig para sa buong sambayanan at para sa altar ni Yawe sa lugar na piliin niya.
“Tumigil ang araw sa Gibeon”
10 • 1 Nabalitaan ni Adonizedek na hari ng Jerusalem, kung pa¬anong sina¬kop at pinatag ni Josue ang Ai, gaya ng ginawa niya sa Jerico at sa hari nito. Nalaman din niya kung paanong nakipag¬kasundo ang mga taga-Gibeon sa mga Israelita upang ma¬buhay silang kasama ng mga Is¬raelita. 2 Lumaki ang kanyang takot sa¬pagkat isang napakahalagang lun¬sod ang Gibeon, maharlika at malaki pa kaysa Ai, at matatapang ang mga taga¬rito.
3 Dahil dito, ipinatawag ni Adoni¬zedek sina Hoham, hari ng Hebron; Aram, hari ng Yarmut; Yafia, hari ng Lakis at Debir, hari ng Eglon. Ipinasabi niya sa ka¬nila: 4 “Halikayo at tulungan akong sa¬kupin ang Gibeon sapagkat naki¬pagkasundo na ito kay Josue at sa mga Israelita.”
5 Kayat nag-isang lakas nga ang li¬mang hari ng mga Amorreo – ang mga hari ng Jerusalem, Hebron, Yarmut, Lakis at Eglon, at nagsilakad, kasama ang kani-kanilang mga hukbo. Guma¬wa sila ng kampo sa kabila ng Gibeon at pinaligiran ito.
6 Nagpasabi ang mga taga-Gibeon kay Josue, na nasa kampo sa Gilgal: “Huwag ninyo kaming pabayaan. Hali¬kayo at tulungan kami sapagkat nag¬sama-sama na laban sa amin ang mga hari ng Amor¬reo na naninirahan sa kabundukan.”
7 Umalis noon din si Josue sa Gilgal, kasama ang lahat ng matatapang ni¬yang mandirigma. 8 Sinabi ni Yawe kay Josue: “Huwag kang matakot sa¬pagkat ibinigay ko na sila sa iyong mga kamay, at walang sinuman sa kanila na maaaring tumayo laban sa iyo.” 9 Uma¬hon si Josue mula sa Gilgal, naglakbay sa buong magdamag at dinatnan niyang hindi handa ang mga Amorreo.
10 Tinalo sila ni Yawe. Malaking ta¬gumpay ang natamo ng mga Israelita sa Gibeon. Hinabol sila ng mga Israelita sa tabing bundok ng Bet-horon hang¬gang sa Azeka at Makeda.
11 Samantalang tumatakas sila, nag¬paulan si Yawe ng malalaking batong yelo mula sa langit at hinabol sila hanggang Azeka. Mas marami ang namatay dahil sa mga batong yelo kaysa sa tabak ng mga Israelita.
12 Sa araw na iyon ng pagbibigay ni Yawe sa mga Amorreo sa kamay ng mga Israelita, sinabi ni Josue kay Yawe sa harap ng Israel:
“Araw, tumigil ka sa tapat ng Gibeon,
At ikaw, Buwan, sa Lambak ng Aya¬lon.”
13 At tumigil nga ang Araw at ang Buwan hanggang makapaghiganti ang sambayanan sa kanilang mga kaaway. Kayat nakasulat sa Aklat ng Matuwid na, “Tumigil ang araw sa gitna ng langit at hindi ito lumubog sa buong mag¬hapon. 14 Hindi nagkaroon at hindi na muli mag-kakaroon ng ganitong araw kung saan nakinig si Yawe sa salita ng isang tao. Si Yawe nga ang lumaban para sa Israel.”
15 At bumalik si Josue at mga Israelita sa kampo sa Gilgal.
16 Tumakas naman ang limang hari at nagtago sa isang yungib sa Makeda. 17 At may nagsabi kay Josue: “Natag¬puan namin ang limang hari. Nagtatago sila sa isang yungib sa Makeda.”
18 Kayat nag-utos si Josue: “Magpa¬gulong kayo ng malalaking bato sa bu¬nga¬nga ng yungib at maglagay kayo ng mga tanod dito. 19 Ngunit huwag ka¬yong tumigil doon! Habulin ninyo ang inyong mga ka¬away, salakayin sila mula sa liku¬ran at huwag silang baya¬ang maka¬balik sa kani-kanilang mga lunsod, sapagkat ibinigay na sila sa ating mga kamay ni Yaweng Diyos natin.”
20 Pinuksa sila ni Josue at ng mga Israelita. Nagtago sa loob ng mga napa¬¬paderang lunsod ang ilang nakatakas, 21 samantalang ligtas na nakabalik sa kampo ang mga Israelita, kasama si Josue. Mula noon, wala nang naglakas loob na luma¬ban sa kanila.
22 At nag-utos si Josue: “Buksan nin¬yo ang yungib, ilabas ang limang hari at iharap sa akin.” 23 Sumunod sila at ini¬harap ang limang hari kay Josue – ang mga hari ng Jerusalem, Hebron, Lakis, Yarmut at Eglon. 24 Tinipon pagkatapos ni Josue ang mga Israelita at sinabi sa mga pinuno ng mga kawal: “Halikayo at apa¬kan ninyo sa leeg ang mga haring ito.”
Lumapit nga sila at inilagay ang kani¬lang mga paa sa leeg ng mga hari.
25 At sinabi ni Josue sa kanila: “Hu¬wag kayong matakot o masiraan ng loob, ngu¬nit maging matapang kayo at matatag, sapagkat ganito ang gagawin ni Yawe sa lahat ng mga kaaway na kaka¬labanin ninyo.”
26 At saka pinatay ni Josue ang limang hari at ibinitin sa limang puno hanggang gumabi. 27 Pagsapit ng dilim, ibinaba ang mga bangkay ng mga hari at itinapon sa yungib na pinagtaguan nila, at tinakpan ang yungib ng mala¬laking bato na naro¬roon pa hanggang ngayon.
Sinakop ni Josue ang dakong timog ng Kanaan
28 Noong araw ding iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinatay niya ng tabak ang hari at ang mga mamamayan. Inihandog niya kay Yawe ang lahat ng naroon at wala siyang pina¬ligtas. Ginawa niya sa hari ng Makeda ang ginawa niya sa hari ng Jerico.
29 At sinalakay ni Josue at ng mga Israelita ang Libna. 30 Ibinigay ni Yawe sa kamay ng mga Israelita ang lunsod at ang hari nito, at pinatay ng mga Israelita ang mga mama¬mayan at walang pinaligtas. Ginawa sa hari ng Libna ang ginawa sa hari ng Jerico. 31 Mula sa Libna, nag¬tuloy si Josue at ang mga Israelita sa Lakis. Kinubkob nila iyon at sinalakay. 32 Ipinagkaloob din ni Yawe sa kamay ng mga Israelita ang lunsod, at pinatay niya ang hari at ang mga mamamayan ng lunsod gaya ng ginawa niya sa Libna. 33 Du¬mating si Horam, ang hari ng Gezer, upang tulungan ang Lakis, ngunit nilupig siya ni Josue, kasama ang lahat niyang mamamayan at walang iniwang buhay sa kanila.
34 Mula sa Lakis, nagtuloy pagkatapos si Josue sa Eglon. Kinubkob at sinalakay nila ito 35 at nilupig sa isang araw. Pinatay din sa espada ang hari at ang mga mamamayan nito. Sinira nila ang lahat sa lunsod bilang handog kay Yawe, gaya ng ginawa nila sa Lakis.
36 Mula sa Eglon nagtuloy si Josue at ang mga Israelita sa Hebron at sinalakay nila ito. 37 Sina¬kop ni Josue ang lunsod pati ang mga bayang saklaw nito. Pinatay ang hari at ang lahat ng mamamayan at walang iniwang buhay. Sinira ni Josue ang lahat sa lunsod bilang han¬dog kay Yawe, gaya ng ginawa sa Eglon.
38 Binalikan ni Josue at ng buong Israel ang Debir at sinalakay ito. 39 Sinakop niya ang lunsod pati ang mga bayang saklaw niyon. Pinatay niya ang hari at ang mga mamamayan at sinira niya ang lahat sa lunsod para kay Yawe at wala siyang pinaligtas. Ginawa niya sa Debir at sa hari nito ang ginawa niya sa Hebron at sa Libna at sa mga hari nito.
40 Kayat sinakop ni Josue ang buong lupain: ang Kabundukan, ang Disyerto ng Negeb, ang kapatagan at ang mga gulod, kasama ang kani¬lang mga hari.
Hindi niya pinaligtas na buhay ang sinu¬man ngunit pinuksa niya ang lahat ng may buhay bilang handog sa Diyos gaya ng ini¬utos ni Yawe. 41 Sinira ni Josue ang lahat mula sa Kades¬-barnea hanggang sa Gaza at mula sa Gosen hanggang sa Gibeon. 42 Nilu¬pig ni Josue ang lahat ng hari dito at sinakop niya ang lahat ng lupain sa iisang pakikipag¬laban sapagkat si Yawe ang lumaban para sa Israel.
43 At bumalik si Josue at ang mga Israelita sa kanilang kampo sa Gilgal.
Sinakop ni Josue ang dakong hilaga
11 • 1 Nang mabalitaan ito ni Yabin na hari ng Hazor, nagpadala siya ng mga sugo kay Jobab na hari ng Madon, at sa mga hari ng Simron at Aksaf; 2 sa mga haring nasa kabundukan sa hilaga, sa lambak sa tapat ng Kineret, sa kapa¬tagan, hanggang sa gulod ng Dor sa kan¬luran; 3 sa mga Kananeo sa sila¬ngan at kanluran, sa mga Amorreo, Heteo, Perezeo at Jebuseo sa mga ka¬¬bun¬¬dukan, at sa mga Heveo sa pa¬anan ng Bundok Hermon sa lupain ng Mizpa. 4 Lumabas ang mga hari, kasama ang kanilang mga kawal na sindami ng mga buhangin sa dalam¬¬¬pasigan at may kasamang maraming mga kabayo at karuwaheng pan¬digma. 5 Nag¬kaisa ang mga haring ito at humimpil sila sa bukal ng Merom upang salakayin ang Israel.
6 At sinabi ni Yawe kay Josue: “Huwag kang matakot, sapagkat bukas, sa ganitong oras, ibi¬-bigay ko sila sa iyong mga kamay upang ialay sa akin. Pipilayin mo ang kani¬lang mga kabayo at susunugin ang kanilang mga karuwaheng pandigma.”
7 Kayat nagtungo sa Merom si Josue at ang lahat ng sandatahang kawal, at bigla nila silang sinalakay. 8 Ibinigay sila ni Yawe sa kamay ng Israel; pinuksa sila ng mga Israelita, at tinugis sila hanggang sa Malawak na Sidon at Misrefot-mayim, at sa Mizpa sa silangan. Walang na¬iwang buhay sa kanila. 9 Sumunod si Josue sa utos ni Yawe kayat pinilay niya ang mga kabayo at sinunog ang mga karuwahe.
10 Bumalik agad si Josue at sinakop niya ang Hazor at pinatay ang hari nito. Nang pana¬hong iyon, ang Hazor ang kapitolyo ng lahat ng mga kahariang iyon. 11 Pinatay bilang banal na sumpa ang lahat ng nani¬nirahan doon. Walang iniwang buhay sa kanila, at sinunog ang buong lunsod.
12 Sinakop ni Josue ang lahat ng lunsod ng mga hari at pinatay ang mga hari bilang banal na sumpa, gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Yawe.
13 Sinunog ng mga Israelita ang lahat ng mga lunsod maliban sa mga nasa gulod at da¬lisdis kung saan ang Hazor lamang ang sinu¬nog ni Josue.
14 Pinaghati-hatian ng mga Israelita ang mga ari-arian at ang mga hayop na nasam¬sam sa mga lunsod na ito, ngunit pinatay nila ang lahat ng tao sa lunsod at walang iniwang buhay sa mga ito. 15 At natupad ang mga iniutos ni Yawe kay Moises, na siya ring iniutos ni Moises kay Josue. Walang naka¬limutan si Josue sa mga iniutos ni Yawe kay Moises.
16 Sinakop ni Josue ang lahat ng mga lupaing ito: ang kabundukan, ang Negeb, ang Gosen, ang Kapatagan, ang Lambak at ang Kaburulan ng Israel, pati ang kanyang kapatagan. 17 Pinuk¬sa niya ang lahat ng mga hari mula sa paanan ng bundok sa Seir, hanggang sa Baal-gad sa Lambak ng Lebanon, hanggang sa paanan ng Bundok Hermon. Sinalakay niya at pinatay ang mga ito.
18 Tumagal nang mahabang panahon ang pakikipaglaban ni Josue sa mga haring ito. 19 Ma¬-liban sa Heveo ng Gibeon, walang ibang lunsod na mapayapang nakipagkasundo sa Israel. Nalupig silang lahat ng Israel.
20 Pinalakas ni Yawe ang kanilang loob na lumaban sa Israel, upang sa huli’y mapuksa si¬lang lahat at masunog bilang banal na sumpa, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
21 Nang panahong iyon, sinalakay din ni Josue at pinuksa ang mga Anakim sa mga Kabundukan ng Hebron, Debir, Anab at sa lahat ng bundok ng Juda at ng Israel. Nilipol sila at ang kanilang mga lunsod bilang alay kay Yawe.
22 Walang naiwang Anakim sa lupain ng Israel, maliban sa Gaza, sa Gat at sa Asdod. 23 At sinakop ni Josue ang buong lupain gaya ng sinabi ni Yawe kay Moises, at ibinigay niya ito sa mga Israelita bilang pamana na ipamamahagi sa bawat tribu. At namahinga ang lupain sa pakikidigmaan.

12 1 Ito ang mga haring nilupig ng mga Israelita. Inagaw ng mga Israelita ang kanilang lupaing nasa kabilang ibayo ng Jordan, mula sa Ilog Arnon hanggang sa Bundok Hermon, kabilang ang silanganing Araba: 2 si Sihon, hari ng mga Amorreo, na naninirahan sa Hesbon at naghari mula sa Aroer, na nasa tabi ng lambak ng Arnon, (pati ang kalagitnaan nito) hanggang sa Ilog Yabok, na hangganan ng mga Amonita. Sa kanya 3 ang kalahati ng Galaad hanggang sa Aroer na hangganan ng mga Amonita. At pati ang gawing silangan ng Araba, mula sa Dagat ng Kineret, hanggang sa Dagat na Asin (o ng Araba), ang daan patu¬ngong Betjesimot, at sa timog, ang mabababang lugar sa paanan ng mga bundok ng Pasga.
4 Si Og, hari ng Basan, na labi ng mga Re¬faim, na naninirahan sa Astarot at Edrai. 5 Nag-hahari siya sa Bundok Hermon, sa Saleja, sa buong Basan, hanggang sa hang¬gahan ng mga Ge-surita at ng mga Maacatita, at sa mahigit sa kalahati ng Galaad sa ibayo ng lupain ni Sihon, hari ng Hesbon. 6 Pag¬katapos na malupig sila ni Moises na lingkod ni Yawe at ng mga Israelita, ibinigay niya ang kanilang lupain sa mga Ru¬benita, mga Gadita, at sa kalahating tribu ng Manases bilang pamana nila.
7 Ito naman ang mga hari na nilupig ni Josue at ng mga Israelita sa gawing kanluran ng Jordan. Pinaghati-hati ni Josue ang kanilang lupain sa mga lipi ng Israel mula sa Baal Gad sa lambak ng Lebanon hanggang sa Panot na Bundok na pataas sa Seir. 8 Ang mga lupaing ito ay nasa kabundukan at sa kapatagan, sa Araba, sa mga tabing bundok, sa ilang, at sa Negeb. Ito ang dating mga lupain ng mga Heteo, Amorreo, Kananeo, Perezeo, Jeveo at Hebuseo. 9 Ito ang mga nilupig na hari: hari ng Jerico, hari ng Ai (malapit sa Betel).
10 Hari ng Jerusalem, hari ng Hebron.
11 Hari ng Jerimot, hari ng Lakis.
12 Hari ng Eglon, hari ng Gazer.
13 Hari ng Dabir, hari ng Gader.
14 Hari ng Horma, hari ng Arad.
15 Hari ng Libna, hari ng Odulam.
16 Hari ng Makeda, hari ng Betel.
17 Hari ng Tapuaj, hari ng Ofer.
18 Hari ng Afek, hari ng Saron.
19 Hari ng Madon, hari ng Jasor.
20 Hari ng Simeron, hari ng Acsaf.
21 Hari ng Tanak, hari ng Magedo.
22 Hari ng Kades, hari ng Jocneam sa Car¬melo.
23 Hari ng Dor sa lupain ng Dor, hari ng lambak ng Galilea,
24 at ang hari ng Tersa: tatlumpu’t isang hari silang lahat.

II. PAGKAKAHATI-HATI NG LUPAIN SA LABINDALAWANG TRIBU
Hinati ni Josue ang lupain ng Kanaan
13 • 1 Matandang-matanda na si Josue. Kaya sinabi ni Yawe sa kanya: “Ma¬tan¬¬dang-matanda ka na, ngunit malaki pa ang dapat sakupin. 2 Ito ang natitira pang lupain: ang mga lupain ng mga Pilisteo at ang buong Gesur. 3 (Mula sa batis sa harap ng Ehipto hanggang sa hang¬gahan ng Ekron sa hilaga na siyang kinikilalang lupaing Kananeo. Ang lupain ng limang prinsipe ng mga Pilisteo sa Gaza, Asdod, As¬kalon, Get at Ekron); gayundin ang mga Heveo sa timog. 4 At saka ang buong lupain ng mga Kananeo mula sa Meara ng mga Sidonio hang¬gang sa Afek sa hangganan ng mga Amorreo. 5 Ang lupain ng mga Geblita, at ang buong Lebanon pasilangan, buhat sa Baal-Gad sa may paanan ng Bundok Hermon hang¬gang sa pagpasok sa Hamat; 6 ang buong lupain ng mga Sidoniong nani¬nirahan sa dakong bulubundukin mula sa Lebanon hanggang sa Misrefot-maim. Ako ang magtataboy sa kanila sa harap ng mga Israelita. Paghahati-hatiin mo lamang sa mga Israelita ang lupaing mamamana nila, gaya ng ipinag-utos ko sa iyo. 7 Kaya ipamahagi mo nga¬yon ang lupaing iyan bilang pamana sa siyam na tribu at sa kalaha¬ting lipi ng Manases.”
8 Tinanggap na nga ng natitira pang kala¬ha¬ting tribu ng Manases, ganoon din ang mga Rubenita at Gadita, ang kanilang mana na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ni Yawe, sa dakong silangan ng Jordan: 9 mula sa Aroer sa tabi ng lambak ng Arnon, ang lunsod na nasa gitna ng lambak, ang buong mataas na kapa¬tagan buhat sa Madaba hang¬gang sa Dibon, 10 kasama ang mga lunsod ni Sihon, hari ng mga Amorreo, na naghari sa Hesbon hanggang sa hanggahan ng mga Amonita; 11gayundin ang Galaad at ang lupain ng mga Gesurita at mga Maakatita, ang buong Bundok Hermon at ang buong Basan hanggang sa Saleka. 12 Ang buong kaharian ni Og sa Basan, isang labi ng mga Refaim, na naghari sa Astarot at Edrai. Nilupig at sinakop ni Moises ang mga lupaing ito, 13ngunit hindi pinaalis ng mga Israelita ang mga Gesurita at Maakatita, kaya nasa piling pa ng Israel ang mga taga-Gesur at taga-Maaka. 14Ang lipi la¬mang ni Levi ang hindi binigyan ng pamana, sapagkat si Yaweng Diyos ng Israel ang kanilang pa¬mana, ayon sa sinabi niya sa kanila.
Ang lupaing ibinigay sa mga tribu ng Ruben, Gad at kalahati ng Manases
15 Ibinigay ni Moises sa mga Rubenita ayon sa kanilang mga angkan 16 ang naging kanilang lupain: mula sa Aroer, sa tabi ng lambak ng Arnon, kabilang ang lunsod sa gitna nito; ang buong mataas na kapatagang malapit sa Ma¬daba; 17 ang Hesbon at lahat ng bayan nito na nasa kapatagan, ang Dibon, Bamot Baal, Bet Baal Maon 18 Jahsa, Kedamot, Mefat, 19 Kir¬ya¬taim, Sabama, Sarat Asakar, sa burol ng lam¬bak, 20 Bet Pehor, ang mga dalisdis ng Pasga, Bet Jesimot, 21 ang lahat ng lunsod ng mataas na kapatagan at ang buong kaharian ni Sihon, hari ng mga Amorreo, na naghahari sa Hesebon na nilupig ni Moises, at pati ang mga prinsipe ng Madian, ng Evi, Rekem, Sur, Jur at Rebe, na na¬nirahan sa lupaing ito 22 at si Balam din, na anak ni Beor, na isa sa mga nilipol sa tabak ng mga Israelita. 23 Sa gayon, naging hangganan ng mga Rubenita ang Jordan. Na¬ging pamana ng mga Rubenita ang mga bayan na ito at ang kani¬lang mga nayon, ayon sa kani-kanilang mga angkan.
24 Binigyan din ni Moises ang tribu ng mga Gadita ayon sa kanilang mga angkan. 25 Na¬ging lupain nila ang Yaser, lahat ng bayan ng Galaad, at ang kalahati ng lupain ng mga Amo¬nita hanggang sa Aroer, sa harap ng Raba. 26 Mula sa Hesbon hanggang sa Ramat-Mispe at Betonim, at mula sa Mahanaim hanggang sa Lodebar; 27 at sa lambak naman ng Jordan: ang Bet Aram, Bet Nimra, Sukot at Safon, bahagi ng kaharian ni Sihon, hari sa Hesbon. Naging hangganan nila ang Jordan hanggang sa dulo ng gawing sila¬ngan ng Dagat ng Kineret. 28 Naging pamana ng mga Gadita ang mga lupain na ito at ang kani¬lang mga nayon, ayon sa kani-kanilang mga angkan.
29 Binigyan din ni Moises ang kalahati ng tribu ng Manases ayon sa kanilang mga angkan. 30 Naging lupain nila ang Mahanaim, ang lahat ng Basan, ang buong kaharian ni Og, hari ng Basan, at lahat ng nayon sa Jair, na binubuo ng animnapung bayan sa Basan. 31 Ang kalahati ng Galaad, pati ng Astarot at Edrai, mga lunsod ng kaharian ni Og sa Basan, ay napasakalahati ng mga inanak ni Makir, anak ni Manases.
32 Ito ang pamanang ibinigay ni Moises nang nasa mga kapatagan ng Moab siya, sa kabilang ibayo ng Jordan sa gawing silangan ng Jerico. 33 Ngunit walang pamanang ibinigay si Moises sa tribu ng Levi sapagkat pamana nila si Yawe na Diyos ng Israel, gaya ng sinabi niya.
14 1 Narito naman ang tinanggap ng mga Israelita sa lupaing Kanaan. 2 Ito ang pinaghati-hati ni Eleazar na pari at ni Josue na anak ni Nun at ng mga pinuno ng mga angkan sa mga tribu ng mga Israelita. Pinag¬hati ang pamana sa pamamagitan ng pala¬bunutan, ¬alinsunod sa iniutos ni Yawe kay Moises para sa natitirang siyam at kala¬hating tribu. 3 Binigyan na nga ni Moises ang dalawa at kalahating tribu ng pamana sa kabilang ibayo ng Jordan; at walang pamana naman ang mga Levita sa piling nila. 4 Ngunit dalawang tribu ang binubuo ng mga anak ni Jose, sina Manases at Efraim, habang hindi bina¬haginan sa lupain ang mga Levita, mali¬ban sa mga lunsod na kanilang tini¬tirahan, pati ang lupa sa paligid para sa kanilang bakahan at kawan.
5 Sa paghahati-hati ng lupain, sinunod ng mga Israelita ang iniutos ni Yawe kay Moises.
Ang bahaging napunta kay Kaleb
6 Nagsilapit kay Josue sa Gilgal ang mga taga-Juda at sinabi sa kanya ni Kaleb na Keneseo, anak ni Jefone: “Alam mo kung ano ang sinabi ni Yawe kay Moises, ang tao ng Diyos, tungkol sa iyo at sa akin sa Kadesbarne. 7 Apat¬napung taong gulang ako nang ipinadala ni Moises na lingkod ni Yawe, buhat sa Ka¬des¬barne upang magmanman sa lupain at nag-ulat ako sa kanya nang buong katapatan. 8 Pina¬hihina ang loob ng bayan ng mga kapatid na sumama sa akin, ngunit ako’y nanatiling tapat kay Yawe na aking Diyos. 9 Noon ipina¬ngako sa akin ni Moises: ‘Magiging pamana mo at ng mga anak mo magpakailanman ang lu¬paing tinapakan ng iyong paa, sapagkat lubusan kang naging tapat kay Yawe na aking Diyos.’ 10 Ngayon, iningatan ni Yawe ang aking buhay gaya ng kanyang sinabi, samantalang naglalakbay sa ilang ang Israel, sa loob ng apatnapu’t limang taon pag¬katapos ng salitang ito ni Yawe kay Moises. Walumpu’t limang taong gulang na ako ngayon, 11 ngunit malakas pa rin ako katulad noong araw na isugo ako ni Moises. Walang nawawalang lakas maging sa digmaan o sa mga gawain. 12 Kaya ibigay mo sa akin ang kaburulang iyan na binanggit ni Yawe noon katulad ng narinig mo. Naro¬roon ang malala-king napapaderang lunsod ng mga Enakim, ngunit kung suma¬sa¬akin si Yawe, maitataboy ko sila, gaya ng sinabi ni Yawe.
13 Binasbasan ni Josue si Kaleb, anak ni Jefone, at ibinigay sa kanya ang Hebron bilang pamana niya. 14 Kaya napasa-Keneseong si Kaleb, anak ni Jefone ang Hebron, hanggang ngayon sapagkat lubusan siyang naging tapat kay Yawe, na Diyos ng Israel. 15 Dating tinatawag na Kiriat-Arbe ang Hebron. Si Arbe naman ang siyang pinaka¬dakila sa mga Enakim. At nagpa-hinga sa pakikipagdigmaan ang lupain.
Ang hangganan ng tribu ng Juda
15 1 Napabigay sa tribu ng Juda sa palabu¬nutan at ayon sa kanilang mga angkan ang lupaing katabi ng Edom patimog hanggang sa ilang ng Sin. 2 Ang Dagat na Patay ang hang¬-ganan nito sa timog. 3 Tinu¬tunton nito hang¬¬¬gang sa ahunin ng Akrabim, dumaraan ng Sin hanggang katimugang Kadesbarne, dumaraan ng Hesron, luma¬labas sa Adar at buma¬balik sa Karkaa, 4 dumaraan ng Asmon at patuloy hanggang sa batis ng Ehipto papalabas sa dagat: Ito ang inyong hangganan sa katimugan.
5 Ang hangganan sa silanganan ay ang Dagat na Asin hanggang sa bunganga ng Jordan.
6 Nagsisimula ang hangganan sa hilaga sa Dila ng Dagat sa bunganga ng Jordan, uma¬ahon sa Bet Agla, at dumaraan sa hilaga ng Bet Ara¬ba hanggang sa Bato ni Boen, anak ni Ruben. 7 Umaakyat ng Dabir, sa lambak ng Ahor, pa¬tungo sa Gilgal na nakaharap sa ahunin ng Adomim, sa gawing timog ng batis; buhat doon ay tumatawid ng mga tubig ng En Semes at umaabot ng En Rogel. 8 Mula roon ay umaakyat na naman sa lambak Hinon gawing timog ng burol na kina-roro¬onan ng lunsod ng mga Je¬buseo, o Jerusalem. Umaakyat ito sa tuktok ng bundok sa kanlurang bahagi ng Lambak ng Hinom at sa dulong hilaga ng lambak ng Rafaim. 9 Mula sa tuktok ng bundok, dumaraan iyon hanggang sa bukal ng mga tubig ng Neftoa, umaabot sa mga lunsod ng Bundok Efron, at patuloy sa Baala o Kiriat-Jearim. 10 Mula sa Baala, ang hangganan ay lumiliko sa gawing kanluran sa Bundok Seir at dumaraan sa hilaga sa tabi ng Bundok Yarim na siya ring Kesalon; bumababa ng Bet Sames, at dumaraan sa Timna. 11 Patuloy ito sa kahabaan ng dakong hilaga ng Ekron, hang¬gang sa Sekrona, at du¬ma¬raan ng Bundok Baala, pa¬tungo sa Jabnel hanggang sa Malaking Dagat, o Mediterraneo. 12 Ang Malaking Dagat at ang baybayin nito ang hang¬ganan sa kanluran. Ito ang lahat ng hang¬ganan ng mga angkan ng mga Judaita.
13 Alinsunod sa utos ni Yawe, ibinigay ni Josue kay Kaleb, anak ni Jefone, ang isang bahagi sa mga Judaita: ang Kiriat-Arbe (si Arbe ay ama ni Enac), na siya ring Hebron. 14 At dito’y itinaboy ni Kaleb ang tatlong mga inanak ni Enak: sina Sesai, Ahuman at Tolmay. 15 Buhat doon sinalakay niya ang mga nani¬nirahan sa Dabir, na dating tina¬tawag na Kiriat Sefer. 16 Sinabi ni Kaleb: “Ipakakasal ko ang aking anak na si Aksa sa kanino mang lumupig at sumakop sa Kiriat Sefer.” 17 Nasakop ito ni Otoniel, anak ni Kenaz na kapatid ni Kaleb kaya ipinakasal sa kanya ni Kaleb ang anak niyang dalagang si Aksa. 18 Sa pagdating niya, sinabi niya kay Otoniel na humingi ng isang lupain sa kanyang ama. 18 Pagkaraan, habang umiibis ang babae sa asno, itinanong sa kanya ni Kaleb: “Ano ang ibig mo?” 19 Sumagot ang babae: “Big¬yan mo ako ng isang kaloob! Ya¬ya¬mang pinagkalooban mo na ako ng tuyong lupain sa Negeb, bigyan mo rin ako ng mga bu¬kal ng tubig.” Kaya ibinigay sa kanya ang mga Bukal sa Itaas at ang mga Bukal sa Ibaba.
Mga lunsod ni Juda
20 Ito ang mga pamana ng mga taga-Juda ayon sa kanilang mga angkan: 21 Ito ang mga bayan ng tribu ng Juda sa hangganan patu¬ngo sa Edom: Kabsel, Edel, Yagur, 22 Kina, Dimona, Adada, 23 Kades, Asor, at Yitnan; 24 Zif, Telem, Balot, 25 Asor ang bago at Kariot, Esrom, 26 Aman, Sama, Molada, 27Asergada, Asemon, Bet Pelet, 28 Asarsual, Berseba at ang mga nayon nito, 29 Baala, Iyim, Esem, 30 Eltolad, Kesil, Horma, 31 Sikeleg, Madmana, Sansana, 32 Lebaot, Silkim, Ain-Remon; dalawampu’t siyam na bayang lahat pati ang kanilang mga nayon.
33 Sa kapatagan: ang Estaol, Sarea, Asena, 34 Zanoak, Ain Ganim, Tapuaj, Enaim, 35 Jeri-mot, Adulam, Soko, Azeka, 36 Saraim, Aditaim, Gedera; labing-apat na lunsod pati ang mga nayon nito. 37 Ang Senan, Adasa, Migdal-Gad, 38 Deleam, Masefa, Yoktel, 39 Lakis, Boscat, Eglon, 40 Kabon, Lakmas, Ketlis, 41 Gederot, Bet Dagon. Nahama at Makkeda; labing-anim na lunsod pati ang mga nayon nito. 42 Ang Libna, Eter, Asan, 43 Yefta, Esna, Nesib, 44 Keila, Aksib, Maresa; siyam na lunsod pati ang kanilang mga nayon. 45 Ang Ekron at ang mga bayan nito at mga nayon. 46 Mula sa Ekron hanggang sa dagat, ang lahat ng bayang malapit sa Asdod at ang kanilang mga nayon. 47 Ang Asdod at ang mga bayan at mga nayon nito; ang Gaza at ang mga bayan at mga nayon nito, hanggang sa Batis ng Ehipto at ang baybayin ng Malaking Dagat.
48 Sa kabundukan: ang Samir, Yattir, Sokot, 49 Dana, Kiriat Sana, (na siya ring Dabir), 50 Anab, Estemo, Anim, 51 Gosem, Holon at Gilo; labing-isang bayan pati ang mga nayon nito. 52 Ang Arab, Duma, Esan, 53 Yanum, Bet-Tapuaj, Afeka, 54 Humta, Kiriat Arbe (na siya ring Hebron), at Sior; siyam na lunsod pati ang mga nayon nito. 55 Ang Maon, Carmel, Zif, Yuta, 56 Jezrael, Yorkeam, Zanoak, 57 Hakain, Gibea, Tamna; sampung lunsod pati ang mga nayon nito. 58 Ang Kalkul, Betsur, Gedor, 59 Ma¬rat, Bet-Anot at Eltekon; anim na lunsod pati ang mga nayon nito. Ang Tekoa, Efrata (na siya ring Belen), Fogor, Etam, Culon, Tatam, Sores, Karim, Galim, Better at Manoco; labing-isang lunsod pati ang mga nayon nito. 60 Ang Kiriat Baal (na siya ring Kiriat Jearim) at Hara¬ba; dalawang lunsod pati ang mga nayon nito.
61 Sa ilang: ang Bet Araba, Mendin, Secaca, 62 Nebsan, Ir-hamelah at Enggaddi; anim na lunsod pati ang kanilang mga nayon. 63 Hindi naitaboy ng mga taga-Juda ang mga Jebu¬seong naninirahan sa Jerusalem kaya hang¬gang nga¬yon, naninirahan sila sa Jerusalem kasama ng mga taga-Juda.
Ang tribu ng Efraim
16 1 Ang lupaing napabigay sa mga anak ni Jose sa palabunutan ay may hang¬ganang mula sa Jordan na katapat ng Jerico umahon pa¬tungo sa mga tubig ng Jerico sa ga¬wing sila-ngan; dumaraan sa ilang, na uma¬¬ak¬yat mula sa Jerico hanggang sa hilaga ng Be¬tel. 2 Mula sa Betel patungong Luz, dumaraan ng hangganan ng mga Arkeo sa Atarot, at bu¬ma¬b¬aba sa gawing kanluran hanggang sa hang¬ganan ng mga Yeflita, 3 hanggang sa Mababang Bet Horon, at sa Gazer, patungo sa dagat.
4 Ito ang pamana na pinaghati-hatian ng mga anak ni Jose, na sina Manases at Efraim. 5 Ito ang hangganan ng mga anak ni Efraim ayon sa kanilang mga angkan: sa silanganan ang Atarot-Adar hanggang Betoron sa Itaas. 6 At papunta sa kanluran, dumaraan sa Mikmetat ang hangganan, lumiliko sa sila¬ngan malapit sa Tanat Silo, at dumaraan ito sa silangan ng Yanoak. 7 Mula Yanoak ay bumababa hanggang sa Atarot at Naarat, at umabot sa Jerico at sa Jordan. 8 At saka, mula sa Tapuaj tumutungo ang hangganan sa kanluran sa batis ng Kana at umaabot sa dagat. Ito ang pamana sa mga angkan ng Efraim, 9 pati ang mga bayan at na¬yong naka¬laan sa mga Efraimita sa loob ng lupain ng mga taga-Manases. 10 Ngunit hindi nila napaalis ang mga Kananeong naninirahan sa Gazer at hanggang ngayon nasa Efraim pa ang mga ito, ngunit pinagtatrabaho sila bilang alipin.
Ang tribu ng Manases
17 1 Ito ang napasatribu ng Manases na panganay ni Jose. Mana ang tinang¬gap ni Makir, panganay ni Manases. Isa siyang mandirigma, kaya tinanggap niya ang Galaad at Basan. 2 Binigyan din ng kabahagi ang mga iba pang inanak ni Manases, ang mga angkan ng Abiezer, Helek, Asriel, Sikem, Yefer at Se¬mida, ayon sa kanilang angkan. Sila’y mga anak na lalaki ni Manases na anak ni Jose.
3 Walang anak na lalaki si Selopkad, anak ni Yefer, anak ni Galad, anak ni Makir, anak ni Manases, kundi mga anak na babae na sina Majla, Noa, Yogla, Milca at Tirsa. 4 Nagsiharap sila kay Eleazar na pari, kay Josue na anak ni Nun, at sa mga prinsipe, at sinabi: “Inutusan ni Yawe si Moises na bigyan kami ng pamana sa piling ng aming mga kamag-anak.” Kaya binig¬yan sila ng pamana sa piling ng mga kamag-anak ng kanilang ama, ayon sa iniutos ni Yawe. 5 Kaya sampung bahagi ang napunta kay Mana¬ses bukod pa sa lupain ng Galaad at Basan sa kabilang ibayo ng Jordan 6 Magmamana ang mga anak na babae ni Manases kasama ng kanyang mga anak na lalaki, at napunta naman sa natitirang mga taga-Manases ang lupain ng Galaad.
7 Mula sa Micmetat na katapat ng Sikem hanggang Aser ang hangganan ng Manases. Pa-tungo sa timog umaabot ang hangganan sa Bukal ng Tapuaj. 8 Kay Manases ang lupain ng Tapuaj ngunit kay Efraim ang lunsod ng Tapuaj na nasa hang¬ganan ng Manases. 9 Bumababa ang hangganan sa batis ng Kana, sa timog ng batis. Pag-aari ni Efraim ang mga lunsod na ito sa gitna ng mga lunsod ni Manases at sa hila¬ga ng batis ang hangganan ng Manases na nagwawakas sa dagat. 10 Kay Efraim ang lupaing nasa timog at kay Manases ang nasa hilaga kapwa hanggang sa dagat. Umaabot sila sa Aser sa kahilagaan at sa Isacar sa silangan. 11 Tinang¬¬¬gap ni Manases sa Isacar at Aser ang Betsan at ang mga nayon nito, ang Yibleam at ang mga nayon nito, ang Dor at ang mga nayon nito, ang mga naninirahan sa Endor at sa mga nayon nito at ang mga naninirahan sa Tanak at ang mga nayon nito, at ang mga naninirahan sa Megido at ang mga nayon nito at ang ikatlo ng Nefet. 12 Ngunit hindi nalupig ng mga taga-Manases ang mga lunsod na ito at nagtagal dito ang mga Kananeo. 13 Nang lumakas ang mga Israelita, pinatawan ng buwis ang mga Kananeo, ngunit hindi nila pinaalis.
14 Sinabi ng mga inanak ni Jose kay Josue: “Bakit isang bahagi lamang ng lupain ang ibi¬nigay mo sa amin gayong napakarami namin sa pagpapala ni Yawe? 15 Sumagot sa kanila si Josue: “Kung marami kayo at mas¬yadong maliit ang kabundukan ng Efraim, magsitungo kayo sa gubat ng mga Pereseo at Rafaim at hawanin ninyo ito.” 16 Sinabi naman ng mga taga-Jose: “Hindi sapat sa amin ang bulubundukin, ngu¬nit may mga karwaheng bakal ang lahat ng Kananeong naninirahan sa lambak; gayun¬din ang mga nasa Betsan at ang nasa Jezrael at ang nasa mga bayan nito.” 17 Kaya sumagot si Josue sa sambahayan ni Jose, kina Efraim at Mana¬ses: “Ikaw ay isang bayang makapal at napa¬kalakas. Hindi lamang isang bahagi ang ma¬papasaiyo, sapagkat sa iyo ang dakong gubat at hahawanin mo ito. 18 Mapapasaiyo lahat ito sa¬pagkat itataboy mo ang mga Kananeo kahit na malalakas sila at may mga karuwaheng bakal.”
Hinati-hati ni Josue ang natitirang bahagi ng lupain
18 1 Nang sumuko na sa kanila ang buong lupain, nagpulong ang buong kalipunan ng mga Israelita sa Silo, at doon nila itinayo ang Tolda ng Pagtatagpo.
2 Pito pang tribu sa mga Israelita ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang pamana. 3 Kaya sinabi ni Josue sa kanila: “Hanggang kailan ba kayo magpapabaya sa pagsakop ng lupaing ipinagkaloob sa inyo ni Yawe, ang Diyos ng inyong mga ninuno? 4 Pumili kayo ng tatlo sa bawat tribu; ipadadala ko sila upang galugarin ang lupain at nang mahati natin iyon ayon sa kanilang iuulat. 5 Hahatiin iyon sa pitong bahagi sapagkat may lupain na ang Juda sa timog, gayundin ang sambahayan ni Jose sa hilaga. 6 Kaya gumawa kayo ng partisyon ng lupain sa pitong bahagi at ipakita sa akin ang plano upang magpalabunutan sa harap ni Ya¬weng ating Di¬yos. 7 Walang bahagi para sa mga taga-Levi, sa¬pagkat sariling pamana nila ang pagpapari para kay Yawe magpakailanman. Tungkol naman sa mga tribu ng Ruben at Gad at sa ka¬lahating tribu ng Manases, tinanggap na nila sa silangang gawi ng Jordan ang pama¬nang ibi¬nigay sa kanila ni Moises na lingkod ni Yawe.
8 Paalis na ang mga napiling lalaki, at sinabi ni Josue sa kanila: “Galugarin ninyo ang lupain at ilarawan iyon at magbalik at magpapalabu¬nutan ako dito sa Silo sa harap ni Yawe.” 9 Kaya nagpunta at nagdaan sila sa lupain, isinulat nila ito ayon sa mga lunsod niyon at hinati-hati sa pitong bahagi. At nag¬sibalik sila kay Josue sa kampo sa Silo. 10 Pinagpalabunutan ni Josue ang lupain para sa kanila sa harap ni Yawe sa Silo. Dito niya pinagbaha-bahagi ito para sa mga anak ng Israel.
Ang tribu ng Benjamin
11 Napunta ang unang bahagi ng lupain sa mga angkan ng tribu ng Benjamin. Nasa pagitan ng mga taga-Juda at ng mga taga-Jose ang lupaing napasakanila. 12 Mula sa Jordan ang ka-nilang hanggahan sa hilaga at umaabot sa gawing hilaga ng Jerico. Uma¬ahon ito patungo sa kanluran hanggang sa makarating sa ilang ng Bet Aven. 13 Buhat dito, dumaraan ito sa katimugang dako ng Luz (na siya ring Betel); at saka bumababa sa Atarot Adar sa may bundok sa timog ng Ibabang Betoron. 14 Sa gawing kan¬luran naman lumiko ang hangganan pa¬tungo sa timog mula sa bundok na nasa tapat ng Be¬toron at umabot sa Kiriat Baal (na siya ring Kiriat Yearim), na pag-aari ng mga taga-Juda. Ito ang hangganan sa kanluran.
15 Nagsisimula sa dulo ng Kiriat Yearim ang hangganan sa timog at umabot sa tubig ng Naftoah. 16 Bumababa sa gilid ng bundok na nakaharap sa lambak ng Ben Hinon, sa hilagaan ng lambak ng Refaim, at bina¬baybay ang lam¬bak ng Ben Hinon sa dalisdis ng mga Je¬buseo patimog hanggang sa En Rogel. 17 Tumu¬tuloy iyon sa hilaga, at uma¬bot sa En Semes, patuloy sa Guelitot, sa tapat ng tabing bundok ng Ado¬min; bumaba sa Bato ni Boen, anak ni Ruben, 18 dumaan sa Ketef sa harap ng Araba sa hilaga at bumaba sa Araba. 19 Nagpatuloy ang hang-gahan sa hilagaan ng Bet Hogla at umabot sa dila ng Dagat Asin sa bunganga ng Jordan. Iyan ang hangganan sa timog. 20 At ang Jordan ang naging hangganan sa sila¬ngan. Ito ang mana ng mga angkan ng Benjamin na itinakda ng mga hangganan.
21 Ito ang mga lunsod ng mga angkan ng tribu ng Benjamin: Jerico, Bet Hogla, Emek, Kasis, 22 Bet Araba, Semaraim, Betel, 23 Avim, Afara, Ofra, 24 Kefar-haamon, Ofni at Geba; labindalawang lunsod pati ang kanilang mga nayon. 25 Ang Gibeon, Rama Berot, 26 Mispe, Kefira, Amosa, 27 Rekem, Yirpeel, Tarela. 28 Ang Sela, Elef, Jebus (na siya ring Jerusalem); Gibeat at Kiriat; labing-¬apat na bayan pati ang kanilang mga nayon. Ito ang pamana sa mga Benjaminita ayon sa kanilang mga angkan.
Ang bahagi ng iba pang anim na tribu
19 1 Tinanggap ng mga angkan ng Simeon ang ikalawang bahagi na nasa loob ng sa mga taga-Juda. 2 Nasa pamana nila ang Berseba, Seba, Molada, 3 Aser Sual, Bala, Asem, 4 Eltolad, Betul, Horma, 5 Sikeleg, Bet Markabot, Hasersusa, 6 Bet Lebaot at Saruken; labintatlong bayan pati ng kanilang mga nayon. 7 Ang Ain, Remon, Atar, at Asan; apat na lunsod pati ang kani¬lang mga nayon, 8 bukod pa sa lahat ng na¬yong nasa paligid ng mga lunsod na ito hang¬gang sa Baalat Beer na siya ring Ramat-Negueb. Ito ang mana ng mga angkan ng tribu ng mga Simeonita. 9 Nasa loob ng mga hang¬gahan ng Juda ang manang ito ng mga Si¬meonita. Napa-kalaki nga para sa mga taga-Juda ang bahagi nila, kaya dito tumang¬gap ang mga Simeonita ng sariling lupain.
10 Tinanggap ng tribu ng Zabulon ang ikatlong bahagi ayon sa kanilang mga angkan. Umabot sa Sarid ang hang¬ganan ng kanilang pamana. 11 Umakyat iyon sa kanluran sa Marala hanggang maka¬rating sa Debaset, at pagka¬raan, sa batis na nasa harap ng Yokneam. 12 Mula sa Sarid patungo sa sila¬ngan hanggang sa hangganan ng Keselet Tabor; patuloy sa Daberet at umakyat sa Yafia. 13 Mula roon patuloy sa gawing sila¬ngan sa Gatha-Hefer at sa Itakasin; umabot sa Rimon at lumiko sa Noa. 14 Lumiko sa hilaga ng Anaton at nagwakas sa lambak ng Yeftakel. 15 Kaya labin¬dalawang bayan lahat pati ang kanilang mga nayon kung kasama ang Katat, Nalal, Simron, Jedala at Betle¬hem. 16 Ito ang pamana ng mga angkan ng Zabulon.
17 Tinanggap ng mga angkan ng Isacar ang ikaapat na bahagi. 18 Nasa kanilang lupain ang Jezrael, Kesulot, Sunem, 19 Yafaraim, Sion, Ana¬kerat, 20 Rabit, Kisyon, Ebes, 21 Ramet, En Ganim , En Kada, at Bet Fases. 22 Umabot ang hangganan sa Tabor, Sakasim at Betsames at nagwawakas sa Jordan. 23 Labing-anim na ba¬yan pati ang kanilang mga nayon: ito ang pa¬mana sa mga angkan ng mga Isacarita.
24 Tinanggap ng mga angkan ng Aser ang ikalimang bahagi. 25 Nasa kanilang lupain ang Helcat, Hali, Beten, Acsaf, 26 Elmelec, Amad at Mesal. Umabot sa Karmelo ang hangganan sa gawing kanluran, at sa Sikor Libanat. 27 Pagka¬tapos lumiko pasilangan patungo sa Bet Dagon, umabot sa Zabulon at sa lambak ng Yeftael, pahilaga; dumaan sa Bet Emek at Nejiel, at umabot sa Kabul sa kaliwa, 28 sa Masal, Abdon, Rehob, Hamon at Kana, hanggang sa Malaking Sidon. 29 Nag¬balik sa Rama ang hangganan at umabot sa napapaderang lunsod ng Tiro. Du¬maan sa Hosa at nagwakas sa dagat sa dako ng Makleb at Acziba. 30 Dumaan sa Akra, Afek at Rehob. Dalawampu’t dalawang bayan pati ang kanilang mga nayon. 31 Ito ang pamana ng mga angkan ng Aser.
32 Tinanggap ng mga angkan ng Neftali ang ikaanim na bahagi. 33 Simula sa Jelef ang hang-ganan sa ensinang nasa Senanim, sa Adami-Nekeb at Yabnel hanggang sa Lekum, at nagwawakas sa Jordan. 34 Nag¬balik ang hangganan sa kanluran sa may Azonot Tabor at mula roon patungo sa Hukok; umabot sa Zabulon sa timog, sa Aser sa kanluran, at sa Jordan sa sila-ngan. 35 Ang mga napapaderang lunsod: Ase¬dim, Ser, Hamat, Rekat, Keneret, 36 Adama, Ha¬¬ra-ma, Hasor, 37 Kades, Erai, En Hasor, 38 Yeron, Mig¬dalel, Horen, Bet Anat at Bet-Sames; labing-siyam na bayan pati ang kanilang mga nayon. Ito ang pamana ng mga angkan ng Neftali.
40 Tinanggap ng mga angkan ng Dan ang ikapitong bahagi. 41 Nasa kanilang lupain ang Sarea, Estaol, Ir Semes, 42 Selebin, Aya¬lon, Yetta, 43 Elon, Temnata, Ekron, 44 Elteke, Gibeton, Balat, 45 Yehud, Bene Barak, Gat Rimon, 46 Meyarkon at Rakon, pati ang lupaing nasa tapat ng Joppe. 47 Ngunit umabot ang mga Danita sa labas ng kanilang lupain. Nagsiahon sila sa Lesem. Nilusob ito at pinuksa ng tabak. At nang makuha nila ito, pinanganlan nilang Dan, ayon sa pangalan ng kanilang ninunong si Dan. 48 Ang mga bayang ito pati ang kanilang mga nayon ang siyang naging pamana ng mga angkan ng mga Danita.
49 Matapos mahati ng mga Israelita ang lu¬pain sa palabunutan, nagbigay sila ng isang pamana kay Josue, anak ni Nun. 50 Ginawa nila ang iniutos ni Yawe at ibinigay nila sa kanya ang lunsod na hiniling niya, ang Tamnat-Sara sa kabundukan ng Efraim. Itina¬yo niyang muli ang lunsod at doon siya tumira.
51 Ito ang mana na hinati-hati sa pala¬bunu¬tan ni Eleazar na pari, ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pinuno ng mga angkan ng Israel sa harapan ni Yawe sa may pintuan ng Toldang Tagpuan sa Silo. Ganito natapos ang paghahati sa lupain.
Ang mga lunsod na takbuhan
20 1 Sinabi ni Yawe kay Josue: 2 “Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: Itakda ang mga lunsod na takbuhan na sinabi ko sa inyo sa pamamagitan ni Moises. 3 Doon tatakbo ang sinumang nakamatay nang di-sinasadya. At ang mga ito ang magiging kublihan laban sa paghihiganti ng kaanak ng namatay. 4 Makatatakbo sa isa sa mga lun¬sod na ito ang naka¬patay, at pagdating niya sa pintuan ng lunsod, ipalili¬wanag niya ang usapin sa matatanda ng lunsod, na siyang tatanggap sa kanya at maglalaan sa kanya ng isang pook na matitirhan niya sa piling nila. 5 Kung hahabulin siya ng maghihiganti, hindi ibibigay ang nakapatay sa kamay nito sapagkat di-sinasadya ang pagka¬patay sa kapwa at walang kimkim na galit. 6 Doon siya titira hanggang sa pag¬harap niya sa kapulu¬¬ngan para hatulan – hanggang sa mamatay ang Punong Paring nasa puwesto nang pana¬hong iyon. At saka pa lamang makauuwi ang naka¬patay sa kanyang sariling lunsod na nila¬yuan niya.”
7 Kaya itinalaga nila ang Kades sa Galilea sa kabundukan ng Neftali, ang Sikem sa kabundukan ng Efraim, at ang Kiriat Arbe, na siya ring Hebron, sa kabundukan ng Juda. 8 At sa kabi¬lang ibayo ng Jordan sa silangang Jerico inilaan nila ang Basor sa ilang, sa may kapa¬tagan, sa tribu ng Ruben; ang Ramot sa Galaad sa tribu ng Gad, at ang Golan sa Basan, sa tribu ng Ma¬nases. 9 Ito ang mga lunsod na nakalaan upang matakbuhan ng sino mang Israelita o dayuhang naninirahan sa kanila na nakapatay nang di-sinasadya, upang huwag siyang ma¬matay sa kamay ng maghihiganti hanggang di nakahaharap sa kapulungan.
Ang mga lunsod na Levitico
21 1 May nagsilapit na mga pinuno ng mga angkang Levita kay Eleazar na pari, kay Josue, anak ni Nun, at sa mga pinuno ng mga angkan ng lahat ng tribu ng mga Is¬raelita. 2 At nagsabi sa kanila sa Silo, sa lupain ng Ka¬naan: “Nagpautos si Yawe kay Moises na bigyan kami ng mga bayan na matitirhan na may mga lupang pastulan ng aming mga ha¬yop.” 3 Kaya nagbigay ang mga Israelita sa mga Levita mula sa kanilang pamana ng mga bayan na may mga lupang pastulan, alinsunod sa utos ni Yawe.
4 Tinanggap sa palabunutan ng mga angkan ng mga Kaatita ang unang bahagi. Tinanggap ng mga inanak ng paring si Aaron, na mga Levita ang labintatlong lunsod sa mga tribu ng Juda, Simeon at Benjamin. 5 Tinanggap sa palabunu¬tan ng ibang mga Kaatita ang sam¬pung lunsod sa mga angkan ng tribu ng Efraim, Dan, at ng kalahati ng tribu ng Manases. 6 Ti¬nanggap sa palabunutan ng mga Gersonita ang labin¬tatlong bayan sa mga angkan ng tribu ng Isacar, Aser, Neftali, at ng kalahati ng tribu ng Manases sa Basan. 7 Tinanggap ng mga Merarita ang labindalawang bayan sa mga tribu ng Ruben, Gad at Zabulon. 8 Ibinigay ang mga ba¬yang ito pati ang kanilang mga lupang pastu¬lan ng mga Israelita sa mga Levita sa palabunu¬tan upang sumunod sa iniutos ni Yawe kay Moises.
9 Mula sa mga tribu ng Juda at Simeon, ibi¬¬nigay ang mga bayang ito. 10 Unang binigyan ang mga inanak ni Aaron sa angkang Kaatita ng mga Levita. 11 Ibinigay sa kanila ang Kiriat Arbe (si Arbe ay ama ni Enak), na siya ring Hebron, sa kabundukan ng Juda, pati ang kanyang lupang pastulan. 12 Ngunit nailaan na kay Kaleb, anak ni Jefone ang lupain at ang mga nayon na sakop ng bayan, na ari-arian nila. 13 Ibinigay sa mga inanak ng paring si Aaron ang Hebron, lun¬sod na takbuhan, pati ang mga lupang pastulan nito; gayundin ang Libna at ang mga lu¬pang pastulan nito, 14 ang Yatir, Estemot, 15 Holon, Dabir, 16 Asan, Yuta, at Betsames, pati ang kani-kanilang mga lu¬pang pastulan: siyam na bayan sa dalawang nabang¬git na tribu. 17 Nakakuha sila ng apat na bayan mula sa Benjamin: Gibeon, Geba, 18 Anatot at Almon pati ang kani-kanilang mga lupang pastulan. 19 Sa gayon labintatlo lahat ang mga bayan pati ang kanilang mga lupang pastulan na pag-aari ng mga inanak na pari ni Aaron.
20 Mula sa tribu ng Efraim nakakuha sa pala¬bunutan ng apat na lunsod ang ibang mga ang-kang Kaatita sa mga Levita. 21 Ang Sikem, lun¬sod na takbuhan, pati ang lupang mga pastu¬lan nito ang ibinigay sa kanila, sa ka¬bundukan ng Efraim, gayundin ang Gazer pati ang mga lu¬pang pastulan nito, 22 ang Kisaim at Betoron pati ang kanilang mga lupang pastulan. 23 Sa tribu ng Dan nila nakuha ang apat na bayan: Elteko, Gibeton, 24 Ayalon at Gat Rimmon pati ang kani-kanilang mga lupang pas¬tulan. 25 Sa ka¬lahati ng tribu ng Manases ang dalawang bayan ng Tanak at Gat Rimmon pati ang kanilang mga lupang pastulan. 26 Sampu ang lahat ng bayang ito pati ang kanilang mga lu¬pang pastulan na ibinigay sa ibang mga ang¬kang Kaatita.
27 Mula sa kalahati ng tribu ng Manases naka¬kuha ang angkang Gersonita ng mga Levita ng dalawang bayan. Ang Golan sa Basan, lunsod na takbuhan, ang ibinigay sa kanila, at pati ang Astarot kasama ang mga lupang pastulan ng mga ito. 28 Mula sa Isacar nila nakuha ang apat na bayan ng Kisyon, Daberet, 29 Yarmut at En Ganim pati ang kani-kanilang mga lupang pas¬tulan. 30 Sa Aser ang apat na bayan ng Masal, Abdon, 31 Yelkat at Rejob pati ang kani-kanilang mga lupang pastulan. 32 Sa Neftali, ang tatlong bayan. Ibinigay sa kanila ang Kades ng Galilea, lunsod na takbuhan, pati ang mga lupang pastulan nito, ang Hamot Dor at Kartan pati ang kani-lang mga lupang pastulan. 33 Labintatlo lahat ang mga bayang ito pati ang kanilang mga lupang pastulan na ibinigay sa mga angkang Kaatita.
34 Mula sa Zabulon tinanggap ng mga ang¬kang Merarita, ang kahuli-hulihan sa mga Levita, ang apat na bayan ng Yokneam, Karta, 35 Rim¬mon at Nahalal pati ang kanilang mga lupang pastulan. 36 Mula sa Ruben din, sa kabilang ibayo ng Jordan, ang apat na bayan. Ibini¬gay sa kanila ang Besor, lunsod na tak¬buhan, ang Yasa, 37 ang Kedemot at Mefat pati ang kanilang mga lupang pastulan; at mula sa Gad ang apat na lunsod: ang lunsod na takbuhan na Ramot ng Galaad, at pati Manajaim, 39 Jesebon at Yazer pati ang kani-kani¬lang mga lupang pastulan. 40 Labindalawa lahat ang mga ba¬yang ibinigay sa palabu¬nutan sa mga angkang Me¬rarita.
41 Kaya apatnapu’t walo ang kabuuang bilang ng mga bayang ibinigay sa mga Levita mula sa lupain ng mga Israelita pati ang mga lupang pastulan ng mga iyon. 42 Kasama ng ba¬wat isa sa mga bayang ito ang mga lupang pastulan sa paligid ng bayan.
43 Sa gayon ibinigay ni Yawe sa Israel ang bu¬ong lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila. Nasakop nila iyon at nanirahan doon. 44 Pinagka¬looban sila ni Yawe ng kapayapaan sa lahat ng hangganan, gaya ng kanyang ipinangako sa kanilang mga ninuno. Hindi nakalaban sa kanila ang isa man sa kani¬lang mga kaaway; pinasuko sa kanila ni Yawe ang lahat nilang kaaway. 45 Natupad ang lahat ng pangako ni Yawe sa sambahayan ng Israel.
Ang altar sa kabilang bahagi ng Jordan
22 • 1 Kaya ipinatawag ni Josue ang mga Rubenita, mga Gadita, at ang kala¬hati ng tribu ni Manases. 2 Sinabi niya: “Natupad na ninyo ang lahat ng ipinag-utos sa inyo ng ling¬kod ni Yawe na si Moises, at sinunod ang lahat ng iniutos ko sa inyo. 3 Hindi ninyo pinabayaan ang inyong mga kamag-anak sa loob ng matagal na panahon hanggang ngayon at inyong tinupad ang utos ni Yaweng inyong Diyos. 4 Pinagpa¬hinga na ni Yaweng inyong Diyos ang inyong mga kamag-anak ayon sa ipinangako niya sa kanila, kaya bumalik na kayo sa inyong mga kubol sa kabilang ibayo ng Jordan. Umuwi kayo sa inyong sariling lupain, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Yawe. 5 Lamang ay maingat ninyong isa¬ka¬tuparan ang mga utos at ang Batas na itinad¬hana sa inyo ni Moises na lingkod ni Yawe: mahalin si Yaweng inyong Diyos; lu¬makad sa kanyang mga daan; tupdin ang kan¬yang mga utos; makiisa sa kanya at pag¬ling¬kuran nang buo ninyong puso at kaluluwa.” 6 Bi¬nasbasan at pinaalis sila ni Josue at umuwi sila sa kanilang sariling mga kubol.
7 Ibinigay nga ni Moises sa kalahati ng Ma¬nases ang lupain sa Basan; at sa natitirang kalahati ibinigay naman ni Josue ang bahaging kapiling ng kanilang mga kamag-anak sa ga¬wing kanluran ng Jordan. Binasbasan din sila ni Josue nang paalis at pauwi na sa kanilang mga kubol. Sinabi niya. 8 “Magsibalik na kayo sa inyong mga kubol taglay ang malaking kaya¬manan, napa¬karaming hayop, pilak, ginto, tanso at bakal, at napakaraming damit. Baha¬ginan ninyo ang inyong mga kamag-anak doon ng mga nasamsam sa inyong mga kaaway.”
9 Kaya iniwan ng mga Rubenita, mga Gadita at ng kalahati ng tribu ng Manases ang ibang mga Israelita sa Silo sa lupaing Kanaan at nag¬sibalik sila sa lupaing Galaad, na kanilang na-tanggap alinsunod sa utos ni Yawe kay Moises.
10 Pagdating nila sa may Jordan sa lupang Kananeo, itinayo roon ng mga Rubenita, mga Gadita at ng kalahati ng tribu ng Manases ang isang napakalaking altar sa tabi ng Jordan. 11 Nabalitaan ng ibang mga Israelita na itinayo ng mga Rubenita, mga Gadita at ng kalahati ng tribu ng Manases ang isang dambana sa may Jordan sa harap ng lupaing Kanaan, sa kabilang ibayo ng lupain ng mga Israelita. 12 Pagka¬balita nila dito, nagtipun-tipon sa Silo ang buong ka-lipunan ng Israelita upang ma¬ki¬pag¬digmaan sa kanila.
13 Sinugo ng mga Israelita sa mga Rubenita, mga Gadita at sa kalahati ng tribu ni Manases sa lupaing Galaad si Pinhas na anak ng paring si Eleazar, 14 kasama ang sampung pinuno, isa sa bawat tribu ng Israel at ang bawat isa’y pinuno ng kanyang sambahayan. 15 Pagdating nila sa mga Rubenita, mga Gadita at sa kalahati ng tribu ng Manases sa lupaing Galaad, sinabi nila sa mga ito:
16 “Ito ang sinasabi sa inyo ng buong kalipunan ni Yawe: Ano ba’ng kataksilang ginawa ninyo laban sa Diyos ng Israel? Bakit ninyo tinalikdan si Yawe ngayon sa pagtatayo ng isang altar? Naghihimagsik ba kayo kay Yawe? 17 Hindi pa ba sapat ang pagkakasala sa Peor? Hindi pa nga tayo nilinis dito sa kabila ng salot na dumapo sa kalipunan ni Yawe. 18 Kung mag¬hihimagsik tayo kay Yawe ngayon, bukas, ma¬gagalit siya sa buong kalipunan ng Israel! 19 Kung inaakala ninyong di-malinis ang lupang inaari ninyo ngayon, magsitawid kayo sa lupain ni Yawe na kinaroroonan ng Tirahan niya, at tu¬mira kayo sa aming piling. Ngunit huwag ka¬¬yong maghimagsik kay Yawe at sa amin din sa pagtatayo ng isang altar maliban sa altar ni Yaweng ating Diyos. 20 Nang sumu¬way sa banal na sumpa si Akan na anak ni Zare, hindi ba bumagsak ang galit sa buong kalipunan ng Israel? Hindi lamang siya ang nasawi dahil sa kanyang kasa¬lanan!”
21 Sumagot ang mga Rubenita, mga Gadita at ang kalahati ng tribu ng Manases at sinabi nila sa mga pinuno ng mga sam¬bahayan ng Israel: 22 “Diyos ng mga diyos si Yawe! Alam ni Yawe at alam din ng Israel: kung naghihimagsik o nag¬tataksil kami kay Yaweng ating Diyos, huwag niya kaming iligtas ngayon! 23 Parusahan nawa kami ni Yawe kung nagtayo kami ng isang altar upang tumalikod sa kanya, o para ialay ang mga sinunog na handog, ang mga hain o mga handog sa kapayapaan. 24 Ngunit nangamba kami at baka bukas sabihan ng inyong mga anak ang aming mga anak: ‘Ano ang kinalaman ninyo kay Yawe, ang Diyos ng Israel? 25 Sapagkat inilagay nga ni Yawe ang isang hang¬ganan na mamamagitan sa inyo at sa amin, ang Jordan. Walang bahagi kay Yawe kayong mga inanak nina Ruben at Gad.’ Kung magkagayon ma¬ilalayo ng inyong mga anak ang aming mga anak kay Yawe.
26 Kaya ipinasya naming gumawa ng isang dambana, hindi ukol sa mga sinunog na handog o iba pang mga hain 27 kundi upang maging saksi ito sa amin at sa inyo at sa ating mga inanak na mayroon kaming karapatang su¬mamba kay Yawe sa kanyang harapan sa pamamagitan ng aming mga sinunog na handog, mga hain, at mga handog sa kapayapaan. Sa gayon hindi masasabi ng inyong mga anak sa aming mga anak: ‘Wala kayong bahagi kay Yawe.’ 28 Kung sakaling magsalita sila nang gayon sa amin o sa aming mga inanak, maisasagot namin sa kanila: ‘Tingnan ninyo ang anyo ng altar ni Yawe na ginawa ng aming mga magulang, hindi ukol sa mga sinu¬nog na handog o sa mga hain, kundi upang maging tanda ng ating pagkakaisa.’ 29 Wala sa kalooban na¬ming maghimagsik kay Yawe o tumalikod sa kanya sa pagtatayo ng isang altar upang ialay ang sinunog na handog, ang pagkaing handog, o ang hain na dapat lamang ialay sa altar ni Yaweng ating Diyos na nasa harapan ng kanyang Tirahan.”
30 Nasiyahan si Pinhas na pari at ang mga pinuno ng mga tribu sa sinabi ng mga Rubenita, mga Gadita at ng mga Manaseita. 31 Sinabi ni Pinhas na anak ng paring si Eleazar sa mga Rubenita, mga Gadita at mga Manaseita: “Nga¬yo’y nababatid na namin na nasa piling natin si Yawe sapagkat hindi kayo nagtaksil kay Yawe at walang dahilan na parusahan ni Yawe ang Israel.”
32 Nilisan ni Pinhas na anak ni Eleazar na pari, at ng mga pinuno ang mga Rubenita at mga Gadita sa lupain ng Galaad at bumalik sa mga Israelita sa lupaing Kanaan, at ibinalita ito sa kanila. 33 Nasiyahan ang mga Israelita, nag¬puri sila sa Diyos at hindi na nagsalita hing¬gil sa pagsalakay sa mga Rubenita at mga Ga¬dita o pagwasak sa lupaing tinitirhan nila. 34 Kaya tinawag na “saksi” ng mga Rubenita at mga Ga¬dita ang altar na iyan; sinabi nga nila na saksi ang altar na ito na Diyos si Yawe.
Huling panawagan ni Josue
23 1 Matagal na panahon na ang nakalipas mula ng ibigay ni Yawe sa mga Israelita ang kapahi¬ngahan sa lahat nilang kaaway sa paligid, at matandang-matanda na si Josue. 2 Pinagtipun-tipon niya ang buong Israel, ang kanilang mata¬tanda, mga pinuno, mga hukom at opisyal, at sinabi sa kanila: “Matandang-matanda na ako. 3 Na¬kita ninyo ang lahat ng ginawa ni Yaweng inyong Diyos sa mga bansang ito alang-alang sa inyo, sapagkat ipinaglaban kayo ni Yawe. 4 Alamin ninyo na aking pinag¬hati-hati sa inyong mga tribu ang lupain ng mga bansang nalalabi pati ang bansang nilipol ko na mula sa Jordan hanggang sa Malaking Dagat sa kanluran. 5 Si Yaweng inyong Diyos ang nag¬tataboy sa kanila sa inyong harapan at bumabawi sa kanilang lupain upang mapa¬sainyo gaya ng ipina¬ngako niya sa inyo. 6 Kaya magpaka¬giting kayo at pag-pilitan nin¬yong mabuti na tuparin ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Batas ni Moises; huwag kayong lilihis sa kanan ni sa kaliwa. 7 Huwag makisalamuha sa mga lahing iyan na kapiling ninyo. Huwag nin¬yong babang¬gitin ang pangalan ng kanilang mga diyos, ni gagamitin iyon para manumpa. Huwag ka¬yong maglilingkod o sasamba sa kanila. 8 Sa halip, makiisa kayo kay Yaweng in¬yong Diyos, gaya ng ginagawa ninyo hang¬gang ngayon. 9 Sa inyong harapan itinaboy ni Yawe ang mga malalaki at malalakas na bansa, at wala pang nakatalo sa inyo. 10 Naka¬¬¬-pagpapa¬takbo ng sanlibo ang isa sa inyo, sa¬pagkat ipinag¬lalaban kayo ni Yaweng inyong Diyos gaya ng ipinangako niya sa inyo. 11 Kaya sikapin ninyong mabuti na mahalin si Yaweng in¬yong Diyos. 12 Sa¬pag¬kat kung tumalikod kayo sa kanya at nakiisa sa mga bansang iyan na naiwan sa piling ninyo; kung mag-aasawa at makikisa¬lamuha sa kanila, 13 ala¬min ninyo na hindi na itataboy ni Yaweng inyong Diyos ang mga ban¬sang iyan sa harapan ninyo. At magi¬ging patibong pa sila at silo sa inyo, isang hagupit sa inyong mga tagi¬liran at mga tinik sa in¬yong mga mata, hanggang sa mawala kayo sa na¬paka¬gandang lupaing ito na ipinag¬kaloob sa inyo ni Yaweng inyong Diyos.
14 Sa pagpunta ko sa patutunguhan ng lahat ng nilalang, sinasabi ko sa inyo: Kila¬lanin ninyo nang buong puso at nang buong kaluluwa na walang pa¬ngako ni Yaweng inyong Diyos na di natutupad. 15 Subalit katu¬lad ng pagtupad sa bawat panga¬kong nakakabuti sa inyo, kaya rin naman niyang gawin ang bawat banta, hang¬gang sa malipol kayo sa napakagandang lu¬paing ipinagkaloob sa inyo ni Yaweng inyong Diyos. 16 Kung nilabag ninyo ang tipan na iniutos sa inyo ni Yaweng inyong Diyos, at naglingkod at su¬mamba kayo sa ibang mga diyos, magsisiklab laban sa inyo ang galit ni Yawe at dagli kayong mawawala sa matabang lupaing ipi¬nag¬kaloob niya sa inyo.”
Muling isinagawa ang pakikipagtipan sa Sikem
24 • 1 Tinipon ni Josue ang lahat ng tribu ng Israel sa Sikem at ipinatawag ang kanilang matatanda, pinuno, hukom at opis¬yal. At humarap sila sa Diyos. 2 Kaya nag¬salita si Josue sa buong bayan: “Ito ang ipinasasabi ni Yaweng Diyos ng Israel: Sa kabilang ibayo ng Ilog Eufrates noon nanirahan ang inyong mga ninuno – si Tare, na ama ni Abra¬ham at Nahor, at sa ibang mga diyos sila naglingkod. 3 Ngunit kinuha ko ang inyong amang si Abraham mu¬la sa lupaing nasa kabilang ibayo ng Ilog at si¬namahan ko siya sa buong lupain ng Kanaan. Ibinigay ko sa kanya si Isaac, upang dumami ang kanyang mga inapo. 4 Ibinigay ko kay Isaac sina Jacob at Esau. Kay Esau itinakda ko ang lupang bulu¬bundukin ng Seir, at bumaba na¬man sa Ehipto si Jacob at ang kanyang mga anak.
5 Pagkaraan, sinugo ko sina Moises at Aaron, upang parusahan ang Ehipto sa para¬ang alam na ninyo, para makalabas kayo roon. 6 Kaya inilabas ko sa Ehipto ang inyong mga ninuno, at dumating kayo sa dagat. Hinabol ng mga Ehip¬siyo ang inyong mga ni¬nuno ng kanilang mga karwahe at mga manga¬ngabayo hanggang sa Dagat ng Mga Tambo. 7 Ngunit dumaing sila kay Yawe, kaya inilagay niya ang ulap sa pa¬gitan ninyo at ng mga Ehipsiyo at pinabalik sa kanila ang dagat at natabunan sila. Nasaksihan nga ninyo ang gina¬wa ko sa Ehipto, at saka mata¬gal kayong nanirahan sa ilang. 8 Pinapasok ko kayo sa lupa¬in ng mga Amorreo na nasa silangang gawi ng Jordan. Nilabanan nila kayo, ngunit ibinigay ko sila sa inyong kamay. Nilipol ninyo sila at inari ninyo ang kanilang lupain. 9 Pagka¬tapos naghanda si Balak na anak ni Sepor, hari ng Moab, upang lumaban sa Israel. Ipinatawag niya si Balam, anak ni Beor, upang sumpain kayo; 10 ngunit ayaw kong makinig kay Balam at napilitan siyang pagpalain kayo. Sa gayon ini¬ligtas ko kayo sa kamay ni Balak. 11 Tumawid kayo sa Jordan at dumating sa Jerico. Luma¬ban sa inyo ang mga taga-Jerico, ang mga Amorreo, mga Perezeo, mga Kananeo, mga Heteo, mga Gergeseo, mga Heveo at mga Jebuseo. Ngunit ibinigay ko rin sila sa inyong kamay. 12 At ipi¬nadala ko sa harap ninyo ang mga putakti na siyang nagtaboy sa harapan ninyo sa dalawang haring Amorreo. Hindi sa bisa ng iyong tabak o ng iyong busog! 13 Binig¬yan ko kayo ng isang lupang hindi ninyo pinagpaguran; naninirahan kayo sa mga bayan na hindi ninyo itinayo at kuma¬kain kayo sa mga ubasan at mga punong olibong hindi ninyo itinanim. 14 Kaya igalang ninyo si Yawe. Pag¬ling¬kuran siya nang buong katapatan at tanggihan ninyo ang mga diyos na pinag¬ling¬kuran ng inyong mga ninuno sa Meso¬potamia at sa Ehipto. Paglingkuran ninyo si Yawe la¬mang! 15 Kung ayaw ninyong pag¬ling¬kuran si Yawe, piliin ninyo ngayon kung sino ang nais ninyong pagling¬kuran, ang mga diyos na pinag¬lingkuran ng inyong mga ninuno sa Me¬sopotamia o ang mga diyos ng mga Amorreo kung saan kayo nani¬nirahan. Sa akin at sa aking sam¬bahayan, si Yawe ang pag¬li¬ling-kuran namin.”
16 Sumagot ang bayan: “Huwag nawang ipa¬hintulot ng Diyos na tumalikod kami kay Yawe at maglingkod sa ibang mga diyos. 17 Siya nga ang naglabas sa atin at sa ating mga ninuno sa lupain ng Ehipto, sa bahay ng pagka¬alipin. Ipinamalas niya sa atin ang mala¬laking hima¬lang iyon at pinangalagaan tayo sa buong paglalakbay natin at sa lahat ng bayang dinaanan natin. 18 Sa harap natin itinaboy ni Yawe ang lahat ng mga bayan, lalung-lalo na ang mga Amorreo na nani-nirahan sa lupain. Kaya pag¬lilingkuran din namin si Yawe sapagkat siya ang ating Diyos.”
19 Tinanong ni Josue ang bayan: “Maka¬paglilingkod ba kayo kay Yawe? Siya’y isang Diyos na banal; isang Diyos na seloso; hindi siya magpapatawad sa inyong mga paglabag o mga kasalanan. 20 Kung tatalikod kayo kay Yawe at maglilingkod sa ibang mga diyos, ta¬talikdan niya kayo, at kung paanong ginawan niya kayo ng mabuti, gayon din niya kayo ga¬gawan ng masama at lilipulin kayo.”
21 Ngunit sumagot ang bayan kay Josue: “Huwag nawang magkatotoo ang sinabi mo. Maglilingkod pa rin kami kay Yawe.” 22 Kaya sinabi ni Josue sa bayan: “Kayo na ang mga saksi laban sa inyong sarili na pinili ninyo si Yawe upang paglingkuran siya.” Sumagot sila: “Mga saksi nga kami.” 23 At sinabi ni Josue: “Kaya ngayon itapon ninyo ang mga dayuhang diyos na nasa piling ninyo at paglingkuran nang buong puso si Yawe, ang Diyos ng Israel.” 24 Sinabi ng bayan kay Josue: “Paglilingkuran namin si Yaweng aming Diyos, at susundin ang kanyang mga utos.”
25 Kaya gumawa ng isang tipan si Josue sa bayan nang araw na iyon at ibinigay niya sa kanila ang batas at mga kautusan sa Sikem. 26 Sinulat niya ang mga salitang ito sa Aklat ng Batas ng Diyos. Kumuha siya pagkatapos ng isang malaking bato at inilagay ito sa ilalim ng ensina na nasa Banal na Lugar ni Yawe. 27 At sinabi ni Josue sa bayan: “Magi¬ging saksi ang batong ito sa lahat ng sinabi ni Yawe sa atin. Narinig nito ang lahat ng sinabi ninyo, kaya ito ang magi¬ging saksi laban sa inyo sa sandaling itatuwa ninyo si Yawe.” 28 At pinaalis ni Josue ang bayan na umuwi sa kani-kanilang pamana.
29 Pagkaraan ng mga pangyayaring ito, namatay si Josue na anak ni Nun, lingkod ni Yawe, sa gulang na sandaa’t sampung taon. 30 Inilibing siya sa lupain ng kanyang pamana sa Tamnat Sare, sa kabundukan ng Efraim sa hilaga ng Bundok Gas. 31 Naglingkod ang Israel kay Yawe sa buong buhay ni Josue at ng matatanda na buhay pa pagkamatay ni Josue; sila ang nakaalam ng lahat ng ginawa ni Yawe sa Israel. 32 Inilibing naman sa Sikem ang mga buto ni Jose na dinala ng mga Israelita mula sa Ehipto sa maliit na lupang binili ni Jacob sa mga anak ni Hamor, ama ni Sikem, ng sandaang pirasong pilak. At namana ito ng mga inanak ni Jose. 33 Pagka¬matay ni Eleazar, anak ni Aaron, inilibing siya sa burol na ibinigay sa anak niyang si Pinhas sa kabundukan ng Efraim.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-41972706870392318712008-09-04T13:13:00.000-07:002008-09-04T13:16:46.917-07:00Deuteronomio1 1 Ito ang mga salitang sinabi ni Moises sa buong Israel sa Disyerto ng Araba sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan, sa tapat ng Suf, sa pagitan ng Paran, Tofel, Labam, Haserot at Dishab. 2 Mula sa Bundok Horeb hanggang Kades-Barnea, labing-isang araw nilang nilakad ang kabundukan ng Seir. 3 At ngayon, sa unang araw ng ikalabing-isang buwan sa ikapatnapung taon ng kanilang pag-alis sa Ehipto, sinabi ni Moises sa mga anak ng Israel ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yawe tungkol sa kanila.
4 Pagkalupig kay Sihong taga-Hesbon na hari ng mga Amorreo at kay Og na hari ng Basan na naghahari sa Astarot at Edrei, 5 sinimulang ipaliwanag ni Moises ang batas na ito. Nasa lupain sila ng Moab, sa kabilang ibayo ng Jordan.
Ang unang pagsasalita ni Moises: ang mga hukom
• Sinabi ni Moises: 6 “Sa Bundok Horeb, sinabi sa atin ni Yaweng Diyos natin – Mata¬gal na kayo sa bundok na ito. 7 Iwan ninyo ang lugar na ito at magpunta sa kabundukan ng mga Amorreo at sa mga karatig-bayan nito sa Ara¬ba, sa Kabundukan, sa Kapa¬ta¬gan, sa Negeb at sa Dalampasigan, sa lupain ng mga Kananeo at Lebanon, hanggang sa malaking Ilog Eufrates.
8 Tingnan ninyo, iniaalok ko sa inyo ang lupaing ito, puntahan ninyo at angkinin ang lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno, kina Abraham, Isaac at Jacob, at sa lahat nilang inapo.
9 Sinabi ko sa inyo nang panahong iyon – Hindi ko kayo kayang pasaning mag-isa. 10 Pina-rami kayo ni Yaweng Diyos ninyo, at tingnan ninyo, sindami na kayo ngayon ng mga bituin sa langit! 11 At libong ulit pa sana kayong pa¬damihin ni Yaweng Diyos ng inyong mga ninu¬no, at pagpalain gaya ng ipinangako niya.
12 Ngunit paano ko malulutas na mag-isa ang lahat ninyong problema at usapin? 13 Pumili kayo ngayon ng mga lalaking matalino, maunawain at kinikilala mula sa bawat tribu ninyo. At itatalaga ko silang pinuno ng sambayanan.
14 At sumagot naman kayo – Maganda ang ipinagagawa mo sa amin. 15 Kayat mula sa mga pinuno ng inyong mga tribu, pumili ako ng mga taong marunong at kinikilala, at itinalaga sila bilang mga pinuno ng tigsa¬sanlibo, tigsasandaan, tiglilimampu at tigsa¬sampu, at bilang mga opisyal din para sa bawat tribu. 16 At ibi¬nigay ko ang utos na ito sa mga hukom – Asikasuhin ninyo ang mga reklamo ng inyong mga kapatid, at hatu¬lan nang may katarungan ang mga usapin ng mga magkakapatid na Israelita, o ng isa sa kanila at ng dayuhan sa inyong piling.
17 Huwag kayong magpapaimpluwensya kaninuman sa inyong paghuhukom, kundi pa¬reho ninyong pakinggan ang dukha at ang ma¬yaman, ang makapangyarihan at ang ma¬hina. At huwag kayong matakot kaninu¬man sapagkat kayo’y mga kinatawan ng Diyos. At kung may usaping maging napa¬ka¬¬hirap para sa inyo, dalhin ninyo ito sa akin at ako ang haharap dito.
18 Nang panahong iyon, sinabi ko sa inyo ang lahat ng dapat ninyong gawin.
Pag-alaala sa paghihimagsik sa Kades
19 Sa wakas, pagkaalis natin sa Horeb, ni¬lakad natin ang malawak at nakakatakot na disyertong nakita ninyo patungo sa kabundu¬kan ng mga Amorreo, tulad ng iniutos sa atin ni Yaweng Diyos natin. At pagdating natin sa Kades-Barnea, 20 sinabi ko sa inyo –
Dumating kayo ngayon sa kabundukan ng mga Amorreo na ibinibigay sa atin ni Yaweng Diyos natin. 21 Tingnan mo, Israel, ang lupaing ibinibigay sa iyo ni Yawe. Uma¬hon ka at ang¬kinin ito, gaya ng sinabi sa iyo ni Yaweng Diyos ng iyong mga ninuno. Huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.
22 At lumapit kayong lahat sa akin, at inyong sinabi – Magpadala tayo ng ilang lalaki na uuna sa atin para saliksikin ang lupain, at sabihin sa atin ang daan papunta sa mga siyudad na pu-puntahan natin.
23 Maganda ang mungkahing iyon, kaya pumili ako ng labindalawang lalaki mula sa inyo, isa para sa bawat tribu. 24 Umalis sila at umahon sa kabundukan hanggang maka¬rating sila sa Lambak ng mga Ubasan, at sinaliksik ito. 25 Pagdating nila roon, kumuha sila ng mga bunga ng lupa, dinala nila ang mga ito pabalik at isinalaysay sa atin ang kanilang nakita. Sinabi nila – Maganda ang lupaing ibinibigay sa atin ni Yaweng Diyos natin.
26 Ngunit ayaw ninyong umahon, kundi nag¬rebelde laban sa utos ni Yaweng Diyos ninyo. 27 At nagsimula kayong bumulung-bulong sa inyong mga tolda – Ayaw na sa atin ni Yawe. Inilabas niya tayo sa Ehipto para lamang ibigay sa kamay ng mga Amorreo na lilipol sa ating lahat. 28 Saan tayo pupunta? Tinakot tayo ng ating mga kapatid sa kani¬lang ibinalita sa atin na: Mas malalakas at mas malalaki kaysa atin ang mga tao roon. Malalawak ang siyudad at abot hanggang langit ang mga pader. At nakakita pa kami roon ng mga higante.
29 At sinabi ko sa inyo – Huwag kayong masindak ni matakot sa kanila. 30 Si Yaweng Diyos ninyo na nangunguna sa inyo ang siya ring lalaban para sa inyo tulad ng ginawa niya para sa inyo sa Ehipto. 31 Nakita rin ninyo ang kanyang ginawa sa disyerto, pinasan niya kayo habang daan tulad ng pagpasan ng ama sa kanyang anak hanggang makarating tayo sa lugar na ito.
32 Ngunit hindi pa rin ninyo pinaniwalaan si Yaweng Diyos ninyo. 33 Siya ang nanguna sa inyo sa inyong paglalakbay sa paghanap ng lugar na mapagkakampuhan. Itinuro niya sa inyo ang daan sa pamamagitan ng apoy kung gabi at ng ulap kung araw.
34 At nang marinig ni Yawe ang ingay ng inyong mga reklamo, nagalit siya at kanyang isinumpa – 35 Wala isa man sa masamang la¬hing ito ang makakakita sa magandang lupaing ipinangako kong ibibigay sa inyong mga ninuno 36 maliban kay Kaleb na anak ni Yefone. Makikita niya ito, at ibibigay ko sa kanya at sa kanyang mga anak ang lupang kanyang nilakad, sapagkat matapat siyang sumunod kay Yawe.
37 Nagalit din sa akin si Yawe gawa ninyo, kaya sinabi niya sa akin – At pati ikaw, hindi ka rin makapapasok doon, 38 kundi ang iyong ayudanteng si Josue na anak ni Nun ang siyang makapapasok. Palakasin mo ang kanyang loob sapagkat siya ang magbibigay sa Israel ng pamana nito. 39 Ang inyong mga anak na wala pang muwang ngayon sa mabuti at sa masama ang makapapasok doon. Sa kanila ko ibibigay ang lupain at magiging kanila ito. 40 Ngunit para sa inyo, bumalik kayo sa disyerto papunta sa Dagat ng Mga Tambo.
41 At sumagot kayo sa akin – Nagkasala kami kay Yawe. Aahon na kami ngayon at lalaban gaya ng iniutos sa atin ni Yaweng Diyos natin. Kaya kinuha ng bawat isa ang kanyang mga sandata, sa pag-aakalang madali ang umahon sa kabundukan. 42 Suba¬lit sinabi sa akin ni Yawe – Sabihin mo sa kanilang huwag umalis para lumaban sapag¬kat wala ako sa kanila, kung hindi’y matatalo sila ng kanilang mga kaaway.
43 Sinabi ko ito sa inyo ngunit hindi kayo na¬ki¬nig. Sinuway ninyo ang utos ni Yawe at uma¬hon pa rin sa kabundukan sa inyong kaya¬¬bangan. 44 At hinarap kayo’t pinag¬tataga ng mga Amorreong nakatira sa kabun¬dukang iyon, para silang mga putak¬teng humabol sa inyo mula Seir hanggang Horma. 45 At lumuluha kayong nagbalik sa harap ni Yawe, ngunit hindi niya kayo dininig o pinakinggan man ang in¬yong tinig. 46 Kaya matagal na panahon ka¬yong tumigil sa Kades, at alam ninyo kung gaano iyon.
Ang daan sa disyerto
2 1 At bumalik tayo at naglakad patungo sa disyerto sa daang papunta sa Dagat ng Mga Tambo, gaya ng iniutos sa akin ni Yawe. At matagal nating nilibot ang kabundukan ng Seir.
2 At sinabi sa akin ni Yawe – 3 Matagal na kayong naglilibot sa kabundukang ito, lumiko kayo ngayon sa hilaga. 4 Iutos mo ito sa samba¬yanan: Dadaan kayo sa lupain ng inyong mga kamag-anak, ang mga taga-Seir na mga anak ni Esau. Katatakutan nila kayo, ngunit pakaingatan ninyong 5 huwag silang lusubin sapagkat hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain ni kapirasong lupa na inyong tinutuntu¬ngan. Kay Esau ko ibinigay ang kabundukan ng Seir bilang kanyang pag-aari. 6 Babayaran nin¬yo sila ng pilak para sa inyong pagkain at inumin, 7 sapag¬kat pinagpala ka ni Yawe sa lahat mong gawa, at kasama mo siya sa iyong paglalakbay sa ma¬lawak na disyertong ito. Apatnapung taon mo nang kasama si Yawe, at kailanma’y di ka nagkulang ng anuman.
8 Kaya dumaan tayo sa lupain ng ating mga kamag-anak na mga taga-Seir na mga anak ni Esau. Iniwan natin ang daan ng Araba papuntang Elat at Asion-Gaber, at lumiko tayo sa daang papunta sa disyerto ng Moab.
9 At sinabi sa akin ni Yawe – Huwag mong lusubin ang Moab o ibuyong lumaban, sapag¬¬kat hindi ko ibibigay sa iyo ang alin¬man sa lupain nito. Ibinigay ko na ang Ar sa mga anak ni Lot bilang kanilang pag-aari.
10 (Noong una’y mga Emim ang nakatira roon – isang bayang malaki, marami at sintangkad ng mga Anakim. 11 Itinuturing din silang mga higante tulad ng mga Anakim, pero tina¬wag silang Emim ng mga Moabita. 12 Dati ring nakatira sa Seir ang mga Horeo, ngunit pina¬layas sila at pinatay ng mga anak ni Esau. At sila ang tumira sa kanilang lugar tulad ng ginawa ng Israel sa lupaing kanilang pag-aari na bigay sa kanila ni Yawe.)
13 At ngayon, tumawid kayo sa ilog ng Zared.
Nagpunta nga tayo sa ilog ng Zared. 14 Tat¬lum¬pu’t walong taon na tayong naglalakad mula Kades-Barnea hanggang sa pagtawid natin sa ilog, hanggang pumanaw na ang buong hene-rasyon ng mga mandirigma, tulad ng sinabi ni Yawe. 15 Laban sa kanila maging ang kamay ni Yawe, hinayaan silang mamatay sa kampo hang¬gang sila ay maubos.
16 Sa wakas, pagkamatay ng lahat ng mandirigma, 17 nakipag-usap sa akin si Yawe at kanyang sinabi – 18 Papasok ka ngayon sa mga hangganan ng Moab na katapat ng siyu¬dad ng Ar, 19 at makakaharap mo ang mga Amonita. Huwag mo silang lusubin ni hamunin sapagkat hindi ko ibibigay sa iyo ang anumang lupain ng mga Amonita. Ibinigay ko na iyon sa mga anak ni Lot bilang pag-aari.
20 (Itinuturing din iyong lupain ng mga higante na dating nakatira roon. Zommim ang tawag sa kanila ng mga Amonita. 21 Sila’y isang bayang malakas at marami, matatangkad at malalaking tulad ng mga Anakim. Subalit nili¬pol sila ni Yawe sa pamamagitan ng kamay ng mga Amonita na nagtaboy sa kanila at umang¬kin sa kanilang lupain, 22 tulad ng kanyang gi¬nawa sa mga anak ni Esau na nasa Seir; nilipol nila ang mga Horeo at inangkin ang kanilang lupain hanggang ngayon. 23 Gayon din ang ginawa niya sa mga Heveo na nakatira sa mga kampo hanggang Gaza; pinalayas sila ng mga Caftoreong pumataya sa kanila at sumakop sa kanilang lugar.)
24 Tumawid kayo sa Ilog Arnon. Tingnan ninyo, ibinibigay ko sa inyong mga kamay si Sihon, ang Amorreong hari ng Hesbon, sampu ng buo niyang lupain. Simulan mo ngayon din na angkinin ang kanyang lupain at makipaglaban sa kanya. 25 At sisimulan ko namang papag¬hariin sa lahat ng bayan sa silong ng langit ang takot at sindak sa iyo. Marinig lamang nila ang pangalan mo’y manginginig silang parang ba¬baeng na¬nganganak at masisiraan ng loob sa harap mo.
Ang tagumpay laban kina Sihon at Og
at pagsakop sa kanilang lupain
26 Mula sa disyerto ng Kedemot, nagpa¬dala ako ng mga sugo kay Sihong hari ng Hesbon, taglay ang pahatid na ito ng kapayapaan – 27 Padaanin mo ako sa iyong lupain, at sa daan lamang ako mananatili, hindi ako liliko sa kanan o sa kaliwa man. 28 Pagbilhan mo kami ng pagkain na baba¬yaran namin ng salapi upang makakain kami, at ng tubig upang makainom kami. Padaanin mo lamang kami 29 tulad ng ginawa sa amin ng mga anak ni Esau na nasa Seir at ng mga Moabitang nasa Ar, hanggang makarating kami sa Jordan at maka¬pasok sa lupaing ibinibigay sa amin ni Yaweng Diyos namin.
30 Subalit hindi tayo pinadaan ni Sihong hari ng Hesbon, sapagkat pinagmatigas siya ni Yaweng Diyos ninyo upang ibigay siya sa ating mga kamay, tulad ng ginawa niya ngayon.
31 At sinabi sa akin ni Yawe: ‘Tingnan mo, mula ngayo’y ibinibigay ko na sa iyo si Sihon at ang kanyang lupain’. Simulan mo nang saku¬pin ang kanyang lupain. 32 Kaya luma¬bas si Sihon kasama ang lahat niyang tauhan para harapin tayo at labanan sa Hasa. 33 At ibinigay siya sa atin ni Yaweng Diyos natin, at nalupig natin siya pati ang kanyang mga anak at lahat niyang tauhan. 34 Nang pana¬hong iyon, nabihag natin ang lahat nilang siyudad at pinuksa ang mga ito para sa Diyos, pinatay ang lahat ng tagaroon, mga lalaki, mga babae at mga bata. Wala tayong itinirang buhay isa man, 35 liban sa mga hayop na kinuha natin, gaya ng mga nasamsam natin mula sa lunsod na ating sinakop.
36 Mula sa siyudad ng Aroer na nasa tabi ng Ilog Arnon hanggang Galaad, walang nayon o siyudad na hindi natin nabihag: ang lahat ay ibinigay sa atin ni Yaweng Diyos natin 37 liban sa lupain ng mga Amonita na hindi natin ginalaw, ang mga pampang ng Ilog Yabok at ang mga siyudad sa kaburulan – ang lahat ng lugar na ipinagbawal sa atin ni Yaweng Diyos natin.

3 1 Sa pagbabalik natin, dumaan tayo sa landas papuntang Basan. Lumabas si Og na hari ng Basan, kasama ang lahat niyang tauhan para labanan tayo sa Edrei. 2 At sinabi sa akin ni Yawe – Huwag kang matakot sa kan¬ya sapag¬kat ibinibigay ko siya sa iyong mga kamay pati ang buo niyang bayan at ang kanyang lupain. Gawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihong Amorreo na haring taga-Hesbon. – 3 At ibinigay nga sa ating mga kamay ni Yaweng Diyos natin si Og na hari ng Basan at ang buo niyang bayan. At tinaga natin silang lahat, at walang iniwang buhay isa man.
4 Sinakop natin noon ang lahat nilang siyu¬¬dad, wala isa man sa animnapung siyu¬dad ang hindi natin naagaw sa kanila: ang buong rehi¬yon ng Argob na kaharian ni Og sa Basan. 5 Ang lahat ng ito’y mga siyu¬dad na napapaderan nang mataas, may mga pinto at trangka, bukod sa napaka¬raming nayong walang pader.
6 Pinuksa natin ang mga ito para kay Yawe, pinatay ang lahat ng tao, tulad ng ginawa natin kay Sihong hari ng Hesbon: pinuksa natin para kay Yawe ang lahat ng siyudad, ang mga lalaki, mga babae at mga bata. 7 Mga hayop lamang at mga nasamsam sa mga siyudad ang tanging itinira natin para sa ating sarili. 8 Inagaw natin nang panahong iyon ang lupain sa dalawang haring Amorreo, ang lupain sa kabilang ibayo ng Jordan mula sa Ilog Arnon hanggang Bundok Hermon 9 (Siryon ang tawag ng mga taga-Sidon sa Hermon, at Senir naman ang tawag dito ng mga Amorreo). 10 At nabihag natin ang lahat ng siyudad sa talampas at ang buong lupain ng Galaad at Basan hanggang Selka at Edrei, mga siyudad sa Basan na kaharian ni Og.
11 (Si Og na hari ng Basan ang kahuli-hulihang nalalabi sa lahi ng mga higante. Makikita sa Rabba na siyudad ng mga Amonita ang kanyang kamang bakal na apat at kalahating metro ang haba, at dalawang metro naman ang lapad.)
12 At napasaatin ang lupaing iyon. Ibi¬nigay ko sa mga tribu ng Ruben at Gad ang kalahati sa kabundukan ng Galaad pati ang mga siyudad nito, mula sa Aroer sa tabi ng Ilog Arnon. 13 At ibinigay ko naman sa kala¬hati ng tribu ng Ma¬nases ang nalalabi sa Galaad at ang buong Ba¬san na kaharian ni Og, kasama ang buong re¬hiyon ng Argob. Noo’y tinatawag na lupa ng mga higante ang buong lupain ng Basan.
14 Kinuha ni Yair na anak ni Manases ang buong rehiyon ng Argob hanggang sa mga hangganan ng Gesuri at Maacati. Tinawag niya sa kanyang pangalan ang mga siyudad na ito na hanggang ngayo’y tinatawag na mga nayon ng Yair.
15 Ibinigay ko ang bahagi ng Galaad kay Makir. 16 At para naman sa mga tribu ng Ruben at Gad, ibinigay ko ang lupain mula sa Galaad palusong hanggang Ilog Arnon (nasa kala¬gitnaanan ng ilog ang hangganan) at hanggang Ilog Yabok na kahanggan ng lupain ng mga anak ni Amon. 17 Kahanggan nito sa kanluran ang Araba, at sa silangan nama’y ang Jordan mula sa Keneret hang¬gang sa dagat sa disyerto na tinatawag na Dagat Asin, sa paanan ng Bun¬dok Pisga.
18-19 Pagkatapos, iniutos ko noon sa inyo – Ibinigay sa inyo ni Yaweng ating Diyos ang lupaing ito para angkinin. Ngunit ang inyong mga asawa, mga anak at mga alagang hayop (alam kong napakarami ng inyong mga hayop), sila lamang ang maiiwan sa mga siyudad na ibinigay ko sa inyo. At lahat naman ng mala¬lakas na lalaki ang mangu¬ngunang nasasandatahan sa kani¬lang mga kapatid na Israelita 20 hang¬gang bigyan sila ni Yawe ng lugar na ka¬nilang mapag¬pa-pahingahan tulad ng pagbi¬bigay niya sa inyo. At aangkinin din nila ang lupaing nasa kabilang ibayo ng Jordan na ibi¬bigay sa inyo ni Yaweng Diyos ninyo. At pag¬katapos, makababalik na ang bawat isa sa inyo sa sarili niyang pamanang bigay ko sa inyo.
21 Iniutos ko rin noon kay Josue – Nakita ng iyong mga mata ang lahat ng ginawa ni Yaweng iyong Diyos sa dalawang haring iyon, at gayon din ang gagawin niya sa lahat ng kahariang pupuntahan mo. 22 Huwag kang matakot sa kanila sapagkat si Yaweng iyong Diyos mismo ang siyang lalaban para sa iyo.
23 Pagkatapos, hiniling ko kay Yawe – 24 Yaweng aking Panginoon, sinimulan mo nang ipakita sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at ang lakas ng iyong kamay. Sapagkat sinong diyos sa langit o sa lupa ang makagagawa tulad ng ginawa mong kabayaniha’t kagitingan? 25 Patawarin mo na ako para makita ko ang ma¬gandang lupain sa kabilang ibayo ng Jordan, ang magan¬dang kabundukang iyon pati ang Lebanon.
26 Subalit gawa ninyo kaya nagalit sa akin si Yawe at hindi ako pinakinggan. At sinabi ni Yawe sa akin – Tama na, huwag mo na akong kausapin pa tungkol dito. 27 Sa halip, uma¬hon ka sa tuktok ng Bundok Pisga at mula roo’y tumingin ka sa kanluran hanggang sa hilaga, sa timog at sa silangan. Makikita mo ang lupain, subalit hindi ka makatatawid sa Jordan. 28 Utu¬san mo si Josue, palakasin ang kanyang loob at patatagin, sapagkat siya ang mangunguna sa sambayanang ito sa pagtawid at siyang mamamahagi sa kanila ng lupaing makikita mo.
29 Kaya nanatili tayo sa lambak na katapat ng Bet-Peor.
Isabuhay ang batas
4 • 1 At ngayon, Israel, dinggin mo ang mga tuntunin at mga batas na itinu¬turo ko sa iyo, upang maisabuhay mo ang mga ito. At mabubuhay ka at makapa¬pasok at maaangkin ang lupaing ibini¬bi¬gay sa iyo ni Yaweng Diyos ng iyong mga ninuno.
2 Huwag mong dagdagan ni bawa¬san ang iniuutos ko sa iyo. Ngunit tuparin mo ang mga utos ni Yaweng iyong Diyos na iniuutos ko sa iyo. 3 Nakita ng iyong mga mata ang ginawa ni Yawe kay Baal-Peor at sa tanang naglingkod sa kanya: pinuk¬sa sila ni Yaweng iyong Diyos. 4 Subalit kayong naging mata¬pat kay Yaweng in¬yong Diyos ay buhay pa ring lahat nga¬yon.
5 Tingnan ninyo, ayon sa iniutos sa akin ni Yaweng aking Diyos, itinuturo ko sa inyo ang mga tuntunin at mga batas upang maisabuhay ninyo ang mga ito sa lupaing pupuntahan ninyo para angkinin. 6 Tuparin ninyo at isabuhay ang mga ito, sapagkat ito ang inyong dunong at talino sa harap ng mga bansa. Kapag narinig nila ang lahat ng tuntunin na ito, sasabihin nilang – Walang bayang sintalino at sin¬dunong ng dakilang bansang ito. 7 Sapag¬kat anong bansa ang napaka-dakila at may mga diyos na napaka¬lapit sa kanila tulad sa atin ni Yaweng ating Diyos sa tuwing tatawag tayo sa kanya? 8 At anong bansa ang napaka¬dakila at may maka¬tarungang mga tun¬tunin at mga batas tulad ng Batas na ito na ibinibigay ko sa iyo ngayon?
9 Subalit mag-ingat ka at ingatan ang iyong sarili, huwag mong kali¬limutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata ni iwawaglit ang mga ito sa iyong puso sa lahat ng araw ng iyong buhay. Ngunit ituro mo ang mga ito sa iyong mga anak at mga apo.

• 10 Nakatayo kayo sa harap ni Yawe sa Bundok Horeb nang sabihin niya sa aking – Tipunin mo sa harap ko ang sam¬bayanan nang marinig nila ang aking mga salita. Sa gayo’y matututo silang magkaroong-pitagan sa akin ha¬bang sila’y nabubuhay sa lupaing iyon at ituturo nila ang mga salitang ito sa kanilang mga anak.
11 Pagkatapos, lumapit pa kayo at tu¬mayo sa paanan ng bundok. Naglala¬gab¬lab ito at abot hanggang langit ang apoy sa gitna ng makapal na ulop at madilim na ulap. 12 At kinausap kayo ni Yawe mula sa apoy. Narinig ninyo ang ugong ng mga salita, ngunit wa¬lang nakitang anumang anyo, boses lamang ang narinig ninyo. 13 Ipinaalam niya sa inyo ang kanyang Pakikipagtipan kung saan niya iniutos sa inyo na tuparin ang kanyang sampung utos na isinulat niya sa dalawang tapyas na bato. 14 At inutusan naman niya ako na ituro sa inyo ang mga tuntunin at mga batas upang maisabuhay ninyo ang mga ito sa lupaing magiging inyo.
15 Pakaisipin ninyong mabuti ang in¬yong gagawin. Wala kayong naki¬tang anumang anyo nang kausapin kayo ni Yawe nang araw na iyon mula sa apoy sa Bundok Horeb. 16 Kaya huwag ka-yong magpapaka¬bulok, huwag ka¬yong gagawa ng diyus-diyusan o rebultong korteng la¬laki o babae, 17 o kaanyo ng anu¬mang ha¬yop sa lupa, o ng anu¬mang uri ng ibong lumilipad sa langit, 18 o ng anumang gu¬magapang sa lupa, o ng anumang uri ng isda sa tubig sa ilalim ng lupa. 19 Sa pag¬tingala mo sa langit, at makita ang araw, ang buwan, ang mga bituin, at lahat ng hukbo ng langit, huwag kang paeeng¬ganyong yukuan ang mga ito para sam¬bahin at pagling¬kuran bilang mga diyos. Sapagkat ini¬wan ni Yaweng iyong Diyos ang mga iyon para sa lahat ng bansa sa silong ng langit, 20 subalit pinili niya kayo at inilabas mula sa Ehipto kung saan kayo sinubok sa apoy, upang ma¬ging sari¬ling sambayanan niya tulad ninyo ngayon.
21 Gawa ninyo kaya nagalit sa akin si Yawe at isinumpa niya na hindi ako ma¬katatawid sa Jordan at hindi maka¬pa¬pasok sa magandang lupaing ibini¬bigay bilang pamana sa inyo ni Yaweng Diyos ninyo. 22 Sa lupaing ito ako mama¬matay at hindi makatatawid sa Jordan. Subalit kayo ang makatatawid at magmamay-ari sa magandang lupaing iyon. 23 Kaya pakai¬ngatan mong huwag limu¬tin ang Paki¬kipag¬tipan sa iyo ni Yaweng iyong Diyos, at huwag kang gumawa ng anumang uri ng diyus-diyusan, tulad ng iniutos sa iyo ni Yaweng iyong Diyos. 24 Sapagkat si Ya¬weng iyong Diyos ay apoy na tumutupok, isang Diyos na seloso.
• 25 Kapag nagkaanak ka na at nag¬kaapo, at tumanda ka na sa lupain, hu¬wag kayong magpapakabulok sa pag¬ka¬karoon ng mga diyus-diyusan at pag¬gawa ng masama sa paningin ni Yaweng iyong Diyos. Kapag ginalit nin¬yo siya, 26 ganap kayong maglalaho sa lupaing aangkinin ninyo pagkatawid ninyo sa Jor¬dan. Saksi ang langit at lupa sa aking babala – hindi kayo magtatagal doon kundi tiyak na malilipol.
27 Pangangalatin kayo ni Yawe sa mga bayan, at iilan lamang ang mati¬tira sa inyo sa mga bansang pag¬da¬dalhan sa inyo ni Yawe. 28 Doo’y papag¬li¬lingkurin kayo sa kanilang mga diyos, na gawang kamay ng tao, at yari sa bato at kahoy, na hindi nakakikita o nakariri¬nig, ni kuma¬kain o nakaaamoy. 29 Ngunit hahanapin mo roon si Yaweng iyong Diyos, at mata¬tagpuan mo siya kung hahanapin mo siya nang buo mong puso at nang buo mong kalu¬luwa 30 sa gitna ng iyong pighati. Kapag nangyari ito sa mga huling araw, baba¬lik ka kay Yaweng iyong Diyos, at makikinig ka sa kanyang tinig. 31 Sa¬pag¬¬¬kat si Yaweng iyong Diyos ay Diyos na maawain, hindi ka niya pababayaan o pupuksain, o lili¬mutin kaya ang Paki¬ki¬pagtipang sinum¬¬paan niya sa iyong mga ninuno.
Pinili ka ng Diyos
• 32 Magtanong ka tungkol sa mga pa¬nahong nagdaan mula sa pinaka¬unang araw nang likhain ng Diyos ang tao sa lupa. Magtanong ka mula sa mag¬¬kabilang dulo ng daigdig – Nagkaroon na ba ng pambihirang bagay tulad nito? May narinig na bang tulad nito noong una? 33 May bayan na bang nanatiling buhay matapos marinig ang tinig ng Diyos na buhay, tulad mo matapos mo siyang marinig na nagsa¬salita mula sa gitna ng apoy?
34 Kailan ma’y walang diyos na nagtangkang dumating para ikuha ang kan¬yang sarili ng isang sambayanan mula sa piling ng isa pang bayan sa pamama¬gitan ng mga pagsubok at mga tanda, ng mga kababalaghan at digmaan, nang may malakas na kamay at nakaunat na bisig, nang may kakila-kilabot na bagay tulad ng lahat ng ginawa ni Yawe para sa inyo sa Ehipto na nakita ng inyong mga mata.
35 Ipinakita sa iyo ang lahat ng ito upang malaman mong Diyos si Yawe, at wala nang iba liban sa kanya. 36 Ipinarinig niya sa iyo ang kanyang tinig mula sa langit, upang supilin ka. At ipi-nakita niya sa iyo sa lupa ang kanyang malaking apoy, at narinig mo nga ang kanyang mga salita mula sa apoy. 37 Dahil mahal niya ang iyong mga ni¬nuno, pinili niya ang kanilang inapong sumunod sa kanila, at siya mismo sa kanyang malakas na kapangyarihan ang naglabas sa iyo sa Ehipto. 38 Pina¬layas niya sa harap mo ang mga bansang mas malaki at mas malakas kaysa iyo, at pinapasok ka niya sa kani¬lang lupaing ibinigay niya ngayon sa iyo bilang pamana.
39 Kaya itanim mo sa iyong puso na si Yawe lamang ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba, at wala nang iba.
40 Tuparin mo ang mga tuntunin at mga utos na iniuutos ko sa iyo ngayon, at mapapabuti ka at ang iyong mga anak na susunod sa iyo. At mabu¬buhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo magpakailanman ni Yaweng iyong Diyos.”
Pangalawang “pagsasalita ni Moises”
• 41 Ibinukod ni Moises ang tatlong siyudad sa kabilang ibayo ng Jordan sa gawing sila¬ngan 42 kung saan makapupunta para kup¬kupin ang sinumang di-sinasadyang naka¬patay ng kanyang kapwa na kailan ma’y di naman niya na¬kagalit. Makapupunta siya sa alinman sa mga siyudad na ito at maililigtas niya ang kanyang sarili.
43 Ito ang mga siyudad: ang Basar sa talampas ng disyerto para sa tribu ng Ruben, ang Ramot ng Galaad para sa tribu ng Gad, at ang Golan sa Basan para sa tribu ng Manases.
44 Ito ang Batas na itinadhana ni Moises sa mga anak ng Israel. 45 Ito ang mga dekla¬rasyon, mga tuntunin at mga batas na sinabi ni Moises sa mga anak ng Israel pagkalabas nila sa Ehipto, 46 sa kabilang ibayo ng Jordan sa kapa¬tagang katapat ng Bet-Peor sa lupain ni Sihong taga-Hesbon na hari ng mga Amorreo na nalupig ni Moises at ng mga anak ng Israel paglabas nila mula sa Ehipto. 47 At inangkin nila ang kanyang lupain pati ang lupain ni Og na hari ng Basan, ang dalawang haring Amorreo sa sila¬ngan ng Jordan, 48 mula sa Aroer sa hangganan ng Ilog Arnon hanggang sa Bundok Siryon na tinatawag ding Hermon – 49 ang buong kapa¬tagan mula sa silangan ng Jordan hanggang Dagat na Patay sa paanan ng Bundok Pisga.
Isa pang paglalahad ng Sampung Utos
5 1 Tinipon ni Moises ang buong Israel at sinabi sa kanila: “Pakinggan mo, Israel, ang mga tuntunin at mga batas na itinuturo ko sa iyo sa araw na ito upang matutuhan mo at maisabuhay ang mga ito. 2 Si Yaweng Diyos natin ay nakipagtipan sa atin sa Horeb, 3 hindi lamang sa ating mga ninuno nakipag¬tipan si Yawe kundi pati sa atin, sa ating lahat na nari¬ritong buhay ngayon. 4 Kinausap kayo nang harap-harapan ni Yawe mula sa apoy sa bundok. 5 At tumayo naman ako roon sa pagitan ninyo at ni Yawe upang ipaabot sa inyo ang salita ni Yawe, sapagkat hindi kayo makaahon sa bundok dahil sa takot sa mala¬king apoy. Ito ang sabi niya –
6 Ako si Yaweng iyong Diyos na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 7 Huwag kang magka¬karoon ng ibang diyos sa harap ko.
8 Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng diyus-diyusan o anumang imaheng nililok na kaanyo ng anumang nasa kalangitan sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa mga tubig sa ilalim ng lupa. 9 Huwag kang yuyuko o sasamba sa ka¬nila, sapagkat akong si Yaweng Diyos mo ay selosong Diyos. Pinarurusahan ko ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikapat na heneras¬yon dahil sa kasamaan ng kanilang mga magulang na namu¬muhi sa akin. 10 Subalit nagpapa¬kita ako ng walang maliw na pagmamahal sa libo mang henerasyon sa mga nagmamahal sa akin at sumusunod sa aking mga utos.
11 Huwag mong gamitin sa mali ang panga¬lan ni Yaweng iyong Diyos sapagkat hindi pinababayaan ni Yawe na di napaparusahan ang gumagamit sa kanyang pangalan nang walang katuturan.
12 Ipangilin mo ang Araw ng Pahinga at pabanalin ito, tulad ng iniutos sa iyo ni Yaweng iyong Diyos. 13 Anim na araw kang magta¬trabaho para gawin ang lahat mong gawain, 14 ngunit araw ng pahinga kay Yaweng iyong Diyos ang ikapitong araw. Huwag kang gagawa ng anumang trabaho – ikaw man o ang iyong anak na lalaki o babae ni ang iyong mga alipin, o ang iyong baka o asno o alinman sa mga hayop mo, ni ang dayuhang nasa loob ng iyong bakuran. Mag¬pa-pahingang tulad mo ang iyong mga alipin. 15 Alalahanin mong dati kang alipin sa lupain ng Ehipto at mula roo’y inilabas ni Yaweng iyong Diyos nang may malakas na kamay at nakaunat na bisig. Kaya iniutos sa iyo ni Yawe na ipangilin mo ang araw ng Pahinga.
16 Igalang mo ang iyong ama at ina, tulad ng iniutos sa iyo ni Yaweng iyong Diyos upang humaba ang iyong buhay at mapabuti ka sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos.
17 Huwag kang papatay.
18 Huwag kang makikiapid.
19 Huwag kang magnanakaw.
20 Huwag kang sasaksi nang mali laban sa iyong kapwa.
21 Huwag mong pagnasahan ang may¬bahay ng iyong kapwa. Huwag mong pag-imbutan ang bahay ng iyong kapwa, o ang kanyang bukirin o mga alipin niyang lalaki o babae, o ang baka niya o asno o anumang kanya.
22 Ito ang mga salitang sinabi ni Yawe sa buong pagtitipong nasa bundok nang may ma¬lakas na tinig mula sa gitna ng apoy at madilim na ulap at makapal na ulop. Ito lamang ang kanyang sinabi, at isinulat niya ang mga ito sa dalawang tapyas na bato na ibinigay niya sa akin. 23 Narinig ninyo ang tinig na iyon sa gitna ng dilim, habang naglalagablab ang bundok. At lumapit sa akin ang lahat ng pinuno ng inyong mga tribu kasama ang mga matatanda ninyo, 24 at kanilang sinabi – Masdan, ipinamalas sa atin ni Yaweng ating Diyos ang kanyang luwalhati at kadakilaan, at narinig natin ang kanyang boses mula sa gitna ng apoy. Alam namin na ang pakikipag-usap ng Diyos sa tao ang siyang nagbibigay-buhay sa tao. 25 Ngunit ngayo’y mamamatay kaming nilalamon ng malaking apoy na ito kung patuloy naming maririnig ang boses ni Yaweng Diyos natin. 26 Sino ang maka¬pananatiling buhay mata¬pos marinig ang boses ng Diyos na buhay na nagsasalita buhat sa apoy, tulad ng ginawa niya ngayon sa atin? 27 Mabuti pang ikaw ang lumapit para paking¬gan ang lahat ng sasa¬bihin sa iyo ni Yaweng ating Diyos. At sabihin mo na lamang sa amin ang sasabihin sa iyo ni Yaweng Diyos natin. Makikinig kami at susunod.
28 Narinig ni Yawe ang inyong mga salita at sinabi niya sa akin – Narinig ko ang sinabi sa iyo ng sambayanang ito; maganda ang kanilang sinabi. 29 Maging ganito nawang lagi ang kani¬lang kalooban, magkaroon nawa sila ng pita¬gan sa akin at tuparin ang lahat kong utos upang mapabuti sila at ang kani¬lang mga anak magpakailanman. 30 Tumin¬dig ka at sabihin sa kanilang bumalik sa kani¬lang mga tolda.
31 Ngunit maiwan ka rito sa akin at ituturo ko sa iyo ang lahat ng utos, tuntunin at batas na ituturo mo sa kanila upang maisabuhay nila ang mga ito sa lupaing ibibigay ko sa kanila para angkinin.
32 Pakaingatan ninyong isakatuparan ang mga iniutos sa inyo ni Yaweng Diyos ninyo. Huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa. 33 Lumakad kayo sa lahat ng daang iniutos sa inyo ni Yaweng Diyos ninyo, at mabubuhay kayo, mapapabuti at lalawig ang inyong mga araw sa lupaing sasakupin ninyo.
Makinig ka, Israel: si Yawe ang kaisa-isahan
6 • 1 Ito ang mga utos, mga tuntunin at mga batas na iniutos sa akin ni Yawe na ituro sa inyo upang matupad ninyo ang mga ito sa lupaing magiging inyo. 2 Sa lahat ng araw ng iyong buhay, magkaroon ka ng pitagan kay Yaweng Diyos mo, at tuparin ang lahat niyang tuntunin at utos na itinu¬turo ko sa iyo ngayon at sa iyong mga anak at mga inapo, upang humaba ang buhay mo.
3 Kaya makinig ka, Israel, tuparin mo ang mga ito. Kapag isinabuhay mo ang mga ito, mapapabuti ka at dadami sa lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, tulad ng ipinangako sa iyo ni Yaweng Diyos ng iyong mga ninuno.
4 Makinig ka, Israel! Si Yaweng Diyos natin ay Isang-Yawe. 5 Mahalin mo si Yaweng iyong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas. 6 Isapuso mo ang mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo nga¬yon. 7 Ulit-ulitin mo ang mga ito sa iyong mga anak. Pag-usapan ang mga ito sa pag-upo mo sa iyong tahanan at sa paglakad mo sa daan, sa iyong pag¬higa at sa iyong pagbangon. 8 Itatak mo ang mga ito sa iyong kamay bilang tanda, at maging paalalang lagi sa pagitan ng iyong mga mata. 9 Iukit mo ang mga ito sa mga haligi ng pinto ng iyong bahay at sa mga pin¬tuan ng iyong siyudad.
10 Huwag mong kalilimutan si Yawe kapag dinala ka na niya sa lupaing ipi¬na¬ngako niya sa iyong mga ninu¬nong sina Abraham, Isaac at Jacob. Sapagkat bi¬bigyan ka niya ng malaki at magandang mga siyudad na hindi mo itinayo, 11 ng mga bahay na punung-puno ng lahat ng mabu¬buting bagay na hindi mo naman pinuno, ng mga balon na hindi mo hinukay, ng mga ubasan at mga ta¬niman ng olibo na hindi mo naman ti¬namnan. Kapag nakakain ka na at na¬busog, 12 huwag mong kalilimutan si Yawe na naglabas sa iyo mula sa Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 13 Magkaroon ka ng pitagan kay Yaweng iyong Diyos, paglingkuran siya at gamitin ang kan¬yang Pangalan sa iyong panu¬numpa.
14 Huwag ninyong sundan ang ibang mga diyos, mga diyos ng mga bansang nakapalibot sa iyo, 15 sapagkat si Ya¬weng iyong Diyos na kapiling mo ay Diyos na seloso, baka mag-apoy ang kanyang galit sa iyo at maglaho ka sa balat ng lupa. 16 Huwag mong subukin si Yaweng Diyos ninyo, tulad ng ginawa ninyo sa Massa.
17 Isakatuparan mo ang utos ni Ya¬weng Diyos ninyo, at ang kanyang mga kautusan at mga deklarasyong ipinag-utos niya sa iyo. 18 Gawin ang tama at mabuti sa mata ni Yawe upang mapa¬buti ka, makapasok at maangkin ang ma¬gandang lupaing ipi¬nangako ni Yawe sa iyong mga ninuno, 19 matapos niyang palayasin sa harap mo ang lahat mong kaaway, gaya ng sabi ni Yawe.
• 20 At kung tanungin ka ng iyong anak balang araw – Ano po ba ang mga dekla¬rasyon, mga tuntunin at mga batas na ito na ipinag-utos sa inyo ni Yaweng Diyos natin? 21 Sasabihin mo sa iyong anak – Dati tayong mga alipin ni Paraon sa Ehipto, subalit inila¬bas tayo ni Yawe mula sa Ehipto nang may malakas na kamay. 22 At nakita namin ang dakila at kakila-kilabot na mga tanda at kababalaghang ginawa niya laban sa Ehipto, laban kay Paraon at sa buo niyang sam¬bahayan. 23 Inilabas niya tayo mula roon upang ihatid tayo at ibigay sa atin ang lupa¬ing ipinangako niya sa ating mga ninuno. 24 Iniutos sa atin ni Yawe na isabuhay ang lahat ng tun¬tuning ito, at magkaroon ng pitagan kay Yaweng ating Diyos upang lagi tayong mapabuti at mabuhay tulad ngayon. 25 Magiging mabuti nga tayo at kalugud-lugod sa kanyang pani¬ngin kung tutuparin natin at isasabuhay ang mga utos na ito gaya ng kanyang iniutos sa atin.

7 1 Kapag dinala ka na ni Yawe sa lupaing pupuntahan mo at aangkinin, at itinaboy na niya sa harap mo ang maraming bansa – ang mga Heteo, Gergaseo, Amorreo, Kana¬neo, Pereceo, Heveo at Hebuseo – pitong bansang mas marami at mas malakas kaysa iyo, 2 kapag ibinigay niya ang mga ito sa iyong mga kamay at malupig mo sila, pupuk¬sain mo silang lahat ayon sa batas ng anatema.
Huwag kang makikipagtipan ni maaawa sa kanila. 3 Huwag kang magpapakasal sa kanila; huwag mong ibibigay ang iyong mga anak na dalaga sa mga binata nila, ni kunin ang kanilang mga dalaga para sa iyong mga anak na binata. 4 Sapagkat hihikayatin nila ang iyong mga anak na binata na talikuran ako para sambahin ang mga banyagang diyos. At mag-aapoy ang galit ni Yawe sa inyo at agad kayong lilipulin. 5 Su¬balit ito ang dapat ninyong gawin sa kanila: gibain ang kanilang mga altar at durugin ang kanilang mga sagradong bato, wasakin ang mga sagradong poste nila at sunugin ang ka¬nilang mga diyus-diyusan.
Ginagantimpalaan ng Diyos ang mga tapat sa kanya
6 Isa kang bayang banal para kay Yaweng iyong Diyos. Pinili ka ni Yawe mula sa lahat ng bayan sa balat ng lupa upang maging sariling sambayanan niya. 7 Ibinigkis ni Yawe ang kanyang sarili sa iyo at ikaw ang pinili, hindi dahil ikaw ang pinakamarami sa lahat ng bayan (sapag¬kat ikaw pa nga ang pina¬kakaunti). 8 Ngu¬nit pinili ka niya sapag¬kat mahal ka niya at upang tupa¬rin ang pangakong binitiwan niya sa iyong mga ninuno. Kaya inilabas ka ni Yawe nang may malakas na kamay at tinubos ka sa bahay ng pagka¬alipin at mula sa kamay ni Paraong hari ng Ehipto.
9 Kaya alamin mong mabuti na si Yaweng iyong Diyos ay Diyos, ang ma¬tapat na Diyos. Nananatili siyang mata¬pat sa kanyang pakikipagtipan, at abot sa libong henerasyon ang kanyang walang maliw na pag-ibig sa mga nagmamahal sa kanya at tumutupad sa kanyang mga utos. 10 Ngunit pinaru¬rusahan niya ang namumuhi sa kanya at kaagad na sinu¬suklian.
11 Kaya tuparin mo ang utos, mga tuntunin at mga batas na iniuutos ko sa iyo ngayong isabuhay. 12 Kung paki¬kinggan mong mabuti ang mga batas na ito, tutuparin at isasabuhay, tutu-parin naman ni Yawe ang kanyang paki¬¬ki¬¬pagtipan sa iyo at ang walang maliw na pag-ibig na ipinangako niya sa iyong mga ninuno.
13 Mamahalin ka niya, pagpapalain at pararamihin.
Pagpapalain niya ang bunga ng iyong sinapupunan at ang bunga ng iyong lupa – ang iyong trigo, ang iyong bagong alak at sariwang langis – ang mga anak ng iyong bakahan at tupa¬han sa lupaing ipina¬ngako niya sa iyong mga ninuno na ibi¬bigay sa iyo.
14 Pagpapalain ka niya nang higit sa alinmang bayan. Di magkakaroon ng lalaki o babaeng baog sa piling mo o sa iyong hayupan. 15 Itataboy ni Yawe mula sa iyo ang lahat ng karamdaman; hindi niya ilalapat sa iyo ang alinman sa mga salot sa Ehipto na alam mo. Subalit ila¬lapat niya ang mga ito sa lahat ng namu¬muhi sa iyo.
16 Kaya ubusin mo ang lahat ng ba¬yang ibinibigay sa iyong mga kamay ni Yaweng Diyos mo. Huwag mo silang kaawaan ni paglingkuran ang kanilang mga diyos, sapagkat magiging bitag iyon para sa iyo.
17 Sasabihin mo siguro sa iyong puso – Mas marami kaysa akin ang mga bansang ito, paano ko sila mapapalayas? 18 Ngunit huwag kang matakot sa kanila. Alalahanin mong mabuti ang ginawa ni Yaweng iyong Diyos kay Paraon at sa buong Ehipto. 19 Nakita ng iyong mga mata ang mga kakila-kilabot na pag¬subok at mga tanda at mga kahanga-hangang bagay, ang malakas na kamay at nakaunat na bisig na ginamit ni Yaweng iyong Diyos upang ikaw ay palayain. Gayon din ang gagawin ni Yaweng Diyos mo sa lahat ng bayang kinata¬takutan mo ngayon. 20 Ipadadala sa kanila ni Yaweng Diyos mo kahit mga bubuyog hang¬gang mapawi ang mga natirang buhay na nagta¬tago mula sa iyo.
21 Huwag kang masindak sa kanila sapagkat kapiling mo si Yaweng iyong Diyos, malakas na Diyos at dapat katakutan.
22 Si Yaweng Diyos mo mismo ang dahan-dahang magpapalayas sa mga bansang ito sa iyong harap. Hindi mo sila sabay-sabay na malilipol, kung hindi’y dadami ang maba¬bangis na hayop laban sa iyo.
23 Ibibigay sila sa iyo ni Yaweng iyong Diyos at lilituhin sila hanggang mapuksang lahat. 24 Ibibigay ni Yawe sa iyong mga kamay ang kanilang mga hari upang burahin mo ang kani¬lang mga pangalan sa silong ng langit. Walang makatatayo laban sa iyo hanggang mapuksa mo sila. 25 Sunugin mo ang mga nilil¬ok na imahen ng mga diyos nila at huwag pag-imbutan ang ginto o pilak na nakabalot sa mga ito. Huwag mo itong ang¬kinin, kung hindi’y mabibitag ka nito sapag¬kat kasuklam-suklam ito kay Yaweng iyong Diyos. 26 Huwag kang mag-uuwi ng kasuklam-suklam na bagay sa bahay mo, kung hindi’y isusumpa ka ring tulad nito. Lubos mong kasuklaman at kamuhian ito sapagkat anatema o isinumpa ito.
Huwag kalimutan ang Diyos sa panahon ng kasaganaan
8 1 Pakaingatan ninyong tuparin ang bawat utos na iniuutos ko sa inyo ngayon upang kayo’y mabuhay at du¬mami, at makapasok at maangkin ang lupaing ipinangako ni Yawe sa inyong mga ninuno.
2 Alalahanin mo ang lahat ng daang pinagdalhan sa iyo sa disyerto ni Yaweng Diyos mo sa loob ng apat¬napung taong ito. Pinapaghirap ka niya at ginutom upang subukan ka at malaman ang na¬¬sa iyong puso, kung tutuparin mo nga ang kanyang mga utos o hindi. 3 Subalit pina¬kain ka niya ng manna na hindi mo alam ni ng iyong mga ninuno upang ipakita sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabu¬buhay ang tao, kundi sa lahat ng namu¬mutawi sa bibig ni Yawe mabu¬buhay ang tao. 4 Ni hindi man lang na¬mulmol ang suot mo, o namaga ang iyong paa sa loob ng apatnapung taong iyon. 5 Kaya una¬wain mo sa iyong puso na dinisiplina ka ni Yawe gaya ng pag¬disiplina ng isang ama sa kanyang anak.
6 Tuparin mo ang mga utos ni Yaweng iyong Diyos, lumakad ka sa kanyang mga daan at magkaroong-pitagan sa kanya. 7 Sapagkat di¬nadala ka ni Yaweng iyong Diyos sa magandang lupain, lupain ng mga ilog at batis, ng mga bukal na umaagos sa mga lambak at mga burol, 8 lupain ng trigo at sebada, ng mga ubasan at mga puno ng igos at ng iba pang mga prutas, lupain ng langis ng olibo at pulot-pukyutan, 9 lupaing kung saan hindi ka kakain ng tinapay sa karuk¬haan at hindi ka manga¬ngailangan ng anu¬man, lupaing may bakal ang mga bato at may mina ng tanso ang mga burol.
10 Kakain ka hanggang mabusog, at pag¬pa¬palain mo si Yaweng Diyos mo para sa magandang lupaing bigay niya sa iyo.
11 Kaya pakaingatan mong huwag limutin si Yaweng iyong Diyos sa di pagtupad sa kan¬yang mga utos, mga batas at mga tun¬tuning iniuutos ko sa iyo ngayon. 12 At kapag nakakain ka na at nabusog, kapag nakapagtayo ka na ng magagandang bahay at naka¬tira na sa mga ito, 13 kapag dumami na ang iyong hayupan, kapag sagana ka na sa ginto at pilak, at dumami na ang lahat mong ari-arian, 14 huwag maging pa¬lalo ang iyong puso at huwag limutin si Yaweng iyong Diyos na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 15 Siya ang umakay sa iyo para makalampas sa mala¬wak at nakatatakot na disyertong puno ng mga “apuy-apuyang” ahas at mga alakdan, isang lupaing tigang at walang tubig. Subalit pina¬bukal niya ang tubig para sa iyo mula sa napakatigas na bato. 16 At pinakain ka niya sa disyerto ng mannang hindi alam ng iyong mga ninuno.
Pinapaghirap ka niya at sinubok upang mapabuti ka sa bandang huli, 17 kung hindi’y sasabihin mo sa iyong sarili – Yumaman ako sa sarili kong kayod at lakas. 18 Alalahanin mo si Yaweng iyong Diyos, siya ang nag¬bigay sa iyo ng lakas para yumaman, para pagtibayin tulad ngayon ang Pakikipagtipang sinumpaan niya sa iyong mga ninuno.
19 Ngunit kung lilimutin mo si Yaweng Diyos mo at susunod sa ibang mga diyos, kung sasambahin mo sila at yuyukuan, ngayon pa ma’y binabalaan na kita na tiyak ka ngang mapupuksa. 20 Tulad ng mga ban¬sang pinuksa ni Yawe sa harap mo, gayon ka rin niya pu-puksain dahil sa hindi mo pagsunod kay Yaweng iyong Diyos.

9 1 Makinig ka, Israel! Tatawid ka ngayon sa Jordan para agawan ang mga bansang mas malaki at mas malakas kaysa iyo, mga bansang may naglalakihang mga siyudad na abot hanggang langit ang mga pader. 2 Isang bayang marami at matatangkad – ang mga Anakim na nakita mo at nabalitaang walang makatatalo sa kanila. 3 Subalit makikita mo ngayon si Yaweng iyong Diyos na mangunguna sa iyo gaya ng tumutupok na apoy. Pupuksain niya sila at ipaiilalim niya sila sa iyo. At aagawin mo ang lupain sa kanila at agad silang lilipulin tulad ng sabi sa iyo ni Yawe.
4 Kapag itinaboy na sila sa harap mo ni Ya¬weng iyong Diyos, huwag mong isaloob na – Dinala ako rito ni Yawe para angkinin ang lupa¬ing ito dahil sa sarili kong kabutihan. Ngu¬nit pinalayas ni Yawe ang mga bansang iyon sa harap ninyo dahil sa kanilang kasa¬maan. 5 Hindi dahil sa iyong kabutihan o dahil dapat kang gantimpalaan kaya ka maka¬papasok para ang¬kinin ang kanilang lupain. Dahil ito sa kasama¬an ng mga ban¬sang iyon kaya sila palalayasin ni Yawe sa harap mo bilang katuparan ng salitang binitiwan niya sa iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.
Isa kang bayang mapaghimagsik
• 6 Kaya alamin mong mabuti na ibinigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos ang magan¬dang lupaing ito para angkinin hindi dahil sa iyong kabutihan, sapagkat isa ka ngang bayang matigas ang ulo. 7 Alalahanin mo at huwag kalig¬taan kung paano mo ginalit sa disyerto si Yaweng iyong Diyos. Sapagkat naging mapag¬himagsik ka na kay Yawe mula pa sa araw na lumabas ka sa Ehipto hanggang dumating ka sa lugar na ito.
8 At sa Horeb, ginalit ninyo si Yawe kaya binalak niya kayong puksain sa kanyang poot. 9 Umahon ako sa bundok para tang¬gapin ang mga tapyas na bato, ang mga tapyas ng Pakiki-pagtipang pinagtibay sa inyo ni Yawe. Apatnapung araw at apat¬napung gabi akong nanatili sa bundok, hindi kumakain o umiinom. 10 At ibinigay sa akin ni Yawe ang dalawang tapyas na bato na sinulatan ng daliri ng Diyos. Nasa mga ito ang lahat ng salitang sinabi sa inyo ni Yawe sa bundok mula sa apoy, sa Araw ng Pagtitipon.
11 Ibinigay sa akin ni Yawe ang dalawang tapyas na bato, ang mga tapyas ng Paki¬ki¬pag¬tipan, pagkatapos ng apatnapung araw at apat¬napung gabi. 12 At sinabi ni Yawe sa akin – Lu¬mu¬song ka agad mula rito dahil nagpakabulok ang iyong bayan na inilabas mo mula sa Ehipto. Kay dali nilang lumihis mula sa daang iniutos ko sa kanila at gumawa sila ng tinunaw na diyus-diyusan para sa kanilang sarili.
13 At sinabi pa sa akin ni Yawe – Nakikita ko ang sambayanang ito; sila nga’y isang bayang matigas ang ulo! 14 Pabayaan mo ako para puk¬sain sila at pawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit. At gagawin kitang isang bansang mas malakas at mas marami kaysa kanila. 15 Kaya bumaba ako mula sa naglalagablab na bundok, tangan sa aking mga kamay ang dalawang tapyas ng Pakikipagtipan. 16 At nakita ko: nagkasala nga kayo kay Yaweng inyong Diyos, at gumawa kayo ng guyang tinunaw na metal. Kay dali ninyong lumihis mula sa daang iniutos sa inyo ni Yawe! 17 Kayat hinawakan ko ang dalawang tapyas na bato at ibinalibag ang mga ito, at nadurog ang mga ito sa paningin ng lahat.
18 Pagkatapos, nagpatirapa ako sa harap ni Yawe, at tulad noong una, apatnapung araw at apatnapung gabi akong hindi kumain ni uminom dahil sa lahat ng kasalanan ninyo sa pag¬gawa ng masama sa paningin ni Yawe hanggang siya ay magalit. 19 Natakot ako dahil sa galit at poot ni Yawe sa inyo sapagkat gusto niya ka¬yong puksain. Ngunit muli akong pinakinggan ni Yawe.
20 Galit na galit din si Yawe kay Aaron para puksain siya. Kaya ipinanalangin ko rin noon si Aaron. 21 Tungkol naman sa kasalanan – ang guyang iyon na ginawa ninyo – kinuha ko iyon at inihagis sa apoy, dinurog at giniling na sim¬pino ng alabok. Itinapon ko ang pulbos sa ilog na umaagos pababa sa bundok.
22 Ginalit din ninyo si Yawe sa Tabera at Massa, at sa Kibrothatava. 23 At nang paalisin kayo ni Yawe sa Kades-Barnea, sinabi niyang – Umahon kayo at angkinin ang lupa¬ing bigay ko sa inyo – ngunit muli kayong naghimagsik sa utos ni Yaweng inyong Diyos. Hindi ninyo pina¬niwalaan si Yawe, ni pinakinggan ang kanyang tinig. 24 Naging mapaghimagsik na kayo kay Yawe mula pa sa araw na makilala ko kayo.
25 Kaya apatnapung araw at apatnapung gabi akong nagpatirapa sa harap ni Yawe sapagkat sinabi ni Yaweng pupuksain niya kayo. 26 Na¬nalangin ako kay Yawe, at sinabi – O Yaweng Panginoon, huwag mong puksain ang iyong sambayanan, ang sarili mong ari-arian na tinubos mo sa iyong kadakilaan at inilabas mula sa Ehipto nang may malakas na kamay. 27 Ala¬lahanin mo ang iyong mga lingkod na sina Abraham, Isaac at Jacob. Huwag mong tingnan ang katigasan ng ulo ng bayang ito, o ang ka¬ni¬lang kasamaan o kasalanan, 28 kung hindi’y sasabihin ng bansang pinagkunan mo sa amin – Hindi nakaya ni Yawe na dalhin sila sa lupaing ipinangako niya sa kanila at ayaw na niya sa kanila kaya niya sila inilabas para pa¬tayin sa disyerto. 29 Ngunit sila ang iyong sambayanan, ang sarili mong ari-arian na inilabas mo sa pamamagitan ng iyong malakas na ka¬pang¬yarihan at ng iyong nakaunat na bisig.

10 1 Nang panahong iyon, sinabi sa akin ni Yawe ¬– Suminsel ka ng dalawang tapyas na bato tulad ng una, at umahon ka rito sa akin sa bundok. Gumawa ka rin ng isang ka¬bang yari sa kahoy. 2 Isusulat ko sa mga tapyas ang mga salitang nasa unang mga tap¬yas na sinira mo. At ilalagay mo ang mga ito sa kaban.
3 Kaya gumawa ako ng kabang yari sa kahoy na akasya, at suminsel ng dalawang tapyas na bato tulad ng una. At umahon ako sa bundok, hawak ang dalawang tapyas. 4 Isinulat naman ni Yawe sa mga tapyas ang isinulat niya noon sa una, ang sampung salitang sinabi niya sa inyo sa bundok mula sa apoy, sa Araw ng Pagtitipon. At ibinigay sa akin ni Yawe ang mga ito.
5 Nang bumaba ako mula sa bundok, inilagay ko ang mga tapyas sa kabang ginawa ko, at naroroon ang mga ito gaya ng iniutos sa akin ni Yawe.
6 Nagpunta ang mga anak ng Israel sa mga balon ng Bene-Yakan, at dumaan sa Mosera. Doon namatay si Aaron, at doon din siya inili¬bing; at ang kanyang anak na si Eleazar ang humalili sa kanya bilang pari. 7 Mula roon, nag¬lakbay sila sa Gudgoda, at mula sa Gudgoda patungong Yotbata na lupain ng mga ilog at mga bukal. 8 Noon ibinukod ni Yawe ang tribu ni Levi upang sila ang bumuhat sa Kaban ng Pakikipag¬tipan ni Yawe, at tumayo sa harap ni Yawe at mag-lingkod sa kanya, at magbasbas sa pag¬tawag sa kanyang Pangalan, tulad ng ginagawa nila hanggang ngayon. 9 Kaya wa¬lang kaparte si Levi sa pamana ng kanyang mga kapatid. Si Yawe ang kanyang mana, tu¬lad ng sinabi sa kanya ni Yaweng iyong Diyos.
10 At apatnapung araw at apatnapung gabi akong nanatili sa bundok, at pinaking¬gan din ako ni Yawe noon, at hindi niya niloob na puk¬sain ka. 11 At sinabi sa akin ni Yawe – Tumindig ka at pamunuan ang samba¬ya¬nang ito upang makapasok sila at maang¬kin ang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno na ibi¬bi¬gay sa kanila.
Paglingkuran at mahalin ang Diyos
• 12 At ngayon, Israel, ano pa ang hinihingi sa iyo ni Yaweng iyong Diyos kundi ang magkaroon ka ng pitagan kay Yaweng iyong Diyos at lumakad sa lahat niyang daan? Mahalin mo siya at pag¬lingkuran si Yaweng iyong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa. 13 Tuparin ang mga utos ni Yawe at ang kanyang mga tun¬tuning iniuutos ko sa iyo ngayon para sa iyong kapakanan.
14 Tingnan mo! Kay Yaweng iyong Diyos ang langit at ang himpapawid, ang sangkalupaan at lahat ng naririto. 15 Ngu¬nit ang iyong mga ninuno lamang ang inibig mahalin ni Yawe. Pinili niya ang kanilang mga inapo na sumunod sa kanila – kayo mismo – mula sa lahat ng bansa, tulad ngayon.
16 Dalisayin ninyo ang inyong mga puso at huwag nang maging matigas ang ulo kay Yawe 17 sapagkat si Yaweng inyong Diyos ang Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon. Diyos na dakila, malakas at kagila-gilalas! Wala siyang kini¬kilingan at hindi siya tuma¬tanggap ng suhol. 18 Iginagawad niya ang kata¬rungan sa mga ulila at mga biyuda; at mahal niya ang mga da-yuhan, bini¬bigyan niya sila ng pagkain at damit. 19 Kaya mahalin mo ang mga dayuhan sapagkat naging dayuhan din kayo sa lupain ng Ehipto. 20 Magka¬roon ka ng pitagan kay Yaweng iyong Diyos, paglingkuran siya, kumapit sa kanya at tawagin ang kan¬yang Pangalan sa iyong panu-numpa. 21 Siya ang iyong dangal, siya ang iyong Diyos na gu¬mawa para sa iyo ng mga dakila at kagila-gilalas na bagay na iyon na na¬kita ng iyong mga mata. 22 Pipitum¬pung katao lamang ang iyong mga ninuno nang bumaba sila sa Ehipto, ngunit ngayo’y ginawa ka ni Yaweng sindami ng mga bituin sa langit.
11 • 1 Kaya mahalin mo si Ya¬weng iyong Diyos at tuparin sa lahat ng araw ang ipinag-utos niya sa iyo – ang kanyang mga tuntunin, mga batas at mga utos. 2 Kayong mga kausap ko ngayon ang may-alam nito. At hindi sa inyong mga anak na hindi nakakita at di naka¬alam sa pagdisiplina ni Yaweng inyong Diyos, ni sa kanyang kadaki¬laan, sa kan¬yang malakas na kamay at nakaunat na bisig. 3 Pero kayo ang naka¬saksi sa mga tanda at mga kaba¬balaghang ginawa niya sa Ehipto laban kay Paraong hari ng Ehipto at sa buong bayan niya. 4 At pati sa ginawa niya sa hukbo ng Ehipto, sa mga kabayo at mga karwahe nito nang tabu¬nan niya sila sa mga tubig ng Dagat ng Mga Tambo sa paghabol nila sa inyo. At pi¬nuksa nga sila ni Yawe hanggang sa araw na ito.
5 Alalahanin din ninyo ang ginawa sa inyo ni Yawe sa disyerto, hanggang makarating kayo sa lugar na ito, 6 ang ginawa niya kina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab mula sa tribu ng Ruben, nang ngumanga ang lupa at lulunin sila mula sa buong Israel, kasama ang buo nilang pamilya, ang kanilang mga tolda at lahat ng may buhay na kanilang ari-arian. 7 Nakita ng inyong mga mata ang lahat ng dakilang bagay na ito na ginawa ni Yawe. 8 Kaya tuparin ninyo ang lahat ng utos na iniuutos ko sa iyo ngayon upang lumakas kayo at makapasok at ma¬ang¬kin ang lupaing inyong pupuntahan. 9 At hahaba ang inyong buhay sa lupaing ipina¬ngako ni Yawe sa inyong mga ninuno na ibibigay sa kanila at sa kanilang inapo, lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan.
10 Sapagkat ang lupaing pupuntahan ninyo para angkinin ay di tulad ng lupain ng Ehipto na inyong pinanggalingan. Pagka¬paghasik mo roo’y kailangan ka pang mag¬dilig sa pamamagitan ng lakas ng iyong mga bisig, tulad sa isang gulayan. 11 Subalit ang lupaing pupuntahan mo para angkinin ay lupain ng mga bun¬dok at mga lambak na ulang galing sa langit ang iniinom ng lupa. 12 Alaga ni Yaweng iyong Diyos ang lupaing iyon at laging nakatuon dito ang mga mata ni Yaweng iyong Diyos mula sa simula hanggang katapusan ng taon.
13 Kung susundin ninyong mabuti ang mga utos na iniuutos ko sa inyo ngayon, kung ma-mahalin ninyo si Yaweng inyong Diyos at pagli¬lingkuran siya nang buo ninyong puso at nang buo ninyong kaluluwa, 14 bibigyan ko ng ulan ang inyong lupain sa panahon nito, sa panahon ng taglagas at tagsibol, at aanihin ninyo ang inyong trigo, bagong alak at langis. 15 Bibigyan ko ng damo ang iyong parang para sa iyong mga hayop at kakain ka hanggang mabusog. 16 Pa¬ka-ingatan ninyong huwag maengganyo ang inyong puso. Kung lilihis kayo at maglilingkod sa ibang mga diyos at yuyuko sa kanila, 17 mag-aapoy laban sa inyo ang galit ni Yawe. Sasarhan niya ang langit at hindi na uulan, hindi na ma¬mumunga ang lupa at dagli kayong maglalaho sa magan-dang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yawe.
18 Itanim ninyo sa inyong mga puso’t kalu¬luwa ang mga salita kong ito. Itatak mo ang mga ito sa inyong kamay bilang tanda at maging paalala sa pagitan ng inyong mga mata. 19 Ituro ninyo ang mga ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ang mga ito maging sa pag-upo mo sa iyong tahanan o sa iyong paglakad, sa iyong paghiga at sa iyong pagbangon. 20 Iukit mo ang mga ito sa mga haligi ng pinto ng iyong bahay at sa mga pintuan ng iyong siyudad. 21 At ma¬bubuhay kayo nang matagal pati ang inyong mga anak sa lupaing ipinangako ni Yawe sa inyong mga ninuno na ibibigay sa kanila. At mananatili ka roon habang ang langit ay nasa itaas ng lupa.
22 Sapagkat kung tutuparin ninyong mabuti ang lahat ng utos na ito na iniuutos kong isa¬buhay ninyo, ang mahalin si Yaweng Diyos ni¬nyo at lumakad sa lahat niyang daan at ku¬mapit sa kanya, 23 itataboy ni Yawe ang lahat ng bansang ito sa harap ninyo, at maaagaw ni¬nyo ang lupain sa mga bansang mas malaki at mas malakas kaysa inyo.
24 Magiging inyo ang lahat ng tuntungan ninyo, masasakop ninyo mula sa disyerto hang¬gang Lebanon, at mula sa Ilog Eufrates hang¬gang sa dagat sa kanluran. 25 Walang sinumang makatatayo laban sa inyo. Saanman kayo pu¬munta, ilalatag ni Yaweng inyong Diyos ang ta¬kot at pagkasindak sa inyo sa buong lupain, gaya ng sabi niya sa inyo.

• 26 Tingnan ninyo, inihaharap ko sa inyo ngayon ang pagpapala at ang sumpa. 27 Pagpapala kung susundin ninyo ang mga utos ni Yaweng inyong Diyos na iniuutos ko sa inyo ngayon, 28 at sumpa kung susuwayin ninyo ang naturang mga utos ni Yaweng Diyos ninyo at lilihis mula sa daang iniuutos ko sa inyo ngayon upang sumunod sa ibang mga diyos na hindi naman ninyo kilala. 29 Kapag dinala na kayo ni Yaweng inyong Diyos sa lupaing pupuntahan ninyo para angkinin, magkasabay ninyong ipapahayag ang pagpapalang ito sa Bundok Ga¬rizim at ang sumpang ito sa Bundok Ebal. 30 (Nasa kabilang ibayo ng Jordan ang mga bundok na ito, sa kabila ng daang pakanluran, sa lupain ng mga Kananeong nasa Araba, sa tapat ng Gilgal, malapit sa malalaking puno ng More.) 31 Tatawid kayo ngayon sa Jordan para puntahan at angkinin ang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yaweng inyong Diyos. Angkinin ninyo ito at dito kayo manirahan. 32 At tuparin ninyong mabuti ang lahat ng tuntunin at batas na inihaharap ko sa inyo ngayon.
Magkaroon ng iisang santuwaryo lamang
12 • 1 Ito ang mga tuntunin at mga batas na dapat mong isabuhay nang mabuti sa lahat ng araw ng iyong buhay sa lupaing bigay sa iyo ni Yaweng Diyos ng iyong mga ninuno para angkinin.
2 Ganap ninyong wasakin ang lahat ng lugar kung saan pinaglingkuran ng mga bansang ito ang kanilang mga diyos, sa matataas na bundok at mga burol, at sa lilim ng lahat ng malalabay na puno. 3 Gibain ninyo ang kanilang mga altar at durugin ang kanilang mga sagradong bato; sunugin ang kanilang mga sag¬radong poste at durugin ang mga nililok na imahen ng kanilang mga diyos, at burahin ang pangalan ng mga ito sa mga lugar na iyon.
4 Huwag ninyong gagawin ang gayon para kay Yaweng inyong Diyos, 5 sapagkat siya mismo ang pipili ng lugar mula sa lahat ninyong tribu upang doon ilagay ang kanyang Pa¬nga¬lan at doon manahan. Doon ka pu¬punta para hana¬pin si Yaweng inyong Diyos.
6 Doon ninyo dadalhin ang inyong mga susunuging-handog at mga hain, ang in¬yong mga ikapu at mga alay, ang inyong mga panata at mga kusang-loob na han¬dog, ang mga unang anak ng inyong mga bakahan at tupahan.
7 Doon kayo kakain sa harap ni Yaweng inyong Diyos, at magpipiyesta kasama ng inyong mga pamilya, sa abot-kaya mo – ang pagpapala sa iyo ni Yaweng iyong Diyos. 8 Huwag nin-yong gagawin ang ginagawa natin ngayon dito, bawat isa sa inaakala niyang tama sa sarili niyang paningin. 9 Sapagkat hanggang ngayo’y hindi pa kayo dumarating sa kapa¬hi¬ngahan at sa pama¬nang ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos.
10 Pagkatawid ninyo sa Jordan at nakatira na sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yaweng inyong Diyos bilang pamana, bibigyan niya kayo ng kapahingahan mula sa lahat nin¬yong kaaway sa inyong paligid at mabu¬buhay kayo nang mati¬wasay. 11 At dadalhin ninyo sa lugar na pipiliin ni Yaweng inyong Diyos bilang tirahan ng kanyang Pangalan ang lahat ng iniuutos ko sa inyo: ang inyong mga susunuging-handog at mga hain, ang inyong mga ikapu at ang alay ng inyong mga kamay, at lahat ng piling handog na ipina¬ngako ninyo’t sinumpaan kay Yawe. 12 Doon kayo magpipiyesta sa harap ni Yaweng inyong Diyos, kayo at ang inyong mga anak at ang inyong mga alipin, pati ang Levitang nasa inyong mga bayan sapagkat wala siyang kaparteng mana sa inyo.
• 13 Huwag sanang mangyari na ialay mo ang iyong mga susunuging-handog sa lahat ng lugar na magustuhan mo. 14 Ngunit tanging sa lugar lamang na pipiliin ni Yawe sa isa sa iyong mga tribu mo iaalay ang iyong susunuging-handog, at doon mo rin gagawin ang lahat ng iniuutos ko sa iyo.
15 Gayon man, makapagkakatay ka ng ha¬yop at makakakain ng karne hanggang gusto mo sa lahat mong siyudad ayon sa pagpapalang bigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos; maka¬kakain nito kapwa ang di-malinis at ang malinis, na parang karne ng gasela o usa. 16 Ngunit huwag ninyong kaka¬nin ang dugo, kundi ibuhos ninyo itong pa¬rang tubig sa lupa.
17 Hindi mo makakain sa iyong mga siyudad ang ikapu ng iyong trigo, at ng iyong bagong alak at langis, at ang mga unang anak ng iyong bakahan at tupahan, at alin¬man sa iyong mga ipinanata at mga kusang-loob na handog, at ang alay ng iyong kamay. 18 Sa harap ni Yaweng iyong Diyos mo lamang makakain ang mga ito, sa lugar na pipiliin ni Yaweng iyong Diyos, ikaw at ang iyong mga anak at mga alipin at ang Levitang kapiling mo. At magpipiyesta ka sa harap ni Yaweng iyong Diyos sa abot-kaya mo. 19 Huwag sanang mangyari na pabayaan mo ang Levita habang nabubuhay ka sa iyong lupa¬in.
20 Kapag pinalawak na ni Yaweng iyong Diyos ang iyong mga hangganan tulad ng ipinangako niya sa iyo, at gusto mong kumain ng karne, makakakain ka ng karne hanggang gusto mo. 21 Kung napakalayo sa iyo ang lugar na pinili ni Yaweng iyong Diyos bilang tirahan ng kanyang Pangalan, makapagkakatay ka sa iyong bakahan o tupa¬hang bigay sa iyo ni Yawe, tulad ng ini¬utos ko sa iyo. At makakakain ka sa loob ng iyong mga siyudad hanggang gusto mo, 22 ngunit kakanin mo ito tulad sa pagkain ng karne ng gasela o usa; lahat ay makakakain nito – di-malinis man o malinis. 23 Tiyakin lamang na huwag kainin ang dugo, sapagkat ang dugo at buhay ay iisa, at hindi mo dapat kanin ang buhay kasama ang laman. 24 Huwag mo itong kainin kundi ibuhos itong parang tubig sa lupa. 25 Hindi mo ito dapat kainin upang mapabuti ka at ang iyong mga anak na susunod sa iyo dahil ga¬gawin mo ang tama sa mata ni Yawe.
26 Dalhin mo ang mga bagay na ibinukod mo at ipinanata bilang handog kay Yawe, at pumun-ta ka sa lugar na pipiliin ni Yawe. 27 Doon mo iaalay ang iyong mga susu¬nuging-handog, ang karne at ang dugo, sa altar ni Yaweng iyong Diyos. Ibuhos mo sa altar ni Yaweng iyong Diyos ang dugo ng iyong mga hain, at kanin ang karne.
28 Pakinggan mong mabuti ang lahat ng salitang ito na iniuutos ko sa iyo upang lagi kang mapabuti at ang iyong mga anak na susunod sa iyo, dahil gagawin mo ang mabuti at tama sa mata ni Yaweng iyong Diyos.
29 Pupuksain ni Yaweng iyong Diyos sa harap mo ang mga bansang pupuntahan mo para angkinin, at maaangkin mo nga ang mga iyon at mamamayan sa kanilang lupain. 30 Huwag sanang mangyari na mahulog ka sa bitag at sumunod sa kanila matapos silang mapuksa sa harap mo. Huwag mong hana¬pin ang kanilang mga diyos at isiping – Paano ba pinaglingkuran ng mga bansang ito ang kanilang mga diyos? Ganoon din ang gagawin ko.
31 Huwag mong gagawin iyon para kay Yaweng iyong Diyos, sapagkat ginawa na nila sa kanilang mga diyos ang lahat ng kinasusuklaman at kinamumuhian ni Yawe; sinunog nila kahit ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diyos.
Huwag lumayo sa pananampalataya
13 • 1 Isagawa ninyong mabuti ang lahat ng iniuutos ko sa inyo, huwag itong dagdagan o bawasan.
2 Kung may lumitaw na propeta sa piling mo o isang nakakakita ng mga panaginip at bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan, 3 at kung magkatotoo nga ang tanda o kababalaghang sinabi niya sa iyo, at sabihing – Tayo nang su¬munod sa ibang mga diyos na hindi nin¬yo kilala, at paglingkuran natin sila. – 4 huwag mong pakinggan ang mga sa¬¬lita ng propeta o ng nakakakita ng mga panaginip na iyon, sapagkat sinusubok kayo ni Yaweng inyong Diyos pa¬ra ma¬laman kung mahal nga ninyo si Yaweng inyong Diyos nang buo nin¬yong puso at nang buo ninyong kalu¬luwa.
5 Kay Yaweng inyong Diyos ka lamang su¬sunod, sa kanya ka magkakaroon ng pitagan. Tuparin mo ang kanyang mga utos, pakinggan ang kanyang tinig, paglingkuran siya at sa kanya kumapit.
6 At patayin ang propeta o ang nakakakita ng mga panaginip na iyon, sapagkat nagsa¬lita siya ng paghihimagsik laban kay Yaweng inyong Diyos na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto at tumubos sa iyo mula sa bahay ng pagkaalipin, sapagkat nais ka niyang ilihis sa daang iniutos sa iyo ni Yaweng iyong Diyos na tahakin mo. Kayat mapapawi mo ang kasamaan sa iyong piling.
7 Kung palihim kang hikayatin ng iyong ka¬patid na anak ng iyong ina, o ng iyong anak na lalaki o babae, o ng iyong asawang nasa kan¬dungan mo, o ng iyong matalik na kaibigan, at sabihin sa iyo – Tayo nang mag¬¬¬lingkod sa ibang mga diyos na hindi mo kilala ni ng iyong mga ninuno, 8 mga diyos ng mga bansang naka¬pa¬libot sa inyo, malapit man o malayo sa iyo, sa magkabilang dulo ng daigdig, 9 huwag kang umoo ni makinig sa kanya. Huwag kang maawa sa kanya; huwag mo siyang patatawarin at huwag pagta¬takpan. 10 Ngunit patayin mo siya, at ang kamay mo ang mauuna sa pagpapataw sa kanya ng kamatayan, at su¬sunod pagkatapos mo ang buong sambayanan. 11 Batuhin siya hanggang mamatay, sapagkat tinangka niyang ilayo ka kay Yaweng iyong Diyos na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. 12 At maririnig ito ng buong Israel at matatakot, at wala nang muling gagawa ng ganitong kasamaan sa piling mo.
13 Kung may magsabi sa iyo sa isa sa iyong mga siyudad na ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos para tirhan – 14 May lumitaw doong ilang anak ni Belial at naeng¬ganyo nila ang mga naroon sa kanilang siyudad na sumama sa kanila at sumunod sa ibang mga diyos na hindi ninyo kilala. – 15 Buong ingat mo itong siyasatin at imbes¬tigahang mabuti. At kung totoo nga ito, at napatunayang ginawa nga nila sa piling mo ang kasuklam-suklam na bagay na ito, 16 puk¬sain mo para sa Diyos ang siyudad at lahat ng naroroon, tagain ang mga nakatira roon at lahat ng hayop. 17 Ipunin mo sa gitna ng liwasan ang lahat ng nasamsam dito at sunugin ang siyudad pati ang lahat ng nasam¬sam para kay Yaweng iyong Diyos. Magiging bunton iyon ng mga guho mag-pakailanman, at kailanma’y di na muling itatayo.
18 Hindi dapat dumikit sa iyong kamay ang alinman sa mga anatemang iyon upang mag¬lubag ang matinding galit ni Yawe at mahabag sa iyo at maawa at paramihin ka tulad ng ipina¬ngako niya sa iyong mga ninuno 19 sapag¬kat pinakinggan mo ang tinig ni Yaweng iyong Diyos para tuparin ang lahat niyang utos na iniuutos ko sa iyo ngayon, at para gawin ang tama sa mata ni Yaweng iyong Diyos.

14 1 Mga anak kayo ni Yaweng inyong Diyos.
Huwag ninyong hiwain ang inyong sarili o ahitin ang buhok sa inyong noo para sa mga patay. 2 Isa kang bayang banal para kay Yaweng iyong Diyos, at si Yawe ang pumili sa iyo upang maging bayan niya, isang nata¬tanging pag-aari mula sa mga bansa sa balat ng lupa.
Mga hayop na “malinis” at “di-malinis”
• 3 Huwag kang kakain ng anumang ka¬suklam-suklam na bagay. 4 Narito ang mga hayop na makakain ninyo: baka, tupa, kam¬bing, 5 usa, gasela, kambing-bundok, antilope, bu¬palo, at ang tupang-gubat. 6 Maka¬kain ninyo ang anumang hayop na ngu¬munguya, may kuko at biyak ang mga paa.
7 Ngunit sa mga hayop na ngumunguya o may kuko at biyak ang mga paa, hindi ninyo makakain ang sumusunod: kamelyo, kune¬ho at kunehong-bundok sapagkat ngu¬mu¬nguya nga sila pero hindi naman biyak ang paa. Di-malinis ang mga ito para sa inyo. 8 Gayon din ang baboy sapagkat biyak nga ang paa nito pero hindi naman ngu¬munguya; di-malinis ito para sa inyo. Huwag ninyong kanin ang karne ng mga ito, ni hipuin man ang patay na kata¬¬wan ng mga ito.
9 Ito naman ang makakain ninyo sa mga hayop na nasa tubig: lahat ng may palikpik at kaliskis. 10 Ngunit huwag ninyong kakanin ang anumang walang palikpik at kaliskis; di-ma¬linis ang mga ito para sa inyo.
11 Makakain ninyo ang lahat ng malinis na ibon. 12 Subalit huwag ninyong kakanin ang alin-man sa mga ito: agila, buwitreng negro, bu¬witreng balbon, 13 lawin, iba’t ibang klase ng falcon 14 at lahat ng klase ng uwak, 15 ostrits, kuwagong higante, ibong-dagat, at lahat ng klase ng lawin, 16 kuwagong-liit, kuwagong taingahan at kuwagong kamalig, 17 pelikan, ku¬wago, buwit¬reng Ehipto, 18 tagak, iba’t ibang klase ng bakaw, paniki at kabag. 19 Di-malinis para sa inyo ang lahat ng kulisap na lumilipad, huwag ninyong kanin ang mga ito. 20 Subalit makakain ninyo ang lahat ng malinis na ibon.
21 Huwag ninyong kakanin ang anumang hayop na namatay. Maibibigay ninyo ito sa da-yuhang nasa inyong piling para makain niya, o maipagbibili ito sa isang banyaga. Sapagkat kayo’y bayang banal kay Yaweng iyong Diyos.
Huwag mong pakuluan ang batang kambing sa gatas ng ina nito.
Ang ikapu
• 22 Ibukod mo taun-taon ang ikapu ng lahat ng bunga ng iyong inihasik sa iyong mga bukirin. 23 At kanin mo sa harap ni Yaweng iyong Diyos sa lugar na pipiliin niyang pana¬hanan ng kanyang Pangalan ang ikapu ng iyong trigo, ng iyong bagong alak at langis, ang mga unang anak ng iyong bakahan at tupahan, upang matuto kang magkaroong-pitagan kay Yaweng iyong Diyos sa lahat ng araw.
24 At kung napakahaba ng lalakbayin mo para madala ito, dahil napakalayo sa iyo ang lugar na pinili ni Yaweng iyong Diyos para panahanan ng kanyang Pangalan, kapag pinag¬¬pala ka ni Yaweng iyong Diyos, 25 mai¬pagbibili mo iyon. Dalhin mo ang perang napagbilhan at pumunta ka sa lugar na pinili ni Yaweng iyong Diyos. 26 At doon ka bumili ng lahat ng gusto mo – baka, tupa, alak, ma¬ta¬pang na inumin – anumang gusto mo. At doon ka kakain sa harap ni Yaweng iyong Diyos, at magpipiyesta kayo, ikaw at ang iyong sambahayan. 27 At huwag mong paba-bayaan ang Levitang nasa iyong mga siyu¬dad sapagkat wala siyang kaparteng pama¬na sa iyo.
28 Tuwing ikatlong taon, ibubukod mo ang mga ikapu ng lahat ng iyong ani sa taong iyon, at itabi ang mga ito sa iyong mga siyu¬dad. 29 At darating at kakain at mabu¬busog ang Levitang walang kaparteng pama¬na sa inyo pati ang dayuhan, ang ulila at ang biyudang nasa iyong mga siyudad. Kaya pagpapalain ka ni Yaweng iyong Diyos sa lahat ng gawa ng iyong kamay.
Ang taon ng pagpapatawad
15 1 Tuwing pitong taon, patatawarin ninyo ang lahat ng pautang. 2 Ganito nin¬yo ito gagawin: patatawarin ng sinumang may-pautang ang kanyang kapwa, hindi na niya sisingilin ang kanyang kapwa o kapatid, sapagkat ipinahayag na ang pagpapatawad ng utang para kay Yawe. 3 Masisingil mo ang da¬yuhan, subalit patatawarin mo ang anu¬mang utang sa iyo ng iyong kapatid. 4 Hindi dapat magkaroon ng dukha sa piling mo kapag lubos kang pinagpala ni Yawe sa lupaing ibinibigay niya sa iyo para angkinin bilang pamana. 5 Kung pakikinggan mong mabuti ang tinig ni Yaweng iyong Diyos, at isasagawa ang lahat ng utos na iniuutos ko sa iyo ngayon, 6 pagpapalain ka ni Yaweng iyong Diyos tulad ng kanyang ipina¬ngako sa iyo. Ikaw ang magpapahiram sa ma¬raming bansa, ngunit hindi ka manghihiram; ikaw ang maghahari sa maraming bansa, ngunit hindi sila maghahari sa iyo.
Mga pobre at mga alipin
• 7 Kung may dukha sa isa sa mga kapatid sa alinman sa iyong mga siyu¬dad sa iyong lupaing bigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos, huwag maging matigas ang iyong puso at huwag isara ang iyong palad sa kapatid mong naghi¬¬hikahos. 8 Maging bukas-palad ka sa kanya at pa¬hiramin siya ng sapat para sa kanyang pangangailangan.
9 Huwag sanang mangyari na mag-isip ka nang masama sa iyong puso – Malapit na ang ikapitong taon, ang taon ng pag¬papatawad ng utang. – Kaya naman ti¬tingnan mo nang masa¬ma ang iyong ka¬patid na naghi¬hikahos at hindi siya bi¬bigyan ng anuman. Baka duma¬ing siya kay Yawe laban sa iyo, at ma¬giging kasa¬lanan mo ito. 10 Tiyakin mong bigyan siya, magbigay ka nang hindi masama sa iyong loob, at pagpapalain ka ni Yaweng iyong Diyos dahil dito, sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay.
11 Sapagkat hindi kailanman mawa¬wala ang mga dukha sa lupang ito, kaya iniuutos ko sa iyo – Maging bukas-palad ka sa iyong mga kapatid, at sa mga dukha at mga nangangaila¬ngang nasa iyong lupain.
12 Kung ipagbili ng kapatid mong Heb¬reo, lalaki man o babae, ang kanyang sa¬rili sa iyo, maninilbihan siya sa iyo sa loob ng anim na taon. Ngunit palalayain mo siya sa ikapitong taon. 13 At kapag pina¬laya mo siya, huwag mo si¬yang pa¬aalisin nang walang dala. 14 Big¬yan mo siya mula sa iyong hayu¬pan, sa iyong giikan, at sa iyong pisaan ng ubas; bigyan mo siya ayon sa pag¬pa¬palang kaloob sa iyo ni Yaweng iyong Diyos.
15 Alalahanin mong naging alipin ka sa lupain ng Ehipto, at tinubos ka ni Yaweng iyong Diyos, kaya iniuutos ko ito sa iyo ngayon.
16 Ngunit kung sabihin sa iyo ng iyong aliping lalaki – Ayaw kong umalis sa iyo – dahil mahal ka niya at ang iyong sambahayan, at alam niyang mapapabuti siya sa iyo, 17 ku¬kuha ka ng pambutas at bubutasan mo sa pinto ang isa niyang tainga, at ha¬bang pana¬hon mo na siyang ma¬gi¬ging alipin. Ganito rin ang gaga¬win mo sa iyong aliping babae.
18 Huwag maging mabigat sa loob mo na palayain ang iyong alipin sapagkat doble sa upahang katulong ang naging paglilingkod niya sa iyo sa loob ng anim na taon, at pagpapalain ka ni Yaweng iyong Diyos sa lahat mong gawain.
19 Ibukod mo para kay Yaweng iyong Diyos ang lahat ng unang anak na lalaki ng iyong bakahan at tupahan. Hindi mo ipagtatrabaho ang unang anak ng iyong mga baka, at hindi gugupitan ang unang anak ng iyong tupa.
20 Kakanin mo ito taun-taon sa harap ni Yaweng iyong Diyos sa lugar na pinili ni Yawe, ikaw at ang iyong sambahayan. 21 At kung ito’y may anumang kapansanan, pilay o bulag kaya o anumang kapintasan, huwag mo itong iaalay kay Yaweng iyong Diyos. 22 Kakanin mo ito sa iyong mga siyudad, makakakain nito ang di-malinis at ang malinis, na parang karne ng gasela o usa. 23 Huwag mo lamang kakanin ang dugo nito; ibuhos mo itong parang tubig sa lupa.
Ang tatlong piyesta sa Israel
16 • 1 Ipagdiwang ang buwan ng Abib sa pagdiriwang ng Paskuwa sa kara¬ngalan ni Yaweng iyong Diyos sapagkat sa buwan ng Abib ka inilabas ni Yaweng iyong Diyos mula sa Ehipto nang gabing iyon. 2 Maghahandog ka ng baka at tupa bilang Paskuwa kay Yaweng iyong Diyos sa lugar na pinili niya para panahanan ng kanyang Pangalan. 3 Huwag mo itong uulaman ng tina¬pay na may lebadura, kundi tinapay na walang lebadura ang kakanin mo sa loob ng pitong araw, ang tinapay ng pasakit, sapag¬kat nagmamadali kayong umalis sa lupain ng Ehipto. Kayat magugunita mo sa lahat ng araw ng iyong buhay ang araw ng pag-alis mo ang lupain ng Ehipto.
4 Sa loob ng pitong araw, walang leba¬durang makikita sa buo mong lupain. Hindi rin dapat itira hanggang kinaumagahan ang karneng inihain mo sa dapithapon ng unang araw.
5 Huwag mong iaalay ang Paskuwa sa alin¬mang lunsod na ibinibigay sa iyo ni Ya¬weng iyong Diyos, 6 kundi sa lugar na pinili ni Yawe para panahanan ng kanyang Panga¬lan.
Doon mo iaalay ang Paskuwa sa pagtatakipsilim, sa paglubog ng araw, ang oras ng iyong paglabas mula sa Ehipto.
7 Ihawin mo iyon at kanin sa lugar na pinili ni Yaweng iyong Diyos. At umuwi ka sa iyong tolda kinaumagahan. 8 Anim na araw kang kakain ng tinapay na walang lebadura; at sa ikapitong araw, magkakaroon ng maringal na pagtitipon sa karangalan ni Yaweng iyong Diyos at hindi ka magtatrabaho.
9 Bumilang ka ng pitong linggo mula sa simula ng paggapas ng trigo. 10 At ipag¬diwang mo ang Piyesta ng Pitong Sanlinggo para kay Yaweng iyong Diyos, sa pagbibigay ng mga kusang-loob na handog ayon sa pagpapala sa iyo ni Yaweng iyong Diyos.
11 At magpipiyesta ka sa harap ni Yaweng iyong Diyos sa lugar na pinili ni Yaweng iyong Diyos upang panahanan ng kanyang Panga¬lan, ikaw at ang iyong mga anak, ang iyong mga alipin at ang Levitang nasa iyong mga lunsod, ang dayuhan, ang ulila at ang biyu¬dang kapi¬ling mo. 12 Alalahanin mong naging alipin ka sa Ehipto, at pakaingatan mong isabuhay ang mga tuntuning ito.
13 Pitong araw mong ipagdiwang ang Piyesta ng mga Tolda, pagkatapos mong mati¬pon ang ani mula sa iyong giikan at pisaan ng ubas. 14 Magdiwang ka sa piyesta mong ito – ikaw at ang iyong mga anak, ang iyong mga alipin at ang Levita, ang dayuhan, ang ulila at ang biyu¬dang nasa iyong mga lunsod. 15 Pitong araw kang magpipiyesta sa karangalan ni Yaweng iyong Diyos sa lugar na pinili ni Yawe; sapagkat pagpapalain ka ni Yaweng iyong Diyos sa lahat ng iyong ani at sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay, upang malubos ang iyong kagalakan.
16 Haharap kay Yaweng Diyos mo ang lahat mong kalalakihan tatlong beses isang taon, sa lugar na pinili niya: sa Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, sa Piyesta ng mga Sanlinggo at sa Piyesta ng mga Tolda. At hindi sila haharap kay Yawe nang walang dala. 17 Sa halip, kusang loob na mag-aalay ang bawat isa ayon sa pagpapalang kaloob sa iyo ni Yaweng iyong Diyos.
Tungkol sa katarungan
18 Humirang ka ng mga hukom at mga opis¬yal para sa bawat tribu mo sa lahat ng lunsod na ibinibigay sa iyo ni Yaweng Diyos mo upang maghukom sa sambayanan ayon sa kataru¬ngan.
19 Huwag mong baluktutin ang batas o kiki¬lingan ang sinuman. Huwag kang tatang¬gap ng regalo sapagkat binubulag ng regalo ang mga mata ng marurunong at bina¬baluktot ang mga salita ng mga matuwid. 20 Kataru¬ngan! Hanapin ang katarungan kung gusto mong mabuhay at maangkin ang lupaing ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos.
21 Huwag kang magtatanim ng anumang klase ng sagradong punongkahoy, malapit sa itinayo mong altar ni Yaweng Diyos mo. 22 Hu¬wag kang magtatayo ng mga sagradong batong kinasusuklaman ni Yaweng iyong Diyos.

17 1 Huwag kang mag-aalay kay Yaweng iyong Diyos ng baka o tupang may kapintasan o kapansanan, sapagkat kina¬mu¬muhian ito ni Yaweng iyong Diyos.
2 Kung sa isa sa mga lunsod na ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos ay may matag¬puang lalaki o babae sa piling mo na guma¬gawa ng masama sa mata ni Yaweng Diyos mo at lu¬ma¬labag sa kanyang pakikipagtipan 3 at nag¬lingkod sa ibang mga diyos at yumu¬ko sa mga ito – sa araw o buwan o sa hukbo ng langit – na hindi ko iniutos, 4 at ipinag¬bigay-alam ito sa iyo, siyasatin mo itong mabuti. At kung ma¬pa¬tunayan mong ginawa nga ang kasuklam-suklam na bagay na ito sa Israel, 5 dalhin mo sa pintuan ng lunsod ang lalaki o babaeng gumawa ng kasa¬maang ito, at batuhin siya hanggang mamatay. 6 Ngu¬nit kakailanganin ang dalawa o tatlong saksi para mahatulan ng kamatayan ang isang tao. Walang sinumang hahatulan ng ka¬ma¬tayan dahil sa pagtestigo ng isang saksi lamang. 7Ang mga saksi ang magha¬hagis ng mga unang ba¬tong papatay sa hinatulan, saka susunod ang buong sambayanan. Sa ganito mo mapapawi ang kasamaan sa piling mo.
8 Kung iharap sa iyo ang isang napa¬kabigat na usapin para lutasin, maging tung¬kol sa pagpatay, karapatan o pananakit, magpunta ka sa lugar na pinili ni Yaweng iyong Diyos. 9 Lapitan mo ang paring Levita at ang hukom sa panahong iyon, at sumang¬guni sa kanila. Sa-sabihin nila sa iyo ang hatol sa kaso. 10 Isa¬gawa mo ang kanilang pasya sa lugar na iyon na pipiliin ni Yawe, at gawing mabuti ang itinuro nila sa iyo. 11 Sundin mo ang tagubilin o hatol na bigay nila, nang hindi lumiliko sa kanan o sa kaliwa mula sa pas¬yang ginawa nila para sa iyo.
12 Patayin ang sinumang mangahas na gu¬mawa ng iba o hindi makinig sa paring nag¬¬hu¬hukom doon sa paglilingkod kay Yaweng iyong Diyos. Pawiin mo ang kasa¬maan mula sa Israel. 13 At maririnig ito ng buong sambayanan at ma¬tatakot, at hindi na sila magpapasya nang walang karapatan.
Ang mga hari
• 14 Pagdating mo sa lupaing bigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos, at maangkin iyon at ma-katira ka na roon, siguro’y sasabihin mong – Gusto kong magkaroon ng hari tulad ng lahat ng bansang nakapalibot sa akin. 15 Hihirangin mong hari ang pipiliin ni Yweng iyong Diyos mula sa iyong mga kapatid. Hindi ka hihirang ng dayuhang hindi mo kalahai para maghari sa iyo.
16 Di dapat magkaroon ng maraming kabayo ang hari, at baka niya pabalikin sa Ehipto ang sambayanan para magkaroon pa ng mas mara¬ming kabayo. Sapagkat sinabi na sa iyo ni Yawe na huwag ka nang babalik sa daang iyon kailan¬man.
17 Hindi rin dapat magkaroon ng mara¬ming asawa ang hari, kung hindi’y ililigaw nila ang kanyang puso. At hindi rin siya dapat magkamal ng maraming ginto at pilak.
18 Pagluklok niya sa trono ng kanyang ka¬harian, kokopyahin niya para sa kanyang sarili ang Batas na ito mula sa aklat ng mga paring Levita. 19 Lagi niya itong dadalhin at babasahin sa lahat ng araw ng kanyang buhay upang matuto siyang magkaroong-pitagan kay Ya¬weng kanyang Diyos sa pag¬tupad sa lahat ng salita ng Batas na ito at mga tuntuning ito.
20 Hindi dapat lumaki ang kanyang ulo at hamakin ang kanyang mga kapatid, at lumihis sa kanan o sa kaliwa mula sa utos na ito upang mapahaba niya ang mga araw ng kanyang paghahari at ng kanyang mga anak sa piling ng Israel.
Ang mga pari mula sa tribu ng Levi
18 1 Walang kaparte o mana sa Israel ang mga paring Levita, ang buong tribu ng Levi. Mabubuhay sila sa mga handog na pinaraan sa apoy at sa mga bagay na ibinu¬kod para kay Yawe. 2 Walang mana ang Levita sa piling ng kanyang mga kapatid sapagkat si Yawe mismo ang kanyang mana, tulad ng pangako niya sa kanya.
3 Ito ang magiging karapatan ng mga pari mula sa sambayanan sa paghahandog nila ng baka o tupa: ibibigay nila sa pari ang pay¬¬pay pati ang mga pisngi at tiyan. 4 Ibibigay mo rin ang mga unang bunga ng iyong trigo, ng iyong bagong alak at langis, pati ang unang lana ng iyong tupa. 5 Sapagkat siya at ang lahat niyang anak ay pinili ni Yaweng iyong Diyos mula sa lahat mong tribu upang tumayo at maglingkod sa Ngalan ni Yawe habang pana¬hon.
6 Kapag may dumating na Levita buhat sa isa sa iyong mga lunsod sa Israel na pina¬ninirahan niya, dahil gustung-gusto niyang pumunta sa lugar na pinili ni Yawe, 7 maka¬paglilingkod siya sa Ngalan ni Yaweng kan¬yang Diyos tulad ng lahat niyang kapatid na Levita na nakatayo roon sa harap ni Yawe. 8 Magkasindaming bahagi ang kakanin niya, bukod pa sa napagbilhan niya sa mga pag-aari ng kanyang pamilya.
Ang mga propeta at “ang” propeta
• 9 Kapag nakapasok ka na sa lupa¬ing ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos, huwag mong gayahin ang kasuk¬lam-suklam na gawa ng mga bansang iyon. 10 Hindi dapat magkaroon sa pi-ling mo ng nagsusunog sa kanyang anak bilang handog o sinu¬mang nang¬huhula o sumasangguni sa mga bituin o nangkukulam 11 o nang¬ga¬gayuma o sumasangguni sa mga espi-ritu o nang¬huhula o sinumang nag¬ta¬tanong sa mga patay. 12 Sapag¬kat kina¬mumuhian ni Yawe ang lahat ng gu¬ma¬gawa ng mga bagay na ito, at ang mga kasuklam-suklam na gawang ito ang dahilan kaya sila pinalayas sa ha¬rap mo ni Yaweng iyong Diyos. 13 Ma¬ging wagas ka para kay Yaweng iyong Diyos.
14 Nakinig sa mga mangkukulam at manghuhula ang mga bansang ito na palalayasin mo. Ngunit iba ang bigay sa iyo ni Yaweng Diyos mo. 15 Isang propetang tulad ko ang palilitawin ni Yaweng iyong Diyos para sa iyo mula sa iyong mga kapatid sa piling mo, siya ang pakikinggan mo. 16 Alalahanin mong sinabi mo kay Yaweng iyong Diyos sa araw ng Pagtitipon sa Horeb – Takot akong mamatay, ayaw kong marinig na muli ang tinig ni Yaweng aking Diyos o makita pang muli ang mala¬king apoy. 17 Kaya sinabi sa akin ni Yawe – Maganda ang sinabi nila. 18 Isang propetang tulad mo ang palili¬tawin ko para sa kanila mula sa ka¬nilang mga kapatid. Ilalagay ko sa kanyang bibig ang aking mga salita at sasabihin niya sa kanila ang lahat ng iuutos ko sa kanya. 19 Ako mismo ang maniningil sa sinumang hindi makinig sa aking mga salita na sasabihin ng pro¬peta sa aking pangalan. 20 Ngunit mamamatay ang propetang magsa¬salita sa kanyang ga-nang sarili ng anumang hindi ko ini¬utos sa kanya o magsalita sa ngalan ng ibang mga diyos.
21 Sasabihin mo siguro sa iyong sarili – Paano namin malalaman na hindi si Yawe ang nagsabi ng salita? 22 Kung hindi mang¬¬yari o magkatotoo ang sinasabi ng propeta sa Ngalan ni Yawe, hindi si Yawe ang nagsabi ng salita. Sa ganang sarili niya nagsalita ang propeta, huwag kang matakot sa kanya.
Ang mga siyudad na taguan
19 • 1 Kapag nalipol na ni Yaweng iyong Diyos ang mga bansang ang lupain ay ibinibigay niya sa iyo, at napalayas mo na sila at nakatira ka na sa kanilang mga siyudad at mga bahay, 2 ibubukod mo ang tatlong lunsod para sa iyo sa lupaing ibi¬nibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos para angkinin. 3 Ayusin mo ang daan papunta sa mga ito at hatiin sa tatlong bahagi ang lupaing ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos bilang pamana. Kaya doon ma¬katatakbo ang sinumang nakapatay.
4 Ngunit sino ang makatatakbo roon upang iligtas ang kanyang sarili? Ang sinumang di sina-sadyang nakapatay ng kapwa na hindi naman niya nakakagalit. 5 Halimbawa, kung may magkasamang nagpunta sa gubat para mamutol ng kahoy, at nang ihataw ng isa ang kanyang palakol upang putulin ang isang puno ay dumulas ang talim niyon mula sa tatangnan at tinamaan at napatay ang kanyang kasama, makatatakbo siya sa isa sa mga lunsod na iyon para iligtas ang kanyang sarili. 6 Huwag mong pabayaang habulin ng tagapaghiganti ng dugo sa galit nito ang nakapatay at ma¬abutan siya dahil sa haba ng daan. At baka patayin siya gayong hindi siya dapat hatulan ng kamatayan dahil hindi naman niya naka¬kagalit noong una ang kanyang kasama.
7 Kaya iniuutos ko sa iyong ibukod ang tat¬long siyudad na ito. 8 At palalawakin siguro ni Yaweng Diyos mo ang iyong hang¬ganan gaya ng ipinangako niya sa iyong mga ninuno, at ibibigay sa iyo ang buong lupaing ipinangako niya sa iyong mga ninuno, 9 kung tutuparin mo’t isasabuhay ang lahat ng utos na ito na ini¬uutos ko sa iyo ngayon: ang ibigin si Yaweng iyong Diyos at sundang lagi ang lahat niyang daan. At dadagdagan mo ng tatlo pa ang tatlong siyudad.
10 Kayat hindi dadanak ang dugo ng walang-sala sa iyong lupain na ibinibigay sa iyo ni Yaweng Diyos mo bilang pamana, at hindi ka mababahiran ng dugo.
11 Ngunit kung may namumuhi sa kan¬yang kapwa, at tinambangan niya iyon at sinung¬gaban at tinaga hanggang mamatay, at tuma¬kas ang may-kagagawan sa isa sa mga lunsod na ito, 12 ipadadakip siya ng mata¬tanda ng kan¬yang siyudad at ibabalik mula roon. At ibibigay siya sa kamay ng mga kamag-anak ng biktima upang siya naman ang patayin. 13 Hu¬wag kang maawa sa kanya, kundi alisin mo mula sa Israel ang pagdanak ng dugo ng wa¬lang-sala, at ma¬pa¬pa¬buti ka.
14 Huwag mong ilipat ang mohon ng iyong kapwa na inilagay ng mga nauna sa iyo sa pamanang tatanggapin mo sa lupaing ibi¬bigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos para ang¬ki¬nin.
15 Hindi sapat ang isang saksi laban kani¬numan para sa anumang krimen o pagkakasala na maaaring nagawa niya. Sa pagtestigo la¬mang ng dalawa o tatlong saksi malulutas ang isang usapin. 16 Kung isang saksi ang mag-aakusa sa sinuman at magpaparatang sa kanya, 17 ang dalawang taong nasa¬sang¬kot sa usapin ay tatayo sa harap ni Yawe sa harap ng mga pari at mga hukom na nanu¬nung¬kulan sa pana¬hong iyon.
18 Gagawa ng masusing pagsisiyasat ang mga hukom, at kung lumabas na nagsinu¬nga¬ling ang saksi sa pagtestigo nang mali laban sa kanyang kapatid, 19 sa kanya mo gagawin ang tinangka niyang gawin sa kanyang kapatid. Kaya mapapawi mo ang kasamaan mula sa piling mo. 20 At maririnig ito ng iba at matatakot, at hindi na mauulit ang ganitong kasamaan sa piling mo.
21 Huwag kang maawa sa kanya: buhay sa buhay, mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa.
Ang pakikidigma
20 1 Sa pakikidigma mo sa iyong mga kaaway at pagkakita mo sa mga ka¬bayo at mga karwahe, sa isang hukbong mas marami kaysa iyo, huwag kang matakot sa ka¬nila sa¬pagkat sumasaiyo si Yaweng Diyos mo na nag¬labas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.
2 Kung nalalapit na ang labanan, pupunta sa harap ang pari at kakausapin ang hukbo, 3 sasa-bihin niya – Makinig ka, Israel, maki¬kipaglaban ka ngayon sa iyong mga kaaway. Huwag kang panghinaan ng loob o matakot o manginig, at huwag masindak sa harap nila 4 sapagkat suma-saiyo si Yaweng Diyos mo upang labanan ang iyong mga kaaaway para sa iyo at iligtas ka.
5 At sasabihin naman ng mga opisyal sa hukbo – Mayroon ba sa inyo na kapagtatayo la¬mang ng bagong bahay at hindi pa ito napasi¬sinayaan? Paalisin siya at pauwiin, at baka siya mapatay sa labanan at iba ang magpasinaya nito. 6 Mayroon ba sa inyo na kapagtatanim la¬mang ng bagong ubasan at hindi pa natatamasa ang mga bunga niyon? Paalisin siya’t pa¬uuwiin, at baka siya mapa¬tay sa labanan at iba ang magtamasa ng mga bunga niyon. 7 Mayroon ba sa inyo na may pina¬ngakuang pakakasalan at hindi pa na¬kapag¬papakasal? Paaalisin siya’t pau¬wiin, at baka siya mapatay sa laba¬nan at iba ang kumuha sa kanyang nobya.
8 Sasabihin pa rin ng mga opisyal sa kanila – Mayroon ba sa inyong takot at mahina ang loob? Umalis na siya at umuwi, para hindi ma¬hawa sa kanya ang kanyang mga kapa¬tid. – 9 Pag-ka¬tapos nilang magsalita, mag¬¬ta¬¬talaga sila ng mga pinuno na mangunguna sa hukbo.
10 Kapag malapit ka na sa lunsod na iyong kukubkubin, alukin mo muna ito ng kapaya¬paan. 11 Kung tanggapin nito ang kapa¬ya¬paan at buksan sa iyo ang mga pintuan, magi¬ging tra¬bahador mo ang lahat ng taong naroroon at maninilbihan sila sa iyo.
12 Kung tanggihan naman nila ang alok mong kapayapaan at makipaglaban sa iyo, kubkubin mo ang siyudad. 13 At kapag ibinigay iyon sa iyong mga kamay ni Yaweng iyong Diyos, pag-tatagain mo ng tabak ang lahat ng lalaki; 14 ang mga babae lamang at mga bata, ang mga ha-yupan at lahat ng iba pang nasa siyudad ang masasamsam mo para sa iyo. At kakanin mo ang mga nasam¬sam sa iyong mga kaaway na ibibigay sa iyo ni Yaweng Diyos mo.
15 Ganito ang gagawin mo sa lahat ng lunsod na napakalayo sa iyo, na hindi mga siyudad ng lupaing aangkinin mo. 16 Ngunit sa mga lunsod ng lupaing ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos bilang pamana, wala kang iiwang buhay. 17 Lipulin mo silang lahat ayon sa batas ng anatema – ang mga Heteo, Amorreo, Kananeo, Perezeo, Heveo at Hebu¬seo – tulad ng iniutos sa iyo ni Yaweng iyong Diyos 18 upang hindi nila maituro sa inyo na gayahin sila sa lahat ng kasamaang ginawa nila para sa kanilang mga diyos, kung hindi’y magkakasala kayo kay Yaweng inyong Diyos.
19 Sa pagkubkob mo at paglaban sa isang lunsod sa loob ng maraming araw, bago ito mabihag, huwag mong papalakulin para sirain ang mga puno nito upang makain mo ang mga bunga ng mga ito. Huwag mong puputulin ang mga iyon. Tao ba ang mga puno sa bukid para mo tagain? 20 Ang mga puno lamang na alam mong hindi namu¬munga ang mapuputol mo para gawing mga hagdan at kasangkapang magagamit mo sa pangungubkob hanggang bumagsak ang siyudad na lumaban sa iyo.

Mga batas at mga karapatan
21 1 Kung may matagpuang pinatay sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos para angkinin, at hindi kilala kung sino ang pumatay sa kanya, 2 lalabas ang iyong mga matatanda at mga hukom para sukatin ang layo sa bangkay ng mga karatig-lunsod.
3 At ang matatanda ng bayang pinakama¬lapit sa bangkay ay kukuha ng isang baba¬eng guyang hindi pa napagtatrabaho o nalalagyan ng pamatok. 4 Dadalhin nila iyon sa isang batis na patuloy na umaagos sa lugar na hindi pa naaararo o nahahasikan, at doon nila iyon ba¬balian ng leeg sa batis. 5 Lalapit ang mga paring mga anak ni Levi, sapagkat pinili sila ni Yaweng iyong Diyos upang mag¬lingkod at magbasbas sa ngalan ni Yawe, at sila ang magpapasya sa lahat ng usapin o kasong kriminal.
6 At sa ibabaw ng babaeng guyang bina¬lian ng leeg sa batis, maghuhugas ng mga kamay ang lahat ng matatanda ng lunsod na iyon na pinakamalapit sa bangkay ng taong pinatay. 7At sasabihin nila ito – Hindi aming mga kamay ang nagpadanak ng dugong ito, at hindi ito nakita ng aming mga mata. 8 Patawarin mo, O Yawe, ang iyong bayang Israel na iyong tinubos, at huwag mo silang singilin sa pagdanak na ito ng dugo ng walang-sala. – Kaya pawawalang-sala sila sa dugong ito 9 at maaalis mo ang bahid ng dugo ng walang-sala at magagawa ang tama sa mata ni Yawe.
10 Sa pakikidigma mo sa iyong mga kaaway, at ibigay sila sa iyong mga kamay ni Yaweng iyong Diyos 11 at may makita kang magandang babae sa mga bihag at magus¬tuhan mo siya at naising maging asawa, 12 dalhin mo siya sa ba¬hay mo. At magpa¬pakalbo siya at maghi¬hi¬nuko; 13 huhubarin niya ang damit ng bihag at titira sa bahay mo. Isang buwan niyang ipag¬luluksa ang kanyang ama at ina, at saka ka lamang maka¬kasiping sa kanya. At magiging asawa ka niya at ma-giging maybahay mo na¬man siya. 14 Kung hindi ka na nasisiyahan sa kanya, pala¬yasin mo siya ayon sa gusto niya. Huwag mo siyang ipag¬¬bibili o ituring na alipin, sapagkat nakuha mo lamang siya sa dahas.
15 Kung may dalawang asawa ang isang lalaki, at mas gusto niya ang isa at kapwa sila nagkaanak sa kanya pero anak ng babaeng hindi niya gusto ang panganay, 16 sa araw na ipamana niya ang kanyang mga ari-arian sa kanyang mga anak na lalaki, hindi niya maibi¬bigay ang karapatan ng panganay na anak sa anak ng babaeng mas gusto niya, sa kapin¬salaan ng tunay na panganay na anak ng babaeng hindi niya gusto. 17 Sa halip, dapat niyang kilalanin ang pagkapanganay ng anak ng babaeng hindi niya gusto sa pagbibigay dito ng dobleng bahagi sa lahat niyang ari-arian. Ito ang una niyang anak, at para dito ang karapatan ng panganay.
18 Kapag may lalaking may anak na matigas ang ulo at rebelde na hindi sumu¬sunod sa kan-yang ama o ina, at ayaw ma¬kinig sa kanila kapag dinidisiplina siya, 19 dapat siyang hawa¬kan ng kanyang mga magulang at dalhin sa matatanda ng lunsod sa pintuang-hatulan, 20 at sabihin sa mga matatanda – Matigas ang ulo at rebelde ang anak naming ito, at hindi siya naki¬kinig sa amin, bastos at lasenggo. 21 At babatuhin siya ng lahat ng lalaki ng kanyang lunsod hanggang mamatay. Kaya maaalis mo ang ka¬samaan sa iyong piling. Maririnig ito ng buong Israel at matatakot.
22 Kung may isang lalaking gumawa ng krimeng kamatayan ang parusa, at siya ay pinatay sa pagbitay sa kanya sa isang puno, 23 hindi dapat manatili sa puno ang kanyang bangkay sa buong magdamag. Tiyakin mong ilibing siya sa araw ding iyon sapagkat sumpa ng Diyos ang sinumang binitay. Huwag mong lapasta¬nganin ang lupaing ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos bilang pamana.
Isauli ang bagay na nakita
22 1 Kung makita mo ang nawawalang baka o tupa ng iyong kapatid, huwag kang magkunwaring hindi iyon nakita, kundi ibalik iyon sa kapatid mo. 2 Kung hindi malapit sa iyo ang iyong ka¬patid, o hindi mo siya ki¬lala, iuwi mo iyon sa bahay mo hang¬gang hanapin iyon ng kapatid mo, at isasauli mo naman iyon sa kanya.
3 Gayundin ang gawin mo sa maki¬kita mong nawawalang asno o damit o anu¬mang pag-aari ng kapatid mo. Huwag kang magkukunwaring hindi nakita ang mga iyon. 4 Kung makita mong nabuwal sa daan ang asno o baka ng kapatid mo, huwag kang mag¬kunwaring hindi iyon nakita, kundi tulungan mo siyang mapa¬tayo ang hayop.
5 Di dapat magdamit-lalaki ang babae o magbihis-babae naman ang lalaki, sapagkat kinasusuklaman ni Yaweng iyong Diyos ang si¬numang gumagawa ng mga bagay na ito.
6 Kung may madaanan kang pugad ng ibon sa puno o sa lupa, at nakalimlim ang inahin sa mga inakay o sa mga itlog, huwag mong ku¬kunin ang inahin kasama ang mga inakay. 7 Makukuha mo ang mga inakay pero lagi mong pakaka¬walan ang inahin upang mapabuti ka at ma¬buhay nang matagal.
8 Kapag nagpatayo ka ng bagong bahay, magtayo ka ng maliit na pader sa paligid ng iyong bubungan, sapagkat baka may mahu¬log mula roon at mabahiran tuloy ng dugo ang bahay mo.
9 Huwag kang maghahasik ng iba pang binhi sa iyong ubasan sapagkat di mo maaaring ka¬nin hindi lamang ang bunga ng iyong inihasik kundi pati ang bunga ng iyong ubasan.
10 Huwag kang mag-aararo sa pamamagitan ng magkatuwang na baka at asno.
11 Huwag kang magsusuot ng damit na hinabi sa pinagsamang lana at linen.
12 Gumawa ka para sa iyong sarili ng mga borlas sa apat na sulok ng kapang pantakip mo sa iyong katawan.
13 Kung mag-asawa ang isang lalaki, at pag¬kasiping sa kanyang asawa ay umayaw na sa kanya, 14 at pinaratangan niya ito nang masama at siniraan sa pagsasabing – Pina¬¬kasalan ko ang babaeng ito pero nang magtalik kami, hin¬di ko nakita ang kanyang pagkadalaga. 15At kukunin ng ama at ina ng babae ang kumot ng pulutgata na magpapatunay na dalaga nga ang babae, at ipaki¬kita ito sa mga hukom ng lunsod. 16 Sa¬sabihin ng ama ng babae sa mga hukom – Ibinigay ko sa lalaking ito ang aking anak bi¬lang asawa pero ayaw na nito sa kanya. 17 At hayan, pina¬¬ra¬tangan niya siya nang masama sa pag¬sasabing hindi na raw pala dalaga ang anak ko. Pero tingnan ninyo, narito ang patunay na da¬laga nga ang aking anak. – Ilaladlad nila ang kumot sa harap ng mga hukom ng lunsod. 18 At dadakpin ng mga hukom ang lalaki at paru¬rusahan. 19 Pagmumultahin nila siya ng san¬daang pirasong pilak na ibibigay sa ama ng babae sapagkat binigyan niya ng masamang pangalan ang isang dalaga ng Israel. Siya ang magiging maybahay ng lalaki at hindi niya ito mahihiwalayan habang buhay.
20 Ngunit kung totoo nga ang paratang na ito at walang makitang katibayan ng pagkadalaga ng babae, 21 dalhin ang babae sa pintuan ng bahay ng kanyang ama at batuhin ng mga la¬laki ng kanyang lunsod hanggang mamatay dahil sa kasamaang ginawa niya sa Israel – ang maging babaeng bayaran samantalang nasa ba¬hay pa ng kanyang ama. At maaalis mo ang kasamaan sa iyong piling.
22 Kung may lalaking mahuli na naki¬kipag¬talik sa babaeng asawa ng iba, papa¬tayin silang dalawa: ang nambabae at ang nakiapid. At ma¬¬aalis mo ang kasamaan mula sa Israel.
23 Kung naipangako na ang isang dalaga sa isang lalaki, at nakita ito ng ibang lalaki sa lun-sod at nakipagtalik sa kanya, 24 dalhin ninyo si¬lang dalawa sa pintuan ng lunsod na iyon at ba-tuhin hanggang mamatay: ang babae dahil hin¬di siya sumigaw gayong nasa lunsod siya, at ang lalaki sapagkat nila¬pastangan niya ang may¬bahay ng kanyang kapwa. At maaalis mo ang kasamaan sa iyong piling.
25 Ngunit kung sa bukid, ang isang lalaki ay may masalubong na babaeng naipa¬ngako nang ikasal at ginahasa niya iyon, ang lalaki lamang ang mamamatay. 26 Wala kang gagawin sa babae sapagkat wala siyang ka¬sa¬¬lanan para patayin. Kung paanong sinung¬gaban at pinatay ng isa ang kanyang kapwa, gayon din ang ka¬song ito. 27 Natag¬puan niya ang babae sa bukid, nagsisigaw ito ngunit walang nagligtas sa kanya.
28 Kung ang isang lalaki nama’y may masalubong na dalagang hindi pa naka¬takdang ikasal at ginahasa niya ito, at mahuli sila, 29 magbabayad ng limampung pirasong pilak ang lalaki sa ama ng babae, at magi¬ging asawa niya ang babae sapagkat nila¬pastangan niya ito, at hindi niya ito mahi¬hiwalayan habang buhay.
Ang marapat na ugali ng isang bayang banal
23 1 Di dapat kunin ng isang lalaki ang asawa ng kanyang ama, di niya dapat lapastanganin ang kanyang ama. 2 Hindi maka¬papasok sa pagtitipon ni Yawe ang si¬nu¬mang lalaking nadurog ang itlog o napu¬tol ang ari. 3 Hindi rin matatanggap sa pagti¬tipon ni Yawe ang mestiso kahit hanggang sa ikasampung salinlahi; wala sa kanyang mga inapo ang ma¬ka¬papasok sa pagtitipon ni Yawe. 4 Hindi matatanggap sa pagtitipon ni Yawe ang Amonita o Moabita kahit hang¬gang sa ikasampung salinlahi; wala sa kanilang makapapasok sa pagtitipon ni Yawe habang panahon. 5 Sapagkat hindi nila kayo sinalubong sa daan nang may tinapay at tubig nang lumabas kayo mula sa Ehipto, kundi inupahan nila laban sa iyo si Balaam na anak ni Beor na taga-Petor ng Meso¬potamia para isum¬pa ka. 6 Ngunit hindi pina¬kinggan ni Yaweng iyong Diyos si Balaam, at ang sumpa ay ginawa ni Yaweng Diyos mo na maging pag¬papala para sa iyo pagkat mahal ka ni Yaweng iyong Diyos.
7 Huwag mong hahangarin ang kanilang ka¬saganaan o kaligayahan sa habang buhay mo. 8 Huwag mong kasuklaman ang Edo¬mita sapag¬kat kapatid mo siya, ni ang Ehip¬siyo sa¬pagkat nandayuhan ka sa kanyang lupain.
9 Makapapasok sa pagtitipon ni Yawe ang ka¬nilang mga inapo mula sa ikatlong salin¬lahi. 10 Sa pagsalakay mo sa iyong mga ka¬away, lu¬mayo ka sa lahat ng masama. 11 Kung mayroon sa inyong lalaking di-malinis sapagkat nilabasan siya sa kanyang pagtulog, lalabas siya ng kampo at hindi muna babalik.
12 At maliligo siya pagdadapithapon, at ma¬kakabalik na siya sa kampo paglubog ng araw.
13 Maglaan ka ng lugar sa labas ng kampo pa¬ra sa mga pansariling pangangailangan. 14 Mag¬dala ka ng patpat kasama ng iyong mga gamit, at sa pagdumi mo sa labas, ito ang ipanghukay mo at tabunan ang iyong dumi.
15 Sapagkat palibut-libot sa gitna ng iyong kampo si Yaweng iyong Diyos para pangalagaan ka at ibigay sa iyo ang iyong mga kaaway: Kaya dapat maging banal ang iyong kampo upang wala siyang makitang anumang di kanais-nais sa iyo at lumayo tuloy siya sa iyo. 16 Huwag mong ibabalik sa kanyang amo ang aliping lumayas at naki¬tuloy sa inyo.
17 Patirahin mo siya sa piling mo sa lugar na pipiliin niya’t magugustuhan sa iyong mga lun-sod. Huwag mo siyang aapihin.
18 Huwag maging sagradong babaeng ba¬yaran ang mga babaeng Israelita o sagradong bakla ang mga anak na lalaki ng Israel.
19 Huwag mong dadalhin sa Bahay ni Yaweng iyong Diyos ang kita ng isang babaeng bayaran o ang upa ng isang aso, ibig sabihi’y ng isang bakla, bilang bayad sa anumang panata sapagkat parehong kasuklam-suklam ang mga ito kay Yaweng iyong Diyos. 20 Huwag kang mag-papautang nang may tubo sa iyong ka¬patid, ma¬ging sa salapi o pagkain o anumang maaaring pag¬tubuan.
21 Makapagpapautang ka nang may tubo sa dayuhan, pero hindi sa iyong kapatid upang pagpalain ka ni Yaweng iyong Diyos sa lahat mong gawain sa lupaing pupun¬tahan mo para angkinin. 22 Kung may panata ka kay Yaweng iyong Diyos, huwag mong antalahin ang pag¬tupad nito sapagkat tiyak na sisingilin ito sa iyo ni Yaweng Diyos mo at maging kasalanan mo pa tuloy ito. 23 Hindi ka nagkakasala kung hindi ka gagawa ng anumang panata.
24 Tuparin mo ang anumang mamutawi sa iyong mga labi at ialay mo kay Yawe ang anu¬mang ipinangako mo ayon sa iyong pa¬nata.
25 Sa pagdaan mo sa ubasan ng iyong kapwa, makakakain ka ng ubas hanggang gusto mo pero huwag kang maglalagay sa iyong lalagyan. 26 Sa pagpunta mo sa trigu¬han ng iyong kapwa, makapangingitil ka ng mga butil pero huwag mong ilalagay ang karit sa nakatayong uhay ng trigo ng iyong kapwa.

24 1 Kung mag-asawa ang isang lalaki at pagkatapos ay ayaw na niya sa kanyang maybahay dahil may nakita siyang di kasiya-siya rito, makasusulat siya ng katibayan ng diborsiyo, ibibigay iyon sa babae at mapaaalis na niya sa kanyang bahay. 2 Kung pagkaalis niya sa bahay ng lalaki ay maging maybahay naman siya ng ibang lalaki 3 na pagkatapos ay umayaw rin sa kanya at pina¬layas siya sa pa¬ma¬¬magitan ng katibayan ng diborsyo, o kung ma¬matay ang ikalawa niyang asawa, 4 hindi siya makukuhang muli bilang maybahay ng una niyang asawang nakipaghiwalay sa kanya, sapagkat siya’y naging di-malinis. Ka¬suklam-suklam ito kay Yawe. Huwag mong ilagay sa kasalanan ang lupaing ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos bilang pamana.
Pagkakaisa sa lipunan
• 5 Kung bagong-kasal ang isang lalaki, hindi siya pupunta sa digmaan o maaa¬tangan ng anumang tungkulin. Malaya siyang makatitigil sa sarili niyang bahay sa loob ng isang taon at pali-ligayahin niya ang kanyang maybahay.
6 Huwag tanggaping ensima ang mga gilingang-bato. Matatanggap bang en¬sima ang buhay ng tao?
7 Kung may lalaking mahuli na kumi¬kidnap sa isa sa kanyang mga kapatid na Israelita para ipagbili bilang alipin, kaila¬ngang mamatay ang kidnaper. At maaalis mo ang kasamaan sa piling mo.
8 Mag-ingat sa nakahahawang ke¬tong. Sundin at gawing mabuti ang lahat ng itatagubilin sa iyo ng mga pa¬ring Levita; buong ingat mong gawin ang iniutos ko sa kanila. 9 Alalahanin mo ang ginawa ni Yaweng iyong Diyos kay Miriam sa daan paglabas ninyo mula sa Ehipto.
10 Kapag nagpahiram ka ng anuman sa iyong kapwa, huwag kang papasok sa bahay niya para kunin ang kanyang sangla. 11 Maghintay ka sa labas, at ang taong pinapahiram mo ang magla¬labas ng isasangla niya sa iyo. 12 Kapag ki¬nuha mong sangla ang balabal ng dukha, huwag mong itabi iyon sa loob ng mag¬damag, 13 kundi isauli mo iyon sa kanya, paglubog ng araw para mayroon siyang mahigaan. At pagpapalain ka niya at magiging matuwid ka sa paningin ni Yaweng iyong Diyos.
14 Huwag mong pagsamantalahan ang pobre at nangangailangang arawang trabahador, maging isa siya sa iyong mga kapatid o dayuhang nasa iyong lupain sa iyong mga lunsod. 15 Su¬welduhan mo siya araw-araw bago lumubog ang araw, sa¬pagkat dukha siya at sa kita niya siya umaasa, para hindi siya dumaing kay Yawe laban sa iyo at hindi ka magkaroon ng kasala-nan.
16 Hindi puwedeng patayin ang mga ama dahil sa kanilang mga anak na lalaki, o ang mga anak na lalaki dahil sa kani¬lang mga ama. Pagbabayaran ng bawat isa ang sarili niyang kasa-lanan.
17 Huwag mong pagkaitan ng kata¬ru¬ngan ang dayuhan o ulila, o kuning sangla ang damit ng biyuda. 18 Alala¬hanin mong naging alipin ka sa Ehipto, at tinubos ka roon ni Yaweng iyong Diyos. Kaya ini¬uutos ko sa iyong gawin ito.
19 Sa paggapas mo ng ani sa iyong bukid at may naiwan kang mga uhay, huwag mo nang babalikan pa ang iyon para kunin. Pabayaan mo na iyon para sa dayuhan, ulila at biyuda upang pag¬palain ka ni Yaweng iyong Diyos sa lahat mong gawain.
20 Sa pag-aani mo ng iyong olibo, hu¬wag kang babalik para paluin muli ang mga sanga, ipaubaya mo na ang matitira para sa dayuhan, ulila at biyuda. 21 Sa pa¬mimitas mo ng ubas sa iyong ubasan, huwag ka nang babalik pa para sairin ang naiwan. Ito ang para sa dayuhan, ulila at biyuda. 22 Alala¬hanin mong naging alipin ka sa lupain ng Ehipto. Kaya iniuutos ko sa iyong gawin ito.

25 1 Kapag may sigalot ang dalawang lalaki, dudulog sila sa mga hukom na magpapasya sa usapin. Ipahahayag ng mga hukom kung sino ang matuwid at maysala. 2 Kung kailangang hagupitin ang maysala, pa¬dadapain siya ng hukom at hahagupitin sa harap ng hukom sa dami ng hagupit na ka¬tum¬bas ng kanyang pagkakasala. 3 Mai¬pa¬hahagupit mo siya nang hindi hihigit sa apatnapung beses, dahil kung lalampas ka rito, lalabis na ang pag¬¬¬hagupit at mapa¬pahiya sa harap mo ang iyong kapatid.
4 Huwag mong lagyan ng busal ang ba¬kang gumigiik.
5 Kapag magkasamang nabubuhay ang mag¬¬kapatid na lalaki at namatay ang isa nang walang anak, hindi makapag-aasawa ng iba ang biyuda ng namatay liban sa bayaw nito. Kukunin siya nito bilang maybahay at bibigyan ng anak ang kanyang kapatid. 6 Ang panganay na anak na lalaki ng babae ang magpapatuloy sa pa¬ngalan ng kapatid na namatay at ituturing na anak nito ang bata. Kayat hindi mapapawi sa Israel ang kanyang pangalan.
7 Ngunit kung ayaw ng lalaki na kunin ang asawa ng kanyang kapatid, pupuntahan ng babae ang matatanda sa pintuan ng lunsod at sasabihing – Ayaw ng bayaw ko na ipag¬patuloy ang pangalan ng kanyang kapatid sa Israel. Ayaw niyang gampanan ang tung¬kulin ng pa¬giging bayaw ko.
8 At ipatatawag siya ng matatanda at kakausapin. Kapag nagpilit ang lalaki at sinabing – Ayaw ko siyang maging may¬bahay – 9 lalapitan siya ng biyuda ng kanyang kapatid sa harap ng matatanda at huhubaran ng isa niyang sandalyas, luluran sa mukha at sasabihang – Ito ang dapat sa lalaking tuma¬tangging itayo ang sambahayan ng kanyang kapatid. 10 At tatawagin sa Israel na “Sambahayan ng nakayapak” ang kan¬yang sam¬ba¬hayan.
11 Kung may dalawang lalaking nag-aaway at lumapit ang maybahay ng isa para iligtas ang asawa sa kamay ng kalaban, at sa pag-unat niya sa kanyang kamay ay naha¬wakan nito ang ari ng kaaway, 12 walang awa mong puputulin ang kamay ng babae.
13 Hindi ka dapat magkaroon sa iyong bag ng dalawang pantimbang, isang mabigat at isang magaan; 14 at hindi ka rin dapat magkaroon sa iyong bahay ng dalawang magka¬ibang panukat, isang malaki at isang maliit. 15 Magkaroon ka ng husto at tamang pantim¬bang, at ng husto at eksaktong panukat upang lumawig ang 16 mga araw mo sa lupaing ibi¬¬¬ni¬¬bigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos. Sa¬¬¬pag¬¬¬kat kinamumu¬hian ni Yawe ang guma¬gawa ng mga bagay na ito at anumang klaseng pandaraya.
17 Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ni Amalek sa daan sa paglabas ninyo mula sa Ehipto. 18 Sinalubong ka niya sa daan at pina¬libutan niya ang mga nahuhuli sa likod mo samantalang pagod ka at nanghihina. Wala siyang takot sa Diyos. 19 Kaya kapag binigyan ka ni Yaweng iyong Diyos ng kapa¬hingahan mula sa lahat mong kaaway na nakapalibot sa iyo sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos para angkinin bilang pamana, buburahin mo ang alaala ni Amalek mula sa silong ng langit. Huwag mo itong kalilimutan.
Pagpapahayag ng Israelita sa kanyang pananampalataya
26 • 1 Kapag nakarating ka na sa lupaing ibinibigay ni Ya¬weng iyong Diyos bilang pamana at kapag naangkin mo na ito at nakatira na rito, 2 kukunin mo ang mga unang bunga ng lahat ng aning galing sa lupa¬ing bigay sa iyo ni Yaweng Diyos mo. Ilagay mo ang mga ito sa isang mala-king kaing at dalhin sa lugar na pinili ni Yaweng iyong Diyos bilang tahanan ng kan¬yang Pangalan.
3 Iharap mo ang mga ito sa paring nanunungkulan sa mga araw na iyon at sabihin sa kanya – Ipinahahayag ko ngayon kay Yaweng aking Diyos na pinapasok nga niya ako sa lupaing ipi-nangako niya sa ating mga ninuno na ibibigay sa atin. 4 At kukunin ng pari ang kaing mula sa iyong mga kamay at ilalagay iyon sa harap ng altar ni Yaweng iyong Diyos. 5 At sasabihin mo naman ang mga salitang ito sa harap ni Yaweng Diyos mo –
Isang pagala-galang Arameo ang aking ama. Nagpunta siya sa Ehipto at doon nakipamayan, kasama ang iilang tao la¬mang, ngunit doo’y naging isang bansang malaki, malakas at marami.
6 Minaltrato kami ng mga Ehipsiyo, inapi at pinapagtrabaho nang mabigat. 7 Kayat dumaing kami kay Yaweng Diyos ng aming mga ninuno, at dininig naman ni Yawe ang aming tinig. Nakita niya ang aming di-makataong kalaga¬yan, ang mabigat naming trabaho at ang aming kaapihan. 8 Inilabas kami ni Yawe mula sa Ehipto nang may malakas na kamay at nakaunat na bisig, may kagila-gilalas na kababalaghan, at mga tanda at mga kahanga-¬hangang bagay. 9 At dinala niya kami sa lugar na ito at ibini¬gay sa amin ang lupaing ito na dina¬daluyan ng gatas at pulot-pukyutan. 10 Kaya narito ngayo’t dala ko ang mga unang bunga ng lu¬pang bigay mo sa akin, O Yawe.
Ilagay mo ito sa harap ni Yaweng iyong Diyos, yumuko ka kay Yaweng iyong Diyos. 11 At magpipiyesta ka sa lahat ng mabubuting bagay na bigay sa iyo at sa iyong sambahayan ni Yaweng iyong Diyos, ikaw at ang Levita at ang dayuhang kapiling mo.
12 Sa ikatlong taon, sa taon ng ikapu, matapos mong ibukod ang ikapu ng lahat mong ani at naibigay na ito sa Levita, sa dayuhan, sa ulila at sa biyuda upang maka¬kain sila at mabusog sa iyong mga siyudad, 13 sasabihin mo sa harap ni Yaweng iyong Diyos –
Nailabas ko na sa bahay ko ang bahaging sagrado. Ibinigay ko ito sa Levita, sa da¬yuhan, sa ulila at sa biyuda, ayon sa lahat mong utos na iniutos sa akin. Hindi ko nila¬bag ang iyong mga utos at hindi nilimot ang mga ito. 14 Sa panahon ng pagluluksa, hindi ako kumain ng anuman sa ikapung ito, ni binawasan ito. Wa¬lang anumang di-malinis dito, at hindi ako nag-alay ng anu¬man dito sa mga patay. Pinaking¬gan ko ang tinig ni Yaweng aking Diyos at ginawa ko ang lahat ng iniutos mo sa akin.
15 Tumunghay ka mula sa iyong banal na tirahan, mula sa langit, at basbasan ang iyong bayang Israel at ang lupaing bigay mo sa amin tulad ng ipinangako mo sa aming mga ninuno, ang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan.
16 “Iniuutos sa iyo ngayon ni Yaweng iyong Diyos na tuparin ang mga tuntunin at mga batas na ito. Tuparin mong mabuti ang mga ito nang buo mong puso at nang buo mong kalu¬luwa.
17 Kaya ganito mo ipinapadeklara ngayon kay Yawe na siya ang magiging Diyos mo kaya lalakad ka sa kanyang mga daan, tutu¬parin ang kanyang mga tuntunin, mga utos at mga batas, at makikinig sa kanyang tinig.
18 At ipinadeklara naman ngayon sa iyo ni Yawe na ikaw ang magiging sarili niyang bayan, tulad ng sinabi niya sa iyo, at tutu¬parin mo naman ang lahat niyang utos. 19 At itatampok ka niya sa karangalan, katan¬yagan at luwalhati sa lahat ng bansang ginawa niya, at ikaw ang magiging bayang banal kay Yaweng Diyos mo, gaya ng kanyang sinabi.”
Pagtatapos ng “salita ni Moises”
27 • 1 Iniutos ito ni Moises at ng mga matatanda ng Israel sa samba¬yanan: “Tupa¬rin ninyo ang lahat ng utos na iniuutos ko sa inyo ngayon. 2 At sa araw na ma¬katawid kayo sa Jordan patungo sa lupaing ibi¬ni¬bigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos, magtayo ka ng malalaking bato at palitadahan iyon ng apog. 3 At isulat mo sa mga ito ang lahat ng salita ng Batas na ito pagkatawid mo para pu¬munta sa lupaing ibi¬nibigay sa iyo ni Yaweng Diyos mo, sa lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, gaya ng sabi sa iyo ni Yaweng Diyos ng iyong mga ninuno.
4 Pagkatawid ninyo sa Jordan, itayo ninyo ang malalaking batong ito sa Bundok Ebal, tulad ng iniuutos ko sa inyo ngayon, at palita¬dahan ng apog. 5 Magtayo ka roon ng altar sa karangalan ni Yaweng Diyos mo, isang altar na yari sa mga batong hindi sininsel. 6 Itayo mo ang altar na yari sa mga batong hindi tinapyas sa karangalan ni Yaweng Diyos mo, at mag-alay ka roon ng mga sinunog na handog kay Yaweng iyong Diyos. 7 Doon mo ialay ang hain sa mabuting pagsasamahan, magsasalu-salo kayo at magpiyesta sa harap ni Yaweng iyong Diyos. 8 Malinaw mong isulat sa mga bato ang lahat ng salita ng Batas na ito.”
9 At sinabi ni Moises at ng mga paring mula sa tribu ni Levi sa buong Israel: “Tumahimik ka, Israel, at makinig! Sa araw na ito, naging bayan ka ni Yaweng iyong Diyos; 10 kaya pakinggan mo ang tinig ni Yaweng Diyos mo, at isagawa ang kanyang mga utos at mga tuntuning ini¬uutos ko sa iyo ngayon.”
11 Nang araw ding iyon, iniutos ni Moises sa sambayanan: 12 “Pagkatawid ninyo sa Ilog Jordan, titindig sa Bundok Gerizim ang mga tribung ito para basbasan ang bayan: sina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose at Benjamin. 13 At ito naman ang titindig sa Bundok Ebal para bigkasin ang sumpa: sina Ruben, Gad, Aser, Zabulon, Dan at Neftali.
14 Malakas na ipahahayag ng mga Levita sa lahat ng Israelita:
15 Sumpain ang taong gumagawa ng diyus-diyusang binalutan ng metal na kasuklam-suklam kay Yawe, ang gawa ng mga kamay ng isang panday at iniligay sa isang lihim na lugar! At sasagot ang buong bayan: Amen!
16 Sumpain ang humihiya sa kanyang ama o ina! At sasagot ang buong bayan: Amen!
17 Sumpain ang naglilipat ng mohon ng kanyang kapwa! At sasagot ang buong bayan: Amen!
18 Sumpain ang nagliligaw sa daan sa bulag! At sasagot ang buong bayan: Amen!
19 Sumpain ang nagkakait ng katarungan sa dayuhan, sa ulila at sa biyuda! At sasagot ang buong bayan: Amen!
20 Sumpain ang nakikipagtalik sa asawa ng kanyang ama at lumalapastangan sa kanyang ama! At sasagot ang buong bayan: Amen!
21 Sumpain ang nakikipagtalik sa anu¬mang hayop! At sasagot ang buong bayan: Amen!
22 Sumpain ang sinumang nakikipagtalik sa kanyang kapatid na babae o sa anak na babae ng kanyang ama o ina! At sasagot ang buong bayan: Amen!
23 Sumpain ang sinumang nakikipagtalik sa kanyang biyenang babae! At sasagot ang buong bayan: Amen!
24 Sumpain ang pataksil na pumapatay sa kanyang kapwa! At sasagot ang buong bayan: Amen!
25 Sumpain ang tumatanggap ng lagay upang patayin ang taong walang-kasalanan! At sa-sagot ang buong bayan: Amen!
26 Sumpain ang hindi nagpapatibay sa mga salita ng Batas na ito sa pagsasabuhay ng mga ito! At sasagot ang buong bayan: Amen!
Mga bendisyon at mga sumpa
28 • 1 Kung pakikinggan mong mabuti ang tinig ni Yaweng iyong Diyos, at pakakaingatang isabuhay ang lahat niyang utos na iniuutos sa iyo ngayon, itatampok ka ni Yaweng iyong Diyos sa lahat ng bansa sa lupa. 2 Darating sa iyo at daratnan ka ng lahat ng pagpapalang ito dahil sa pagsunod mo sa tinig ni Yaweng iyong Diyos:
3 Pagpalain ka sa lunsod, pagpalain ka sa bu¬kid. 4 Pagpalain ang supling ng iyong sina¬pu-punan, ang bunga ng iyong lupain, ang bunga ng iyong hayupan, ang anak ng iyong mga ba¬ka at ang maliliit ng iyong mga tupa. 5 Pagpalain ang iyong basket at ang iyong masahan ng tinapay. 6 Pagpalain ka sa pagsisimula at pag¬tatapos. 7 Ibubuwal ni Yawe ang iyong mga ka-away na titindig laban sa iyo, malulupig sila sa harap mo. Susugurin ka nila galing sa iisang lan-das, ngunit tatakas sila mula sa iyo sa pi¬tong landas.
8 Uutusan ni Yawe na sumaiyo ang pagpapala, sa iyong mga kamalig at sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay. Pagpapalain ka sa lu¬paing ibinibigay sa iyo ni Yaweng Diyos mo.
9 Kung tutuparin mo ang mga utos ni Yaweng iyong Diyos at lalakad sa kanyang mga daan, gagawin ka ni Yawe na isang bayang banal para sa kanya gaya ng kan¬yang ipinangako sa iyo. 10 At makikita ng lahat ng bayan sa lupa na nasa panga¬nga¬laga kayo ng pangalan ni Yawe, at iga¬galang ka nila.
11 Pasasaganain ka ni Yawe sa lahat ng ma¬bu¬¬buting bagay, sa supling ng iyong sina-pupunan, sa bunga ng iyong hayupan, sa bunga ng iyong lupa, sa lupaing ipinangako ni Yawe sa iyong mga ninuno na ibibigay sa iyo.
12 Bubuksan sa iyo ni Yawe ang kanyang yaman sa langit para magbigay ng ulan sa iyong lupain sa takdang panahon, at pag¬palain ang lahat ng gawa ng iyong kamay. Magpapahiram ka sa maraming bansa, pero hindi ka manghihiram.
13 Gagawin ka ni Yawe na ulo at hindi bun¬tot; mananatili kang lagi sa itaas at hindi sa ilalim kung pakikinggan mo ang mga utos ni Yaweng iyong Diyos, na iniuutos ko sa iyo ngayon.
14 Isabuhay mo ang mga ito, at huwag lu¬mihis mula sa lahat ng salitang iniuutos ko sa iyo nga¬yon, maging sa kanan o sa kaliwa para sun¬dan ang ibang mga diyos at mag¬lingkod sa kanila.
15 Ngunit kung hindi mo pakikinggan ang tinig ni Yaweng iyong Diyos, at hindi pakaka-ingatang isagawa ang lahat niyang utos at tuntuning iniuutos ko sa iyo ngayon, darating sa iyo at daratnan ka ng lahat ng sumpang ito:
16 Sumpain ka sa lunsod, sumpain ka sa bukid. 17 Sumpain ang basket mo, at sum¬pain ang masahan mo ng tinapay. 18 Sum¬pain ang supling ng iyong sinapu¬punan, ang bunga ng iyong lupa, ang anak ng iyong baka at ang maliliit ng iyong tupa. 19 Sumpain ka sa iyong pagsisimula at pagtatapos.
20 Padadalhan ka ni Yawe ng kasawian, kapin¬salaan at pangamba sa lahat ng gawa ng iyong kamay, hanggang mapuksa ka o agad na ma¬lipol dahil sa mga kasamaang ginawa mo sa pagtataksil kay Yawe. 21 Paka¬kapitin sa iyo ni Yawe ang salot hanggang maubos ka sa lupaing pupunta¬han mo para angkinin.
22 Parurusahan ka ni Yawe sa pama¬ma¬gitan ng tuberkulosis, lagnat, pama¬maga, pagka¬tuyot, peste ng trigo at amag na hahabol sa iyo hanggang ikaw ay mamatay.
23 Magiging tanso ang langit sa ulunan mo at bakal ang lupang tinutuntungan mo. 24 Hindi ulan kundi abo at alikabok ang papatak buhat sa langit hanggang ikaw ay mapuksa.
25 Ipalulupig ka ni Yawe sa harap ng iyong mga kaaway. Susugurin mo sila galing sa iisang landas, ngunit tatakas ka mula sa kanila sa pitong landas. Magiging kata¬ta¬kutan ka sa lahat ng kaharian sa daigdig.
26 Magiging pagkain ng lahat ng ibon sa la¬ngit at mababangis na hayop sa lupa ang iyong bangkay, at walang bubugaw sa mga ito. 27 Tatadtarin ka ni Yawe ng mga pigsa ng Ehip¬to, ng mga almoranas, ng galis at buni, na hindi na gagaling.
28 Parurusahan kayo ni Yawe sa pamamagitan ng pagkabaliw at pagkabulag at pagkalito. 29 Tulad sa bulag na nangangapa sa dilim, ma¬ngangapa ka sa katanghaliang-tapat, at hin¬di ka magtatagumpay sa iyong daan. Lagi kang aapihin at pagnanakawan, at walang magliligtas sa inyo.
30 Itatakda kang ikasal sa iyong nobya, ngunit iba ang sisiping sa kanya. Magtatayo ka ng bahay pero hindi ikaw ang titira roon. Magtatanim ka ng ubasan pero hindi tatamasahin ang bunga nito. 31 Kakatayin sa harap mo ang inyong baka, ngunit hindi ikaw ang kakain ng karne niyon. Nanakawin sa harap mo ang iyong asno, at hindi na isasauli pa. Ibibigay naman ang iyong tupa sa iyong mga kaaway, at walang magliligtas sa iyo.
32 Ibibigay ang iyong mga anak na lalaki at babae sa ibang bayan, at maghapon kang ma-nanabik sa kanila pero walang kang ma¬gagawang anuman.
33 Isang bayang hindi mo kilala ang kakain ng bunga ng iyong lupa at ng lahat mong pag-papagal. Lagi kang aapihin at sisiilin sa lahat ng araw. 34 Mababaliw ka sa iyong ma¬sa¬sak¬sihan.
35 Tatadtarin ni Yawe ng masasakit na pigsa ang iyong mga tuhod at binti, na hindi na ma-pagagaling, mula ulo hanggang talam¬pakan.
36 Papupuntahin ka ni Yawe pati ang haring pinamuno mo sa iyo sa isang bansang hindi mo alam ni ng iyong mga ninuno, at sasamba ka roon sa ibang mga diyos na yari sa kahoy at bato.
37 Ikaw ay magiging katatakutan, usap-usapan at tampulan ng panlilibak ng lahat ng bansa na pagtatabuyan sa iyo ni Yawe.
38 Maraming binhi ang ihahasik mo sa iyong bukid pero kaunti ang aanihin sapag¬kat lalamunin iyon ng mga balang.
39 Magtatanim ka at mag-aalaga ng mga ubasan pero hindi makaiinom ng alak o maka¬pa-mimitas ng ubas sapagkat uubusin iyon ng uod.
40 Magkakaroon ka ng mga puno ng olibo sa buo mong lupain pero wala kang maipampapahid gapatak mang langis sapagkat man¬lalaglag ang iyong mga olibo.
41 Magkakaanak ka pero hindi sila magi¬ging iyo sapagkat mabibihag sila. 42 At aang¬kinin ng mga balang ang lahat mong punong¬kahoy at lahat ng bunga ng iyong lupain.
43 Matataas ang dayuhang kapiling mo, pa¬taas nang pataas, habang ikaw nama’y maba¬baba, pababa nang pababa. 44 Siya ang magpapahiram sa iyo pero wala kang mai¬pahihiram sa kanya. Siya ang magiging ulo at ikaw ang magiging buntot.
45 Babagsak sa iyo ang lahat ng sumpang ito, hahabulin ka at maaabutan hanggang ikaw ay mapuksa sapagkat hindi mo pina¬kinggan ang tinig ni Yaweng iyong Diyos at hindi mo ti¬nu¬pad ang kanyang mga utos at mga tuntuning iniutos ko sa iyo. 46 Lagi mong makakapiling ang mga ito pati na ng iyong mga inapo, at magiging kagila-gilalas na tanda para sa lahat.
47 Dahil hindi mo pinaglingkuran si Yaweng iyong Diyos nang buong galak at tuwa sa pana-hon ng kasaganaan, 48 kaya maninil¬bihan ka sa iyong mga kaaway na ipa¬da¬dala ni Yawe laban sa iyo sa gitna ng gutom, uhaw, kahubaran at paghihikahos sa lahat ng bagay. Lalagyan ka niya ng pama¬tok na bakal hang¬gang ikaw ay mapuksa.
49 Isang malayong bansa ang dadalhin ni Yawe laban sa iyo mula sa dulo ng daigdig, simbilis ng lawin sa paglipad, isang bansang hindi mo maiintindihan ang wika, 50 isang ban¬sang mabalasik at walang pakundangan sa matanda at walang patawad sa mga bata. 51 Kakainin nila ang bunga ng iyong hayupan at lupain hanggang ikaw ay mapuksa. Wala silang iiwang anumang trigo para sa iyo ni bagong alak o langis o anak ng iyong baka¬han o tupahan hanggang ma¬puksa ka.
52 Kukubkubin ka sa lahat mong lunsod sa buo mong lupain hanggang bumagsak ang pinakamataas at pinakamatibay mong mga pader na iyong sinasandigan. Oo, kukub¬kubin ka nga nila sa lahat mong lunsod sa buo mong lupaing bigay sa iyo ni Yaweng iyong Diyos.
53 Dahil sa pagkubkob at pagpapahirap sa iyo ng iyong mga kaaway, kakainin mo ang laman ng bunga ng iyong sinapupunan, ang la¬man ng iyong mga anak na kaloob sa iyo ni Ya¬weng Diyos mo.
54 Titingnan nang masama kahit na ng pina¬kapihikan at pinakamaselan sa inyo ang sarili niyang kapatid at minamahal na asawa at ma¬lalabing mga anak. 55 Hindi niya pasa¬saluhin ang sinuman sa kanila sa kinakain niyang laman ng kanyang mga anak sapag¬kat iyon na lamang ang natira sa kanya sa pagkubkob at pagpa¬pahirap sa iyo ng iyong mga kaaway sa lahat mong lunsod.
56 Titingnan nang masama kahit na ng pina¬kamayumi at pinakamaselang babae sa inyo na hindi nagyayapak kailanman ang kanyang asawang minamahal at pati ang kanyang anak na lalaki at babae. 57 Sa kaku¬langan ng maka¬kain dahil sa pagkubkob at pagpapahirap sa iyo ng iyong mga kaaway sa iyong mga lunsod, magtatago siya sa kanila para kainin ang inu¬nang galing sa kanyang sinapupunan at ang mga anak na kanyang isisilang.
58 Kung hindi mo isasabuhay ang lahat ng salita ng Batas na ito na nasusulat sa aklat na ito at di magkakaroong-pitagan sa malu¬walhati at kagila-gilalas na Pangalang ito ni Yaweng iyong Diyos, 59 parurusahan ka ni Yawe, ikaw at ang iyong mga inapo, sa pa¬ma¬¬¬magitan ng na¬ka-pangingilabot na mga salot, grabe at wa¬lang-lagot na salot, malulubhang sakit na wa¬lang lunas.
60 Ihahatid niya sa iyo ang lahat ng salot ng Ehipto, na kinatatakutan mo, at ikakapit niya sa iyo ang mga ito. 61 Ibubunton din sa iyo ni Yawe ang lahat ng sakit at salot na hindi naka¬tala sa aklat na ito ng Batas hanggang ikaw ay ma¬puksa. 62 Mangangaunti kayo bagamat dati kayong tulad ng mga bituin sa langit sa dami, sapagkat hindi mo pina¬kinggan ang tinig ni Yaweng Diyos mo.
63 Kaya mangyayari na kung paanong ikinalugod ni Yawe na magmagandang-loob sa inyo at pinarami kayo, ikalulugod din niya na wasakin kayo at puksain. Bubunutin niya kayo sa lupaing pupuntahan ninyo para angkinin.
64 Pangangalatin ka ni Yawe sa lahat ng bansa sa magkabilang dulo ng daigdig at pag¬li¬ling-kuran mo roon ang ibang mga diyos na kahoy at bato, na hindi mo kilala ni ng iyong mga ninuno.
65 Sa mga bansang iyon, hindi ka makata¬tagpo ng katiwasayan o kapahingahan para sa iyong talampakan. Pusong duwag, namumug¬tong mga mata at balisang isipan ang ibibigay sa iyo roon ni Yawe. 66 Buhay mo’y mabibitin sa balag ng pag-aalinlangan, nasa pangamba araw at gabi, walang anumang katiyakan sa iyong buhay.
67 Sasabihin mo sa umaga – Gabi na sana! – ngunit sasabihin mo naman kinagabihan – Umaga na sana! – dahil sa pangambang kinatatakutan ng iyong puso at sa nakikita ng iyong mga mata.
68 Ibabalik ka ni Yawe sa Ehipto dahil sa iyong kasalanan sa kabila ng kanyang sinabi sa iyong – Hindi mo na ito makikita pang muli. Ipabibili mo roon ang iyong sarili bilang alipin sa iyong mga kaaway pero walang bibili sa iyo.
69 Ito ang mga salita ng Pakikipag¬tipang ini¬utos ni Yawe kay Moises na pagtibayin sa mga anak ng Israel sa lupain ng Moab, bukod pa sa pakikipagtipang pinagtibay niya sa kanila sa Horeb.
Isa pang pagtatapos
29 • 1 Tinawag ni Moises ang buong Israel at sina¬bi: “Nakita ng inyong mga mata ang lahat ng ginawa ni Yawe sa lu¬pa¬in ng Ehipto, kay Paraon at sa lahat niyang ta¬¬uhan at sa buo niyang lupain. 2 Nakita ng iyong mga mata ang mabi¬bigat na pagsubok, ang mga tanda at da¬kilang kababalaghang iyon.
3 Ngunit hanggang sa araw na ito, hindi pa kayo binibigyan ni Yawe ng pusong nakau¬una wa at ng mga matang nakakakita at mga taingang nakaririnig.
4 Apatnapung taon niya kayong pinagala sa disyerto, at hindi namulmol ang inyong suot o napudpod ang iyong mga sandalyas sa iyong paa. 5 Hindi kayo kumain ng tinapay o uminom ng alak at matapang na inumin upang malaman ninyo na ako si Yaweng inyong Diyos. 6 At nang dumating kayo sa lugar na ito, lumabas sina Sihong hari ng Hesbon at Og na hari ng Basan para harapin tayo sa labanan. Ngunit natalo natin sila, 7 inagaw ang kanilang lupain at ibinigay itong pamana kina Ruben at Gad at sa kalahati ng tribu ni Manases.
8 Kaya tuparin ninyo ang mga hinihingi ng Pakikipagtipang ito at isagawa ang mga ito upang magtagumpay kayo sa lahat ninyong ga¬wain. 9 Nakatayo kayong lahat ngayon sa harap ni Yaweng inyong Diyos: ang inyong mga pinu¬no, ang inyong mga tribu, ang inyong matatanda, ang inyong mga opisyal, lahat ng lalaki ng Israel, 10 ang inyong maliliit, ang inyong mga maybahay, at ang dayu¬hang nasa iyong mga kampo mula sa tagasibak ng iyong kahoy hanggang sa taga-igib ng iyong tubig. 11 Narito ka ngayon para pumasok sa pakikipagtipan kay Yaweng Diyos mo at sa sumpaang pagtitibayin sa iyo ngayon ni Yaweng iyong Diyos.
12 Gagawin ka niyang bayan niya at siya naman ang magiging Diyos mo gaya ng kan¬yang sinabi sa iyo at sinumpaan sa iyong mga ninuno, kina Abraham, Isaac at Jacob.
13 At hindi lamang sa inyo ko ginagawa ang pakikipagtipan at sumpaang ito, 14 kundi sa mga nakatayo ritong kasama ninyo nga¬yon sa harap ni Yaweng ating Diyos at pati sa mga wala rito ngayon.
15 Alam na alam ninyo kung paano tayo namuhay sa lupain ng Ehipto at kung paano tayo tumawid sa ibang mga bansang dina¬anan natin. 16 Nakita ninyo ang kanilang kasuklam-suklam at maruming mga diyus-diyusang ka¬nilang iniingatan: yari sa kahoy at bato, pilak at ginto.
17 Huwag sanang magkaroon sa inyo ngayon ng lalaki o babae, angkan o tribu na ang puso’y lumalayo kay Yaweng ating Diyos para puntahan at paglingkuran ang mga diyos ng mga bansang iyon. Wala sanang mag-ugat sa inyo na magbubunga ng pait at lason.
18 Kung may makarinig sa mga salita ng sumpaang ito, at sige pa rin at sinasabing – Magkakaroon naman ako ng kapayapaan kaya gagawin ko ang gusto ko. Mamamatay rin na¬man ang makasalanan kasama ng matuwid – 19 hindi loloobin ni Yaweng pata¬warin siya. Maglalagablab ang kanyang poot at dangal sa taong ito at babagsak sa kanya ang lahat ng sumpang nasusulat sa aklat na ito. Buburahin ni Yawe ang kanyang pangalan sa silong ng langit, 20 at ibu¬bukod siya ni Yawe mula sa lahat ng tribu para sa kapahamakan ayon sa lahat ng sumpa ng pakikipagtipang ito na nasusulat sa aklat na ito ng Batas.
21 Makikita ng darating na salinlahi ng iyong mga anak na isisilang na kasunod ninyo at ng dayuhang galing sa malayong lupain ang mga salot sa lupaing ito at ang mga sakit na ipadadala rito ni Yawe, at sasabihin nila – 22 Buong lupaing sinunog ng asupre at asin, walang ta¬nim, walang tumutubong anuman kahit damo, gaya ng pag¬kawasak ng Sodom at Gomorra, Adma at Zeboim na winasak ni Yawe sa kanyang poot at galit.
23 Itatanong nga ng lahat ng bansa – Bakit ganito ang ginawa ni Yawe sa lupaing ito? Ano ang ibig sabihin ng gayon katinding poot? – 24 at sasagot naman sila – Dahil tinalikuran nila ang Pakikipagtipan sa kanila ni Yaweng Diyos ng kanilang mga ninuno, gayong inilabas niya sila mula sa lupain ng Ehipto. 25 Sapagkat pinuntahan nila at pinag¬lingkuran ang ibang mga diyos at sinamba ang mga iyon, mga diyos na hindi nila kilala at hindi niya ibinigay sa kanila.
26 Kaya nag-apoy ang galit ni Yawe sa lupain at ibinunton dito ang lahat ng sum¬pang nasusulat sa aklat na ito. 27 Binunot sila ni Yawe mula sa kanilang lupain sa kanyang galit at poot at matinding ngitngit, at itinapon sa ibang lupain tulad ngayon.
28 Kay Yaweng Diyos natin ang mga lihim na bagay, ngunit magpakailanma’y nasa ating mga kamay at ng ating mga anak ang mga bagay na ipinabatid niya, kaya isabuhay natin ang lahat ng hinihingi ng Batas na ito!

30 1 Kapag dumating na sa iyo ang lahat ng bagay na ito, ang pagpapala at ang sumpang iniharap ko sa iyo, magugunita mo ang mga ito sa iyong puso sa lahat ng bansang pinagtabuyan sa iyo ni Yaweng Diyos mo. 2 Magbabalik ka kay Yaweng iyong Diyos at makikinig sa kanyang tinig ayon sa lahat ng iniuutos ko sa iyo ngayon, ikaw at ang iyong mga anak, nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa.
3 At pauuwiin ni Yaweng iyong Diyos ang mga nabihag sa iyo, kaaawaan ka niya, at muli ka niyang titipunin mula sa lahat ng bansang pinag¬kalatan sa iyo ni Yaweng iyong Diyos. 4 Pinalayas ka man hanggang sa kabilang dulo ng daigdig, titipunin ka’t kukunin ni Yaweng Diyos mo mula roon. 5 At dadalhin ka ni Yaweng iyong Diyos sa lu¬paing inari ng iyong mga ninuno upang maangkin mo rin ito. Magmamagandang-loob siya sa iyo at pararamihin ka nang higit pa sa iyong mga ninuno.
Hindi humihingi ang Diyos ng mga bagay na imposible
• 6 Dadalisayin ni Yaweng iyong Diyos ang iyong puso at ang puso ng iyong inapo para mahalin mo si Yaweng iyong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa, at nang ma¬buhay ka. 7 At ipapataw ni Yaweng iyong Diyos ang lahat ng sum¬pang ito sa iyong mga kaaway na namumuhi at umuusig sa inyo.
8 Muli mong pakikinggan ang tinig ni Yawe at isasabuhay ang lahat niyang utos na iniuutos ko sa iyo ngayon. 9 Pa¬sa¬saganain ka ni Yaweng iyong Diyos sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay, sa supling ng iyong sinapupunan, at sa bunga ng iyong hayupan at sa bunga ng iyong lupa para sa iyong kabutihan, dahil muling malulugod si Yawe na mag¬magandang-loob sa iyo tulad ng pag¬ka¬lugod niya sa iyong mga ninuno. 10 Sa¬pagkat makikinig ka sa tinig ni Yaweng iyong Diyos at tutuparin ang kanyang mga utos at mga tuntuning nakasulat sa aklat na ito ng Batas, sapagkat mag¬babalik ka kay Yaweng iyong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kalu¬luwa.
11 Hindi napakahirap para sa iyo o na¬pakalayo sa iyo ang utos na ito na iniu¬utos ko sa iyo ngayon. 12 Wala ito sa langit para sabihin mong – Sino ang aakyat sa langit upang kunin ito para sa amin at mag¬paparinig nito sa amin upang aming maisabuhay? 13 Wala rin ito sa kabilang ibayo ng dagat para sabihin mong – Sino ang tatawid sa ka¬bilang ibayo ng dagat upang kunin ito para sa amin at mag¬pa¬parinig nito sa amin upang aming maisabuhay?
14 Hindi! napakalapit ng salitang ito sa iyo! Nasa iyong bibig na at nasa iyong puso para maisabuhay ito.
Piliin ang daan ng buhay
• 15 Tingnan mo, inihaharap ko sa iyo ngayon ang buhay at kabutihan, ang ka¬matayan at kasamaan. 16 Iniu¬utos ko sa iyo ngayon na mahalin si Yaweng iyong Diyos at lumakad sa kanyang mga daan. Tuparin mo ang kanyang mga utos, mga tuntunin at mga batas, at mabubuhay ka at dada¬mi at pagpapalain ka ni Yaweng iyong Diyos sa lupaing pupuntahan mo para angkinin. 17 Ngunit kung lalayo ang puso mo at hindi ka makikinig, kung maa¬akit ka at yuyuko sa ibang mga diyos at maglilingkod sa kanila, 18 ipi¬na¬hahayag ko sa in¬yo sa araw na ito na kayo’y tiyak na mapupuksa. Hindi kayo mabubuhay nang matagal sa lupaing inyong aang¬kinin pagka¬tawid sa Jordan.
19 Saksi ko ang langit at lupa laban sa inyo na iniharap ko na nga sa iyo ang buhay at kamatayan, ang pagpa¬pala at ang sumpa. Kaya piliin mo ang buhay upang ikaw at ang iyong lahi ay ma¬buhay 20 sa pagmamahal kay Yaweng iyong Diyos, sa pakikinig sa kanyang tinig at sa pagkapit sa kanya. Ito ang buhay mo at ang haba ng iyong mga araw sa pagtira sa lupaing ipina-ngako ni Yawe na ibibigay sa iyong mga ni¬nuno, kina Abraham, Isaac at Jacob.”
Humalili si Josue kay Moises
31 • 1 At pagkasabi ni Moises sa mga salitang ito sa buong Israel, sinabi pa rin niya: 2 “Sandaa’t dalawampung taon na ako ngayon. Wala na akong puwedeng simu¬lan at tapusin, at sinabi sa akin ni Yawe na hindi ako makatatawid sa Ilog Jordan. 3 Si Yaweng iyong Diyos mismo ang tatawid at mangunguna sa iyo. Wawasakin niya ang mga bansang iyon sa harap mo at aagawan mo sila. Si Josue ang makatatawid at ma¬ngu¬nguna sa iyo gaya ng sinabi ni Yawe.
4 Gagawin ni Yawe sa kanila ang ginawa niya kina Sihon at Og na mga haring Amorreo at sa kanilang lupain na kanyang winasak. 5 At ibi¬bigay sa inyo ni Yawe ang mga ito at gawin ninyo sa kanila ang lahat ng iniutos ko sa inyo.
6 Lakasan ang loob at magpakatapang, huwag matakot o manginig dahil sa kanila sapagkat kasama mo si Yaweng iyong Diyos; hindi ka niya iiwan o pababayaan.”
7 Pagkatapos nito, tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kanya sa harap ng buong Israel: “Lakasan mo ang iyong loob at mag¬pa¬katapang sapagkat sasamahan mo ang bayang ito papunta sa lupaing ipinangako ni Yawe sa ka¬nilang mga ninuno na ibibigay sa kanila. Ibibigay mo ito sa kanila bilang pama¬na. 8 Si Yawe ang siyang mangunguna sa iyo. Siya mismo ang sasaiyo at hindi ka niya iiwan o pababayaan. Huwag kang matakot o madismaya.”
9 Isinulat ni Moises ang Batas na ito at ibinigay iyon sa mga paring inapo ni Levi – sila ang bumubuhat sa Kaban ng Paki¬kipagtipan ni Yawe – at sa lahat ng mata¬tanda ng Israel. 10 At iniutos sa kanila ni Moises: “Tuwing ikapitong taon, sa takdang panahon para sa Taon ng Pagpa-patawad-utang, sa Piyesta ng mga Tolda, 11 sa pag¬titipon ng buong Israel para humarap kay Yaweng iyong Diyos sa lugar na pinili niya, babasahin ninyo ang Batas na ito upang ma¬rinig ng buong Israel.
12 Tipunin ang sambayanan – ang mga lalaki, mga babae at mga bata, at ang dayu¬hang nasa iyong mga lunsod – upang mapa¬kinggan nila ito at matuto silang magka¬roong-pitagan kay Yaweng Diyos ninyo at ingatang isabuhay ang lahat ng salita ng Batas na ito. 13 Maririnig ito ng kanilang mga anak na hindi pa nakaaalam nito at matu¬tutong magkaroong-pitagan kay Yaweng inyong Diyos sa lahat ng araw ng in¬yong buhay sa lupaing aangkinin ninyo pagka¬tawid sa Jordan.”
14 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Palapit na ang araw ng iyong kamatayan. Tawagin mo si Josue at humarap kayo sa akin sa Toldang Tag¬¬puan upang maibigay ko sa kanya ang aking mga utos.”
Kaya nagpunta sina Moises at Josue at du¬mu¬log sa Toldang Tagpuan. 15 Napakita si Yawe sa kanila sa Tolda sa isang haliging ulap; tu¬mayo ang haliging ulap sa pintuan ng Tolda. 16 At sinabi ni Yawe kay Moises:
“Mahihimlay ka ngayon sa piling ng iyong mga ninuno. At maghihimagsik ang bayang ito at magbibili ng kanilang sarili sa mga banya¬gang diyos ng lupaing pupuntahan nila. Iiwan nila ako at sisirain ang aking Paki¬kipagtipan sa ka¬nila. 17 Mag-aapoy ang aking galit sa kanila sa araw na iyon, iiwan ko sila at ikukubli sa kanila ang aking mukha. Kaya mauubos sila, mara¬ming kasamaan at pangamba ang darating sa kanila kaya sasabihin nila sa araw na iyon – Hindi ba’t dahil wala na sa aking piling ang Diyos kaya dumating sa akin ang mga kasama¬ang ito? 18 Ngunit lubos ko ngang ikukubli sa kanila ang aking mukha dahil sa lahat ng kasa¬maang ginawa nila sa pagbaling sa ibang mga diyos.
19 Kaya isulat ninyo ngayon ang awit na ito para sa inyo at ituro sa mga anak ng Israel at ipasaulo sa kanila sapagkat ang awit na ito ang magiging saksi ko laban sa mga anak ng Israel. 20 Sapagkat dadalhin ko sila sa lupaing ipina¬ngako ko sa kanilang mga ninuno, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan. Ngu¬nit pagkatapos nilang kumain at mabusog at tumaba, babaling sila sa ibang mga diyos at paglilingkuran ang mga iyon at babale-walain ako at sisirain ang aking Paki¬kipagtipan.
21 At kapag dumating sa kanila ang mara¬ming kasamaan at kapahamakan, sasaksi laban sa kanila ang awit na ito, sapagkat hindi ito malilimutan ng kanilang mga inapo. Alam ko na ang kanilang binabalak bago ko pa sila dalhin sa lupaing ipinangako ko sa kanila.”
22 Sa araw na iyon, isinulat ni Moises ang awit na ito at itinuro sa mga anak ng Israel. 23 At sinabi ni Moises kay Josueng anak ni Nun: “Lakasan mo ang loob mo at magpa¬katapang sapagkat dadalhin mo ang mga anak ng Israel sa lupaing ipinangako ni Yawe sa kanila – sasaiyo siya.”
24 Nang maisulat na ni Moises sa isang aklat ang lahat ng salita ng Batas na ito, 25 iniutos ni Moises sa mga Levitang bumu¬buhat sa Kaban ng Pakikipagtipan ni Yawe: 26 “Kunin ninyo ang Aklat na ito ng Batas, ilagay ito sa tabi ng Ka¬ban ng Pakikipagtipan ni Yaweng iyong Diyos. Doon ito mananatili bilang saksi laban sa iyo, 27 sa¬pagkat alam ko ang iyong paghi¬himagsik at ang katigasan ng iyong ulo. Tingnan mo, kung ngayong kasama ninyo akong buhay ay naging mapag¬himagsik na kayo kay Yawe, gaano pa kaya pagkamatay ko?
28 Tipunin ninyo sa akin ang lahat ng matatanda at opisyal ng inyong mga tribu. Sasa¬bihin ko ang mga salitang ito nang naririnig nila, at pasasaksihin ko ang langit at lupa laban sa kanila.
29 Sapagkat alam kong pagkamatay ko, lubha kayong magpapakabulok at lilihis sa daang itinuro ko sa inyo. At babagsak sa inyo ang kasamaan sa darating na panahon dahil gagawa kayo ng masama sa mata ni Yawe at gagalitin siya sa mga gawa ng inyong mga kamay.”
30 At binigkas ni Moises hanggang katapu¬san ang mga salita ng awit na ito na naririnig ng buong pagtitipon ng Israel:
Ang awit ni Moises
32 1 “Makinig, O mga langit, at ako’y mag sa¬salita;
dinggin, O lupa, mga salita ng aking bibig!
2 Pumatak nawang gaya ng ulan ang aking aral,
mga salita ko’y kumalat gaya ng hamog,
gaya ng ambon sa sariwang damo,
gaya ng masaganang ulan sa luntiang halaman.
3 Sapagkat ipahahayag ko ang Ngalan ng Panginoon
at luluwalhatiin ang ating Diyos.
4 Siya ang Bato,
buo at ganap ang kanyang mga gawa.
Matuwid ang lahat niyang mga daan,
Diyos ng katotohanan at hindi ng kasa¬maan
matuwid at makatarungan.
5 Gumawa sila ng masama laban sa kanya
– gawa ng mga di karapat-dapat na anak
– masama at balakyot na salinlahi.
6 Ganito ba ang igaganti mo kay Yawe,
bayang hangal at walang isip?
Hindi ba’t siya ang iyong Amang lumikha sa iyo,
na humubog at nagtatag sa iyo?
7 Alalahanin ninyo ang mga nagdaang araw,
isipin ang mga taon sa sali’t salinlahi;
tanungin mo ang iyong ama at sasabihin niya sa iyo,
ang iyong matatanda at ipaliliwanag nila sa iyo.
8 Nang hatiin ng Kataas-taasan ang sang¬katauhan
at ipagkaloob sa mga bansa ang kanilang pamana,
nilagyan niya ng hangganan ang mga bayan
ayon sa bilang ng mga anak ng Diyos.
9 Ngunit ang kanyang bayan ang bahagi ni Yawe –
si Jacob ang sarili niyang ari-arian.
10 Natagpuan niya siya sa ilang na lupain,
sa disyertong tiwangwang at umaalulong;
ipinagsanggalang niya siya at inalagaan,
iningatang parang balintataw ng kanyang mata.
11 Tulad ng agilang nagbabantay sa kanyang pugad,
na aali-aligid sa kanyang mga inakay,
iniuunat ang kanyang mga bagwis para kunin sila
at kinakarga sa kanyang mga pakpak.
12 Si Yawe lamang ang umakay sa kanya,
wala siyang kasamang diyos na banyaga.
13 Pinasakay niya siya sa kaitaasan ng lupain
at pinakain ng bunga ng lupa.
Pinasuso niya siya ng pulot-pukyutan mula sa bato
at ng langis mula sa matigas na batuhan.
14 Pinakain niya siya ng kinortang gatas ng baka,
ng sariwang gatas ng tupa,
ng mga pinatabang kordero at batang kam¬bing
at mga baka ng Basan,
at ng pinakamatabang butil ng trigo;
at uminom ka ng alak na katas ng ubas.
15 Tumaba si Jeshurun at sumikad,
lumaki siyang mataba, mabigat at sobra sa pagkain.
Ngunit tinalikuran niya ang Diyos na may gawa sa kanya,
itinakwil ang Batong Tagapagligtas niya.
16 Pinapagselos nila siya sa kanilang mga banyagang diyos,
ginalit sa kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyusan.
17 Nag-alay sila ng handog sa mga anito, hindi sa Diyos,
kundi sa mga diyos na hindi nila kilala,
mga bagong-dating na diyos
na di kinatatakutan ng inyong mga ninuno.
18 Kinaligtaan mo ang Batong humubog sa iyo,
kinalimutan ang Diyos na nagsilang sa iyo.
19 Tumingin si Yawe at nasuklam
dahil ginalit siya ng kanyang mga anak,
20 sinabi niya –
Ikukubli ko sa kanila ang aking mukha
at tingnan ko lamang ang mangyayari sa kanila.
Balakyot na salinlahi, mga taksil na anak!
21 Pinagselos nila ako sa isang hindi diyos
at ginalit nila ako sa kanilang mga diyus-diyusan.
Kaya papagseselosin ko naman sila sa isang hindi bayan,
gagalitin ko sila sa isang hangal na bansa.
22 Sapagkat may sinindihan nang siga ang aking poot,
tinutupok hanggang kailalim-ilaliman ng da¬ig¬dig ng mga patay,
nilalamon ang lupa at ang bunga nito,
sinusunog ang pinakaugat ng mga bun¬dok.
23 Ibubunton ko sa kanila ang kapa¬ha¬makan
at uubusin sa kanila ang aking mga palaso.
24 Inubos ng taggutom, inubos ng lagnat,
mga grabeng peste at malulubhang salot!
Ipadadala ko sa kanila ang pangil ng mga halimaw
at ang kamandag ng mga ahas.
25 Sa labas ay mamamatay sa tabak ang ka¬nilang mga anak,
at sa loob ay maghahari ang sindak,
malilipol ang mga binata at dalaga,
ang mga pasusuhin at mga may-uban.
26 Sinabi ko nang ikakalat ko sila sa malayo
at buburahin ang kanilang alaala mula sa sangkatauhan
27 ngunit pinangangambahan ko ang pangu¬ngutya ng kaaway
sapagkat baka akalain ng mga kalaban
at sabihing – Nagtagumpay kami,
hindi si Yawe ang may gawa ng lahat ng ito.
28 Sila’y bansang walang isip at walang pang-unawa;
29 kung matalino sila, naunawaan na sana nila ito
at napag-isip ang kanilang kahihinatnan.
30 Paanong hahabulin ng isa ang isang libo
at ipagtatabuyan ng dalawa ang libu-libo
kung hindi sila ipinagbili ng kanilang Bato,
kung hindi sila pinabayaan ni Yawe?
31 Sapagkat di tulad ng ating Bato ang kani¬lang bato –
alam ito kahit ng ating mga kaaway.
32 Supling sila ng puno ng Sodom
at galing sa mga bukid ng Gomorra;
mga ubas nila’y ubas na apdo, mapapait na kumpol,
33 alak nila’y kamandag ng mga ahas,
mabagsik na lason ng mga ulupong.
34 Hindi ba’t itinabi ko ito
at sinusian sa aking kayamanan?
35 Akin ang paghihiganti.
Madudulas din ang kanilang mga paa,
malapit na ang araw ng kanilang kapahamakan
at mabilis na darating ang kanilang wakas.
36 Bibigyang-katarungan ni Yawe ang kan¬yang bayan
at kahahabagan ang kanyang mga lingkod
pag nakita niyang wala na silang lakas
at wala nang natirang malaya man o alipin.
37 Sasabihin niya – Nasaan ngayon ang kani¬lang mga diyos,
ang batong kanilang kanlungan,
38 na kumain sa taba ng kanilang mga handog
at uminom sa alak ng kanilang mga inuming hain?
Tumindig sila ngayon at tulungan kayo,
at maging kanlungan ninyo!
39 Masdan, ako mismo siya ngayon!
Walang ibang diyos liban sa akin.
Ako ang nagbibigay ng buhay at ng kamatayan,
ako ang sumusugat at ako ang humi¬hilom,
at walang makapagliligtas mula sa aking kamay.
40 Itinataas ko ang aking kamay sa langit at sinasabing –
Buhay ako magpakailanman
41 kaya kapag inihasa ko ang aking ku¬mikislap na tabak
at hinawakan ng aking kamay ang pag¬hatol,
paghihigantihan ko ang aking mga ka¬away
at sisingilin ang mga namumuhi sa akin.
42 Lalasingin ko sa dugo ang aking mga palaso
at lalamon ng laman ang aking tabak:
dugo ng mga nasawi at mga bihag,
mga ulo ng mga pinuno ng mga kaaway.
43 Ipagbunyi mga bansa, ang kanyang bayan:
ipaghihiganti niya ang dugo ng kanyang mga lingkod,
paghihigantihan niya ang kanyang mga kalaban
at magbabayad-sala para sa kanyang lupain at bayan.”
44 Binigkas ni Moises ang lahat ng salita ng awit na ito nang naririnig ng sambayanan, at kasama niya si Josueng anak ni Nun.
45 Pagkatapos bigkasin ni Moises ang lahat ng katagang ito sa buong Israel, 46 sinabi niya sa kanila: “Isapuso ninyo ang lahat ng salitang pinasasaksi ko laban sa inyo sa araw na ito, upang maiutos ninyo sa inyong mga anak na buong ingat na isabuhay ang lahat ng salita ng Batas na ito. 47 Ito’y salitang may katuturan para sa inyo, dito nakasalalay ang inyong buhay, at sa pa¬ma¬magitan ng salitang ito, mabubuhay ka nang matagal sa lupaing aangkinin ninyo pagka-tawid sa Jordan.”
48 Kinausap ni Yawe si Moises nang araw ding iyon at sinabi: 49 “Umakyat ka sa kabundukan ng Abarim sa lupain ng Moab, at umahon sa Bundok Nebo sa tapat ng Jerico. At tingnan mo ang lupain ng Kanaan na ibini¬bigay ko sa mga anak ng Israel bilang kanilang ari-arian. 50 At doon ka mama¬matay sa bundok na pupuntahan mo at makakapiling ng iyong ninuno tulad ng pagyao ng kapatid mong si Aaron sa Bundok Hor at nakapiling ng kanyang ninuno. 51 Dahil hindi ka nagtiwala sa akin sa piling ng mga anak ng Israel sa mga tubig ng Meriba-Kades sa disyerto ng Zin, nang hindi mo ako ipinahayag na banal sa piling ng mga Israelita, 52 kaya matatanaw mo lamang ang lupain mula sa malayo, at hindi makapa¬pasok sa lupaing ibinibigay ko sa mga anak ng Israel.”
Mga bendisyon ni Moises
33 • 1 Ito ang pagpapalang binigkas ni Moises, ang propeta ng Diyos, tungkol sa mga anak ng Israel bago siya namatay. 2 Sinabi niya:
“Dumating si Yawe mula sa Sinai; sumikat sa Seir para sa kanila. Sumikat siya mula sa Bundok Paran; dumating siya sa Meriba ng Kades para sa kanila; abot hanggang Asdod ang kanyang katanghaliang-tapat.
3 Ikaw nga ang nagmamahal sa bayan, nasa iyong kamay ang lahat ng banal. Yumu¬yuko silang lahat sa iyong paanan, hinihintay ang iyong mga aral.
4 Siya ang Bato, buo at ganap ang kan¬yang mga gawa. Matuwid ang lahat niyang mga daan. Siya’y Diyos ng kato¬tohanan at hindi ng ka¬walang-katarungan, siya’y matu¬wid at maka¬tarungan.
5 Dumating siya sa Jeshurun bilang hari, at ginawa niya ang kanyang sarili na pamana sa mga anak ng Israel nang magtipon ang mga pinuno at mga tribu ng Israel.
6 Mabuhay si Ruben at huwag mamatay, huwag nawang mangaunti ang kanyang mga tauhan.”
7 Ito naman ang pagpapala kay Juda: “Ding¬gin mo, O Yawe, ang tinig ni Juda, at ipiling dalhin mo siya sa kanyang bayan. Ipaglalaban siya ng sarili niyang kamay at tutulungan mo siya laban sa kanyang mga kaaway.”
8 Sinabi niya tungkol kay Levi: “Ibinigay mo, O Yawe,ang iyong Tummim at Urim sa taong nagmamahal sa iyo, at sinubok mo siya sa Massa at sinisi sa mga tubig ng Meriba. 9 Sinabi niya sa kanyang ama at ina – Hindi ko kayo nakikilala – at hindi niya kinilala ang kanyang mga kapatid na lalaki at hindi inako ang sarili niyang anak. Tinupad niya ang iyong mga salita at isinakatuparan ang iyong Pakiki¬pag¬tipan; 10 itinuturo nila kay Jacob ang iyong mga kautusan, sa Israel ang iyong Batas. Nag-aalay sila sa iyo ng insenso at ng mga buong sinunog na handog sa iyong altar. 11 Pagpalain mo, O Yawe, ang kanyang lakas ng loob at tanggapin ang kanyang paglilingkod. Hampasin mo sa likod ang mga sumasalakay sa kanya upang hindi na makabangon pa laban sa kanya ang kanyang mga kalaban.”
12 Sinabi naman niya kay Benjamin: “Ang pinakamamahal ni Yawe, nagtiwala ka sa kanya na nangangalaga sa iyo at ikaw ang nasa kanyang kaburulan.”
13 Sinabi niya kay Jose: “Tinanggap ng iyong lupain ang pagpapala ni Yawe, ang hamog mula sa langit at ang tubig na bumu¬kal mula sa kailaliman, 14 ang mga bungang hinog sa araw at ang saganang sibol ng mga buwan, 15 ang pina¬kamainam sa matatan¬dang bundok at ang kasaganaan ng mga burol mula pa noong una, 16 ang pinaka¬mainam sa lupa at lahat ng narito, at ang kagandahang-loob niya na nasa maliit na punongkahoy. Dumating nawa ang mga ito sa ulo ni Jose, ang hinirang mula sa kan¬yang mga kapatid. 17 Si Jose ang kan¬yang panga¬nay na toro, luwalhati sa kanya! Mga sungay niya’y sungay ng mabangis na toro at sinusuwag niya niyon ang mga bansa pati na ang mga nasa dulo ng daigdig. Tingnan ang laksa-laksa ni Efraim, ang libu-libo ni Manases!”
18 At sinabi niya kay Zabulon: “Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglalakbay; at ikaw, Isacar, sa iyong mga tolda. 19 Tinatawag nila ang mga bayan sa banal na bundok, at doon nag-aalay ng marapat na mga handog at tina¬tamasa ang pag-apaw ng mga dagat at ang kayamanang nasa buhanginan.”
20 Sinabi niya tungkol kay Gad: “Pagpa¬lain ang nagpapalawak kay Gad. Nabubuhay siyang parang babaeng leon, at sinasakmal ang bisig at ulo. 21 Pinipili niya ang pinakamainam na ba-hagi, ang bahaging nakalaan para sa pinu¬no. Pinamunuan niya ang bayan, tinupad niya ang katarungan ni Yawe at ang kanyang mga hatol para sa Israel.”
22 Sinabi niya tungkol kay Dan: “Si Dan ang anak ng leon, lumulundag siya mula sa Basan.”
23 Sinabi naman niya tungkol kay Neftali: “Sagana sa kagandahang-loob at puspos ng pagpapala ni Yawe si Neftali. Umabot nawa ang iyong lupain hanggang timog at hanggang dagat!”
24 Sinabi niya tungkol kay Aser: “Pag¬palain si Aser sa lahat ng anak na lalaki. Kalugdan siyang lubos higit sa kanyang mga kapatid at maligo sa langis ang kanyang mga paa. 25 Bakal at tanso ang magiging pang¬harang mo. Manatili ka nawang malakas habang buhay.
26 Walang katulad ang Diyos, O Jeshurun, na naglalakad sa ibabaw ng mga langit, nakasakay sa mga ulap at dumarating upang tulu¬ngan ka sa kanyang kagitingan.
27 Kanlungan ang Diyos na walang hang¬gan; mula kawalang-hanggan, pinala¬laya ka ng kanyang bisig. Pinalalayas niya sa harap mo ang iyong kaaway at sinasabi sa inyong – Puksain siya.
28 Nabubuhay nang panatag ang Israel. Umaagos ang bukal ni Jacob sa lupain ng trigo at bagong alak, at pumapatak ang hamog buhat sa langit.
29 Pinagpala ka, O Israel! Sino ang tulad mo, bayang iniligtas ni Yawe? Siya ang kala¬sag na nagsasanggalang sa iyo, ang tabak na nagbi¬bigay sa iyo ng tagumpay! Tatakas sa harap mo ang iyong mga ka¬away, ngunit lalakad ka sa taas ng kabundukan.”

Ang pagkamatay ni Moises
34 • 1 Mula sa tiwangwang na ka¬patagan ng Moab, umak¬yat si Moises sa Bundok Nebo, sa tuktok ng Pisga, sa tapat ng Jerico. At ipina¬kita sa kanya ni Yawe ang buong lupain: mula sa Galaad hanggang Dan, 2 ang buong Neftali, ang lupain ng Efraim at Manases, ang buong lupain ng Juda hanggang sa Dagat Kanluran, 3 ang Negeb, ang Kapatagan, ang lambak ng Jericong, Lunsod ng mga Palmera, hanggang Soar. 4 At sinabi sa kanya ni Yawe: “Ito ang lupaing ipina-ngako ko kina Abraham, Isaac at Jacob nang sabihin kong – Ibibigay ko ito sa iyong lahi. Pinabayaan kong makita ito ng iyong mga mata, ngunit hindi ka maka¬tatawid doon.”
5 Doon namatay si Moises, ang lingkod ng Diyos, sa lupain ng Moab, ayon sa talaga ni Yawe. 6 Inilibing siya sa lambak, sa lupain ng Moab, sa tapat ng Bet-Peor. Ngunit hanggang sa araw na ito, walang sinumang nakaaalam kung nasaan ang kanyang libingan.
7 Sandaa’t dalawampung taong gulang si Moises nang mamatay. Hindi lumabo ang kanyang mga mata at hindi naglaho ang kanyang sigla. 8 Tatlum¬¬pung araw na nagluksa ang mga anak ng Israel sa kapatagan ng Moab hang¬gang matapos ang pana¬hon ng pag¬luluksa at pagdadalamhati para kay Moises. 9 Ngunit puno ng espiritu ng ka¬ru¬nungan si Josueng anak ni Nun sa¬pagkat ipinatong ni Moises sa kanya ang kanyang mga kamay. Pinakinggan siya ng mga anak ng Israel gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.

10 Wala nang lumitaw pang prope¬tang tulad ni Moises sa Israel. Nakipag-usap sa kanya si Yawe nang harap-harapan. 11 Anong mga tanda at mga kababalaghan ang ipinagawa sa kanya ni Yawe sa Ehipto laban kay Paraon, laban sa lahat niyang mga tauhan at sa buo niyang lupain! 12 Kay lakas na ka¬may na gumawa ng mga kagila-gilalas na bagay na ginawa ni Moises sa pani-ngin ng buong Israel!Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-90313811918506560812008-09-03T11:38:00.000-07:002008-09-03T11:40:09.017-07:00Numbers (Mga Bilang)Ang senso ng labindalawang tribu
1 • 1 Sa unang araw ng ikalawang buwan ng ikalawang taon pagkaalis nila sa lupain ng Ehipto, nagsalita si Yawe kay Moises sa Toldang Tagpuan sa disyerto ng Sinai: 2 “Itala ninyo ang buong pamayanan ng Israel, ayon sa mga angkan at ang sam¬bahayan ayon sa ama, bilangin ang lahat ng lalaki. 3 Ilista ninyong dalawa ni Aaron ang lahat ng lalaking may dalawampung taong gulang pataas na puwe¬deng makipagdigma, ayon sa kani-kanilang mga pangkat.
4 Tutulungan kayo ng isang lalaki sa bawat tribu, na siyang pangulo ng kanyang sambahayan ayon sa ama. 5 Ito ang mga pangalan ng mga tutulong sa inyo:
sa Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur. 6 Sa Simeon: si Selumiel na anak ni Surishaddai. 7 Sa Juda: si Naason na anak ni Aminadab. 8 Sa Isacar: si Netanel na anak ni Suar. 9 Sa Zabulon: si Eliab na anak ni Helon. 10 Sa mga anak ni Jose: sa Efraim: si Elisama na anak ni Amihud; at sa Manases: si Gamaliel na anak ni Pedasur. 11 Sa Benjamin: si Abidan na anak ni Gideoni. 12 Sa Dan: si Ahiezer na anak ni Amishaddai. 13 Sa Aser: si Pagiel na anak ni Ocran. 14 Sa Gad: si Eliasaf na anak ni Deuel. 15 Sa Neftali: si Ahira na anak ni Enan.”
16 Ito ang mga ipinahayag sa pamayanan na mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina¬kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel.
17 Kaya kinuha nina Moises at Aaron ang mga lalaking ito na sila mismo ang pumili, 18 at tinipon ang buong pamayanan sa unang araw ng ikalawang buwan. Inilista ang lahat na may dalawampung taong gulang pataas, at binilang ang kanilang mga pangalan at pamilya, ayon sa angkan at sambahayan ayon sa pinakaama, 19 gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises. Ito ang paglilista sa kanila sa disyerto ng Sinai.
20 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Ruben na panganay ni Israel, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng makipagdigma: 21 46,500 ang nailista sa tribu ng Ruben.
22 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Simeon, na may dala¬wampung taong gulang pataas at puwedeng makipagdigma: 23 59,300 ang nailista sa tribu ng Simeon.
24 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Gad, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng ma¬kipagdigma: 25 45,650 ang nailista sa tribu ng Gad.
26 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Juda, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng ma¬kipagdigma: 27 74,600 ang nailista sa tribu ng Juda.
28 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Isacar, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng makipagdigma: 29 54,400 ang nailista sa tribu ng Isacar.
30 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Zabulon, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng makipagdigma: 31 57,400 ang nailista sa tribu ng Zabulon.
32 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Jose, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng maki¬pag¬digma: 33 40,500 ang nailista sa tribu ng Efraim. 34 Binilang rin ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Manases, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng makipagdigma: 35 32,200 ang na¬i¬lista sa tribu ng Manases.
36 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Benjamin, na may dalawampung taong gulang pataas at puwe¬deng makipagdigma: 37 35,400 ang nailista sa tribu ng Benjamin.
38 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Dan, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng ma¬kipagdigma: 39 62,700 ang nailista sa tribu ng Dan.
40 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Aser, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng ma¬kipagdigma: 41 41,500 ang nailista sa tribu ng Aser.
42 Binilang ayon sa mga angkan at sambahayan ang mga inapo ni Neftali, na may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng makipagdigma: 43 53,400 ang nailista sa tribu ng Neftali.
44 Ito ang mga nailista sa sensong ginawa nina Moises at Aaron at ng labindalawang pinu¬no ng Israel, isa para sa bawat angkan ayon sa pinakaama. 45-46 Ang kabuuan ng mga Israelitang may dalawampung taong gulang pataas at puwedeng makipagdigma na nailista ayon sa kani-kanilang mga sambahayan: 603,550.
47 Hindi naman kasamang inilista ang mga Levita sa kanilang tribu. 48 Sinabi nga ni Yawe kay Moises: 49 “Huwag mo nang ilista ang tribu ng Levi at huwag isama sa ibang mga Israelita. 50 Itatalaga mo ang mga Levita para sa Tirahan ng Pahayag, sa lahat ng kasangkapan nito at sa lahat ng naroon. Sila ang magpapasan ng Tirahan at ng lahat ng kasangkapan nito. Sila ang maglilingkod dito at titira sa paligid ng Tirahan. 51 Kung ililipat ang Tirahan, ang mga Levita ang magkakalag nito; at kung magka¬kampo ang Tirahan, ang mga Levita ang magta¬tayo nito. At mamamatay naman ang sinumang tagalabas na lumapit doon.
52 Magkakampo ang mga Israelita sa kani-kanilang mga lugar, sa paligid ng kani-kanilang bandila, ayon sa kani-kanilang mga batalyon. 53 Magkakampo naman ang mga Levita sa pa¬ligid ng Tirahan ng Pahayag para hindi bag¬sa¬kan ng galit ang pamayanan ng Israel. Kaya ang mga Levita ang mamamahala sa Tirahan ng Pahayag.”
54 At ginawa nga ito ng mga Israelita gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
Ang “mga hukbo ng Israel”
2 1 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: 2 “Magkakampo ang mga Israelita sa pa¬ligid ng kani-kanilang bandila, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang sambahayan; mag¬ka¬¬kampo sila sa harap at sa paligid ng Toldang Tagpuan. 3 Nasa silangan, paharap sa sinisi¬katan ng araw, ang mga nasa bandila ng kampo ng Juda at nakaayos nang grupu-grupo. Pinuno ng Juda si Naasong anak ni Aminadab, 4 at umabot sa 74,600 ang kan¬yang batalyon ayon sa senso.
5 Nasa tabi naman nila ang tribu ng Isacar. Si Netanel na anak ni Suar ang kanilang pinuno 6 at umabot sa 54,400 ang nailistang nasa ilalim niya.
7 Sumunod naman ang tribu ng Zabulon. Si Eliab na anak ni Helon ang kanilang pinuno, 8 at umabot sa 57,400 ang nailistang nasa ilalim niya.
9 Kabuuan ng mga nailista sa kampo ng Juda: 186,400 ayon sa kani-kanilang mga ba¬tal¬yon. Sila ang mangunguna sa paglakad.
10 Nasa gawing timog naman ang bandila ng kampo ng Ruben na nakaayos nang grupu-grupo. Si Elisur na anak ni Sedeur ang kanilang pinuno, 11 at umabot sa 46,500 ang kanyang ba¬talyon ayon sa senso.
12 Nasa tabi nila ang tribu ng Simeon. Si Selumiel na anak ni Surishaddai ang kani¬lang pinuno, 13 at umabot sa 59,300 ang mga nai-listang nasa ilalim niya.
14 Pagkatapos nama’y ang tribu ng Gad; si Eliasaf na anak ni Deuel ang kanilang pinuno, 15 at umabot sa 45,650 ang mga nai¬listang nasa ilalim niya.
16 Kabuuan ng mga nailista sa kampo ng Ruben: 151,450 ayon sa kani-kanilang mga ba¬talyon. Sila ang pangalawa sa paglakad.
17 Ganito aalis ang Toldang Tagpuan: nasa gitna ng mga kampo ang kampo ng mga Levi¬ta. Kung paano sa kampo, gayon din sa paglakad: ang bawat isa sa sariling lugar, ayon sa kanya-kanyang bandila.
18 Nasa gawing kanluran ang bandila ng kampo ng Efraim na nakaayos nang grupu-grupo. Si Elisama na anak ni Amihud ang kani¬lang pinuno, 19 at umabot sa 40,500 ang mga nailistang nasa ilalim niya.
20 Katabi nila ang tribu ng Manases. Si Gama¬liel na anak ni Pedasur ang kanilang pinuno, 21 at umabot sa 32,200 ang mga nai¬listang nasa ilalim niya. 22 Sumunod naman ang tribu ng Benjamin. Si Abidan na anak ni Gideoni ang kanilang pinuno, 23 at umabot sa 35,400 ang mga nailistang nasa ilalim niya.
24 Kabuuan ng mga nailista sa kampo ng Efraim: 108,100 ayon sa kani-kanilang mga ba¬talyon. Sila ang papangatlo sa paglakad.
25 Nasa gawing hilaga ang bandila ng kampo ng Dan na nakaayos nang grupu-grupo. Si Ahiezer na anak ni Amishaddai ang kanilang pinuno, 26 at umabot sa 62,700 ang mga nai¬lis¬tang nasa ilalim niya.
27 Nasa tabi nila ang tribu ng Aser. Si Pagiel na anak ni Ocran ang kanilang pinuno 28 at umabot sa 41,500 ang mga nailistang nasa ilalim niya. 29 At ang tribu ng Neftali. Si Ajira na anak ni Enan ang kanilang pinuno, 30 at umabot sa 53,400 ang mga nailistang nasa ilalim niya.
31 Kabuuan ng mga nailista sa kampo ng Dan: 157,600 ayon sa kanilang mga bandila. Ito ang mahuhuli sa paglakad.”
32 Ito ang mga Israelitang nailista ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ama-ama. Kabuuan ng mga nailista: 603,550 ayon sa kani-kanilang mga batalyon sa mga kampo.
33 Hindi inilistang kasama ng ibang mga Israelita ang mga Levita, ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises.
34 Tinupad ng mga Israelita ang lahat ng ini¬utos ni Yawe kay Moises. Ayon sa kani-kanilang mga bandila sila nagkampo at umalis, ang bawat isa ayon sa sariling angkan at sam¬bahayan ng kanilang mga ama-ama.
Ang tribu ng Levi
3 • 1 Narito ang mga inapo nina Aaron at Moises nang kausapin ni Yawe si Moises sa Bundok Sinai. 2 Narito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, si Abihu, si Eleazar at si Itamar. 3 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron, na paring pinahiran at itinalaga sa pagpapari. 4 Ngu¬nit namatay sa harap ni Yawe sina Nadab at Abihu nang mag-alay sila ng di-banal na apoy sa harap ni Yawe sa disyerto ng Sinai; at wala silang anak. Kaya sina Eleazar at Itamar ang naging pari kasama ang kanilang amang si Aaron.
5 Sinabi ni Yawe kay Moises: 6 “Ipatawag mo ang tribu ng Levi at iharap mo sila sa paring si Aaron para tulungan nila siya. 7 Sila ang tutupad sa kanyang tungkulin at ng buong pamayanan sa harap ng Toldang Tagpuan sa paglilingkod sa Tirahan. 8 Iinga¬tan nila ang lahat ng gamit ng Toldang Tag¬puan at magbabantay sa ngalan ng mga Israelita sa paglilingkod sa Tirahan. 9 Ipag¬ka¬katiwala mo ang mga Levita kay Aaron at sa kanyang mga anak bilang “bigay”, ibinigay nga sila sa akin ng mga Israelita. 10 Itatalaga mo naman si Aaron at ang kanyang mga inapo sa mga tungkulin ng pagkapari, at mama¬matay ang sinumang tagalabas na makialam.”
11 At sinabi ni Yawe kay Moises: 12 “Ako ang kumuha sa mga Levita mula sa mga Israelita sa halip ng mga isisilang na panganay ng mga Israelita. Kaya akin ang mga Levita. 13 Akin ang lahat ng panganay; nang patayin ko ang mga panganay sa lupain ng Ehipto, itinalaga ko sa aking sarili ang lahat ng panganay sa Israel. Maging tao o hayop, akin silang lahat. Ako si Yawe.”
14 Nagsalita si Yawe kay Moises sa dis¬yerto ng Sinai: 15 “Ipalista mo ang mga anak ng Levi ayon sa mga sambahayan ng kani¬lang mga ama-ama at mga angkan; isama mo ang mga lalaking may isang buwang gulang pataas.” 16 Kaya ini¬lista sila ni Moises gaya ng iniutos sa kanya ni Yawe.
17 Narito ang mga pangalan ng mga anak ni Levi: Gerson, Kehat at Merari.
18 Narito naman ang mga pangalan ng mga anak ni Gerson, ayon sa mga angkan: Libni at Semei. 19 Mga anak ni Kehat, ayon sa mga angkan: Amram, Yishar, Hebron at Uziel. 20 Mga anak ni Merari, ayon sa mga angkan: Mahli at Musi. Ito ang mga angkan ng Levi ayon sa mga sambahayan ng kani¬lang mga ama-ama.
21 Kay Gerson ang mga angkan nina Libni at Semei; ito ang mga angkan ni Gerson, 22 at 7,500 ang nailistang lalaking may isang buwan pataas. 23 Sa gawing kanluran sa likod ng Tirahan nagkampo ang mga angkan ng mga Ger¬sonita. 24 Si Eliasaf na anak ni Lael ang pinuno ng kanilang sambahayan. 25 Sa Toldang Tag¬puan, sila ang nangasiwa sa Tirahan, sa Tolda at sa panakip nito, sa kurti¬nang nasa may pin¬tuan ng Toldang Tagpuan, 26 sa mga kurtina ng patyo, at sa kurtina sa may pintuan ng patyo na nasa paligid ng Tirahan, at pati na sa altar at sa mga tali para sa paggawa.
27 Kay Kehat ang mga angkan ng mga Amramita, mga Yisrahita, mga Hebronita at mga Uzielita. Ito ang mga angkan ng mga Kehatita, 28 at 8,300 ang nailistang lalaking may isang buwan pataas. Sila ang namahala ng santuwaryo. 29 Sa gawing timog ng Tirahan nag¬kampo ang mga angkan ng mga Kehatita. 30 Si Elisafan na anak ni Uziel ang pinuno ng kanilang sambahayan.
31 Sila ang namamahala sa Kaban, mesa, kandelabra, mga altar, mga gamit sa santu¬waryo at kurtina. 32 Si Eleazar na anak ni Aarong pari, ang kataas-taasang pinuno ng mga Levita; siya ang tagapamahala sa mga nagbabantay sa santuwaryo.
33 Kay Merari ang mga angkan ng mga Mahlita at Musita. Ito ang mga angkan ng mga Merarita, 34 at 6,200 ang nailistang lalaking may isang buwan pataas. 35 Si Suriel na anak ni Abihail ang pinuno ng samba¬hayan ng mga angkan ni Merari. Sa gawing hilaga ng Tirahan sila nagkampo. 36 Sila ang namamahala sa mga tabla ng Tirahan, sa mga pahalang, mga haligi, mga tuntungan, at sa lahat ng gamit sa paggawa nito, 37 pati na sa mga haligi sa paligid ng patyo, at mga tuntungan ng mga ito, sa mga tulos at mga tali.
38 Sa unahan ng Tirahan, sa silangan, sa harap ng Toldang Tagpuan, paharap sa sinisikatan ng araw, sina Moises at Aaron naman at ang mga anak nito ang nagbabantay sa santuwaryo. Nagbabantay sila sa ngalan ng mga Israelita at mamamatay ang sinumang tagalabas na lumapit.
39 Kabuuan ng mga lalaking Levita na may isang buwan pataas na inilista nina Moises at Aaron ayon sa mga angkan gaya ng iniutos ni Yawe: 22,000.
40 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Ilista mo ang lahat ng panganay na lalaki sa mga Israelita na may isang buwan pataas, at bilangin ang kani-lang mga pangalan. 41 At saka mo iukol sa akin ang mga Levita bilang kahalili ng lahat ng panganay ng mga Israelita, pati ang kanilang mga hayupan sa halip ng lahat ng panganay ng mga hayupan ng mga Israelita. Ako si Yawe.”
42 Kaya inilista ni Moises ang lahat ng panganay ng mga Israelita gaya ng iniutos sa kanya ni Yawe. 43 Kabuuan ng mga nailistang panganay na lalaking may isang buwan pataas: 22,273.
44 At sinabi pa ni Yawe kay Moises: 45 “Ihalili mo ang mga Levita sa mga pa¬nganay ng mga Israelita, at ang mga hayupan ng mga Levita sa kanilang mga hayupan. Akin na ang mga Levita – ako si Yawe. 46 Bilang pantubos sa dalawan¬daa’t pitumpu’t tatlong panganay ng mga Israelita na higit pa sa bilang ng mga Levita, 47 tatanggap ka ng limang shekel sa bawat ulo, ayon sa shekel ng santuwaryo (dala¬wampung kusing ang katimbang ng isang shekel). 48 Ibigay mo ang halagang ito kay Aaron at sa kanyang mga anak bilang pantubos sa lumabis na bilang.”
49 Kaya tinanggap ni Moises ang pilak na pantubos sa mga natirang hindi pa natutubos ng mga Levita. 50 Tumanggap siya sa mga pa¬nganay ng mga Israelita ng 1,365 shekel na pilak, ayon sa shekel ng santuwaryo. 51 At ibinigay niya ang perang pantubos kay Aaron at sa kanyang mga anak, gaya ng iniutos sa kanya ni Yawe.
Mga angkan ng mga Levita: ang mga Kehatita
4 • 1 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: 2 “Bilangin mo ang mga Kehatitang mga anak ni Levi ayon sa mga angkan at sam¬ba¬hayan ng mga ama-ama, ang lahat ng lala¬king Kehatita 3 mula tatlumpu hanggang limam¬pung taong gulang; silang puwedeng maki¬pag¬digma ang gaganap sa mga tungkulin sa Tol¬dang Tagpuan.
4 Ito ang tungkulin ng mga Kehatita sa Tol¬dang Tagpuan: para sa pinakabanal na mga bagay ang mga ito. 5 Sa paglipat ng kampo, pagkapasok ni Aaron at ng kanyang mga anak, sila ang magbababa ng kurtina at itatabing ito sa Kaban ng Pahayag. 6 Ilalagay sa ibabaw ang isang takip na malambot na katad at lalatagan ito ng isang telang asul-purpura. At saka nila ilalagay ang mga pampasan sa Kaban.
7 Ilalatag naman ang isang telang asul-purpura sa hapag ng mga Tinapay ng Presensya at ilalagay roon ang mga plato, mga kopa, at mga mangkok at mga sisidlan para sa pagbubuhos. Laging mananatili roon ang tinapay. 8 Ilalatag nila sa ibabaw ng mga ito ang isang telang granate at tatakpan ito ng malambot na katad. At saka ilalagay ang mga pampasan.
9 Kukuha sila ng telang asul-purpura at tatakpan nito ang kandelabra at ang mga ilawan nito, pati ang mga pang-ipit ng mitsa, mga sahuran, at ang iba’t ibang mga lata ng langis na ginagamit doon. 10 Pagkatakip nila ng malambot na katad sa kandelabra at sa lahat ng gamit nito, ilalagay ang mga ito sa isang ba¬langkas.
11 Ilalatag nila ang isang telang asul-purpura sa ibabaw ng altar na ginto, at tatak¬pan din ito ng malambot na katad. At saka nila ilalagay ang mga pampasan. 12 Kukunin ang lahat ng gamit sa santuwaryo, ilalagay nila ang mga ito sa isang telang asul-purpura, tatakpan ng ma¬lambot na katad at ilalagay ang lahat sa isang balangkas.
13 Pagkaalis ng mga abo sa altar, lala¬tagan ito ng isang damit na eskarlata. 14 Dito ilalagay ang lahat ng gamit sa altar: ang mga lalagyan ng baga, mga tinidor, mga pala, mga mangkok – ang lahat ng gamit sa altar. Ilalatag dito ang isang malambot na katad bilang panakip at saka ilalagay ang mga pampasan.
15 Pagkatapos ni Aaron at ng kanyang mga anak na balutin ang santuwaryo at lahat ng gamit dito para sa paglipat ng kampo ay saka papasok ang mga Kehatita para pasanin ang mga iyon. Hindi nila hihipuin ang mga banal na bagay at baka sila mamatay. Ito ang tungkulin ng mga Kehatita sa Toldang Tagpuan.
16 Ito naman ang pamamahalaan ni Eleazar na anak ng paring si Aaron: ang langis ng ilawan, ang mabangong insenso, ang palagiang handog na pagkain, ang langis na pamahid – ang buong Tirahan at lahat ng narito – ang santuwaryo at lahat ng kagamitan nito.”
17 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: 18 “Huwag ninyong pabayaang maglaho sa mga Levita ang tribu at mga angkan ng mga Kehatita. 19 Huwag sila hayaang mamatay paglapit nila sa kabanal-banalang lugar. Kaya ito ang gagawin ninyo para mabuhay sila: papasok si Aaron at ang kanyang mga anak at itotoka sa bawat isa ang kanya-kanyang gagawin at papa¬sanin. 20 Ngu¬nit huwag silang basta na lamang pu¬ma¬sok para tingnan ang mga nasa santuwaryo, kung hindi’y mamamatay sila.”
Ang mga Gersonita
21 Nagsalita si Yawe kay Moises: 22 “Ilista rin ang lahat ng lalaking Gersonita 23 na may tatlumpu hanggang limampung taong gulang ayon sa kanilang mga sambahayan ng mga ama-ama at mga angkan. Ililista mo ang mga puwedeng makipagdigma upang maglingkod sa Toldang Tagpuan.
24 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, ang kanilang gagawin at papa¬sanin. 25 Papasanin nila ang mga kurtina ng Tirahan, ang Toldang Tagpuan at ang panakip nito at ang pambalot na malambot na katad, ang kurtina sa pasukan ng Toldang Tagpuan 26 ang mga kurtina ng patyo at sa may pintuan ng patyo, na nakapaligid sa Tirahan at sa altar, at ang mga panali at lahat ng gamit sa kanilang gawain at lahat ng kagamitan nila. 27 Pamamahalaan ni Aaron at ng kanyang mga anak ang paglilingkod ng mga Gersonita sa lahat nilang gagawin at papasanin. Ipagka¬katiwala ninyo sa kanila ang mga papasanin nila. 28 Ito ang pagli-lingkod ng mga Gersonita sa Toldang Tagpuan; si Itamar na anak ng paring si Aaron ang kani¬lang tagapamahala.
Ang mga Merarita
29 Ililista mo rin ayon sa mga angkan at sam¬bahayan ng mga ama-ama ang mga Meraritang 30 may tatlumpu hanggang limam¬¬pung taong gulang. Ililista mo ang mga puwedeng makipag¬digma para maglingkod sa Toldang Tagpuan. 31 Ito ang kanilang paglilingkod sa Toldang Tagpuan, ang dapat pasanin sa ilalim ng kani¬lang pamamahala: ang mga tabla ng Tirahan kasama ang mga pahalang nito, ang mga haligi at mga tun¬tungan, 32 at ang mga haligi sa paligid ng patyo, at ang mga tuntungan ng mga ito, mga tulos at panali, at lahat ng saklaw ng mga ito at lahat ng gamit sa kanilang gawain. Tatatakan mo ang lahat ng bagay na dapat pasanin sa ilalim ng kanilang pamamahala.
33 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Merarita sa Toldang Tagpuan, sa ilalim ng pamamahala ni Itamar na anak ng paring si Aaron.”
Senso ng mga Levita
34 Kaya inilista nina Moises at Aaron at ng mga pinuno ng pamayanan ayon sa kanilang mga angkan at sambahayan ng mga ama-ama ang mga Kehatitang 35 may tatlumpu hanggang limampung taong gulang. Sila ang mga nag¬lilingkod sa Toldang Tagpuan; 36 at umabot sa 2,750 ang mga nailista sa kani¬lang mga ang¬kan. 37 Ito ang paglilista sa mga lalaki sa mga angkang Kehatita. Sila ang mga naglilingkod sa Toldang Tagpuan; inilista sila nina Moises at Aaron, ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises.
38 Inilista rin ang mga Gersonita ayon sa mga angkan at sambahayan ng mga ama-ama, 39 na may tatlumpu hanggang limam¬pung taon. Sila ang mga puwedeng maki¬pag¬digma na dapat maglingkod sa Toldang Tagpuan. 40 Umabot sa 2,630 ang mga nai¬lista ayon sa kanilang mga angkan at sam¬ba¬hayan. 41 Ito ang paglilista sa mga Gersoni¬tang maglilingkod sa Toldang Tagpuan, na inilista nina Moises at Aaron ayon sa iniutos ni Yawe.
42 Inilista rin ang mga Merarita ayon sa kanilang mga angkan at mga sambahayan ng mga ama-ama, 43 na may tatlumpu hang¬gang limampung taon. Sila ang mga puwe¬deng ma¬kipagdigma na dapat maglingkod sa Toldang Tagpuan. 44 Umabot sa 3,200 ang mga nailista sa kanilang mga angkan at mga sambahayan. 45 Ito ang paglilista sa mga angkan ng mga Merarita na inilista nina Moises at Aaron, ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises.
46 Ito ang kabuuan ng mga Levitang inilista nina Moises at Aaron at ng mga pinuno ng Israel, ayon sa mga angkan at mga sambahayan ng kani-kanilang mga ama, 47 na may tatlumpu hang¬gang limampung taong gulang; sila ang makapaglilingkod sa Toldang Tagpuan at ma¬kapagpapasan. 48 Umabot sa 8,580 ang mga nailista. 49 Inilista sila ni Moises ayon sa utos ni Yawe at tinokahan ang bawat isa sa kanyang paglilingkod at pagpapasan. Ganito ang iniutos ni Yawe kay Moises.
Iba’t ibang batas
5 1 Nagsalita si Yawe kay Moises: 2 “Iutos mo sa mga Israelita na palayasin sa kampo ang lahat ng ketongin, lahat ng may tulo at lahat ng naging di-malinis sa paghipo sa patay. 3 Palayasin mo sila sa kampo, lalaki man o babae, at baka gawin nilang di-malinis ang kampong pinananahanan ko.” 4 Ganoon nga ang ginawa ng mga Israelita: pinalabas nila sa kampo ang mga iyon, ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises.
5 Nagsalita si Yawe kay Moises: 6 “Sabihin mo sa mga Israelita: Kung may lalaki o babaeng magtaksil kay Yawe sa pagka¬kasala sa kanyang kapwa, dapat siyang managot. 7 Pagka¬amin niya ng kanyang kasa¬lanan, isasauli niya ang bagay na dahilan ng kanyang pagkakasala, at dadag¬dagan pa ng ikalimang bahagi para sa nagawan niya ng kasalanan.
8 Ngunit kung wala ang nagawan niya ng kasalanan at walang kamag-anak na mapag¬sasaulian, kay Yawe isasauli ang bagay at ma¬papasapari ito. Bukod pa ito sa barakong tu¬pang pambayad-sala na iaalay ng pari para humingi ng tawad. 9 Mapapa¬sapari rin ang lahat ng banal na abuloy na ibinibigay sa kanya ng mga Is¬raelita. 10 Sa bawat isa ang ibinukod niyang banal; sa bawat pari ang ipinagkakaloob sa kanya.
11 Sinabi ni Yawe kay Moises: 12 “Sabihin mo sa mga Israelita:
Ipagpalagay nang may nangaliwa at nagtaksil na maybahay sa kanyang asawa. 13 Na¬kipagtalik siya sa ibang lalaki at hindi nalaman ng kanyang asawa dahil inilihim niya ang kanyang karumihan at walang saksing nakahuli sa kanya sa akto. 14 Ngunit umiral ang selos sa lalaki at pinaghinalaan ang kanyang maybahay, o kaya’y umiral din ang selos sa lalaki at pinag¬dudahan ang kanyang maybahay kahit na hindi ito naging di-malinis. 15 Kung magka¬gayo’y ihaharap ng lalaki sa pari ang kanyang asawa at magdadala rin ng handog na nauukol dito: ang ikapu ng isang efang harinang seba¬da. Hindi niya ito bubuhusan ng langis o magsu¬sunog kaya ng insenso: pagkaing handog ng selos nga iyon, na isang pang-alaalang handog para alala¬hanin ang isang pagkakasala.
16 Palalapitin ng pari ang babae at tatayo naman ito sa harap ni Yawe. 17 Kukunin ng pari ang sagradong tubig at lalagyan niya ito ng kaunting alabok na kinuha niya sa sahig ng Tirahan. 18 At habang nakatayo ang babae sa harap ni Yawe, aalisin ng pari ang takip nito sa ulo at ilalagay sa mga palad ng babae ang pang-alaalang handog na pagkain (ang handog ng selos); at nasa kamay naman ng pari ang mapait na tubig ng kasawiampalad.
19 Pasusumpain ng pari ang babae sa pagsa¬sabing: ‘Kung wala ngang lalaking sumiping sa iyo at hindi ka nangaliwa at nadungisan sa piling ng ibang lalaki, lalabas kang matuwid sa mapait na tubig ng kasawiampalad. 20 Ngunit kung nangaliwa ka sa piling ng ibang lalaki at naki¬pagtalik sa iyo ang di mo asawa…’ 21 At sasa¬bihin ng pari sa babae ang ganitong sumpa: ‘Gawin ka nawa ni Yawe na halimbawa ng isang isi-numpa at itinakwil; matuyo ang iyong hita at bumukol ang iyong tiyan. 22 Pasukin sana ng tubig na ito ng kasawiampalad ang iyong mga lamang-loob para bumukol ang iyong tiyan at matuyo ang iyong hita!’ At sasagot ang babae: ‘Amen, amen!’
23 Isusulat ng pari ang sumpang ito sa isang papel, at saka buburahin sa mapait na tubig. 24 At ipaiinom sa babae ang mapait na tubig ng kasawiampalad at papasok sa kanya ang tubig at magiging mapait.
25 Tatanggapin ng pari sa kamay ng babae ang pagkaing handog ng selos at iiindayog sa harap ni Yawe at dadalhin sa altar. 26 Kukuha siya ng isang dakot sa pang-alaalang handog na pagkain at susunugin ito sa altar at ipai¬inom ang tubig sa babae.
27 Pagkainom niya, kung tunay siyang na¬ngaliwa at nagtaksil sa kanyang asawa, papasok sa kanya ang tubig ng kasawiampalad at magiging mapait: bubukol ang kanyang tiyan at matutuyo ang kanyang hita, kayat magiging halimbawa siya ng isang isinumpa. 28 Subalit kung hindi naman nadungisan ang babae at malinis pa, lalabas siyang matuwid at magka¬kaanak pa.
29 Ito nga ang batas ng selos tungkol sa ba¬baeng nangaliwa habang nasa poder ng kanyang asawa at nadungisan, 30 o kung pina¬ma¬yanihan kaya ng selos ang isang lalaking naghi¬hinala sa kanyang asawa. Ihaharap niya ang babae kay Yawe at ilalapat ng pari sa kanya ang buong batas na ito. 31 Kaya mawawalan ng sala ang lalaki, at dadalhin naman ng babae ang kanyang kasalanan.
Ang mga Nasireo
6 • 1 Nagsalita si Yawe kay Moises: “Ka¬usapin mo ang mga anak ng Israel, 2 at sabihin sa kanila – Kung may lalaki o babaeng gagawa ng natatanging panata, ang panata ng pagtatalaga ng sarili para kay Yawe bilang isang Nasir, 3 hindi siya iinom ng alak at ma¬tapang na inumin. Hindi siya iinom ng sukang gawa sa alak o sa matapang na inumin, at hindi rin siya iinom ng katas ng ubas o kakain ng ubas o pasas.
4 Sa buong panahong nabubuhay siya bilang isang Nasir, hindi siya kakain ng anumang galing sa ubasan, mula sa buto hanggang sa balat.
5 Sa buong panahon ng kanyang panata ng pagtatalaga, hindi sasayaran ng labaha ang kanyang ulo. Magiging banal siya at pahaha¬bain niya ang kanyang buhok hang¬gang ma¬tapos ang pagtatalaga niya kay Yawe. 6 Sa buong panahon ng kanyang pag¬ta¬talaga sa kara¬ngalan ni Yawe, hindi siya lalapit sa sinu¬mang patay, 7 maging iyon ang kanyang ama, ina, o kapatid, kung hindi’y madudungi¬san siya sapagkat taglay niya sa kanyang ulo ang tanda ng pagkaka¬talaga niya sa Diyos. 8 Sa buong pa¬nahon ng kanyang pagiging Nasir, nakatalaga siya kay Yawe.
9 Kung may biglang mamatay sa tabi niya, nadungisan ang kanyang ulong nakatalaga. Kailangan siyang linisin sa ikapitong araw at ahitin ang kanyang ulo sa araw na iyon. 10 Sa ikawalong araw, magdadala siya sa pari sa pintuan ng Toldang Tagpuan ng dalawang batu¬bato o dalawang batang kalapati. 11 Ihahandog ng pari ang isa bilang handog para sa kasa¬lanan, at ang isa pa bilang sinunog na handog, kaya magbabayad-sala siya para sa kanya sapagkat nagkasala ito dahil sa isang patay.
Sa araw ding iyon, itatalagang muli ng Nasir ang kanyang ulo 12 at magdadala siya ng isang korderong isang taong gulang bilang hain para sa utang. Hindi ibibilang ang mga nagdaang araw sapagkat nadungisan ang kanyang pagtatalaga.
13 Ito ang batas-Nasireo: Sa oras na matapos ang panahon ng kanyang pagka¬banal, dadal¬hin siya sa may pintuan ng Toldang Tagpuan. 14 Iaalay niya ang kanyang handog kay Yawe: isang taong gulang na tupang walang kapintasan bilang susunuging handog, isang taong gulang na babaeng tupa na walang kapintasan bilang hain para sa kasalanan, isang tupang lalaki na walang kapintasan bilang hain sa mabuting pagsasamahan, 15 isang basket na tinapay na walang lebadura at gawa sa pinong harina na hinaluan ng langis at biskwit na walang lebadura na pinahiran ng langis, at mga pag¬kaing handog at mga inuming handog.
16 Iaalay ng pari ang mga iyon sa harap ni Yawe at isasakripisyo ang hain para sa kasala¬nan at ang susunuging handog. 17 Iaalay naman niya kay Yawe ang tupang lalaki bilang hain sa mabuting pagsa¬samahan, pati ang basket ng mga tinapay na walang lebadura, at iaalay ng pari ang kanyang handog na pagkain at inumin. 18 At pagkatapos ay aahitan ng Nasireo sa may pintuan ng Toldang Tagpuan ang kanyang pinabanal na ulo, kukunin ang buhok, at ilalagay sa apoy na nasa ilalim ng hain sa mabuting pagsasamahan.
19 Matapos ahitin ng Nasireo ang kanyang pinabanal na buhok, kukunin naman ng pari ang isang lutong balikat ng tupang lalaki, isang tinapay na walang lebadura at isang biskwit na walang lebadura mula sa basket, at ilalagay ang mga ito sa mga kamay ng Nasireo. 20 Iiin¬dayog ng pari ang mga iyon sa harap ni Yawe at magiging banal ang mga iyon, at mapapasapari, pati ang dibdib na iniindayog at ang hitang ibinukod. Pagka¬tapos nito’y makaiinom na ng alak ang Nasireo.
21 Ito ang batas-Nasireo sa paghahandog niya kay Yawe ng kanyang alay dahil sa kanyang pagkabanal, bukod pa sa ibang kaya niyang gawin. Tutuparin ang batas ng kanyang pagkabanal ayon sa ginawa niyang panata.”
Ang pagbabasbas
• 22 Nagsalita si Yawe kay Moises: 23 “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak: Ganito ninyo basbasan ang mga anak ng Israel, sabihin ninyo sa kanila:
24 Pagpalain ka nawa ni Yawe at inga¬tan! 25 Pagningningin ni Yawe ang kan¬yang mukha sa iyo at magmagandang-loob sa iyo. 26 Humarap nawa sa iyo si Yawe at bigyan ka ng kapaya-paan!
27 Ganito nila ipapatong ang aking Pa¬nga¬lan sa mga anak ng Israel, at pagpa¬palain ko sila.”
Paghahandog ng mga karwahe
7 1 Nang matapos itayo ni Moises ang Tira¬han, pinahiran niya at itinalaga ito pati ang lahat ng kasangkapan nito, ang altar at lahat ng gamit. 2 Nag-alay naman ang mga pinuno ng Israel na mga ulo ng mga sam-baha¬yan ng kanilang mga ama-ama. Sila ang mga pinuno ng mga tribu na namahala sa senso. 3 Dinala nila sa harap ni Yawe ang kanilang handog: anim na karitong may takip at labin¬dalawang baka, na tig-isang kariton para sa bawat dalawang pinuno, at tig-isang baka naman mula sa bawat pinuno. Inialay nila ang mga ito sa harap ng Tirahan.
4 At sinabi ni Yawe kay Moises: 5 “Tang¬gapin mo sa kanila ang mga ’yan para sa paglilingkod sa Toldang Tagpuan at ibigay sa mga Levita ayon sa kani-kanilang mga tungkulin.”
6 Kaya tinanggap ni Moises ang mga kariton at mga baka, at ibinigay sa mga Levita. 7 Ibinigay niya ang dalawang kariton at ang apat na baka sa mga Gersonita ayon sa kanilang mga tung¬kulin, 8 at ang apat na kariton at walong baka sa mga Merarita ayon sa kanilang mga tungkulin, sa pamamahala ni Itamar na anak ng paring si Aaron. 9 Hindi niya binigyan ang mga Kehatita sapagkat sa kanila nakatoka ang santuwaryo, at sa balikat pinapasan ang lahat.
10 Nag-alay ang mga pinuno sa araw ng pagtatalaga at paghirang sa altar. At dinala nila ang kanilang mga handog sa harap ng altar. 11 Ngunit sinabi ni Yawe kay Moises: “Tig-iisang araw na mag-aalay ng kanilang handog sa pagtatalaga ng altar ang bawat pinuno.”
12 Si Naasong anak ni Aminadab mula sa tribu ng Juda ang nagdala ng kanyang alay sa unang araw. 13 Narito ang alay niya: platong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plangganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pagkaing handog, 14 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 15 tig-isang toro at barakong tupa at isang taong tupa bilang susunuging handog, 16 barakong kambing bilang hain para sa kasalanan, 17 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kambing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Na¬asong anak ni Aminadab.
18 Si Netanel na anak ni Suar na pinuno ng Isacar naman ang nag-alay sa ikalawang araw. 19 Narito ang dala niyang alay: platong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plangganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pagkaing handog, 20 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 21 tig-isang toro at bara¬kong tupa at isang taong tupa bilang susu¬nuging handog, 22 barakong kambing bilang hain para sa kasalanan, 23 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kam¬bing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Netanel na anak ni Suar.
24 Sa ikatlong araw nama’y si Eliab na anak ni Helon na pinuno ng Zabulon ang nag-alay. 25 Narito ang kanyang alay: platong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang tim¬bang ayon sa shekel ng santuwaryo at plangganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pag¬kaing handog, 26 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 27 tig-isang toro at bara¬kong tupa at isang taong tupa bilang susu¬nuging handog, 28 barakong kambing bilang hain para sa kasalanan, 29 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kambing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.
30 Sa ikapat na araw ay si Elisur na anak ni Sedeur na pinuno ng Ruben ang nag-alay. 31 Narito ang kanyang alay: platong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plang-ganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pagkaing handog, 32 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 33 tig-isang toro at barakong tupa at isang taong tupa bilang susunuging handog, 34 barakong kambing bilang hain para sa kasalanan, 35 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kambing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Elisur na anak ni Sedeur.
36 Si Selumiel na anak ni Surishaddai na pinuno ng Simeon naman ang nag-alay sa ikalimang araw. 37 Narito ang kanyang alay: platong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plang¬ganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pagkaing handog, 38 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 39 tig-isang toro at barakong tupa at isang taong tupa bilang susunuging handog, 40 barakong kambing bilang hain para sa kasa¬lanan, 41 at dalawang baka at tiglilimang bara-kong tupa at kambing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Selu¬miel na anak ni Surishaddai.
42 Si Eliasaf na anak ni Deuel na pinuno ng Gad naman ang nag-alay sa ikanim na araw. 43 Narito ang kanyang alay: platong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plang-ganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pagkaing handog, 44 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 45 tig-isang toro at barakong tupa at isang taong tupa bilang susunuging handog, 46 barakong kambing bilang hain para sa kasalanan, 47 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kam¬bing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Eliasaf na anak ni Deuel.
48 Sa ikapitong araw nama’y si Elisama na anak ni Amihud na pinuno ng Efraim ang nag-alay. 49 Narito ang kanyang alay: platong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plangganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pag¬kaing handog, 50 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 51 tig-isang toro at barakong tupa at isang taong tupa bilang susunuging handog, 52 barakong kambing bilang hain para sa kasalanan, 53 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kam¬bing at iisahing taong tupa bilang hain sa ma¬bu¬ting pagsasamahan. Ito ang alay ni Eli¬sama na anak ni Amihud.
54 Sa ikawalong araw ay si Gamaliel na anak ni Pedasur na pinuno ng Manases ang nag-alay. 55 Ito ang kanyang alay: platong pilak na san¬daa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plangganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pagkaing han¬dog, 56 gintong mangkok na sam¬pung she¬kel na puno naman ng insenso, 57 tig-isang toro at bara¬kong tupa at isang taong tupa bilang susu¬nuging handog, 58 barakong kam¬bing bilang ha¬in para sa kasalanan, 59 at dala¬wang baka at tiglilimang barakong tupa at kambing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur.
60 Nang ikasiyam na araw ang nag-alay ay si Abidan na anak ni Gideoni na pinuno ng Ben¬jamin. 61 Ito ang kanyang alay: platong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plangganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pag¬kaing handog, 62 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 63 tig-isang toro at bara¬kong tupa at isang taong tupa bilang susu¬nuging handog, 64 barakong kambing bi¬lang hain para sa kasalanan, 65 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kambing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Abidan na anak ni Gideoni.
66 Nang ikasampung araw ang nag-alay ay si Ahiezer na anak ni Amishaddai na pinuno ng Dan. 67 Ito ang kanyang alay: pla¬tong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plangganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hina¬luan ng langis bilang pag¬kaing handog, 68 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 69 tig-isang toro at barakong tupa at isang taong tupa bilang susunuging handog, 70 bara¬kong kambing bi¬lang hain para sa kasalanan, 71 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kam¬bing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Amishaddai.
72 Nang ikalabing-isang araw ang nag-alay ay si Pagiel na anak ni Ocran na pinuno ng Aser. 73 Ito ang kanyang alay: platong pilak na san-daa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plangganang pilak na pitumpung shekel na parehong puno ng pinong harinang hina¬-luan ng langis bilang pagkaing handog, 74 gintong mangkok na sampung she¬kel na puno naman ng insenso, 75 tig-isang toro at bara¬kong tupa at isang taong tupa bilang susunuging handog, 76 barakong kambing bi¬lang hain para sa kasalanan, 77 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kambing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran.
78 Nang ikalabindalawang araw ang nag-alay ay si Ahira na anak ni Enan na pinuno ng Neftali. 79 Ito ang kanyang alay: platong pilak na san¬daa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plang-ganang pilak na pitumpung shekel na pare¬hong puno ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pagkaing handog, 80 gintong mangkok na sampung shekel na puno naman ng insenso, 81 tig-isang toro at bara¬kong tupa at isang taong tupa bilang susu¬nuging handog, 82 barakong kambing bilang hain para sa kasalanan, 83 at dalawang baka at tiglilimang barakong tupa at kambing at iisahing taong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.
84 Ito ang nangyari sa pagtatalaga at pag¬hirang ng altar. Nagbigay ang mga pinuno ng Israel ng labindalawang platong pilak, labin¬dalawang plangganang pilak at labindalawang mangkok na ginto. 85 Sandaa’t tatlum-pung shekel ang timbang ng bawat platong pilak at pitumpung shekel naman ang bawat plangganang pilak. Kabuuang pilak ng mga ito: dalawan¬libo’t apatnaraang shekel ayon sa shekel ng santuwaryo. 86 Mangkok na ginto na puno ng insenso: labindalawa – tig-sampung shekel ang timbang ng bawat isa ayon sa shekel ng santuwaryo. Kabuuang ginto ng mga mangkok: sandaa’t dalawam¬pung shekel.
87 Kabuuan ng mga hayop na susunuging handog: tig-labindalawang toro, barakong tupa, at tupang iisahing taon pati na ang mga pag¬kaing handog. Labindalawang barakong kambing bilang hain para sa kasalanan. 88 Kabuuan ng mga hayop para sa hain sa mabuting pagsa¬samahan: dalawampu’t apat na baka, tig-anim¬napung barakong tupa at kambing at iisahing taong tupa.
Ganito itinalaga ang altar pagkahirang dito. 89 Nang pumasok si Moises sa Toldang Tagpuan para makipag-usap sa Kanya, narinig niya ang tinig na nagsasalita mula sa ibabaw ng Lugar ng Pagpapatawad na nasa itaas ng Kaban ng Pahayag, sa pagitan ng dalawang kerubim, at nakipag-usap siya sa Kanya…
8 1 Nagsasalita si Yawe kay Moises: 2 “Sa¬bi¬hin mo kay Aaron: Ihanda mo ang pitong ilawan para tanglawan ng mga ito ang lugar sa harap ng kandelabra.” 3 Gayon nga ang ginawa ni Aaron: inihanda niya ang mga ilawan sa harap ng kandelabra gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises. 4 Ganito ang pag¬ka¬kagawa sa kandelabra: pinukpok na ginto ang pinakakatawan nito at mga sanga. Ginawa ito ayon sa pangitaing ipinakita ni Yawe kay Moises.
Inialay kay Yawe ang mga Levita
5 Sinabi ni Yawe kay Moises: 6 “Ibukod mo ang mga Levita sa mga Israelita at linisin sila. 7 Ito ang gagawin mo para linisin sila. Wisikan mo sila ng panlinis na tubig na banal; mag-ahit sila sa buong katawan at labhan ang kanilang mga damit at magiging malinis sila.
8 At kukuha sila ng isang toro at pagkaing handog na pinong harinang hinaluan ng langis, at kukuha ka naman ng isa pang toro bilang hain para sa kasalanan. 9 Palalapitin mo ang mga Levita sa harap ng Toldang Tagpuan at titipunin mo ang buong pama¬yanan ng mga Is¬raelita. 10 Palapitin mo ang mga Levita sa harap ni Yawe at ipapatong naman sa kanila ng mga Israelita ang kani¬lang mga kamay. 11 Pag¬karaa’y iiindayog ni Aaron ang mga Levita para ihandog sila ng mga Israelita kay Yawe, at maglilingkod sila kay Yawe.
12 Ipapatong naman ng mga Levita ang kani¬lang mga kamay sa ulo ng mga toro. Iaalay mo ang isa bilang hain para sa kasalanan at ang isa pa bilang susunuging handog sa paghingi ng tawad para sa mga Levita. 13 Iutos mong tumayo ang mga Levita sa harap ni Aaron at ng kanyang mga anak at iindayog mo sila para ihandog kay Yawe. 14 Ganito mo ibubukod ang mga Levita sa ibang mga Israelita at magiging akin sila.
15 Pagkatapos ay makalalapit na ang mga Levita para maglingkod sa Toldang Tag¬puan; nilinis mo na nga sila at iniindayog bilang handog kay Yawe.
16 “Naibigay” na sila; ibinigay nga sila sa akin mula sa mga anak ng Israel at kinuha ko silang kapalit ng mga panganay na isisilang sa Israel.
17 Akin nga ang lahat ng panganay sa Israel, maging tao o hayop; itinalaga ko sila sa akin nang hampasin ko ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto. 18 Ngunit inihalili ko ang mga Levita sa mga panganay ng Israel. 19 Ibinibigay ko ngayon ang mga Levita kay Aaron at sa kanyang mga anak upang gampanan ang pagli¬lingkod ng mga anak ng Israel sa Toldang Tag¬puan at para humingi ng tawad para sa mga Israelita para walang datnan ng salot sa Israel sa paglapit nito sa santuwaryo.”
20 Ginawa nga nina Moises at Aaron at ng buong pamayanan ng Israel ang lahat ng ini¬utos ni Yawe kay Moises tungkol sa mga Levita. 21 Ganito ang ginawa sa kanila ng mga Israelita: pagkabayad-sala ng mga Levita at pagkalaba nila ng kanilang mga damit, iniindayog sila ni Aaron sa harap ni Yawe. At humingi siya ng tawad para sa ikalilinis nila. 22 Pagkatapos ay dumating ang mga Levita para maglingkod sa Toldang Tagpuan sa pamamahala ni Aaron at ng kanyang mga anak. At tinupad ang iniutos ni Yawe kay Moises tungkol sa mga Levita.
23 Nagsalita si Yawe kay Moises: 24 “Tung¬kol ito sa mga Levita. Mula dalawampu’t limang taong gulang pataas, papasok sa samahan ang Levita para maglingkod sa Toldang Tagpuan. 25 At pag¬sapit niya nang limampung taong gulang, aalis siya sa samahan at hindi na magli¬lingkod. 26 Tutu-lungan niya ang kanyang mga kapatid sa pagtatanod sa Toldang Tagpuan pero hindi na siya magtatrabaho. Ito ang gaga¬win mo tungkol sa pagtatanod ng mga Levita.”
Ang petsa ng pagdiriwang ng Paskuwa
9 1 Nagsalita si Yawe kay Moises sa dis¬yerto ng Sinai sa unang buwan ng ikalawang taon pagkaalis nila sa lupain ng Ehipto: 2 “Ipagdiwang ng mga Israelita ang Paskuwa sa takdang pana¬hon. 3 Ipagdiriwang ninyo ito sa ikalabing-apat ng buwang ito sa pagtatakipsilim, ayon sa lahat ng tuntunin at mga ka¬u¬galian.”
4 Kaya inutusan ni Moises ang mga Israelita na ipagdiwang ang Paskuwa. 5 Ipinagdiwang nila ang Paskuwa sa disyerto ng Sinai sa pagtatakipsilim sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
6 Ngunit may ilang naging di-malinis dahil sa isang patay kaya hindi nila naipagdiwang ang Paskuwa sa araw na iyon. Pinuntahan ng mga ito sina Moises at Aaron nang araw ding iyon, 7 at sinabi nila sa kanya: “Naging di-malinis man kami dahil sa isang patay, e bakit naman kami pagbabawalang mag-alay ng handog kay Yawe sa takdang panahon kasama ng ibang mga Israelita?” 8 Sumagot si Moises sa kanila: “Hin¬tayin ninyong marinig ko ang iuutos ni Yawe tungkol sa inyo.”
9 At nagsalita si Yawe kay Moises: 10 “Sabi¬hin mo sa mga Israelita: Kung may isang di-malinis dahil sa isang bangkay o kung may naglalakbay na malayo sa inyo o sa mga inapo ninyo at gusto niyang ipagdiwang ang Paskuwa ni Yawe, 11 ipag¬¬diwang nila ito sa ikalawang buwan, sa pagtatakipsilim ng ikala¬bing-apat na araw ng buwang iyon. Kakanin nila ito nang may tinapay na walang lebadura at mapapait na gulay. 12 Wala silang ititira dito para sa umaga at wala silang baba¬liing buto, kundi susundin ang lahat ng tuntunin ng Paskuwa.
13 Kung mayroon namang malinis at hindi naglalakbay na di magdiwang ng Paskuwa, itatakwil siya ng kanyang mga kamag-anakan. Mananagot sa kanyang kasalanan ang hindi mag-alay ng handog ni Yawe sa takdang pana-hon.
14 Kung may dayuhang nakikipamayan sa inyo na gustong magdiwang ng Paskuwa ni Yawe, susundin niya ang mga tuntunin at ka¬ugalian ng Paskuwa. Iisa lamang ang batas para sa dayuhan at sa katutubo.”
Ang ulap na tanda ng paggabay ng Diyos
15 Nang itayo ang Tirahan, tinakpan ito ng ulap sa may gawi ng Tolda ng Pa¬hayag, at pag gabi nama’y may lumilitaw na parang apoy sa ibabaw ng Tira¬han hanggang umaga. 16 Ganito ang la¬ging nang¬yayari: sa araw ay tinatakpan ng ulap ang Tirahan at sa gabi nama’y may parang apoy.
17 Pag tumaas ang ulap mula sa Tolda, umaalis naman ang mga Israelita at saan man tumigil iyon, doon nagka-kampo ang mga anak ng Israel. 18 Sa utos ni Yawe, umalis at naglakad ang mga Israelita at sa utos din ni Yawe sila nagkampo. Habang nakalatag ang ulap sa Tirahan, namama-lagi naman sila sa kampo.
19 Kapag maraming araw na nananatili ang ulap sa Tirahan, sinusunod ng mga Israelita ang bilin ni Yawe at hindi sila lumalakad. 20 Kung minsan nama’y iilang araw lamang sa Tirahan ang ulap ngunit sa utos ni Yawe’y nagkakampo sila, at sa utos din ni Yawe sila lumalakad.
21 Kung minsan nama’y mula hapon hang¬gang umaga lamang nananatili ang ulap; kaya sa pagtaas ng ulap kina-u-magahan sila umaalis. Minsa’y isang araw at isang gabing nananatili ang ulap, at pag pumaitaas na ito ay saka rin sila umaalis. 22 Kung minsan nama’y dala¬wang araw o isang buwan o isang taon ang ulap sa Tirahan kayat tumitigil din ang mga Israelita sa kampo at hindi uma¬alis; at ka¬pag napa¬itaas na ito ay saka sila nag¬lalakbay.
23 Sa utos ni Yawe sila nagkakampo, at sa utos din ni Yawe sila naglalakbay; sinusunod nila ang inutos ni Yawe kay Moises.

10 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Gumawa ka ng dalawang trumpetang pinukpok na pilak na gagamitin mo sa pagtitipon sa pama¬yanan at sa pagtatayo ng kampo.
3 Pag-ihip sa mga ito, magtitipong kasama mo sa may pintuan ng Toldang Tagpuan ang buong pamayanan. 4 Kung isa lamang ang pina¬tunog, ang mga pinuno, mga ulo ng mga angkan ng Israel ang magti¬tipong kasama mo.
5 Kung may matunog na pag-ihip naman, aalis ang kampong nasa silanganan at lalakad. 6 Pag muling umiihip nang matunog, aalis na¬man ang kampong nasa timog at lalakad. Sa ikatlong pag-ihip, ang kampong nasa kanluran ang lalakad; at sa ikapat na pag-ihip, ang kam¬pong nasa hilaga ang lalakad. Hihipan ninyo nang matunog para sa paglakad. 7 Ngunit hindi matunog ang pag-ihip para tipunin ang pama¬yanan.
8 Ang mga paring anak ni Aaron ang iihip sa mga trumpeta; magiging palagiang kaugalian ang paggamit nito para sa inyong mga inapo.
9 Kapag nasa sariling lupain na ninyo kayo at makikipagdigma sa kaaway na suma¬salakay sa inyo, hihipan ninyo nang matunog ang mga trumpeta, at aalalahanin kayo ni Yaweng inyong Diyos at ililigtas sa inyong mga kaaway.
10 Sa inyong mga piyesta, mga pagdiri¬wang at bagong buwan, hihipan ninyo ang trumpeta habang iniaalay ang mga susunu¬ging handog at mga hain sa mabuting pagsa¬samahan upang alalahanin kayo ng inyong Diyos. Ako si Yaweng inyong Diyos.”
Ang paglakad ng “hukbo ng Israel”
11 Sa ikadalawampung araw ng ikalawang buwan ng ikalawang taon, tumaas ang ulap mula sa Tirahan ng Pahayag. 12 Kaya grupu-grupong umalis ang mga Israelita mula sa disyerto ng Sinai hanggang lumatag ang ulap sa disyerto ng Paran.
13 Ito ang unang paglakad nila na iniutos ni Yawe kay Moises. 14 Unang lumakad ang bandila ng kampo ng Juda na nakahanay ayon sa kani-kanilang batalyon. Nanguna sa mga taga-Juda si Naasong anak ni Ami¬nadab, 15 si Neta¬nel na anak ni Suar naman sa mga taga-Isacar, 16 at si Eliab na anak ni Helon ang sa mga taga-Zabulon.
17 Nang maibaba na ang Tirahan, luma¬kad ang mga Gersonita at mga Merarita na may dala sa Tirahan.
18 Kaya lumakad ang bandila ng kampo ng Ruben na nakahanay nang pangkat-pangkat. Pinangunahan ni Elisur na anak ni Sedeur ang mga taga-Ruben, 19 ni Selumiel na anak ni Su-rishaddai ang mga taga-Simeon, 20 at ni Eliasaf na anak ni Deuel ang mga taga-Gad. 21 At lumakad ang mga Kehatita na may pasan sa mga sagradong bagay ng Tirahan, na kaila-ngan munang itayo pagdating nila. 22 Kasunod na lumakad ang bandila ng kampo ng Efraim na grupu-grupong nakahanay. Pinangunahan ni Elisama na anak ni Amihud ang mga taga-Efraim, 23 ni Gamaliel na anak ni Pedasur ang mga taga-Manases, 24 at ni Abidang anak ni Gideoni ang mga taga-Benjamin.
25 Sa likuran ng buong kampo ang bandila ng kampo ng Dan na pangkat-pangkat na nakahanay. Pinangunahan ni Ahiezer na anak ni Amishaddai ang mga taga-Dan, 26 ni Pagiel na anak ni Ocran ang mga taga-Aser, 27 at ni Ahira na anak ni Enan ang mga taga-Neftali.
28 Ito ang hanay sa paglakad ng mga Israelita, ayon sa kani-kanilang mga pangkat sa pag-alis nila.

MGA ALAALA SA DISYERTO: UNANG BAHAGI

• 29 Sinabi ni Moises kay Hobab na anak ni Reuel na Madianitang biyenan ni Moises: “Aalis kami patungo sa lugar na ipinangako ni Yawe na ibibigay sa amin. Sumama ka sa amin at mapapabuti ka, sapagkat nangako si Yawe ng kaligayahan sa Israel.” 30 Sumagot siya: “Hindi ako sasama sa inyo, uuwi na lamang ako sa aking lupa at angkan.” 31 Suma¬got naman si Moises: “Huwag mo kaming iwan sapagkat ikaw ang may alam kung saan tayo makapag¬kakampo sa disyerto, kayat ikaw ang magiging pina¬kamata namin. 32 Kung sasamahan mo kami, makakahati ka sa pagpapala ni Yawe sa amin at mapapabuti ka.”
33 Lumakad na sila mula sa Bundok ni Yawe para sa tatlong araw na paglalakbay, at nanguna sa kanila sa loob ng tatlong araw ang Kaban ng Pakikipagtipan ni Yawe, sa paghanap ng lugar na kanilang mapagpapahingahan.
34 Nasa ibabaw nila ang ulap ni Yawe kung araw, nang lisanin nila ang kampo.
35 Tuwing aalis ang Kaban ng Pakiki¬pagtipan, sinasabi ni Moises: “Tumindig ka, Yawe, at pangalatin ang iyong mga kaaway; magsitakas nawa sa harap mo ang mga namumuhi sa iyo.” 36 At sinasabi naman niya sa paghimpil niyon: “Bumalik ka, Yawe, sa di mabi¬lang na libu-libo ng Israel.”

11 • 1 Nangyari na naghahanap ng away ang bayan kay Yawe. Nari¬nig sila ni Yawe at nag-apoy ang kanyang poot. Nagla¬gablab sa ka¬nila ang isang apoy mula kay Yawe at sinunog ang nasa labas ng kampo. 2 At sumi¬gaw kay Moises ang sambayanan, at nama¬gitan siya kay Yawe para sa kanila, at namatay ang apoy. 3 Tinawag nilang Tabera ang lugar na iyon, sapagkat doon naglagablab sa kanila ang apoy ni Yawe.
4 Napakatatakaw ang mga patapong kasa¬ma nila, at pati ang mga Israelita ay umiyak at nagsabi: “Sino ang mag-bibigay sa amin ng makakaing karne? 5 Naaalaala namin ang isdang kinakain namin nang libre sa Ehipto, ang mga pipino, mga milon, mga puero, mga sibu¬yas at mga bawang. 6 Wala na kami ngayong ganang kumain; wala na ka¬ming makitang anu¬man, wala liban sa manna.”
7 Parang buto ng kulantro at mukhang be¬delyo ang manna. 8 Naglilibot ang sam¬bayanan sa pangunguha nito, at saka gini¬gi¬ling sa gili¬ngang-bato o binabayo sa lusong. Isinasaing nila iyon sa palayok o ginagawang tinapay na lasang tinapay na may langis. 9 Pagpatak ng hamog sa kampo kung gabi, kasama nitong bumababa ang manna.

10 Narinig ni Moises ang iyakan ng sam¬ba¬yanan, pami-pamilya, sa bungad ng kani-kani¬lang tolda, at lub¬hang nagalit si Yawe.
Hindi ito naging kasiya-siya kay Moises, 11 kaya sinabi ni Moises kay Yawe: “Ba’t naman napakasama ng trato mo sa iyong lingkod? Dahil ba hindi mo ako mahal at ipinapapasan mo sa akin ang buong sambayanang ito? 12 Bakit, ako ba ang naglihi sa buong samba¬yanang ito? Ako ba ang nagsilang sa kanila? At ngayo’y ipinakakarga mo pa sila sa aking kandungan tulad ng pag¬karga ng isang yaya sa sanggol na pina¬sususo, patungo sa lupaing ipinangako mo sa kanilang mga ninuno? 13 Saan ako kukuha ng karne para sa buong bayang ito pag iyak nila sa akin sa pagsasabing – Bigyan mo kami ng karneng makakain! 14 Hindi ko maka¬kar-gang mag-isa ang buong sam¬baya¬nang ito; napakabigat na pasanin ito para sa akin. 15 Mabuti pang patayin mo na nga ako kung ganito rin lang ang trato mo sa akin, kung may nalalabi ka pang pagtingin sa akin, at nang hindi ko na makita pa ang iyong galit.”
16 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Tipunin mo rito ang pitumpung lalaki mula sa matatanda ng Israel na kinikilala mong mga matatanda ng bayan at mga opisyal nila, at dalhin sila sa Toldang Tagpuan at patayuin sila roong kasama mo. 17 Ba¬baba ako para makipag-usap sa iyo, at kukuha ako sa espiritung suma¬¬¬saiyo at ilalagay ko sa kanila. Mula ngayon, kaisa mo silang magpapasan sa sambayanan kaya hindi mo na sila papasaning mag-isa.
18 Sabihin mo sa sambayanan: Mag-pakabanal kayo para bukas, at kakain kayo ng karne. Narinig kayo ni Yawe sa inyong pagtangis nang sabihin ninyong – Sino ang magbibigay sa amin ng ma¬kakaing karne? Mabuti pa nang nasa Ehipto kami! – Bibigyan kayo ni Yawe ng karne at kakain kayo, 19 hindi lamang isang araw o dalawa o lima o sampu o dalawampung araw 20 kundi isang buong buwan hanggang lumabas iyon sa inyong mga ilong at magsawa kayo. Sapagkat itinakwil ninyo si Yawe na inyong kapiling, at nanangis kayo sa harap niya at inyong sinabi – Bakit ba kami nakaalis-alis pa sa Ehipto?”
21 At sinabi ni Moises: “Animnaraang libong kawal ang kasama ko, at sinasabi mong – Bi¬bigyan ko sila ng karne at ka¬kanin nila iyon sa loob ng isang buwan! 22 Makakasapat ba sa kanila kung katayin man ang isang buong tupahan o baka¬han? Makasasapat ba sa kanila kung huli¬hin man ang lahat ng isda sa dagat?”
23 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Maikli ba ang bisig ni Yawe? Makikita mo ngayon kung totoo o hindi ang aking salita.”
Ibinigay ni Yawe ang kanyang espiritu sa mga pinuno
• 24 Lumabas si Moises at sinabi sa sambayanan ang mga salita ni Yawe. Tinipon niya ang pitumpung lalaki mula sa matatanda at pinatayo sila sa paligid ng Tolda.
25 Bumaba si Yawe na nasa ulap at kina¬¬usap si Moises. Kumuha siya sa espi¬ritung sumasakanya at inilagay sa pitum¬pung matatanda. Nang sumaka¬nila ang espiritu, nagpropesiya ang mga ito. Pero hindi na naulit pa iyon.
26 Dalawang lalaki ang naiwan sa kampo; Eldad ang pangalan ng isa at ang isa nama’y Medad. Gayunman, suma-kanila rin ang espiritu sapagkat kabilang sila sa listahan bagamat hindi sila nag¬punta sa Tolda.
Nang magpropesiya sila sa loob ng kampo, 27 isang kabataang lalaki ang tumakbo kay Moises at nagsabi: “Nagpopropesiya rin sina Eldad at Medad sa kampo.” 28 Sinabi naman ni Josueng anak ni Nun na sapul pagkabata’y nag¬lilingkod na kay Moises: “Panginoon kong Moises, sawayin mo sila!”
29 Ngunit sinabi ni Moises: “Nanga¬ngamba ka bang baka ako madaig? Pro¬peta nga sana ang buong bayan ni Yawe at ibigay ni Yawe sa kanila ang kanyang espiritu.”
30 At bumalik sa kampo sina Moises at ang matatanda ng Israel.
31 Umihip ang hangin galing kay Yawe, na nagtaboy sa mga pugo mula sa dagat, at ibi¬nagsak ang mga ito sa paligid ng kampo, na singhaba ng maghapong paglakad sa isang tabi, at halos gayundin sa kabila; at halos tat¬long talampakan mula sa lupa ang bunton ng mga ito.
32 Maghapon at magdamag na nanguha ng mga pugo ang sambayanan, pati na ng sumunod na araw. Ang may pinakakaunting nakuha ay nakakuha ng sampung homer, at ibinilad nila ang mga iyon para sa kanila sa paligid ng kampo. 33 Kinakagat pa lamang nila ang karne nang maglagablab ang poot ni Yawe laban sa bayan, at hinampas niya sila ng napakalubhang salot.
34 Tinawag na Kibrot-hat-Taava ang lugar na iyon sapagkat doon nila inilibing ang mga matatakaw na iyon. 35 Mula sa Kibrot-hat-Taava, naglakbay ang sambayanan patu¬ngong Haserot, at doon sila nanatili.
Hinamon nina Miriam at Aaron si Moises
12 • 1 Nagsalita laban kay Moises sina Miriam at Aaron dahil sa babaeng taga-Kus na pinakasalan nito, 2 at sinabi nila: “Sa pamamagitan lamang ba ni Moises nagsasalita si Yawe? Hindi ba nag¬sasalita rin siya sa pamamagitan namin?” At narinig iyon ni Yawe.
3 Ngunit si Moises ay taong tunay na mababang-loob, higit kaysa sinuman sa balat ng lupa. 4 At biglang sinabi ni Yawe kina Moises, Aaron at Miriam: “Hali¬ka¬yong tatlo sa Toldang Tag¬puan.” At nag¬¬punta naman ang tatlo.
5 Bumaba si Yawe na nasa haliging ulap, tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawag sina Aaron at Miriam. Kapwa lumabas ang dalawa, 6 at sinabi ni Yawe: “Makinig kayong mabuti sa aking mga salita –
Kung may propeta sa piling ninyo,
nagpapakilala ako sa kanya sa isang pangitain
at kinakausap siya sa isang pana¬ginip.
7 Subalit hindi gayon para sa aking lingkod na si Moises,
ang aking katiwala sa buo kong sambahayan.
8 Kinakausap ko siya nang harap-harapan,
tuwiran at hindi sa talinhaga,
at nakikita niya ang anyo ni Yawe.
Bakit hindi kayo natakot magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moi¬ses?”
9 Naglagablab sa kanila ang galit ni Yawe, at umalis.
10 Lumayo ang ulap mula sa ibabaw ng Tolda, at hayan, si Miriam – simputi ng niyebe sa ketong. Humarap si Aaron kay Miriam, at nakita niyang ketongin na ito. 11 Kaya sinabi niya kay Moises: “Aking panginoon, huwag mo sana ka¬ming pa¬rusahan sa pagka¬kasalang na¬gawa namin dahil sa aming kaha¬ngalan. 12 Hu¬wag mo siyang paba¬yaang matulad sa sanggol na agas na halos ubos na ang laman paglabas sa sinapupunan ng kan¬yang ina.”
13 Kaya tumawag si Moises kay Yawe: “Pagalingin mo sana siya, O Diyos.” 14 Ngunit sinabi ni Yawe kay Moises: “Kung niluran siya sa mukha ng kanyang ama, hindi ba siya magta¬tago sa loob ng pitong araw dahil sa kahihiyan? Pana¬tilihin mo siya sa labas ng kampo sa loob ng pitong araw, pag¬ka¬tapos ay saka lamang siya muling tatanggapin.”
15 Kaya nanatili si Miriam sa labas ng kampo sa loob ng pitong araw, at hindi naglakbay ang sambayanan hanggang hindi siya pinapapasok na muli.
16 Pagkatapos niyon, umalis ang sam¬bayanan mula sa Haserot at nag¬kampo sa Disyerto ng Paran.
Nagpadala si Moises ng mga espiya
para maniktik sa Lupang Pangako
13 1 At kinausap ni Yawe si Moises, at sinabi: 2 “Magsugo ka ng mga lalaki para magsiyasat sa lupain ng Kanaan na ibini¬bigay ko sa mga anak ng Israel; magsugo ka ng isang lalaki para sa bawat tribu ng mga ninu¬no, na mga pinuno ang lahat sa kanila.”
3 Kayat isinugo ni Moises ang mga lalaking ito mula sa Disyerto ng Paran ayon sa utos ni Yawe, mga pinuno ng mga Israelita silang lahat, 4 narito ang kanilang mga pangalan:
Si Sammua na anak ni Zacur mula sa tribu ng Ruben, 5 si Safat na anak ni Huri mula sa tribu ng Simeon, 6 si Kaleb na anak ni Yefone mula sa tribu ng Juda, 7 si Igal mula sa tribu ng Isacar, 8 si Oseas na anak ni Nun mula sa mga anak ni Jose sa tribu ng Efraim, 9 si Palti na anak ni Rafu mula sa tribu ng Benjamin, 10 si Gadiel na anak ni Sodi mula sa tribu ng Zabulon, 11 si Gaddi na anak ni Susi mula sa mga anak ni Jose sa tribu ng Manases, 12 si Ammiel na anak ni Gemali mula sa tribu ng Dan, 13 si Setur na anak ni Mikael mula sa tribu ng Aser, 14 si Na¬habi na anak ni Vapsi mula sa tribu ng Neftali, 15 si Guel na anak ni Maki mula sa tribu ng Gad.

• 16 Ito ang mga pangalan ng mga la¬laking isinugo ni Moises upang ma¬nik¬tik sa lupain. Ngunit tinawag na Josue ni Moises si Oseas na anak ni Nun.
17 Kaya pinapunta sila ni Moises para maniktik sa lupain ng Kanaan, at sinabi sa kanila: “Umahon kayo sa Negeb tu-ngo sa kaburulan, at tingnan ang lagay ng lupa 18 at kung ang bayang naroo’y malakas o mahina, marami o kakaunti. 19 Tingnan din ninyo kung maganda o masama ang lupaing tinitirhan nila at kung anong klase ng mga siyudad may-roon sila – mga kampo lamang ba o na¬papaderan? 20 Ting¬¬¬¬nan ninyo kung ma¬taba o hindi ang lupa, kung may mga puno o wala. La¬kasan ninyo ang inyong loob at kumu¬ha ng bunga ng lupain.” Panahon noon ng unang hinog na ubas.
21 Umakyat nga sila at ginalugad ang lupain mula sa disyerto ng Zin hang¬gang sa Rehob, malapit sa bu¬ngad ng Emat. 22 Umahon sila sa Negeb at du¬mating sa Hebron na isang matandang lunsod na itinayo pitong taon bago pa ang Soan sa Ehipto; doon naka¬tira sina Ahiman, Sesai at Tolmai na mga anak ni Enak.
23 At dumating sila sa Lambak ng Eskol kung saan sila pumutol ng isang sangang may buwig ng ubas. Pinasan ito ng dalawa sa kanila sa isang pingga. Nagdala rin sila ng igos at iba pang pru¬tas. 24 Dahil sa buwig ng ubas na pinutol doon ng mga anak ng Israel, tinawag nilang Lambak ng Eskol (Buwig) ang lugar na iyon.
25 Bumalik sila pagkatapos ng apatnapung araw na paniniktik sa lupain. 26 Dumating sila at nakipagkita kay Moises, kay Aaron at sa buong pama¬yanan ng mga Israelita sa disyerto ng Paran sa Kades. Nag-ulat sila sa kanila at sa buong pamayanan, at ipinakita ang bunga ng lupain.
27 At iniulat nila kay Moises: “Pumasok kami sa lupaing pinapuntahan mo sa amin, at totoo ngang dinadaluyan ito ng gatas at pulot-pukyutan! Narito ang bunga niyon. 28 Pero napakala¬lakas ng bayang nakatira sa lupain; naglalakihan at napapaderan ang mga siyudad, at nakita pa namin doon ang mga inapo ng mga higante. 29 Nakatira ang mga Amalecita sa lupain ng Negeb, at nasa kaburulan naman ang mga Heteo, Hebuseo at Amorreo; at nasa baybay-dagat at sa pampang ng Jordan ang mga Kananeo.”
30 Pinatahimik ni Kaleb ang samba¬ya¬nang laban kay Moises, at sinabi: “Kaila¬ngang umahon tayo at agawin ang lupain sapagkat tiyak na kaya natin ito.” 31 Ngu¬nit sinabi ng mga lala¬king kasama niyang umahon: “Hindi natin malulusob ang bayang iyon sapagkat mas malakas sila kaysa atin.”
32 At masama ang ipinamalita nila sa mga Israelita tungkol sa lupaing kani¬lang ginalugad: “Ang lupaing nilibot namin para tiktikan ay lupaing lumalamon sa lahat ng tagaroon, at napaka¬lalaki ang lahat ng taong nakita namin. 33 Nakakita pa kami ng mga higante (sila ang mga anak ni Enac mula sa lahi ng mga hi¬gante). Sa tingin nami’y para kaming mga balang sa harap nila, at gayon nga siguro ang tingin nila sa amin.”
Ang paghihimagsik ng bayan sa Kades
14 • 1 At humiyaw ang buong pamayanan, at magdamag na umiyak ang mga tao. 2 Nagreklamo ang lahat ng anak ng Israel laban kina Moises at Aaron, at sinabi ng buong pa-mayanan sa kanila: “Buti pang nama¬tay na kami sa Ehipto o sa disyertong ito! 3 Ba’t ba kami dinadala ni Yawe sa lupaing ito para lamang ma¬buwal sa tabak, at masamsam sa amin ang aming mga asawa at maliliit na bata? Di ba mas mabuti pang bumalik sa Ehipto?” 4 At sinabi nila sa isa’t isa: “Pu¬mili tayo ng pinuno at bumalik na tayo sa Ehipto.”
5 Nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harap ng buong pagtitipon ng pama¬yanan ng mga anak ng Israel. 6 Winarak naman ni Josueng anak ni Nun, at ni Kaleb na anak ni Yefone, na kasama sa mga naniktik sa lupain, 7 at sinabi sa buong pamayanan ng mga anak ng Israel: “Napakaganda ang lupaing pi¬nuntahan namin at gina¬lugad. 8 Kung ka¬siya-siya tayo kay Yawe, dadalhin niya tayo sa lupaing ito at ibibigay ito sa atin, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan. 9 Huwag lamang ka¬yong maghihimagsik kay Yawe, at hu¬wag ma¬takot sa mga taong nasa lupain sapag¬kat sila ang uubusin natin! Wala na ang ka¬nilang panang¬galang at suma¬saatin na¬man si Yawe. Huwag kayong matakot sa kanila!”
10 Binantaan silang babatuhin ng bu¬ong pamayanan nang biglang lumitaw ang Luwalhati ni Yawe sa Toldang Tagpuan sa harap ng lahat ng anak ng Israel.
11 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Hang¬gang kailan ako hahamakin ng bayang ito? Hanggang kailan sila tatangging ma¬niwala sa akin sa kabila ng mga tan¬da na ginawa ko sa piling nila? 12 Pada¬¬dalhan ko sila ng salot at pupuk¬sain, pero gagawin kitang isang ban¬sang mas malaki at mas malakas kaysa kanila.”
13 Sinabi naman ni Moises kay Yawe: “Alam ng mga Ehipsiyo na inilabas mo sa iyong kapangyarihan ang bayang ito mula sa piling nila, 14 at sinabi nila ito sa mga naririto sa lupain. Naba¬litaan na nila, Yawe, na kapiling ka ng bayang ito, at nakita ka nila nang harap-harapan, at ang iyong ulap ay namamalagi sa kanila, at nangunguna ka sa kanila sa isang haliging ulap kung araw at sa haliging apoy kung gabi. 15 At ngayo’y minsanan mong pu¬puksain ang ba¬yang ito?
Kaya sasabihin ng mga bansang na¬ka¬balita tungkol sa iyo: 16 Hindi na kaya ni Yawe na dalhin ang bayang ito sa lu¬paing ipinangako niya sa kanila kaya niya sila pinagpapatay sa disyerto. 17 Pa¬nginoon ko, makita nawa ngayon ang iyong kapangyarihan pagkat ayon sa iyong mga salita, 18 hindi ka mada¬ling magalit at mayaman sa kabutihang-loob. Pina¬patawad mo ang kasa¬¬lanan at paghi-himagsik, ngunit naghihiganti ka at pinarurusahan ang mga anak hang¬gang sa ikatlo at ikapat na salinlahi dahil sa kasamaan ng kanilang mga magulang. 19 Patawarin mo na sana ang pagkakasala ng bayang ito, ayon sa masagana mong awa, tulad ng pag¬papatawad mo sa bayang ito mula pa sa Ehipto hang¬gang ngayon.”
20 At sinabi ni Yawe: “Pinatawad ko na sila ayon sa iyong mga salita, 21 ngunit kung paanong buhay ako at pinupuspos ng Luwalhati ni Yawe ang daigdig, 22-23 isinusumpa kong hindi nila makikita ang lupaing ipina¬ngako ko sa kanilang mga ninuno. Sapagkat nakita nilang lahat ang aking Luwalhati at ang mga tanda na ginawa ko sa Ehipto at sa dis¬yerto, ngunit sampung beses pa rin nila akong sinu¬bok at hindi pinakinggan ang aking tinig. Wala isa man sa mga humamak sa akin ang makakakita niyon. 24 Ang lingkod kong si Kaleb lamang ang makapapasok doon sapagkat may naiiba siyang espiritu at dahil lubos siyang sumunod sa akin. Dadalhin ko siya sa lupaing pinun¬tahan niya at aariin iyon ng kanyang mga inapo, 25 samantalang nasa lambak ang mga Amalecita at mga Kananeo.
Kaya babalik kayo bukas at aalis pa¬punta sa disyerto sa daang patungo sa Dagat ng Mga Tambo.”
26 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: 27 “Hanggang kailan magrereklamo sa akin ang masamang pamayanang ito? Narinig ko na ang mga reklamo ng mga reklamador na Israelitang ito. 28 Sabihin mo sa kanila – Buhay ako, wika ni Yawe, kaya gagawin ko sa inyo ang lahat ng narinig kong sinabi ninyo. 29 Lahat kayo, na dalawampung taong gulang o higit pa at kabilang sa senso, na nagrereklamo sa akin, mabubuwal sa disyertong ito ang inyong mga bangkay. 30 Hindi kayo papasok sa lupaing isinumpa kong paninirahan ninyo, maliban kay Kaleb na anak ni Yefone, at kay Josueng anak ni Nun. 31 Ngunit ang inyong mga anak na sinabi ninyong masasamsam sa inyo ang dadalhin ko roon at sila ang makaaalam sa lu¬paing tinanggihan ninyo. 32 Mabubuwal sa disyerto ang inyong mga bangkay, 33 at lalaboy rito sa loob ng apatnapung taon ang inyong mga anak, kasama ang kanilang mga kawan, pasan ang bigat ng inyong kataksilan hang¬gang bu-magsak na patay sa disyerto ang ka¬huli-hulihan sa inyo.
34 Batay sa bilang ng mga araw na ginugol sa paniniktik sa lupain – isang taon para sa bawat araw, apatnapung araw – apatnapung taon nin¬yong papasanin ang bigat ng inyong mga pagka¬kasala at malalaman ninyo ang paglaban ko. 35 Akong si Yawe ang nagsalita. Tiyak na gaga¬win ko ito sa buong masamang pama¬yanan – pinagkaisahan nila ako. Ma¬uubos sila sa dis-yertong ito, at dito sila mamamatay.”
36 Ang mga lalaking isinugo ni Moises upang maniktik sa lupain at nagbalik sa pamayanan ang silang nagpareklamo laban sa kanya sa pagkakalat ng masamang balita tungkol sa lupain. 37 Nangamatay sila dahil sa salot sa harap ni Yawe. 38 Tanging si Josueng anak ni Nun at si Kaleb na anak ni Yefone ang natirang buhay sa mga umalis para maniktik.
39 Nang isalaysay ito ni Moises sa mga Israelita, buong kapaitang nagluksa ang sam¬bayanan. 40 Maaga silang gumising at umakyat sa bundok, at sinabi: “Narito kami! Nagkasala kami ngunit handa kaming pumunta sa lugar na ipinangako ni Yawe.” 41 Ngunit sinabi ni Moises: “Bakit ninyo sinusuway ang utos ni Yawe? Hindi ito magtatagumpay. 42 Huwag kayong aakyat, sapagkat wala sa inyo si Yawe, kung hindi’y malulupig kayo ng inyong mga kaaway. 43 Haharapin kayo roon ng mga Amale¬cita at mga Kananeo, at tiyak na mabu¬buwal kayo sa tabak, sapagkat tumalikod kayo sa pagsunod kay Yawe at wala siya sa inyo.”
44 Nagpilit pa rin silang umakyat sa tuktok ng bundok, ngunit hindi umalis mula sa loob ng kampo ang Kaban ng Pakikipag¬tipan ni Yawe o si Moises.
45 Kaya bumaba ang mga Amalecita at mga Kananeo na nakatira sa kaburulan, at nilupig sila at hinabol hanggang Horma.

KARAGDAGAN PANG MGA BATAS

15 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Sa¬bihin mo sa mga Israelita: Ito ang gagawin n’yo pagkapasok sa lupaing titirhan ninyo pagkabigay ko nito sa inyo upang ma¬ging kalugud-lugod kay Yawe ang amoy ng handog na baka o tupa. 3 Kung may handog na pinadaan sa apoy kay Yawe, o susunuging handog o hain sa pagtupad ng isang panata o kusang-loob na alay o dahil sa inyong mga pagdiriwang, 4 ang nag-aalay kay Yawe ay mag-aalay ng pagkaing handog na ikapung efang harina na hinaluan ng sangkapat na hing langis. 5 At daragdagan pa ng inuming handog na sangkapat na hing alak para sa bawat batang tupang susu¬nuging handog o isasakripisyo. 6 Para naman sa barakong tupa, magdadala ka ng dala¬wang ikapung efa ng pi¬nong harinang hinaluan ng sangkatlong hing langis bilang pagkaing handog, 7 at ng sangkatlong hing alak bilang inuming handog, para sa kalugud-lugod na amoy kay Yawe.
8 Kung mag-aalay ka ng isang toro bilang su¬sunuging handog, o pagtupad sa isang panata o hain sa mabuting pagsasamahan kay Yawe, 9 magdadagdag ka ng tatlong ikasampung efa ng pinong harinang hina¬luan ng kalahating hing langis bilang pagkaing handog, 10 at ng kalahating hing alak bilang inuming handog, para sa kalugud-lugod na amoy kay Yawe. 11 Ganito rin ang gagawin sa bawat toro, bara¬kong tupa, ba¬tang tupa o kambing. 12 Kung ma-rami ang inyong mga handog, gawin n’yo ito sa bawat isa.
13 Gagawin ito ng lahat ng katutubo para maging kalugud-lugod kay Yawe ang amoy ng kanilang handog na pinadaan sa apoy. 14 Susu¬nod din sa batas na ito ang dayuhang nasa piling ninyo o sa piling ng inyong mga inapo sa pag-aalay ng haing pinadaan sa apoy bilang ka¬lugud-lugod na amoy kay Yawe. 15 Sa pamamayan, iisang tuntunin lamang ang iiral sa inyo at sa dayuhan; pang¬¬ha¬bampanahong tuntunin ito sa inyong mga salinlahi: pareho lamang kayo ng dayu¬han sa harap ni Yawe. 16 Iisang tuntunin at iisang kaugalian lamang para sa inyo at sa da¬yuhang nakikipamayan sa inyo.”
17 Nagsalita si Yawe kay Moises: 18 “Sabi¬hin mo sa mga Israelita: Pagkapasok ninyo sa lu¬paing pagdadalhan ko sa inyo, 19 maka¬kakain kayo ng tinapay. Kaya mag-aabuloy kayo kay Yawe. 20 Maghahandog kayo ng isang bibingka na pinakauna sa inyong giikan bilang pinakauna sa inyong minasang harina. 21 Sa inyong mga salinlahi, mag-aalay kayo kay Yawe ng handog mula sa inyong pinakaunang minasang harina.
22 Kung magkamali kayo sa hindi ninyo pag¬tupad sa lahat ng kautusang ito na itinuro ni Yawe kay Moises – 23 ang lahat ng iniutos niya sa pamamagitan ni Moises mula sa una niyang pagsasalita hanggang sa mga sali’t salinlahi ninyo – 24 kung nagawa ito na di sinasadya ng pamayanan, maghahandog ang buong pama¬yanan ng isang batang toro bilang susunuging handog na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe, kasama ang kina¬u¬galiang handog na pagkain at inumin, at isang barakong kambing bilang hain para sa kasalanan. 25 Kaya hihingi ng tawad ang pari para sa buong pamayanan ng mga Israelita, at patatawarin sila sapagkat pag¬kakamali lamang ito, at dinala nila kay Yawe ang kan¬i¬¬lang alay na isang handog na pinadaan sa apoy at ang hain para sa kasalanan dahil sa kanilang pagkakamali. 26 At patatawarin ang buong pamayanan ng mga Israelita pati ang dayuhang nasa piling nila sa di sina¬sadyang pagkakasala ng buong bayan.
27 Kung may tao namang nagkasala nang di sinasadya, mag-aalay siya ng isang taong gulang na babaeng kambing bilang hain para sa kasalanan. 28 Hihingi ng tawad ang pari sa harap ni Yawe para sa nagkasala nang di sinasadya, at patatawarin siya sa pamamagitan nito. 29 Iisa lamang ang inyong batas sa nagkasala nang di sinasadya: para sa katu¬tubong Israelita at para sa dayuhang nasa piling ninyo.
30 Ngunit kung may kusang magkasala, ma¬ging katutubo o dayuhan, nilalait nito si Yawe: aalisin siya sa kanyang bayan. 31 Dahil hinamak niya ang salita ni Yawe at nilabag ang kan¬yang utos, hindi na siya mabubuhay at siya la¬mang ang mananagot sa kanyang kamatayan.”
Ang parusa sa nagtatrabaho sa Araw ng Pahinga
32 Habang nasa disyerto pa ang mga Israelita, may lalaking natagpuang nanga¬ngahoy sa Araw ng Pahinga. 33 Iniharap siya ng mga naka¬huli sa kanya kina Moises at Aaron at sa buong pamayanan. 34 Ikinulong siya dahil wala pang ipinahahayag na dapat gawin sa kanya. 35 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Mamamatay ang taong iyan; baba¬tuhin siya ng buong pama¬yanan sa labas ng kampo.” 36 Kaya inilabas siya ng buong pamayanan sa kampo at binato hang¬gang mamatay, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
37 Sinabi ni Yawe kay Moises: 38 “Sabihin mo sa mga Israelita na gumawa sila ng mga palawit sa dulo ng kanilang mga damit at lagyan ng sinulid na asul na mapula-pula sa bawat palawit. 39 Magkakaroon kayo ng mga palawit, at pag makikita ninyo ito’y maaalala ninyo ang lahat ng utos ni Yawe kaya tutuparin ninyo ang mga iyon at hindi na kayo magbibili ng inyong sarili sa pagliligaw sa inyo ng sariling puso at mga mata. 40 Kaya aalalahanin ninyo at isasabuhay ang lahat ng aking mga utos upang maitalaga kayo sa inyong Diyos. 41 Ako si Yaweng inyong Diyos ang naglabas sa inyo mula sa Ehipto upang akong si Yawe ang maging Diyos ninyo.”
Mga pagmamagaling ni Kora;
paghihimagsik nina Datan at Abiram
16 • 1 Naghimagsik laban kay Moises si Kora na anak ni Isar na anak naman ni Kehat mula sa tribu ng Levi, at sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab na anak naman ni Pelu mula sa tribu ng Ruben. 2 Suma¬ma sa kanya ang da-lawandaa’t limampung Israelita na mga kilalang pinuno sa pa¬mayanan at mga miyembro ng sang¬gunian.
3 Nagtipon sila laban kina Moises at Aaron, at sinabi: “Sobra na! Banal ang buong pamayanan at sumasakanila si Yawe. Kaya bakit hangad ninyong ma¬ka¬pangyari sa pamayanan ni Yawe?”
4 Nang marinig ito ni Moises, nagpa¬tirapa siya. 5 At sinabi niya kay Kora at sa mga tagasunod nito: “Ipaki¬kita ni Yawe bukas ng umaga kung sino ang kanya at kung sino ang banal at pala¬lapitin niya sa kanya. Palalapitin niya mismo sa kanya ang kanyang pipiliin. 6 Ikaw, Kora, ka¬sama ang lahat mong taga¬sunod – kunin ninyo ang inyong mga insensaryo. 7 Pu¬nuin ang mga iyon bukas ng nag¬ba¬ba¬gang uling at lagyan ng insenso sa harap ni Yawe, at pipiliin ni Yawe kung sino ang banal. Sumusobra na kayong mga anak ng Levi!”
8 Sinabi rin ni Moises kay Kora: “Ma¬kinig kayo ngayon sa akin, mga anak ng Levi. 9 Maliit na bagay pa ba para sa inyo na ibinukod kayo ng Diyos ng Israel mula sa pamayanan ng Israel para ilapit sa kanya upang maglingkod sa Banal na Tolda ni Yawe, at tumayo sa harap ng pamayanan para maglingkod sa ngalan nila? 10 Inilapit ka niya sa kan¬ya, ikaw at lahat ng kapatid mong Levita, at ngayo’y inaambisyon n’yo ring mag¬pari. 11 Ano ba ang pakialam dito ni Aaron at nagrereklamo kayo laban sa kanya? Si Yawe ang pinag¬himagsikan mo at ng iyong mga tagasunod.”
12 Ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab, ngunit sinabi ng mga ito: “Hindi kami pupunta. 13 Hindi pa ba sapat na ilabas mo kami mula sa isang lupaing dina¬daluyan ng gatas at pulot-pukyutan para patayin kami sa disyerto? At ngayo’y gusto mo pang panginoonin ka namin! 14 Hindi mo naman kami nadala sa lupaing di¬na¬daluyan ng gatas at pulot-pukyutan, o napa-manahan ng mga bukirin at ubasan. Akala mo ba’y bulag ang mga ta¬ong ito? Hindi kami pupunta.”
15 Galit na galit si Moises at sinabi niya kay Yawe: “Huwag mong kalug¬dan ang kanilang handog. Hindi ako kumuha ni isa mang asno mula sa ka¬nila, ni wala akong sinaktang sinu¬man sa kanila.”
16 Sinabi ni Moises kay Kora: “Ikaw at ang lahat mong kasamahan ay haharap kay Yawe bukas, ikaw at sila, kasama si Aaron. 17 Dalhin ng bawat isa sa inyo ang kanyang insensaryo, lagyan iyon ng in¬senso at ialay sa harap ni Yawe – dala¬wan¬daa’t limam¬pung insensaryo – at gayun¬din ang gagawin ni Aaron.” 18 Kaya kinuha ng bawat isa ang kanyang insensaryo, at nilagyan iyon ng apoy at insenso, at tu¬mayo sa bungad ng Toldang Tag¬puan, ka¬sama sina Moises at Aaron.
19 Tinipon ni Kora ang buong pama¬ya¬nan laban sa kanila sa pintuan ng Toldang Tagpuan, at napakita sa buong pamaya-nan ang Luwalhati ni Yawe.
20 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: 21 “Lumayo kayo sa pamaya¬nang ito at agad ko silang uubusin.” 22 Ngunit nag-patirapa sila at sinabi: “O Diyos, Diyos ng mga espiritu ng sangkatauhan, magagalit ka ba sa buong pamayanan dahil lamang sa kasalanan ng isang tao?”
23 Sumagot si Yawe kay Moises: 24 “Ka¬usapin mo ang pamayanan at sabihin ito: Lumayo kayo sa mga tolda nina Kora, Datan at Abiram!”
25 Tumindig si Moises at pumunta kina Datan at Abiram, at sumunod naman sa kanya ang mga matatanda ng Israel. 26 Kinausap niya ang pama¬yanan at sinabi: “Lumayo kayo sa mga tolda ng mga masamang taong ito, at huwag hipuin ang alinman sa kanilang ari-arian, kung hindi’y mamamatay kayo dahil sa lahat nilang kasalanan.” 27 Nagsilayo nga sila sa mga tolda nina Kora, Datan at Abiram; at nagsilabas naman sina Datan at Abiram at tuma¬yong kasama ng kani-kanilang asawa at mga anak at maliliit na bata sa pintuan ng kani-kanilang mga tolda.

• 28 At sinabi ni Moises: “Sa ganito ninyo malalaman na isinugo nga ako ni Yawe upang gawin ang lahat ng ito, at hindi ito galing sa akin. 29 Kung sila ay mamatay tulad ng sinuman, at singilin tulad ng sinumang tao, hindi ako sinugo ni Yawe kung gayon. 30 Ngunit kung gagawa ng himala si Yawe, at ngumanga ang lupa at nilulon sila, kasama ang lahat nilang ari-arian at mananaog silang bu¬hay sa Lugar ng mga Patay, mala¬laman ninyo na kinasuklaman ng mga taong ito si Yawe.”
31 Pagkatapos masabi ni Moises ang lahat ng ito, nahati ang lupa, 32 ngu¬ma¬nga at nilulon ang mga iyon pati ang kanilang mga sambahayan, at lahat ng tauhan ni Kora at lahat nilang ari-arian.
33 Bumaba silang buhay sa Lugar ng mga Patay, pati ang lahat nilang ari-arian; tumikom ang lupa sa kanila at naglaho sila sa pamayanan. 34 Sa kani¬lang mga sigaw, nagtatakbo ang lahat ng Israelitang nasa kanilang paligid, habang sinasabi “Baka tayo malulon ng lupa!”
35 At biglang lumabas ang apoy mula kay Yawe at tinupok ang dala¬wan¬daa’t limampung lalaking nag-aalay ng in¬senso.

17 • 1 Kinausap ni Yawe si Moises, at sinabi: 2 “Sabihin mo kay Eleazar na anak ni Aarong pari na kunin mula sa sunog ang mga insensaryo at ikalat ang apoy sa malayo, dahil sagrado na ngayon 3 ang mga insensaryo sapagkat binawian ng buhay ang mga lalaking ito dahil sa kanilang kasalanan. Ipapanday mo ang mga insensaryo para ibalot sa altar dahil naialay na ang mga ito sa harap ni Yawe at naging sagrado. Magiging tanda ang mga ito para sa mga Israelita.”
4 Kaya kinuha ng paring si Eleazar ang mga tansong insensaryong dala ng mga lalaking nasunog, at pinanday ang mga iyon para ipambalot sa altar 5 at magsilbing paalala sa mga anak ng Israel na walang sinu¬mang paring hindi inapo ni Aaron ang makalalapit para magsunog ng insenso sa harap ni Yawe, kung hindi’y ma¬gagaya siya kay Kora at sa mga tagasunod nito, tulad ng sinabi ni Yawe kay Eleazar sa pama¬magitan ni Moises.

Nanalangin si Aaron para sa bayan
6 Kinabukasan, nagreklamo ang buong pa¬mayanan ng mga anak ng Israel laban kina Moises at Aaron, at sinabi: “Kayo ang nagpapapatay sa bayan ni Yawe.” 7 Nang mag¬ka¬tipon ang pamayanan laban kina Moises at Aaron, humarap sila sa Toldang Tagpuan at binalot ito ng Ulap, at lumitaw ang Luwalhati ni Yawe. 8 At nagpunta sa bungad ng Toldang Tagpuan sina Moises at Aaron.
9 Kinausap ni Yawe si Moises, at sinabi: 10 “Lumayo ka sa pamayanang ito; uubusin ko sila ngayon din.” Nagpatirapa ang dalawa sa lupa. 11 At sinabi ni Moises kay Aaron: “Kunin mo ang iyong insensaryo at lagyan ng apoy galing sa altar, lagyan mo ng insenso at pu¬munta ka agad sa pamayanan upang mag¬bayad-sala kay Yawe para sa kanila. Lumabas na ang poot mula kay Yawe, at nagsimula na ang salot.”
12 Ginawa nga ni Aaron ang sabi ni Moises, at tumakbo sa gitna ng pamayanan, ngunit nag¬simula na ang salot sa sambayanan. Inilagay niya ang insenso at nagbayad-sala para sa kanila. 13 Tumayo siya sa pagitan ng mga buhay at mga patay, at tumigil ang salot. 14 Labing-apat na libo’t pitundaan ang namatay sa salot, bukod sa mga namatay dahil kay Kora. 15 At nagbalik si Aaron kay Moises sa bungad ng Toldang Tagpuan; tumigil na ang salot.
Ang tungkod ni Aaron
16 Nagsalita si Yawe kay Moises, at sinabi: 17 “Sabihin mo sa mga anak ng Israel na bigyan ka ng mga tungkod, isa para sa bawat tribu, labindalawang tungkod na lahat para sa mga pinuno ng labindalawang tribu. Isulat mo ang pangalan ng bawat isa sa kanyang tungkod, 18 at isulat mo naman sa tungkod ni Levi ang pa¬nga¬lan ni Aaron sapagkat siya ang una sa mga angkan ni Levi.
19 At ilagay mo ang mga iyon sa Toldang Tagpuan sa harap ng Kaban ng Kautusan na ating tagpuan. 20 Ang may-ari ng tungkod na sisibol ang siyang hinirang ko; sa ganitong paraan ko patatahimikin ang mga reklamo ng mga Israelita laban sa inyo.”
21 Kinausap ni Moises ang mga Israelita, at bawat isa sa kanilang mga pinuno ay nag¬bigay sa kanya ng tungkod – labindalawang tungkod na lahat para sa kanilang mga tribu, at kabilang dito ang tungkod ni Aaron. 22 Ini¬lagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ni Yawe sa Tolda ng Kaban ng Kautu¬san. 23 Kina¬bukasan, nagpunta si Moises sa Tolda ng Kaban ng Kautusan – at hayun! umusbong ang tungkod ni Aaron na kuma¬katawan sa tribu ng Levi. Bumukad ang mga buko, namu¬¬kadkad ang mga bulaklak, at nag¬bunga ng hinog na almond.
24 Inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod mula sa harap ni Yawe at ibinalik sa mga anak ng Israel; tiningnan nila ang mga ito, at kinuha ng bawat isa ang kanyang tungkod.
25 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Ibalik mo ang tungkod ni Aaron sa harap ng Kaban ng Kautusan, at ingatan bilang tanda sa mga rebeldeng ito upang hindi ko na marinig pa ang kanilang mga reklamo at hindi sila mamatay.” 26 Ginawa nga ni Moises ang iniutos ni Yawe.
Mga pari para sa bayan
27 Sinabi ng mga anak ng Israel kay Moises: “Mamamatay kaming lahat! Masa¬sawi kami! 28 Mamamatay ang sinu¬mang lumapit sa Tirahan ni Yawe! Mama¬matay ba kaming lahat?”

18 1 Sinabi ni Yawe kay Aaron: “Ikaw at ang iyong mga anak kasama ang iyong sambahayan ang manananagot sa santuwaryo – ikaw at ang iyong mga anak ang mananagot sa sariling pagkapari. 2 Pala¬pitin mo rin ang mga kamag-anakan mo, ang tribu ng Levi na siyang tribu ng iyong ama. Isama sila at patulungin sa inyo ng mga anak mo sa paglilingkod sa Tolda ng Pahayag.
3 Makikisali sila sa iyong paglilingkod at sa paglilingkod sa buong Tolda pero hindi sila la¬lapit sa mga bagay na sagrado o sa altar, at baka sila at kayo ay mamatay. 4 Maisa¬sama ninyo sila sa buong pagliling-kod sa Toldang Tagpuan ngunit hindi na lalapit pa ang sinu¬mang tagalabas.
5 Kayo ang mamamahala sa paglilingkod sa santuwaryo at sa altar kaya di na muling babag¬sak ang Galit sa mga Israelita.
6 Ako ang pumili ng iyong mga kapwa-Le¬vita mula sa mga Israelita; ibinigay sila kay Yawe, kaya ibinibigay sila sa inyo para maglingkod sa Toldang Tagpuan. 7 Tanging sa iyo at sa iyong mga anak lamang ang pagkapari sa lahat ng ginagawa sa altar o sa loob ng kurtina. Sa inyo ko ibinibigay ang pagkapari at mamamatay ang iba pang lalapit.”
Ang bahaging para sa mga pari
8 Sinabi ni Yawe kay Aaron: “Ipinagka¬tiwala ko sa iyo ang aking bahagi sa mga banal na handog ng mga Israelita. Sa pag¬hirang sa iyo at sa iyong mga anak, ibini¬gay ko sa inyo ang mga ito: pangha¬bam¬panahong tuntunin ito. 9 Ito ang magiging bahagi mo at hindi susunugin sa mga pina¬kabanal na handog: ang lahat ng inialay bilang pagkaing handog, hain para sa kasa¬lanan at hain para sa utang. At ituturing mo at ng iyong mga anak na pinakabanal ito. 10 Kakanin ninyo ito sa kabanal-banalang lugar; makakakain ang lahat ng lalaki at itu¬turing mo itong banal.
11 Mapasasaiyo rin ang inilaan sa mga inihandog na paindayog ng mga Israelita. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki at babae bilang parte ninyo: pang¬habampanahong tun¬tunin ito. Makakakain nito ang lahat ng malinis sa iyong samba¬hayan. 12 Ibinibigay ko rin sa iyo ang pina¬ka¬mainam na langis, alak at trigo na iaalay nila kay Yawe bilang unang bunga ng kanilang ani.
13 Mapasasaiyo ang lahat ng tumutubo sa kanilang lupain, ang mga unang bungang dinadala nila kay Yawe; makakakain ang sinumang malinis sa iyong sambahayan. 14 Mapa¬sasa¬iyo rin ang lahat ng itinakwil sa Israel. 15 Mapasa¬saiyo ang lahat ng unang supling ng bawat sina¬pupunan, tao man o hayop; ngunit tutubusin mo ang panganay na lalaki ng tao at ang unang lalaking anak ng di-malinis na hayop. 16 At tutubusin mo ito sa buwan ng kapa¬nga¬nakan nito sa halagang limang shekel na pilak, ayon sa shekel ng santuwaryo na katumbas ng dalawampung kusing. 17 Hindi mo tutubusin ang unang anak ng baka, tupa o kambing: banal nga iyon. Ibubuhos mo sa altar ang dugo niyon at susunugin ang taba bilang haing pinadaan sa apoy na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe. 18 Mapasasaiyo naman ang kanilang laman gaya ng dibdib na iniindayog at ng ka¬nang hita.
19 Ibinibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki at babae ang lahat ng abuloy para kay Yawe sa mga banal na handog ng mga Israelita. Ito ang magpakailanmang tipan na tipan ng asin sa harap ni Yawe para sa iyo at sa iyong supling.”
Ang bahaging para sa mga Levita
20 Sinabi ni Yawe kay Aaron: “Hindi ka mag¬kakaroon ng mana sa kanilang lupain; wala kang bahagi sa piling nila; ako ang bahagi mo at mana mo sa piling nila.
21 At ibinibigay ko ngayon sa mga Levita ang lahat ng ikapu sa Israel bilang mana nila dahil sa paglilingkod nila sa Toldang Tag¬puan. 22 Hindi na lalapit ang mga Israelita sa Toldang Tagpuan kung hindi’y magka¬karoon ng nakamamatay na kasalanan. 23 Mga Levita lamang ang magli¬lingkod sa Toldang Tagpuan at dapat managot: pang¬ha¬bampanahong batas ito sa lahat ng in¬yong salinlahi. Kaya walang mana ang mga Levita sa piling ng Israel. 24 Sa halip ay ibini¬bigay ko sa kanila bilang pamana ang mga ikapung iniaalay ng mga Israelita bilang handog kay Yawe. Dahil dito kaya ko sinasabing hindi sila magkakaroon ng mana kasama ng mga anak ng Israel.”
25 Nagsalita si Yawe kay Moises: 26 “Sabi¬hin mo sa mga Levita: Pag tanggap ninyo mula sa mga Israelita sa ikapung ibinibigay ko sa inyo sa ngalan nila, ilalaan naman ninyo kay Yawe ang ikapu ng ikapu. 27 Itu-turing itong handog gaya ng butil na galing sa giikan o ng bagong alak mula sa pisaan. 28 Kaya maglalaan din kayo ng han¬dog kay Yawe mula sa mga ikapung tinanggap ninyo sa mga Israelita, at ibi¬bigay ito sa paring si Aaron: ito ang inyong parte kay Yawe. 29 Sa lahat ng handog na inyong tatanggapin, ilalaan ninyo kay Yawe ang pina¬kamainam na bahagi ng anumang handog.
30 Sabihin mo rin sa kanila: Matapos n’yong ilaan ang pinakamainam na bahagi ng mga handog, ituturing na sa mga Levita na ang ibang matitira gaya ng unang bunga ng giikan o pisaan ng ubas. 31 Makakain ninyo ito at ng inyong sambahayan kahit saan – suweldo nga ninyo iyon sa pagli¬ling¬kod sa Toldang Tagpuan. 32 Sa paglalaan ninyo ng pinakamainam na bahagi lamang, wala na kayong kasalanan. Huwag n’yong lapastanganin ang mga banal na handog ng mga Israelita at baka kayo mamatay.”
Mga abo ng bakang pula
19 • 1 Nagsalita si Yawe kina Moises at Aaron at sinabi: 2 “Ito ang isa pang tuntunin ng Batas na iniutos ni Yawe. Magpakuha ka sa mga Israelita ng isang dumalagang ba¬kang pula na walang kapansanan o bahid at di pa nalalagyan ng pamatok. 3 Ibibigay ninyo ito kay Eleazar na pari, ilalabas sa kampo at saka ka¬katayin sa harap niya.
4 Kukuha ng dugo niyon ang paring si Eleazar sa kanyang daliri at pitong beses na iwiwisik sa may harapan ng Toldang Tag¬puan. 5 Susunugin sa harap niya ang duma¬lagang baka: susunugin ang balat, laman, dugo at mga dumi nito. 6 Ka¬ya kukunin ng pari ang kahoy na sedro, isopo at sinulid na pula, at ihahagis ang mga ito sa siga.
7 Lalabhan ng pari ang kanyang mga damit at maliligo, at saka uuwi sa kampo; di pa siya ma¬linis hanggang hapon. 8 Lalabhan din naman ng nagsunog sa baka ang kan¬yang mga damit at maliligo, at di pa siya malinis hanggang hapon.
9 Iipunin ng taong malinis ang mga abo ng baka at ilalagay sa isang malinis na lugar sa labas ng kampo. Magagamit ang mga ito sa paghahanda ng tubig na panlinis para sa pamamayan ng Israel. 10 Hain para sa kasalanan ang lahat ng ito. Lalabhan din ng nanguha ng abo ang kanyang damit at di pa siya malinis hang¬gang hapon. Panghabam¬panahong batas ito, maging sa mga Israelita at sa dayuhang nasa piling nila.
Isang kaso ng pagiging di-malinis
11 Pitong araw na mananatiling di-malinis ang makahipo ng bangkay. 12 Malilinis siya ng tubig na iyon sa ikatlo at ikapitong araw, at saka siya magiging malinis. Ngunit kung hindi siya ma¬lilinis sa ikatlo at ikapitong araw, hindi na siya lilinis. 13 Kung hindi siya nalinis pagka-hipo sa patay, dinudungisan niya ang Tirahan ni Yawe, kaya aalisin siya sa Israel. Di pa ma¬linis ang hindi pa binu¬buhusan ng tubig na pan¬linis: nasa kanya pa ang kanyang karumihan.
14 Ito ang batas: Kung may mamatay sa isang bahay, pitong araw na magiging di-ma¬linis ang lahat ng papasok sa bahay at lahat ng nasa loob nito. 15 Magiging di-malinis din ang lahat ng si¬sid¬lang bukas na hindi nakasara ang takip.
16 Pitong araw na magiging di-malinis ang sinu¬¬¬mang nasa bukid at humipo sa bangkay ng taong pinatay o namatay, sa buto ng tao o sa libingan.
17 Kung may taong maging di-malinis, ku¬kunin ang abo ng siga para sa kasalanan at lalagyan ng tubig na ibubuhos sa isang sisidlan. 18 At kukuha ng pangwisik ang isang taong malinis, ilulubog niya iyon sa tubig at wiwisikan ang bahay at lahat ng sisidlan at lahat ng taong naroon, o ang nakahipo ng buto, ng pinatay o namatay o ng libingan.
19 Sa ikatlo at ikapitong araw, wiwisikan ng taong malinis ang di-malinis; at malilinis ito sa ikapitong araw; at saka niya lalabhan ang kan¬yang mga damit at maliligo, at muli siyang li¬linis kinahapunan. 20 Pero kung hindi nalinis ang sinu¬mang di-malinis, aalisin siya sa pama-yanan sapagkat dinudungisan niya ang santuwaryo ni Yawe. Di siya malinis hangga’t di pa naibubuhos sa kanya ang tubig na panlinis.
21 Panghabampanahong tuntunin ito sa inyo. Lalabhan naman ng nagwisik ng tubig na panlinis ang kanyang mga damit, at magiging di-malinis hanggang hapon ang sinumang humi¬po sa tubig na ito. 22 Magiging di-malinis ang anu¬mang hipuin ng taong di-malinis, at magi¬ging di-malinis din hanggang hapon ang sinu¬mang humipo rito.”

MGA ALAALA SA DISYERTO: IKALAWANG BAHAGI
Hindi kayo naniwala sa akin
20 • 1 Dumating ang buong pama¬ yanan ng mga anak ng Israel sa Disyerto ng Zin sa unang buwan at nanatili sa Kades ang buong samba¬yanan. Doon namatay si Miriam, at doon din siya inilibing.
2 Walang tubig para sa pamayanan, at nagkaisa sila laban kina Moises at Aaron. 3 Nakipagtalo sila kay Moises, at sinabi: “Buti pang namatay kaming kasama ng aming mga kapatid sa harap ni Yawe! 4 Bakit mo dinala ang pamayanan ni Yawe sa disyertong ito upang dito kami mamatay pati ang aming mga hayop?
5 Ba’t mo kami inilabas mula sa Ehipto para dalhin sa napakasamang lugar na ito? Hindi ito lugar para sa binhi o para sa puno ng igos o puno ng ubas o iba pang prutas, at ni walang tubig na ma¬inom.”
6 Tumakas sina Moises at Aaron sa pagtitipon at pumunta sa Toldang Tag¬puan at nagpatirapa. At lumitaw ang Luwalhati ni Yawe, 7 at sinabi ni Yawe kay Moises: 8 “Kunin mo ang tungkod at tipunin mo at ng iyong kapatid na si Aaron ang pamayanan. Utusan ninyo sa harap nila ang bato at magbibigay ito ng tubig. Pabubukalin mo ang tubig mula sa bato para sa pamayanan, at paiinumin mo sila at ang kanilang mga hayop.”
9 Kayat kinuha ni Moises ang tungkod mula sa harap ni Yawe tulad ng iniutos sa kanya. 10 Tinipon nina Moises at Aaron ang pamayanan sa harap ng bato, at si¬nabi ni Moises sa kanila: “Ma¬kinig ka¬yong mga rebelde, magpapa¬bukal ba kami ng tubig mula sa batong ito para sa inyo?” 11 Itinaas ni Moises ang kanyang kamay at dalawang ulit na hinampas ng kan¬yang tungkod ang bato. At bumul¬wak ang maraming tu-big, at uminom ang pamayanan at ang kanilang mga hayop.
12 Ngunit sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: “Dahil hindi ninyo ako pina¬ni¬walaan at ipinakilala bilang ang Banal sa harap ng mga Israelita, hindi ninyo ma¬dadala ang pamayanang ito sa lu¬paing ibinibigay ko sa kanila.”
13 Sa may mga tubig ng Meriba naki¬pag-away ang mga anak ng Israel kay Yawe at dito niya ipinakita sa kanila ang kanyang kabanalan.
Ayaw magpadaan ng Edom
14 Nagpadala ng mga sugo si Moises mula sa Kades sa hari ng Edom para sabihin sa kanya: “Ipinasasabi sa iyo ng kapatid mong si Israel: 15 Nabalitaan mo ang lahat ng hirap na aming sinapit. Nagpunta sa Ehipto ang aming mga ama at doon nanatili nang mahabang panahon. At pagkatapos ay minaltrato kami at ang aming mga ama ng mga Ehipsiyo, 16 kaya sumigaw kami kay Yawe at dininig naman niya ang aming tinig. Nagpadala siya ng anghel na nag¬labas sa amin sa Ehipto. Narito kami ngayon sa Kades sa may hangganan ng iyong kaharian. 17 Padaanin mo sana kami sa iyong lupain. Hindi kami dadaan sa bukirin o ubasan, ni iinom ng tubig sa mga balon, kundi sa daan ng hari kami dadaan na di lumiliko sa kanan o sa kaliwa hanggang makalampas kami sa iyong hangganan.”
18 Ngunit sinagot siya ng Edom: “Hindi ka makadadaan sa aking lupain, kung hindi’y sasalubungin kita ng taga.”
19 Sinabi naman ng mga Israelita: “Sa ma¬laking daan kami dadaan at babayaran namin ang tubig na maiinom namin at ng aming mga ha¬yop. Makikiraan nga lamang kami.”
20 Pero sinabi ng Edom: “Hindi ka makadadaan.” At sinalubong niya ang Israel nang may maraming taong sandatahan at malakas na hukbo. 21 Tumanggi nga ang Edom na padaanin sila sa kanilang lupain, kaya napilitan ang Israel na lumayo.
Ang kamatayan ni Aaron
22 Pagkaalis ng buong pamayanan ng Israel sa Kades, dumating naman sila sa Bundok Hor. 23 Sa Bundok Hor sa hangganan ng Edom, nagsalita si Yawe kina Moises at Aaron: 24 “Ma¬lapit nang makapiling ni Aaron ang kanyang mga ninuno; hindi siya papasok sa lupaing ibinibigay ko sa Israel dahil sa pagsuway n’yo sa aking utos sa mga tubig ng Meriba.
25 Tawagin mo si Aaron at ang kanyang anak na si Eleazar at paahunin sila sa Bundok Hor. 26 Huhubaran mo si Aaron at isusuot ang mga damit kay Eleazar na kanyang anak; at doon mamamatay si Aaron at makakapiling ng kanyang mga ninuno.”
27 Ginawa nga ni Moises ang iniutos ni Yawe. Sa harap ng buong pamayanan, umahon sila sa Bundok Hor. 28 Hinubaran ni Moises si Aaron at isinuot ang mga damit kay Eleazar na anak nito, at doon namatay si Aaron, sa tuktok ng bundok. 29 At bumaba sina Moises at Eleazar sa bundok. Pagkakita ng buong pamayanan na patay na si Aaron, tatlumpung araw siyang ipinagluksa ng buong sambahayan ng Israel.

21 1 Nabalitaan ng Kananeong hari ng Arad na nasa Negeb na parating ang mga Israelita sa daan ng Atarim. Sinalakay niya ang Israel at nabihag niya ang ilan. 2 Kaya gumawa ang Israel ng panata kay Yawe: “Kung ibibigay mo sa aking kamay ang bayang ito, pupuksain ko para kay Yawe ang kanilang mga lunsod.” 3 Dininig ni Yawe ang pana¬langin ng Israel at ibinigay sa kanila ang mga Kananeo. Pinuksa ang mga ito pati ang kanilang mga bayan ayon sa batas ng anatema. Kaya tinawag na Horma ang lugar na iyon.
Ang ahas na tanso
• 4 Naglakbay sila mula sa Bundok Hor sa daang patungo sa Dagat ng Mga Tambo para lumibot sa lupain ng Edom. Nasiraan ng loob ang sam¬bayanan ha¬bang nasa daan, 5 at nag¬reklamo laban sa Diyos at kay Moises: “Bakit mo kami inilabas mula sa Ehipto para mamatay sa disyerto? Walang tinapay ni tubig dito, at sawang-sawa na kami sa wa¬lang lasang mannang ito!”
6 At nagpadala si Yawe ng mga ahas na “apuy-apuyan” laban sa kanila. Ti¬nuklaw ng mga ito ang sambayanan at marami sa mga Israelita ang namatay. 7 Pinunta¬han ng sambayanan si Moises at sinabi: “Nagkasala kami sa pagsa-sa¬lita nang laban kay Yawe at sa iyo. Ipakiusap mo kay Yawe na alisin na sa amin ang mga ahas.”
Nanalangin si Moises para sa sam¬ba¬yanan, 8 at sinabi sa kanya ni Yawe: “Gu¬mawa ka ng isang ahas na ‘apuy-apuyan’ at ilagay sa isang poste, at ma¬bubuhay ang sinumang natuklaw ng ahas at tumi¬ngin dito.”
9 Kaya gumawa si Moises ng isang ahas na tanso at inilagay iyon sa isang poste. At tumingin sa ahas na tanso ang sinu¬mang natuklaw ng mga ahas, at siya’y nabuhay.
Papuntang Transjordania
10 Umalis ang mga Israelita at nagkampo sa Obot. 11 Pagkaalis sa Obot ay sa mga Guhong-Abarim naman sila nagkampo, sa disyertong katapat ng Moab sa silangan. 12 Pagkaalis doon, sa agos lambak ng Zared sila nagkampo.
13 Pagkaalis dito, nagkampo sila sa dis¬yertong nasa kabilang ibayo ng Ilog Arnon na galing sa hangganan ng mga Amorreo (ang Arnon ang hangganan ng Moab sa pagitan ng Moab at ng mga Amorreo, 14 ayon sa sinasabi sa Aklat ng mga Digmaan ni Yawe: “Ang Waheb sa Supa at ang mga batis, ang Arnon 15 at ang dalisdis ng mga batis hanggang Ar, sa kabuuan ng hangganan ng Moab”).
16 Mula roo’y nagpunta naman sila sa Beer. Naroon ang balong tinukoy ni Yawe sa pagsa¬sabi kay Moises: “Tipunin mo ang bayan at bibigyan ko sila ng tubig!” 17 At ito ang inawit ng Israel tungkol sa balon: “Magsiawit kayo sa kanya! 18 Ang balong hinukay ng mga prin¬sipe, na pinalalim ng mga pinuno ng bayan ng kanilang setro at mga tungkod.”
19 Mula Beer ay naglakad sila pa-Matana; mula Matana pa-Nahaliel; mula Nahaliel pa-Bamot. 20 Mula Bamot nama’y naglakad sila papunta sa lambak na nasa kabukiran ng Moab patungo sa tuktok ng Pisga na nakaharap sa disyerto.
Pagsakop sa may silangan ng Jordan
• 21 Noon nagpadala ang Israel ng mga sugo kay Sihon na hari ng mga Amorreo para sabihin sa kanya: 22 “Makikiraan kami sa iyong lupain. Hindi kami liliko sa alinmang bukid o ubasan, ni iinom ng tubig sa mga balon, kundi sa malawak na daan mag¬daraan hanggang makalampas kami sa iyong hangganan.”
23 Pero hindi pinadaan ni Sihon sa kan¬yang lupain ang Israel. Tinipon ni Sihon ang lahat niyang tauhan at hinarap ang Israel sa disyerto. Pagdating niya sa Yahasa, nilabanan niya ang Israel. 24 Ngunit nagapi siya ng Israel, at sina¬kop ang kanyang lupain mula Arnon hanggang sa Yabok na hang¬ganan ng mga Amonita – malakas nga ang mga iyon sa kanilang hangganan. 25 Si¬nakop ng Israel ang lahat ng lunsod at bayan ng mga Amorreo, ang Hesbon at lahat ng karatig-nayon nito.
26 Ang Hesbon ang kapitolyo ni Sihong hari ng mga Amorreo. Sinalakay na niya ang dating hari ng Moab at inagaw ang lahat ng lupain nito hanggang Arnon. 27 Kaya sinasabi ng mga ma¬kata:
“Tayo na sa Hesbon,
itayo at patibayin ang lunsod ni Sihon.
28 Sapagkat may lumabas na apoy sa Hesbon,
isang lagablab sa lunsod ni Sihon:
tinupok ang Ar Moab
at nilamon ang kabundukan ng Arnon.
29 Kawawa ka, Moab!
Napahamak ka, bayan ni Kamos!
Nagtakasan ang kanyang kalalakihan
at nabihag ang kanyang kababaihan.
30 Nangwasak si Sihong hari ng mga Amorreo,
mula Hesbon hanggang Dibon;
gumuho hanggang Nofa;
umabot ang sunog hanggang Medaba.”
31 Kaya nanirahan ang Israel sa lupain ng Amorreo. 32 Pinatingnan ni Moises ang Yazer, at nilupig iyon ng Israel at ang lahat ng nayong sakop nito; at pinalayas ang mga Amorreong naroon.
33 Bumalik sila at umahon sa Basan. Hinarap naman sila ni Og na hari ng Basan, kasama ang lahat niyang tauhan para makipaglaban sa Edrai.
34 Ngunit sinabi ni Yawe kay Moises: “Huwag kang matakot sa kanya; ibinigay ko nga siya sa iyo pati ang buong bayan niya at lupain. Gagawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihong hari ng mga Amorreo na taga-Hesbon.” 35 At pinatay nga nila siya pati ang kanyang mga anak at lahat niyang tauhan hanggang walang itinirang buhay, at inangkin nila ang kanyang lupain.

22 1 At nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita at nagkampo sa kapa¬tagan ng Moab sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan sa tapat ng Jerico.
Istorya ni Balaam
• 2 Samantala, nakita ni Balak na anak ni Sipor ang lahat ng ginawa ng Israel sa mga Amorreo. 3 At labis na na¬ta¬kot ang Moab sa sambayanan sapagkat napa¬karami nila. Nangilabot nga ang Moab dahil sa mga anak ng Israel, 4 kaya sinabi ng mga Moabita sa mga matatanda ng Madian: “Tingnan ninyo, kakanin ng pulu¬tong na ito ang buong paligid natin tulad ng baka sa gitna ng bukid.”
5 Kaya nagsugo ng mga tauhan si Balak na anak ni Sipor at hari ng Moab nang panahong iyon para ipatawag sa Petor na kabilang ibayo ng ilog sa lupain ng mga Amonita si Balaam na anak ni Beor. Si¬nabi ni Balak: “Isang bayan ang lumabas mula sa Ehipto; naglipana sila sa balat ng lupa at tumira sa tapat ko. 6 Halika na at isumpa ang bayang ito para sa akin sa¬pagkat mas malakas sila kaysa akin. Sa gayo’y magagapi ko siguro sila at mapa¬lalayas mula sa lupain, sapagkat alam kong totoo ngang pinagpapala ang mga pinagpapala mo at isinu¬sumpa ang mga isinusumpa mo.”
7 Umalis ang matatanda ng Moab at Madian, dala ang regalo para sa mang¬huhula. Pinuntahan nila si Balaam at sinabi ang pahatid ni Balak. 8 Sinabi na¬man ni Balaam sa kanila: “Dumito kayo ngayong gabi at ibibigay ko sa inyo ang anumang sasabihin sa akin ni Yawe.” Kaya nanatili kay Balaam ang mga pi¬nuno ng Moab.
9 Dumating kay Balaam ang Diyos at tinanong siya: “Sino ang mga lalaking ito na kasama mo?” 10 Suma¬got si Ba¬laam sa Diyos: “Pinapunta sila sa akin ni Balak na anak ni Sipor at hari ng Moab para sabi¬hing – 11 Isang bayan ang lumabas mula sa Ehipto, at naglipana sila sa balat ng lupa. Halika rito at isumpa sila para sa akin. Sa gayo’y malalabanan ko na siguro sila at mapa¬¬la¬layas.” 12 Ngunit sinabi ng Diyos kay Balaam: “Huwag kang sasama sa kani¬la; hindi mo dapat isumpa ang ba¬yang iyon sapagkat pinagpala sila.”
13 Kinaumagahan, bumangon si Ba¬laam at sinabi sa mga pinuno ni Balak: “Bumalik kayo sa inyong bayan sapag¬kat ayaw akong pasamahin ni Yawe sa inyo.” 14 Kaya nagbalik kay Balak ang mga pi¬nuno ng Moab, at sinabi: “Ayaw sumama sa amin ni Balaam.”
15 Nagsugo ng iba pang pinuno si Ba¬lak, mas marami at mas kinikilala kaysa mga nauna. 16 Nagpunta sila kay Balaam, at sinabi: “Ito ang pasabi ni Balak na anak ni Sipor – Huwag ka sanang tumangging pumunta sa akin; 17 gagan¬timpalaan ki-tang mabuti, gagawin ko ang anumang sa¬bihin mo. Halika na at isumpa mo ang bayang ito para sa akin.”
18 Sumagot si Balaam sa mga lingkod ni Balak: “Ibigay man sa akin ni Balak ang kanyang palasyong puno ng pilak at ginto, wala akong magagawang anuman – malaki man o maliit – para lampasan ang utos ni Yaweng aking Diyos. 19 Dumito rin kayo nga¬yong gabi, tulad ng mga na¬una sa inyo, at aalamanin ko kung ano pa ang sasabihin sa akin ni Yawe.”
20 Dumating ang Diyos kay Balaam nang gabing iyon, at sinabi: “Dahil du¬mating ang mga lalaking ito para tawa¬gin ka, sumama ka sa kanila ngu¬nit ang sasabihin ko lamang sa iyo ang iyong gagawin.” 21 Kinaumagahan, bu¬mangon si Balaam, inihanda ang kanyang baba¬eng asno at sumama sa mga pinunong Moabita.
Ang asno ni Balaam
22 Ngunit nag-apoy ang galit ng Diyos sa kanyang pag-alis, at pumu¬sisyon sa daan ang Anghel ni Yawe para kalabanin siya. Nakasakay si Balaam sa kanyang asno, at kasama ang dalawa niyang utu¬sang lalaki. 23 Nang makita ng ba¬baeng asno ang Anghel na may hawak na tabak sa kanyang kamay, lumihis siya sa daan at nagpunta sa bu¬kid. Hinagupit ni Ba¬laam ang babaeng asno para paba¬likin sa daan. 24 Ngunit tumindig ang Anghel ni Yawe sa makipot na lagusan sa pagitan ng mga ubasang napapa¬deran sa magka-bilang tabi. 25 Nang makita ng asno ang Anghel ni Yawe, nagsumiksik ito sa pader at naipit ang paa ni Balaam, kaya hina¬gupit siyang muli ni Balaam.
26 Nagpauna ang Anghel ni Yawe at tumayo sa isang makipot na dako, kayat walang puwang para lumiko sa kanan o sa kaliwa. 27 Nang makita ng asno ang Anghel ni Yawe, nahiga siya sa ilalim ni Balaam; nagalit si Balaam at pinalo siya ng kanyang tungkod.
28 Ngunit binuksan ngayon ni Yawe ang bibig ng asno, at sinabi niya kay Balaam: “Ano ba ang ginawa ko sa iyo at tatlong beses mo akong hinampas?” 29 Sumagot si Balaam: “Talaga palang niloloko mo ako. Kung may hawak lamang akong tabak, pinatay na sana kita ngayon.” 30 At sinabi ng asno kay Balaam, “Hindi ba ako ang iyong asno na lagi mong sinasakyan hanggang sa araw na ito? Ginawa ko na ba ito sa iyo?” Sinabi niya: “Hindi!”
31 At iminulat ni Yawe ang mga mata ni Balaam, at nakita niya ang Anghel ni Yawe na nakatayo sa daan at hawak ang kanyang tabak. Yumuko siya at nagpa¬tirapa. 32 Sinabi ng Anghel ni Yawe sa kanya: “Ba’t mo hinampas nang tat¬long beses ang iyong asno? Luma¬bas ako para labanan ka sapag-kat ayaw ko ang pag¬lalakbay mong ito. 33 Nakita ako ng asno at tatlong beses siyang umiwas sa akin. Kung hindi’y pinatay na sana kita agad, ngunit hindi siya.”
34 At sinabi ni Balaam sa Anghel ni Yawe: “Nagkasala ako. Hindi ko sukat aka¬lain na nakatayo ka sa daan laban sa akin. Ngunit kung hindi kasiya-siya sa iyo ang paglalakbay kong ito, babalik na ako.”
35 Sinabi ng Anghel ni Yawe kay Ba¬laam: “Sumama ka sa mga lalaking ito, ngunit ang sasabihin ko lamang sa iyo ang sasabihin mo.” Kaya sumama si Balaam sa mga pinuno ni Balak.
Si Balaam at si Balak
36 Nang marinig ni Balak na dumating na si Balaam, sinalubong niya ito sa dulong lunsod ng Moab sa may hangganan ng Arnon na nasa pinakadulong hangganan. 37 At sinabi ni Balak kay Balaam: “Di ba’t ipinasundo kita? Ba’t di ka pumunta sa akin? Di ba kita kayang gantimpalaan nang malaki?”
38 Sinabi naman ni Balaam kay Balak: “Pi¬nuntahan na kita ngayon, pero ano ang masa¬sabi ko? Tanging ang salita lamang na ilalagay ng Diyos sa aking bibig ang aking sasabihin.”
39 At sumama si Balaam kay Balak pa¬punta sa Kiriat-Husot. 40 Naghandog si Balak ng mga baka at tupa, at binahaginan si Balaam at ang mga pinunong kasama niya. 41 Kinaumagahan, isinama ni Balak si Balaam sa mga altar ni Baal sa burol, at mula roo’y nakita niya ang dulo ng kampo ng sambayanan ng Israel.

23 1 Sinabi ni Balaam: “Ipagtayo mo ako rito ng pitong altar at ipaghanda ako ng pitong batang toro at pitong barakong tupa.” 2 Ginawa nga ni Balak ang sinabi ni Balaam, at nag-alay sina Balak at Balaam ng tig-isang batang toro at barakong kambing sa bawat altar. 3 Sinabi ni Balaam kay Balak: “Tumigil ka rito sa tabi ng iyong handog, at maglalakad-lakad muna ako. Baka sakaling makipagkita sa akin si Yawe, at sasabihin ko sa iyo anuman ang ipahayag niya sa akin.” At nagpunta siya sa isang tiwangwang na burol.
4 Nakipagtagpo ang Diyos kay Balaam na nagsabi: “Naghanda ako ng pitong altar at nag-alay ako ng tig-isang batang toro at barakong tupa sa bawat altar.” 5 Nilagyan ni Yawe ng sa¬lita ang bibig ni Balaam, at sinabi: “Bumalik ka kay Balak at sabihin mo ang mensaheng ito.” 6 Bu-malik nga si Balaam at natagpuang na¬ka¬tayo si Balak sa tabi ng kanyang handog, ka¬sama ang lahat ng pinuno ng Moab. 7 At binigkas ni Ba¬laam ang kanyang tula:
“Mula sa Aram, dinala ako ni Balak, mula sa silangang bulubundukin, ng hari ng Moab; sinabi niya sa akin: ‘Halika at isumpa si Jacob para sa akin! Halika at sumpain ang Israel!’ 8 Paano ko isusumpa ang hindi isinumpa ng Diyos? Paano ko susumpain ang hindi sinumpa ng Diyos?
9 Nakikita ko siya mula sa tuktok ng mga ba¬¬tuhan, namamalas ko siya mula sa kaitaasan. Masdan, isang bayang hiwalay sa iba, kaiba sa mga bansa.
10 Sino ang makabibilang sa alabok ni Jacob o sa ikapat na bahagi ng Israel? Mamatay sana akong tulad ng mga matuwid at matulad sa kanila ang aking wakas.”
11 At sinabi ni Balak kay Balaam: “Ano ang ginawa mo sa akin? Kinuha kita para sumpain ang aking mga kaaway ngunit wala kang ginawa kundi basbasan sila.” 12 At sumagot siya: “Hindi ba’t ang inilalagay ni Yawe sa aking bibig ang dapat kong sabihin?”
13 Sinabi sa kanya ni Balak: “Sumama ka sa akin sa ibang lugar kung saan mo sila matatanaw. Hindi mo makikita silang lahat, kundi ang dulo lamang ng kanilang kampo. At mula roo’y susumpain mo sila para sa akin.” 14 Kaya dinala niya siya sa bukid ng Zofim sa tuktok ng Bundok Pisga, at nagtayo siya ng pitong altar at nag-alay ng tig-isang batang toro at barakong tupa sa bawat altar. 15 Sinabi ni Balaam kay Balak: “Dumito ka muna sa tabi ng iyong mga sinunog na handog, at pupunta ako roon para maka¬tagpo niya.”
16 Nakipagtagpo si Yawe kay Balaam at nilagyan ng salita ang bibig nito, at sinabi: “Bumalik ka kay Balak at sabihin ang mensaheng ito.” 17 Bumalik si Balaam at natag¬puan si Balak na nakatindig sa tabi ng kan-yang sinu¬nog na handog, kasama ang mga pinuno ng Moab. Tinanong siya ni Balak: “Ano ang sinabi ni Yawe?” 18 At binigkas ni Balaam ang kanyang tula:
“Tumindig ka, Balak, at makinig; makinig ka sa akin, anak ni Sipor. 19 Hindi tao ang Diyos para magsinungaling, o anak ng tao para mag¬sisi. May sinabi ba siyang hindi niya ginawa? May ipinangako ba siyang hindi niya pinapangyari?
20 Tingnan mo, may tinanggap akong utos na magbasbas; siya ang nagbasbas at hindi ko ito mababago. 21 Wala siyang nakitang maling gawa kay Jacob o namalas na kasa¬maan sa Israel. Sumasakanila si Yaweng Diyos nila, nasa kanila ang sigaw ng Hari.
22 Inilabas sila ng Diyos mula sa Ehipto; tulad siya ng mga sungay ng mabangis na toro para sa kanila. 23 Walang manghuhula o salamangkero sa Israel. Ngunit sa marapat na panahon, ipa¬hahayag niya sa kanila ang balak ng Diyos.
24 Masdan ang isang bayang tumitindig na parang inahing leon, na sumusunggab na pa¬rang leon. Hindi iyon mahihiga bago mala¬mon ang huli nito at mainom ang dugo ng mga bik¬tima nito.”
25 Sinabi ni Balak kay Balaam: “Kung hindi mo man sila maisusumpa, huwag mo rin naman silang pagpalain.” 26 Ngunit suma¬got si Balaam: “Di ba’t sinabi ko na sa iyo na anumang sabihin sa akin ni Yawe ang siya kong gagawin?” 27 At sinabi ni Balak kay Balaam: “Halika, dadalhin kita sa iba pang lugar. Doon siguro gusto ng Diyos na sum¬pain mo sila para sa akin.”
28 At dinala ni Balak si Balaam sa tuktok ng Peor na nakaharap sa disyerto, 29 at sinabi ni Balaam kay Balak: “Ipagtayo mo ako rito ng pitong altar, at ipaghanda ako ng pitong batang toro at pitong barakong tupa.” 30 Ginawa ni Balak ang sinabi ni Balaam, at naghandog ng tig-isang toro at barakong tupa sa bawat altar.
Ang pagbabasbas ni Balaam
24 1 Ngunit nakita ni Balaam na kasiya-siya kay Yawe na basbasan ang Israel. Hindi siya naghanap ng mga pala¬tan¬daan, tulad ng dati, ngunit humarap siya sa disyerto. 2 Tumingala siya at nakita ang Israel na nagka¬kampo, tribu-tribu, at sumakanya ang espiritu ng Diyos 3 at binigkas niya ang kanyang tula:
“Tula ni Balaam na anak ni Beor,
ang tula ng lalaking nakikita ang hiwaga,
4 ang tula ng nakaririnig sa mga salita ng Diyos,
at nakikita ang pangitain mula sa Maka¬pang¬yarihan,
nabubuwal ngunit bukas pa rin ang mga mata.
5 Kay ganda ng iyong mga tolda, O Jacob,
ng iyong mga tirahan, O Israel!
6 Malawak tulad ng mga lambak,
tulad ng mga hardin sa tabi ng ilog,
tulad ng mga sabilang tanim ni Yawe,
tulad ng mga sedro sa tabi ng mga tubig.
7 Aagos ang tubig mula sa kanyang mga timba,
mga binhi niya’y magkakaroon ng masaganang tubig.
Higit na malakas kay Agag ang kanyang hari,
at umuunlad ang kanyang kaharian.
8 Inilabas siya ng kanyang Diyos mula sa Ehipto
at ipinakikipaglaban tulad sa mga sungay ng mabangis na toro.
Nilalamon niya ang mga bangkay ng kanyang mga kaaway
at dinudurog ang kanilang mga buto.
9 Nahihiga siya’t nag-aabang gaya ng leon,
gaya ng babaeng leon.
Sino ang magtatangkang magpatindig sa kanya?
Pagpalain ang nagpapala sa iyo!
Sumpain ang susumpa sa iyo!”
10 Nag-apoy ang galit ni Balak kay Balaam; napasuntok siya sa sariling palad, at sinabi: “Ipinatawag kita para isumpa ang aking mga kaaway ngunit tatlong beses mo pa silang binasbasan! 11 Kaya umuwi ka na ngayon din. Sinabi kong lubos kitang gagantimpalaan, ngu¬nit inalisan ka ni Yawe ng iyong gantimpala.”
12 Sinabi ni Balaam kay Balak: “Hindi ba’t sinabi ko sa iyong mga sugo – 13 Ibigay man sa akin ni Balak ang kanyang palasyong puno ng pilak at ginto, wala akong anumang magagawang mabuti o masama sa ganang sarili ko, hindi ko malalampasan ang utos ni Yawe. Ang sinasabi lamang ni Yawe ang siya kong sa¬sabihin. 14 Ngayon, bago ako umuwi sa aking bayan, halika at sasabihin ko sa iyo kung ano ang gagawin ng bayang ito sa bayan mo balang araw.”
15 At binigkas ni Balaam ang kanyang tula:
• “Tula ni Balaam na anak ni Beor,
ang tula ng lalaking nakikita ang hi¬waga,
16 ang tula ng nakaririnig sa mga salita ng Diyos,
na may kaalaman mula sa Kataas-taasan,
at nakikita ang pangitain mula sa Ma¬ka¬pangyarihan,
nabubuwal ngunit bukas pa rin ang mga mata.
17 May nakikita ako pero hindi nga¬yon,
nakikita ko siya pero hindi malapit.
Isang bituin ang sisikat galing kay Jacob,
may tumitindig na hawak ang setro sa kamay;
dinudurog niya ang noo ni Moab
at iginugupo ang lahat ng anak ni Set.
18 Sinasakop niya ang lupain ng Edom,
at kinakanya ang mga lunsod ng kan¬yang mga kaaway.
Lumalakas ang Israel,
19 naghahari si Jacob.”
20 At tinanaw ni Balaam ang bansa ni Ama¬lek; at binigkas ang kanyang tula:
“Ang Amalek, ang una sa mga bansa, ay ma¬wawasak sa wakas.”
21 At tumingin naman siya sa lupain ng mga Kenita at binigkas ang kanyang tula: “Matibay ang iyong tirahan, nasa bato ang iyong pugad, 22 ngunit mauubos ka, at sa wakas ay bibihagin ka ng Asur.”
23 Ipinagpatuloy ni Balaam ang kanyang tula at sinabi: “Kawawa! Sino ang mabu¬buhay kapag ginawa na ito ng Diyos? 24 Darating ang mga barko mula sa Kittim upang sakupin ng Asur, at pati si Eber; sila man ay mawawasak.”
25 At tumindig si Balaam at umalis pauwi, at nagpatuloy rin naman si Balak sa kanyang daan.
Nagwala ang Israel sa Baal Peor
25 • 1 Tumigil ang Israel sa Setim, at nilapastangan ng mga kalalakihan ang kanilang sarili sa paki¬ki¬pagtalik sa mga babaeng Moabita. 2 Inanyayahan ng mga babaeng ito ang bayan na mag-alay ng mga handog sa kanilang mga diyos. Doon nagsikain ang sambayanan at yumuko sa harap ng kanilang mga diyos.
3 Nagpakaprostituta ang mga Israelita at sumamba na rin sa diyos ng Peor, kaya nag-apoy ang poot ni Yawe sa kanila. 4 Sinabi niya kay Moises: “Tipu¬nin mo ang lahat ng pinuno ng sam¬ba¬yanang ito, at bitayin sila sa katanghaliang-tapat sa harap ni Yawe, upang lumayo ang init ng kanyang poot sa Israel.” 5 Kaya sinabi ni Moises sa mga hukom ng Israel: “Patayin ng bawat isa sa inyo ang sinuman sa inyong mga tauhan na sumama sa pag¬samba kay Baal ng Peor.”
6 Samantala, isang lalaking Israelita ang nag-uwi ng isang babaeng Madia¬nita sa kanyang pamilya, kitang-kita mismo ni Moises at ng buong pama¬ya¬nan ng Israelita habang umiiyak sila sa pintuan ng Toldang Tagpuan. 7 Nang makita ito ni Finjas na anak ni Eleazar na anak naman ng paring si Aaron, ini¬wan niya ang pagtitipon, hinawakan ang isang sibat 8 at sinundan ang Israelita hanggang sa tolda. At tinuhog niya silang pareho, ang lala¬king Israeli¬ta at ang babae. Kaya napigil ang salot laban sa mga Israelita, 9 ngunit umabot na sa dalawampu’t apat na libo ang mga namatay sa salot.
10 Kinausap ni Yawe si Moises: 11 “Ini¬layo ni Finjas na anak ni Eleazar na anak naman ng paring si Aaron ang init ng aking poot sa mga Israelita; ipi¬nagtanggol niya ang aking karapatan sa inyong pi¬ling. Kaya hindi ko uubusin ang mga anak ng Israel para ipagtang¬gol ang aking karapatan.
12 Kaya sabihin mo sa kanya na naki¬kipagtipan ako upang pagpalain siya. 13 Iginagawad ko sa kanya at sa kanyang mga inapo ang pagkapari sa ha¬bam¬panahon, sapagkat ipinagtanggol niya ang karapatan ng kanyang Diyos at nagbayad-sala siya para sa mga anak ng Israel.”
• 14 Zimri ang pangalan ng pinatay na Israelitang kasama ng babaeng Madianita, anak siya ni Salu na isang pinuno sa angkan ni Simeon. 15 Cozbi naman ang pangalan ng ba¬baeng Madianitang pinatay, anak naman siya ni Zur na isang pinuno sa tribu ng isang angkang Madianita.
16 Sinabi ni Yawe kay Moises: 17 “Lusubin mo ang mga Madianita at durugin sila, 18 sapagkat mga kaaway ninyo sila, dahil nilinlang nila kayo tungkol kay Peor at kay Cozbing ka¬patid nila na anak ng isang pinunong Madiani¬ta, na pinatay sa araw ng salot dahil kay Peor.”
Pagkatapos ng salot, nangyari na...

MGA BATAS AT MGA PIYESTA
Ang ikalawang senso
26 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises at kay Eleazar na anak ng paring si Aaron: 2 “Ilista ninyo ang lahat sa pamayanan ng Israel na puwedeng makipagdigma at may dalawampung taong gulang pataas ayon sa mga angkan ng kani-kanilang mga ama.” 3 Kaya ipinahayag ni Moises at ng paring si Eleazar sa kapatagan ng Moab na malapit sa Jordan, sa tapat ng Jerico: 4 “Ang mga may dala¬wampung taong gulang pataas…” gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
Ang mga sumusunod ang mga Israelitang lumabas sa Ehipto:
5 Ang Ruben na panganay ng Israel; ang mga anak ng Ruben: kay Enoc, ang angkang Eno¬kita; kay Palu, ang mga Paluita; 6 kay Hesron, ang mga Hesronita; kay Karmi, ang mga Kar¬mita. 7 Ito ang mga angkan ng Ruben: 43,730 ang nailista sa kanila.
8 Mga anak ni Palu: Eliab. 9 Mga anak ni Eliab: Nemuel, Datan at Abiram. Matapos ta¬wagin ng pamamayan sina Datan at Abiram, nag¬himag¬sik sila kina Moises at Aaron, noon naghimagsik kay Yawe ang pangkat ni Kora. 10 Ngumanga ang lupa at nilamon sila (namatay si Kora at ang kanyang grupo) at naging babala nang tupukin ng apoy ang dalawandaa’t limampung lalaki. 11 Pero hindi naman namatay ang mga anak ni Kora.
12 Ang tribu ng Simeon ayon sa mga angkan: kay Nemuel, ang angkang Nemuelita; kay Yamin, ang mga Yaminita; kay Yakin, ang mga Yakinita; 13 kay Zare, ang mga Zareita; kay Saul, ang mga Saulita. 14 Ito ang mga angkan ng Simeon: 22,200 ang nailista.
15 Ang tribu ng Gad ayon sa mga angkan: kay Sefon, ang angkang Sefonita; kay Yagi, ang mga Yagita; kay Suni, ang mga Sunita; 16 kay Ozni, ang mga Oznita; kay Eri, ang mga Erita; 17 kay Arod, ang mga Arodita; kay Areli, ang mga Arelita. 18 Ito ang mga angkan ng Gad: 40,500 ang nailista.
19 Ang mga anak ng Juda: sina Er at Onan, na namatay sa lupain ng Kanaan. 20 Ang mga anak ng Juda ayon sa mga angkan: kay Sela, ang mga Selaita; kay Pares, ang mga Paresita; kay Zera, ang mga Zeraita. 21 Mga anak ni Pares: kay Hesron, ang angkang Hesronita; kay Hamul, ang mga Hamulita. 22 Ito ang mga angkan ng Juda: 76,500 ang nailista.
23 Ang tribu ng Isacar ayon sa mga angkan: kay Tola, ang mga Tolita; kay Puva, ang mga Puvaita; 24 kay Yasub, ang mga Yasubita; kay Simron, ang mga Simronita. 25 Ito ang mga angkan ng Isacar: 64,300 ang nailista.
26 Ang tribu ng Zabulon ayon sa mga angkan: kay Sared, ang mga Saredita; kay Elon, ang mga Elonita; kay Yahleel, ang mga Yahleelita. 27 Ito ang mga angkan ng Zabulon: 60,500 ang nailista.
28 Mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan: Manases at Efraim.
29 Mga anak ni Manases ayon sa mga angkan: kay Makir, ang mga Makirita. Anak ni Makir si Galaad; kay Galaad, ang mga Galaadita. 30 Ito naman ang mga Galaadita; kay Yeser, ang angkan ng mga Yeserita; kay Yelek, ang mga Yelekita; 31 kay Asriel, ang mga Asrielita; kay Sikem, ang mga Sikemita; 32 kay Semida, ang mga Semidita; kay Hefer ang mga Heferita. 33 Walang anak na lalaki si Selophad na anak ni Hefer kundi mga babae lamang: sila sina Mahla, Noaa, Hogla, Milca at Tirsa. 34 Ito ang mga angkan ng Manases: 52,700 ang nailista.
35 Ang tribu ng Efraim ayon sa mga angkan: kay Sutelah, ang mga Sutelahita; kay Beker, ang mga Bekerita; kay Tahan, ang mga Taha¬nita. 36 Mga anak ni Setalah: kay Eran, ang mga Eranita. 37 Ito ang mga angkan ng Efraim: 32,500 ang nailista.
Ito ang mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan.
38 Ang tribu ng Benjamin ayon sa mga ang¬kan: kay Bela, ang mga Belaita; kay Asbel, ang mga Asbelita; kay Ahiram, ang mga Ahiramita; 39 kay Sefufam, ang mga Sefufamita; kay Hufam, ang mga Hufamita. 40 Mga anak ni Bela: sina Ard at Naaman; kay Ard, ang mga Ardita; kay Naaman, ang mga Naamanita. 41 Ito ang mga angkan ng Benjamin: 45,600 ang nailista.
42 Ang tribu ng Dan ayon sa mga angkan: kay Suham, ang mga Suhamita. 43 Ito ang mga angkang Suhamita: 64,400 ang nailista.
44 Ang tribu ng Aser ayon sa mga angkan: kay Yimna, ang mga Yimnita; kay Yisvi, ang mga Yisvita; kay Beria, ang mga Berita. 45 Mga anak ni Beri: kay Heber, ang angkang Heberita; kay Malkiel, ang mga Malkielita. 46 Serah ang panga¬lan ng anak na babae ni Aser. 47 Ito ang mga angkan ng Aser: 53,400 ang nailista.
48 Ang tribu ng Neftali ayon sa mga angkan: kay Yahsel, ang mga Yahselita; kay Guni, ang mga Gunita; 49 kay Yeser, ang mga Yeserita; kay Silem, ang mga Silemita. 50 Ito ang mga angkan ng Neftali: 45,400 ang nailista.
51 Ito ang mga Israelitang nailista: 601,730.
52 Sinabi ni Yawe kay Moises: 53 “Papar¬tihin at ipamamana ang lupain ayon sa bilang ng mga nailista. 54 Mas malaking pamana ang ibibigay mo sa malaking grupo at maliit naman sa mas maliit na grupo. Tatanggap ang bawat isa nang sa bilang ng nailista. 55 Sa palabunutan papartihin ang lupain at saka ipamamana sa mga sam¬bahayan ayon sa kani-kanilang ama. 56 Sa palabunutan papartihin ang lupain – ma¬ging sa malaki o sa maliit man.”
57 Ito ang nailistang mga Levita ayon sa mga angkan: kay Gerson, ang mga Gersonita; kay Kehat, ang mga Kehatita; kay Merari, ang mga Merarita.
58 Ito rin ang mga angkan ng Levi: mga Libnita, mga Hebronita; mga Mahlita; mga Musita, ang mga Koraita. Ama ni Amram si Kehat, 59 at naging asawa ni Amram si Yokebed na anak na babae ng Levi na ipina¬nganak sa Ehipto. Ipinanganak nito kay Amram sina Aaron at Moises at ang kanilang kapatid na si Miriam. 60 Si Aaron ang ama nina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 61 Ngunit namatay sina Nadab at Abihu sa paghahain nila ng apoy na di-banal sa harap ni Yawe.
62 Kabuuan ng mga lalaking Levitang nai¬lis¬ta na may isang buwang gulang pataas: 23,000. Hindi sila inilistang kasama ng mga anak ng Israel dahil walang pamanang ibi¬bigay sa kanila sa piling ng Israel.
63 Ito ang mga nailista ni Moises at ni Eleazar na pari sa paglilista nila sa mga Israelita sa kapatagan ng Moab na malapit sa Jordan, sa tapat ng Jerico.
64 Wala isa man sa mga ito ang kabilang sa nailista ni Moises at ng paring si Aaron sa dis¬yerto ng Sinai. 65 Sapagkat sinabi ni Yawe tungkol sa kanila: “Mamamatay sila sa dis¬yerto,” at walang natira sa kanila liban kina Kaleb na anak ni Yefone at Josueng anak ni Nun.

27 1 Lumapit naman sina Mahla, Noaa, Hogla, Milca at Tirsa na mga anak na babae ni Selophad na anak ni Hefer na anak ni Galaad na anak ni Makir na anak ni Manases na anak naman ni Jose. 2 Tumayo sila sa harap ni Moises, ng paring si Eleazar, ng mga pinuno at ng buong pamayanan sa may pintuan ng Tol¬dang Tagpuan at sinabi: 3 “Namatay sa disyerto ang aming ama. Hindi siya sumama sa mga nagsab¬watan laban kay Yawe, sa pangkat ni Kora; sa sariling pagkakasala lamang siya na¬matay nang walang anak na lalaki. 4 At mapapawi ba ang pangalan ng aming ama sa kanyang angkan dahil wala siyang anak na lalaki? Kaya pama¬nahan n’yo kami kasama ng mga kapatid ng aming ama.”
5 Iniharap ni Moises kay Yawe ang kanilang usapin, 6 at sinabi ni Yawe: 7 “Tama ang sinabi ng mga anak na babae ni Selophad. Pama¬nahan mo sila sa piling ng mga kapatid ng kanilang ama; isalin mo sa kanila ang mana ng kanilang ama. 8 Kaya sasabihin mo sa mga Israelita: Kung may mamatay na walang anak na lalaki, isasalin ang kanyang mana sa anak na babae; 9 at kung wala siyang anak na babae, ibibigay ang pamana niya sa kanyang mga kapatid; 10 kung wala siyang mga kapatid, ibibigay ang pamana niya sa mga kapatid ng kanyang ama; 11 kung walang kapatid ang kan¬yang ama, ibi-bigay ang pamana sa pina¬ka¬malapit na kamag-anak sa angkan, at ma¬gi¬ging pag-aari niya iyon. Magiging isang kau¬tusan o karapa¬tan ito sa Israel, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.”
Humalili si Josue kay Moises
12 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Umahon ka sa kabundukang ito ng Abarim para makita ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita. 13 Pag¬ka¬tanaw mo niyon, makakapiling mo rin ang iyong mga ninuno gaya ng kapatid mong si Aaron. 14 Sumuway nga kayo sa dis¬yerto ng Sin, sa pag¬rereklamo ng pama-mayan sa akin, nang iutos ko sa inyong ipa¬kita sa kanila ang aking kabanalan hinggil sa tubig.” (Ito ang tubig ng Meriba ng Kades sa disyerto ng Sin.)
15 Kaya sinabi ni Moises kay Yawe: 16 “Humirang nawa ng isang tao sa pamayanan si Ya¬weng Diyos ng mga espiritu ng lahat ng kina¬pal. 17 Siya ang mangunguna sa kanila sa pag-alis at pagbalik; palalakarin niya sila at pababalikin; huwag sanang maging kawang walang pastol ang pamamayan ni Yawe.”
18 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Tawagin mo si Josueng anak ni Nun, nasa kanya ang espiritu at ipatong mo sa kanya ang iyong kamay. 19 At saka mo siya iharap sa paring si Eleazar at sa buong pamayanan para tagu¬bilinan siya sa paningin nila. 20 Bahagi¬nan mo siya ng iyong kaluwalhatian upang paking¬gan siya ng buong pamayanan ng Israel.
21 Makahaharap siya sa paring si Eleazar at sasangguni ito kay Yawe sa pamamagitan ng Urim para sa kanya. Kaya uutusan niya ang mga Israelita; kasama niyang lalakad at babalik ang buong pamayanan.”
22 Ginawa ni Moises ang iniutos sa kanya ni Yawe. Isinama niya si Josue at pinatayo sa harap ng paring si Eleazar at ng buong pama¬yanan. 23 Ipinatong niya ang kanyang kamay at tinagubilinan siya, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
Ang kalendaryo ng mga pag-aalay
28 1 Nagsalita si Yawe kay Moises: 2 “Ituro mo sa mga Israelita ang kautusang ito. Pag-ingatan ninyong mag-alay sa akin ng han¬dog na pagkain na haing pinadaan sa apoy bilang kalugud-lugod ang amoy sa akin sa tak¬dang panahon.”
3 Kaya sabihin mo sa kanila: “Ito ang haing pinadaan sa apoy na ihahandog ninyo kay Yawe.
Mga pang-araw-araw na pag-aalay
Araw-araw: dalawang walang kapansa¬nang batang tupang iisahing taon bilang pang-araw-araw na susunuging handog.
4 Iaalay ang isa sa umaga at ang isa pa sa dapithapon 5 na may pagkaing handog na ikapung takal ng pinong harinang hinaluan ng ikapat na hin ng langis ng olibo.
6 Ito ang pang-araw-araw na susunuging handog na inialay sa Bundok Sinai bilang haing pinadaan sa apoy na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe. 7 Ikapat na hin ng alak ang inuming handog sa unang tupa; ibu¬buhos ang alak na ito kay Yawe sa santuwaryo. 8 Sa dapithapon na¬man iaalay ang isa pang tupa na may handog na pagkain at inumin gaya ng sa umaga. Haing pinadaan sa apoy ito na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe.
Mga pag-aalay sa Araw ng Pahinga
9 Sa Araw ng Pahinga: dalawang walang ka¬pansanang tupang iisahing taon. Sasamahan ito ng pagkaing handog: dalawang ikapung takal ng pinong harinang hinaluan ng langis at inu¬ming handog. 10 Ito ang susunu¬ging handog sa Araw ng Pahinga bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog at sa inuming handog na kasama nito.
Pag-aalay sa bagong buwan
11 Mag-aalay kayo kay Yawe sa araw ng bagong buwan ng susunuging handog: dalawang toro, isang barakong tupa, at pitong walang kapansanang batang tupang iisahing taon. 12 May kasamang tatlong ikapung takal ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pagkaing handog ang bawat toro, dalawang ikapung takal naman ng pinong harinang hina¬luan ng langis bilang pagkaing handog ang barakong tupa, 13 at tig-isang ikapung takal ng pinong harinang hinaluan ng langis bilang pag¬kaing handog ang bawat batang tupa – bilang haing pinadaan sa apoy na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe.
14 Sasamahan ng inuming handog ang mga ito: isang kalahating hin ng alak para sa bawat toro, sangkatlong hin para sa barakong tupa, at sangkapat na hin para sa bawat batang tupa. Ito ang buwanang susunuging handog tuwing bagong buwan. 15 Bukod dito, isang kambing ang ihahain kay Yawe para sa kasalanan. Iaalay ito kasama ang inuming handog nito bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog.
Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura
16 Paskuwa kay Yawe ang ikalabing-apat na araw ng unang buwan at sa ikalabin¬limang araw ng buwang ito ang Piyesta. 17 Pitong araw na tinapay na walang lebadura ang kakanin ninyo. 18 May banal na pagti¬tipon sa unang araw; hu¬wag kayong gagawa ng anumang trabaho ng mang¬gagawa. 19 Mag-aalay kayo kay Yawe ng susunuging handog: dalawang toro, isang bara¬kong tupa, at pitong walang kapansanang ba¬tang tupang iisahing taon.
20 Isasama rito ang pagkaing handog: tatlong ikapung takal ng pinong harinang hina¬luan ng langis sa bawat toro at dalawang ikapung takal naman para sa barakong tupa, 21 at tig-isang ikapu para sa pitong batang tupa. 22 At isang barakong kambing para sa kasalanan bilang paghingi ng tawad para sa inyo 23 bukod pa sa pang-araw-araw na susu¬nuging handog sa umaga. 24 Ito ang iaalay ninyo araw-araw sa loob ng pitong araw bilang pagkaing handog at haing pinadaan sa apoy na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe.
Iaalay ito nang may inuming handog, bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog. 25 Magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon sa ikapitong araw, at huwag gagawa ng anumang trabaho ng mangga¬gawa.
Piyesta ng Sanlinggo
26 Sa araw ng mga unang bunga, sa pag-aalay ninyo ng mga bagong bunga sa Piyesta ng Mga Sanlinggo, magkakaroon kayo ng banal na pagtitipon, at huwag kayong gagawa ng anu¬mang trabaho ng mang¬gagawa. 27 Mag-aalay kayo ng susunuging handog na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe: dalawang toro, isang bara¬kong tupa, pitong batang tupang iisahing taon.
28 Isasama rito ang katumbas na pagkaing handog na pinong harinang hinaluan ng langis: tatlong ikapung takal para sa bawat toro, dalawang ikapu para sa barakong tupa, 29 at tig-isang ikapu para sa pitong batang tupa; 30 at isang barakong kambing na hain para sa kasa¬lanan bilang paghingi ng tawad para sa inyo. 31 Ihahandog ninyo ang mga ito at ang kasamang mga inuming handog, bukod pa ang pang-araw-araw na susunu¬ging handog na may kasamang pagkaing handog.
Piyesta ng Bagong Taon
29 1 Sa unang araw ng ikapitong buwan, magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon, at huwag gagawa ng anumang trabaho ng manggagawa: magiging araw ito ng matunog na pag-ihip para sa inyo. 2 Mag-aalay kayo ng susunuging handog na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe: isang toro, isang barakong tupa, at pitong batang tupang iisang taon na walang kapansanang. 3 Isasama rito ang pagkaing handog na harinang hinaluan ng langis: tatlong ikapu para sa bawat toro, dalawang ikapu para sa barakong tupa, 4 at isang ikapu para sa bawat isa sa pitong batang tupa. 5Iaalay rin ang isang barakong kambing para sa kasa-lanan bilang paghingi ng tawad.
6 Iaalay ang mga ito at ang inuming handog ng mga ito bilang haing pinadaan sa apoy at kalugud-lugod na amoy kay Yawe, bukod pa sa susunuging handog ng bagong buwan na may sariling pagkaing handog, at sa pang-araw-araw na susunuging handog na may sarili ring pagkaing handog.
Piyesta ng Pagpapatawad
7 Magkakaroon kayo ng banal na pagti¬tipon sa ikasampung araw ng ikapitong buwan. Mag-aayuno kayo at hindi gagawa ng anumang trabaho ng manggagawa. 8 Mag-aalay kayo ng susunuging handog na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe: isang toro, isang barakong tupa, at pitong walang kapintasang batang tupang iisahing taon. 9 Isasama sa mga ito ang katumbas na pag¬kaing handog na pinong harinang hinaluan ng langis: tatlong ikapung takal para sa bawat toro, dalawang ikapung takal para sa barakong tupa, 10 at tig-isang ikapu sa pitong batang tupa. 11 Mag-aalay rin ng isang barakong kambing para sa kasalanan bukod pa sa hain para sa kasalanan ng Piyesta ng Pagpapatawad at sa pang-araw-araw na susunuging handog na may handog na pagkain at inumin.

Piyesta ng Mga Kubol
12 May banal na pagtitipon kayo sa ika¬¬labin¬limang araw ng ikapitong buwan: huwag gagawa ng anumang trabaho ng manggagawa. Pitong araw ninyong ipagdiriwang ang Piyesta kay Yawe. 13 Mag-aalay kayo ng susunuging handog na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe: labintatlong toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na walang kapansanang batang tupang iisahing taon. 14 Isasama rito ang pagkaing handog na pinong harinang hinaluan ng langis: tigatlong ikapung takal para sa labintatlong toro, dalawang ikapung takal para sa ba¬rakong tupa 15 at tig-isang ikapu para sa labing-apat na batang tupa. 16 Mag-aalay rin ng isang barakong kambing para sa kasalanan bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog na may handog na pagkain at inumin.
17 Sa ikalawang araw: labindalawang toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na wa¬lang kapansanang batang tupang iisahing taon. 18 Isasama rito ang pagkain at inuming handog ayon sa bilang ng mga toro, bara¬kong tupa at mga batang tupa. 19 At isa ring barakong kambing para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog na may kasama ring handog na pagkain at inumin.
20 Sa ikatlong araw: labing-isang toro, dalawang barakong tupa, at labing-apat na walang kapansanang batang tupang iisahing taon. 21 Isasama rito ang pagkain at inuming handog ayon sa bilang ng mga toro, mga barakong tupa at mga batang tupa alinsunod sa kaugalian 22 Mag-aalay rin ng isang barakong kambing para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog na may handog na pagkain at inumin.
23 Sa ikapat na araw: sampung toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na walang kapansanang batang tupang iisahing taon. 24 Isasama rito ang pagkain at inuming handog ayon sa bilang ng mga toro, mga barakong tupa at mga batang tupa alinsunod sa kaugalian. 25 Mag-aalay rin ng isang barakong kambing para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog na may pagkain at inuming handog.
26 Sa ikalimang araw: siyam na toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na walang kapansanang batang tupang iisahing taon. 27 Isasama rito ang pagkain at inuming handog ayon sa bilang ng mga toro, mga barakong tupa at mga batang tupa alinsunod sa kaugalian. 28 Mag-aalay rin ng isang barakong kambing para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog na may pagkain at inuming handog.
29 Sa ikanim na araw: walong toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na walang kapansanang batang tupang iisahing taon. 30 Isasama rito ang pagkain at inuming handog ayon sa bilang ng mga toro, mga barakong tupa at mga batang tupa alinsunod sa kaugalian. 31 Mag-aalay rin ng isang barakong kambing para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog na may pagkain at inuming handog.
32 Sa ikapitong araw: pitong toro, dalawang barakong tupa at labing-apat na walang kapansanang batang tupang iisahing taon. 33 Isasama rito ang pagkain at inuming handog ayon sa bilang ng mga toro, mga lalaking tupa at mga batang tupa alinsunod sa kaugalian. 34 Mag-aalay rin ng isang bara¬kong kambing para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na susunuging handog na may pagkain at inuming handog.
35 May banal na pagtitipon din kayo sa ika¬walong araw: huwag kayong gagawa ng anu¬mang trabaho ng manggagawa. 36 Mag-aalay kayo ng isang susunuging handog na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe: isang toro, isang barakong tupa, at pitong walang kapansanang batang tupang iisahing taon. 37 Isasama rito ang pagkain at inuming handog ayon sa bilang ng mga toro, mga barakong tupa at mga batang tupang alinsunod sa kaugalian. 38 Mag-aalay rin ng isang barakong kambing para sa kasa¬lanan, bukod pa sa pang-araw-araw na susunu¬ging handog na may pagkain at inuming handog.
39 Ito ang mga gagawin ninyo para kay Yawe sa inyong mga pagdiriwang: mga susunuging handog, mga pagkain at inu¬ming handog at mga hain sa mabuting pagsa¬samahan, bukod pa sa inyong mga panata o mga kusang-loob na alay.”

30 1 Sinabi ni Moises sa mga anak ng Israel ang lahat ng ito gaya ng iniutos sa kanya ni Yawe.
Mga batas tungkol sa mga panata
2 Sinabi rin ni Moises sa mga pinuno ng mga tribu ng Israel: “Isang kautusan ito ni Yawe 3 Kung may lalaking gumawa ng isang panata kay Yawe o may sinumpaang pangako, huwag niyang sirain ang kanyang salita, kundi tupa¬ring lahat ang sinabi niya.
4 Para naman sa babae, kung gumawa siya ng panata kay Yawe o may sinumpaang pa¬ngako noong kabataan niya habang nasa bahay pa ng kanyang ama 5 at kung wala namang sinasabi sa kanya ang kanyang ama sa pagka-kaalam nito sa nasabing panata o sinum¬paaang pangako, magkakabisa ang panata o pangako niya. 6 Ngunit kung tumanggi ang ama sa oras na malaman iyon, mawawalan ng bisa ang panata o pangako niya; patatawarin siya ni Yawe dahil sa pagtanggi ng kanyang ama.
7 Kung may ginawang panata o sinum¬paang pangako ang isang babae bago mag-asawa 8 at wala namang sinasabi sa kanya ang kanyang napangasawa matapos itong malaman, magka¬kabisa ang panata o pa¬ngako niya. 9 Ngunit kung tutulan iyon ng kanyang asawa sa oras na malaman iyon, mawawalang-bisa ang panata o ang panga¬ko niya, at patatawarin siya ni Yawe.
10 Para naman sa balo o sa babaeng hini¬wa¬layan ng kanyang asawa, magka¬kabisa ano man ang kanyang panata o pangako.
11 Kung sa bahay ng kanyang asawa niya ginawa ang panata o sinumpaan ang pangako na mag-abstinensya, 12 at walang sinabi sa kan¬ya ang kanyang asawa sa pagka¬alam niyon, magkakabisa ang anu¬mang panata o pangako niya. 13 Ngunit kung tutulan iyon ng kanyang asawa sa oras na malaman iyon, mawawalan ng bisa kahit na anuman ang kanyang panata o pangako; patatawarin siya ni Yawe sapagkat pina¬walang-bisa iyon ng kanyang asawa.
14 Anumang panata o sinumpaang panga¬ko na mag-abstinensya ay pagtitibayin o pawawa¬lang-bisa ng kanyang asawa. 15 Ngunit kung walang sinasabi sa kanya ang kanyang asawa hanggang kinabukasan, binibigyang-bisa niya ang panata o pangako ng babae. Binibigyang-bisa niya ang mga iyon sa di niya pagsasabi ng anuman sa pagkaalam niya sa mga iyon. 16 Pero kung malaman niya ang panata o pangako ng babae at saka lamang niya pinawawalang-bisa ang mga iyon, siya ang mananagot sa pagkakasala ng babae.”
17 Ito ang mga tuntuning iniutos ni Yawe kay Moises tungkol sa lalaki at sa kanyang asawa, tungkol sa ama at sa kanyang anak na babae, habang nasa bahay pa siya ng kanyang ama sa kanyang kabataan.
Digmaan sa mga Madianita
31 • 1 Nagsalita si Yawe kay Moises: 2 “Ipaghiganti mo ang mga Israelita sa mga Madianita, at saka ka makakapiling ng iyong mga ninu-no.”
3 Kaya sinabi ni Moises sa bayan: “Humandang makipagdigma ang ilan sa inyo para lusubin ang mga Madianita at isagawa ang pag¬hihiganti ni Yawe sa kanila. 4 Sanlibo lamang mula sa bawat tribu ng Israel ang ipadadala ninyo sa labanan.”
5 Kaya tinipon ang tigsasanlibo mula sa mga angkan ng bawat tribu ng Israel ¬ labin¬dalawang libong handa sa labanan. 6 Pina¬punta ni Moises sa digmaan ang sanlibo ng bawat tribu, kasama si Pinhas na anak ng paring si Eleazar, may dalang mga sag¬radong bagay at matunog na trumpeta. 7 Nilabanan nila ang mga Madianita, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises, at pinatay ang lahat ng lalaki. 8 Bukod sa mga napatay sa labanan, pinatay rin nila ang limang haring Madianita: sina Evi, Rekem, Sur, Hur at Reba; pinatay rin nila sa tabak si Balaam na anak ni Beor. 9 At binihag ng mga Israelita ang mga babaeng Madianita at ang mga anak ng mga ito; sinamsam din nila ang lahat nilang hayop at kawan at ari-arian. 10 Sinunog nila ang lahat ng bayan, tirahan at bakuran, 11 at dinala nila pag¬katapos ang lahat ng nasam¬sam, pati ang mga tao at mga hayop. 12 At iniharap nila ang mga bihag at mga nasam¬sam kay Moises, sa paring si Eleazar at sa pamayanan ng Israel sa mga kapatagan ng Moab na malapit sa Jordan, sa tapat ng Jerico.
Mga batas tungkol sa digmaang banal
13 Sinalubong sila ni Moises at ng paring si Eleazar at ng lahat ng pinuno ng pamayanan sa labas ng kampo. 14 Nagalit si Moises sa mga pinuno ng hukbo na mga pinuno ng tigsa¬sanlibo at tigsasandaan na nakabalik mula sa laba¬nan. 15 Sinabi ni Moises: “Bakit ninyo pinabayaang mabuhay ang lahat ng babae?
16 Hindi ba ninyo alam ang salaysay ni Balaam? Sila ang dahilan kung bakit naligaw ang mga Israelita at nagtaksil kay Yawe noon sa Peor. At pagkatapos ay hinampas ng salot ang pamamayan ni Yawe. 17 Kaya patayin ninyo ngayon ang lahat ng batang lalaki at lahat ng babaeng nagkaroon na ng relasyon sa lalaki. 18 Ngunit pabayaan ninyong ma¬buhay ang ba¬ba¬eng di pa nagkakaroon ng relasyon sa lalaki, at kunin sila.
19 At pitong araw naman kayong manatili sa labas ng kampo. Sa ikatlo at ikapitong araw, maglilinis ang lahat ng nakapatay o nakahipo kaya sa namatay sa labanan. Kasama rin nin¬yong maglilinis ang inyong mga bihag. 20 Lilinisin ninyo lahat ng damit, lahat ng yari sa katad o balahibo ng kambing at lahat ng kagamitang kahoy.”
21 Pagkatapos ay sinabi ng paring si Eleazar sa mga mandirigma: “Isang kau¬tusan ito ng Batas na itinakda ni Yawe kay Moises: 22 Padadaanin ninyo sa apoy ang lahat ng pupuwede: ginto, pilak, tanso, bakal, lata at tingga. 23 Ngu¬nit kailangang linisin ng tubig na panlinis ang lahat. Sa tubig ninyo padadaanin ang di pu¬puwe¬de sa apoy. 24 Kapag nalabhan na ninyo ang inyong mga damit sa ikapitong araw, lilinis na kayong muli at makapapasok na sa kampo.”
25 Nagsalita si Yawe kay Moises at sinabi: 26 “Bilangin mo ang nabihag tao man o hayop; tutulungan ka ng paring si Eleazar at ng mga ulo ng mga angkan ng pamayanan. 27 At hatiin mo ito sa dalawa: para sa mandirigmang luma¬ban at para sa naiwan sa pamayanan. 28 Kuku¬nan mo ng abuloy kay Yawe ang mga mandi¬rigmang lumaban: tig-isa sa bawat limandaang tao, baka, asno o tupa. 29 Kukunin mo iyon sa kala¬hating napasakanila at ibibigay sa paring si Eleazar bilang abuloy kay Yawe. 30 Sa kalaha¬ting napasa-mga-Israelita naman ay kukuha ka ng tig-isa sa bawat limampung tao, baka, asno o tupa, at ibibigay sa mga Levitang nag¬lilingkod sa Tirahan ni Yawe.”
31 Kaya ginawa nina Moises at ng paring si Eleazar ang iniutos ni Yawe kay Moises. 32 Ito ang natira sa nasamsam ng mga mandi¬rigma: 675,000 tupa, 33 72,000 baka, 34 61,000 asno, 35 at 32,000 mga babaeng di pa nagkakaroon ng relasyon sa lalaki.
36 Napasa-mga-mandirigma ang kala¬hati: 337,500 tupa 37 at ang buwis na ibinigay kay Yawe: 675; 38 36,000 baka at ang buwis na ibinigay kay Yawe: 72; 39 30,500 asno at ang buwis na ibinigay kay Yawe: 61; 40 at 16,000 tao at ang buwis na ibinigay kay Yawe: 32. 41 Ibinigay ni Moises sa paring si Eleazar ang buwis na abuloy kay Yawe, gaya ng iniutos ni Yawe sa kanya.
42 Napasa-mga-Israelita ang isa pang ka¬la¬hati na ibinukod ni Moises sa bahagi ng man¬dirigma. 43 Ito ang kalahating para sa pama¬yanan: 337,500 tupa, 44 36,000 baka, 45 30,500 asno, 46 at 16,000 tao. 47 Sa kalaha¬ting ito na parte ng mga Israelita, kumuha si Moises ng tig-isa sa bawat limampung tao o hayop, at ibinigay sa mga Levitang naglilingkod sa Tirahan ni Yawe, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
48 At nilapitan si Moises ng mga pinuno ng hukbo na mga pinuno ng tigsasanlibo at tigsa¬sandaan. 49 Sinabi nila kay Moises: “Nabilang na ng mga lingkod mo ang mga mandirigmang nasa ilalim namin at wala isa mang kulang. 50 Kaya iaalay namin kay Yawe bilang mga han¬dog ang mga bagay na yari sa ginto na nakuha ng bawat isa: mga panlagay sa braso, mga pul-seras, mga singsing, mga hikaw at mga ku¬wintas upang ipanghingi ng tawad kay Yawe para sa amin.” 51 At tinang¬gap nga sa kanila ni Moises at ng paring si Eleazar ang iba’t ibang bagay na ginto. 52 Umabot sa 16,750 shekel ang gintong ibinigay kay Yawe ng mga pinuno ng tigsa¬sanlibo at tigsasandaan bilang buwis.
53 (Kinuha nga ng bawat isa sa hukbo ang sarili niyang nasamsam.) 54 Tinanggap ni Moi¬ses at ng paring si Eleazar sa pinuno ng tigsasanlibo at tigsasandaan ang ginto, at inilagay sa Toldang Tagpuan para maalaala ni Yawe ang mga Israelita.
Ang mga Israelita sa kabilang-ibayo ng Jordan
32 • 1 Napakarami ang hayop ng mga Rubenita at mga Gadita, at nakita nila na mainam na pastulan ang lupa ng Yazer at Galaad. 2 Kaya kinausap nila si Moises, ang paring si Eleazar at ang mga pinuno ng pamayanan; sinabi nila: 3 “Mai¬nam na pastulan ang lupa ng Atarot, Dibon, Yazer, Nimra, Hes¬bon, Eleale, Sebam, Nebo at Beon, 4 na ipina¬sakop ni Yawe sa pamayanan ng Israel, at may mga kawan ang iyong mga lingkod.” 5 Idinug¬tong pa nila: “Paki¬bigay naman sana ang lu¬paing iyon sa iyong mga lingkod. Huwag mo sana kaming patawirin pa sa Jordan.”
6 Ngunit sumagot si Moises sa mga Gadita at mga Rubenita: “At makikipaglaban ba ang in¬yong mga kapatid samantalang kayo’y mana¬natili rito? 7 Kaya manghihina ang loob ng mga Israelita at hindi na sila papasok sa lupaing ibinigay ni Yawe sa kanila. 8 Ito ang ginawa ng inyong mga ama nang papuntahin ko sila sa Kades-Barnea para magmasid sa lupain. 9 Uma¬hon sila hanggang sa Lambak ng Eskol at pag¬kakita nila sa lupai’y pina¬panghina nila ang loob ng mga Israelita sa pagpasok sa lupaing bigay ni Yawe. 10 Nag-apoy noon ang galit ni Yawe, at isinumpa niyang 11 “Hindi papasok sa lupain ang mga umahon mula Ehipto na may dala¬wam¬pung taong gulang pataas. Hindi nila makikita ang lupaing ipinangako kong ibibigay kina Abra¬ham, Isaac, Jacob, sapagkat hindi sila ga¬nap na sumunod sa akin. 12 Si Kaleb na anak ni Yefoneng Kenecita lamang at si Josueng anak ni Nun ang makapapasok dahil ganap silang su¬munod kay Yawe.”
13 Kaya nag-apoy ang galit ni Yawe laban sa Israel; apatnapung taon niya silang pinagala sa disyerto, hanggang di nauubos ang salinlahing gumawa ng masama sa harap ni Yawe. 14 At ngayong naririto na kayo, sumuway rin kayong gaya ng inyong mga ama, lahi ng mga makasa¬lanan! At gusto n’yong gatungan pa ang nag-aapoy na galit ni Yawe sa Israel. 15 Kung tatanggi pa kayong sumunod sa kanya, muli niya kayong dadalhin sa disyerto, kaya ipahahamak ninyo ang buong bayang ito.”
16 Kayat lumapit sila sa kanya at sinabi: “Gusto lamang naming magtayo ng mga baku¬ran para sa aming mga kawan at ng mga bayan para sa aming mga anak. 17 Ngunit nakahanda kami sa digmaan at lalakad sa unahan ng mga Israelita, hang¬gang maihatid sila sa lugar na nakatakda sa kanila. Mga anak lamang namin ang mai¬iwan sa mga napapade¬rang bayang ito na ligtas sa mga tagarito. 18 Hindi kami uuwi hanggang di nakukuha ng mga anak ng Israel ang kanya-kanyang pamana. 19 Hindi naman kami magmamanang kasama nila sa kabilang ibayo ng Jordan, sapagkat nasa gawing sila¬ngan ng Jordan ang toka naming pamana.”
20 At sinabi ni Moises: “Kung tutuparin ninyo ito, kung handa kayo sa digmaan sa harap ni Yawe, 21 at tatawid ang bawat isa sa Jordan sa harap ni Yawe upang makipag¬digma hanggang hindi niya naitataboy ang kanyang mga kaaway sa harap niya 22 at nasasakop ang lupain sa harap ni Yawe, magiging malaya na kayo sa inyong obli¬gasyon kay Yawe at sa Israel. At saka kayo makababalik dito, magiging inyo ang lupang ito sa harap ni Yawe. 23 Pero kung hindi ninyo ito gagawin, magkakasala kayo kay Yawe at makatitiyak kayong susundan kayo ng in¬yong kasalanan. 24 Itayo ninyo ang mga bayan para sa inyong mga anak, at ang mga kural para sa inyong mga kawan, pero tuparin ninyo ang inyong sinabi.”
25 Sumagot kay Moises ang mga Gadita at mga Rubenita: “Tutuparin ng iyong mga lingkod ang iniuutos ng aking panginoon. 26 Mana¬natili sa mga bayan ng Galaad ang aming mga asawa, mga anak, mga kawan at mga hayop, 27 ngunit maghahanda sa dig¬maan ang lahat ng iyong mga lingkod, at tatawid para lumaban sa harap ni Yawe, gaya ng sinabi ng aking panginoon.”
28 Nag-utos si Moises tungkol sa kanila sa paring si Eleazar, kay Josueng anak ni Nun, at sa mga pinuno ng mga angkan ng mga tribu ng Israel, 29 at sinabi niya: “Kung mag¬ha¬handa sa digmaan ang lahat ng Gadita at Rubenita, at tatawid sila sa Jordan kasama ninyo para luma¬ban sa harap ni Yawe, ibibigay n’yo sa kanila ang lupain ng Galaad bilang kanilang pag-aari pagka¬sakop sa lupain. 30 Ngunit kung hindi sila tatawid kasama ninyo, mananatili silang kasama ninyo sa lupain ng Kanaan.”
31 Sumagot ang mga Gadita at mga Rubenita: “Gagawin ng iyong mga lingkod ang iniutos ni Yawe. 32 Tatawid kaming sandatahan sa lupain ng Kanaan sa harap ni Yawe, at magiging mana naman namin ang gawing silangan ng Jordan.” 33 Kaya ibinigay ni Moises sa mga Gadita at mga Rubenita at sa kalahating tribu ng Manases na anak ni Jose ang kaharian ni Sihong hari ng mga Amorreo at ang kaharian ni Og na hari ng Basan, ang lupain at ang mga bayan nito at mga nayong nasa hangganan nito.
34 Itinayo ng mga Gadita ang mga napapa¬derang bayan ng Dibon, Atarot, Aroer, 35 Atrot-Sofan, Yazer, Yogbeha, 36 Bet-Nimra at Be-Haran, na may mga kural para sa mga kawan.
37 Itinayo ng mga Rubenita ang Hesbon, Eleale, Kiryataim, 38 Nebo at Baal Meon (pinalitan ang mga pangalan nito), at Sibma, at pina¬ngalanan naman nila ang mga bayang kanilang itinayo.
39 Sinalakay ng mga anak ni Makir na anak ng Manases ang Galaad. Nilupig nila iyon at itina¬boy ang mga Amorreong naroon. 40 Kaya ibi¬nigay ni Moises ang Galaad kay Makir na anak ng Manases, at doon siya nanirahan. 41 Sina¬lakay rin ni Yair na anak ng Manases ang mga nayon ng mga iyon at pinangalanang Nayon ni Yair ang mga iyon. 42 Nilusob din ni Nobah ang Kenat at ang mga nayon nito, at tinawag ito sa pangalan niyang Nobah.
Mga yugto ng Exodo
33 1 Ito ang mga yugto sa paglalakbay ng mga Israelita nang umalis silang pang¬kat-pangkat sa lupain ng Ehipto sa pamumuno nina Moises at Aaron. 2 Sa utos ni Yawe, sinulat ni Moises ang mga simula ng bawat yugto ng kanilang paglalakbay. 3 Narito ang mga yugto ayon sa kanilang mga simula:
Umalis sila sa Ramses sa ikalabinlimang araw ng unang buwan. Nang sumunod na araw ng Paskuwa, matagumpay na nagsilabas ang mga anak ng Israel sa paningin ng buong Ehipto 4 habang inililibing naman ng mga Ehipsiyo ang kanilang mga panganay na sinaktan ni Yawe. At pinarusahan din ni Yawe ang kanilang mga diyos.
5 Umalis ang mga Israelita sa Ramses at nagkampo sa Sukot. 6 Umalis sila sa Sukot at nagkampo sa Etam na nasa dulo ng disyerto. 7 Umalis sila sa Etam, ngunit nagbalik pa-Pihahirot sa tapat ng Baal-Sefon, at nagkampo sa tapat ng Migdol. 8 Umalis sila sa Pihahirot, tumawid sa dagat pa-disyerto, at pagkalakad nang tatlong araw sa disyerto ng Etam, nag¬kampo sila sa Mara. 9 Umalis sila sa Mara at dumating sa Elim kung saan may labindalawang bukal at pitumpung palmera, at doon sila nagkampo.
10 Umalis sila sa Elim at nagkampo malapit sa Dagat ng Mga Tambo. 11 Umalis sila sa may Dagat ng Mga Tambo at nagkampo sa disyerto ng Sin. 12 Umalis sila sa disyerto ng Sin at nagkampo sa Dopka. 13 Umalis sila sa Dopka at nagkampo sa Alus. 14 Umalis sila sa Alus at nagkampo sa Rafidim pero walang mainom na tubig doon ang bayan. 15 Umalis sila sa Rafidim at nagkampo sa disyerto ng Sinai.
16 Umalis sila sa disyerto ng Sinai at nag¬kampo sa Kibrot-hat-Taava. 17 Umalis sila sa Kibrot-hat-Taava at nagkampo sa Haserot. 18 Umalis sila sa Haserot at nagkampo sa Ritma. 19 Umalis sila sa Ritma at nagkampo sa Rimon Peres. 20 Umalis sila sa Rimon Peres at nag¬kampo sa Libna. 21 Umalis sila sa Libna at nag¬¬kam¬po sa Risa. 22 Umalis sila sa Risa at nag¬kampo sa Kehalata. 23 Umalis sila sa Ke¬halata at nag¬kampo sa Bundok Sefer. 24 Umalis sila sa Bundok Sefer at nagkampo sa Harada. 25 Umalis sila sa Harada at nag¬kampo sa Makelot. 26 Uma¬lis sila sa Makelot at nagkam¬po sa Tahat. 27 Uma¬lis sila sa Tahat at nagkampo sa Terah. 28 Umalis sila sa Terah at nagkam¬po sa Mitka. 29 Umalis sila sa Mitka at nagkampo sa Has-mona. 30 Umalis sila sa Hasmona at nag¬kampo sa Moserot. 31 Umalis sila sa Moserot at nag¬kampo sa Bene Yaakan. 32 Umalis sila sa Bene Yaakan at nagkampo sa Hor Haggidgad. 33 Uma¬¬lis sila sa Hor Haggidgad at nagkampo sa Yotbata. 34 Umalis sila sa Yotbata at nag¬kampo sa Abrona. 35 Umalis sila sa Abrona at nag¬kampo sa Ezion-Geber.
36 Umalis sila sa Ezion-Geber at nag¬kampo sa Kades sa disyerto ng Sin. 37 Umalis sila sa Kades at nagkampo sa Bundok Hor sa hangganan ng Edom.
38 (Umahon ang paring si Aaron sa Bundok Hor sa utos ni Yawe, at doon siya namatay sa unang araw ng ikalimang buwan sa ikapatnapung taon pagkalabas ng mga Israelita mula sa Ehipto. 39 Sandaa’t dalawampu’t tatlong taon si Aaron nang mamatay sa Bundok Hor.
40 Noon naman nabalitaan ng Kananeong hari ng Arad na taga-Negeb ng Kanaan na parating ang mga Israelita.)
41 Umalis sila sa Bundok Hor at nagkampo sa Salmona. 42 Umalis sila sa Salmona at nag¬kampo sa Punon. 43 Umalis sila sa Punon at nagkampo sa Obot. 44 Umalis sila sa Obot at nagkampo sa Guho-Abarim sa hang¬ganan ng Moab. 45 Umalis sila sa Guho-Abarim at nag¬kampo sa Dibon Gad. 46 Umalis sila sa Dibon Gad at nagkampo sa Almon Diblataim. 47 Umalis sila sa Almon Diblataim at nagkampo sa kabundukan ng Abarim sa tapat ng Nebo. 48 Umalis sila sa kabundukan ng Abarim at nagkampo sa kapatagan ng Moab malapit sa Jordan sa tapat ng Jerico. 49 Nagkampo sila sa tabi ng Jordan mula Bet Yesimot hanggang Abel-Sitim, sa kapatagan ng Moab.
Paano hahatiin ang lupain ng Kanaan
50 Nagsalita si Yawe kay Moises sa kapa¬ta¬gan ng Moab sa tabi ng Jordan sa tapat ng Jerico: 51 “Sabihin mo sa mga Israelita: Mala¬pit na kayong tumawid ng Jordan papunta sa lupain ng Kanaan. 52 Palayasin ninyo ang lahat ng naninirahan sa lupaing nasa harap ninyo, wasa¬kin ninyo ang kanilang mga imahen, ba¬sagin ang mga minoldeng rebulto at durugin ang lahat nilang altar sa burol. 53 Sakupin ninyo ang lupain at doon mani-rahan, sapagkat ibinigay ko ang lupain para maging inyo. 54 Hatiin ninyo ang lupain sa inyong mga angkan sa pagpa¬pa¬labunutan. Sa mas malaking angkan, mas ma¬laking pamana; sa mas maliit, mas maliit na pamana. Magiging kanila ang anumang ma¬patapat sa kanila. Hatiin ang pamana ayon sa tribu ng inyu-inyong mga ama.
55 Isa pa: kung hindi ninyo palalayasin ang mga naninirahan sa lupain, magiging mga tinik sa inyong mga mata at mga pantusok sa inyong mga tagiliran ang mga natira, at lulusubin kayo sa lupaing inyong titirhan, 56 at sa inyo ko gagawin ang binabalak ko sa kanila.”
Ang mga hangganan ng Kanaan
34 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Iutos mo ito sa mga Israelita. Pagpasok ninyo sa Kanaan, na lupang aariin ninyo, ang lupain ng Kanaan sa mga hangganan nito.
3 Magiging hangganan ninyo sa timog ang disyerto ng Sin sa tabi ng Edom; mula sa dulo ng Dagat Asin sa silangan. 4 Pa-timog ang hang¬ganan, paahon sa Akrabim, dadaan sa Sin at magtatapos sa timog ng Kades-Barnea. Magpapatuloy sa Hasar Adar hang¬gang Asemon. 5 Li¬liko mula Asemon pa¬punta sa batis ng Ehipto hanggang magtapos sa Dagat.
6 Magiging hangganan ninyo sa kanluran ang Malaking Dagat. Ito ang hangganan ninyo sa kanluran. 7 Ito naman ang magiging hangganan ninyo sa hilaga: deretso mula Malaking Dagat hanggang Bundok Hor; 8 deretso mula Bundok Hor hanggang pagpasok sa Hamat, at abot hanggang Sedad. 9 Magpapatuloy hanggang sa Zifron at magtatapos sa Hasar Enan. Ito ang hangganan ninyo sa hilaga.
10 Para naman sa hangganan ninyo sa sila¬ngan, deretso mula Hasar Enan hang¬gang Sefam. 11 Mula Sefam pababa hang¬gang Ribla, sa gawing silangan ng Ain, at tuluy-tuloy pababa hanggang sa silangang baybayin ng Dagat Kineret. 12 Babaybayin ang Jordan at magta¬tapos sa Dagat na Asin. Ito ang magiging lupain ninyo, at mga hang¬ganan nito.”
13 Ito ang iniutos ni Moises sa mga Israelita: “Ito ang lupaing iniutos ni Yaweng ibigay sa siyam at kalahating tribu. Ipa¬ma¬mana ninyo ito sa pagpapalabunutan. 14 Natang¬gap na nga ng tribu ng Ruben at ng tribu ng Gad at ng kalaha-ting tribu ng Manases ang kanilang mana ayon sa mga angkan ng kani-kanilang mga ama. 15 Natang¬¬¬gap na ng dalawa’t kala-hating tribung ito ang kanilang pamana sa kabilang ibayo ng Jordan sa gawing silangan sa tapat ng Jerico.”
16 Sinabi ni Yawe kay Moises: 17 “Ito ang mga pangalan ng mga taong magpaparte ng lupain para sa inyo: ang paring si Eleazar at si Josueng anak ni Nun. 18 Magtalaga rin kayo ng isang pinuno mula sa bawat tribu para sa paghahati. 19 Ito ang kanilang mga pangalan: si Kaleb na anak ni Yefone mula sa tribu ng Juda; 20 si Semuel na anak ni Amihud mula sa tribu ng Simeon; 21 si Elidad na anak ni Kislon mula sa tribu ng Benjamin; 22 ang pinunong si Buki na anak ni Yogli mula sa tribu ng Dan; 23 ang pi¬nu¬nong si Haniel na anak ni Efod mula sa tribu ng Manases na anak ni Jose; 24 ang pinunong si Kemuel na anak ni Siftan mula sa tribu ng Efraim na anak ni Jose; 25 ang pinunong si Elisafan na anak ni Parnak mula sa tribu ng Zabulon; 26 ang pinunong si Paltiel na anak ni Azan mula sa tribu ng Isacar; 27 ang pinunong si Ahihud na anak ni Selomi mula sa tribu ng Aser; 28 ang pinunong si Pedahel na anak ni Amihud mula sa tribu ng Neftali.”
29 Ito ang mga inutusan ni Yawe na ipamana sa mga Israelita ang lupain ng Kanaan.
Ang parte ng mga Levita
35 1 Nagsalita si Yawe kay Moises sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa tapat ng Jerico: 2 “Ito ang iutos mo sa mga Israelita na bigyan nila ang mga Levita ng mga bayang matitirhan at mga pastulan sa palibot mula sa kanilang pamana. 3 Mani¬nirahan sila sa mga bayan, at ipapastol ang kanilang mga baka, mga kawan at lahat ng iba pang mga hayop sa mga pastulan. 4 San¬libo limandaang talampakan mula sa mga pader ng bayan ang mga pastulang ibibigay sa mga Levita sa pa¬libot ng lunsod.
5 Susukat kayo sa labas ng bayan ng isang lupaing may tatlunlibong talampakan sa sila¬ngan, sa timog, sa kanluran at sa hilaga; at nasa gitna ang bayan. Ito ang magiging pastulan ng kanilang mga bayan.
6 Ito naman ang mga bayang ibibigay ninyo sa mga Levita: ang anim na bayang kanlungan na mapagtataguan ng isang nakapatay ng tao, pati na ang apatnapu’t dalawa pang bayan. 7 Apatnapu’t walong bayang lahat ang ibibigay n’yo sa mga Levita, pati ang mga pastulan ng mga ito. 8 Kukunin mula sa lupang pag-aari ng mga Israelita ang mga bayang ibibigay ninyo sa mga Levita ayon sa pamana ng bawat tribu: marami ang kukunin sa may mas marami at kaunti naman sa may kaunti.”
Mga lunsod na mapagtataguan
• 9 At sinabi ni Yawe kay Moises: 10 “Sabi¬hin mo sa mga Israelita. Pagkatawid ninyo sa Jordan pa-Kanaan, 11 magtatalaga kayo ng mga ba¬yang magiging lunsod na mata¬ta¬kasan. Doon makatatakas ang sinumang di sinasadyang nakapatay. 12 Sa mga lunsod na ito maka¬ka¬takas ang nakapatay at doon siya maliligtas sa taga¬paghiganti ng dugo; hindi na siya mamamatay bago litisin sa harap ng pamayanan. 13 Kaya ibibigay ninyo ang anim na lunsod bilang takasang-lunsod: 14 tatlo sa kabilang ibayo ng Jordan at tatlo sa lupain ng Kanaan. 15 Sa anim na lunsod na ito makatatakbo ang mga Israelitang di sina¬sadyang nakapatay pati ang dayuhan at sinumang naninirahan sa piling ninyo.
16 Kung mamatay ang isang taong nasak¬tan dahil sa kagamitang bakal, mamamatay-tao ang nakasakit at dapat patayin. 17 Kung mamatay ang isang taong nasaktan dahil sa bato, mamamatay-tao ang nakasakit at dapat pata-yin. 18 Kung ma¬matay ang isang taong nasaktan dahil sa bagay na kahoy, mamamatay-tao ang nakasakit at dapat patayin. 19 Mapapatay ng tagapaghiganti ng dugo ang mamamatay-tao; mapapatay niya ito pagkakita niya rito.
20 Kung may nanulak ng kapwa dahil sa galit o sadyang nambato sa kanya, at pagkatapos ay namatay iyon 21 o kung may nakasakit ng kapwa sa suntok at mamatay iyon, mamamatay-tao siya na dapat patayin. At papatayin siya ng tagapaghiganti ng dugo pagkakita sa kanya.
22 Pero kung may di sinasadyang naka¬pag¬tulak sa kapwa at hindi dahil sa poot, 23 o naka¬pag¬hulog ng batong puwe¬deng makamatay ng kapwang hindi naman niya nakita, at mamatay iyon na hindi naman niya kaaway ni sinasad¬yang saktan: 24 haha¬tulan ng pamamayan ang nakamatay at ang tagapaghiganti ng dugo ayon sa mga tun¬tuning ito.
25 Ililigtas nila ang nakamatay sa kamay ng tagapaghiganti ng dugo, at pababalikin sa takasang-lunsod na kanyang pinagtaguan. Doon siya mananatili hanggang mamatay ang punong-paring pinahiran ng banal na langis. 26 Kung lalabas ang nakamatay sa hang¬¬¬ganan ng takasang-lunsod na pinag¬taguan niya, 27 at matagpuan siya ng taga¬paghiganti ng dugo at patayin, walang pana¬nagutan ang tagapaghiganti sa pag¬patay sa kanya. 28 Dapat manatili sa takasang-lunsod ang nakamatay hanggang ma¬matay ang punong-pari. Pagkamatay ng punong-pari makauuwi na sa sariling lupain ang naka¬matay.
29 Iiral ang mga kautusang ito sa lahat ng inyong salinlahi saanman kayo manirahan.
30 Sinumang pumatay ng tao ay papatayin pagkapatotoo ng mga saksi. Walang-bisa ang patotoo ng isang saksi lamang para maha¬tulan ng kamatayan ang sinuman.
31 Huwag kayong tatanggap ng pantubos sa buhay ng isang mamamatay-taong maha¬ha¬tulan ng kamatayan: papatayin siya. 32 Huwag kayong tatanggap ng pantubos para sa nagtatago sa takasang-lunsod para maka¬balik siya sa sariling lupain bago mama¬tay ang punong-pari. 33 Huwag ninyong salaulain ang lupang kinaroroonan ninyo. Sinalaula ng dugo ang lupa at hindi mapatawad ang lupang may dugong dumanak liban sa dugo ng nag¬pa¬danak nito. 34 Huwag ninyong dungisan ang lupang kinaroroonan ninyo, na kinaroroonan ko rin; ako nga si Yaweng nananahan sa piling ng mga anak ng Israel.”
Ang pamana ng babaeng may-asawa
36 1 At dumating ang mga pinuno ng mga sambahayan ng mga anak ni Galaad na anak ni Makir na anak ni Manases mula sa mga angkan ni Jose, at sinabi nila sa harap ni Moises at ng mga pinuno ng mga sambahayan ng Israel:
2 “Iniutos ni Yawe sa aking panginoon na ipamana mo ang lupain sa mga Israelita sa pagpapalabunutan; at iniutos din sa iyo, aking panginoon, na ibigay ang pamana ng aking kapatid na si Selophad sa mga anak niyang babae. 3 At kung may pakakasalan silang taga-ibang tribu ng Israel, maaalis ang kanilang mana sa tribu ng aming mga ninuno at madadagdag sa mana ng tribu ng kanilang asawa; kaya mababawasan ang pamanang natapat sa amin. 4 Sa taon ng Magandang Pahayag sa Israel, ang kanilang mana ay mapapasatribung kanilang pinakasalan at aalisin sa tribu ng aming mga ninuno.”
5 Kaya ito ang iniutos ni Moises sa mga anak ng Israel ayon sa utos ni Yawe: “Tama ang sinabi ng mga taga-Jose. 6 Ito ang iniuutos ni Yawe tungkol sa mga anak na babae ni Selophad: Pipiliin nila ang gusto nilang pakasalan, pero sa loob lamang ng tribu ng kanilang ama. 7 Kaya hindi masa¬salin ang mana ng isang tribu ng Israel sa iba pang tribu; nakatali ang bawat isa sa Israel sa pamana ng tribu ng kanilang mga ninuno.
8 Kaya sa tribu ng kanyang ama dapat pakasal ang anak na babaeng may pamana sa alin¬mang tribu ng Israel, upang ariin ng bawat Israelita ang pamana ng kanyang mga magu¬lang. 9 Walang pamanang magpapa¬salin-salin sa iba’t ibang tribu. Nakatali ang bawat tribu ng Israel sa pamana nito.”
10 Kaya ginawa ng mga anak na babae ni Selophad ang iniutos ni Yawe kay Moises. 11 Napakasal sina Mahla, Tirsa, Hogla, Milca at Noa na mga anak na babae ni Selophad sa mga pinsan nila sa kanilang ama. 12 Magiging mga maybahay sila sa angkan ng Manases na anak ni Jose; kaya napasatribu ng kani¬lang ama ang kanilang mana.
13 Ito ang mga utos at mga pagpapasyang iniutos ni Yawe sa pamamagitan ni Moises sa mga Israelita sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa tapat ng Jerico.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-30855237776845553732008-09-03T11:26:00.000-07:002008-09-03T11:37:34.541-07:00Leviticus (Levitico)Mga hain: ang susunuging handog

1 • 1 Tinawag ni Yawe si Moises, at kina¬ usap siya mula sa Toldang Tagpuan: 2 “Kausapin mo ang mga Israelita at sabihin sa kanila: Sa paghahain ninuman sa inyo ng alay na hayop kay Yawe, puwede itong galing sa bakahan o sa kawan.
3 Kung sa bakahan galing ang iaalay na susunuging handog, isang barakong walang kapintasan ang ihahain niya, at iaalay niya iyon sa may pintuan ng Toldang Tagpuan para maging kalugud-lugod kay Yawe. 4 Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng susunuging handog upang tanggapin ito ni Yawe para sa pagba¬bayad-sala. 5 Kaka¬tayin ang batang toro sa harap ni Yawe, at iaalay naman ng mga paring anak ni Aaron ang dugo sa pagbubuhos sa buong altar na nasa may pinto ng Toldang Tagpuan. 6 Baba¬latan ang susunuging handog at paghihiwa-hiwain. 7 Magsisindi naman ng apoy ang mga paring anak ni Aaron sa altar at lalagyan ng kahoy ang apoy. 8 At ipapa¬tong nila sa kahoy na nasa apoy sa altar ang mga piraso, pati na ang ulo at ang taba. 9 Huhugasan muna sa tubig ang mga laman-loob at mga pata, at saka susunuging lahat ng pari sa altar. Ito ang susunuging handog na kalugud-lugod kay Yawe ang amoy.
10 Kung galing naman sa kawan ang iaalay na susunuging handog, isang tupa o kam¬bing, isang barakong walang kapintasan ang ihahain niya. 11 Kakatayin ito sa harap ni Yawe sa gawing hilaga ng altar, at ibubuhos ng mga pari ang dugo sa buong paligid ng altar. 12 Paghihiwa-hiwain ito, at ilalagay ng pari ang mga ito pati ang ulo at ang taba sa ibabaw ng kahoy sa apoy sa altar. 13 Huhu¬gasan muna sa tubig ang mga laman-loob at mga pata, at saka iaalay ng pari ang lahat at susunugin sa altar. Ito ang susunu¬ging handog na kalugud-lugod kay Yawe ang amoy.
14 Kung galing naman sa mga ibon ang iaalay na susunuging handog kay Yawe, isang batubato o batang kalapati ang iaalay. 15 Dadalhin ito ng pari sa altar, hihilahin ang ulo at susunugin sa altar, at pipigain ang dugo sa tabi ng altar. 16 Aalisin niya ang butse at mga balahibo nito, at ihahagis sa lugar ng abo sa bandang silangan ng altar. 17 Bibi¬yakin ito sa may mga pakpak, ng di tuluyang pinaghihiwalay, at saka susunugin ng pari sa altar, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy. Ito ang susunuging handog na kalugud-lugod kay Yawe ang amoy.
Ang handog na butil
2 1 Kung may mag-aalay kay Yawe ng handog na butil, magandang klaseng ha¬rina ang kanyang ihahandog. Bubuhusan niya ito ng langis at lalagyan ng insenso. 2 Dadalhin ito sa mga paring anak ni Aaron. Kukunin ng pari ang isang dakot na harinang may langis at lahat ng insenso, at susunugin sa altar bilang alaala. Ito ang sinunog na handog na kalugud-lugod kay Yawe ang amoy.
3 Para kay Aaron at sa kanyang mga anak ang matitira sa handog na butil. Napakasagradong bahagi ito ng mga handog kay Yawe na pinadaan sa apoy.
4 Kung gusto mo namang mag-alay ng handog na hinurno, pinong harina ito dapat na ginawang tinapay na walang lebadura na minasa sa langis o mga maninipis na galyetas na walang lebadura na pinahiran ng langis.
5 Kung mag-aalay ka ng handog na inihanda sa parilya, pinong harina ito dapat na minasa sa langis at walang lebadura. 6 Pira-pirasuhin mo ito at buhusan ng langis: isa itong handog.
7 Kung mag-aalay ka ng handog na inihanda sa kawali, pinong harina ito dapat na may langis.
8 Dadalhin mo kay Yawe ang mga handog na ito at tatanggapin ng pari para dalhin sa altar. 9 Magbubukod ng bahagi ng handog ang pari bilang alaala at susunugin sa altar bilang handog na pinadaan sa apoy, amoy na kalugud-lugod kay Yawe. 10 Para kay Aaron naman at sa kan¬yang mga anak ang natitira sa handog. Napakasagradong bahagi ito ng handog kay Yawe na pinadaan sa apoy.
11 Kailangang walang lebadura ang lahat ng handog na dadalhin mo kay Yawe. Hindi ka magsusunog sa altar ng anumang lebadura o pulot-pukyutan para gumawa ng pag-aalay kay Yawe. 12 Maiaalay mo kay Yawe ang mga ito bilang mga unang bunga, pero hindi maihahandog sa altar bilang amoy na kalugud-lugod.
13 Titimplahan mo ng asin ang lahat ng han¬dog na iaalay. Hindi dapat mawala sa iyong handog ang asin ng pakikipagtipan sa iyong Diyos. Mag-aalay ka ng asin sa lahat mong handog.
14 Sa pag-aalay mo kay Yawe ng handog ng mga unang bunga, mga sariwang butil na binusa sa apoy at dinurog ang iaalay mo. 15 Lalagyan mo ito ng langis at insenso sa ibabaw: handog na butil ito. 16 Susunugin ng pari ang bahaging pang-alaala ng dinurog na butil at langis, pati na ang lahat ng insenso. Handog ito kay Yawe na pinadaan sa apoy.
Hain sa mabuting pagsasamahan
3 1 Sa pag-aalay ninuman ng hain sa ma¬buting pagsasamahan, at galing sa ba¬ka¬han ang iniaalay niya, lalaki o babae, isang hayop na walang kapintasan ang ihahandog niya kay Yawe. 2 Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng kanyang handog at kakatayin ito sa may pinto ng Toldang Tagpuan. Iwiwisik naman ng mga paring anak ni Aaron ang dugo sa paligid ng altar. 3 Kukuha siya mula sa haing ito sa mabuting pagsasamahan ng handog na pinadaan sa apoy kay Yawe: ang sebong na-kabalot sa mga laman-loob at lahat ng nasa ibabaw ng mga ito, 4 ang dalawang bato at ang sebong nakakabit dito at sa mga lomo. At isa¬sama niya sa mga bato ang balot ng atay na tatanggalin niya.
5 Susunugin ito ng mga anak ni Aaron sa altar sa ibabaw ng susunuging handog na nasa kahoy na may apoy, bilang handog na pinada¬an sa apoy, amoy na kalugud-lugod kay Yawe.
6 Kung galing naman sa kawan ang iniaalay niyang hain ng mabuting pagsa¬samahan kay Yawe, hayop na walang kapintasan ang kanyang iaalay, lalaki man o babae.
7 Kung may mag-aalay ng batang tupa, da¬dalhin niya ito sa harap ni Yawe. 8 Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng kanyang handog at kakatayin ito sa harapan ng Toldang Tag¬puan. At iwiwisik naman ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa paligid ng altar. 9 Mula sa haing ito ng mabuting pagsasamahan, mag¬dadala siya ng handog kay Yawe na pinadaan sa apoy: ang taba, ang buong buntot na aalisin hanggang buto sa likod, ang lahat ng tabang nakabalot sa laman-loob, o nakakabit sa mga ito, 10 at ang dalawang bato at ang tabang nakakabit dito at sa mga lomo, at ang balot ng atay na tatanggalin niya kasama ng mga bato. 11 Susunugin ng pari ang mga ito sa altar, bilang pagkain, isang handog na pinadaan sa apoy kay Yawe.
12 Kung may mag-aalay naman ng kambing, dadalhin ito sa harap ni Yawe. 13 Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo nito at kakatayin sa harap ng Toldang Tagpuan. At iwi¬wisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa paligid ng altar. 14 Gagawa siya mula sa haing ito ng handog na pinadaan sa apoy kay Yawe: ang lahat ng ta¬bang nakabalot sa mga laman-loob, o naka¬kabit sa mga ito, 15 at ang dalawang bato at ang tabang nakakabit dito at sa mga lomo, at ang balot ng atay na tatanggalin niya kasama ng mga bato. 16 Susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang pagkain, isang handog na pinadaan sa apoy na kalugud-lugod ang amoy.
17 Kay Yawe ang lahat ng taba. Isa itong ka¬utusang panghabampanahon sa mga sali’t salinlahi saan man kayo manirahan. Hindi kayo kakain ng taba o dugo.”
Hain para sa kasalanan
4 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita: Tungkol ito sa nagkasala nang di sinasadya at nakagawa ng ipinagba¬bawal sa mga utos ni Yawe. 3 Kung paring pina¬hiran ang nagkasala, at sa gayo’y nabahi¬ran din ang bayan, mag-aalay siya kay Yawe ng isang batang torong walang kapintasan bilang hain para sa kasalanang ginawa niya.
4 Dadalhin niya ang toro sa may pinto ng Toldang Tagpuan sa harap ni Yawe. Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo nito at kaka¬tayin sa harap ni Yawe. 5 Kukuha ng dugo ng toro ang paring pinahiran, at ipapasok ito sa Toldang Tagpuan. 6 Isa¬saw¬saw niya ang kanyang daliri sa dugo at pitong beses itong iwiwisik sa harap ni Yawe, sa tapat ng kurtina ng Santuwaryo. 7 At lalagyan naman ng pari ng kaunting dugo ang mga sungay ng altar ng mabangong insenso na nasa harap ni Yawe sa Toldang Tagpuan. Ibu¬bu¬hos niya ang matitirang dugo ng toro sa paanan ng altar ng mga susu¬nuging handog na nasa may pinto sa Toldang Tagpuan.
8 Aalisin niya ang lahat ng taba ng torong inihandog para sa kasalanan: ang tabang naka¬balot sa mga laman-loob o nakakabit sa mga ito, 9 at ang dalawang bato at lahat ng tabang nasa mga ito at sa mga lomo, at ang balot ng atay, na tatanggalin niya kasama ng mga bato, 10 gaya ng pagtatanggal ng taba ng bakang inialay bi¬¬lang hain sa mabuting pagsasamahan. At susu¬nugin ng pari ang mga ito sa altar ng sinu¬¬¬¬¬nog na handog.
11 Ngunit ang balat ng toro at lahat ng laman nito, pati na ang ulo, mga pata, mga bituka at dumi 12 – ang lahat ng natira sa toro ay ilalabas ng kampo sa isang lugar na malinis kung saan itinatapon ang abo at doon ito susunugin sa isang bunton ng kahoy na nasa abuhan.
13 Kung ang buong pamayanan naman ng Israel ang magkasala nang di sinasadya at ma¬kagawa ng anumang ipinagbabawal sa mga utos ni Yawe, kahit na di ito nama¬malayan ng pamayanan, may kasalanan pa rin sila. 14 Sa oras na malaman nila ang nagawa nilang pagkakasala, mag-aalay sila ng isang batang toro bilang hain para sa kasalanan na dadalhin nila sa harap ng Toldang Tagpuan.
15 Ipapatong ng Matatanda ng bayan ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro sa harap ni Yawe. At kakatayin ang toro sa harap ni Yawe. 16 Magdadala naman ng kaunting dugo niyon sa loob ng Toldang Tagpuan ang pa¬ring pina¬hiran. 17 Isasawsaw niya ang kan¬yang daliri sa dugo at pitong beses na iwi¬wisik sa tapat ng kurtina sa harap ni Yawe. 18 Lalagyan din niya ng dugo ang mga sungay ng altar ng maba¬ngong insenso na nasa harap ni Yawe sa Toldang Tagpuan. Ibu¬bu¬hos naman niya ang matitirang dugo sa paanan ng altar ng mga susunuging handog na nasa may pinto ng Toldang Tagpuan.
19 Tatanggalin niya ang lahat ng taba niyon at susunugin sa altar. 20 At gagawin niya sa torong ito ang ginawa niya sa toro ng hain para sa kasalanan. Sa ganito makapagbabayad-sala ang pari para sa kanila, at sila’y patatawarin. 21 Ilalabas nila ng kampo ang toro at susunugin gaya ng unang toro. Ito ang hain para sa kasalanan ng pamaya¬nan.
22 Kung isang pinuno naman ang magkasala nang di sinasadya at makagawa ng ipinagba¬bawal ng mga utos ni Yaweng kan¬yang Diyos, may kasalanan siya. 23 Kapag naituro sa kanya ang kasalanang nagawa niya, mag-aalay siya ng isang barakong kambing na walang kapin¬tasan. 24 Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng kambing, at kakatayin sa harap ni Yawe sa lugar na katayan ng mga susunuging handog. Hain ito para sa kasalanan. 25 At kukuha ng dugo ng hain para sa kasalanan ang pari sa kanyang daliri at lalagyan ang mga sungay ng altar ng mga sinunog na handog. Ibubuhos naman niya ang mati¬tirang dugo sa paanan ng altar.
26 Susunugin niya ang lahat ng taba sa altar gaya ng taba ng hain sa mabuting pagsasamahan. Sa ganito makapagba¬bayad-sala ang pari para sa kasalanan ng tao, at patatawarin iyon.
27 Kung may miyembro naman ng pamaya¬nan na magkasala nang di sina¬sadya at maka¬gawa ng ipinagbabawal ng mga utos ni Yawe, may kasalanan siya. 28 Kapag naituro sa kanya ang kasalanang kanyang nagawa, mag-aalay siya ng isang babaeng kambing na walang kapintasan bilang hain para sa kasalanan. 29 Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng hain para sa kasalanan, kakatayin ito sa lugar ng mga susunuging handog. 30 Kukuha ng dugo nito ang pari sa kanyang daliri at ilalagay sa mga sungay ng altar ng mga sinunog na handog. Ibubuhos naman niya ang natitirang dugo sa paanan ng altar. 31 Tatanggalin niya ang la¬hat ng taba, gaya ng pag-aalis ng taba sa hain para sa mabuting pagsasamahan, at susunugin ito ng pari sa altar bilang amoy na kalugud-lugod kay Yawe. Sa ganito maka-pagbabayad-sala ang pari para sa kanya, at siya’y patatawarin.
32 Kung batang tupa naman ang kanyang iaalay bilang hain para sa kasalanan, babaeng tupang walang kapintasan ang dadalhin niya. 33 Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo nito, kakatayin bilang hain para sa kasalanan sa lugar na katayan ng mga susunuging handog. 34 Kukuha sa dugo nito ang pari sa kanyang daliri at ilalagay sa mga sungay ng altar ng mga sinunog na handog. Ibubuhos naman ng pari sa paanan ng altar ang matitirang dugo. 35 Tatanggalin niya ang lahat ng taba, gaya ng pag-aalis niya ng taba sa batang tupang hain sa mabuting pagsa¬samahan. Susunugin ito ng pari sa altar sa ibabaw ng iba pang mga handog na pinadaan sa apoy kay Yawe. Sa ganito ma¬kapag¬babayad-sala ang pari para sa kasala¬nan ng tao, at siya’y patatawarin.
Mga paghahandog para sa iba’t ibang kasalanan
5 1 Kung may taong puwedeng tumestigo hinggil sa anumang krimeng nasak¬sihan niya o nalaman, ngunit ayaw namang magsa¬lita laban sa may kasalanan, sa kabila ng pag¬karinig sa mga salita ng sumpa, pa¬nanagutan niya ang kasalanan nito.
2 Kung may makahipo ng anumang di-mali¬nis – maging bangkay man ng di-malinis na mabangis na hayop o ng di-malinis na alagang hayop o ng di-malinis na guma¬gapang na ha¬yop, kahit na di niya ito namamalayan, naging di-malinis din siya at maysala. 3 Kung makahipo siya ng anumang dumi ng tao – anumang mag¬papaging di-malinis sa kanya, kahit na di niya ito namamalayan, may kasalanan siya sa san¬daling malaman niya ito.
4 Kung may padalus-dalos na manumpa o makapagbitiw ng isang panatang wala namang saysay, mabuti man o masama – kahit na di niya ito namamalayan, may kasalanan siya sa sandaling malaman niya ito.
5 Kailangang aminin muna ng nagkasala sa alinman sa mga ito ang kanyang kasalanan, 6 at bilang multa sa kasalanang kanyang nagawa, magdadala siya kay Yawe ng isang dumalagang tupa o kambing na galing sa kawan. At magbabayad-sala ang pari para sa kanya at sa kanyang kasalanan.
7 Kung hindi naman niya kaya ang isang batang tupa, dalawang batubato o dalawang batang kalapati ang dadalhin niya kay Yawe bilang multa sa kanyang kasalanan, ang isa bilang hain para sa kasalanan at ang isa pa bilang susunuging handog. 8 Dadalhin niya ang mga ito sa pari at una niyang iaalay ang hain para sa kasalanan. Pipilipitin niya ang ulo nito hanggang sa mga pakpak, ngunit nakakabit pa rin sa leeg at di lubos na puputulin. 9 At wiwisikan niya ng dugo nito ang dingding ng altar, at pa¬tu¬tuluin niya ang natitira pang dugo sa paanan ng altar. Hain ito para sa kasalanan.10 At saka susunugin ang isa pang ibon bilang sinunog na handog gaya ng dating ginagawa. Ganito maka¬pagbabayad-sala ang pari para sa kasa¬lanang ginawa ng tao, at siya’y pata¬tawarin.
11 Kung mayroon namang di kaya ang dalawang batubato o dalawang batang kalapati, ikapung efa ng pinong harina ang iaalay niya bilang hain para sa kasalanan. Hindi niya ito lalagyan ng langis o insenso, dahil hain ito para sa kasalanan. 12 Dadalhin niya ito sa pari, na kukuha ng isang dakot nito bilang pang-alaala, at susunugin sa altar, sa ibabaw ng mga handog na pinadaan sa apoy kay Yawe. Hain ito para sa kasalanan. 13 Ganito makapagbabayad-sala ang pari para sa tao para sa alinmang kasa-lanang nagawa niya, at siya’y patatawarin. Para naman sa pari ang matitira sa handog, gaya ng sa mga handog na butil.”
14 Sinabi ni Yawe kay Moises: 15 “Kung may mandaya kay Yawe nang di-sinasadya, sa di pagbibigay sa lahat ng dapat ibukod para kay Yawe, at sa gayo’y magkasala, dadalhin niya kay Yawe ang hain para sa utang, isang bara¬kong tupang walang kapintasan mula sa kawan, na pepresyuhan mo ayon sa halaga ng shekel ng pilak, sa timbangan ng Santuwaryo. 16 Pagba-bayaran din ng taong ito ang kinanya niya, at ibibigay ito sa pari, na dadagdagan pa niya ng ikalimang bahagi. At magbabayad-sala ang pari para sa kanya sa pag-aalay ng barakong tupa bilang hain para sa utang, at siya’y patatawarin.
17 Kung may tao namang magkasala at ma¬kagawa ng ipinagbabawal sa mga utos ni Yawe, kahit na di niya ito namamalayan, may kasalanan siya at kailangang managot. 18 Mag¬dadala siya sa pari ng hain para sa utang: isang ba¬rakong tupang walang kapintasan na galing sa kawan, at may tamang halaga. Ganito ma¬ka¬pagbabayad-sala ang pari para sa kanya para sa salang nagawa niya nang di-sinasadya, at siya’y patatawarin. 19 Hain ito para sa utang; may utang nga siya sa paningin ni Yawe.”
Mga handog para sa mga sinadyang kasalanan
20 Sinabi ni Yawe kay Moises: 21 “Kung may magkasala at magtaksil kay Yawe sa pandaraya sa kanyang kapwa tungkol sa anumang ipi¬nagkatiwala o inihabilin sa kanya, o inagaw, o sina¬mantala, o ipinag¬sinungaling, 22 o ma¬numpa nang di totoo tungkol sa bagay na na¬wala para ipaglihim ito, o gumawa ng anuman na madalas ipinagkakasala ng mga tao, 23 dahil nagka¬sala siya at may pananagutan, kaila¬ngang isauli niya ang kanyang ninakaw o ina¬gaw o inangkin sa inihabilin sa kanya o sa nawalang bagay na nakita niya, 24 o anumang sinum¬paan niya nang di totoo. Babayaran niya iyon nang buung-buo at dadagdagan pa niya ng ikalimang bahagi, at isasauling lahat sa may-ari sa araw na ialay niya ang kanyang hain para sa utang.
25 Dadalhin niya kay Yawe ang kanyang hain para sa utang: isang barakong tupang walang kapintasan mula sa kawan at kasinghalaga ng pagkakautang. At ibibigay niya ito sa pari, 26 na siyang magbabayad-sala para sa kanya sa ha¬rap ni Yawe, at patatawarin siya sa anumang pagkaka-salang nagawa niya.”
Mga batas tungkol sa mga handog
6 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Ipag-utos mo ito kay Aaron at sa kanyang mga anak: Ito ang seremonya para sa mga susunu¬ging handog. Magdamag na mana¬natili sa altar ang sinunog na handog; at tutupukin ito ng apoy sa altar hanggang umaga.
3 Isusuot ng pari ang kanyang damit na linen pati ang kanyang karsonsilyong linen, at aalisin niya ang abo ng sinunog na handog na tinupok ng apoy sa altar, at ilalagay sa tabi ng altar. 4 At saka niya huhubarin ang mga isinuot niya, at magbibihis ng iba at dadalhin ang abo sa labas ng kampo at itatapon sa isang malinis na lugar.
5 Laging papagningasin ang apoy sa altar, at di dapat mamatay. Gagatungan ito ng pari tu¬wing umaga at ilalagay ang susunuging handog at ang taba ng mga hain sa mabuting pag¬sa¬samahan. 6 Ito ang apoy na laging magni¬ningas at hindi dapat mamatay sa altar.
7 Ito naman ang seremonya sa mga handog na butil. Iaalay ito ng mga anak ni Aaron sa harap ni Yawe sa harap ng altar. 8 Mula sa handog ay kukuha ang pari ng isang dakot na harinang may langis at lahat ng insensong nasa ibabaw nito. At susunugin niya ito sa altar bilang pag-alaala sa isang amoy na kalugud-lugod kay Yawe. 9 Kakanin ni Aaron at ng kanyang mga anak ang matitira; ngunit kakanin iyon nang walang lebadura sa isang banal na lugar: sa patyo ng Toldang Tagpuan. 10 Hindi ito lulutuin nang may lebadura; ito ang bahaging ibinibigay ko sa kanila mula sa mga pinadaan sa apoy na handog sa akin. Napakasagrado nito, tulad ng hain para sa kasalanan at hain para sa utang. 11 Ang mga lalaking inapo ni Aaron ang sila lamang makakakain nito. Panghabam¬pa¬na-hong karapatan na mapasa¬kanila ang bahaging ito ng mga handog na pinadaan sa apoy para kay Yawe. Magiging banal din ang anumang mapadikit sa mga banal na bagay na iyon.”
12 Sinabi ni Yawe kay Moises: 13 “Ito ang han¬dog na iaalay ni Aaron at ng kanyang mga anak kay Yawe sa araw na siya’y pahiran: ika¬pung efa ng pinong harina bilang karani¬wang handog na butil, kalahati nito sa umaga at kalahati sa hapon. 14 Iprito ito sa langis sa isang kawali, at ialay na pira-piraso habang mainit pa bilang amoy na kalugud-lugod kay Yawe. 15 Ganito rin ang gagawin ng anak na hahalili sa kanya bilang paring pinahiran. Panghabam¬panahong sere¬mon¬ya ito para kay Yawe: susunuging lahat sa altar ang handog na ito 16 kayat dapat lubos na matupok ang lahat ng handog ng mga pari, at walang kakanin sa mga ito.”
17 Sinabi ni Yawe kay Moises: 18 “Sasa¬bihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak: Ito ang batas para sa mga hain para sa kasa¬lanan. Kakatayin ito sa harap ni Yawe, sa mismong lugar na katayan ng susunuging handog. Napakasagradong bagay ito. 19 Kakainin ito sa banal na lugar, sa may pinto ng Toldang Tag¬puan, ng paring nag-aalay ng handog. 20 Magi¬ging banal ang anumang madikit sa mga karneng inihandog. Kung may damit na mati¬lamsikan ng dugo, lalab¬han ito sa banal na lu¬gar. 21 Dapat basa¬gin ang palayok na pinag¬lu¬tuan ng karne, at kung tansong kaldero naman ang pinag¬lutuan nito, kakaskasin ito at huhu¬gasan sa tubig. 22 Makakakain nito ang lahat ng lalaki sa angkan ng mga pari. Napakasagrado nito. 23 Ngunit di dapat kainin ang anumang ha¬in para sa kasalanan na ang dugo ay ipina¬sok sa Toldang Tagpuan para magbayad-sala sa Santuwaryo. Kailangan itong sunugin sa apoy.
Ang handog sa pagbabayad-sala
7 1 Ito ang batas para sa paghahandog ng hain para sa utang. Napakasagrado nito. 2 Kakatayin ang hain para sa utang sa mismong lugar na katayan ng susunuging handog. Ibu¬buhos ang dugo nito sa paligid ng altar. 3 Iaalay naman ang lahat ng taba nito: ang buntot, ang tabang na-kabalot sa mga laman-loob, 4 ang dalawang bato at ang sebong naka¬kabit dito at sa mga lomo, at ang balot ng atay na tatangga¬ling kasama ng mga bato.
5 Susunugin ng pari ang lahat ng ito sa altar bilang handog na pinadaan sa apoy para kay Yawe. Ito ang hain para sa utang. 6 Makakakain nito ang lahat ng lalaki sa angkan ng mga pari. Kakainin ito sa isang banal na lugar dahil napakasagrado nito.
7 Kung paano iniaalay ang hain para sa kasalanan, gayon din ihahain ang hain para sa utang: iisa lamang ang seremonya. Para sa pari ito na siyang nagbabayad-sala sa pamamagitan nito. 8 At kung nag-aalay ang pari sa susunu¬ging handog, para rin sa kanya ang balat nito.
9 Para sa paring nag-aalay ang lahat ng handog na harina na hinurno o niluto sa kawali, 10 at hahatiin naman nang pantay-pantay para sa lahat ng anak ni Aaron ang lahat ng handog, tuyo man o minasa sa langis.
Ang hain sa mabuting pagsasamahan
11 Ito ang seremonya para sa hain sa ma¬buting pagsasamahan na iniaalay kay Yawe. 12 Kung may mag-aalay nito bilang pasasalamat, sasamahan ito ng mga tinapay na walang lebadura na minasa sa langis, biskwit na wa¬lang lebadura at pinahiran ng langis, at mga keyk ng pinong harina na minasa nang mabuti sa langis.
13 Bukod sa hayop na kinatay bilang pasa¬salamat na hain sa mabuting pagsasamahan, mag-aalay rin siya ng mga tinapay na may lebadura. 14 Iaalay ang isa sa mga ito kay Yawe bilang kontribusyon at para ito sa paring magbubuhos ng dugo ng hain sa mabuting pagsa¬samahan. 15 Kakainin sa araw ring iyon ng pag-aalay ang karne ng hain sa mabuting pagsasamahan, walang ititira rito hanggang kinauma¬gahan.
16 Kung bilang pagtupad ng panata ang handog, o kaya’y kusang-loob na pag-aalay, kakanin ito sa mismong araw ng pag-aalay, at makakain naman kinabukasan ang mati¬tira rito. 17 Ngunit susunugin sa apoy ang anumang matira sa ikatlong araw. 18 Kung may kumain ng karne ng hain sa mabuting pagsasamahan sa ikatlong araw, mababale-wala ang kanyang pag¬hahandog, ni walang mapapakinabangan ang nag-aalay. Ito’y magiging bagay na di-malinis at mananagot ang kakain nito.
19 Kung mapadikit naman ang karneng ito sa bagay na di-malinis, hindi na iyon maka¬kain kundi susunugin sa apoy. Maka¬kakain ng karneng ito ang sinumang malinis. 20 Ngunit kung may di-malinis na kumain ng karne ng hain sa mabuting pagsasamahan na naialay na kay Yawe, hindi na mabubuhay pa ang taong iyon sa kanyang bayan. 21 At kung may makahipo naman ng bagay na di-malinis, dumi man ng tao o hayop o anu¬mang di-malinis na kasuklam-suklam na bagay, at kumain pa rin ng karne ng hain sa mabuting pagsa¬samahan na inialay kay Yawe, hindi na mabubuhay ang taong iyon sa kanyang bayan.”
22 Sinabi ni Yawe kay Moises: 23 “Sabihin mo sa mga Israelita: Huwag kayong kakain ng taba ng baka o tupa o kambing. 24 Maga¬gamit para sa anuman ang taba ng hayop na namatay o nilapa ng mabangis na hayop pero huwag n’yong ka¬kanin ito. 25 Hindi na mabubuhay sa kanyang bayan ang sinu¬mang kumain ng taba ng hayop na kara¬niwang iniaalay na handog na pinadaan sa apoy para kay Yawe.
26 At saan man kayo manirahan, huwag din kayong kakain ng anumang dugo, ng ibon man o ng hayop. 27 Hindi na mabubuhay sa kanyang bayan ang sinumang kumain ng dugo.”
28 Sinabi ni Yawe kay Moises: 29 “Sabihin mo sa mga Israelita: Personal na dadalhin ng mag-aalay ng hain sa mabuting pagsa¬samahan kay Yawe ang bahaging iaalay niya. 30 Dadalhin niya ang handog na pinadaan sa apoy para kay Yawe – ang taba at ang dibdib – at ihahandog na paindayog sa harap ni Yawe. 31 Susunugin ng pari ang taba sa altar, pero para kay Aaron at sa kanyang mga anak ang dibdib. 32 Ibibigay n’yo naman sa pari ang kanang hita bilang kaparte niya sa inyong hain sa mabuting pag¬sasa-mahan. 33 Para ito sa anak ni Aaron na nag-aalay ng dugo at taba ng hain sa mabuting pagsa¬samahan.
34 Kinuha ko sa hain sa mabuting pagsa¬sa¬mahan ng mga Israelita ang dibdib na ini¬indayog at ang hitang ibinukod, para ibigay ang mga ito sa paring si Aaron at sa kanyang mga anak. Ibibigay ito sa kanila ng mga anak ng Israel bilang panghabam¬panahong kautusan.”
35 Ito ang bahagi ni Aaron at ng kanyang mga anak sa mga handog na pinadaan sa apoy para kay Yawe mula sa araw na iharap sila para maglingkod bilang pari ni Yawe. 36 Sa araw na pahiran sila, ito ang iniutos ni Yawe na ibigay sa kanila ng mga Israelita. Isa itong kautusang panghabampanahon sa mga sali’t salinlahi.
37 Ito ang seremonya sa susunuging handog, handog na butil, hain para sa kasa¬lanan, hain para sa utang, at hain sa mabu¬ting pagsa¬sa¬mahan. 38 Ito ang iniutos ni Yawe kay Moises sa bundok ng Sinai nang utusan nito ang mga Israelita sa ilang ng Sinai na magdala ng kani¬lang handog kay Yawe.
Ang pagtatalaga sa mga pari
8 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Isama mo si Aaron at ang kanyang mga anak, pati ang mga damit, ang langis na pamahid, ang torong hain para sa kasalanan, ang dalawang tupang lalaki, at ang basket ng mga tinapay na walang lebadura. 3 At ipunin mo ang buong sambaya¬nan sa may pintuan ng Toldang Tag¬puan.”
4 Ginawa nga ni Moises ang iniutos ni Yawe, at nagkatipon ang sambayanan sa may pintuan ng Toldang Tagpuan. 5 Sinabi ni Moises sa samba¬yanan: “Ito ang ipinaga¬gawa sa inyo ni Yawe.”
6 Pinalapit ni Moises si Aaron at ang mga anak nito at hinugasan sila ng tubig.
7 Binihisan niya ng tunika si Aaron, at itinali ito ng sinturon. At saka ito sinuutan ng balabal at ipinatong dito ang isa pang tunika na tinatawag na efod na itinali naman ng sinturon ng efod. 8 At isinuot sa kanya ang eskapularyong tinatawag na pektoral na kinalalagyan ng Urim at Tum¬mim. 9 Saka niya isinuot sa ulo nito ang tur¬ban, at inilagay ang manipis na ginto sa harap nito: ito ang banal na koronang iniutos ni Yawe kay Moises.
10 Kinuha ni Moises ang langis na pama¬hid, at pinahiran ang Tirahan ni Yawe, at itinalaga ito at lahat ng naroroon. 11 Pitong beses niyang wini-si¬kan ng langis ang altar, at pinahiran ito at lahat ng kagamitan, at ang planggana at patungan nito para italaga ang mga ito. 12 At binuhusan niya ng langis ang ulo ni Aaron at pina¬hiran para italaga.
13 Pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron, binihisan sila ng mga tunika at tinalian ng sin¬turon, at isinuot ang saklob sa kanilang mga ulo, gaya ng iniutos sa kanya ni Yawe.
14 Pagkatapos ay ipinadala niya ang torong hain para sa kasalanan. At ipinatong naman ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo nito. 15 Kinatay ito ni Moises. Isinawsaw niya ang kanyang mga daliri sa dugo at pinahiran nito ang mga sungay ng altar para linisin ang altar. At saka niya ibinuhos ang dugo sa paanan ng altar, sa ganito niya itinalaga iyon sa pagsasagawa ng seremonya ng pagba¬ba¬yad-sala.
16 Kinuha ni Moises ang lahat ng tabang nakabalot sa mga laman-loob, at ang balot ng atay, at ang dalawang bato at ang taba nito, at sinunog ang mga ito sa altar. 17 Ngunit sa labas naman ng kampo sinunog ang toro at ang balat nito, ang karne at mga dumi, gaya ng iniutos sa kanya ni Yawe.
18 At ipinadala niya ang barakong tupa bilang susunuging handog, at ipinatong naman ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo nito. 19 Kinatay ito ni Moises, at ibinuhos ang dugo sa lahat ng tabi ng altar. 20 Hiniwa-hiwa niya ang bara¬kong tupa, sinu¬nog ang ulo, ang mga piraso, at ang taba. 21 Hinu¬gasan niya ang mga laman-loob at ang mga paa, at sinunog ang buong tupa sa altar. Ito ang sinunog na handog na may amoy na kalugud-lugod para kay Yawe, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
22 At saka niya ipinadala ang ikalawang barakong tupa, ang tupang para sa pagtatalaga at ipinatong ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo nito. 23 Kinatay ito ni Moises, kumuha siya ng kaun¬ting dugo nito, at pinahiran ang dulo ng kanang tainga ni Aaron, ang hinlalaki ng kanyang kanang kamay at ng kanang paa. 24 Pinalapit din ni Moises ang mga anak ni Aaron, at nilagyan din ng dugo ang dulo ng kanilang mga kanang tainga, ang mga hinlalaki ng kanilang mga kanang kamay at mga kanang paa. At ibinuhos niya ang natitirang dugo sa paligid ng altar. 25 Kinuha niya ang taba, ang buntot at lahat ng tabang nakabalot sa mga laman-loob, ang balot ng atay at ang dalawang bato at taba nito, at ang kanang hita.
26 At mula sa basket ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ni Yawe, kumuha siya ng isang tinapay na minasa sa langis, at isang biskwit. Inilagay niya ang mga ito sa ibabaw ng mga taba at ng kanang hita. 27 At saka niya inilagay ang mga ito sa mga kamay ni Aaron at ng kanyang mga anak, at ipinaindayog upang paindayog na ihandog kay Yawe. 28 At pagka¬tanggap dito ni Moises, sinunog niya ang mga ito sa altar, sa ibabaw ng susunuging handog. Ito ang handog sa pagtatalaga na may amoy na kalugud-lugod, handog na pinadaan sa apoy para kay Yawe. 29 At saka kinuha ni Moises ang dibdib at paindayog na inihandog sa harap ni Yawe. Ito ang parte ni Moises sa tupa ng pagtatalaga, gaya ng iniutos ni Yawe sa kanya.
30 Pagkakuha ni Moises sa langis na pamahid at sa dugong nasa ibabaw ng altar, winisikan niya si Aaron at ang mga suot nito, pati ang kanyang mga anak at ang mga damit ng mga ito upang italaga.
31 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa mga anak nito: “Iihaw ninyo ang karne sa may pintuan ng Toldang Tagpuan, at doon ninyo ito kanin, pati na ang tinapay na galing sa basket ng mga handog sa pagtatalaga, gaya ng iniutos ko sa pagsasabing: Kakanin iyon ni Aaron at ng kanyang mga anak. 32 Susu¬nugin naman ang matitirang karne at tina¬pay. 33 Huwag kayong aalis sa may pintuan ng Toldang Tagpuan sa loob ng pitong araw, hanggang sa makumpleto ang mga araw ng inyong pagtatalaga; sapagkat tatagal nang pitong araw ang inyong pagta¬talaga. 34 Iniutos ni Yawe ang ginawa ngayong araw na ito upang magbayad-sala para sa inyo. 35 Kaya pitong araw kayong mananatili sa may pintuan ng Toldang Tagpuan araw-gabi at gawin ang hinihingi ni Yawe upang di mamatay, sapagkat ito ang iniutos sa akin.” 36 Kaya ginawa ni Aaron at ng kanyang mga anak ang lahat ng iniutos ni Yawe kay Moises.
Sinimulan ng mga pari ang kanilang paglilingkod
9 1 Sa ikawalong araw, tinawag ni Moises si Aaron at ang kanyang mga anak at ang matatanda ng Israel. 2 Sinabi niya kay Aaron: “Kumuha ka ng isang guyang toro bilang hain mo para sa kasalanan at ng isang barakong tupa bilang susunuging handog mo, na kapwa walang kapintasan, at ialay ang mga ito kay Yawe. 3 At sabihin mo sa mga Israelita: Kumuha ng isang barakong kambing na hain para sa kasalanan, ng isang guya at isang batang tupa na tig-isang taon at kapwa walang kapintasan bilang susunuging handog, 4 at ng isang baka at isang barakong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan para katayin at ialay sa harap ni Yawe, kasa¬ma ng handog na butil na minasa sa langis sapagkat magpapakita si Yawe nga-yon.”
5 Kaya dinala nila sa harap ng Tolda ang ini¬¬utos ni Moises. Lumapit ang buong sam¬ba¬yanan at tumayo sa harap ni Yawe. 6 Sinabi ni Moises: “Ito ang ipinagagawa sa inyo ni Yawe para magpakita sa inyo ang Luwalhati ni Yawe.”
7 At sinabi naman ni Moises kay Aaron: “Lumapit ka sa altar, at ialay ang hain mo para sa kasalanan at ang iyong susunuging handog at magbayad-sala para sa iyong sarili at sa iyong angkan. Ialay mo rin ang handog ng bayan at magbayad-sala para sa kanila, gaya ng iniutos ni Yawe.
8 Kaya lumapit sa altar si Aaron, kinatay ang guya bilang hain para sa kasalanan. 9 Dinala sa kanya ng kanyang mga anak ang dugo, at isinawsaw naman niya ang kanyang daliri sa dugo at nilagyan nito ang mga sungay ng altar, at saka niya ibinuhos ang natitirang dugo sa paanan ng altar. 10 Sinu¬nog niya sa ibabaw ng altar ang taba, ang mga bato, at ang balot ng atay na tinanggal niya sa hain para sa kasa¬lanan, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises; 11 at sinunog naman ang karne at balat sa labas ng kampo.
12 At kinatay niya ang susunuging han¬dog. Dinala sa kanya ng kanyang mga anak ang dugo na ibinuhos naman niya sa paligid ng altar. 13 Iniabot nila sa kanya ang pira-pirasong bahagi ng susunuging handog pati ang ulo, at sinunog naman niya ang mga ito sa ibabaw ng altar. 14 Hinugasan niya ang mga laman-loob at ang mga paa, at sinunog ang mga ito sa ibabaw ng susunuging handog sa altar.
15 At inialay ni Aaron ang handog ng bayan. Kinuha niya ang barakong kambing bilang hain para sa kasalanan ng bayan. Kinatay niya ito gaya ng una at nagbayad-sala. 16 Inialay niya ang susunuging handog ayon sa takdang sere¬monya. 17 Iniharap din niya ang handog na butil at kumuha ng isang dakot nito at sinunog sa altar, bukod pa sa pang-umagang sinunog na handog.
18 Kinatay niya ang baka at ang barakong tupa bilang hain sa mabuting pagsasamahan para sa bayan. Dinala sa kanya ng kanyang mga anak ang dugo, at winisikan niya nito ang buong paligid ng altar. 19 Ang mga taba naman ng baka at ng barakong tupa – ang buntot, ang tabang nakabalot sa mga laman-loob, ang dalawang bato at ang tabang nasa mga ito, at ang balot ng atay 20 – ipinatong nila ang mga ito sa mga dibdib at sinunog sa altar. 21Iniindayog ni Aaron ang mga dibdib at kanang hita sa harap ni Yawe, bilang handog na inindayog, ayon sa utos ni Moises.
22 At iniunat ni Aaron ang kanyang mga kamay sa bayan at binasbasan sila. At bumaba siya matapos ialay ang hain para sa kasalanan, ang susunuging handog at ang hain sa mabuting pagsasamahan. 23 At saka pumasok sa Toldang Tagpuan sina Moises at Aaron. At paglabas nila’y binasbasan nila ang bayan.
Noon napakita sa buong bayan ang Luwalhati ni Yawe. 24 May apoy na lumabas sa harap ni Yawe at tinupok ang susunuging handog at ang mga taba sa altar. Nang makita iyon ng buong bayan, sumigaw sila sa tuwa at nagpatirapa sa lupa.
Ang istorya nina Nadab at Abihu
10 • 1 Kinuha nina Nadab at Aaron na mga anak ni Aaron ang kanya-kanyang insensaryo, nilagyan ng apoy ang mga ito at naglagay ng insenso, at inialay ito kay Yawe – ngunit hindi iyon ang wastong apoy na iniutos niya. 2 Kaya lumabas ang apoy mula sa harap ni Yawe at tinupok sila hanggang mamatay sa ha¬rap ni Yawe. 3 At sinabi ni Moises kay Aaron: “Iyan ang ibig sabihin ni Yawe nang sabihin niya –
Ipakikita ko ang aking kabanalan sa pamamagitan ng mga lumalapit sa akin at ipakikita ko sa harap ng buong bayan ang aking luwalhati.” At hindi umimik si Aaron.
4 Tinawag ni Moises sina Misael at Elisafam na mga anak ni Oziel na tiyuhin ni Aaron, at sinabi: “Halikayo rito, kunin ang mga bangkay ng inyong mga pinsan, at alisin sa santuwaryo, at dalhin sa labas ng kampo.” 5 Lumapit sila at dinala sa labas ng kampo ang mga ito na naka-damit pa rin, tulad ng iniutos ni Moises.
6 Sinabi ni Moises kay Aaron at sa kanyang mga anak na sina Eleazar at Itamar: “Huwag ninyong pababayaang hindi suklay ang inyong buhok at huwag wawarakin ang inyong mga damit para ipakitang nagluluksa kayo, kung hindi’y mamamatay kayo at kakalat ang kaparusahan sa buong pama-yanan. Ipagluluksa ng buong bayan ng Israel ang kamatayan ng inyong mga kapatid na namatay sa apoy ni Yawe. 7 Ngunit huwag kayong aalis sa pintuan ng Toldang Tag¬puan, kung hindi’y mamamatay kayo, sapagkat nasa inyo ang langis ng pagtatalaga ni Yawe.” At sinunod nila si Moises.
8 Kinausap ni Yawe si Aaron, sinabi niya: 9 “Bago ka pumasok sa Toldang Tagpuan, ikaw at ang iyong mga anak ay hindi iinom ng alak o anumang matapang na inumin, kung hindi’y mamamatay kayo. Ito’y isang kautusang pang¬habampanahon para sa lahat ng iyong inapo, 10 upang makilala ninyo kung alin ang para sa Diyos at kung alin ang pangkaraniwang gamit, kung alin ang di-malinis at kung alin ang ma¬linis. 11 Sapagkat dapat ninyong ituro sa mga anak ng Israel ang lahat ng kautusang ibinigay ni Yawe sa kanila sa pamamagitan ni Moises.”
12 Sinabi ni Moises kay Aaron at sa dala¬wang nalalabi niyang anak na sina Eleazar at Itamar: “Kunin ninyo ang alay na butil na natira sa si-nunog na handog kay Yawe, at kanin ninyo iyon nang walang lebadura sa tabi ng altar, sapag¬kat napaka¬banal niyon. 13 Kanin ninyo iyon sa isang lugar na banal sapagkat iyon ang karapatan mo at ng iyong mga anak sa sinunog na han¬dog kay Yawe. Ito ang iniutos sa akin ni Yawe.
14 Ang dibdib na paindayog na inihandog at ang hulihang pata na itinabi ay kakanin ninyo sa isang malinis na lugar, ikaw at ang iyong mga anak na lalaki at babae; ito ang kaparte mo at ng iyong mga anak sa hain ng mga anak ng Israel para sa mabuting pagsasamahan.
15 Ang hulihang pata na itinabi at ang dibdib na paindayog na inihandog pati ang tabang susunugin ay para sa iyo at sa iyong mga anak magpakailanman, pagkatapos na maihandog nang paindayog ang mga ito kay Yawe, sapagkat iniutos ito ni Yawe.”
16 Nag-usisa naman si Moises tungkol sa barakong kambing para sa kasalanan, pero nasunog na pala iyon. Nagalit siya kina Eleazar at Itamar, ang nalalabing mga anak ni Aaron. 17 Itinanong niya: “Bakit hindi ninyo kinain ang kambing na ito sa isang lugar na banal? Sapagkat napakabanal ng bagay na ito na ibinigay sa inyo para pasanin at alisin ang pagkakasala ng pamayanan. 18 Dahil hindi ipinasok sa santuwaryo ang dugo niyon, doon din ninyo da¬pat kinain ang karne niyon, tulad ng iniutos ko.”
19 Sinabi ni Aaron kay Moises: “Inialay na nila ang kanilang hain para sa kasalanan at ang sinunog na handog sa harap ni Yawe sa araw na ito ng pagluluksa. Mamabutihin kaya ni Yawe kung kinain ko ang karne ng kambing na inialay sa araw na ito bilang hain para sa kasa¬lanan?” 20 At nasiyahan si Moises nang marinig niya ito.
Mga hayop na “malinis” at “di-malinis”
11 • 1 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: 2 “Sabihin n’yo sa mga Israelita: Sa lahat ng hayop sa lupa, ito lamang ang maka¬kain ninyo: 3 ang lahat ng may kuko at biyak ang mga paa at ngumunguya. 4 Ngunit hindi ninyo ma¬kakain ang alinman sa mga ngumunguya la¬mang o may mga kuko lamang at biyak na paa. Ngumunguya nga ang kamelyo pero wala naman itong biyak na paa kaya ito’y di-malinis para sa inyo. 5 Ngu¬munguya rin ang kuneho pero wala namang biyak na mga paa, kaya ito’y di-malinis para sa inyo. 6 Gayon din ang kunehong-bundok. 7 At ang baboy na may biyak nga ang mga paa pero hindi naman ngumu¬nguya; di-malinis ito para sa inyo. 8 Huwag nin¬yong kanin ang karne ng mga ito ni hipuin ang patay na katawan ng mga ito: di-malinis ang mga ito para sa inyo.
9 Ito naman ang makakain ninyo sa lahat ng hayop na nasa tubig: lahat ng may mga palikpik at kaliskis sa mga nasa tubig, sa dagat man o sa ilog, ay makakain ninyo. 10 Ngunit kasuklaman ninyo ang lahat ng gumagapang o nabu¬buhay sa dagat o sa ilog na walang mga palikpik at mga kaliskis. 11 Kasuklam-suklam ang mga ito para sa inyo kaya huwag ninyong kakanin ang karne ng mga ito, at kasuklaman ang mga patay na katawan ng mga ito.
12 Di-malinis para sa inyo ang lahat ng kinapal na nasa tubig, at walang mga palikpik at mga kaliskis.
13 Ito ang mga ibong kasusuklaman ninyo, at hindi makakain sa pagiging di-malinis: agila, buwitre, buwitreng negro, agilang dagat, 14 lawin at iba’t ibang uri ng falcon, 15 iba’t ibang klase ng mga uwak, 16 ostrits, kuwagong higante, ibong-dagat, at lahat ng klase ng lawin, 17 kuwa¬gong liit, kuwagong taingahan at kuwagong kamalig, 18 pelikan, buwitreng Ehipto, 19 istork, iba’t ibang klase ng tagak, paniki at kabag.
20 Magiging kasuklam-suklam para sa inyo ang lahat ng kulisap na lumilipad at lumalakad sa apat na paa. 21 Pero may ilang kulisap na may pakpak na lumalakad sa apat na paa na maka¬kain ninyo: ang mga may hita para makalukso sa lupa. 22 Kaya maka¬kain ninyo ang iba’t ibang klase ng balang, at lahat ng klase ng tipaklong, kuliglig at mantis. 23 Di-malinis para sa inyo ang lahat ng iba pang kulisap na may pakpak at may apat na paa.
24 Magiging di-malinis kayo sa paghipo sa mga hayop na ito. Magiging di-malinis hang¬gang gumabi ang humipo sa patay na katawan ng mga ito. 25 At kailangang labhan ang damit ng sinumang dumampot sa mga bangkay ng mga ito, at magiging di-malinis hanggang takipsilim. 26 Gayundin naman, di-malinis para sa inyo ang lahat ng hayop na may kuko at walang biyak ang paa at di ngumunguya at magiging di-malinis din ang lahat ng humipo ng mga ito. 27 Sa mga hayop na apat ang paa, di-malinis para sa inyo ang lahat ng lumalakad sa talampakan ng kanilang mga paa. Magiging di-mali-nis hang¬gang dapithapon ang lahat ng humipo sa kanilang bangkay. 28 At kailangang labhan ang damit ng sinumang dumampot sa kanilang bangkay at magiging di-malinis siya hanggang dapithapon. Di-malinis ang mga ito para sa inyo.
29 Sa mga hayop na gumagapang sa lupa, di-malinis ang mga ito para sa inyo: mustela, daga, anumang klase ng bayawak, 30 hunya¬ngo, tuko, buwaya butiki at bubuli. 31 Di-malinis ang mga ito para sa inyo sa lahat ng hayop na guma¬gapang sa lupa. Magiging di-malinis hanggang dapithapon ang lahat ng humipo sa mga bang¬kay ng mga ito.
32 Magiging di-malinis ang anumang malaglagan ng patay na katawan ng mga ito – maging ano pa man ang gamit nito, yari man sa kahoy, tela, katad o balahibo o sako. Ibababad ito sa tubig at magiging di-malinis hanggang takipsilim, at saka magiging malinis. 33 Kung sa mga ito nama’y may malaglag sa palayok, magi¬ging di-malinis ang lahat ng naroon. At babasagin mo ang palayok. 34 Anumang pagkain na nalagyan ng tubig galing dito, at anumang inumin mula rito ay di-malinis. 35 Nagiging di-malinis ang anumang malagyan ng patay na katawan ng mga ito. At kailangang gibain kung ito’y hurnuhan o pugon. Di-malinis ang mga ito at ituring ninyong di-malinis ang mga ito. 36 (Tanging ang bukal lamang o balon na pinag-iipunan ng tubig ang nananatiling mali¬nis.) Ngunit nagiging di-malinis anu¬mang madikit sa patay na katawan ng mga ito.
37 Kung may patay sa mga hayop na ito na malaglag sa binhi, mananatili itong malinis; 38 subalit kung nabasa na ang binhi at saka may nalaglag dito, magiging di-malinis ito. 39 Kung mamatay naman ang isa sa mga ha¬yop na puwede ninyong kainin, magiging di-malinis hanggang takipsilim ang sinu¬mang humipo sa patay na katawan nito. 40 Kailangang labhan ang damit ng sinumang kumain nito at magi¬ging di-malinis siya hanggang dapithapon. Ga¬yundin naman kailangang labhan ang damit ng sinumang kumuha sa patay na katawan nito, at magi¬ging di-malinis siya hanggang dapit¬¬¬hapon.
41 Kasuklam-suklam ang lahat ng hayop na gumagapang sa lupa at di makakain. 42 Huwag kayong kakain ng anumang hayop na guma¬gapang sa tiyan nito o sa apat na paa o mara¬ming paa; kasuklam-suklam ito. 43 Huwag du-ngisan ang sarili sa mga hayop na gumagapang; huwag maging di-malinis o gawing di-malinis ang sarili sa mga ito. 44 Sapagkat ako si Yaweng inyong Diyos; magpakabanal kayo at maging banal sapagkat ako ay Banal. Huwag ninyong gawing di-malinis ang inyong sarili sa mga hayop na gumagapang sa lupa. 45 Ako si Yawe na naglabas sa inyo mula sa Ehipto upang maging Diyos ninyo, kayat maging banal kayo, sapagkat ako ay Banal.
46 Ito ang batas tungkol sa mga hayop at mga ibon at sa lahat ng maybuhay na guma¬galaw sa tubig o gumagapang sa lupa, 47 para malaman ninyo kung alin ang malinis at di-ma¬linis, ang hayop na puwedeng kainin at hindi.”
Batas tungkol sa babaeng bagong panganak
12 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Sa¬bihin mo sa mga Israelita: Kapag nagsilang ng isang sanggol na lalaki ang isang babae, siya ay magiging di-malinis sa loob ng pitong araw, tulad sa mga araw ng kanyang regla. 3 Kailangang tuliin ang bata sa ikawalong araw; 4 at maghihintay ang babae nang tat¬lumpu’t tatlong araw para luminis sa kanyang pag¬du-dugo. Hindi siya dapat humipo ng anu¬mang bagay na sagrado o pumasok sa santuwaryo hang¬gang hindi natatapos ang panahon ng kanyang paglilinis.
5 Kapag nagsilang naman siya ng sanggol na babae, magiging di-malinis siya sa loob ng dalawang linggo gaya ng kapag nireregla siya; at maghihintay siya nang animnapu’t anim na araw para luminis sa kanyang pag¬du¬dugo. 6 At kapag natapos na ang panahon ng kanyang paglilinis, maging sa anak na lalaki o babae, magdadala siya sa pari sa pintuan ng Toldang Tagpuan ng isang kor¬derong isinilang nang taong iyon bilang sinunog na handog, at isang batang kalapati o isang batubato bilang hain para sa kasa¬lanan. 7 At iaalay naman iyon ng pari kay Yawe upang magbayad-sala para sa babae, at magiging malinis na siya mula sa pag-agos ng kanyang dugo. Ito ang Batas para sa nagsisilang ng sanggol na lalaki o babae.
8 Ngunit kung hindi siya makapagha¬handog ng kordero, kukuha siya ng dalawang batubato o dalawang batang kalapati, ang isa bilang si¬nunog na handog at ang isa pa bilang hain para sa kasalanan. Magbabayad-sala ang pari para sa babae, at magiging malinis na siya.
Batas tungkol sa ketongin
13 • 1 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: 2 “Sinumang may bukol, si¬ngaw o bahid sa balat ng kanyang katawan na maaaring mauwi sa ketong ay kailangang dalhin kay Aarong pari o sa isa sa mga paring inapo niya. 3 Titingnan ng pari ang sugat, at kung namuti ang balahibo sa singaw, at ang singaw ay parang mas malalim kaysa balat, simula na nga iyon ng ketong. Kapag nakita ito ng pari, ipahahayag niyang di-malinis ang tao.
4 Ngunit kung maputi ang singaw at hindi naman mas malalim kaysa balat, at hindi rin namuti ang balahibo rito, ibubukod ng pari ang maysakit sa loob ng pitong araw. 5 Titing¬nan siyang muli ng pari sa ikapitong araw. Kung makita niyang walang pag¬babago ang sugat at hindi kumalat sa balat, muli niyang ibubukod ang maysakit nang pitong araw pa, 6 at titingnang muli sa ikapitong araw. Kapag hindi ma-kintab ang sugat at hindi kumalat sa balat, ipahahayag ng pari na malinis ang tao: singaw lamang ito. Lalabhan niya ang kanyang damit at lilinis na siya. 7 Ngunit kung kumalat sa balat ang singaw matapos tingnan ng pari ang may¬sakit at ipahayag na malinis, kailangan siyang humarap uli sa pari. 8 Pagka¬tapos siyang ma¬ting¬nan ng pari at makitang kuma¬lat nga ang singaw sa balat, dapat siyang ipahayag ng pari na di-malinis: ketong iyon.
9 Kapag nagkaketong ang isang tao, kaila¬ngan siyang dalhin sa pari 10 na siyang dapat tumingin sa kanya, at kung makakita ang pari ng maputing bukol sa balat at pina¬puti nito ang balahibo rito, at may lumilitaw na sariwang sugat, 11 ketong iyon at dapat siyang ipahayag ng pari na di-malinis. Walang kabuluhang ibu¬kod pa siya; di-malinis na siya.
12 Ngunit kapag kumalat na sa buong balat ang ketong, kapag balot na siya ng ketong mula ulo hanggang paa, ayon sa nakikita ng pari, 13 titingnan ng pari ang maysakit, at kung makita niyang balot na ng ketong ang buong katawan, ipahahayag niyang malinis ang may¬sakit. Sapagkat namuti na itong lahat, malinis na siya. 14 Ngunit kapag may lumitaw na sari¬wang sugat, magiging di-malinis siya. 15 Pagka¬tingin ng pari sa sariwang sugat, ipahahayag siyang di-malinis. Di-malinis ang sariwang sugat: ketong iyon. 16 Ngunit kung magbago ang sugat at muling mamuti, kailangan siyang bumalik sa pari. 17 Titingnan siya ng pari, at kung makita nitong namuti na ang sugat, ipahahayag ng pari na malinis ang maysakit: malinis na siya.
18 Kapag may nagkasingaw sa kanyang balat, at matapos gumaling 19 ay nag-iwan ng ma¬¬puting pamamaga o makintab na mant¬sang mamula-mulang mamuti-muti, kailangang mag¬pa¬tingin siya sa pari. 20 Titingnan siya ng pari, at kung makita nito na mas malalim ito kaysa balat at namuti ang balahibo rito, ipahahayag siyang di-malinis ng pari: ketong iyon na nagmula sa singaw. 21 Ngunit kung makita ng pari na walang puting balahibo o hindi ito mas malalim kaysa balat at hindi nagbago ng kulay, ibubukod niya ang maysakit nang pitong araw. 22 Kung kalat na ito sa kabuuan ng balat, ipahahayag siya ng pari na di-malinis: ketong iyon.
23 Ngunit kung ang nangingintab na bahagi ay hindi nagbabago at hindi kuma¬kalat, pilat lamang iyon ng singaw at ipaha¬hayag ng pari na malinis ang taong iyon.
24 Kapag napaso ang isang tao at nagka¬roon ng bahid na puti o pula ang paso, 25 kaila¬ngang tingnan iyon ng pari. Kung makita niyang namuti ang balahibo sa bahaging iyon, at mas malalim kaysa balat, ketong iyon na nagsimula sa paso. Ipaha¬hayag ng pari na di-malinis ang tao: ketong iyon. 26 Ngunit kung matapos ting¬nan ay makita ng pari na walang puting balahibo sa bahaging iyon at hindi mas malalim kaysa balat, ngunit hindi nagbago ang kulay, ibubukod siya ng pari sa loob ng pitong araw. 27 Sa ika¬pitong araw, titingnan siyang muli ng pari, at kung kumalat iyon sa balat, ipaha¬hayag ng pari na siya ay di-malinis: ketong iyon. 28 Kung hindi nagbabago at hindi kumakalat sa balat ang ba¬haging ma¬kintab, ngunit nagbago ang kulay, pamamaga lamang iyon bunga ng paso. Ipa¬ha¬hayag ng pari na malinis ang tao, pilat lamang iyon sa paso.
29 Kung ang isang lalaki o babae ay mag¬karoon ng sugat sa ulo o sa baba, 30 kaila¬ngang tingnan ng pari ang sugat, at kung ito’y waring mas malalim kaysa balat, at nanilaw at numipis ang buhok doon, ipahahayag siyang di-malinis ng pari. Iyon ang kinatatakutang sakit sa balat, ang ibig sabihi’y ketong sa ulo o baba. 31 Kung makita naman ng pari sa pagtingin niya sa sakit sa balat na hindi mas malalim kaysa balat at walang itim na balahibo, pitong araw niyang ibubukod ang tao. 32 Sa ikapitong araw, titingnan uli ng pari ang sugat, at kung hindi kumalat ang sakit sa balat, at hindi nanilaw ang balahibo roon, at hindi mas malalim kaysa balat, 33 aahi¬tin ng maysakit ang lahat niyang buhok, ma-liban sa nasa bahaging may galis (sakit sa balat), at muli siyang ibubukod ng pari sa loob ng pitong araw. 34 At sa ikapitong araw, titingnan ng pari ang galis, at kung hindi naman kumalat sa balat ang galis, at hindi mas malalim kaysa balat, ipahahayag ng pari na malinis ang may¬sakit. Magiging malinis siya pagkatapos malab¬han ang kanyang suot. 35 Ngunit kung kumalat ang galis pagkatapos ng kanyang paglilinis, 36 titingnan siya ng pari; at kung kumalat nga sa balat ang galis, hindi na kailangang tingnan pa kung nanilaw ang balahibo rito o hindi – di-ma-linis ang taong iyon. 37 Sa¬mantala, kung sa tingin ng pari ay hindi iyon kumalat at nagsi¬simula iyong tubuan ng itim na balahibo, maga¬ling na ang galis. Malinis na siya at ipahahayag ng pari na siya ay malinis.
38 Kung magkabatik na puti ang isang lalaki o babae sa kanyang balat, 39 kaila¬ngang tingnan iyon ng pari. Kung makita niyang hindi mas¬yadong maputi ang mga iyon, karaniwang pantal lamang iyon sa balat: malinis ang may¬sakit.
40 Kung malugas ang buhok sa ulo ng isang lalaki, nakalbo lamang siya, ngunit malinis siya. 41 Kung malugas naman ang kanyang buhok sa may noo, nakakalbo lamang siya sa noo, ngunit malinis siya. 42 Subalit kung may lumitaw na mamula-mulang maputing sugat sa kanyang ulo o noong walang buhok, simula iyon ng ketong. 43 Kailangang tingnan iyon ng pari, at kung may namamagang sugat na mamula-mulang mamuti-muti sa kanyang ulo o noong walang buhok, tulad ng ketong sa balat, 44 may ketong ang tao: di-malinis siya. Ipa¬hahayag ng pari na siya ay di-malinis; may ketong siya sa ulo.
Ang ketongin
45 Ang taong may ketong ay kailangang magsuot ng winarak na damit at hindi dapat magsuklay ng buhok; kailangang takpan niya ang kanyang nguso at sumigaw – Di-malinis, di-malinis! – 46 siya’y di-malinis hangga’t may sugat siya, kaya kailangan siyang mamuhay nang malayo sa iba: titira siya sa labas ng kampo.
47 Kapag nagkasugat ng ketong ang isang damit na lana o linen, 48 telang lana o linen, o katad – 49 at kung ang damit, tela o katad o anumang yari sa katad ay maberde-berde o mamula-mula, iyon ay kumakalat na sugat ng ketong na kailangang ipakita sa pari. 50 Titingnan iyon ng pari at itatabi niya sa loob ng pitong araw ang bagay na may sugat ng ketong. 51 Kung makita niya sa ikapitong araw na ku¬ma¬lat na sa damit, tela o katad ang sugat ng ketong, iyon ay ketong na lumalala, at di-malinis ang bagay na iyon. 52 Susunugin ng pari ang damit, telang linen o lana, o anumang yari sa katad na kinalatan ng sugat ng ketong pagkat ito’y ketong na dapat sunugin sa apoy.
53 Ngunit kung makita ng pari sa kanyang pagtingin na hindi kumalat ang sugat ng ketong sa damit, tela o anumang bagay na katad, 54 iuutos niyang hugasan ang bagay na iyon at itatabing muli sa loob ng pitong araw. 55 Pagka¬tapos mahugasan, muli iyong titingnan ng pari, at kung makita niyang hindi nagbago ng kulay ang sugat ng ketong kahit na hindi kumalat, di-malinis ang bagay na iyon. Kailangang sunugin iyon sa apoy. 56 Ngunit kung makita ng pari sa kanyang pag¬tingin na di makintab ang sugat ng ketong pagkatapos mahugasan, pupunitin niya iyon sa damit, tela o katad. 57 Subalit kung muli itong lumitaw sa damit o tela o anumang bagay na katad, muli itong kuma¬kalat at kailangang sunugin ng may-ari ang bagay na may sugat ng ketong. 58 Ang damit, tela o anumang bagay na katad na nagka¬roon ng sugat ng ketong ngunit nawala matapos labhan ay kailangang labhan uli at magiging malinis na iyon. 59 Ito ang batas para sa sugat ng ketong sa damit na linen o lana, sa tela o anumang bagay na katad – para masabi kung ito ay malinis o di-malinis.
Paglilinis mula sa ketong
14 1 Kinausap ni Yawe si Moises, at sinabi: 2 “Ito ang magiging batas para sa ketongin sa araw ng kanyang paglilinis. Kaila¬ngan siyang iharap sa pari, 3 at dadalhin siya ng pari sa labas ng kampo at titingnan. At kung gumaling na ang ketong ng ketongin, 4 magpapadala ang pari ng dalawang buhay at malinis na ibon, kahoy na sedro, pulang sinulid at isopo para sa taong lilinisin. 5 Ipapapatay rin ng pari ang isa sa mga ibon sa ibabaw ng isang palayok na nasa ibabaw naman ng tubig na umaagos. 6 Kukunin ng pari ang buhay na ibon, pati ang kahoy na sedro, ang pulang sinulid at isopo, at itutubog sa dugo ng ibong pinatay sa ibabaw ng umaagos na tubig. 7 At pitong beses niyang wiwisikan ang taong lilinisin mula sa ketong, at ipahahayag siyang malinis. At pawawalan naman niya ang buhay na ibon sa gubat.
8 Kailangang labhan ng taong lilinisin ang kanyang suot, at ahitin ang lahat niyang buhok at maligo sa tubig; at lilinis na siya. Pagkatapos nito, makakapasok na siya sa kampo, pero kailangan siyang manatili sa labas ng kanyang tolda sa loob ng pitong araw. 9 Sa ikapitong araw, aahitin niya ang lahat ng buhok sa kanyang ulo, baba at kilay at ang lahat pa niyang buhok. Lalabhan niya ang kanyang suot, mali¬ligo sa tubig at magiging malinis siya.
10 Sa ikawalong araw, kukuha siya ng dalawang tupang lalaki at isang babaeng tupa na isang taong gulang, na pawang walang kapintasan, at tatlong ikapung takal ng pinong hari¬na na may halong langis, bilang handog na butil, at tatlong ikapung litrong langis. 11 Ang taong lilinisin ay iha¬harap kay Yawe sa pintuan ng Toldang Tag¬puan ng paring nagpapahayag na malinis na siya, pati ang mga handog nito.
12 Kukunin ng pari ang unang kordero at iaalay iyon bilang hain para sa utang, kasama ang tatlong ikapung litro ng langis. Iiindayog niya ang mga iyon sa harap ni Yawe. 13 Ka¬katayin niya ang kordero sa lugar na pinag¬kakatayan ng hain para sa kasa¬lanan at ng sinunog na handog – sa banal na lugar. Sapag¬kat para sa pari ang hain para sa utang, tulad ng handog para sa kasalanan; napakabanal niyon. 14 At kukuha ang pari ng kaunting dugo sa hain para sa utang at ipapahid sa pinggol ng kanang tainga ng taong lilinisin, sa hinlalaki ng kanang kamay at sa hinlalaki ng kanang paa nito. 15 At kukunin niya ang langis at ibubuhos sa palad ng kanyang kaliwang kamay. 16 Isasawsaw niya ang kanyang kanang hintuturo sa langis na nasa kanyang kaliwang palad, at pitong beses na iwiwisik ng kanyang daliri ang langis sa harap ni Yawe.
17 At ang natirang langis sa kanyang palad ay ipapahid niya sa pinggol ng kanang tainga ng taong lilinisin, sa hinlalaki ng kanang kamay at sa hinlalaki ng kanang paa nito sa ibabaw ng dugo ng hain para sa utang. 18 At ang matitira pang langis sa kanyang palad ay ipapahid naman niya sa ulo ng taong nililinis. Sa ganitong paraan niya isasagawa ang ritwal ng pag¬babayad-sala kay Yawe. 19 At iaalay ng pari ang handog para sa kasalanan, at isasagawa ang ritwal sa pagbabayad-sala para sa taong nili¬linis. Pagkatapos nito, papatayin niya ang ha¬yop para sa sinunog na handog, 20 at iaalay sa altar kasama ang handog na butil. Pagkatapos ma-isagawa ng pari ang ritwal ng pagbabayad-sala para sa kanya, magiging malinis na siya.
21 Kung dukha ang ketongin at hindi kaya ang lahat ng ito, kukuha siya ng isang kordero bilang hain para sa utang na pain¬dayog na ihahandog bilang pagba¬bayad-sala para sa kanya, kasama ang ikapung bahagi lamang ng isang takal ng harinang trigo na may halong langis bilang butil na handog, pati ang tatlong ikapung litro ng langis at – kung kaya niya ang mga ito – 22 dalawang batubato o dalawang batang kalapati, ang isa para sa handog para sa kasalanan at ang isa naman bilang sinunog na handog. 23 Kailangang dalhin niya ang mga ito sa ika¬walong araw sa pari sa pintuan ng Toldang Tagpuan sa harap ni Yawe para sa paglilinis sa kanya.
24 Kukunin ng pari ang kordero para sa hain para sa utang, at ang tatlong ikapung litro ng langis, at paindayog na iaalay sa harap ni Yawe. 25 At papatayin niya ang kordero bilang hain para sa utang, kukuha siya ng kaunting dugo niyon at ipapahid sa pinggol ng kanang tainga ng taong nililinis, sa hinlalaki ng kanang kamay at sa hinlalaki ng kanang paa nito. 26 Ibubuhos niya ang langis sa kaliwa niyang palad, 27 at pitong beses niyang iwiwisik ang langis sa pa¬ma¬magitan ng kanyang kanang hintuturo sa harap ni Yawe. 28 Ipapahid din niya ang kaunti niyon sa pinggol ng kanang tainga ng taong nililinis, at sa hinlalaki ng kanang kamay at hin¬lalaki ng kanang paa nito, tulad ng ginawa sa dugo ng hain para sa utang.
29 Ang matitirang langis sa kanyang palad ay kailangang ipahid sa ulo ng taong nililinis, ha¬bang isinasagawa ang ritwal ng pagbabayad-sala para sa kanya sa harap ni Yawe. 30 Sa da¬lawang batubato o dalawang batang kalapati – kung kaya niya ang mga ito – iaalay niya 31 ang isa bilang handog para sa kasalanan, at ang isa naman bilang sinunog na handog, kasama ang handog na butil – kung kaya niya. Sa ganitong paraan isa-sagawa ng pari sa harap ni Yawe ang ritwal ng pagbabayad-sala para sa taong nili¬linis.
32 Ito ang batas para sa sinumang may ketong na hindi kaya ang presyo ng kanyang paglilinis.”
Ang “ketong” ng mga bahay
33 Kinausap ni Yawe sina Moises at Aaron, at sinabi sa kanila: 34 “Pagpasok ninyo sa lupain ng Kanaan na ibibigay ko sa inyo bilang inyong pag-aari, kung ipahamak ko man sa kung anong ketong ang mga bahay sa lupaing ma¬giging inyo, 35 ipagbibigay-alam ito ng may-ari ng bahay sa pari at sasabihin: ‘May kung anong parang ketong sa bahay ko!’ 36 At bago pumasok ang pari sa bahay para suriin ang ketong, paaalisan niya ng laman ang bahay upang walang anumang nasa loob ng bahay ang masabing di-malinis. At saka pa lamang siya papasok para suriin ang bahay.
37 Kung sa pagsusuri niya’y makita niyang may maberde-berde o mamula-mulang sugat sa dingding na mas malalim kaysa dingding mismo, 38 lalabas ang pari sa pintuan ng bahay at pitong araw niyang ipasa¬¬sara ang bahay.
39 Babalik ang pari sa ikapitong araw para tingnan kung kumalat ang mantsa sa mga dingding, 40 ipatatanggal niya ang mga batong namantsahan at ipahahagis sa isang di-malinis na lugar sa labas ng siyudad. 41 Ipakakaskas niya ang buong loob ng bahay, at ipatatapon sa isang di-malinis na lugar sa labas ng bayan. 42 Kukunin ang mga bagong bato at ipapalit sa mga lumang bato nang may bagong semento at ididikit sa bahay.
43 Kung muling lumitaw ang salot matapos maalis ang mga bato at makaskas ang bahay at malagyan ng panibagong semento, 44 papasok ang pari at susuriin iyon. Kung kumalat ang salot sa bahay, iyon ay ketong na nakahahawa kaya di-malinis ang bahay. 45 Kailangang gibain ang bahay: lahat ng bato at mga troso at semento niyon, at hakutin sa isang di-malinis na lugar sa labas ng bayan.
46 Kung may pumasok sa bahay na isinara, magiging di-malinis siya hanggang hapon. 47 La¬labhan ng sinumang matulog o kumain sa bahay na iyon ang kanyang mga damit.
48 Kung makita ng pari na hindi kumalat ang salot pagkatapos ng pagsesemento, idedeklara niyang malinis ang bahay dahil nagamot na ang salot.
49 Bilang pagbabayad-sala para sa bahay, kukuha siya ng dalawang ibon, at kahoy na sedro, eskarlatang sinulid at pangwisik. 50 Papatayin niya ang isang ibon sa ibabaw ng isang palayok, sa ibabaw ng tubig na umaagos. 51 At saka niya kukunin ang kahoy na sedro, ang pangwisik at ang eskarlata, pati na ang buhay na ibon. At ilulubog niya ang mga ito sa dugo ng pinatay na ibon at sa buhay na tubig, at makapitong wiwisikan ang bahay.
52 Kaya magbabayad-sala siya para sa bahay sa pamamagitan ng dugo ng ibon at ng buhay na tubig, at ng buhay na ibon, ng kahoy na sedro, ng pangwisik at ng eskarlata. 53 At saka niya pawawalan ang buhay na ibon sa bukid sa labas ng bayan. Kaya mapapatawad ang bahay at magiging malinis.
54 Ito ang batas sa anumang ketong at anan, 55 sa ketong sa mga damit at mga bahay, 56 sa mga langib, mga pamamaga at mga pantal, 57 para ituro kung kailan di-malinis o malinis ang tao. Ito ang batas tungkol sa ketong.”
Pagiging “di-malinis” sa sex
15 • 1 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: 2 “Magsalita kayo sa mga Israelita at sabihin sa kanila: Ang sinumang lalaking may tumutulong kung ano sa laman ay di-malinis. 3 Di siya malinis sa tulo ng laman, at di rin siya malinis mahadlangan man ang tulo sa kanyang laman. 4 Di-malinis ang higaang mahigan ng taong may tumu¬tulo sa laman pati ang upuang mau¬puan niya. 5 Magiging di-ma¬linis hanggang hapon ang humipo ng kanyang higaan; dapat niyang labhan ang kanyang mga damit at maligo.
6 Magiging di-malinis hanggang hapon ang maupo sa anumang inupuan ng taong ito; dapat niyang labhan ang kanyang mga damit at maligo.
7 Magiging di-malinis hanggang hapon ang humipo sa katawan ng taong iyon; dapat niyang labahan ang kanyang mga damit at maligo. 8 Kung maduraan ng maytulo ang isang taong malinis, magiging di-malinis din ito hanggang hapon; dapat niyang labhan ang kanyang mga damit at maligo.
9 Magiging di-malinis ang upuang sakyan ng maytulo. 10 Magiging di-malinis hanggang hapon ang sinumang humipo sa anumang inupuan niya at ang sinumang bumuhat nito; dapat niyang labhan ang kanyang mga damit at maligo.
11 Ang sinumang humipo sa maytulo ay kaila¬ngang maghugas ng mga kamay; kung hindi’y magiging di-malinis siya hanggang ha¬pon at kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit at maligo. 12 Babasagin ang palayok na hinipo ng maytulo at huhugasan naman ng tubig ang kagamitang yari sa kahoy.
13 Sa paglilinis ng maytulo, pitong araw siyang maghihintay. At saka niya lalabhan ang kanyang mga damit at paliliguan ang kanyang katawan sa tubig na umaagos, at magiging malinis siya. 14 Sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batubato o batang kalapati, at haharap kay Yawe sa may pintuan ng Toldang Tagpuan, at ibibigay niya sa pari ang mga ito. 15 Iaalay ng pari ang isa para sa pagbabayad-sala at ang isa pa bilang susunuging handog. Sa gayo’y mapa¬patawad sa harap ni Yawe ang taong may tulo.
16 Kapag nilabasan ang isang lalaki, siya ay magiging di-malinis hanggang hapon; kaila¬ngan niyang paliguan ang buong kata¬wan. 17 Magiging di-malinis hanggang hapon ang alinmang damit o balat na nalabasan at kaila¬ngang hugasan ng tubig. 18 Kapag sumiping ang lalaki sa isang babae, sila’y magiging di-malinis hanggang hapon at dapat silang maligo.
19 Kung dinudugo ang isang babae at uma¬agos ang dugo nito mula sa kanyang katawan, pitong araw siyang di-malinis. Magiging di-malinis hanggang hapon ang sinumang humi¬po sa kanya. 20 Magiging di-malinis ang higaan o anumang higan niya o upuan habang siya’y di-malinis.
21 Magiging di-malinis hanggang hapon ang humipo sa kanyang higaan; kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit at maligo. 22 Ma¬giging di-malinis hanggang hapon ang humipo ng anumang kasang¬kapan na kanyang inu-puan; kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit at maligo.
23 Magiging di-malinis hanggang hapon ang humipo ng anumang bagay na nasa higaan o upuan ng babaeng iyon. 24 Pitong araw na ma¬giging di-malinis ang lalaking sisiping sa kanya at makakasama sa kanyang pagkadi-malinis. At magiging di-malinis din ang lahat ng higaang kanyang higan.
25 Kung matagal na dinudugo ang isang babae bukod sa kanyang regla o kaya’y patuloy siyang dinudugo dahil sa regla, di-malinis ang pagdurugo at siya ay di-malinis gaya ng sa kan¬yang buwanang mantsa. 26 Magiging di-malinis ang higaang mahigan niya habang di¬nudugo siya gaya ng kung siya’y may regla. At magiging di-malinis ang upuang maupuan niya. 27 Magiging di-malinis hanggang hapon ang humipo sa mga iyon; kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit at maligo.
28 Sa paglilinis niya sa kanyang pagdu¬rugo, pitong araw siyang maghihintay, at saka siya magiging malinis. 29 Sa ikawalong araw ay ku-kuha siya ng dalawang batubato o batang ka¬lapati, at dadalhin niya ang mga ito sa pari sa may pintuan ng Toldang Tagpuan. 30 Iaalay ng pari ang isa para sa pagbabayad-sala at ang isa pa bilang susunuging handog. Sa gayo’y mapa¬patawad sa harap ni Yawe ang babae sa mantsa ng kanyang pagdu¬rugo.
31 Kaya palayuin ninyo ang mga Israelita sa kanilang mantsa at baka lapastanganin nila ang aking Tirahan sa kanilang piling, at mamamatay sila bunga ng kanilang mantsa.
32 Ito ang batas tungkol sa lalaking naging di-malinis dahil sa tulo o dahil nilabasan siya, 33 ga¬yundin sa babaeng may buwanang mantsa, sa lalaki at babaeng may tumu¬tulong kung ano, sa lalaking sumisiping sa babaeng di-malinis.”
Ang dakilang araw ng kapatawaran
16 • 1 Kinausap ni Yawe si Moises pagka¬matay ng dalawang anak ni Aaron na namatay paglapit nila kay Yawe, 2 at sinabi niya: “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na hu¬wag papasok kailanman sa Santu¬waryong nasa likod ng kurtina, ni tatayo sa harap ng Lugar ng Pagpapatawad na nasa ibabaw ng Kaban para di siya mamatay dahil pakikita ako sa gitna ng ulap sa ibabaw ng Lugar ng Kapatawaran.
3 Sa ganito lamang makapapasok si Aaron sa Santuwaryo: Magdadala siya ng batang toro bilang hain para sa kasalanan at ng barakong tupa bilang susunuging handog. 4 Isusuot niya ang sagradong tunikang linen, ibibihis ang karsonsilyong linen, ibibigkis ang sinturong linen, at isusuot ang turbang linen. Ito ang mga sagradong damit na isusuot niya matapos maligo.
5 Tatanggapin niya mula sa sambayanan ng Israel ang dalawang barakong kambing bilang hain para sa kasalanan at isang barakong tupa bilang susunuging handog. 6 Sa paghahain ni Aaron ng toro para sa kasalanan, ginagawa niya ang seremonya ng pagbabayad-sala para sa kanyang sarili at sa kanyang sambahayan. 7 At saka niya kukunin ang dalawang barakong kambing at ihaharap kay Yawe sa may pintuan ng Toldang Tagpuan.
8 Magpapalabunutan siya sa dalawang bara¬kong kambing: isa para kay Yawe, at isa para kay Azazel. 9 Ang palaring maging para kay Yawe ay dadalhin ni Aaron at iaalay bilang hain para sa kasalanan. 10 Ang bara-kong kambing namang mapatapat kay Azazel ay ihaharap nang buhay kay Yawe para gawin ang seremon¬ya ng pagbabayad-sala at itataboy ito sa dis¬yerto para kay Azazel.
11 Kapag naiharap na ni Aaron ang toro bilang hain niya para sa kasalanan sa pagba¬bayad-sala para sa sarili at sa kanyang sambahayan, saka niya ito kakatayin. 12 Kukuha siya ng insensaryong puno ng baga mula sa altar na nasa harap ni Yawe, at ng dalawang dakot na pulbos ng mabangong insenso, at dadalhin sa likod ng kurtina. 13 Ilalagay niya ang insenso sa apoy na nasa harap ni Yawe upang mabalot ng ulap ng insenso ang Lugar ng Pagpapatawad na nasa ibabaw ng Kaban, kayat hindi siya mamamatay.
14 Kukuha siya ng dugo ng toro at iwiwisik ito ng kanyang daliri sa may harap ng Lugar ng Pagpapatawad, at pitong beses na iwiwisik ng kanyang daliri ang dugo sa harap nito. 15 At kakatayin niya ang kambing na hain para sa kasalanan ng bayan, at dadalhin ang dugo nito sa likod ng kurtina. Gagawin niya rito ang gina¬wa niya sa dugo ng toro: wiwisikan ang Lugar ng Pagpapatawad sa may harap nito. 16 Ganito niya ginagawa ang pagbabayad-sala para sa San¬tuwaryo dahil sa mga pagkadi-malinis ng mga anak ng Israel at sa lahat nilang pagkakasala. Ganito ang gagawin niya para sa Toldang Tag¬puan na nasa piling nila sa gitna ng kanilang pagiging di-malinis. 17 Walang sinuman ang dapat na nasa Toldang Tagpuan mula sa pag¬pasok ni Aaron para gumawa ng pagbabayad-sala sa loob ng Santuwaryo hang¬gang sa paglabas niya. Matapos gawin ang seremonya ng pagbabayad-sala para sa kanyang sarili at sa kanyang sambahayan at sa buong pamaya¬nang Israelita, 18 lalabas siya papunta sa altar na nasa harap ni Yawe. At gagawin niya roon ang pagbabayad-sala. Kukuha siya ng dugo ng toro at ng kambing at ipapahid sa mga sungay ng altar. 19 At sa kanyang daliri’y pitong beses itong wiwisi¬kan ng dugo. Kayat malilinis niya ito at ma¬a¬alis dito ang pagiging di-malinis ng mga anak ng Israel.
20 Pagkatapos ng pagbabayad-sala sa Santuwaryo, sa Toldang Tagpuan at sa altar, dadalhin ni Aaron ang buhay na kambing. 21 Ipapatong niya ang dalawa niyang kamay sa ulo nito, aaminin dito ang lahat ng kasamaan ng mga anak ng Israel at lahat nilang paghihimagsik sa lahat nilang pagkakasala. At ipapatong ang mga ito sa ulo ng barakong kambing, at itataboy ito sa disyerto ng taong para rito. 22 Kayat ta¬taglayin ng barakong kambing ang lahat nilang pagkakasala papunta sa ilang na lugar. At pa¬kakawalan ang kambing sa disyerto.
23 Saka papasok si Aaron sa Toldang Tag¬puan, at huhubarin ang mga damit na linen na suot niya pagpasok sa Santuwaryo, at iiwan niya roon ang mga ito. 24 At maliligo siya sa lugar na sagrado at saka magbibihis.
Pagkatapos ay lalabas siya at iaalay ang kan¬yang susunuging handog at ang sa bayan bilang pagbabayad-sala para sa kanyang sarili at sa bayan, 25 at susunugin din niya sa altar ang taba ng hain para sa kasalanan.
26 Maliligo naman ang taong nagpaalpas sa kambing na para kay Azazel at lalabhan niya ang kanyang damit. Saka pa lamang siya makapapasok sa kampo. 27 Tungkol naman sa torong hain para sa kasalanan at ang barakong kambing na inihain para sa kasa¬lanan, at dinala ang dugo sa Santu¬waryo sa pagbabayad-sala: ilalabas ng kampo ang mga ito para sunugin sa apoy ang kanilang mga balat, karne at dumi. 28 Kailangang lab¬han ng magsusunog ng mga iyon ang kan¬yang mga damit at maligo at saka siya makapapasok sa kampo.
29 Isa itong panghabampanahong tun¬tunin para sa inyo. Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, mag-aayuno kayo at di magtatrabaho, katutubo man o dayuhang nakikipamayan sa inyo. 30 Araw ito ng pag¬ba¬bayad-sala para sa inyo kayat malilinis kayo, magiging malinis sa lahat ng inyong kasalanan sa harap ni Yawe. 31 Magiging Daki¬lang Araw ng Pahinga ito para sa inyo, kung kailan kayo mag-aayuno. Batas itong panghabampanahon.
32 Ang paring pinahiran at itinalaga sa pag¬kapari bilang kahalili ng kanyang ama ang siyang gagawa ng seremonya ng pagpapatawad. Magsusuot siya ng mga damit na linen na mga sagradong damit, 33 at gagawin ang pagbabayad-sala para sa Banal na Santuwaryo, sa Toldang Tagpuan at sa altar, at para sa mga pari at sa buong bayang nagkakatipon. 34 Ma¬giging panghabam¬panahong batas ito para sa inyo tungkol sa seremonya ng pagbabayad-sala para sa lahat ng kasalanan ng mga anak ng Israel minsan isang taon.”
At ginawa nga nila ang iniutos ni Yawe kay Moises.

ANG BATAS NG KABANALAN

17 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Mag¬salita ka kay Aaron, sa kanyang mga anak at sa sambayanan ng Israel, at sabi¬hin mo sa kanila: Ito ang iniutos ni Yawe. 3 Sinu¬mang taga-Israel na pumatay ng toro o tupa o kambing maging sa loob ng kampo o sa labas nito, 4 na hindi muna iyon dinadala sa may pin¬tuan ng Toldang Tagpuan para ialay kay Yawe sa harap ng Tirahan ni Yawe ay mananagot sa dugo, nagpadanak siya ng dugo kayat itatakwil sa kanyang bayan. 5 Kaya dadalhin ng mga Israelita sa pari ang mga iaalay nila sa parang; dadalhin nila ang mga iyon kay Yawe sa may pintuan ng Toldang Tagpuan at ihahandog kay Yawe bilang hain sa mabuting pagsasamahan.
6 Ibubuhos ng pari ang dugo sa altar ni Yawe sa may pintuan ng Toldang Tagpuan at susu¬nugin ang taba bilang amoy na kalugud-lugod kay Yawe. 7 Hindi na nila iaalay ang kanilang mga hain sa mga diyos na kambing at ipagbibili ang sarili sa mga iyon. Mananatili magpa¬kailanman ang kautusang ito sa kanila at sa kanilang mga inapo.
Huwag kakain ng dugo
8 Sabihin mo rin sa kanila: Kung may taga-Israel o dayuhang nasa piling nila na mag-alay ng susunuging handog o ng hain 9 at hindi niya iyon dinala sa may pintuan ng Toldang Tagpuan para ialay kay Yawe, hindi na siya mabubuhay sa kanyang bayan.
10 At kung may Israelita o dayuhang nani¬nirahan sa piling nila na kumain ng dugo, haha¬rapin ko ang kumain ng dugo at aalisin siya sa kanyang bayan. 11 Nasa dugo nga ang sigla ng kinapal, kaya ko ito ipinalalagay sa inyo sa altar para matubos ang inyong mga buhay; tinutubos ng dugo ang tao. 12 Kaya sinabi ko sa mga Israelita: Walang sinuman sa inyong kakain ng dugo, pati ang dayuhang nasa piling ninyo.
13 Kung may Israelita o dayuhang nasa pi¬ling ninyo na makahuli ng hayop o ng ibong maka¬kain, ibubuhos niya ang dugo niyon at tatabu¬nan ng lupa. 14 Nasa dugo nga ang sigla ng kinapal, kaya sinabi ko sa mga Israelita: Huwag kayong kakain ng dugo ng anumang kinapal sapagkat nasa dugo ang sigla ng ta¬nang kinapal at aalisin ko ang sinumang kumain nito.
15 Kung may katutubo o dayuhang ku¬main ng hayop na namatay o nilapa, siya ay magi¬ging di-malinis hanggang hapon at kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit at maligo, at saka siya magiging malinis. 16 Kung hindi niya lalabhan ang kanyang mga damit at maliligo, tataglayin niya ang kasalanan.”
Ang “batas ng kabanalan”
18 • 1 Kinausap ni Yawe si Moises, at sinabi: 2 “Kausapin mo ang mga anak ng Israel at sabihin sa kanila – Ako si Yaweng Diyos ninyo. 3 Huwag ninyong gagawin ang ginagawa sa lupa¬in ng Ehipto na pinanirahan ninyo, at huwag ding gagawin ang ginagawa sa lupain ng Kanaan na pagdadalhan ko sa inyo; huwag kayong makikiisa sa kanilang mga kaugalian. 4 Ang aking mga pasya ang inyong gagawin at ang aking mga kau¬galian ang inyong tutu¬parin. Ako si Yawe. 5 Sundin ninyo ang aking mga kaugalian at mga pasya, sa¬pagkat sinumang sumu¬nod ay maka¬¬susumpong ng buhay. Ako si Yawe.
6 Walang sinuman sa inyo ang maki¬kipagtalik sa kanyang kamag-anak. Ako si Yawe. 7 Huwag makikipagtalik sa iyong ama o ina, siya ay iyong ina, huwag maki¬kipagtalik sa kanya. 8 Hu¬wag makikipag¬talik sa asawa ng iyong ama. Igalang mo ang iyong ama. 9 Hu¬wag makikipagtalik sa iyong kapatid na babae, maging siya ay anak ng iyong ama o ina, o ipina¬nga¬nak sa iyong bahay o saanman. 10 Huwag maki-kipagtalik sa iyong apong babae, kasira¬ang-puri mo iyon. 11 Huwag kang maki¬kipagtalik sa babaeng kapatid mo sa ama, kapatid mo rin siya.
12 Huwag makikipagtalik sa iyong tiya, maging siya ay kapatid ng iyong ama 13 o kapatid ng iyong ina. 14 Huwag maki¬kipag¬talik sa asawa ng iyong tiyo, tiya mo rin siya. 15 Huwag makikipagtalik sa iyong manugang na babae 16 o sa iyong hipag.
17 Huwag makikipagtalik sa isang babae at sa kanyang anak na babae o sa kanyang apong babae; magkakamag-¬anak sila, kalapastanganan ang gayon.
18 Habang buhay pa ang iyong maybahay, huwag mong kukuning asawa ang kanyang kapatid na babae para maging kaagaw niya.
19 Huwag makikipagtalik sa isang ba¬baeng may regla.
20 Huwag makikipagtalik sa maybahay ng iyong kapwa, at dungisan ang iyong sarili sa kanya.
21 Huwag ibigay ang sinuman sa iyong mga anak para isakripisyo kay Molek, at huwag lapastanganin ang pangalan ng iyong Diyos. Ako si Yawe.
22 Huwag kang sisiping sa kapwa-lalaki, gaya ng pagsiping sa isang babae; kasuklam-suklam ito. 23 Huwag makiki-pagtalik sa hayop; kasumpa-sumpa ito.
24 Huwag ninyong dungisan ang in¬yong sarili sa alinman sa ganitong gawi sa¬pag¬kat ganito dinungisan ng mga bansang itinataboy ko sa harap ninyo ang kanilang sarili. 25 Nadungisan kahit ang lupain kaya dumating ako para singilin ito, at isinuka nito ang mga nakatira rito.
26 Sundin ninyo ang aking mga kauga¬lian at mga pasya, at huwag gaga¬win ang alinman sa mga kasuk¬lam-suklam na bagay na ito, maging ang mga katutubo o mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. 27 Alalahanin ninyo ang mga taong gu¬mawa ng lahat ng ito, silang mga nauna sa inyo sa mga lupaing ito na nadungisan. 28 Kung dudungisan ninyo ang lupain, isusuka rin kayo nito tulad ng ginawa nito sa mga bansang nauna sa inyo. 29 Sinu¬mang gumawa ng alinman sa mga ka¬suklam-suklam na bagay na ito ay hindi na mabubuhay sa kanyang bayan. 30 Sun¬din ninyo ang aking mga kautusan, at huwag makiisa sa alinman sa mga ka¬suklam-suklam na kaugaliang ginawa ng mga nauna sa inyo, upang hindi ninyo madungisan ang inyong sarili sa kanila. Ako si Ya¬weng Diyos ninyo.

19 1 Kinausap ni Yawe si Moises, at sinabi: 2 “Magsalita ka sa buong pama¬yanan ng mga anak ng Israel at sabihin sa kanila – Magpa-kabanal kayo sapagkat akong si Yaweng Diyos ninyo ay banal.
3 Dapat igalang ng bawat isa sa inyo ang kanyang ina at ama; at igalang ninyo ang aking mga araw ng pahinga; ako si Yaweng Diyos ninyo.
4 Huwag kayong dudulog sa mga diyus-diyusan o igagawa ang inyong sarili ng mga diyos na tinunaw na metal; ako si Yaweng Diyos ninyo.
5 Kapag nag-aalay kayo kay Yawe ng handog sa mabuting pagsasamahan, ialay ninyo ito upang maging kalugud-lugod kayo. 6 Ka¬kanin iyon sa araw na inialay ninyo o sa susunod na araw. At kailangang sunugin ang anumang matitira sa ikatlong araw. 7 Kung kakainin iyon sa ikatlong araw, iyon ay di-malinis at hindi na kalugud-lugod. 8 Pagbabayaran ng sinumang kumain niyon ang kanyang kasalanan, sapag¬kat nilapas¬tangan niya ang isang bagay na banal kay Yawe at hindi na mabubuhay ang taong ito sa kanyang bayan.
Pagpapakatao sa araw-araw
• 9 Sa paggapas mo ng ani sa iyong lupain, huwag mong gagapasin hang¬gang sa pinakadulo ng iyong bukirin o simutin pa ang mga pinaggapasan. 10 Huwag mong sisimutin ang naiwang bunga sa iyong uba¬san ni pupulutin ang mga nalaglag na ubas; pabayaan mo na ang mga iyon sa mga dukha at sa mga dayuhan. Ako si Yaweng Diyos mo.
11 Huwag kayong magnanakaw o mag¬sisinungaling o manlilinlang sa isa’t isa.
12 Huwag kayong manunumpa nang walang katotohanan sa aking Panga¬lan, kalapastanganan iyon sa pangalan ng iyong Diyos; ako si Yawe.
13 Huwag mong aapihin ang iyong kapwa o pagnanakawan iyon. Hindi mai¬iwan sa iyo hanggang sa susunod na araw ang suweldo ng arawang trabahador.
14 Huwag mong alimurahin ang bingi o lagyan ng katitisuran ang daan ng bulag, kundi magkaroong-pitagan sa inyong Diyos; ako si Yawe.
15 Huwag mong baluktutin ang kataru¬ngan; huwag mong kikilingan ang dukha o yuyukuan ang malakas, ma¬ging maka-ta¬rungan ka sa paghatol sa iyong kapwa.
16 Huwag mong siraan ang iyong kaba¬bayan, at huwag hangarin ang kamatayan ng iyong kapwa; ako si Yawe. 17 Huwag kang magtanim ng galit sa iyong puso laban sa iyong kapatid; tahasan mo si¬yang panga¬ralan upang hindi makihati sa kanyang kasalanan.
18 Huwag kayong maghiganti o magtanim ng sama ng loob sa inyong kaba¬bayan, kundi mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong sarili; ako si Yawe.

• 19 Sundin ninyo ang aking mga kauga¬lian. Huwag mong palalahian ang iyong mga hayop sa hindi nito kauri. Huwag mong haha¬sikan ang iyong bukid ng dalawang klase ng binhi, at huwag magsusuot ng damit na yari sa dalawang magkaibang tela.
20 Kung makipagtalik ang isang lalaki sa isang aliping babaeng katipan ng ibang lalaki, at hindi pa ito natutubos o nabibigyang-kala¬yaan, magkakaroon ng kaparusahan. Ngunit hindi sila papatayin, sapagkat hindi pa malaya ang babae, 21 subalit magdadala ang lalaki ng isang barakong tupa sa pintuan ng Toldang Tagpuan bilang hain para sa utang kay Yawe para sa kanya. 22 Isasagawa ng pari sa harap ni Yawe ang pagbabayad-sala para sa kanya sa bara¬kong tupang hain para sa utang, at patatawarin ang nagawa niyang kasalanan.
23 Kapag nakapasok na kayo sa lupain at nakapagtanim na ng lahat ng uri ng punong nag¬bu¬bunga, ituring ninyong di-malinis ang mga bunga sa loob ng tatlong taon, at hindi dapat kainin. 24 Sa ikapat na taon, magiging banal ang lahat ng bunga, isang handog ng papuri kay Yawe. 25 Ngunit sa ikalimang taon, makakain na ninyo ang bunga, upang dumami ang bunga nito para sa inyo. Ako si Yaweng Diyos ninyo.
26 Huwag kayong kakain ng anuman sa iba¬baw ng dugo, at huwag manghuhula o gagawa ng astrolohiya. 27 Huwag kayong magpapagupit nang gupit-bao, o kortehan ang inyong balbas. 28 Huwag ninyong hihi¬waan ang inyong katawan para sa mga patay o tatatuan ang inyong sarili. Ako si Yawe.
29 Huwag mong lapastanganin ang iyong anak na babae sa pagtutulak sa kanya na ma¬ging babaeng bayaran, kung hindi’y magpapabayad din sa iba ang lupain at mapupuno ng kasa¬maan. 30 Ipangilin ninyo ang aking mga Araw ng Pahinga, at igalang ang aking Santu¬waryo. Ako si Yawe.
31 Huwag kayong sasangguni sa mga mid¬yum o espiritista sapagkat madudungisan nila kayo. Ako si Yaweng Diyos ninyo.
32 Tumayo ka sa harap ng matatanda, at igalang sila; pagpipitagan ito sa iyong Diyos. Ako si Yawe.
33 Sa pakikipamayan sa iyo ng isang dayuhan sa iyong lupain, huwag mo siyang aapihin. 34 Ituring ninyo siyang isa sa mga katutubong kasama ninyo. Mahalin mo siya tulad ng iyong sarili sapagkat kayo ay naging dayuhan din sa lupain ng Ehipto. Ako si Yaweng Diyos mo.
35 Huwag kayong magkakamali sa pag¬hatol o sa pagsukat o pagtimbang o pag¬takal. 36 Gu¬mamit kayo ng mga tim¬bangang husto sa timbang, panukat na husto sa sukat at takalang husto sa takal. Ako si Yaweng Diyos ninyo na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto.
37 Sundin ninyo ang lahat ng aking pasya at lahat ng aking kaugalian, at isabuhay ang mga ito. Ako si Yawe.”

Ilang batas sa pagpaparusa
20 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita: Kung may Israelita o dayuhang naninirahan sa Israel na magbigay ng kanyang anak sa Molek, siya’y papatayin. Babatuhin siya ng mga taum¬bayan. 3 Haharapin ko rin ang taong iyon at aalisin ko siya sa kanyang bayan dahil sa pagbibigay niya ng kanyang supling sa Molek; dinungisan niya ang aking santu¬waryo at nilapastangan ang aking banal na Pangalan.
4 Kahit na pagtakpan siya ng mga taumbayan at ayaw nilang makita ang pagbibigay niya ng kanyang supling sa Molek, at hindi nila siya patayin, 5 ako ang haharap sa kanya at sa buo niyang sambahayan. Aalisin ko siya sa kanyang bayan pati ang lahat ng sumunod sa kanya at nagbili ng sarili sa pagsunod sa Molek. 6 Kung may lalapit sa mga espiritista at mga mang-huhula at magbibili ng sarili kasama nila, haha¬rapin ko siya at aalisin sa kanyang bayan.
7 Magpakabanal kayo at maging banal sapagkat ako si Yaweng inyong Diyos. 8 Tupa¬rin ninyo ang aking mga kautusan at isabuhay sapagkat akong si Yawe ang nagpapabanal sa inyo.
9 Patayin ang sinumang manumpa sa kanyang ama o ina; dahil sa pagsumpa niya sa kanyang ama o ina, siya ang mananagot sa kanyang kamatayan. 10 Kung may lala¬king ma¬¬kiapid sa asawa ng kanyang kapwa, papatayin ang nakiapid pati ang babaeng nakiapid. 11 Kung may sumiping sa asawa ng kanyang ama, ini¬lantad niya ang kahubaran ng kanyang ama; papatayin ang sumiping pati ang babae, sila ang mana¬nagot sa kani¬lang kamatayan. 12 Kung may alaking sumi¬ping sa kanyang ma¬nugang na babae, pa¬pa¬tayin silang dalawa; na¬kagawa sila ng karumal-dumal na pagkakasala kaya sila ang mananagot sa kanilang kamata¬yan.
13 Kung may lalaking sumiping sa kapwa lalaki gaya ng pagsiping sa babae, nakagawa silang dalawa ng kasuklam-suklam na bagay; papatayin sila at sila ang mananagot sa kani¬lang kamatayan. 14 Kung may lala¬king kumuha sa isang babae at sa ina nito, ito ay kabuktutan. Susunugin siya kasama nila at wala nang kabuktutan sa piling ninyo.
15 Kung may lalaking makipagtalik sa isang hayop, papatayin siya pati ang hayop. 16 Kung may babaeng lumapit sa isang hayop para makipagtalik, papatayin siya pati ang hayop. Papatayin sila at sila lamang ang mananagot sa kanilang kamatayan.
17 Kung may lalaking kumuha sa kanyang kapatid na babae na anak ng kanyang ama o ina, at ilantad niya ang kahubaran nito at nito ang kahubaran niya, ito ay kabuktutan. Hindi na sila mabubuhay sa kanilang bayan. Mana¬nagot sa sariling kamatayan ang naglantad sa kahu¬baran ng kanyang kapatid na babae.
18 Kung may lalaking sumiping sa isang ba¬baeng may regla, inilantad niya ang bukal ng dugo nito sa paglalantad niya sa kahu¬baran nito, pati na ng babae. Kaya aalisin sila sa kani¬lang bayan. 19 Huwag mong ilantad ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ina o ama; gaya ito ng paglalantad sa kahu¬baran ng mga ito; kapwa ninyo pananagutan ang inyong kasalanan. 20 Kung may lalaking sumiping sa kanyang tiya, inilantad nito ang kahubaran ng kanyang tiyo. Mananagot sila sa kanilang kasalanan; ma-ma¬matay silang walang anak. 21 May karumal-dumal na kasalanan ang ku¬muha sa asawa ng kan¬yang kapatid na lalaki; inilantad niya ang kahubaran ng kapatid na lalaki; hindi sila mag¬kakaanak.
22 Tuparin ninyo ang lahat ng aking batas at kautusan at isabuhay, at baka kayo isuka ng lupaing pagdadalhan ko sa inyo upang doon manahan. 23 Kaya huwag kayong mamuhay ayon sa mga pag-uugali ng ban¬sang itinataboy ko sa harap ninyo sapagkat ginawa nila ang lahat ng ito at nasuklam ako sa kanila. 24 Kaya sinabi ko sa inyo: Mapa¬pasainyo ang kanilang lupaing ibinibigay ko sa inyo bilang pamana, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan.
Ako si Yaweng inyong Diyos ang siyang nagbukod sa inyo sa ibang mga bansa, 25 kaya dapat din ninyong ibukod ang mga hayop na malinis sa mga di-malinis, at ang mga ibong malinis sa di-malinis, at huwag madungisan ng alinmang hayop o ibon o ng anumang guma¬ga¬pang na kinapal sa lupa sapagkat ibinukod ko kayo sa mga ito. 26 Maging banal kayo sa akin sapagkat banal ako, si Yawe, at ibinukod ko kayo sa ibang mga bansa upang maging akin.
27 Patayin ang sinumang lalaki o babaeng espiritista o manghuhula. Babatuhin ang mga ito at sila ang mananagot sa kanilang kama¬tayan.”

21 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Mag¬sa¬¬lita ka sa mga paring anak ni Aaron at sabihin sa kanila: Huwag ninyong gawing di-malinis ang sarili sa bangkay ng inyong mga kababayan, 2 maliban sa malapit na kamag-anak: sa ina o ama, sa anak na lalaki o babae, o kapatid na lalaki. 3 Puwede rin kayong maging di-malinis nang dahil sa kapatid na babae na dalaga at walang asawa, at sa inyo umaasa. 4 Hindi dapat maging di-malinis ang pari dahil sa kamag-anakan ng kanyang asawa, at du¬ngisan ang kanyang sarili.
5 Hindi ipaaahit ng pari ang kanyang ulo, ni gugupitin ang dulo ng kanyang balbas, o susu¬gatan ang katawan. 6 Magiging banal sila sa kanilang Diyos, at hindi lalapas¬tanga¬nin ang pa¬nga¬lan ng kanilang Diyos; sila nga ang nag-aalay ng susunuging handog kay Yawe na pagkain ng kanilang Diyos kaya magiging banal sila.
7 Hindi sila mag-aasawa ng babaeng bayaran o ginahasa o hiniwalayan ng asawa; sapagkat banal na siya sa kanyang Diyos. 8 Itu¬ring mo siyang banal sapagkat siya ang nag-aalay ng pagkain ng iyong Diyos. Ituring mo siyang banal dahil banal ako, si Yaweng nagpa¬pabanal sa inyo.
9 Kung anak na dalaga ng pari ang maging babaeng bayaran at lapastanganin ang sarili, nilapastangan din ang kanyang ama, kaya su¬su-nugin siya.
10 Pagkasuot sa katangi-tanging mga damit, ang pinakadakila sa mga pari, na ang ulo ay binuhusan ng langis na pamahid, hindi niya ilulugay ang buhok o pupunitin ang kanyang damit. 11 Hindi siya lalapit sa anumang bangkay at maging di-malinis kahit na dahil sa kanyang ama o ina. 12 Hindi siya lalabas ng santuwaryo ng kanyang Diyos at lalapastanganin iyon, sa¬pagkat nasa kanya ang langis na pamahid ng kanyang Diyos na nagbukod sa kanya. Ako si Yawe.
13 Birheng babae ang dapat na maging asawa niya. 14 Hindi isang biyuda o babaeng hiniwa¬layan o ginahasa o babaeng bayaran kundi isang birheng mula sa sariling angkan. 15 Huwag niyang lapastanganin ang kanyang lahi sa gitna ng kanyang sambayanan sapagkat akong si Yawe ang nagpapabanal sa kanya.”
16 Nagsalita si Yawe kay Moses: 17 “Sabi¬hin mo kay Aaron: Walang sinuman sa iyong mga inapong may kapansanan sa alinmang salin¬lahing darating ang makapaglilingkod. Hindi siya lalapit para mag-alay ng pagkain ng kan¬yang Diyos. 18 Walang sinumang may kapan¬sanan ang makalalapit: bulag o pilay o may kulang sa katawan o may bahaging ma¬sama ang anyo 19 o may bali sa paa o kamay, 20 o kuba o unano o may pilak sa mata, o may ekse¬ma o buni o nadurog na itlog.
21 Hindi maiaalay ng sinumang may kapan¬sanang inapo ni Aarong pari ang susunuging handog. Huwag lalapit para mag-alay ng pag¬kain ng kanyang Diyos ang may kapansanan. 22 Makakakain siya ng mga banal o kabanal-banalang bagay na pagkain ng kanyang Diyos. 23 Ngunit hindi siya makapapasok sa kurtina at lalapit sa altar dahil sa kanyang kapansanan. Huwag niyang lapastanganin ang aking mga santuwaryo, sapagkat akong si Yawe ang siyang nagpa¬pabanal sa mga iyon.”
24 Kaya kinausap ni Moises si Aaron at ang mga anak nito at ang lahat ng Israelita.

22 1 Nagsalita si Yawe kay Moises: 2 “Sa¬bihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak ang tungkol sa pangingilag sa mga banal na handog na itinalaga sa akin ng mga Israelita upang di nila malapastangan ang aking banal na Pangalan. Ako si Yawe.
3 Sabihin mo sa kanila: Aalisin sa harap ko ang sinuman sa inyong inapo sa mga susunod na salinlahi na di-malinis na luma¬lapit sa mga banal na handog na itinalaga kay Yawe ng mga Israelita. Ako si Yawe.
4 Hindi makakakain ng mga banal na handog na ito ang sinumang may ketong o may tulong inapo ni Aaron hanggang hindi siya nali¬linis. Gayundin naman ang sinumang humipo sa taong naging di-malinis dahil sa paghipo sa isang bangkay, o dahil nilabasan 5 o humipo sa alinmang kinapal na guma¬gapang o nagawang di-malinis ng taong di-malinis dahil sa kahit anumang dahilan. 6 Ang sinumang humipo sa mga bagay na iyon ay magiging di-malinis hanggang hapon at hindi maaaring kumain ng mga bagay na banal hanggang hindi siya nali¬ligo. 7 Magiging malinis siya paglubog ng araw at makakakain ng mga banal na handog na kanyang pagkain.
8 Hindi siya kakain ng anumang hayop na namatay o nilapa, at maging di-malinis dahil dito. Ako si Yawe.
9 Tutuparin nila ang aking mga tuntunin at huwag silang magkasala sa bagay na ito, at baka mamatay sila sa kanilang paglapasta¬ngan. Ako si Yaweng nagpapabanal sa kanila.
10 Hindi makakakain ng bagay na banal ang tagalabas; hindi makakakain ang naki¬kituloy sa pari, o ang utusan niya. 11 Ngunit makakakain ang aliping binili ng pari o ipina¬nganak sa kan¬yang bahay: maka¬kakain sila ng kanyang pag¬kain.
12 Hindi naman makakakain sa mga banal na handog ang anak na dalaga ng pari na nag-asawa sa di-pari. 13 Subalit kung buma¬lik ang anak na babae ng pari sa bahay ng kanyang ama dahil nabiyuda o hini¬walayan at walang anak, makakakain siya ng pagkain ng kanyang ama gaya noong kabataan niya. Pero wala pa ring tagalabas na makakakain. 14 Kung may di-sinasadyang nakakain ng banal na handog, ibibigay niya sa pari ang banal na handog na may dagdag na ikalimang bahagi ng halaga. 15 Huwag nilang lapastanganin ang mga banal na bagay na abuloy ng mga Israelita kay Yawe, 16 at huwag pabayaang magkasala ang mga ito sa pagkain ng banal na handog sapagkat sila ang parurusahan. Ako si Yawe na siyang nagpapabanal ng mga bagay na iyon.”
17 Sinabi ni Yawe kay Moises: 18 “Magsalita ka kay Aaron at sa kanyang mga anak at sa la¬hat ng Israelita, at sabihin sa kanila: Kung may panata o kusang-loob na handog kay Yawe ang sinuman sa sambahayan ng Israel o sa mga dayuhan sa Israel, at gusto niyang ialay ang handog bilang susunuging handog, 19 wa¬lang kapintasang lalaking baka, tupa o kambing lamang ang magiging kalugud-lugod. 20 Hu¬wag kayong mag-aalay ng isang may kapintasan; hindi nga ito tatanggapin mula sa inyo.
21 Kung may panata o isang kusang-loob na handog ang isang tao at gusto niyang maghandog kay Yawe ng hain sa mabuting pagsa¬samahan mula sa bakahan o sa kawan, ang walang kapintasan at walang bahid na hayop lamang ang magiging kalugud-lugod. 22 Huwag ninyong ialay kay Yawe ang bulag o pilay o may hiwa o sugat o galis o kurikong. Huwag ninyong ilagay sa altar ang mga ito bilang handog na pinadaan sa apoy kay Yawe. 23 Maiaalay mo bilang kusang-loob na handog ang baka o tupa na may labis o kulang na bahagi sa katawan ngunit hindi iyon matatanggap bilang pag-tupad sa panata. 24 Huwag ninyong ialay kay Yawe ang hayop na nabugbog o nadurog o naalis o naputol ang mga itlog. Huwag ninyo itong gawin sa in-yong lupain. 25 Huwag nin¬yong tatanggapin mula sa dayuhan ang paghahandog ng gayong mga hayop bilang pagkain ng inyong Diyos. Kapintasan nga ang kakulangan ng bahagi sa katawan ng mga ito at hindi na magiging kalugud-lugod mula sa inyo.”
26 Sinabi ni Yawe kay Moises: 27 “Kapag may ipinanganak na baka o tupa o kambing, pitong araw itong mapapasakanyang-ina, at mula lamang sa ikawalong araw saka ito matatanggap bilang handog na pinadaan sa apoy kay Yawe. 28 Hindi parehong kakatayin sa iisang araw ang mag-inang baka o tupa.
29 Sa pag-aalay ninyo kay Yawe ng hain ng pasasalamat, pag-ingatan ninyong maging ka¬lugud-lugod kayo; 30 kanin ninyo ito sa araw na iyon; wala kayong ititira dito para sa susunod na araw. Ako si Yawe. 31 Kaya tuparin ninyo at isabuhay ang aking mga utos. Ako si Yawe.
32 Huwag ninyong lapastanganin ang aking banal na Pangalan, at kikilalanin akong banal sa mga anak ng Israel. Ako nga si Yaweng nag-papabanal sa inyo 33 at nag¬labas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto upang maging Diyos ninyo. Ako si Yawe.
Mga taunang piyesta
23 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Mag¬salita ka sa mga anak ng Israel, at sabihin sa kanila: Tatawag kayo ng mga banal na pagtitipon sa mga takdang piyesta ni Yawe. Narito ang aking mga piyesta –
3 Pagkatapos ng anim na araw na trabaho, Araw ng ganap na Pahinga ang ikapitong araw, araw ng banal na pagtitipon, at hindi kayo gagawa ng anumang trabaho: ito ay araw ng pahinga kay Yawe sa lahat ng inyong bahay.
4 At ito naman ang mga takdang piyesta ni Yawe sa pagpapahayag ninyo ng mga banal na pagtitipon sa takdang panahon:
5 Sa pagtatakipsilim sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan – ang Paskuwa ni Yawe. 6 At sa ikalabinlimang araw naman ng buwang iyon ang Piyesta ng Tinapay na Walang Leba¬dura sa karangalan ni Yawe. Tinapay na walang lebadura ang kakanin ninyo sa loob ng pitong araw.
7 Magkakaroon ng banal na pagtitipon sa unang araw at walang sinumang magta¬trabaho. 8 Mag-aalay kayo ng sinunog na handog kay Yawe sa loob ng pitong araw, at magkakaroon kayo ng banal na pagtitipon sa ikapitong araw at walang sinumang mag¬ta¬trabaho.”

Pag-aalay sa unang uhay
• 9 Kinausap ni Yawe si Moises, at sinabi: 10 “Kausapin mo ang mga anak ng Israel, at sabihin sa kanila: Pagpasok ninyo sa lu¬paing ibibigay ko sa inyo at ginagapas na ang ani nito, dadalhin ninyo sa pari ang isang bigkis, ang mga unang bunga ng inyong ani, 11 at pain¬dayog niyang iha-handog iyon sa harap ni Yawe upang maging kalugud-lugod kayo; ihahandog iyon ng pari kinabukasan ng Araw ng Pahinga.
12 Sa araw na ihandog ninyo ang big¬kis ng ani, mag-aalay kayo ng korde¬rong walang kapintasan at isinilang nang taong iyon bilang sinunog na handog kay Yawe.
13 At kasama nito ang handog na butil na dalawang ikapung takal ng pinong harina na may halong langis – handog na pinaraan sa apoy para kay Yawe, at masarap ang amoy – at handog na inumin na isang litrong alak. 14 Huwag kayong kakain ng tinapay o butil na sinangag man o bagong ani hang¬gang sa araw na madala ninyo ang alay sa inyong Diyos. Ito ay kautusang pang¬habampanahon para sa lahat ng salinlahi sa buong bayan ninyo.
Ang Pentekostes
15 Bibilang kayo ng pitong sanlinggo matapos ang Araw ng Pahinga nang magdala kayo ng mga uhay na inihandog na paindayog. 16 At sa susunod na araw pagkaraan ng ikapitong sanlinggo, sa ikalimampung araw, mag-aalay kayo kay Yawe ng bagong pagkaing handog. 17 Magdadala kayo mula sa inyong mga tirahan ng dalawang tinapay na gawa sa tigalwang ikapu ng efa na pinong harina at nilutong may lebadura para ihandog na paindayog. Unang bunga para kay Yawe ang mga ito. 18 Bukod sa tinapay, mag-aalay rin kayo ng pitong batang tupang walang kapintasan na tig-isang taong gulang, isang toro, at dalawang barakong tupa. At iaalay ang mga ito bilang susunuging handog na may kasamang butil na handog at mga inuming handog. At ito’y magiging handog na pinadaan sa apoy, amoy na kalugud-lugod kay Yawe.
19 Mag-aalay rin kayo ng isang barakong kambing bilang hain para sa kasalanan, at ng dalawang tupang tig-isang taong gulang bilang hain sa mabuting pagsasamahan. 20 Iiindayog ng pari sa harap ni Yawe ang mga ito pati ang tinapay at ang dalawang batang tupa. Magiging banal kay Yawe ang mga ito, at mapapasapari. 21 Idedeklara ninyo sa araw ding iyon ang isang pagtitipon at magka¬karoon kayo ng isang banal na kapulungan. Huwag kayong gagawa ng anumang trabaho ng manggagawa. Ito’y magi¬ging isang palagiang kaugalian sa inyo sa lahat ng salinlahi saanman kayo manirahan.
22 Sa paggapas ng ani sa inyong lupain, huwag ninyong sairin hanggang sa pina¬kagilid ng bukid, ni pulutin ang mga nalaglag na trigo. Iwan mo sa dukha at sa dayuhan ang mga ito. Ako si Yaweng inyong Diyos.”
23 Nagsalita si Yawe kay Moises: 24 “Sabi¬hin mo sa mga Israelita: Sa unang araw ng ikapitong buwan, ipagdiriwang ninyo ang Dakilang Araw ng Pahinga sa tunog ng trumpeta at banal na kapulungan. 25 Huwag kayong gagawa ng anumang trabaho ng manggagawa. At mag-aalay kayo kay Yawe ng isang handog na pina¬daan sa apoy.”
26 Nagsalita si Yawe kay Moises: 27 “Sa ikasampung araw naman ng buwang ito ninyo ipag¬diriwang ang Pagpapatawad. Magkakaroon kayo ng banal na pagtitipon, magsa¬sakripisyo kayo at mag-aalay kay Yawe ng isang handog na pinadaan sa apoy. 28 Huwag kayong gagawa ng anumang trabaho ng mang-gagawa sa araw na ito sapagkat ito’y Araw ng Pagpapatawad upang humingi ng tawad sa harap ni Yaweng inyong Diyos.
29 Aalisin sa kanyang angkan ang sinu¬mang di magsakripisyo sa araw na ito, 30 at lilipulin ko sa kanyang bayan ang sinumang gumawa sa araw na iyon. 31 Huwag kayong gagawa ng anu¬mang trabaho, isa itong kautusang pang¬ha¬bampanahon sa inyong mga salinlahi saanman kayo manahan. 32 Magiging isang Daki¬lang Araw ng Pahinga ito sa inyo; magsa¬sakripisyo kayo mula sa hapon ng ikasiyam na araw ng bu¬wan hanggang sa susunod na hapon, at mag¬papahinga sa pahingang ito.”
33 Nagsalita si Yawe kay Moises: 34 “Sabi¬hin mo sa mga Israelita: Sa ikalabin¬limang araw ng buwang ito, pitong araw ninyong ipagdiriwang kay Yawe ang Piyesta ng mga Kubol. 35 Magka¬karoon kayo ng banal na pagtitipon sa unang araw, at huwag kayong gagawa ng anumang tra¬baho ng mangga¬gawa. 36 Pitong araw ka¬yong mag-aalay ng handog na pinadaan sa apoy kay Yawe, at sa ikawalong araw ay magka¬karoon kayo ng isang banal na pagtitipon at mag-aalay ng handog na pinadaan sa apoy kay Yawe. May pagtitipon kayo, kaya huwag ka¬yong gagawa ng anumang trabaho ng manggagawa.
37 Ito nga ang mga piyesta ni Yawe na ipag¬diriwang ninyo sa mga banal na pagti¬tipon para mag-alay kay Yawe ng handog na pinadaan sa apoy, ng susunuging handog at handog na butil, ng hain, at mga inuming handog, gaya ng na¬babagay sa bawat araw.
38 Bukod pa ang mga iyon sa mga Araw ng Pahinga ni Yawe, sa inyong mga kaloob, mga panata, mga kusang-loob na handog na inaalay ninyo kay Yawe.
39 Sa ikalabinlimang araw naman ng ikapitong buwan, sa pag-iipon ng mga bunga ng bukid, pitong araw ninyong ipagdiriwang ang piyesta ni Yawe. Magiging Dakilang Araw ng Pahinga ang una at ikawalong araw. 40 Mangu¬¬nguha kayo sa unang araw ng mga bunga ng limon, ng mga palma, ng mga sanga ng ma¬lalagong punungkahoy at ng mga tibig sa labi ng batis, at pitong araw kayong magagalak sa harap ni Yaweng inyong Diyos. 41 Pitong araw ninyong ipag¬diriwang taun-taon ang piyestang ito kay Yawe. Panghabampanahong kautusan ito. Ipagdiriwang ninyo ito sa ikapitong buwan ng taon. 42 Sa mga kubol kayo maninirahan sa loob ng pitong araw. Sa mga kubol maninirahan ang lahat ng taga-Israel 43 para malaman ng inyong mga inapo na matapos kong ilabas mula sa lupain ng Ehipto ang mga Israelita ay pinatira ko sila sa mga kubol. Ako si Yaweng inyong Diyos.”
44 Kaya itinuro ni Moises sa mga anak ng Israel ang mga piyesta ni Yawe.

24 1 Nagsalita si Yawe kay Moises: 2 “Iutos mo sa mga Israelita na mag¬dala sa iyo ng purong langis ng dinurog na mga olibo para sa ilawan upang laging may ningas ang mga ilaw. 3 Sa Toldang Tagpuan ito iha¬handa ni Aaron sa labas ng kurtinang nasa harap ng Pahayag upang laging mag¬ningas sa harap ni Yawe mula hapon hang¬gang umaga. Panghabam-panahong kautu¬san ito sa inyong mga salinlahi. 4 Ihahanda niya ang mga ilawan sa kandelabrang lantay na ginto upang laging magningas sa harap ni Yawe.
5 Kukuha ka ng pinong harina at maglu¬luto ng labindalawang tinapay na tigalwang ikapu ng efa. 6 Iaayos mo ang mga ito sa dalawang hanay, anim sa bawat hanay, sa lantay na gin¬tong mesa sa harap ni Yawe. 7 Lalagyan mo ng purong insenso ang bawat hanay bilang pag-alaala, isang handog na pinadaan sa apoy kay Yawe.
8 Tuwing Araw ng Pahinga ilalagay ang mga tinapay na iyon sa harap ni Yawe sa ngalan ng mga Israelita magpakailanman; ito’y isang walang hanggang tipan. 9 Para kay Aaron at sa kanyang mga anak ang mga iyon, at kakanin nila ang mga iyon sa isang banal na lugar, dahil kabanal-banalan ngang pagkain ang mga iyon kaysa ibang mga handog na pinadaan sa apoy kay Yawe. Panghabampanahong kautusan ito.”
Paglapastangan o pag-insulto sa Diyos
10 May anak ng isang inang Israelita at amang Ehipsiyo. 11 Ininsulto at sinumpa ng nasabing anak ng Israelita (na Selomit ang pangalan at anak na babae ni Dibri sa tribu ng Dan) ang Pangalan. Kaya dinala siya kay Moises 12 at ipi¬nabilanggo hanggang maipa¬hayag ang pasya ni Yawe.
13 At sinabi ni Yawe kay Moises: 14 “Ilabas mo ng kampo ang nanlait at pagkapatong sa kanya ng mga kamay ng lahat ng nakarinig sa kanya, batuhin siya ng buong pama¬yanan. 15 At saka mo sabihin sa mga Israelita: Mananagot sa kanyang kasalanan ang sinumang sumumpa sa kanyang Diyos. 16 Papatayin ang sinumang uminsulto sa Ngalan ni Yawe. Babatuhin siya ng buong pamayanan; papatayin ang sinumang uminsulto, dayuhan man o katutubo.
Ang batas ng pagganti
• 17 Papatayin ang taong nakamatay.
18 Papalitan ng pumatay ang hayop na kanyang pinatay – buhay kapalit ng buhay. 19 Kung may manakit sa kanyang kapwa, sasaktan din ito gaya ng kanyang ginawa. 20 Bali sa bali, mata sa mata, ngipin sa ngipin! Ang ginawa niya sa iba ay gagawin din sa kanya. 21 Papalitan ng pumatay ang hayop na kanyang pinatay pero papatayin ang makamatay ng tao.
22 Iisa lamang ang paghatol ninyo sa dayuhan at katutubo. Ako si Yaweng inyong Diyos.”
23 Matapos itong sabihin ni Moises sa mga Israelita, inilabas nila ng kampo ang taong nang-insulto at binato siya; kaya tinupad nila ang iniutos ni Yawe kay Moises.
Taon ng Pahinga at Magandang Pahayag
25 • 1 Kinausap ni Yawe si Moises sa Bundok Sinai: 2 “Kausapin mo ang mga Israelita, at sabihin sa kanila: Pag¬pasok ninyo sa lupaing ibi¬bigay ko sa inyo, magpapahinga ang lupa para kay Yawe tuwing ikapitong taon. 3 Sa loob ng anim na taon, mag¬ha¬hasik ka sa iyong bukirin, puputulan ang iyong ubasan at aanihin ang bunga; 4 ngunit sa ikapitong taon, o taon ng pahinga o sabbat kay Yawe, magpapahinga ang lupa. Huwag kang maghahasik sa iyong bukirin, o pu¬pu¬tulan ang iyong ubasan; 5 huwag mong kukunin ang kusang sumibol pagkaani o pipitasin ang bunga ng iyong uba¬sang hindi inalagaan.
Ito ang magiging taon ng pahinga para sa lupa, 6 ngunit magsisilbing pag¬kain mo at ng iyong mga alipin, ng iyong upahang trabahador at ng dayu¬hang nakikipani¬rahan sa iyo ang anu¬mang ibunga niyon. 7 Ang bunga niyon ang magbibigay rin ng pagkain sa iyong hayupan pati na sa mababangis na hayop sa iyong lupain.
8 Pagkatapos ng pitong sabbat ng mga taon, pitong tigpipitong taon o pi¬tong linggo ng mga taon, kayat apat-napu’t siyam na taong lahat, 9 sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, patutunugin ang trumpeta sa lahat ng lugar. Sa Araw na ito ng Pagbabayad-sala, patutunugin ang trumpeta sa bu¬ong lupain. 10 Paba¬nalin ang ikalimampung taon at ipahayag ang pagpapalaya sa buong lupain para sa lahat ng nari¬rito. Ito ang magiging Taon ng Magandang Pahayag para sa inyo sapag¬kat mababawi ng bawat isa ang kanyang ari-arian at uuwi sa kanya-kanyang ang¬kan. 11 Sa ikalimampung taong ito, ang inyong Taon ng Magan¬dang Pahayag, huwag kang magha¬hasik o mangungu¬ha ng kusang sumibol pagkaani o mami¬mitas ng bunga sa ubasang hindi inala¬gaan, 12 sapagkat magiging banal para sa inyo ang taong ito ng Magandang Paha¬yag, at kakanin mo ang kusang ibubunga ng bukiring hindi binungkal.
13 Sa taong ito ng Magandang Paha¬yag, mababawi ng bawat isa sa inyo ang kan¬yang ari-arian. 14 Sa pagtitinda mo o pag¬bili ng anuman sa iyong kapwa, huwag kayong manlamang sa isa’t isa. 15 Bibili ka sa iyong kaba¬bayan ayon sa bilang ng mga taong lumipas pagkatapos ng Ma¬gandang Pahayag, at pagbi¬bilhan ka na¬man niya batay naman sa bilang ng mga taong nalalabi bago mag-ani. 16 Kung marami ang mga taon, tataasan mo ang presyo; at kung kaka¬un¬ti naman ang mga taon, bababaan mo ang presyo, sapagkat ang bilang ng ani ang talagang ipi¬nagbibili niya sa iyo.
17 Kaya huwag kayong manlamang sa isa’t isa, kundi magkaroong-pitagan sa iyong Diyos, sapagkat ako si Yaweng Diyos mo. 18 Gawin ninyo ang aking mga kaugalian at sundin ang aking mga pasya, at mabubuhay kayo nang mati¬wasay sa lupain. 19 At ipagkakaloob ng lupa ang mga bunga nito, at ka¬ka¬in kayo hanggang mabusog, at ma¬bu¬buhay nang panatag.
20 Ngunit kung itatanong mo – Ano ang aming kakanin sa ikapitong taon kung hindi kami maghahasik o mag-aani? – 21 ipadadala ko sa inyo ang aking pagpa¬pala sa ikanim na taon, at ito’y magbu¬bunga nang sapat para sa tatlong taon. 22 Kaya sa ikawalong taon, ang matitira sa dating ani ang mag¬¬bi¬¬¬¬bigay sa inyo ng panghasik at pagkain hanggang sumapit ang anihan sa ika¬siyam na taon.
23 Hindi maipagbibili nang pangha¬bam¬panahon ang lupa sapagkat ang lupa ay akin, at kayo ay mga dayuhan at pana¬u¬hin ko lamang.
24 Maaaring tubusin ang lupa sa buong lupaing sakop ninyo. 25 Kung maghirap ang iyong kababayan at ipinagbili niya ang kanyang ari-arian, tutubusin ng pi¬na¬ka¬malapit niyang kamag-anak ang ipi¬nag¬bili niya.
26 Kung wala naman siyang kamag-anak na tutubos nito para sa kanya, kundi siya mismo ang magkaroon ng sapat na pantubos, 27 kukuwentahin niya ang halaga para sa mga taon mula nang ipag¬bili niya iyon, at babayaran sa kanyang pinagbilhan ang halagang para sa nala¬labi pang mga taon, at sa gayon niya mababawi ang kanyang ari-arian. 28 Ngu¬nit kung hindi naman siya magkaroon ng sapat na pantubos, mananatili ang ipinagbiling ari-arian sa nakabili hang-gang sa Taon ng Magan¬dang Pa¬hayag kung kailan isasauli iyon sa dating may-ari.
29 Sa ganito ring paraan, kung may magbenta ng bahay na nasa napapaderang lunsod, may karapatan siyang tubusin iyon sa loob ng isang taon mula sa araw ng pagbibilihan. 30 Kung hindi iyon matubos sa loob ng isang taon, ang bahay sa napapade¬rang lunsod ay magiging ari-arian na ng bumili at ng kanyang mga inapo sa habampanahon, at hindi ito isasauli sa Taon ng Magandang Pahayag. 31 Ang mga bahay sa mga kanayunang hindi napapaderan ay ipina¬lalagay na mga bukirin, kaya maaaring tubusin ang mga ito, at isasauli sa Taon ng Magandang Pahayag.
32 Sa mga lunsod naman ng mga Levita, may palagian silang karapatang tubusin ang mga bahay na kanilang ari-arian. 33 Ang bahay na ipinagbili na nasa kanilang lunsod ay iba¬balik sa panahon ng Magandang Pahayag, sapagkat ang mga bahay sa mga lunsod ng mga Levita ay mga ari-arian nila sa piling ng mga Israelita. 34 Hindi rin maipag¬bibili ang bukirin na nasa kanilang mga lunsod: ari-arian nila ang mga iyon sa habam¬panahon.
Paano magpapahiram sa kapwa
• 35 Kung maghirap ang iyong kaba¬bayan at hindi na niya maharap ang sitwasyon, tulungan mo siya tulad ng pagtulong mo sa dayuhan at panauhin upang mabuhay siya nang dahil sa iyo. 36 Huwag mo siyang pagtutubuan, kundi magkaroon ka ng pitagan sa iyong Diyos upang patuloy na mabu¬hay sa piling mo ang iyong kababayan. 37 Hu¬wag mo siyang pagtutubuan kapag pinahiram mo siya ng pilak o pagkain. 38 Ako si Yaweng Diyos ninyo na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto upang ibigay sa inyo ang lupain ng mga Kanaan, at maging Diyos ninyo.
39 Kung maghirap ang iyong kapwa at ipagbili ang sarili sa iyo, huwag mo siyang pagtatrabahuhin bilang alipin, 40 ngunit ituring mo siya bilang upa¬hang traba¬hador o dayuhan, at magta¬traba¬ho siya sa iyo hanggang sa Taon ng Ma¬gandang Pa¬hayag.
41 Saka siya aalis, kasama ang kanyang mga anak, at uuwi sa sariling angkan at sa ari-arian ng kanyang mga ninuno. 42 Sa¬pagkat mga katulong ko sila na ini¬labas ko mula sa lupain ng Ehipto at hindi sila dapat ipagbili bilang mga alipin.
43 Huwag mo siyang pagmalupitan, kundi magkaroon ka ng pitagan sa iyong Diyos.
44 Tungkol naman sa mga aliping lalaki at babae, sa mga bansang nakapaligid sa inyo ninyo sila bibilhin. 45 Makabibili rin kayo mula sa mga dayuhang nakikipamayan sa inyo o mula sa kanilang mga kaanak na ipina¬nganak sa inyong lupain – maaaring maging ari-arian ninyo ang mga ito. 46 At maipama¬mana ninyo sila sa inyong mga anak, at magagawa silang alipin habam¬buhay. Ngu¬nit hindi ninyo dapat pagmalupitan ang inyong mga kapwa-Israelita.
47 Kapag ang isang dayuhan o pansamantalang nakikipamayan ay yumaman, at isa sa iyong kababayan ay maghirap at kaila¬ngang ipagbili ang sarili sa dayuhang naki¬kipamayan sa inyo o sa kaanak ng dayuhan, 48 may karapatan pa rin siyang matubos. Maaari siyang tubusin ng isa sa kanyang mga kapatid, 49 o ng kanyang tiyo o anak ng kan¬¬yang tiyo o isang malapit na kamag-anak. 50 Kung yumaman siya, siya mismo ang tutubos sa kanyang sarili. Tu¬tuusin niya at ng nakabili sa kanya ang bilang ng taon mula sa taon ng pagkakabili sa kanya hanggang sa Taon ng Magandang Pahayag, at ibabatay ang halaga sa suweldo ng arawang trabahador para sa gayong bilang ng mga taon.
51 Kung marami pang taon ang nalalabi, ba¬bayaran niya ang nalalabi pang panahon batay sa halagang ibinayad para sa kanya. 52 Kung ilang taon na lamang ang nalalabi para sa Taon ng Magandang Pahayag, kuku¬wentahin niya ang halaga at babayaran ito batay sa nalalabi. 53 Ituturing siyang katulong na inuupahan taun-taon, at tiyakin mong hindi siya pagmamalupitan ng kanyang amo.
54 Kung hindi siya matutubos sa alinman sa mga paraang ito, palalayain siya at ang kanyang mga anak sa Taon ng Magandang Paha¬yag. 55 Sapagkat mga katulong ko ang mga anak ng Israel; sila ang aking mga katulong na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Ako si Yaweng Diyos ninyo.”

1 “Huwag kayong gagawa ng mga diyus- diyusan para sa inyong sarili o magtatayo ng mga estatwa o sagradong haligi o inukit na bato sa inyong lupain upang yumuko sa harap ng mga ito, sapagkat ako si Yaweng Diyos ninyo.
2 Ipangilin ninyo ang aking mga Araw ng Pahinga at igalang ang aking santuwaryo. Ako si Yawe.
Mga pangako ng Diyos
• 3 Kung lalakad kayo ayon sa aking mga kaugalian at susundin ang aking mga utos, at isasabuhay ang mga ito, 4 bi¬bigyan ko kayo ng ulan sa panahon nito at magbubunga ang lupa at ang mga punungkahoy sa bukid; 5 tatagal hang-gang sa pamimitas ang panahon ng paggiik, at ang pamimitas hang¬gang pag¬hahasik. Kakain kayo hang¬gang gusto ninyo, at mabubuhay nang matiwasay sa inyong lupain.
6 Bibigyan ko ng kapayapaan ang in¬yong lupain, at mahihiga kayo nang wa¬lang pinangangambahan. Papawiin ko sa lupain ang mababangis na mga hayop at di ko padadaanin ang tabak sa inyong lupain. 7 Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway at mabubuwal sila sa harap ng inyong tabak; 8 lima sa inyo ang tutugis sa sandaan sa kanila, at sandaan naman sa inyo sa sampung libo sa kanila, at ma-bubuwal sila sa inyong tabak sa harap ninyo.
9 Haharap ako sa inyo at gagawin ka¬yong mabunga, at pararamihin ko kayo at pagtitibayin ko ang aking tipan sa in¬yo. 10 Kinakain pa ninyo ang da¬ting ani ay kailangang ilabas na ninyo ang naka¬imbak upang may paglagyan sa bago.
11 Ilalagay ko ang aking Tirahan sa pi¬ling ninyo at hindi ako magsasawa sa inyo. 12 Lalakad ako sa inyong piling; ako ang magiging Diyos ninyo at kayo naman ang magiging bayan ko. 13 Ako si Yaweng Diyos ninyo na naglabas sa inyo mula sa Ehipto upang hindi na nila maging alipin. Winasak ko na ang halang ng inyong mga pamatok upang makalakad kayo nang tuwid.
Mga sumpa
14 Ngunit kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi tutuparin ang lahat ng utos na ito, 15 kung pagsasawaan ninyo ang aking mga kaugalian, at kasusuklaman ang aking mga kautusan, at tatangging isagawa ang lahat kong utos, at sisirain ang aking paki¬kipagtipan, 16 ito naman ang aking gagawin: padadalhan ko kayo ng sindak, tuberkulosis at lagnat na mag-papalabo sa inyong mga mata at sasaid sa inyong buhay. Walang mangyayari sa inyong paghahasik sa¬pagkat kakanin ito ng inyong mga kaaway.
17 Haharapin ko kayo hanggang malupig kayo ng inyong mga kalaban. Ang mga namu¬muhi sa inyo ang maghahari sa inyo, at tatakas kayo bagamat walang tumutugis sa inyo.
18 Kung pagkatapos ng lahat ng ito ay hindi pa rin kayo makikinig sa akin, maka¬pitong beses ko pa kayong paru¬rusahan sa inyong mga kasalanan. 19 Wawasakin ko ang inyong ka¬pang¬¬yarihan at kayabangan; gagawin kong parang bakal ang langit at parang tanso ang lupa para sa inyo. 20 Mawa-walang-kabuluhan ang inyong pagpapagal; hindi magbubunga ang inyong lupa pati ang inyong mga punung¬kahoy. 21 Kung lalaba¬nan ninyo ako at hindi maki¬kinig, maka¬pitong ulit pa ang salot na ipadadala ko sa inyo para sa mga pagkakasala ninyo. 22 Paka¬¬kawalan ko ang maba¬bangis na hayop, at lala¬pain nila ang inyong mga anak; pupuksain ko ang inyong mga hayupan at pa¬uuntiin ko ang inyong bilang hanggang matiwangwang pati ang inyong mga lan¬sangan.
23 Kung sa kabila ng lahat ng ito ay hindi pa rin kayo nagsisi at mananatili sa paglaban sa akin, 24 ako mismo ang lalaban sa inyo at ma-kapitong ulit ko kayong parurusahan dahil sa inyong mga kasalanan. 25 Dadalhin ko ang tabak laban sa inyo bilang paghi¬higanti ng aking tipan sa inyo; at pag nagkatipun-tipon kayo sa inyong mga lunsod, padadalhan ko kayo ng salot at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng inyong mga kaaway. 26 Kapag ginawa kong kulang ang inyong tina¬pay, sampung babae ang magluluto ng inyong tinapay sa iisang hurno at irarasyon nila ang tinapay ayon sa tim¬bang, kakain kayo ngunit hindi mabubusog.
27 Kung sa kabila ng lahat ng ito ay hindi pa rin kayo makikinig sa akin at patuloy na lalaban, 28 lalabanan ko kayo sa aking poot, at ako mismo ang magpaparusa sa inyo nang makapitong ulit sa inyong mga pagka-kasala. 29 Kakanin ninyo ang laman ng inyong mga anak. 30 Wa¬wasakin ko ang inyong mga altar sa burol, at gigibain ang inyong mga altar ng insenso, itatambak ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga walang buhay ninyong diyus-diyusan, at kasusuklaman ko kayo.
31 Wawasakin ko ang inyong mga lunsod, at gagawing tiwangwang ang inyong mga santuwaryo, at hindi na ako masisiyahan sa ma¬sarap na amoy ng inyong mga handog. 32 Sasa¬lantain ko ang lupain kayat manggi¬gilalas ang inyong mga kaaway na nakatira roon. 33 Ikakalat ko kayo sa mga bansa, at bubunutin ko ang aking tabak sa inyong liku¬ran, at matitiwangwang ang inyong lupa at maiiwang guho ang inyong mga lunsod. 34 At tatamasahin ng lupa ang kanyang mga taon ng sabbat hangga’t ito’y nakatiwang¬wang, samantalang kayo’y nasa lupain ng inyong mga kaaway; 35 makapagpapahinga ang lupa at tatamasahin ang sabbat nito. Hangga’t tiwangwang ang lupa, makapag¬papahinga ito, na hindi nito naipagpahinga sa inyong mga sabbat noong kayo’y nakatira rito.
36 Papanghihinain ko naman ang loob ng mga matitira sa inyo sa lupain ng kanilang mga kaaway. Magsisitakbo sila sa ingay lamang ng isang dahong hinihipan ng hangin. 37 Magsi¬sitakas silang parang hina¬habol ng taga, at ma¬bubuwal gayong wala namang humahabol sa kanila. Magkaka-banggaan silang tila hinahabol ng taga, gayong wala namang humahabol, at hindi kayo makatatayo sa harap ng inyong mga kaaway. 38 Pupuksain ko kayo sa piling ng mga bansa, at lalamunin ng lupain ng inyong mga kaaway.
39 Mabubulok dahil sa kanilang mga kasamaan ang malalabi sa inyo sa lupain ng inyong mga kaaway, at dahil din sa kasa¬lanan ng kanilang mga ninuno, magka¬kasama silang mabubulok. 40 At aaminin nila ang kanilang mga kasalanan pati ang kasa¬lanan ng kanilang mga ninuno. Kikilalanin nila na ang kanilang mga kataksilan at paglaban sa akin 41 ang dahilan ng paglaban ko sa kanila kaya dinala ko sila sa lupain ng kanilang mga kaaway, at matututong mag¬pa¬kababa ang kanilang pusong natural na mapaghimagsik, at tatanggapin nila ang kaparusahan sa kanilang kasa-lanan. 42 At aalala¬ha¬nin ko ang aking pakikipagtipan kay Jacob at ang aking paki¬kipagtipan kay Isaac at ang aking pakikipagtipan kay Abraham, at aalalahanin ko ang lupain.
43 Sapagkat iiwan nila ang lupain at tatamasahin niyon ang kanyang mga sabbat hang¬ga’t nakatiwangwang at wala sila, habang pinag¬¬babayaran nila ang kanilang pagkakasala sapagkat itinakwil nila ang aking mga pasya at nagsawa na sa aking mga kaugalian.
44 Gayunman, kapag naroon sila sa lupain ng kanilang mga kaaway, hindi ko itatakwil o pag¬¬sasawaan hanggang mapuksa sila at masira ang pakikipagtipan ko sa kanila, sapagkat ako si Yaweng Diyos nila. 45 Alang-alang sa kanila, aalalahanin ko ang paki¬kipagtipan sa kanilang mga ninuno na ini¬labas ko mula sa Ehipto sa paningin ng mga bansa, upang maging Diyos nila. Ako si Yawe.
46 Ito ang mga kaugalian, mga kautusan at mga batas ng pakikipagtipan ni Yawe sa mga anak ng Israel sa pamamagitan ni Moises sa Bundok Sinai.
Tungkol sa mga panata
27 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Mag¬sa¬lita ka sa mga Israelita tungkol sa panatang kailangang magbayad ng halaga para matupad. Ikaw ang magpe¬presyo sa bawat isa ayon sa katumbas na shekel ng santuwaryo.
3 Para sa lalaking nasa pagitan ng dalawampu at animnapung taong gulang: limam¬¬pung shekel na pilak. 4 At sa babae: tatlumpung shekel. 5 Sa taong nasa pagitan ng lima at dalawampung taong gulang: dalawampung shekel sa lalaki at sampu sa babae ang takdang ha¬lagang ipepresyo mo. 6 Sa mga nasa pagitan ng isang buwan at limang taon: limang shekel na pilak ang ipepresyo mo sa lalaki at tatlo naman sa babae. 7 Sa mga animnapung taon pataas: labin¬limang shekel ang ipepresyo mo sa lalaki, at sampu sa babae.
8 Kung mabigat para sa taong may panata ang pagpepresyo mo, ihaharap siya sa pari na siyang magpepresyo rito ayon sa kaya ng ta¬ong may panata.
9 Kung hayop ang ipinangakong handog kay Yawe, magiging banal ang lahat ng ibigay kay Yawe. 10 Hindi mapagpapalit o maipapalit ang mabuti sa masama o ang masama sa mabuti. Kung papalitan ang hayop ng iba pang hayop, kapwa magiging banal ang dati at ang kapalit. 11 Kung may di-malinis na hayop na di maiaalay kay Yawe, ihaharap ang hayop sa pari. 12 Siya ang mag¬pe¬presyo sa mabuti at sa masama; ang sinabi niya ang masusunod. 13 Kung gusto ng nag-aalay na tubusin ang hayop, babayaran niya ang presyong itinakda ng pari na may dagdag pang ikalimang bahagi.
14 Kung may magtatalaga ng kanyang bahay bilang bagay na banal kay Yawe, pepres¬yuhan ng pari ang mabuti at masama nito, masusunod ang sinabi ng pari. 15 Kung gusto ng nagtalaga ng bahay na tubusin ito, baba-yaran niya ang presyong itinakda ng pari at may dagdag pang ikalimang bahagi.
16 Kung may magtatalaga kay Yawe ng isang minanang lupain, pepresyuhan ito batay sa dami ng binhing inihahasik doon: limampung shekel na pilak para sa bawat homer na sebada.
17 Kung itinatalaga ang bukid sa Taon ng Mabuting Pahayag, ang buong halaga nito ang susundin. 18 Ngunit kung itinatalaga ito pagka¬raan ng ilang panahon, pepresyuhan ang bukid batay sa dami ng mga nalalabing taon bago sumapit ang susunod na Mabuting Pahayag at babawasan ang halaga ayon sa lumipas na mga taon.
19 Kung gusto itong tubusin ng nagtalaga ng bukid, babayaran niya ng takdang halaga, na may dagdag na ikalima pang bahagi at saka niya iyon mababawi. 20 Kung sakaling hindi niya tubusin ang bukid at ipinagbili na sa iba, hindi na iyon matutubos. 21 At paglaya ng bukid sa Taon ng Mabuting Pahayag, magiging bagay na banal iyon kay Yawe tulad ng isang bukid na ginawang banal (itinakwil kay Yawe) at mapapasapari iyon.
22 Kung may magtalaga kay Yawe ng isang bukid na binili niya bukod sa kanyang pamana, 23 pepresyuhan ito ng pari ayon sa dami ng nalalabing mga taon hanggang sa susunod na Mabuting Pahayag at babayaran niya sa araw ring iyon ang takdang halaga bilang bagay na banal kay Yawe. 24 At sa Taon ng Mabuting Pa¬hayag mababawi ito ng unang nagbili ng lupa.
25 Isusunod sa shekel ng santuwaryo ang la¬hat ng pagpepresyo; may dalawampung kusing sa isang shekel.
26 Kay Yawe na ang bawat panganay na hayop kayat hindi maaaring ipanata ang mga ito. Kay Yawe iyon, maging baka o tupa. 27 Ngu¬nit maaaring ipanata at tubusin ang di-malinis na hayop, na may dagdag na ikalimang bahagi. Kung hindi iyon tutubusin, ipagbibili iyon sa takdang halaga.
28 Anumang ipanata ng isang tao (bilang itinakwil) kay Yawe, maging isang tao o hayop o bukid sa kanyang mga ari-arian, ay hindi ma-ipagbibili ni matutubos. Kabanal-banalan kay Yawe ang lahat ng itinakwil nang ganito 29 Hindi matutubos ang taong itinak¬wil: papa¬tayin siya.
30 Kay Yawe ang lahat ng ikapu ng lupa, mula man sa halaman o bungangkahoy; banal ito kay Yawe. 31 Kung may gustong tu¬mu¬bos sa alin¬mang ikapu, magbabayad siya nang may dag¬dag pang ikalimang bahagi.
32 Kay Yawe ang ikapu ng mga bakahan at kawan at magiging bagay na banal ang bawat ikasampung hayop na daraan sa ilalim ng tung¬kod ng pastol. 33 Hindi titingnan kung mabuti o masama ang napili, hindi maaaring magpalit. Kung may gagawing pagpapalit, ituturing na banal ang dati at ang kapalit at kapwa hindi matutubos.”
34 Ito ang mga utos na ibinigay ni Yawe kay Moises sa Bundok Sinai para sa mga Israelita.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-18120918415048551492008-09-03T11:16:00.000-07:002008-09-03T11:18:10.746-07:00ExodoDumami ang mga Hebreo sa Ehipto
1 • 1 Ito ang mga pangalan ng mga anak ng Israel na kasama ni Jacob na pumunta sa Ehipto, kasama ng bawat isa ang kanyang pamilya: 2 Ruben, Simeon, Levi at Juda, 3 Isacar, Zabulon, Benjamin, 4 Dan at Neftali, Gad at Aser. 5 Pi¬tumpung lahat ang mga inapong ito ni Jacob, liban kay Jose na nasa Ehipto na.
6 At namatay si Jose at ang lahat niyang kapatid at ang buong heneras¬yong iyon. 7 Ngunit palaanak ang mga anak ng Israel kayat patuloy silang du¬mami. Dumami sila nang dumami, at naging napakarami hanggang ang buong lupain ay mapuno sa kanila.
Inalipin ng mga Ehipsiyo ang mga Hebreo
8 Pagkatapos ay isang haring hindi nakakakilala kay Jose ang naghari sa Ehipto, 9 at sinabi nito sa kanyang bayan: “Tingnan ninyo, mas marami na at mas malakas kaysa atin ang mga Israelita. 10 Kailangang maging mata¬lino tayo sa pakikitungo sa kanila, kung hindi’y lalo silang dadami. At kung magkagiyera’y kakampi sila sa ating mga kaaway para lumaban sa atin at tumakas sa lupain.”
11 Kaya naglagay sila ng mga kapatas para ipailalim ang mga anak ng Israel sa mabigat na pagtatrabaho. At itinayo ng mga ito para kay Paraon ang mga ting¬galang-bayan ng Pitom at Rameses. 12 Ngunit habang lalong sinisiil ang mga Hebreo ay lalo namang dumadami ang mga ito at kumakalat hanggang ka¬takutan ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita.
13 At naging walang-awa ang mga Ehipsiyo sa pagpapatrabaho sa mga anak ng Israel. 14 Pinapait nila ang bu¬hay ng mga ito sa mabigat na pagtatrabaho sa tisa at semento, at sa lahat ng trabaho sa bukid. Pinagmalupitan sila ng mga Ehip¬siyo sa lahat nilang gawa.
15 At inutusan pa ng hari ng Ehipto ang mga hilot na Hebreo – ang isa’y tina¬tawag na Sifra at ang ikalawa nama’y si Pua – 16 “Sa pagpapaanak ninyo sa mga ba¬ba¬eng Hebreo kapag nakapuwes¬to na sila sa upuang paana¬kan, sa pagkakita nin¬yong lalaki ang bata, patayin ninyo ito; ngunit paba¬yaang ma¬buhay kung babae.”
17 Subalit may takot sa Diyos ang mga hilot kaya hindi nila tinupad ang utos ng hari ng Ehipto; sa halip ay pina¬bayaan nilang mabuhay ang mga sang¬gol na lalaki. 18 Kaya ipinatawag ng hari ang mga hilot at sinabi sa kanila: “Bakit ninyo ginawa ito? Ba’t ninyo pinabaya¬ang ma¬buhay ang mga batang lalaki?” 19 Suma¬got naman ang mga hilot: “Sa¬pagkat ang mga babaeng Hebreo ay hindi tulad ng mga babaeng Ehipsiyo; malalakas sila at nakapanganganak na bago pa duma¬ting ang hilot.”
20 Kinalugdan ng Diyos ang mga hilot at dumami ang sambayanan at lalo pang lumago. 21 At dahil nagka-roong-pitagan sa Diyos ang mga hilot, ginawa niya si¬lang mga ina ng mga pamilya.
22 Pagkatapos ay iniutos ni Paraon sa buong bayan: “Bawat sanggol na lala¬king isilang ng mga Hebreo ay kaila¬ngang iha¬gis sa Ilog Nilo, pero pabaya¬ang mabuhay ang mga babae.”
Iniligtas si Moises mula sa ilog
2 • 1 May isang lalaki mula sa tribu ni Levi na nakapag-asawa ng isang babae mula rin sa sariling tribu. 2 Nagsilang ang babae ng isang sang¬gol na lalaki, at nang makita niyang magan¬da ang bata, itinago niya ito sa loob ng tatlong buwan. 3 Nang hindi na niya ma¬itatago pa ang bata, gumawa siya ng isang basket na yari sa papiro, at pinintahan iyon ng alkitran at aspalto. Inihi¬ga niya sa basket ang bata, at inilagay iyon sa karamihan ng mga puno ng tambo, malapit sa pampang ng Ilog Nilo. 4 Ngunit tumayo sa malayu-layo ang ate ng bata para tingnan kung ano mangyayari sa bata.
5 Noon nama’y lumusong sa Nilo ang anak na babae ni Paraon para maligo, at naglalakad-lakad naman sa pampang ang kanyang mga utusan. Nang matanaw niya ang basket sa mga tam¬bo, ipinakuha niya iyon sa kanyang utu¬¬¬san. 6 Binuksan niya ang basket at nakita ang sanggol – isang lalaki, at umi¬¬¬iyak! Gayon na lamang ang kanyang awa at naisaloob niya: “Isang batang Hebreo!”
7 Pagkatapos ay sinabi ng ate ng bata sa anak ni Paraon: “Hahanap po ba ako ng babaeng Hebreo na magpa¬pasuso sa sanggol para sa inyo?” 8 Sumagot ang anak ni Paraon: “Sige.” Kaya luma¬kad ang batang babae at tinawag ang ina ng sanggol.
9 Sinabi ng anak ni Paraon sa babae: “Dalhin mo ang sanggol at alagaan siya para sa akin, at babayaran kita.” Kaya kinuha ng babae ang sanggol at inala¬gaan, 10 at nang malaki na ang bata ay dinala niya sa anak ni Paraon na umampon sa bata. Pinangalanan niya ito ng Moises upang alalahanin na ang bata ay kanyang iniahon sa tubig.
Nakilala ni Moises ang kanyang bayan
• 11 Pagkalipas ng mahaba-habang panahon, binata na si Moises, at pinuntahan niya ang kanyang mga kapatid. Nasaksihan niya kung gaano kabigat ang trabaho ng mga ito, at nakita niyang binubugbog ng isang Ehipsiyo ang isang Hebreo na isa sa kanyang mga kapatid. 12 Luminga-linga siya at nang walang makitang sinuman ay pinatay niya ang Ehipsiyo, at ibinaon iyon sa buhangin.
13 Nang lumabas siya kinabukasan, nakita naman niya ang dalawang Heb¬reo na nag-aaway. Kinausap ni Moises ang lalaking may kasalanan: “Bakit mo sinasaktan ang iyong kapwa?” 14 Ngu¬nit sumagot ang lalaki: “Sino ang nag¬ta¬¬laga sa iyo na maging pinuno at hukom namin? Balak mo rin ba akong patayin, tulad ng pagpatay mo sa Ehipsiyo?” Natakot si Moises at kanyang naisip: “Kung gayo’y may nakaaalam pala sa nangyari.”
15 Nang mabalitaan ni Paraon ang tungkol dito, tinangka niyang patayin si Moises, ngunit nakatakas si Moises kay Paraon, at nagpunta siya sa lupain ng Madian upang doon manirahan. At doo’y naupo siya sa tabi ng isang balon.
Si Moises sa Madian
• 16 Sa Madian ay may isang paring may pitong anak na dalaga. Nagpunta ang mga ito sa balon para sumalok ng tubig, at punuin ang mga labangan para painumin ang mga tupa ng kani¬lang ama. 17 Pero may dumating na mga pastol at sila’y itinaboy; ngunit tinulu¬ngan ni Moi¬ses ang mga dalaga at pina¬inom din niya ang mga tupa.
18 Nang umuwi ang mga dalaga sa kanilang amang si Reuel, tinanong niya ang mga ito: “Bakit napakaaga yata ng uwi ninyo ngayon?” 19 Suma¬got sila: “Ipinag¬¬tanggol kami ng isang Ehipsiyo laban sa mga pastol, at isinalok pa kami ng tubig at pinainom pa ang mga tupa.” 20 Sinabi ng ama: “Nasaan siya? Ba’t ninyo siya iniwan doon? Tawagin ninyo siya’t imbitahang kumain.”
21 Pumayag si Moises na manatili roon, at ipinakasal ng lalaki ang kanyang anak na si Sefora kay Moises. 22 Nagkaanak si Sefora ng isang lalaki, at ito’y pinanga¬la¬nang Gersom ni Moises bilang pag-aala¬ala na siya ay dayuhan sa isang lupaing banyaga.
Inalala ng Diyos ang Israel
• 23 Sa loob ng mahabang panahong iyon, namatay ang hari ng Ehipto. At dumaing ang mga Israelita dahil sa kani¬lang pagkaalipin; sumigaw sila sa Diyos, at mula sa lugar ng pagkaalipi’y pumaitaas sa Diyos ang kanilang sigaw.
24 Narinig ng Diyos ang kanilang bun¬tung-hininga, at inalala niya ang kanyang pakikipagtipan kina Abraham, Isaac at Jacob.
25 At nakita ng Diyos ang mga anak ng Israel, at ipinakilala ang sarili sa kanila.
Ang naglalagablab na palumpong
3 • 1 Inalagaan ni Moises ang mga tupa ni Yetro na kanyang biyenang pari ng Madian. Isang araw, ipinastol niya ang kawan ng kanyang biyenan sa malayong panig ng disyerto at nakarating siya sa Horeb, ang Bundok ng Diyos.
2 Napakita sa kanya ang Anghel ni Yawe sa pamamagitan ng lagablab ng apoy na nagmumula sa isang mababang punongkahoy. Nakita ni Moises na ba¬ga¬mat nag-aapoy ang puno ay hindi iyon nasusunog. 3 Inisip ni Moises: “Lala¬pit ako para makita ang kagila-gilalas na tanawing ito. Ba’t kaya di nasusunog ang puno?”
4 Nakita ni Yawe na lumalapit si Moises para magmasid, at tinawag siya ng Diyos mula sa mababang punong¬kahoy: “Moi¬ses, Moises.” Sumagot siya: “Narito ako.” 5 Sinabi naman ni Yawe: “Huwag kang lalapit; hubarin mo ang iyong mga san¬dalyas sapagkat ang lugar na kinatatayuan mo ay banal na lupa.” 6 At nag-patuloy ang Diyos: “Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abra¬ham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.”
Tinakpan ni Moises ang kanyang mukha pagkat natatakot siyang tumi¬ngin sa Diyos.
7 Sinabi ni Yawe: “Nasaksihan ko ang kahihiyan ng aking bayan sa Ehipto, at narinig ko ang kanilang daing nang pag¬malupitan sila ng kanilang mga ka¬patas. Alam ko ang kanilang paghi¬hirap. 8 Na¬naog ako upang palayain sila mula sa kapang¬yarihan ng mga Ehipsiyo, at iahon sila mula sa lupaing iyon tungo sa isang maganda at malawak na lupain, sa lu¬paing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan,

sa lupain ng mga Kananeo, Heteo, Amorreo, Pereceo, Heveo at Yebuseo. 9 Nakarating sa akin ang daing ng mga anak ng Israel, at nakita ko kung paano sila inaapi ng mga Ehipsiyo.

10 Lumakad ka ngayon! Sinusugo kita kay Paraon upang ilabas mula sa Ehipto ang aking bayan, ang mga anak ng Israel.”
11 Sinabi ni Moises sa Diyos: “Sino ako para humarap kay Paraon, at ilabas ang bayan ng Israel mula sa Ehipto?”
12 Sumagot ang Diyos: “Sasaiyo ako, at ito ang magiging tanda na sinugo kita. Pag nailabas mo na sa Ehipto ang bayan, sasambahin ninyo ang Diyos sa bundok na ito.”
13 Sumagot naman si Moises sa Diyos: “Kung pupunta ako sa mga Israelita at sasabihin sa kanilang ‘Sinugo ako sa inyo ng Diyos ng inyong mga ninuno,’ tata¬nungin nila ako, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano ang isasagot ko sa kanila?”
• 14 Sinabi ng Diyos kay Moises: “AKO SIYANG UMIIRAL. Ito ang sasabihin mo sa mga anak ng Israel: SIYANG UMIIRAL ang nagsugo sa akin sa inyo.” 15 At sinabi rin ng Diyos kay Moises: “Sasabihin mo sa mga anak ng Israel: Si YAWENG Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abra¬ham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob ang nagsugo sa akin. Ito ang ma¬giging pangalan ko magpakailan¬man, at sa pangalang ito sila tatawag sa akin sa lahat ng salinlahi.
Ang pagsisimula ni Moises
16 Humayo ka! Tipunin mo ang mga matatanda ng Israel at sabihin sa kanila: Si Yaweng Diyos ng inyong mga ninu¬no, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob ay napa¬kita sa akin at sinabi: Kitang-kita ko ang pag¬trato sa inyo ng mga Ehipsiyo, at 17 iaahon ko kayo mula sa lahat ng ka¬apihang ito sa Ehipto at dadalhin ka¬yo sa lupain ng mga Kananeo, sa lupaing dinadaluyan ng ga¬tas at pulot-pukyutan.
18 Pakikinggan ka ng mga matatanda ng Israel at magkakasama kayong pu¬punta sa palasyo ng hari ng Ehipto, at sasabihin sa kanya: Si Yaweng Diyos ng mga Hebreo ay nakipagtagpo sa amin. Kaya payagan mo kaming maglakbay nang tatlong araw patungo sa ilang upang maghan¬dog ng hain kay Yaweng Diyos namin.
19 Ngunit alam kong hindi kayo paa¬alisin ng hari ng Ehipto hangga’t hindi siya pipilitin. 20 Kaya iuunat ko ang aking kamay at bubugbugin ko ang Ehipto sa lahat ng kahanga-hangang bagay na gagawin ko sa kanila, at pagkatapos ay paaalisin din nila kayo. 21 At pagagaanin ko ang loob ng mga Ehipsiyo sa aking bayan pag alis ninyo; hindi kayo aalis nang walang dala. 22 Bawat babae ay hi¬hingi sa kanyang kapitbahay at sa sinu¬mang babaeng Ehipsiyong nasa kanyang bahay ng mga bagay na yari sa pilak at ginto, at ng mga damit. At ibi¬bihis ninyo ang mga ito sa inyong mga anak, at sa gayo’y sasamsaman ninyo ang mga Ehip¬siyo.”
Ang kapangyarihang gumawa ng himala
4 • 1 Sumagot si Moises kay Yawe: “Paano kung hindi sila mani¬wala o makinig sa akin, at sabihin nilang ‘Hindi naman totoong napakita sa iyo si Yawe!’?”
2 Kaya tinanong siya ni Yawe: “Ano ’yang hawak mo?” Sumagot siya: “Tung¬kod.” 3 Sinabi ni Yawe: “Ihagis mo sa lupa.” Inihagis niya ito sa lupa at naging ahas, at napaurong si Moises. 4 Sinabi ni Yawe: “Hulihin mo sa buntot.” Hinuli iyon ni Moises at naging tungkod uli sa kan¬yang kamay. 5 At sinabi ni Yawe: “Ito ay para maniwala sila na napakita sa iyo si Yaweng Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob.”
6 At muling sinabi sa kanya ni Yawe: “Ipatong mo ang iyong kamay sa dibdib mo. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib, at nang iangat niya iyo’y naging ketongin ang kanyang ka¬may, simputi ng niyebe. 7 At sinabi ng Diyos: “Ipatong mo uli ang iyong kamay sa dibdib mo.” Ipinatong nga niyang muli ang kan¬yang kamay sa kanyang dibdib, at nang muli niya iyong iangat, naging malusog na muli ang kanyang kamay, tulad ng kanyang katawan.
8 Idinugtong ni Yawe: “Kapag hindi sila naniwala sa iyo at hindi nakum¬binsi ng unang tanda, maniniwala sila kapag na¬saksihan nila ang ikalawa. 9 Ngunit kung hindi pa sapat ang dalawang tan¬dang ito para maniwala sila sa iyo, ku¬mu¬ha ka ng tubig sa Ilog Nilo at ibuhos iyon sa tuyong lupa; at ang tubig na ga¬ling sa ilog ay magiging dugo sa lupa.”
Si Aaron, ang interpreter ni Moises
• 10 Sinabi ni Moises kay Yawe: “O Yaweng Panginoon ko, kailanma’y hindi ako naging magaling sa pagsa¬salita, kahit na ngayong kinausap mo ako. Mabigat ang aking bibig, mapurol ang aking dila.” 11 Sinabi sa kanya ni Yawe: “Sino ba ang nagbigay sa tao ng bibig? Sino ang nag¬paging-pipi sa kanya o bingi, nakakakita o bulag? Hindi ba’t akong si Yawe? 12 Sige, humayo ka na – sasabibig mo ako at itu¬turo ko sa iyo ang sasabihin mo.”
13 Ngunit iginiit ni Moises: “Panginoon ko naman, iba na lang sana ang isugo mo.” 14 Kaya nagalit si Yawe kay Moises, at sinabi: “Di ba’t kapatid mo si Aaron, ang Levita? Alam kong maga¬ling siyang magsalita. Hayu’t dumara¬ting siya para salubungin ka, at matutuwa siya kapag nakita ka. 15 Kausapin mo siya at sabihin ang sinabi kong sa¬bi¬hin mo. At sasainyo ako kapag kina¬usap mo siya o nagsalita siya, at ituturo ko ang dapat ninyong gawin. 16 Magsa¬salita si Aaron sa bayan para sa iyo; siya ang magiging pinaka-bibig mo, at ikaw nama’y magiging parang Diyos sa kanya. 17 At sa pama¬ma¬gitan ng tungkod na ito sa iyong kamay, gagawa ka ng mga kahanga-hangang tanda.”
18 Umuwi si Moises sa kanyang biyenang si Yetro, at sinabi: “Babalik ako sa aking mga kapatid sa Ehipto para mala¬man kung buhay pa sila.” Sinabi ni Yetro kay Moises: “Lumakad ka sa kapa¬ya¬paan!”
Bumalik si Moises sa Ehipto
• 19 Sinabi ni Yawe kay Moises sa lupain ng Madian: “Bumalik ka sa Ehipto sa¬pag¬kat patay nang lahat ang mga taong nag¬hangad pumatay sa iyo.”
20 Isinama ni Moises ang kanyang may¬bahay at mga anak. Isinakay niya sila sa asno, at umalis patungong Ehipto. At hawak ni Moises sa kanyang kamay ang tungkod ng Diyos.
21 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Sa pag¬balik mo sa Ehipto, alalahanin mo ang lahat ng kahanga-hangang bagay na ipi¬nagkatiwala ko sa iyo, at gawin ang mga ito sa harap ni Paraon. Gayun¬¬¬¬ma’y pa¬ti¬tigasin ko ang kanyang puso kaya hindi niya paa¬alisin ang aking bayan. 22 At sa¬sabihin mo kay Paraon – Ito ang sabi ni Yawe – Ang Israel ang aking panga¬nay na anak, 23 at sinabi ko sa iyo: Paalisin mo ang aking anak upang makasamba sa akin. Ngunit tu¬manggi kang paalisin siya kaya baba¬wian ko ng buhay ang iyong panganay na anak.”
24 Sa isang bahay-pahingahan sa daan, nilapitan si Moises ng Anghel ni Yawe, at tinangka siyang patayin. 25 Ngu¬nit ku¬muha si Sefora ng matalas na bato, at hiniwa ang supot ng ari ng kanyang anak na lalaki, at ipinahid ito sa mga paa ni Moises, at sinabi: “Ikaw na nga ngayon ang asawa ko sa pamamagitan ng dugo.” 26 At iniwan ng Anghel si Moises. Sinabi ni Sefora na “asawa sa pamamagitan ng dugo” dahil sa pagtutuli.
Tinanggap ng mga Israelita sina Moises at Aaron
27 Sinabi ni Yawe kay Aaron: “Pu¬mun¬ta ka sa disyerto at salubungin ang iyong kapatid na si Moises.” Kaya luma¬kad si Aaron at sinalubong si Moises sa Bundok ng Diyos. Hinalikan niya ito, 28 at isina¬laysay ni Moises kay Aaron ang lahat ng sinabi sa kanya ni Yawe at lahat ng tan¬dang ipinagagawa sa kanya. 29 Tinipon nina Moises at Aaron ang lahat ng matatanda ng mga Israelita, 30 at sinabi sa kanila ni Aaron ang lahat ng sinabi ni Yawe kay Moises. Ginawa rin niya ang mga tanda sa harap ng buong bayan, 31 at sila’y naniwala. Nang marinig nila na dinalaw ni Yawe ang mga anak ng Israel at nakita ang kani¬lang paghihirap, nagpatirapa sila sa lupa at sumamba.
Nakipag-usap si Moises kay Paraon
5 • 1 Pagkatapos ay nagpunta sina Moises at Aaron kay Paraon, at sinabi: “Ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ng Israel – Paalisin mo ang aking bayan upang maipagpiyesta nila ako sa dis¬yerto.”
2 Sumagot si Paraon: “Sino si Yawe para pakinggan ko ang kanyang tinig at pa¬alisin ang Israel? Hindi ko kilala si Yawe, at hindi ko paaalisin ang Israel.”
3 At sinabi naman nila: “Nakipagtag¬po sa amin ang Diyos ng mga Hebreo. Pa¬yagan mo kaming makapaglakbay nang tatlong araw sa disyerto, at mag-aalay kami roon ng mga hain kay Yaweng Diyos namin. Kung hindi’y paru¬rusahan niya kami ng mga salot o tabak.”
4 Sinabi sa kanila ng hari ng Ehipto: “Moises at Aaron, bakit ninyo pinatitigil ang mga tao sa kanilang trabaho? Buma¬lik kayo sa inyong mga trabaho. 5 Napa¬karami na ng mga anak-pawis na ito at inaabala pa ninyo sa kanilang mga tra¬baho.”
6 Nang araw ding iyon, iniutos ni Pa¬raon sa mga kapatas ng bayan at sa mga sekretaryong Israelita: 7 “Huwag na nin¬yong bibigyan ng dayami tulad ng dati ang mga tao para sa paggawa ng tisa. Sila mismo ang palakarin ninyo at pakunin ng dayami para sa kanilang sarili, 8 pero dati pa ring dami ng tisa ang ipagagawa ninyo sa kanila, tulad ng dati, at huwag bawasan kahit isa. Mga tamad sila kaya sila sumi¬sigaw na paalisin para mag-alay ng hain sa ka¬nilang Diyos. 9 Mas pabigatin pa ninyo ang trabaho ng mga taong ito, at nang hindi nila bigyang-pansin ang mga kasi¬nu¬ngalingang ito.”
Mga unang paghihirap
10 Lumakad ang mga kapatas at ang kanilang mga sekretaryong Israelita, at sinabi sa bayan: “Hindi na kayo bibig¬yan pa ni Paraon ng dayami. 11 Kayo mismo ang lumakad at manguha ng dayami para sa inyong sarili saanman kayo maka¬kakita, pero di dapat maba¬wasan ni isa man ang inyong trabaho.”
12 Kumalat ang bayan sa buong Ehipto upang manguha ng pinaggapa¬sang ma¬ga¬gamit na dayami. 13 Patuloy silang mi¬na¬¬madali ng mga kapatas sa pagsasabing “Tapusin ang trabahong dapat matapos sa araw-araw, tulad no¬ong mayroon ka¬yong dayami.” 14 Binug¬bog ng mga kapa¬tas ang mga sekretar¬yong Israelita na kanilang pinamahala, at sinabi: “Bakit hindi ninyo natapos kaha¬pon ni ngayon ang dating dami ng tisa tulad ng dati?”
15 Nagreklamo kay Paraon ang mga sekretaryong Israelita, at sinabi: “Bakit naman ninyo kami ginaganito? 16 Hindi na nga kami binibigyan ng dayami, pero pinagagawa pa kami ng tisa. Binu¬bug¬bog kami, pero ang inyong mga ta¬uhan ang mali.” 17 Sumagot si Paraon: “Mga batugan! Mga tamad! Kaya gusto ninyong makaalis para mag-alay ng hain kay Yawe. 18 Sige, balik sa inyong mga tra¬baho. Hindi kayo bibigyan ng dayami, ngu¬nit parehong dami pa rin ng tisa ang inyong gagawin.”
19 Nakita ng mga sekretaryong Israe¬lita na masama ang kanilang lagay. 20 Pag¬ka¬alis nila sa bahay ni Paraon, nakipag¬kita sila kina Moises at Aaron na nag¬hihintay sa kanila, 21 at sinabi nila sa mga ito: “Ma¬kita sana kayo ni Yawe at hatulan, sapag¬kat pinabaho ninyo kami kay Pa¬raon at sa kanyang mga opisyal, at inilagay ninyo sa kani¬lang kamay ang tabak upang patayin kami.”
22 Bumaling si Moises kay Yawe at sinabi: “O Panginoon! Bakit naman ganito kasama ang trato mo sa iyong bayan? Bakit mo pa ako sinugo? 23 Mula nang kausapin ko si Paraon sa iyong pangalan, pinahirapan na niya ang ba¬yang ito, at wala ka man lang ginawa para iligtas ang iyong bayan!”

6 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Dahil sa malakas na kamay, paaalisin niya kayo; at dahil sa malakas na bisig ay ipag¬¬¬¬¬¬tatabuyan niya kayo sa kanyang lu¬pain. Makikita mo ngayon ang gagawin ko kay Paraon.”
Isa pang salaysay ng pagtawag kay Moises
• 2 Nagsalita ang Diyos kay Moises at sinabi: “Ako si Yawe! 3 Napakita ako kina Abraham, Isaac at Jacob, bilang Diyos na Makapangya¬rihan, ngunit hindi ako nag¬pakilala sa kanila sa pangalang Yawe. 4 Nakipagtipan ako sa ka¬nila na ibibigay sa kanila ang lupain ng Kanaan, ang lupaing tinirhan nila bilang mga dayuhan. 5 At ngayon, pagkarinig ko sa daing ng mga Israelitang inaalipin ng mga Ehipsiyo naaalaala ko ang aking pakikipagtipan.
6 Kaya sabihin mo sa kanila: Ako si Yawe, ilalabas ko kayo mula sa pamatok ng Ehipto at palalayain sa pagkaalipin sa kanila. Tutubusin ko kayo sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang gawa at sa mga suntok ng aking maka¬pangyarihang kamay. 7 Kukunin ko kayo bilang aking bayan at ako ang inyong magi¬ging Diyos. At malalaman ninyo na ako si Yaweng Diyos ninyo na naglabas sa inyo mula sa pa¬matok ng Ehipto. 8 Dadalhin ko kayo sa lupaing ipinangako kong ibibigay kina Abraham, Isaac at Jacob, at ibibigay ko ito sa inyo bilang ari-arian ninyo. Ako si Yawe.”
9 Sinabi ito ni Moises sa mga anak ng Israel, pero hindi sila nakinig sa kanya sapagkat labis na silang nasiraan ng loob bunga ng malupit na pang-aalipin sa kanila.
10 Nagsalita si Yawe kay Moises: 11 “Humayo ka at kausapin si Paraong hari ng Ehipto, at sabihin sa kanya na paalisin sa lupain ang bayan ng Israel.” 12 Ngunit sinabi ni Moises: “Kung ang mga Israelita na nga mismo ay hindi nakinig sa akin, paano pa akong pakikinggan ni Paraon, ako na may mapurol na dila?” 13 Ngu¬nit kinausap ni Yawe sina Moises at Aaron, at inutusan sila gayundin si Paraon na paalisin sa Ehipto ang bayan ng Israel.
Mga ninuno nina Moises at Aaron
14 Narito ang mga pinuno ng mga tribu:
Mga anak ni Ruben na panganay ni Israel: sina Hanok, Falu, Hesron at Karmi – ito ang angkan ni Ruben.
15 Mga anak ni Simeon: sina Hamuel, Hamin, Ahod, Hakin, Sojar at Saul na anak ng isang Kananea – ito ang angkan ni Simeon.
16 Ito naman ang mga anak ni Levi at ang kanilang mga inapo: sina Gerson, Kehat at Merari. Nabuhay si Levi nang sandaa’t tatlum¬pu’t pitong taon.
17 Mga anak ni Gerson: sina Lobni at Semei, at ang kanilang mga inapo.
18 Mga anak ni Kehat: sina Amram, Hishar, Hebron at Oziel. Nabuhay si Kehat nang san¬daa’t tatlumpu’t tatlong taon.
19 Mga anak ni Merari: sina Majli at Musi. Ito ang mga inapo ni Levi at ang kanilang mga pamilya.
20 Napangasawa ni Amram ang kanyang tiyahing si Yokabed na nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, sina Moises at Aaron. Nabuhay si Amram nang sandaa’t tatlumpu’t pitong taon.
21 Mga anak ni Hishar: sina Kore, Nefeg at Zicri.
22 Mga anak ni Oziel: sina Misael, Elisafan at Sitri.
23 Napangasawa ni Aaron si Elizabeth na anak ni Aminadab, at kapatid ni Najason, at nagkaanak ng apat na lalaki: sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
24 Mga anak ni Kore: Aser, Elkana at Abiasat. Ito ang angkan ng mga Koreita.
25 Napangasawa naman ni Eleazar na anak ni Aaron ang isa sa mga anak ni Futiel, at ipinanganak nito sa kanya si Finjas.
Ito ang mga pinuno ng angkan ng mga Levita, ayon sa mga pamilya.
26 Ang Aaron at Moises na ito ang sinabihan ni Yawe na “Ilabas ninyo ang bayan ng Israel nang bata-batalyon mula sa lupain ng Ehipto.”
27 Sila ang nakipag-usap kay Paraong hari ng Ehipto tungkol sa paglalabas sa mga anak ng Israel mula sa Ehipto.
Sila nga sina Moises at Aaron.
28 Nang magsalita si Yawe kay Moises sa lupain ng Ehipto, 29 sinabi niya: “Ako si Yawe. Sabihin mo kay Paraong hari ng Ehipto ang lahat ng sinasabi ko sa iyo.” 30 Ngunit sinabi ni Moises: “Mapurol ang aking dila, paano ako pakikinggan ni Paraon?”
Pahayag ng mga salot
7 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Tingnan mo, ginawa kitang parang diyos kay Paraon, at ang kapatid mong si Aaron ang iyong magiging propeta. 2 Sasabihin mo kay Aaron ang lahat ng iniuutos ko, at sasabihin naman niya kay Paraon na paalisin ang bayan ng Israel sa lupaing ito. 3 Ngunit patitigasin ko ang puso ni Paraon, at bagamat pararamihin ko ang aking mga tanda at kahanga-hangang bagay, 4 ay hindi siya makikinig sa iyo. Kaya gagamitin ko ang aking kamay laban sa Ehipto at palalabasin ko ang aking mga hukbo, ang aking bayan, ang mga anak ng Israel mula sa Ehipto sa pamamagitan ng mabigat na mga parusa. 5 At ma¬lalaman ng mga Ehipsiyo na ako si Yawe kapag iniunat ko ang aking kamay laban sa Ehipto upang ilabas ang bayan ng Israel mula sa kanilang lupain.
6 Ginawa nga nina Moises at Aaron ang ini¬utos ni Yawe. 7 Walumpung taon noon si Moises at walumpu’t tatlo naman si Aaron nang ka¬usapin nila si Paraon.
8 Nagsalita si Yawe kina Moises at Aaron sa pagsasabing 9 “Kapag sinabi sa inyo ni Paraon na gumawa ng himala para patu¬nayan ang inyong mga sinabi, sasabihin mo kay Aaron – Kunin mo ang iyong tungkod at ihagis sa hara¬pan ni Paraon – at iyon ay magiging ahas.”
10 Pinuntahan nga nina Moises at Aaron si Paraon, at ginawa ang iniutos ni Yawe. Inihagis ni Aaron ang kanyang tungkod sa harap ni Paraon at ng mga opisyal nito, at iyon ay naging ahas. 11 Kaya ipinatawag naman ni Paraon ang mga pantas at mga salamangkero, at nagawa rin ng mga ito ang gayon sa pamamagitan ng kanilang mga lihim na kaalaman. 12 Inihagis ng bawat isa ang kanyang tungkod at naging ahas din ang mga iyon. Ngunit nilulon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod ng mga sala-mangkero. 13 Gayunma’y tumigas ang puso ni Paraon at hindi sila pinakinggan, tulad ng sinabi ni Yawe.
Mga salot sa Ehipto
• 14 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Ma¬tigas ang puso ni Paraon; tumatanggi siyang paalisin ang bayan. 15 Kaya sa umaga’y puntahan mo si Paraon paglabas niya ng palasyo patungo sa tubig. Hin¬tayin mo siya sa tabing-ilog at hawa¬kan ang tungkod na naging ahas. 16 Sa¬sa¬bihin mo sa kanya – Si Yaweng Diyos ng mga Hebreo ang nagsugo sa akin para sabihin sa iyo: Paalisin mo ang aking bayan upang sambahin ako sa disyerto. Ngunit hanggang ngayo’y hin¬di ka pa nakiki- nig. 17 Ito ang sinasabi ni Yawe: Malalaman mo sa pamamagitan nito na ako si Yawe: tingnan mo, haham¬pasin ko ng hawak kong tungkod ang tubig ng Nilo, at magiging dugo ito! 18 Mamamatay ang mga isda sa ilog at babaho ang Nilo, at hindi na maiinom ng mga Ehipsiyo ang tubig nito.”
19 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Sabihin mo kay Aaron – Kunin mo ang iyong tungkod at iunat ang iyong kamay sa ibabaw ng mga tubig ng Ehipto, sa mga ilog, kanal, sapa at lahat ng ipunan ng tubig, at magiging dugo iyon. Magkakaroon ng dugo sa buong Ehipto, maging sa mga sisidlang kahoy at bato.” 20 Ginawa nga nina Moises at Aaron ang iniutos ni Yawe.

Itinaas ni Aaron ang kanyang tungkod at hinampas ang tubig ng Nilo, nang nakikita ni Paraon at ng mga opisyal nito, at naging dugo ang lahat ng tubig ng Nilo. 21 Namatay ang mga isda sa ilog, at bumaho ang Nilo, kayat hindi na mainom ng mga Ehipsiyo ang tubig ng Nilo.

Nagkaroon ng dugo sa buong lupain ng Ehipto. 22 Gayunman, nagawa rin ng mga salamangkerong Ehipsiyo ang gayon sa pamamagitan ng kanilang mga lihim na kaalaman, at tumigas ang puso ni Paraon. At hindi ito nakinig kina Moises at Aaron, tulad ng sabi ni Yawe.
23 Umuwi si Paraon na parang walang anumang nangyari. 24 Ngunit naghu¬hukay ang lahat ng Ehipsiyo sa pampang ng Nilo sa paghanap ng tubig na maiinom sapagkat hindi nila mainom ang tubig sa ilog.
Ikalawang salot: mga palaka
25 Lumipas ang pitong araw matapos hampasin ni Yawe ang Nilo.
26 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Puntahan mo si Paraon at sabihin sa kanya na sinasabi ni Yawe – Paalisin mo ang aking bayan para su¬mam¬ba sa akin! 27 Kung hindi mo sila paaalisin, paruru¬sa¬han ko ang iyong lupain sa salot ng mga palaka. 28 Babaha ng palaka ang Nilo, papasukin nila ang iyong palasyo, ang iyong kuwarto at ang iyong kama, pati ang bahay ng iyong mga opisyal at iyong mga mamamayan, ang inyong mga hurno at pinagmamasahan ng harina. 29 Lulundag sa iyo at sa iyong bayan at sa lahat ng iyong opisyal ang mga palaka.”

8 1 Kinausap ni Yawe si Moises: “Sabihin mo kay Aaron – Iunat mo ang iyong kamay, hawak ang iyong tungkod, sa ibabaw ng mga ilog, kanal at sapa ng Ehipto, at paahunin ang mga palaka sa buong lupain ng Ehipto.” 2 Iniunat nga ni Aaron ang kanyang kamay sa mga tubig ng Ehipto, at nag-ahunan ang mga palaka at naglipana sa buong lupain ng Ehipto. 3 Gayon din ang ginawa ng mga salamangkero ng Ehipto sa pamamagitan ng kanilang mga lihim na kaalaman, at nagpalabas din sila ng mga palaka sa lupain ng Ehipto!
4 Kaya ipinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron, at sinabi: “Hingin ninyo kay Yawe na alisin ang mga palaka sa akin at sa aking bayan, at paaalisin ko ang inyong bayan para makapag-alay ng mga hain kay Yawe.” 5 Ngu¬nit sumagot si Moises: “Sabihin mo sa akin kung kailan kita ipagdarasal at ang iyong mga opisyal sampu ng iyong bayan upang maalis sa iyo at sa iyong mga opisyal ang mga palaka maliban sa Nilo.” 6 Sumagot si Paraon: “Bukas!” At sinabi ni Moises: “Ayon sa sabi mo, at nang malaman mo na walang katulad si Yaweng Diyos namin, 7 aalis ang mga palaka sa iyo at sa iyong mga bahay, sa iyong mga opisyal at sa iyong bayan; sa Nilo lamang mananatili ang mga iyon.” 8 Pagkasabi nito, iniwan nina Moises at Aaron si Paraon.
At tumawag si Moises kay Yawe tungkol sa mga palaka ayon sa napagkasunduan nila ni Paraon. 9 Ginawa ni Yawe ang sinabi ni Moises kay Paraon, at namatay ang mga palaka sa mga bahay, sa mga bakuran, at mga bukirin. 10 Ti¬nipon iyon at ibinunton, at umalingasaw ang buong lupain. 11 Ngunit nang maginhawahan si Paraon, nag-ibayo ang katigasan ng kanyang puso, at ayaw na namang makinig kina Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yawe.
Ikatlong salot: mga lamok
12 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Sabihin mo kay Aaron na hampasin niya ng kanyang tungkod ang alabok ng lupa, at gawin itong lamok sa buong lupain.” 13 Gayon nga ang ginawa ni Aaron; hinampas niya ang alikabok ng lupa at naging mga lamok na nagpahirap sa mga tao at mga hayop. Ang lahat ng alikabok sa lupa sa buong Ehipto ay naging lamok. 14 Ngunit nang tangkain ng mga salamangkero, sa pamama¬gitan ng kanilang mga lihim na kaalaman, na bugawin ang mga lamok, ay hindi nila nagawa iyon, kaya nagpatuloy ang mga lamok sa pag¬papahirap sa mga tao at mga hayop. 15 Sinabi ng mga salamangkero kay Paraon: “Ito ang daliri ng Diyos!” ngunit matigas ang puso ni Paraon at ayaw niyang makinig, tulad ng sinabi ni Yawe.
Ikapat na salot: mga bangaw
16 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Gumising ka nang maaga bukas at makipagharap ka kay Paraon, sa pagpunta niya sa ilog. Sabihin mo sa kanya – Ito ang sabi ni Yawe: Paalisin mo ang aking bayan upang sumamba sa akin. 17 Kung hindi mo paaalisin ang aking bayan, padarag¬sain ko sa iyo ang mga bangaw, pati sa iyong mga opisyal at sa iyong bayan at sa iyong mga bahay. Mapupuno ng mga bangaw ang mga bahay ng mga Ehipsiyo, kahit na ang lupang kinatitirikan ng mga ito. 18 Ngunit sa araw na iyon ay ibubukod ko ang lupain ng Gosen na tirahan ng aking bayan. Hindi magkakaroon ng bangaw roon, para malaman mo na akong si Yawe ay nasa lupaing ito. 19 Kaya hindi magi¬ging pareho ang pakikitungo ko sa aking bayan at sa iyong bayan. Makikita mo bukas.”
20 Ginawa nga ito ni Yawe, at nagdagsaan ang napakakapal na bangaw sa palasyo ni Paraon at sa mga bahay ng kanyang mga opisyal at sa buong Ehipto, at winasak ang buong lupain.
21 Ipinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron, at sinabi: “Sige, mag-alay na kayo ng mga hain sa inyong Diyos sa lupaing ito.” 22 Ngunit su¬magot si Moises: “Hindi ito maaari pagkat ang mga hayop na iniaalay namin kay Yaweng Diyos namin ay sagrado para sa mga Ehipsiyo. Kaya tingnan mo, kung mag-aalay kami ng haing hindi tama sa harap ng mga Ehipsiyo, hindi ba nila kami babatuhin? 23 Kailangan na¬ming mag¬lakbay nang tatlong araw sa disyerto, at doon kami mag-aalay ng hain kay Yaweng Diyos namin, tulad ng iniutos niya sa amin.”
24 Sumagot si Paraon: “Paaalisin ko kayo para mag-alay ng hain sa disyerto kay Yaweng Diyos ninyo, sa kundisyong hindi kayo lalayo. At ipagdasal ninyo ako sa Diyos!”
25 Sinabi ni Moises: “Pagkaalis na pagka¬alis ko’y ipagdarasal kita kay Yawe, at bukas ay iiwan na ng mga bangaw si Paraon, ang kanyang mga opisyal at ang kanyang bayan. Ngunit huwag mong ipagpatuloy ang panlilinlang sa amin sa pagtangging paalisin ang bayan para mag-alay kay Yawe.” 26 Umalis si Moises sa bahay ni Paraon at nanalangin kay Yawe. 27 At ginawa ni Yawe ang sinabi ni Moises, at iniwan ng mga bangaw si Paraon, ang kanyang mga opisyal, at ang kanyang bayan. Walang naiwan isa mang bangaw.
28 Ngunit matigas pa rin ang puso ni Paraon, at tumanggi siyang paalisin ang bayan.
Ikalimang salot: ang peste
9 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Puntahan mo si Paraon at sabihin sa kanya – Ito ang sabi ni Yaweng Diyos ng mga Hebreo – Paalisin mo ang aking bayan para sumamba sa akin. 2 Kung tatanggihan mong paalisin sila at patuloy silang pipigilan, 3 magdadala ng ka¬kila-kilabot na salot ang kamay ni Yawe sa iyong mga hayop na nasa bukid – sa iyong mga kabayo, mga asno, mga kamelyo, mga baka at mga tupa. 4 Ngunit iba ang magiging pakikitungo ni Yawe sa mga alagang hayop ng Israel sa mga hayop ng Ehipto. Walang mamamatay sa mga hayop ng bayan ng Israel.”
5 At itinakda ni Yawe ang oras, at sinabi: “Ga¬gawin ito ni Yawe bukas.” 6 Ginawa nga ito ni Yawe kinabukasan: namatay ang lahat ng alagang hayop ng mga Ehipsiyo, ngunit wala isa mang namatay sa pag-aari ng mga Israelita. 7 Nagsiyasat si Paraon, at totoo ngang wala isa mang namatay sa mga hayop ng mga Israelita. Ngunit matigas pa rin ang puso ni Paraon, at hindi pa rin niya pinaalis ang bayan.
Ikanim na salot: mga pigsa
8 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: “Kumuha kayo ng ilang dakot na abo mula sa hurnong tisa at isaboy ito ni Moises sa langit na nakikita ni Paraon. 9 Magiging pinong alikabok iyon sa buong lupain ng Ehipto, at magdadala ng nagnanaknak na pigsa sa mga tao at mga hayop.” 10 Kaya kumuha sila ng abo sa hurno, at sa harapan ni Parao’y inihagis iyon ni Moises sa langit, at nagdala nga iyon ng nagnanaknak na pigsa sa mga tao at mga hayop. 11 At hindi makaharap kay Moises ang mga salamangkero sapagkat sila man ay may pigsa rin, tulad ng lahat ng Ehipsiyo.
12 Ngunit pinatigas ni Yawe ang puso ni Paraon, at hindi nito pinakinggan sina Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yawe kay Moises.
Ikapitong salot: mga batong yelo
13 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Gumising ka nang maaga, humarap kay Paraon at sabihin sa kanya – Ito ang sabi ni Yaweng Diyos ng mga Hebreo: Paalisin mo ang aking bayan para sumamba sa akin! 14 Sapagkat sa pagka¬ka¬taong ito ay ipadadala ko ang buong lakas ng aking mga salot laban sa iyo, sa iyong mga opisyal at sa iyong bayan, upang malaman mong walang tulad ko sa buong daigdig. 15 Sapagkat kung gugustuhin ko ay naiunat ko na sana ang aking kamay laban sa iyo, at binugbog ka na at ang iyong bayan sa salot na lilipol sa inyo sa balat ng lupa. 16 Ngunit ito ang dahilan kung bakit pina¬ba¬bayaan pa kitang mabuhay: upang masak-sihan mo ang aking kapangyarihan at upang maipagbunyi ang aking pangalan sa buong daigdig. 17 Tutol ka pa rin ba sa pag-alis ng aking bayan sa lupain? 18 Bukas, sa ganitong oras, magpapaulan ako ng mga batong yelo na hindi pa nangyayari sa Ehipto mula nang ma¬tatag ito hanggang ngayon. 19 Kaya ipasilong mo ang lahat ng iyong kawan at lahat ng pag-aari mo na nasa bukirin, sapagkat pag bagsak ng yelo sa anumang ma¬la-labi sa mga bukirin, maging tao o hayop, ma¬mamatay ang mga iyon.” 20 Nagmadaling isinilong ng ilang opisyal ni Paraon na natakot sa salita ni Yawe ang kanilang mga alipin at mga hayop; 21 ngunit pinabayaan ng mga bumale-wala sa babala ni Yawe ang kanilang mga alipin at mga hayop sa bukid.
22 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Iunat mo ang iyong kamay sa langit para umulan ng mga batong yelo sa buong Ehipto – sa mga tao, mga hayop at sa lahat ng tumutubo sa bukid.” 23 Ini¬unat nga ni Moises ang kanyang tungkod sa langit, at nagpadala si Yawe ng kulog at mga batong yelo, at tinamaan ng kidlat ang lupa, at nagpaulan ng mga batong yelo sa lupain ng Ehipto. 24 Gumuhit ang kidlat sa gitna ng pag-ulan ng yelo. Napakalakas ng pag-ulan ng mga batong yelo na hindi pa nangyayari sa buong Ehipto mula nang iyon ay maging bansa.
25 Sa buong Ehipto, tinamaan ng mga batong yelo ang lahat ng nasa bukid, maging tao o hayop. Pinadapa niyon ang lahat ng tumutubo sa bukid at ibinuwal ang lahat ng puno. 26 Tanging sa lupain lamang ng Gosen hindi bumagyo ng yelo, kung saan naroon ang mga Israelita.
27 Ipinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron, at sinabi: “Maliwanag na ngayon na nagkasala ako. Tama si Yawe; ako at ang aking bayan ang mali. 28 Idalangin ninyo kay Yawe na husto na ang kulog at pag-ulan ng yelo! Paaalisin ko na kayo, at hindi na kayo mananatili pa rito.”
29 Sinabi ni Moises sa kanya: “Pagkalabas ko ng siyudad, itataas ko ang aking kamay kay Yawe; titigil ang kulog at hindi na uulan ng yelo, at malalaman ninyo na kay Yawe ang lupa. 30 Ngu¬nit alam kong ikaw at ang iyong mga opis¬yal ay wala pa ring takot kay Yaweng aming Diyos.” 31 Nasalanta ang mga tanim na linen at sebada, sapagkat nagpuso na ang butil ng sebada at namumulaklak na ang linen, 32 ngunit hindi napinsala ang mga trigo at mga trigong-habaan na huli na nang itanim.
33 Iniwan ni Moises si Paraon, at lumabas ng lunsod, at itinaas ang mga kamay kay Yawe. Tumigil nga ang kulog at yelo, at huminto ang pagbuhos ng ulan. 34 Nang makita ni Paraon na tumila na ang ulan at napawi na ang kulog at yelo, muli siyang nagkasala. Nanatiling matigas ang puso niya at ng kanyang mga opisyal. 35 Nagmatigas nga si Paraon at hindi pinaalis ang mga Israelita, tulad ng sinabi ni Yawe sa pamamagitan ni Moises.
Ikawalong salot: mga balang
10 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Puntahan mo si Paraon sapagkat pina¬tigas ko ang puso niya at ng kanyang mga opisyal, upang ipakita sa kanila ang aking mga tanda, 2 at nang maisa¬laysay mo sa iyong mga anak at mga apo kung paano ako lumaban sa mga Ehipsiyo sampu ng mga tanda na ginawa ko sa kanila, upang malaman ninyo na ako si Yawe.”
3 Kaya pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon, at sinabi: “Ito ang sabi ni Yaweng Diyos ng mga Hebreo – Hanggang kailan ka tatang¬ging yumuko sa harap ko? Paalisin mo ang aking bayan upang sumamba sa akin. 4 Kung tatanggi kang paalisin ang aking bayan, bukas na bukas di’y magpapadala ako ng mga balang sa bansa mo, 5 at tatakpan nila ang balat ng lupa, at wala nang ibang makikita. Lalamunin ng mga iyon ang anumang natira pagkatapos ng ulan ng yelo, pati ang bawat punong tumutubo sa bukid. 6 Pupunuin ng mga iyon ang iyong bahay at ang mga bahay ng iyong mga opisyal at lahat ng bahay sa Ehipto – isang pangyayaring hindi nasaksihan ng iyong mga ninuno o ng mga ninuno ng iyong mga ninuno mula nang tumira sila rito hanggang sa araw na ito.” Pagkasabi nito, tumalikod si Moises at iniwan si Paraon.
7 Sinabi ng mga opisyal ni Paraon: “Hang¬gang kailan magiging bitag para sa atin ang lalaking ito? Paalisin na ninyo ang bayan upang makasamba sila kay Yaweng Diyos nila. Hindi pa ba ninyo nakikitang wasak na ang Ehipto?”
8 Kaya muling iniharap sina Moises at Aaron kay Paraon, at sinabi nito sa kanila: “Sige, uma¬¬lis na kayo! Sambahin ninyo si Yaweng Diyos ninyo. Pero sino nga bang talaga ang aalis?” 9 Sinabi ni Moises: “Aalis kaming kasama ang aming mga bata at matatanda, ang aming mga anak na lalaki at babae, ang aming mga tupa at mga baka, sapagkat malaking piyesta ni Yawe ang aming ipagdiriwang.” 10 Sinabi ni Pa¬raon: “Sumainyo nawa si Yawe kung paalisin ko ka¬yong kasama ang inyong mga batang maliliit! Maliwanag na may masama kayong binabalak. 11 Hindi! Mga lalaki lamang ang aalis para su¬mam¬ba kay Yawe, kung iyon ang gusto ninyo!” At pinalayas sila sa harapan ni Paraon.
12 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Ehipto upang mag¬datingan ang mga balang sa lupain, at lalamunin ng mga iyon ang lahat ng tumu¬tubo sa lupain, lahat ng natira pagkatapos umulan ng yelo.” 13 At iniunat nga ni Moises ang kanyang tungkod sa lupain ng Ehipto. Maghapo’t mag-damag na pinaihip ni Yawe ang hanging sila¬ngan sa lupain, at kinaumagaha’y dala na ng hanging silangan ang mga balang. 14 Nagdati¬ngan ang napaka¬raming balang, at dumapo sa buong lupain ng Ehipto – umaatikabo – na hindi pa kailan man nagkaroon at hindi na magkakaroon pang muli. 15 Parang ulap sa kapal ang mga balang sa buong lupain, at dumilim ang lupa. Nilamon ng mga iyon ang lahat ng tumutubo sa lupa, ang lahat ng bungang¬kahoy na natira pagkatapos umulan ng yelo. Walang nalabing luntian, ma¬ging puno o halaman sa bukid, sa buong lupain ng Ehipto.
16 Dahil sa lahat ng ito, agad na ipinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron, at sinabi sa kanila: “Nagkasala ako laban kay Yaweng Diyos ninyo at laban sa inyo. 17 Kahit ngayon lang ay patawarin na sana ninyo ang aking kasalanan, at ipakiusap kay Yaweng inyong Diyos sa hu¬ling pagkakataon na alisin sa akin ang nakama-matay na salot na ito.”
18 Iniwan ni Moises si Paraon, at nana¬la¬ngin kay Yawe 19 na nagpadala ng napaka¬lakas na hangin mula sa kanluran na tuma¬ngay naman sa mga balang at dinala ang mga ito sa Dagat ng Mga Tambo. Wala isa mang balang na na¬iwan sa buong lupain ng Ehipto.
20 Ngunit pinatigas ni Yawe ang puso ni Pa¬raon, kaya hindi pa rin nito pinaalis ang mga Israelita.
Ikasiyam na salot: dilim
21 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Iunat mo sa langit ang iyong kamay upang lukuban ng ka¬rimlan ang lupain ng Ehipto, isang maka¬pal at nadaramang karimlan.” 22 Iniunat nga ni Moises ang kanyang kamay sa langit, at agad na na¬balot ng dilim ang buong lupain ng Ehipto sa loob ng tatlong araw. 23 Hindi nila makita ang isa’t isa kaya hindi sila maka¬galaw sa loob ng tatlong araw, ngunit may liwanag sa tinitirhan ng lahat ng Israelita.
24 Ipinatawag ni Paraon si Moises, at sinabi: “Sige, umalis na kayo, at sumamba kay Yawe. Isama ninyo ang inyong mga anak, iwan lamang ninyo ang inyong mga tupa at mga baka.” 25 Sinabi naman ni Moises: “Bakit? Ikaw ba ang magbibigay sa amin ng mga hayop para sa aming mga hain at sinunog na handog kay Yaweng Diyos namin? Hindi! 26 Isasama rin namin ang aming mga hayop, walang maiiwan ni isang pata man, sapagkat sa aming hayupan kami pipili ng mga iaalay kay Yaweng Diyos namin. At hindi namin malalaman kung alin ang aming isasakripisyo kay Yawe hanggang hindi kami nakararating sa lugar na iyon.”
27 Pinatigas pa rin ni Yawe ang puso ni Pa¬raon, ayaw na naman nitong paalisin ang mga Israelita.
28 Sinabi ni Paraon kay Moises: “Lumayas ka sa harap ko, at huwag ka nang haharap pa sa akin! Mag-ingat ka, sapagkat mama¬matay ka sa oras na humarap ka sa akin.” 29 Sinabi ni Moises: “Gaya ng sabi, hinding-hindi na ako haharap pang muli sa iyo.”
Pagbabalita sa ikasampung salot
11 • 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Isa pang salot ang ipadadala ko kay Paraon at sa Ehipto. Pagka¬tapos niyon, paaalisin na niya kayo at ipagtatabuyan pa. 2 Kausapin mo ang bayan at sabihin sa kanila na humingi sila sa kanilang mga kapitbahay ng mga bagay na yari sa pilak at ginto.”
3 Pinagmagandang-loob ni Yawe ang mga Ehipsiyo sa sambayanan. At si Moi¬ses mismo ay iginalang ng mga opis¬yal ni Paraon at ng mga tao, tulad ng isang ta¬ong kinikilala sa Ehipto.
4 Sinabi ni Moises: “Ito ang sabi ni Yawe – Dadaan ako sa buong Ehipto pagha¬hatinggabi 5 at mamamatay ang lahat ng panganay na anak sa Ehipto – mula sa pinakapanganay ni Paraon na siyang tagapagmana ng trono hang¬gang sa panganay ng utusang babaeng nasa gilingan at sa mga unang anak ng mga hayop. 6 Magkakaroon ng matin¬ding pagtangis sa buong lupain ng Ehip¬to na hindi pa kailan man nang¬yayari at hindi na mangyayari pang muli. 7 Ngu¬nit sa mga Israelita, isa mang aso’y hindi aalulong dahil sa kamatayan ng tao o hayop. At mala¬laman ninyong mag¬kaiba ang paki¬kitungo ni Yawe sa Ehipto at sa Israel.
8 Lahat ng iyong pinunong ito ay la¬lapit sa akin at yuyuko sa harap ko, at sasabihin: Umalis na kayo, ikaw at ang buong bayang sumusunod sa iyo. Pag¬ka¬tapos nito ako aalis.” At nag-aapoy sa galit na iniwan ni Moises si Paraon.
9 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Hindi ka pakikinggan ni Paraon, kaya mag¬ka¬karoon ng maraming kahanga-hangang bagay sa lupain ng Ehipto.”
10 Ginawa na nga nina Moises at Aaron ang mga kahanga-hangang bagay na ito sa harap ni Paraon ngunit pinatigas naman ni Yawe ang puso ni Paraon kaya hindi pa rin niya pinaalis ang mga Israelita sa kanyang lupain.
Ang Paskuwa
12 • 1 Nakipag-usap si Yawe kina Moises at Aaron sa lupain ng Ehipto, at sinabi: 2 “Ang buwang ito ang magiging simula ng lahat ng bu¬wan para sa inyo, ang unang buwan ng inyong taon. 3 Kau¬sapin mo ang bu¬ong pama¬yanan ng Israel, at sabihin sa kanila:
Sa ikasampung araw ng buwang ito, kukuha ng isang kordero ang bawat pamilya, isang kordero para sa bawat sambahayan. 4 Kung ang pamilya ay napakaliit para sa isang kordero, kaila¬ngang magsalo sila ng pinakamalapit nilang kapitbahay, batay sa bilang ng mga tao at kung gaano ang kayang kainin ng bawat isa.
5 Pipili kayo ng isang korderong wa¬lang kapintasan, walang kapansanan, lalaki at inianak ngayong taong ito. Kukunin ninyo ito sa mga tupa o mga kambing. 6 Isasama ninyo iyon sa inyo hanggang sa ikalabing-apat na araw ng buwan.
Sa dapithapong iyon, kakatayin ng buong pamayanan ng Israel ang kani¬lang mga kordero, 7 at kukuha kayo ng kaun¬ting dugo at ilalagay iyon sa mga poste at hamba ng pinto ng mga bahay na kaka¬inan ninyo.
8 Kakanin ninyo sa gabi ring iyon ang karne niyon na inihaw sa apoy, ka¬ulam ang tinapay na walang lebadura at ma¬pait na gulay.
9 Huwag ninyong kakanin nang ma¬la¬sado ang karne o nilaga, kundi inihaw na buo sa apoy – kasama ang ulo, ang mga pata at mga lamang-loob. 10 Huwag kayong magtitira para sa kinabukasan. At kung may matira man, sunugin iyon sa apoy kina¬umagahan.
11 At ganito ninyo ito kakanin: naka¬sinturon ang inyong baywang, nakasandalyas ang inyong mga paa, at may hawak na tungkod sa inyong kamay. Dalian ninyo itong kakanin, sapagkat ito ang paskuwa sa kara¬ngalan ni Yawe. 12 Sa gabing iyon, dadaanan ko ang buong Ehipto at tatagain ang bawat panganay sa Ehipto – sa mga tao at mga hayop – at parurusahan ko ang lahat ng diyos ng Ehipto. Ako si Yawe! 13 Ang dugo sa inyong mga bahay ang magiging tanda na kayo ay naroon. Ma¬kikita ko ang dugo at ito ang dahilan ng pag¬lampas ko; at hindi magkakaroon sa inyo ng nakama¬matay na salot kapag tinaga ko ang lupain ng Ehipto.
14 Ito ang araw na aalalahanin ninyo at ipagdiriwang sa karangalan ni Yawe. Ipagdiriwang ninyo ang araw na ito bilang araw ng kapistahan kay Yawe sa lahat ng inyong salinlahi; ipagdiri¬wang ninyo ito bilang kautusang pang¬habang-panahon.
Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura
• 15 Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa. Mula sa unang araw ay aalisin na ninyo sa inyong mga bahay ang lahat ng lebadura, sapagkat sinumang kumain ng tinapay na may lebadura mula sa una hanggang ikapitong araw ay hindi na ma¬bubuhay sa Israel. 16 Magkakaroon ng banal na pagtitipon sa unang araw, at isa pa sa ikapitong araw. Walang magtatrabaho sa mga araw na ito maliban sa kinakailangang paghahanda ng pagkain.
17 Ipagdiwang ninyo ang Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura, sapagkat sa araw na iyon ko inilabas ang inyong mga hukbo mula sa Ehipto. Ipagdiwang ito sa mga susunod na salinlahi bilang panghabam¬panahong ka¬utu¬san. 18 Sa unang buwan, mula sa hapon ng ikalabing-apat na araw hanggang sa ikadala¬wampu’t isa, tinapay na walang lebadura ang inyong kakanin.
19 Hindi dapat magkaroon ng lebadura sa inyong mga bahay sa loob ng pitong araw. Sinu¬mang kakain ng anumang may lebadura ay hin¬di na mabubuhay pa sa Israel, maging dayuhan man o katutubo. 20 Huwag kakain ng anumang may lebadura; tinapay na walang lebadura ang kakanin ninyo sa lahat ng inyong tirahan.”

• 21 Tinawag ni Moises ang lahat ng matatanda ng Israel, at sinabi sa kanila: “Pumili kayo at kumuha ng isang hayop para sa bawat pamilya, at ka¬tayin ang kordero ng Paskuwa. 22 Kumu¬ha ng isang sanga ng isopo at ilubog sa dugong nasa planggana, at iwilig ang dugo sa mag¬kabilang poste at hamba ng pintuan: at walang sinu¬man sa inyo ang lalabas sa pinto ng kanyang bahay hang¬¬gang umaga. 23 Sapagkat dadaan si Ya¬we para tagain ang Ehipto at kapag nakita niya ang dugo sa hamba at mga poste ng pin¬tuan, lalampasan niya ang pinto at hindi pahihintulutang pumasok ang Mamu¬muksa sa inyong mga bahay para managa.
24 Sundin ninyo at ng inyong mga ina¬po ang tagubiling ito bilang pang¬habam¬panahong kautusan; 25 gagawin ninyo ang seremonyang ito pagpasok ninyo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Ya¬we, tulad ng kanyang ipinangako. 26 At kung tanungin kayo ng inyong mga anak – Ano ang ibig sabihin ng sere¬¬monyang ito? – 27 sasa¬bihin ninyo sa ka¬nila – Ito ang pag-aalay ng Paskuwa kay Yawe: nilampasan niya ang mga bahay ng mga Israelita sa Ehipto nang tagain niya ang mga Ehipsiyo, at iniligtas ang ating mga bahay.”
Nang marinig ito ng sambayanan, yumuko sila at sumamba. 28 At nagsilakad ang mga Israelita at ginawa ang iniutos ni Yawe kina Moises at Aaron.
Kamatayan ng mga panganay
29 Kinahatinggabihan, tinaga ni Yawe ang lahat ng panganay sa Ehipto, mula sa pinakapanganay ni Paraon na taga¬pag¬mana ng trono hanggang sa pa¬nganay ng bilanggong nasa piitan pati ang unang anak ng lahat ng hayop.
30 Nagising nang gabing iyon si Pa¬raon, ang kanyang mga opisyal at lahat ng Ehipsiyo, at nagkaroon ng ma¬lakas na panangisan sa Ehipto sapagkat wa¬lang bahay na hindi namatayan.
31 Nang gabi ring iyon, ipinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron, at sinabi: “Sige, tumindig kayo at iwan ang aking bayan. Umalis na kayo at sumamba kay Yawe tulad ng sabi ninyo. 32 Dalhin ninyo ang inyong mga tupa at mga baka, tulad ng sabi ninyo, at magsila¬yas kayo! At sumaakin nawa ang pag¬papala.” 33 Ina¬pura rin ng mga Ehipsiyo ang samba¬yanan na umalis sa lupain sa lalong ma¬daling panahon, at sinabi nila: “Mama-matay tayong lahat kapag hindi sila umalis.”
34 Kaya dinala ng mga Israelita ang masa ng harina na hindi pa nalalagyan ng lebadura, at pinasan ito na nasa la¬lag¬yang pinagmamasahan na naka¬balot sa kani¬lang mga kapa. 35 Ginawa ng mga Israelita ang sinabi sa kanila ni Moises, at nang¬hingi sila sa mga Ehipsiyo ng mga bagay na yari sa ginto at pilak at ng mga damit. 36 Pinagmagandang-loob ni Yawe ang mga Ehipsiyo sa kanyang bayan, at ibi¬nigay ng mga ito sa kanila ang kanilang hinihingi, kaya nasamsaman nila ang Ehipto.

Pag-alis ng mga Israelita
• 37 Umalis ang mga Israelita sa Ra¬meses patungo sa Sukot; halos anim¬naraang libong lalaki na naglalakad, hindi pa kasama sa bilang ang mga bata.
38 Kasama rin nilang umalis ang isang makapal na pulutong ng lahat ng uri ng tao, gayundin ang napa¬kara¬ming kawan ng mga tupa at mga baka.
39 Ginawa naman nilang tinapay na walang lebadura ang masa na kanilang dala mula sa Ehipto. Hindi pa iyon nalalagyan ng lebadura dahil hindi sila pu¬wedeng maantala nang palayasin sila sa Ehipto kaya hindi na sila nakapag¬baon.
40 Tumira sa Ehipto ang mga Israelita sa loob ng apatnaraa’t tatlumpung taon. 41 Sa katapusan ng apatnaraa’t tatlumpung taong ito, sa pinakahuling araw mismo, umalis sa Ehipto ang lahat ng hukbo ni Yawe.
42 Ito ang gabi ng pagbabantay ni Yawe upang ilabas sa Ehipto ang Israel. Para kay Yawe ang gabing ito, at ang gabi ring ito ang gabi ng pagbabantay ng mga Israelita, taun-taon, sa habang panahon.
Mga batas tungkol sa Paskuwa
43 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron: “Ito ang mga kautusan sa pagdiriwang ng Pas¬kuwa. Walang dayuhang kakain nito, 44 liban sa aliping tinuli pagkabili sa kanya. Makaka¬kain siya nito, 45 ngunit hindi ang pansamantalang naninirahan o ang upa¬hang mangga¬gawa. 46 Kakainin ang buong kordero sa loob ng isang bahay lamang, at sa karne nito ay walang ilalabas ng bahay. Huwag babaliin ang alinman sa mga buto nito. 47 Ipagdiriwang ng buong pama¬yanan ng Israel ang seremonyang ito.
48 Kung may dayuhang nakikipamayan sa inyo at gustong ipagdiwang ang Paskuwa ni Yawe, kailangang ipatuli niya ang lahat ng lalaki sa kanyang samba¬hayan. At maaari na siyang dumulog tulad ng isang isinilang sa lupain, ngunit walang lalaking di-tuli ang ma¬aaring makisalo dito. 49 Iisa lang ang batas para sa mga katutubo at mga dayuhang nakikipa¬mayan sa inyo.”
50 Ginawa nga ng lahat ng Israelita ang ini¬utos ni Yawe kina Moises at Aaron. 51 At nang araw ding iyon, inilabas ni Yawe ang mga Israelita, bata-batalyon, mula sa lupain ng Ehipto.
Pag-aalay sa mga panganay na anak
13 1 Nagsalita si Yawe kay Moises sa pagsa¬sabing: 2 “Italaga ninyo sa akin ang lahat ng panganay: akin ang mga anak na lalaki ng Israel na magbubukas sa bawat si¬napupunan, maging tao o hayop.”

3 Sinabi ni Moises sa sambayanan: “Alala¬hanin ninyo ang araw na lumabas kayo sa Ehipto mula sa bahay ng pagkaalipin, sapagkat inilabas kayo ni Yawe mula roon nang may ma¬lakas na kamay; at dahil dito, hindi kayo kakain ng tinapay na pinaalsa.

• 4 Buwan ng Abib ang inyong pag-alis. 5 Kapag dinala na kayo ni Yawe sa lupain ng mga Kananeo, Heteo, Amorreo, Heveo at Yebu¬seo, sa lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan na isinumpa niya sa inyong mga ninuno na ibibigay sa inyo, gagawin ninyo ang seremonyang ito sa buwang ito.
6 Kakain kayo ng tinapay na walang leba¬dura sa loob ng pitong araw, at magpipiyesta kayo sa karangalan ni Yawe sa ikapitong araw. 7 Tinapay na walang lebadura ang kakanin ninyo sa loob ng pitong araw, at hindi kayo dapat kakitaan ng tinapay na may lebadura, o ng lebadura sa buo ninyong nasasakupan. 8 Sa araw na iyon, sa¬sabihin ninyo sa inyong anak – Ginagawa ko ito dahil sa ginawa ni Yawe para sa akin nang lu¬mabas ako sa Ehipto.
9 Ang seremonyang ito ay magiging pinaka¬tanda para sa iyo sa iyong kamay at isang pag-aalaala sa iyong noo, upang laging sumaiyong mga labi ang Aral ni Yawe, sapagkat inilabas ka ni Yawe mula sa Ehipto nang may malakas na kamay. 10 Dahil dito, tutuparin mo ang kautu¬sang ito sa takdang panahon taun-taon.
11 Kapag dinala ka na ni Yawe sa lupain ng mga Kananeo at ibinigay iyon sa iyo, tulad ng isinumpa niya sa iyo at sa iyong mga ninuno, 12 ibubukod mo para kay Yawe ang lahat ng unang magbubukas ng sinapupunan, at lahat ng panganay pati ng inyong mga hayop. Para kay Yawe ang mga panganay na lalaking ito.
13 Bawat panganay na asno ay tutubusin ng isang kordero, at kung hindi ninyo ito tutubusin, babaliin ninyo ang leeg nito. Tutubusin ninyo ang bawat panganay sa inyong mga anak na lalaki. 14 Kung sa hinaharap ay tanungin kayo ng inyong anak kung ano ang ibig sabihin nito, sasabihin ninyo – Inilabas kami ni Yawe mula sa Ehipto nang may malakas na kamay, mula sa bahay ng pagkaalipin. 15 Nang magmatigas si Paraon na payagan kaming umalis, pinatay ni Yawe ang bawat panganay sa Ehipto, maging tao o hayop. Ito ang dahilan kung bakit iniaalay ko kay Yawe ang lahat ng panganay na lalaki sa aking mga hayop, at tinutubos naman ang ba¬wat panganay sa aking mga anak na lalaki.
16 Ito ang magiging pinakatanda sa iyong kamay at tatak sa pagitan ng iyong mga mata, na magpapaalaala sa iyo na inilabas kami ni Yawe mula sa Ehipto nang may malakas na kamay.
Ang pag-alis
17 Nang paalisin ni Paraon ang samba¬yanan, hindi sila dinala ng Diyos sa daang nasa lupain ng mga Pilisteo, bagamat iyon ang mas ma¬lapit, sapagkat naisip ng Diyos na maaaring ma¬siraan ng loob at magbalik sa Ehipto ang sambayanan kung makita nilang sila’y mapa¬palaban. 18 Kaya pinaliko ng Diyos ang sambayanan sa daang nasa ilang patungo sa Dagat ng Mga Tambo. At umalis nga ang mga Israelita sa Ehipto, nakahanay na lima-lima.
19 Dinala ni Moises ang mga buto ni Jose sapagkat pinasumpa nito ang mga anak ng Israel sa pagsasabing “Tiyak na dadalawin kayo ng Diyos kayat dalhin ninyo ang aking mga buto mula rito.”
20 Mula sa Sukot, tumigil sila sa Etam na nasa may hangganan ng disyerto. 21 Sa araw ay nasa unahan nila si Yawe sa isang haliging ulap upang ituro sa kanila ang daan, at sa gabi nama’y sa isang haliging apoy upang bigyan sila ng li¬wanag, kaya nakapaglakbay sila araw at gabi. 22 Hindi nawala sa harap ng samba¬yanan maging ang ulap kung araw o ang apoy kung gabi.
Hinabol ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita
14 1 At sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Sa¬bihin mo sa mga Israelita na bumalik at tumigil sa harap ng Pihahirot, sa pagitan ng Migdol at ng dagat, paharap sa Baal-Sefon. Mag¬kampo kayo sa tapat mismo ng lugar na ito at malapit sa dagat. 3 Kaya iisipin ni Paraon na naligaw ang mga Israelita at nakulong sa dis-yerto. 4 At patitigasin ko naman ang puso ni Paraon upang habulin kayo, at luluwalhatiin ako dahil kay Paraon at sa kanyang mga hukbo, at malalaman ng mga Ehipsiyo na ako si Yawe.”
Gayon nga ang ginawa ng mga Israelita.
Pagtawid sa Dagat ng Mga Tambo
• 5 Nang maipagbigay-alam sa hari ng Ehipto na nakaalis na ang samba¬yanan, nagbago ng isip si Paraon at ang kanyang mga opisyal tungkol sa sambayanan. Si¬nabi nila: “Ano itong nagawa natin? Pina¬yagan nating ma-ka¬alis ang Israel at ma¬ka¬laya sa pa¬ninilbihan sa atin!”
6 Ipinahanda ni Paraon ang kanyang karuwahe at isinama ang kanyang hukbo. 7 Dinala niya ang animnaraan sa kanyang pinakamahusay na mga kar¬¬wahe, pati ang lahat ng karwahe ng Ehipto, at sakay sa mga ito ang mga man¬dirigma.

8 Pinatigas ni Yawe ang puso ni Paraong hari ng Ehipto, kaya hinabol niya ang mga Israelita na matagumpay namang nag¬lalakad. 9 Hinabol ng mga Ehipsiyo – ng lahat ng karwahe at ka¬bayo ni Paraon, ng kanyang mga manganga¬bayo at hukbo – ang mga Israelita, at naabutan ang mga ito na nagkakampo sa tabing-dagat, malapit sa Pihahirot, sa tapat ng Baal-Sefon.

10 Papalapit na si Paraon, tumingin ang mga Israelita, at naku! kasunod nilang du¬marating ang mga Ehipsiyo. Lubha silang natakot, at sumigaw kay Yawe. 11 Si¬nabi nila kay Moises: “Wala bang libingan sa Ehipto kaya mo kami dinala sa disyerto para mamatay? Ano itong gi¬nawa mo sa amin at inilabas mo kami sa Ehipto? 12 Di ba’t sinabi na namin sa iyo sa Ehipto – Huwag mo kaming pakialaman; pabayaan mo kaming manilbihan sa mga Ehipsiyo. Mas mabuti pa nga sanang na¬nil¬bihan na lamang kami sa mga Ehip¬siyo kaysa mamatay sa disyerto!”
13 Sinabi ni Moises sa sambayanan: “Huwag kayong matakot! Manatili kayo sa inyong kinatatayuan at tingnan ang pagliligtas na gagawin ni Yawe para sa inyo ngayon. Hindi na ninyo makikita pang muli kailanman ang mga Ehipsiyo na nakikita ninyo ngayon! 14 Ipakiki¬pag¬laban kayo ni Yawe; at wala kayong anu¬mang gagawin.”

15 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Bakit ka du¬ma¬raing sa akin? Sabihin mo sa mga Israelita na magpatuloy sa paglakad. 16 Itaas mo ang iyong tungkod at iunat ang iyong kamay sa dagat, at hatiin iyon upang makatawid sa dagat ang mga Israelita nang hindi nababasa ang mga paa. 17 Patitigasin ko ang puso ng mga Ehipsiyo, kayat hahabulin nila kayo. At lulu¬wal¬hatiin ko ang aking sarili nang dahil kay Paraon at sa buo niyang hukbo, nang dahil sa kanyang mga karwahe at mga manganga¬bayo. 18 Malalaman ng mga Ehipsiyo na ako si Yawe kapag ako’y dinakila nang dahil kay Paraon at sa kanyang mga karwahe at mga mangangabayo!”

19 Nagpahuli naman ngayon ang Ang¬hel ng Diyos na nangunguna sa mga Israelita. Lumipat din ang haliging ulap mula sa harap, at tumayo sa likod nila, 20 sa pagitan ng mga kampo ng mga Israelita at ng mga Ehipsiyo. Nag¬bigay ng liwanag ang ulap sa isang hukbo, at ka¬rim¬lan naman sa kabila, kaya hindi nag-abot ang mga hukbo sa buong mag¬¬da¬mag. 21 Iniunat ni Moises ang kan¬yang kamay sa dagat, at magdamag na pina¬ihip ni Yawe ang malakas na ha¬nging silangan, at tinuyo ang dagat.

Nahati ang mga tubig, 22 at pumunta ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat, samantalang ang mga tubig ay naging pader sa kanan at sa kaliwa nila. 23 Hinabol sila ng mga Ehipsiyo, at sinundan sila sa laot ng dagat ng lahat ng kabayo ni Paraon, ng kanyang mga karwahe at mga mangangabayo.

24 Nang sumapit ang madaling-araw, tiningnan ni Yawe mula sa haliging apoy at ulap ang kampo ng mga Ehipsiyo, at ginulo iyon. 25 Pinabaon niya ang mga gulong ng kanilang mga karwahe kayat bahagya na silang makagalaw. At sinabi ng mga Ehipsiyo: “Tumakas na tayo sa mga Israelita sapagkat si Yawe ang luma¬¬laban sa Ehipto para sa kanila.”
26 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Iunat mo ang iyong kamay sa dagat at pabalikin mo ang mga tubig sa mga Ehipsiyo, sa kanilang mga karwahe at mga mangangabayo.” 27 Iniunat nga ni Moises ang kanyang kamay sa dagat.
Sa pagbubukanliwayway, nanum¬ba¬lik sa dati ang dagat. Nagsikap tuma¬kas ang mga Ehipsiyo ngunit itinumba sila ni Yawe sa dagat.
28 Bumalik ang mga tubig at tina¬bunan ang mga karwahe at mga manga¬¬ngabayo – ang buong hukbo ni Paraon na sumunod sa mga Israelita sa dagat.
Wala isa mang nakaligtas sa kanila. 29 Luma¬kad naman ang mga Israelita sa tuyong lupa sa kalagitnaanan ng dagat, na ang mga tubig ay naging pader sa kanan at kaliwa nila.

30 Sa araw na iyon, iniligtas ni Yawe ang Israel sa mga kamay ng mga Ehipsiyo, at nakita ng Israel ang mga Ehipsiyong patay sa dalampasigan. 31 Nakita ng Israel ang mga kahanga-hangang ba¬gay na ginawa ni Yawe laban sa Ehipto para sa kanila. At nagkaroong-pitagan kay Yawe ang sambayanan, at naniwala sila kay Yawe at kay Moises na kanyang lingkod.

15 • 1 At inawit ni Moises at ng mga Israelita ang awit na ito kay Yawe:
“Aawitan ko si Yawe,
dahil itinampok niya ang kanyang sarili
kabayo at sakay, itinapon niya sa dagat.
2 Si Yawe ang aking lakas at awit,
at siya ang aking kaligtasan.
Siya ang aking Diyos, at pupurihin ko siya;
ang Diyos ng aking ama, ipagbubunyi ko siya.

3 Si Yawe ay mandirigma,
Yawe ang kanyang pangalan.
4 Itinapon niya sa dagat
mga karwahe at hukbo ni Paraon;
nalunod sa Dagat ng Mga Tambo
mga pinakamagaling niyang mandirigma;
5 tinabunan sila ng kalaliman,
parang batong lumubog sa kailaliman.
6 Maluwalhati’t makapangyarihan
ang kanang kamay mo, O Yawe,
dinudurog ng iyong kanang kamay
ang kaaway, O Yawe.
7 Sa malaki mong kapangyarihan,
ibinabagsak mo ang iyong mga kalaban;
ipinadadala mo ang iyong poot
at tinutupok silang parang dayami.
8 Sa hininga ng iyong ilong,
nagpatung-patong ang mga tubig
at tumayong parang pader ang mga alon,
tumigas ang kalaliman sa pusod ng dagat.
9 Sabi ng kaaway – Hahabulin ko sila’t aabutan,
hahatiin ko ang nasamsam
at ako’y magpapakabusog,
huhugutin ko ang aking tabak
at pupuksain sila ng aking kamay.
10Hinipan mo sila sa iyong hininga,
at tinabunan sila ng dagat,
parang tingga silang lumubog
sa kagila-gilalas na dagat.
11 Sino sa mga diyos ang tulad mo, O Yawe?
Sino ang tulad mo, kagila-gilalas sa kabanalan,
nakasisindak sa kapuri-puri mong mga gawa,
gumagawa ng mga kahanga-hangang bagay?
12 Iniunat mo ang iyong kanang kamay,
at nilulon sila ng lupa.
13 Sa walang maliw mong pag-ibig,
inakay mo ang bayang tinubos mo,
pinatnubayan sila sa iyong lakas
tungo sa iyong banal na tirahan.
14 Narinig ito ng mga bansa at sila’y nanginginig:
pinagharian ng takot ang mga Pilisteo,
15 nasindak ang mga pinuno ng Edom,
nangatog ang mga heneral ng Moab,
nanlupaypay ang mga Kananeo.
16 Nilukuban sila ng takot at sindak
at sa lakas ng iyong bisig,
sila’y naging parang bato
hanggang magdaan ang bayan mo, O Yawe!
hanggang makatawid ang bayang binili mo.
17 Dadalhin mo sila’t itatanim
sa bundok ng iyong pamana,
ang lugar ng ginawa mong tirahan, O Yawe,
ang santuwaryo na itinayo ng iyong mga kamay, O Panginoon.
18 Maghahari si Yawe magpakailanman!”

19 Nang sumugod sa dagat ang mga karwahe, sa mga kabayo at mga ma¬nga¬ngabayo ni Paraon, pinabalik ni Yawe ang mga tubig ng dagat sa kanila, ngunit lu¬makad sa tuyong lupa ang mga Israelita sa gitna ng dagat.
20 At kumuha ng tamborin si Miriam na propetisa at kapatid ni Aaron, at su¬munod sa kanya ang lahat ng kaba¬baihan, may hawak ding mga tamborin at sumasayaw. 21 Inawitan sila ni Miriam: “Umawit kay Yawe dahil itinampok niya ang kanyang sarili; kabayo at sakay, itinapon niya sa dagat.”
Paglalakbay sa disyerto
• 22 At pinalakad ni Moises ang mga Israelita mula sa Dagat ng Mga Tambo patungo sa Disyerto ng Sur. Tatlong araw silang naglakad sa disyerto, ¬ngunit wala silang natagpuang tubig.
23 Dumating sila sa Mara pero hindi nila mainom ang tubig doon sapagkat mapait ito. (Kaya tinawag na Mara ang lugar na iyon.)
24 Nagreklamo ang sambayanan laban kay Moises, at sinabi: “Ano ngayon ang iinumin natin?” 25 Kaya dumaing si Moises kay Yawe na nagpakita sa kanya ng kapi¬rasong kahoy. Inihagis niya iyon sa tubig, at sumarap ang tubig.
Doon binigyan ni Yawe ng mga ka¬utusan at mga batas ang sambayanan. Doon niya sila sinubok, 26 at sinabi niya: “Kung pakikinggan mong mabuti ang tinig ni Yaweng Diyos mo, at gagawin ang tama sa kanyang paningin, diring¬gin ang kanyang mga utos, at tutuparin ang lahat niyang kautusan, hindi ko ilalapat sa iyo ang alinman sa sakit na ipinataw ko sa mga Ehipsiyo, sapagkat ako si Yawe na nagpapaga¬ling sa iyo.”
27 At nakarating sila sa Elim kung saan may labindalawang bukal at pitumpung palmera, at nagkampo sila sa tabi ng tubig.
Ang manna
16 • 1 Umalis ang mga Israelita sa Elim at dumating ang buong pa¬mayanan sa Disyerto ng Sin, sa pa¬gi¬tan ng Elim at Sinai, sa ikalabinlimang araw ng ikalawang buwan pag¬kalabas nila sa Ehipto.
2 Sa disyerto, nagreklamo ang buong pamayanan ng Israel laban kina Moises at Aaron, 3 at sinabi sa kanila: “Namatay na sana kami sa kamay ni Yawe sa Ehipto, habang nakaupo sa tabi ng kal¬dero ng karne at kumakain ng tinapay hanggang mabusog. Pero dinala mo kami sa disyertong ito para patayin sa gutom ang buong pama¬yanan!”
4 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Mag¬papaulan ako ngayon ng tinapay mula sa langit para sa inyo. Lalabas ang sam¬¬bayanan araw-araw para manguha ng kailangan nila sa araw na iyon. Kaya ma¬susubok ko sila kung susun¬din nga nila ang aking Aral o hindi. 5 Sa ikanim na araw, habang inihahanda nila ang kani¬lang pinanguha, maki¬kita nilang ito’y doble ng dati nilang natitipon sa bawat araw.”
6 At sinabi naman nina Moises at Aaron sa lahat ng Israelita: “Mala¬laman ninyo sa dapithapon na si Yawe ang naglabas sa inyo mula sa Ehipto, 7 at makikita ninyo sa umaga ang Luwal¬hati ni Yawe. Sapag¬kat narinig niya ang inyong reklamo laban sa kanya, sapagkat sino kami para pagreklamu¬han ninyo?
8 Bibigyan kayo ni Yawe sa dapit¬hapon ng karneng makakain at ng tina¬pay sa umaga upang mabusog kayo, sapagkat narinig ni Yawe ang pagre¬reklamo ninyo laban sa kanya. Hindi ka¬mi ang pinag¬reklamuhan nin¬yo kundi si Yawe, sapag¬kat sino ba naman kami?”
9 At sinabi ni Moises kay Aaron na sa¬bihin sa buong pamayanan ng Israel: “Lu¬¬mapit kayo kay Yawe sapagkat narinig niya ang inyong mga reklamo.”
10 Habang nagsasalita si Aaron sa buong pamayanan ng Israel, bumaling sila sa disyerto. At masdan, lumitaw ang Luwalhati ni Yawe sa gitna ng ulap.
11 At sinabi ni Yawe kay Moises: 12 “Na¬rinig ko ang mga reklamo ng mga Israeli¬ta. Kausapin mo sila at sabihin – Ka¬kain kayo ng karne sa dapit¬hapon, at mag¬ka¬karoon kayo ng tinapay sa uma¬¬ga hang¬gang gusto ninyo; at ma¬lalaman ninyo na ako si Yaweng Diyos ninyo.”
13 Nang dapithapon ding iyon, nagda¬tingan ang mga pugo at pinuno ng mga ito ang kampo. At kina-umagahan, nag¬ka¬roon naman ng hamog sa paligid ng kampo. 14 Nang pumailanlang ang ha¬mog, hayun at naiwan sa ibabaw ng dis¬yerto ang kung anong manipis na pa¬rang biskwit panotsa. 15 Nang makita iyon ng mga Israelita, sinabi nila sa isa’t isa: “Manna (Ano ito?)” sapagkat hindi nila alam kung ano ’yon. Sinabi sa ka-ni¬¬la ni Moises: “Iyan ang tinapay na bigay sa inyo ni Yawe bilang pagkain.
16 Ito ang iniutos ni Yawe: tipunin ninyo ito batay sa kayang kainin ng bawat isa, mga apat na litro bawat isa, at ayon din sa bilang ng taong nasa tolda ng bawat isa.”
17 Ganito nga ang ginawa ng mga Israelita. Tinipon nila iyon, may nanguha ng mas marami at mayroon namang kaunti lamang. 18 Ngunit nang takalin nila iyon sa omer, walang sumobra sa nanguha ng mas marami, at hindi kinulang ang nanguha ng kaunti. Nanguha ang bawat isa ayon sa kaya nilang ubusin.
Bigyan mo kami ngayon ng amingkakanin
19 At sinabi sa kanila ni Moises: “Wa¬lang sinumang magtitira nito hang¬gang kina¬umagahan.” 20 Ngunit hindi nila pina¬¬¬king¬gan si Moises, at itinira iyon ng iba hang¬gang kinaumagahan. Inuod iyon at bu¬¬maho, at nagalit sa kanila si Moises.
21 Tuwing umaga, nangunguha ang bawat isa ayon sa kaya niyang kainin, at natutunaw iyon sa init ng araw.
22 Sa ikanim na araw, dobleng dami ng ti¬na¬pay ang kinukuha nila, dalawang omer bawat isa, at lumapit kay Moises ang mga pinuno ng pamayanan at sinabi iyon kay Moises. 23 Sinabi naman ni Moises sa kanila: “Ito ang iniutos ni Yawe – Magpapahinga kayo bukas, sapagkat ang araw na iyon ay isang Pahinga – o sabbat – na sagrado para kay Yawe. Kaya lutuin ninyo ngayon ang dapat lutuin, at pakuluan ang dapat pakuluan, at itabi ang anumang matitira para sa susunod na araw.”
24 Kaya itinabi nila iyon hanggang umaga tulad ng iniutos ni Moises at hindi iyon buma¬ho o inuod. 25 At sinabi ni Moises: “Kanin ninyo ito ngayon, sapagkat ngayon ay araw ng Pahinga – o sabbat – sa kara¬ngalan ni Yawe. Hindi ni¬nyo ito makikita ngayon sa lupa. 26 Manguha ka¬yo nito sa loob ng anim na araw, ngunit wal¬a nito sa ikapitong araw, ang Araw ng ¬Pahinga.”
27 Lumabas ang ilan para manguha sa ikapitong araw pero wala silang nakita. 28 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Hanggang kailan kayo tatangging sumunod sa aking mga utos at batas? 29 Tingnan ninyo, binigyan kayo ni Yawe ng Araw ng Pahinga! Kaya naman binibigyan niya kayo sa ikanim na araw ng tinapay na para sa dalawang araw. Manatili ang bawat isa sa kanyang kinaroroonan, at walang lalabas sa kan¬yang tirahan sa ikapitong araw.”
30 Kayat nagpahinga ang sambayanan sa ikapitong araw.
31 Tinawag ng mga Israelita ang pag¬kaing ito ng manna. Maputi itong pa¬¬¬¬rang buto ng kulantro at lasang gal¬yetas na may pulot-pukyutan.
32 At sinabi ni Moises: “Ito ang iniutos ni Yawe – Kumuha kayo ng isang takal ng manna, at itabi iyon para sa susunod na mga salinlahi upang makita nila ang tinapay na ibinigay ko sa inyo bilang pagkain sa disyerto nang ilabas ko kayo mula sa Ehipto.” 33 Kaya sinabi ni Moises kay Aaron: “Kumuha ka ng isang banga at lagyan mo ng isang takal na manna, at ilagay sa harap ni Yawe para sa iyong mga inapo.” 34 Ni-lagyan nga ni Aaron ng isang punong takal ng manna ang banga, tulad ng iniutos ni Yawe kay Moises, at inilagay iyon sa harap ng mga tapyas ng Kautusan ng Diyos upang doon itabi.
35 Kumain ng manna ang mga Israelita hang¬gang makarating sila sa isang lupaing may mga naninirahan. Kumain sila ng manna sa loob ng apatnapung taon hanggang makarating sila sa hangganan ng Kanaan.
Tubig mula sa bato
17 • 1 Nagpatuloy ang buong pama¬¬¬¬ya¬nan ng mga Israelita mula sa Dis¬yerto ng Sin, at nagpunta sa iba’t ibang lugar ayon sa ipinag-uutos ni Yawe. Nag¬kampo sila sa Refidim, ngu¬nit walang ma¬inom na tubig doon ang sambaya¬nan.
2 Inaway ng sambayanan si Moises, at sinabi: “Bigyan mo kami ng tubig na mai¬inom.” Ngunit sumagot si Moises: “Bakit ako ang inaaway ninyo? Bakit ninyo si¬nusubok si Yawe?”
3 Ngunit nauuhaw ang bayan at nag¬reklamo sila laban kay Moises: “Ba’t mo pa kami pinaalis sa Ehipto para patayin lamang kami sa uhaw, pati ang mga aming mga anak at mga hayop?”
4 Kaya sumigaw si Moises kay Yawe: “Ano ang gagawin ko sa bayang ito? Halos batuhin na nila ako!” 5 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Pumunta ka sa harap ng sam¬¬bayanan, at isama mo ang mga ma¬tatanda ng Israel. Kunin mo ang tung¬kod na ipinanghampas mo sa Ilog Nilo, at pu¬munta ka sa harap ng samba¬yanan. 6 Ta¬tayo ako roon sa harap mo sa bato sa Horeb. Hampasin mo ang bato, at aagos mula rito ang tubig at may maiinom na ang bayan.”
Ginawa nga iyon ni Moises sa harap ng mga matatanda ng Israel.
7 Tinawag na Masa (o Pagsubok) at Meriba (o Reklamo) ang lugar na iyon, dahil sa mga reklamo ng mga Israelitang sumubok kay Yawe sa pagsasa¬bing “Ka¬sama ba natin si Yawe o hindi?”
Tagumpay laban sa Amalec
• 8 Nasa Refidim ang mga Israelita nang dumating ang mga Amalecita at sina¬lakay sila. 9 Kaya sinabi ni Moises kay Josue: “Pumili ka ng ilang lalaki at laba¬nan ang mga Amalecita bukas ng umaga. Tatayo naman ako sa tuktok ng burol na hawak ang tungkod ng Diyos.”
10 Nakipaglaban nga si Josue sa mga Amalecita tulad ng iniutos ni Moises, at umahon naman sa tuktok ng burol sina Moises, Aaron at Hur. 11 Hang¬ga’t na¬ka¬taas ang mga kamay ni Moises, na¬nanalo ang mga Israelita; ngunit kapag ibinababa niya ang mga iyon, ang mga Amalecita naman ang nakalalamang.
12 Nang mangawit ang mga bisig ni Moises, kumuha sila ng isang bato para makaupo siya, at itinaas naman nina Aaron at Hur na nasa magkabilang tabi niya ang kanyang mga kamay, kayat nanatiling nakataas ang mga iyon hang¬gang sa paglubog ng araw. 13 Nagapi naman ni Josue sa kanyang tabak si Amalec at ang mga tauhan nito.
14 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Isulat mo ito sa isang aklat bilang alaala, at sabihin kay Josue na papawiin ko ang alaala ni Amalec sa silong ng langit.”
15 Pagkatapos niyon, gumawa si Moises ng isang altar, at tinawag iyon na “Si Yawe ang aking watawat” 16 sapagkat sinabi niya, “Ibandila ang watawat ni Yawe. Makikidigma si Yawe sa mga Amalecita sa mga sali’t salinlahi.”
Dumating si Yetrong biyenan ni Moises
18 1 Nabalitaan ni Yetrong pari ng Madian at biyenan ni Moises ang lahat ng ginawa ng Diyos para kay Moises at sa kanyang bayang Israel nang ilabas ni Yawe ang Israel mula sa Ehipto.
2 Matapos pauwiin ni Moises ang kanyang maybahay na si Sefora, tinanggap ito ni Yetrong biyenan ni Moises, 3 pati ang dalawa nitong anak na lalaki. Pinangalanang Gersom ni Moises ang panganay upang magunita niya na naging dayuhan siya sa isang lupaing banyaga, 4 at ang isa nama’y Eliezer sapagkat sinabi niya, “Tinutulungan ako ng Diyos ng aking ama, at iniligtas ako sa tabak ni Paraon.”
5 Kaya dumating sa disyerto si Yetro kasama ang maybahay at ang mga anak ni Moises sa pinagkakampuhan ng samba¬yanan sa bundok ng Diyos.
6 At ipinasabi kay Moises: “Narito ang biyenan mong si Yetro, kasama ang iyong maybahay at ang dalawa nitong anak na lalaki.” 7 Kaya sinalubong ni Moises ang kanyang biyenan at yumuko sa harap nito at hinagkan. At pumasok sila sa tolda pagka¬tapos magkumustahan tungkol sa lagay ng bawat isa. 8 Sinabi ni Moises sa kanyang biyenan ang lahat ng ginawa ni Yawe kay Paraon at sa Ehipto alang-alang sa Israel, ang lahat ng paghihirap na na¬ranasan nila sa daan at kung paano sila iniligtas ni Yawe.
9 Nagalak si Yetro sa lahat ng kabutihang ginawa ni Yawe sa Israel sa pagliligtas sa kanila mula sa kamay ng Ehipto, 10 at sinabi niya: “Purihin si Yawe na nagligtas sa inyo sa kapang¬yarihan ng Ehipto at ni Paraon, na nag¬ligtas sa sambayanan sa ilalim ng kapang¬yarihan ng Ehipto. 11 Alam ko na nga¬yon na mas dakila si Yawe kaysa lahat ng iba pang diyos sapagkat iniligtas niya ang kanyang bayan nang ina¬alipin sila.”
12 Nag-alay pagkatapos si Yetro ng sinunog na handog at iba pang mga hain sa Diyos; at dumating si Aaron kasama ang lahat ng matatanda ng Israel upang makisalo sa biyenan ni Moises sa pagkaing ito sa harap ng Diyos.
Paghirang sa mga hukom
• 13 Kinabukasan, naupo si Moises upang maggawad ng katarungan sa bayan, at tumayo ang sambayanan sa paligid niya mula umaga hanggang da¬pithapon.
14 Nang makita ng biyenan ni Moises ang lahat ng ginagawa niya para sa sam¬bayanan, sinabi nito sa kanya: “Ano itong ginagawa mo para sa bayan? Ba¬kit nag-iisa kang nakaupo bilang hu¬kom, saman¬talang nakatayo naman ang buong sam¬ba¬yanan na nakapaligid sa iyo mula umaga hanggang dapit¬hapon?” 15 Suma-got si Moises: “Ang bayan ang lumalapit sa akin upang malaman ang pasya ng Diyos 16 kapag mayroon silang sigalot. Lumalapit sila sa akin upang ako ang hu¬matol sa dala¬wa, at ipaalam sa kanila ang mga batas at mga aral ng Diyos.”
17 Sumagot si Yetro: “Hindi mabuti ang ginagawa mo. 18 Tiyak na sisirain mo ang iyong sarili pati ang bayang ito, sapagkat napakabigat ng trabahong ito para sa iyo, hindi mo ito maga¬gampa¬nang mag-isa. 19 Makinig ka ngayon sa akin at papa¬yuhan kita, at sumaiyo nawa ang Diyos. Ikaw ang kakatawan sa sam-bayanan sa harap ng Diyos, at iha¬harap mo sa kanya ang kanilang usapin. 20 Ituturo mo sa kanila ang mga batas at mga aral, ipaaalam mo sa kanila ang daang dapat nilang tahakin at kung ano ang dapat nilang gawin. 21 Ngunit pumili ka ng mga lalaking may-¬kakayahan at may pitagan sa Diyos mula sa sam¬bayanan, mga taong pinani¬nindigan ang katotohanan at na¬mu¬muhi sa lagay, at hirangin mo sila bilang mga puno ng mga pangkat na binubuo ng sanlibo, san¬daan, limampu at sampu.
22 Sila ang papaggagawarin mo ng ka¬tarungan sa bayan sa lahat ng pag¬ka¬kataon, at idudulog naman nila sa iyo ang mabibigat na kaso, pero sila na ang ba¬halang magpasya sa maliliit na usapin. Kaya gagaan ang iyong pasa¬nin. Tutulu¬ngan ka nila. 23 Kung gagawin mo ito, ma¬papatnubayan ka ng Diyos at mapanga¬nga-tawanan mo ang iyong tungkulin, at maluwalhating makara¬rating ang lahat ng taong ito sa kanilang lugar.”
24 Sinunod nga ni Moises ang payo ng kanyang biyenan, at ginawa ang lahat niyang sinabi. 25 Pumili siya ng mga lala¬king may-kakayahan mula sa mga Is¬raelita at inilagay niya sila bilang mga pinuno ng mga pangkat ng sanlibo, san¬daan, li¬mampu at sampu. 26 Sila ang nag¬gawad ng katarungan sa lahat ng pag¬ka¬kataon, at mabibigat na usapin lamang ang inihaharap kay Moises, ngu¬nit sila na mismo ang humahatol sa iba pang mga kaso.
27 At pinauwi na ni Moises ang kanyang biyenan, kayat bumalik siya sa sariling lupain.
Paghahanda ng Tipan
19 • 1 Sa ikatlong buwan mula nang umalis ang mga Israelita sa Ehipto, dumating sila sa Dis¬yerto ng Sinai nang araw ring iyon. 2 Dumating sila roon mula sa Refidim at nagkampo sa Disyerto ng Sinai.
Doon nagkampo ang mga Israelita sa tapat ng bundok, 3 ngunit umahon si Moises sa Diyos, at tinawag siya ni Yawe mula sa bundok, at sinabi: “Ito ang sasabihin mo at ipaliliwanag sa mga Israelita –
4 Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Ehipsiyo at kung paano ko kayo pinasan sa mga pakpak ng agila at pina¬pun¬ta sa akin. 5 Kung maki¬kinig ka nga¬yon sa akin at tutupdin ang aking tipan, kayo ang ma¬giging natatangi kong ari-arian sa la¬hat ng bansa. Sapagkat akin ang buong daigdig, 6 ngu¬nit kayo ay ma¬¬¬giging kaha-rian ng mga pari at banal na bansa para sa akin. – Ito ang mga salitang sasabihin mo sa mga anak ng Israel.”
7 Kaya umalis si Moises, at ipinatawag ang lahat ng matatanda ng bayan at ini¬lahad sa kanila ang lahat ng salitang ini¬utos ni Yawe na sabihin niya. 8 Sumagot sa iisang tinig ang buong bayan: “Ga¬gawin namin ang lahat ng sinabi ni Yawe.” At inihatid naman ni Moises kay Yawe ang sagot ng bayan.
9 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Darating ako sa iyo sa isang makapal na ulap upang marinig ako ng bayan na na¬ki¬kipag-usap sa iyo at nang lagi silang maniwala sa iyo.” At sinabi ni Moises kay Yawe ang sinabi ng sambayanan.
10 Sinabi naman ni Yawe kay Moises:
“Puntahan mo ang sambayanan at ha¬yaan silang magpakabanal ngayon at bukas; palabhan mo sa kanila ang kani¬lang mga suot, 11 at maging handa para sa ikatlong araw. Sapagkat bababa si Yawe sa ikatlong araw sa Bundok Sinai sa harap ng buong sambayanan. 12 Lagyan mo ng mga hangganan sa pa¬ligid ang samba-yanan, at sabihin sa kanila – Hu¬wag ka¬yong aahon sa ¬bundok ni hihipuin ang pa¬a¬nan niyon; ma¬mamatay ang sinumang humipo sa bun¬dok. 13 Hindi siya pagbu¬buhatan ng ka¬may kundi babatuhin o pa¬panain. Hu¬wag bubu¬hayin, maging tao o ha¬yop. Pag tunog lamang ng trum¬peta saka sila maka¬kaakyat sa bundok.”
14 Bumaba si Moises mula sa bundok at sinabihan ang sambayanan na mag¬pa¬¬ka¬banal, at nilabhan nila ang kani¬lang mga suot. 15 At sinabi niya sa ba¬yan: “Mag¬handa kayo sa loob ng tat¬long araw, at huwag makipagtalik.”
16 Sa umaga ng ikatlong araw, kumulog at kumidlat at may makapal na ulap sa bundok at may napakalakas na tunog ng trumpeta. Nanginig ang lahat ng nasa kampo. 17 Pinaalis ni Moises ang sam¬ba¬yanan sa kampo para luma¬pit sa Diyos, at tumayo sila sa paanan ng bundok.
18 Nabalot ng usok ang buong Bundok Sinai sapagkat bumaba si Yawe sa apoy, at tumaas ang usok na parang galing sa pugon. Yumanig nang ubod lakas ang buong bundok, 19 samantalang palakas naman nang palakas ang tunog ng trumpeta. Nagsalita si Moises at sumagot naman ang Diyos sa pamamagitan ng kulog.
20 Bumaba si Yawe sa tuktok ng Bun¬dok Sinai, at tinawag niya si Moises na umahon sa tuktok. Umahon nga siya, 21 at sinabi ni Yawe sa kanya: “Bumaba ka at ibigay ang babalang ito sa sambayanan, kung hindi’y baka sila sumu¬god para tingnan si Yawe at marami sa kanila ang mamamatay. 22 Kailangang magpaka¬banal din kahit ang mga pa¬ring lumalapit kay Yawe, kung hindi’y sasabog sa kanila si Yawe.”
23 Sumagot si Moises kay Yawe: “Hindi makaaakyat sa Bundok Sinai ang sam¬ba¬yanan sapagkat ikaw na rin ang nag-utos sa amin na maglagay ng hangganan sa paligid ng bundok, at ibukod ito bilang banal.” 24 Sumagot si Yawe: “Bu¬maba ka at isama mo sa pag-akyat si Aaron, ngu¬nit huwag mong palalampa¬sin ang mga pari at ang sambayanan pa¬ra umahon kay Yawe, kung hindi’y sasabog sa kanila si Yawe.”
25 Kayat bumaba si Moises sa samba¬ya¬nan at sinabi sa kanila…
Ang Sampung Utos
20 • 1 Sinabi ng Diyos ang lahat ng salitang ito. 2 Sinabi niya: “Ako si Yaweng iyong Diyos na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin.
– 3 Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos sa harap ko.
– 4 Huwag kang gagawa ng inukit na diyus-diyusan o imahen ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa mga tubig sa ilalim ng lupa; 5 hu¬wag kang yuyuko o magli¬lingkod sa ka¬nila. Sapagkat akong si Yaweng iyong Diyos ay selosong Diyos, at pinarurusahan ko ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikapat sa salinlahi dahil sa kasalanan ng kani¬lang mga magulang na naghi¬magsik sa akin; 6 ngunit nagpapa¬kita ako ng walang maliw na pag-ibig hanggang sa ikasanlibong salinlahi sa mga nagma¬mahal sa akin at sumu¬sunod sa aking mga utos.
– 7 Huwag mong gamitin nang wa¬lang katuturan ang pangalan ni Yaweng iyong Diyos, sapagkat hindi pinaka¬kawalan ni Yawe ang sinumang guma¬gamit nang walang katuturan sa kanyang pangalan.
– 8 Alalahanin mo ang Araw ng Pa¬hinga at pabanalin ito. 9 Magtrabaho ka sa loob ng anim na araw at gawin ang lahat mong gawain, 10 ngunit ang ikapitong araw ay araw ng pahinga para kay Yaweng iyong Diyos. Huwag kang gaga¬wa ng anumang trabaho sa araw na iyon, ikaw man ni ang iyong anak na lalaki o anak na babae, ni ang iyong mga katulong, maging lalaki o babae, ni ang iyong mga hayop, ni ang dayuhang nasa loob ng iyong bakuran. 11 Sapagkat sa loob ng anim na araw, ginawa ni Yawe ang langit at lupa at ang dagat at lahat ng naroroon, ngunit nag¬pahinga siya sa ikapitong araw. Kaya pinagpala ni Yawe ang Araw ng Pahinga at pinabanal ito.
– 12 Isaalang-alang mo ang iyong ama at ina upang humaba ang iyong buhay sa lupaing ibinigay sa iyo ni Yawe.
– 13 Huwag kang papatay.
– 14 Huwag kang makikiapid.
– 15 Huwag kang magnanakaw.
– 16 Huwag kang sumaksi nang mali laban sa iyong kapwa.
– 17 Huwag mong pagnasahan ang bahay ng iyong kapwa. Huwag mong pag¬nasahan ang maybahay ng iyong kapwa, o ang kanyang katulong, lalaki man o ba¬bae, o ang kanyang baka o ang kan¬yang asno o anumang kanya.”
18 Samantala, nasaksihan ng buong bayan ang kulog at kidlat, at narinig ang tunog ng trumpeta at nakitang umuusok ang bundok. Nanginig sila sa takot at nana¬tiling nakatayo sa malayo.
19 At sinabi nila kay Moises: “Ikaw mismo ang magsalita sa amin at maki¬kinig kami. Ngunit huwag magsalita sa amin ang Diyos, kung hindi’y mamamatay kami.” 20 Sinabi ni Moises sa sam¬ba¬yanan: “Huwag kayong matakot, sa¬pag¬kat naparito ang Diyos upang subu¬kin kayo, upang sumainyo ang pitagan sa Diyos at nang hindi kayo magkasa¬lang muli.” 21 Kaya nanatiling malayo ang sam¬¬bayanan samantalang lumakad si Moises patungo sa ulap na kinaroroonan ng Diyos.
Ang mga tuntunin ng Tipan
• 22 Nakipag-usap si Yawe kay Moises: “Sabi¬hin mo ito sa mga anak ng Israel – Nakita ninyo na nagsalita ako sa inyo mula sa langit. 23 Huwag ninyong itatabi sa akin ang anumang diyus-diyusang pilak o ginto.
24 Igawa mo ako ng altar na lupa, at doon mo ialay ang iyong mga sinunog na handog at hain para sa mabuting pagsasamahan, ang iyong mga tupa at mga baka. Sa lahat ng lugar na pupuntahan mo para alalahanin ang aking pa¬ngalan, pupuntahan kita at pag¬papalain.
25 Kung gagawa ka ng altar na bato para sa akin, huwag mo itong gagawing yari sa tinap¬yas na bato, sapagkat lalapastanganin mo ito sa paggamit dito ng sinsel. 26 Huwag mong lalagyan ng mga baitang ang aking altar, at baka makita ang iyong kahubaran.”

21 1 “Ito ang mga batas na ihaharap mo sa kanila:
2 Kung bibili ka ng aliping Hebreo, magli¬lingkod siya sa iyo nang anim na taon, ngunit pa¬¬¬la¬layain mo siya sa ikapitong taon nang walang anumang babayaran.
3 Kung dumating siyang nag-iisa, aalis si¬yang nag-iisa. Kung may asawa naman siya, aalis siyang kasama ang kanyang maybahay. 4 Kung binigyan naman siya ng kanyang amo ng asawa at nagkaanak iyon, magiging pag-aari ng amo ang maybahay at ang mga anak niyon; aalis siyang nag-iisa.
5 Ngunit kung sabihin ng alipin – Mahal ko ang aking amo, ang aking asawa, at ang aking mga anak, kaya ayaw kong lumaya, – 6 ihaharap siya ng kanyang amo sa Diyos; dadalhin siya sa pinto o sa haligi ng pintuan, at bubutasan ng kanyang amo ng pantusok ang isa niyang tainga, at habambuhay na siyang mani¬nilbihan sa kanya.
7 Kung ipinagbili ng isang lalaki ang kanyang anak na dalaga bilang alipin, hindi ito makalalaya tulad ng mga aliping lalaki. 8 Kung hindi siya magiging kasiya-siya sa kanyang amo na pumili sa kanya para sa kanyang sarili, papayag ito na matubos siya ng iba; wala itong karapatan na ipagbili siya sa mga dayuhan sa¬pagkat nakipagsira siya sa kanya. 9 Kung siya nama’y pinili niya para sa kanyang anak na lalaki, iga¬galang niya ang karapatan nito bilang anak na babae. 10 Kung mag-asawa naman siya ng ibang babae, hindi niya babawasan ang kan¬yang pagkain, damit o mga karapatan ng may-asawa. 11 Kung magkulang siya sa kanya sa tat¬long bagay na ito, malayang makaaalis ang babae nang walang binabayarang anuman.
12 Patayin ang sinumang manakit sa kapwa at makamatay. 13 Ngunit kung hindi naman niya sinadyang pumatay, bibigyan kita ng isang lugar na kanyang matatak¬buhan.
14 Subalit kung sadya niyang sinunggaban ang kanyang kapwa para patayin nang pataksil, alisin mo siya kahit sa aking altar at patayin.
15 Patayin ang sinumang manakit sa kanyang ama o ina.
16 Patayin ang sinumang kumidnap sa kapwa at ipagbili ito o mahulihang bihag pa niya ito.
17 Patayin ang sinumang uminsulto sa kan¬yang ama o ina.
18 Kung may mga nag-aaway, at sinuntok o binato ng isa ang kanyang kapwa, at hindi naman namatay kundi naratay lamang 19 at pag¬katapos ay nakabangon at nakapag¬lakad na sa kalye, hawak ang kanyang tungkod, walang pananagutan ang sumuntok. Gayunman, ba¬bayaran nito sa nasaktan ang nasa¬yang na panahon at ipagagamot hanggang ganap na gumaling.
20 Kung hampasin ng isang lalaki ang kanyang aliping babae o lalaki, at namatay iyon sa kanyang kamay, dapat siyang parusahan. 21 Ngu¬nit kung nabuhay iyon pagkalipas ng isa o dalawang araw, hindi siya parurusahan sapag¬kat ari-arian niya ang alipin.
22 Kung may nag-aaway, at tinamaan nila ang isang buntis kayat napaanak ito nang wala sa panahon ngunit hindi naman napinsala ang babae, kailangang bayaran ng nakasakit sa babae ang anumang multang itatakda ng asawa nito at ipinahihintulot ng hukuman. 23 Ngunit kung magkaroon ng malubhang pinsala, buhay ang ibabayad sa buhay, 24 mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa, 25 sunog sa sunog, sugat sa sugat, galos sa galos.
26 Kapag pinalo sa mata ng isang lalaki ang kanyang alipin, lalaki man o babae, at ito ay nabulag, palalayain niya ang alipin bilang kaba¬yaran sa mata nito, 27 o kung mabu¬ngian ito dahil sa kanya, palalayain din niya ang alipin bilang kabayaran sa ngipin nito.
28 Kung sinuwag ng isang bakang kapon ang isang lalaki o babae, at namatay iyon, babatuhin ang baka hanggang mamatay, at hindi kakainin ang laman niyon, ngunit hindi parurusahan ang may-ari ng baka.
29 Kung dati nang nanunuwag ang baka, at binalaan na ang may-ari niyong ngunit hindi pa rin iyon ikinulong, at may napatay ito pagkatapos, babatuhin ang baka at papa¬tayin din ang may-ari nito. 30 Gayun-man, kung pagmumultahin siya para masagip ang kanyang buhay, kailangang bayaran niya ang lahat ng hihingin sa kanya.
31 Pareho ring batas ang ipapataw, maging batang lalaki man o babae ang sinuwag ng baka. 32 Kung aliping lalaki o babae naman ang sinuwag ng baka, magbabayad ng tatlumpung pirasong pilak ang may-ari nito sa amo ng alipin, at babatuhin naman ang baka.
33 Kung iniwang bukas ng isang lalaki ang isang balon o kung naghukay siya at hindi iyon tinakpan, at may nahulog na baka o asno roon, 34 babayaran ng may-ari ng balon ang may-ari ng hayop, ngunit magiging kanya na ang hayop.
35 Kung sinaktan ng baka ng isa ang baka ng kanyang kapwa, at namatay iyon, ipagbibili nila ang buhay na toro at paghahatian kapwa ang pera at ang laman ng namatay na hayop. 36 Subalit kung dati nang nanunuwag ang baka, at hindi pa rin iyon ikinulong ng may-ari, kaila¬ngang magbayad ang may-ari – baka sa baka – ngunit kanya na ang patay na baka.
37 Kung nagnakaw ng baka o tupa ang isang lalaki, at kinatay iyon o ipinagbili, babayaran niya ng limang baka ang bakang ninakaw, at apat na tupa naman para sa tupang ninakaw.

22 1 Kung mahuli ang isang magnanakaw na nanloloob sa isang bahay, at siya ay hinampas at namatay, walang pana¬nagutan ang nakamatay sa kanya. 2 Ngunit mananagot na ang nakamatay kung nangyari ito pagkasikat ng araw. Kailangang bayaran ng magnanakaw ang lahat niyang ninakaw. Kung walang-wala naman siya, ipagbibili siya para sa kanyang ni¬nakaw. 3 Kung matagpuang buhay sa kanyang pag-iingat ang kanyang ninakaw, maging baka, asno o tupa, magbabayad siya ng doble.
4 Kung ipastol ng isang tao ang kanyang mga alagang hayop, at pinabayaang gumala at manginain sa bukid o ubasan ng iba, babayaran niya iyon ng pinakamainam na ani mula sa kanyang bukid at ubasan.
5 Kung nagkasunog at kumalat ang apoy sa dawagan, at nasunog nito ang mga butil na nakabunton o tumutubo roon o ang buong bu¬ki¬¬rin, magbabayad ang nagsindi ng apoy.
6 Kung ang isang tao ay nagpatago sa iba ng salapi o anumang bagay para ingatan, at iyon ay nanakaw, magbabayad nang doble ang mag¬¬¬na¬nakaw kung mahuhuli. 7 Kung hindi na¬man mahuli ang magnanakaw, ang may-ari ng bahay ay manunumpa sa harap ng mga hukom na hindi siya ang nagnakaw sa ari-arian ng kanyang kapwa.
8 Anumang usapin tungkol sa tunay na pagmamay-ari ng baka, asno, tupa o damit o anu¬mang bagay na nawala ay kailangang iharap sa mga hukom. Sinumang mapatu¬nayan ng mga hukom na wala sa katwiran ay magbabayad nang doble sa kanyang kapwa.
9 Kung ipinagkatiwala ng isang tao sa kanyang kapwa ang kanyang asno, baka, tupa o anumang hayop, at ang hayop ay namatay o napinsalaan o may humuli nang walang naka¬ka¬kita, 10 manunumpa sa harap ni Yawe ang pi¬nag¬¬iwanan na hindi niya ninakaw ang ari-arian ng kanyang kapwa. Tatanggapin ng may-ari ng hayop ang patotoo, at wala namang ka¬ila¬ngang isauli ang isa. 11 Ngunit kung ninakaw sa kanya ang hayop, kaila¬ngang ibalik niya iyon. 12 Kung ang hayop ay nilapa ng mabangis na hayop, ihaharap niya ang nalabi bilang ebidensiya, ngunit hindi niya kailangang magbayad.
13 Kung nanghiram ang isang tao ng hayop sa kanyang kapwa at ang hayop ay napinsala o namatay nang wala ang may-ari, kailangang bayaran iyon ng nanghiram. 14 Ngunit kung naroon naman ang may-ari, hindi kailangang magbayad ang nanghiram.
15 Kung akitin ng isang lalaki ang isang dalagang wala pang katipan at sumiping sa kanya, babayaran niya ito ng dote at pakakasalan. 16 Kung tumanggi naman ang ama ng dalaga na ibigay ito sa kanya, baba¬yaran pa rin niya ang halagang katumbas ng dote sa isang ikakasal na dalaga.
17 Patayin ang mangkukulam.
18 Patayin ang sinumang makipagtalik sa hayop.
19 Puksain ang sinumang maghandog sa ibang diyos liban kay Yawe.
20 Huwag mong pahirapan o apihin ang isang dayuhan, sapagkat kayo man ay naging dayu¬han din sa lupain ng Ehipto.
21 Huwag ninyong apihin ang biyuda o ulila. 22 Sakaling apihin mo sila at du¬ma¬ing sa akin, tiyak na pakikinggan ko sila, 23 at mag-aapoy ang aking poot at pa¬pa¬tayin kita sa tabak, at mabibiyuda rin ang iyong asawa at mauulila naman ang iyong mga anak.
24 Kung nagpautang ka ng pera sa aking bayan, sa dukhang kasama mo, huwag kang maging gaya ng usurero – huwag mo siyang patawan ng tubo.
25 Kung may inilit kang balabal, ibalik mo iyon paglubog ng araw, 26 sapagkat iyon lamang ang pantakip niya sa kan¬yang katawan. Ano pa ang kanyang tutu¬lugan? At kapag dumaing siya sa akin, pakikinggan ko siya sapagkat ako ay ma¬a¬wain.
27 Huwag mong lapastanganin ang Diyos o murahin ang pinuno ng iyong bayan.
28 Huwag mong antalahin ang pagbi¬bi¬gay sa akin ng aking bahagi sa iyong trigo at alak.
Ibigay mo sa akin ang panganay sa iyong mga anak na lalaki. 29 Gayundin ang gagawin mo sa iyong mga baka at mga tupa. Pitong araw na mananatili ang mga ito sa piling ng ina, ngunit ibibigay mo sa akin sa ikawalong araw.
30 Mga taong banal kayo para sa akin. Huwag kayong kakain ng karne ng ha¬yop na nilapa ng mabangis na hayop, iha¬gis iyon sa mga aso.

23 1 Huwag kang gagawa ng maling pahayag, ni tutulungan ang ma¬sama sa pagiging saksi ng karaha¬san.
2 Huwag kang susunod sa nakara¬ra¬mi sa paggawa ng masama o kung bi¬na¬¬ba¬luk¬tot nila ang katarungan sa isang usa¬pin. 3 Huwag mong kikilingan ang si¬nu¬man, maging ang dukha.
4 Kung makita mo ang nawawalang baka o asno ng iyong kaaway, ihatid mo iyon sa kanya.
5 Kung makita mong nabubuwal sa bi¬gat ng dala ang asno ng namumuhi sa iyo, huwag mong lampasan iyon, sa ha¬lip ay tulungan mo siya.
6 Huwag mong ipagkait ang kataru¬ngan sa sinumang dukha sa kanyang usapin.
7 Lumayo ka sa kasinungalingan.
Huwag mong patayin ang walang gina¬wang mali o ang matuwid, sapagkat hindi ko patatawarin ang masama.
8 Huwag kang tatanggap ng lagay, sa¬pagkat binubulag ng suhol ang mali¬naw na paningin at binabaluktot ang mga sa¬lita ng matuwid.
9 Huwag ninyong apihin ang dayu¬han; alam na ninyo kung paano maging da¬¬¬yu¬han, sapagkat naging dayuhan kayo sa Ehipto.
10 Anim na taon kang maghahasik sa iyong bukirin at mag-aani ng bunga, 11 ngunit pagpapahingahin mo ang lupa at huwag tataniman sa ikapitong taon. Kayat ma¬kakain ng dukha ang anumang ibubunga nito, at makakain naman ng mababangis na hayop ang kanilang iiwan. Ga¬yon din ang gagawin mo sa iyong ubasan at sa taniman ng olibo.
12 Anim na araw kang magtatrabaho, ngunit magpapahinga ka sa ikapito upang makapag¬pahinga rin ang iyong baka at asno, at maginhawahan ang anak ng iyong aliping babae, pati na ang dayuhan.
13 Sundin ninyo ang lahat ng sinasabi ko at huwag tumawag sa ibang mga diyos, ni hindi dapat marinig ang kanilang mga pangalan sa inyong mga labi.
14 Tatlong beses kang magpipiyesta sa aking karangalan sa loob ng isang taon.
15 Ipagdiwang mo ang Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura tulad ng iniutos ko. Tinapay na walang lebadura ang kakanin mo sa loob ng pitong araw sa takdang panahon sa buwan ng Abib, sapagkat noon ka lumabas mula sa Ehipto. At walang haharap sa akin nang walang dala.
16 At ang Piyesta ng Pag-aani, sa mga unang bunga ng iyong pagod, sa paghahasik mo sa iyong bukirin.
At ang Piyesta ng Pamimitas sa pagta¬tapos ng taon, sa pagtitipon mo sa mga bunga ng mga bukirin.
17 Tatlong beses sa santaon na haharap kay Yawe ang buo mong kalalakihan.
18 Hindi mo dapat samahan ng tinapay na may lebadura ang aking sakripisyo ng dugo, o ititira hanggang kinaumagahan ang taba ng pagpipiyesta sa akin.
19 Dalhin mo sa bahay ni Yaweng iyong Diyos ang pinakauna sa mga unang bunga ng iyong lupa.
Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng ina nito.
• 20 Tingnan mo, nagsusugo ako ng Anghel na mauuna sa iyo, para pangalagaan ka sa daan at ihatid ka sa lugar na aking inihanda. 21 Mag-ingat ka sa harap niya at makinig sa kanya; huwag mo siyang paghihimagsikan sapagkat hindi niya palalampasin ang iyong maling gawa, dahil sumasakanya ang aking pangalan.
22 Kung pakikinggan mo siyang ma¬buti at gagawin ang lahat ng sinasabi ko, magiging kaaway ako ng iyong mga ka¬away at kalaban ng iyong mga kalaban. 23 Mangunguna sa iyo ang aking Anghel at ihahatid ka sa lupain ng mga Amorreo, Heteo, Pereceo, Ka¬na¬neo, Heveo, Yebu¬seo – pupuksain ko silang lahat.
24 Huwag kang yuyuko sa harap ng kani¬lang mga diyos o maglilingkod sa ka¬nila o tutularan ang kanilang mga kauga¬lian; sa halip ay lubusan mo silang puk¬sain at durugin ang kanilang mga sagra¬dong bato.
25 Kung paglilingkuran ninyo si Yaweng Diyos ninyo, babasbasan niya ang iyong tinapay at tubig – at ilalayo kita sa karam¬daman.
26 Walang makukunan o magiging baog sa iyong lupain. Pararamihin ko ang iyong mga araw.
27 Maghahasik ako ng takot sa harap mo, at lilituhin ko ang lahat ng bayang pu¬puntahan mo; patatalikurin ko’t patatakbuhin ang lahat mong kaaway.
28 Magpapauna ako ng mga bubuyog sa iyo para itaboy sa harap mo ang mga Heveo, Kananeo at Heteo. 29 Hindi ko sila palalayasin sa loob ng isang taon lamang, kung hindi’y magi¬ging disyerto ang lupain at dadami ang maba¬bangis na hayop at pipinsalain ka. 30 Unti-unti ko silang palalayasin hanggang dumami ka at maangkin ang lupain.
31 Itatakda ko ang iyong mga hangganan mula sa Dagat ng Mga Tambo hanggang sa dagat ng mga Pilisteo (Mediterraneo), at mula sa Disyerto hanggang sa Ilog Eufrates; sapag¬kat ibibigay ko sa iyong mga kamay ang mga nasa lupain at palalayasin ko sila sa harap mo.
32 Huwag kang makikipagtipan sa kanila o sa kanilang mga diyos. 33 Hindi sila titira sa iyong lupain, kung hindi’y ibubulid ka nila sa pag¬ka¬kasala sa akin sa paglilingkod sa kanilang mga diyos. Tiyak na magiging bitag iyan sa iyo.

24 1 At sinabi niya kay Moises: “Umakyat ka kay Yawe, ikaw at sina Aaron, Nadab at Abihu, kasama ang pitumpu sa mga matatanda ng Israel, at sasamba sila mula sa malayo. 2 Si Moises lamang ang lalapit kay Yawe, at hindi ang iba, at hindi rin aakyat ang bayan kasama niya.”
Pagtatapos ng Tipan
• 3 Dumating si Moises at sinabi sa sambayanan ang lahat ng salita ni Yawe at lahat ng batas nito. Sumagot sa iisang tinig ang buong bayan: “Gaga¬win namin ang lahat ng sinabi ni Yawe!”
4 Isinulat ni Moises ang lahat ng salita ni Yawe. At kinabukasan, maaga siyang gumising, at gumawa ng isang altar sa paanan ng bundok at ng labin¬dalawang batong nakatayo para sa labin¬¬dalawang tribu ng Israel.
5 At inutusan niya ang ilang kabata¬ang lalaking Israelita na mag-alay kay Yawe ng mga sinunog na handog at ng mga ba¬tang toro bilang hain sa mabuting pag¬sasamahan.
6 Kinuha ni Moises ang kalahati sa dugo at inilagay sa mga planggana, at iwinisik naman sa altar ang kalahati.
7 At kinuha niya ang Aklat ng Pakiki¬pagtipan, at binasa sa harap ng samba¬yanan. Sinabi nila: “Gagawin namin at susundin ang lahat ng sinabi ni Yawe.”
8 At kinuha ni Moises ang dugo at iwi¬¬nisik ito sa sambayanan, habang sina¬sabi: “Narito ang dugo ng paki-kipag¬¬tipang ginawa ni Yawe sa inyo ayon sa lahat ng salitang ito.”
9 At umakyat si Moises kasama sina Aaron, Nadab, Abihu at ang pitum¬pung matatanda ng Israel. 10 At nakita nila ang Diyos ng Israel. Nasa ilalim ng kan¬yang mga paa ang parang baldo¬sang sapiro, sindalisay mismo ng langit. 11 Ngu¬¬nit hindi niya iniunat ang kanyang kamay laban sa mga hinirang na ito sa mga anak ng Israel; nakita nila ang Diyos, at kumain sila at uminom.
Ibinigay kay Moises ang Batas
12 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Umak¬¬¬yat ka rito sa akin sa bundok at tumigil dito. Ibibigay ko sa iyo ang mga tapyas ng bato, ang Aral at Utos na isinulat ko upang turuan sila.”
13 Kaya umalis si Moises at ang kanyang ayudanteng si Josue, at bago umak¬yat sa Diyos, 14 sinabi ni Moises sa mga matatanda: “Maghintay kayo rito hang¬gang sa aming pagbabalik. Kasa¬ma ninyo sina Aaron at Hur, sa kanila dumulog ang sinumang may problema.”
15 Nang umakyat si Moises sa bundok, tinakpan iyon ng ulap. 16 Bumaba ang Luwalhati ni Yawe sa Bundok Sinai, at binalot ng ulap ang bundok sa loob ng anim ng araw. At sa ikapitong araw, tinawag niya si Moises mula sa gitna ng ulap.
17 Napakitang parang naglalagablab na apoy sa tuktok ng bundok ang Luwalhati ni Yawe sa paningin ng mga Israelita.
18 At pumasok sa ulap si Moises at umak¬yat sa bundok.
Apatnapung araw at apatnapung gabi si Moises sa bundok.

IKALAWANG BAHAGI
ANG PAGTATAYO NG TIRAHAN

25 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Sa¬bi¬hin mo sa mga Israelita na tang¬gapin ang abuloy para sa akin; tanggapin ninyo ang abuloy ng sinumang nagbibigay nang bu¬ong-puso.
3 Tanggapin ninyo mula sa kanila ang mga bagay na ito: ginto, pilak at tanso, 4 telang kulay asul-purpura at pula, pinong linen, hinabing balahibo ng kambing, 5 mga katad na balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, malambot na katad, kahoy ng akasya, 6 langis para sa lam¬para, pabango para sa langis ng pagtatalaga at sa insenso, 7 mga mamahaling bato at hiyas na palamuti sa mga damit ng pari.
8 Kailangang gumawa ang mga Israelita ng isang santuwaryo para sa akin upang manahan ako sa piling nila. 9 Ipakikita ko sa iyo ang plano ng Tirahan at ng mga kasang¬kapan nito, at gagawin ninyo ang mga iyon ayon sa planong ito.
Ang Kaban
10 Igagawa n’yo ako ng Kabang yari sa akasya na apatnapu’t limang pulgada ang haba, da¬lawampu’t pito ang lapad at dalawampu’t pito rin ang taas. 11 Babalutan mo ito ng lantay na ginto sa loob at labas, at palalamutian ang pa¬¬ligid nito ng minoldeng ginto. 12 Gumawa ka rin ng apat na gintong pulseras para sa Kaban at ikabit ang mga ito sa apat na paa ng Kaban, dalawa sa isang tabi at dalawa sa kabila. 13 Gu¬mawa ka rin ng pampasang yari sa akasya at balot sa ginto, 14 at paraanin ang mga ito sa mga pulseras na nasa magkabilang tabi ng Kaban para ma¬dala ang Kaban. 15 Ilalagay ang mga pam¬pasan sa mga pulseras na nasa Kaban at hindi na huhugutin. 16 Ilalagay mo sa loob ng Kaban ang Pahayag na ibibigay ko sa iyo.
17 Gawin mong lantay na ginto ang Lugar ng Pagpapatawad na may apatnapu’t limang pulgada ang haba, at dalawampu’t pito ang lapad. 18 Gumawa ka rin ng dalawang keru¬bim na pinanday na ginto para sa magka-bilang gilid ng Lugar ng Pagpa¬patawad. 19 Ila¬gay ang isang kerubim sa isang gilid at sa kabila naman ang isa pa, at ikabit ang dala¬wang kerubim sa mag¬¬¬kabilang dulo ng takip. 20 Nakabukang paitaas ang mga pakpak ng mga kerubim para lukuban nila ang Lugar ng Pagpapatawad, magkaharap at nakatingin sa Lugar ng Pag-papatawad. 21 Ila¬gay mo ang Lugar ng Pagpapatawad sa ibabaw ng Kaban at ilagay naman sa loob ng Kaban ang mga tapyas ng bato na ibibigay ko sa iyo.
22 Dito ako makikipagtagpo sa iyo at ibibigay ko sa iyo ang lahat kong kautusan para sa sambayanan ng Israel.
Ang mesa at ang kandelabra
23 At gumawa ka ng isang mesang yari sa akasya na may apatnapung pulgada ang haba, dalawampu ang lapad at tatlumpu ang taas. 24 Balutan mo ito ng lantay na ginto at lagyan ng minoldeng ginto sa paligid. 25 Paligiran mo ito ng balangkas na tatlong pulgada ang lapad na may palamuting minol¬deng ginto. 26 Gumawa ka ng apat na gintong pulseras at ilagay ang mga ito sa apat na sulok na kinalalagyan ng mga paa ng mesa. 27 Kailangang malapit sa balangkas ang mga pulseras upang doon isuot ang mga pam¬pasan sa mesa. 28 Mula sa kahoy ng akasya ang gagawin mong mga pasanan na babalutan ng ginto, at sa mga ito mo bubu¬hatin ang mesa.
29 Gumawa ka rin ng mga pinggan, kopa, mga banga at mangkok na gagamitin sa pag¬hahandog ng alak; gawin mong yari sa lantay na ginto ang mga ito. 30 Ilalagay mo sa mesa sa harap ko ang mga tinapay ng pag-aalay.
31 Gumawa ka ng gintong kandelabra na may paa at tangkay na yari sa pinitpit na ginto. Gawin mong buo ang kandelabra, pati na ang mga palamuting bulaklak, mga buko at talulot. 32 Lag¬¬yan mo ng anim na sanga ang ilawan, tigatlo sa magkabila. 33 Lagyan mo rin ang bawat sanga ng tatlong palamuting bulaklak na may buko at talulot tulad ng bulaklak ng almond. 34 Lagyan mo rin ang mis¬mong ilawan ng apat na palamuting bulaklak na may mga buko at talulot. 35 Isang buko ang nasa ilalim ng unang dalawang sanga, isa naman sa ilalim ng su¬sunod na dalawang sanga, at isa pa uli sa ilalim ng huling dalawang sanga, kaya may buko sa ilalim ng bawat dalawang sanga. 36 Kaila¬ngang nakakabit ang mga buko at sanga sa katawan ng ilawan, at yari sa iisang piraso ng pinitpit na ginto ang lahat ng ito. 37 At saka gumawa ka rin ng pitong ilaw para sa ilawan, at iayos ang mga ito para magliwanag sa harap ng ilawan. 38 Ang mga pansipit ng mitsa sa mga ilaw at mga trey ay kailangang yari din sa lantay na ginto. 39 Ga¬gamit ka ng pitumpu’t limang libra ng lantay na ginto sa paggawa sa ilawan at mga palamuti nito. 40 Hala, gawin mo ang mga ito ayon sa planong ipinakita sa iyo sa bundok.
Ang Tirahan
26 1 Gawin mo mula sa sampung tela ng hinabing pinong linen na kulay asul-purpura at pula ang banal na Tirahan. Paburdahan mo ng mga kerubim ang mga telang ito ng linen. 2 Pare-parehong apatnapung talampakan ang haba at anim na talampakan ang luwang ng bawat tela; iisa lamang ang sukat ng lahat ng tela. 3 Tatahiin at pagka¬kabit-kabitin ang limang tela at ganoon din ang gagawin sa lima pa. 4 Kakabitan mo ng sintas na biyoleta ang gilid ng huling piraso sa unang lima at gayundin ang gagawin mo sa gilid ng huling piraso ng isa pa. 5 Limam¬pung sintas ang ilalagay mo sa unang piraso at gayundin naman sa ikalawa. 6 Saka ka gagawa ng limampung gintong kawit para pag¬kabitin ang dalawang telang linen. Sa ganito mabubuo ang banal na Tirahan.
7 Gagawa ka ng mga tela sa hinabing bala¬hibo ng kambing para maging takip sa Tirahan. Ga¬gawa ka ng labing-isang tela. 8 Apatnapu’t tatlong talampakan ang haba at anim na talam¬pa¬kan ang luwang ng bawat tela; pare-pareho ng sukat ang lahat ng tela. 9 Pagkakabit-kabitin mo ang limang tela para maging isang piraso at gagawin ding isa pang piraso ang nalalabing anim na tela. Itutupi ang ikaanim sa harapan ng Tirahan. 10 Kabi¬tan mo ng limam¬pung sintas ang gilid ng huling tela sa unang lima at ganoon din ang gawin mo sa gilid ng huling piraso sa anim na magkakasama. 11 Gagawa ka ng limam¬¬¬pung kawit na tanso at isusuot ang mga ito sa mga sintas para pag¬kabitin ang dalawang piraso at gawin itong toldang pantakip sa Tirahan.
12 Isang bahagi ang iiwan sa anim na mag¬ka¬kasama; lalaylay ito sa likod ng Tirahan. 13 Ang sobrang ito ang magiging takip sa Tirahan.
14 Gagawa ka pa ng ibang takip para sa banal na Tirahan: isang yari sa pulang katad ng toro, at sa ibabaw nito’y may isa pang takip na yari sa malambot na katad.
15 Gagawa ka ng mga tablang yari sa akasya, at itatayo mo ang mga ito sa Tira¬han. 16 Bawat isa’y labinlimang talampakan ang haba at da¬lawampu’t pitong pulgada naman ang lapad. 17 May dalawang nakausli sa bawat isa kung saan ikakabit ang isa pang tablang kasunod, at ganito nga ang gagawin mo para sa lahat ng tabla ng Tirahan. 18 Dalawampung tabla ang ilalagay mo sa dakong timog ng Tirahan. 19 At gagawa ka ng apatnapung paang pilak para sa dala¬wampung tabla: dalawang paa para sa dalawang nakausli sa bawat tabla. 20 Para sa kabilang dako naman ng Tirahan, sa hilaga, mag¬¬lagay ka rin ng dalawampung tabla 21 na na-katayo sa apatnapung paang pilak, dalawang paa sa bawat tabla. 22 Para naman sa likuran ng Tirahan, sa dakong kanluran, guma¬wa ka ng anim na tabla, 23 at dalawa pang tabla para sa mga panulukan sa likod ng Tirahan. 24 Pagka¬kabitin ang mga ito sa ibaba at itaas, sa unang bilog na kawit, at gayundin ang gagawin sa da¬lawang tabla ng dalawang panulukan. 25 Ka¬yat magkakaroon ng walong tabla at la¬bing-anim na paang pilak; dalawang paa sa ilalim ng unang tabla at gayundin sa iba pa.
26 Gagawa ka rin ng limang pahalang na ka¬hoy ng akasya para pagdugtungin ang mga tabla sa isang tabi ng Tirahan, 27 at lima pang pahalang para naman sa mga tabla sa kabilang tabi ng Tirahan. 28 Lalagos ang mga pahalang sa gitna ng mga tabla, sa mag¬kabilang dulo. 29 Ba¬balutin ng ginto ang mga tabla, at lalagyan ng gintong pulseras na suutan ng mga pahalang na nababalot din ng ginto.
30 Ganito mo gagawin ang banal na Tirahan ayon sa planong ipinakita ko sa iyo sa bundok.
31 Gagawa ka ng kurtinang yari sa lineng asul-purpura at pula, at lanang matingkad na pula, at hinabing pinong linen, at pabuburdahan mo ito ng kerubim. 32 Isasabit mo ito sa apat na haliging akasya na nakatayo sa apat na paang pilak at binalutan ng ginto at nilagyan ng gintong pulseras. 33 Isasabit mo ang kurtina sa mga ka¬wit at sa likuran nito mo ilalagay ang Kaban ng Pahayag, at ang kurtina ang maghi¬hiwalay ng Banal na Lugar mula sa Kabanal-banalan.
34 Ilalagay mo ang Lugar ng Pagpapa¬tawad sa ibabaw ng Kaban na nasa loob ng Kabanal-banalan.
35 Sa labas ng kurtina, ilalagay mo naman ang mesa sa gawing hilaga ng Tirahan at ang kandelabra sa gawing timog sa tapat ng mesa.
36 Para sa pintuan ng Tirahan, gagawa ka ng kurtinang yari sa lanang asul-purpura at pula, at hinabing linen, na gawa ng isang magaling na burdadora. 37 Gagawa ka sa kurtinang iyon ng limang haliging akasya na balot ng ginto at may mga kawit na ginto at may limang paang tanso.
Ang altar ng mga susunuging handog
27 1 Gumawa ka ng isang parisukat na altar na yari sa akasya, walong talampakan ang haba at lapad, at limang talampakan ang taas. 2 Lagyan mo ng mga sungay ang apat na sulok ng altar at balutan ng tanso ang altar pati ang mga sungay. 3 Gagawa ka ng mga gamit na tanso para sa altar – mga sisidlan para sa abo, mga pala, mga plang¬ganang pangwisik, kawit at mga lalagyan ng baga. 4 Gagawa ka rin ng barandilyang tanso para sa altar at kakabitan mo ng apat na pulseras na tanso ang apat na sulok nito. 5 Ikakabit mo ang mga pulseras na tanso sa ilalim ng tuntungan ng altar na aabot ang mga ito sa kalagitnaan ng altar. 6 At para sa pagbuhat sa altar, gagawa ka ng mga pampa¬sang yari sa akasya at babalutin mo ng tanso ang mga ito. 7 Isusuot mo ang mga pampasan sa mga pulseras na tanso upang nasa magkabilang tabi ang mga ito kapag binuhat ang altar. 8 Ga¬win mong walang-laman at guwang ang loob ng altar gaya ng ipinakita sa iyo sa bundok.
9 Gagawa ka rin ng patyo para sa Tirahan. Sa dakong timog ng patyo’y may mga kurtinang yari sa hinabing pinong linen na sandaa’t limampung talampakan ang haba. 10 Ang mga kur¬tina’y may dalawampung tansong haliging may mga kawit at baras na pilak, at nakapatong sa dalawampung tansong paa. 11 Maglalagay ka rin naman sa dakong hilaga ng mga kurtinang linen na sandaa’t limampung talampakan ang haba, at dalawampung haliging may kawit at baras na pilak at nakapatong sa dalawampung paa. 12 Sa dakong kanluran ng patyo, magsa¬sabit ka pa ng mga kurtinang may pitumpu’t limang talam¬pakan ang haba, sa sampung haliging naka¬patong sa sampung paa. 13 Pitumpu’t limang talampakan din ang luwang ng patyo na naka¬harap sa silangan. 14 Mga kurtinang dala¬wam¬pu’t limang talampakan ang haba ang nakasabit sa tatlong haliging nakapatong sa tatlong paa sa isang tabi ng pintuan. 15 May mga kurtina ring dala¬wampu’t limang talampakan ang haba sa kabilang tabi ng pintuan, at naka¬sabit sa tatlong haliging nakapatong sa tatlong paa. 16 At para sa pintuan sa patyo, maglalagay ka ng mga kur¬tinang tatlumpung talampakan ang lapad na gawa ng isang magaling na bur¬dadora mula sa lanang asul-purpura at pula, at hinabing linen, at isasabit mo ang mga ito sa apat na haliging may apat na paa.
17 Pagdurugtungin ng mga pilak na baras ang lahat ng haliging nakapaligid sa patyo at ga¬gawin mong yari sa pilak ang mga kawit at sa tanso naman ang mga paa ng mga ito. 18 San¬daa’t limampung talampakan ang haba ng patyo, at pitumpu’t limang talam¬pakan ang lu¬wang at pitong talampakan ang taas. Yari sa hinabing linen ang lahat ng kurtina nito na may mga paang tanso.
19 Yari sa tanso ang lahat ng kagamitan sa Tirahan, pati na ang mga tulos na ginagamit dito at sa patyo.
20 Iutos mo sa bayang Israelita na dalhan ka ng dalisay na langis ng olibo para sa ilaw upang doo’y laging magningas ang isang apoy. 21 Si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki ang maglalagay ng apoy na ito sa Toldang Tagpuan na nasa labas ng kurtina ng Kaban ng Tipan. Magniningas ang apoy sa harap ni Yawe mula gabi hanggang umaga at sa habang panahon. Utos itong dapat sundin ng bayang Israel mag¬pa¬kailanman.
Ang mga damit ng mga pari
28 1 Ibukod mo mula sa mga Israelita ang kapatid mong si Aaron at ang kanyang mga anak: sina Aaron, Nadab at Abihu, Eleazar at Itamar upang maging pari ko.
2 Magpagawa ka ng mga sagradong damit para sa iyong kapatid na si Aaron upang maging kagalang-galang siya at marangal. 3 Iutos mo sa mga magagaling na mana¬nahing pinuspos ko ng diwa ng katalinuhan na gumawa ng mga damit para kay Aaron para sa pagtatalaga sa kanya bilang aking pari. 4 Ito ang mga damit na gagawin nila: damit pandibdib, efod, damit pang-ibabaw, burdadong tunika, turban at sinturon. Isusuot ng iyong kapatid na si Aaron at ng kanyang mga anak na mga pari ko ang mga sagra¬dong damit na ito. 5 Gagamit ka ng ginto, lanang asul-purpura at pula at hinabing linen para sa mga damit na ito.
6 Gawing maganda ang efod na yari sa ginto, telang asul-purpura at pula at hinabing mamahaling linen. 7 Lalagyan ito ng dala¬wang sintas para sa balikat upang pagkabitin ang harap at likod nito. 8 Gagawing kasama at katulad ng efod ang hinabing pamigkis nito na yari rin sa gintong sinulid, telang asul-purpura at pula, at hinabing pinong linen. 9 At kukuha ka ng dalawang mamahaling batong onix at iukit mo sa mga ito ang mga pangalan ng mga anak ng Israel, 10 tig-anim na panga¬lan sa bawat bato, ayon sa ayos ng kapa-nganakan. 11 Gaya ng pag-¬ukit sa mga batong pantatak, iukit mo sa dalawang bato ang mga pangalan ng mga anak ng Israel, at ilagay mo ang mga bato sa enggasteng ginto. 12 Ikabit mo sa mga tirante ng efod ang dalawang bato sa pag-alaala sa mga anak ng Israel. Dadalhin ni Aaron sa kanyang mga balikat ang kanilang mga pangalan para ma¬alaala sila ni Yawe. 13 Gagawa ka rin ng mga gintong enggaste 14 at ng dalawang tanikalang ginto na itinirintas, at ikakabit mo ito sa mga enggaste.
15 Gumawa ka rin at magpaburda ng eskapularyong panghatol gaya ng pagkagawa sa efod. Gawin mo ito na yari sa ginto, telang asul-pur¬pura at pula at hinabing pinong linen. 16 Ga¬ga¬win mo itong pinagtaklob na parisukat na may siyam na pulgada ang lapad. 17 Lalagyan mo ito ng apat na hanay ng mga batong-hiyas: rubi, topasyo at karbusyo para sa unang hanay; 18 esme¬ralda, sapiro at brilyante para sa panga¬lawang hanay; 19 haspe, rubi at amatista para sa pangatlong hanay; 20 at berilo, krisolito at onix para sa pang-apat. Ilalagay ang mga ito sa mga enggasteng ginto. 21 Labindalawang la¬hat ang mga bato taglay ang labin¬dalawang pa¬ngalan ng mga anak ng Israel. Iuukit na parang tatak sa mga bato ang labindalawang pangalan ng la-bindalawang tribu; tig-isang pa¬ngalan sa ba¬wat bato.
22 Para naman sa damit panghatol, gagawa ka ng mga tanikalang ginto na itinirintas, 23 at dalawa pang gintong bilog na kawit na ilalagay sa dalawang sulok sa itaas ng damit-panghatol. 24 Itatali mo ang dalawang gintong tanikala sa dalawang bilog na kawit na nakakabit sa mga sulok ng eskapularyong panghatol. 25 Ang kabilang dulo ng mga tanikalang lubid nama’y ika¬¬kabit mo sa dalawang enggaste para maika¬bit ang mga ito sa tiranteng nasa harapan ng efod.
26 Gumawa ka rin ng dalawang gintong bilog na kawit at ilagay ang mga ito sa dalawang sulok sa ibaba ng eskapularyo, sa tupi nito sa loob na malapit sa efod. 27 Ga¬gawa ka ng da¬lawa pang bilog na kawit na ginto at ilalagay ang mga ito sa harap ng efod, sa may ibaba ng dalawang tirante nito na malapit sa tupi, at sa ibabaw ng hinabing sinturon ng efod. 28 Itatali mo sa sintas na kulay asul-purpura ang mga bi¬log na kawit ng eska-pularyo sa bilog na kawit ng efod para manatili ang eskapularyo sa iba¬baw ng hina¬bing sinturon at hindi ito maalis sa efod.
29 Kayat tuwing papasok sa banal na lugar si Aaron, isusuot niya ang damit-pandibdib o ang panghatol, dala ang mga pangalan ng mga anak ni Israel sa kanyang dibdib upang lagi silang maalaala ni Yawe.
30 Ilalagay mo rin sa eskapularyo ng pag¬hatol ang Urim at Tumim na gagamitin ni Aaron sa pagpapasya niya para sa mga Israelita. Da¬dal¬hin din ni Aaron ang mga ito sa kanyang dibdib sa pagharap niya kay Yawe.
31 Gawin mong kulay asul-purpura ang pang-ibabaw sa efod. 32 Lagyan mo ito sa gitna ng bu¬tas na suutan ng ulo; gagawin ang butas sa paghabi tulad sa kuwelyo ng isang kamisadentro para hindi ito mapunit. 33 Gaga¬wa ka ng mga bilog na palamuti na yari sa lanang asul-purpura at pula, at hinabing pinong linen sa laylayan ng balabal ng efod, 34 at lalagyan mo ng mga kam¬pa¬nilya ang pagitan ng mga ito. Ilalagay na magkakasalit ang mga gintong kampa¬nilya at bilog na palamuti sa paligid ng lay¬layan ng ba¬labal.
35 Isusuot ito ni Aaron tuwing magli¬lingkod siya sa Diyos, kayat maririnig ang kuliling ng mga kampanilya tuwing papasok siya sa banal na lugar sa harap ni Yawe o kung luma¬labas siya rito. Kung hindi’y mama¬matay siya.
36 Gumawa ka ng isang kapirasong metal na yari sa lantay na ginto at iukit mo rito ang: ‘Itinalaga kay Yawe’. 37 Itatali mo ito ng isang laso na asul-purpura sa harap ng turban. 38 Ilalagay ito ni Aaron sa kanyang noo; kayat siya mismo ang mananagot sa mga banal na handog na iaalay ng mga Israelita kay Yawe. Laging isusuot ni Aaron ang metal na ito sa kanyang noo upang makamit niya ang kagandahang-loob ni Yawe para sa mga Israelita.
39 Humabi ka rin ng tunikang linen at turbang linen at ng sinturon, na magaling ang pagka¬gawa.
40 Gagawa ka ng damit at sinturon at turban para sa mga anak ni Aaron upang sila’y maging kagalang-galang at marangal.
41 Ikaw ang magbibihis sa iyong kapatid na si Aaron at sa kanyang mga anak. At papahiran mo sila ng langis at itatalaga, at ilalaan silang maglingkod sa akin bilang mga pari. 42 Magpapagawa ka ng mga karson-silyong linen para sa kanila upang takpan ang kanilang baywang hanggang hita. 43 Isusuot ni Aaron at ng kanyang mga anak ang mga ito sa pagpasok nila sa Toldang Tagpuan at sa paglapit nila sa altar para maglingkod sa banal na lugar. Kung hindi’y magkakaroon sila ng pagkasala at mamamatay. Batas ito magpasawalang hanggan para kay Aaron at sa lahat niyang inapo.
Ang pagtatalaga sa mga pari
29 1 Ito ang seremonyang gagawin mo sa pagtatalaga kay Aaron at sa kanyang mga anak bilang mga paring maglilingkod sa akin. Pipili ka ng batang toro at dalawang kam¬bing na lalaki na walang kapintasan. 2 Ga¬gawa ka ng tinapay na walang lebadura at may halong langis, at biskwit na walang lebadura at pina¬hiran ng langis; magagawa mo ang mga ito mula sa pinong harina. 3 Ilagay mo ang lahat ng ito sa isang basket na iaalay mo kasama ng batang toro at dalawang lalaking kambing.
4 At pagkahatid mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki sa bungad ng Toldang Tag¬puan pagkapaligo nila, 5 ku¬kunin mo ang tunika, ang damit na pang-ibabaw sa efod, ang efod at ang eskapularyo, at ang may burdang sinturon at isusuot mo ang mga ito kay Aaron. 6 Ilalagay mo ang turban sa kanyang ulo at ita¬tali rito ang sagradong metal. 7 Kukunin mo ang langis ng pagtatalaga at ibubuhos ito sa kanyang ulo.
8 Palalapitin mo naman pagkatapos ang kan¬yang mga anak at bibihisan din sila ng tunika. 9 Sisinturunan mo ang kanilang mga baywang at lalagyan ng turban ang kanilang mga ulo. At sa pagtatalaga mo kay Aaron at sa kanyang mga anak, mapapasakanila ang pagkapari mag¬pakailanman.
10 At saka mo dadalhin ang toro sa harap ng Toldang Tagpuan at ipapatong naman ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo nito. 11 Papatayin mo ang toro sa harap ni Yawe sa may pintuan ng Toldang Tagpuan. 12 Ku¬kuha ka ng kaunting dugo nito sa iyong daliri at ipapahid sa mga sungay ng altar. I¬bu¬buhos mo pagkatapos ang tirang dugo sa pa¬anan ng altar. 13 At kukunin mo ang lahat ng tabang nakabalot sa mga laman-loob, ang ta¬bang nakabalot sa atay, ang dalawang bato at ang taba ng mga ito, at susunugin mong la¬hat sa altar. 14 Susunugin mo naman sa labas ng kampo ang karne ng toro at ang balat niyon at mga bituka, sapagkat hain ito para sa kasa¬lanan.
15 Kukunin mo ang isa sa mga lalaking kam¬bing at ipapatong ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo nito. 16 Ka¬katayin mo ang lalaking tupa, kukunin ang dugo nito at ibubuhos sa lahat ng gilid ng altar. 17 Pagparti-partihin mo ang lalaking tupa, at hugasan ang mga laman-loob at pata, at ilagay ang mga ito sa ibabaw ng ulo at iba pang bahagi. 18 Sunugin mo pagkatapos ang buong kambing sa altar. Ito ang susunuging handog na kalugud-lugod kay Yawe.
19 At kukunin mo ang isa pang lalaking tupa. Ipapatong ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo nito. 20 Kaka¬tayin mo ang lalaking tupa, kukuha ng kaun¬ting dugo nito at ipapahid sa dulo ng kanang tainga ni Aaron at ng kanyang mga anak, sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay at kanang paa. Ibuhos mo rin ang natirang dugo sa paligid ng altar. 21 Kukuha ka ng kaunti sa natitira pang dugo sa altar, at ka¬sa¬ma ng langis sa pagtatalaga ay wiwisikan mo nito si Aaron at ang kan¬yang mga damit at ang kanyang mga anak at ang kanilang mga damit, upang siya at ang kanyang mga damit at ang kanyang mga anak at ang kanilang mga damit ay maitalaga kay Yawe.
22 Kunin mo ang matatabang bahagi nito – ang buntot, ang tabang nakabalot sa mga laman-loob, ang taba sa ibabaw ng atay; ang dalawang bato at ang taba ng mga ito, pati ang kanang hita – ito ang lalaking kambing para sa pagtatalaga. 23 Kukuha ka pa rin ng tinapay, bibingkang nilutong may langis at biskwit mula sa basket ng mga tinapay na walang pampaalsa na inihain sa harap ni Yawe, 24 at ilalagay mo ang lahat sa mga kamay ni Aaron at ng kanyang mga anak upang ihandog na pain¬dayog kay Yawe. 25 Kunin mo uli ang lahat ng ito at sunugin sa ibabaw ng sinunog na handog sa altar bilang mabangong sinunog na handog kay Yawe.
26 Kukunin mo ang dibdib ng lalaking tupa at paindayog na iaalay kay Yawe, at magiging ba¬hagi mo sa pag-aalay. 27 At saka mo itatalaga ang dibdib na inialay at ang hitang ini¬indayog – ang dibdib ng lalaking kambing na para sa pagtatalaga ni Aaron at ng kanyang mga anak. 28 Habang panahong karapatan ni Aaron at ng kanyang mga anak na tanggapin ang mga ba¬haging ito mula sa mga Israelita; ito ang baha¬ging ibinukod ng mga Israelita mula sa kanilang handog sa mabuting pagsasama na bahaging para kay Yawe.
29 Ipapasa ni Aaron ang mga sagradong da¬mit sa kanyang mga anak at isusuot nila ang mga ito sa pagbubuhos ng langis at pagtatalaga. 30 Pitong araw na isusuot ang mga ito ng mga anak ni Aaron na hahalili sa kanya sa pagkapari at papasok sa Toldang Tagpuan para maglingkod sa banal na lugar.
31 Kukunin mo ang lalaking tupa ng pagtatalaga at lulutuin ang karne nito sa isang banal na lugar. 32 Sa pintuan ng Toldang Tag¬puan ka¬ka¬nin ni Aaron at ng kanyang mga anak ang karne ng tupa at ang tinapay na nasa basket. 33 Kaka¬nin nila ang lahat ng alay sa pagba¬bayad-sala na ginamit sa kanilang pagtatalaga o ordinasyon. Banal ang mga ito kayat walang karaniwang tao ang kakain ng mga ito. 34 Kung may matitira man sa karne ng kambing ng pagtatalaga o sa tinapay, susunugin ito kinabukasan. Hindi ito kakanin sapagkat banal ito. 35 Gagawin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak ang mga iniutos ko sa iyo – pitong araw silang oordinahan.
36 Sa pagtatalaga mo sa altar, araw-araw kang mag-aalay ng toro bilang hain para sa ka¬salanan; sa gayon mo inihihingi ng tawad sa altar para maitalaga iyon, at saka mo iyon pa¬¬¬pahiran at magiging banal. 37 Pitong araw mong gagawin ang pagtatalaga sa altar. Kayat magi¬ging ganap na banal ito, at magiging banal ang anumang ilagay dito.
38 Araw-araw kang mag-aalay sa altar ng da¬lawang korderong tig-isang taong gulang. 39 Iaalay mo ang isang kordero sa umaga, at ang isa pa sa dapithapon. 40 Kasama ng unang kordero, mag-aalay ka ng dalawang librang pinong harina na inihalo sa anim na litrong purong langis, at ng anim na litrong alak.
41 Sa dapithapon mo naman iaalay ang isa pang kordero kasama ng harina, langis ng olibo at alak na sindami ng sa umaga. Ito ang handog na pinadaan sa apoy at may bangong kalugud-lugod kay Yawe. 42 Ito ang panghabampana¬hong sinunog na handog ng mga salinlahi sa harap ni Yawe sa pintuan ng Toldang Tag-puan.
43 Sa lugar na iyon ko kayo kakatagpuin at kakausapin naman kita. Doon ko kakatag¬puin ang sambayanan ng Israel, at ang lugar na iyon ay magiging banal sa aking Luwal¬hati.
44 Gagawin ko ngang banal ang Toldang Tag¬puan at ang altar, at si Aaron at ang kanyang mga anak upang sila’y maging mga pa¬ring maglilingkod sa akin. 45 Mananatili akong ka¬sama ng sambayanan ng Israel, at ako ang ka¬nilang magiging Diyos. 46 Kayat malalaman nilang akong kanilang Diyos ang naglabas sa kanila mula sa lupain ng Ehipto para manahan sa kanilang piling. Ako ang kanilang Diyos.
Ang insenso, ang tubig at ang mabangong langis
30 1 Gumawa ka ng altar na yari sa akasya, na pagsusunugan ng in¬senso. 2 Gawin mo itong parisukat na may dalawampung pulgada ang haba at lapad, at apatnapung pulgada ang taas, at may mga sungay. 3 Babalutan mo ng lantay na ginto at lalagyan ng gilid na ginto ang mga paligid nito at mga sungay. 4 Lagyan mo ng dala¬wang gintong pulseras ang ilalim ng magkabilang gilid bilang suutan ng mga pampasan sa altar. 5 Gawin mong yari sa akasya ang mga pampasan at balutan ng ginto ang mga ito. 6 Ilalagay mo naman ang altar sa harap ng kurtinang naka¬takip sa Kaban ng Tipan at sa Lugar ng Pagpapatawad kung saan ako naki-kipag-usap sa iyo.
7 Susunugin ni Aaron sa altar na ito ang ma¬¬bangong insenso tuwing maghahanda siya ng mga ilawan sa umaga, 8 at kapag ibinabalik niya ang mga ilawan sa dapit¬hapon. Kayat ga¬gawin ng lahat mong salin¬lahi ang pang¬ha¬bampanahong alay na ito ng insenso sa harap ni Yawe. 9 Hindi ka mag-aalay ng di sag¬radong in¬senso sa altar o ng hayop o butil, o magbu¬bu¬hos kaya ng alay na alak sa altar na ito.
10 Gagawin ni Aaron taun-taon ang pagba¬bayad sa mga kasalanan at lalagyan niya ng dugo ng hayop na bayad sa mga kasalanan ang sungay ng altar. At gagawin mo rin ito sa lahat ng sali’t salinlahi. Ganap na banal ang seremon¬yang ito sa paningin ni Yawe.”
11 Sinabi ni Yawe kay Moises: 12 “Pagkuha mo ng senso para ilista ang sambayanang Is¬rael, magbabayad kay Yawe ang bawat isa ng pan¬tubos sa kanyang buhay upang walang du¬mating na salot sa kanila habang sila’y nagpa¬palista. 13 Ang bawat magpa¬palista ay magbabayad ng kalahating siklo ayon sa timbangan ng templo; ito ang abuloy para kay Yawe. 14 Mag¬¬papalista ang may dalawampung taong gulang na o higit pa at babayaran niya ang abu¬loy para kay Yawe. 15 Hindi magbibigay ng mas marami ang mayaman at hindi rin naman mag¬bibigay ng mas kaunti ang dukha sa pagba¬bayad nila ng pantubos sa kanilang buhay. 16 Ga¬-gamitin mo ang perang itong bigay ng sambayanang Israel para sa pagpapaayos ng Toldang Tagpuan. Ipaaalala kay Yawe ng halagang pantubos ang mga anak ng Israel.”
17 Sinabi pa ni Yawe kay Moises: 18 “Gu¬ma¬¬¬wa ka rin ng isang plangganang tanso na may patungan para sa paghuhugas. Ilalagay mo ito sa pagitan ng Toldang Tag¬puan at ng altar, at lalagyan mo ito ng tubig. 19 Dito naghuhugas ng kanilang mga kamay at paa si Aaron at ang kanyang mga anak. 20 Maghuhugas sila bago pumasok sa Tol¬dang Tagpuan kung hindi’y ma¬mamatay sila. At kung lalapit sila sa altar para mag¬lingkod at magsunog ng handog kay Yawe, 21 maghuhugas din sila ng mga kamay at paa, kung hindi’y mamamatay sila. Pangha¬bampanahong kautusan ito para sa kanila, kay Aaron at sa kanyang mga inapo sa lahat ng salinlahi.”
22 Sinabi pa ni Yawe kay Moises: 23 “Kumu¬¬ha ng mga piling pabango – labin¬dalawang libra ng tunaw na mira, anim na librang mabangong kanela, anim na librang maba¬ngong tambo 24 at labin¬dalawang librang kasia (na tinimbang na lahat ayon sa timba¬ngan ng templo) at isang galon ng langis ng olibo. 25 Gayon mo gagawin ang sagradong pabango, na karapat-dapat na pabango at gawa ng isang tunay na tagatimpla. Ito ang magiging langis para sa banal na pagpa¬pahid. 26 Ito ang gagamitin mong pampahid sa Toldang Tagpuan at sa Kaban ng Tipan, 27 sa mesa at lahat ng kasangkapan nito, sa ilawan at lahat ng gamit nito, sa altar ng insenso, 28 sa altar ng sinunog na handog at lahat ng kasang¬kapan nito, at sa planggana at patungan nito. 29 Itata¬laga mo ang mga ito kayat magi¬ging tunay na banal ang mga ito at ang anumang madikit sa mga ito. 30 Papahiran mo ng langis si Aaron at ang kanyang mga anak, at itatalaga sila bilang mga paring maglilingkod sa akin. 31 At sabihin mo sa mga Israelita: Ito ang langis ng pag¬ta¬talaga para sa lahat ng salinlahi. 32 Hu¬wag itong ibubuhos sa mga katawan ng mga karaniwang tao, at huwag gagawa ng iba pang langis na ganito rin ang timpla. Banal na bagay ito kayat ituring itong banal. 33 Sinumang gu¬mawa ng tulad nito o guma¬mit nito sa karaniwang tao’y hindi na mabubuhay sa piling ng kanyang bayan.”
34 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Kumuha ka ng magkakasindaming mababangong rekadong resina, espino, galbano, mabangong reka¬do at purong kamanyang, 35 at gaya ng gu¬ma¬gawa ng pabango, gumawa ka ng insensong inasinan, dalisay at banal. 36 Durugin mo’t pulbusin ang isang bahagi nito, at lagyan ng kaunti ang harap ng Kaban ng Tipan sa Toldang Tagpuan kung saan ako nakikipagtagpo sa iyo. Ituring mo itong banal. 37 Huwag gagawa ang sinuman ng insensong tulad nito para sa kanyang sarili. Ituring mo itong banal at para lamang kay Yawe. 38 Sinumang gumawa ng pabangong tulad nito’y di na mabubuhay sa kanyang bayan.”
Ang mga manggagawa sa santuwaryo
31 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Tingnan mo’t pinili ko si Bezaleel na anak ni Uring anak ni Hur ng tribu ng Juda. 3 Pinuspos ko siya ng espiritu ng Diyos at binigyan ng ta¬lino, pang-unawa, kakayahan para sa lahat ng klase ng gawain: 4 sa sining at sa paggawa sa ginto at pilak at tanso; 5 sa pagtapyas ng mga hiyas na lalagyan ng enggaste, sa pag-ukit ng kahoy, sa lahat ng uri ng paggawa.
6 Ibinibigay ko ngayon sa kanya bilang kasama niya si Oholiab na anak ni Ahisamak ng tribu ng Dan; at ibinibigay ko sa lahat ng may kakayahan ang talino para magawa nila ang lahat ng iniutos ko: 7 ang Toldang Tagpuan, ang Kaban ng Tipan at ang Lugar ng Pagpapatawad sa ibabaw ng Kaban, 8 at lahat ng kagamitan sa Toldang Tagpuan: ang mesa at ang mga gamit nito, ang ilawang lantay na ginto at ang mga gamit nito, ang altar ng insenso, 9 ang altar na pinagsu¬sunugan ng handog at lahat ng gamit nito, ang planggana at patungan nito, 10 ang magaganda at sagradong damit ng paring si Aaron at ang mga damit ng kanyang mga anak sa kanilang paglilingkod, 11 ang langis ng pagtatalaga at ang mabangong insenso sa banal na lugar. Gagawin nila ito ayon sa ipinag-utos ko sa kanila.”
Ang Araw ng Pahinga
12 Sinabi pa ni Yawe kay Moises: 13 “Sabi¬hin mo sa sambayanang Israel: Igagalang ninyo ang mga Araw ng Pahinga ko, sapagkat ang Araw ng Pahinga ay isang tanda sa inyo at sa akin sa lahat ng salinlahi na akong si Yawe ang gumawa sa inyo bilang sarili kong bayan. 14 Ipangilin ninyo ang Araw ng Pahinga at itu¬ring itong banal. Patayin ang sinumang hindi mangilin, at sa halip ay nagtatrabaho sa araw na ito. 15 Anim na araw ang sa pagtatrabaho ngunit itatalagang araw ng ganap na pahinga ang ikapitong araw sa karangalan ni Yawe. Patayin ang sinumang magtrabaho sa Araw ng Pahinga. 16 Mangilin ang mga Israelita sa Araw ng Pahinga at sundin ito sa lahat ng salinlahi bilang walang hanggang pakikipagtipan sa akin. 17 Isang pangha¬bam¬panahong tanda sa akin at sa mga anak ng Israel ang Araw ng Pahinga sapagkat anim na araw na ginawa ni Yawe ang langit at lupa, at nagpahinga siya sa ikapitong araw.”
• 18 Matapos ituro kay Moises ang lahat ng ito sa Bundok Sinai, ibinigay sa kanya ni Yawe ang da¬lawang tapyas ng Pahayag; sinulatan ng daliri ng Diyos ang mga tap¬yas na batong ito.

ANG GUYANG TINUNAW NA METAL

32 • 1 Nang makita ng sambayanan na napakatagal ni Moises bago bu¬maba mula sa bundok, nagtipon sila kay Aaron at sinabi sa kanya: “O ano? Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin. Sapag¬kat hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa Moises na ito na naglabas sa amin mula sa Ehipto.”
2 At sinabi sa kanila ni Aaron: “Hiklasin ninyo ang mga gintong hikaw na suot ng inyong mga maybahay at mga anak, at dalhin sa akin ang mga ito.” 3 Kayat hinu¬bad nga ng lahat ang kani¬lang mga hikaw, at dinala kay Aaron. 4 Kinuha niya ang mga iniabot sa kanya at sininsil, at gu¬mawa siya ng guyang tinunaw na metal.
At sinabi nila: “Ito ang iyong mga diyos, O Israel, na naglabas sa iyo mula sa Ehipto.”
5 Nang makita ito ni Aaron, nagtayo siya ng altar sa harap ng guyang metal at saka ipinahayag: “Bukas ay piyesta sa karangalan ni Yawe.”
6 Kaya maaga silang gumising kina¬bukasan at nag-alay ng mga sinunog na handog at ng mga hain sa mabuting pag¬sasamahan. At naupo sila para ku¬ma¬¬in at uminom, at tumindig para mag¬paka¬ligaya.
7 Kaya sinabi ni Yawe kay Moises: “Bumaba ka sapagkat nagpakasama ang iyong bayan na inilabas mo mula sa lupain ng Ehipto. 8 Kaydali nilang lumihis mula sa daang iniutos ko sa kanila. Gu¬mawa sila ng guyang metal para sa kani¬lang sarili, yumuko sa harap nito at nag-alay ng mga handog, at sinabing: Ito ang iyong mga diyos, Israel, na nag¬labas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.”
9 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Naki¬kita kong matigas ang ulo ng bayang ito. 10 Kayat pabayaan mo ngayong tu¬pu¬kin sila’t ubusin ng aking poot. Ngunit mula sa iyo, gagawa ako ng isang mala¬king bansa.”
11 Ngunit pinakiusapan ni Moises si Yaweng kanyang Diyos, at sinabi: “O Yawe, puwede bang mag-apoy ang iyong galit sa iyong bayan na inilabas mo mula sa lupain ng Ehipto nang may dakilang ka¬pangyarihan at malakas na kamay? 12 Pu¬wede bang masabi ng mga mga Ehip¬siyong: Inilabas sila ni Yawe upang sila’y mapasama, kaya pinatay niya sila sa kabundukan at nilipol sa balat ng lupa. Talikuran mo ang silakbo ng iyong poot, at huwag maghatid ng kapahama¬kan sa iyong bayan. 13 Alalahanin mo ang iyong mga lingkod na sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang pangakong binitiwan mo sa kanila sa ganang sarili mo: Pararamihin ko ang iyong ina¬po tulad ng mga bituin sa langit at ibi¬bigay ko sa lahi mo ang lahat ng lupaing ito na sinasabi ko at mapapa¬sakanila ito mag¬pa¬kailan¬man.” 14 Nagbago nga ng isip ni Yawe tungkol sa ban¬tang kapahamakan sa kanyang bayan.
15 Nagbalik si Moises at bumaba mula sa bundok, at hawak sa kanyang kamay ang dalawang tapyas ng Kau¬¬tu¬san, mga tapyas na may nakasulat sa magkabilang tabi, sa harap at likod. 16 Ang Diyos ang may gawa sa mga tap¬yas na ito, at ang Diyos ang sumulat sa mga sulat na naka¬tatak sa mga tapyas.
17 Nang marinig ni Josue ang ingay ng sambayanang nagsisigawan, sinabi niya kay Moises: “May ingay ng digmaan sa kampo.” 18 Ngunit sumagot si Moises: “Hindi awit ng tagumpay o hiyaw ng pag¬¬kalupig kundi ingay ng kanta¬han ang aking naririnig.”
19 Nang malapit na si Moises sa kam¬po at nakita niya ang guya at ang sayawan, sumiklab ang kanyang galit at inihagis niya ang mga tapyas na bato na nasa kan¬yang mga kamay, at nabasag ang mga iyon sa paanan ng bundok. 20 At kinuha niya ang guyang kanilang ginawa, sinunog ito sa apoy, pinulbos at isinaboy sa ibabaw ng tubig na ipina¬inom sa mga Israelita.
21 Sinabi ni Moises kay Aaron: “Ano ba ang ginawa sa iyo ng bayang ito at di¬nal¬han mo sila ng napakabigat na kasa¬la¬nan?”
22 Sinabi ni Aaron: “Huwag sanang mag-apoy ang iyong galit, panginoon ko. Kilala mo ang bayang ito at alam mo kung gaano sila kasama. 23 Sinabi nila sa akin: Igawa mo kami ng mga diyos na mangu¬nguna sa amin sapagkat hindi namin alam kung ano na ang nang¬yari sa Moises na ito na naglabas sa amin mula sa Ehipto. 24 Kaya sinabi ko sa kanila na hu¬barin ng bawat isa ang kanyang suot na ginto. Ibinigay nila sa akin ang mga iyon, at inihagis ko naman sa apoy at ang gu¬yang ito ang lumabas!”
25 Nakita ni Moises na nagwawala ang sambayanan dahil pinabayaan silang mag¬wala ni Aaron, at ngayo’y nanga¬nga¬nib sila sa mga kaaway.
26 Kaya tumindig si Moises sa bu¬ngad ng kampo at sumigaw: “Lumapit sa akin ang lahat ng para kay Yawe.” At nag¬ka¬tipon sa kanya ang buong tribu ng Levi.
27 At sinabi niya sa kanila: “Ito ang iniuutos ni Yaweng Diyos ng Israel: Isukbit ng bawat isa ang kanyang tabak. Mag¬paroo’t parito kayo sa mag¬ka¬bilang pinto ng kampo at huwag mag-atubiling pa¬tayin kahit na sariling kapa¬tid, kaibigan at kamag-anak.”
28 Ginawa nga ng mga Levita ang ini¬utos ni Moises, at mga tatlunlibong lalaki ang namatay nang araw na iyon.
29 At sinabi ni Moises: “Mula ngayo’y nakatalaga na kay Yawe ang inyong mga kamay sapagkat bawat isa sa inyo’y laban sa kanyang anak at kapa¬tid. Dahil dito, pinagpapala kayo ni Yawe sa araw na ito.”
Namagitan si Moises para sa bayan
30 Kinabukasan, sinabi naman ni Moises sa sambayanan: “Napakabigat na kasalanan ang ginawa ninyo. Ngunit aakyat ako ngayon kay Yawe; makahingi sana ako ng kapa¬tawaran para sa inyong kasalanan.”
31 Kaya bumalik si Moises kay Yawe, at sina¬bi: “Ah, napakabigat na kasalanan ang ginawa ng bayang ito. Gumawa sila ng diyos na ginto para sa kanilang sarili. 32 Patawarin mo sana ngayon ang kanilang pagka-kasala... at kung hindi naman, burahin mo na ako sa aklat na sinulat mo.”
33 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Ang sinu¬mang nagkasala sa akin ang siya kong buburahin sa aking aklat. 34 Humayo ka ngayon! Manguna ka sa bayan patungo sa lugar na sinabi ko, mangu¬nguna sa iyo ang aking Anghel. Ngunit sa araw ng paghu¬hukom, papapanagutin ko sila sa ka¬nilang kasalanan.” 35 Kaya pinarusahan ni Yawe ang sambayanan sa pamamagitan ng salot da¬hil sa guyang ginawa ni Aaron para sa kanila.
Ang habag ni Yawe sa kanyang bayan
33 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Humayo ka! Umalis ka sa lugar na ito, ikaw at ang bayang inilabas mo mula sa lupain ng Ehipto, at umahon ka sa lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac at Jacob nang isumpa kong: Ibibigay ko ito sa iyong lahi. 2 Magsusugo ako ng Anghel na mangunguna sa iyo at palalayasin ko ang mga Kananeo, Amorreo, Heteo at mga Pereceo, Heveo at Yebuseo. 3 At dahil kayo’y ba¬yang matigas ang ulo, hindi ako aahong kasama ninyo sa lupaing ito na dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, at baka puk-sain ko lamang kayo sa daan.”
4 Nang marinig nang sambayanan ang naka¬panlulumong mga katagang ito, labis silang nalungkot kaya walang sinuman sa kanila ang nagsuot ng anumang alahas.
5 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Sabihin mo sa mga Israelita: Kayo’y bayang matigas ang ulo. Baka mapuksa ko lamang kayo kung sasama ako sa inyo, kahit saglit lamang! Hubarin ninyo ang inyong mga alahas nang malaman ko ang gagawin ko sa inyo.”
6 Hinubad nga ng mga Israelita ang kanilang mga alahas bago sila umalis sa Bundok Horeb.
Ang Toldang Tagpuan
• 7 Kinuha naman ni Moises ang Tol¬da at itinayo iyon para sa kanyang sarili sa labas ng kampo, na malayu-layo rito, at tinawag iyong Toldang Tagpuan. Kayat ang sinumang naghahanap kay Yawe ay lumalabas sa kampo patungo sa Toldang Tagpuan. 8 At tuwing pu¬punta si Moises sa Tolda, tumatayo ang buong bayan, ang bawat isa, sa pintuan ng kanyang tolda, at sinusundan ng tingin si Moises hang¬gang maka¬pasok sa Tolda.
9 Kapag nakapasok na si Moises sa Tolda, bumababa naman at nananatili sa bungad nito ang haliging ulap habang nakikipag-usap si Yawe kay Moises.
10 Kapag nakita ng bayan na nasa bu¬ngad na ng Tolda ang haliging ulap, tu¬mi¬tindig silang lahat at sumasamba ang bawat isa sa pintuan ng kanyang tolda.
• 11 Harap-harapang nakikipag-usap si Yawe kay Moises, tulad ng paki¬kipag-usap ng isa sa kanyang kai-bigan. At saka babalik si Moises sa kampo, pero hindi umaalis sa Tolda ang kanyang binatang ayudanteng si Josue na anak ni Nun.
12 At sinabi ni Moises kay Yawe: “Sinasabi mo sa aking pangunahan ko ang bayang ito, pero hindi mo pa ipinaaalam sa akin kung sino ang ipadadala mong kasama ko. Ngunit sinabi mong kilala mo ako sa pangalan at kalugud-lugod ako sa iyong paningin.
13 Ngayon, kung talaga ngang kalugud-lugod ako sa iyong paningin, ipakita mo sa akin ang iyong mga daan upang makilala kita at maging kalugud-lugod nga ako sa iyong paningin. Ala¬lahanin mo rin na ang bayang ito ang iyong bayan.”
14 Sinabi ni Yawe: “Sasamahan ka ng aking Mukha at bibigyan kita ng kapa¬hingahan.” 15 Sinabi naman ni Moises: “Kung hindi kami sasamahan ng iyong Mukha, huwag mo na kaming ilabas dito. 16 At paano malalaman ninuman na ako at ang aking bayan ay kalugud-lugod sa iyong paningin kung hindi mo kami sasamahan? Kayat ako at ang iyong ba¬yan ay mamumukod sa iba pang mga bansa sa balat ng lupa.”
17 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Gagawin ko ang sinabi mo sapagkat kalugud-lugod ka sa aking paningin at kilala kita sa pangalan.”
Dumaan si Yawe sa harap ni Moises
• 18 Sinabi ni Moises: “Kung gayo’y ipa¬kita mo sa akin ang iyong Luwal¬hati.” 19 At sinabi ni Yawe: “Padadaanin ko sa harap mo ang lahat kong kabutihan at ihahayag ko mismo sa harap mo ang aking pa¬nga¬lan – Yawe. Sapagkat ipinakikita ko ang aking kabutihang-loob sa aking naisin at ang aking awa sa gusto kong kaawaan.”
20 At sinabi pa ni Yawe: “Hindi mo ma¬ki¬kita ang aking mukha dahil wa¬lang sinu¬mang maaaring makakita sa akin at ma¬bu¬buhay. 21 At idinugtong niya: “Tingnan mo ang lugar na ito na malapit sa akin. Tatayo ka sa ibabaw ng bato, 22 at pag¬daan ng aking Luwalhati, ilalagay kita sa siwang ng bato at tatakpan kita ng aking kamay hang¬gang makaraan ako. 23 At saka ko aalisin ang aking kamay at makikita mo ang aking likod, pero hindi mo maaaring makita ang aking mukha.”
34 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: Suminsil ka ng dalawang tapyas na bato tulad ng una, at isusulat ko sa mga tapyas ang mga salitang nasa unang tapyas na binasag mo.
2 Maghanda kang umahon bukas ng umaga sa Bundok Sinai at maghintay sa tuktok ng bundok. 3 Walang sinumang sasama, at wala ring sinuman ang dapat makita sa buong bundok. Maging ang mga tupa at mga baka ay hindi dapat manginain sa malapit sa bundok.”
4 Kaya suminsil si Moises ng dalawang tapyas na bato tulad ng una. At maaga siyang gumi¬sing kinabukasan at umahon sa Bundok Sinai tulad ng iniutos ni Yawe, hawak sa kanyang mga kamay ang dalawang tapyas na bato.
5 At bumaba si Yawe na nasa ulap, at tumayo roong kasama niya, at ipina¬hayag ang kanyang pangalan – Yawe.
6 Dumaan si Yawe sa kanyang harap at sumigaw: “Si Yawe, si Yawe ang Diyos na maawain at mapagpatawad, banayad sa pagkagalit at sagana sa kabutihang-loob at katapatan. 7 Nag¬pa¬¬pa¬kita siya ng ka-bu¬tihang-loob sa libu-libong salinlahi at pinatatawad ang kasa¬maan, paghi¬himag¬sik at kasala¬nan. Ngu¬nit hindi niya pina¬ba¬¬bayaang wa¬lang kaparusahan ang may¬¬sala, at pina¬rurusahan dahil sa kasa¬lanan ng mga magulang pati ang mga anak at ang anak ng mga ito hang¬gang sa ikatlo at ikapat na salinlahi.”
8 Nagmamadaling yumuko si Moises sa lupa at sumamba. 9 At sinabi niya: “O Panginoon, kung kalugud-lugod nga ako sa iyong paningin, halika’t luma¬kad ka¬sama namin. At kahit na matigas ang ulo ng bayang ito, pata¬warin mo sana ang aming mga kasamaan at pag¬kakasala at angkinin kami.”
Ang batas ng Tipan
• 10 Sinabi ni Yawe: “Nakikipagtipan ako sa iyo. Sa harap ng buong sambayanan, gagawa ako ng mga kahanga-hangang bagay na hindi pa nagagawa sa alinmang lupain o bansa upang makita ng buong bayang nakapalibot sa iyo kung gaano kagila-gilalas ang gawa ni Yawe na gagawin ko para sa iyo.
11 Sundin mong mabuti ang iniuutos ko sa iyo sa araw na ito. Palalayasin ko sa harap mo ang mga Amorreo, Kananeo, Heteo, Pereceo, Heveo at Yebuseo.
12 Pakaingatan mong huwag makipag¬tipan sa mga naninirahan sa lupaing pupuntahan mo, at baka maging patibong ito sa iyo. 13 Sa halip ay gibain mo ang kanilang mga altar at durugin ang kanilang mga sag-radong bato at itumba ang mga sagradong poste nila.
– 14 Huwag kang sasamba sa iba pang diyos, sapagkat si Yawe na Seloso ang Pangalan ay Diyos na seloso! 15 Kaya huwag kang maki¬ki¬pag¬tipan sa mga nasa lupain sapagkat ipinag¬bibili nila ang kanilang sarili sa kanilang mga diyos at naghahandog sa mga ito. Kung hindi, aanyayahan ka nila at kakanin mo naman ang kanilang mga handog. 16 At ipakakasal mo ang iyong mga anak na lalaki sa kanilang mga anak na dalaga, at aakayin ng mga babaeng iyon ang iyong mga anak na lalaki sa pagbibili ng kani¬lang sarili nila sa kanilang mga diyos.
– 17 Huwag kang gagawa ng mga diyos na tinunaw na metal.
– 18 Ipagdiwang mo ang Piyesta ng Tinapay na Walang Lebadura. Tinapay na walang leba¬dura ang kakanin mo sa loob ng pitong araw sa buwan ng Abib, gaya ng iniutos ko, sapagkat sa buwang iyon ka lumabas mula sa Ehipto.
– 19 Akin ang lahat ng magbubukas sa sina¬pupunan, pati ang lahat ng unang anak na ba¬rako ng iyong hayupan, tupa man o baka. 20 Tutubusin mo ng isang kordero ang panganay na asno, at babaliin mo ang leeg nito kung hindi mo ito tutubusin. Tutubusin mo ang lahat ng iyong panganay na lalaki. At walang haharap sa akin nang walang dala.
– 21 Anim na araw kang magtatrabaho, at magpapahinga ka naman sa ikapitong araw. Mag¬pahinga ka kahit na sa panahon ng pag-aararo at pag-aani.
– 22 Ipagdiwang mo ang Piyesta ng Sanlinggo sa mga unang bunga ng ani ng trigo at ang Piyesta ng Pamimitas ng Bunga sa pagtatapos ng taon. 23 Tatlong beses isang taon na haharap kay Yaweng Panginoong Diyos ng Israel ang lahat mong kalalakihan. 24 Palalayasin ko sa harap mo ang mga lahing naroon, at palalawakin ko ang iyong mga hangganan. Walang sinumang magnanasa sa iyong lupain sa tatlong beses na pag-ahon mo taun-taon para humarap kay Yaweng iyong Diyos.
– 25 Huwag mong ialay sa akin ang dugo ng isang hayop, kasama ang tinapay na may leba¬dura; at huwag magtitira ng kahit ano hanggang kinaumagahan mula sa Piyesta ng Paskuwa.
– 26 Dalhin mo sa Bahay ni Yaweng iyong Diyos ang pinakamaganda sa mga unang ani ng iyong lupa.
Huwag mong lulutuin ang batang kam¬bing sa gatas ng ina nito.”
– 27 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Isulat mo ang mga salitang ito, sapagkat ito ang mga kundisyon ng pakikipagtipan ko sa iyo at sa Israel.”
28 Apatnapung araw at apatnapung gabi roon si Moises, kasama si Yawe – hindi kumakain ng tinapay o umiinom ng tubig. Isinulat niya sa mga tapyas ang mga salita ng Pakikipagtipan – ang Sampung Utos.
Bumaba si Moises mula sa bundok
• 29 Nang bumaba si Moises mula sa Bundok Sinai na hawak ang dalawang tapyas, hindi niya namama¬layang nag¬ni¬ningning pala ang kanyang mukha mata¬pos makipag-usap kay Yawe.
30 Nakita ni Aaron at ng lahat ng Israe¬lita na nagniningning ang mukha ni Moises kaya natakot silang lumapit sa kanya. 31 Ngunit tinawag sila ni Moises, at lumapit sina Aaron at lahat ng pinuno ng pamayanan, at kinausap sila ni Moises. 32 At lumapit sa kanya ang lahat ng Is¬raelita, at sinabi naman niya sa kanila ang lahat ng ipinag-utos sa kanya ni Yawe sa Bundok Sinai. 33 Pagkapagsalita ni Moises, nilagyan niya ng belo ang kanyang mukha.
• 34 Tuwing papasok si Moises para humarap kay Yawe at makipag-usap sa kanya, inaalis niya ang belo hang¬gang sa paglabas niya. At pagkalabas niya, sina¬sabi naman niya sa mga Israelita ang ini¬utos sa kanya ni Yawe. 35 Makikita ng mga ito na nagnining¬ning ang kanyang mukha, kayat muli niyang ilalagay ang belo sa kanyang mukha hanggang sa muli niyang pagpasok para makipag-usap kay Yawe.
35 Tinipon ni Moises ang buong pamaya¬nan ng Israel at sinabi sa kanila: “Ito ang mga ipinagagawa ni Yawe: 2 Anim na araw kayong magtrabaho ngunit banal na araw para sa inyo ang ikapitong araw, araw ng ganap na pa¬hinga, na nakatalaga kay Yawe. Papatayin ang sinu¬mang magtrabaho sa araw na ito. 3 Huwag mag¬sisindi ng apoy sa alinmang bahay ninyo sa araw ng pahinga.”
Ang pagtatayo ng santuwaryo
4 Sinabi ni Moises sa buong pamayanan ng Israel: “Ito ang iniutos ni Yawe: 5 Maglaan kayo ng abuloy para kay Yawe mula sa inyong mga ari-arian. Kusang-loob na mag-abuloy kay Yawe: ginto, pilak at tanso, 6 telang asul-purpura at pula, pinong linen, balahibo ng kambing, 7 kinulayang katad ng lalaking kambing at ma¬lambot na katad, kahoy ng akasya, 8 langis para sa ilawan, pabango para sa langis ng pagtatalaga at insenso; 9 mamahaling bato’t hiyas na ilalagay sa efod at damit-pandibdib.
10 Pumarito ang mga mahuhusay na mang¬gagawa sa inyo para gawin ang lahat ng iniuutos ni Yawe: 11 ang Banal na Tirahan, ang mga takip nito, ang mga kawit nito’t mga tabla, 12 ang Kaban at ang mga pampasan dito, ang Lugar ng Pagpapatawad sa takip ng Kaban at ang tabing nito, 13 ang mesa, ang mga pampasan dito at lahat ng gamit nito pati ang mga tinapay na handog, 14 ang kandelabra’t mga gamit nito, ang mga ilawan nito at ang langis para sa ilaw, 15 ang altar ng insenso at ang mga pampasan dito, ang langis ng pagtatalaga, ang maba¬ngong insenso, at ang kurtina sa pasukan ng Tirahan, 16 ang altar ng susunuging handog at ang parilyang tanso nito, ang mga pampasan dito at mga ka¬gamitan, ang planggana at ang patungan nito, 17 ang mga kurtina sa patyo, ang mga haligi nito, ang mga tuntungan nito’t ang kurtina sa bungad ng patyo; 18 ang mga tulos ng Tirahan at ng patyo, pati ang mga kordon, 19 ang mga damit na ginagamit ng pari sa pag¬lilingkod sa banal na lugar, ang mga sagradong damit para sa paring si Aaron at para sa kanyang mga anak para sa kanilang mga tungkulin bilang mga pari.”
20 At umalis sa harap ni Moises ang buong pamayanan ng Israel, 21 at pagkatapos ay bu¬ma¬lik ang lahat ng gustong magbigay, dala ang kanilang abuloy kay Yawe para sa paggawa ng Tirahan, para sa lahat ng gawain dito at para sa mga sagradong damit.
22 Dumating ang lahat ng may gustong mag¬bigay, mga lalaki’t babae, dala ang mga pin, singsing, pulseras, iba’t ibang bagay na yari sa ginto, mga bagay na ipinangako nila kay Yawe. 23 Dinala rin ng lahat ng meron ang kanilang telang purpura, asul-purpura at pula, pinong linen, balahibo ng kambing, kinulayang katad ng lalaking kambing o malambot na katad. 24 Nag-abuloy din kay Yawe ang lahat ng may pilak at tanso, at dinala ng lahat ng may kahoy ng akasya ang kanilang kahoy na angkop sa anumang bagay na gagawin. 25 Humabi naman ang lahat ng babaeng magaling humabi at inialay nila kay Yawe ang hinabing telang purpura, asul-purpura at pula, at pinong linen. 26 Hu¬¬ma¬bi naman ng balahibo ng kambing ang mga babaeng magaling dito. 27 Nagdala ang mga pinuno ng mamahaling bato at hiyas na ilalagay sa efod at damit-pandibdib, 28 at ng mga pabango at langis para sa ilawan, sa langis ng pagtatalaga at sa mabangong insenso.
29 Nagdala ng kanilang handog kay Yawe ang lahat ng lalaki’t babae ng Israel na gustong mag-abuloy para sa lahat ng ipinagagawa ni Yawe kay Moises.
Mga kagamitan sa santuwaryo
30 Sinabi ni Moises sa sambayanan ng Israel: “Tingnan ninyo, pinili ni Yawe si Bezaleel na anak ni Uring anak ni Hur sa tribu ng Juda. 31 Pinuspos siya ni Yawe ng espiritu ng Diyos at binigyan ng talino, pang-unawa at kakayahan sa lahat ng klase ng gawain: 32 sa sining at paggawa sa ginto at pilak at tanso, 33 sa pagtapyas sa mga batong-hiyas na ilalagay sa enggaste, sa pag-ukit ng kahoy, sa bawat klase ng paggawa. Binigyan pa ni Yawe ng kakaya¬hang magturo si Bezaleel 34 at si Oholiab na anak ni Ahisamak sa tribu ng Dan.
35 Napuspos sila ng kakayahang gumawa gaya ng grabador, manghahabi ng pinong linen, burdador ng lanang asul-purpura at pula at pinong linen, at gaya ng karaniwang manghahabi; may kakayahan sila para sa lahat ng klase ng gawa at sining.”

36 1 Gumawa ayon sa ipinag-utos ni Yawe sina Bezaleel at Oholiab at ang lahat ng mahuhusay na manggagawang binigyan ni Yawe ng kakayahan at pang-unawa para gawin ang mga kailangan sa pagtatayo ng banal na lugar.
2 At tinawag ni Moises sina Bezaleel at Oho¬liab at ang lahat ng mahuhusay na manggagawang handang tumulong at binigyan ni Yawe ng kaka¬yahan. 3 Tinanggap nila kay Moises ang la¬hat ng abuloy na dinala ng mga Israelita para sa pagtatayo ng banal na lugar. Patuloy naman sa pagdadala ng mga alay ang mga tao tuwing umaga. 4 Iniwan ng mga mahuhusay na mang¬gagawa ang kanilang ginagawa sa banal na lugar, 5 at pinuntahan si Moises, at sinabi: “Nag¬dadala ang mga tao ng sobra sa kakaila¬nganin para sa gawaing iniutos sa atin ni Yawe.” 6 At ipinasabi ni Moises sa buong bayan: “Lalaki man o babae, wala nang magdadala pa ng anumang abuloy para sa banal na lugar.” Hu¬minto nga ang sambayanan sa pagdadala pa ng mga han¬dog; 7 sapat na at sobra pa nga ang natipong materyales para matapos ang lahat ng gawain.
8 Ginawa ng mga pinakamahusay na mang¬gagawa ang Tirahan. Ginawa nila ito mula sa sampung tela ng hinabing linen na kulay asul-purpura at pula at may burdang mga kerubim. 9 Iisa ang sukat ng lahat ng tela – apatnapung talampakan ang haba at anim na talampakan naman ang lapad. 10 Tinahi nila’t pinagdugtong ang limang tela, pati na ang lima pa. 11 Nilagyan nila ng sintas na asul-purpura ang gilid ng pinakahuli sa unang lima pati ang huling tela sa ikalawang lima. 12 Nilagyan nila ng limampung sintas ang unang lima, at nilagyan din nila ng katapat na limampung sintas ang huling tela sa ikalawang lima. 13 Gumawa sila ng limampung gintong kawit at pinagkabit ang dalawa para maging isa lamang.
14 At gumawa sila ng mga hinabing balahibo ng kambing para gawing toldang takip sa Tirahan; labing-isang piraso ang ginawa nila. 15 Iisa ang sukat ng labing-isang piraso – apatnapu’t tatlong talampakan ang haba at anim na talampakan ang lapad. 16 Pinagdugtong nila ang limang piraso at ginawang isang piraso, at gu¬mawa sila ng isa pang piraso sa anim na tira. 17 Kinabitan nila ng limampung sintas ang gilid ng huling piraso sa unang limang pinagdugtong at limampung sintas pa rin sa gilid ng huling piraso sa ikalawa. 18 At gumawa sila ng limampung tansong kawit para pag-isahin ang dalawang piraso at bumuo ng isang takip.
19 Gumawa rin sila ng isa pang takip sa Tira¬han mula sa kinulayang katad ng lalaking kambing at ng isa pang takip na yari sa malambot na katad sa ibabaw nito. 20 Gawa sa tablang akasya ang pinakadingding ng Tirahan. 21 La¬binlimang talampakan ang haba at tatlumpung pulgada ang lapad ng bawat tabla. 22 May mag-katapat na dalawang nakausli sa bawat tabla; at ginawa nilang ganito ang lahat ng tabla ng Banal na Tirahan. 23 Para sa gawing timog ng Tirahan, gumawa sila ng dalawampung tablang 24 may apatnapung pilak na patungan para sa ilalim ng dalawampung tabla: dalawang patu¬ngan na katapat ng dalawang nakausli sa unang tabla at ganito rin sa iba pang mga tabla. 25 Para sa kabilang panig sa hilaga, gumawa rin sila ng dalawampung tabla, 26 at apatnapung pilak na patungan, dalawa para sa bawat tabla.
27 Para naman sa gawing likod sa kan¬luran, gumawa sila ng anim na tabla. 28 At gumawa sila ng dalawang tabla para sa mga panulukan sa likuran ng Tirahan. 29 Pinag¬dugtong ang mga tabla sa ilalim at sa ibabaw hanggang sa unang bilog na kawit; ginawa nila ito sa dalawang tab¬lang nasa dalawang sulok. 30 Kayat may walong tablang may labing-anim na patungang pilak; dalawang patungan para sa bawat tabla. 31 Gu¬mawa pa sila ng mga pahalang na kahoy na akasya; limang pahalang para pagdugtungin ang mga tablang bubuo sa isang tabi ng Tirahan, 32 at lima pa para pagdugtungin naman ang mga tablang bubuo sa gawing hilaga. 33 Ginawa ni¬lang mahaba ang panggitnang pahalang mula sa magkabilang dulo. 34 Bina¬lutan nila ng ginto ang mga tabla at nilagyan ng mga gintong bilog na kawit na suutan ng mga pahalang na binalot din sa ginto.
35 Gumawa sila ng kurtinang yari sa telang purpura, asul-purpura at pula, at sa hinabing pinong linen na may burdang mga kerubim. 36 Para maisabit ang kurtina, gumawa sila ng apat na haliging akasya na binalutan din ng ginto at nilagyan ng gintong kawit at may apat na patungang pilak. 37 Para sa bungad ng Tirahan, gumawa naman ng kurtinang telang purpura, asul-purpura at pula, at hinabing linen ang mga mahuhusay na burdador. 38 Para maisabit ito, gumawa sila ng limang posteng may kawit; binalutan ng ginto ang ibabaw at mga baras nito, at yari naman sa tanso ang limang patungan nito.

37 1 Ginawa ni Bezaleel ang Kaban na yari sa akasya na apatnapu’t limang pulgada ang haba, dalawampu’t pitong pulgada ang lapad at dalawampu’t pitong pulgada rin ang taas. 2 Binalot niya ito sa lantay na ginto sa loob at labas at nilagyan ng minoldeng ginto ang paligid nito. 3 Gumawa siya ng apat na gintong pulseras para sa Kaban, at ikinabit sa apat na paa nito: dalawang pulseras sa isang gilid at dalawa pa sa kabila.
4 Gumawa rin siya ng mga pampasang yari sa akasya at binalot ng ginto ang mga ito. 5 Isi¬nuot niya ang mga ito sa mga pulseras na nasa mag¬kabilang gilid ng Kaban para madala ito.
6 Ginawa rin niyang lantay na ginto ang Lugar ng Pagpapatawad na apatnapu’t limang pulgada ang haba at dalawampu’t pitong pulgada ang lapad. 7 Para sa dalawang dulo ng Lugar ng Pagpapatawad, gumawa siya ng dalawang ke¬ru¬bim na yari sa pinitpit na ginto, 8 isang kerubim sa isang dulo at isa pa sa kabila, at ikinabit niya ang mga ito sa magkabilang-dulo ng Lugar ng Pag¬pa¬patawad. 9 Nakabukang pataas ang mga pakpak ng mga kerubim para lukuban ang Lugar ng Pagpapatawad, at magkaharap ang dalawa.
10 Ginawa naman niyang yari sa akasya ang mesang apatnapung pulgada ang haba at dalawampung pulgada ang lapad at tatlumpung pulgada ang taas. 11 Binalot niya ito sa lantay na ginto at nilagyan ng mi-noldeng ginto ang paligid nito. 12 Nilagyan niya ito ng panggilid na bi¬¬nalot sa ginto na tatlong pulgada ang lapad. 13 Gu¬mawa siya ng apat na gintong kawit na bi¬log at ikinabit ang mga ito sa apat na sulok na kina-lalagyan ng mga paa. 14 Inilagay malapit sa panggilid ang mga bilog na kawit na susuutan ng mga pampasan sa mesa. 15 Ginawa niyang yari sa akasya ang mga pampasan at binalot ang mga ito sa ginto. Pambuhat sa mesa ang mga ito.
16 Gumawa rin siya ng mga kagamitang yari sa lantay na ginto para sa mesa: mga plato, ko¬pa, banga at mangkok para sa mga alay na alak.
17 Ginawa niyang lantay na ginto ang kandelabra. Ginawa niya mula sa iisang piraso ng pinitpit na ginto ang kandelabra: ang patungan at katawan, pati ang mga palamuting bulaklak, mga buko at mga talulot nito. 18 May anim na sanga sa mga gilid nito, tigatlo sa magkabila. 19 May tigatlong palamuting bulaklak na pa¬rang bulaklak ng almond na may kasamang buko’t mga talulot ang anim na sanga ng kan¬delabra.
20 May apat na palamuting bulaklak na pa¬rang bulaklak ng almond na may kasa¬mang buko’t mga talulot ang pina¬ka¬katawan ng kan¬delabra: 21 isang buko sa ilalim ng dalawang sangang mula sa katawan, at isa pang buko uli sa ilalim ng kasunod na pares, at isa pa sa ilalim ng huling pares, sapagkat may anim na sanga ang kandelabra. 22 Iisang piraso ng mga buko’t mga sanga sa pinakakatawan ng kandelabra dahil yari sa iisang piraso ng pinitpit na lantay na ginto ang buong kandelabra. 23 At gumawa pa si Bezaleel ng mga ilawan, pitong ilawan lahat, at ng mga pang-ipit ng mitsa at mga latang lantay na ginto. 24 Pitumpu’t limang lib¬rang lantay na ginto ang nagamit niya sa paggawa ng ilawan at ng lahat ng kagamitan nito.
25 Ginawa niyang akasya ang altar ng insenso. Parisukat itong may dalawampung pulgada ang haba at lapad, at apatnapung pulgada naman ang taas. Gawa sa iisang piraso ng kahoy ang altar at mga sungay nito. 26 Binalot sa lantay na ginto ang ibabaw nito, ang mga gilid at mga sungay, at nilagyan ng gintong panggilid ang ibabaw ng altar, ang paligid nito at mga sungay. 27 Ikinabit niya sa magkabilang gilid sa ibaba ng panggilid ang dalawang gintong pulseras na suutan ng mga pampasan. 28 Ginawa niyang yari sa akasya ang mga pam-pasan at binalot sa ginto ang mga ito.
29 Siya rin ang gumawa ng sagradong langis ng pagtatalaga, at ng dalisay at mabangong insenso, gaya ng mga nagtitimpla ng pabango.

38 1 Kahoy ng akasya ang ginawa ni Bezaleel na altar ng susunuging handog. Parisukat itong may walong talam¬pakan ang haba at lapad, at limang talam¬pakan naman ang taas. 2 Nilagyan niya ng mga sungay ang apat na sulok nito at binalot sa tanso ang mga ito. Mula sa iisang piraso lamang ang altar at ang mga sungay. 3 Ginawa niya ang lahat ng kagamitan sa altar: ang mga sahuran ng abo, mga pala, pitsel ng tubig, mga kawit, apuyan at mga kaserola; ginawa niyang yari sa tanso ang lahat ng ito. 4 Gumawa pa siya ng parilyang tansong parang lambat na inilagay niya sa ilalim hang¬gang sa gitna ng altar. 5 Gumawa siya ng apat na bilog na suutan ng mga pampasan at ikinabit ang mga ito sa apat na sulok ng parilyang tanso.
6 Ginawa niyang yari sa akasya ang mga pampasan at binalot sa tanso ang mga ito 7 at isinuot sa mga bilog na suutan para buhatin ang altar. Ginawa niyang guwang ang altar na yari sa tabla.
8 Gumawa rin siya ng tansong planggana at patungan mula sa mga tansong salamin ng mga babaeng naglilingkod sa may pintuan ng Toldang Tagpuan.
9 Ginawa rin niya ang patyo. Sa dako ng patyo na nakaharap sa gawing timog ng lupain, naglagay siya ng kurtinang gawa sa hinabing linen na sandaa’t limampung talampakan ang haba. 10 Tanso ang dalawampung haligi nito at dalawampung paa, at pilak naman ang mga kawit at baras nito. 11 May limampu ring kurtina sa gawing hilaga. Tanso rin ang dalawampung haligi nito’t dalawampung paa, at pilak ang mga kawit at baras.
12 Sa gawing kanluran nama’y pitumpu’t limang talampakan ang kurtinang ikinabit sa sampung haliging may sampung tuntungan at mga pilak na kawit at baras. 13 Paharap naman sa sikatan ng araw sa silangan ay may pitumpu’t limang talampakang kurtina. 14 Sa isang tabi ng pintuan ay may dala¬wampu’t limang talampakang kurtina sa tatlong haliging may tatlong tuntungan. 15 Mayroon ding dalawampu’t limang talam-pakang kurtina sa kabilang tabi, sa tatlong haliging may tatlong tuntungan. 16 Hinabing pinong linen ang lahat ng kurtina sa palibot ng patyo. 17 Tanso ang mga tuntungan ng mga haligi at pilak naman ang mga kawit gaya ng mga baras ng haligi. Pilak ang ulo ng lahat ng haligi sa patyo pati ang mga baras nito.
18 Gawa ng mahusay na burdador ang kurtina sa pintuan ng patyo mula sa lanang purpura, asul-purpura at pula, at hinabing pinong linen. Gaya ng mga kurtina sa patyo, tatlumpung talampakan ang haba nito at walong talam¬pa¬kan ang taas sa kahabaan nito 19 Tanso ang apat na haligi nito at apat na tuntungan. Tulad ng ulo ng mga haligi at ng mga baras, pilak din ang mga kawit ng haligi. 20 Tanso naman ang mga tulos sa Toldang Tagpuan at sa paligid ng patyo.
21 Ito ang listahan ng mga metal na ginamit para sa Tirahang Toldang Tagpuan. Gaya ng iniutos ni Moises, inihanda ito ng mga Levita sa ilalim ng pangangasiwa ni Itamar na anak ng paring si Aaron.
22 Ginawa ni Bezaleel na anak ni Uring anak ni Hur sa tribu ng Juda ang lahat ng iniutos ni Yawe. 23 Katulong niya si Ohaliab na anak ni Ahisamak sa tribu ng Dan – isang grabador, manghahabi ng pinong linen, burdador ng telang purpura, asul-purpura at pula, at pinong linen.
24 Dalawanlibo-sandaa’t siyamnapu’t limang libra sa opisyal na timbangan ang gin¬tong na¬gamit sa buong gawain sa santu¬waryo. (Ito ang gintong itinalaga sa pag¬hahandog.) 25 Pitunlibo’t limandaa’t limam¬pung libra sa opisyal na timbangan ang naipong pilak nang kunin ang talaan ng sam¬¬bayanan. 26 Nagbayad ng tigka¬ka¬la¬¬-hating siklong pilak ang lahat ng may da¬lawampung taong gulang pataas. Umabot sa animnaraa’t tatlong libo’t limandaan ang bilang ng lahat.
27 At pitunlibo’t limandaang librang pilak ang nagamit sa paggawa ng sandaang tuntu¬ngan ng banal na lugar at ng kurtina, pitumpu sa bawat tuntungan. 28 At sa natitirang limampung librang pilak ay ginawa naman ni Bezaleel ang mga kawit sa haligi, ang ulo sa ibabaw at ang mga baras. 29 Umabot sa limanlibo’t tatlong daa’t sampung libra ang tansong itinalaga sa pag¬hahandog, 30 at mula rito niya ginawa ang mga tuntungan sa pin¬tuan ng Toldang Tagpuan, ang altar na tanso at ang parilya nitong tanso at ang lahat ng kagamitan nito, 31 ang mga tuntungan sa paligid at pintuan ng patyo, ang lahat ng tulos ng Tirahan at sa paligid ng patyo.
39 1 Mula sa telang purpura, asul-pur¬pura at pula, at pinong linen nila ginawa ang mga sagradong damit para sa paglilingkod sa banal na lugar. Ginawa nila ang mga sagradong damit ni Aaron sa paglilingkod ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises.
2 Ginawa nila ang efod mula sa gintong sinulid, telang purpura, asul-purpura at pula, at hi¬na¬bing pinong linen. 3 Pinitpit nila nang manipis ang ginto at ginupit sa maliliit na hibla para maihabi sa telang purpura, asul-purpura at pula, at pinong linen, tulad ng ginagawa ng mang¬hahabi ng pinong linen. 4 Gumawa sila ng dalawang tirante para sa eskapularyo at pinag¬kabit ang dalawang dulo. 5 Ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises, ang hinabing sinturon na pa¬rang kaisa sa damit-pandibdib ay maingat ding ginawa mula sa gintong sinulid, telang purpura, asul-purpura at pula, at hinabing pinong linen.
6 Tinabas nila ang mga mamahaling batong-hiyas, at inilagay sa mga enggasteng ginto at iniukit sa mga ito ang mga pangalan ng mga anak ng Israel. 7 Gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises, ikinabit nila ang mga batong-hiyas sa mga tirante ng damit-pan¬dibdib bilang alaala ng mga anak ng Israel.
8 Tulad ng efod ginawa nilang may magan¬dang burda ang eskapularyong gawa rin sa gintong sinulid, telang purpura, asul-purpura at pula, at hinabing pinong linen. 9 Parisukat ito, magkataklob, siyam na pul-gada ang haba at siyam na pulgada rin ang lapad. 10 Nilagyan nila ito ng apat na hanay ng mga batong-hiyas: rubi, topasyo at karbusyo sa unang hanay; 11 esme¬ralda, sapiro at brilyante sa pangalawang hanay; 12 opal, rubi at amatista sa pangatlong hanay; 13 berilo, onix at haspe sa pang-apat na hanay. Nakaenggaste ang lahat ng ito sa ginto.
14 Labindalawa ang mga bato katumbas ng mga pangalan ng mga anak ng Israel. Nakaukit sa bawat bato ang pangalan ng isa sa labindalawang tribu. 15 Gumawa sila ng mga gintong tanikalang itinirintas para sa eskapularyo. 16 Gu¬mawa pa sila ng dalawang maliit na gintong enggaste at dalawang gintong singsing na nakakabit sa mga sulok ng eskapularyo, 17 at itinali naman dito ang dalawang itinirintas na tanikalang ginto. 18 Ikinabit ang dalawang dulo ng tanikalang ginto sa dalawang enggaste, kaya nakakabit din ang mga ito sa mga tirante ng efod sa may harapan. 19 Gumawa sila ng dalawang gintong singsing at ikinabit sa mga sulok sa ibaba ng eskapularyo, sa tupi sa loob, kasu¬nod ng efod. 20 Gumawa rin sila ng dalawa pang gintong singsing at ikinabit sa ibaba ng dala¬wang tirante sa harap ng efod, sa may tupi, sa ibabaw ng sinturon. 21 Ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises, pinagkabit nila ang eskapularyo at ang efod sa pamamagitan ng sintas na asul-purpura na isinuot sa mga singsing para manatili ang damit-pandibdib sa ibabaw ng sinturon at di ito maalis sa efod.
22 At gumawa sila ng balabal na asul-purpura para sa efod. 23 Ginawa ang butas sa pag¬habi tulad ng kuwelyo ng kamisadentro para hindi ito mapunit. 24 Nilagyan nila ang laylayan nito ng palamuting bilug-bilog na yari sa telang asul-purpura at pula, at hina¬bing pinong linen. 25 Gumawa rin sila ng mga kampanilyang yari sa lantay na ginto at inila¬gay ang mga ito sa palibot ng laylayan ng balabal ng efod sa pagitan ng mga bilug-bilog. 26 Magkakasalit ang mga kampanilya at mga bilug-bilog sa paligid ng buong lay-layan nito, ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises.
27 At ginawa rin nila ang mga hinabing pinong lineng tunika para kay Aaron at sa kanyang mga anak, 28 ang turbang pinong linen, ang mga karsonsilyong hinabing pinong linen, 29 at ang mga sinturong hinabing pinong linen at telang purpura, asul-purpura at pula na may magandang burda ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises.
30 Gumawa rin sila ng manipis na metal, ang sagradong manipis na ginto, at parang tatak na iniukit nila dito ang “Itinalaga kay Yawe”. 31 Itinali nila ito ng isang asul-purpurang laso sa itaas ng turban, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
32 At natapos ang lahat ng gawain sa Tirahan, sa Toldang Tagpuan. Sa paggawa nito ti¬nupad ng lahat ng anak ni Israel ang lahat ng iniutos ni Yawe kay Moises.
33 At dinala nila kay Moises ang lahat ng ito, ang Toldang Tagpuan, at lahat ng kaga¬mitan nito: mga kawit, mga tabla, mga paha¬lang, mga haligi, mga tuntungan, 34 mga takip na yari sa kinulayang katad ng lalaking kambing, mga takip na yari sa malambot na katad at mga kur¬tina, 35 ang Kaban ng Tipan at ang mga haligi nito, at ang Lugar ng Pagpapatawad, 36 ang mesa at mga kaga¬mitan nito at ang tinapay ng pagharap kay Yawe, 37 ang kandelabrang yari sa lantay na ginto at ang mga ilawang ikakabit dito at lahat ng kagamitan nito, ang langis para sa ilawan, 38 ang gintong altar, ang langis ng pagtatalaga, ang mabangong insenso, ang kur¬tina sa bungad ng tolda, 39 ang altar na tanso pati ang parilyang tanso, ang mga haligi nito at lahat ng kagamitan nito, ang planggana at patungan nito, 40 ang mga kurtina sa patyo, pati na ang mga haligi at tuntungan, at ang kurtina sa pin¬tuan ng patyo, ang mga sintas nito, mga tulos at lahat ng kasangkapan ng Tirahang Toldang Tag¬puan, 41 ang mga sagradong damit sa pagli¬lingkod sa banal na lugar, ang sagradong damit ng paring si Aaron at ng kanyang mga anak para sa paglilingkod. 42 Ginawa ng mga Israelita ang lahat gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
43 Sinuri ni Moises ang lahat ng gawain, at nakita niyang ginawa ang mga ito ayon sa ini¬utos sa kanya ni Yawe. At binasbasan ni Moises ang mga Israelita.
Ang pagtatalaga sa tirahan
40 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Sa unang araw ng unang buwan, itatayo mo ang Tirahang Toldang Tagpuan, 3 at ilalagay mo rito ang Kaban ng Tipan, at lalagyan ng tabing. 4 Ipapasok mo rin ang kandelabra at ilalagay ang mga ilawan nito. 5 Ilalagay mo ang gintong altar ng insenso sa harap ng Kaban ng Tipan, at la-lagyan ng tabing ang pasukan ng Tirahan. 6 Ila¬lagay mo naman ang altar ng susunuging handog sa harap ng pasukan ng Tirahang Toldang Tagpuan.
7 Ilagay mo ang planggana sa pagitan ng Toldang Tagpuan at ng altar, at punuin ng tu¬big. 8 Paligiran mo ng kurtina ang patyo at isabit ang kurtina sa pasukan ng patyo. 9 At kunin mo ang langis ng pagtatalaga at pahiran mo ang Tirahan at lahat ng naririto pati ang mga kasangkapan nito; at magiging sagrado ang mga ito. 10 Pahiran mo ang altar ng susunuging han¬dog at lahat ng kasang¬kapan nito; ganito mo itatalaga ang altar na magiging napa¬kasagrado. 11 Pahiran mo rin ng langis ang planggana at ang patungan nito, at italaga ang mga ito.
12 Papuntahin mo si Aaron at ang kanyang mga anak sa may bungad ng Toldang Tag¬puan at paliguan sila. 13 At bibihisan mo si Aaron ng sagradong damit at papahiran siya ng langis at itatalaga mo siya para maging aking pari. 14 Pa¬la¬lapitin mo rin ang kanyang mga anak at bi¬bihisan ng mga tunika. 15 Pahi¬ran mo sila ng langis gaya ng pagpapahid mo sa kanilang ama, at magi¬ging mga pari ko sila. Magpasawalang-hang¬gang pagkapari ang pagpapahid sa kanila, sa lahat ng salinlahi.”
16 Kaya ginawa nga ni Moises ang lahat ng iniutos ni Yawe. 17 Sa unang araw ng unang buwan sa ikalawang taon, itinayo ang Tirahan. 18 Itinayo ito ni Moises. Inilagay niya ang mga tuntungan, itinayo ang mga tabla, inilagay ang mga pahalang, at itinayo ang mga haligi. 19 Tinakpan pa niya ng tolda ang ibabaw ng Tirahan, at isa pang tolda ang itinakip niya sa ibabaw nito gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises. 20 Kinuha niya ang Pahayag at inilagay sa Ka¬ban. Inilagay rin niya sa Kaban ang mga pam¬pasan at ang Lugar ng Pagpapatawad. 21 Dinala niya ang Kaban sa Tirahan at inilagay ang kurtina, at tinakpan ang Kaban ng Pahayag, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises. 22 Sa Tol¬dang Tag¬puan, sa labas ng kurtina, inilagay niya ang mesa sa gawing hilaga ng Tirahan, 23 at ini¬ayos dito ang mga tinapay sa harap ni Yawe, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises. 24 Inilagay din niya sa Toldang Tagpuan ang kandelabra sa tapat ng mesa, sa gawing timog ng Tirahan, 25 at inilagay ang mga ilawan sa harap ni Yawe, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.
26 Inilagay naman niya ang gintong altar sa harap ng kurtina sa Toldang Tagpuan, 27 at si¬nunog dito ang mabangong insenso gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises. 28 At nilagyan niya ng kurtina ang bungad ng Tirahan. 29 Inilagay niya ang altar ng susunuging han¬dog sa harap ng Tirahang Toldang Tagpuan, at sinunog dito ang handog at ang alay na butil, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises. 30 Sa pagitan ng Toldang Tagpuan at ng altar niya inilagay ang plang¬gana at pinuno iyon ng tubig. 31 Doon naghu¬hugas ng kamay at paa si Moises, si Aaron at ang kanyang mga anak. 32 Naghuhugas sila tuwing papasok sa Toldang Tagpuan o lalapit kaya sa altar gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises. 33 Ina¬yos pa ni Moises ang patyo sa paligid ng Tira¬han at ng altar, at nilagyan niya ng kurtina ang pasukan ng patyo. Kaya na¬tapos ni Moises ang gawain.
Inari ni Yawe ang santuwaryo
• 34 At nilukuban ng Ulap ang Toldang Tag¬puan at pinuno ng Luwalhati ni Yawe ang Tira¬han. 35 Hindi makapasok si Moises sa Tol¬dang Tagpuan dahil sa Ulap na lumukob dito at sa Luwalhati ni Yaweng pumuspos sa Tirahan.
36 Pagtaas ng Ulap mula sa Tirahan, ipinag¬papa¬tuloy naman ng mga Israelita ang kanilang paglalakbay. 37 At kung hindi tumataas ang Ulap, maghihintay sila sa kanilang kampo at hindi lalabas hanggang pumaitaas ang Ulap. 38 Nilulukuban ng Ulap ang Tirahan pag araw, at sa gabi nama’y may apoy sa Ulap na nakikita ng buong sambayanan ng Israel. Ganito nga sa buo nilang paglalakbay.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-1130116806070204851.post-52116558072833047772008-09-03T11:12:00.000-07:002008-09-03T11:14:25.639-07:00Genesis1• 1 Nang simulang likhain ng Diyos ang langit at lupa, 2 ang lupa ay walang anyo at walang nabu¬buhay. Nababalot ng kadiliman ang kailaliman at aali-aligid ang espi¬ritu ng Diyos sa iba¬baw ng mga tubig.
3 Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwa¬nag,” at nagkaroon ng liwanag. 4 Minas¬dan ng Diyos ang liwanag – at iyon nga ay mabuti – at inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman. 5 Tinawag ng Diyos na “Araw” ang liwanag, at “Gabi” ang kadiliman. Gumabi at umu¬maga: ang Unang Araw.
6 Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng ma¬tibay na sahig sa pagitan ng mga tubig upang paghiwalayin ang mga tubig sa kapwa-tubig.” 7 Sa gayon, gina¬wa ng Diyos ang sahig na naghi¬hiwalay sa tubig na nasa silong nito at sa tubig na nasa ibabaw nito. At gayon nga ang nang¬yari. 8 Tinawag ng Diyos na “Langit” ang matibay na sahig. Guma¬bi at umu-maga: ang Ikalawang Araw.
9 Sinabi ng Diyos: “Magsama-sama ang mga tubig sa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang tuyong lupa.” At gayon nga ang nangyari.
10 Tinawag ng Diyos na “Lupa” ang dakong tuyo, at “Dagat” ang mga tubig na pinagsama-sama. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti.
11 Sinabi ng Diyos: “Magbinhi ang lupa ng mga damo at mga halamang nagbubunga ng buto, at mga puno sa lupa na namumunga ng mga prutas na may buto sa loob, ang bawat isa ayon sa sariling uri.” Gayon nga ang nang¬yari. 12 Nag-binhi ang lupa ng mga damo at mga halamang nagbubunga ng buto at mga punong namumunga ng mga prutas na may buto, ayon sa uri ng bawat isa. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti. 13 Gumabi at umu¬maga: ang Ikatlong Araw.
14 Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng mga ilaw sa sahig sa itaas upang ibukod ang araw sa gabi, at magsilbing mga palatandaan ng mga panahon, araw at taon. 15 At mag¬ning¬ning ang mga ito sa sahig sa itaas para tanglawan ang lupa.” At gayon nga ang nangyari.
16 Kaya dalawang malaking ilaw ang ginawa ng Diyos: ang mas malaking ilaw upang pamahalaan ang mag¬hapon, at ang maliit na ilaw para pama¬halaan ang magdamag. At ginawa rin ng Diyos ang mga bituin. 17 Inilagay ng Diyos ang mga iyon sa sahig sa itaas upang tanglawan ang lupa, 18 at pamahalaan ang mag¬hapon at magdamag, at ihiwalay ang li-wanag sa kadiliman. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti. 19 Gumabi at umumaga: ang Ikapat na Araw.
20 Sinabi ng Diyos: “Mapuno ng mga buhay na nilalang ang mga tubig at mag¬liparan ang mga ibon sa ibabaw ng lupa sa silong ng matibay na sahig.” 21 Nilikha ng Diyos ang mala-laking dam¬bu¬hala sa karagatan, at lahat ng nabu¬bu¬hay at lumalangoy sa mga tubig sa dagat, at lahat ng ibong lumilipad, ayon sa sariling uri ng bawat isa. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti. 22 Pinag¬pala ng Diyos ang mga ito at sinabi: “Lumago kayo at magpa¬rami, punuin ninyo ang tubig ng mga dagat, at magparami rin ang mga ibon sa ibabaw ng lupa.” 23 Gumabi at umu¬maga: ang Ikalimang Araw.
24 Sinabi ng Diyos: “Magsupling ang lupa ng mga buhay na hayop ayon sa sariling uri ng mga ito: mga maba¬bangis na hayop at iba pang mga hayop, at mga hayop na gumagapang sa lupa, ayon sa sariling uri ng bawat isa.” At gayon nga ang nangyari. 25 Nilikha ng Diyos ang iba’t ibang uri ng mga hayop: ang ma¬babangis na mga hayop, ang iba pang mga hayop, at lahat ng guma¬gapang sa lupa ayon sa sariling uri ng mga ito. Minasdan iyon ng Diyos – at iyon nga ay mabuti.
26 Sinabi ng Diyos: “Lalangin natin ang tao na ating larawan at kahawig. Sila ang makapangyari sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa lahat ng mababa¬ngis na hayop at sa iba pang mga hayop, at sa lahat ng guma¬gapang sa lupa.”
27 Kaya nilikha ng Diyos ang tao na kanyang larawan; larawan ng Diyos, siya ay kanyang nilikha; nilikha niya silang lalaki at babae.
28 Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: “Maging mabunga kayo at mag¬parami, punuin ninyo ang lupa at kayo ang ma-kapangyari rito. Kayo ang ma¬kapang¬yari sa mga isda sa dagat at mga ibon sa la¬ngit, sa bawat buhay na hayop na gu¬ma¬galaw sa lupa.”
29 Sinabi ng Diyos: “Ibinibigay ko sa inyo ang lahat ng halaman sa balat ng lupa na nagbubunga ng buto, at lahat ng punong namumunga ng mga prutas na may buto. Ang mga ito ang in¬yong pag¬kain. 30 At ibinibigay ko na¬man sa lahat ng mababangis na hayop, sa lahat ng ibon sa langit, sa lahat ng hayop na gumagapang sa lupa – sa lahat ng may hininga ng buhay – ang lahat ng luntiang halaman bilang pag¬kain nila.” At gayon nga ang nangyari. 31 Pinag¬masdan ng Diyos ang lahat ng kanyang ginawa, at tunay ngang na-pakabuti ng mga iyon. Gumabi at umu¬maga: ang Ikanim na Araw.

2 1 Sa gayon nilikha ang langit at lupa, at lahat ng nakakabit sa mga ito. 2 At sa Ikapitong Araw, natapos ng Diyos ang kanyang trabaho, at nagpa¬hinga sa araw na iyon sa lahat niyang gawain. 3 Pinagpala ng Diyos ang Ikapitong Araw at pinabanal iyon, sapagkat sa araw na iyon siya nagpa¬hinga sa lahat niyang gawain sa pag¬likha. 4 Ganito ni¬likha ang langit at lupa.
Pangalawang paglalahad ng paglikha
• Nang gawin ni Yawe-Diyos ang lupa at mga langit, 5 wala pang anumang palum¬pong ni halamang-ligaw na sumi¬sibol sapagkat hindi pa nagpapaulan sa lupa si Yawe-Diyos, at wala pang taong mag¬bubungkal ng lupa. 6 Ngunit may tubig na bumukal mula sa lupa at dinilig iyon.
7 Pagkatapos ay hinubog ni Yawe-Diyos ang Tao mula sa alabok ng lupa, at ini¬hinga sa ilong nito ang hininga ng buhay, at nabuhay ang Tao. 8 Nagtanim ang Di¬yos ng isang hardin sa Eden, sa silangan; at doon niya inilagay ang Taong kanyang hinubog. 9 Pinasibol ni Yawe-Diyos sa lupa ang lahat ng punong¬¬kahoy na maganda sa tingin at mabuting kainin. At inilagay niya sa gitna ng hardin ang Puno ng Bu¬hay at ang Puno ng Kaalaman tungkol sa Mabuti at Masama.
10 Umagos ang isang ilog mula sa Eden na dumilig sa hardin, at mula roo’y nagsanga ito sa apat. 11 Pison ang pa¬nga¬lan ng unang ilog. Umaagos ito sa buong lupain ng Evila na kina¬roroonan ng ginto, 12 ng lantay na ginto, mga mamahaling hiyas at mababa¬ngong dagta ng puno. 13 Gihon naman ang pangalan ng ikala¬wang ilog. Ito ang umaagos sa buong lu¬pain ng Kus. 14 Ang pangalan ng ikatlong ilog ay Tigris. Uma¬agos naman ito sa si¬la¬ngan ng Asi¬ria. At ang Eufrates ang ikapat na ilog.
15 Kinuha ni Yawe-Diyos ang Tao at inilagay sa hardin ng Eden upang bung¬kalin at alagaan iyon. 16 Pagkatapos ay inutusan ng Diyos ang Tao: “Kanin mo ang bunga ng lahat ng puno sa hardin, 17 ngunit huwag mong kakanin ang bunga ng Puno ng Kaa¬laman tungkol sa Mabuti at Masama, sapagkat sa oras na kanin mo ang bunga niyon ay tiyak na mamamatay ka.”
18 Sinabi ni Yawe-Diyos: “Hindi ma¬buti na mag-isa ang Tao; igagawa ko siya ng katulong na tulad niya.”
19 Kaya hinubog ni Yawe-Diyos mula sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at lahat ng ibon sa langit, at iniharap sa Tao ang mga iyon upang ito ang mag¬pangalan sa kanila. At anuman ang ita¬wag ng Tao ay iyon ang naging panga¬lan ng mga ito.
20 Kaya pinangalanan ng Tao ang lahat ng hayop, ang mga ibon sa langit, at mga mababangis na hayop. Ngunit ang Tao’y walang natagpuang katulong na katulad niya sa mga iyon. 21 Kaya pinatulog nang mahimbing ni Yawe-Diyos ang Tao. Kinuha niya ang isa sa mga tadyang nito, at saka tinapalan ng laman ang pinag¬kunan niyon. 22 Mula sa tadyang na ki¬nuha sa Tao, hinubog ni Yawe-Diyos ang isang babae, at ini¬harap ito sa Tao.
23 Pagkatapos ay sinabi ng Tao: “Ito ngayon ang buto ng aking buto, at laman ng aking laman; at tatawagin siyang Babae: oo, galing nga siya sa Lalaki.”
24 Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kan¬yang ama at ina, at pipisan sa kanyang maybahay, at sila’y magiging isang la-man.
25 Hubad kapwa ang lalaki at ang kan¬yang asawa ngunit hindi sila nahi¬hiya.
Ang tukso at ang pagkakasala
3 • 1 Pinakatuso ang ahas sa lahat ng mababangis na hayop na ginawa ni Yawe-Diyos. Sinabi nito sa babae: “Sinabi ba talaga ng Diyos – Hindi kayo dapat kumain ng bunga ng alinmang puno sa hardin?” 2 Sinabi ng babae sa ahas: “Ma-kakain namin ang mga bunga ng mga puno sa hardin, 3 ngunit para sa bunga ng punong nasa gitna ng hardin sinabi ng Diyos – Huwag ninyong kakanin iyon ni hipuin man lang, kung hindi’y mama¬matay kayo.”
4 Sinabi ng ahas sa babae: “Hindi kayo mamamatay, 5 ngunit alam ng Diyos na sa oras na kainin ninyo iyon, mamumulat ang inyong mga mata at matutulad kayo sa mga diyos na alam ang mabuti at ma¬sama.”
6 Sa tingin ng babae ay katakam-takam ang bunga ng puno at masarap kainin – at tunay na magandang pa¬raan upang magtamo ng kaalaman. Kaya pumitas siya ng mga bunga niyon at kumain, at inabutan niya ka¬agad ang kanyang asawa na kasama niya. At kumain din iyon.
7 Namulat sila kapwa at nalaman nilang sila ay hubad. Kaya pinagtagni-tagni nila ang mga dahon ng igos at ginawa nilang tapi.
8 Narinig nila ang yabag ni Yawe-Diyos na namamasyal sa hardin sa ma¬lamig na hangin ng hapon. At nagtago sa likod ng mga puno sa hardin ang lalaki at ang babaeng asawa nito upang hindi sila makita ni Yawe-Diyos. 9 Tinawag ng Diyos ang lalaki, at sinabi: “Nasaan ka?” 10 Sumagot siya: “Na¬ri¬nig ko ang iyong tinig sa hardin at natakot ako dahil ako’y hubad, kaya ako nag¬tago.” 11 Sinabi ng Diyos: “Sino ang nag¬sabi sa iyong hubad ka? Ku¬main ka ba ng bunga ng puno na iniutos kong huwag ninyong kanin?” 12 Sumagot ang lalaki: “Ang babaeng isinama mo sa akin – siya ang nag-abot sa akin ng bu¬nga mula sa puno, kaya kumain ako.”
13 Sinabi ng Diyos sa babae: “Ano ang ginawa mo?” Sumagot ang babae: “Ni¬linlang ako ng ahas, kaya ako kuma¬in.”
Ang hatol ng Diyos
• 14 Sinabi ni Yawe-Diyos sa ahas:
“Dahil sa ginawa mong ito, ikaw ang susumpain sa lahat ng maba¬bangis na hayop at iba pang mga hayop! Gaga¬pang ka at kakain ng alikabok sa lahat ng araw ng iyong buhay!
15 Pagkakagalitin ko kayo, ikaw at ang babae, ang iyong supling at ang kan¬yang supling – dudurugin nito ang ulo mo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
16 Sinabi naman niya sa babae:
“Daragdagan ko ang iyong paghi¬hirap sa pagdadalantao, at manganganak ka sa sakit. Kakailanganin mo ang iyong asa¬wa, at siya ang makapangya¬yari sa iyo.”
17 Sa lalaki ay sinabi niya:
“Dahil nakinig ka sa babaeng asawa mo, at kinain mo ang bunga ng puno na ipinagbawal ko sa iyong kanin, sumpain ang lupa dahil sa iyo! Pag¬hihirapan mo ang iyong kakanin sa buong buhay mo. 18 Sa paghahanap mo ng gulay sa pa¬rang, mga tinik at dawag ang isisibol ng lupa para sa iyo. 19 Sa pawis ng noo mo mang¬gagaling ang tinapay na iyong ka¬¬kanin hang¬gang magbalik ka sa pu¬tik yamang doon ka kinuha, sapagkat ikaw ay ala¬bok at sa alabok ka babalik.”
20 Pinangalanang “Eva” ng lalaki ang babaeng asawa niya, sapagkat siya ang ina ng lahat ng nabubuhay. 21 Gu¬mawa si Yawe-Diyos ng mga damit na katad para sa lalaki at sa babaeng asa¬wa nito, at di¬na¬mitan niya sila. 22 At sinabi ni Yawe-Diyos: “Naging tulad na ng isa sa atin ang Tao, na marunong ku¬m¬i¬lala sa mabuti at sa masama. Hindi niya dapat abutin at pitasin pati ang bunga ng Puno ng Buhay, at kainin iyon at mabuhay habang pana¬hon.”
23 Kaya pinalayas siya ni Yawe-Diyos sa hardin ng Eden upang maglinang sa lu¬pang pinagmulan niya. 24 At nang ma¬pa-layas na ang Tao, naglagay ang Diyos ng mga kerubin at ng isang sumisik¬lab na tabak na nag-aapoy sa silangan ng hardin ng Eden upang bantayan ang daang patungo sa Puno ng Buhay.
Cain at Abel
4 • 1 Nakipagtalik ang Tao sa kanyang asawang si Eva; naglihi si Eva at ipina¬nganak niya si Cain – sapagkat si-nabi niyang “Nagkamit ako ng isang lala¬ki sa tulong ni Yawe.”
2 Pagkatapos, isinilang niya si Abel na kapatid ni Cain. Isang pastol ng mga tupa si Abel, at magsasaka naman si Cain.
3 Pagkaraan ng ilang panahon, nag¬handog si Cain kay Yawe ng mga ani ng lupa. 4 At naghandog din si Abel: inialay niya ang mga unang anak ng kanyang kawan at sinunog ang mga taba niyon.
Nasiyahan si Yawe kay Abel at sa handog nito, 5 pero hindi siya nasi¬yahan kay Cain at sa handog nito. Ikinagalit na lubha ito ni Cain at siya’y nalungkot. 6 At sinabi ni Yawe kay Cain: “Bakit ka galit at malungkot? 7 Kung gagawa ka ng mabuti, ika’y mama¬butihin. Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, nag-aabang sa pin¬tuan ang kasalanan. Han¬da siyang sugu¬rin ka, ngunit ikaw ang dapat maka¬pang¬yari sa kanya.”
8 Sinabi ni Cain sa kanyang kapatid na si Abel: “Lumabas tayo sa bukid.” Nang naroon na sila, sinugod ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel at pinatay.
9 Sinabi ni Yawe kay Cain: “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” Sumagot siya: “Hindi ko alam. Ako ba ang taga¬pag-alaga ng aking kapatid?”
10 Sinabi ni Yawe: “Ano ang ginawa mo? Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid. 11 Kaya sum¬pain ka at lumayas ka sa lupang ito na bumuka upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid na pinadanak ng iyong kamay. 12 Bungkalin mo man ang lupa, hindi na ito magbubunga pa para sa iyo. Magiging lagalag ka na lumala¬boy sa balat ng lupa.”
13 Sinabi ni Cain kay Yawe: “Hindi ko kaya ang parusa sa akin! 14 Pinalalayas mo ako ngayon sa lupang ito, matatago ako sa iyong harapan. Magiging pala¬boy ako at maglalagalag sa balat ng lupa, at papatayin ako ng sinumang makakita sa akin.” 15 Sinabi ni Yawe sa kanya: “Kung gayon, kapag may pu¬ma¬tay kay Cain, makapitong beses na ipag¬hihiganti si Cain.” At tinatakan ni Yawe si Cain upang hindi siya patayin ng sinumang maka¬kita sa kanya.
16 Lumayo si Cain mula sa harap ni Yawe, at nanirahan sa lupain ng Nod sa silangan ng Eden.
Ang mga anak nina Cain at Set
• 17 Nakipagtalik si Cain sa kanyang asawa; naglihi iyon at ipinanganak si Enoc. Nagtatayo noon si Cain ng isang siyudad kaya tinawag niya iyong Enoc mula sa pangalan ng kanyang anak. 18 Nagkaanak naman ng lalaki si Enoc, si Irad. Si Irad ang naging ama ni Mavael, at si Mavael ang ama ni Metusael, at si Metusael ang ama ni Lamec.
19 Nagkaroon ng dalawang asawa si Lamec, sina Ada at Sella. 20 Isinilang ni Ada si Yabel na naging ama ng mga naninirahan sa mga tolda at nag-aalaga ng mga kawan. 21 Kapatid niya si Yubal: siya naman ang naging ama ng lahat ng tumutugtog ng lira at plauta.
22 Nagkaanak din si Sella – si Tubal-Cain na siyang panday ng lahat ng kasangkapang tanso at bakal. Kapatid na babae ni Tubal-Cain si Noema.
23 Sinabi ni Lamec sa kanyang dala¬wang asawa:
“Ada at Sella, pakinggan ninyo ako,
mga asawa ni Lamec, dinggin ang aking mga salita:
sinugatan ako ng isang lalaki at pinatay ko siya,
at sinuntok ako ng isang kabataang lalaki at pinatay ko rin siya.
24 Kung pitong ulit ngang ipaghihiganti si Cain,
si Lamec nama’y pitumpu’t pitong beses.”
25 Muling nakipagtalik si Adan sa kan¬yang asawa at nagsilang ito ng isang lalaki, at pina¬ngalanang Set, sapagkat sinabi niya Binigyan ako ng Diyos ng lalaking kahalili ni Abel na pinatay ni Cain.”
26 Nagkaroon din ng anak na lalaki si Set na pinangalanan niyang Enos: siya ang unang tumawag kay Yawe sa ngalan niya.
Ang lahi ni Adan
5 1 Ito ang salaysay ng lahi ni Adan. Nang likhain ng Diyos si Adan, ginawa niya siyang kahawig ng Diyos. 2 Nilikha niya silang lalaki at babae, pinagpala at tinawag na Adan (na ibig sabihi’y Tao).
3 Isandaa’t tatlumpung taong gulang si Adan nang maging ama ng isang anak na lalaki na kahawig niya, na kanyang larawan. Pinanga¬lanan niya itong Set. 4 Pag¬ka¬panganak kay Set, nabuhay pa si Adan nang walundaang taon at nag¬karoon ng marami pang anak na lalaki at babae. 5 Sa kabuuan ay nabuhay si Adan nang siyamnaraa’t tatlumpung taon. At namatay siya.
6 Isandaa’t limang taong gulang si Set nang maging ama ni Enos. 7 Pagkasilang kay Enos, nabuhay si Set nang walun¬daa’t pitong taon. Nagkaroon din siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
8 Sa kabuuan, nabuhay si Set nang siyam¬naraa’t labindalawang taon. At namatay siya.
9 Siyamnapung taong gulang si Enos nang maging ama ni Cainan. 10 Pagka-panganak kay Cainan, nabuhay si Enos nang walundaa’t labin¬¬limang taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 11Sa kabuuan, na¬bu¬hay si Enos nang siyamnaraa’t limang taon. At namatay siya.
12 Pitumpung taong gulang si Cainan nang maging ama ni Malael. 13 Pagkapa¬nganak kay Malael, nabuhay si Cainan nang walundaa’t apatnapung taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 14 Sa kabuuan, nabuhay si Cainan nang siyamnaraa’t sampung taon. At namatay siya.
15 Animnapu’t limang taong gulang si Malael nang maging ama ni Yared. 16 Pagkapa¬nganak kay Yared, nabuhay si Malael nang walundaa’t tatlumpung taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 17 Sa kabuuan, na¬buhay si Malael nang walundaa’t siyam¬napu’t limang taon. At namatay siya.
18 Isandaa’t animnapu’t dalawang taon si Yared nang maging ama ni Enoc. 19 Pagka¬panganak kay Enoc, nabuhay si Yared nang walundaang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 20 Sa kabuuan, nabuhay si Yared nang siyamnaraa’t anim¬napu’t dalawang taon. At namatay siya.
21 Animnapu’t limang taon si Enoc nang maging ama ni Matusalem. 22 Pagkapa¬nganak kay Matusalem, lumakad si Enoc na kasama ang Diyos sa loob ng tatlundaang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 23 Sa kabuuan, nabuhay si Enoc nang tatlundaa’t animnapu’t limang taon. 24 Na¬buhay si Enoc sa piling ng Diyos, at wala na siya rito sapagkat kinuha siya ng Diyos.

• 25 Isandaa’t walumpu’t pitong taon si Matusalem nang maging ama ni Lamec. 26 Pagka¬panganak kay Lamec, nabuhay si Matusalem nang pitundaa’t walumpu’t dalawang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
27 Sa kabuuan, nabuhay si Matusalem nang siyamnaraa’t animnapu’t siyam na taon. At namatay siya. 28 Isandaa’t walum¬pu’t dalawang taon si Lamec nang maging ama ng isang anak na lalaki, 29 at pina¬ngalanan itong Noe, at sinabi niyang “Aaliwin niya tayo sa mabigat at mahirap na pagpapagal ng ating mga kamay dahil isinumpa ni Yawe ang lupa.” 30 Pagka¬panganak kay Noe, nabuhay si Lamec nang limandaa’t siyamnapu’t limang taon, at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae. 31 Sa kabuuan, nabuhay si Lamec nang pitun¬daa’t pitumpu’t pitong taon. At namatay siya.
32 Limandaang taon si Noe nang maging ama siya nina Sem, Kam, at Yafet.
Mga anak ng Diyos at mga anak ng tao
6 • 1 Nang magsimulang dumami ang tao sa lupa at nagkaroon sila ng mga anak na babae, 2 napansin ng mga anak na lalaki ng Diyos na magaganda ang mga anak na babae ng tao. At kinuha nila bilang asawa ang sinu¬mang mapusuan nila. 3 Sinabi ni Yawe: “Hindi habang panahong mananatili ang aking espi¬ritu sa tao sapagkat siya nga¬yo’y laman na lamang. Hanggang isandaa’t dala¬wam¬pung taon lamang aabot ang kanyang buhay.” 4 May mga higante sa lupa nang panahong iyon at maging pag¬ka¬raan noon, nang makipisan ang mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng tao at nag¬ka¬anak sa mga ito. Sila ang mga bayani ng nag¬daang panahon, ang mga tanyag na tao.
Ang baha
• 5 Nakita ni Yawe na labis na ang kala¬pas¬tanganan ng mga tao sa lupa at wala nang laman ang puso kundi kasamaan sa lahat ng araw. 6 Pinagsisihan ni Yawe kung bakit nilikha pa niya ang tao sa daigdig at nasaktan ang kanyang kalooban. 7 At sinabi niya: “Lilipulin ko sa balat ng lupa ang taong nilikha ko, mula sa tao hang¬gang sa mga hayop, sa mga gumagapang sa lupa at sa mga ibon sa langit. Pinag¬si¬sisihan ko ang pagkalalang sa kanila.”
8 Ngunit kasiya-siya si Noe sa mata ni Yawe.
9 Ito ang kasaysayan ni Noe. Sa kanyang kapanahunan, matuwid si Noe, at walang kapintasan – at kapiling niya ang Diyos. 10 May tatlong anak na lalaki si Noe: sina Sem, Kam at Yafet.
11 Labis na ang sama ng daigdig sa paningin ng Diyos at laganap ang kara¬hasan. 12 Nakita ng Diyos ang kasamaan ng daigdig dahil nagpaka¬sama-sama na ang mga tao sa lupa. 13 Sinabi ng Diyos kay Noe: “Naipasya ko nang lipulin ang lahat ng tao sapagkat napuno ng karahasan ang lupa dahil sa kanila. Kaya papawiin ko sila pati na ang lupa.
14 At ikaw, gumawa ka ng daong na yari sa kahoy na sipres. Gumawa ka ng mga silid sa daong at pintahan ng alkitran ang loob at labas. 15 Ganito ang iyong gagawin: apatnaraa’t limampung talampakan ang haba ng daong, pitumpu’t limang talam¬pakan naman ang lapad, at apat¬napu’t limang talampakan ang taas. 16 Bubungan mo iyon at mag-iwan ka ng labingwalong pulgadang pagitan mula sa daong. Lagyan mo ng pinto sa tabi at gumawa ka ng tatlong palapag.
17 Pababahain ko ang tubig sa lupa para lipulin ang lahat ng humihinga at nabu¬buhay sa silong ng langit. Mamamatay ang lahat sa balat ng lupa. 18 Ngunit sa iyo pagtitibayin ang aking pakikipagtipan. Ikaw at ang iyong mga anak kasama ang iyong asawa at ang kani-kanilang mga asawa ay papasok sa daong. 19 At papasok na kasama mo sa daong ang dalawa ng bawat buhay na nilalang, tig-isang lalaki at babae, at panatilihin silang buhay kasama mo. 20 Mula sa bawat uri ng mga ibon at mga hayop at mga gumagapang sa lupa, tig-iisang pares ng mga ito ang kasama mong papasok sa daong, at panatilihing buhay na kasama mo. 21 Kumuha ka ng lahat ng uri ng pagkain at iimbak ang mga ito para sa iyo at sa kanila.” 22 At ginawa nga ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos.

7 1 Sinabi ni Yawe kay Noe: “Puma¬¬sok ka sa daong, ikaw at ang iyong pamilya, sapagkat ikaw lamang ang nakita kong matuwid sa salin¬lahing ito. 2 Magsama ka ng pitong pares mula sa bawat uri ng malilinis na hayop, tig-isang lalaki at babae, at tigdadalawa mula sa bawat uri ng di-malilinis na hayop, tig-isang barako at inahin. 3 Ga¬yun¬din sa mga ibon sa langit, tigpipitong pares mula sa bawat uri upang magkaroon ng bagong buhay sa daig¬dig. 4 Sapagkat sa loob ng pitong araw, apatnapung araw at apat¬napung gabi kong pabubuhusin ang ulan sa lupa. Papawiin ko sa balat ng lupa ang lahat ng maybuhay na nilikha ko.”
5 At ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yawe. 6 Anim¬naraang taon si Noe nang dumating ang Malaking Baha sa lupa.
7 Kaya pumasok si Noe sa daong, ka¬sama ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa, ang asa-asawa ng kan¬yang mga anak upang maligtas sa tubig ng baha.
8 Pumunta naman kay Noe ang ma¬lilinis na hayop pati ang di-malilinis, ang mga ibon at lahat ng gumagapang sa lupa; 9 pares-pares silang pumasok sa daong, lalaki at babae, gaya ng ini¬utos ng Diyos kay Noe. 10 At pag¬karaan ng pitong araw, nakalubog na ang lupa sa baha.
11 Sa ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan sa ikaanimnaraang taon ng buhay ni Noe, bumulwak ang lahat ng bukal sa kailalim-ilaliman at nabuksan ang mga bintana ng langit. 12 At apatnapung araw at apat¬napung gabing bumuhos ang ulan sa lupa. 13 Nang araw ding iyon, pumasok sa daong si Noe, kasama ang kanyang mga anak na lalaking sina Sem, Kam at Yafet, ang kan¬yang asawa at mga manugang. 14 Kasama rin nilang pumasok sa daong ang lahat ng uri ng mababangis na hayop, lahat ng iba pang hayop, ng mga guma¬gapang sa lupa at lahat ng uri ng mga ibon, at lahat ng kulisap na may pakpak. 15 Pares-pares na sumama kay Noe sa loob ng daong ang lahat ng may hininga at maybuhay. 16 At suma¬ma ang mga ito, lalaki at babae mula sa bawat uri, ayon sa iniutos ng Diyos.
Pagkatapos ay isinara ni Yawe ang pinto sa likod ni Noe. 17 Apatnapung araw na bumaha sa lupa. Tumaas ang tubig at itinaas nito ang daong sa iba¬baw ng lupa.
18 Patuloy na tumaas ang tubig sa lupa at lumutang ang daong sa ibabaw ng tubig. 19 Tu¬ma¬as pa nang tumaas ang tubig at lumubog ang lahat ng matataas na bundok sa buong silong ng langit. 20 Tumaas ang tubig at inilubog ang mga bundok sa lalim na higit sa dalawampung talampakan. 21 Nama¬tay ang lahat ng may¬buhay na gumagalaw sa lupa: mga ibon, mga mababangis na hayop at iba pang mga hayop, lahat ng gumagala sa lupa, at lahat ng Tao.
22 Namatay ang lahat ng mayhininga sa ibabaw ng lupa. 23 Nalipol ang lahat ng na¬bubuhay sa balat ng lupa – tao at hayop, mga gumagapang sa lupa, at mga ibon sa langit – ang lahat ay napawi sa balat ng lupa. Si Noe lamang at lahat ng kasama niya sa daong ang natira. 24 Isandaa’t limampung araw na bumaha ang tubig sa lupa.

8 1 Nag-alala ang Diyos kay Noe at sa lahat ng mababangis na hayop at iba pang mga hayop na kasama niya sa daong. Kaya pinaihip niya ang hangin ibabaw ng lupa at humupa ang lahat ng tubig.
2 At sinarhan niya ang mga bukal mula sa kailalim-ilaliman at ang mga bintana ng baha sa langit, at tumila ang ulan.
3 Humupa nang humupa ang tubig sa lupa at tuluyang bumaba makaraan ang isandaa’t limam¬pung araw. 4 Sa ikalabimpitong araw sa ikapitong taon, sumadsad ang daong sa kabundukan ng Ararat. 5 Patuloy na humupa ang tubig hanggang sa ikasampung buwan. Sa unang araw ng ikasampung buwan, lumitaw na ang tuktok ng mga bundok.
6 Pagkalipas ng apatnapung araw, bi¬nuksan ni Noe ang bintanang inilagay niya sa daong 7 at pinawalan ang isang uwak. Lumipad ito at lumigid-ligid hang¬gang matuyo ang tubig sa lupa. 8 Pagka¬tapos ay pina¬lipad ni Noe ang kalapati upang ting¬nan kung humupa na nga ang mga tubig sa lupa.
9 Ngunit walang makitang madada¬puan ang kalapati dahil nakalubog pa ang lupa sa tubig, kaya nagbalik ito kay Noe sa daong. Iniunat ni Noe ang kanyang kamay, hinuli ang kalapati at ibinalik sa daong. 10 Nagpalipas siya ng ilan pang araw bago muling pinalabas sa daong ang kalapati. 11 Sa pagkaka¬taong ito, bumalik sa kanya kinagabihan ang kalapati at may nakaipit na isang sariwang sanga ng olibo sa tuka!
Kaya nalaman ni Noe na tuyo na ang lupa. 12 Pinalipas niya ang pitong araw pa at saka pinawalan uli ang kalapati, ngunit hindi na iyon bumalik sa kanya. Inalis na ni Noe ang takip ng daong at tumanaw sa labas, at nakita niyang tuyo na ang lupa. 13 Sa unang araw ng unang buwan ng ikaanim¬naraa’t isang taon ni Noe, natuyo na ang tubig sa lupa.
14 Sa ikadalawampu’t pitong araw ng ikalawang buwan, tuyung-tuyo na ang lupa. 15 At sinabi ng Diyos kay Noe: 16 “Lumabas ka na sa daong, ikaw at ang iyong asawa, ang iyong mga anak at ang kani-kanilang asawa. 17 Palabasin mo rin ang lahat ng maybuhay na kasama mo – lahat ng uri ng hayop: mga ibon at mga hayop at lahat ng gumagapang sa lupa – upang sila’y dumami sa lupa, maging mabunga at kumalat.” 18 At lumabas si Noe kasama ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa at ang kanyang mga manugang. 19 Lahat ng hayop, lahat ng ibon at lahat ng gumagapang sa lupa – ang lahat ng gumagalaw sa lupa – bawat uri ng mga ito’y sunud-sunod na luma¬bas sa daong.
• 20 Gumawa si Noe ng altar kay Yawe, at kumuha ng ilan sa lahat ng malinis na hayop at sa lahat ng malinis na ibon, at inialay bilang mga sinunog na handog sa altar. 21 Nalanghap ni Yawe ang masarap na amoy at sinabi niya sa kanyang kalooban: “Kailan¬ma’y di ko na muling isu¬sumpa ang lupa dahil sa tao dahil alam kong sapul pagkabata’y nag-iisip na siya ng masama. Kailan¬ma’y di ko na lilipulin pa ang lahat ng nabubuhay na nilalang gaya ng ginawa ko.
22 Hanggang ang daigdig ay daigdig:
paghahasik at pag-aani,
taglamig at tag-init,
tag-araw at tag-ulan,
ang araw at ang gabi
ay di mapapatid.”
Ang bagong kaayusan ng daigdig
9 • 1 Pinagpala ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak at sinabi sa mga ito: “Maging mabunga kayo, magparami at punuin ang daigdig. 2 Matatakot sa inyo ang lahat ng hayop sa lupa at lahat ng ibon sa langit, lahat ng gumagapang sa lupa at lahat ng isda sa dagat. Ibibigay ko sa inyo ang mga hayop sa lupa at ang mga isda sa dagat. 3 Magiging pagkain ninyo ang lahat ng guma¬galaw at nabubuhay; kung paano kong ibinigay sa inyo ang mga luntiang halaman, ibini¬bigay ko naman sa inyo ngayon ang lahat-lahat. 4 Huwag lamang nin¬yong kainin ang karne kasama ang buhay nito na nasa dugo.
5 Isasaalang-alang ko ang buhay ninyo at sisi¬ngilin ko ang alinmang hayop at sinumang tao para sa inyong dugo. Papatayin ang sinu¬mang papatay sa inyo, maging tao o hayop. Sisingilin ko mula sa sinumang tao ang buhay ng kanyang kapwa.
6 Sinumang magpadanak sa dugo ng tao, padadanakin din ng tao ang kanyang dugo; pagkat sa larawan ng Diyos nilikha ang tao.
7 Maging mabunga kayo at magparami, at kumalat sa daigdig, at makapangyari rito.”
8 Nagsalita ang Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak: 9 “Pinagtitibay ko nga ang aking pa¬kikipagtipan sa inyo at sa inyong mga ina¬pong kasunod ninyo 10 at sa bawat buhay na nilalang na kasama ninyo: sa mga ibon, sa mababangis na hayop at sa iba pang mga hayop at sa lahat ng kasama ninyong lumabas mula sa daong. 11 Nakikipagtipan ako sa inyo: kailanma’y hindi na lilipulin ng tubig ng baha ang buhay at hindi na magkakaroong muli ng baha na wawasak sa daigdig.”
12 Sinabi ng Diyos: “Ito ang palatandaan ng pakikipagtipan ko sa inyo at sa lahat ng buhay na hayop na kasama ninyo at sa lahat ng darating na salinlahi. 13 Isasaisantabi ko sa mga ulap ang aking pana bilang palatandaan ng aking pakikipagtipan sa buong sang¬kalupaan. 14 Kapag pinalitaw ko sa mga ulap sa ibabaw ng lupa ang bahaghari, 15 aala¬lahanin ko ang aking tipan sa inyo at sa lahat ng hayop upang hindi na gunawin ng tubig-baha ang lahat ng buhay. 16 Kapag may bahaghari sa ulap, titingnan ko iyon at aala¬lahanin ang walang hang¬gang tipanan ng Diyos at ng lahat ng uri ng buhay na nilalang na nasa ibabaw ng lupa.” 17 Sinabi ng Diyos kay Noe: “Ito ang palatandaan ng aking pakikipagtipan sa lahat ng maybuhay sa ibabaw ng lupa.”
Si Noe at ang kanyang mga anak
• 18 Sina Sem, Kam at Yafet ang mga anak na lalaki ni Noe na lumabas sa daong. Si Kam ang ninuno ni Kanaan. 19 Sila ang tatlong anak na lalaki ni Noe at sila ang pinagmulan ng lahat ng tao sa buong daigdig.
20 Sinimulan ni Noeng magsasaka ang pagta¬tanim ng ubasan. 21 Uminom siya ng alak at nalasing at nakatulog nang hubo’t hubad sa loob ng kanyang tolda. 22 Nang makita ni Kam na ninuno ni Kanaan na hubo’t hubad ang kanyang ama, ibinalita niya iyon sa dalawa niyang ka¬patid na nasa labas.
23 Ngunit kumuha sina Sem at Yafet ng kapa at ibinalabal sa balikat nilang dalawa, patalikod na pumasok at tinakpan ang hubo’t hubad na katawan ng kanilang ama. Humarap sila sa kabila upang hindi nila makita ang pagiging hubo’t hubad ng kani¬lang ama. 24 Nang mahi¬masmasan si Noe mula sa kanyang kalasi¬ngan, nalaman niya ang ginawa sa kanya ng kanyang bunsong anak. 25 At sinabi niya: “Sum¬pain ka, Kanaan, maging alipin siya ng mga alipin ng kanyang mga kapatid!” 26 At ipinag¬patuloy niya: “Purihin si Yaweng Diyos ni Sem. Maging alipin niya si Kanaan! 27 Pala¬wakin naman ng Diyos ang ari-arian ni Yafet, at tumira ang kanyang lahi sa mga tolda ni Sem! At maging alipin nila si Kanaan!”
28 Nabuhay si Noe nang tatlundaa’t li¬mam¬¬¬pung taon pagkatapos ng baha. 29 Sa kabuuan, nabuhay si Noe nang si¬yam¬naraa’t limampung taon. At namatay siya.
Ang talaan ng mga bansa
10 • 1 Ito ang naging lahi nina Sem, Kam at Yafet na mga anak ni Noe. Ito ang kani-kanilang naging mga anak pagkatapos ng baha:
2 Ang mga anak na lalaki ni Yafet: Gomer, Magog, Madai, Yavan, Tubal, Mosoc at Tiras.
3 Ang mga anak na lalaki ni Gomer: Askenez, Rifat at Togorma.
4 Ang mga anak na lalaki ni Yavan: Elisa, Tarsis, Kittim at Dodanim.
5 Kumalat sila’t dumami sa mga pulo ng mga bansa at sa iba’t ibang rehiyon, bawat isa ayon sa sariling wika, angkan at bansa.
6 Ang mga anak na lalaki ni Kam: Kus, Misraim, Put, Kanaan.
7 Ang mga anak na lalaki ni Kus: Saba, Evila, Sabata, Regma, Sabataca. Ang mga anak na lalaki ni Regma: Saba, Dedan.
8 Si Kus ang ama ni Nimrod na naging unang makapangyarihang pinuno sa daigdig. 9 Napa¬kahusay niyang mangangaso sa paningin ni Yawe, at dito nagmula ang kasabihang “Ma¬husay na mangangasong tulad ni Nimrod sa paningin ni Yawe.” 10 Nagsimula ang kanyang kaharian sa Babilonia, at sa Arac, Akad at Calane na pawang mga siyudad sa Senaar. 11 Mula sa bansang iyon, nagpunta siya sa Asur at itinayo niya roon ang Ninive, Rejobot-Ir, Calaj 12 at Rese na nasa pagitan ng Ninive at Calaj (ang Malaking Siyu-dad). 13 Si Misraim naman ang ama ng mga taga-Lud, Anam, Lehab, Naftu, 14 Patros, Casluj at Caftor na pinag¬¬mulan naman ng mga Pilisteo.
15 Si Kanaan ang ama ni Sidon, ang panga¬nay, at ng mga Heteo, 16 Yebuseo, Amorreo, Ger¬geseo, 17 Heveo, Araceo, Sineo, 18 Aradio, Sa¬ma¬reo, Amateo. At kumalat ang mga lipi ng mga Kananeo. 19 At umabot ang hang-ganan ng Kanaan mula Sidon hanggang Gaza papuntang Gerar, at patungong Sodom, Gomorra, Adma at Seboim hanggang Lesa. 20 Ito ang mga anak na lalaki ni Kam ayon sa kanilang lipi at wika sa kanilang mga lupain at bansa.
21 Nagkaroon din ng mga anak si Sem na kuya ni Yafet at ninuno ng lahat ng anak ni Heber at ng mga Hebreo.
22 Ang mga anak na lalaki ni Sem: Elam, Asur, Arfaxad, Lud at Aram.
23 Ang mga anak na lalaki ni Aram: Uz, Yul, Gueter at Mas.
24 Si Arfaxad ang ama ni Selaj, at si Selaj ang ama ni Heber. 25 Nagkaroon ng dalawang anak na lalaki si Heber: pinangalanang Peleg ang una sapagkat sa kanyang kapanahunan pinag¬parte-parte ang lupa, at pinangalanan namang Yectan ang kanyang kapatid.
26 Si Yectan ang ama nina Elmodad, Salef, Asarmot, Yare, 27 Aduram, Uzal, Decla, 28 Ebal, Abimael, Saba, 29 Ofir, Evila at Hobob. Mga anak silang lahat ni Yectan. 30 Saklaw nila ang lupaing mula sa Mesa hanggang Sefar, ang kabundukan sa silangan.
31 Ito ang mga lipi at mga wika ng mga anak na lalaki ni Sem sa kanilang mga lupain at mga bansa.
32 Ito ang mga lahi ng mga angkan ng mga anak na lalaki ni Noe. Sa mga ito nagsimula ang pagkalat ng mga bansa sa daigdig, pagka¬tapos ng baha.
Ang tore ng Babel
11 • 1 Ang buong daigdig ay may isang wika at isang paraan ng pag¬sa¬sa¬lita. 2 Galing sa silangan ang mga tao at nakatagpo sila ng isang ka¬pa¬¬¬tagan sa lupain ng Sinear at doon nanirahan.
3 At sinabi nila sa isa’t isa: “Gumawa tayo ng mga tisa at lutuin sa apoy.” Tisa ang ginagamit nilang pinakabato at alki¬tran naman ang semento. 4 Si¬nabi rin nila: “Halikayo, magtayo tayo ng isang siyu¬dad para sa atin, at ng isang toreng abot hanggang langit ang tuktok upang tu-man¬yag tayo at hindi kakalat-kalat sa balat ng lupa!”
5 Bumaba si Yawe upang tingnan ang siyudad at ang toreng itinatayo ng mga tao. 6 At sinabi ni Yawe: “Iisang bayan lamang silang may iisang wika. Simula lamang ito, at ngayo’y naga¬gawa nila ang anumang planuhin nila. 7 Halikayo, ma¬naog tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila mag¬kaunawaan.”
8 Kaya ikinalat sila ni Yawe sa daigdig at itinigil nila ang pagtatayo sa siyudad. 9 Ito ang dahilan kung bakit tinawag iyong Babel sapagkat doon nabulol ang mga tao dahil kay Yawe at ikinalat niya ang mga tao sa buong daigdig.
10 Ito ang mga lipi ni Sem:
Isandaang taon si Sem nang maging ama siya ni Arfaxad, dalawang taon matapos ang baha. 11 Pagkapanganak kay Arfaxad, nabu¬hay si Sem nang limandaang taon at nagka¬roon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
12 Tatlumpu’t limang taon si Arfaxad nang maging ama siya ni Shela. 13 Pagka¬panganak kay Shela, nabuhay si Arfaxad nang apatna¬raa’t tatlong taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
14 Tatlumpu’t tatlong taon si Shela nang maging ama siya ni Heber. 15 Pagka¬panganak kay Heber, nabuhay si Shela nang apatnaraa’t tatlong taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
16 Tatlumpu’t apat na taon si Heber nang maging ama siya ni Peleg. 17 Pagka¬panganak kay Peleg, nabuhay si Heber nang apat¬naraa’t tatlumpung taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
18 Tatlumpung taon si Peleg nang maging ama siya ni Reu. 19 Pagkapanganak kay Reu, nabuhay si Peleg nang dalawandaa’t siyam na taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
20 Tatlumpu’t dalawang taon si Reu nang maging ama siya ni Serug. 21 Pagka¬panganak kay Serug, nabuhay si Reu nang dalawan¬daa’t pitong taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
22 Tatlumpung taong gulang si Serug nang maging ama siya ni Nahor. 23 Pagka¬panganak kay Nahor, nabuhay si Serug nang dalawandaang taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
24 Dalawampu’t siyam na taon si Nahor nang maging ama siya ni Tera. 25 Pagka¬panganak kay Tera, nabuhay si Nahor nang isandaa’t labinsiyam na taon at nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
• 26 Pitumpung taong gulang si Tera nang maging ama siya nina Abram, Nahor at Haran.
27 Ito naman ang lipi ni Tera, si Terang ama nina Abram, Nahor at Haran.
Si Haran ang ama ni Lot. 28 Unang nama¬tay si Haran kaysa kanyang amang si Tera, sa sa¬riling bayan ng Ur sa Kaldea. 29 Nag-asawa kapwa sina Abram at Nahor. Si Saray ang naging asawa ni Abram. Si Milca naman na anak ni Haran ang na¬ging asawa ni Nahor. Si Haran ang ama nina Milca at Yisca. 30 Pero baog si Saray at hindi mag¬kaanak.
31 Kasamang umalis ni Tera sa Ur ng Kaldea ang kanyang anak na si Abram, ang kanyang apong si Lot na anak ni Haran at ang manugang na maybahay ni Abram. At nagpunta sila sa lupain ng Kanaan. Ngunit sa Haran sila nanirahan pagdating nila roon. 32 Nabuhay si Tera nang dalawandaa’t limang taon, at sa Haran siya namatay.

Map illustration here

Ang Tatlong Sabi ng Diyos

Sa unang kabanata ng Genesis, sinabi ng Diyos, at nagkaroon ng Paglikha.
Muli sa kabanata 9, sinabi ng Diyos, at nagkaloob iyon ng kanyang pagpapala sa sangkatauhan.
Sa kabanata 12, sinabi ng Diyos sa ikatlong pagkakataon, at iyon naman ang simula ng bayan ng Diyos.
Iba’t ibang hakbangin sa Biblia ang mga ito dahil ang pagbubunyag ng Diyos sa kanyang bayan ang nilalaman ng kabuuan ng banal na Aklat. Mula sa bahaging ito, anumang mababasa nati’y may kinalaman sa sangkatauhan: kung ano ang sinabi at ginawa ng Diyos sa kanyang bayan.
Sa lubos na pagpasok natin sa diwa ng Biblia, madidiskubre natin na iisang kabuuan lamang pala at talagang magkakaugnay ang paggawa, paglikha at pagpapala ng Diyos sa sangkatauhan at sa kanyang bayan. Ngunit lubos nating intindihin ang kahulugan ng tatlong hakbanging ito na namumutawi sa bibig ng Diyos pagkat kung hindi’y sasapit ang panahon na hindi na natin matatanggap ang patotoo ng Biblia at mawawalang-kabuluhan din sa atin maging si Jesus. Sapagkat taliwas sa ilang pag-aakala ng ating panahon ang tatlong “sinabing” ito ng Diyos.
“Sinabi ng Diyos” at nilikha ng kanyang salita ang sanlibutan at mga batas-kalikasan nito. Inilalahad ng Biblia na di nagbabago ang mga batas na ito. Idadagdag din nito na paglilingkod sa Diyos ang layunin ng sanlibutan at sumusunod ito sa salita ng Diyos. Masasabing hinahayaan ng Diyos na tumakbo ang mundo sa ganang sarili nito: hindi nga laging nasa manibela ang Diyos. Ngunit malayo pa sa pagbubunyag ng Biblia kung sasabihin nating inayos na ng Diyos ang lahat sa simula at hindi na niya pinapangyayari ang sarili sa mga batas na ito, ayon sa kanyang kagustuhan, o kung mangyari ma’y nagkataon lamang (ayon sa ating palagay). Sa ikapitong araw, sinasabing nagpahinga ang Diyos sa kanyang paggawa (Gen 2:4) pero totoo rin ang kabaligtaran nito: “kumikilos pa rin ang Ama” (Jn 5:17). Pagpapakilala ng Diyos ang kanyang mga gawa, at sa Diyos patuloy na nabubuhay at umiiral ang sangnilikha. Anino lamang ng mas mataas na katarungang nasa Diyos ang mga batas ng kalikasan ngunit higit pa sa mga batas na pangmateryal na bagay ang ating matatagpuan sa kalikasan, mula sa yaman at ganda nito. Salamin ng kalayaan ng Diyos sa paglikha na kailanma’y di maigagapos ang patuloy na pagkamalikhain ng kalikasan na isa sa mga mahiwaga nitong kakayahan.
Sapat na ito para magtaka ang lahat ng nagpapalagay na may mga di-mababaling katotohanan gaya ng sumusunod: ang mga batas ay hindi mababago at walang umiiral bukod sa puwedeng sukatin. Hindi nga magkakaroon ng siyentipikong pananaliksik kung wala ang ganitong mga teoriya pero hindi naman ito nangangahulugan na ito na ang buong katotohanan ng mundo, o kaya’y ito ang pinakapuso ng lahat. Ngunit ang pag-aakalang ito ang siyang hadlang para matanggap ng maraming Kristiyano na gumagawa pa rin ang Diyos sa likas na kaayusan ng mundo. Sa Ebanghelyo, una nilang tinatanggihan ang pagpaparami ng tinapay, ang pagkabirhen ni Maria, ang pagbabagong-anyo... o kaya nama’y babaligtarin nila ang talagang sinasabi ng mga teksto. Tinatanggihan nila ang anumang patotoo sa kasalukuyan ng mga dumanas ng parehong paggawa ng Diyos sa kanilang buhay. Tatanggihan din nila ang anumang deretsahang paggawa ng Diyos sa ating sarili, at bunga nito’y sasabihin din nilang walang saysay ang panalangin. Maraming aklat at talakayan ang bunga ng pangangatwirang ito pero wala naman talagang ibinubunga sa bandang huli. Hindi ito makapaghahatid ng pananam¬palataya ni tuwa sa sinuman.
Makabuluhan din ang “sabi ng Diyos” sa istorya ni Noe. Sa pakikipagtipan sa lahat ng bansa at relihiyon sinisimulan ng Diyos ang panahon pagkatapos ng baha dahil mga anak ni Noe ang lahat. Pag-aalok ng daan ng kaligtasan ang pagpapala sa kanila ng Diyos sa marami at iba’t iba nilang kultura at relihiyon (Gawa 17:27).
Sa paghahanap nila ng karunungan sa mga salita ng kanilang mga sagradong aklat, sa sandaling malahad ang Salita o Karunungan ng Diyos, ipinagpapatuloy lamang nito ang gawang paglikha: sa pamamagitan nito isinaayos ng Diyos ang mga yugto ng paglikha (Heb 1:2). Kayat ipagpapatuloy ng takbo ng kasaysayan ang plano ng Diyos na Maylalang, at lagi namang mauugnay ang mga relihiyon sa pagkadiskubre sa Diyos o sa “makadiyos” sa kalikasan (Rom 1:20; Gawa 17:27).
Ano pa ang ating kailangan? Di ba’t nasa sangkatauhan na ang lahat ng kailangan nito para makumpleto ang paglikha at marating ang hantungan nito? Ngunit paglimot ito na “mga anak pa rin ni Adan ang mga anak ni Noe.” Mula sa ating mga pangarap, ginigising tayo ng mga kaguluhan sa ating daigdig at iminumulat sa isang katotohanang hindi maganda.
Ngunit huwag ang mga kabiguan at limitasyon ng karunungan ng tao ang pagtuunan natin ng pansin dahil sa ibang lugar matatagpuan ang tunay na mahalaga. Sa paglikha ipinakilala ng Diyos ang sarili. Ibigay man ng Diyos ang yaman ng sanlibutan sa sangkatauhang naging parang mas makatwiran, hindi pa rin makikita ang talagang ekstraordinaryo sa Diyos: ang nag-aapoy at malabis na pagmamahal ng Diyos na tanging siya lamang ang makauunawa. At hindi makagagawa ang Diyos nang labas sa lahat ng paraan ng pagpapakita ng kagandahang-loob na karaniwan nating tinatawag na Kalinga nang hindi sinisira ang kaayusan ng waring napaka¬ligayang daigdig. Hindi pa rin akma sa kabanalan ng Diyos ang ganitong relasyon ng Diyos sa kanyang gawa. Kayat may mga tao at mga grupong tinatawag ang Diyos na makibahagi sa kanya sa isang bukod-tanging kasaysayan. Maglalakbay sila sa mga bago at di pa natatahak na landas na kalimita’y taliwas sa karaniwang karanasan. Ang pagtawag kay Abraham ang unang pagsasanga ng daan.
Ang ikatlong “sabi ng Diyos” ang tanda ng simula ng bayan ng Diyos, na naiiba sa lahat ng mga bayan. Ang pagkakaibang ito o pagkakaroon ng mga hinirang at mga hindi ang naghahatid ng malaking pagkabagabag ng kamalayan ng maraming Kristiyano (basahin ang paliwanag sa p. 710). Bakit may ganitong pagkakaiba? Sigurado ba nating hindi lamang isa pang relihiyon ang pagbubunyag ng Biblia? Maaaring matukso tayong itakwil ang ating yaman bunga ng huwad na pagpapakumbaba: ba’t mapapasaakin ang katotohanan higit sa iba? Muli nating kailangan sa bahaging ito ang manampalataya. Ngayon natin dapat tanggapin o tanggihan ang Diyos ng Biblia, ang Diyos na “pagtatangi at katapatan.” Tinatawag ng Diyos ang sinumang mapusuan niya at ibinibigay sa kanya ang di niya ibinibigay sa iba. Nagbibigay ang Diyos ng higit upang makapamunga tayo nang higit at makinabang dito ang lahat pero tiyak na ang gusto ng Diyos ang kanyang ibinibigay. Hindi man natin aminin, kalimita’y itinuturing nating isang di-makatarungang boss ang Diyos sa harap ng lahat niyang trabahador at hindi pantay-pantay ang pagtrato niya sa kanila. Napakalayo nito sa katotohanan. Walang mga trabahador kung walang boss. Pero kabaligtaran pag dating sa Diyos: hindi tayo mga gawa sa molde na naghihintay sa kung anong ibibigay sa atin ng Diyos. Sa halip, tayong lahat ay ginawa ng Diyos na iba’t iba at galing sa wala. At sa paggawa sa atin ng Diyos kung ano tayo, inilalagay rin niya tayo sa landas na tumutugon sa ating mga pangangailangan, mga inaasam at sa ating pananabik sa kaligayahan.
Mula sa simula, kailangang tanggapin ng mga Kristiyano ang natatanging aspekto ng kanilang bokasyon: kapwa ito yaman nila at paglilingkod sa mundo. Mawawalang-saysay sa kanila kung babalikan nila ang dati nilang mga puwesto dahil wala namang may gusto sa mga ito. Tanging takot lamang ang puwedeng maging dahilan nito: ang takot na mapaiba o marahil ay ang takot na sa totoo’y kawalan ng sampalataya: hindi kaya ilusyon lang ang mga dakilang pangako ng Diyos?

IKALAWANG BAHAGI NG GENESIS
ANG MGA UNANG NINUNO NG BAYAN NG DIYOS
Tinawag ng Diyos si Abram
12 • 1 Sinabi ni Yawe kay Abram: “Umalis ka sa iyong bayan, sa iyong lahi, sa sambahayan ng iyong ama, at magpunta ka sa lupang ituturo ko sa iyo. 2 Gagawin kitang isang malaking ba¬yan. Pagpapalain kita at gagawin kong dakila ang iyong pangalan, at magiging pagpapala ka sa iba. 3 Pag¬papalain ko ang magpapala sa iyo, at susumpain ko ang sinumang susumpa sa iyo. At sa pamamagitan mo’y pag¬papalain ang lahat ng bayan sa daigdig.
4 Kaya umalis si Abram ayon sa sinabi ni Yawe, at sumama sa kanya si Lot.
Pitumpu’t limang taong gulang si Abram nang lisanin niya ang Haran. 5 Isi¬nama ni Abram si Saray na kanyang asawa, ang pamangking si Lot, lahat ng ari-ariang naipon nila, at ang mga nakuha nilang alipin sa Haran. At umalis sila patungong Kanaan.
Pagdating nila sa Kanaan, 6 nilakbay ni Abram ang lupain hanggang Sikem, sa may Sagradong Puno ng More. Nang panahong iyon, naroon pa ang mga Kananeo. 7 Napakita si Yawe kay Abram at sinabi, “Ibibigay ko ang lu¬paing ito sa iyong inapo.” Kaya gu¬mawa roon si Abram ng altar kay Yawe na napakita sa kanya.
8 Mula roon ay nagtuloy siya sa kabundukan sa silangan ng Betel at nagtayo ng kanyang tolda, sa pagitan ng Betel sa da¬kong kanluran at ng Hay sa dakong si¬langan. Doon ay nagtayo rin siya ng al¬tar kay Yawe, at tinawag ang kanyang Pangalan. 9 Pagkatapos ay nag¬punta siya patungong Negeb.

• 10 Nagkaroon ng taggutom sa lupa¬in, kaya lumusong si Abram sa Ehipto para doon pansamantalang tumira, sa¬pagkat malubha ang taggutom sa lupa¬in. 11 Nang papasok na sila sa Ehipto, sinabi ni Abram sa kanyang asawang si Saray: “Alam kong ikaw ay isang napakagandang babae. 12 Kapag nakita ka ng mga taga-Ehipto, sasabihin nila: Ito ang kan¬yang asawa. Pag¬katapos ay papatayin nila ako, ngunit babayaan ka nilang ma¬buhay. 13 Kaya sabihin mong mag¬kapatid tayo para tratuhin nila akong mabuti, at nang hindi nila ako patayin alang-alang sa iyo.”
14 Nang dumating nga si Abram sa Ehipto, nakita ng mga Ehipsiyo na ang babae’y napakaganda. 15 Nakita ng mga opisyal ni Paraon ang babae at pinuri ito sa harap ni Paraon. Kaya dinala ang babae sa palasyo ni Paraon, 16 at dahil sa kanya ay naging mabuti rin ang pakiki¬tungo nila kay Abram: binigyan siya ng mga tupa, mga baka, mga asno, mga ali¬pin, at mga kamelyo.
17 Ngunit nilapatan ni Yawe ng malu¬lubhang karamdaman si Paraon at ang sambahayan niya dahil kay Saray na asawa ni Abram. 18 Kaya ipinatawag ni Paraon si Abram at sinabi: “Ano ang ginawa mo sa akin? Bakit mo ipinag¬kaila na asawa mo pala siya? 19 Bakit mo si¬nabing ‘Kapatid ko siya,’ kaya naman kinuha ko siya bilang asawa. Sige, ayan na ang asawa mo, kunin mo at umalis na kayo!” 20 At inutusan ni Paraon ang kan¬yang mga tauhan na paalisin si Abram, kasama ang asawa nito at lahat ng kan¬yang ari-arian.

13 1 Umahon sa Negeb si Abram mula sa Ehipto, kasama ang kanyang asawa at lahat ng kanyang ari-arian. Sumama sa kanya si Lot. 2 Mayaman na si Abram sa mga hayop, pilak at ginto. 3 Naglakad siya mula sa Negeb hanggang Betel, sa lugar na una niyang pinagtayuan ng kanyang tolda, sa pagitan ng Betel at Hay, 4 sa pook na ginawan niya ng altar, at doon tinawag ang Pangalan ni Yawe.
Ang paghihiwalay nina Abram at Lot
• 5 Si Lot na kasama ni Abram ay may¬roon ding mga tupa, mga baka at mga tolda. 6 Masikip na ang lupa sa kanila at sa napakalaki nilang kawan kaya hindi na sila makapagsasama-sama.
7 Sumiklab ang kagalitan sa mga pastol ng mga kawan ni Abram at ni Lot. Nang panahong iyon ay doon din nakatira ang mga Kananeo at Perezeo. 8 Sinabi ni Abram kay Lot: “Huwag ta¬yong mag-away, ni ang ating mga pastol, sapagkat magkapatid tayo! 9 Hindi ba’t nasa harap mo ang buong lupain? Maghiwalay tayo. Kung sa kaliwa ka pu¬¬¬punta, pupunta naman ako sa kanan. At kung sa kanan ka pupunta, sa kaliwa naman ako.
10 Iginala ni Lot ang paningin at nakita niya ang buong kapatagan ng Jordan na sagana sa tubig, dahil bago ginunaw ni Yawe ang Sodom at Gomorra, katulad ito ng hardin ni Yawe, tulad ng lupa¬in ng Ehipto hanggang Soar. 11 Pinili ni Lot para sa kanya ang buong kapata¬gan ng Jordan, at naglakad pasila¬ngan.
Sa ganitong paraan, naghiwalay si¬lang dalawa. 12 Nanirahan si Abram sa lupain ng Kanaan samantalang si Lot ay na¬muhay sa mga siyudad sa kapa¬tagan at dinala ang kanyang tolda sa Sodom. 13 Nang mga panahong iyon, napakasama ng mga taga-Sodom at nagkakasala silang lubha kay Yawe.
14 Sinabi ni Yawe kay Abram pagkatapos humiwalay sa kanya si Lot: “Tumi¬ngala ka at mula sa iyong kinaro¬roona’y igala ang iyong tingin sa hilaga, sa timog, sa silangan at sa kanluran.
15 Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga inapo magpakailanman ang buong lupaing nakikita mo. 16 Gagawin kong sindami ng alikabok sa daigdig ang iyong mga inapo; kayat kung mabibi¬lang ang alikabok, mabibilang din ang iyong mga inapo. 17 Tumin¬dig ka, at lakarin mo ang haba at luwang ng lupain sapagkat ibini¬bigay ko ito sa iyo.”
18 At inilipat ni Abram ang kanyang mga tolda at tumira sa tabi ng Puno ng Mambre sa Hebron. Doon siya nagtayo ng altat kay Yawe.

14 1 Nang panahong iyon, sina Haring Amrafel ng Senaar, Haring Ariok ng Ponto, Haring Codorlamor ng Elam, at Haring Tadal ng mga Bansa – 2 ay nakipag¬digma laban kina Bara, ang hari ng Sodom; Bersa, hari ng Gomorra; Sineab, hari ng Adama; Semeber, hari ng Seboim; at sa hari ng Bela o Soar. 3 Pina¬ganib ng lahat ng mga haring ito ang kanilang puwersa sa lambak ng Sidim, na ngayon ay Da¬gat ng Asin. 4 Labindalawang taon silang nag¬lingkod kay Codorlamor, ngunit nag¬himagsik sila sa ikalabintatlong taon.
5 Sa ikalabing-apat na taon, dumating si Codorlamor at ang mga haring kakampi niya at nilupig ang mga Rapaita sa Astarot-Carnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Cariataim, 6 at ang mga Horeo sa kabundukan ng Seir hanggang sa El Paran, malapit sa disyerto.
7 Pagkatapos ay bumalik sila at nagtungo sa Bukal ng Paghuhukom, iyon ay ang Kades, at sinakop ang buong lupain ng Amalekita, at ng mga Amorreo na nani¬nirahan sa Asasontamar.
8 Nagtipon ang mga hari ng Sodom, Go¬morra, Adama, Seboim, at Bela o Soar, at pumusisyon sa lambak ng Sidim 9 laban kina Codorlamor, hari ng Elam; Tadal, hari ng mga Bansa; Amrafel, hari ng Sanaar; at Ariok, hari ng Ponto: apat na hari laban sa lima.
10 Noo’y maraming balon ng alkitran sa lam¬bak ng Sidim, kaya sa pagtakas ng mga hari ng Sodom at Gomorra, nahulog sa balon ang ilan sa mga tauhan nila, at ang iba’y nagtago sa kabundukan. 11 Kinamkam ng apat na hari ang lahat ng ari-arian ng Sodom at Gomorra, pati ang lahat ng kanilang pagkain, at saka umalis. 12 Binihag din nila si Lot, ang pamangkin ni Abram, na naninirahan sa Sodom, at kinuha ang mga ari-arian nito.
13 May isang nakatakas na pumunta kay Abram na Hebreo, at ibinalita ang nangyari. Nakatira ito sa malapit sa mga malalaking puno ni Mambreng Amorreo na kapatid nina Eskol at Aner: mga kakampi ni Abram.
Sina Abraham at Melkisedek
• 14 Nang mabalitaan ni Abram na na¬bihag ang kanyang kamag-anak, pumili siya ng tatlundaa’t labingwalong tauhan niya, at hinabol nila ang mga ito hang¬gang Dan. 15 Hinati niya ang kanyang hukbo at sumalakay kinagabihan, tinalo niya at hinabol ang mga iyon hanggang Hoba, sa hilaga ng Damasco. 16 Nabawi niya ang lahat ng ari-arian, ang kanyang kamag-anak na si Lot, at ang mga ari-arian nito, kasama ang mga kababaihan at iba pang mga tao.
17 Sa pagbalik ni Abram, pagkatapos magapi si Codorlamor at ang mga haring kakampi nito, lumabas ang hari ng Sodom upang salubungin siya sa lambak ng Save (na ngayo’y Lambak ng mga Hari).
18 Pagkatapos ay nagdala ng tinapay at alak si Melkisedek, ang hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos. 19 Pinag¬pala niya si Abram sa pagsasa¬bing, “Pagpalain si Abram ng Kataas-taasang Diyos, Maylalang ng langit at lupa! 20 At dakilain ang Kataas-taasang Diyos sa-pag¬¬kat inilagay niya sa iyong mga kamay ang mga kaaway mo.” At ibinigay sa kanya ni Abram ang ikasampung bahagi ng lahat.
21 Sinabi ng hari ng Sodom kay Abram: “Ibigay mo sa akin ang mga tao at iyo na ang lahat mong nasam¬sam.” 22 Sinabi ni Abram sa hari ng Sodom: “Itinaas ko ang aking kamay kay Yawe, ang Kataas-taasang Diyos, Maylalang ng langit at lupa, at isinum¬pa kong 23 hindi ako ku¬kuha ni isang hibla man ng sinulid o tali ng sandalyas o anumang bagay sa iyo. Sa gayon ay hindi mo masasabing ‘Dahil sa akin kaya yumaman si Abram’. 24 Wala akong tatang¬gapin kahit ano, liban sa kinain ng mga tauhan ko, at sa kaparte ng mga kasa¬ma ko – sina Aner, Eskol at Mambre – ipaubaya mo sa kanila ang ka¬parte nila.
Pakikipagtipan ng Diyos kay Abraham
15 • 1 Isang sali¬ta ni Yawe ang duma¬ting kay Abram sa pangi¬tain: “Huwag kang matakot, Abram. Ako ang iyong kalasag; kay laki ng ma¬giging gantimpala mo!” 2 Sinabi ni Abram: “Yaweng Panginoon ko, ano ang mai¬bibigay mo sa akin? Mamamatay akong walang anak, kaya mapu¬punta lamang kay Eliezer ng Damasco ang lahat ng aking ari-arian. 3 Hindi mo ako binigyan ng anak, kaya isa sa mga alipin ko ang aking ma¬giging tagapag¬mana.” 4 At sa mga sandaling iyon, isang salita ni Yawe ang muling dumating kay Abram: “Hindi si Eliezer ang magiging tagapagmana mo, kundi ang isang anak na lalaki na isisilang mula sa iyo.” 5 Kaya inilabas siya ni Yawe at sinabi sa kanya: “Tumi¬ngala ka sa langit, at bilangin ang mga bituin kung kaya mo. Ganyan din ang magi¬ging mga inapo mo.”
6 Naniwala si Abram kay Yawe at da¬hil dito kinilala siya ni Yawe na matuwid.
7 At sinabi pa sa kanya: “Ako si Yawe na naglabas sa iyo mula sa Ur ng Kaldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito bilang ari-arian mo.”
8 Pagkatapos ay nagtanong si Abram: “Panginoon ko, paano ko ma¬lalaman na ito nga ay magiging akin?” 9 Suma¬got si Yawe: “Dalhan mo ako ng tig-¬isang tatlong-taong-gulang na dumalagang baka at kambing at tupa, ng kalapati at batubato.”
10 Dinala ni Abram sa kanya ang lahat ng mga hayop at biniyak sa gitna ang mga iyon, at inilagay na mag¬kaharap ang bawat magkabiyak na hiwa. Ngu¬nit hindi niya hiniwa ang mga ibon. 11 Umali-aligid ang mga buwitre sa mga karne, ngunit binugaw ni Abram ang mga iyon.
12 Samantalang palubog ang araw, na¬katulog nang mahimbing si Abram, at nilukuban siya ng isang nakatatakot na kadiliman.
13 Pagkatapos ay sinabi ni Yawe kay Abram: “Alamin mong mandarayuhan ang iyong mga inapo sa bayan ng mga aalipin at hahamak sa kanila sa loob ng apatnaraang taon. 14 Ngunit parurusa¬han ko ang bansang aalipin sa kanila, at pagkatapos niyon ay aalis silang may dalang maraming kayamanan. 15 At ikaw naman, mapayapa mong ma¬ka¬kapiling ang iyong mga ninuno at ililibing na matanda na. 16 Ang iyong mga inapo sa ikapat na salinlahi ang ba¬ba¬lik dito, sapagkat hindi pa uma¬abot sa sukdulan ang kasamaan ng mga Amorreo upang palayasin ko sila sa lupain.”
17 Pagkalubog ng araw at laganap na ang karimlan, may lumitaw na kalang umuusok at naglalagablab na sulo, at du¬maan sa pagitan ng hinating mga ha¬yop. 18 Nang araw na iyon, nakipagtipan si Yawe kay Abram at sinabi: “Ibi¬bigay ko sa iyong lahi ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa Malaking Ilog, ang Eufrates.
19 Ang lupain ng mga Sineo, Sineseo, Edu¬meo, 20 Heteo, Perezeo, Rapaita, 21 Amor¬reo, Kananeo, Gergeseo at Yebu¬seo.”
Ang pagsilang ni Ismael
16 • 1 Hindi pa nagkakaanak kay Abram si Saray na asawa niya, ngunit mayroon itong aliping taga-Ehipto na nagngangalang Agar. 2 Kayat sinabi ni Saray kay Abram: “Dahil ginawa akong baog ni Yawe, makipagtalik ka sa aking alipin at baka magkaroon ako ng anak sa pama¬magitan niya.” Sumang-ayon si Abram sa sinabi ni Saray.
3 Sampung taon na sa Kanaan si Abram, at noon kinuha ni Saray ang kanyang aliping si Agar na taga-Ehipto at ibinigay sa kanyang asawang si Abram bilang maybahay nito. 4 Naki¬pagtalik si Abram kay Agar at nabuntis ito.
Nang malaman ni Agar na buntis siya, sinimulan niyang hamakin si Saray. 5 Kaya sinabi ni Saray kay Abram: “Ikaw ang dahilan ng pag¬¬ha¬mak na ito sa akin! Ibinigay ko sa iyo ang aking alipin at nayong nakita niyang buntis siya, hina¬hamak na niya ako. Alam ni Yawe na ikaw ang may gawa nito.”
6 Sinabi naman ni Abram: “Nasa mga kamay mo ang iyong alipin; gawin mo sa kanya ang gusto mo.” At minaltrato ni Saray si Agar kaya lumayas iyon.

• 7 Natagpuan si Agar ng Anghel ni Yawe, malapit sa isang bukal sa dis¬yerto (ito ang bukal na nasa tabi ng daang papuntang Sur), 8 at sinabi sa kanya: “Agar, alipin ni Saray, saan ka galing at saan ka pupunta?” Sumagot ito: “Luma¬yas ako sa aking among si Saray.” 9 Su¬ma¬got ang Anghel ni Yawe: “Bumalik ka sa iyong amo at sumunod ka sa kanya.” 10 Sinabi pa ng Anghel ni Yawe sa kanya: “Pararamihin ko ang iyong mga inapo hanggang hindi na sila mabilang.” 11 At sinabi pa rin ng Anghel ni Yawe sa kanya: “Nagdada¬lantao ka ngayon, at magkaka¬anak at pangangalanan mo siyang Ismael sapagkat dininig ni Yawe ang iyong da¬lamhati. 12 Matutulad siya sa mailap na asno. Siya laban sa lahat, at lahat laban sa kanya. Hahamunin niya ang lahat niyang kapwa.”
13 Si Yaweng nakipag-usap kay Agar ay tinawag niya sa pangalang ito: “Ikaw si El-roi,” na ibig sabihi’y “Nakita ko siya na nakakakita sa akin.” 14 Kaya tinawag na “Balon ni Lahay-Roi” ang balong iyon; nasa pagitan pa rin iyon ng Kades at Bered hanggang ngayon.
15 Nagsilang si Agar ng isang lalaki at pinangalanan ni Abram ang sanggol na kaloob sa kanya ni Agar ng Ismael. 16 Walumpu’t anim na taon si Abram nang ipanganak ni Agar si Ismael.
Naging Abraham m si Abram
17 • 1 Nang siyamnapu’t siyam na taon na si Abram, napakita sa kanya si Yawe at sinabi: Ako ang Diyos na Makapangyarihan. Sikapin mong ako’y bigyang-kasiyahan at pag¬sikapang maging ganap. 2 Pagti¬tibayin ko sa iyo ang aking pakikipagtipan, at higit pa kitang pararamihin.”
3 Nagpatirapa si Abram at sinabi sa kanya ng Diyos: 4 “Ito ang aking tipan sa iyo: magiging ama ka ng maraming bansa. 5 Hindi ka na tatawaging Abram kundi Abraham, sapagkat gagawin ki¬tang ama ng maraming bansa. 6 Pabu-bungahin kita nang maraming-marami; gagawin kitang mga bansa; mga hari’y lilitaw mula sa iyo. 7 At pagtitibayin ko ang aking tipan sa ating dalawa at sa iyong inapo, isang tipang panghabang panahon, sa lahat ng salinlahing su¬su¬nod sa iyo: mula ngayon at mag¬pa¬¬¬kailanman, ako ang magiging Diyos mo at ng iyong mga inapong susunod sa iyo.
8 Ibibigay ko sa iyo at sa iyong ina¬pong susunod sa iyo ang lupang iyong tinutuntungan. Magiging iyo ang buong lupain ng Kanaan habang panahon. At ako ang magiging Diyos nila.”
Ang pagtutuli
• 9 Sinabi ng Diyos kay Abraham: “Sa panig mo naman, magiging tapat ka sa aking tipan, ikaw at ang iyong mga ina¬pong kasunod mo sa sali’t salin¬lahi. 10 Ito ang aking pakikipagtipan sa iyo na dapat ninyong tuparin, ikaw at ang iyong mga inapong kasunod mo: tutuliin ang lahat ng lalaki sa inyo. 11 Puputulin ninyo ang du¬long balat ng inyong ari at ito ang ma¬giging tatak ng aking paki-kipagtipan. 12 Sa sali’t salinlahing darating, dapat ninyong tuliin ang lahat ng lalaki sa inyo na walong araw ang edad pati ang mga isisilang sa iyong sambahayan o ang mga dayu¬hang binili ng salapi bilang mga alipin. 13 Isinilang man sila sa iyong sambahayan o binili bilang mga alipin, dapat silang tuliin. Tatag¬layin ninyong lahat sa inyong laman ang tatak ng aking Tipan, isang tipang panghabang pana¬hon. 14 Palalayasin mula sa kanyang angkan ang sinu¬mang supot, ang lalaking hindi tinuli sa laman: sinira niya ang aking Tipan.”
15 Sinabi ng Diyos kay Abraham: “At hindi mo na tatawaging Saray ang iyong asawang si Saray kundi Sara. 16 Pagpa¬palain ko siya at bibigyan kita ng anak na lalaki sa kanya. Pag¬pa¬palain ko siya at gagawin ko siyang mga bansa, mga hari’y lilitaw mula sa kanya.”
17 Nagpatirapa si Abraham, humalakhak at sinabi sa sarili: “Magkakaanak pa kaya ang isang taong isandaang taon na? At magka¬kaanak pa ba si Sara e siyamnapung taon na siya?” 18 At sinabi ni Abraham sa Diyos: “Si Ismael na lang...” 19 Ngunit sinabi ng Diyos: “Hindi! Ang iyong asawang si Sara ang magbi¬bigay sa iyo ng anak na lalaki at panganga¬lanan mo siyang Isaac. Pag¬¬t¬i¬tibayin ko ang aking tipan sa kanya bilang isang walang hang¬gang paki¬kipagtipan sa kanya at sa kan¬yang mga inapong kasunod niya. 20 Tungkol naman kay Ismael, narinig kita. Pinagpala ko siya at pabubungahin at pararamihin ko siya – mara¬ming-marami. Magiging ama siya ng labin¬dalawang prinsipe, at gagawin ko siyang isang mala¬king bansa. 21 Ngunit kay Isaac na isisilang sa iyo ni Sara sa panahong ito sa isang taon ako makikipagtipan.” 22 At umalis ang Diyos matapos makipag-usap kay Abraham.
23 At tinuli ni Abraham si Ismael na kanyang anak at ang lahat ng isinilang sa kanyang sambahayan at lahat ng binili niya, ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan gaya ng sinabi sa kanya ng Diyos. 24 Siyamnapu’t siyam na taon si Abraham nang siya ay tuliin, 25 at labin-tatlong taon naman ang kanyang anak na si Ismael. 26 Tinuli si Abraham at ang kanyang anak na si Ismael sa iisang araw.
27 At tinuli ring kasama niya ang lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan, maging isini¬lang sa kanyang sambahayan o mga aliping binili ng salapi sa mga dayuhan.
Dinalaw ni Yawe si Abraham
18 • 1 Napakita si Yawe kay Abraham malapit sa sagradong puno ng Mambre. Nakaupo si Abraham sa pasu¬kan ng kanyang tolda sa kainitan ng araw. 2 Nang tumingin siya, nakita niya ang tatlong lalaking naka¬tayong malapit sa kanya. Kaagad siyang tumakbo mula sa bungad ng tolda para salubungin sila. Yumuko siya sa lupa, 3 at sinabing “Aking Pangi¬noon, kung mamarapatin ninyo, huwag ninyong lam¬pasan ang aking tolda. 4 Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting tubig upang mahugasan ang inyong mga paa at magpahinga kayo sa lilim ng mga punong ito. 5 At yamang narito na rin lamang kayo, ikukuha ko kayo ng kaunting tinapay para manum¬balik ang inyong lakas, bago kayo mag-patuloy sa paglalakbay, sapagkat puma¬rito kayo sa inyong lingkod.” Sinabi na¬man nila: “Gawin mo ang iyong sinabi.”
6 Nagmamadaling pumasok si Abraham sa tolda at sinabi kay Sara: “Dali ka, kumuha ka ng tatlong takal ng harina, masahin iyon at gumawa ng tinapay.” 7 At tumakbo si Abraham sa kawan, kumuha ng isang piling guyang malambot ang laman, ibinigay iyon sa alipin na nag¬mamadaling inihanda iyon. 8 At kumuha siya ng mantekilya at kinortang gatas, at inihaing kasama ng nilutong guya para sa mga pana¬uhin. Nag¬sikain ang mga iyon saman¬talang nana¬tili siyang naka¬tayong malapit sa kanila sa lilim ng puno. 9 Ti¬na¬nong nila siya: “Na¬saan ang asawa mong si Sara?” Suma¬got siya: “Nasa loob siya ng tolda.” 10 At sinabi naman niya: “Ba¬balik ako sa ganito ring panahon sa isang taon. Sa araw na iyon, may anak nang lalaki si Sara.”
Nakikinig noon si Sara sa may bu¬ngad ng tolda sa likuran ng panauhin. 11 Ma¬tanda na sina Abraham at Sara, at hindi na dinaratnan si Sara ng kanyang buwa¬nang panahon. 12 Kaya napahalakhak si Sara sa kanyang sarili at na¬isip: “Ngayong matanda na ako at lanta na, at hukluban na ang aking asawa, ngayon ko pa ba malalasap ang kaligayahang ito?” 13 Pero sinabi ni Yawe kay Abraham: “Bakit humalak¬hak si Sara at sinabing – Totoo bang magka¬kaanak pa ako ngayong matanda na ako? – 14 May imposible ba kay Yawe? Sa pagbabalik ko sa tak¬dang pa¬nahon, mayroon nang anak na lalaki si Sara.”
15 Natakot si Sara kaya ikinaila niya iyon at sinabing “Hindi ako humalak¬hak.” Ngunit sinabi ni Yawe: “Totoo namang humalakhak ka, a.”
Namagitan si Abraham para sa Sodom
• 16 Tumindig ang mga lalaki at nag¬simulang maglakad pa-Sodom. Ini¬hatid sila ni Abraham para ituro ang daan.
17 At sinabi ni Yawe: “Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin? 18 Kay Abraham nga magmumula ang isang malaki at makapangyarihang bansa. Sa kanya pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig.
19 Pinili ko siya at siya ang mag-uutos sa kanyang mga anak at sambahayang kasunod niya na tahakin ang daan ni Yawe sa paggawa ng matuwid at makatarungan. Sa gayon, tutu¬parin ni Yawe ang pangako kay Abraham.”
20 Kaya sinabi ni Yawe: “Sobra na ang eskandalo ng Sodom at Gomorra! At grabe na ang kanilang kasalanan! 21 Pu¬pun-tahan ko iyon para patunayan kung totoo nga ang mga sumbong na dumating sa akin. At malalaman kung hindi man gayon.”
22 Lumakad na ang mga lalaki patu¬ngong Sodom, ngunit nanatiling naka¬tayo si Yawe sa harap ni Abraham. 23 Lumapit si Abraham at sinabi: “Totoo bang lilipulin mo ang mga matuwid ka¬sama ng masasama? 24 Paano kung may limam¬pung taong matuwid sa lunsod? Totoo bang lilipulin mo ang lahat at hindi pa¬tatawarin ang lugar na iyon alang-alang sa limampung matuwid? 25 Hin¬di mo magagawa ang gayon na pa-ba¬yaang mamatay ang matuwid ka¬sama ng ma¬sasama, at isa ang gawing trato sa ma¬tuwid at masama. Hindi ba magiging ma¬ka¬tarungan ang Hukom ng buong san¬li¬butan?”
26 Sinabi ni Yawe: “Kung makata¬tagpo ako ng limampung mabuting tao sa So¬dom, patatawarin ko ang buong lugar dahil sa kanila.” 27 Muling nag¬salita si Abraham: “Alam kong naging pangahas ako sa pakikipag-usap sa aking Panginoon, ako na alabok lamang at abo! 28 Ngunit kung sakaling maging kulang ng lima sa limampu ang bilang ng mga ma¬tuwid, wawasa¬kin mo ba ang lunsod dahil sa lima?”
Sumagot si Yawe: “Hindi ko wawa¬sakin ang lunsod kung makatatagpo ako roon ng apatnapu’t limang matu¬wid na tao.” 29 Muli na namang nagsa¬lita si Abraham: “E kung apatnapu lamang?” Sumagot siya: “Hindi ko iyon gagawin alang-alang sa apatnapu.” 30 Nag¬¬patuloy si Abraham: “Huwag sanang magagalit ang aking Panginoon, ngunit pahintulutan mo akong maka¬pag¬salita. Paano kung tatlumpung ma¬tuwid na tao lamang ang nasa lunsod?” Sumagot si Yawe: “Hindi ko iyon wawasakin kung makatatagpo ako roon ng tatlumpu.” 31 Sinabi ni Abraham: “Ngayo’y talagang nagiging pangahas ako sa pakikipag-usap sa aking Panginoon, pero kung dala-wampu na lamang ang matagpuan doon?” Sinabi niya: “Hindi ko wawasakin ang lunsod dahil sa dala¬wampu.”
32 Ngunit iginiit ni Abraham: “Huwag naman sanang magagalit ang aking Pa¬nginoon, ngunit pahintulutan mo akong magsalita minsan pa. Paano kung sampu na lamang ang matag¬puan?” At sumagot si Yawe: “Alang-alang sa sam¬pu, hindi ko wawasakin ang lunsod.”
33 Umalis si Yawe matapos makipag-usap kay Abraham, at umuwi naman si Abraham.
Nagunaw ang Sodom
19 • 1 Nakaupo si Lot sa may pintuan ng lunsod nang gabing dumating sa Sodom ang dalawang ang¬hel. Pagka¬kita niya sa kanila, tumindig siya para salubungin sila. Yumu-ko siya na halos sayad ang muk¬ha sa lupa, 2 at sinabing “Mga panginoon ko, sa bahay ko na sana kayo tumuloy at magpahi¬nga. Huga¬san ninyo ang inyong mga paa at doon mag¬paraan ng gabi, at kina¬umagahan na magpatuloy sa in-yong paglakad.” Su¬magot sila: “Hindi, sa plasa na lamang kami magpapalipas ng gabi.” 3 Ngunit gayon na lamang ang pami¬milit niya kaya sumama ang mga ito sa kanya sa bahay niya. At ipi¬nag¬handa niya sila ng ma¬kakain. Guma¬wa siya ng tinapay na wa¬lang lebadura, at kumain sila. 4 Hindi pa sila nakahihiga para matulog nang paligiran ng lahat ng lalaking taga-Sodom – bata at matanda – ang bahay. 5 Tina-wag nila si Lot at sinabing “Nasaan ang mga lalaking bisita mo ngayong gabi? Palabasin mo sila at makikipagtalik kami sa kanila!”
6 Lumabas si Lot at sinalubong ang mga lalaki. Inilapat niya ang pinto sa kanyang paglabas 7 at sinabi niya: “Ipinakikiusap ko sa inyo, mga kapatid, huwag ninyong gawin ang ganyang ka¬sa¬maan. 8 May dalawa akong anak na dalaga. Sila ang palalabasin ko rito sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang anu¬mang gusto ninyo. Ngunit utang na loob, huwag ninyong galawin ang mga lala¬king narito sapagkat nakikisilong sila sa lilim ng aking bubong.” 9 Ngunit su¬ma¬got sila: “Umalis ka riyan! Huwag kang makialam! Dayuhan ka lamang at gusto mo pang maging hukom! Mas masa¬saktan ka ngayon kaysa kanila!” Itinulak nila si Lot at lumapit sa pinto para wasakin iyon. 10 Ngunit iniunat ng mga lalaki sa loob ang kanilang mga braso at hinila si Lot pa¬pasok, at isinara ang pinto. 11 At bigla nilang binulag ang mga nasa bungad ng pinto, mula sa pi¬na¬kabata hanggang sa pinakamatanda, at hindi nila natagpuan ang pintuan.
12 Sinabi ng dalawang lalaki kay Lot: “Sino pa ang nariritong kasama mo? Ang mga manugang mong lalaki? Pa-alisin mo na sila sa lugar na ito kasama ang mga anak mong lalaki at babae, at sinumang kamag-anak mo sa lunsod na ito. 13 Gu¬gunawin namin ang lugar na ito. Sobra na ang eskandalo nito sa harap ni Yawe kaya niya kami pinapa¬rito para gunawin ito.” 14 Lumabas si Lot at kinausap ang mga lalaking mamanugangin niya, at sinabi: “Madali, magsi¬¬alis na kayo sapagkat gugu¬nawin ni Yawe ang lunsod!” Ngunit inakala ng mga ito na nagbibiro la¬mang siya. 15 Nang sumi-sikat na ang araw, inapura ng mga ang¬hel si Lot: “Madali ka, ialis mo na ang iyong asawa at dalawang anak na ba¬ba-eng narito, kung hindi’y malilipol ka dahil sa kasalanan ng lunsod na ito.” 16 Nag-aatubili siya kaya hina¬wakan siya ng mga lalaki sa kamay at halos kalad¬karin kasama ang kanyang asawa at dalawang anak, dahil kina¬ha¬bagan sila ni Yawe. At inilabas sila sa lunsod.
17 Nang nasa labas na sila, sinabi ng mga lalaki kay Lot: “Tumakas kayo at iligtas ang inyong buhay. Huwag ka¬yong lilingon ni titigil saanman sa kapa¬tagan. Tumakas kayo sa kabun¬dukan, kung hindi’y mamamatay kayo.”
18 Ngunit sumagot si Lot: “Huwag na, mga panginoon ko, 19 malaki na ang utang na loob ko sa inyo. Ipinakita mo sa iyong lingkod ang malaking kabutihang-loob nang iligtas mo ang aking buhay. Ngunit hindi ako maka-tatakas sa kabundukan nang hindi ako aabutan ng sakuna at mamamatay ako. 20 Ting¬nan ninyo, may isang maliit na bayan na malapit lamang at maaari akong tumakas doon. Bayaan ninyong doon na lamang ako tumakas: napakaliit niyon (kaya tinawag na Soar ang bayan). At maliligtas ako.” 21 At sumagot ang anghel: “Pagbibigyan kita, at hindi ko wawasakin ang lunsod na binabanggit mo. 22 Ngunit tumakas ka na agad sa¬pagkat wala akong ibang magagawa hanggang hindi ka nakararating doon.”
23 Nakasikat na ang araw sa lupa nang dumating si Lot sa Soar. 24 Saka pa lamang nagpaulan si Yawe sa So¬dom at Gomorra ng apoy at asupre buhat sa langit, 25 at ginunaw niya ang mga lunsod na iyon at ang buong kapatagan at lahat ng naninirahan sa mga lunsod at lahat ng halaman doon.
Iba’t ibang kuwento
• 26 Pero lumingon ang asawa ni Lot at naging estatuwang asin.
27 Maagang gumising si Abraham kinabukasan at nagbalik sa lugar na pinag¬tagpuan nila ni Yawe. 28 Tumanaw siya sa dako ng Sodom at Gomorra at sa buong lupain ng kapatagan, at nakita niya ang maka¬pal na usok na nag-mumula sa lupa na parang usok na galing sa pugon.
29 Nang gunawin ng Diyos ang mga lunsod ng kapatagan, nag-alala siya kay Abraham kaya pinatakas niya si Lot mula sa malaking kapahamakan samantalang winasak niya ang mga lunsod na tinirhan ni Lot.
30 Umalis si Lot sa Soar kasama ang dalawang anak na babae, at nanirahan sa kaburulan sapagkat natatakot siyang tumigil doon. Tumira siya at ang dalawa niyang anak na babae sa isang kuweba. 31 Isang araw, sinabi ng panganay sa bunso: “Matanda na ang ating ama at wala ni isa mang lalaki rito para makipagtalik sa atin, ayon sa kaugalian sa buong mundo. 32 Halika, lasingin natin sa alak ang ating ama. Makipag¬talik tayo sa kanya upang maipagpatuloy ang ating lahi sa pamamagitan ng ating ama.” 33 Pinainom nga nila ng alak ang kanilang ama nang gabing iyon at nakipagtalik ang panganay na anak sa kanyang ama. Walang kamalay-malay ang ama sa nangyari, maging nang ma¬higa siya sa tabi nito at nang siya ay bumangon.
34 Kinabukasan, sinabi ng panganay na anak sa bunso: “Nakipagtalik ako kagabi sa ating ama. Painumin uli natin siya ng alak mama¬yang gabi at ikaw naman ang maki¬pagtalik sa kanya. At maipagpapatuloy natin ang ating lahi sa pamamagitan ng ating ama.” 35 Kaya nang gabing iyon, pinainom uli nila ng alak ang kani¬lang ama. At naki¬pag¬talik naman dito ang bunsong anak. Walang namalayan ang ama, maging nang mahiga siya sa tabi nito o nang bumangon siya. 36 At ang dalawang anak na babae ni Lot ay nabuntis ng kanilang ama. 37 Lalaki ang naging anak ng panganay at pina¬ngalanang Moab (o Mo-Ama), siya ang ama ng mga Moabita na nabubuhay ngayon. 38 Lalaki rin ang naging anak ng bunso at pinanga¬lanan namang Ben-Ammi (o Anak-ni-Ama), siya ang ama ng mga Amonita ngayon.
Sina Abraham at Sara sa Gerar
20 • 1 Umalis si Abraham sa Mamre patungo sa lupain ng Negeb at na¬¬nirahan sa pagitan ng Kades at Sur. Ilang panahon din siyang nanatili sa Gerar, 2 doon ipi¬nakilala ni Abraham ang kanyang asawa na “Kapatid ko siya.” Kaya ipinatawag si Sara ni Abimelek na hari ng Gerar, at iniutos na iharap sa kanya.
3 Ngunit pinuntahan ng Diyos si Abimelek sa panaginip isang gabi, at sinabi sa kanyang “Isa ka nang patay dahil sa babaeng kinuha mo, sapagkat may asawa na siya.” 4 Ngunit hindi pa nagagalaw ni Abimelek ang babae kayat sinabi niya: “Panginoon, papatayin mo ba ang isang paganong walang malay? 5 Di ba’t sinabi niya sa aking – Kapatid ko siya? At sinabi rin ng babae sa aking – Kapatid ko siya. Wala akong masamang hangarin nang gawin ko ito.” 6 At sinabi ng Diyos sa kanyang panaginip: “Alam ko na ginawa mo iyan nang may malinis na budhi kaya hinad¬langan ko na magkasala ka sa akin. Kaya nga hindi kita pinabayaang galawin siya. 7 Nga¬yon, ibalik mo ang babae sa asawa niya sa¬pagkat siya ay propeta. Ipagdarasal ka niya at mabubuhay ka. Ngunit kung hindi mo siya isasauli, tiyak na mamamatay ka, ikaw at ang buo mong sambahayan.”
8 Kaya maagang gumising si Abimelek kina¬bukasan at tinawag ang lahat niyang opisyal. Ikinuwento niya ang lahat ng nangyari at natakot ang mga ito. 9 At tinawag ni Abimelek si Abraham at sinabi: “Ano ang ginawa mo sa amin? At anong masama naman ang ginawa ko sa ’yo para isubo ako at ang aking kaharian sa ganito kabigat na pagkakasala? Ginawa mo sa akin ang mga bagay na hindi nararapat ga¬win.” 10 At itinanong pa ni Abimelek kay Ab¬ra¬¬ham: “Bakit ganito ang ginawa mo?” 11 Sinabi ni Abraham: “Akala ko’y walang takot sa Diyos ang lahat ng tagarito at papatayin nila ako dahil sa aking asawa. 12 Ngunit totoo namang kapatid ko siya na anak ng aking ama ngunit hindi ng aking ina, at naging asawa ko siya. 13 Kayat nang pagalain ako ng mga diyos mula sa sam¬bahayan ng aking ama, sinabi ko sa aking a¬sawa – Ngayon kung talagang mahal mo ako, sabihin mong kapatid mo ako saanman tayo pumunta.”
14 Nagdala si Abimelek ng mga tupa at mga baka at mga alipin, at ibinigay ang mga ito kay Abraham, at isinauli ang kanyang asawang si Sara. 15 At sinabi niya kay Abraham: “Nasa harap mo ang aking lupain: tumira ka saan mo man gusto.” 16 At sinabi naman niya kay Sara: “Binibigyan ko ang iyong kapatid ng isang libong pirasong pilak. Katibayan ito ng walang nangyaring anuman sa iyo, bilang pagpapatunay sa lahat ng kasama mo rito, nang hindi bumaba ang tingin nila sa iyo.” 17 At nanalangin si Abra¬ham sa Diyos at pinagaling ng Diyos si Abimelek, at ang asawa nito at mga aliping babae para magkaanak silang muli. 18 Sapagkat ginawang baog ni Yawe ang lahat ng babae sa sambahayan ni Abimelek dahil kay Sarang asawa ni Abraham.
Ipinanganak si Isaac
21 • 1 Nagmagandang-loob si Yawe kay Sara gaya ng kanyang sinabi at tinupad niya ang kanyang pangako.
2 Nagdalantao si Sara at nagkaanak ng isang lalaki kay Abraham sa katandaan nito, sa petsang ipinangako ng Diyos. 3 Isaac ang ipinangalan ni Abraham sa kanyang anak na isinilang ni Sara, 4 at tinuli iyon nang walong araw na, ayon sa iniutos ng Diyos. 5 Isandaang taon si Abra¬ham nang ipanganak ang kanyang anak na si Isaac.
6 Sinabi ni Sara: “Pinahalakhak ako ng Diyos at hahalakhak na kasama ko ang sinumang makaririnig nito.”
7 Idinugtong pa niya: “Sino ang maka¬¬¬pagsasabi kay Abraham na mag¬papa¬suso pa ng mga anak si Sara? Ngunit nagka¬anak ako ng isang lalaki kay Abraham sa kanyang katandaan.”
Pinalayas ni Abraham si Agar
• 8 Lumaki ang bata at sa araw na inawat si Isaac, naghanda nang malaki si Abraham. 9 Nakita ni Sara na ang kan¬yang anak ay pinagtatawanan ng anak ng Ehipsiyong si Agar kay Abra¬ham 10 at sinabi niya kay Abraham: “Palayasin mo ang aliping iyan at ang kanyang anak; hindi dapat makihati sa mamanahin ng anak kong si Isaac ang kanyang anak.” 11 Nakabagbag ito kay Abraham sapagkat anak din niya si Ismael. 12 Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos: “Huwag kang mag-alala tungkol sa bata at sa iyong alipin. Makinig ka kay Sara at gawin ang lahat ng sinasabi niya sapagkat magiging lahi mo ang may pangalan ni Isaac. 13 Ngunit gaga-win ko ring isang bansa ang anak mo sa iyong alipin sapagkat anak mo rin siya.”
14 Maagang gumising kinabukasan si Abraham at binigyan si Agar ng tinapay at isang supot na katad na puno ng tubig. Ipinapasan niya kay Agar ang bata at pinaalis na sila. Umalis si Agar at gumala sa disyerto ng Berseba. 15 Nang maubos na ang tubig sa katad, iniwan niya ang bata sa lilim ng maliit na puno, 16 at naupo siya sa layong abot ng pukol ng bato, sapag¬kat naiisip ni¬yang “Hindi ko matitiis makitang ma¬matay ang aking anak.” Samantalang na¬ka¬¬upo siya roon, nagsi¬mulang umi¬yak ang bata.
17 Narinig ng Diyos ang iyak ng bata, at tinawag si Agar ng Anghel ng Diyos buhat sa langit at sinabi: “Ano ang nangyayari, Agar? Huwag kang matakot. Narinig ng Diyos ang iyak ng bata. 18 Kunin mo’t kargahin ang bata sapagkat gagawin ko siyang isang malaking bansa.”
19 Binuksan ng Diyos ang mga mata ni Agar at nakita niya ang isang balon ng tubig. Pumunta siya roon at pinuno ng tubig ang katad, at pinainom ang ba¬ta. 20 Kasama ng bata sa kanyang pag¬laki ang Diyos. Nanirahan ito sa dis¬yerto at naging magaling na mamamana.
21 Nang ikuha siya ng kanyang ina ng asawa mula sa Ehipto, nanirahan siya sa Disyerto ng Paran. 22 Nang panahon ding iyon, sinabi kay Abraham ni Abimelek na kasama si Pikol na heneral ng kanyang hukbo: “Kasama mo ang Diyos sa lahat mong gawain, 23 kaya isumpa mo sa akin ngayon sa harap ng Diyos na ako at ang aking mga anak at mga inapo ay hindi mo lilinlangin, kundi ipapakita mo sa akin at sa bansang tinitirhan mo ang kabutihang-loob na ipinakikita ko rin sa iyo.”
24 At sinabi ni Abraham: “Oo, isinusumpa ko.” 25 Inireklamo naman ni Abraham kay Abimelek ang tungkol sa balong inagaw ng mga alipin nito. 26 Sinabi ni Abimelek: “Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito; hindi mo pa ito nasasabi sa akin, at ngayon ko lang ito na¬rinig.” 27 Kumuha ng mga tupa at mga baka si Abraham at ibinigay kay Abimelek, at gumawa ng kasunduan ang dalawa. 28 Ibinukod ni Abraham ang pitong duma¬lagang tupa mula sa kawan, 29 kaya itina¬nong ni Abimelek sa kanya: “Bakit mo ibinukod ang pitong dumalagang tupa?” 30 Sumagot si Abraham: “Tangga¬pin mo ang pitong dumalagang tupa mula sa aking kamay bilang patotoo na ako ang humukay ng balong ito.” 31 Kaya tinawag na Berseba o Balon ng Pangako ang nasabing lugar sapagkat doon sila kapwa nangako.
32 At gumawa sila ng kasunduan sa Berseba. At bumalik na sa lupain ng mga Pilisteo sina Abimelek at Pikol na heneral ng hukbo. 33 Nag¬tanim naman si Abraham ng isang puno sa Berseba at doon tumawag sa Ngalan ni Yaweng Diyos Magpakailanman. 34 At nanirahan si Ab¬raham nang maraming araw sa lupain ng mga Pilisteo.
Ang pag-aalay kay Isaac
22 • 1 Makalipas ang ilang panahon, sinubok ng Diyos si Abra¬ham at sinabi sa kanya: “Abraham!” At sumagot siya: “Narito ako.” 2 At sinabi ng Diyos: “Kunin ang iyong anak na lalaki, ang kaisa-isa mong anak na si Isaac na iyong minamahal, at mag¬punta kayo sa lupain ng Moriah. Ialay mo siya bilang sinunog na handog sa isa sa mga bundok doon na ituturo ko sa iyo.”
3 Gumising nang maaga si Abraham kina¬bukasan, at nilagyan niya ng upuan ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang batang alipin at ang kanyang anak na si Isaac. Nag¬sibak siya ng kahoy na gagamiting gatong sa alay at umalis pa¬punta sa lugar na iti¬nuro ng Diyos. 4 Sa ikat¬long araw, na¬tanaw ni Abraham ang lugar sa malayo, 5 at sinabi niya sa mga kaba¬taang ali¬pin: “Bantayan ninyo rito ang asno. Aahon kami ng anak ko sa dakong iyon para sumamba, at babalikan namin kayo.”
6 Kinuha ni Abraham ang kahoy na pang¬gatong sa alay at ipinapasan kay Isaac na kanyang anak. Dala naman niya ang apoy at patalim. Samantalang magkasamang naglalakad ang dalawa, 7 sinabi ni Isaac kay Abraham na kanyang ama: “Ama ko!” At su¬magot si Abraham: “Narito ako, anak ko.” Sinabi ni Isaac: “May dala tayong apoy at kahoy, pero na¬saan ang susunuging handog na kordero?” 8 Suma¬got si Abraham: “Ang Diyos ang magbi¬bigay ng susunuging handog na kordero, anak ko.” Nag¬patuloy na magkasama ang dalawa 9 hanggang dumating sila sa lugar na itinuro ng Diyos. Matapos ma-gawa ni Abraham ang altar at maiayos ang kahoy na panggatong, igina¬pos niya ang kan¬yang anak na si Isaac at inilagay sa altar sa iba¬baw ng mga kahoy. 10At iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at kinuha ang patalim upang sak¬sakin ang kanyang anak.
11 Ngunit tinawag siya ng Anghel ni Yawe mula sa langit: “Abraham! Abraham!” At sinabi niya: “Narito ako.” 12 Si¬nabi ng Anghel: “Huwag mong pagbu¬hatan ng kamay ang bata, huwag mo siyang saktan. Alam ko na ngayon na may takot ka sa Diyos sapagkat hindi mo ipinagkait para sa akin ang bugtong mong anak.” 13 Tumingin si Abraham at nakita niya ang isang barakong kambing na na¬pasabit ang mga sungay sa mga sanga ng isang palumpong. Kinuha niya iyon at ini¬alay bilang sinunog na handog na kapalit ng kanyang anak. 14 Tinawag ni Abraham na “Si Yawe ang Titingin” ang lugar na iyon kaya sinasabi ngayon na sa bundok na ito, si Yawe ang titingin.
15 At muling tinawag ng Anghel ni Yawe mula sa langit si Abraham, 16 at sinabi: “Sabi ni Yawe – dahil ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait ang kaisa-isa mong anak, 17 isinusumpa ko mismo sa aking sarili na pagpapalain kita at para¬ramihin kong sindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa da¬lam¬pasigan ang iyong lipi. At lulupigin ng iyong mga inapo ang kanilang mga kaaway. 18 At makikita ng lahat ng bansa ng san¬libutan ang aking pagpa¬pala sa pamamagitan ng iyong inapo sapagkat sumu¬nod ka sa akin.”
19 Binalikan ni Abraham ang kanyang mga alipin, at magkakasama silang umuwi sa Berseba kung saan siya tumigil.
20 Pagkalipas ng ilang panahon, naba¬litaan ni Abraham na nagkaroon na ng mga anak na lalaki si Milca kay Nahor na kapatid ni Abraham: 21 si Us ang panganay, si Buz na kapatid nito at si Camuel na ama ng mga Sirio, 22 at sina Cased, Azau, Feldas, Yedlaf at Batuel 23 (na ama ni Rebeca). Naging anak ni Milca ang walong ito kay Nahor na kapatid ni Abraham. 24 Nagka¬anak din ang kanyang asawang-ali¬pin na nagngangalang Roma: sina Tebaj, Gajam, Tajas at Maaca.
Ang libingan nina Abraham at Sara
23 • 1 Nabuhay si Sara nang isandaa’t dalawampu’t pitong taon. 2 Namatay siya sa siyudad ng Arbe – iyon ang Hebron – sa lupain ng Kanaan, at nanangis si Abraham at ipinagluksa si Sara. 3 Iniwan ni Abraham ang bangkay at kinausap niya ang mga Heteo:
4 “Dayuhan lamang ako sa lupang ito. Ha¬yaan ninyong magkaroon ako ng lote na magagawa kong libingan.” 5 Sumagot kay Abraham ang mga Heteo: 6 “Makinig ka, ginoo, ikaw ang prin¬¬¬¬¬¬sipe ng Diyos para sa amin; ilibing mo ang iyong patay sa pinakamahusay na libingan. Wa¬lang sinuman sa amin na mag¬kakait sa iyo ng kan¬¬¬yang li¬bi¬ngan para paglibi¬ngan mo ng iyong patay.”
7 Tumindig si Abraham at yumuko sa mga Heteong tagaroon, 8 at sinabi sa kanila: “Kung payag kayong ilibing ko ang aking patay, pa¬kinggan ninyo ako at ipakiusap kay Efrong anak ni Seor 9 na ibigay sa akin ang yungib niya sa Makpela na nasa may hangganan ng kan¬yang lupain. Ibigay niya iyon sa akin at ba¬bayaran ko iyon ng pilak bilang libingan.”
10 Nang mga sandaling iyon, naroon si Efron at nakaupong kasama ng mga Heteo, at sinabi nito kay Abraham na naririnig ng lahat ng labas-masok sa pintuan ng kanyang lunsod: 11 “Hindi, ginoo, makinig ka! Ibinibigay ko sa iyo ang lote, pati ang yungib na naroon. Sa pagsaksi ng lahat kong kababayan, ibinibigay ko iyon sa iyo. Ilibing mo roon ang iyong patay.” 12 Muling yumuko si Abraham sa mga Heteo 13 at sinabi kay Efron nang naririnig nila: “Kung makikinig ka lamang sa akin, babayaran ko ang halaga ng lote. Tanggapin mo ito upang mailibing ko roon ang aking patay.” 14 Suma¬got si Efron kay Abra¬ham: 15 “Ginoo, pakinggan mo ako. Apatna¬ra¬ang pirasong pilak ang halaga ng lote, palagay ko’y tama na ang halagang iyon, pero ano ba naman sa atin iyon? Ilibing mo na ang iyong patay.” 16 Sumang-ayon si Abraham kay Efron at tumimbang siya ng pilak sa harap ng mga Heteo: apatnaraang piraso ng pilak na umiiral noon sa pamilihan.
17 Sa gayon, ang lote ni Efron sa Makpela na katapat ng Mambre – ang lote at ang yungib pati ang lahat ng punong naroon, ang kabuuan niyon ay naging 18 ari-arian ni Abraham sa harap ng mga Heteong nasa pintuan ng lunsod.
19 Pagkatapos nito, inilibing ni Abraham ang asawang si Sara sa yungib na nasa lupain ng Makpela na malapit sa Mambre (na Hebron) sa lupain ng Kanaan. 20 Ang lupa at ang yungib na naroon ay ipinagbili nga ng mga Heteo kay Abraham para gawing libingan.
Humanap si Elizer ng mapapangasawa ni Isaac
24 • 1 Matandang-matanda na si Abra¬ham at pinagpala siya ni Yawe sa lahat ng bagay. 2 Sinabi ni Abraham sa pinakamatanda niyang lingkod na kanyang mayordomo: “Ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita 3 at sumumpa ka sa akin sa ngalan ni Yaweng Diyos ng langit at Diyos ng lupa na hindi mo ikukuha ng asawa ang aking anak sa mga dalaga ng Kanaan. 4 Sa halip, magpunta ka sa aking bayan para kumuha sa aking mga kamag-anak ng mapapangasawa ng aking anak na si Isaac.”
5 Sinabi ng lingkod sa kanya: “Paano kung ayaw sumama sa akin ng babae pabalik dito? Maisasama ko ba ang iyong anak sa bayang pinagmulan mo?” 6 Sinabi ni Abraham: “Hindi mo isasama roon ang aking anak sa anumang para¬an. 7 Sapag-kat si Yaweng Diyos ng langit na naglabas sa akin sa bahay ng aking ama at sa bayan kong sinilangan ang kuma-usap sa akin at sumumpang ibibi¬gay niya ang lupaing ito sa aking inapo.
Isusugo niya ang kanyang anghel para umuna sa iyo, at doon ka kukuha ng asawa ng aking anak. 8 Kung ayaw sumu¬nod sa iyo ng babae, magiging malaya ka na sa sumpang ito. Sa anu’t anuman, hindi mo dadalhin doon ang aking anak.” 9 Inilagay ng mayordomo ang kanyang kamay sa ilalim ng hita ng kanyang among si Abraham at sumum¬pang ga¬gawin ang iniutos sa kanya.
10 Kumuha ang lingkod ng sampu sa mga kamelyo ng kanyang amo at kinargahan ng lahat ng pinakamabuti sa mga ari-arian ng kanyang amo. Tumindig siya at naglakbay patungong siyu¬dad ng Nahor sa bayan ng Aram. 11 Pina¬luhod niya ang mga kamelyo malapit sa balon sa labas ng lunsod. Hapon na at paigib ng tubig ang mga babae.
12 At nanalangin ang mayordomo: “Yaweng Diyos ng aking panginoong si Abraham, sumaakin ka at magmagandang-loob kay Abraham na aking amo. 13 Tingnan mo, nakatayo ako rito sa tabi ng bukal at parating na ngayon ang mga babae para umigib ng tubig. 14 Sa¬sabihin ko sa kanilang – Ibuhos mo ang iyong banga upang makainom ako. Ang unang dalagang magsasa¬bing – Si¬ge, uminom ka at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo – ang ituturing kong pinili mo para sa iyong lingkod na si Isaac. Kaya malalaman kong nagmagandang-loob ka sa aking panginoon.”
15 Hindi pa siya tapos manalangin nang lumabas si Rebecang anak na dalaga ni Betuel na anak ni Milca na maybahay ni Nahor na kapatid naman ni Abraham. May pasang banga sa bali¬kat. 16 Napaka¬ganda ng dalaga at wala pang nakasisiping na lalaki. Lumusong siya sa bukal, pinuno ang banga at saka umahon. 17 Tu¬makbo ang alipin at sina-lubong siya at sinabi: “Mawalang-galang na, makiki¬inom sana ako ng ka¬un¬ting tubig sa iyong banga.” 18 Su¬ma¬got si Rebeca: “Uminom ka, gi¬noo.” Kapagdaka’y ibinaba niya ang pa¬sang banga at pinainom siya. 19 Pagka¬tapos siyang painumin, sinabi niya: “Iiigib ko rin ng tubig ang mga kamelyo mo hang¬¬¬gang mapawi ang kanilang uhaw.” 20 Nag¬mama-daling isinalin ni Rebeca ang laman ng banga sa labangan, at nag¬¬¬pa¬balik-balik para painumin ang lahat ng kamelyo.
21 Tahimik naman siyang pinagmamasdan ng lalaki para malaman kung pagtatagumpayin nga ni Yawe o hindi ang kanyang paglalakbay. 22 Nang ma¬kainom na ang mga kamelyo, inilabas ng lalaki ang gintong singsing para sa ilong at dalawang gintong pulseras at ibinigay sa dalaga. 23 At kanyang itina¬nong: “Kanino kang anak? Mangya¬ring sabihin mo sa akin. May silid ba sa ta¬ha¬nan ng iyong ama na maaari na¬ming pagpalipasan ng gabi?” 24 Suma¬got ang dalaga: “Anak ako ni Betuel na anak naman ni Milca kay Nahor.” 25 Ipinag¬patuloy niya: “Marami ka¬ming dayami at damo para sa mga kamelyo, at may silid din na mapagpapalipasan ninyo ng gabi.”
26 Lumuhod ang lalaki at dumapa sa harap ni Yawe, 27 at sinabi: “Dakilain si Yaweng Diyos ng aking panginoong si Abraham, na hindi ipinagkakait ang kan¬yang kabutihang-loob at katapatan sa aking amo. Pinatnubayan ako ni Yawe upang makarating sa bahay ng mga ka¬patid ng aking amo.” 28 Patakbong umuwi ang dalaga sa bahay ng kanyang ina at isinalaysay ang lahat.
29 May kapatid na lalaki si Rebeca na nagngangalang Laban, at patakbo nitong nilapitan ang lalaking malapit sa bukal. 30 Pagkakita niya sa singsing sa ilong at mga pulseras sa braso ng kan¬yang kapatid na dalaga, at nang mari¬nig niya ang sinabi ni Rebeca na “Ito ang sinabi sa akin ng lalaki...” nilapitan niya ang lala¬king nakatayo sa tabi ng mga kamelyo, malapit sa bukal. 31 Sinabi niya: “Tumuloy ka, ikaw na pi¬nag¬pala ni Yawe. Ba’t di ka pumasok? Naihanda ko na ang bahay at may lugar para sa iyong mga kamelyo.” 32 Kaya pumasok naman ang lalaki sa bahay at ibinaba ang mga dala ng mga kamelyo. Binig¬yan ng dayami at damo ang mga ka¬melyo. At binigyan naman siya ng tubig at ang kanyang mga kasama upang hugasan ang kanilang mga paa. 33 Hinainan din siya ng pagkain pero sinabi niya: “Hindi ako kakain hang¬¬gang hindi ko nasasabi ang aking pakay.” Sinabi ni Laban: “Magsalita ka.”
34 At sinabi niya: “Ako ay lingkod ni Abra¬ham. 35 Lubos na pinagpala ni Yawe ang aking amo at yumaman siya. Binigyan siya ni Yawe ng mga tupa, at mga baka, pilak at ginto, mga aliping lalaki at babae, mga kamelyo at asno. 36 At nagsilang ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan si Sarang asawa ng aking amo. Kaya sa kanya ibinigay ng aking amo ang lahat niyang ari-arian. 37 At pinasumpa niya ako at sinabing – Hindi mo ikukuha ng asawa ang aking anak sa mga dalaga ng Kanaang tinitirhan ko. 38 Sa halip, pupunta ka sa angkan ng aking ama, sa aking mga kamag-anak, at doon ka kukuha ng magiging asawa ng aking anak. 39 At sinabi ko naman sa aking amo – Paano kung ayaw sumama sa akin ng babae? 40 Suma¬got siya – Isusugo ni Yaweng lagi kong pinag¬lilingkuran ang kanyang anghel para samahan ka at gawing matagumpay ang iyong paglalakbay. Makakukuha ka ng magiging asawa ng aking anak mula sa sarili kong angkan at sa tahanan ng aking ama. 41 At pagkarating mo sa aking angkan, malaya ka na sa aking sumpa – tu¬manggi man silang ibigay siya sa iyo o hindi, wala ka nang pananagutan sa akin.
42 Kaya nanalangin ako pagdating sa bukal – Yaweng Diyos ng aking panginoong Abraham, kung gusto mong magtagumpay ang aking paglalakbay, 43 ganito sana ang mangyari: tatayo ako sa tabi ng bukal at kapag may du-mating na dalaga para umigib ng tubig, sasabihin ko sa kanyang: Painom naman nang kaunti sa iyong banga. 44 Kapag sumagot siya ng – Uminom ka, at iiigib ko rin ang iyong mga kamelyo – siya nawa ang babaeng pinili ni Yawe para sa anak ng aking amo. 45 Iniisip ko pa lamang ito nang lumabas si Rebeca na may pasang banga. Lumusong siya sa bukal para umigib ng tubig. Sinabi ko sa kanyang – Painom naman. 46 Mabilis niyang ibinaba ang banga at sinabing – Uminom ka! At paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo. – Uminom ako at pina¬inom din niya ang aking mga kamelyo. 47 Tinanong ko siya – Kanino kang anak? At sinabi niyang – Anak ako ni Betuel na anak ni Nahor kay Milca. At isinuot ko ang singsing na ito sa kanyang ilong at ang mga pulseras sa kanyang braso. 48 Lumuhod ako pagkatapos at dumapa para sambahin at dakilain si Yaweng Diyos ng aking among si Abraham, na umakay sa akin sa tamang daan para kunin ang apo ng kapatid na lalaki ng aking amo para sa kanyang anak. 49 Sabihin ninyo sa akin ngayon kung magmamagandang-loob kayo at magiging tapat sa aking amo; kung hindi naman, sabihin ninyo sa akin nang malaman ko kung ano ang dapat kong gawin.”
50 Sumagot sina Laban at Betuel: “Talaga ito ni Yawe. Hindi kami maka¬tu¬tutol. 51 Heto si Rebeca, isama mo siya para maging asawa ng anak ng iyong amo, gaya ng sinabi ni Yawe.” 52 Nang marinig iyon ng lingkod ni Abraham, du¬mapa siya sa lupa sa harap ni Yawe. 53 Kinuha niya pagka¬tapos ang mga ala¬has na ginto at pilak at ang mga damit, at ibinigay kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling mga regalo ang kapatid na lalaki at ina at mga kamag-anak nito. 54 At siya at ang kanyang mga kasama ay kumain at nag-inuman, at doon nagpalipas ng gabi.
Nang magising sila kinabukasan, sinabi niya: “Pauwiin na ninyo ako sa aking amo.” 55 Sinabi ng kapatid at ina ni Rebeca: “Hayaan mong makapiling pa namin ang aming dalaga nang mga sampung araw. At makalalakad na siya.” 56 Sinabi niya: “Huwag na ninyo akong abalahin dahil pinapagtagum-pay na ni Yawe ang aking pag¬lalakbay. Pa¬uwiin na sana ninyo ako sa aking amo.” 57 At sinabi nila: “Tawagin natin si Rebeca at tanungin siya tungkol dito.” 58 Tinawag nila si Rebeca at tinanong: “Gusto mo bang sumama sa lalaking ito?” Sumagot siya: “Sasama ako.” 59 Ka¬ya pinasama nila si Rebecang ka¬patid nila at ang yaya nito sa lingkod ni Abraham at sa mga tauhan niyon. 60 Binasbasan nila si Rebeca at sinabi sa kanya: “Aming kapatid, dumami ka nawa nang libu-libo, at malupig nawa ng iyong lahi ang mga namumuhi sa kanila.”
61 Naghanda si Rebeca at ang kanyang mga utusan, sumakay sa mga kamelyo at sumunod sa mayordomo ni Abraham. Sa gayon, isinama ng lingkod si Rebeca at umalis.
62 Kagagaling pa lamang ni Isaac sa balon ng Lahay-Roi sapagkat sa Negeb siya nakatira. 63 Nang gumagabi na, lumabas siya para mamasyal sa bukid, at natanaw niya sa malayo ang ilang ka¬melyong papalapit. 64 At nang makita siya ni Rebeca, bumaba ito sa kamelyo 65 at tinanong ang mayordomo: “Sino ang la¬laking iyon sa bukid na palapit sa atin?” Sumagot ito: “Siya ang amo ko.” Kayat kinuha ni Rebeca ang kanyang belo at tinakpan ang mukha.
66 Isinalaysay ng mayordomo kay Isaac ang lahat niyang ginawa. 67 Dina¬la ni Isaac si Rebeca sa tolda ng kanyang inang si Sara. At siya ay na¬ging kanya at naging asawa niya. Minahal niya ito at si Isaac ay naaliw pag¬kamatay ng kanyang ina.
Si Abraham at ang kanyang mga inapo
25 • 1 Kumuha ng isa pang asawa si Abra¬ham, na nagngangalang Ketura. 2 Na¬ging ina siya nina Zamram, Yecsan, Madan, Madian, Yesboc at Suraj.
3 Si Yecsan ang ama nina Saba at Dedan, at ang mga Asureo, Latuseo, Leomeo ang mga anak ni Dedan. 4 Mga anak naman ni Madian sina Efa, Ofer, Enoc, Abida at Eldaa. Mga inapo silang lahat ni Ketura. 5 Pero kay Isaac ipinamana ni Abraham ang lahat. 6 Binigyan naman ni Abraham ng mga regalo ang mga anak niya sa ibang babae; at habang nabubuhay pa siya, pinalayo niya ang mga iyon kay Isaac sa lupain sa silangan.
7 Nabuhay si Abraham nang isandaa’t pitumpu’t limang taon. Nalagutan ng hininga si Abraham. 8 At pagkatapos ng kanyang masa¬yang katandaan, namatay siyang matanda at mayaman sa taon at sumama siya sa kanyang mga ninuno. 9 Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Isaac at Ismael sa yungib sa Makpela na malapit sa Mambre, sa bukid ni Efrong anak ni Seor na Heteo. Inilibing si Abraham kasama ng kanyang asawang si Sara sa 10 loteng binili niya sa mga Heteo. 11 Pagka¬matay ni Abraham, pinagpala ng Diyos ang kanyang anak na si Isaac na nakatira noon malapit sa balon ng Lahay-Roi.
12 Ito ang mga inapo ni Ismael na anak ni Abraham kay Agar na aliping taga-Ehipto ni Sara. 13 Ito ang kanilang mga pangalan ayon sa pagkasilang: si Nabaiot ang panganay ni Ismael, at sumunod sina Cedar, Abdeel at Mabsam, 14 Misma, Duma at Massa, 15 Hadad, Tema, Yetur, Nafis at Cedma. 16 Ito ang mga anak ni Ismael, ang kanilang mga bayan at kampo. Labindalawa silang mga pinuno ng kani-kanilang mga tribu. 17 Nabuhay si Ismael nang isandaa’t tat¬lumpu’t pitong taon. Nang ma¬matay siya, inilibing siyang kasama ng kan¬yang mga ninuno.
18 Nanirahan ang kanyang mga inapo sa lupaing sumasakop sa Evila haggang Sur, ma¬lapit sa hangganan ng Ehipto patungong Asiria. At lumaganap siya sa harap ng kanyang kapwa.
19 Dito nagsisimula ang kasaysayan ni Isaac na anak ni Abraham. 20 Apatnapung taon si Isaac nang maging asawa niya si Rebecang anak na dalaga ni Betuel, ang Arameong taga-Mesopotamia, at kapatid ni Laban.
Ipinanganak sina Esau at Jacob
• 21 Nanalangin si Isaac kay Yawe para sa kanyang asawa sapagkat baog ito. Dininig siya ni Yawe at naglihi si Rebecang asawa niya. 22 Sa tiyan pa lamang ay nag¬tutulakan na ang mga bata; isinama ito ng loob ni Rebeca at sinabi niya: “Ba’t pa ako patuloy na nabubuhay kung ganito rin lamang?” Kayat sumangguni siya kay Yawe.
23 Sinabi sa kanya ni Yawe: “Dalawang bansa ang nasa iyong sinapu¬punan, at da¬lawang bayan mula sa iyo ang maghihi¬walay. Magiging mas malakas ang isa at maglilingkod ang pa¬nganay sa bunso.”
24 Nang sumapit ang araw ng kanyang panganganak, kambal pala ang nasa kanyang sinapupunan. 25 Ang unang lu¬ma¬¬bas ay mapula at balbon ang buong ka¬tawan, kaya tinawag siyang Esau. 26 Kasunod niyang luma¬bas ang kanyang kapatid, nakahawak ito sa sakong ni Esau at pinangalanang Jacob. Animnapung taon noon si Isaac.
27 Lumaki ang mga bata, naging ma¬galing na mangangaso si Esau na ma¬hilig magpagala-gala. Si Jacob naman ay simpleng tao at naninirahan sa tolda. 28 Mahal ni Isaac si Esau dahil gusto nito ang karne ng maiilap na hayop, pero mahal naman ni Rebeca si Jacob.
29 Minsan, nang nagluluto ng nilaga si Jacob, dumating si Esau mula sa paggagala at pagod na pagod, 30 at sinabi niya kay Jacob: “Palamunin mo nga ako ng pulang nilaga mo dahil gutom na gutom ako.” (Mula noon, tinawag na siyang Edom – ang Pula.) 31 Sinabi ni Jacob: “Ipagbili mo sa akin ngayon din ang ka¬rapatan ng pagiging panganay.” 32 Si¬nabi ni Esau: “Malapit na rin lang akong ma¬matay sa gutom, ano pa ang ka¬buluhan ng pagiging panganay?” 33 Sinabi naman ni Jacob: “Sumumpa ka ngayon din.” At su¬mum¬pa si Esau at ipinagbili ang karapatan ng pagiging panganay kay Jacob.
34 At saka siya binigyan ni Jacob ng ti¬napay at nilagang beans. Kumain at umi¬nom si Esau at tumindig pagkatapos at umalis. At binale-wala ni Esau ang pa¬giging panganay niya.
Mga pangyayari sa buhay ni Isaac
26 • 1 Nagkaroon ng taggutom sa lu¬pain – ang ikalawa pagkatapos ng tag¬gutom sa panahon ni Abraham – at nagpunta si Isaac sa Gerar na lupain ni Abimelek na hari ng mga Pilisteo. 2 Sapagkat napakita sa kanya si Yawe at sinabi: “Huwag kang bababa sa Ehipto; tumigil ka sa lupaing sasabihin ko sa iyo. 3 Manatili ka sa lupaing ito, at ako’y sasaiyo at pagpapalain kita. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga inapo ang buong lupaing ito, at tutuparin ko ang panga¬kong sinumpaan ko sa iyong amang si Abra¬ham. 4 Pararamihin ko ang iyong lipi tulad ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong lahi ang buong lupaing ito. At makikita ng lahat ng bansa sa daigdig ang aking pagpapala sa pamamagitan ng iyong inapo 5 sapagkat sinu¬nod ako ni Abraham at tinupad ang mga ini¬uutos ko at ang aking mga batas at tuntunin.” 6 Kaya nanatili sa Gerar si Isaac. 7 Nang tanu¬ngin siya ng mga tao sa nasabing lupain tungkol sa kan¬yang asawa, sinabi niyang “Kapatid ko siya.” Natatakot siyang sabihing “Asawa ko siya” sapagkat inakala niyang “Baka patayin ako ng mga lalaking ito dahil kay Rebeca na napaka¬ganda.” 8 Nang matagal na roon si Isaac, min-sang nakadungaw si Abimelek sa bintana, na¬kita nito si Isaac na nakikipaglambingan kay Rebeca. 9 Ipinatawag ni Abimelek si Isaac at sinabing “Asawa mo pala siya! Bakit mo sina¬bing kapatid mo siya?” Sinabi naman ni Isaac: “Inisip ko kasing baka patayin nila ako dahil sa kanya.” 10 Kaya sinabi ni Abimelek: “Ano itong ginawa mo sa amin? Kung nangyaring nakipagtalik sa asawa mo ang isa sa aking mga tauhan, isusuong mo kami sa pagka¬kasala.” 11 Kaya nag¬palabas ng utos si Abimelek sa lahat niyang nasasakupan: “Mamamatay ang sinumang gu¬malaw sa lala¬king ito o sa kanyang asawa.”
12 Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani nang makasandaang ibayo nang taon ding iyon. Pinagpala siya ni Yawe 13 at siya ay yumaman. Patuloy na lumago ang kanyang kabu¬hayan hanggang maging napaka¬yaman niya. 14 Nag¬karoon siya ng napaka¬raming kawan ng mga tupa at mga baka, at mga alipin kaya na¬inggit sa kanya ang mga Pilisteo. 15 Tinabunan ng lupa ng mga Pilisteo ang lahat ng balong hinukay ng mga alipin ng kanyang amang si Abraham sa ka¬panahunan nito. 16 Sinabi ni Abimelek kay Isaac: “Lumayo ka sa amin sapagkat mas ma¬kapangyarihan ka pa ngayon kaysa amin.” 17 Kaya umalis sina Isaac sa lupa¬ing iyon at nagpunta sa Lambak ng Gerar at nanirahan doon.
18 Muling ipinahukay ni Isaac ang mga balong hinukay sa kapanahunan ng kanyang amang si Abraham, na tinabunan naman ng mga Pilisteo pagkamatay ni Abraham. Dati ring pangalan ang itinawag niya sa mga balon ayon sa ibinigay ng kanyang ama. 19 Nag¬hukay ang mga alipin ni Isaac sa lambak at natuklasan ang isang buhay na bukal. 20 Ngunit inaway ng mga pastol ng Gerar ang mga pastol ni Isaac at sinabing: “Amin ang tubig na iyan!” Kaya tinawag niyang Esek (Balon ng Away) ang balon sapagkat pinag-awayan nila iyon. 21 Hu¬mukay sila ng iba pang balon pero muli na naman nila iyong pinag-awayan, kaya tinawag niya iyong Sitna (Balon ng Pag¬tatalo). 22 Lumayo na siya roon at humu¬kay ng isa pang balon, at sapagkat walang nakipagkagalit dahil doon, tinawag niya iyong Rejobot (Balon ng Ginhawa). At sinabi niya: “Sa wakas, binigyang-ginhawa rin tayo ni Yawe kaya uunlad na tayo ngayon sa lupaing ito.”
23 Mula roon, umahon si Isaac sa Berseba. 24 Napakita sa kanya si Yawe kinagabihan at sinabi: “Ako ang Diyos ni Abraham na iyong ama. Huwag kang matakot sapagkat ako’y sumasaiyo. Pagpapalain kita at pararamihin ang iyong lipi alang-alang kay Abraham na aking lingkod.” 25 Gumawa ng altar si Isaac doon at tumawag sa Ngalan ni Yawe. Doon niya itinayo ang kanyang tolda, at humukay naman ng balon ang kanyang mga alipin.
26 Pinuntahan siya ni Abimelek mula sa Gerar kasama ang kaibigan nitong si Ajuzat at si Pikol na pinuno ng kanyang hukbo. 27 Sinabi sa kanya ni Isaac: “Bakit ka napa¬rito? Di ba’t namumuhi ka sa akin kaya mo ako pinalayas?” 28 Sumagot ang mga ito: “Maliwanag naming nakita na sumasaiyo si Yawe kaya sinabi naming – Ipa¬ngako natin ang kapayapaan sa isa’t isa at gumawa tayo ng kasunduan: 29 hindi mo kami pipinsalain kung paanong hindi ka namin gi¬nulo kundi naging laging mabuti ang paki¬kitungo namin sa iyo at mapayapa kang pinaalis. Ikaw ang pinagpala ni Yawe.” 30 At pinagtibay ni Isaac ang kasunduan sa banal na pi¬ging at kumain sila at nag-inuman. 31 Kinabukasan, maaga silang gumising at nangako sa isa’t isa. Pinaalis sila ni Isaac at iniwan naman siya sa kapayapaan. 32 Nang araw ding iyon, du¬mating ang mga alipin ni Isaac at ibinalita sa kanya ang tungkol sa balong hinukay ng mga ito: “Naka¬tuklas kami ng tubig!” 33 Tinawag niyang Seba ang balon kaya Berseba ang pangalan ng lunsod hang¬gang ngayon.
34 Nang apatnapung taon na si Esau, pina¬ka¬salan niya si Judit na anak ni Bering Heteo at si Besemat na anak naman ni Elon na isa ring Heteo. 35 At nakakainis sila kina Isaac at Rebeca.
Ninakaw ni Jacob ang bendisyon
27 1 Matanda na si Isaac at malabo na ang mga mata at hindi na maka¬kita. Tinawag niya ang kanyang panga¬nay na si Esau at sinabi: “Anak ko.” Sumagot ito: “Narito ako.” 2 Nagpatuloy si Isaac: “Matanda na ako at hindi ko alam kung kailan ako mamamatay. 3 Kaya kunin mo ang iyong mga sandata, ang iyong pana at sisidlan ng mga palaso. Lumabas ka sa kaburulan at mangaso. 4 At ipagluto mo ako ng paborito ko at ihain sa akin. At saka ko ibibigay sa iyo ang aking ben¬disyon bago ako mamatay.”
5 Nakikinig si Rebeca habang kina¬ka¬usap ni Isaac ang anak na si Esau. Pag¬kaalis ni Esau para mangaso sa kabu-rulan, 6 tinawag ni Rebeca ang kan¬yang anak na si Jacob at sinabi: “Na¬rinig kong sinabi ng iyong ama sa kuya mong si Esau – 7 Mangaso ka at ipagluto ako ng iyong huli para makakain ako at babas¬basan kita sa harap ni Yawe bago ako mamatay. 8 Nga¬¬yon, anak ko, ma¬kinig ka at gawin mo ang sasabihin ko sa iyo. 9 Pumunta ka sa mga kawan at dalhan mo ako ng dalawang matabang batang kam¬bing para maipagluto ko ng pabo¬ritong pagkain ang iyong ama. 10 Iha-hain mo iyon sa iyong ama at ka¬kain siya, at ikaw ang babasbasan niya bago siya mamatay.”
11 Sinabi naman ni Jacob kay Rebe¬ca: “Balbon ang aking kuyang si Esau, samantalang makinis naman ang balat ko. 12 Kapag hinipo ako ng aking ama, malalaman niyang nililinlang ko siya at sumpa ang tatanggapin ko sa halip na pagpapalapagpapala.” 13 Ngunit sinabi ng kanyang ina: “Anak ko, sa akin na sana bu¬¬¬magsak ang sumpa! Gawin mo basta ang sinabi ko; lumakad ka na at kunin iyon para sa akin.” 14 Kaya uma¬lis si Jacob at kinuha ang mga iyon at dinala sa kanyang ina para ihanda ang paboritong pagkain ng kanyang ama. 15 At kinuha ni Rebeca ang nasa bahay na pinaka¬magandang damit ni Esau na kuya ni Jacob, at isinuot ito sa kanyang bunso. 16 Binalutan niya ng balat ng kam¬bing ang mga kamay ni Jacob at ang makinis na bahagi ng leeg, 17 at iniabot dito ang tina¬pay at ulam na kan¬¬yang inihanda.

18 Pinuntahan ni Jacob ang kanyang ama at sinabing “Ama ko.” Sumagot si Isaac: “Oo, anak ko, sino ka?” 19 Su¬ma¬¬got si Jacob: “Ako si Esau, ang inyong panga¬nay. Nagawa ko na ang inyong bilin. Ma¬upo kayo at kainin ang aking napangaso, at ibigay sa akin ang inyong bendisyon.”
20 Sinabi naman ni Isaac: “Ang bilis mong nakakuha, anak ko!” Sumagot si Jacob: “Tinulungan po ako ni Yaweng inyong Diyos.”
21 Sinabi ni Isaac kay Jacob: “Luma¬pit ka sa akin, anak, para mahawakan kita para malaman ko kung ikaw nga o hindi ang anak kong si Esau.” 22 Nang lumapit si Jacob kay Isaac na kanyang ama, sinalat siya nito at sinabi: “Ang boses ay boses ni Jacob pero ang kamay ay ka¬may ni Esau.” 23 Hindi siya naki¬lala ni Isaac sapagkat mabalahibo ang kan¬yang mga kamay tulad sa mga kamay ng kanyang kapatid na si Esau kayat binasbasan siya ni Isaac. 24 Nagtanong si Isaac: “Ikaw bang talaga ang anak kong si Esau?” At sumagot si Jacob: “Ako nga.” 25 Sinabi ni Isaac: “Da¬lhan mo ako ng iyong na¬pa¬ngaso, anak ko, para ma¬ka¬kain ako at nang mabasbasan kita.”
Kaya hinainan ni Jacob si Isaac para kumain. Nagdala rin siya ng alak at umi¬nom si Isaac.
26 At sinabi pagkatapos ng kanyang amang si Isaac: “Halika, anak ko, luma¬pit ka sa akin, at halikan mo ako.” 27 Kaya lumapit siya at hinalikan ang ama. Na¬amoy ni Isaac ang kanyang suot kaya bi¬nasbasan siya, at sinabi:
“Tulad sa halimuyak ng kabukirang pinag¬pala ni Yawe
ang samyo ng aking anak.
28 Ipagkaloob nawa sa iyo ng Diyos
ang hamog ng langit at matabang lupa,
ang masaganang trigo at katas ng ubas.
29 Paglingkuran ka nawa ng mga bayan
at mangayupapa sa iyo ang mga bansa.
Maging panginoon ka ng iyong mga kapatid,
at yumuko sa iyo ang mga anak ng iyong ina.
Sumpain ang sinumang susumpa sa iyo,
at pagpalain ang sinumang magpa¬pala sa iyo.”
30 Katatapos pa lamang basbasan ni Isaac si Jacob at kaaalis-alis pa lamang ni Jacob nang dumating ang kapatid nitong si Esau galing sa pangangaso. 31 Nagluto rin si Esau at dinala sa kanyang ama at sinabi: “Ama, maupo kayo at kanin ang ini¬han¬dang napangaso ng inyong anak para mabasbasan ninyo ako.”
32 Sinabi ni Isaac: “Sino ka?” “Ako ang inyong panganay, si Esau.” 33 Ga¬yon na lamang ang panginginig ni Isaac at sinabi: “Kung gayo’y sino ang nangaso at nagdala nito sa akin? Kaka¬kain ko pa lamang bago ka dumating, at binasbasan ko siya at siya nga ang pagpapa¬lain.” 34 Nang marinig ni Esau ang sinabi ng kanyang ama, napaiyak ito nang ma¬lakas at buong-kapaitan, at sinabi sa kanyang ama: “Basbasan din ninyo ’ko, Ama ko.”
35 Ngunit sinabi ni Isaac: “Pinun¬tahan ako’t nilinlang ng iyong kapatid, at kinuha niya ang bendisyon ko sa iyo.” 36 Sinabi ni Esau: “Talaga ngang Jacob ang pangalan niya. Dalawang beses na niya akong napaglalalangan. Una’y kinu-ha niya ang kara¬patan ko sa pagi¬ging panganay, at ngayo’y kinuha naman niya ang pagba¬basbas sa akin.” At itinanong niya: “Wala na ba kayong inilalaang bendisyon sa akin?”
37 Sumagot si Isaac: “Nagawa ko na siyang panginoon mo. Naibigay ko na sa kanya ang lahat niyang kaanak bilang alipin; naipagkaloob ko na sa kanya ang masaganang trigo at katas ng ubas. Ano pa ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?” 38 Sinabi ni Esau sa kanyang ama: “Iisa lamang ba ang inyong ben¬disyon? Ama, basbasan din ninyo ako.” At huma¬gulgol si Esau.
39 Kaya sumagot si Isaac na kan¬yang ama: “Titira kang malayo sa kasaganaan ng lupa, malayo sa hamog ng langit. 40 Ma¬bubuhay ka sa patalim at pag¬li¬ling¬kuran mo ang iyong kapatid. Ngunit ka¬pag ninais mo, maaalis mo ang kan¬yang pamatok sa batok mo.”
Tumago si Jacob sa bahay ni Laban
41 Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa bendis¬yong ipinagkaloob dito ng kanyang ama, at naisaloob niyang “Malapit na ang pagluluksa para sa aking ama. Saka ko papatayin ang aking kapatid na si Jacob.” 42 Nang malaman ni Rebeca ang banta ni Esau na kanyang panganay, ipinatawag niya si Jacob na kanyang bun¬so at sinabi rito: “Gustong gumanti sa iyo ng iyong Kuya Esau, at papatayin ka niya. 43 Kaya pa¬kinggan mo ako, anak ko, tumakas ka nga¬yon din at pumunta kay Labang kapatid kong nasa Haran. 44 Ilang panahon ka munang tumira sa kanya hanggang humupa ang poot ng iyong kuya. 45 At kapag hindi na siya galit at na¬limutan na ang ginawa mo sa kanya, ipasusundo kita para makabalik dito. Bakit kailangang ma¬wala kayong dalawa sa akin sa iisang araw?”
46 Sinabi naman ni Rebeca kay Isaac: “Na¬ka¬kaaburido na ang mga Heteang iyan! Ano pa’ng halaga ng buhay kung isa rin lang Heteang tulad nila ang mapapa¬ngasawa ni Jacob sa lupaing ito!”

28 1 Ipinatawag ni Isaac si Jacob at binasbasan siya at iniutos: “Huwag kang mag-aasawa ng isang Kananea. 2 Magpunta ka sa Padan-Aram, sa bahay ni Batuel na ama ng iyong ina, at doon ka humanap ng mapapa¬ngasawa mula sa mga anak ni Laban na ka¬patid ng iyong ina. 3 Pagpalain ka nawa ng Maka¬pang¬yarihang Diyos, gawin kang ma¬bunga at paramihin ang iyong lipi upang ikaw ay maging pagtitipon ng mga bansa. 4 Ipag¬kaloob nawa niya sa iyo at sa iyong mga inapo ang pagpapala ni Abraham upang masakop mo ang lupa¬ing tinitirhan mo ngayon na ibinigay ng Diyos kay Abraham.”
5 Pinaalis na ni Isaac si Jacob, at nagpunta nga ito sa Padan-Aram, kay Labang anak ng Arameong si Batuel at kapatid ni Rebecang ina nina Jacob at Esau.
6 Nakita ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob at pinapunta sa Padan-Aram upang doon humanap ng mapapangasawa, at sa pagbabasbas sa kanya ay iniutos na “Huwag kang mag-aasawa ng Kananea.” 7 At sa pagsunod sa kan¬yang ama at ina, nagpunta nga si Jacob sa Padan-Aram. 8 Naunawaan ni Esau na hindi kasiya-siya sa kanyang amang si Isaac ang mga babaeng Kananea. 9 Kaya pinuntahan niya si Ismael at kinuhang asawa – bukod sa kanyang mga asawa na – si Majalat na anak ni Ismael na anak ni Abraham at kapatid ni Nebaiot.
Panaginip ni Jacob
• 10 Umalis si Jacob sa Berseba pa¬tu¬ngong Haran. 11 Pagdating niya sa isang lugar, tumigil siya roon dahil lubog na ang araw, at doon pinalipas ang gabi. Kinuha niya ang isa sa mga bato roon at inunan, at nahiga siya para ma¬tulog.
12 Nang natutulog na si Jacob, nana¬ginip siya na may nakatindig na hagdan sa lupa na abot-langit ang tuktok, at akyat-panaog doon ang mga anghel ng Diyos. 13 At nakatayo sa tabi niya si Yawe at sinabi sa kanyang “Ako si Yaweng Diyos ni Abraham na iyong ama at Diyos ni Isaac. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga inapo ang lupang tinutulugan mo. 14 Matutulad sa alabok ng lupa ang iyong mga inapo at kakalat ka sa kanluran at sa silangan, sa hilaga at sa timog. At ma¬ki¬kita ng lahat ng bansa sa lupa ang aking pagpapala sa pamamagitan mo at ng iyong inapo. 15 Tingnan mo, ako’y suma¬saiyo at lagi kitang iingatan saan ka man pumunta. Iba¬balik kita sa lupaing ito at hindi kita iiwan hanggang hindi ko natu¬tupad ang aking ipina¬ngako.”
16 Nagising si Jacob at kanyang si¬nabi: “Talaga palang nasa lugar na ito si Yawe pero hindi ko alam.” 17 Natakot siya at sinabi: “Nakakatakot ang lugar na ito! Ito’y walang iba kundi ang Bahay ng Diyos at Pinto ng Langit!”
18 Maagang gumising si Jacob at kinu¬ha niya ang batong kanyang inu¬nan at itinayo iyon bilang haligi at binusan ito ng langis. 19 Pinangalanan niyang Betel ang lugar na iyon na da¬ting tinatawag na Luz. 20 At sumumpa si Jacob: “Kung sasaakin si Yawe at panga¬¬ngalagaan niya ako sa paglalak¬bay kong ito, at bibigyan ako ng tinapay na makakain at damit na mai¬su¬suot, 21 at pababalikin akong malu¬wal¬¬hati sa bahay ng aking ama, at mag¬pa¬paka¬diyos para sa akin si Yawe, 22 magi¬ging bahay ng Diyos ang batong ito na itinayo ko bilang haligi at ibabalik ko ang ikapu ng lahat ng ibinibigay mo sa akin.”
Si Jacob sa bahay ni Laban
29 • 1 Nagpatuloy si Jacob at dumating sa lupain sa silangan. 2 Nakita niya roon ang isang balon na may tatlong kawan ng mga tupa sa malapit. Sa balong ito pinaiinom ang mga kawan, at may isang malaking tipak ng bato na nakaharang sa balon. 3 Kapag naroon na ang buong kawan, pagugulungin ng mga pastol ang batong naka¬harang sa balon, paiinumin ang mga kawan at saka muling ihaharang ang bato sa bunganga ng balon.
4 Nagtanong si Jacob sa mga pastol: “Mga kapatid, taga-saan kayo?” Sumagot ang mga ito: “Taga-Haran kami.” 5 At sinabi naman niya: “Kilala ba ninyo si Labang apo ni Nahor?” Sumagot ang mga pastol: “Oo, kilala namin siya.” 6 At itinanong ni Jacob: “Mabuti ba naman ang lagay niya?” Sumagot ang mga ito: “Oo, mabuti naman. At hayan si Raquel na anak niya, kasama ang mga tupa!”
7 At sinabi ni Jacob: “Tingnan ninyo, mataas pa ang araw, hindi pa oras para tipunin ang mga kawan. Painumin na ninyo ang mga tupa at dalhin sila sa pastulan.” 8 Ngunit sinabi ng mga pastol: “Hindi namin magagawa ’yon hanggang hindi natitipon dito ang buong kawan at na-pagulong na ang batong nasa bu¬nganga ng balon. Saka pa lamang namin mapa¬iinom ang mga tupa.”
9 Nakikipag-usap pa si Jacob sa kanila nang dumating si Raquel kasama ang mga tupa ng kanyang ama sapagkat siya ay isang pastol. 10 Pagkakita ni Jacob kay Raquel na anak ni Labang kapatid ng kanyang ina, lumapit siya sa balon at pinagulong ang bato mula sa bu¬nganga ng balon at pinainom ang mga tupa ni Labang tiyo niya. 11 At hinalikan ni Jacob si Raquel at umiyak nang malakas.
12 Sinabi ni Jacob kay Raquel na kamag-anak siya ng ama nito at anak ni Rebeca, at tumakbo naman ito para ipagbigay-alam sa kanyang ama. 13 Nang malaman ni Laban ang tungkol kay Jacob na anak ng kanyang kapatid, pa¬takbo niyang sinalubong iyon. Pagkatapos niyang yakapin at halikan si Jacob, pinatuloy niya ito sa kanyang bahay. Isinalaysay ni Jacob sa kanya ang lahat ng nangyari. 14 At sinabi ni Laban: “Talaga ngang ikaw ay aking laman at dugo!” At tumigil doon si Jacob nang isang buwan.
Dalawang pag-aasawa ni Jacob
15 Sinabi ni Laban kay Jacob: “Huwag mong sabihing maglilingkod ka sa akin nang libre dahil kamag-anak kita. Sabihin mo, magkano ang suweldong gusto mo?”
16 May dalawang anak na dalaga si Laban: Lea ang pangalan ng panganay at Raquel naman ang pangalan ng bunso. 17 Walang ningning ang mga mata ni Lea, ngunit ma¬ganda ang katawan at mukha ni Raquel at kaakit-akit. 18 Nag¬kagusto si Jacob kay Raquel at sinabi niya: “Maglilingkod ako sa inyo nang pitong taon bilang kapalit ng bunso ninyong anak na si Raquel.” 19 Suma¬got si Laban: “Mas mabuti ngang sa iyo ko siya ibigay kaysa iba; manatili ka ritong kasama ko.”
20 Kaya pitong taong nagtrabaho si Jacob para mapasakanya si Raquel ngunit parang ilang araw lamang iyon sa kanya dahil mahal niya si Raquel. 21 At sinabi ni Jacob kay Laban: “Ibigay na ninyo sa akin ang aking asawa sapagkat tapos ko na ang aking taning, gusto ko na siyang makasama.” 22 Kaya inanyayahan ni Laban ang lahat ng tagaroon at naghanda nang malaki. 23 Ngunit kinagabihan, ang anak niyang si Lea ang pinapasok niya kay Jacob, at nakipagtalik naman dito si Jacob.
24 Ibinigay ni Laban kay Lea ang kanyang aliping si Zelfa bilang utusan.
25 Kinaumagahan – siya pala si Lea! Kaya sinabi niya kay Laban: “Ano ang ginawa ninyo sa ’kin? Hindi ba’t naglingkod ako dahil kay Raquel? Ba’t ninyo ’ko nilinlang?” 26 Sinabi ni Laban: “Hindi namin kaugalian na ipakasal ang bunso nang una sa panganay. 27 Tapusin mo muna ang pagdiriwang ng kasal, at ibi¬bigay ko rin sa iyo ang aking bunsong anak. Ngunit kailangang magling¬kod ka sa akin nang pitong taon pa.” 28 Sumang-ayon si Jacob, at pagkatapos ng isang linggo sa piling ni Lea, ibinigay sa kanya ni Laban ang anak na si Raquel upang maging asawa niya.
29 Ibinigay naman ni Laban kay Raquel ang aliping si Bila bilang utusan niya. 30 Nakipagtalik din si Jacob kay Raquel, at mas minahal niya si Raquel kaysa kay Lea. At nagpatuloy siyang magtrabaho para kay Laban nang pitong taon pa.
Mga anak ni Jacob
31 Nang makita ni Yawe na hindi mina¬mahal si Lea, pinapanganak niya ito; ngunit baog naman si Raquel. 32 Nabuntis si Lea at nagka¬anak ng isang lalaki na pinangalanan niyang Ruben dahil sinabi niyang “Nakita nga ni Yawe ang aking kahihiyan. Tiyak na mamahalin na ako ngayon ng aking asawa.” 33 Muli siyang naglihi at nagkaanak ng isa pang lalaki, at sinabi niyang “Narinig ni Yawe na ako’y binabale-wala, kaya ipinagkaloob din niya sa akin ang anak na ito.” At pina¬nga¬lanan niya iyon ng Simeon. 34 Naglihi na naman siya at nanganak ng isa pang lalaki, at kanyang sinabi: “Mas magu¬gustuhan na ako ngayon ng aking asawa sapagkat nabigyan ko siya ng tatlong anak na lalaki.” Kaya pinangalanan niyang Levi ang sanggol. 35 Muli siyang naglihi at nagkaanak na naman ng isang lalaki, at sinabi niya: “Pupurihin ko si Yawe sa pagkakataong ito.” Kaya pina-ngalanan niyang Juda ang bata. Pagkatapos ay hindi na siya nagkaanak.

30 1 Nanaghili si Raquel sa kanyang kapatid dahil hindi niya mabigyan ng anak si Jacob, at sinabi niya: “Bigyan mo ako ng anak, o mamamatay ako.” 2 Nagalit si Jacob sa kanya at sinabi: “Ako ba ang Diyos na nagkait sa iyo ng mga anak?” 3 At sinabi niya: “Hayan ang aking aliping si Bila; makipagtalik ka sa kanya upang manganak siya sa aking mga tuhod at maging akin ang anak.” 4 At ibinigay niya ang kanyang aliping si Bila kay Jacob bilang asawa. At na¬kipagtalik si Jacob sa kanya. 5 Nabuntis si Bila at nagkaanak kay Jacob ng isang lalaki. 6 At sinabi ni Raquel: “Binigyang-katarungan din ako ng Diyos! At pinakinggan niya ang aking tinig at binigyan ako ng anak na lalaki.” Kaya pina-ngalanan niyang Dan ang sanggol. 7 Naglihi na naman si Bilang alipin ni Raquel at nagka¬anak ng ikalawang lalaki kay Jacob, 8 at sinabi ni Raquel: “Nakipaglaban ako nang mahigpit sa aking kapatid at nag¬tagumpay ako!” Kaya pinanga¬lanan niya itong Neftali.
9 Nang hindi na nanganganak si Lea, ibinigay niya ang kanyang aliping si Zelfa kay Jacob bilang asawa. 10 Nagkaanak ng lalaki si Zelfa kay Jacob. 11 Sinabi ni Lea: “Napaka¬suwerte ko!” kaya pinangalanan niya siyang Gad. 12 Nag-anak ng isa pang lalaki kay Jacob si Zelfang alipin ni Lea. 13 At sinabi ni Lea: “Na¬pakasaya ko! Tatawagin akong masaya ng mga babae,” kaya pinangalanan niyang Aser ang sanggol.
14 Panahon ng anihan ng trigo, at lumabas sa kaburulan si Ruben at nakakita siya ng mga mansanitas na ligaw na dinala niya sa kanyang inang si Lea. Sinabi ni Raquel kay Lea: “Bigyan mo naman ako ng kaunting mansanitas na ligaw na dala ng iyong anak!” 15 Ngunit suma¬got si Lea: “Hindi pa ba sapat na agawin mo ang aking asawa at gusto mo pang kunin ngayon ang dalang mansanitas ng aking anak?” Kaya sinabi ni Raquel: “Sige, sa iyo sisiping si Jacob ma¬mayang gabi bilang kapalit ng mga mansanitas ng iyong anak.” 16 Kinahapunan, pag-uwi ni Jacob mula sa bukid, sinalubong siya ni Lea at sinabi: “Matutulog kang kasiping ko ngayong gabi sapagkat inarkila kita ng mga mansanitas ng aking anak!”
Kaya nakipagtalik si Jacob sa kanya nang gabing iyon. 17 Dininig ng Diyos si Lea at na¬buntis siya at nagkaanak ng ikalimang lalaki kay Jacob. 18 Sinabi ni Lea: “Ginan¬timpalaan ako ng Diyos sapagkat ibinigay ko sa aking asawa ang aking alipin.” Pinanga¬lanan niyang Isacar ang sanggol. 19 Nagka¬anak ng isa pang lalaki si Lea kay Jacob. 20 At sinabi niyang: “Napaka¬gandang regalo ng Diyos! Tiyak na sa akin na pipisan ngayon ang aking asawa sapagkat nabigyan ko siya ng anim na anak.” Pinanga¬lanan niya itong Zabulon. 21 Nang lu¬maon, nanganak siya ng isang babae at pina¬ngalanan niyang Dina.
22 At inalala rin ng Diyos si Raquel na nana¬langin na siya’y maging ina. 23 Nabuntis siya at nagsilang ng isang lalaki. Sinabi niya: “Inalis ng Diyos ang aking kahihiyan.” 24 Pinangalanan niyang Jose ang sanggol, at sinabing “Dag¬da¬gan pa sana ako ni Yawe ng isa pang anak na lalaki.”
Iba pang mga kuwento
25 Pagkapanganak ni Raquel kay Jose, sinabi ni Jacob kay Laban: “Pauwiin na ninyo ako sa aking sariling bayan. 26 Ibigay ninyo sa akin ang aking mga asawa at mga anak na dahilan ng paglilingkod ko sa inyo. Alam naman ninyo kung paano ako nagtrabaho para sa inyo.” 27 Sinabi ni Laban: “Pagbigyan mo pa ako, hu¬wag ka munang umalis. Sapag¬kat nalaman kong pinagpala ako ni Yawe dahil sa iyo.” 28 At idinugtong niya: 29 “Sabihin mo kung magkano ang gusto mo at ibibigay ko sa iyo.” Sinabi ni Jacob: “Alam ninyo kung paano ko kayo pinag¬lingkuran at kung paanong dumami ang inyong mga tupa sa pag-aalaga ko. 30 Napakalaki na ang inilago ng kaunti ninyong ari-arian bago ako dumating, at pinagpala kayo ni Yawe. Ka¬ilan pa ako makapagtatrabaho sa aking samba¬hayan?” 31 Itinanong ni Laban: “Ano ang maibi¬bigay ko sa iyo?”
Sumagot si Jacob: “Wala kayong dapat ibi¬gay sa akin. Ngunit kung gagawin ninyo ang sa¬sabihin ko, patuloy kong aalagaan ang inyong kawan. 32 Pipilian ko ngayon ang inyong kawan at ibubukod ko ang lahat ng tupa at kambing na itim, guhitan at may batik. Ang mga iyon ang magiging upa ninyo sa akin. 33 Mapapatu¬na¬yan ninyo ang katapatan ko bukas kung susuriin ninyo ang aking upa. At maituturing ninyong nakaw ang lahat ng kambing na walang batik o tagpi at ang hindi itim na tupa na makikita ninyo sa aking pag-aari.” 34 Sinabi ni Laban: “Sang-ayon ako. Gawin natin ang iyong sinabi.”
35 Nang araw ding iyon, ibinukod ni Laban ang mga barako at inahing kambing na may tagpi o guhit, lahat ng may batik na puti at lahat ng itim na tupa. Ibinigay niya ang mga iyon sa kanyang mga anak. 36 At pinapunta niya sa malayo si Jacob – mga tatlong araw na lakad ang layo. Patuloy na ipinastol ni Jacob ang natira sa mga kawan ni Laban. 37 Nang mag¬kagayo’y pumutol si Jacob ng mga sariwang sanga ng mga puno ng almond, kakawate at estorake. Kinayasan niya ang mga ito para mag¬kaguhit ng puti. 38 At inilagay niya ang mga sanga sa inuman ng mga hayop upang makita ng mga iyon tuwing iinom. 39 Sa pag-aasawahan ng mga hayop sa harap ng mga sanga, nag¬kakaanak ang mga iyon ng mga may guhit, batik o tagpi. 40 At ibinukod niya ang mga batang tupa ngunit ang iba’y pinaharap niya sa mga hayop na may guhit, batik o tagpi na pag-aari ni Laban, kaya nakabuo siya ng sariling kawang inihiwalay niya sa mga kawan ni Laban. 41 Sa tuwing mag-aasawahan ang malulusog na hayop, inilalagay ni Jacob ang mga kinaya¬sang sanga sa inuman para makita iyon ng mga ito. 42 Ngunit kapag mahihina, hindi niya inilalagay roon ang mga sanga, kaya mahihina ang napupunta kay Laban samantalang kay Jacob ang mala¬lakas. 43 Kaya naging napaka¬yaman niya – mayamang-mayaman – at nag¬karoon siya ng napakaraming inahing tupa, maraming aliping babae at lalaki, at mga kamelyo at mga asno.
Umuwi si Jacob sa sariling bayan
31 1 Napag-alaman ni Jacob na sinasabi ng mga anak ni Laban: “Kinamkam ni Jacob ang lahat ng ari-arian ng ating ama, at nakapagpayaman siya.” 2 At napansin ni Jacob na hindi na tulad nang dati ang pag¬tingin sa kanya ni Laban.
3 At sinabi ni Yawe kay Jacob: “Umuwi ka na sa bayan mo, sa lupain ng iyong mga ninuno. Ako ay sasaiyo.” 4 Ipinatawag ni Jacob sina Raquel at Lea sa bukid na kinaroroonan ng kanyang mga kawan. 5 Sinabi ni Jacob sa kanila: “Nakikita kong nagbago na ang pag¬ti¬ngin sa akin ng inyong ama, ngunit sumasaakin ang Diyos ng aking ama. 6 Alam ninyong ubos-lakas kong pinaglingkuran ang inyong ama. 7 Ngunit dinaya niya ako at makasampung ulit na pinalitan ang aking sahod. Subalit hindi ipinahintulot ng Diyos na pinsalain niya ako. 8 Kapag sinasabi niyang – Ang mga may tagpi ang magiging sahod mo – nag-aanak naman ng mga tupang may batik ang buong kawan. At kung sabihin naman niyang – Ang mga guhitan ang magi¬ging sahod mo – nagkakaanak din ng mga guhitang tupa ang mga kawan.
9 Ang Diyos ang kumuha sa kawan ng inyong ama at ibinigay sa akin ang mga ito. 10 Sapagkat sa panahon ng pag-aasawahan ng mga hayop, napanaginipan kong guhitan, may batik o tagpi ang mga barakong kambing na na¬kababa sa mga inahin.
11 At sinabi sa akin ng Anghel ng Diyos sa panaginip – Jacob! – at sumagot naman ako – Narito ako. 12 At sinabi niya – Tingnan mong mabuti at guhitan o may batik o tagpi ang lahat ng barakong nakababa sa mga inahin. Nakita ko ang lahat ng ginagawa sa iyo ni Laban. 13 Ako ang Diyos na napakita sa iyo sa Betel kung saan mo binusan ng langis ang isang haligi at su¬mumpa sa akin. Umalis ka ngayon din sa lu¬paing ito at umuwi sa bayang sinila¬ngan mo.”
14 Sumagot sina Raquel at Lea: “May kaparte pa ba kami sa ari-arian ng aming ama? 15 Hindi ba’t mga dayuhan na ang turing niya sa amin mula nang ipagbili kami at lustayin ang pinagbilhan sa amin? 16 Pero kinuha ng Diyos ang lahat ng kayamanan ng aming ama at ibinigay sa amin at sa aming mga anak. Kaya gawin mo ngayon ang lahat ng sinabi sa iyo ng Diyos.”
17 Kaya isinakay ni Jacob sa mga kamelyo ang kanyang mga anak at mga asawa, 18 at dinala ang buo niyang kawan at lahat ng natipon niya sa Padan-Aram para umuwi sa kanyang amang si Isaac sa lupain ng Kanaan. 19 Sina¬mantala naman ni Raquel ang paggugupit ni Laban sa balahibo ng mga tupa, at ninakaw ang mga sagradong rebulto ni Laban. 20 Sa ganitong paraan nilinlang ni Jacob si Labang Arameo sa hindi niya pag¬papaalam sa kanyang pag-alis. 21 Tumakas siyang dala ang lahat niyang ari-arian, tumawid sa Ilog Eufrates patu¬ngong kabun¬dukan ng Galaad.
22 Makaraan ang tatlong araw, nabalitaan ni Laban na tumakas si Jacob. 23 Isinama niya ang kanyang mga tauhan at hinabol si Jacob, at ina¬butan sa kabundukan ng Galaad makaraan ang pitong araw. 24 Ngunit napakita ang Diyos kay Labang Arameo sa panaginip at sinabi sa kanyang “Mag-ingat ka sa pakikipagtalo kay Jacob.” 25 Naka¬pagpatayo na ng kanyang tolda si Jacob sa kabundukan ng Galaad nang abutan siya ni Laban. At doon na rin tumigil si Laban at ang kanyang mga tauhan. 26 At sinabi ni Laban kay Jacob: “Ano ang ginawa mo at nilinlang mo ako at dala mo pa ang aking mga anak na parang mga bilanggo sa digma? 27 Ba’t ka palihim na umalis at nilinlang ako? Bakit hindi ka nagsabi sa akin? Inihatid ko sana kayo sa gitna ng tuwa at awitan, sa saliw ng tamborin at alpa. 28 Hindi mo man lang pinahalikan sa akin ang aking mga apo at mga anak para maka-pagpaalam sa kanila. Isang kahangalan ang ginawa mo. 29 Pu¬wede kitang saktan ngunit bina¬laan ako kagabi ng Diyos ng iyong ama at sinabing – Mag-ingat ka sa pakikipagtalo kay Jacob. 30 Kung umalis ka dahil nananabik kang makauwi sa bahay ng iyong ama, bakit naman ninakaw mo pati ang aking mga sag¬radong rebulto?”
31 Sumagot si Jacob kay Laban: “Nata¬takot kasi ako na baka bawiin ninyo sa akin ang inyong mga anak! 32 Ngunit dapat mamatay ang sinumang makita ninyong may dala sa inyong mga sagradong rebulto. Sa harap ng ating mga kapatid, tingnan ninyo kung mayroong nasa akin na inyong ari-arian, at kunin ninyo.” Hindi alam ni Jacob na ninakaw ni Raquel ang mga sag¬radong rebulto. 33 Kaya pumasok si Laban sa tolda ni Jacob, at saka sa tolda ni Lea at sa tolda ng dalawang aliping babae. Ngunit wala siyang nakita. Pagkalabas ni Laban sa tolda ni Lea, pumasok naman siya sa tolda ni Raquel. 34 Ngu¬nit dinala ni Raquel ang sag¬radong rebulto at inilagay sa ilalim ng inuupuan niya sa kamelyo. Hinalughog ni Laban ang buong tolda ngunit wala siyang nakita. 35 Sinabi ni Raquel sa kan¬yang ama: “Huwag kayong magalit sa akin, aking pangi¬noon, at hindi ako tumitindig sa inyong harap sapagkat ngayon ang panahon ko.” Kaya kahit na nag¬hanap si Laban ay hindi niya nakita ang mga sagradong rebulto.
36 Kaya nagalit si Jacob at sinumbatan si Laban, at nag-usig: “Ano ang aking pagka¬ka¬sala? Anong kasalanan ang nagawa ko para ako’y sundan ninyo? 37 Ngayong naha¬lughog na ninyo ang lahat kong ari-arian, may nakita ba kayong pag-aari ninyo? Kung mayroon, ipa¬kita ninyo sa harap ng inyong pamilya at ng aking pamilya, at pabayaang sila ang humatol sa ating dalawa.
38 Dalawampung taon ninyo akong kasama, at hindi nakunan ang inyong mga inahing kambing at tupa. Ni hindi ako kumain kahit isa man sa mga barako ng inyong kawan. 39 Wala akong dinala sa inyong hayop na nasila ng mababangis na hayop sapagkat pinalitan ko mismo ang mga iyon. At siningil ninyo sa akin ang anumang ninakaw sa araw o sa gabi. 40 Hindi ako makahinga kung araw dahil sa init at nag¬titiis ako ng lamig sa gabi, at halos hindi ako makatulog.
41 Dalawampung taon ninyo akong kasama. Labing-apat na taon akong nag-lingkod sa inyo para sa dalawa ninyong anak at anim na taon para sa inyong mga kawan, at sampung ulit ninyong binago ang aking sahod. 42 Kung hindi sumaakin ang Diyos ng aking ama, ang Diyos ni Abraham at ang Kinatatakutang Diyos ni Isaac, siguradong pinalayas na ninyo ako nang walang dala kahit ano. Ngunit nakita ng Diyos ang aking paghihirap at ang pagtatrabaho ng aking mga kamay, at ibinaba niya kagabi ang kanyang hatol.”
43 Sumagot si Laban kay Jacob: “Mga anak ko ang mga babae, mga apo ko ang mga bata, kawan ko ang mga kawang ito. Akin ang lahat ng nakikita mo. Masasaktan ko ba ngayon ang aking mga anak o ang kanilang mga anak? 44 Halika, gumawa tayo ng kasunduan, ikaw at ako, at iyon ang gawin nating saksi.” 45 Kumuha si Jacob ng bato at itinayo iyon bilang haligi. 46 At sinabi niya sa kanyang mga kapatid: “Mamulot kayo ng mga bato.” Kaya namulot sila ng mga bato at pinagpatung-patong ang mga iyon, at kumain sila sa tabi nito. 47 Tinawag iyon ni Laban ng Yagar-Saaduta pero Galed ang itinawag dito ni Jacob. 48 Sinabi ni Laban: “Saksi natin sa araw na ito ang buntong ito ng mga bato.” Iyon ay tinawag namang Galed 49 at kilala rin bilang Mispa dahil sinabi niyang “Ban¬tayan nawa tayo ni Yawe kapag malayo na tayo sa isa’t isa. 50 Kapag hiniya mo ang aking mga anak at kumuha ka ng ibang asawa bukod sa kanila, hindi tao ang hahatol sa ’yo kundi ang Diyos na saksi sa ating kasunduan.” 51 At sinabi pa ni Laban kay Jacob: “Narito ang buntong ito ng bato at ang haliging itinayo ko sa pagitan nating dalawa. 52 Ang mg ito ang sasaksi na hindi ako lalampas sa buntong ito para saktan ka at hindi ka rin lalampas sa haliging ito para saktan ako. 53 Ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Nahor, ang Diyos nawa ng kanilang ama ang humatol sa atin.”
At sumumpa si Jacob sa Ngalan ng Kinatatakutang Diyos ng kanyang amang si Isaac. 54 Nag-alay siya ng mga hain sa bun¬dok at inanyayahang kumain ang kanyang mga ka¬patid. Doon sila nagpalipas ng gabi pagkakain.

32 • 1 Kinaumagahan, maagang gumising si Laban, hinalikan ang kanyang mga apo at mga anak, at binasbasan ang iyon at saka umuwi.
2 Nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay at sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos. 3 Pagkakita ni Jacob sa kanila, naibulalas niyang “Dito nananahan ang Diyos,” at tinawag niyang Majanaim ang lugar na iyon.
Nakipaglaban si Jacob sa Diyos
4 Nagpadala ng mga paunang sugo si Jacob sa kanyang kapatid na si Esau sa lupain ng Seir, sa rehiyon ng Edom 5 at inutusan ang mga ito: “Ibigay ninyo ang pahatid na ito sa aking pangi¬noong si Esau mula kay Jacob na kanyang lingkod – Nabuhay ako ritong kasama ni Laban hanggang ngayon. 6 Mayroon akong mga baka at mga asno at mga tupa, mga aliping lalaki at babae. Ginus¬to kong mag¬pasabi sa iyo, aking panginoon, upang hindi mo naman ako masa¬main.” 7 Nagbalik ang mga sugo at sinabi kay Jacob: “Nakipagkita kami sa inyong ka¬patid na si Esau at papa¬rito na siya upang makipagtagpo sa inyo, kasama ang apat¬naraang tauhan.”
8 Lubhang natakot si Jacob at pinang¬hinaan ng loob. Kaya hinati niya sa dala¬wang grupo ang mga taong kasa¬ma niya, pati ang mga baka, mga tupa, mga kam¬bing at mga kamelyo.
9 Naisip niyang “Kapag dumating si Esau at sinalakay ang isang kampo, ma¬katatakas naman ang isa pa.” 10 At na¬na-langin si Jacob: “Yaweng Diyos ni Abra¬ham, Diyos ng aking amang si Isaac, ikaw ang nagsabi sa akin – Umuwi ka sa iyong bayan, sa iyong angkan at pasa¬saganain kita. 11 Hindi ako karapat-dapat sa kabutihang-loob at katapatang ipinakita mo sa akin. Wala akong dala kundi ang aking tungkod nang tu¬ma¬wid ako sa Jordan, at ngayo’y may dalawang kampo na ako. 12 Iligtas mo ako sa kamay ng aking ka¬patid na si Esau sapagkat na¬ta¬takot ako na baka pagdating niya’y pata¬yin kaming lahat, maging ang mga ina at mga bata. 13 Ngu¬nit ikaw rin ang nag¬sabing – Pasa-saganain kita at gagawin kong tulad ng buhangin sa dalampasigan ang iyong lahi, na hindi kayang bilangin.” 14 At doon nag¬palipas-gabi si Jacob.

Mula sa kanyang mga ari-arian, pumili siya ng maireregalo niya sa kanyang kapatid na si Esau: 15 dalawandaang inahing kambing at dala-wampung barakong kambing, dalawandaang inahing tupa at dalawampung barakong tupa, 16 tatlumpung kamelyong ginagatasan at ang mga bisiro niyon, apatnapung inahing baka at sampung toro, dalawampung inahing asno at sampung barakong asno. 17 Inilagay niya ang mga iyon sa pangangalaga ng kanyang mga ali¬pin, isa sa bawat kawan, at sinabi niya sa kanyang mga alipin: “Umuna kayo sa akin, at lagyan ninyo ng pagitan ang bawat kawan.” 18 Tinagubilinan niya ang nasa unahan: “Kapag sinalubong ka ng aking kapatid na si Esau at itanong – Sino ang may-ari sa iyo? – at – Saan ka pupunta? – at – Kanino ang mga hayop na ipinapastol ninyo? 19 Sumagot kayo – Kay Jacob na inyong lingkod ang mga ito. Regalo niya ang mga ito na ipinadadala niya sa aking panginoong si Esau. Kasunod namin si Jacob na pa¬parito.” 20 Inutusan din ni Jacob ang ikalawa at ikatlong alipin at lahat ng sumusunod sa mga kawan: “Ganito rin ang sasabihin ninyo kay Esau kapag nasalubong ninyo siya – 21 Kasunod namin ang inyong lingkod na si Jacob!” – sapagkat napag-isip-isip niyang “Mapaglulubag ko ang loob niya sa mga regalong una kong ipinadadala. At itutunghay na niya ang aking mukha sa paghaharap namin.” 22 Kaya ipina¬una niya ang mga regalo pero sa kampo pa rin siya nagpalipas ng gabi.

• 23 Nang gabing iyon, bumangon si Jacob at tinipon ang dalawa niyang asawa, ang dalawang aliping babae at labing-isang anak para tumawid sa Ilog Yabok. 24 Pinatawid niya sila at ipinadala rin sa kabilang ibayo ang lahat niyang ari-arian. 25 At naiwang mag-isa si Jacob.
At isang lalaki ang nakipagbuno sa kan¬ya hanggang madaling-araw. 26 Nang makita ng lalaki na hindi niya kaya si Jacob, hinampas niya ito sa singit at na¬linsad iyon. 27 Sinabi ng lalaki: “Paka¬wa¬lan mo ako sapagkat su¬mi¬sikat na ang araw.” Ngunit sinabi ni Jacob: “Hindi kita bibitiwan hanggang hindi mo ako bina¬basbasan.”
28 Tinanong siya ng lalaki: “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya: “Jacob.” 29 At sinabi ng lalaki: “Mula ngayo’y hindi ka na tatawaging Jacob kundi Israel (na ang kahuluga’y Lakas ng Diyos) sapag¬kat nakipaglaban ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ang nangibabaw.” 30 At sinabi naman ni Jacob: “Sabihin mo sa akin ang pangalan mo?” Suma¬got ito: “Bakit mo itinatanong ang pa¬ngalan ko?” At binas¬basan niya roon si Jacob.
31 Kaya Panuel ang itinawag ni Jacob sa lugar na iyon, (ibig sabihi’y Mukha ng Diyos) sapagkat sinabi niya: “Harap-harapan kong nakita ang Diyos at buhay pa rin ako.” 32 Sumikat ang araw habang nagdaraan sa Panuel si Jacob na pipilay-pilay dahil sa kan¬yang balakang.

33 Kaya hanggang sa araw na ito, hindi ku¬makain ng litid sa hita ng hayop ang mga Israelita, sapagkat iyon ang bahaging hinipo kay Jacob.
Pagkikita nina Esau at Jacob
33 1 Natanaw ni Jacob na dumara¬ting si Esau kasama ang apatnaraang tauhan. Kaya pinaghati niya ang mga bata kina Lea at Raquel at sa dalawang aliping babae. 2 Pinapuwesto niya sa harap ang mga aliping babae at ang mga anak nila, kasunod si Lea at ang mga anak nito at nasa hulihan sina Raquel at Jose. 3 Ngunit siya mismo ang tumayo sa unahan at pitong ulit na yu¬muko sa lupa bago lumapit sa kanyang kapatid.
4 Tumakbo si Esau para salubungin siya, niyakap sa leeg at hinalikan. At kapwa sila umiyak. 5 Nang makita ni Esau ang mga babae at ang mga bata, sinabi nito: “Ano mo ba ang mga ito?” Sumagot si Jacob: “Sila ang mga anak na bigay ng Diyos sa iyong lingkod.”
6 At lumapit ang mga alipin kasama ang kanilang mga anak at yumuko. 7 Lu¬mapit din si Lea at ang kanyang mga anak at yumuko, at pagkatapos ay lumapit sina Jose at Raquel at yu¬muko din.
8 Itinanong ni Esau: “Ano mo ang mga grupong nasalubong ko?” Suma¬got si Jacob: “Pasalubong ko sa iyo upang makuha ko ang iyong loob.” 9 Su¬magot si Esau: “Kapatid ko, marami na ako niyan. Huwag na, sa iyo na ang mga iyan.” 10 Ngu¬nit sinabi ni Jacob: “Huwag mo namang tanggihan. Utang na loob, tang¬gapin mo na ang regalo ko sapagkat na¬parito ako para humarap sa iyo tulad ng pagharap sa Diyos, at buong kaganda¬hang-loob mo naman akong tinanggap. 11 Kaya tanggapin mo na ang pasalubong ko sa iyo sapagkat nagmagandang-loob sa akin ang Diyos at mayroon ako ng la-hat.” At napilit din ni Jacob si Esau.
12 At sinabi ni Esau: “Tayo na at itutu¬ro ko ang daan.” 13 Pero sinabi ni Jacob: “Alam ng aking panginoon na hindi ma¬kapagmamadali ang mga bata at isa pa’y inaalala ko ang mga inahing tupa at ang mga bakang may guya. Kung mapa-pagod ang mga iyon kahit sa loob ng isang araw lamang, ma¬a¬aring manga¬matay ang buong kawan. 14 Kung ika¬si¬siya ng aking panginoon na mag¬pauna na sa akin, mabagal akong lalakad kasunod ng mga baka at ng mga bata hanggang abutan ko ang aking pangi¬noon sa Seir.” 15 Sinabi ni Esau: “Kung gayon, bayaan mong iwan ko sa iyo ang ilan sa aking mga tauhan.” Sumagot naman si Jacob: “Bakit? Sapat na sa akin na wala ka nang sama ng loob.”
16 At bumalik si Esau sa Seir nang araw ding iyon. 17 Ngunit nagtuloy si Jacob sa Sukot. Doon siya nagtayo ng kanyang bahay at ng silungan ng kanyang mga hayop. Kaya tinawag na Sukot ang nasa¬bing lugar.

18 Sa kanyang pagbabalik mula sa Padan-Aram, maluwalhating nakarating si Jacob sa siyudad ng Sikem sa Kanaan, at nanirahan sa tapat ng lunsod. 19 Binili niya ng isandaang pirasong pilak mula sa mga anak ni Hamor na ama ni Sikem ang lupang kinatitirikan ng kanyang tolda. 20 Doon siya nagtayo ng altar at tinawag niyang Diyos na El, Diyos ng Israel, ang lugar na iyon.”
Ginahasa si Dinang anak ni Jacob
34 1 Minsan, bumisita si Dinang anak ni Jacob kay Lea sa kababaihan ng ba¬yang iyon. 2 Pagkakita sa kanya ni Sikem na anak ni Hamor na Heveo na siyang prinsipe ng nabanggit na lupain, hinila niya ito at ginahasa. 3 Naakit siya kay Dinang anak ni Jacob, at nagustuhan niya ang dalaga at sinuyo ito nang buong-giliw. 4 Sinabi ni Sikem sa kanyang amang si Hamor: “Kunin mo ang dalagang ito para maging asawa ko.”
5 Nabalitaan ni Jacob kung paanong nadu¬ngi¬san ang dangal ng kanyang anak na si Dina, ngunit hindi siya kumibo hanggang maka¬uwi ang kanyang mga anak na lalaki buhat sa pag-aalaga ng kanyang mga kawan sa parang. 6 Nakipagkita kay Jacob si Hamor na ama ni Sikem at nakipag-usap sa kanya. 7 Nang maka¬uwi na ang mga anak na lalaki ni Jacob galing sa parang, at nalaman ang nangyari, gayon na lamang ang galit nila sa ginawa ni Sikem na kahihiyan sa Israel sa pang-aabuso niya sa anak ni Jacob – isang bagay na hindi dapat gawin. 8 Ngunit kinausap sila ni Hamor at sinabi: “Labis na umiibig ang aking anak na si Sikem sa inyong anak na babae. Pahintulutan nin¬yong maging asawa siya ng anak ko. 9 Ma-ging magkakamag-anak tayo; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga dalaga, at kunin naman ninyo ang mga dalaga namin. 10 Sa aming piling na kayo tumira, makukuha ninyo ang lupain at makapu¬punta kayo kahit saan, at angkinin iyon.” 11 Kinausap naman ni Sikem ang ama at mga kapatid na lalaki ni Dina: “Patawarin sana ninyo ako; ibibigay ko sa inyo ang anumang hingin ninyo sa akin. 12 Itakda ninyo ang hala¬gang babayaran ko at anumang regalong gusto ninyo, at babayaran ko anuman ang hingin ninyo, ibigay ninyo lamang siya sa akin bilang asawa.”
13 Dahil sa pagkalapastangan kay Dina, na¬ging matalino at tuso ang mga anak na lalaki ni Jacob sa pagsagot kina Sikem at Hamor na ama nito: 14 “Hindi namin maibibigay ang aming kapatid sa isang lalaking supot – isang ka¬hi¬hiyan ito para sa amin. 15 Papayag lamang kami sa kundis¬yong ito: na ikaw at ang lahat ng lalaki sa inyo ay magiging tulad namin – mag¬patuli kayo. 16 At ibibigay namin sa inyo ang aming anak na babae at kukunin naman namin ang inyo, makikipamuhay kami sa inyo at tayo’y magiging isang bayan. 17 Pero kung ayaw ninyong magpatuli, kukunin namin ang aming kapatid at aalis na kami.” 18 Naging kasiya-siya kay Hamor at kay Sikem na anak nito ang kanilang sinabi. 19 Hindi nag-aksaya ng panahon si Sikem para gawin ang hinihingi sa kanya sapagkat gusto niya ang anak na dalaga ni Jacob. Siya ang pinakamalakas sa sam¬ba¬hayan ng kanyang ama.
20 Kaya nagpunta sa pintuan ng kanilang lunsod si Hamor at si Sikem na kanyang anak, at kinausap ang kanilang mga kababayan 21 at sinabing “Hindi dapat katakutan ang mga lalaking ito. Bayaan nating makapamuhay sila rito at makagala nang malaya. Sapat ang lawak ng lupain para sa kanila. Magiging asawa natin ang kanilang mga anak na dalaga, at ipaka-kasal naman natin ang ating mga anak na dalaga sa kanila. 22 Ngunit may isang kundis¬yon ang mga lalaking ito para makipamuhay sa piling natin bilang isang bayan, at iyan ay kung magpapatuli tayong gaya nila. 23 Kung pa¬pa¬yag tayo, magiging atin din ang kanilang mga kawan, ang kanilang mga ari-arian at lahat ng iba pa nilang hayop. Kaya gawin natin ang kanilang hinihingi at dito na sila mani¬nirahan.”
24 Sumang-ayon kina Hamor at Sikem ang lahat ng nagtipon sa may pintuan ng lunsod, at nagpatuli ang lahat ng lalaki.
25 Pagkalipas ng tatlong araw, nang nara¬ramdaman pa ng mga nagpatuli ang kirot, ki¬nuha ng dalawa sa mga anak na lalaki ni Jacob na sina Simeon at Levi na mga kapatid ni Dina ang kanilang mga tabak at biglang pinasok ang lunsod. 26 Pinatay nila sina Hamor at Sikem at lahat ng lalaki, at kinuha si Dina mula sa bahay ni Sikem at saka tumakas. 27 Tinuntungan naman ng ibang mga anak ni Jacob ang mga patay, at sinamsam ang mga ari-arian ng lunsod dahil sa pagkalapastangan sa kanilang ka¬patid. 28 Sinamsam din nila ang mga baka ng mga ito, ang mga tupa, ang mga asno, ang lahat ng nasa lunsod at lahat ng nasa parang, 29 lahat ng kayamanan ng mga ito, pati ang kababaihan at mga bata. Sinamsam nila ang lahat ng nasa mga bahay.
30 At sinabi ni Jacob kina Simeon at Levi: “Binigyan ninyo ako ng malaking problema, kamuhi-muhi ako ngayon sa mga taga-lupaing ito ng mga Kananeo at Perezeo. Kaunti lamang ang aking mga tauhan at kung magkaisa sila laban sa akin at sala¬kayin tayo, malilipol ako at ang buo kong sambahayan.” 31 Ngunit suma¬got sila: “Papa¬¬yagan ba nating ituring nilang ba¬baeng bayaran ang aming kapatid?”
Si Jacob sa Betel
35 • 1 Sinabi ng Diyos kay Jacob: “Uma¬hon ka sa Betel at doon ka manirahan. Magtayo ka roon ng altar sa Diyos na napa¬kita sa iyo nang tumatakas ka sa iyong kapatid na si Esau.” 2 Kaya sinabi ni Jacob sa kanyang pamilya at sa lahat ng kasama niya: “Itapon ninyo ang lahat ng banyagang diyos na nasa inyo. Magpakalinis kayo ng inyong mga sarili at magpalit ng damit. 3 Aahon tayo sa Betel. Doon ako magtatayo ng altar sa Diyos na nakinig sa akin nang nasa panganib ako at sumaakin sa aking paglalakbay.”
4 Kaya ibinigay nila kay Jacob ang lahat ng banyagang diyos na nasa kanila pati ang kani¬lang mga hikaw, at ibinaon ni Jacob ang mga iyon sa ilalim ng sagradong punong malapit sa Sikem. 5 At umalis sila at nangi-babaw ang takot sa lahat ng karatig-lunsod kaya walang nanga¬has humabol sa kanila.
6 Si Jacob at ang lahat ng kasama niya ay dumating sa Luz – na siya ring Betel – sa lupain ng Kanaan. 7 Nagtayo siya ng altar doon at tinawag na El-Betel ang lugar sapagkat doon napakita sa kanya ang Diyos nang tumatakas siya sa kanyang kapatid. 8 Nang panahong iyon, namatay si Deborang ina sa suso ni Rebeca, at inilibing siya sa may sagradong puno sa ibaba ng Betel. Kaya tinawag iyong Punongkahoy ng Luha.
9 Muling napakita ang Diyos kay Jacob pag¬ka¬galing niya sa Padan-Aram at pinagpala siya, 10 at sinabi sa kanya: “Jacob ang panga¬lan mo pero hindi ka na tata¬waging Jacob sapagkat Israel na ang magiging pangalan mo.” Kaya pinanga¬lanan niya siyang Israel. 11 At sinabi sa kanya ng Diyos: “Ako ang Diyos ng Kaita¬asan! Maging mabunga ka at magparami. Hindi lamang isang bansa, kundi pagtitipon ng mga bansa ang magmumula sa iyo. Isisilang mula sa iyo ang mga hari. 12 Ibibigay ko rin sa iyo at sa iyong lahi ang lupaing ibinigay ko kina Abraham at Isaac.” 13 At pagkatapos maki¬pag-usap sa kanya sa lugar na iyon, iniwan siya ng Diyos. 14 Nagtayo si Jacob ng isang haliging bato sa lugar kung saan nakipag-usap sa kanya ang Diyos, at binusan ng handog na inumin at ng langis. 15 Tinawag ni Jacob na Betel ang lugar na iyon kung saan nakipag-usap sa kanya ang Diyos.
16 Umalis sila sa Betel, at nang malapit na sila sa Efrata, nanganak si Raquel. 17 Nahi¬rapan siya at sinabi sa kanya ng hilot sa kanyang pa-nganganak: “Lakasan mo ang iyong loob, hu¬wag kang matakot! Lalaki na naman ang anak mo.” 18 At bago siya nalagutan ng hininga, pinangalanan niyang Ben-Oni ang kanyang anak (o anak ng aking paghihirap) ngunit ti-na¬wag naman siyang Benjamin (anak ng aking kanang kamay) ng kanyang ama. 19 Kaya namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Efrata, iyon ang Betlehem, 20 at nagtayo si Jacob ng hali¬ging bato sa libingan na siya pa ring pala¬tandaan hanggang sa panahong ito.
21 Nagpatuloy si Israel at itinayo ang kanyang tolda pagkalampas sa Migdal-Eder. 22 Nang naninirahan na si Israel sa lupaing iyon, nakipagtalik si Ruben kay Bilang asawang-alipin ng kanyang ama, at nalaman iyon ni Israel.
Ang labindalawang anak ni Jacob
• Nagkaroon ng labindalawang anak si Jacob.
23 Kay Lea: si Ruben na panganay niyang a¬nak, sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zabulon.
24 Kay Raquel: Jose at Benjamin.
25 Kay Bilang alipin ni Raquel: Dan at Neftali.
26 Kay Zelfang alipin ni Lea: Gad at Aser.
Ang mga ito ang mga anak na isinilang kay Jacob sa Padan-Aram.
27 Umuwi si Jacob sa kanyang amang si Isaac sa Mambre na malapit sa Kiryat-Arbe (iyon ang Hebron) na pinamayanan nina Abraham at Isaac bilang mga dayuhan. 28 Isandaa’t walumpung taon si Isaac 29 nang siya ay mamatay at yumao sa piling ng kanyang mga ninuno – matanda at maya¬man sa taon. Ini¬libing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.
Si Esau, ang ama ng mga Edomita
36 1 Ito ang salaysay ng lahi ni Esau (na si Edom din). 2 Nag-asawa si Esau ng mga Kananea: si Ada na anak ni Elong Heteo, si Olibama na anak ni Ana at apo ni Sebeong Heveo, 3 si Besemat na anak naman ni Ismael at kapatid ni Nebaiot. 4 Naging anak ni Ada kay Esau si Elifaz, naging anak naman ni Besemat si Rahuel, 5 naging anak ni Olibama sina Yeus, Ihelon at Kore. Ito ang mga naging anak ni Esau na isinilang sa Kanaan. 6 Nagpunta si Esau sa lupain ng Seir at dinala niya ang kanyang mga asawa at mga anak, lahat ng bumubuo sa kanyang samba¬hayan, pati mga kawan at mga hayop at lahat ng ari-arian niya sa Kanaan para lumayo sa kanyang kapatid na si Jacob. 7 Kap¬wa sila napakayaman kayat hindi sila makapa¬mumuhay nang magkasama dahil masikip ang lupa para sa kanilang mga kawan. 8 At si Esau na si Edom din ay nanirahan sa kaburulan ng Seir.
9 Ito ang salaysay ng lahi ni Esau, ang ama ng mga Edomita sa kaburulan ng Seir. 10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: Elifaz na anak ni Adang asawa ni Esau, Rahuel na anak ni Besemat na asawa rin ni Esau.
11 Ang mga anak ni Elifaz: Teman, Omar, Sefo, Gatam at Cenez. 12 Asawang-alipin naman ni Elifaz si Timna, at ipinanganak nito si Amalek. Ito ang mga apo ni Adang asawa ni Esau.
13 Ang mga anak ni Rahuel: Najat, Zaraj, Samma at Meza. Sila ang mga apo ni Besemat na asawa ni Esau. 14 Ang mga anak ni Olibamang asawa ni Esau at anak ni Ana at apo ni Sebeon: Yehus, Ihelon at Kore.
15 Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau. Ang mga anak ni Elifaz na panganay ni Esau: Teman, Omar, Sefo, Cenez, 16 Kore, Gatam, Amalek. Sila ang mga pinunong galing kay Elifaz na mga apo ni Ada sa lupain ng Edom. 17 Ang mga anak ni Rahuel na anak ni Esau: Majat, Zara, Samma, Meza. Sila ang mga pi¬nunong galing kay Rahuel na mga apo ni Besemat na asawa ni Esau sa lupain ng Edom. 18 Ang mga anak ni Olibamang asawa ni Esau: Yehus, Ihelon, Kore. Sila ang mga pinunong galing kay Olibamang asawa ni Esau at anak ni Ana. 19 Ito ang mga anak ni Esau, na si Edom din, at sila ang kani¬lang mga pinuno.
20 Ito ang anak ni Seir, ang Horritang nakatira sa lupaing iyon: Lotan, Sebal, Zebeon at Ana, 21 Dison, Eser at Disan. Sila ang mga pinunong Horrita na mga anak ni Seir sa lupain ng Edom. 22 Ang mga anak ni Lotan: Hori at Hemam, at si Tamna na kapatid na babae ni Lotan. 23 Ang mga anak ni Sebal: Alvan, Manahat, Ebal, Sefe at Onam. 24 Ang mga anak ni Zebeon: Aia at Ana. Si Ana ang nakatuklas ng mainit na bukal sa disyerto nang ipinapastol niya ang mga asno ng kanyang amang si Zebeon. 25 Ang mga anak ni Ana: Dison at si Olibamang anak na babae ni Ana. 26 Ang mga anak ni Dison: Hamdan, Eseban, Yetram at Karam. 27 Ang mga anak ni Eser: Balaan, Zavan at Akan. 28 Mga anak ni Disan: Hus at Aram.
29 Ito ang mga pinunong Horrita: Lotan, Sebal, Zebeon, Ana, 30 Dison, Eser, Disan. Sila ang mga pinuno ng mga Horrita ayon sa kani¬lang tribu sa lupain ng Seir.
31 Ito ang mga naghari sa lupain ng Edom bago naghari ang isang haring Israelita. 32 Nag¬hari sa Edom si Bela na anak ni Beor, at tinawag na Dinaba ang kanyang siyudad. 33 Namatay si Bela at humalili sa kanya si Yobab na anak ni Zerang taga-Bosra. 34 Namatay si Yobab at hu¬ma¬lili si Husam na Temanita. 35 Namatay si Husam at humalili si Hadad na anak ni Bedad. Nilupig niya ang mga Madianita sa lupain ng Moab, at tinawag na Avit ang kanyang lunsod. 36 Namatay si Hadad at humalili si Semla ng Masreka. 37 Namatay si Semla at humalili si Saul ng Rejobot sa Ilog. 38 Namatay si Saul at humalili si Balanan na anak ni Akbor. 39 Namatay si Balanan at humalili si Adar at tinawag na Fau ang kanyang lunsod. Si Metable ang kanyang asawa na anak na babae ni Matred na anak na babae naman ni Mezaab. 40 Ito ang mga pa¬ngalan ng mga pinunong galing kay Esau ayon sa kanilang angkan at nasasakupan: Tamna, Alva, Yefet, 41 Olibama, Ela, Finon, 42 Cenez, Teman, Mabaar, 43 Magdiel, Iram. Ito ang mga pinuno ng Edom ayon sa kanilang mga tirahan sa lupaing kanilang sinakop. Ito si Esau, ang ama ng mga Edomita.

37 1 Namuhay naman si Jacob sa Kanaan, ang lupaing tinirhan ng kanyang ama. 2 Ito ang salaysay ng lahi ni Jacob.
Si Jose at ang kanyang mga kapatid
• Si Jose ay isang binatang labimpitong taong gulang. Nagpapastol siya ng mga kawan, kasama ang kanyang mga kapatid na mga anak nina Bila at Zelfa na mga asawa ng kanyang ama. At isi¬num¬bong niya ang mga ito sa kanyang ama. 3 Mas mahal ni Israel si Jose sa lahat niyang anak sapagkat isinilang si Jose sa kanyang katandaan. Kayat ipi¬nag¬patahi pa niya ito ng damit na ma¬haba ang manggas. 4 Kinamuhian naman si Jose ng kanyang mga kapatid sa pag-kakita nilang mas mahal siya ng kani¬lang ama, at hindi na nila siya kinausap nang maayos.
5 Nanaginip si Jose, at nang iku¬wento niya iyon sa kanyang mga kapatid, lalo lamang silang namuhi. 6 Sinabi niya: “Pakinggan ninyo ang aking panaginip. 7 Nag¬bibigkis daw tayo ng mga uhay ng trigo sa bukid nang biglang nanatiling nakatayo ang aking bigkis, at pumaligid naman at yumuko ang inyong mga bigkis sa aking bigkis.” 8 Sinabi ng kanyang mga kapatid: “Ikaw pa yata ang maghahari sa amin. O baka naman ikaw ang maka¬¬¬pangyayari sa amin?” At lalo siyang kina¬muhian dahil sa kan¬yang panaginip at sa kanyang sinabi.
9 Nanaginip na naman si Jose at iki¬nu¬wento din niya iyon sa kanyang mga ka¬patid: “Makinig kayo. Napanaginipan ko na yumuyuko sa akin ang araw, ang bu¬wan at ang labing-isang bituin.” 10 At pi¬nagsabihan din siya ng kanyang ama: “Ano itong panaginip mo? Kami bang lahat – ako, ang iyong ina at mga kapatid – ay yuyuko sa harap mo?”
11 Nagselos sa kanya ang kanyang mga kapatid ngunit tinandaan ito ng kanyang ama.
Ipinagbili si Jose ng mga kapatid niya
• 12 Ipinastol ng kanyang mga ka¬patid ang kawan ng kanilang ama sa Sikem, 13 at sinabi ni Israel kay Jose: “Ipinapastol ng iyong mga kapatid ang mga kawan sa Sikem. Halika at papu¬puntahin kita sa kanila.” Sumagot si Jose: “Narito ako.” 14 At sinabi ni Israel: “Pumunta ka at ting-nan mo kung ma¬ayos ang lagay ng iyong mga kapatid at ng mga kawan. At bumalik ka rito para ibalita sa akin.” Pinaalis siya ni Jacob mula sa Lambak ng Hebron at du-mating si Jose sa Sikem. 15 Nakita siya ng isang lalaki nang mawala siya sa ka¬para¬ngan, at tinanong siya: “Ano ang hinaha¬nap mo?” 16 Sumagot siya: “Hina¬hanap ko ang aking mga kapatid. Paki¬turo mo na¬man kung saan nila ipi¬napastol ang kani¬lang mga kawan.”
17 Sumagot ang lalaki: “Umalis na sila rito. Narinig kong sinabi nilang – Tayo na sa Dotan.” Kayat sinundan ni Jose ang kanyang mga kapatid at nakita ang mga iyon sa Dotan. 18 Mala¬yo pa si Jose ay natanaw na siya nila at napagkaisahan nilang patayin siya bago pa siya maka¬lapit sa kanila. 19 Sinabi nila sa isa’t isa: “Narito na ang eksperto sa pana¬ginip! 20 Pa¬tayin na natin siya at itapon sa alin¬mang balon. Sabihin nating nilapa siya ng isang mabangis na hayop. At tingnan natin kung may mangyari sa kanyang mga panaginip!” 21 Nang ma¬rinig ito ni Ruben, sinikap niyang mailig¬tas si Jose sa kamay ng mga kapatid 22 at sina¬bing “Hu¬wag natin siyang pa¬tayin, huwag nating padanakin ang kanyang dugo! Ihulog na lamang natin siya sa patay na balong ito sa ilang pero huwag natin siyang pag¬bu¬hatan ng ka¬may.” Sinabi niya ito para mailigtas si Jose at maibalik sa kanilang ama.
23 Pagdating na pagdating ni Jose, hinu¬bad sa kanya ng kanyang mga kapatid ang damit na may mahabang manggas, 24 at dinala siya at inihagis sa balong walang tubig.
25 At nang maupo sila para kumain, natanaw nila ang pulutong ng mga Is¬maelitang galing sa Galaad. May da¬lang maraming panimpla, balsamo at mira para dalhin sa Ehipto.
26 At sinabi ni Juda sa kanyang mga ka¬patid: “Ano ang mapapala natin sa pagpatay sa ating kapatid at pagtatago sa kanyang dugo? 27 Mabuti pang ipag¬bili na lang natin siya sa mga Ismaelita at huwag siyang pagbuhatan ng kamay sapagkat kapatid natin siya at sarili nating laman!” At sumang-ayon ang kan¬yang mga ka¬patid.
28 Kaya nang dumaan ang mga ma¬nga¬ngalakal na Madianita, iniahon nila si Jose mula sa balon. Ipinagbili nila siya sa halagang dalawampung pirasong pilak. At dinala ng mga Ismaelita si Jose sa Ehipto. 29 Nang bumalik si Ruben sa balon, wala na roon si Jose. Winarak niya ang kanyang damit 30 at bumalik sa kanyang mga kapatid at sinabi: “Wala na roon ang bata. Ano ang gagawin ko ngayon?” 31 Kinuha nila ang damit ni Jose, pumatay ng isang kambing at inilubog ang damit sa dugo niyon. 32 Dinala nila ang damit na may maha¬bang manggas sa kanilang ama at sinabi: “Napulot namin ito; tingnan ninyo kung ito nga ang damit ng inyong anak o hindi.”
33 Nakilala ng ama ang damit at sina¬bing “Ito ang damit ng aking anak! Ni¬la¬pa siya ng mabangis na hayop at nilu-ray.” 34 Winarak ni Jacob ang kanyang damit, nagsuot ng sako at mata¬gal na ipinag¬luksa ang anak. 35 Duma¬ting ang lahat niyang anak na lalaki at babae para aliwin siya ngunit tumanggi siyang paaliw at sinabi: “Hindi, naglu-luk¬sa akong yayao sa lugar ng mga patay, sa piling ng aking anak.” At na¬nangis siya para sa kanyang anak. 36 Saman¬tala, ipinagbili ng mga Ma¬dianita si Jo¬se sa Ehipto, kay Putifar na isang o¬pis¬yal ni Paraon at kapitan ng mga guwardiya.
Kuwento tungkol kina Juda at Tamar
38 • 1 Nang panahong iyon, humiwalay si Juda sa kanyang mga kapatid at tumuloy sa bahay ni Hira na isang Adulamita. 2 Doon nakilala ni Juda ang anak na dalaga ng Kananeong si Sua. Pinakasalan niya ang dalaga at nakipagtalik sa kanya. 3 Naglihi ito at nagsilang ng isang lala¬king pinanga¬lanang Er. 4 Nag¬kaanak siya ng isa pang lalaki na pinangalanan naman niyang Onan. 5 At sa Kuzib, nagkaroon siya ng pangatlong anak na lalaki na pinanga¬lanan niyang Sela.
6 Ikinuha ni Juda ng asawa si Er na kanyang panganay. Tamar ang pangalan ng babae. 7 Ngu¬nit masama si Er na panganay ni Juda sa paningin ni Yawe, kaya binawian niya ito ng buhay. 8 At sinabi ni Juda kay Onan: “Makipagtalik ka sa biyuda ng iyong kapatid at tuparin ang tungkulin ng isang bayaw na bigyan ng anak ang kapatid mo.” 9 Alam ni Onan na hindi magiging kanya ang sanggol kaya tuwing maki¬kipagtalik siya sa kanyang hipag, itinatapon niya sa lupa ang kanyang semilya para hindi bigyan ng anak ang kanyang kapatid. 10 Masa¬ma sa paningin ni Yawe ang kanyang ginawa kaya binawian din ito ng buhay.
11 Kaya sinabi ni Juda kay Tamar na kanyang manugang: “Umuwi ka munang biyuda sa ba¬hay ng iyong ama hanggang sumapit na sa gulang ang anak kong si Sela.” Dahil natatakot si Juda na baka mamatay rin si Sela tulad ng kanyang mga kapatid.
At umuwi nga si Tamar sa bahay ng kanyang ama at doon nanirahan.
12 Mahabang panahon ang lumipas at namatay ang asawa ni Juda, ang anak ni Sua. Mata¬pos ang kanyang pagluluksa, umahon si Juda sa Timna, kasama ang kanyang kaibigang si Hira na taga-Adulam para tingnan ang paggu¬gupit sa kanyang mga tupa. 13 May nakapagsabi naman kay Tamar na “Papunta ang biyenan mo sa Timna para gupitan ang kanyang mga tupa.” 14 Agad niyang hinubad ang luksa niyang damit, nagbalabal ng belo at naupo sa pasukan ng Enaim sa daang papunta sa Timna. Sapag¬kat nakita niyang kahit nasa kasibulan na si Sela ay hindi pa rin ito ibinibigay sa kanya bilang asawa niya.
15 Nakita ni Juda si Tamar, at dahil nata¬takpan ang mukha, napagkamalan niya itong isang babaeng bayaran. 16 Nilapitan siya ni Juda sa tabing-daan at sinabi: “Puwede ka ba?” sapag¬kat hindi niya alam na ito ang kanyang manugang. Itinanong naman ni Tamar: “Ano ang ibi¬bigay mo sa akin kung papayag ako?”
17 Sinabi ni Juda: “Padadalhan kita ng isang batang kambing mula sa aking ka¬wan.” Suma¬got ang babae: “Ayos, pero puwede ka bang magbigay ng garantiya hanggang maipadala mo iyon sa akin?” 18 Itinanong ni Juda: “Anong garantiya ang gusto mong ibigay ko sa iyo?” Sumagot si Tamar: “Ang iyong pantatak at ang tali nito at ang tungkod na hawak mo.” Kaya ibinigay ni Juda ang mga iyon at nakipagtalik siya kay Tamar, at nabuntis niya ito. 19 Umuwi na pagkatapos si Tamar, at inalis niya ang kan¬yang belo at isinuot ang kanyang damit-panluksa. 20 Ipinadala ni Juda ang kambing sa pama¬magitan ng kanyang kaibigang taga-Adulam para mabawi ang kanyang iginarantiya sa babae pero hindi niya iyon natagpuan. 21 Kayat nagtanong siya sa mga tagaroon: “Nasaan ang babaeng bayaran na nasa tabi ng da¬an sa Enaim?” Sumagot sila: “Kailanma’y wa¬lang babaeng bayaran dito.” 22 Nagbalik siya kay Juda at sinabi: “Hindi ko nakita ang babae at maging ang mga tagaroon ay nagsabing walang babaeng bayaran doon.” 23 At sinabi ni Juda: “Pabayaan mo na sa kanya ang lahat, at baka pagtawanan pa tayo ng mga tao. At saka, ipinadala ko sa kanya ang kambing pero hindi mo naman siya nakita.”
24 Makalipas ang tatlong buwan, naba¬litaan ni Juda: “Nagpabayad sa lalaki si Tamar na iyong manugang at buntis siya ngayon.” Sinabi ni Juda: “Ilabas ninyo siya at sunugin nang buhay.” 25 Nang kinakaladkad nang palabas si Tamar, nagpasabi siya sa kanyang biyenan: “Buntis ako dahil sa lalaking may-ari ng mga ito. Hanapin ninyo kung kanino ang pantatak, tali at tungkod na ito!” 26 Nakilala ni Juda ang mga iyon at sinabi: “Mas matuwid siya kaysa akin sapag¬kat ayaw kong ibigay sa kanya ang aking anak na si Sela.” At hindi na siya muling naki¬pagtalik dito.
27 Nang sumapit ang kabuwanan ni Tamar, kambal ang nasa sinapupunan niya. 28 At sa kanyang panganganak, inilabas ng isa sa kam¬bal ang kanyang kamay, at tinalian iyon ng hilot ng pulang sinulid sa pulso at sinabing “Ang isang ito ang unang lumabas.” 29 Ngunit nang iurong ng sanggol ang kamay, naunang luma¬bas ang kanyang kakambal, at sinabi ng hilot: “Anong bitak ang binitak mo!” At pina¬ngalanan siyang Fares (Bitak). 30 At lumabas ang kanyang kakambal na may sinulid na pula sa pulso at pinangalanan itong Zaraj.

39 • 1 At dinala si Jose sa Ehipto, at bi¬ni¬li siya sa mga Ismaelitang nag¬da¬la roon sa kanya ni Putifar na isang Ehipsiyong opisyal ni Paraon at kapitan ng mga guwar¬diya. 2 Pinagpala ni Yawe si Jose samantalang naka¬tira siya sa bahay ng kan¬yang among Ehipsiyo.

3 Nakita ng kanyang amo na suma¬sa¬¬kanya si Yawe at pinagtatagumpay ni Yawe ang lahat ng ipagkatiwala sa kan-ya. 4 Kaya naging kasiya-siya si Jose sa kanyang amo 5 at ginawa siyang mayor¬domo ng kanyang bahay at ipi¬nag¬ka-tiwala sa kanya ang lahat ng ari-arian nito. Mula noon, pinagpala ni Yawe ang buong sambahayan ng Ehipsiyo dahil kay Jose. Pinagpala niya ang lahat ng ari-arian ni Putifar, ang sam¬bahayan at bukirin nito. 6 Kaya iniwan ng Ehipsiyo ang lahat ni¬yang ari-arian sa panganga¬laga ni Jose, at tanging ang pagkain la¬mang niya ang kanyang inasikaso.
Makisig na lalaki si Jose at mati¬puno ang pangangatawan. 7 Kaya di nagtagal at napusuan si Jose ng asawa ng kanyang amo at sinabi sa kanya: “Sumi¬ping ka sa akin.” 8 Ngunit tumang¬gi siya at sinabing “Ipinagkatiwala sa akin ng aking pangi¬noon ang lahat ng kanya, at hindi niya ako pinakikialaman tungkol sa bahay niya. 9 Ginawa niya akong ha¬los kapantay niya sa bahay na ito at wa¬la siyang ipinagkait sa akin liban sa iyo sapagkat asawa ka niya. Paano ko ma¬ga¬gawa ang ganito kasamang bagay na isang pagkakasala sa Diyos?” 10 At ka¬hit na araw-araw na pinipilit ng babae si Jose, tumanggi siyang sumiping dito o makasama man lang nito.
11 Ngunit isang araw, pagpasok niya sa bahay para asikasuhin ang kanyang mga gawain, wala isa mang alipin ang nasa tahanan. 12 At hinawakan ng maybahay ni Putifar si Jose sa damit nito at sinabi: “Halika na, mahiga na tayo.” Subalit tu¬mak¬bong palabas si Jose, at iniwan sa kamay ng babae ang kanyang suot. 13 Nakita ng babae ang damit ni Jose na hawak niya at siya’y tumakbong palabas. 14 Tinawag niya ang mga alipin at sinabi: “Tingnan ninyo, dinala rito ang Hebreong ito para paglaruan tayo. Naparito siya para sumiping sa akin pero sumigaw ako. 15 At nang ma¬rinig niyang sumi¬gaw ako para humingi ng tulong, nagtatakbo si¬yang palabas ng bahay at naiwan niya ang kanyang damit sa akin.
16 Itinabi ng asawa ni Putifar ang damit hanggang makauwi ang kan¬yang pangi¬noon. 17 At isinalaysay niya ang kanyang kuwento: “Tinangka akong paglaruan ng aliping Hebreong iyan na dinala mo rito. 18 Ngunit nang sumigaw ako, nagtatakbo siyang palabas ng bahay at naiwan niya sa akin ang kanyang damit.” 19 Pagkarinig ni Putifar sa sinabi ng asawang “Ting¬nan mo ang ginawa sa akin ng iyong alipin,” nag-apoy ang kanyang galit. 20 Dinala niya si Jose sa Bilang¬guan sa Soar ka¬sama ng mga bilanggo ng hari.
Ngunit habang nasa bilangguan ng Soar si Jose, 21 sumakanya si Yawe at nag¬magandang-loob sa kanya kaya na-ging mabait sa kanya ang warden ng bi¬langguan. 22 Ginawa niya itong taga¬pa¬mahala sa lahat ng bilanggo at siya ang pinapagpapasya kung ano ang ga¬ga¬win doon. 23 Hindi pinakikialaman ng warden ang lahat ng nasa ilalim ng kan-yang pa¬ngangasiwa sapagkat suma¬¬sa¬¬kanya si Yawe at pinagta¬tagumpay ni Yawe ang lahat niyang gawain.
Binigyang-kahulugan ni Joseang mga panaginip
40 1 Makaraan ang ilang panahon, nag¬kasala sa kanilang panginoon ang taga¬pangasiwa sa inumin ni Paraong hari ng Ehipto, gayundin ang punong-panadero. 2 Na¬galit si Pa¬raon sa dala¬wa niyang opisyal 3 at ipina-ku¬long sa bahay ng kapitan ng mga guwardiya, sa mis¬mong bilangguang pinag¬piitan din kay Jose. 4 Kaya ipi¬nag¬katiwala ng kapitan kay Jose ang dalawang bilanggo at pinaglingkuran naman niya sila. At matagal-tagal din sila roon.
5 Isang gabi, kapwa nanaginip ang kasama ni Jose sa Soar na tagapangasiwa ng inumin at ang punong-panadero ng hari ng Ehipto, at may sariling kahulugan ang bawat isa. 6 Pagka¬kita ni Jose sa dalawa kina-umagahan, napansin niya ang pagka¬bahala ng mga ito, 7 kaya itinanong niya: “Ba’t kayo mukhang malungkot ngayon?” 8 Sumagot ang dalawa: “Pareho kaming nana¬ginip pero walang makapagpa¬liwanag nito.” At sinabi ni Jose: “Di ba’t Diyos lamang ang ma¬kapag¬bibigay-kahulugan sa mga panaginip? Sabihin ninyo sa ’kin ang inyong panaginip.”
9 Kaya ikinuwento ng tagapangasiwa ng inumin kay Jose ang kanyang napana¬ginipan: “Sa aking panaginip, 10 may puno ng ubas na may tatlong sanga sa harap ko. Habang lumalaki ang puno ng ubas, namu¬laklak ito at na¬hinog ang mga kumpol. 11 Hawak ko noon ang kopa ni Paraon, at pinitas ko ang mga ubas at piniga sa kopa ni Paraon. At pagkatapos, iniabot ko ang kopa kay Paraon.”
12 Sinabi ni Jose sa kanya: “Ito ang kahu¬lugan niyan. Ang tatlong sanga ay tatlong araw. 13 Sa loob ng tatlong araw, palalayain ka ni Paraon at ibabalik sa iyong puwesto at muli mong iaabot ang kopa kay Paraon gaya noong ikaw ang kanyang tagapaghanda ng inumin. 14 Kaya pag nabalik ka na sa dati mong puwesto, alalahanin mo naman sana ako at magma¬gandang-loob ka sa akin at banggitin ako kay Paraon para palabasin ako sa bilangguang ito. 15 Ang totoo’y kinidnap ako mula sa lupain ng mga Hebreo, at kahit dito ay wala akong nagagawang pagkakasala para mabilanggo.”
16 Nang makita ng punong-panadero na maganda ang ibinigay na paliwanag ni Jose sa panaginip, sinabi niya kay Jose: “Nanaginip din ako: may sunong akong tatlong bakol ng tinapay. 17 Puno ng iba’t ibang hinurnong pag¬kain para kay Paraon ang bakol na nasa iba¬baw, at kinain iyon ng mga ibon sa bakol na sunong ko.” 18 Sinabi ni Jose: “Ang tatlong bakol ay tatlong araw. 19 At sa loob ng tatlong araw, pa¬pupugutan ka ng ulo ni Paraon, at ibi¬bitin ang iyong bangkay sa isang puno at tutukain ng mga ibon ang iyong laman.” 20 Ang ikatlong araw ay kaarawan ni Paraon, at nag¬handa siya ng ma¬laking salu-salo para sa kan¬yang mga opis¬yal. Ipinatawag niya ang kanyang taga¬pa¬nga¬siwa ng inumin at ang kanyang punong-pana¬dero. 21 Ibi¬nalik niya sa tung¬kulin ang tagapangasiwa ng inumin kayat muli nitong iniabot ang kopa kay Paraon, 22 ngunit ipina-bitay niya ang punong-pana¬dero. At nang¬yari ang pagbibigay-kahu¬lugan ni Jose.
23 Ngunit hindi na naalaala ng tagapa¬ngasiwa ng inumin si Jose: nalimutan na siya.
Ang mga panaginip ni Paraon
41 • 1 Pagkaraan ng dalawang taon, na¬naginip si Paraon na nakatayo siya sa tabi ng Ilog Nilo 2 nang may pitong maganda at mata¬bang baka ang umahon mula sa ilog at nagsimulang manginain sa tabing-ilog. 3 Kasu¬nod nilang umahon mula sa Nilo ang pito pang baka, mga payat at nanga¬ngalirang at tumabi ang mga ito sa mga bakang nasa tabing-ilog. 4 Kinain ng payat at nanga¬nga¬lirang na mga baka ang maganda at matabang mga baka. Pagkatapos ay nagising si Pa¬raon. 5 Mu¬ling nakatulog si Paraon at nanaginip uli. Nakita niyang tumutubo sa isang tangkay ang pitong uhay, malaman at mabuti. 6 At may sumibol namang pitong uhay pa, maliliit at tinuyo ng hanging silangan. 7 At nilamon ng mali¬liit na uhay ang malalaman at mabubuti. At nagising si Paraon – pana¬ginip lang pala iyon!
8 Nabalisa siya kinaumagahan at ipi¬natawag ang lahat ng may lihim na karunungan at pantas sa Ehipto. Ikinu¬wento niya sa mga ito ang kanyang mga panaginip pero walang makapag¬pa¬¬liwanag ng mga ito sa kanya. 9 Kaya sinabi ng punong-tagapangasiwa ng inumin kay Paraon: “Naalaala ko nga¬yon ang aking pagkukulang. 10 Nagalit si Paraon sa kanyang alipin at ipina¬kulong niya ako at ang punong-pana¬dero sa bahay ng kapitan ng mga guwar¬diya. 11 Na¬na¬ginip kami sa iisang gabi na bawat panaginip ay may kanya-kanyang kahu¬lu¬gan. 12 Kasama namin noon ang isang kabataang Hebreong alipin ng kapitan ng mga guwardiya. Nang sabihin namin sa kanya ang aming panaginip, binig¬yang-kahulugan niya ang bawat isa sa aming panaginip. 13 At nagkatotoo ang kanyang sinabi. Naba¬lik nga ako sa aking tung¬ku¬lin, at binitay naman ang punong-pana¬dero.”
14 Kaya ipinatawag ni Paraon si Jose. Agad siyang kinuha sa bilang¬guan, ina¬hitan, at pinalitan ang kanyang damit para humarap kay Paraon.
15 At sinabi ni Paraon kay Jose: “Na¬na¬ginip ako at walang makapag¬pali¬wanag nito. Nabalitaan kong nabi¬big¬yang-kahulugan mo ang anumang pa¬na¬¬¬ginip.” 16 Sumagot si Jose: “Hindi ako kundi ang Diyos ang siyang mag¬bi¬¬bigay kay Paraon ng kasiya-siyang ka¬sa¬gutan.” 17Kaya isinalaysay ni Paraon ang kanyang pana¬ginip:

“Nasa tabi ako ng Ilog Nilo 18 nang pitong ma¬¬ganda at matabang baka ang umahon sa ilog at nagsimulang manginain sa tabing-ilog. 19 At pagkatapos, pitong baka pa ang umahon – mga bakang pangit at buto’t balat at payat. Hindi pa ako nakakita ng gayon kapangit na baka sa buong lupain ng Ehipto. 20 Kinain ng pa¬ngit at buto’t balat na mga baka ang pitong mata¬tabang baka, 21 pero hindi halata na nasa tiyan nila ang mga iyon sapagkat pangit at bu¬to’t balat pa rin sila tulad ng dati. At nagising ako. 22 Nakita ko rin sa aking panaginip ang pitong uhay na tumutubo sa iisang tangkay, ma¬la¬man at mabuti. 23 At pagkatapos, sumibol naman ang pito pang uhay – tuyot at maliliit at nilanta ng hanging silangan. 24 Nilulon ng mga lantang uhay ang pitong magagandang uhay. Isina¬laysay ko ito sa mga may lihim na karunu¬ngan pero walang makapag-paliwa¬nag nito sa akin.”

25 At sinabi ni Jose kay Paraon: “Iisa at pareho ang panaginip ni Paraon. Ipi¬¬na¬hayag ng Diyos kay Paraon ang kanyang gagawin. 26 Ang pitong matatabang baka ay pitong taon, at ang pitong magagan¬dang uhay ay pitong taon din. Iisang panaginip! 27 Ang pitong payat at pangit na bakang sumunod ay pitong taon din, pati ang pitong lanta at ipang uhay na tinuyo ng hanging silangan – magka¬ka¬roon ng pitong taong taggu¬tom. 28 Tu¬lad ng sinabi ko kay Paraon, ipina¬hayag ng Diyos ang kanyang gaga¬win. 29 Mag¬kakaroon ng pitong taon ng lubos na kasaganaan sa buong lupain ng Ehipto, 30 ngu¬nit susundan iyon ng pitong taong tag¬gutom. At malilimutan na ang pa¬na¬hon ng kasaganaan sapagkat ma-giging grabe ang taggutom sa lupain. 31 Napa¬katindi ng taggutom kaya hindi na magu¬gunita ang panahon ng kasa¬ga-naan.
32 Dalawang ulit na nangyari kay Pa¬raon ang panaginip sapagkat buo na ang pasya ng Diyos at gagawin niya ito ka¬agad. 33 Kaya pumili ngayon si Pa¬raon ng taong matalino at may-kakaya¬hang ma¬mahala sa Ehipto. 34 At kaila¬ngan ding maglagay si Paraon ng mga tagapanga¬siwa sa buong lupain na si¬yang lilikom ng buwis na ikalimang ba¬hagi ng lahat ng ani sa lupain sa loob ng pitong taong ka¬saganaan. 35 Kaila¬ngang tipunin nila ang lahat ng pagkain sa pi¬tong taong iyon ng kasaganaan, at iim¬bak ang mga trigo sa mga siyudad sa ilalim ng kapang¬yarihan ni Paraon. 36 Ila¬laan ang pag¬kaing ito upang hindi ma¬matay sa gutom ang ba¬yan sa pitong taong taggutom na darating sa Ehipto.”
Jose, punong opisyal
37 Nasiyahan si Paraon at ang kanyang mga opisyal sa sinabi ni Jose, 38 at nagtanong si Paraon: “Saan tayo maka-ka¬kita ng lalaking tulad niya na suma¬sakanya ang espiritu ng Diyos?” 39 At sinabi niya kay Jose: “Dahil sa iyo ipi¬na-alam ng Diyos ang lahat ng ito, wala nang magiging higit pang mata¬lino at may-kakayahan kaysa iyo. 40 Ikaw ang mamamahala sa aking administrasyon, at su¬sundin ng lahat kong mamamayan ang iyong mga utos. Lahat ng akin ay iyo, maliban lamang sa aking trono.” 41 At sinabi pa ni Paraon kay Jose: “Iti¬na¬talaga kita para mamahala sa buong lupain ng Ehipto.”
42 At hinubad niya mula sa kanyang daliri ang kanyang singsing na pantatak at isinuot sa daliri ni Jose. Binihisan niya ito ng pinong linen at sinabitan ng gintong kuwintas. 43 Pinasakay niya si Jose sa pangalawang karwahe ng palas¬yo at ini¬utos na may manguna sa kanya para sumigaw nang “Magsitabi kayo!” At si Jose ang naging taga¬pamahala sa buong lupain ng Ehipto.
44 At sinabi ni Paraon kay Jose: “Ako si Paraon! Kung wala kang pahintulot, wa¬lang makapagtataas ng kamay o ma-ka¬hahakbang sa buong lupain ng Ehipto.” 45 Pinangalanang Safenat-Paneaj ni Pa¬raon si Jose at ibinigay sa kanya bilang asawa si Asenat na anak ni Putifera na pari ng diyos na si On. At naglakbay si Jose sa buong lupain ng Ehipto. 46 Tat¬lumpung taon si Jose nang humarap siya kay Paraong hari ng Ehipto. At pagkaalis niya sa harap ni Paraon, naglakbay siya sa buong lupain ng Ehipto.
47 Sa panahon ng pitong taong kasaganaan, nag-ani nang sagana ang lupa¬in. 48 Tinipon ni Jose ang lahat ng pagkaing inani sa panahong iyon ng kasaganaan sa Ehipto at inimbak sa bawat siyudad ang ani buhat sa paligid na bukirin niyon. 49 Na¬katipon si Jose ng trigong sindami ng buhangin sa dagat, at hindi na matakal dahil sa dami.
50 Bago sumapit ang taon ng taggu¬tom, nagkaroon ng dalawang anak na lalaki kay Jose si Asenat na anak ni Putiferang pari ni On. 51 Pinangalanang Manases ni Jose ang panganay sapag¬kat sinabi niyang “Ipinalimot sa akin ng Diyos ang lahat kong hirap at ang bahay ng aking ama.” 52 Pinangalanan naman niyang Efraim ang pangalawa sapagkat sinabi niya: “Ginawa akong mabunga ng Diyos sa lupain ng aking paghihirap.”
53 Pagkatapos ng pitong taong kasaganaan sa buong Ehipto, 54 nagsimula naman ang pitong taong taggutom gaya ng sinabi ni Jose. Nagkaroon ng taggu¬tom sa lahat ng bansa ngunit may pag¬kain sa lahat ng dako sa Ehipto. 55 Nang magsimulang mag¬danas ng taggutom ang Ehipto, dumaing ang mga tao kay Paraon para humingi ng pagkain. Ngunit sinabi ni Paraon sa mga Ehipsiyo: “Pu¬munta kayo kay Jose at gawin ang kan-yang sasabihin.” 56 Sinalanta ng taggu¬tom ang buong lupain, binuksan ni Jose ang lahat ng bodega at nagbenta ng trigo sa mga Ehipsiyo sapagkat malub¬ha ang taggutom sa buong lupain.
57 Lalo pang lumubha ang taggutom sa buong daigdig kaya ang lahat ay pumunta sa Ehipto para bumili ng trigo kay Jose.
Bumaba sa Ehipto ang mga anak ni Jacob
42 • 1 Nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Ehipto, sinabi niya sa kanyang mga anak: “Ba’t kayo na-katayo riyan at nagtitinginan? 2 Nabalitaan kong may trigo sa Ehipto kaya pumunta kayo roon at bumili ng ka¬unti para hindi tayo mamatay sa gutom.” 3 Nagpunta sa Ehipto ang mga kapatid ni Jose para bumili ng trigo – sampu silang lahat 4 sapagkat hindi pinasama ni Jacob si Benjamin na kapatid ni Jose dahil natatakot itong baka may mang¬yari sa kanya.
5 Kaya umalis ang mga anak ni Israel kasama ng iba pang mga Kananeo pa¬ra bumili ng trigo sapagkat taggutom din sa Kanaan. 6 Si Jose bilang gobernador ng Ehipto ay nagbibili ng trigo sa buong bayan. Nang dumating ang kan¬yang mga kapatid, yumuko sa kanya ang mga ito na abot sa lupa ang mga mukha. 7 Agad na nakilala ni Jose ang kanyang mga kapatid pero hindi siya nagpahalata sa mga ito, sa halip ay naging mabalasik siya: “Saan kayo ga¬ling?” At sumagot ang mga ito: “Galing kami sa lupain ng Kanaan para bumili ng trigo.” 8 Nakilala nga ni Jose ang kan¬yang mga kapatid pero hindi siya nakilala ng mga ito.
9 At naalala niya ang mga panaginip niya tungkol sa kanila. Sinabi niya: “Mga espiya kayo at naparito kayo pa¬ra tiktikan ang mga kahinaan ng lupain.” 10 Sumagot sila: “Hindi, aming panginoon, naparito ang inyong mga alipin para bumili lamang ng trigo. 11 Mga anak kami ng iisang lalaki. Matapat kaming mga tao, hindi espiya ang inyong mga alipin.” 12 Pero sinabi ni Jose: “Hindi, na¬parito kayo para tiktikan ang kahinaan ng lupain.” 13 At sinabi nila: “Labin¬dalawang magka¬kapatid na lalaki ang inyong mga alipin, mga anak ng isang lalaki sa lupain ng Kanaan. Kasama nga¬yon ng aming ama ang bunso, at wala na ang isa.” 14 At iginiit ni Jose: “Tama nga ang sabi ko – mga espiya kayo! 15 At ma¬pa¬tutunayan ito. Isinusumpa ko sa buhay ni Paraon na hindi kayo makaaalis dito hanggang hindi napaparito ang inyong bunsong kapatid. 16 Isa sa inyo ang aalis para sunduin ang inyong kapatid at ibi¬bilanggo naman ang iba. Kaya mala¬laman ko kung nagsa¬sabi nga kayo ng totoo. At kung hindi, mga espiya nga kayo.” 17 Kaya tatlong araw niyang ipina¬bilanggo ang lahat.
18 Sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlong araw: “Tutulungan ko kayong iligtas ang inyong sarili sapagkat may takot ako sa Diyos. 19 Kung mga tapat nga kayo, ma¬iwang bilanggo ang isa sa in¬yong mag¬kakapatid sa bahay ng guwardiya na ti¬nutuluyan ninyo nga¬yon at iuwi ninyo ang trigong kailangan ng inyong pa¬milya. 20 Ngunit kaila¬ngang dalhin ninyo sa akin ang inyong bunsong kapatid para mapa¬tunayan ko ang inyong sinabi at maligtas ang inyong buhay.” Gayon nga ang kani¬lang gina¬wa, 21 at sinabi nila sa isa’t isa: “Parusa ito dahil sa ginawa natin sa ating kapatid. Nakita natin ang kan¬yang pag¬hihirap at narinig ang kan-yang pagmamakaawa pero hindi natin siya pinag¬big¬yan. Kaya dumating sa atin ang pag¬hi¬hirap na ito.” 22 Sinabi sa kanila ni Ruben: “Sabi ko na nga ba’t huwag gawan ng ma-sama ang bata! Pero ayaw ninyong ma¬kinig, kaya pinagbabayaran tuloy na¬tin nga¬yon ang kanyang pagkamatay.”
23 Hindi nila alam na naiintindihan sila ni Jose sapagkat mayroon pa itong interpreter. 24 Kaya umalis muna si Jose at umi¬yak. Nang magbalik ito, kina¬usap sila nito at ipinakuha si Simeon at ipinagapos sa harap nila.
25 Ipinag-utos ni Jose na punuin ng trigo ang kanilang mga sako at ipinabalik sa sako ng bawat isa ang kanilang salapi at pinabigyan ang bawat isa ng pagkain para sa paglalakbay. Matapos gawin ito, 26 ikinarga nila ang trigo sa kanilang mga asno at lumakad na sila. 27 Ngunit kinaga-bihan, sa lugar na kani¬lang tinigilan, nang buksan ng isa sa kanila ang kanyang sako para pakainin ang kanyang asno, nakita niya ang kan¬yang pilak na nakapaibabaw sa mga trigo sa bungad ng sako. 28 Kaya sinabi niya sa kanyang mga kapatid: “Ibinalik ang aking salapi, narito sa aking sako!” Nabigla sila at nangatal at sinabing “Ano itong ginawa sa atin ng Diyos?”
29 Pagkauwi nila sa kanilang amang si Jacob sa lupain ng Kanaan, isina¬laysay nila ang lahat ng nangyari sa kanila:
30 “Naging mabalasik sa amin ang lalaking panginoon sa lupaing iyon at itinuring kaming mga espiya 31 pero sinabi naming – Mabuting tao kami at hindi mga espiya. 32 Labindalawa ka¬ming magka¬kapatid, anak ng iisang ama. Wala na ang isa at kasama naman ng aming ama sa lupain ng Kanaan ang pinakabunso. 33 At sinabi ng panginoon ng lupain – Malalaman ko kung nagsasabi nga kayo ng totoo sa pama¬magitan nito: iwan ninyo rito ang isa sa inyong mga kapatid, kumuha kayo ng kaila¬ngan ng inyong mga sambahayan at lumakad, 34 pero dalhin n’yo sa akin ang inyong bunsong kapatid para masiguro kong hindi nga kayo mga espiya kundi mabubuting tao. At palalayain ko ang inyong kapatid at maaari na kayong makipag¬kalakalan sa lupain.”

35 Nang isalin nila ang mga sako, na¬kita ng bawat isa ang kanilang sisidlan ng salapi na nasa sako. Natakot sila pati ang kanilang ama nang makita nila ito. 36 Si¬nabi ng kanilang amang si Ja¬cob: “Ini¬lalayo ninyo sa akin ang aking mga anak. Wala na si Jose, wala na rin si Simeon at ngayo’y kukunin pa rin ninyo sa akin si Benjamin! At papa¬sa¬nin ko ang lahat ng ito!” 37 Ngunit sinabi ni Ruben sa kanyang ama: “Patayin na ninyo ang dalawa kong anak kung hindi ko maiba¬balik sa inyo si Benjamin. Ipag-katiwala ninyo siya sa akin at iba¬balik ko siya.” 38 Ngunit sinabi ni Jacob: “Hindi sasama sa inyo ang aking anak, patay na ang kanyang kapatid at siya na lamang ang naiiwan sa akin. Kung may masamang mang¬yari sa kanya sa daan, mamamatay ako sa lungkot sa aking katandaan.”
Pangalawang pagpunta sa Ehipto
43 1 Palubha pa rin nang palubha ang kakulangan ng pagkain sa lupain. 2 At nang maubos na nila ang trigong uwi nila mula sa Ehipto, sinabi sa kanila ng kanilang ama: “Bumalik kayo at ibili kami ng kaunting maka¬kain.” 3 Ngunit sinabi ni Juda: “Mahig¬pit ang babala sa amin ng lalaki na kaila¬ngang isama namin ang aming kapatid. 4 Kung pasasamahin ninyo sa amin ang aming kapatid, babalik kami para ibili kayo ng pagkain, 5 ngunit kung hindi’y hindi kami babalik sapagkat sinabi ng lalaki na – Hindi kayo makahaharap sa akin kung hindi ninyo kasama ang inyong kapatid.” 6 Kaya sinabi ni Israel: “Bakit ninyo ako binigyan ng gani¬tong proble¬ma sa pagsasabi sa lalaki na may isa pa ka¬yong kapatid?” 7 At suma¬got sila: “Ma¬ingat kaming inimbestiga ng lalaki at tinanong tungkol sa aming sarili at mga kaanak – Buhay pa ba ang inyong ama? May iba pa ba kayong kapatid? – at sinagot lamang namin ang kanyang mga tanong. Alam ba naming iuutos niyang dalhin sa kanya ang aming ka¬patid?”
8 At sinabi ni Juda sa kanyang amang si Jacob: “Pasamahin ninyo sa akin ang bata, at nang makalakad kami agad upang kami, kayo at ang aming mga anak ay mabuhay at hindi mamatay. 9 Pana¬nagutan ko ang kan¬yang kaligtasan. Ka¬pag hindi ko siya naibalik at naiharap sa inyo rito, tatanggapin ko ang bigat ng ka¬salanan habang pana¬hon. 10 Kung hindi tayo nagbantulot nang napakatagal, dala¬wang ulit na sana ka¬ming nakapunta roon at nakabalik dito.” 11 Sinabi naman sa kanila ni Israel na kanilang ama: “Kung kailangang mang¬yari ang gayon, ganito ang inyong ga¬win: magdala kayo sa in¬yong mga sako ng mga piling produkto ng lupain at iregalo sa lalaki – kaunting bal¬samo at pulot-pukyutan, almond at pistachio. 12 At doblehin ninyo ang dalang pera dahil dapat ninyong isauli ang sala¬ping nakita ninyo sa inyong mga sako; baka nagkamali lamang sila.
13 Isama ninyo ang inyong kapatid at bumalik kayo sa lalaki. 14 Loobin nawa ng Diyos ng Kataas-taasan na kahaba-gan kayo ng lalaki para pauwiin niyang ka¬sama ninyo ang isa pa ninyong ka¬pa¬tid at si Benjamin. At tungkol sa aking sa¬rili, kung dapat akong ma¬wa¬lan ng mga anak, sige, mawalan ako ng mga ito.”
15 Kinuha ng magkakapatid ang mga regalo at dinoble ang dalang pera. At isinama nila si Benjamin at lumakad pa-puntang Ehipto at humarap kay Jose. 16 Nang makita ni Jose na kasa¬ma na nila si Benjamin, sinabi niya sa kanyang mayordomo: “Dalhin mo ang mga taong ito sa bahay ko. Magkatay ng hayop at mag¬handa ng pagkain, sapag¬kat makikisalo sa akin sa tang¬ha¬lian ang mga taong ito.”
17 Ginawa ng mayordomo ang ini¬utos ni Jose at dinala ang magka¬kapatid sa bahay ni Jose. 18 Natakot ang magka¬kapatid nang dalhin sila sa bahay ni Jose at nag-usap-usap sila: “Dinala ta¬yo rito dahil sa perang isina¬uli sa ating mga sako nang pumarito tayo noon. Ibig niyang makaganti at malupig tayo upang gawin tayong alipin at agawin ang ating mga asno.” 19 Kaya nilapitan nila ang mayordomo ni Jose at kinausap iyon sa may pin¬tuan ng bahay: 20 “Ipagpatawad ninyo, ginoo, pumarito kami noon para bumili ng trigo, 21 ngu¬nit nang maka¬rating kami sa isang ma¬tutuluyan, binuksan namin ang aming mga sako at nakita namin sa bungad ng sako ang perang bawat isa sa amin na hindi naga¬galaw. Dala namin iyon ngayon para ibalik 22 at may dala pa rin kami para bumili pa ng pagkain. Hindi namin alam kung sino ang naglagay ng salapi sa aming mga sako.” 23 Si¬nabi ng mayor¬domo: “Huwag ka¬yong mabahala, huwag kayong mata¬kot. Ang in¬yong Diyos, ang Diyos ng inyong ama ang naglagay ng kaya¬manan sa inyong mga sako. Natanggap ko ang inyong salapi.” At iniharap niya sa kanila si Simeon.
24 Pinapasok ng mayordomo ang mag¬¬¬¬ka¬kapatid sa bahay ni Jose, binig¬yan sila ng tubig para mahugasan ang kanilang mga paa at ng damo para sa kanilang mga asno. 25 Inihanda nila ang kanilang regalo at hinintay ang pagda¬ting ni Jose sa katanghalian sapagkat nalaman nilang doon sila mananang¬halian. 26 Nang du¬mating si Jose sa ba¬hay, inihandog nila ang mga regalong dala nila at yumuko sa lupa. 27 Kinu¬musta sila ni Jose at sinabi: “Mabuti ba ang lagay ng matanda nin¬yong ama na ibinalita ninyo noon? Buhay pa ba siya?” 28 At sumagot sila: “Mabuti naman ang inyong lingkod, ang aming ama, at bu¬hay pa.” At yumuko sila sa lupa.
29 Tumunghay siya at nakita ang kan¬yang kapatid na si Benjamin na anak ng kanyang ina, at sinabi: “Ito ba ang in¬yong bunsong kapatid na ibina¬lita nin¬yo noon sa akin?” At kanyang idi¬nugtong: “Pag¬palain ka ng Diyos, anak ko.” 30 Gayon na lamang ang naging damdamin ni Jose nang makita ang kan¬yang kapatid kaya mabilis siyang lumabas at umiyak sa kanyang silid. 31 Matapos siyang maghi¬lamos at mu¬ling lumabas, na sinusupil ang dam¬damin, sinabi niya: “Ihain na ang tang¬ha¬lian.” 32 Ipinaghaing bukod si Jose, ga¬yun¬din ang magkakapatid at naka¬bu¬kod din ang mga Ehipsiyo sapagkat hindi maaaring sumalo ang mga Ehipsiyo sa mga Hebreo – isang malaking kahihiyan ang gayon sa mga Ehipsiyo.
33 Pinaupo ang magkakapatid na ka¬harap ni Jose ayon sa kanilang edad, mula sa pinakapanganay hanggang pinakabunso. At nagkatinginan sila nang buong pagtataka. 34 Nang ihain kay Jose ang lahat ng pagkain, ikinuha niya ang kanyang mga kapatid at ipinasilbi ito sa kanila. At limang ibayo ang dami ng ibinigay kay Benjamin kaysa kanyang mga kapatid. At nakipag-inuman sila sa kanya at nagsaya.
Ang kopa ni Jose sa sako ni Benjamin
44 1 At nag-utos si Jose sa kan¬yang mayordomo: “Punuin mo ng pag¬kain ang mga sako nila, hang¬gang ma-kakaya nila. At ilagay mo ang pe¬ra ng bawat isa sa bungad ng sako, 2 at ilagay mo naman ang aking kopang pilak kasama ng perang para sa kanyang trigo sa sako ng pinakabunso.” Si¬nu¬nod ng mayordomo ang sinabi ni Jose.
3 Nang nagliliwanag na kinaumaga¬han, pinalakad na ang magkakapatid, kasama ang kanilang mga asno. 4 Hindi pa sila nakalalayo sa siyudad nang sa¬bi¬¬hin ni Jose sa kanyang mayordomo: “Habulin mo agad ang mga lalaking iyon, at sabihin mo sa kanila pag ina¬butan mo na sila – Bakit ninyo ginan¬tihan ng masama ang mabuti? 5 Hindi ba ito ang iniinuman ng aking amo at ginagamit sa panghuhula? Masama ang inyong ginawa!” 6 Nang abutan sila ng mayordomo, inulit nga niya ang mga kata¬gang ito.
7 At sinabi ng magkakapatid: “Bakit naman ganyan magsalita ang aking panginoon? Kailanma’y hindi magagawa ng inyong mga lingkod ang gayon. 8 Isi¬nauli pa nga namin mula sa lupain ng Kanaan ang perang nakuha namin sa aming mga sako. Kaya bakit kami magnanakaw ngayon ng pilak o ginto sa ba¬hay ng inyong panginoon? 9 Kung makita ninyo sa isa sa inyong mga alipin ang sinasabi ninyo, dapat siyang ma¬matay at kami nama’y magiging alipin ng inyong panginoon.” 10 Sinabi ng mayordomo: “Sige, ayon sa sabi ninyo, magi¬ging alipin ko ang sinumang kakitaan ng kopa at makakalaya na ang iba.” 11 Ibina¬ba ng ba¬wat isa ang kanyang sako sa lupa at bi¬nuksan iyon. 12 Nagsaliksik ang ma¬yor¬domo mula sa panganay at nagtapos sa pinakabunso. At natagpuan ang kopa sa sako ni Ben¬jamin. 13 Kaya winarak ng mag¬ka¬kapatid ang kani¬lang mga damit at muling ikinarga ang mga sako sa mga asno, at bumalik sa lunsod.
14 Nasa bahay pa si Jose nang ma¬ka¬balik si Juda at ang kanyang mga ka¬patid at nagpatirapa sa harap niya. 15 Si¬nabi ni Jose sa kanila: “Ano ang inyong ginawa? Hindi ba ninyo alam na may kakayahang manghula ang isang tulad ko?” 16 At sinabi naman ni Juda: “Ano ang masasabi na¬min sa aking pa¬ngi¬noon? Paano namin mapatutunayan ang aming kawalang-sala? Ang Diyos ang naglantad sa aming pagka¬kasala: mga alipin na kami ngayon ng aming panginoon, kami at ang kin¬a¬tag¬puan ng kopa.” 17 Ngunit sinabi ni Jose: “Hindi ko magagawa iyon. Kung sino lamang ang kinatagpuan ng kopa ang siya kong magiging alipin. At maka¬babalik nang mapayapa ang lahat sa inyo sa inyong ama.”
18 Lumapit si Juda kay Jose at sinabi: “Panginoon ko, hayaan ninyong maka¬pag¬salita ang inyong lingkod. Huwag sana kayong magalit bagamat kapantay kayo ni Paraon. 19 Nang tanungin ninyo, panginoon ko, ang inyong mga lingkod kung – May ama pa ba kayo o kapatid na lalaki? – 20 sinabi naming – May ama kaming matanda na na may anak na ba¬tang lalaki sa kanyang katandaan. Patay na ang kapatid na lalaki niyon at siya na lamang ang naiwang anak ng kanyang ina. At mahal na ma¬hal siya ng kanyang ama. 21 At sinabi ninyo sa amin – Isama ninyo siya rito para makita ko. 22 Sinabi naman namin sa aming pangi¬noon na hindi maaaring iwan ng batang lalaki ang kanyang ama sapagkat kung iiwan niya iyon, mamamatay ang kan¬yang ama.
23 At sinabi ninyo na kung hindi namin ma¬isa¬sama ang aming bunsong kapatid, hindi kami makahaharap sa inyo. 24 Sinabi namin ang lahat ng ito sa aming ama pag-uwi namin. 25 Kayat nang sabihin niyang bumalik kami rito at bumili ng kaunting pagkain, 26 sinabi namin – Hindi kami makapupuntang muli roon kung hindi ninyo pasa¬samahin ang aming bunsong kapa¬tid. Hindi kami haharapin ng lalaking iyon ma¬libang kasama namin ang aming kapatid. 27 At sinabi ng aming ama – Alam ninyong binig¬yan ako ng dalawang anak ng aking asawa. 28 Na¬wala na ang isa at tiyak na nagkaluray-luray siya at hindi ko na nakita pang muli. 29 Kung ilalayo ninyo pa sa akin ang isang ito at may mangyari sa kanya, mamamatay ako sa lungkot sa aking katandaan.
30 Ngayon, hindi ako makababalik sa aking ama na hindi kasama ang bata sapagkat mahal na mahal siya ng aking ama. 31 Ikamamatay niya ang makitang wala ang bata, mamamatay siya sa lungkot sa kanyang katandaan.
32 Ako ang nanagot sa kaligtasan ng bata sa harap ng aking ama, sinabi kong – Kung hindi siya maibabalik, ama ko, ako ang may kasalanan sa habang panahon. 33 Kaya payagan nin¬yong ako na ang ma¬natili bilang alipin kapalit ng bata at pa¬samahin siya sa kan¬yang mga kapatid. 34 Paano pa akong makauuwi sa aming ama kung hindi rin lang kasama ang bata? Ayaw kong makita ang paghihirap ng aking ama!”
Nagpakilala si Jose
45 1 Hindi na mapigil ni Jose ang kanyang damdamin sa harap ng lahat niyang tauhan at iniutos niyang “Iwan ninyo ako, lahat kayo!” kayat wa¬lang sinuman ang naroon nang magpa¬kilala si Jose sa kanyang mga kapatid. 2 Napakalakas ng kan¬yang iyak kaya narinig ito ng mga Ehipsiyo at kumalat ang balita sa buong sambahayan ni Pa-raon.
3 Sinabi ni Jose sa kanyang mga ka¬patid: “Ako si Jose. Buhay pa ba ang aking ama?” Hindi nakasagot ang kan¬yang mga kapatid, lubha nga silang na¬bigla sa harap niya. 4 Sinabi ni Jose: “Lumapit kayo.” At nagsilapit sila. “Ako si Jose, ang inyong kapatid, ang ipi¬nag¬bili ninyo sa mga Ehipsiyo. 5 Huwag kayong malungkot ni sisihin ang inyong sarili. Ipinagbili nga ninyo ako pero ang Diyos ang nagsugo sa akin, una sa inyo, para bumuhay. 6 Dalawang taon nang may taggutom sa lupain at limang taon pa na hindi makapag-aararo at hindi makapag-aani. 7 Isinugo ako ng Diyos nang una sa inyo upang makatiyak na hindi malilipol ang inyong lahi sa lupa at buhayin kayo: ito ang mala¬king pagliligtas. 8 Kayat hindi kayo kundi ang Diyos ang nagdala sa akin dito, at ginawa niya akong ama kay Paraon at panginoon sa kanyang sam¬bahayan at tagapamahala ng buong Ehipto.
9 Bumalik agad kayo sa aking ama at sabihin sa kanyang – Ito ang ipina¬sasa¬bi sa inyo ni Jose na inyong anak: Gina-wa ako ng Diyos na panginoon ng buong Ehipto. Pumarito kayo agad. 10 Sa rehi¬yon ng Gosen kayo titira – malapit sa akin – kayo, ang inyong mga anak at mga apo, ang inyong mga tupa at mga baka at lahat ng inyong ari-arian. 11 Ako ang bahala sa lahat (sapagkat limang taon pang tatagal ang taggutom) at kayo at ang inyong sambahayan at lahat ng inyo ay hindi mag¬darahop. 12 Alam na ninyo ngayon at maging ng kapatid kong si Benjamin na ako nga ang nakikipag-usap sa inyo. 13 Ibalita ninyo sa aking ama ang natamo kong kapangyarihan sa Ehipto at ang lahat ng inyong nakita. Umalis na kayo agad at isama rito ang aking ama.” 14 Pag¬kasabi nito, niyakap ni Jose si Benjamin at umiyak.
15 At lumuluhang hinalikan at niyakap ang kanyang mga kapatid, at nagsimula silang makipag-usap na kay Jose. 16 Nakarating ang balita sa buong sambahayan ni Paraon na du¬mating ang mga kapatid ni Jose. Naging kasiya-siya naman ang balita kay Paraon at sa kanyang mga opisyal.
17 Sinabi ni Paraon kay Jose: “Sabihin mo ito sa iyong mga kapatid – Kargahan ninyo ang inyong mga hayop, umuwi sa lupain ng Kanaan 18 at isama pabalik dito sa akin ang inyong ama at ang inyong mga pamilya; ibibigay ko sa inyo ang pinakamabuti sa Ehipto at kakanin ninyo ang pinakamasarap na bunga ng lupa. 19 At sa ganang sarili mo naman, ipag-utos mo ito – Magdala kayo ng mga karwahe mula sa lupain ng Ehipto para sa inyong mga anak at mga asawa; sunduin ninyo ang inyong ama at bu¬malik dito! 20 Huwag ninyong panghinayangan ang mga bagay na maiiwan doon sapagkat inyo ang pinakamabuti sa buong Ehipto!”
21 Gayon nga ang ginawa ng mga anak ni Israel. Binigyan sila ni Jose ng mga karwahe gaya ng ipinag-utos ni Paraon at ng baong pag¬kain para sa paglalakbay. 22 Binigyan niya bawat isa ng tig-isang bagong damit pero para kay Ben¬jamin, tatlundaang pirasong pilak at limang bagong damit ang kanyang iniregalo. 23 Nagpadala siya sa kanyang ama ng sampung asno na may karga ng pinakamabubuting produkto ng Ehipto at sampung babaeng asno na may kargang trigo, tinapay at iba pang baon para sa paglalakbay ng kanyang ama. 24 Pina¬alis na ni Jose ang kanyang mga kapatid at pi-nagsabihang “Huwag kayong mag-aaway sa daan.”
25 Umuwi sila mula sa Ehipto at bumalik sa kanilang amang si Jacob sa Kanaan. 26 Sinabi nilang “Buhay pa si Jose at siya ang panginoon ng buong Ehipto!” Hindi kumibo si Jacob sapagkat hindi siya naniniwala. 27 Ngunit sinabi ng magkakapatid ang lahat ng sinabi ni Jose. At nang makita ni Jacob ang mga karwaheng padala ni Jose para sakyan ng ama, muli siyang nabuhayan ng loob 28 at sinabi ni Israel: “Tama na sa akin ang malamang buhay ang anak kong si Jose. Lalakad ako para makita siya bago ako mamatay.”
Bumaba sa Ehipto si Jacob
46 • 1 Umalis si Israel na dala ang laha ni¬ yang ari-arian. Pagdating niya sa Ber¬seba, nag-alay siya ng mga handog sa Diyos ng kanyang amang si Isaac. 2 Sinabi ng Diyos kay Israel sa isang panaginip: “Jacob! Jacob!” At sumagot siya: “Narito ako.” 3 Sina¬bi sa kanya: “Ako ang Diyos, ang Diyos ng iyong ama. Hu¬wag kang matakot na lumu¬song sa Ehipto sapagkat gagawin kitang isang mala¬king bansa roon. 4 Sasa¬mahan kita sa Ehipto at ibabalik na muli rito, at mga kamay ni Jose ang magpipikit sa iyong mga mata.”
5 Umalis si Jacob sa Berseba at dinala ng mga anak ni Israel ang kanilang amang si Jacob kasama ang kanilang mga anak at mga asawa sa mga karwaheng padala ni Paraon para sunduin sila. 6 Dinala rin nila ang kanilang mga kawan at lahat ng naging ari-arian nila sa Kanaan.
7 Nagpunta nga si Jacob sa Ehipto kasama ang buo niyang angkan, ang kanyang mga anak at mga apo – ang lahat niyang anak.
8 Ito ang mga pangalan ng mga anak ng Israel na nagpunta sa Ehipto, si Jacob at ang kanyang mga anak. Si Rubeng panganay ni Jacob 9 at ang mga anak ni Ruben na sina Enoc, Falu, Hesron at Carmi.
10 Ang mga anak ni Simeon: Yamuel, Yamin, Ahod, Yuakin, Sohar at Saul na anak sa Kananea.
11 Ang mga anak ni Levi: Gerson, Kehat at Merari.
12 Ang mga anak ni Juda: Er, Onan, Sela, Fares at Zaraj (pero namatay sa lupain ng Kanaan sina Er, Onan at Sela) Ang mga anak ni Fares: Hesron at Hamul.
13 Ang mga anak ni Isacar: Tola, Fua, Job at Sumron.
14 Ang mga anak ni Zabulon: Sared, Elon at Yahelel.
15 Ito ang mga anak ni Lea kay Jacob sa Padan-Aram bukod sa kanyang anak na baba¬eng si Dina. Tatlumpu’t tatlong lahat ang kanyang mga anak na babae at lalaki.
16 Ang mga anak ni Gad: Sefion, Haggi, Suni, Esebon, Heri, Arodi at Areli.
17 Ang mga anak ni Aser: Yamne, Yesua, Yesui, Beria at ang kanilang kapatid na babaeng si Sara. Ang mga anak ni Beria: Hebel at Malquiel. 18 Ito ang mga anak kay Jacob ni Zelfang bigay ni Laban sa kanyang anak na si Lea – labing-anim na lahat.
19 Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Ja¬-cob: Jose at Benjamin. 20 Naging anak ni Jose sa Ehipto sina Manases at Efraim na ipinanganak ni Asenat na anak ni Putiferang pari ni On.
21 Ang mga anak ni Benjamin: Bela, Beher, Asbel, Gera, Naaman, Equi, Ros, Mofin, Ofin at Ared. 22 Ito ang mga anak ni Raquel kay Jacob – labing-apat na lahat.
23 Ang anak ni Dan: Husim.
24 Ang mga anak ni Neftali: Yasiel, Guni, Yeze at Sallem.
25 Ito ang mga anak ni Jacob kay Bilang bigay ni Laban kay Raquel na kanyang anak – pitong lahat.
26 Animnapu’t anim ang bilang ng mga taong kasama ni Jacob na pumunta sa Ehipto, lahat ng kanyang kadugo, hindi pa kabilang ang mga asawa ng kanyang mga anak. 27 Kasama ang dalawang anak ni Jose sa Ehipto, pitumpung lahat ang kabuuang bilang ng sambahayan ni Jacob na pumunta sa Ehipto.
Pagkikita nina Jacob at Jose
28 Pinauna ni Jacob si Juda upang ipag¬bigay-alam kay Jose na parating na siya at malapit na sa lupain ng Gosen. 29 Ipinahanda ni Jose ang kanyang karwahe para salu¬bungin ang kanyang amang si Israel sa Gosen. Pagkakita niya sa kanya, niyakap niya ang kanyang ama at matagal na umiyak sa balikat nito. 30 Sinabi ni Israel kay Jose: “Puwede na akong mamatay ngayon sapagkat nakita ko na ang iyong mukha at nalamang buhay ka.”
31 At sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid at sa buong angkan ng kanyang ama: “Aalis ako ngayon din para ibalita kay Paraon na du¬mating na ang aking mga kapatid at ang samba¬hayan ng aking ama buhat sa lupain ng Kanaan. 32 Sa¬sabihin ko rin sa kanya na kayo ay mga pastol ng mga kawan na nag-aalaga ng mga hayop, at dinala ninyo ang inyong mga tupa at mga baka at lahat ng inyong ari-arian. 33 Kayat kapag ipinatawag kayo ni Paraon at sinabi niyang – Ano ang inyong trabaho? – 34 sa¬sa¬bihin ninyong – Sapul pagkabata hang¬gang ngayon, kami’y nagpapastol na ng mga kawan tulad ng aming mga ninuno. Kaya sa lupain ng Gosen kayo maninirahan sapagkat na¬mumuhi ang mga Ehipsiyo sa lahat ng pastol.”

47 1 Pinuntahan ni Jose si Paraon at sinabi: “Dumating na sa Gosen buhat sa lupain ng Kanaan ang aking ama at mga kapatid, ka¬sama ang kanilang mga tupa at mga baka at lahat nilang ari-arian.”
2 At pinili niya ang lima sa kanyang mga kapatid at iniharap kay Paraon. 3 Itinanong ni Paraon: “Ano ang inyong trabaho?” At suma¬got sila: “Mga pastol ang inyong mga lingkod tulad ng aming ninuno. 4 Naparito kami upang pansamantalang manirahan sa lupain sapagkat wala nang pastulan ang aming tupa dahil sa malubhang taggutom sa Kanaan. Kayat hinihiling namin na kung maaari’y patirahin ninyo kami sa lupain ng Gosen.”
5 At sinabi ni Paraon kay Jose: “Pinun¬tahan ka ng iyong ama at mga kapatid. 6 Ikaw ang panginoon ng buong lupain ng Ehipto; itira mo ang iyong ama at mga kapatid sa pinakama¬inam na lugar. Patirahin mo sila sa Gosen at kung may kilala ka sa kanila na may-kaka¬yahan, paalagaan mo sa kanila ang aking mga kawan.”
Ang mga anak ni Jacob sa Ehipto
7-8 Sinamahan ni Jose ang kanyang amang si Jacob at iniharap kay Paraon na nagtanong pagkatapos batiin ni Jacob: “Ilang taon na kayo?” 9 Sumagot si Jacob: “Isandaa’t tatlumpung taon na ang mga taon ng aking paggagala. Maikli at mahirap ang mga taon ng aking buhay, at di sindami ng sa aming mga ninuno.” 10 At binasbasan ni Jacob si Paraon at saka umalis. 11 At pinatira ni Jose ang kanyang ama at mga kapatid sa pinakamagandang lugar sa Ehipto, sa lupain ng Rameses gaya ng ipinag-utos ni Paraon.
12 Binigyan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama at mga kapatid at ang buong sambahayan ng kanyang ama batay sa bilang ng kanilang mga anak.

• 13 Naging napakatindi ng taggutom kayat nawalan ng pagkain ang buong lupain. Nasa¬lanta ang Ehipto at Kanaan dahil sa taggutom. 14 Tinipon ni Jose ang lahat ng na¬pag¬bilhan sa trigo sa mga lupain ng Ehipto at Kanaan. Dinala ni Jose ang lahat ng salapi sa bahay ni Paraon. 15 Nang maubos na ang pera ng mga tao sa Ehipto at Kanaan, lumapit ang lahat ng Ehipsiyo kay Jose at sinabing “Bigyan mo kami ng pagkain! Ba’t kami kailangang mamatay sa harap mo dahil wala na kaming pera?” 16 Sinabi naman sa kanila ni Jose: “Ibigay ninyo sa akin ang inyong mga hayop bilang bayad sa pagkain dahil wala na kayong pera.” 17 At dinala nga nila kay Jose ang kanilang mga ala¬gang hayop, at binigyan sila ni Jose ng pagkain bilang kapalit ng kanilang mga kabayo, tupa, kambing, baka, at asno. Sa gayon binigyan ni Jose ng pagkain ang mga tao nang taong iyon. 18 Nang sumunod na taon, dumating na naman sila at sinabi sa kanya: “Hindi namin maika¬kaila sa aming pa¬nginoon na ubos na ang aming pera at nasa inyo na ang aming mga alagang hayop. Wala nang naiwan sa amin kundi ang aming sarili at ang aming lupa. 19 Ba’t kami kailangang ma¬matay sa harap ninyo – kami pati na ang aming lupa? Bilhin ninyo kami at ang aming lupa bilang kapalit sa pag¬kain, at kami at ang aming mga lupa ay magi¬ging alipin ni Paraon. Bigyan ninyo kami ng trigo upang hindi kami mamatay, at huwag mapa¬bayaan ang aming lupa.”
20 At nakuhang lahat ni Jose ang lupain ng Ehipto para kay Paraon. Ipinagbili ng lahat ng Ehipsiyo ang kanilang mga lupa sapagkat labis ang kanilang paghihirap dahil sa taggutom. Naging may-ari ng buong lupain si Paraon, 21 at pinalipat ni Jose sa mga siyudad ang mga tao mula sa kanilang lupa sa buong Ehipto. 22 Ang mga lupain lamang ng mga pari ang hindi niya kinuha dahil may kautusan si Paraon para sa kanila. At nabuhay ang mga ito sa pamamagitan ng bigay ni Paraon, kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang mga lupain.
23 At sinabi ni Jose sa mga tao: “Ngayong nabili ko na kayo at ang inyong lupain para kay Paraon, narito ang binhi para ihasik sa lupa. 24 Sa panahon ng anihan, ibibigay ninyo kay Paraon ang ikalimang bahagi at maiiwan naman sa inyo ang apat na limang bahagi bilang binhi sa pag-hahasik at pagkain ninyo at ng inyong mga pa¬milya.” 25 Sinabi nila: “Sinagip ninyo ang aming buhay. Mabuti sa amin ang maging alipin ni Paraon.” 26 Kaya nagpalabas ng isang batas si Jose na umiiral hanggang ngayon – na para kay Paraon ang ikalimang bahagi ng ani. Ang lupain lamang ng mga pari ang hindi naging ari-arian ni Paraon.
27 At namuhay sa Ehipto ang Israel, sa lupain ng Gosen.
Naging may-ari sila ng lupaing ito, naging mabunga sila at dumami ang kanilang mga anak, maraming-marami. 28 Labimpitong taon si Jacob sa Ehipto. At nabuhay siya nang isan¬daa’t apatnapung taon. 29 Nang malapit na siyang mamatay, ipinatawag niya ang kanyang anak na si Jose at sinabing: “Pakilagay mo nga ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita at pa¬tunayan sa amin ang iyong katapatan at kagandahang-loob na hindi mo ako ililibing sa Ehipto. 30 Ngunit sa paghimlay ko sa piling ng aking mga ninuno, ilabas mo ako sa Ehipto at ilibing sa kanilang libingan.” Sinabi ni Jose: “Gagawin ko ang inyong bilin.” 31 Iginiit ni Ja¬cob: “Sumumpa ka!” Sumumpa nga si Jose ha¬bang suma¬samba naman si Israel na naka¬yuko sa kanyang higaan.
Inampon ni Jacob ang mga anak ni Jose
48 • 1 Pagkalipas ng ilang panahon, pina¬sabihan si Jose na malubha ang kanyang ama. Isinama niya ang dalawa niyang anak na sina Manases at Efraim. 2 At sinabi nila kay Jacob na dumating na ang kanyang anak na si Jose. At ubos-lakas na pinilit ni Israel na maupo sa kanyang higaan.
3 At sinabi niya kay Jose: “Napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Kanaan ang Diyos ng Ka¬taas-taasan at pinagpala ako 4 sa pagsasabing – Gagawin kitang mabunga at pararamihin. Gagawin kitang isang pagtitipon ng mga bansa, at ibibigay ko ang lupaing ito sa iyo at sa iyong mga inapo bilang panghabang-panahong ari-arian. 5 Mula ngayon, akin na ang dalawa mong anak na isinilang sa Ehipto bago ako dumating dito. Magiging akin sina Manases at Efraim kung paanong akin sina Ruben at Simeon. 6 Subalit magiging iyo naman ang mga anak na isisilang kasunod nila, at makikilala sa panga¬lang Manases at Efraim ang lupaing ma¬ma¬nahin nila. 7 Nang pabalik na ako sa Padan, namatay si Raquel sa lupain ng Kanaan nang malapit na kami sa Efrata. At inilibing ko siya roon sa tabing-daang patungong Efrata (na Betlehem din).”
8 Nang makita ni Israel ang mga anak na lalaki ni Jose, sinabi niya: “Sino ang mga ito?” 9 Sinabi ni Jose sa kanyang ama: “Sila ang mga anak na ibinigay sa akin dito ng Diyos.” Sinabi ni Jacob: “Ilapit mo sila sa akin at babasbasan ko sila.” 10 Malabo na ang mga mata ni Israel dahil sa katandaan at hindi na siya makakita. Nang ilapit ni Jose kay Jacob ang kanyang mga anak, hinalikan niya ang mga ito at niyakap, 11 at sinabi kay Jose: “Hindi ko na inaasahang ma¬kikita pa kitang muli at ngayo’y ipinahintulot pa ng Diyos na makita ko pati ang iyong mga anak!” 12 Kinuha ni Jose ang mga bata mula sa mga tuhod ni Israel at yumuko naman siya na abot sa lupa ang mukha. 13 Inilapit ni Jose ang dalawa, hawak ng kanang kamay si Efraim sa kaliwa ni Israel, at si Manases ng kanyang kaliwang kamay sa kanan ni Israel. 14 Iniunat ni Israel ang kanyang kanang kamay at ipinatong sa ulo ni Efraim bagamat ito ang bunso, at ipinatong naman ang kaliwang kamay sa ulo ni Manases bagamat si Manases ang panganay.
15 At binasbasan niya si Jose at sinabi: “Ang Diyos nawang pinaglingkuran ng aking mga ninunong sina Abraham at Isaac, ang Diyos na aking Pastol mula nang ako’y isilang, 16 ang Anghel na nagligtas sa akin sa lahat ng masama – pagpalain nawa niya ang mga batang ito. Maalaala nawa sa pama¬magitan nila ang aking pangalan at ang pangalan ng aking mga ninu¬nong sina Abraham at Isaac. At dumami nawa sila sa lupain!” 17 Hindi nasiyahan si Jose nang ma¬kita niyang ipinatong ng kanyang ama ang kanang kamay sa ulo ni Efraim. Kaya hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama, inalis sa ulo ni Efraim at ipinatong sa ulo ni Manases 18 at sinabing “Hindi, Ama, sapagkat ang isang ito ang panganay. Ipatong ninyo ang inyong kanang kamay sa ulo niya.” 19 Ngunit tumanggi ang kanyang ama at sinabi: “Alam ko, anak ko, alam ko. Siya man ay magiging bayan din, ma-giging malaki rin siya pero mas malaki kaysa kanya ang kanyang bunsong kapatid at magi¬ging maraming bansa ang lahi nito.” 20 Binasbasan niya sila nang araw na iyon sa mga ka¬tagang ito: “Gagamitin ng Israel ang iyong pangalan sa pagbabasbas sa pagsasabing – Loobin nawa ng Diyos na ikaw ay matulad kina Efraim at Manases!”
Ngunit iniuna niya si Efraim kay Manases. 21 At sinabi ni Israel kay Jose: “Malapit na akong mamatay, pero sasainyo ang Diyos at ibabalik niya kayo sa lupain ng inyong mga ninuno. 22 At sa iyo, sa iyo ko mismo ibini¬bigay, higit sa iyong mga kapatid, ang burol na nalupig ko sa mga Amorreo sa pama¬magitan ng aking tabak at pana.”
Ang pagbabasbas ni Jacob
49 • 1 At tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi:
“Lumapit kayo nang masabi ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa mga darating na araw. 2 Magtipon kayo, mga anak ni Jacob at paking¬gan ang inyong amang si Israel!
3 Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking lakas at ang unang bunga ng aking pag¬ka¬lalaki, masyadong mayabang at masyadong mapu¬sok!
4 Bagamat gaya ka ng mga uban sa dagat, hindi ka na mangunguna
sapagkat pinanhik mo ang higaan ng iyong ama,
ang aking higaan at dinungisan ang puri.
5 Magkapatid sina Simeon at Levi,
sandata ng karahasan ang kanilang tabak.
6 Hindi ako makikiisa sa kanilang usapan!
Puso ko’y lalaging malayo sa kanila,
pagkat pumatay sila sa kanilang galit
at pinutol ang paa ng mga toro sa kanilang poot.
7 Sumpain ang kanilang galit, kay tindi!
Sumpain ang kanilang poot, kay lupit!
Hahatiin ko sila kay Jacob
at pangangalatin ko sila sa Israel.
8 Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid!
Hahawakan mo sa leeg ang mga kaaway,
at yuyuko naman sa iyo ang mga anak ng iyong ama.
9 Tulad ka sa batang leon, O Juda!
Mula sa paninila, anak ko, ikaw ay umuwi.
Tulad ng leon, nakaupo at nag-aabang;
tulad ng babaeng leon –
sino ang mangangahas lumapit sa kanya?
10 Setro ay di aagawin kay Juda
ni baston ng kapangyarihan sa gitna ng kan¬yang mga hita
hanggang dumating ang tunay na may-ari nito
na dapat sundin ng mga bansa.
11 Sa puno ng ubas niya itatali ang bisiro ng kanyang asno,
ang kanyang bisiro sa pinakapiling sanga.
Lalabhan niya sa alak ang kanyang damit,
ang kanyang damit sa dugo ng ubas.
12 Pinapula ng alak ang kanyang mga mata,
pinaputi ng gatas ang kanyang mga ngipin.
13 Sa baybay-dagat maninirahan si Zabulon!
Kanlungan siya ng mga sasakyang-dagat
at aabot sa Sidon ang kanyang saklaw.
14 Isang malakas na asno si Isacar,
pahiga-higa sa gitna ng mga kawan.
15 Makita lamang niyang kay sarap ng kanyang pahingahan
at kay ganda ng kanyang lupa,
balikat niya’y agad iniyuyuko sa pasanin
at tinatanggap pamatok ng pagkaalipin.
16 Hahatulan ni Dan ang kanyang bayan
bilang tribu ng Israel.
17 Si Dan ay ahas sa daan,
isang ulupong sa daraanan
na tutuklaw sa sakong ng kabayo
hanggang sakay ay mahulog!
18 Sa iyong pagliligtas ako umaasa, O Yawe!
19 Lulusubin si Gad ng mga tulisan,
ngunit sila’y lulusubin niya sa kanilang liku¬ran.
20 Masarap ang pagkain ni Aser,
ihahanda niya’y pagkain ng hari!
21 Si Neftali’y inahing usang nakaalpas,
kasama ang magaganda niyang mga anak.
22 Si Jose ay mabungang puno ng ubas,
mabungang puno sa tabi ng bukal
na ang mga sanga’y gumagapang sa pader.
23 Nilusob siya ng mga may pana sa kamay,
tinudla siya at kanilang tinugis,
24 ngunit hindi nababali ang kanyang pana –
mahusay pa rin ang kanyang mga kamay
dahil sa Lakas ni Jacob,
dahil sa Ngalan ng Pastol at Bato ng Israel,
25 dahil sa Diyos ng iyong ama na sa ’yo’y tumutulong,
dahil sa Kataas-taasan na sa ’yo’y nagpapala:
mga pagpapala ng langit sa kaitaasan,
mga pagpapala ng kailalim-ilaliman,
mga pagpapala ng dibdib at sinapu¬punan!
26 Higit na dakila ang mga pagpapala ng iyong ama
kaysa pagpapala ng matatandang kabundukan,
kaysa yaman ng panghabang-panahong ka¬burulan.
Igawad ang lahat ng ito sa ulo ni Jose,
ang ibinukod sa kanyang mga kapatid.
27 Si Benjamin ay asong-gubat na nanla¬lapa,
sa umaga’y nilalapa ang kanyang nahuli
at kinahapuna’y hinahati ang mga na¬sam¬¬sam!”
Pagkamatay at paglilibing kay Jacob
28 Ito ang labindalawang tribu ng Israel at ito ang sinabi ng kanilang ama nang bas¬basan sila sa pagbibigay sa bawat isa ng pag¬papa¬lang tangi at angkop sa kanya. 29 At pagkatapos, ibinigay niya ang mga tagu¬biling ito: “Malapit na akong yumao sa aking mga ni¬nuno! Ilibing ninyo ako sa tabi ng aking mga ninuno, sa yungib sa lupa ni Efrong Heteo, 30 sa yungib sa lupa ng Mak¬pela sa dakong silangan ng Mambre sa Kanaan, sa lupang binili ni Abraham kay Efrong Heteo bilang libingan. 31 Doon inili¬bing si Abraham at si Sarang asawa niya. Doon din inilibing si Isaac at si Rebecang asawa niya. At doon ko rin inilibing si Lea. 32 Ang lupa at ang yungib doon ay binili sa mga Heteo.”
33 Matapos ibigay ni Jacob ang mga tagubi¬ling ito sa kanyang mga anak, iniunat niya ang kanyang mga paa sa higaan, nalagutan siya ng hininga at yumao sa kanyang mga ninuno.

50 1 Niyakap ni Jose ang kanyang ama, umiyak at hinalikan ito. 2 At gaya ng ini¬utos ni Jose sa kanyang mga ¬mang¬¬¬¬-gagamot, inimbalsamo nila ang kanyang amang si Israel. 3 Tumagal ito nang apat¬napung araw, ang pana¬hong kaila¬ngan sa pag-eembalsamo. Pitumpung araw na nag¬luksa ang mga Ehipsiyo.
4 Pagkatapos ng panahon ng pagluluksa, kinausap ni Jose ang sambahayan ni Paraon: “Kung gusto ninyong magmagandang-loob sa akin, pakisabi kay Paraon na 5 saman¬talang naghihingalo ang aking ama, pina¬sumpa niya akong ililibing ko siya sa libi¬ngang inihanda niya sa Kanaan. Ipa¬kiusap ninyo sa kanya na payagan akong makaalis para ilibing ang aking ama. Babalik ako.” 6 Ipinasabi naman ni Para¬on: “Umalis ka at ilibing ang iyong ama ayon sa ipinapangako niya sa iyo.”
7 Umahon si Jose para ilibing ang kan¬yang ama at sinamahan siya ng lahat ng opisyal ni Paraon, ng mga matatanda sa sambahayan nito at lahat ng matatanda ng Ehipto 8 pati ang buong sambahayan ni Jose, at ang kanyang mga ka¬patid at ang sambahayan ng kanyang ama. Ang kanilang mga anak lamang at mga tupa at mga baka ang naiwan sa lupain ng Gosen. 9 Uma¬hong kasama niya ang mga karwahe at mga mangangabayo. Napakalaking pulutong!
10 Pagdating nila sa giikan ng Atad, sa kabilang-ibayo ng Jordan, tumangis sila nang ma¬lakas, at pitong araw na ipinagluksa roon ni Jose ang kanyang ama. 11 Nang makita ng mga Ka¬naneo ang ganitong pagluluksa sa giikan ng Atad, kanilang sinabi: “Ito ang pagluluksa ng mga Ehipsiyo.” Kaya tinawag na Abel Misraim ang lugar na iyon sa kabilang-ibayo ng Jordan. 12 Tinupad ng mga anak ni Jacob ang kanyang iniutos. 13 Dinala nila siya sa lupain ng Kanaan at inilibing sa yungib sa lupa ng Makpela na malapit sa Mambre – na binili ni Abraham kay Efrong Heteo bilang libingan.
14 Pagkalibing ni Jose sa kanyang ama, bu¬malik siya sa Ehipto kasama ang kanyang mga kapatid at lahat ng nakipaglibing sa kanya.
Mga huling taon ni Jose
• 15 Dahil patay na ang kanilang ama, nag-usap-usap ang mga kapatid ni Jose: “Paano ngayon kung may sama pa ng loob sa atin si Jose at gantihan tayo sa masamang ginawa na¬tin sa kanya?” 16 Kaya nagpasabi sila kay Jose: “Bago mamatay ang iyong ama, sinabi niya sa amin 17 na sabihin ito sa iyo – Utang na loob, patawarin mo na ang krimen at kasalanan ng iyong mga kapatid sa paggawa nila sa iyo ng masama. Patawarin mo na ang krimen ng mga lingkod ng Diyos ng iyong ama.” Umiyak si Jose nang ma¬tang¬gap ang mensaheng ito. 18 Pi¬nuntahan siya ng kanyang mga kapatid at dumapa sa harap niya. Sinabi nila: “Mga alipin mo kami.” 19 Ngunit sinabi sa kanila ni Jose: “Hu¬wag kayong matakot. Ako ba ang nasa lugar ng Diyos? 20 Binalak ninyo akong gawan ng masama, ngunit binalak naman ng Diyos na maging mabuti ito upang isaka¬tuparan ang nagaganap ngayon – ang iligtas ang maraming tao. 21 Kaya huwag kayong matakot! Ako ang magpapakain sa inyo at sa inyong mga anak.” At inaliw nga niya sila at kinausap nang puso sa puso.
22 Nanatili sa Ehipto si Jose kasama ang buong sambahayan ng kanyang ama. Nabuhay siya nang isandaa’t sampung taon, 23 at nakita niya ang mga apo sa tuhod ni Efraim. At na¬ilagay din sa kanyang mga tuhod ang mga anak ni Makir na anak ni Manases pagkapa¬nga¬nak sa mga iyon.
24 At sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid: “Mamamatay na ako, pero tiyak na aalalahanin kayo ng Diyos at dadalhin kayo mula sa lupaing ito papunta sa lupaing ipinangako niya kina Abraham, Isaac at Jacob.” 25 At pinasumpa ni Jose ang mga anak ng Israel sa pagsasabing “Sa pagdalaw ng Diyos sa inyo para ilabas kayo mula rito, dalhin ninyo ang aking mga buto.” 26 Isan¬daa’t sampung taon si Jose nang mamatay; inimbalsamo nila siya at inilagay sa isang ataul sa Ehipto.Unknownnoreply@blogger.com5